By: Migs
Blog:
miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail:
miguisalvador@yahoo.com
[06]
Patihaya
akong nakahiga sa aking kama, nakatitig sa kisame, may tatlong oras na ata
akong ganito, ramdam ko ring gising pa si Jepoy pero di lang ito nagsasalita at
gumagalaw. Patagilid akong humarap dito, inalog ko siya, humarap naman ito
sakin.
“Bakit
di ka pa natutulog?” tanong ko dito.
“Eh
iniintay kitang makatulog eh.” sabi nito, nangunot ulit ang noo ko.
“Bakit?”
tanong ko dito.
“Baka
kasi mapasarap nanaman ako ng tulog at maghihilik eh.” natatawang sabi nito,
napatawa nadin ako, binuksan ko ang ilaw sa aking side table.
“Pano
kung di pala ako makatulog, edi puyat karin?” tanong ko dito. Natawa ito.
“Totoo
niyan di rin ako makatulog eh.” sabi nito.
“Bakit?”
tanong ko dito. Umiling lang ito tila ba nahihiya na magsabi.
“Sus!
Nahiya pa.” sabi ko.
Tumahimik
ito at tumitig sakin. May hindi maintindihang emosyon akong nakikita sa
kaniyang mukha.
“Anong
nangyari? Nagaway ba kayo ni Jana?” tanong ko dito, umiling lang ito.
“Iniisip
ko kasi kung makikipaghiwalay ako kay Jana eh.” sabi nito, tinuktukan ko naman
ito.
“Para
minsang awayan lang eh!” bulyaw ko dito.
“Haist!
Di mo naman kasi naiintindihan eh!” balik nito.
“Gago
ka ba? Nasa kaniya na lahat ng hinahanap ng isang lalaki para sa isang
girlfriend. Don't throw it all out dahil lang sa isang simpleng
misunderstanding!” bulyaw ko ulit dito.
“Pero...”
“Walang
pero, pero. Matulog na tayo!” sabi ko dito sabay talikod at pinatay ang ilaw sa
aking tabi.
Isang
oras pa ang nakalipas at walang hilik na nanggaling kay Jepoy.
0000ooo0000
“Oh,
Jepoy, kain ka lang ng kain dyan.” sabi ng nanay ko kay Jepoy, tila naman
nahihiya ito na di mawari at di makatingin ng daretso sakin, di naman ito
nakaligtas sa aking nanay.
“Inaway
mo nanaman ba si Jepoy, Marcus?!” baling sakin ng aking ina.
“Di
ah! Gumising kami, ganyan na yan.” sabi ko sabay suntok sa braso ni Jepoy
napangiti ito.
“Baka
hindi nakatulog, likot mo kasing matulog eh.” sisi nanaman sakin ng aking ina.
Napailing na lang ako, di makapaniwala na mas pinapaboran pa ng sarili kong ina
si Jepoy.
0000ooo0000
Nagpaalam
sakin si Jepoy na mauuna na daw siyang pumasok, pumayag naman ako, alam ko
namang may balak itong kausapin si Jana. At hindi nga ako nagkamali, magkasabay
na pumasok ang dalawa at magkakapit kamay pa. Napangiti ako sa nakitang
pagbabati ng dalawa pero alam ko sa loob loob ko ay nagseselos ako, hindi dahil
kay Jepoy kundi dahil kay Jana. Tumabi sakin si Jana at hinalikan ako sa
pisngi.
“Goodmorning!”
bati nito sakin. Ngumiti lang ako. Si Jepoy naman ay nagbagsak ng ilang pagkain
sa lamesa namin.
“Maki
mamya yung sa economics naman ah?” tanong sakin nito bago umupo.
“Sure.
Kailan ba ang exam mo dun?” tanong ko dito.
“Sa
next friday pa naman, kaso may hindi ako maintindihan eh.” sabi niya habang
sinubo ng buo ang clubhouse na sandwich na hinati sa gitna ni Jana.
“Naku,
the best yang si Maki sa Economics, nung kami ang may subject na ganyan lagi na
lang yan perfect.” pagmamayabang ni Jana, namula naman ako.
Madalas
maayos naman ang relasyon sa pagitan ni Jana at ni Jepoy pero tulad din ng
ibang asa isang relasyon di rin maiiwasan ang tampuhan at awayan. Sinisigurado
ko namang andyan ako sa tabi nila pareho kapag medyo mabigatbigat ang kanilang
di pagkakaunawaan.
“Halika
na, mag review ka na, malapit na finals mo.” sabi ko kay Jepoy isang gabi,
nakapalumbaba lang ito at nakatitig sa TV, nagaway sila ni Jana nung
kinaumagahan at simula nun ay di na ito makausap ng maayos.
“Mamya
na.” matipid nitong sagot.
“Uumagahin
na ako, Jepoy. Kung ayaw mo uuwi na lang ako.” banta ko dito, pinatay na nito
ang TV at humarap sakin.
“Sige,
pero dun tayo sa bahay niyo magre-review tapos dapat may beer.” sabi nito, malungkot
ang mga mata nito. Napatawa naman ako.
“Sus!
Pa-baby amp! Sige! Kuwanin mo na lahat ng kailangan mo at dun tayo sa bahay
namin magreview.” sabi ko dito bahagya naman itong ngumiti, pero saglit lang.
0000ooo0000
“Pag
ito yung hinahanap, eto yung formula niya. Ganyan lang naman se economics saka
sa statistics eh, makakasagot ka as long as alam mo yung formula.” turo ko dito
sabay inom sa bote ng beer habang sinusulat ang formula na kialangan niya.
“Di
ko na maintindihan si Jana. Napakamoody!” biglang bulalas ni Jepoy sabay inom
din sa beer niya. Napatawa ako.
“Ganyan
naman talaga si Jana diba? Depende kasi yan sa araw niya. Malay mo di rin
maganda ang araw niya tapos ikaw sasalubungin mo ng pangungulit.” sabi ko dito
pagkatapos ibigay sa kaniya ang formula na hinahanap niya. Sinuntok lang ako
nito sa braso.
“May
pagka demanding din, pag naman binigay mo yung gusto niya saka naman siya
aayaw. Di maintindihan.” sabi ni Jepoy sabay tungga sa bote niya ng beer.
“Hay
nako hijo, ganyan talaga ang mga babae, gusto laging sinusuyo, baka naman kasi
porke magkasintahan na kayo eh di mo na siya sinusuyo.” singit ng nanay ko
habang ibinababa ang chicharong pusit sa aming harap.
“Lagi
ko na nga po siya sinusuyo, Tita eh.” sabi naman ni Jepoy sabay subo ng isang
pusit.
“Nay,
ok na kami. Salamat sa pulu... sa pagkain.” sabi ko sabay iling. Tinignan ako
ng masama ng aking nanay at tatalikod na sana nang may sabihin dito si Jepoy.
“Ay,
Tita, dito po ulit ako matutulog ah?” paalam nito, napailing naman ako.
Ngumiting nakakaloko ang aking ina at tumingin sakin.
“Oo
naman, basta ikaw, Hijo.” sabi nito kay Jepoy.
0000ooo0000
“Aba,
mas napapadalas ata ang paginom mo kesa sa pagaaral ah.” saway ko dito nang
mapansin kong napapadami na ang aming naiinom at inisang tabi nanamin ang aming
mga notes.
“Eigh!
Sa biyernes pa naman yung finals eh!” sabi ni Jepoy, inabot ko ang batok nito
at hinaklit.
“Pumayag
na nga akong dito tayo sa bahay mag inuman eh! Este magaral pala! Saka
Miyerkules na ngayon no! Kung hindi ka pa magaaral ngayon kailan ka pa
magsisimula?” sabi ko tumingin naman ito sakin.
“Eigh!”
sabi nanaman ni Jepoy at tumungga sa bote ng beer na hawak niya pero inabot
niya din ang kaniyang notebook at nagbasa.
Makalipas
ang ilang oras pa naubos nanamin ang ilang case ng redhorse at ang naka-ahin na
chicharong pusit pero hindi parin kami nangangalahati sa aming nire-review at
pareho narin kaming nahihilo at kung ano ano na ang pinagsasasabi.
“Maki,
ikaw, sa tingin mo makakatagal ka pa sa ugali ni Jana?” wala sa sariling tanong
nito sakin, di agad ako sumagot at uminom muna.
“Kung
mahal ko talaga siya ay magtitiis ako at aalamin ko kung ano ang problema niya
at pipilitin kong intindihin iyon.” sagot ko dito, tumango lang si Jepoy.
“Nahihirapan
na kasi ako, parang wala na akong ginawang tama. Wala siyang pinagkaiba kila
Mama at Papa, Bobo ang tingin nila sakin. Walang ibubugha.” sabi nito,
natahimik naman ako at napatitig sa kaniya. Napansin siguro nito na nakatingin
ako sa kaniya kaya't humarap ito sakin.
