By: Migs
Blog:
miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail:
miguisalvador@yahoo.com
[16]
Naririndi
na si Dom sa sigawan ng dalawa, hinahayaan niya lang ang mga ito dahil
natatapos naman ng mga ito ang trabaho sa kabila ng pagbabangayan nila, ang
totoo niyan, mas marami pang trabaho ang natapos kesa sa ine-expect ni Dom.
Pinaliwanagan na lang niya ang iba niyang staff na pagpasensyahan na ang
dalawa, pero nagulat siya nang wala sa mga ito ang nagre-reklamo dahil ayon sa
mga ito ay natutuwa pa nga silang panoorin na mag-away ang dalawa. Napailing na
lang si Dom.
Nanggagalaiting
bumalik si Chino sa kaniyang upuan sa tabi ni Dom. Pinigilan ni Dom ang
mag-comment o humagikgik sa tabi nito, halatang halata kasing mahal pa ng
dalawa ang isa't isa at sa ibang paraan nila ito inilalabas bilang bahagi ng
frustration sa na-udlot nilang relasyon. Nagulat na lang si Dom nang biglang
magsalita at maglabas ng hinanakit si Chino sa kaniya.
“I
can't believe this is happening! One minute he's this
let's-be-professional-for-Dom's-sake-type-of-guy and the next he's this
I'm-still-the-asshole-who-messed-you-up-guy, I mean, meron na kaming kasunduan
na ayusin ang trabaho para sayo! Nakakainis! Once an asshole, always an
asshole!” bulalas ni Chino, pinigilan parin ni Dom ang mapatawa.
“It's
like he's still more of the I'm-still-in-love-with-Chino-and-I'm-jealous-of-Charlie-type-of-guy.”
pangiinis ni Dom, tinignan siya ng masama ni Chino at may sasabihin pa sana ito
tungkol sa sinabi ni Dom nang makuwa ng modelo ang atensyon nito.
“Chris!
What is she doing?!” sigaw ni Chino.
“Mas
maganda kung nakahiga siya sa motorcycle!” balik ni Chris.
“Ganun?
Eh ano pa ang silbi ko dito? Ikaw narin kaya ang maging direktor---!”
nanggagalaiting balik ni Chino.
Hindi
na mapigilan ni Dom ang mapahagikgik habang pinapanood si Chino papunta malapit
sa puwesto ni Chris para mag-away ulit.
0000ooo0000
“You
shit head!” singhal ni Chloe sabay batok sa kaniyang nobyo nang pumuntang CR si
Chino at nagpunta naman sa counter para umorder ng pagkain si Chris.
“What?!
I tried telling them that they're going to work for each other but they wont
let me finish first!” natatawang sagot ni Dom.
“You
did that on purpose!” singhal ulit ni Chloe.
“Yeah,
I did.” proud na sagot ni Dom, napangiti naman si Chloe.
“Gawd
you're hot when you're being mischievous!” balik ni Chloe sabay halik kay Dom.
0000ooo0000
Nang
matapos kumain ang magkakaibigan ay nagpasya na silang bumalik sa tent at
tapusin na agad ang trabaho, pinauna na ni Chino si Chris at Dom para humingi
ng payo kay Chloe.
“What
will I do?” tanong ni Chino matapos niyang ikuwento sa kaibigan ang nangyari
kanina sa photo shoot.
“Nothing.”
“Wait.
What?” tanong ulit ni Chino.
“It's
obvious, he still wants you, Chino, unless you still like him then try being in
a relationship with him again, If not, then do nothing.” kibit balikat na sagot
ni Chloe na hindi naman nakuwa ni Chino.
“I
don't like him anymore!” singhal ni Chino pero hindi ito kinagat ni Chloe.
“Then
ditch him!” singhal ni Chloe. Natigilan si Chino, hindi niya maintindihan kung
bakit pero parang ayaw niya namang basta na lang bale-wala-in si Chris, parang
may pumipigil sa kaniyang bale-wala-in si Chris. Lalo lang naguluhan si Chino
sa payo ni Chloe.
0000ooo0000
Nang
matapos ang kanilang photo shoot ay parehong napahinga ng malalim sina Chris at
Chino, iniisip na tapos narin ang pagbabangayan nila sa isa't isa, napansin ni
Chris na nagtetext si Chino, muli niya itong pinagmasdan katulad nung araw na
magisa sila sa iisang coach ng isang ferris wheel, nakakagat dila ulit ito,
nakakunot ang noo at naniningkit ang mga mata. Hindi mapigilang mapangiti ni
Chris, hindi niya napansin na sinulyapan siya ni Chino.
“Ano
nanaman kayang katarantaduhan ang iniisip nito?” tanong ni Chino sa sarili niya
nang makita niya ang mga ngiti sa mukha ni Chris.
Nakahinga
ng maluwag si Chino nang mag-text na si Charlie, nagsasabi na nasa labas na
siya at nagiintay, di na siya nagaksaya ng panahon, agad na siyang lumabas
iniisip na mabuti nang wala na siya doon bago pa man masimulan ni Chris ang
binabalak nito.
Agad
na lumatay sa mukha ni Charlie ang ngiti nang makita niya si Chino na
naglalakad palabas ng tent, hindi pa siya nakakakita ng katulad ni Chino,
reserved ito sa kaniyang palagay pero sa kabila noon ay sweet ito, tila
makakalimutan niya lahat ng problema niya kapag ngumingiti ito kaya naman hindi
na siya nagdalawang isip na kaibiganin ito.
“You
don't have to do this, Charlie, kaya kong umuwi magisa.” bati ni Chino dito sabay
yakap.
“And
I told you that I like doing this. I want to see you arriving safely at work
and at home.” balik dito ni Charlie, na-touch si Chino, inaamin niya na alam
niya kung anong nais mangyari ni Charlie para sa kanilang dalawa.
Pero
kahit anong pilit niya na ibalik kay Charlie ang pinapakita nitong
pagpapahalaga sa kaniya ay hindi niya ito magawa, hinahanap niya parin yung
magic, yung fireworks na nararamdaman niya sa tuwing nagkikita sila ni Chris.
“Magic
and fireworks.” iiling iling na bulong ni Chino sa kaniyang sarili, ito ang
kaniyang naramdaman nang matapos ang limang buwan ay nagkita ulit sila ni Chris
nung umagang yon.
“Is
everything OK?” nagaalalang tanong ni Charlie.
“Yes,
something's wrong! I want it to be you, Charlie! I want to feel something for
you!” sigaw ng isip ni Chino, ilang beses na niya itong hiniling, simula nang
sabihin sa kaniya ni Charlie na may gusto siya kay Chino ay hiniling na nito na
sana si Charlie na lang ang kaniyang mahalin.
“I'm
just tired, Charlie.” palusot ni Chino.
“OK.”
nagaalala paring sabi ni Charlie pero hindi na niya kinulit pa si Chino tungkol
dito. Pinagbuksan ni Charlie ng pinto si Chino, pasakay na ng sasakyan si Chino
nang lumabas si Chris ng tent, nasa hindi kalayuan ang sarili nitong sasakyan,
pinagmasdan ni Chino si Chris, pinanood niya itong nglalakad papunta sa kotse
nito na may malalaking tripod na dala.
Inilagay
nito ng mga iyon sa trunk ng kaniyang kotse nang umikot na ito para sumakay sa
sasakyan ay agad itong natigilan, nagtaka si Chino, kasabay nun ay ang marahang
pagandar ng kanilang sinasakyan. Nakita niya kung pano sipa-sipa-in ni Chris
ang gulong ng kotse nito. Nagulat siya ng tumigil ang kaniyang sinasakyan sa
tapat ni Chris.
“Pare,
may problema ba?” tanong ni Charlie, natigilan si Chris, agad niyang tinignan
si Charlie, nakita ni Chino ang pamumula ng mukha ni Chris sa nangyari o sa
pagtanong ni Charlie, hindi niya alam.
“May
bumutas ng gulong ko. wala pa naman akong dalang spare saka walang nasasakyan
dito.” sagot ni Chris sabay tingin sa paligid kung saan wala kang makikita
kundi magagarang bahay at magandang subdivision kung saan walang tricycle na
pinapayagan na bumiyahe.
“Sabay
ka na samin. Papahiramin sana kita ng spare kaso wala din akong dala, saka
hassle pa yun kung ngayon ka pa magpapalit ng gulong.” alok ni Charlie na
ikinagulat ni Chino at Chris agad na nagpanic si Chino si Chris naman ay tila
nalunod sa malalim na pagiisip.
“Charlie,
wag na, I'm sure siya rin ang bumutas ng gulong niya!” balik ni Chino na
ikinagulat ni Charlie. Naisip ni Chino ang ngiti kanina ni Chris bago siya
lumabas ng tent. Ang nakakagagong ngiti na nakikita niya lang kapag may gusto
itong gawing hindi maganda.
Hindi
maintindihan ni Charlie kung san nanggagaling ang sobrang galit na iyon ni
Chino, marahil ay may nagawang mali dati si Chris dito kaya ganun na lang ito
mag-react. Hindi niya alam kung san nanggagaling ang side na ito ni Chino at
desedido siya na alamin ito.
“Why
will I do that to my own car? And besides, ilang minuto ka lang naunang
lumabas, nakita mong kalalabas ko lang din! Paanong mabubutas ko ang gulong ko
kung kalalabas ko lang rin?” singhal ni Chris dito. Natameme naman si Chino, si
Charlie ay sinusukat ang reaksyon ni Chris at ni Chino.
Kitang
kita niya ang inis sa mukha ni Chris pero may iba pa siyang nakikita dito bukod
sa pagkainis. Nang maisip ni Charlie kung ano iyon ay diniktahan niya ang
sarili na wag kalimutang tanungin si Chino tungkol doon. Sunod niyang tinignan
ang reaksyon ni Chino, may pagkainis din doon at katulad ng nakita niya sa
mukha ni Chris, nakakita siya ng pagtangis doon. Tila ba ipinapakita lamang ng
dalawa na naiinis sila sa bawat isa pero sa likod nun ay nami-miss nila ang isa't
isa at idinadaan lamang iyon sa pamamagitan ng pagpapalitan ng nakasasakit na
salita.
“Chino,
we're in the middle of nowhere, we can't just leave him here---” simula ni
Charlie pero agad siyang pinutol ni Chris.
“OK
lang pare, magtatawag na lang ako ng tulong.” sagot ni Chris sabay lakad
papasok ng kaniyang kotse, agad na na-guilty si Chino sa kaniyang ginawa,
nabasa ito ni Charlie sa kaniyang mukha at lalong nagpatibay iyon ng kaniyang
hinala.
“Chino,
I think you should talk to him. We can't leave him here.” simula ni Charlie,
alam ni Chino na tama si Charlie, hindi niya rin alam kung bakit ganun na lang
niya tratuhin si Chris, sinaktan siya nito, Oo, pero hindi iyon sapat na rason
para iwan siya sa gitna ng kawalan.
Wala
sa sarili siyang bumaba ng sasakyan at lumapit kay Chris, naabutan niyang
nagte-text si Chris sa loob ng kaniyang sasakyan. Kunot noo itong nagtetext,
kitang kita niya ang sakit na siya mismo ang may gawa nang pakawalan niya ang
pagbibintang patungkol sa pagbutas ng sarili nitong gulong.
