Friday, January 11, 2013

Break Shot (01-05)

By: Andrey
Blog: oddsanduncertainties.blogspot.com


[01]
Ang kwentong ibabahagi ko sainyo ay hango sa mga totoong pangyayari sa aking buhay. Bagamat may mga bahaging dinagdagan at mas pinatingkad para sa ikagaganda ng kwento, ang lahat na ito ayinspired sa mga totoong pangyayari. Ang mga pangalang mababanggit ay hindi totoong pangalan ng mga taong nagbigay kulay sa kwento ng buhay ko.


--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

It all started when I was 3rd year in high school. Ayon nga sa Values teacher namin, Ito ang pinakacrucial stage on the transition period towards youth. Ako si Andrey, 15 taong gulang may height na katamtaman sa edad kong iyon. Hindi naman ako payat pero hindi rin naman mala-Aljur ang pangagatawan. Nakatira ako sa probinsya ng Bicol at karaniwang hanapbuhay ng mga taga-roon ay ang pagtatrabaho sa bukid. Kaya naman, normal na sa mga kabataan roon ang may 4 o 6 pack abs sa murang edad. While me, hindi ko na kailangang magpawis para mabuhay dahil may-kaya naman ang aming pamilya. Kami ang nagmamay-ari ng lupa na sinasaka ng karamihan ng mga nakatira sa aming barangay. I can say that I was almost a prince in my own little palace. I almost have it all, except the personal insecurities and the mystery that chained my whole being.

Modesty aside, 2nd grading noon nang magbreak kami ng aking pang-siyam na girlfriend. Marami nga ang nagsasabing playboy daw ako sa dami ng aking naging girlfriend. Pero hindi iyan totoo because I always make sure that the girl I love is “the one who got away.” Sinisiguro ko sa isang relasyon na I would give my best, para kung sakaling dumating sa puntong hiwalayan, I won’t have silly regrets or upbringings. Ngunit kahit na todo bigay ako, ako naman lagi ang iniiwan. Ewan ko ba. May nagsabi nga saakin na masyado raw akong mabait kaya ang bilis makapuslit ng babae. Lagi kasi ako “let go”. Pag ayaw na niya, fine kung san siya masaya. But I am happy to put it that way for I know na hindi ako nagkukulang. Snobbish din ako, pero friendly. (Ironic, pero pwede yun) I always compared myself to a porcupine fish. If that fish sense threat around him, ilalabas niya ang spiky at numerous spines as a defense. Ganoon din ako. Palibhasa laki din sa pansin at pagaaruga, I don’t really care much about those who have unimportant roles in my life. Kung sino lang ang nasa circle of friends ko, dun lang ako nagmimingle. Pero approachable ako at palangiti. Hindi lang talaga ako nageentertain ng mga irrelevant pieces na maaring gumulo ng picture perfect life ko. Or so I thought.

Of course I was hurt when my 9th gf demanded break up. Her name is Lily. I didn’t know what went wrong pero like always, I let go. At hindi ako nahihrapan magmove-on dahil sa practice kong ibigay ang lahat para walang regrets. Because one of my biggest fear is regret. Anyway, I was on the point na I’m tired of girlfriends already. I realized na andiyan lang sila and there’s no need to hurry. Pero I never intended to prefer boys on girls. Haha. Minsan, mapaglaro lang talaga ang tadhana and who knows who.

Ni-renovate noon ang aming classroom so we temporarily stayed on the gym at dun nagklase. Wala naman kaming angal doon dahil small school lang talaga mayroon kami. Pero of quality iyon, at sikat sa buong City dahil sa garden-inspired campus, at uber-disciplined students. Takot kasi kami sa terror na principal na nagkikick out ng mga estudyanteng hindi niya gusto.

Nasa pinakadulo kami nakaupo noon ng aking bestfriend na si Ella. Kami talaga ang last row kaya libre kami magchitchat kahit nagsasalita ang mga teacher dahil nasa likod kami. May group activity noon at sa grupo namin, ako ang leader, nagpaplano, organize, at lahat lahat pero hindi ako ang nagpe-present. Wala kasi akong masyadong self-confidence. Parang ako lang ang direktor pero hindi ako yung artista na nakikita ng mga tao. But the teachers are much aware na ako ang head kaya naman lagi ako kasama sa top 10. Well, pang 9 ako. Hindi naman ako yung tipo na nakikipagcompete talaga para sa honor. Aixt, nawala na naman ako sa story. Presentation na noon and the leaders are requested to report pero sa grupo namin, hindi ako ang nagreport. Suddenly, out of nowhere, may naka-agaw ng pansin ko na nagsasalita sa unahan. Siya si Matthew. Ang taong nagbago ng buhay ko, pero mamaya na iyon.

As I said nga, na-agaw niya ang pansin ko – at lahat ng estudyante- dahil sa kanyang charismatic aura. He stood ther with full of confidence, bright face, at talagang astig niyang tindig. Dagdagan pa ng kanyang humor na natural na sakanya. He’s perfect for a valedictorian, and he is. Siya ang top 1 namin at running for presidency next school year. Kung tutuusin, pangatlong taon ko na siyang kaklase ngunit ngayon ko lang talaga siya natitigan ng maigi. Siya ang isa sa pinakagwapong estudyante sa campus, at ang isa ay ako. Haha, choss. Pero talagang maipagmamalaki ang mukha niya at katawan. Mahirap lang sila at ang trabaho ng kanilang pamilya ay pagsasaka kaya batak ang katawan sa pagsasaka. kaya siguro, in order to help his family, he is doing his best in school. Kompleto siya sa inspirasyon para mag-aral ng mabuti. Samantalang ako, wala namang akong pagsisikapan dahil nga maykaya naman kami. O sige, mayaman naman kami. Kaya okay na sakin ang pang nine sa honor roll. Studying his facial features, napansin kong ang pinaka-nakakaakit doon ay ang mata niya. Nakakurba ang mga edge nito pataas kaya parang lagi siyang cheerful tingnan. Tapos ang hahaba pa ng eyelashes niya nakacurve pataas. Parang babae nga yung mata niya pero hindi naman halata dahil sa masculine ang ilong niya at lips. Pero mas maganda ang lips ko. Haha. Ito rin kasi ang pinagmamalaki ko kasi pinangigilan ng mga X girlfriend ko. Masyado rin siyang neat tingnan, at napaka cheerful ng pananalita. Nasa ganoong pagmumuni-muni ako nang magkasalubong ang mga mata namin at tumigil siya sa pagsasalita sa harapan. Halatang nadistract ang focus niya kaya sinundan naman ng mga kaklase ko ang tingin niya. Sa hiya na makita nilang ako ang tinitingnan ng nagsasalita, tumingin din ako sa likod para hindi ako maturo, only to realize na wala na palang tao doon. Dahan-dahan ko silang nilingon sabay “ahehe…”. Tapos nagtawanan sila.

“Itatanong ko sana kung may hindi ka naiintindihan sa mga sinasabi ko dito Andrey” ang sabi niya nang tumigil ang tawanan. “Para kasing nasa Wonderland pa si Alice.” Tawanan uli sila. Medyo uminit naman ang tenga ko doon. Alice? Babae yun diba…Kaya mabilis kong nasagot “Nasa hogwarts ba tayo? Ba’t nasa unahan si Dumbledore?” Hindi agad nag-react ang mga classmates ko sa sinabi ko dahil first time ko magsalita nang ganoon. Karaniwan kasi pormal ako at hindi bumabawi. Siguro 5 seconds muna bago sila tumawa ulit. Pati si Matthew ay napangiti din. “Enough class, ipagpatuloy niyo na yan at magta-time na.” Ang sabi ng teacher namin. Madali namang nabawi ni Matthew ang sarili at nagsalita na parang leader ng katipunan. Pinagmasdan ko lang siya at muling napaisip sa pagkatao niya. Wala pa akong nababalitaang naging girlfriend ni Matthew. Marahil ay dahil na din sa ka-seryosohan sa pag-aaral. Ngunit hindi naman siya yung nerd type mag-aral na walang time para sa sarili. Marami siyang kaibigan at mayroon nga silang tropa na laging magkakasama. Natapos na siya magsalita at sinundan ko siya ng tingin hanggang sa pag-upo. Ngunit bago siya umupo nilingon niya ako na para bang sinigurado kung nakatingin pa ako. Nagulat ako at nginitian ko siya. Ngumiti din siya ng hilaw at sabay umupo.

Napa’huh’ naman ako sa ngiti niyang yun. Parang napilitan lang. Inisip ko ulit kung may nasabi ba akong mali o sineryoso niya yung pagkadisctract niya sa pagsasalita. Ewan. Nevermind.

Kaunting minuto pa ay tumunog na ang bell at mistulang binagyo ang mga upuan sa pagtayo ng mga estudyante. Gaya ng dati, nagpahuli kaming tumayo ni Ella.

“bhest yung math book ko hindi mo pa sinasauli” ang sabi niya sakin nang makalabas kami ng gym.

“ay oo nga! .naka---“ sagot ko sana na pinutol niya naman.

“nakalimutan mo na naman? Naku, bhest, lumalala na talaga ang pagkalolo mo.” Umirap siya ng bahagya.

“Sorry, sorry. Bukas na lang ulit. San ka ba kakain?” Paglalayo ko sa usapan dahil ang totoo’y nawawala ang libro. Namisplace ko ata kung saan. Pero hahanapin ko ulit sa bahay.

“Sa plato?” sagot ni Ella sabay tingin ng matulis kay Andrey. “Kapag nawala yung libro, makikita mo!”

“Talaga? Makikita ko? San?” Nginitian ko siya na nakadagdag lamang sa inis niya. “Eto naman oh. Biro lang. May period ka noh?”

“Anong period? 2nd period? Math yun. Mamayang hapon, second period natin is Math, kaya kailangan ko yung libro. Ha?” Ngumiti din siya ngunit sabay pingot sa tenga ko sabay takbo papunta ng canteen.

“Aray! Para san yun?!” sigaw ko

“Para hindi mo malimutan!!!”

Ngumiti na lang ako kahit namumula sa sakit ang tenga ko. Yan si Ella. We became friends last year when life and death tried playing with us. Or we tried playing with life and death. I have another friend named Jack that also work in our farmland and one time, he invited me to swim in a river. I was surprised to see that there were a handful of people swimming there and most of them are my classmates. I was eager to swim kahit wala akong dalang damit at kahit hindi naman ako marunong lumangoy. We were having so much fun until afternoon. Nilalamig na ako noon kaya hindi na ako masyadong gumagalaw. Biglang nagbiro ang mga lalaki doon na huhubaran ako ng shorts kaya panay atras naman ako. Tawa lang ng tawa yung mga babae pero nagjojoke lang naman talaga yung mga lalaki doon. Takot siguro mawalan ng trabaho. Lumapit si Ella saakin at sinabing umuwi na daw ako dahil baka hinahanap na ako sa bahay. Natawa ako dahil para akong bata na pinapauwi kaya kiniliti ko siya. Naghabulan kami sa tubig at hindi namin alam na nakarating na pala kami sa malalim. Niyakap ko si Ella ng marealize na lagpas na sa height ko yung tubig only to find out na hindi rin siya marunong lumangoy. So yun, para kaming mga toinks na naghihilahan. Nagpanick kasi kami pareho kaya hinila niya ako pababa para makahinga siya. Tapos ilang segundo pa ako naman ang humila sakanya pababa para makhinga din ako. Dun lang kami umasa sa paghinga at naulit iyon ng pitong beses hanggang may tumulong na saamin. Matapos noon ay tawa kami ng tawa sa naging sitwasyon. At simula noon ay naging magbestfriends na kami.

The next day I was exceptionally early at iilan pa lang kaming estudyante doon sa gym. Naupo ako sa unahan dahil wala pa naman mga tao at sinumulang magdaydream nang may tumawag sakin sa may likod.

“Andrey, ano nga ulit ang ibig sabihin ng tied in heavenly matrimony?”

Nilingon ko siya at nabigla nang makitang si Matthew ang nagtanong. “huh?” sabi ko. For the first time kasi nagtanong saakin ang top 1 ng aming klase.

“tied in heavenly matrimony…” ulit niya.

“ah. Yung kahapon sa English. Ang ibig sabihin noon ay kasal.” Sagot ko na medyo proud sa sarili. Ako kasi ang Best in English since 1st year kami.

“ah ok. Salamat. Nagrereview ako kasi may test mamaya sa English. Hindi ako nakareview sa bahay kagabi dahil may ginawa kami sa bukid.” Pagpapaliwanag niya habang nakatingin sa kanyang notebook. And so? Ang sabi ko sa isip. Tinatanong ko ba?