“Alam
ko sasabihin mo, na di bagay sakin ang nagdradrama.” sabi nito sabay tawa.
Inakbayan ako nito at pilit itinayo.
“Halika
na nga!” sabi nito sakin sabay hila paakyat ng kwarto.
“Magaaral
pa ako.” sabi ko dito at pilit na umupo ulit.
“Pwede
pa naman bukas yan eh, bukas sabay ulit tayo magreview.” sabi nito sabay hila
ulit sakin, wala na akong nagawa.
Umakyat
na kami sa aming kwarto at nagsimula ng maghanada para sa pagtulog. Tinignan ko
ito habang nagtu-toothbrush, maski sa pagsisipilyo halatang malalim parin ang
iniisip nito. Naisip ko ang sinabi niya kanina. Di ako makapaniwala na bobo ang
tingin sa kaniya ni Jana. Di naman talaga mahina ang utak ni Jepoy eh, may
katamaran lang talagang taglay. Napansin marahil nito ang pagtitig ko sa kaniya
kaya tumingin din ito sakin at ng magtama ang aming mga mata ay kumaway ito
habang puno ng bula ang kaniyang bibig.
“Ikaw
naman.” sabi nito sabay hubad ng kaniyang damit at boxers lang ang itinira.
Tumango lang ako.
“Iniisip
ko, pano kung makipaghiwalay sakin si Jana? Ano kaya ang gagawin ko? Papayag
kaya ako?” sunod sunod na tanong nito sa sarili niya habang pinapanood akong
magsipilyo.
Di
rin ito ang unang pagkakataon na sinabi sakin ni Jepoy ang tungkol sa
paghihiwalay nila ni Jana, para saakin ay di magandang ideya yun, dahil ayaw
kong nakikita silang dalawa na nasasaktan. Pareho na silang napalapit sakin,
kahit si Jepoy na may kakulitan ay tinuturing ko narin itong isang bestfriend
at ayaw ko nang mawala yun sa oras na maghiwalay sila, di narin kaila na may
nararamdaman na akong kakaiba kay Jepoy maliban sa pagkakaibigan.
Nang
matapos narin akong magsipilyo ay hinubad ko narin ang aking t-shirt at tanging
boxers na lang ang itinira. Umakyat nadin ako sa kama at humiga na sa usual
kong pwesto kapag dun nakikitulog si Jepoy. Nakadilat pa si Jepoy malalim parin
ag iniisip.
Papikit
na sana ako ng bigla itong humarap sakin.
“Maki,
bobo ba ako?” sa tanong na ito ni Jepoy saka ko napatunyang may tama na ito,
maliban sa pagiging matamlay ay lumalabas na ang mga bumabagabag dito. Hindi
kasi si Jepoy yung nagpapaapekto sa mga iniisip sa kaniya ng tao, mapamagulang
man niya yan o ano.
“Walang
taong bobo, Jepoy.” sabi ko at humarap na ulit ako dito. Umayos ito ng
pagkakahiga at ipinatong ang kaniyang kaliwang kamay sa kaniyang noo.
“Salamat,
Maki ah.” bulong nito.
“Ayan
ka nanaman eh. Sabi ko sayo diba? Di bagay sayo ang mga ganyang drama!” sabi ko
sabay tawa. Humarap ulit ito sakin.
“Mabuti
na lang di ka sumuko sa pangaalaska ko noon no? Kundi wala akong kaibigan
ngayon. Sa totoo lang kaya hanggang ngayon kami parin ni Jana, dahil sa sinabi
mo sakin noong isang linggo. Ikaw lang yung taong nakakapagpaintindi sakin ng
mga bagay na kung ako lang magisa ay malamang inayawan ko na.” sabi nito,
malamlam na ang mga mata nito.
“Lasing
ka na nga. Di lang sa madaldal ka na at nagdradrama kasi ngayon tingin mo sakin
santo na.” sabi ko dito at pareho kami natawa.
“Ah
ganun ah!” sabi nito at pumaimbabaw ito sakin, umupo sa aking tyan at pabirong
pinagsusuntok ang aking dibdib.
Pero
di nagtagal ay sumeryoso ang mukha ni Jepoy, parang nung isang linggo nung asa
ulanan kami inabot ulit nito ang aking psingi at pinadaanan ng likod ng
kaniyang palad ang aking mukha. Nangunot na ulit ang aking noo at sinubukang
hawiin ang kaniyang kamay pero pinigilan niya iyon, dahan dahan na ring
inilalapit ni Jepoy ang kaniyang mukha sa aking mukha. Nangungusap parin ang
mga mata nito, sinubukan ko siyang itulak pero di siya nagpatinag.
Inabot
ng kaniyang mga labi ang aking labi.
Itutuloy...
[07]
Mataas
na ang araw ng imulat ko ang aking mga mata. Sapo sapo ko ang aking ulo nang
bumangon ako sa aking kama, pumunta ako sa banyo para maghilamos para bumaba na
sa almusal, nang aktong isusuot ko na ang aking t-shirt ay nakita kong
mahimbing parin na natutulog si Jepoy.
Bigla
kong naalala ang nangyaring halikan kinagabihan. Saglit lang ito pero
pakiramdam ko punong puno ng emosyon ang halikan na iyon. Inalog ko ang aking
ulo at sinubukang magisip ng magandang eksplanasyon kung bakit nangyari ang
halikan na iyon.
“Lasing
siya at masama ang loob kay Jana kaya nagawa niya iyon.” sabi ko sa aking
sarili at yun ang aking pinaniwalaan buong umaga. Itinuloy ko na sa pagligo ang
aking sana'y paghihilamos lang, bumaba at di na nagagahan, nagpaalam na ako sa
aking nanay na mauuna na ako kay Jepoy at sa skwelahan na lang magaagahan.
0000ooo0000
Sapo
sapo ko ang aking noo at naka shades pang nagaaral sa loob ng library, siniguro
kong asa kasuluksulukan akong bahagi ng library para di ako makita ni Jepoy. Di
ko alam kung bakit ganito ang aking kinikilos pero pakiramdam ko kailangan ko
ng umiwas sa kaniya.
“Para
isang halik lang.” sabi ng isang bahagi ng isip ko.
“Di
madalas gawin ng dalawang lalaki ang maghalikan.” sabi naman ng isang bahagi ng
isip ko.
Lalong
sumakit ang aking ulo sa mga naiisip. Asa ganito akong paguusig ng sarili ng
biglang sumulpot si Jana sa aking tabi na halos ikasigaw ko naman. Malamlam ang
mata nito na kala mo kagagaling lang sa iyak.
“Anong
sabi sayo ni Jepoy kagabi?” bulalas nito, di ko ito matignan ng diretso sa
mukha.
“W-wala
naman.” sabi ko sabay yuko ulit.
“Kasalanan
ko ito eh, ito na ang pinakamahabang tampuhan namin, kahapon pa siya hindi
nagtetext. Pakiramdam ko kasi unti unti ng lumalayo ang loob niya sakin kaya gumawa
ako ng isang bagay na ikaaaway namin. Kapag naghiwalay kami, di ko na alam ang
aking gagawin.” sabi niya sabay yuko at pinahiran ang mata.
Biglang
may umupo sa aming tapat na ikinagulat naman namin ni Jana, si Jepoy, di rin
maganda ang tabas ng mukha nito, agad kong inayos ang aking mga gamit at
tumayo.
“S-sige
maiwan ko muna kayo diyan.”
“Maki
s-saglit...” pero di ko na inintindi pa si Jepoy at lumabas na ako ng library.
“Lilipas
din to. Alak ang may kasalanan kagabi.” bulong ko sa sarili ko habang palabas
ng library.
0000ooo0000
Wala
pang isang oras ay tumabi na si Jana sa akin sa may classroom namin. Tinignan
ko ito, mukhang OK na siya kumpara kanina.
“OK
na kami.” sabi nito sakin. Tumango lang ako.
Di
ko maintindihan ang sarili ko, di ko alam kung manghihinayang ako at di sila
nagkahiwalay ng tuluyan o matutuwa ako dahil ang ibig sabihin nito wala lang
yung nangyari kagabi. Naguluhan din ako bigla dahil kung dati nagseselos ako
kay Jepoy dahil sa sila ni Jana parang ngayon nagseselos ako kay Jana dahil
nagkaayos pa sila ni Jepoy. Di ko napansin matagal na pala akong nakatitig kay
Jana.
“OK
ka lang?” tanong nito. Tumango lang ako, naguguluhan parin.
Natapos
na ang klase at oras na para maglunch, nagisip ako ng magandang palusot para di
sila makasabay. Inaya na ako ni Jana pero di parin ako nakakaisip ng magandang
dahilan. Nakatingin lang ako dito at ito naman ay nakakunot noong nagiintay
sakin.