“Chris.”
tawag ni Chino sa pansin nito.
Nang
magtama ang kanilang mga mata ay...
“There
it goes again. Magic and fireworks.” bulong ni Chino sa kaniyang sarili. Saglit
siyang napatitig sa mukha ni Chris at nagulat siya ng magsalita ito.
“Look,
Chino, I know that you're still mad at me, I get it, but now I don't have
someone to call to come and pick me up. I really need your help.” halos
pabulong na sabi ni Chris dahil sa hiya.
“I'm
actually here to ask you to ride with us. I'm sorry I said all those things. Di
ko alam kung san galing yun.” nahihiya ring balik ni Chino, tumango si Chris.
Pumunta sa tapat ng kaniyang trunk at inilabas ang kaniyang mga gamit. Bago
niya ito ilipat sa sasakyan ni Charlie ay nagsabi muna siya rito...
“Sorry,
pare, wala akong matawagan eh, OK lang ba na sumabay ako sainyo? Kahit hanggang
sakayan lang ng bus.”
“Wala
yun, pare. Kahit hanggang sa bahay mo pa, walang problema yun sakin.” sabi ni
Charlie sabay kibit balikat, wala sa sariling tinulungan ni Chino si Chris na
magbuhat ng malalaking gamit nito. Palihim na natuwa si Chris sa ginawang ito
ni Chino.
Habang
inaabot ni Chino kay Chris ang isa sa malalaking tripod ay hindi sinasadyang
mahawakan ni Chino ang kamay ni Chris. Nagtama ang kanilang mga tingin at ilang
segundong tumagal iyon.
“Magic
and Fireworks.” agad naalala ni Chris ang sinabing iyon ni Chino nang halikan
niya ito noon. Saktong sakto iyon sa nararamdaman niya ngayon.
Agad
na binawi ni Chino ang kaniyang kamay at pakikipagtitigan kay Chris.
“And
there goes my magic and fireworks.” umiiling na sabi ni Chris sa sarili niya,
nanghihinayang sa biglaang pagkalas ng kamay ni Chino sa pagkakahawak nito sa
kaniyang mga kamay.
0000ooo0000
Nakakabingi
ang katahimikan sa loob ng sasakyan, nasa malalim na pagiisip si Chino, si
Chris naman ay di mapakali at si Charlie ay pinapanood ang dalawa at ang
kalsada. Naisipan ni Charlie na alamin ang namamagitan sa dalawang lalaki na
nasa loob ng kaniyang sasakyan.
“So,
Chris, how did you know Chino?” tanong ni Charlie sabay abot ng batok ni Chino
at minasahe ito, madalas itong gawin ni Charlie lalo na sa tuwing napapansin
niyang pagod na pagod si Chino sa sa trabaho nito. Hindi nakaligtas ang
simpleng pagmasahe na ito kay Chris.
“I
yelled at him in his first photo shoot with male models then I called him
incompetent and unprofessional.” sagot ni Chris sabay kibit balikat. Wala sa
sariling napatingin si Charlie sa rear view mirror at tinignan maigi si Chris.
“Bakit?”
tanong ni Charlie, si Chino ang sumagot nito dahil hindi niya inaasahan na
sumagot ng maayos si Chris.
“Because
he's an asshole.” sabay na napatingin si Charlie at Chris kay Chino sa sagot
niyang ito.
“I'm
not an asshole! I just got so into you that I want all your attention for
myself, kahit na sa pamamagitan iyon ng pagsigaw.” bulong ni Chris pero rinig
na rinig iyon ni Charlie at ni Chino na para bang isinigaw iyon at may gamit
pang mega phone. Agad na nagpintig ang tenga ni Chino.
“Well
you got my attention when you outed me to all my production staff! You got my
attention when you decided to land one of your elbows to my nose, making me
bleed to death! You got my attention when you---” agad na natigilan si Chino
nang maisip niya ang susunod niyang sasabihin.
“---I
got your attention when I cheated on you.” bulong ni Chris nang tila ba nabasa
niya ang iniisip ni Chino. Bayolenteng lumingon si Chino at minata si Chris
mula sa kinauupuan nito.
Muli
nanamang binalot ng katahimikan ang buong sasakyan. Hindi na sinubukan pa ni
Charlie na magsimula pa ng panibagong usapan. Ngayon, kahit papano ay may ideya
na siya kung ano ang nangyari kay Chino at kay Chris noon, mas pinatibay ng
sinabi ni Chris ang kaniyang hinala. Nahalata na niya iyon nang una pa lang na
nagsalita si Chino nang alukin ni Charlie kanina na sumabay na si Chris sa
kanila pero sa sagot na iyon ni Chris siya nakumbinsi na may nakaraan ang
dalawa.
0000ooo0000
Maraming
bagay ang tumatakbo sa isip ni Chino habang bumabiyahe sila pauwi, lahat ng
iyon ay umiikot kay Chris. Iniisip niya kung paanong posible parin siyang may
nararamdaman dito gayung wala itong ginawa kundi gawin siyang miserable. Oo,
may magic and fireworks nga, may koneksyon nga sa pagitan nila pero sapat ba
yun?
Nasa
ganitong pagiisip si Chino nang tumigil ang sasakyan sa isang gasulinahan,
nagising lang siya ng mapansing lumabas si Charlie ng sasakyan at kinausap ang
gas boy, may itinuturo ito sa gulong ng kaniyang sasakyan. Umuusok ilong siyang
humarap muli kay Chris.
“Still
the asshole who keeps ruining my life, huh?!” singhal ni Chino dito, natigilan
naman si Chris, nang makita ni Chino ang reaksyon ni Chris ay agad niyang
pinagsisihan ang pagsasalitang iyon laban kay Chris. Nakikita ni Chino ang
sakit na nararamdaman ni Chris na dulot ng kaniyang mga sinabi.
0000ooo0000
Nang
makarating sila malapit sa tinitirhan ni Chris ay agad na nagpaalam si Chris sa
dalawa, pinilit si Charlie na huwag nang ipasok ang sasakyan sa village at
rerenta na lag siya ng tricycle.
“Sure
ka, pare?” tanong ni Charlie. Tumango si Chris.
“I'm
sure dadaan pa kayo sa ospital. So di ko na kayo aabalahin pa.” agad na lumatay
sa mukha ni Charlie ang pagtataka sa sinabing iyon ni Chris, si Chino naman ay
natigilan.
“Ospital?”
tanong ni Charlie.
“Yup,
laging pumupunta si Chino sa ospital para bisitahin si Francis, diba?”
Agad
na tumakbo ng ilang milya ang isip ni Charlie, nagtatakang tinignan ni Charlie
si Chino, si Chino naman ay tila natulala sa mga sinabi ni Chris, naisip ni
Charlie na hindi iyon ang tamang panahon para tanungin si Chino kaya naman
nagpaalam na lang siya kay Chris.
“Ah,
Oo nga pala, pare.” palusot ni Charlie pero hindi iyon kinagat ni Chris, naisip
agad ni Chris na hindi pa alam ni Charlie ang lahat ng tungkol kay Chino at
lihim siyang natuwa.
“Sige,
hindi ko na kayo aabalahin pa. Ingat sa pagda-drive, pare, Chino.” sabi ni
Chris kay Charlie sabay tango kay Chino, tila naman hindi siya narinig ni
Chino. Nang makalayo na si Chris ay tinignan ni Charlie si Chino.
“Are
we going straight to the hospital or are we stopping at your apartment first?”
tanong ni Charlie.
“Hospital,
I want you to meet someone first.”
Itutuloy...
[17]
Pumasok
na si Chino at Charlie sa kwarto ni Francis, wala paring pinagbago ang
kalagayan nito, maliban sa mga gumaling ng ilang mga sugat ay iniintay parin
nila itong magising. Pinagmasdan maigi ni Charlie ang lalaking nakaratay,
maputla ito na tila ba matagal na panahon nang hindi nasisikatan ng araw. Halos
buto't balat nadin ito pero hindi nun naaalis ang maamong mukha na miya mo
ginaya mula sa isang mukha ng anghel.
“Francis?
Remember Charlie? Yung sinabi ko sayo na idini-date ko? Heto siya oh.” sabi ni
Chino habang inaayos ang kumot ni Francis.
“Charlie
this is Francis, my best friend.” pakilala ni Chino.
“I-I
don't understand, Chino.” umiiling na sabi ni Charlie.
“Sit
down and I will tell you everything.”
0000ooo0000
Matapos
sabihin ni Chino ang lahat, mula sa relasyon nila ni Francis at sa paghihiwalay
hanggang sa na-udlot na relasyon nila ni Chris ay iniintay na lang ni Chino ang
magiging reaksyon ni Charlie, tahimik lang ito, malalim ang iniisip. Ibinalik
na lang niya ang kaniyang tingin kay Francis at nagpasyang inatyin na lang ang
susunod na sasabihin ni Charlie.
“And
there I was thinking that I know you.” umiiling na sabi ni Charlie pero
nakangiti ito. Nagtaka si Chino, akala niya ay sarkastiko ito.
“Why
didn't you tell me?” tanong ni Charlie.
“Because
I want to forget all of it. I know I will tell you about Francis once I made up
my mind about my feelings for you---”
“What
exactly are your feelings for me, Chino? If you don't mind me asking.”
Saglit
na natigilan si Chino at nang mapagisipang mabuti ang kaniyang isasagot ay
hindi na siya nagdalawang isip na sabihin ito kay Charlie.
“You're
a good friend, Charlie---”
“But?”
tanong ulit ni Charlie, alam niyang laging sumusulpot ang salitang 'but' o kaya
'pero' sa mga ganitong usapan. Tinignan ni Charlie si Chino, halata niyang
nahihirapan si Chino na sabihin sa kaniya ang tunay na nararamdaman nito para
sa kaniya.
“But
we're just going to be friends, right? Hanggang dun lang diba?” pagkukumpirma
ni Charlie, nagaalanagng sumagot si Chino, ayaw niyang saktan si Charlie, alam
niyang napagusapan na nila 'to noon, na wala dapat asahan kung sakaling walang
patutunguhan ang kanilang sinusubukan. Pero hindi parin mapigilan ni Chino ang
malungkot, ayaw niyang mawala bilang kaibigan si Charlie.
“You're
still in-love with Chris, aren't you?” tanong ulit ni Charlie, nagulat si Chino
nang walang marinig ni katiting na hinanakit sa boses ni Charlie kaya naman
wala siya sa sariling sumagot agad.
“Yes.”
bulong ni Chino.
“Then
why do you keep on pushing him away?” tanong ulit ni Charlie.
“Because
I'm af---” simula ni Chino pero hindi na siya pinatapos ni Charlie.
“Because
you're afraid that he will hurt you again? You know what, Chino? After I saw
you guys biting each others head earlier in my car, di ko maiwasang maisip na
walang pagkakataon na maging tayo, it's obvious that you guys still have
feelings for each other and that you are meant for each other.”
“I'm
sorry, Charlie.” nangingilid luhang sabi ni Chino, umiling naman si Charlie at
binigyan siya ng matipid na ngiti.