“Ganun ba. Sige, baka nakakaistorbo ako.” Ang sinabi ko na lang at akmang tatayo.

“Ah….T-teka. Hindi naman. Nakakatulong ka nga eh. Alam mo naman sigurong mahina ako sa English.”

“Ikaw? Mahina sa English? Eh halos pareho nga lang ang grade natin sa English eh. Nakalalamang lang ako ng isa o dalawang puntos.”

“kasi hinahabol ko sa review. Kung ano kasi kahinaan ko sinusubukan kong i-improve kaya kapag walang ginagawa, English lagi ang nirereview ko. Alam mo ikaw, magseryoso ka lang, matatalo mo pa ako.”

Tumawa naman ako doon sa huling sentence na sinabi niya. Habulin nga lang ang top 5 hindi ko magawa, 1st pa kaya.

“Oh bakit ka tumawa?” Natatawa niya ring tanong

“Alam mo, ang lakas talaga ng sense of humor mo noh? Hahaha. Siguro pag nag 1st ako, magpapakatay ng litson sina mama. Nakakatawa naman yun…”

“Kaya mo naman talaga ah. Mag-aral ka lang ng mabuti siguradong maabot mo ako. May pagka-ano ka kasi eh.”

Parang binatukan naman ako sa sinabi niya. As if naman hindi ako nagseseryoso sa pag-aaral. Kung tutuusin, hindi nga naman. Pag may exam, hindi nagrereview. Pag may assignment, asa kay Ella. Pag may project, laging late. Kung hindi lang ako bumabawi sa recitation wala talaga akong mararating.

“May dumaang anghel…biglang tumahimik.” Ang sabi ni matthew nang hindi na ako sumagot.

“hehe. Wala, may naalala lang ako. Sige, magreview ka na.”

“Ikaw? Hindi ka ba magrereview?”

Binatukan uli ako sa tanong na iyon.

“Ah….eh….hindi na kailangan.” Sagot ko na lang. Hindi naman siya sumagot at parang napaisip. Maya-maya ngumiti siya.

“Ah oo nga pala…magaling ka na pla sa English. No need to review. Hehe.”

Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin. Pero hindi talaga ako comfortable sa pag-uusap naming iyon. Out of nowhere kasi sumulpot siya and I really never intended to be friends with him. Like what I said, I wanna live in my own tiny castle kung saan everything is set up. Ayoko magentertain ng new characters sa buhay ko.

“Hindi ah. Malakas kasi ang source ko. Katabi lang eh. Hehe. Tsaka malakas din ang radar ko.Hehe.”

Lumingon ako sakanya para magpa-alam na aalis nang biglang mag-lock ang mga mata namin. Parang may gravitational pull sa mga mata niya at hinihigop ako. I felt a lightning pass between our eyes and struck my heart. I was in a suspended animation, everything around me is muted and I can’t hear a thing. It was like the whole universe stopped and revolved around us. I feel like I am being sucked into a deep vortex into another dimension. There was no time, no space, just us. Sabay kami napayuko matapos noon. Feeling ko nagblush ako at ang lakas ng tibok ng puso ko kaya tumayo ako at lumabas. Buti na lang nag-ring na ang bell para sa flag ceremony.

“Bhest, ang tahimik mo ata.” Ang sabi ni Ella habang kumakain ng snack.

“Ah…wala. May nangyari kasi kanina habang wala ka.”

“Ano? Dumating si Justin Bieber? Lalaki na si Vice?” Sarcastic niyang sagot.

Ewan ko rin kung ano dapat kong isagot kay Ella. Hindi ko rin alam kung ano nangyari kanina. Kung nanaginip lang ako. Pero hanggang ngayon ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko.

“Huy!!! Gising…alam mo, alice in wonderland ka talaga…pareho kayo mahilig sa illusions and delusions..” ang sabi ni Ella na may pagka-irita ang tono. Ayaw niya kasing may nililihim ako sakanya. Almost everything alam namin sa isa’t-isa.

“Ah. Nevermind that bhest. Tama ka, Illusions and Delusions ko lang siguro yun.” Sagot ko na lang sabay hinga ng malalim. Para paring hinahabol ang puso ko sa pagtibok nito. Idinampi ko ang palad ko dito at tiningnan si Matthew. Ano nga ba yung naramdaman ko kanina?

At simula ng araw na iyon, panay na ang pasulyap-sulyap namin ni Matthew. Minsan, nahuhuli ko siyang nakatingin sakin, at minsan naman, ako ang nahuhuli niya. Sa tuwing naguusap kami hindi ako makatagal ng kahit sampung segundo na nakatingin sakanya. Lagi ako nagbu-blush at ibinabaling ang tingin sa iba. Kapag nagkakatitigan kami, laging ako ang nauunang bumigay. Nandyan na yung titingin sa baba, sa taas, sa kaliwa, sa kanan. Nagpatuloy ang mga araw na laging ganoon ang setup namin, pasulyap sulyap lang. Ang later on, I found myself personally liking that unusual eye-to-eye contacts. I like it best when he smiles at me. Parang the whole world shines each time he smiles. Pag may group activity, laging dumadaan ang mga mata niya sa kinauuupuan ko. Panay yuko naman ako pag nangyayari iyon. Kapag may gagawin siya tumitingin muna siya sakin. Ewan ko rin kung bakit. Marahil ay sinisigurado niyang nakatingin ako sakanya o para bang nag-aask permission siya. Haha.

Finally, natapos na ang renovation sa classroom namin. Kami mismo ang nagdala ng mga upuan namin papuntang room. Medyo may kabigatan yung upuan ko kasi gawa lahat ng upuan duon sa kahoy kaya patigil-tigil ako sa pagbubuhat. Nahihiya nga ako kasi yung ibang mga lalaki doon parang nagdala lang ng unan kasi sanay sa mbibigat. Eh ako. Nasa kalagitnaan ako nung dumating si Ella at nagoffer na tulungan ako matapos ako tawanan dahil parang hindi daw ako lalaki. Parang hindi naman tama kung magpapatulong pa ako kaya I insisted na lang na ako na lang. Ngunit talagang makulit si Ella kaya ayun, hindi kami maka-alis dahil nagpupumilit. Siyempre natatamaan na yung pagkakalalaki ko kaya medyo hindi na rin ako tumatawa nung nakikipagagawan pa siya sa upuan. Maya-maya biglang may kumuha ng upuan at binuhat ng walang ka-effort-effort. Si Matthew. Hindi naman siya lumingon kaya nagtinginan kami ni Ella.

“Napaka-gentleman niya talaga, ano?” Ang sabi ni Ella na parang kumikintab pa ang mga mata.“Wala nang hahanapin pa. Siya na siguro and dream guy ng every girl dito sa campus.”

“K-kaya ko rin naman maging gentleman ah. Mabigat lang talaga yung upuan.” Ang sabi ko naman na parang na-down sa sinabi ni Ella. Insecure siguro ako. “Tsaka pano naman maging dream guy ng every girl dito sa campus iyon eh wala No Girlfriend Since Birth yun.”

“oo na. Palibhasa playboy kaya ang yabang. Hmmp.” Pabulong niyang sabi nung naglalakad na kami.

“Eh ano naman. May ipagyayabang naman ako.”

“Oh ikaw na nga. Ikaw na! hahaha.”

Nagtawanan kami.

Malapit na ang exam kaya busy na rin yung mga industrious people sa room…lahat ng top 10 maliban saakin. Relax na relax ako kaya maski ako napapaisip kung pano pa ako nakakapasok sa honorees. Dahil dun, busy na rin si Matthew kaya nalilimit na ang pasulyap sulyap namin. Isang beses napa-aga uli ako ng gising kaya maaga din ako sa school. Nasa pathway pa ako noon nang makita ko si Matthew na nagwawalis sa labas ng room. Hindi ako mapakali kasi hindi ko maiiwasang pumasok ng hindi siya nakikita. Akma sana akong aatras ng tumingin siya sa may pathway at nakita ako. Nagsmile siya kaya dumeretso na lang ako.

“Good Morning Andrey!” bati niya na nagpakaba na naman sa puso ko. Tumingin ako sakanya at nag-lock uli mata namin.

“g-good m-morning din…” ang sabi ko at nagmadaling pumasok sa room. Pag-upo ko ay pinalo-palo ko ang sarili sa naging reaksyon ko kanina. Para tuloy akong babae na nahihiya. Pero deep inside, masaya ako. Nagbasa ako ng libro at maya-maya ay narinig ko na ang bell.

Nang sumunod na araw, at mga sumunod pang araw, siya at ang ilang niyang mga kaibigan ay lagi nang nakabantay sa may pintuan. Ewan ko kung anong trip nila, basta dun sila minsan nagtatambay o kaya doon sa likod ng room. Nasa dulo kasi ng school grounds ang room namin at sa likod noon ay parang bodega at doon sila karaniwang tumatambay. Sa labas ng bakod, may malaking fishpond na pag-aari ng kapatid ng lolo ko. Anyway, kapag dumadaan ako doon ay lagi niya akong binabati na good morning kahit pa nandoon ang mga kaibigan niya. Siyempre cool lang ako pero labis ang saya ko kapag ginagawa niya iyon. Sa tuwing uuwi na siya, dahil nga lagi kami nagpapahuli ni Ella, tumitingin siya sakin na parang nagpapaalam.

Matapos ang exam, back to normal na naman ang lahat. Normal school days na naman pero nagiging special dahil sa mga pasulya-sulyap namin. Dumating sa puntong hindi na kompleto ang araw ko kapag wala siya. O kaya kompleto na ang araw ko kapag ngumingiti siya saakin. Summer kumbaga. Those were the times na everything seemed perfect. And before I even knew it, he had been playing a huge role in my own little castle called life.

Until winter came.


[02]
Nagpatuloy ang ikot ng buhay ko kasama ang malaking pagbabago sa aking pagkatao. Nagkaroon ng Sports Fest saaming school na inorganize ng MAPEH Club officers kung saan ako ang Vice President. Kasama ako sa nag-organize ng mga schedule ng games para sa 1 week activity na iyon at ako rin ang incharge na scorer para sa basketball. I was enlightened when i learned that Matthew joined in the Basketball Team ng aming section. And tell you, halos mabaliw ako sa kilig ng araw na naglaro sina Matthew. Panay kasi ang sukyap niya sa kinauupuan ko matapos magshoot, habang nagdidrible, o kaya ay pag may time-out na lagi niya sinasabayan ng ngiting nakakaloka. Siyempre ngingiti rin ako at nag sesenyas ng "go go" para mabuhayan siya.



Hindi ako sinabayan ni Ella nang matapos ang game dahil nagmamadali siyang umuwi. Lalabas na sana ako ng campus nang makita ko si Matthew sa may gate na parang may hinihintay. Dumiretso ako sa kinaroroonan niya at binati siya sa pagkapanalo ng team. "Congrats ah. Ang galing niyo kanina." ang sabi ko kay Matthew sabay ngiti na nagpapacute.

"Salamat. Na-inspire din ako maglaro kanina kasi nandun yung mga special saakin."Ang sagot niya na nakatingin sa mata ko. Sa mga oras na iyon parang matutunaw ang lola niyo sa magkasamang hiya at kilig. Malay mo ako ang tinutukoy niya.



"Ah. Siyempre. Masaya kaya gumawa ng mga bagay lalo na kung inspired ka." Sagot ko na lang sabay layo ng tingin sakanya. "Oo nga eh. Ang saya talaga. Salamat sa suporta ah. Mauna na ako, mukhang nauna na yung hinihintay ko."



Nginitian niya ako ng huling beses at saka umalis. Medyo na-disappoint naman ako doon. Akala ko pa naman ako ang hihintay niya. Sino naman kaya yung hinihintay niya? May napupusuan na rin kaya siya sa school? Gusto ko sana itanong iyon sakanya pero tingin ko wala ako sa lugar para gawin iyon. Nagpatuloy ang mga araw at laging nanalo ang team nina Matthew. Sila ang tinanghal na grand champion at nagsaya ang buong section namin dahil doon.



Maulan noon at may dala akong payong. Wala akong kasukob kasi absent si Ella. Papunta na ako sa may gate pero hindi ko namalayan na may tao pala doon sa may kubo. Nung makita ko si Matthew, nagdalawang isip ako na lapitan siya dahil ewan ko kung kakayanin ko kung sakaling makatabi ko siya sa lilim ng payong sa ilalim ng ulan. Kaya pumasok muna ako sa kubo bago siya pinasukob. Maganda ang view sa kubong iyon. Sa harap kasi ng office ay malaking quadrangle, ilang mga puno, at sa pinakadulo niyon ay dalawang kubo. Kaya habang nakaupo kami doon, feeling ko nasa ibang lugar kami dahil sa effect ng ulan at beauty ng nature sa quadrangle.