“U-una
na kayo Jana, uuwi ako sa amin, nakalimutan ko kasi yung libro ko para mamyang
hapon. Sa bahay na lang ako maglu-lunch.” sabi ko, lalong nangunot ang noo ni
Jana.
“S-sige.”
sabi na lang nito at lumabas na ng classroom.
Naglalakad
na ako palabas ng school ng makatanggap ng text, si Jepoy, di ko na ito binasa
at pumasok na sa isang karinderya sa labas lang ng school. Di ko naman talaga
balak umuwi saka kung uuwi ako ay male-late ako sa panghapon naming klase.
Nagvibrte ulit ang aking telepono at tinignan kung sino ang nagtext. Si Jepoy
ulit. Di ko na ito binasa.
Halos
di ko makain ang aking inorder, pilit paring sumisiksik sa aking isip ang
halikan namin ni Jepoy at ang mga pakiramdam na bago sa akin. Tulad ng
panghihinayang ko nung nalaman kong nagkaayos na si Jana at Jepoy di dahil
gusto ko si Jana para sa akin kundi dahil gusto ko naman na si Jepoy na ang
para sa akin. Di ko alam kung bakit naging ganon ang epekto ng halikan naming
yun ni Jepoy.
“Lasing
lang siya. Yun lang yun.” pngungumbinse ko sa sarili ko.
Isinang
tabi ko na ang tungkol sa halikang nangyari at iba ko pang nararamdaman at
inisip ko naman ang maaari kong idahilan mamya kung sakaling ayain na akong
sumabay nila Jana pauwi. Di pa ako handa na harapin sila ng magkasama.
Naguguluhan pa ako.
0000ooo0000
“Ha?!
Ok ka lang ba? Kanina ko pa nga napapansin na may kakaiba sayo.” sabi ni Jana
sabay inilapat ang kaniyang palad sa aking leeg, tinitignan kung meron akong
lagnat.
“O-ok
lang ako, paki sabi na lang kay Jepoy na hindi ko muna siya masasabayan
mag-review ha?” bilin ko dito tumango naman ito may pagaalala sa kaniyang
tingin.
Nang
makauwi ako ay pangungunot ng noo ang isinalubong sakin ng aking ina.
“Bakit
ang aga mo umuwi?” tanong sakin nito, umiling lang ako.
“Asan
si Jepoy?” tanong ulit nito sabay dungaw sa aking likuran tila ba iniisip na
bubulaga doon si Jepoy.
“Nagaway
nanaman ba kayo? Pano kayo magkakatuluyan niyan kung away kayo ng away.” sabi
ng aking ina, naginit na ang ulo ko.
“Pwede
ba, 'nay. Tigilan niyo na nga ako dyan sa kalokohan na yan. Masama ang
pakiramdam ko, magpapahinga na ako!” singhal ko dito at umakyat na ako sa aking
kwarto.
Lumipas
ang dawalang oras ng makarinig ako ng katok sa aking pinto, di ko na ito
pinansin. Maya maya ay narinig ko itong bumukas, ipinikit ko ang aking mga mata
at nagtulogtulugan. Narinig ko ang nanay na may kausap.
“Sige,
Jepoy. Ikaw na ang bahala diyan ha?” sabi ng aking ina sa kausap nito.
Di
nagtagal at naramdaman kong gumalaw ang aking kama, may umupo malapit sa aking
likuran. Nagbuntong hininga ito at kinalabit ako. Di ko ito pinansin, dumalas
ang pagkalabit nito.
“Huy.”
bulong nito, di parin tinitigilan ang pagkalabit sakin.
“Huy.”
di na nakuntento si Jepoy sa pagkalabit at inaalog na ang aking katawan.
“Huy.
Sabi ko kagabi sabay tayong magre-review, diba? Finals ko na bukas.” sabi nito
at pinagsasabay na niya ang pagkalabit at pagyugyog sakin.
“Maki.”
pabulong na tawag nito sakin, di ko natiis ito. Bumangon na ako.
“Kuwanin
mo ang gamit mo at don tayo sa sala.” malamig kong sabi dito, tinalikuran ko na
ito at nagsimula ng maglakad pababa ng marinig ko itong magbuntong hininga.
0000ooo0000
“Gawin
mo yan.” utos ko dito sabay abot sa kaniya ng isang papel na sinulatan ko ng
exercises. Inabot naman niya ito at matagal bago nagbawi ng tingin. Tila ba
iniintay na may sabihin pa ako.
Inabot
ko na ang aking sariling notes at nagaral nadin.
“Bakit
di ka sumabay kanina maglunch?” tanong nito pero nasa papel nakatuon ang tingin
nito.
“Umuwi,
nakalimutan ko yung libro ko.” sagot ko dito.
“Sabi
ni Tita, di ka naman daw umuwi eh.” sabi nito, di na ako nakasagot.
Tahimik.
“Bakit
bigla ka na lang umuwi kanina? Diba nakasanayan na nating sabay sabay umuwi
lalo na kapag tu-tutor-an mo ako?” sabi ulit nito.
“Biglang
sumama ang pakiramdam ko.” sagot ko dito.
Tahimik.
“Maki...”
tawag ulit nito makatapos ang ilang minutong pananahimik namin. Dahil akala ko
ay magtatanong nanaman to ay naginit na ang aking ulo.
“Ano?!”
singhal ko dito, malungkot ang mukha nito.
“T-tapos
ko na.” sabi nito sabay abot sakin ng papel, tinignan ko ito, walang mali
kaya't nagsulat ulit ako ng bago niyang gagawin. Inabot ko sa kaniya ito, di na
siya nagsalita.
Matapos
pa ang ilang oras ay nagpaalam na ang aking nanay na matutulog na daw siya.
Tumango lang ako, si Jepoy naman ay lumapit pa dito at humalik sa pisngi. Nang
makaupo ulit sa tabi ko si Jepoy ay tumitig nanaman ito sakin, tila ba may
gustong sabihin.
“Maki,
na receive mo ba yung text ko sayo kanina?” tanong nito sakin. Di ko na ito
sinagot.
“Eto
na oh, tapos ko na.” sabi nito sabay abot sakin ng papel. Tinignan ko, wala
ulit mali.
“Ok
na, papasa ka na bukas. Masama pakiramdam ko, kailangan ko ng matulog.
Pagkatapos mo diyan pwede ka ng umuwi.” sabi ko dito, nagsalubong ang kilay
nito sa pagtataka.
Di
na siya sumagot, sinimulan narin niyang ayusin ang kaniyang mga gamit.
Dare-daretso na akong pumasok ng aking banyo at naghilamos pagkataos ay nagsipilyo.
Di ko na tinignan kung umalis na ba si Jepoy, tuloy tuloy na ako sa paghiga,
pero di ako makatulog. Mayamaya pa ay narinig kong nagbukas ang pinto ng aking
kwarto pagkatapos ay ang pinto ng aking banyo.
Narinig
kong may pumindot ng switch ng ilaw ng banyo, ipinikit ko ang aking mga mata,
nagtulogtulugan.
“Maki,
makikitulog ulit ako ah?” paalam nito, di ako kumibo, nagpatuloy na lang ako sa
pagkukunwari.
May
ilang oras pa ang lumipas at nakaramdam ako ng pagkalabit sa aking likod.
“Maki,
usap tayo.” bulong ni Jepoy, di ko ito pinansin.
“Alam
kong di ka pa tulog. Maki.” pangungulit nito, napapadalas na ang pagkalabit
nito sakin. Hinawi ko ang kamay nito. Narinig ko itong nagbuntong hininga at
maya maya pa ay bumalot na ang pahilik nito sa buong kwarto.
0000ooo0000
“Nay,
una na ulit ako sa school. Paki sabi na lang kay Jepoy na nagmamadali ako.”
paalam ko sa aking nanay. Umiling lang ito.
Pagdating
ko sa school ay agad akong naghanap ng matatambayan pero nakasalubong ko si
Jana. Kinamusta ako nito, tanging pagtango at pagiling lang ang naging sagot ko
sa mga tanong nito.
“Buti
naman at naturuan mo pa kagabi si Jepoy, akala ko kasi sobrang sama ng pakiramdam
mo eh.” sabi nito habang nagsusuklay sa harapan ko.
“Maki,
naninibago ako sayo. Ang tahimik mo ngayon.” puna nito sa aking mga kinikilos.
Binigyan ko lang ito ng matamlay na ngiti. Naaninag ko sa hindi kalayuan si
Jepoy, bago pa man ito tuluyang makalapit samin ay nagpaalam na ako kay Jana.
0000ooo0000
Dalawang
linggo ang lumipas, nakapasa naman si Jepoy sa lahat ng finals niya kaya't
kinausap ko ang DEAN na kung maaari ay bitawan ko na ang pagtu-tutor, di ko
narin naman kailangan masyado ng pera dahil dumating na ang padala ng tatay.