“Di
ka dapat mag-sorry, Chino, ayos na sakin yung nakilala kita at binigyan mo ako
ng pagkakataon na mapalapit sayo sa loob ng limang buwan, para sakin enough na
'yon.” sabi ni Charlie, nagulat ito nang bigla na lang siyang yakapin ni Chino
ng mahigpit.
“You
don't know how much I wished and prayed that it will be you, Charlie.”
sumisinghap na sabi ni Chino habang mahigpit paring nakayakap kay Charlie.
“Sometimes
we just have to stick with the one who is meant for us, Chino, we're not meant
to be together, friends maybe but not lovers, that spot is for Chris only. Give
him a chance, Chino, it might make the both of you happier.”
Napaisip
ulit si Chino.
0000ooo0000
Malalim
ding nagiisip si Chris tungkol sa mga nangyari nung hapon na iyon, naaalala
niya kung gaano kalapit ng katawan ni Charlie kanina kay Chino, kung gano
kakumportable si Chino makipagusap kay Charlie, alam niyang may namamagitan sa
dalawa, hindi pa man magkasintahan ang mga ito ay sigurado niyang papunta na
ang mga iyon doon.
Sumagi
din sa isip ni Chris na tigilan narin niya si Chino, tutal wala narin naman
siyang magagawa pa kung mas mahal na nito si Charlie, bakit pa niya
ipagsisiksikan ang kaniyang sarili dito. Pero kahit gaanong kadali niya iyon
sabihin ay siyang hirap naman gawin, alam niyang mahihirapan siya na ipaubaya
na lang basta si Chino pero wala narin naman siyang magagawa para bawiin ito
dahil masyado niya itong nasaktan.
“Still
the asshole who keeps ruining my life, huh?!”
Muling
tumakbo ang mga sinabing ito sa kaniya ni Chino si isip ni Chris, nun niya lang
napagtanto na ganun pala ang naging epekto niya kay Chino, kaya ngayon mas
napapaisip siya kung hahayaan na lang nga ba niya si Chino kay Charlie at
titiisin na lang niya ang sakit o gagawin niya ang lahat mabawi lamang ito
kahit pa ang ibig sabihin nun ay maaaring marami siyang masagasaan.
Nakatulog
na sa sobrang pagiisip si Chris, hindi parin nito alam kung paano ang gagawin
niya kay Chino. Habang si Chino naman ay nagiisip kung hahayaan niyang pumasok
ulit si Chris sa kaniyang buhay na sa loob ng limang buwan ay pinagbuti at
pinagtibay niya. Napangiti si Charlie nang makitang pinagiisipan maigi ni Chino
ang kaniyang mga ipinayo at sinabi.
0000ooo0000
“You
look like shit!” bati ni Dom kay Chris nang makita kung pano namumugto ang mga
mata nito.
“Yeah
goodmorning, dude.” walang ganang balik ni Chris.
“What
happened, I thought the 'zombie curse' got lifted yesterday when you saw Chino
again after five months?” tanong ni Dom, pilit na nangingisda ng impormasyon sa
maaaring nagiging takbo ng relasyon ng dalawa niyang kaibigan.
“Well
that's what I thought too, but after I got a little trouble with my car and
getting a ride with Chino and Charlie to get home and after some heated words
thrown at each other in front of Charlie, I hardly doubt it if the 'zombie
curse' will be lifted. Ever.”
“Wow,
butas na gulong? Malamang masira nga ang buong linggo ko.” balik ni Dom, agad
na tinignan ni Chris si Dom.
“How
did you know that my tire got sabotaged? I don't remember telling you what kind
of trouble I had with my car yesterday and I got early today to fix it before
you get here, so what gives?” naniningkit na usisa ni Chris kay Dom.
“Wha---?
Oh I think I saw the flat tire yesterday before going home---”
“And
you still decided to go home not thinking that I might need your help?”
naniningkit pa ulit na tanong ni Chris.
“I
was in a hurry---”
“You
sonovabitch! You stabbed my car, didn't you! You prick!” sigaw ni Chris,
sasakalin na sana niya si Dom nang pumasok si Chino ng tent.
Agad
na tumigil si Chris sa kaniyang binabalak na pagsakal kay Dom, agad na sumagi
sa isip ni Chris na wala pa pala siyang napagdedesisyunan tungkol sa gagawin
niya sa kaniyang nararamdaman kay Chino, it's either stay or stay away.
Napagdesisyunan niyang umiwas.
Ibubuka
na sana ni Chino ang kaniyang bibig at kakausapin si Chris nang magsalita ulit
ito.
“We'll
talk later, Dom.” puno ng pagbabanta ang sinabing iyon ni Chris, di mapigilan
ni Chino ang masaktan, akala niya ay nagalit na ng tuluyan sa kaniya si Chris
dahil sa sinabi nito dito kahapon. Di na niya nagawa pang pigilan si Chris
dahil padabog itong naglakad palayo.
0000ooo0000
“YOU
WHAT?!” sigaw ni Chino.
Matapos
umalis ni Chris ay tinanong ni Dom si Chino kung ano ang nangyari kahapon sa
kanila. ikinuwento ni Chino lahat ng nangyari, simula sa nakakalokong ngiti ni
Chris bago siya lumabas ng tent, ang pagkakita ni Chris sa kaniyang butas na
gulong, sa pagalok ni Charlie na sumabay sa kanila si Chris pauwi, ang
pagbibintang niya kay Chris tungkol sa pagbutas ng gulong, ang pahapyaw ni
Chris sa nakaraan nila na ikinagulat ni Charlie, ang pagsinhal ni Chino kay
Chris nung nagpapagas si Charlie at ang huli ay ang pagkukuwento ni Chino
tungkol sa kaniyang nakaraan, simula kay Francis hanggang sa panloloko ni Chris
sa naguguluhang si Charlie at ang pagpapaubaya ni Charlie para kay Chris at
Chino.
Hindi
mapakali si Dom, iniisip kung aaminin na sila ni Chloe ang bumutas ng gulong ni
Chris para mapilitan si Chino at Charlie na isabay ito.
“We
stabbed Chris' tire.” amin ulit ni Dom, hindi napigilan ni Chino ang abutin ang
batok ni Dom at haklitin ito.
“No
wonder, galit na galit sakin si Chris nung pagbintangan ko siya!” singhal ni
Chino.
“Sorry.”
bulong ulit ni Dom, inirapan na lang siya ni Chino.
Saglit
na tumahimik ang dalawang magkaibigan.
“So
you and Charlie are not dating anymore?” nagaalangang tanong ni Dom, tinignan
ulit siya ng masama ni Chino pero hindi na nito nagawa pang sigawan ang
kaibigan, nagbuntung hininga na lamang ito at tumango para sagutin ang tanong
ni Dom.
0000ooo0000
Sa
tuwing sinusubukan ni Chino na lumapit kay Chris ay umiiwas ito, naisip tuloy
ni Chino na huli na ang lahat at sumuko na si Chris sa pagtya-tiyaga nito sa
kaniya. Naiinis siya sa sarili niya at sa kaniyang matalas na dila. Sinubukan
niya na kontrahin lahat ng gusto nito bilang photographer para sa shoot na iyon
para kahit papano ay makapag-usap sila pero kahit gaano kapangit at kasama ng
kaniyang ideya ay hindi siya tinutuligsa ni Chris katulad kahapon.
“I
think it's better if we have the model swim on a small pool.” suhestyon ni
Chino, binigyan siya ng nagtatakang tingin ng mga taong nakarinig sa kaniya na
tila ba nagsasabi na 'are you for real?' pero wala siyang pakielam dun, gusto
niya lang na kontrahin siya ni Chris tulad ng ginagawa nito nung nakaraang
photo shoot, sa isip isip niya ay mas mabuti nang magusap sila habang nagaaway
kesa naman hindi siya nito pinapansin.
Pero
wala siyang nakuwang bayolenteng reaksyon kay Chris, nagkibit balikat lang ito
bilang sagot, tila naging isa itong puppet na kung saan kahit anong ipagawa ni
Chino ay papayagan nito.
“You're
not going to shout at me and say that what I said is the lamest thing you
heard?” nanunubok na tanong dito ni Chino.
“You're
the director, I'm just a photographer.” walang emosyong sagot ni Chris sabay
kibit balikat, tila naman sinipa sa likod si Chino sa reaksyon na iyon ni
Chris.
“Then
maybe we can find a transparent kiddie pool and have the model swim in it, you
can have your set up below the pool and shoot from there.” subok ulit ni Chino,
saglit siyang tinignan ng masama ni Chris, sinong photographer nga naman ang
hindi titingin ng masama sa kaniya eh ang hirap ng suhestiyon niyang iyon.
“As
you wish, Sir.” wala ulit na emosyong sagot ni Chris sabay kalikot ulit ng
camera.
“Sir,
are we going to call the prod staff for a ---err--- transparent kiddie pool?”
tanong ng isa sa staff ni Chino habang tinitignan ang clipboard. Napairap naman
si Chino.
“No
cancel that, let's go with the original plan.” bawi ni Chino nang hindi niya
nakuwa ang kaniyang inaasahan reaksyon mula kay Chris.
Nagsisimula
ng ma-frustrate si Chino.
“Since
our photographer is being an asshole again and doesn't cooperate then we have
to stick with the original sequence of the shoot.” sabi ulit ni Chino,
pinagmamasdan niya ang mukha ni Chris , nagiintay ng kahit kaunting pagkainis
sa kaniyang mga patutsda pero wala siyang nakita sa mukha nito.
“I'll
have the models make up retouched.” sabi ulit ng isa sa staff ni Chino na
umiiling habang pinapalipat lipat ang tingin kay Chino at Chris at naglakad na
palayo.
“I'm
sorry for being the constant asshole in your life.” bulong ni Chris, natigilan
si Chino, rinig na rinig niya ang lungkot sa boses ni Chris, agad siyang
nagsisi sa masasakit nanamang salitang binitiwan.
“Chris---”
tawag niya dito pero mabilis na itong nakalabas ng tent.
0000ooo0000
“Why
don't you talk to him?” tanong ni Dom kay Chris nang makita niya itong
pinapanood si Chino sa di kalayuan.
“I'm
still mad at you for the tire scene, so please don't talk to me!” singhal ni
Chris, nagtaas ng dalawang kamay si Dom na miya mo sumusuko.
“Chloe
and I will pay for it. I'm sorry our plan backfired.” paghingi ulit ng tawad ni
Dom. Nagkibit balikat si Chris.
“Doesn't
make a difference now.” sagot ni Chris,
“You're
giving up on him?” tanong ni Dom sabay iling. Saglit na napaisip si Chris, alam
niyang hindi magiging masaya sa kaniya si Chino dahil madalas niya itong
inisin, saktan at isa pa alam niyang na kay Charlie na ngayon ang kaligayahan
nito. Tumango si Chris bilang sagot sa tanong ni Dom.
“Well
that's too bad lalo na ngayong nagpaubaya na si Charlie para magkalapit ulit
kayo ni Chino.” pahapyaw ni Dom.
“I'm
sure it's just--- Wait. What? They're not dating anymore?” paglilinaw ni Chris,
nagkibit balikat naman si Dom.