"Ba't nagiisa ka dito?" Ang tanong ko. Wierd iyon dahil hindi niya kasama ang tropa niya.



"Buti na lang dumating ka. Akala ko hindi na ako makakauwi. Nanghiram kasi ako ng libro sa second year. Yung isa nating topic nandoon eh. Na stranded tuloy ako sa kubo kasi ayokong mabasa yung libro." Paliwanag niya na nagpasaya naman sakin. So im sort of a savior huh?



"Tsk. Tsk. Ikaw na talaga. Halos nasasaiyo na ang lahat. Magaling sa sports, matalino, masipag, masayahin, mabait.." tumigil ako at tiningnan bahagya ang mukha niya "...gwapo din, pero mas gwapo ako ah.." Ang sabi ko na nagpatawa naman sakanya." Siguro wala ka nang mahihiling pa..."



"haha. Hindi naman. Marami pa ring wala saakin. Pero nagiging masaya ako dahil kuntento na ako sa mga mayroon ako. At saka hindi naman talaga ako matalino. Nagsisikap lang talaga ako maging valedictorian dahil maraming college ang nag-ooffer ng full scholarships sa mga ganun. Ginagawa ko lahat ng iyon para sa pamilya ko. Sila ang inspirasyon ko sa lahat ng ginagawa ko. Ang makita silang namumuhay ng maginhawa at masaya ang panlaban ko sa tuwing tinatamad ako. Lalo na si mama, gusto kong ipadama sakanya ang marangyang buhay. Yung buhay na hindi mo na kailangang magtanim at magbilad maghapon para sa kakarampot na pera. Hindi niya kasi nalasap ang ligaya ng kabataan dahil napaka-aga nag-asawa. Kaya ginagawa ko lahat ng makakaya ko, nag-aaral, nag-tatrabaho, nagpapagod para lang makatapos ng pag-aaral. Malay mo ako pa ang makagpalaya sa aking pamilya sa kahirapan" Ang sabi niya na parang nagliliwanag pa ang mukha. Doon ako tuluyang bumigay at hinayang tuluyan siyang pumasok sa kastilyo ng buhay ko. Na-Inspire ako masyado sa sinabi niya. At habang nakaupo kami pareho, I saw two different kind of persons equipped with different armors and weapons in the same battle . Heto ako, i have almost everything ngunit walang pangarap, at hayun siya, wala ni kahit ano ngunit puno ng pangarap.



"Wala akong masabi. But i want you to succeed, Matt. And i believe you are capable of doing so. Pag ipinagpatuloy mo yan, you are always a few steps way from your dreams." Ang sabi ko na lang sabay ngiti sakanya ng matamis. Nagkatinginan uli kami pero this time, hindi naman ako nag-blush o ano. I looked at him na may puno ng paghanga. Tumagal iyon ng limang segundo at ginulo-gulo niya ang buhok ko.



"Wag na..Nagpapasikat ka lang ng English mo...Nosebleed ako dun ah. Tara, uwi na tayo. Mukhang tayo na lang ang tao rito." Ang sabi niya sabay tayo. Tumayo na rin ako at binuka ang payong. Naglakad kami palabas ng campus at nagkwentuhan ulit ng mga bagay na maisipan. Feeling ko ang tagal ko na siyang kaibigan. Ang sarap niya palang kausap dahil makikita mong interested talaga siya sa mga sinasabi mo. Habang naglalakad kami grabe ang tibok ng puso ko. I was almost worried that he may hear it shouting his name. He seemed vibrant naman sa pag-uusap naming iyon.



"Bhest, I noticed iba ang level ng saya mo lately ah. Blooming ka lagi. May bago ka na naman bang napupusuan? O baka gf mo na agad? May hindi ba ako alam?" sunod sunod niyang tanong pag upo ko nang sumunod na araw. Nararamdaman ko rin ang sayang sinasabi ni Ella.I feel extra happy talaga dahil nag-oopen na si Matthew saakin. Mas excited na ako pumasok sa school at makita siya.



"hehe. hindi ah. Diba nga sabi ko pause muna tayo sa girlfriends na yan. Basta...sasabihin ko rin sayo balang araw." Ang sabi ko na lang. I really intend to tell my bestfriend about Matthew someday. Ang kinatatakutan ko lang, ang magiging reaksyon niya.



"Ayoko ng ganyan ah. Diba walang lihiman? O sige, may sasabihin din ako saiyo. Pero sasabihin ko lang until the day na sabihin mo ang dahilan ng iyong extrang kasiyahan. Deal?"



"D-deal..." Ang nasabi ko na lang though gusto ko itanong kung ano din yung secret niya. Then the bell rang.



Pinatawag ni Ms. Hanna, English teacher namin, si Ella nang breaktime namin. Kaya naman wala akong magawa sa room. Gaya pa rin ng dati, ang upuan namin ni Ella ay nasa last row samantalang ang upuan ni Matthew ay sa front row. Tinitingnan ko siya habang na sa likod at nag-isip isip. Maya-maya bigla siyang tumingin saakin at nahuli akong nakatingin sakanya. Hindi na ito unusual pero nahihiya pa rin ako kaya tumingin ako sa nakalatag na literature book sa aking armchair. At the corner of my eyes, nakita kong tumayo siya. Pumikit ako at nagwish na sana ay hindi papunta sa kinaroroonan ko...kahit at one point, i hope so. Dumilat ako at pagtingin ko ay nasa tabi ko na si Matthew. Nataranta bigla ang lolo niyo.

"Manghihiram sana ako ng Math book. Meron ka?" tanong niya. Truth is, hinahayaan ko lang mag-ipon ng alikabok ang aking mga aklat sa bahay. Pero naalala ko na dala ko pala ang Math ni Ella na nahanap ko sa bahay kahapon. Nilagay pala ni tita sa mini library namin.



"Ah...oo. Eto oh." Ang sabi ko sabay kuha sa aking bag.

"Salamat ah. Isosoli ko bukas." At pagkatapos noon ay ilang minuto ng katahimikan.

"Asan ang tatay mo?" I almost the question was lame because he may say na nasa bukid, nagaararo, o kaya nasa bahay, pinapaliguan ang manok. But I was wrong. Akala ko nga I will not receive an answer dahil may nabasa akong iba sa naging ayos ng kanyang mukha.

"Ah..okay lang kung hindi mo sagutin. Hehe. Na-curious lang ako. hehe...nevermind..."

Katahimikan ulit.

"Ang tatay ko...iniwan niya kami nung buntis pa si mama sa bunso namin ngayon. Hindi ko alam kung saang lupalop na siya nakarating pero balita ko nag-asawa na raw. Grade six ako noon at mismong araw ng graduation siya nawala. Ang sama ng loob ko noon at sinabi sa sarili na hindi na ako mag-aaral at magta-trabaho na lang sa bukid. Lagi ako pinipilit ni nanay. Nagmamakaawa na nga siya na ipagpatuloy ang pag-aaral ko sa high school dahil ito na lang raw ang tanging maipamamana saakin nilang dalawa ni tatay. Ngunit nasaan ba si tatay ng mga araw na iyon. Iniwan niya lang kami at hinayaang si mama ang mag-isang magtaguyod saamin. Nung gabing nanganak si mama ako ang naghanap ng komadrona. Ako nag-alaga sa apat kong kapatid. Ako gumawa ng paraan para makakain kami kahit dalawang beses sa isang araw. Halos manlimos na lang ako sa mga oras na iyon. At....may mga ginawa ako na...mga bagay na...mga sakripisyo para lang manatili kaming humihinga..." Tumigil muna siya na parang inaninag ang mga madilim niyang ala-ala...natuklasan ko din iyon ngunit sinira nito ang lahat ng aking pinaniniwalaan.



"kahit anong trabaho marangal sa marangal na dahilan...Wag mo isipin na masama iyon...kung ano man iyon" ang sabi ko na lang.



"Isang buwan pa lang noon matapos manganak si mama ay gusto na niyang maglaba para sa kapit-bahay namin. Ngunit sinundo ko siya doon at pinilit umuwi. Halos lumuhod na ako nang magmakaawa na magpahinga pa siya kahit isang buwan pa dahil makasasama sakanya iyon. Sinabi kong kaya ko pa naman makadiskarte ng isa pang buwan. Pumayag din naman siya kahit masama sa kalooban niya. Natapos ang isang buwan na iyon na halos hindi na ako matulog. Kapag umaga, sa bukid, mga extra extra sa bahay, kapag gabi...kapag gabi...naghahanap ng mapagkukunang pera. Kahit anong paraan. Kalahati lang ang binibigay ko kay mama at ang kalahati ay iniipon ko para kung sakaling may emergency ulit. Malaki din ang kita ko pero matapos ang isang buwan, tumigil na ako sa ilang mga racket ko. Sa bukid na lang ako nagtrabaho. Nung malapit na ang pasukan, kinausap ako ni mama na mag-aral. Ngunit hindi ko maisip kung papaano niya kami bubuhayin kung mag-aaral pa ako. Kaya nagmatigas ako kahit umiiyak na si mama. Hanggang sa araw ng enrollment dito..hindi ako bumabangon. Tapos sabi ni mama "Ito ba talaga ang gusto mo? Sa Bukid? Gusto mo magaya saamin ng tatay mo? O sige!" Kumuha siya ng tali. Yung tali na ginagamit sa kalabaw at ibinigkis sa dalawang kamay at paa ko. Pinaglakad niya ako papunta sa bukid namin at pag dating doon ay ibinigkis ako sa puno. Sabi ko "maa...." pero umalis na siya. Naiwan ako doon ng umiiyak. At hanggang hapon ako doon. Walang tubig o pagkain. Nung hindi ko na talaga kaya doon ko na-realize na ayaw ko ng ganoong buhay. Gusto ko mag-aral at magtagumpay balang araw. Ia-ahon ko ang pamilya ko sa kahirapan. At saka ko tinawag si mama. Akala ko umalis na siya ngunit nandoon lang pala siya sa malayo, binabantayan ako. At sumigaw ako "Maaa....Gusto ko na Mag-aral...." at tumakbo siya palapit saakin at inalis yung tali. Saka niyakap na ako ng mahigpit. Alas tres ng hapon noong makarating kami dito sa school. Nagsisitayuan na yung mga teacher dahil tapos na ang enollment. Pero nagmaka-awa ako at hayun.....andito na ako...kausap ka..."Nang matapos siya magsalita ay saka naman tumulo ang luha ko sa isang mata. Hindi ko iyon naramdaman basta puno lang ang ko ng paghanga sakanya. Tiningnan niya ako sa mata at nagulat nang makita niya yung luha sa mata ko. Pinahid niya iyon gamit ang isang kamay. Mabuti na lang at konti lang kami sa room at siguro walng nakakita nang mabilis niyang kilos.



"Baliw...ba't ka umiiyak sa kwento ng iba?" Tanong niya na napangiti. Ginulo niya ang buhok ko. At doon, naintindihan ko na ang lahat ng pagsisikap niya. Doon ko rin nabigyang kahulugan ang salitang pangarap. Hindi ako tumingin sakanya dahil nahihiya ako. Hindi dahil may nararamdaman ako sakanya ngunit dahil sa kawalang direksyon ng buhay ko. Pangarap lang ang wala ako...iyon lang ang mayroon siya. Bago pa ako makapagsalita ay tumunog na ang bell.

I was left awestruck there. Nung makaupo na siya ay tiningnan ko siya at lumingon din siya sa akin. Nginitian niya ako.



That night, I decided to write a Diary as i start the search for my dream...



Dear Diary,



Today, someone I like taught me how important dreams are. Dreams are the driving force that urges us to keep pushing forward. I'm sure if i will have a dream myself, i will live life to the fullest. I would achieve things that i deserve. As for now, i don't have a dream yet. But I have to have one. Would you help me, Diary? I know you are curious who the person I like was. Let us just hide him in the name of Sparkles. :)


[03]
Sa pag-open up saakin ni Matthew, nagtanim rin siya ng pagkakaibigan. Mula ng malaman ko ang story ng buhay niya, hindi ko na mapigilan ang sarili ko na hangaan siya ng sobra. Iyon ay, kung paghanga pa nga ang aking nararamdaman. Kahit papano'y ayos na ako sa aming set-up. Kuntento na ako na nandiyan lang siya, tinitingnan ako, at kapag may time, nagkukwentuhan kami. Hindi namin kami naging sobrang close dahil may tropa siya at may Ella ako. But i can still feel the connection between us. Through our eyes, our minds, and our hearts. That's what i feel kahit walang kasiguraduhan.



One time noon, nagmuni-muni ako sa likod ng room habang pinagmamasdan ang malaking fishpond outside the school grounds. Mayroon din kasi doong parang seawall dahil kapag may bagyo, umaapaw ang fishpond at minsan nang nakapasok sa school yung tubig. Napuno tuloy yung quadrangle ng mga isda. Kaya para hindi na maulit iyon, pinalagyan na lang ng malaking pader bilang bakod. Pinagbabawal na umupo doon dahil delikado ngunit, sanay naman ako sa bawal eh. hehe.



Nag-isip isip ako noon patungkol sa aking pangarap. Ano nga ba ang gusto ko maging? I remember during our graduation in kinder, ang sabi ko noon gusto kong maging doktor. Pero ano nga ba iyon kundi bulong sa hangin. Mas mainam na may goal ako dahil fourth year na ako sa susunod na taon. Kailangan nang pumili ng kurso. Nasa ganoon akong pagmuni-muni nang biglang may umupo sa tabi ko. Si Matthew.



"Ang lalim ng iniisip mo Andrey ah...Gusto mo hukayin ko?" Ang sabi niya sabay ngiti



"Sige ba. Malay mo makatulong ka sa paghuhukay mo."



"Makakatulong lang ako kung pahihintulutan mo akong maghukay."



"Okay, i give you permission to dig." Literal na sabi ko.



"So, what's bothering you?" Tanong niya na nagpatawa sakin.



"English yun ah...paburger ka naman."



"Porke't mahina ako sa English hindi na ako pede magsalita in English?"



"Joke lang. Nalulungkot lang ako kasi...parang malayo sakin ang pangarap ko. Sabihin na nating malapit nga pero hindi ko naman alam kung pipiliin ba ako ng pangarap na pinili ko."



"Alam mo maswerte ka nga kasi nasaiyo na lahat ng opportunities. Matalino ka, at kaya ka papag-aralin ng magulang mo sa isang 'prestigious' university" Inemphasise niya yung prestigious.



"Kaya, kung tutuusin wala ka namang dapat problemahin. Bakit mo naman nasabing hindi ka pipiliin ng pangarap mo? Tayo ang magdidikta kung pipiliin tayo o hindi. Kung gagawin mo ang lahat ng makakaya mo sa tingin mo ba lalayuan ka pa rin ng pangarap mo?"



"Mahirap kasi...lalo na kung wala kang kasiguraduhan."



"saang parte ka pa rin ba hindi sigurado? Eh halos secured na ang future mo. Naiingit nga ako saiyo eh. Pero, ito ang binigay saatin ng Diyos kaya, kahit magkakak-iba ang pinaglalaban natin, gawin natin lahat ng makakaya para maabot iyon. Iba iba ang binigay na opportunity, na chance, na breakshot. Nagkataon lang na mas kaunti saakin at marami saiyo. In the end, kung saan tayo lalagpak ay na sa kamay na natin."



"Ibinigay saiyo ng Diyos ang ganyang klaseng buhay Matthew dahil matatag ka. Siguro mahina ako at hindi ko kakayanin kung ako ang nasa lugar mo kaya ganito ang buhay na ibinigay saakin ng Diyos. Kailangan ko lang maging matatag na laging tahakin ang tamang daan." Ang sagot ko sakanya. "Ngunit may isa pa akong problema eh..."



"Ano yun?"



"Hindi ko pa alam ang pangarap ko."



Napatingin naman saakin si Matthew at hindi malaman kung ngingiti o sisimangot. Ginulo na lang niya ulit yung buhok sabay sabi. "Ang kulit mo talaga. Kung ano ano na ang sinasabi mo tungkol sa pangarap na yan eh hindi mo pa pala alam."



"Dahil ikaw ang tinutukoy kong pangarap"



"Ano ba ang pangarap mo Andrey?"



"Ikaw ang pangarap ko Matthew. Ang mayakap ka, ang mahagkan ka sa labi. Ang makasama ka lagi. Ang marinig sa boses mo na mahal mo rin ako."



"Hindi lalayo saiyo ang pangarap mo if you will just do your best to win it."



"Hindi ka rin ba lalayo, Matthew?"



"Isipin mo lang na ang pangarap ay parang mga bituin. Gawin mo ang lahat para maabot iyon. At kapag naabot mo na, magiging isa kayo; ikaw at ang pangarap mo. At kapag isa ka na ring bituin, use it to light the way for others. Shine. Ipa-alam mo sa tao na minsan, isa ka lamang na mangagarap. Na ngayon ay naging bituin dahil sa pagsisikap."



"Ikaw ang bituin ko Matthew. Napakalayo mo...Mahirap kang abutin. Sana dumating ang araw na maabot kita. Ikaw ang bituin ko Matthew...sana patuloy mong bigyang liwanag ang buhay ko."



"Andrey? Okay ka lang?" Ang tanong niya noong hindi ako sumasagot.



"Ang problema, Matt, ay hindi ko pa alam kung paano ko maabot ang pangarap ko kung ganito ako lagi." Lumingon ako sakanya. Tinitigan ang mata niya. Matagal. Nangungusap.



"Hayaan mo...Tutulungan kitang maabot ang pangarap mo." Ang sabi niya. Ipinatong niya ang kamay niya sa kamay ko.



........

Gaya nga ng aking sinabi, masaya na ako sa sitwasyon namin ni Matthew. Mutual understanding ba ang tawag dun kapag nagkakaintindihan kayo sa paraang hindi mapaliwanag? Sa takot na baka masira ang sumisibol pa lang na pagkakaibigan namin, i didn't dare to move one step closer. Hindi ko pa rin alam ang takbo ng isip niya kahit i feel naman na he's sincere. Everything seemed perfectly fine nang mga oras na iyon. Grabe pa rin ang mga kilig moments na pasimple niya lang na ginagawa. Napakamatulungin niya rin saakin. Noong una, kuntento na ako doon. Pero habang tumatagal ay lalo ako nahihirapan. Nandiyan nga siya, lagi ko nakikita, nakakasama ko, pero hindi ko masabi yung mga bagay na gusto ko sabihin. Gusto ko siya yakapin, pero hindi pwede...gusto kong malaman kung ano ako sa buhay niya...pero natatakot ako sa maari niyang isagot. Pag minsan nag-uusap kami tapos bigla na lang ako napapatitig sakanya, ginugulo lang niya ang buhok ko. Nung una naiirita ako pero habang tumatagal parang nabubuhayan yung inner child ko. Part of me is vulnerable to touches and such gestures. Siguro its something that my inner child missed. Ewan. Basta minsan niya matutula na lang ako, nagiisip kung pano kaya kung malaman ni Matthew ang totoong nararamdaman ko sakanya. Pagtatawanan niya kaya ako? Magagalit siya? Sasabihin niya rin kayang mahal niya ako?



Natatakot ako dahil ayoko ng rejection. Ayoko ng humiliation. Ayoko ng regrets.



Pero nagpatuloy pa rin ako despite the aching pain i feel inside. Its not a little later nung nagsimula nang maglaro ang tadhana.



"Bhest, kelan mu ba sasabihin ang dahilan ng iyong newfound happiness?" Tanong ni Ella isang beses.



"On Friday, sasabihin ko na." Napag-isip isip ko kasi na kung mayroon mang makaka-intindi saaking pinagdaraaanan, ang bestfriend ko iyon.



"Paano bhest kung may ipagtapat ako sayo at hindi mo matangap?" Tanong ko kay Ella.



"Na ano? Na bakla ka? Wag na dahil hindi ako maniniwala. At saka, lagi naman kitang tanggap. Kahit maging gf mo pa ang principal natin, okay ako dun. Basta kung san ka masaya Andrey. Dun ako."



I was happy naman on Ella's comment. Kahit papano, nabawasan ang worry ko at alam kong may taong handa akong tanggapin. Finally, may mapagsasabihan na ako ng sekreto ng aking lihim.



"Aasahan ko sa Friday bhest ah! Don't fail me. Dahil may ipagtatapat na din ako sayo. hehehe." Ang sabi niya na parang kinikilig pa.



"Wag mo sabihing may nanliligaw sayo?"



"uhhhmm...parang ganun na nga..."



"Talaga? wow...himala...i'm happy for you bhest. Akala ko hindi ka na makakamove-on sa first love mo eh. Di ba ang tagal mo yung minahal pero hindi man lang ibinalik sayo yung pagmamahal mo. So its really nice to hear na may nanliligaw na sau."



"che. forget na natin yun. Ang mahalagang itanong mo ay "who?". pero siyempre hindi ko sasagutin. Sa Friday na lang."



"ah ganun...excited naman ako...hehe"



"teka bhest...eto bang bagong source ng happiness mo...ay...sigurado kang....mahal ka rin?"



"h-huh? b-bkit mo naman natanong?"



"wala. baka kasi hindi ka gusto nareject ka pa. Eh di nasaktan ka tuloy. First time mung masasaktan kpag nangyari iyon. First cut is the deepest, bhest. Naranasan ko iyan. Kaya I'm worried sau. So, sure ka ba jan sa bagong yan?"



Hindi ako nakasagot. Yung 3 biggest fear ko ay naroroon sa sitwasyon namin ni Matthew. Mukhang masasaktan talga ako kapag lahat pala ay para sa wala.



"Don't worry bhest...Magiging okay ang lahat." Ang sagot ko na lamang.



Nang sumunod na araw, pag dating ko sa room ay nakita kong nakaupo si Matthew sa upuan ko at magkausap sila ni Ella. Nakaramdam ako ng kakaibang saya nang makita ang tagpong iyon. Ang dalawang taong i consider special ay magkatabi...How cute. Lumapit ako at tiningnan ako ni Matthew na parang nataranta ng kaunti.



"Andrey...upo ka nah..." Tumayo naman siya at nginitian ako. I smiled back. May sasabihin pa siguro siya nang tumunog ang bell.



Nung nakabalik na kami sa room, tinanong ko si Ella.



"Ba't nandito si Matthew bhest?" tanong ko with pure innocence



"wala...bakit, bawal na ba tumabi saakin kung may gustong tumabi?" sarcastic niyang sagot



"hindi naman...that's something new lang. Bagay kayo ah..." biro ko sakanya



"talaga? hahaha....ikaw talaga...hindi naman masyado..." ang sabi niya pa na kinilig din. Medyo naguluhan ako.



"biro lang...kaw talaga...naniwala agad" sumimangot naman siya nang marinig iyon.



"ewan ko sayo. oy, friday na bukas ah! handa ka na ba? Magprepare ka nah ng speech"



"siguro....depende...hehe"



"Andaya mo talga. Diba nangako ka nah?"



Napakamasayahin ni Ella ng araw na iyon. Napantayan niya ang level ng kasiyahan ko kaya never boring yung day na yun. Grabeng tawanan namin, kulitan, pikunan. Pero nahahalata ko rin na pareho namin gusto sabihin sa isa't isa yung mga lihim namin dahil siguradong mas masaya kung ganoon. That time, i realized i really care for my bhest. She knows alot about me, ang timpla ko, mga mood ko, lahat lahat pati mga brand ng brief na gusto ko. Minsan nga nakararating pa kami sa issue ng sex. Hindi talaga kami naiilang sa bawat isa. Sabi ko nga sa sarili ko she's the perfect bestfriend one could have. Siya yung tipo na magmumukang tanga basta lang mapangiti ka when you're feeling sad. Siya rin lang ang taong nakaka-alam ng sakit kong hyperglycemia. Naglakwatsa kasi kami noon sa sentro ng bigla akong nahilo. Sinabi ko sakanya na napapadalas na iyon kaya hinila (literaly) niya ako papunta sa isang center at pina-check-up-an. Kulang daw ako sa glucose na source of energy ng brain. Kulang din daw ako sa exercise kaya mahirap mautilize yung glucose ko sa katawan. Hindi ko naman iyon sinabi sa magulang ko. Akala ni Ella sinabi ko pero hindi. Ewan ko kung bakit hindi ko sinabi. Ayoko lang nag magoveract na nmn sila. Mamaya niyan patigilin ako sa pag-aaral dahil lang dun.



Nung hapon, nilapitan ako ni Matthew at tinanong kung pwede daw ba kami mag-usap. Pumunta uli kami sa likod ng room at naupo sa parang sea wall.



"Ano yung sasabihin mo?" Tanong kong parang naaatat.



"hehe. nothing in particular. Gusto ko lang mag-usap tayo. Yung tropa kasi nandoon sa gym."



"akala ko pa naman kung ano na..." bulong ko.



"ano?"



"wala. hehe."



"ahhmm...Andrey bakla ka ba? May gusto ka ba sakin?"



Mistula naman akong binuhusan ng malamig na tubig sa tanong na iyon. At sa di malamang dahilan, nainis ako...nayamot...gusto ko siyang batukan...Anong klaseng approach yun? Walang ligoy ligoy? Kaya ang nasagot ko ay:



"Hindi! at Wala! Ang yabang naman!" Ang sabi ko sabay tayo para umalis.



"Teka teka...nagtatanong lang eh." Tumayo din siya at bumaba kami pareho sa sea wall(fishpondwall) at niyakap niya ako. Feeling ko na naman bata ako pero labis ang saya ko ng mga oras na yun. Nung kumalas kami sa pagkakayakap, tiningnan niya ako sa mata...Ewan...parang may nakita akong lungkot sa mga mata niya



"Tinanong ko lang naman...At least alam ko na..." Ang sabi niya.



"Teka!!!!Oo, mahal kita Matthew, mahal na mahal....itanong mo uli...."



Ginulo niya ulit buhok ko at ngumiti.



"Tara, balik na tayo sa room."



Iyon lang at wala na siyang sinabi. Na-disappoint ako. Nalungkot. Pero hindi pa rin nawawala yung inis ko sa naging tanong niya. "Andrey bakla ka ba? May gusto ka ba sakin?" He was so full of himself, i thought. Though totoong mahal ko siya, bakit sa ganoong paraan niya tinanong...Pero that could have been my chance to tell him what i really feel. Ngayong ganoon ang sagot ko, siguradong ang labas namin ay friends only. Nakakadepress talaga. Hindi ako makatulog lalo kapag naaalala ko yung malungkot niyang mata matapos ako yakapin. At yung yakap....yung yakap...arrrgh.... overmixed emotions ang aking nararamdaman. Inis, Lungkot, Panghihinayang, at Kilig.



Ang sumunod na araw ay Biyernes. Ang araw ng pagtatapat ko kay Ella patungkol kay Matthew. Pagdating ko sa room, hindi ko sure, pero parang galing ulit si Matthew sa upuan ko. Grabe yung ngiti niya, nakakatunaw, kakaiba. Pero hindi niya pa ako nakikita. May something talaga sa ngiti niyang iyon. If only i could make him smile that way.



Pag-upo ko ay nakita ko ring kumikinang ang mga mata ni Ella. Halos mahawaan nga ako ng blooming at cheerful aura niya dahil sa saya. I can almost see sparks flying out of her. Napangiti rin ako..



"Okay bhest, Spill." Ang sabi ko. "Ano ang dahilan ng mala-Diyosa mong ngiti?"



"Friday ngayon diba, so pareho tayo mag-sspill. Kaw na muna...hehehe..." Ang sabi niya na parang nasa feeling of ecstasy. Pero seeing her happiness, mina-buti ko muna na siya mauna dahil baka madis-aapoint o masira ang mood niya kapag sinabi kong nahulog ako sa kapwa ko lalaki. And i'm not really feeling very well. Hindi ako nag-almusal at puro pa oily ang ulam kagabi kaya feeling ko tuloy nanghihina na naman ako. Kulang pa ako sa tulog dahil sa kaiisip.



"Bhest, kaw na muna....hehe. Mukhang mas exciting ang i-shasahre mo." Ang sabi ko.



"So ganito yun...May crush ako dito sa room dahil sa matalino, masipag, mabait, at halos na sakanya na lahat. I really only intended na itago lang ang paghangang iyon dahil IMPOSSIBLE. Until one day, lumapit siya saakin at binigay ang nawawala kong libro." In-emphasize niya yung nawawalang libro. "Tapos nagblush ako kasi sa flyleaf ng back cover ng libro, niligay ko doon ang pangalan niya at short message kung bakit crush na crush ko siya. I have no idea kung paano napunta sakanya yung libro. So binuka niya yung libro at pianabasa talaga saakin yung sinulat ko. Sabi niya "ikaw ang nagsulat nito at para sakin to, diba?" na sinabayan ng nakakalokong ngiti. Then sabi niya, second year pa lang tayo, crush na kita..."



Nagpause si Ella dahil parang kinikilig ng sobra. Kinakabahan naman ako dahil parang may nasesense akong iba. Sabayan pa ng nahihilo na talaga ako.



"I can't really believe bhest...impossibleng crush niya din ako. Nang mga sumunod na araw, doon na nagsimula ang paraiso. Kilig to the bones. Kapag nagsusulat ako, pag tinaas ko yung ulo ko, lagi ko na lang siya nakikitang nakatingin saakin. Tapos pag dumadaan ako, lagi niya akong binabati ng Good Morning Ella... sabay ngiti. Tapos napaka-matulungin pa niya."

Pinikit-pikit ko ang mata ko dahil sa nararamdamang hilo. Umiikot yata ang paningin ko pero i can still clearly hear every word she says. Maya-maya, I managed to ask:

"Kelan niya binigay yung libro?"



"ahhmm...2 or 3 weeks ago ata."



"Yung libro ba....y-yung Math book mo na hiniram ko?"



"OO! Yung hiniram mo na hindi mo nasauli dahil sabi mo naiwan dito sa room. Siguro siya ang nakakuha kaya nasakanya yung libro."



"At...at...y-yung sinasabi mong lalaki....si.....si Matthew ba?"



"huh? panu mo nalaman?" Ang sabi niya na naguluhan. Pero mabilis siyang nakarecover "Tumpak bhest! Siya nga...Its unbelievable, right? Yung 1st honor natin crush ako since 2nd year pa!!!over talaga....At alam mo, today, tumabi siya saakin at tinanong kung pwede siya manligaw...oo alam ko itatanong mo kung ano an isinagot ko, siyempre oo...si Matthew na yun bhest...gwapo, mabait, masipag, matalino, hindi mayabang, maalalahanin...hayyyy. Parang panaginip la----.. Bhest?!!! okay ka lang??!!! Can you hear me?!!! BHEST!"



At hindi ko na namalayan kung ano pa ang ibang nangyari. Sa gitna ng dilim nakita ko si Matthew na nakatayo...Naroon din ako at nakatingin siya saaakin, nakangiti. Biglang naglaho ang ngiti niya at tumalikod siya saakin. Tinatawag ko siya ngunit di siya lumingon. Dumating si Ella. Niyakap siya nito at ngumiti siya. Iyong ngiting kakaiba, nakakabaliw, maligaya. The smile i wish i could give him. Nagtawanan sila...Nagsaya...Tinawag ko sila pero walang makarinig sakin...After seeing how happy they were, i told my self i would never destroy such happiness. And then i was lost in an abyss of darkness.


[04]
Nagising ako sa school clinic nang marinig ko ang boses ni Ella



"Bhest? Uwian na...Halika tutulungan ka namin ni Matthew makauwi." Ang sabi niya with the most caring, most kind, ang most sympathetic way.



Si Matthew? Nandito si Matthew?



At saka bumalik saakin ang mga narinig ko. Ang dagliang pagtibok ng puso ko sa excitement ay napawi ng sakit na parang tinusok ng karayom. Pumikit uli ako bago sinubukang umupo sa gilid ng kama. Inalalayan ako ni Ella. Hindi ko alam kung nasaan si Matthew. Marahil ay nasa likod ko. Hindi ko naman magawang igala ang tingin dala ng pagkahilo ko.



"Bhest, may tubig ka?" Tanong ko habang nakapikit na nakaupo. "I feel so dehydrated...and I haven't eaten a thing since yesterday night." Ang sabi ko. Hindi ko naman masasabing pagkain yung oily foods na ulam kagabi.



"O sige bhest, wait lang. Babalik ako sa room tapos kukunin ko na rin mga bag natin. Ah, m-matthew...ikaw muna bahala sakanya." Ang sabi niya at ibinaling ang tingin sa may likod ko. Hearing his name brought a small, quick pain in my heart.



"Ah...oo. Sige." Said a voice that's very familliar.



Pag-alis ni Ella ay sumunod ang isang nakabibinging katahimikan.Hinintay kong may sabihin siya. Pero parang pareho kami nagpapakiramdaman. Siguro five minutes kaming ganoon. Baka ayaw niyang masira ang happy mood niya dahil lang sa pagbantay saakin.



"Mauna ka na Matthew. Kaya ko na dito." Halos pabulong kong sabi.



"H-hindi. Okay lang. Hintayin na natin si Ella tapos tutulungan ka na namin. Kaya mo na ba maglakad?"



"Kaya ko na. Umuwi na kayo." Baka kasi ayaw niyang maabala ko pa si Ella.



"Ano ka...hindi puwede yun. B-baka magalit si Ella pag iniwan kita."



So dahil pala kay Ella kaya ka naghihintay dito.



"Bahala nga kayo."



Noong maramdaman kong kaya ko na rin kahit papanong tumayo, i initiated pero parang tanga lang akong natumba sa sahig.



Ano ba yan. Nakakainisss.



Nagmadali naman siyang tulungan ako. His mere touches sent cold waves on my spine.





"Kaya ko na...Wag na.." Ang sabi ko at sinubukang gamitin ang lahat ng natititirang lakas para alisin ang kamay niya. Inalis din ng loko. Parang may kapansanan tuloy ako doon na pinipilit tumayo. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para i-ignore ang kahihiyan o anumang pwede niyang isipin. Ang panlulumo kong naramdaman ay wala sa pagkahilo ko o panghihina ng tuhod.



"Tingnan mo nga ang sarili mo. Kumain ka muna tsaka uminom. Hintayin na natin si Ella dahil may dala iyon."Pabulyaw niyang sabi. But i ignored his suggestion and continued trying with all my efforts. Umiling siya at umupo din sa sahig tulad ko.



"Okay Andrey. Naawa na ako sayo, tumayo ka na please." Ang sabi niya in a low voice. Nainis ako sa sinabi niya. Bakit akala niya nagpapa-awa ako?! Nilingon ko siya at tiningnan ng may galit. Pero nandoon na naman yung gravitational pull sa mata niya kaya hindi rin ako nagtagal. Parang nag-surrender ako at napawi ang galit sa mata, napalitan ng lungkot, nangungusap. Nagulat naman siya naging mabilis na transition ng expression ko at parang nablangko ang tingin. Sinubukan ko ulit tumayo. This time hindi na talaga siya nakapag-pigil at pinwersa akong tinulungan. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas noong itulak ko siya with all my might.



"Ba't ba ang kulit mo! Umuwi ka na kasi! Sino ba nagsabi saiyo na maghintay dito at tulungan ako?! At saka hindi ko kailangan ang awa mo! ALIS NA!" sigaw ko.



"Putragis oh...sino ba ang tinutulungan dito?! ha? Sino ba ang nagmumukhang lumpo diyan?!" sigaw niya rin. Soooobrang nagulat ako sa sigaw niya at pagmumura. First time ever kong marinig na nagalit ng ganoon si Matthew at magmura. Kaya natakot ako at nanahimik. Sa laki ng muscles noon baka saan ako pulutin. Kaya umiyak na lang ako na parang bata. Lumapit uli siya at nagmakiusap in his most convincing voice.



"Let's stop this game Andrey...Naaawa na ako sayo kaya please."



"Pag nakatayo ba ako ng mag-isa aalis ka na?" Ang sabi ko without even looking at him.



"H-huh?"



"Tatayo ako. Wag kang tutulong."



At sinubukan ko ulit. Isa. Dalawa. Tatlong ulit ngunit lagi ako natutumba. "Kapag nagsusulat ako, pag tinaas ko yung ulo ko, lagi ko na lang siya nakikitang nakatingin saakin. Tapos pag dumadaan ako, lagi niya akong binabati ng Good Morning Ella... sabay ngiti. Tapos napaka-matulungin pa niya.: Naalala ko ang sinabing iyon ni Ella. Ganoon din ang ginagawa niya saakin. What if ginagawa niya yun almost to everyone? Doon ako gumugot ng lakas, t hindi ko namalayan ay nakatayo na pala ako. Medyo nahihilo pa rin ako pero nakahakbang na rin ako. Sumunod naman si Matthew sa likod.Noong makalabas na kami sa clinic, dumating na rin si Ella bitbit ang bag ko at bag niya. May dala din siyang tubig at ang paborito kong tinapay. Nakita ko sa mukha niya ang gulat noong makita akong naglalakad ng mag-isa. Tiningnan niya si Matthew na parang nagtatanong. Agad siyang lumapit saakin at inalalayan ako. Pero nagreplay uli yung sibai ni Ella, "Then sabi niya, second year pa lang tayo, crush na kita..."



Hindi ko gustong itaboy din si Ella ngunit mahina ko ring inalis ang kamay niya and i smiled faintly.

"I can do this bhest. Let me prove to myself that i can do this." Ang sabi ko.



She let go din naman at hinayaan ako, full of question in her face. Pa-ika ika akong naglakad doon. Pero ininda ko ang hilo, ang panghihina, at ang tangi ko lang naramdaman ay lungkot. They silently followed behind. Nasa labas na kami ng gate ng pumasok sa isip ko ang isang tanong. "Maling akala lang ba ang lahat?" And I felt my knees go weaker and weaker. At saka ako napa-upo.



"Bhest?!!!" Takbo agad silang dalawa ngunit hindi ko na sila tiningnan at tinago ko na lang ang aking mukha sa mga kamay ko. I was desperately trying to stop my tears from flowing uncontrollably. I didn't know i love him this much. Pano ba 'ko nakarating sa puntong ganito?



Naramdaman ko na lang na inakay ako ni Matthew at sinakay sa likod niya. Nagmadali namang tumakbo si Ella para humanap ng tricycle. Hindi na ako pumalag noong nasa likod ako ni Matthew. Pero yumuko ako at isinandal ang noo sa likod niya para walang makakita ng pagtulo ng luha ko. Until i realized tumutulo na pala ito sa damit niya kaya i controlled myself nalang. Sana lang hindi niya nahalata iyon. But the moment was indeed touching. I really needed comfort at sa huli'y ang taong dahilan ng sakit na aking nararamdaman ang siyang nagbigay noon. His back was really warm and hard. I wish i could stay there forever.



"Andrey? Okay ka lang?" He sounded so worried that i felt so secured. Hindi na ako sumagot dahil dumating na yung tricycle na kinuha ni Ella. Sinakay ako doon ni Matthew na sobrang ingat na ingat.



Si Ella ay nandoon sa likod ng driver samantalang kami ni Matthew sa loob. Sinandal ko ang ulo ko sa may bintana ng tricycle at hindi nagsalita.



"Si bhest naman eh!...Hindi na naman kumakain ng maayos alam niya namang may sakit siya." Narinig kong sabi ni Ella.



"May ini-inom ba siyang gamot? Alam na ba 'to ng parents niya? Nagpa-check up ba siya?" Naririnig kong mga tanong ni Andrew na sinasagot naman ni Ella. I felt happy kasi he sounded so sincere and worried. And the fact that he carried me on his back was something else. Honestly, i feel happy inside. Ganoon ba talaga kapag nagmamahal? Kahit pa saktan ka niya...Kahit grabe yung pain mo...Basta alam mong nandiyan siya, basta nakikita mong he cares, magagawa mong patawarin siya agad. And if he does something romantic or special, you would still feel your heart beating like crazy? Ang gulo mo, puso.



Ilang minuto pa'y inakay uli ako ni Matthew maya-maya'y mga faint cry at mga echoss nila mama at papa. Nataranta. May nagsabing "Diyos ko po." Alam kong frenzt mode sila dahil hindi sila aware sa sakit ko. Sana din hindi na sabihin ni Ella pero impossible iyon. I closed my ears and tried to sleep sa likod ni Matthew. Let's pause a while, Matt. And then i fell into another deep sleep. This time, puro lang darkness. Wala si Matthew o si Ella o ako. I hoped my heart would heal when i wake up.



I opened my eyes but i was blinded by the light coming from the open window. I breathe the fresh air at saka huminga ng malalim. This is not my room, i thought. Tumingin ako sa paligid at nakita sina mama at papa na nakatingin saakin. I was hoping for a scolding sa paglilihim ko but seeing their worried faces, i just smiled at them.



"Anak? How do you feel?" Ang sabi ni mama.



"Fine po. Nasaan po tayo?" I tried moving my arm pero may masakit. Only then that i realized na nasa ospital pala ako.



"You should've told us anak. We were so worried. Eh di sana ang inihahanda ng mama mong mga pagkain ay yung makakabuti saiyo." Si papa.



"Sorry po. Ayoko lang mag-worry kayo." I wanted to sound cheerful ngunit may mabigat pa rin sa puso ko. I guess i know what and why.



"Ang sabi ng doctor tommorow makakauwi na tayo. You just have to rest a little bit and eat nutritious food. And exercise anak. Here, eat this." Sabi ni mama sabay bigay saakin ng apple.



Kinuha ko ito at kumagat. It tasted so good. Masyado na siguro akong gutom. Habang kumakain i looked at the window and didn't say a word. Though aware ako na nandiyan sina papa.



"Is something bothering you son?" Tanong ni papa. Lumapit din siya saakin, ang dalawanf kamay ay nakatago sa mga bulsa ng pantalon.



"I was wondering po...Papatigilin niyo ba ako sa pag-aaral?" I asked. Payag sana ako.



"Depende sa iyo anak. Though we suggest na mag-stop muna, it still depends on you. Anyway kahit nag-woworry kami na baka atakihin ka ulit, you have great friends out there. We can see na you can count on them naman." Sabi ni mama sabay ayos ng buhok ko. I took another bite.



"Well anyway baba muna kami ni mama mo at aayusin namin yung babayaran dito para sigurado na ang pag discharge mo bukas. Are you fine here?"



Tumango ako at ngumiti sakanila. Though i can tell na palusot niya lang iyon para mabigyan ako ng privacy. Alam niya na siguro na i need time to be alone. Normally papa would always understand my mood better than mama.



Pag-alis nila'y huminga uli ako ng malalim. Kumagat uli ako at saka tumingin sa bintana. Maganda ang view doon. There is a big acacia tree kaya fresh na fresh ang hanging pumapasok sa bintana. The tree standing there looked so peaceful. Sumasabay pa ang mga dahon sa ihip ng hangin. I closed my eyes, trying to be a part of the peacefulness of the tree, of the wind, of the nature. Abruptly, nakita ko ang mukha ni Matthew. Then i slept.



Ang sumunod na araw ay Sabado. I was discharged out of the hospital and finally, nakauwi na rin kami sa bahay. My mother told me to rest, and i was more than willing to do so. I need rest so bad. Especially my heart. Pero pagdating ko sa kwarto ay hindi naman ako nakatulog. Maybe i just wanted to be alone. Kinuha ko ang diary ko at nagsulat.



Dear Diary:



Mapaglaro talaga ang tadhana, ano? At nakakatakot siya magbiro. Yesterday I realized how deadly 'maling akala' is. I misunderstood many about Sparkles. I gave meaning to his gestures and kind acts. I almost thought he loved me too, but of course he doesn't. He loves someone else. Someone i can never hate. Funny thing is, lahat ng ginagawa saakin ni Matthew ay ginagawa rin niya sa iba. Where does that leave me then? Sabi nga ni Bob Ong,"Paano mo masasabing special ka sa isang tao kung ang bawat ginagawa niya ay ginagawa din niya sa iba." Lahat pala ng mga titig niya, mga nakakalokong ngiti, mga tulong tulong ay common niyang ginagawa sa iba. Dahil mabait siya. And maybe he was greeting me out of courtesy only. It really saddens me Diary. This is the first time i ever felt this way and i didn't realize it would hurt this way. I feel ashamed na iniisip kong ang katulad ni Matthew ay mahuhulog saakin. IMPOSSIBLE.



Kinabukasan, niyaya ako nina mama na magsimba noong linggo ngunit ayaw ko. I've been very bad recently, and facing Him is something i can't do right now. Maybe nga pinaparusahan Niya ako for falling for someone kahit alam kong bawal. So I decided to stay in the house. Pero wala naman akong magawa sa bahay kundi mag-isip. Fresh pa rin yung sugat sa puso ko at ang mood ko ay laging gloomy. So i decided to take a walk. Naisip kong pumunta somewhere na liblib, yung mag-isa lang ako at pwedeng mag-isip isip. Nagdesisyon akong pumunta sa part ng lupain namin na hindi sinasaka. Noong bata ako, sumakay ako sa kalabaw kasama si papa at nilibot niya ako sa mga lupain niya. May isang parte doon that caught my attention. Isa siyang cliff at sa ibabaw noon ay may niyog na naka-bend. Madaling akyatan at maganda umupo. May kalayuan nga lang. Pero anyway, pumunta ako doon without my proper senses. I didn't really think about dangers, i just want to go somewhere....peaceful.



At noong makarating ako doon, labis naman ang kasiyahan ko. Its an achievement dahil matatakutin ako, and i NEVER go to places such as this ALONE. Pero i managed to go there. Inisip ko kung pano, and i realize while on the way, my mind was lost thinking about Matthew. And on the blink of an eye, andoon na ako sa bukirin namin. Delikado talaga umakyat doon sa naka-bend na niyog dahil ang part na naka-bend ay nasa cliff na. And kapag nahulog ako, diretso na sa ground. Ngunit i found the courage na magbalance at finally, nandoon na ako sa may tuktok ng bend at umupo ako. But was it really courage that allowed me to bypass my fears? Or was it the pain that made my heart numb? Mga limang oras akong nakaupo doon, feeling myself as part of the nature. It was one of the most peaceful moments in my life, and i'm also happy na i did it alone. When i went home, nag-alala si mama but i assured her i'm fine. The next day, was Monday pero nag cutting class ako. I didn't go to school and wandered alone sa lupain namin. Only this time, i was eager and ready for more adventure. Ewan kung saan ako humuhugot ng lakas at tapang. Basta sugod lang ng sugod, go lang ng go. Kapag may naisipang gawin, ginagawa. Umakyat sa puno, kumuha ng bunga ng bayabas, maghanap ng nest ng ibon, maligo sa ilog ng nakahubad. I was really pilyo that time. I felt like i could almost do anything. Isang beses nga may sinundan akong ligaw na manok. Ewan ko kung saan na ako nakarating but i just followed it. At nung didilim na, hindi pa rin ako natakot. With courage coming somewhere i don't know, nahanap ko ang daan pauwi. Nagsinungaling na lang ako na may ginawang project kahit maghapon akong absent. Hindi na rin ako kumain dahil nabusog ako sa mga bayabas.



Bago natulog, i updated my dairy.



Dear Diary,



Helpful pala ang newfound pain ko. Nagagawa ko na ang mga bagay na akala ko ay hindi ko kaya. I feel so numb, diary. I wandered in the woods alone today without even the slightest feeling of being afraid. Why? I don't know why i am doing this. I don't know what i am trying to prove. I don't know what i want. I am searching for something but i don't know what. My wounds haven't healed the slightest bit. I still feel worthless, sad, and....nothing. I became strange, diary. My sadness seemed to overcome my fears, but it overshadowed me. I always feel sad, i don't feel anything but sadness. Why is this so? Dahil ba lahat ng kinatatakutan ko sa buhay ay nangyari saamin ni Sparkles? Dahil ba nagkamali ako ng akala? Dahil ba napahiya ako sa sarili ko? I have so many questions diary. Would i receive an answer?



The next day nag-cutting class uli ako at pumunta uli sa bukid. Doon uli ako sa may nakabend na niyog at dinala ko doon ang diary ko. Doon ako nagsulat. Tula, kanta, mga reflections ko sa mga bagay, essays, tungkol kay Matthew, tungkol sa friendship namin ni Ella, tungkol sa beauty ng nature, at kung anu-ano pang pumasok sa isip ko. Kahit papano'y nabawasan ang burden ko. Then base sa mga sinulat ko, i realize why i am here sa tuktok ng isang tikong niyog. Siguro dahil sa pressure ng mga nangyayari nitong mga nakaraang araw. I have so many things i wanted to say but i always kept them inside. I want to share my experiences with Matthew, my fears, my question about my sexuality, yung sakit nang malaman kong namisunderstand ko lang yung mga bagay-bagay. Gusto ko ilabas ito ngunit wala akong mapaglabasan. Who would understand? Kahit ang best friend ko na only hope ko na sanang maka-intindi saakin ay wala na rin. So maybe im wandering around because i want to find an outlet. Somewhere na hindi ako matatakot na ilabas ang nararamdaman ko....somewhere na walang judging eyes....Marahil ay doon galing ang lakas ko. Dumating na sa point na ang sakit sakit na, na parang sasabog na sa puso ko, pero wala akong mapagsabihan. Kaya marahil narito ako, nag-iisa.



And then the next day, pumasok na ako. Parang artista yung entrance ko sa room, lahat nakatingin saakin. Nginitian ko sila lahat bago umupo. I understand naman. siguro ay curious sila kung bakit ako nahimatay nung huling araw at bakit ako absent.



"BBBBHHHHEEESSTTT!!!!!" sigaw ni Ella noong makapasok sa room at nakita ako. Niyakap niya ako at abot tenga ang ngiti.



"Na-miss kita bhest...Why are you absent yesterday? Naku, andami ko saiyong iku-kwento."



"Tungkol?"



"Saamin ni Matthew...nililigawan niya na nga ako diba. Grabe bhest, minsan nga naiihi na ako sa kilig. Nitong dalawang araw na absent ka, dito siya nakaupo sa tabi ko. Ang saya talaga bhest."



Nalungkot ako sa sinabi niya. Samantalang i'm having the worst days on my life kahapon at nung isang araw, sila nagsasaya dito. Somehow, I feel betrayed at pinagtaksilan. But its not as if i have the right to feel so.



"Sige Ella, Spill na, spill." Ang sabi ko sabay ngiti. Last night, i practiced in the mirror the best masks i could wear. Inihayag naman saakin ni Ella lahat ng mga effort ni Matthew habang nililigawan siya nito. I listened to them patiently, at naiimbak lang ang sakit sa puso ko. I smiled and I laughed. Nakakakilig nga naman yung mga sinasabi ni Ella. And i promised na lang to support her no matter what. Siguro from now on, i would wear masks everyday na. Na kunyari masay ako para sakanila, kinikilig, at nakikipagbiruan. Siguro from now on, tainted na ang friendship namin ni Ella at lalabas na nakikipag-plastikan ako. But of all the masks i would wear, i'm sure there is still something that would stay pure and sincere...the fact na i'm happy for my bhest. I may turn out as a the greatest mask-wearer of all time...but my honest intention of supporting my bhest in her relationship with Matthew...that...is sincere.


[05]
"Bhest, kelan mo sasagutin si Matthew? Halos isang buwan na siyang nanliligaw sayo ah. Remember, 3rd grading na...malapit na ang bakasyon!" Ang sabi ko kay Ella isang beses.



"Ewan ko bhest. Ayoko din namang magpadalos-dalos ng desisyon. Baka pagsisihan ko. Getting to know period pa lang naman kami eh."



"Ang sakin lang, grab the opportunity. Ikaw na rin ang nagsabing si Matthew na yan. At saka, mabait naman siya diba? Mahal mo siya, mahal ka niya. Oo na lang ang kulang."



"I'm afraid na may mga masasaktan ako kung maging kami na. Si Hanna, diba 2nd year pa lang head over heels na yun kay Matthew?"



Napaisip naman ako. Ako din, masasaktan siguro kung magiging kayo na.



"Ella, listen, ha? Presently, may 50 students dito sa school na tagahanga ni Matthew. Ang ratio ay 5 kada section. Kung lahat sila iisipin mo, kung lahat sila ayaw mong masaktan, pwes, ngayon pa lang, bastedin mo na ang nanliligaw saiyo." Ang sabi ko. Exaggerated yun pero based on fact naman. Madami talagang tagahanga si Matthew.



"Ganun? Andami naman. Pwede na silang gumawa ng fan club ah. Tapos ako ang President. hehehe." Natawa siya sa idea na siya mismo ang president ng fan club ng boyfriend niya.



"O kaya, ikaw na ang enemy ng bayan. hehe. Joke lang. Baka matakot ka pa. Basta pag ready ka na, go ka na lang bhest." Ang sabi ko sabay kindat sakanya.



"Teka teka, Andrey, mayroon kang utang saakin! Diba noong araw na sinabi kong manliligaw si Matthew, may sasabihin ka rin noon diba? May kasunduan tayo, diba?" Ang sabi niya while forming ang evil smile on her face. Natawa ako doon.



"Hayy. Tama ka bhest, wala ngang gusto saakin yung newfound happiness ko. May mahal na siyang iba." Ang sabi ko.



"Ganun? Kawawa naman ang bhest ko. Nasaktan ka ba?" She immediately pulled out a sad look.



"Hindi ah. Not the slightest bit. I'm happy for them pa nga eh."



"Talaga? Wehh...I don't believe you. Akala mo ba hindi ko nahahalata ang mga pinag-gagawa mo these days? Panay ang absent mo, bigla ka na lang natutulala, tapos yang mata mo...yang mata mo ang hindi makakapagsinungaling. Halatang halata na may pinagdaraanan. I'm starting to get worried na nga eh. Sino ba kasi yun?"



"Si Sparkles." ang sagot ko sabay ngiti na parang naka-score sa isang laro.



"Sparkles? Anu yun? Aso ng isang mayamang lolita?"



"haha. Hindi siya aso bhest, bangungot siya. hehe."



Mabuti na lang at tumunog na ang bell. I've been very supportive naman para kay Ella. Kahit halos lahat ng lumalabas sa bibig ko ay taliwas sa sinasabi ng puso ko, nagpapakamartyr na lang ako. Sa side naman namin ni Matthew, hindi ko na hinayaan pang sumibol ang pagkakaibigang itinanim niya. Tinabunan ko na iyon ng matigas na lupa. Medyo umiiwas na rin ako sakanya. Halimbawa kapag tatawagin niya ako, nagbibingi-bingihan lang ako. Kapag magkakasalubong kami sa daan, tumatalikod ako at nagpapanggap na may naiwan kung saan man ako nanggaling. Kapag ligaw session niya naman kay Ella, umaalis ako at nagpupunta sa library kunyari gumagawa ng homework. So far kalbaryo talaga ang nangyayari. Nagseselos ako kapag nakikita ko sila, pero part of me is also happy for them. Hindi ko na talaga maintindihan ang sarili ko. But what kills me most ay ang mga pag-iwas ko sakanya. I want to see him everyday, i want to spend time with him, i want to hug him, i want to say things i can't say to him, pero heto ako, iwas pusoy sakanya. Parang siyang ice cream na nanjan lang, pwede kong sunggaban, pero bawal. At tulad ng ice cream, unti-unti na rin siyang natutunaw. Siguro nayamot na siya sa mga pag-iwas ko kaya habang tumatagal, hindi na rin siya nag-eeffort na lumapit saakin. Hindi ko tuloy alam kung masisiyahan o malulungkot ako sa ginawa niyang iyon. Kasalanan ko ba?



Isang umaga, napa-aga ulit ang pagpasok ko sa room. To my surprise, naroon sa may pintuan si Matthew, nagbabasa ng libro. Aatras sana ako ngunit inangat niya naman yung ulo niya at nakita ako. Kung tatalikod ako siguradong mahahalata niyang iniiwasan ko siya. Kaya nilakasan ko lang yung loob ko at nagpatuloy. Noong nasa tapat ko na siya, binati niya uli ako ng good morning. Parang boses ng anghel ang narinig ko. Feeling ko rin kumakanta siya pag sinasabi niya yung name ko. hehe. Kahit masakit, nasisiyahan pa rin ako sa ganoong instances. Ang gulo ko. grr.



So binati niya ako, at napatigil naman ako sa paglalakad. Nagulat din siya noong tumigil ako at nagkunot noo parang nagsasabi ng "oh bakit, binati lang kita ah.:



"Matthew, lahat ba binabati mo ng ganoon?" Ang tanong without looking at him. Baka mawala ang focus ko.



"ah...hin....oo...lahat. Siyempre. hehe. Pampaswerte yun para hindi malas and araw ninyo." Ngumiti siya.



Tumango lang ako at saka huminga ng malalim.



"From now on please don't greet me that way. Naiirita ako. At minamalas ako sa buong maghapon." Mataray kong sabi sabay upo sa upuan ko. Nakita kong sinundan niya ako ng tingin at puno ng ??? yung isip niya. Something inside me ay nagsisi na sinabi ko iyon. I will surely miss his way of saying my name and his cheerful greeting. Pero ano pa't nagpadala na naman ako sa galit. Galit na ano? na nalaman kong he does that to everyone else? o galit dahil all evidence shows na wala lang talaga ako sakanya. or perhaps both. Gusto ko lang malaman niya na nasasaktan ako sa mga nangyayari. But then i guess i'm showing it the wrong way.



Simula nga noon ay hindi na ako binati pa ni Matthew. Hindi na rin siya nag-aabang doon sa may pintuan. Naisip ko tuloy ako ba talaga ang inaabangan niya doon? Pero IMPOSIBLE. Kaya nilagay ko na lang sa isip na baka may iba pa siyang dahilan. That night, i wrote:




Dear Diary,



Tuluyan nang lumayo ang dream ko. Pinagtabuyan ko ba siya? Hindi. And perhaps i have all the reason to do so. He deserves it, doesn't he? Seriously speaking, i haven't found my true dream yet. My ambition. The one i will pursue in college. Sparkles said tutulungan niya ako pero now he's busy helping himself pero asan naman siya ngayon?



Lalo naman ako nasasaktan noong hindi na nagpapakita ng sweetness si Matthew saakin. Kahit ang mga ngiti ay super tipid na. Kapag nanghihinayang ako, sinasabi ko sa sarili na i deserve it because i wanted it. At ngayong hindi niya na ako naco-confuse, i feel like i've lost something. Hayagan na ring niligawan ni Matthew si Ella kahit sa room. Pag may report, sinasabi niya "I would like to acknowledge the presence of the person who owns my heart, Ella Martinez." At saka hiyawan naman ang klase. Tinitingnan niya ako pakatapos sabihin iyon ngunit ngumingiti din akong pilit at pumapalakpak kahit nahuhuli na. I'm looking like a fool pero okay lang. As long as hindi niya na isipin na nagseselos ako. Well sa ganoong mga times naman, lagi kawawa ang tagiliran o braso ko kay Ella. Kapag kinikilig ba ang mga babae, normal na ang pumapalu-palo, kumukurot-kurot ng kung sinong katabi? Hayys. Pero somehow, i still feel happy na masaya si Ella kay Matthew. If i will narrate kasi ang story ng first love ni Ella, it would take two chapters full of pain and longing. Kaya noong marinig ko ang story ni Ella, i sincerely hoped for the best para sakanya. And now nagkatotoo naman. Sa taong mahal ko nga rin lang.



Ang bukid naman ang naging santuaryo ko. Nakagawian ko na ang pumunta sa may niyog pakatapos ng klase sa hapon at doon magpalipas oras. Doon ko isinusulat lahat ng nararamdaman ko. Siguro dahil doon kaya rin na-practice ang writing skills ko na napansin ng English teacher namin thru our journals.



One time, my science teacher demanded na ako ang mag-report ng output namin. Pero ayaw ko dahil nahihiya ko. Ngunit talagang mapilit siya at nagbantang walang makukuhang grade ang grupo namin kapag hindi ako ang nag-report. Kaya, with everyone's eye following every step i make, tumayo ako sa gitna ng room. Alam ko ang sasabihin ko dahil idea ko naman yung irereport ko pero napipi ako noong makita yung mga mala-lobong mata ng aking mga kaklase. Then sabi ko kay teacher "I can't do it, mam." Ibinaling ko ang tingin kay Matthew, ngumiti siya at sinabing kaya ko yan. Somehow nakakuha ako ng lakas doon, and before i knew it, tapos na ako magreport.



Our science teacher said noong evaluation na ng output and report "Andrey has a great reporting ability. Kailangan lang ng practice. There is something in him na will make you stop ang listen to what he says, right students?" Nag-agree naman ang mga kaklase ko. "Let's give Andrey a good job clap everyone." Tumingin saakin si Matthew at nginitian ako. I smiled back. At dahil lang doon, napuno na naman ng happiness and hope ang puso ko. And then i said to myself "i'll try na ipaglaban ang nararamdaman ko kay Matthew. If i fail, then i would end it talaga."



So simula noon, i tried na ibalik lahat ng nawala saamin ni Matthew. I gave a chance na tumubo yung seed na tinanim ni Matthew. I did it by doing the things that matthew did to me. Ako na lagi ang nag-greet sakanya. Ako ang nauunang mag-smile. Sinusubukan ko na siyang kausapin. Pero pag nililigawan niya si Ella, back off ako. May isang group activity noon at nagkaroon ng shuffle sa mga members ng group. At nagkataon na napunta sa grupo ko si Matthew, at naalis naman si Ella. Naiilang ako kaya noong magbigayan ng idea, natameme ako. So yung idea ni Matthew ang ginamit namin. It worked naman, only that mayroon akong mas better na idea para mapaganda pa sana iyon. So kinausap ako ni Matthew noong break time.



"Andrey ba't hindi ka nagsasalita kaganina? Ayaw mo bang ka-grupo ako?" Tanong niya. Tsk. Tsk. He's so bad in approaches. Masyado siyang direct to the point.



"H-hindi ah." Bawi ko agad. Afraid that he will think na iniiwasan ko uli siya. "Medyo masama yung pakiramdam ko eh."



That sent him in a quick panic. Namilog yung mata niya tapos pinatong yung kamay niya sa ulo ko. Natawa ako dahil hindi naman lagnat yung sakit ko.



"Ano nararamdaman mo? May dala ka bang gamot? Kumain ka na ba? Gusto mo bilhan kita sa canteen?" Ang sunod-sunod niyang tanong. Tumawa lang ako. Tumawa din siya at saka ginulo-gulo yung buhok ko.



"Relax lang Matt. hehe. Masyado kang hot." Hot nga naman siya. hehe.



"Nag-aalala lang po! Malay mo maulit na naman yung nangyari saiyo. Ambigat mo kaya." He said jokingly.



At pagkatapos noon ay bumalik na kahit papaano ang tiwala at pakikisama ko kay Matthew. Bumalik na yung dati naming relationship as....as....as ano nga ba? Lahat ng iyon ay isinusulat ko lagi sa diary. Pati yung mga lines na nagpapakilig saakin. Pero ewan....playful lang talaga ang tadhana.



Isang araw, pagpasok ko sa room, Matthew was talking to his friends and i sense a different aura in him. At yung ngiti - yung ngiti na kakaiba, the one that i wished i could give, ay suot suot niya. He seemed so vibrant and happy. Kinilig naman ako...Dahil ba yun sakin? Dahil ba back to normal na kami?

Pumunta na ako sa upuan ko ngunit may tatlong kaklase akong babae na nakaupo doon at nagtatawanan kasama si Ella. Binibiro pa nila si Ella at kinu-kurot sa tagiliran. "Ang swerte mo, girl" Narinig kong sabi ng isa. Tumawa uli sila ng malakas na naka-agaw ng atensyon ng grupo nina Matthew. Tiningnan ko si Matthew, ang he looked at Ella. The look was something else, sweet, proud, caring, and passionate. Tapos ngumiti siya, yung distinctive niyang ngiti na lagi kong hinihiling na maibigay ko sakanya. Tinangnan ko si Ella, balik kay Matthew. At pagkatapos ay lumapit ako kay Ella and she blurted out... "bhest, kami na..."



I swear my whole world shattered during that split seconds. Parang nabingi ako sa ingay ng room, sa hiyawan ng klase. Siguro mga 10 seconds bago ako natauhan.



"Bhest! Huy! I said kami na...sinagot ko na siya today!" Magiliw na sabi ni Ella saakin. Gusto kong ngumiti but own tears betrayed me. Tumulo ito unknowingly.



"Bhest, uy! ba't ka umiiyak?" Alertong sabi ni Ella.



Tumawa naman ako habang parang tangang pinupunas yung luha ko.



"hehe. ano ba 'to. tears of joy ata. hehehe."



Para talaga akong toinks doon na pinapahid yung luha habang tumatawa. At the corner of my eyes, nakita kong nakatingin saakin si Matthew.



"Tears of joy to Ella. hehe. I'm very happy for you..." Ang sabi ko noong kalma na ako. ???



"Bhest, aminin. may nangyari na naman doon sa girl na gusto mo ano?" Ang sabi niya habang nakayakap saakin.



"haha. Wag mo na akong yayakapin, may boyfriend ka na. Baka masuntok pa ako, masira pa ang pretty face ko. hehe." Ang sabi ko, still trying to stop my tears. I know i can't stay long na ganito. Kahit siguro mag bell pa ay iiyak talaga ako kahit may teacher pa sa unahan. Kaya I took my bag na lang at sinabi kay Ella



"The person i like rejected me the second time, bhest. Sinubukan kong ipaglaban siya, pero in the end, nasaktan pa rin ako."



Tumayo ako at lumabas ng classroom without looking back. Dire-diretso ako sa bukid namin at panay iyak habang naglalakad. Hanggang sa tumatakbo na ako. Pagdating ko sa may paanan ng niyog ay naupo ako dahil sa pagod ng pagtakbo. Hingal na hingal ako ngunit nakatulong iyon para maalis temporarily yung nararamdaman kong pain sa puso ko. Nang mahimasmasan ako, i tried not to cry. I realized kahit ilang luha pa ang tumulo, wala nang magbabago sa fact na sila na. But then the tearducts of my eyes were wide open, at umiyak ako ng umiyak. Siguro tears are not something we should try stopping dahil gusto natin, o kaya dahil alam nating hopeless na ang isang bagay. Tears are representation of what we feel. Joy, Pain. Letting out tears flow freely may also mean we acknowledge our loss or gain. I do. So umiyak lang ako ng umiyak until i dried my eyes out.



Doon na nagsimula ang totoong kalbaryo. I became worst. Sinasagot ko na sina mama at papa kapag pinapagalitan ako tuwing umuuwi ng gabi. Pagdating sa school, para lang akong zombie and na nakatingin sa teacher. Lahat ng sinasabi nila ay lumalabas lang sa kabila kong tenga. Nakikipagusap rin ako kay Ella, but i can't hide my sadness. Ella understood, thinking na baka dahil doon sa babaeng iniisip niya. Pinagtutulakan ko si Ella na sumama kay Matthew at wag na akong hintayin pag uwian. Sumunod rin naman siya. Hindi ko na pinapansin si Matthew. I don't smile back to him, i don't talk to him. Kahit pa nandiyaan si Ella, kapag sinusubukan niyang kausapin ako, i would not respond. Napabayaan ko na rin ang pag-aaral ko. I don't prepare assignments, i always fail in quizzes, i don't recite, i don't participate in group activities. Ang tanging may pakialam na lang ako sa school ay kay Ella. But dumating na din ang point na maski ang pakikisama sakanya ay unbearable. Napakasakit kapag nakikita ko sila. At talagang kahit ang best friend ko, nagawa ko na ring i-ignore. I locked myself to everyone.



Naging ganoon ako hanggang sa malapit na magtapos ang school year. Hindi ko na rin alam kung bakit at para saan ang ginagawa kong iyon. Alam ko nang magiging sila at katunayan minamadali ko pa nga si Ella, pero ngayon, umaasta akong pinagtaksilan ako ng mundo. Its maybe the fact na sila na ang hindi ko matanggap. It all seemed too real na eh. At naexperience ko na naman uli ang 3 biggest fears ko.



Isang araw, pumunta ako sa likod ng classroom at umupo sa sea wall (pond wall). Naalala ko noon nung niyakap ako ni Matthew at hinawakan niya ang kamay ko dito mismo sa lugar na ito. Kaya naman i promised myself na after this day hindi na ako pupunta pa sa lugar na ito. It would only make the pain worse. Tumayo ako at huminga ng malalim, and when i turned back, Matthew was standing there, waiting for me. Bumaba ako at aalis na sana nang hinawakan niya ang braso ko at pinigilan akong umalis.



"Andrey, mag-usap tayo. Please." Ang sabi niya. Tiningnan ko siya ng matulin.



"Wala akong time para sa mga walang kwentang tao na hindi marunong magpahalaga ng damdamin ng iba."



"Ano bang problema, Andrey? Bakit pati si Ella ginaganyan mo? Napapabayaan mo na ang pag-aaral mo. I honestly doubt na makakapasok ka sa top 10 this year dahil sa pagpapabaya mo sa klase." Ang sabi niya, he looked intently in my eyes, hoping his magic would work. But not this time. Nakipaglaban ako sa titigan at for the first time, siya na ang umalis ng tingin.



"Wala kang pakealam kung anong ginagawa ko sa buhay ko. Buhay ko to. Hindi porke't perpekto ka, porke't matalino ka, mabait, masipag, pwede mo nang sabihin ang gusto mo. Dahil wala kang alam!" Inalis ko ang kamay niya sa pagkakahawak saakin.



"I wanted to help you Andrey. But you keep locking yourself on me. Pangalawang beses mo na itong ginawa, at alam kong may mga sarili kang dahilan, but i can't just keep standing while seeing you destroy yourself. And you know what, you're driving me crazy. Gusto kita tulungan, gusto ko mapalapit saiyo, gusto kitang maging kaibigan, gusto kong lagi kang nasa tabi ko, pero lagi mo ako pinagtatabuyan. Hindi ko alam kung saan ako lulugar diyan sa maliit mong mundo! Andrey isipin mo naman ang paghihirap ng magulang mo para mapag-aral ka. Isipin mo yung effort ni Ella para makuha uli yung tiwala mo. You keep living life just the way you want it to be. Kaya wala kang pangarap, wala kang specific destination."



Katahimikan.



"Minsan ko nang ginustong magkaroon ng pangarap. May isang tao pa ngang nangako na tutulungan akong mahanap ang pangarap ko. But i don't believe in that shit anymore. Maraming tao ang nabubuhay ng walang pangarap."



"Andrey, i tried helping you. Pero tulad nga ng sinabi ko, you won't let me."



"You didn't try Matthew. And you don't have to. Sino ka ba sa buhay ko para pangunahan ako sa gusto kong maging balang araw. Wala kang pakealam. And you don't know it, do you? Umiikot ang mundong ito sa pera. Kaya kong maabot lahat ng gusto ko sa kinang ng pera. Habang ako, nagpapakasasa sa ginhawa ng buhay ng may pera, ang iba ay nagpapagod, nagkukumagkag para sa mga pangarap na wala namang patutunguhan." Nagsimula na akong umalis ngunit mayroon pa siyang sinabi.



"You're a low life Andrey. Mapagmataas. Makasarili. Bobo. Oportunista. Walang utang na loob. Sinisiguro ko sayo, wala kang maabot sa mga ugali mong yan." Humarap siya saakin. Nakita ko rin ang galit sa mukha niya but his eyes tells me something else. I can't believe he said that to me. After eveything na nangyari saamin. Matapos lahat ng sakripisyo ko, lahat ng pagpapaubaya, lahat ng pagtitiis at paghihirap.



"I will take everything from you Matthew. I will definitely prove to you that everything you said is not true." Tumalikod ako at hinayaan tumulo ang mga butil ng luha saaking mata. I never thought i would hear such words from someone like him. Ngunit bago ako tuluyang umalis, humarap uli ako sakanya.



"I know what's my dream...." Tiningnan ko siya ng malalim."...Ang matalo ka." At tuluyan na akong umalis.



Nagkatotoo ang sinabi ni Matthew na hindi na ako kasali sa honor. Ilang araw pa matapos ang huli naming pag-uusap ay recognition day na. Siyempre wala ako doon dahil wala akong honor. Si Matthew pa rin ang first at si Ella ay pang walo. Ito ang kauna-unahang beses na wala akong natanggap na honor since elementary. And i can't believe na hinayaan ko na mangyari iyon dahil sa taong sa huli'y tinawag ako ng mga bagay na hindi ko inaasahan. Nasaktan ako ng sobra sa sinabing iyon ni Matthew. I spent the frist week of vacation na laging tulala. Nagtatanong kung bakit doon humantong ang lahat. The second week, i had dreams of him and Ella. Na tinitingnan ko raw si Matthew ngunit ang tinitingnan ni Matthew ay si Ella. That is the part i hate the most. Ayokong mahuli niya ako sa ganoong sitwasyon. I was doing extremely bad, kahit ang proper eating ay hindi ko na magawa. At dahil doon, i spent a few days in the hospital again.



Isang buwan na makalipas ang huli naming pag-uusap ni Matthew. Pumunta ako sa bukid at nagsulat patungkol sa pangarap ko.



Dear Diary,



The ending was pretty bad, isn't it? Sa huli'y ako pa rin ang luhaan. But what's important is that, i finally had a dream. Not really a dream, but i got something to hold on to. I promised Sparkles i would take everything away from him. But not Ella of course. I would rather leave Ella where she is happy. My goal is to be the 1st honor in our class because I told Sparkles that my dream is to beat him in anything. But what i really want is to prove to him that everything he said to me was wrong.



But you know Diary, if things didn't end up that way, i could have had a different dream. I want to have a perfect day with him. Isang araw na ma-experience ko ang feeling na mahalin niya. Isang araw na masasabi ko lahat ng gusto kong sabihin, itanong lahat ng gusto kong itanong. Basta isang araw na picture perfect. But that's improbable, right? I should be hatin him from now on.







Time passed. But then a new dawn came when Kuya Liam came in my life.

No comments:

Post a Comment