Balik
normal na ang lahat. Bakasyon ngayon, di na ako nagdididikit kay Jana tulad ng
dati para makaiwas narin kay Jepoy. Di narin napunta si Jepoy sa bahay dahil
wala naman na siyang dahilan para magpunta pa doon. Balik normal, balik boring
at balik sa pananahimik ang buhay ko.
Tulad
noong wala pang Jepoy na nagpapatutor sa akin. Pero akala ko lang pala yun.
“Marcus.”
tawag sakin ng aking nanay mula sa sala. Agad akong bumaba ng hagdan.
“Bakit
na--?” di ko na naituloy ang aking sasabihin ng makitang may mga bisita kami.
“So
ito pala ang tumulong para makapasa ang aking anak!” sabi ng isang lalaki na
naka longsleeves pa. Lumapit sakin ang isang babae na hindi rin nagpapahuli sa
gayak at hinalikan ako sa pisngi.
“Thank
you, hijo.” bulong nito sakin saka ako niyakap ng mahigpit.
Inilagpas
ko ang aking tingin sa matandang babae at nakita ko si Jepoy, nakakunot ang
noong nakatingin sakin, tila ba may malalim na iniisip.
Itutuloy...
[08]
Naririnig
ko ang masayang paguusap ng aking ina saka ng mga magulang ni Jepoy sa may
dining room, doon sila naghapunan at tulad ni Jepoy ay nagustuhan nila ang
special tocino ng aking ina. Nagsisimula na akong magligpit ng pinagkainan ng
biglang sumulpot sa aking tabi si Jepoy, hindi ko ito pinansin nung una pero
sadyang may kakaiba sa presensya ni Jepoy na hindi kayang hindi intindihin.
“Sabi
ni Mama, tulungan daw kitang magligpit.” bulong nito.
“Wag
na, bisita ka namin.”
“Di
lang naman yun eh, gusto rin kita kasing makausap, Maki.” bulong ulit nito,
muntik ko ng mabitiwan ang platong aking sinasabon.
“Akala
ko ok na, akala ko lumipas na.” bulong ko sa sarili ko.
“Maki,
naguguluhan din ako. Mahal ko si Jana, pero di ko kayang wala ka. Kung alam ko
lang na dahil sa pagpasa ko kaya di na kita makakasama lagi sa next sem sana
nagpabagsak na lang ako.” sabi nito. Di ko na alam kung ano ang iisipin at
isasagot sa mga sinasabi nito. Pinili ko na lang na manahimik.
“Maki.
Alam kong mali pero sa tingin ko gusto kita.” sabi nito, di ko na napigilan ang
pagdulas ng isang plato, swerte namang nasambot ito ni Jepoy.
Tahimik.
Nagsisimula ng bumilis ang pagtibok ng aking dibdib.
“Maki,
magsalita ka naman.” sabi ni Jepoy. Pero di ko makuwang magsalita. Nang matapos
ko na ang ligpitin ay bumalik na kami ni Jepoy sa hapagkainan, lalo akong
naguguluahn.
“So,
Maki. Ikaw parin ba ang magtu-tutor dito kay Jepoy next sem?” tanong ng mama ni
Jepoy. Umiling ako.
“Baka
po hindi na, nakausap ko po yung DEAN, may iba na pong magtu-tutor kay Jepoy.”
paliwanag ko dito.
“Di
ako papayag. Kakausapin ko yang DEAN niyo.” sabi ng Papa ni Jepoy.
“Papa...”
saway ni Jepoy sa kaniyang ama.
“Mas
kailangan po kasi ni Maki na magfocus ngayon sa subjects niya. Mga Major
subjects na po kasi ag kukuwanin niya this sem.” sabat ulit ni Jepoy. Natigilan
ako. Ilang oras pa at nagpaalam na ang pamilya ni Jepoy, pero bago pa man
makaalis ay nagpaalam si Jepoy sa kaniyang mga magulang.
“Ma,
Pa, pwede bang tumambay muna saglit dito kila Maki?” pumayag naman ang mga
magulang nito.
Ilang
minuto pa at pareho na kaming may hawak na beer at magkatabing nainom nito.
Nakabukas ang TV pero alam kong di doon nakatuon pareho ang aming pansin.
“Alam
kong naguguluhan ka din.” sabi nito, wala sa isip akong napainom ng beer.
“Oo,
kaya habang maaga gusto ko nang umiwas. Lalo lang tayong maguguluhan pag
pinagpatuloy pa natin to.” sabi ko, nagbuntong hininga si Jepoy.
“Sa
tingin mo...”
“Mali
to, Jepoy.” pangunguna ko sa gusto nitong itanong. May bahid na ng pangungusap
sa mata nito. Tumayo na ako at lumapit sa pinto.
“Umuwi
ka na Jepoy, gagabihin ka masyado sa daan.” sabi ko dito, halatang nagulat ito
sa pagpapaalis ko sa kaniya.
“Maki...”
“Sige
na Jepoy, please.” sabi ko, di na ito nagsalita at daredaretso ng lumabas ng
bahay.
Isinara
ko ang pinto at napasandal ako dito, tila ba tinamaan ako agad sa ininom na
beer at napatulala ako bigla.
0000ooo0000
“Di
ako sasabay Jana. May aasikasuhin ako sa may office ni Sir Pangan, SA stuff.”
paliwanag ko kay Jana, habang si Jepoy ay nakatayo sa likod nito, may kalayuan.
Sinulyapan ko ito, bigla itong nagbawi ng tingin.
“Ano
ba yan, di ka nanamin nakakasama.” may pagtatampong saad ni Jana.
“Sorry.”
sabi ko dito.
“Basta
sa susunod ah?!” sabi nito tumango lang ako, sumulyap ulit ako kay Jepoy at
nagiwas nanaman ito ng tingin.
Pinanood
ko silang maglakad palayo na magkahawak kamay.
0000ooo0000
Ilang
araw ko ng iniiwasan sila Jana at Jepoy, minsan kapag tinatanong ako ni Jana
kung bakit di na ako nasama sa kanila ay nagdadahilan na lang ako na may
gagawin ako sa SA o kaya naman sa library, dito na lang din ako sa library
madalas na natambay, nagtatago sa matataas na shelves at nagbabasa ng iba't
ibang libro.
Nasa
pagitan ako ng dalawang malaking bookshelves, nakaupo sa sahig at nagbabasa ng
isang libro na sa tingin ko ay napagiwanan na ng panahon. Masaya ako sa
nababasang facts ng bigla akong nakarinig ng libro na bumagsak malapit sa
bungad ng bookshelves. Tumingin ako doon at nagulat ng makita na nandon si
Jepoy.
Nun
ko lang ulit ito natignan ng maayos, nakatitig ito sakin tila ba may gustong
sabihin. Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan at ibinalik ang librong aking
binabasa. Tahimik akong naglakad papunta dito para makalabas na sa hilerang
iyon ng bookshelves.
“Maki.”
bulong nito ng matapat na ako sa kaniya pero di ko ito pinansin nilagpasan ko
ito pero hinila niya ang aking braso, isinandal niya ako sa isa sa mga
bookshelf, nagkatitigan kami. Inilapat niya ang kaniyang katawan sa aking
katawan para di ako makaalis pa, itinulak ko siya pero para na itong bato.
Habang
nakalapat ang kamay ko sa kaniyang dibdib ay naramdaman ko ang pagtibok ng
kaniyang puso, mabilis ito, parang sakin, iniangat ko ang tingin ko sa kaniyang
mukha, nakatitig siya sa akin. Nangungusap ang mga mata. Mayamaya pa ay dahan
dahan na niyang inilalapit ang kaniyang mukha sa aking mukha.
Sumayad
ang kaniyang malalambot na labi sa aking mga labi, sinubukan ko ulit siyang
itulak pero di ko nagawa. Nanlalambot na ako, napapikit na ako. Naramdaman ko
ang kaniyang dila na unti unting pinaghihiwalay ang aking mga labi at dun muling
nanumbalik ang lakas ko. itinulak ko siya at isang malakas na suntok ang
ginawad ko sa kaniyang mukha.
0000ooo0000
“Maki,
anak, andyan si Jepoy sa labas.” gising sa aking ng aking ina.
Nakatulog
na pala ako sa sobrang pagiisip sa nangyari samin nun sa library. Bakit pareho
ang bilis ng pagtibok ng aming mga puso at bakit ganun na lang ang nararamdaman
ko pag malapit siya.
“Anak,
may problema ba?” nagaalalang tanong sakin ng aking ina. Umiling lang ako.
“Paki
sabi na lang na di ko po siya matutulungan ngayon sa assignments niya.” malamig
kong sabi dito sabay taklob ulit ng kumot sa aking ulo.
Tumayo
ang aking ina mula sa pagkakaupo nito sa aking kama at lumabas ng aking kwarto.