“Ask
Chino yourself.” nangiinis na sagot ni Dom.
“Asshole!
You still owe me a tire!”
“I
will help you with Chino as long as you let me off the hook.” alok ni Dom. Agad
na nagliwanag ang mukha ni Chris.
“Deal!”
sagot ni Chris, habang hindi maiwasang mapangiti at matuwa sa narinig na
balita.
Itutuloy....
[18]
Hindi
alam ni Chris kung ano ang ibig sabihin ni Dom sa sinasabi nitong tulong. Hindi
na niya iniiwasan si Chino pero hindi rin naman siya nagfe-feeling na close
dito dahil sa takot na mainis nanaman ito sa kaniya at mawala pa ang
kakapiranggot na pagasa niya dito. Sa tuwing tatanungin ni Chino ang kaniyang
opinyon ay kaswal niya lang itong sasagutin.
Nang
magsimula ng mag pack-up ang mga staff ay saka napansin ni Chris na may
pinaplano si Dom. Pinagmamadali nito lahat ng staff, di ito pangkaraniwan kay
Dom dahil madalas nitong intayin si Chino na kilos pagong at ngayong wala ng
Charlie na susundo kay Chino ay mukhang iiwan pa ni Dom si Chino magisa umuwi.
Dun sa puntong iyon umilaw ang bumbilya sa ulo ni Chris.
“Iiwan
nila si Chino para wala itong magawa kundi sumabay sakin pauwi. Nice, Dom.”
nangingiti ngiting sabi ni Chris sa sarili niya, saglit na nagtama ang tingin
ni Dom at Chris at bago lumabas ang mga staff at si Dom ay kinindatan siya nito
na tila ba nagsasabing 'ikaw na bahala sa kaniya'
0000ooo0000
Natigilan
si Chino nang makitang wala na ang van na sasakyan niya pauwi.
“Oh
no, not again.” sabi ni Chino sa sarili habang lumi-lingon lingon, isang
sasakyan lang ang nakikita niya na nakaparada pa sa parking lot.
Naisip
ni Chino na tila ba pinaglalaruan siya ng tadhana dahil saktong paglingon niya
ay siyang labas naman ni Chris na abala sa pagbubuhat ng mabibigat na tripod.
Saglit na nagpanic si Chino, hindi alam kung pano kakausapin si Chris na isabay
siya pauwi. Alam niyang may galit ito sa kaniya matapos niya itong pasaringan
nung umaga.
Kunwari
ay natigilan pa siya nang maabutan niya si Chino na nagaalangang nakatingin sa
kaniya, pinilit niya ang sarili na huwag mapangiti.
“I
thought everybody left already.” arteng bati ni Chris kay Chino. Iniwas ni
Chris ang kaniyang tingin, itinuon niya ito sa kaniyang bag at kunwari ay
naghahanap ng susi para hindi niya makita ang mukha ni Chino, dahil kung
titignan niya ito ay siguradong hindi niya mapipigilan ang mapatawa.
“They
did and they left me behind--- again--- I--- uhmmm--- Chris, p-pwede ba
akong---” kinakabahang simula ni Chino, muling ibinalik ni Chris ang tingin
niya kay Chino at inintay na tapusin nito ang paghingi ng pabor, pero masyadong
kinakabahan at nahihiya si Chino. Pinipigilan ni Chris ang kaniyang sarili na
abutin ang maamong mukha ni Chino at paulanan ang mga labi nito ng mga halik.
“Makisabay?”
pagtatapos ni Chris nang hindi na niya matiis na panoorin si Chino na
nagkakandahirap magtanong sa kaniya. Nakita niyang namula ang mga pisngi ni
Chino, napangiti si Chris pero agad niya iyong inalis sa mukha niya sakaling
tumingin sa kaniya si Chino.
“Sure
Chino, you don't have to ask.” kaswal na sagot ni Chris sabay kibit balikat at
tumuloy na sa pagkakarga ng kaniyang mga gamit sa trunk ng kaniyang sasakyan.
Habang si Chino naman ay hindi mapagpasyahan kung sasakay na siya ng sasakyan o
iintayin niya pa si Chris matapos.
Napili
niyang maintay.
Nagulat
si Chris nang makita niyang nagaalanagan paring nakatayo si Chino sa labas ng
kaniyang sasakyan, gustong gusto niya itong banatan ng pangiinis pero pinigilan
niya ang kaniyang sarili. Pumunta siya sa tapat ng pinto ng passenger seat at
pinagbuksan si Chino ng pinto.
Hindi
alam ni Chino kung magugulat ba siya o matutuwa sa ginawang iyon ni Chris, ni
sa hinuna niya ay hindi niya inisip na may parte pala ng katawan ni Chris ang
pagiging sweet, tanging pagiging asshole at paminsan minsang pagpapakita ng
lambing lang kasi ang pagkakakilala niya dito. Ngayon, sa kumbinasyon ng
pagiging asshole at sweet, hindi na alam ni Chino kung pano pa pipigilan ang
kaniyang nararamdaman ulit kay Chris.
Nakangiting
umikot si Chris papunta sa driver side at sumakay na para masimulan ang biyahe
pauwi.
0000ooo0000
Tahimik
ang buong kotse, iniintay ni Chris na si Chino ang magsimula ng usapan dahil
kung siya nanaman ang magsisimula ay hindi niya pinagkakatiwalaan ang sarili na
huwag magsabi ng kung ano mang ika-iinis nanaman ni Chino. Makalipas ang trenta
minutos ng nakakabinging katahimikan ay nagsalita na si Chino.
“Sorry
nga pala kanina, Chris, dun sa mga sinabi ko.” nahihiyang sabi ni Chino.
“It's
nothing, dapat nga ako pa ang nagsorry sayo dahil sa mga sinabi ko kahapon.”
natigilan si Chino sa sinabing ito ni Chris. Sa pagkakakilala niya kay Chris at
nung minsang naging close sila ay alam niyang hindi madalas magpakumbaba si
Chris at aminin ang pagkakamali. Hindi na nagsalita pa ulit si Chino, tinanggap
na lang nito ang paghingi ng tawad ni Chris sa pamamagitan ng pagtango.
“So
where's Charlie?, I mean, I know that it's none of my business but I don't
think Charlie is the kind of guy who leaves the guy he cares about behind.”
kaswal ulit na sabi ni Chris pero ang totoo ay pinipiga niya sa impormasyon si
Chino.
“We're
not dating anymore.” pagamin ni Chino sabay tingin sa labas ng binatana.
“Oh
shit,I'm sorry, Chino, is this because of something I might've said yesterday?”
nagaalalang tanong ni Chris.
“No,
it's not about yesterday---” saglit na natigilan si Chino na tila ba
nagaalangang tumuloy sa pagsasalita. “---we decided that it's better for us to
remain just friends.” kaswal na sagot ni Chino pero ang totoo nun ay
kinakabahan na siya kung saan maaaring humantong ang paguusap nilang iyon.
Muling
binalot katahimikan ang buong sasakyan. Maya- maya pa ay nakaramdam ng
pagkagutom si Chris, hindi nakaligtas ang pagkalam ng sikmura ni Chris kay
Chino lalo na't rinig na rinig ito laban sa katahimikan ng buong sasakyan.
Napahagikgik si Chino, di naman mapigilang mapangiti ni Chris.
“It's
still early, Chris, we can still eat---” simula ni Chino, agad na nanlaki ang
mga mata ni Chris sa gulat.
“You
will eat with me?” nagtaka naman sa sinabing ito ni Chris si Chino.
“Unless
you don't want me to.” bawi ni Chino.
“No!
Uhmm no, it's not that, it's just I didn't think that you would want to eat
with me---”
“Yeah,
well, eating with an asshole can be good sometimes.” nangingiting sagot ni
Chino, agad namang natahimik si Chris, hindi niya napansing nagbibiro lamang si
Chino kaya naman agad siyang nasaktan sa sinabi nito. Pinili niyang tumahimik
na lang at wag na lang magbalik ng pasaring kay Chino.
Napansin
ni Chino ang biglang pagtahimik ni Chris pero hindi na lang niya ito pinansin
dahil nakita niyang papasok na sila sa parking ng isang fast food chain.
Napailing na lang si Chino dahil hindi niya inakalang ang isang dating modelo
at may pamatay na katawan ay nakukuwang kumain ng mga masebong pagkain at ni
hindi madagdagan ng miski kapiranggot na taba ang katawan.
0000ooo0000
Kunot
noong pinapanood ni Chino si Chris, simula nung huling usapan nila sa kotse
bago kumain sa fast food ay hindi na muli ito nakipagusap ng maayos sa kaniya,
mga isang salitang sagot lang lagi ang nakukuwa niyang sagot dito na talaga
namang ikinatataka niya. Habang pinapanood niya si Chris ay di niya maiwasang
mapansin ang paminsan minsang pagkunot ng noo nito na tila ba may malalim na
iniisip, nang hindi na matagalan ni Chino ang ganung tagpo ay naisipan niyang
tanungin na si Chris.
“OK!
That does it!” singhal ni Chino sabay pigil kay Chris sa pagsubo niya ng burger
na ikinagulat ni Chris.
“Wha--?”
“Why
are you being quiet?”
“Wha--?”
simula ulit ni Chris.
“Well
at first you're this cocky sonovabitch who always wants to make my life
miserable and then you make me--- you make me fall in love with you then you
cheat on me which is by the way hurts like a bitch and then you go all quiet on
me?!” frustrated na singhal ni Chino sa loob lamang ng isang hingahan sa gulat
na gulat paring si Chris. Saglit silang nagtitigan dahil iniintay ni Chino ang
sagot ni Chris at si Chris naman ay hinahayaang mag-sink in ang sinabi ni Chino
sa kaniya.
“Well,
being always referred to as 'the constant asshole of my life' by a person I
care a lot is kinnda unnerving.” balik ni Chris, ngayon naiintindihan na niya
kung san nanggagaling si Chino. Napangiti siya sa sarili niya.
“This
is Chino's way of coming on to me. This is his way of saying 'I still like you,
can we be boyfriends?'” nangingiting sabi ni Chris, tama siya, mahal parin siya
ni Chino kaya't hindi nito tinanggap ang nararamdaman ni Charlie, ngayong akala
ni Chino na ayaw na sa kaniya ni Chris kaya naman nafru-frustrate ito at
sinusubukang inisin si Chris para bumalik sila sa dati.
At
pagbibigyan siya ni Chris.
“I'm
sorry.” bulong ni Chino. Umiling si Chris.
“What?!
You can't forgive me?! Alam mong biro lang ang pagtawag ko sayo ng asshole!”
depensa ni Chino.
“Well
it kinda hurt!” balik ni Chris, nagulat si Chino, hindi niya inaasahang
sisinghalan siya pabalik ni Chris, pinilit niyang itago ang ngiti na
nangungulit na lumabas sa mga labi niya. Iniisip niyang unti unti nang
bumabalik sa dati ang kanilang pagsasama.
“Welcome
back, asshole!” sabi ni Chino sa sarili niya nang ma-realize na nakuwa na ni
Chris ang gusto niyang mangyari.
“Since
when did you become a sensitive prat?!” balik ni Chino.