Bumangon ako sa aking higaan at tumanaw sa labas ng bintana, kausap ngayon ng
aking ina si Jepoy. Tumalikod na ang aking ina at pumasok ulit ng bahay,
tumingala si Jepoy at nagtama ang aming mga tingin.
“Di
raw siya aalis doon hangga't di mo siya kinakausap.” sabi ng aking ina sa may
pinto.
“Anak
gusto ka lang niya makausap.” habol pa nito, pero umiling lang ulit ako.
0000ooo0000
Magiisang
oras na at hindi parin naalis si Jepoy sa haraan ng bahay namin, nainom na ito
ng beer at nakaupo sa kaniyang kotse, nakatingala parin ito sa gawi ng aking
kwarto. Naglakad na ako papunta sa aking higaan, humiga at sinubukang matulog.
Sumayad
sa isip ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko kay Jepoy, ang totoo niyan
bago yung nangyari kanina sa library miss na miss ko na siya, yung pangungulit
niya, yung kadaldalan niya at yung tipong may kasama ka lang na hindi puro
pagaaral at pagtratrabaho ang inaatupag, yung simpleng nakaupo lang kayo at
nagkakatuwaan. Pero bakit ko nga ba siya nami-miss? Ano nga ba siya para sakin?
Ano itong nararamdaman ko?
“Bakla
ba ako?” tanong ko sa sarili ko.
May
nabasa akong isang topic tungkol sa mga ganitong bagay. Na normal lang itong
mga ganitong nararamdaman, na isa itong tinatawag na “Phase.”
“Phase,
ibig sabihin hindi permanente, hindi nagtatagal. Bakit pakiramdam ko ang
nararamdaman ko kay Jepoy ay permanente?” sabi ko utit sa sarili ko. Ipinitkit
ko ang aking mga mata at nagdasal na sana ay makatulog na ako at sa aking
paggising ay wala na si Jepoy sa labas ng aming bahay at wala narin ang aking
nararamdaman para sa kaniya. Kung ano man ito.
Umikot
ako sa aking kama, papaling paling na kala mo bulate na binuhusan ng zonrox.
Hindi mapakali. Wala sa isip kong inabot ang aking labi, hindi ko mapigilan ang
aking sarili na isipin ang mapupula at malambot na labi ni Jepoy.
Inalog
ko ang aking ulo at sinubukan ulit matulog, pero si Jepoy parin ang
bumabalikbalik sa aking isip.
Kinabukasan,
pupungas pungas pa akong bumaba sa kusina, di na ako nagtaka ng maabutan doon
si Jepoy, habang ang nanay ko naman ay abala sa pagaahin ng pagkain at pagaayos
para sa pamamalengke.
“Goodmorning,
Maki.” bulong ni Jepoy, napatingin sakin ang aking ina. Umiling nang hindi ko
sagutin ang pabati ni Jepoy.
“Napano
nga ulit yang sugat mo sa labi?” tanong ng aking ina kay Jepoy, nagtaas ako ng
tingin at nakita ang isang hiwa sa ibabang bahagi ng labi ni Jepoy.
“Ah,
nabunggo lang po ng siko ni Jana kahapon.” pagpapalusot nito, pero alam namin
pareho kung san galing yun.
“Kung
hindi mismo ikaw ang nagsabi sakin baka isipin ko na may sumapak sayo.” sagot
ng aking ina sabay tapik sa likod ni Jepoy at tumingin ng masama sakin.
“O
siya sige, mamamalengke lang ako. Iwan ko muna kayo diyan. At pwede ba Marcus,
kausapin mo na itong si Jepoy?!” angil nito sakin.
Nang
matapos ako sa pagkain ay iniligpit ko na ang mga plato, tapos na rin si Jepoy
kumain, pinapanood na lang ako nito sa aking bawat gawin, nakikiramdam.
Sinundan ako nito hanggang sa lababo, daladala ang mga natirang ligpitin.
“Ako
na diyan. Umuwi ka na at magprepare para sa school.” saway ko dito, yumuko ito.
“Di
ba tayo maguusap muna?” bulong nito. Di ako sumagot. Nagulat na lang ako ng
bigla nitong iniyakap ang malatroso niyang mga braso sa aking katawan.
“Maki,
usap naman tayo oh. Please. Nami-miss na kita. Bakit ba lagi mo akong
iniiwasan?” sabi nito habang nakabaon ang mukha niya sa aking likod.
“Mali
ito. Mahal ka ni Jana, di ko kayang saktan si Jana. Pareho tayong lalaki.”
malamig ko paring sagot dito pero pabilis na ng pabilis ang tibok ng aking puso
at ganun din ang kay Jepoy. Kinalas ko ang yakap nito at humarap sa kaniya.
Tinitigan ko ulit ang mga nangungusap na mata nito.
“Jepoy,
mahal na mahal ka ni Jana. Ayaw kong mawala kayo pareho bilang kaibigan ko kaya
ko ito ginagawa, umiiwas ako sa maaaring sumira sa pagsasamhan nating tatlo--”
“Kung
mangangako ba ako na hindi ka na hahalikan, na pipigilan ko itong nararamdaman
ko sayo, hindi ka na ba iiwas samin? Sakin?” tanong nito. Natahimik ako, di ako
agad nakasagot. Nagkatitigan kami, bumilis nanaman ang pagtibok ng puso ko.
Inilapit
ulit ni Jepoy ang mukha niya sa akin.
“Jepoy---”
“Last
na ito, Maki.” pagmamakaawa nito.
Ipinikit
ko na ang aking mga mata.
Naramdaman
ko ang paglapat ng kaniyang mga labi sa aking labi, puno ito ng emosyon, sunod
kong naramdaman ang pagdikit ng aming mga katawan, sabay ang pagtibok ng aming
mga puso, mabilis ito. Untiunti na akong lumalaban sa aming halikan na iyon.
Nang
kumalas na ako ay niyakap ako ng mahigpit ni Jepoy.
“I
Love You.” bulong ni Jepoy sakin, pero nagbingibingihan ako, mas pinili kong
wag pansinin ito at lalong tumayog ang pader na inilagay ko sa pagitan namin ni
Jepoy, mataas pero marupok. Ilang bangga lang dito ay sigurado akong magigiba
ito.
Itutuloy...
[09]
Di
ko alam kung anong ikikilos ko ngayong magkakasama nanaman kaming tatlo nila
Jana, sabay sa tuwing papasok ng skwelahan, sa pagkain at sa paguwi. Di ko
parin magawang tignan ng maayos si Jana, alam kong may nagawa akong masama dito
at hindi ko kayang plastikin ito. Tumupad naman sa usapan si Jepoy, hanggang
magkaibigan na lang ang turingan namin, kahit na paminsan minsan naiipit kami
sa tinatawag na “Awkward moment.” halatang parehong nagpipigil sa mga
nararamdaman.
“Oh,
pagbutihan mo mamya sa exam mo.” sabi ni Jana sa kaniyang boyfriend tumango
lang si Jepoy.
“Goodluck.”
wala sa sarili kong naibulalas, nagulat naman sa sinabi ko si Jepoy. Yun na
siguro kasi ang una kong pakikipagusap dito na hindi siya ang naginitiate. Agad
nitong binawi ang pagkagulat at ngumiti sakin.
“Kapag
bumagsak ka lagot kayo pareho ni Maki.” nagbibirong sabi ni Jana, humarap dito
si Jepoy at ako naman ay nangunot ang noo.
“Serious
mode tayo ngayon?” sabi ni Jana sabay tumawa ng malakas.
“Tignan
niyo ah, kapag bumagsak ka Jepoy, mapipilitan si Tita na kausapin itong si Maki
para siya na lang ulit ang magtutor sayo, kaya lagot kayo pareho pag nagkataon
dahil balik nanaman kayo sa kulitan.” natatawang sabi ni Jana, tuwang tuwa sa
kaniyang naisip. Nagkatinginan kami ni Jepoy.
0000ooo0000
Nakadapa
ako sa kama at nagbabasa ng notes ko ng biglang kumatok ang nanay. Umupo ito sa
aking tabi. Nagtaka naman ako at humarap dito.
“Anak,
si Mrs. Gonzales pumunta dito kanina. Nakiusap na kausapin daw kita na kung
pwede daw eh ikaw na lang ulit ang magtutor kay Jepoy.” nagaalangang sabi ng
aking ina.
“Nay,
alam niyo naman na madami akong ginagawa ngayon, di ko kayang isiksik si Jepoy
sa schedule ko.” sabi ko dito.
“Anak,
sige na, nakikiusap na talaga ang nanay ni Jepoy, saka isa pa, namimiss ko na
ang malambing at makulit na batang iyon. Minsan lang naman ako humiling sayo
anak.” pangungunsensya ng aking nanay. Bumuntong hininga ako at pumayag na lang
sa gusto ng aking ina.
Wala
pang isang oras ng marinig ko itong may kinakausap sa sala. Ang mga magulang ni
Jepoy asa sala, may daladalang pasalubong habang si Jepoy naman ay nakaakbay
kay inay. Nang mapansin ako ng mga ito ay agad akong nilapitan at nagpasalamat.
“Di
naman magaling yung nagtutor dito kay Jepoy eh, wala ba naman ni isang ipinasa
sa subjects ngayong midterms.” sabi ng ama ni Jepoy.
“Nagastusan
lang tuloy kami.” sabi naman ni tita, tumingin ako kay Jepoy at napansing
nangingiti ito.
Nang
magpaalam na ang mga ito ay nagpaiwan ulit si Jepoy, nun ko napansin na may
dala itong malaking bag at nangingiti parin ng makita niyang napansin ko ang
kaniyang malaking bag. Bumalik ako sa hapagkainan upang iligpit ang mga ginamit
nung magmeryenda ang magulang ni Jepoy ang annay naman ay umakyat na sa kwarto
at matutulog na daw. Sinundan ako ni Jepoy. Nang makatabi na ito sakin ay
tinignan ko ito ng masama.
“Sinadya
mong bumagsak ano?” bintang ko dito.
“Hindi
ah! Di lang talaga magaling yung ipinalit sayo!” depensa nito.
“Saka
bakit ko naman gagawin yun?” habol nito, napaisip ako.
“Bakit
nga ba? Ano nga bang pumasok sa isipan ko kung bakit ko siya pinagbintangan ng
ganun?” tanong ko sa sarili ko. Sa totoo lang ay tumupad naman si Jepoy sa
aming usapan at wala rin naman sigurong masama kung ako ang magtututor dito,
dati pa naman namin ito ginagawa.
“Dito
ako matutulog ah?” bulalas nito at isang baso ang dumulas sa aking kamay.
“Oh,
dahan dahan lang!” sigaw nito ng makitang nabasag ang baso.
0000ooo0000
Magkatabi
kaming nanonood ng TV ng mapansin kong nakatitig sakin si Jepoy, tinignan ko
ito at siya naman binawi ang kaniyang tingin, itinuon ko ulit sa TV ang aking
atensyon pero naramdaman kong sakin nanaman ito nakatingin kaya pasimple akong
sumulyap dito, nang mahuli ko siyang nakatingin nga sa akin ay humagikgik lang
ang timang.
“Tigilan
mo ako, Jepoy!” saway ko dito. Pinipigilan ang mapangiti. Mayamaya ay naramdamn
ko itong nangalabit.
“Oh?”
tanong ko habang nakatitig sa TV.
“Pwedeng
umisod? Di kasi ako natatamaan ng elecric fan eh.” sabi nito sakin, di na niya
ako inintay sumagot at dumikit na ito sakin. Bahagya akong lumayo dito pero
pinilit niya paring magkadikit ang aming mga braso, di ko na nagawa pang umisod
dahil asa dulo na ako ng sofa.
Di
ko na ito pinansin at ipinako ko na ulit ang mata ko sa pinapanood. Pero
desedido talaga ang kumag na manginis. Nangalabit ulit ito.
“Ano?!”
naiirita ko ng sabi dito.
“Di
ka a ba nagsasawa diyan? Gusto kong manuod ng National Geographic eh.” sabi
nito sabay turo sa pinapanood kong One More Chance.
“Aba!
Sino bang may sabi sayo na dito ka manuod! Edi umuwi ka na!” singhal ko dito.
Itiniklop lang nito ang kamay niya sa kaniyang dibdib at tumahimik. Pero wala
pang limang minuto ay kinakalabit nanaman ako nito. Di ko na ito pinansin,
maganda na kasi ang susunod na eksena.
“Maki.”
di na ito nakuntento sa pagkalabit at tinawag na ako. Pero di ko na ito
pinansin.
“Huy!”
di na nito napigilan habang nangangalabit parin.
“ANO
BA?!” sigaw ko dito. Natawa lang ito at ibinalik ang pansin sa TV pero huli na.
Wala na ang gustong gusto kong scene. Sumimangot na ako, kinalabit nanaman ako
ni kumag.
“May
beer ba kayo?” tanong nito, tumango lang ako at tinuro ang ref. Tumayo na ito
para kumuwa, akala ko tig isa lang samin ang kukuwanin niya, pero hindi, anim
na bote ang daladala nito, binabalanse sa bawat hakbang ang madudulas na bote.
“Baka
gusto mo na din maglabas ng pulutan?” naiirita kong sabi dito. Natawa lang ito.
“Ay,
gusto mo ba? Teka kuwa ako.” sabi nito sabay balik sa kusina pagkababa ng mga
bote sa lamesa natampal ko na lang ang noo ko. Magkakabalikan na si Basha at
Popoy ng makaramdam nanaman ako ng kalabit mula kay Jepoy.
“Teka
lang, maganda tong part na to.” sabi ko pero di patinag si Jepoy, kalabit parin
ng kalabit.
“Bakit
ba?!” singhal ko nanaman dito.
“Bakit
ka biglabiglang nagaaya magpainom?” tanong nito, naguluhan ako, humarap ako sa
kaniya.
“Ha?
Diba ikaw itong nagdala niyang beer?” tanong ko dito, tumango siya at uminom ng
beer.
“Eh
bakit ka nagpakuwa ng pulutan?” tanong nito sabay turo sa pulutan.
“Joke
lang kasi yun.” sabi ko dito.
“Sus,
joke lang daw, siguro gusto mo akong... lasingin at halikan...” sabi nito ng
pabulong.
“Tado!”
sigaw ko dito napatawa naman siya sabay nguso at nagmuestra na kala mo
hahalikan ako.
Lumayo
ako dito, di naman ito nakaligtas sa kaniya at lumapit ulit siya.
“Mwah
mwah mwah mwah.” sabi nito habang nakanguso parin. Kinuwa ko ang throw pillow
sa aking tabi at isinupalpal ito sa mukha ni Jepoy. Tumawa naman ito, tumayo na
ako pupunta na sanang kwarto para matulog ng hilahin nito ang kamay ko.
“San
ka pupunta?” tanong nito.
“Matutulog
na.” sabi ko dito. Pero hinila pa ulit nito ang kamay ko at itinulak ako pahiga
sa sofa. Pumatong ito sakin para di ako makaalis.
Halos
isang pulgada na lang ang layo ng aming mga mukha, amoy na amoy ko ang hininga
niya na amoy beer, kitang kita ko ang kaniyang mapupulang labi na kala mo nangaanyaya
na halikan siya at ang kaniyang mapupungay na mata na siyang gustong gusto ko.
“Nagpabagsak
talaga ako.” bulong niya, nangunot ang noo ko, sinubukan ko siyang itulak
palayo.
“Yang
kagaguhan mo talga, Jepoy! Di ka ba nanghihinayang sa pera na ginagastos ng mga
magulang mo sayo?!” singhal ko dito habang tinutulak parin siya palayo.
“Maki.”
bulong nito, napatigil ako sa ginagawang pagtulak sa kaniya, nagsimula nanamang
kumabog ang dibdib ko. Ganyan madalas ang nangyayari kapag sinasabi niya ang
pangalan ko na para bang nagmamakaawa lagi.
Nagkatitigan
lang ulit kami. Nararamdaman ko narin ang pagtibok ng puso niya, mabilis din
halos kasabay ng akin.
“Maki,
di ko kayang pigilan eh, sinubukan ko, pero di talaga eh. Sabihin mo sakin
ngayon kung talagang ayaw mo sakin, na hindi mo ako mahal, na one sided lang
ang relationship nato, ako na mismo ang lalayo sayo.” sabi niya, ramdam ko ang
bumabagabag dito. Sa totoo lang ganun din ang nararamdaman ko.
Pinadaanan
ulit ng likod ng palad niya ang aking pisngi at unti unitng lumalapit ang
kaniyang mukha sa aking mukha at inilapat ang kaniyang mga labi sa aking mga
labi, di na ako nanlaban, di ko narin mapigilan ang aking sarili. Napapikit
ako. Bahagya niyang ihiniwalay ang kaniyang mga labi sa akin at nagsalita.
“Mahal
na mahal kita, Maki.”
Dahan
dahan kong ibinuka ang aking mga mata, nagtama ang aming mga tingin, kita ko
ang sinseridad sa kaniyang mga mata at wala sa sarili kong sinagot ang kaniyang
sinabi.
“Mahal
din kita, Jepoy.”
Pagkarinig
na pagkarinig niya non ay lumatay sa kaniyang mukha ang isang ngiti,
nakakalokong ngiti.
“Ah
eh, joke lang yun. Di yun tot---” simula ko.
“Ops!