“Since
I met you! Since when did you become an insensitive bitch?!” balik naman ni
Chris sabay tuon sa lamesa at iniaplip ang mukha kay Chino na nagulat sa
biglaang pagkilos ni Chris ilang pulgada na lang ang layo ng mga mukha nila.
“Well
let's see---” pangiinis na balik ni Chino, kunwariy nagiisip pa. “--- since I met
you of course!” tapos ni Chino sabay hawak sa pisngi ni Chris na para bang
hahalikan niya ito, natigilan si Chris sa ginawang ito ni Chino at laking gulat
niya nang makaramdam ng malagkit at mamantikang bagay na isinampal sa kaniyang
pisngi.
“What
the---” simula ni Chris habang iniaalis ang mga parte ng dumikit ng
cheeseburger sa kaniyang pisngi. Tinignan niya ng masama si Chino na
nakangiting aso.
“Now
you see how much grease those things have?” nangaalaskang turo ni Chino sa
burger na isinampal niya kay Chris.
“I
like you more when you were shy.” umiiling na sabi ni Chris, napahagikgik naman
si Chino.
Alam
at sigurado na nila Chris at Chino na nakuwa na ulit nila ang atensyon at
nararamdaman ng isa't isa.
0000ooo0000
“Where
are we going?” nagtatakang tanong ni Chino nang ibang street ang nilikuan ni
Chris palayo sa kaniyang apartment.
“To
the hospital.” simpleng sago ni Chris.
“Oh.
I thought we're going to talk for a while in my apartment.” tila ba dismayadong
balik ni Chris.
“We
have time to talk later after we visit Francis, kung pupunta pa tayo sa
apartment mo baka ma-miss na natin yung visiting hours.” kibit balikat na sagot
ni Chris. Napamaang si Chino, agad siyang naimpress sa sinabi ni Chris, hindi
lang ito handang isugal ang kanilang oras para sa isa't isa ginagawa niya rin
ito dahil sa alam nitong importante kay Chino ang makita ang kaniyang kaibigan.
“There's
something different about you.” wala sa sariling bulalas ni Chino, hindi niya
sinasadyang ipaalam kay Chris ang tungkol sa kaniyang iniisip, baka kasi magiba
nanaman ng ugali ito. Napatingin naman sa kaniyang repleksyon si Chris na tila
ba makikita niya dun ang kakaibang sinasabi ni Chino tungkol sa kaniya,
napahagikgik naman si Chino.
“I
mean, sa ugali, Chris, may nagbago sayo.” paglilinaw ni Chino. Napangiti naman
si Chris.
“Well,
I wanted to change so I can have something I lost, back.”
“Keep
that up and you might get it back.” makahulugang balik ni Chino, parehong
napangiti ang dalawa.
“I
will do my best to have you back, Chino.” desedidong sabi ni Chris sa sarili
niya.
0000ooo0000
Masayang
lumapit si Chino sa tabi ni Francis, sa loob ng pitong buwan ay wala paring
pinagbabago ang kundisyon nito. Katulad ng nakagawi-an ay inayos ni Chino ang
kumot at ang mga gamit sa loob ng kwarto ni Francis, sa ganitong paraan lang
kasi naipapakita ni Chino na mahalaga parin ang kaibigan sa kaniya. Itinataon
niya ang kaniyang pagbisita sa oras na wala na ang mga magulang ni Francis o
kaya naman ang nobya nito, pero iba ang gabing iyon.
Hinawakan
niya ang kamay ng kaibigan katulad ng mga nakaraang gabi na pagbisita niya
doon.
“Huy,
gising ka na. Madami na akong ikukuwento sayo.” bulong ni Chino, saglit na
sinulyapan ni Chino ang kabuntot paring si Chris na nuon ay nakaupo na sa isang
mahabang sofa at naglalaro ng games sa telepono ni Chino.
Naririnig
ni Chris ang mga pagbulong ni Chino sa kaibigang si Francis, hindi rin naman
kasi kalakihan ang kwarto at nakadagdag pa ang tahimik na paligid ng buong
ospital, pero pinili niyang magkunwaring hindi niya naririnig ang mga iyon.
“Baka
minsan na lang pumunta dito si Charlie kasi may iba ng magsusundo at maghahatid
sakin---” bulong ulit ni Chino, pinigilan ni Chris ang mapangiti.
“---napalapit
narin sayo si Charlie kaya gusto niya kapag gumising ka, sabihan ko agad siya.”
tuloy ni Chino sabay haplos sa kamay ni Francis.
“Francis,
gising ka na. Namimiss na kita, dami akong hihinging advise sayo, saka promise,
papayag na akong maging best man mo sa kasal niyo ni Laura.”
And
as if on cue, biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Francis at bumulaga kay
Chino at Chris si Laura. Saglit na natigilan si Laura nang makita niya ang
nakakapit na kamay ni Chino kay Francis, tila may pumitik sa loob ng ulo niya
at agad iyon naginit. Hindi siya makakapayag na abusuhin ni Chino ang natutulog
na si Francis, hindi niya papayagang manyakin ito, porke hindi ito
makaka-hindi.
“Get
the hell away from him! You just won't quit, do you?! Francis is straight! He
doesn't do gay guys like you.” singhal ni Laura na ikinagulat ni Chino, hindi
niya alam kung panong nalaman ni Laura ang tungkol sa sexual orientation niya,
alam niyang out na siya sa trabaho pero sa mga magulang ni Francis at sa iba pa
nilang kakailala ay hindi siya out. Sinubukan niyang kumalma, tila naman
napansin ni Chris na malapit ng mainis si Chino kaya't nilapitan niya ito,
pinaramdam dito na andun siya sa kaniyang tabi at hindi siya iiwan.
“We're
best friends, Laura, and I know na hanggang dun na lang yun---”
“Good!
Now I want you to leave and I don't want to see your face in here again! Kung
pupunta ka ulit dito, mapipilitan akong i-request sa mga nurses na immediate
family member na lang ang payagan na bumisita.” singhal at pagbabanta ulit ni
Laura.
“Bitch!
You can't do that---” palag ni Chino pero hinawakan ni Chris ang kaniyang kamay
na ikinatigil niya.
“Who
are you again?” tanong ni Chris, lalong uminit ang ulo ni Laura lalo na nang
makita niya ang magkahawak na kamay ni Chino at Chris.
“I'm
Laura, soon to be Francis' wife.” bigay tuon nito sa salitang 'wife' habang
nakatingin kay Chino na tila ba ipinapamukha ito sa kaniya.
“I
see, well, kung hindi pa kayo kasal ni Francis, I think pareho lang kayo ng
karapatan ni Chino tungkol sa pagbisita kay Francis at sa tingin ko rin wala ka
pang karapatan na piliin kung sino ang dapat bumisita dito in behalf of
Francis, sa tingin ko mga parents ni Francis ang may ganung karapatan. Unless
ikasal kayo ngayon ni Francis dito at magkaroon ng himala at sumagot siya sayo
ng 'I do' habang natutulog.” pagdidiin ni Chris, lalong namula sa inis si
Laura.
“What
are you, a lawyer?” singhal ni Laura.
“Nope,
he's just an average joe who uses his common sense.” balik ni Chino, aabutin na
sana ni Laura ang pisngi ni Chino upang sampalin nang saluhin ni Chris ang
kamay nito.
“Touch
him and I'll break your wrist.” banta ni Chris, tila naman natakot si Laura at
binawi niya ang kaniyang kamay. Inaya na ni Chino si Chris paalis dahil sa
takot na baka may magawa pa itong hindi maganda sa babae. Tahimik silang
lumabas at iniwan ang gulat na gulat pero inis na inis paring si Laura. Sa
pagmamadali nila Chris at Chino palabas ng kwarto at sa naiinis at gulat na
estado ni Laura ay hindi nila napansin ang marahaang paggalaw ng isang daliri
ni Francis.
Nasa
malalim na pagiisip si Chino, iniisip niya kung panong nalaman ni Laura ang tungkol
sa kaniya pero hindi pa man siya nakakapagisip ng maaaring dahilan ay agad
siyang natigilan nang mapansin niyang hindi sumusunod si Chris sa kaniya, agad
siyang kinabahan at bumalik. Nakita niya itong nakikipagusap sa nurse,
nilapitan niya ito at naabutan ang pinaguusapan nila ng nurse.
“---you
shouldn't let someone like her visit our friend, I know they're engaged and all
but you can't let her kick everyone who tries to visit Francis out, she even
tried to hit Chino when we refused to go!” arte ni Chris, agad namang kinabahan
ang nurse.
“I
see, I'll do anything I can, sir.” sagot ng nurse, nagpasalamat naman si Chris
di pa nakakalayo ng nurse's station sila Chris at Chino nang marinig nilang may
kinausap ang nurse sa telepono.
“Hello,
security? Yes I just got a complaint against one of our visitors here---” hindi
pa narinig ni Chino ang sumunod na sinabi ng nurse nang biglang tumigil si
Chris sa tapat ng isang drinking fountain.
“Thirsty.”
sagot ni Chris sa nagtatakang itsura ni Chino sabay kindat. Napangiti si Chino
nang malaman kung anong pinaplano ni Chris. Sa di kalayuan ay nakarinig ng
sigaw si Chino, hindi siya maaaring magkamali na si Laura iyon.
“WHAT?!
I'm a visitor here! Francis is my boyfriend, how dare you ask me to leave his
bedside!--- I don't care about that stupid complaint---!”
Nang
dumaretso ulit ng pagkakatayo si Chris ay kinidatan nanaman nito si Chino at
nakangiti siyang inaya pauwi. Magkahawak kamay silang naglakad pabalik sa
sasakyan ni Chris.
Hindi
mabura ang ngiti sa mukha ni Chino habang bumibiyahe sila pauwi ng kaniyang
apartment. Alam niyang tama ang kaniyang pagsugal at bigyan ulit ng isa pang
pagkakataon ang kanilang relasyon ni Chris.
Itutuloy...
[19]
Napansin
ni Chris na tahimik parin si Chino habang bumibiyahe sila pauwi. Naisip niya
rin na kung siya rin naman ang gaganun ng katulad ni Laura ay baka matahimik
din siya at baka magisip din ng malalim, lalo na sa sitwasyon ni Chino kung
saan hindi alam ng mga magulang ni Francis ang tungkol sa naging relasyon ng
mga ito dahil sa takot ni Francis na ipagtabuyan siya ng kaniyang mga magulang,
dumagdag pa sa panggulo si Laura na alam man ang totoong sexual orientation ni
Chino ay mukha naman walang alam sa naging relasyon ni Francis at ni Chino.
Sinusulyap
sulyapan ni Chris si Chino, ayaw niyang nagkakaganito ang tong kaniyang
pinapahalagahan.
“Sooo?”
simula ni Chris, tila naman nagising si Chino sa kaniyang malalim na pagiisip.
“So
what?” tanong ni Chino.
“Are
we boyfriends now?” tanong ni Chris sabay taas baba ng kilay niya. Napailing si
Chino.
“We're
going to take it slow like before, Chris.”
“But
we already had it slow, can we go fast this time?” taas babang kilay ulit na
tanong ni Chris, di naman mapigilan ni Chino ang mapahagalpak sa tawa lalo na
ng maisip niyang may iba pang kahulugan ang tanong na iyon ni Chris.
“No!
We will still take it slow and see where this thing is going to take us.” diin
ni Chino, napairap naman si Chris.
“We
already now where this is going to take us, Chino. We're in love, we're
attracted to each other, we even want to make children here in my car now, for
pete's sake!” ubos pasensya ng balik ni Chris, hindi niya maintindihan kung ano
pa ang pumipigil kay Chino.
“What
the hell?! You and your perverted brain! We will take it slow and besides,
hindi ka pa bumabawi sa ginawa mong pangga-gago sakin noon no!” singhal ni
Chino, napasimangot naman si Chris.
“Fine!
We will take it slow but I want to have sex later!” sigaw ni Chris na
ikinanganga naman sa gulat at sa hindi pagkapaniwala ni Chino.
“I
demand a rough and steamy sex!” sigaw ulit ni Chris sabay tapik sa manibela na
tila ba nakaisip siya ng isang magandang ideya.
“Asshole!”
di parin makapaniwalang saad ni Chino habang si Chris naman ay humahagikgik.
0000ooo0000
“I
said no!” sigaw ulit ni Chino sa nangungulit na si Chris. Ayaw niya itong
papasukin ng bahay dahil sa takot na ipilit ni Chris ang gusto nitong
mangyaring sex at sa takot din na baka bumigay siya sa pangungulit nito.
“Why
the hell not?! I just want to look at your new place!” balik ni Chris,
naguguluhan sa mga ikinikilos ni Chino.
“NO!
You can see it some other time and besides it's late---” simula ni Chino sabay
tingin sa kaniyang relos, ito naman ang iniintay ni Chris kaya't agad niyang
itinulak ang pinto, halos mawalan ng balanse si Chino buti na lang at bago ito
mabuwal ay nasalo na siya ni Chris.
“Asshole!”
0000ooo0000
“Nice
place!” puri ni Chris nang makita ang bagong apartment ni Chino, tinitignan
naman siya ng masama ng huli.
“That
couch looks comfy.” bulalas ulit ni Chris sabay upo, abot sa remote at nood ng
tv.
“Nice
TV!” excited na sabi ni Chris, napairap naman si Chino lalo na nang makita
niyang baka matagalan pa bago umalis si Chris dahil nakita niya ang pinapanood
nito, basketball, at ngayon alam na niyang imposible na ngayong mapaalis niya
ito.
“I'm
going to take a shower, once the game hit half break you haul your ass out of
here!” singhal ni Chino habang si Chris naman ay tila walang narinig.
0000ooo0000
Nang
matapos nang mag-shower si Chino ay napansin niyang wala ng ingay na
nanggagaling sa speaker ng tv sa may sala. Napangiti siya dahil alam niyang
makakatulog na siya ng maayos lalo na't wala na si Chris, pero laking gulat
niya nang makalapit siya sa sala at nakarinig siya ng mahinang paghilik.
Si
Chris, natutulog sa sofa.
“Asshole!”
singhal ulit ni Chino sabay lakad papuntang kwarto para matulog na, hindi niya
narinig ang mahinang paghagikgik ni Chris.
Nang
magumaga ay nakaramdam ng kakaibang saya si Chino, noon lang kasi siya
nakatulog ng ganung kahimbing, madalas noong nakalipas na limang buwan ay
pagising-gising siya sa kalagitnaan ng tulog at madalas napupuyat. Pero ang
sayang iyon na kaniyang nararamdaman ay agad napalitan ng gulat at pagkainis
lalo pa nang maramdaman niya ang pagtusok ng isang matigas na bagay sa hati ng
kaniyang puwit.
“CHRISSSS!!!”
0000ooo0000
Sabay-
sabay na nagulat si Dom at kaniyang mga staff nang makarinig ng pagsisigawan sa
gawi ng bukana ng tent. Hindi nagkamali si Dom sa pagiisip kung kaninong boses
ang kanilang naririnig nang bumulaga si Chino at Chris.
“You
did that on purpose, don't mess with me!” singhal ni Chino.
“The
couch doesn't feel comfy as it looks!” balik singhal ni Chris.
“Edi
sana umuwi ka na lang at sa bahay niyo natulog!”
“At
three in the morning, are you nuts?!”
“I'd
rather have you on an accident than poking me in the back while sleeping!”
“It
was Morning wo---”
“OKAY!
We have no time to talk about your marital issues, guys, we have to finish the
shoot!” sigaw ni Dom, saktong sakto ang pagsingit nito dahil sa takot na baka
kung ano pa ang mailantad ng dalawa tungkol sa kamunduhang nangyari sa kanila
habang nagaaway.
“You
are so going to pay for that!” singhal ni Chino kay Chris.
0000ooo0000
“Dammit,
Chris, we're working!” singhal ni Chino kay Chris na mapansing wala itong
ginawa kundi kuwanan siya ng candid shots.
“The
models are not ready yet.” simpleng sagot naman ni Chris.
“Well---
they will be in a minute---”
“Where
do you want to have dinner later?” biglang tanong ni Chris.
“Wha---?”
“There's
this restobar in Ortigas that I would like to go to, what do you say?” tanong
ulit ni Chris habang si Chino naman ay pinupruseso pa ang mga sinasabi ni
Chris.
“Isn't
Ortigas a little bit too fa—-”
“Great!
It's a date then! It's perfect! After we go see Francis I can bring you home
then go home myself and start packing.” tuloy tuloy paring sabi ni Chris habang
kinukuwanan ng mga candid photos si Chino at habang si Chino naman ay
naguguluhan at gulat na gulat paring pinuproseso ang mga sinasabi ni Chris.
“S-start
P-packing?” parang eng eng na tanong ni Chino.
“Yes,
I have to pack my things, clothes and those that are important first then I can
bring some of the furniture for your apartment if you want and have the rest be
put on sale or something.” kaswal na sagot ni Chris habang kinakalikot ang
kaniyang camera.
“Wait.
WHAT?!” sigaw ni Chino nang sa wakas ay nakuwa na nito ang ipinapahiwatig ni
Chris.
“I'm
going to move in with you, you know, since we're boyfriends and all, I can help
you with the rent or I can shoulder it and you can pay for---”
“YOU.
ARE. NOT. MOVING. IN. WITH. ME.” diin ni Chino na nakakuwa ng atensyon ng lahat
ng tao sa paligid.
“Why?”
tila ba dismayadong tanong ni Chris, nakita naman ni Chino na tila ba nasaktan
si Chris sa sinabi niyang yun, binibigyan siya nito ngayon ng tingin na madalas
ibigay ng mga pusang nagmamakaawa.
“I
mean, Chris, I thought we're going to take this slow?” tanong ulit ni Chino,
tila naman naguguluhan si Chris sa sinabi nito.
“I-I
t-thought you want us to be together again?”
“I-I
d-do, Chris, but we have to take it slow, I have to see if this is going to
work, I don't want to get hurt again, not when there's all kinds of 'Rhoda'
around, some in the body of a beautiful model, some---”
“I
will not hurt you again, Chino.” saglit na nagkatitigan ang dalawa, wala ng iba
pang maisagot si Chino at napansin at naramdaman ito ni Chris kaya't nagbigay
ito ng isang magiliw na ngiti.
“So
it's settled then! We'll be moving in together!” sigaw ni Chris na ikinakuha
nanaman ng atensyon ng lahat ng tao doon, ang ilan ay gustong pumalapkpak, iba
naman ay excited n nagbulungan at ang ilan ay may ngiti sa mga labi nila,
tanging si Dom lang ang di makapaniwala at umiiling.
“Can
we talk about this first?” singhal ulit ni Chino pero mahina lang ito para si
Chris lang ang nakakarinig.
“We
can talk about it, yes, later, maybe, but talking will not do any good now, now
that it's official.” tiyak sa sariling sabi ni Chris sabay lingon sa lahat ng
taong andun. Napalingon din si Chino at nakita niyang pinaguusapan na ang
pagsasama nila ng buong staff.
0000ooo0000
Natutulog
pa si Chino nang makarinig siya nang pagkalabog sa front door ng kaniyang
inuupahang apartment. Lulugolugo siyang bumangon sa kaniyang kama, tulog pa ang
utak niya at wala pa sa kundisyon ang mga kalamnan niya kaya naman kung saan
saan na buma-bangga ang katawan niya habang naglalakad papunta sa front door.
Inis
na inis si Chino ng buksan niya ang pinto, andun sa harapan niya si Chris na
miya mo adik na binigyan ng gramo gramong shabu, napairap na lang si Chino at
dahil sa inaantok pa nga ay hindi niya napansin ang ilang malalaking bag at mga
kahon sa likod nito.
“Chris,
it's 6 in the morning! What the hell are you doing here?!”
“Wellll---”
pabitin ni Chris na lalong ikinainis ni Chino.
“Well
what?! Well What?!” naiinis na sigaw ulit ni Chino na ikinakaba naman ni Chris.
“Ehe,
I'm here to cook you breakfast. Geesh! Not a morning person are you?!” umiiling
na sabi ni Chris, nagaalangang pinapasok ni Chino ang huli at muling bumalik ng
kwarto para matulog ulit, iniisip niya na andun lang si Chris para mangulit,
ang hindi niya alam ay ang binabalak ni Chris na paglipat sa apartment nito.
0000ooo0000
Groggy
parin si Chino na bumangon ulit ng kama, may nakita siyang kakaiba sa kwarto
niya, tila ba dumami ang kalat at nakabukas ng kaunti ang kaniyang aparador,
ikinibit balikat niya lang ito dahil sa gutom pero nang makarating siya ng sala
para dumaan papuntang kusina ay nagulat siya nang makita ang ilang patong ng
kahon na maayos na nakatabi sa may pader.
Agad
na nagising ang diwa ni Chino lalo na nang mapansin niyang may pangalan at
return address lahat ito ni Chris. Narinig niya ang ilang pagkalabog sa gawi ng
kaniyang kusina kasunod nun ay paggising ng kaniyang ilong nang may naamoy
siyang katakamtakam na sinundan naman ng malakas na pagpalag ng kaniyang
sikmura dahil sa gutom.
“Good
morning, sleepyhead! I was about to wake you for breakfast.” masayang bati ni
Chris na ikinagulat naman ni Chino.
“What
are you doing here?!” singhal ni Chino.
“I
live here!” balik ni Chris.
“No
you don't! I said we will talk about it first before we---” natigilan si Chino
at ibinalik niya ang kaniyang tingin sa mga kahon sa sala. Nun niya lang
na-realize na naisahan nanaman siya ni Chris.
“Naisip
ko na hindi mo naman talaga ako papayagang lumipat ng ganun ganun na lang kaya
hindi na kita binigyan ng pagkakatong mag effort na magisip kung palilipatin mo
ako o hindi at lumipat na ako ng kusa.” nakangiting sagot ni Chris na para bang
proud na proud siyang naisahan niya si Chino. Agad na naningkit ang mga mata ni
Chino at lumapit sa mga kahon, binuhat niya ang pinakamalapit sa kaniya at
laking gulat niya ng mas magaang ito kesa sa inaasahan niya, binuksan niya ang
kahon at nagulat na wala itong laman, tinignan niya ang iba ay wala ring laman
ang mga ito.
“I
hope you don't mind, I already got settled in.” nakangiti paring sagot ni
Chris.
“By
saying settled in---” umpisa ni Chino pero si Chris na ang nagtapos na ito.
“Yes,
I already unpacked my things---”
“You
did not!” singhal ni Chino sabay takbo pabalik ng kwarto at tinignan ang
aparador, laking gulat niya nang makita niya na kaya pala ayaw nang sumara ang
kaniyang aparador ay puno na kasi ito ng kaniyang mga damit at mga damit ni
Chris at basta na lang nakasalampak ang mga iyon duon.
Agad
na nainis si Chino, hindi lang nanghihimasok ngayon si Chris sa kaniyang
personal space, ginugulo niya pa lahat ngayon, bilang neat freak ay agad hindi
mapakali si Chino at nalulunod na sa sobrang pagkainis.
“You
immature sonovabitch! I told you that we will talk about this first, didn't
we?! Didn't I said we will take this slow?!” singhal ni Chino, kitang kita ni
Chris ang pagkainis sa mga mata nito.
“But
we already had it slow and we already know where this is going to lead so why
do we have to wait?--- and besides there is no time.” kinakabahang balik ni
Chris agad na nagdikit ang mga kilay nito sa pagtataka.
“No
time for what?!” singhal ulit ni Chino na lalong ikinakaba ni Chris.
“Uhmm,
I kinda told someone that I'm moving in with you, my boyfriend and she's
expecting me to introduce you to her---”
“Wait.
What?!”
“Chinooooo!
Alam mong mahal kita, diba? At mahal mo din ako, diba?” pagpapaligoy-ligoy ni
Chris na lalong ikinainis ni Chino.
“WHO.
DID. YOU. TELL. AND. WHAT. DID. YOU. TELL.THEM.” naiinis na ulit ni Chino.
“Uhmmm,
I think I just told my mother that we kinda move in together last week and that
we are so in love with each other and that we will be partners forever.”
kinakabahan ulit na sabi ni Chris.
Natigilan
si Chino, kung sa ibang pagkakataon siguro ay baka na-cute-an at na-touch pa si
Chino sa mga sinabi ni Chris pero iba ngayon, nararamdaman ni Chino na
nape-pressure si Chris sa mga sinabi nito sa kaniyang ina kaya't nagmadali
itong lumipat sa bahay niya at doble ang pressure na iyon sa kaniya, halata
niyang natatakot din si Chris sa sasabihin ng kaniyang ina at kung iisipin ni
Chinong maigi kung pano lumaki at kung pano ang ugali ni Chris bilang adult ay
malamang hindi naiiba ang nanay nito sa kaniya. Sasagot na sana si Chino sa
huling sinabi ni Chris nang matigilan siya nang makarinig sila ng katok sa
front door.
Sabay
na tinungo ni Chris at Chino ang front door at nagaalangang binuksan ni Chris
ang pinto.
“Ma.”
bati ni Chris sa babaeng nakatayo sa harapan nila, agad na nanlaki ang mga mata
ni Chino sa gulat at tinignan ang babae na tinawag na 'Ma' ni Chris. Nakataas
ang kilay nitong kinikilatis si Chino, napalunok ng sariling laway si Chino.
Alam niyang magiging mahaba ang umagang iyon para sa kaniya.
Itutuloy...
[20]
Magandanag
babae ang ina ni Chris, hindi nakakapagtaka kung saan nakuwa ni Chris ang gwapo
nitong mukha pero hindi rin maikakaila ni Chino na dito rin nakuwa ni Chris ang
pagiging arogante nito. Nakataas parin ang kilay nitong tinulak patabi si Chino
para kahit wala man lang nagimbita sa kaniya papasok ay makakapasok naman siya
ng pinto, tila naman nainsulto sa ginawang ito ng ina ni Chris si Chino, dahil
kagigising lang din ay napagpasiyahan niyang wag magpatalo sa matanda. Tinignan
niya ng masama si Chris, si Chris naman ay nagbato sa kaniya ng nangungusap na
tingin.
“The
place looks good. Who's your interior designer?” tanong ng matanda, napangiti
si Chino sa sarili niya dahil ine-expect niya na kapag nagsalita ito ay boses
ni Bella Flores ang lalabas sa mga bibig nito.
“I
designed the place myself, Ms---” pabitin ni Chino bilang sabi na hindi niya
alam kung anong itatawag niya sa matanda.
“Amanda.
Call me Amanda.” sagot ng matanda sabay tingin ulit kay Chino. Agad na
nakaramdam ng kaunting kaba si Chino.
“No
wonder the place looks gay.” pasaring ng matanda kay Chino, napalunok si Chino
habang si Chris naman ay kinakabahang nakayuko sa isang tabi, bahag ang buntot.
“Thank
you, Amanda.” balik ni Chino. Nagtaas ulit ng kilay ang matanda.
“Why
don't we all take a seat.” singit ni Chris pero walang pumansin sa kaniya.
“What
did you do to my son? Why is he so in love with you?” taas kilay paring tanong
ng matanda kay Chino, nagtaas ng kilay si Chino bilang tugon sa matanda.
“I
didn't do anything to your son, Amanda. Actually, I don't want to do anything
with him then because he's such an asshole but eventually I started liking him,
asshole or not, your son is actually sweet when he wants to be, an attitude
that I'm sure he didn't get from you.” malamig na balik ni Chino sa matanda
habang inaanyayahan itong umupo sa sofa. Lalong tumaas ang kilay ng matanda.
Napa singhap si Chris sa sinabing iyon ni Chino at mukhang malapit ng umiyak.
“And
what made you say that?” malamig na balik ng matanda.
“Because
you have been nothing but a first class bitch for the last 5 minutes that
you're here.” malamig na sagot ni Chino, pilit na tinutumbasan ang pagiging
malamig ng matanda.
Saglit
na natigilan ang tatlo, si Amanda at si Chino ay tila ba nakikipagpaligsahan sa
pakikipagtitigan, si Chris naman ay hindi parin mapakali, miya mo nangangati
ang puwitan nito habang nakaupo. Ilang saglit pang tumahimik ang buong kuwarto,
magsasalita na sana si Chris para mabawasan ng konti ang tensyon nang biglang
tumawa ang kaniyang ina.
Nagulat
si Chris sa pagtawa na iyon, pati rin si Chino, dahil puno ng kasiyahan ang
tawa na iyon, hindi peke at nagulat si Chino dahil mali ulit siya ng akala,
akala niya kasi mala Bella Flores din kung tumawa ang matanda.
“I
like him, Chris.” saad ni Amanda sa kaniyang anak na naguguluhan parin sa mga
nangyayari. Sa unang pagkakataon nung umagang iyon ay narinig ni Chino ang
malambing na tinig ng isang ina mula sa bibig ni Amanda. Napangiti siya.
“Don't
be afraid to take some chances.” bulong ng isip ni Chino sabay tingin kay
Chris. Wala sa sariling napangiti si Chino nang makita niya ang lalaking
marahil nga ay mahal na mahal niya.
“Do
you want something to drink, Amanda?” saad ni Chino sabay ngiti, nagulat si
Amanda at si Chris.
“Yes,
please.” nakangiti naring sagot ni Amanda. Natigilan si Chris, lalo na ng
magkahawak kamay na naglakad ang kaniyang ina at si Chino papuntang kusina.
Nang maisip na wala na siyang magagawa ay napailing na lang siya at sumunod na
papuntang kusina.
“What
happened here?” tanong ni Amanda nang makapasok sila ng kusina.
“Your
son. That's what happened.” umiiling na sabi ni Chino sabay ngiti, nakita
niyang nagbaba nanaman ng tingin si Chris dahil sa hiya sa ginawa niyang kalat
sa kusina.
“I
see, alam mo Chino, nagulat nga ako dahil nito lang nung tanungin ako ni Chris
kung saan magandang mag-take ng cooking lessons. Tinanong ko kung bakit, sinabi
niya it's for someone special to him, now I know kung sino yung someone na
sinasabi ng kumag.” humahagikgik na sabi ni Amanda, si Chris naman ay namula at
si Chino ay napahagalpak sa tawa.
“Well,
sa tingin ko hindi successful si Chris sa pagluluto, kung gusto niyo ako na
lang ang magluluto.” alok ni Chino, napangiti si Chris at Amanda at miya miya
pa ay narinig na nga nila ang pagkalam ng sikmura ni Chris na ikinahagalpak
ulit nilang tatlo.
0000ooo0000
“Look,
Mom, Chino made waffles!” parang batang excited na excited na sabi ni Chris sa
kaniyang ina.
“Yes,
Chris. I think I haven't had waffles for breakfast since---” malungkot na
simula ni Amanda agad na natigilan si Chris at nabura ang ngiti sa mukha nito.
“Since
Dad died.” tapos ni Chris nang makita niya ang nagtatakang tingin ni Chino.
“Well,
from now on I will cook waffles for breakfast for the both of you.” nakangiting
sabi ni Chino, umaasa na kahit papano ay mapapagaang niya ang atmosphere ng
kwarto, hindi niya inaasahan ang reaksyon ni Amanda, agad itong tumayo at
niyakap siya, naramdaman niya ang marahang paghikbi nito.
“You're
so sweet, Chino, I'm glad my son found you. Now I know why he's head over heels
in love with you.” humihikbi paring sabi ni Amanda. Napahagikgik si Chris.
“Excuse
her, she has this flair for the theatrics.” humahagikgik ulit na sabi ni Chris
habang nilalantakan ang may limang waffles ata ng sabay sabay. Agad na binalot
ng hagalpakan muli ang buong kusina.
0000ooo0000
Nagulat
si Chino nang biglang sumulpot si Amanda sa kaniyang tabi habang nagliligpit
siya ng pinagkainan, ayaw niya sanang maiwan magisa kasama ito pero inatake ng
pagsakit ng tiyan si Chris kaya't wala na siyang nagawa. Tinignan niya si
Amanda, nahuli niya itong pinapanood ang bawat galaw niya.
“Do
you love my son, Chino?” tanong ni Amanda, saglit na natigilan si Chino.
Alam
niya sa sarili niya na mahal niya si Chris pero hindi pa siya handa na
ipagsigawan iyon, natatakot kasi siya na baka masaktan nanaman siya tulad nang
nangyari noong nalaman niya ang ginawa nito kasama si Rhoda, pero may kakaiba
sa mga tingin ni Amanda na hindi niya matanggihan. Wala sa sarili siyang
napatango bilang sagot.
“What?
I didn't hear your answer, Chino.” pangungulit ni Amanda, di parin makapaniwala
si Chino kung gaano kapareho nito ang kaniyang anak.
“I
love him, Amanda.” walang pagaalinlangang sagot ni Chino, hindi niya napansing
bumalik na si Chris at mataman na siyang pinapanood, narinig lahat ng pagamin
kanina ni Chino, pero may isang bagay na pumipigil kay Chris para magdiwang at
iyon ang kaniyang aalamin.
“Then
is it OK if I ask you to kiss him in front of me?” nanunubok na sabi ni Amanda.
Agad na napatalikod si Chino at nagulat nang andun sa Chris, namula siya sa
pagkapahiya dahil sigurado siyang narinig nito ang pagamin kanina. Nakayuko
siyang lumapit kay Chris.
Saglit
na nagtama ang tingin nilang dalawa nang makalapit na si Chino, sapat na lapit
para magsalubong ang mga labi nila.
“Chino,
you don't have to prove anything---” simulang pag-alo ni Chris.
“Shhh.”
saway ni Chino kay Chris para tumahimik ito, inabot ni Chino ang labi nito
atsaka tumuon para ang labi naman niya ang dumampi sa malalambot at mapupulang
labi ni Chris.
“There
it is. My magic and fireworks.” bulong ni Chino sa kanyang sarili habang
sinasamsam niya ang halik na iyon. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay
saglit ulit silang nagtitigan, ilang saglit lang ay pareho na silang napangiti.
“I
love you, Chino.” bulong ni Chris sabay dikit ng kaniyang noo sa noo ng huli.
Saglit na natigilan si Chino.
“I
love you too, Chris.” nahihiyang balik ni Chino, lumatay sa mukha ni Chris ang
isang ngiti.
“OOKKAAAYYYY!
My job here is done! I'll see you two later! Chris, don't lose this one, I like
him.” sabi ni Amanda na may kakaiba ring ngiti sa kaniyang mukha. Maglalakad na
sana ang dalawa para ihatid ang matanda sa may sasakyan nito nang magsalita
ulit ito.
“Oh
and Chris, sabi ko naman sayo di na kailangan ng tulong ko para malaman mo kung
mahal ka ni Chino o hindi eh.” sabi ni Amanda, agad na napatingin si Chino kay
Chris, si Chris naman ay di matawaran ang pamumula.
Nang
makasakay na si Amanda sa kaniyang sasakyan at nang makaliko na ito sa kanto at
pareho na nila Chris at Chino hindi makita ang sasakyan ay agad na humarap si
Chino kay Chris, di matawaran ang pagkainis na makikita sa mata nito kaya't
agad namang kinabahan si Chris.
“YOU
ASKED YOUR MOTHER TO SCARE ME SO THAT I CAN TELL YOU HOW I REALLY FEEL?!”
nanggagalaiting tanong ni Chino habang tinutusok ng hintuturo niya ang
matipunong dibdib ni Chris.
“It
worked.” maangas na balik ni Chris sabay kibit balikat.
“And
what if I take all I said back?!” tanong nanaman ni Chino, napangiti na lang si
Chris.
“I
know you wouldn't.” maangas paring balik ni Chris sabay upo sa sofa.
“And
why is that.” taas kilay na tanong ni Chino.
“Because
you love me.” nakangiting asong sagot ni Chris, pinigilan ni Chino ang sarili
na mapangiti.
“Asshole!”
singhal ni Chino, binuksan ni Chris ang TV at tinapik ang espasyo sa pagitan ng
kaniyang mga paa, nagsasaad ng paanyaya niya kay Chino na doon maupo. Di na
nagmatigas pa si Chino at umupo sa pagitan ng mga hita ni Chris at sumandal sa
matipunong dibdib nito.
“I
love you.” bulong ni Chris sabay halik sa bunbunan ni Chino.
“I
love you, too.” bulong din ni Chino. Hindi na mabura ang ngiti sa mukha ni
Chris pagkatapos nun.
0000ooo0000
Nagising
si Chris sa malakas na pagring ng telepono ni Chino. Hindi niya napansin na
nakatulog na pala silang dalawa ni Chino sa may sofa. Agad niya itong sinagot
para hindi magising pa si Chino, natigilan si Chris sa sinabi ng kausap niya sa
kabilang linya. Marahan niyang inalog si Chino, nagising ito at binigyan siya
ng isang nagtatakang tingin, sinabi ni Chris na may tumawag sa kaniyang
telepono, lalong nagtaka si Chino.
“Who
was it, Chris?” tanong ni Chino, nakita niyang nangunot ang noo ni Chris.
“It's
Jed, he's in the hospital---”
“Oh
my Gawd!” sigaw ni Chino dahil sa pagaalala kay Jed.
“He's
fine, it's Francis, he said you should go there immediately.” balik ni Chris,
agad na tumayo si Chino at magtutungo na sana sa kwarto nang mapansin niyang
hindi kumikilos si Chris.
“Move
it, Chris! We have to go to the hospital. Now!” saad ni Chino.
“Jed
said that 'you' should go to the hospital not 'we'. ” nahihiyang balik ni
Chris. Lumapit si Chino kay Chris at hinalikan ito sa labi.
“We
will go together, Chris. You're my boyfriend. I need you there.” balik ni Chino
na nakapagpabalik ng ngiti sa mukha ni Chris.
0000ooo0000
Nang
makalapit sila Chino at Chris sa tapat ng pinto ng kwarto ni Francis ay agad
silang natigilan nang makita nila ang mga magulang ni Francis, si Jed at Laura
na puno ng luha ang mga mata at pisngi, agad na nanlambot si Chino at
nakaramdam ng matinding takot. Ayaw niyang mawala ang kaibigan niya, ayaw
niyang mawala si Francis. Tanging ang pagsigaw lang ni Jed ang gumising sa
kaniyag nagaalalang isip.
“There
he is, Mom, Dad, tell him the truth! You owe him the truth! You've caused
Francis and Chino pain and they are nothing but sweet, caring and loving
towards you guys! You owe Chino the truth!”
Hindi
maintindihan ni Chino ang mga sinasabi ni Jed at kung bakit ito nanggagalaiti
sa galit, ang tangi niya lang gusto ay malaman kung ano ang nangyari sa
kaniyang kaibigan na si Francis. Tatanungin na sana niya ang lagay ng kaibigan
nang magsalita ang ama ni Francis.
“This
is all our fault, Chino---” umiiling na sabi ng matandang lalaki pero hindi na
nito maituloy ang sasabihin dahil napangunahan na ito ng paghikbi.
“The
day I told you about the wedding, hijo, I swear, di ko alam na may relasyon
pala kayo ni Francis, nagulat na lang kami nang biglang umuwi si Francis na
malungkot at hindi namin makausap ng maayos---”
“That's
because Chino thought that Francis cheated on him, he thought that Francis
betrayed him and never talked to Francis again! That's why Francis was so down,
Ma!” singit ni Jed, nanggagalaiti parin ito sa galit habang pinagdudugtong
dugtong ang mga nangyari.
“I
swear! I didn't know!” depensa ng ina ni Francis sa kaniyang sarili.
“Yes,
you didn't, pero may ideya na kayo! Aminin mo, Ma! Let's stop with the
charades! You've done enough damage already! You were always this manipulative,
Ma! You've thrown me out of the house when I said I'm not going to marry Bea
and you practically have Francis on an arranged marriage without him knowing!
May ideya ka na sa maaaring totoong relasyon ni Chino at Francis pero mas
pinili mong wag munang kausapin sila tungkol dito at sa halip ipinagpatuloy mo
parin ang pagpapakasal kay Francis at Laura!” sumbat ni Jed sa kaniyang ina.
Natigilan
ang matandang babae na lalong humagulgol sa kakaiyak, indikasyon na lahat ng
isinumbat ng kaniyang anak ay totoo. Hindi makapagsalita si Chino, tila napako
siya sa kaniyang kinatatayuan.
“Chino,
hijo, we're so sorry. Francis didn't know about the wedding, akala niya
kinakapatid niya lang si Laura, hindi niya maintidihan kung bakit ka biglang
lumayo sa kaniya, nasaktan siya, akala niya may nagawa siyang mali and after a
month nalaman niya ang about sa engagement nila ni Laura, nagalit siya samin,
nagkasagutan kami ng mga tita mo and then he told us about your relationship,
di kami makapaniwala nung una, dun pa lang naisip na namin na mali ang aming
nagawa and that we haven't learn a thing sa mga nangyari kay Gerard at inuulit
pa namin ang mga iyon sa aming bunso.” amin ng matandang lalaki habang inaalo
nito ang kaniyang asawa.
“Yun
din yung gabi na nagmamadali siyang makausap ka, Chino, gusto niyang i-explain
sayo lahat ng nangyari, gusto niyang sabihin na hindi ka niya niloko, pero
hindi na siya nakaabot sayo dahil sa aksidente, Chino.”
Nanlambot
si Chino, halos mapaupo na ito sa sahig sa mga nalaman, buti na lang at naka
abang si Chris sa kaniyang likod at inalalayan siya para makatayo ng daretso.
Nanlulumo rin si Chris sa kaniyang mga narinig, ibig sabihin nun, hindi
sinaktan ni Francis si Chino tulad ng akala nito, alam niyang malaki ang
pag-asang magkabalikan ang dalawa kung sakaling ipaglaban ni Francis ang
pagmamahal niya dito kung sakaling nagising siya.
Tumatakbo
sa isip ni Chino ang pagmamatigas niya sa loob ng isang buwan kay Francis,
hindi siya nakipagusap dito kahit gaanong pagmamakaawa ang gawin ng huli,
ngayon nagsisisis siya kung bakit hindi niya pinakinggan noon ang kaibigan.
Naiinis siya sa sarili, nagagalit siya sa mga magulang ni Francis at ngayon
naiinis siya kasi wala na siyang magawa. Naramdaman niya ang mahigpit na
paghawak ni Chris sa kaniyang mga balikat na tila ba nagpapapansin na andun
lang siya para sa kaniya, wala sa sariling isinandal ni Chino ang kaniyang
sarili sa matipunong dibdib ni Chris. Naramdman niya ang pagtibok ng puso nito.
“Why
tell me all these things now?” nanginginig na tanong ni Chino, di alam kung ano
ang maaaring isagot ng kaniyang mga kausap.
“Francis
is awake, Chino. He's asking for you that's why we want you to know the truth
first before you talk to him. Before you tell him about your relationship with
Chris.” umiiling at naluluhang sagot ni Jed habang ang dalawang matanda ay
nagulat sa sinabi ng kanilang panganay na anak.
“Look
what you've done, Ma! Akala ni Chino that Francis has nothing more to offer him
other than friendship and he settled with that, looked for someone else to
love, he found Chris, who, by the way loves Chino as much as he loves his own
life! Ngayon, pano mo i-e-explain sa kagigising palang na si Francis na wala na
siyang babalikan? Na huli na ang lahat para sa kanila ni Chino?! You're so
caught up with your manipulative ways that you missed all the consequences!”
sumbat ulit ni Jed.
Tila
naman nabingi na si Chino sa pagsusumbat ni Jed sa kaniyang mga magulang at
walang ibang pumasok sa kaniyang isip kundi ang kung ano ang gagawin niya.
Napatingin siya kay Chris na masuyong nakaalalay sa kaniya at nakikinig sa mga
panunumbat ni Jed sa kaniyang mga magulang at sa pinto ni Francis na masuyo
namang nagiintay sa kaniya.
Kailangan
niyang mamili.
“It's
time for me to take my chances again.” bulong ng isip ni Chino habang
nagpapabalik balik parin ang tingin niya kay Chris at sa pinto ng kwarto ni
Francis. Hindi nagtagal at kumawala na siya sa umaalalay na mga kamay ni Chris
at mabagal na naglakad papasok sa kwarto ni Francis.
No comments:
Post a Comment