Walang bawian!” sigaw ni Jepoy sabay tayo, tinignan ko ito bumakas na ang ngiti
nito na halos sumayad na sa kaniyang magkabilang tenga, nagtatatalon ito na
kala mo tumama sa lotto. Tumigil ito at itinayo ako mula a pagkakahiga sa sofa,
di ko nagawang tumayo magisa dahil sa gulat na masasabi ko sa kaniya iyon.
“Ulitin
mo nga, Maki.” sabi nito ng magkapantay na ang aming mga mukha.
“Pwera
ulit.” sabi ko pero inilapat niya ulit ang kaniyang mga labi sakin at ng
maghiwalay ay ngumiti nanaman itong nakakaloko sakin.
“Sige,
wag mong ulitin. Hahalikan na lang kita magdamag hangga't masabi mo.” sabi nito
sakin saka muling inilapat ang kaniyang mga labi sakin.
“Edi
sige, mapuyat ka kakahalik.” banta ko dito.
“Aba't
gustong gusto.” binatukan ko na lang siya.
“Siya
sige na! Sasabihin ko na tigilan mo lang yang kakahalik mo!” sigaw ko dito
habang pinipigilang mapatawa.
“I
Love You.” bulong ko, napangiti ulit siya at yumakap ng mahigpit sakin.
“Di
mo alam kung pano mo ako napasaya.” bulong nito sakin, sinuklian ko na ang
mahigpit niyang yakap. Bigla itong kumawala sa yakap at umupo sa karpet at
tinapik ang balikat niya.
“Oh,
anong gusto mong mangyari?” tanong ko dito.
“Matutulog
na tayo.” sagot niya.
“At
bakit? Sa balikat mo ba ako matutulog?” sarkastiko kong tanong dito.
“Tanga!
Ipapasan kita papunta sa kwarto para matulog.” sabi nito sabay kindat.
“Ayoko
nga! Baka ihulog mo ako.” sabi ko dito.
“Edi
sige, hahalikan na lang kita hanggang sa bumaba ang nanay mo.” banta nito, wala
na akong nagawa at pumasan na sa kaniya, halos lahat ng gamit na madaanan namin
ay nasagi ko na, pero tuloy parin si Jepoy, desidido na makarating kami sa
kwarto na pasan pasan niya ako.
Dahan
dahan ako nitong ibinaba sa kama at nagpaalam na magtu-toothbrush muna siya
saka kumindat. Agad naman akong humiga sa kama at nagtulogtulugan. Pasipol
sipol itong naglakad pabalik sa kama, bahagya kong iminulat ang aking mata at
nakitang naghuhubad si Jepoy, walang itinira maski boxers, inilapat ko ulit ang
aking mga mata ng matapos na itong maghubo't hubad.
“Maki.”
tawag nito sakin sabay alog, pero nagtulogtulugan parin ako. Narinig ko itong
nag buntong hininga.
“Haist.
Natulog na agad.” nanghihinayang na sabi nito. Pinigilan kong mapatawa.
Inilapit nito ang kaniyang mukha sa aking mukha at marahan akong hinalikan.
“Goodnight,
Maki. I Love You.” sabi nito saka humiga sa aking tabi at idinantay sakin ang
kaniyang mabibigat na binti at braso.
Itutuloy...
[10]
Masaya
kaming nagkwekwentuhan sa loob ng cafeteria, parang balik sa normal ulit, ang
kaibahan lang may namumuo ng relasyon samin ni Jepoy at hindi ito alam ni Jana.
Minsan di ko maatim na makatitigan si Jana ng mata sa mata, alam kong mali,
harap harapan namin siyang niloloko ni Jepoy pero hindi namin basta na lang
pasabugin sa harap ni Jana ang aming relasyon.
Habang
nakatingin si Jana ay naramdaman kong sakin nakatingin si Jepoy nang tignan ko
ito ay agad itong kumindat, napailing na lang ako, biglang tumawa si Jana at
sabay kaming napatingin dito, tuloy lang sa kwento si Jana.
0000ooo0000
Nakahiga
kaming magkayakap ni Jepoy, nakiusap nanaman itong dun muna siya matutulog sa
bahay, napagusapan narin namin ang tungkol dito, na hindi pwedeng araw araw
siyang nakikitulog sa bahay at baka makatunog na si Jana, hindi rin pwede ang
panay panay na palitan ng text at tawag pero sa mga oras naman na magkasama
kami ay di pwedeng hindi namin ipapakita ang aming totoong nararamdaman.
Nakapikit
ito at tila nagtutulugtulugan lang. Kinalabit ko ito.
“Hmmm.”
walang sagot, kinalabit ko ulit.
“Oh?”
sabi nito sabay dilat ng mata.
“Kailan
natin sasabihin kay Jana?” bulong ko dito, biglang sumeryoso ang mukha nito at
kumalas sa pagyayakapan namin.
“Bakit
sumayad nanaman yan sa isip mo?” tanong nito sabay suot ng sando.
“Nahihirapan
na kasi ako.” sabi ko dito, bigla itong humarap sakin tila ba hindi
makapaniwala sa sinabi ko.
“Sa
tingin mo nageenjoy ako sa ginagawa natin kay Jana?” irita na nitong tanong.
“Hindi
naman sa ganun. Kaibigan ko kasi siya at tingin ko may karapatan siyang malaman
ang lahat ng nangyayari.” sagot ko dito.
“Ewan
ko sayo!” sigaw nito, nagpantig ang tenga ko.
“Anong
sabi mo?!” sigaw ko pabalik dito.
“Akala
mo kasi madali para sakin eh! Di mo ba naiisip na nahihirapan akong pakawalan
kayo pareho?!” sigaw nito sakin, natigilan ako saglit.
“Tama
ka, mahirap nga ito sayo, kaya dapat tigilan na natin ito. Di na tama ang
ginagawa nating ito kay Jana.” sabi ko kay Jepoy. Natigilan ito.
“Maki.”
“Nahihirapan
ka na diba? Nahihirapan nadin ako. Tigilan na natin to.” sabi ko sabay labas ng
kwarto ko at nanood ng TV sa sala.
Mayamaya
lang ay sumulpot si Jepoy, daladala ang kaniyang mga gamit.
“Aalis
na ako.” paalam nito pero di na ako sumagot pa. Nagbuntong hininga ito at tuloy
tuloy ng lumabas ng bahay. Nagmatigas ako, di na kasi talaga tama, maganda na
yung habang nasa ganito pa lang na stage eh putulin na.
Pero
mali ako, di nagtagal ay di na ako mapakali, iniisip kung asan ngayon si Jepoy,
kung sino ang kasama niya at kung anong ginagawa nila, nagalit pa ako sa sarili
ko dahil iniisip ko na baka magkasama sila ngayon ni Jana at inisip na kung ano
ang ginagawa nila. Agad kong tinampal ang noo ko.
“Sila
naman talaga ni Jana, ako naman talaga itong nagsusumiksik, so bakit ko
kailangang magalit kay Jana? Bakit ko kailangang magalit sa kung ano man ang
ginagawa nila?” sunod sunod kong tanong sa sarili ko, di ko na natiis pinatay
ko ang TV at umakyat ng kwarto, kumuwa ng pera at nagpasyang sundan si Jepoy.
Sakay
ng tricycle, pilit kong inaalala ang mga dahilan kung bakit kailangang sundan
si Jepoy.
“Hindi
naman siguro sapat na dahil mahal ko lang siya, kaya ko naisipang lokohin si
Jana? Ano pa bang ibang rason?!” naiinis ko ng tanong sa sarili ko, nangingilid
ang luha sa sobrang pagkafrustrate.
At
hindi pa man ako nakakabawi sa frustration na nararamdaman ay may panibago
nanamang gumulo sa isip ko. Nakita ko ang kotse ni Jepoy na nakaparada sa
harapan ng bahay nila Jana, natural makikita ko iyon dahil dadaan sa harapan ng
bahay nila Jana ang sinasakyan ko bago makarating sa kanto ng subdivision.
Di
ko maintindihan ang sarili ko, naguunahan ang pakiramdam ng pagkadismaya,
pagkalungkot at galit sa aking sistema, sa lahat ng iyon, di ko na napigilan
ang sarili ko na lumuha.
“B-boss,
b-balik tayo, m-may naiwan ako sa bahay.” sabi ko sa tricycle driver sabay
punas ng luha sa aking mga mata.
0000ooo0000
“Wala
kang karapatang umiyak, wala kang karapatang masaktan, tandaan mo, hindi ikaw
ang nauna kay Jepoy, wala ka nang pakielam kung gusto niyang makasama si Jana,
pagkatapos mo siyang ipagtabuyan, dahil wala kang karapatan.” sabi ko sa sarili
ko habang nakaharap sa salamin sa aking banyo.
Nanlalambot
akong pumunta sa aking kama at pilit inalis sa isip si Jepoy.
0000ooo0000
“Anak,
di ka ba papasok?” tanong sakin ng aking ina habang hinahaplos ang aking ulo.
“Di
na muna, Nay.” malamig kong sabi dito.
“Anong
problema? Gusto mong tawagan ko si Jana o kaya si Jepoy para makausap kung
nahihiya kang magsabi sakin?” tanong nito, umiling lang ako at tumalikod dito
para hindi niya makita ang pagtulo ng luha ko.
Tatlong
araw na akong hindi pumapasok. Nawalan na ako ng gana, nawalan ng ganang
mabuhay, ni hindi na halos ako natayo ng kama at nalabas ng kwarto, alam kong
nagaalala na ang aking inay kaya sa tuwing nagtatanong ito ay sinasabi ko na
lang na malalagpasan ko rin kung ano man ang problema ko. Pero sadyang matigas
ang ulo ng aking nanay, tinawagan parin nito si Jepoy at Jana.
“Anak,
baka mamya magpunta dito ang mga kaibigan mo. Sinabihan ko sila na kausapin
ka.” bulong nito sakin, saktong narinig ko ang pagkatok sa aming front door.
Agad na tumayo ang aking inay mula sa pagkakaupo sa aking kama.
“Ako
na.” sabi ko dito, tumango lang ito at pinanood akong bumangon ng kama. Ni
hindi ko na inayos ang aking sarili at sinalubong na ang kung sino mang
kumatok.
Di
na ako nagulat ng makita ang mukha ni Jepoy. Nangungusap ang mata nito,
tinititigan ang kaawaawa kong itsura, sinubukan nitong lumapit sakin, para
yakapin ako o para pumasok ng bahay hindi ko alam, di ko na siya pinayagan pang
humakbang.
“Dyan
ka lang.” malamig kong sabi dito.
“Maki.”
pabulong nitong tawag sakin, nangungusap ang tono. Binalewala ko ito.
“Hayaan
mo lang lumipas ito. Papasok ulit ako, wag kayong magalala, palilipasin ko lang
lahat ng ito.” malamig ko paring sabi dito.
“Maki,
kailangan kita.”
“Katulad
din ba ng pangangailanagn mo kay Jana nung hapong ipinagtabuyan kita? Ganung
pangangailangan ba?” tanong ko dito, miya mo ito binuhusan ng malamig na tubig.
Itinikom niya ang kaniyang bibig.
“Di
na kita kailangan, di ko na kayang lokohin ang sarili ko at si Jana. Tama na.”
sabi ko dito ng hindi parin ito sumagot. Di na ako nagulat ng bigla nitong
suntukin ang dingding.
“Tama
na.” malamig ko paring sabi dito.
“Mahal
kita, Maki, di ko hahayaang mawala ka... kailangan kita...” sabi nito pero
hindi ko iyon masyadong narinig dahil sa ingay ng papalapit na tricycle. Hinila
ako nito at inilapat ang kaniyang mga labi sa aking mga labi.
Lalong
umingay ang paligid ng marinig kong dumaan sa harapan ng bahay namin ang
tricycle at nang makalampas na ito ay yun din ang ginawa kong hudyat para
itulak si Jepoy palayo. Di man ito magpatinag ay inipon ko ang lahat ng lakas
ko at itinulak siya ulit.
“Tama
na.” lumuluha ko ng sabi dito at ibinagsak ang front door.
0000ooo0000
“Anak,
gusto ka raw makausap ni Jana.” sabi ng aking ina. Umiling ako, maglilimang
araw na akong di napasok.
“Anak
kung ano man yang ikinagaganyan mo kaialangan mo ng tao na pwede mong makausap
tungkol diyan.” sabi ng aking ina pero di pa man ulit ako tinatanong ng nanay
kung gusto kong makausap si Jana ay biglang may nagsalita sa may pinto ng aking
kwarto.
“Maki.”
tawag ng isang babae sa akin, tumingin ako sa gawi ng pinto at tinignan ang
nagsalita, si Jana, mukha rin itong malungkot. Pero lahat naman ng tao sa
paligid ko mukhang malungkot, maaaring nakikisimpatya lang si Jana sa akin.
Hinawakan ng aking ina ang kamay ni Jana at hinayaan na kaming magkausap.
“Maki,
may problema ba tayo?” malumanay na tanong sakin ni Jana, paupo akong umayos sa
aking kama, tinabihan ako ni Jana. Nagisip ako saglit, iniisip kung sasabihin
ko ba ang tungkol sa naging relasyon namin ni Jepoy. Umiling ako.
“Gusto
mo bang pagusapan ang problema?” tanong ulit nito. Umiling ulit ako, narinig
kong suminghap si Jana, tila ba na-offend sa pagtanggi kong paunlakan ang
kaniyang pakikipagusap.
“Sige,
kung hindi ka pa ready sabihin, ako may sasabihin sayo, ang totoo niyan may
problema din ako at kailangan ko ng taong makakausap.” sabi nito at ngumiti ng
malungkot, nun ko napagmasdan ng maayos si Jana, di pangkaraniwan dito ang
eyebags pero ngayong kaharap ko siya ay meron siyang ganun at parang may ere na
hindi naalagaan ang sarili ng isang buong araw.
“A-ano?”
tanong ko. Pilit ang ngumiti si Jana, may halong lungkot pero nakangiti parin.
“Siyempre
di ko agad sasabihin sayo, dapat naglilibang muna tayo! Inuman tayo! Kain tayo
ng maraming pagkain sa Dampa!” sigaw nito habang inaaya ako. Nagalangan ako.
“Tara!”
sigaw sakin ni Jana, nakadisplay parin ang pekeng ngiti.
Tumango
lang ako.
Naligo
muna ako at nagpalit ng damit nang maiayos ko na ang aking sarili ay agad ako
nitong hinila pababa.
“Tita,
labas lang kami ni Maki ah?!” sigaw ni Jana sa aking ina.
“Sige,
inga--” di na natapos ang sasabihin ng aking ina ng sumara ang front door sa
aking likod, natigilan ako ng mapansing may nakaparadang kotse sa aming unahan.
“Akala
ko tayo lang?” tanong ko kay Jana.
“Si
Jepoy lang naman yan! Saka di pwede ang tricycle sa highway!” sigaw nito sabay
tulak sakin papasok sa kotse.
Habang
binabagtas naming ang Sucat road ay tahimik lang ang buong sasakyan, nawala na
ang pilit na ngiti ni Jana. Si Jepoy naman ay sa kalsada lang ang tingin, kahit
pa nakabukas na ang radyo ng sasakyan ay tumatatak parin sa paligid ang pag
tahimik.
Nang
makarating kami sa Dampa ay wala parin ni isa samin ang umiimik, nagsisimula na
tuloy akong magisip kung maguusap ba talaga kami ni Jana at nagsisimula narin
akong kabahan, namalengke kami ng mga sariwang makakain habang panay naman ang
kumbinsi ng mga tindera na sa kanila na lang magpaluto.
Habang
kumakain ay tila pakiramdaman lang ang bumabalot sa buong hapagkainan, tahimik
pero makikita sa mga mata ng bawat isa ang kagustuhang magsimula. Nang matapos
na lahat kumain ay agad na humarap si Jana kay Jepoy.
“Jepoy,
pabili naman ako ng yosi sa baba.” utos nito sa kaniyang kasintahan kumunot ang
noo ni Jepoy.
“Nag-quit
ka na ah?” bulalas ni Jepoy.
“Aw!
How sweet! Occassionaly na lang, Hon.” sabi ni Jana kay Jepoy nakakunot noong
tumayo si Jepoy at bumili ng yosi. Humarap sakin si Jana, seryoso ang mukha
nito.
“Kailan
niyo pa ako ginagago?” tanong nito. Nagulat ako, nakita kong nangingilid na ang
luha nito.
“J-Jana,
I'm sorry hindi ko s-sinasadya.” at nakita ko itong tumayo at inabot ang
kaniyang kanang kamay at sunod kong naramdaman ang mahapding pakiramdam sa
aking kaliwang pisngi at kasabay nito ay ang malutong na lagitik na bumalot sa
buong paligid.
“Hindi
sinasadya? Parang yung sampal na yan? Kasi, hindi ko rin sinasadya yung sampal
na iyon, Maki pero gustong gusto kong gawin simula nung nakita ko kayong
naghahalikan sa harap ng bahay niyo.”
Natahimik
ako.
“Ngayon,
sabihin mo?! Kapareho ba ng hindi sinasadya ng sampal na yun ang hindi
pagsadyang panggagago niyo sakin?!” sigaw ulit ni Jana. Di ako nakasagot.
“Hiwalayan
mo na siya.” malamig na sabi ni Jana. Pinili kong hindi na magsalita at pumayag
nalang sa gusto nito.
“Promise
me that you will leave him alone.”
“I
promise...” bulong ko.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment