Friday, January 11, 2013

True Love Waits: Book 1 (Someday I will Understand) Complete Story

By: (ash) erwanreid
Source: bgoldtm.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/BGOLDTM


[01]
“Dyan  ba yung sinasabi mong aaplayan ko?” tanong ni Jesse kay Marco nang makababa sila ng jeep na sinakyan.

“Oo, diyan nga.”

“Marco, ang laking groceries store niyan.” manghang pagpapahayag ni Jesse nang makita ang 3J Supermarket.


“Supermarket na nga tawag diyan eh.” Pagtatama nito.

“Parang kasing laki ng SM supermarket.”

“Parang ganun na nga siguro.”

“Sigurado ka Marco na pwede ako dito?”

“Oo naman. Sigurado ako.” Tiwala ni Marco. “Alam mo bang marami na yang branch dito sa Metro Manila? Ang bilis niyan umunlad.” Patuloy na pagpapahayag nito.

Lumapit sila ng maigi sa 3J supermarket. Dalawang palapag iyon. Ang baba ay supermarket at ang taas ay opisina dahil iyon ay main branch. Marami na iyong branches sa Metro Manila. At kasalukuyang ng itinatayo ang 3J supermarket- Cavite. Kasalukuyan din ang bidding para sa Cebu at Davao.

Nasa gilid sila ng gusali. Doon sila tumayo nang makita nila ang mga nag-uumpukang mga kapwa mag-aaplay. Napansin ni Jesse ang mga manggagawa sa loob ng supermarket.

“Pareng Marco, tignan mo naman ang nasa loob ang puputi nila. Parang mapuputi lang ang tinatanggap diyan ah.” Ang tinutukoy ni Jesse ang mga saleslady, diser. “Kahit gwardiya oh, ang puti rin.” Para siyang napang-hihinaan ng loob.

“Huwag mo ngang isipin yun. Maputi ka rin naman ah.”

“Ito ba ang maputi?” itinaas pa ni Jesse ang kanyang braso.

“Maputi na rin yan. Tignan mo nga  kulay ko kaysa sayo.” Pinaghambing ni Marco ang kanyang kulay kay Jesse.

“Mukha lang akong maputi dahil katabi kita.” Sabay tawa.

“Ang sama mo.” Natawa din ito. “Pero kahit na. May pinag-aralan ka naman eh. Tsaka tiwala talaga ako sayo. Kaya mo yan.”

Maya-maya ay may lumabas na isang may katandaan na at naka-pormal ang suot na damit. Parang may posisyon sa opisina ang dating. Nagsalita ito.

“Pumila na angmga mag-aaplay.” Sabi ng babae.

Parang nagkagulo, nag-unahan sa pila. Dahil hindi masyadong nakapagmadali sina Jesse at Marco medyo nasa hulihan sila napunta.

“Sampu-sampu lang ang makakapasok para makapag-exam. Pagkatapos mag-exam, susunod uli ang sampu. Ok?” muling pahayag ng babae.

May lumapit na gwardiya. Sinabi nito sa karamihan na magdalawang pila dahil mukhang aabot sa kalsada ang haba ng pila. Sumunod ang mga nasa likod kasama sina Jesse. Napunta sila malapit sa harapan.

May isang babae na nasa likuran nila Jesse ang naglakas-loob magtanong sa mukhang mataray na matandang babae.

“Maam, may tanong po ako.”

“Sige ano yun?” sagot ng babae.

“Ngayon din po ba ang result ng exam.”

Natawa ang matandang babae parang nakaka-insulto. “Ang bilis mo naman miss hindi ka pa nga nakakapag-exam. Pero oo, ngayon din ang result. O sige para malaman na ninyo na kung sino ang makakapasa sa exam ay babalik ng ala-una para sa kanilang interview. Nagmamadali kasi kaming maghanap ngayon ng mga empleyado.”

Marami ang nag-bulong-bulungan. May mga natuwa na para bang sigurado na sila na matatanggap.

Muling nagsalita ang babae. “Kaya lang mahirap ang exam.” Ngumisi ito. “Sumunod sa akin ang unang sampu.”

Binilang ng gwardiya ang unang sampu. Kaya bahagyang umusad ang pila. Napatingin si Jesse kay Marco.

“Mukhang mamaya pa ako nito makakapag-exam, pre.” Si Jesse na bahagyang lukot ang mukha.

“Okey lang yan.” Nakangiti ito.

“Paano yan, maghihintay ka pa ba?” inaalala ni Jesse si Marco, dahil hindi naman ito talaga mag-aaplay. Sinamahan lang siya ng kaibigan dahil hindi pa niya alam ang pagpunta roon.

Galing trabaho pa si Marco. Night shift kasi siya at malamang na hindi pa nakakatulog.

“Oo nga pala.” Natawa ito dahil hindi niya naalalang kailangan din pala niyang matulog. “Na-excite din kasi ako sayong makapag-aplay eh.”

“Kung gusto mo pwede ka nang umuwi para makatulog ka na. Alam ko naman na ang pauwi.”

Tumingin-tingin muna si Marco sa paligid.

“Mukha ngang matatagalan ka pa. Sng haba pa ng pila eh. Sige uuwi na ako.” Pagkatapos ay dumukot ito ng isang-daan sa pitaka. “Oh ayan, okey na ba yan?”

“Ang laki na nito, pre. Pamasahe lang pauwi.” Nanlaki ang mata ni Jesse  sa isang-daan.

“Ang haba ng pila. Baka abutin ka na ng tanghalian. Para lang sigurado ka. Mamaya maisipan mong maghintay ng ala-una. Ano?”

“Sige na nga.” Tinanggap na ni Jesse ang isang-daan.

Pagkatapos magsabi ni Marco ng pampa-lakas loob at nagpaalam na ito.

Sa pagkakatayo ni Jesse nagpapasalamat siya at nagkaroon siya ng kaibigan na katulad ni Marco. Dati nag-aaral siya ng kursong business administration, naka-two years siya kaya lang pagkatapos nagsabi na ang kanyang magulang na nahihirapan na silang suportahan siya. Kaya kung pwede munang tumigil at makapag-ipon muli.

Tinanggap niya iyon ng maluwag sa kanyang dibdib dahil alam niya ang hirap ng kanyang magulang. Nauunawaan niya ang sitwasyon kaya lihim siyang nagbabalak na magtrabaho kahit nagsabi ang magulang na huwag muna siyang mag-trabaho bilang pahinga.

Hindi inaasahang magbabalik si Marco sa kanilang lugar galing Maynila. Parang sagot sa dalangin ni Jesse si Marco dahil nag-alok itong sumama sa kanya sa Maynila at doon maghanap ng trabaho. Tutulungan naman siya ni Marco.

Hiningi ni Jesse ang permiso sa magulang niya at dahil sa tulong ni Marco na makumbinsi ay pinayagan si Jesse na maka-alis. Nagka-iyakan pa nga noong araw  ng alis nila Jesse at Marco.

Pina-baunan si Jesse ng kaunting salapi ng magulang. Kaya lang binigay niya iyon kay Marco para ito ang mag-buget para sa kanya. Tutal si Marco naman ang nagsabing gagastos sa paghahanap ng trabaho niya. Ilang araw bago naihatid ni Marco si Jesse sa ipinangakong aaplayan dahil lagging pagod ito galing trabaho. Nagtanong pa nga si Jesse kung anong trabaho ni Marco pero hindi ito nagsabi. At heto na nga siya. Nasa harapan ng malaking gusali kumpara sa ibang supermarket tulad ng Puregold.

Alas-nwebe na nang kasama na siya sa maaring mag-exam. iniabot niya ang dala niyang bio-data sa gwardiya bago pumasok sa loob. Namangha siya sa ganda ng opisina sa taas dahil sa 2ng floor pala sila mag-eexam. May isang kwarto na lugar kung saan sila mag-eexam. Bigla siyang nan-lamig sa lakas ng aircon.

“Ang yaman naman talaga ng may-ari nito. Parang hindi nagtitipid sa kuryente.” Nasabi niya sa kanyang sarili.

Nang maka-upo na sila ay nilapag na ng babae kanina ang examination paper. Medyo malayo ang agwat ng ibang examinee sa bawat examinee para hindi makapag-kopyahan.

“Siguro naman walang magko-kopyahan?” paalala ng babae.

Hindi sumagot ang lahat. Nagpatuloy lang ang mga ito sa pagsuri sa examination paper habang hindi pa nagbibigay ng hudyat para magsimula.

“Maari na kayong magsimula.” Hudyat ng babae.

Narinig ni Jesse ang kaluskos ng mga papel sa mga desk ng bangko sa pagmamadali. Nagbigay kasi ang babae ng oras sa pag-eexam.

Sinagutan ni Jesse ng mabuti ang kanyang exam. Napansin niyang may kahirapan nga ang mga tanong. Inintindi talaga niya ang mga tanong bago sagutan. Para sa kanya mas mas magandang masagutan ng tama kahit abutin ng oras bastat masigurado niyang wasto ang kanyang isasagot. Bahala kung hindi talaga niya alam ang tanong.

Bumalik ang babae at nag-paalalang limang minuto nalang ang natitira. Tamang-tama lang pala ang bilis ng pagsagot niya. Maipapasa niya ang kanyang papel nang tama sa oras.

Muling nagpaalala ang babae na kukunn na niya ang mga examination paper.

“Malalaman ninyo kung naka-pasa kayo mamaya. Maaari na kayong makababa.” Paalala ng babae habang kinokolekta ang mga papel.

Bumaba si Jesse nang kinakabahan dahil sa excitement kung makakapasa ba siya at matatawag mamaya.

“Sana makapasa ako.” Bulong niya sa kanyang sarili.

Halos isang oras din siyang naghintay sa resulta ng examination. Tinapos pa kasi ang huling tatlong batch na mga examinee. Nang Makita nila ang babaeng parating ay agad nagtayuan ang lahat dahil inaasahang magbibigay na ito ng resulta ng examination.

Nakita ni Jesse ang babae na nag-abot ng papel sa gwardiya. Nakita rin niyang pinagmasdan ng gwardiya ang papel bago ito bumigkas ng may kalakasan.

“Ito na ang mga nakapasa, at babalik mamayang ala-una ng hapon para sa interview.”

May mga nagpalakpakan. Naisip ni Jesse na siguro ang mga pumalakpak ay ang mga naunang nakapag-exam. Napa-palakpak sila dahil sa tagal nang hinintay.

“Sherly Abrahano.” Unang nakapasa na binanggit ng gwardiya.

Nagsigawan sa tuwa ang grupo ng unang nabanggit.

 “Ma. Bianca Esguerra.” Pagpapatuloy ng gwardiya.

Nagsimula nang kabahan si Jesse.

“Susan Espina. Je-jessica Ramos.”

Sa huling pangalan na binanggit ng gwardiya, akala ni Jesse ay siya na iyon dahil sa hindi sinasadyang pagkautal ng gwardiya sa pagbigkas. Nabitin ang dapat na pagsasabi niya ng yehey.

Muling nagpatuloy ang gwardiya. Halos sampu pa ang binanggit nitong pangalan. Ngunit walang Jesse na nabanggit ang gwardiya. Para siyang nawawalan ng kalakasan.

Pagkatapos ng huling pangalan, kaagad-agad ay muling nagsalita ang gwardiya.

“Ito naman ang mga naka-pasa sa mga lalaki.” Sigaw ng gwardiya.

Biglang nabuhay ang dugo niya sa narinig.

“Ano ba yan, bakit hindi ko naisip na puro babae lang pala ang babanggitin kanina?” pagalit niya sa sarili. Pero sa kabila niyon ang ngiti ng umaasa.

“Jesse Ramires.”

“Yes!” sigaw ni Jesse sa katuwaan.

Dahil doon napukaw ang atensyon ng gwardiya sa kanya. Hindi agad nito na-itinuloy ang pagbanggit sa mga pangalan ng mga naka-pasa.

Nang mapansin iyon ni Jesse ay naramdaman niyang namula ang kanyang mukha. Napatingin siya sa paligid. Ang iba’y naka-tingin sa kanya na naka-ngiti at ang iba’y nainis sa ginawa niyang paglabas ng katuwaan.

“Nakakahiya ba ang inasal ko?” tanong niya sa kanyang sarili nang mapansin ang nagawa niyang pag-antala. Nanahimik na lang siya at sinarili ang kasiyahan. “Sigurado matutuwa si Marco kapag nalaman niyang naka-pasa ako. Pero teka, may interview pa pala mamayang ala-una. May bumabagsak ba doon?” tuwa at tanong sa kanyang isip.

First time kasi ni Jesse ang ganitong pag-aaplay kaya wala siyang alam kung paano ang proseso kung paano matanggap sa isang trabaho.

“Teka, ano nga pala ang aaplayan kong trabaho? Nge.” Nanlaki ang mga mata niya sa naisip. “Oo nga pala. Naku naman. Hindi naman siguro sila mag-bibigay ng trabahong mabigat.”

Tumingin siya sa paligid, may katabi pala siyang babae. Ang alam niya hindi niya ito katabi kanina. Pero parang namumukhaan niya ito.

“Tama, si Jessica na akala ko ako na ang babanggit kanina.”

Naisipan niyang kausapin ang babae.

“Miss pwede ba magtanong?” ang una niyang sinabi sa katabing babae. “Ako si Jesse, dib a nakapasa ka rin?”

Humarap ito sa kanya at ngumiti. Nagandahan si Jesse sa babae sa ginawa nitong pag-ngiti.

“Ang ganda naman niya.” Nasa isip niya habang nakatitig.

“Oo, natatandaan ko ang pangalan mo. Ikaw yung napa-sigaw sa tuwa kanina diba. J-jessy?” nilagyan niya ng diin ang huling syllable ng pangalan niya. Nakangiti ito sa kanya.

Sa pagsagot ng babae parang nahimasmasan si Jesse sa dagliang pagkahimatay. Nagandahan lang talaga siya sa babae.

“O-oo. Ako ng iyon.” At natawa si Jesse.

“Ano yung tanong mo?”

“Ano ang aaplayan mo dito?”

“Ako? Saleslady, sana.” Napatanaw ito sa loob ng supermarket kung saan makikita ang ilang saleslady pagkatapos ay ngumiti ito. “Pero kung anong bakanteng posisyon, iga-grab ko na. Basta pambabae ah, yung kayak o.” nauwi siya sa tawa.

Nakisabay si Jesse tawa ng kausap.

“Ikaw, anong ina-aplayan mo?” tanong naman ng babae sa kanya.

Para siyang nahihiyang sagutin ang tanong dahil iyon nga ang hindi niya alam. Kung ano ba ang inaaplayan niya.

“Ano eh…” saglit siyang natigil. “Sa totoo lang hindi ko alam.” Sabay tawa.

“Ganun.” Parang nanlaki ang mata ng babae.

“Oo. First time ko kasi ‘to kaya hindi ko alam. Mmm hinatid lang ako ng kaibigan ko dito kanina.”

“Alam mo, minsan may mga aplikanteng hindi nakakapasa dahil diyan.” Pagbibigay nito ng impormasyon.
Bahagyang nagulat si Jesse sa sinabi ng kausap.

“Oo. Sa interview tinatanong yan. Kung ano ang gusto mong aplyan, tapos ang sasabihin mo hindi mo alam. Hala.” Para pang nanakot ang babae.

“Sa interview? Ibig sabihin maaaring hindi pa ako makapasa sa interview?” paniniguro ni Jesse.

“Oo naman.”

“Ganun ba?”

“Kaya dapat may confidence kang sumagot sa mga tanong hindi yung para kang nagbibilang bigas bago matapos.” Natawa ito sa binigay na halimbawa. “Pero huwag naman ma-angas na pag-sagot ah. Baka ma-over ka naman.’ Dagdag nito.

“Ah.. okey.” Kahit papaano nagkaroon siya ng ideya sa interview.

Tumagal ang kanilang pag-uusap dahil nalaman ni Jesse na maghihintay ito ng ala-una para sa interview kaya hindi narin siyang nag-abalang umuwi at ipaalam kay Marco na naka-pasa siya. Mamaya nalang pag-uwi niya. Para malaman narin niya kung makakapasa siya sa interview.

Sa haba ng pinag-usapan nila, mas dumami ang nalaman ni Jesse para sa tamang gagawin sa oras ng interview. Kaya laking pasalamat niya at nagkaroon siya ng pagkakataong maka-kwentuhan ang babae.


[02]
Samantala…
“Kuya, kamusta na?” bati ni Jonas nang sumagot sa kabilang linya ng telepono ang kanyang kuya.

“Jonas? Ikaw nga ba yan?” na-excite ang kanyang kuya ng marinig ang pamilyar na boses.
“Yup.” Tumawa ito. “Kuya, I’m going back, mamaya lang andyan na’ko.”
“Buti naman kung ganun.” tuwang-tuwa ang kausap.
Ramdam ni Jonas na natutuwa ang kanyang kuya sa sinabi niyang pagbabalik. “Where you at? Susunduin na kita.”
“Oops, hehehe. Huwag na kuya. I’m alright and am on my way. Hintayin mo nalang ako diyan.” Tanggi nito sa alok ng kanyang kuya. Kasalukyang naka-sakay pala ito sa sarili nitong car.
“Oh sige. Basta siguraduhin mong darating ka ha? Mag-ingat sa daan.” paalala nito.
“Asahan mo kuya. I miss you.” Naluluha si Jonas nang banggitin ang tatlong huling salita.
“Mas lalo ako.”
Ilang palitan pa ng mga salita ang nangyari bago tuluyang naibaba ang awditibo ng telepono at nai-end ang cellphone call.
Sa kabilang banda...
“Aling Koring.” Tawag ni Justin sa kanilang kasam-bahay for over 20 years.
Si Aling Koring ang nag-alaga kay Jonas simula nang maipanganak ito. May katandaan na ito. Kita na sa buhok ang paglipas ng matagal na panahon, sa balat ng katawan at mukhang akala mo ay laging malungkot dahil sa nagbabagsakang mga pisngi at eyebugs at nanlalabong mga mata. Pero kahit ganoon,malakas parin ito.
“Sir Justin bakit?” sagot ng matanda na malapit lang pala sa kanya.
Hindi napansin ni Justin habang nakatalikod na malapit lang pala ang matanda dahil nasa likod ito nang malaking divider sa living room.
“Anong iluluto mong ulam Aling Koring?” tanong ni Justin habang siryosong sinusuri ang nakasulat sa papel na hawak.
“Nilagang baka Sir Justin.” Naka-ngiti ang matanda.
Napa-kunot ang noo ni Justin. Dahil tamang-tama na yun ang gusto niyang ipaluto dahil yun ang paborito ni Jonas.
“Teka, aling Koring…” nagtataka siya pero hindi niya naituloy ang sasabihin dahil biglang sumabat  ang matanda.
“Sir Justin, narinig ko kasing darating si Jonas kaya yun ang iluluto ko.” Naka-ngiti ang matanda.
Nami-miss na kasi niya ang alaga niya.
Ngumiti ng pagkaluwang-luwang si Justin.
“Ang galing mo talaga Aling Koring.” Lumapit siya sa matanda at niyakap niya ito. “Kaya mahal na mahal ka ni Jonas dahil alam ninyo kung ano ang gusto niya.”
“Ang masasabi ko lang Sir Justin, nami-miss kona talaga ang batang iyon.” Naluluhang turan ng matanda.
“Hindi na bata si Jonas. Baka, nakakalimutan ninyo.” Tumawa ito.
“Para sa akin baby parin yun.” Birong pagmamatigas ng matanda.
Lalong natawa si Justin.
“Sige po. Sabihin na ninyo sa taga-pagluto.”
“Ako ang magluluto.” Buong-buo ang pagkakasabi ng matanda.
“Ok.” Kunyari ay natakot si Justin at nagkatawanan sila.
Nang umalis ang matanda, tamang-tama namang bumababa sa hagdanan ang kanyang ama.
“Dad, mukhang bihis kayo ah. Akala ko walang kayong appoinment ngayon at gusto ninyong mag-pahinga?” bati niya sa kanyang ama.
“Yun din ang alam ko.” Panimula ng kanyang ama. “but your Tito William called me. Maganda daw ang araw ngayon bakit hindi kami maglaro ng golf? Pumayag ako. Matagal-tagal na din kasi akong hindi nakakapaglaro.”
“I see.” Nasabi na lang niya dahil hindi naman niya ito mapipigilan. Saka nagtaka lang naman siya. “Dad…” tawag niya sa kanyang ama habang naka-upo ito sa single sofa at nagre-ready sa pag-alis.
“Yes my only son?” tanong nito nang hindi tumitingin. “May problema ba sa kumpanya?” ito ang natanong ng ama dahil sa tono ng pagkakatawag ni Justin.
“Jonas will be here in a moment. Why don’t you wait him before you leave.?”
Tiim-bagang na tumingin ang ama kay Justin. Halata sa mukha na hindi nito gusto ang narinig na pangalang binanggit ni Justin.
“Inaasahan mo bang gagawin ko yun, ha, Justin?” galit ito.
“Gusto ko lang ipaalam.” Mahinahon niya itong sinabi.
“But you’re asking me?”
“O-ok.” Awat ni Justin.
“Alam mo sa simula pa lang kung ano ang haligi sa pagitan namin ng kapatid mo. Tapos gusto mo i-welcome ko ang pagbabalik ng hindi ko naman tunay na anak? Sabuyan mo pa nang confetti." nag-suggest pa ang ama. "Wala akong pakialam basta ayokong nakakarinig ng tungkol sa bunga ng kawalang-hiyaan ng iyong ina.”
Pagkatapos ng sunod-sunod na sinabi ng kanyang ama ay tinungo na nito ang pintuan para maka-alis. Alam ni Justin na nasira niya ang arawng kanyang ama. Hindi na siya sumagot para hindi na humaba pa ang usapan.
Hindi naman inaasahan ng ama na mabubungaran niya si Jonas sa likod ng pinto. Parehong nagulat ang dalawa nang makita ang isa’t isa sa pagbukas ng pinto. Naudlot ang dapat na pagsigaw ni Jonas ng “surprise”.
“Tito Ramon, ikaw pala.” Nasabi nalang ni Jonas. Hindi niya pwedeng banggitin ang salitang Dad kapag kaharap niya ito.
“Yes, its still me.” Pasarkastikong turan ng ama bago tumuloy sa paglabas.
Nagkatinginan ang magkapatid nang maka-lagpas ang ama. At narinig pa nila ang pagtunog ng sasakyan nitong papaalis.
“Wrong timing.” Ang unang nasabi ni Jonas kay Justin.
“Don’t worry, masanay ka na kay Dad.”
“Oo naman kuya, for 22 years ko nang kasama si Dad dito sa bahay di pa ba ako masasanay?” tumuloy si Jonas sa single sofa para umupo.
“Huwag mong buuin ang 22 years dahil lagi ka nang wala dito sa bahay simula ng grumadweyt ka ng high-school.” Biro ng kanyang kuya.
Natawa si Jonas sa sinabi na iyon ng kanyang Kuya Justin.
Simula kasi nang magtapos si Jonas sa high-school, lagi na itong sumasama sa barkada. Ito kasi ang naging daan niya para maka-limot sa mga napag-daanang problema sa kanyang buhay.
Hindi naman talaga niya ama si Ramon. Anak siya ng kanyang ina sa ibang lalaki. Pero kahit ganoon, naging mabuting magkapatid sila ni Justin.
Four years old si Justin, simula ng pagloloko ng amang si Ramon. Nahuli siya minsan ng asawa ngunit patuloy nitong itinatanggi ang akusasyon. Hindi tumigil si Ramon sa pamba-babae kaya nagrebelde ang asawa.
Nalaman nalang ng lahat na may karelasyon na rin ang kanyang ina bilang pagrerebelde. Nang malaman ito ni Ramon, hinanap niya ang kanyang asawa  na nagtago kasama ang ka-relasyon at binawi. Kahit tinigilan na niya ang sanhi ng nangyari at kahit muling magkasama na sa iisang bahay muli, hindi na muling naayos pa ang kanilang relasyon bilang mag-asawa.
Lalo pa nang mahalata ni Ramon na bumubukol ang tiyan ng asawa kahit hindi naman sila nagtatalik. Doon, nagsimulang mapag-buhatan niya ng kamay ang asawa.
Hanggang doon lang ang kayang gawin ni Ramon dahil kahit papaano mahal parin niya ang asawa. Ang hindi niya lang niya matanggap ay ang nakikitang nalalapit na bunga ng pagrereblde ng kanyang asawa.
Minsan na sinubukang ipalaglag ni Ramon ang dinadala ng kanyang asawa ngunit nauuwi lang sa awa. Hanggang sa ipinanganak na ang sanggol at si Jonas na nga iyon.
Nang makita ni Ramon ang sanggol parang binalot siya ng kadiliman dahil sa poot na nararamdaman. Hindi niya matanggap na isinilang na ang batang bunga ng kahayupan ng kanyang asawa at ng karelasyon nito.
Simula noon lagi na nitong sinasaktan ang kanyang asawa. Walang araw na hindi makikitaan ang kanyang asawa ng pasa sa ibat-ibang bahagi ng katawan. Ang hindi alam ni Ramon lihim na may ugnayan na naman ang kanyang asawa at ang karelasyon nito. Kaya isang araw nagulat nalang sila na wala na ang kanyang asawa. Sumama na ito sa karelasyon.
Hanggang sa mabalitaang sumabog ang sinakyang private airplane ng kanyang asawa at karelasyon nang magpasya ang dalawang manirahan sa ibang bansa.
“Nasaan nga pala si Yaya?” tanong ni Jonas sa kalagitnaan ng kanilang pagkukwentuhan nang maalala ang kanyng pinaka-mamahal na yaya.
“Nagluluto.”
“Ah… pupuntahan ko muna.”
“Huwag na. Hayaan mong masorpresa siya na narito ka na. Hulaan mo nalang kung ano ang niluluto niya?” hamon ni Justin sa kapatid.
Nag-isip si Jonas. Agad din naman niyang naisip ang isasagot.
“Siyempre ang paborito ko.” Walang alinlangang sagot ni Jonas.
Tumawa lang ang kanyang kuya tanda ng pagkatalo sa hamon nito.
"Kuya, wala ka bang napapansing pagbabago sa akin?" tanong ni Jonas.
"Alin? Yang hitsura mo, sa katawan mo... san ba?"
"Oo, kahit ano. Basta tingin mong nagbago sa akin."

"Sa totoo lang, bahagyang namayat ka. Pero... hindi, nagwo-workout ka ng katawan mo noh?"
Ang hindi alam ni Justin ay may laman ang nasa isip ni Jonas.  Gayunpaman, tumawa si Jonas.
"Ganun ba ang tingin mo kuya?"
"Bakit? Mali ba ako?" nakangiti ito. Nagpatuloy si Justin ng makita niyang umuling si Jonas. "Ayos din yang bagong style ng buhok mo."
"Talaga?"
"Bagay din pala sayo ang trimmed ha." ito ang inisip niyang gupit ni Jonas dahil nag-panipis ito ng buhok.

"Buti na lang at umuwi ako dito ng, m-maayos at goog looking." sabay tawa. Muntikan pang sumablay ang salitang maayos na binanggit niya.
--------
“Yaya, ang sarap mo talagang mag-luto ng nilagang baka. Isa sa mga gusto kong rekado dito ang saging na saba. Sarap talaga ng sabaw. The best ang yaya ko.” Pagmamalaki ni Jonas habang kumakain sila sa mahabang lamesa.
Natatawa lang si Justin sa inaasal ng kapatid.
“hindi ka ba nakaka-kain niyan sa mga pinupuntahan mo?” tanong ni Justin
“Hindi.” Sagot ni Jonas. “Kasi, lagi namin dala ng mga kabarkada ko, de lata.” Sabay tawa nito habang hawak ang kutsara.
“Kaya para kang hindi kumain ng isang taon? Tignan mo naman. Naka-ilang sandok ka na ng kanin.” Sabay tawa.
“Sinusulit ko lang kuya.”
Biglang natahimik si Justin.
“Bakit ka natahimik kuya?”
“Sinusulit mo lang ba ang sabi mo?” paninigurado ni Justin sa nabanggit ni Jonas.
Natahimik din si Jonas dahil may ibig sabihin ang hindi niya sinasadyang nabigkas. At alam niyang naiisip din iyon ng kanyang kuya. Saka nalang siya magpapaliwanag. Gusto niya munang kumain ng kumain.
Nang matapos silang kumain ay pareho silang nasa terrace.
“Kuya pupunta ka ng opisina?” tanong ni Jonas.
“Oo. Kailangan. 12:30 alis na ako.” Sagot ni Justin. Muli na naman nitong sinusuri ang papel na hawak niya kanina.
Tumingin siya sa kanyang relo. Mag-aalas dose palang. Mahaba pa ang pagkakataon para masabi niya ang gusto niyang ipaliwanag sa kanyang kuya.
“K-kuya Justin.” Panimula niya sa gusto niyang sabihin.
Bumuntong hininga ito. “Alam ko may binabalak ka na naman.”
Hindi na nagulat si Jonas dahil noong nasa hapag-kainan palang sila ay naramdaman na niyang alam na ng kuya ang susunod niyang gagawin. Hindi nga lang punto por punto.
“Kuya, magpapaalam na kasi ako dito sa bahay.”
Muling bumuntong hininga si Justin. “Jonas, kararating mo palang gusto mo na namang umalis? Ang tagal naming naghintay.” Ang tinutukoy ni Justin ay si Aling Koring dahil silang dalawa lang naman ang nakaka-intindi kay Jonas.
“Kuya, bago ako pumunta dito, nagkaroon na ako ng desisyon.” Simula ng kanyang pagpapaliwanag. “Nakapag-desisyon na akong mag-sarili. Gusto kong mabuhay ng simple.”
“Hindi ka ba masaya dito kaya ba laging wala. Anong simpleng buhay?”
“Hindi kasi ako katulad mo kuya na business minded.  Parang mas gusto kong magtrabaho  nang hindi ako ang nag-papatakbo sa mga tauhan ko. Katulad mo.” Pagbibigay nito ng halimabawa at bahagyang pagsisinungaling.
“Ang ibig mong sabihin mas gusto mo pang magtrabaho sa ilalim ng iba, kahit alam mong kaya mong namang magtayo ng negosyo na walang hinihinging tulong pinansiyal ng iba?” naguguluhan si Justin.
Bago kasi mamatay ang tunay na ama ni Jonas, naisa-ayos na nito ang huling testamento nang masiguradong mabubuhay at hindi mapapahamak ang kanyang anak. Hindi nga lang inaasahang mamatay na rin pala ito kasama ang ina sa isang plane crash. Parang may kung anong kumausap sa tunay na ama ni Jonas na ayusin iyon dahil malapit na pala itong mamatay.
Kaya kung tutuusin, mas mayaman si Jonas kaysa kay Justin. Sa ngayon, dahil ang tangging kay Justin lamang ngayon ay sariling ipon. Ang pinamamahalaan ni Justin na mga negosyo ngayon ay nasa pangalan pa ng kanyang ama. Pero wala iyon sa magkapatid.
“Ganoon na nga.” Pagsang-ayon ni Jonas.
“Ano?” gulat ni Justin sa narinig. “Gusto mo tulungan kitang magtayo ng business. Anong klaseng negosyo ba ang tipo mo?” magbibigay sana siya ng halimbawa nang putulin iyon ni Jonas.
“Kuya, buo na ang pasya ko.”
Sa sinabing iyon ni Jonas, parang nawalan ng gana si Justin sa usapan. Tumingin si Justin sa kanyang relo.
“Kailangan ko nang umalis.” Paalam ni Justin.
“Kuya.” Tawag ni Jonas dahil alam niyang hindi kumbinsido ang kanyang kuya sa kanyang gustong mangyari.
Hindi ito sumagot. Nagtuloy-tuloy lang itong makapunta sa sariling sasakyan. Sinundan ni Jonas ang kuya niya kahit makasakay na ito. Nakatayo pa rin siya sa gilid ng sasakyan, umaasang bubuksan ng kuya niya ang bintana para magpaalam ng pormal. Kahit man lang magpaalam lang ang kuya niya sa kanya, okey na sa kanya huwag lang umalis itong hindi sila nagkaka-unawaan.
Nagbukas ng bintana si Justin.
“Jonas, hindi kita maintindihan. Kaya lang malaki ka na. Hindi ka na tulad ng dati na laging nagtatago sa likuran ko o kay Aling koring kapag dumadating si Dad. Kaya mo na siguro ang sarili mo. Kung yan ang desisyon mo… “ ngumiti ito ng matipid. “sige susuportahan nalang kita. Basta sisiguraduhin mong magiging maayos ka.”
Naluha si Jonas sa sinabi sa kanya ng kayang kuya.
Nayakap niya ito. “Salamat kuya.”
“Sige na.” paalam ng kuya niya at muli nitong sinara ang bintana ng sasakyan.
Ang hindi alam ni Jonas sa likod ng bintana ay may mga luha ng pag-aalala para sa isang kapatid na matagal na nawalay at ngayon ay nag-dedesisyong maging permanente ang pag-alis.



[03]
Kalahating oras nalang at mag-aala-una na.” napansin ni Jesse ang oras. Napatingin siya sa pintuan kung saan lumalabas ang babaeng in-charge sa mga aplikante. Nagbabaka-sakaling lalabas na ito at magbibigay ng impormasyon.

Anong tinitignan mo diyan?” tanong sa kanya ni Jessica nang mapansing titig na titig siya sa may pintuan.

“Wala naman,” ngumiti siya kay Jessica. Kanina habang nagku-kuwentuhan sila pormal na silang nagpakilala sa isa’t isa.

Naghintay pa sila ng ilang saglit at nakita na nga nilang palabas ang matandang babae. Magbibigay ng impormasyon. Nag-abot na naman ito ng papel sa gwardiya.

“Ito ang mga iinterbyuhin mamaya. Ipapaskil ko dito sa bulletin board. Tignan ninyo nalang ang mga pangalan ninyo kung pang-ilan kayo. Para malaman ninyo ang pagkakasunod-sunod ninyo.” Anunsyo ng gwardiya matapos tumawag ng atensyon.

Dahil sa dami ang nag-unahan sa bulletin board, nagsabi si Jesse na siya nalang ang titingin para kay Jessica. Sumang-ayon naman ito.

“Jessica, pang-apat ka.” Sabi ni Jesse nang makabalik na siya sa kinaroroonan ni nito.
“Eh, ikaw?” tanong sa kanya.

“Pang-siyam ako.”

“Ang layo pala ng agwat natin no?”

“Oo nga eh.” Sang-ayon ni Jesse. “Parang inuna ang mga babae, eh.”

“Malamang katulad kanina, nung inanunsyo yung mga naka-pasa.”

Pero mamaya-maya lang muli itong nagsalita nang hindi inaasahan. May bigla kasi itong naisip.
“Jesse, kung inuna ang mga babae, bakit pang-siyam ka?” takang tanong nito. “Di ba bago ka tinawag halos sampu pa ang tinawag na babae?”

Napa-isip doon si Jesse. “Oo nga ano? Bakit nga kaya?” tanong niya. “Bahala sila, problema na nila yun. Maganda nga iyon atlist napa-aga pa ako.” Sabay tawa.

“Pero handa ka na ba mamaya sa interview?”

“Sana nga.” Umaasam si Jesse na magagawa niya iyon. “Pero, marami talaga akong natutuhan sayo, salamat.”

“Naku, wala yun. Nagkataon lang na nakilala mo ang batikan.” Sabay tawa. “Pagkatapos ba naman sa hayskul eh, nagtrabaho na agad.”

Nakitawa na rin siya. Habang nag-tatawanan may isang magarang kotse ang nag-park sa di kalayuan na may karatulang private. Napatingin sila doon dahil nakaka-agaw pansin naman talaga. Hanggang sa bumaba ang lalaking sakay nito.

Tinutungo ng lalaki ang pintuan kung saan ang entrance ng opisina ng 3Jsupermarket.
“Siguro yun ang may-ari?” hula ni Jessica.

“Ayun? Hindi naman siguro. Ang bata pa noon.”

“Malay mo.” Giit pa rin niya.

“Swerte niya kung ganoon nga.”

Kumuha ng atensyon ang gwardiya sa mga naghihintay na mga aplikante.

“Pila na. Ayon sa pagkakasunod-sunod.” Utos nito.

Para naman mauubusan ng pwesto ang lahat kahit alam na may bilang naman silang sinusunod. Kahit sina Jesse ay nakipag-unahan din.

Nang makapila na sila, sa may unahan ni Jesse ay nakamasid pabalik si Jessica. Para bang may sinusuri sa gawi niya, sa may likuran niya.

“Bakit?” tanong ni Jesse kay Jessica na pabulong.

"Tiganan mo.” Ngumuso pa ito para ituro ang gusto niyang ipakita kay Jesse.

Tinignan ni Jesse ang pagkaka-pila dahil doon nakatuon ang nguso nito. Napansin niya na sa kanyang harapan ay babae pagdating sa likuran babae parin. At sunod-sunod, mga babae parin. Bago lang ang pila ng mga lalaki.

Naunawaan na niya ang ibig sabihin ni Jessica. Siya lang tanging lalaki na naka-pila, kasama ang mga babae. Paano nangyari yun hindi niya alam. Muli siyang tumingin kay Jessica habang ang noo niya naka-kunot at ngingiti-ngiti dahil parang awkward siyang makita sa gitna ng mga kababaihan.

Natawa sa kanya si Jessica ng makita ang ayos ng kanyang mukha.
-------

“Miss Lagos.” Tawag ng big boss ng kumpanya. Si Miss Lagos ang matandang babae na in-charge sa mga nag-aaplay.

“Yes. Sir James.” Ito ang tawag sa kanya ng mga empleyado niya.  Sa sarili niyang kagustuhan.
“Sa room mo ako tatanggap ng aplikante.”

“Ok sir, wait lang po. Titignan ko kung maayos.” Ang tinutukoy nito ang kwarto niya. Sigurado naman iyon na malinis at maayos kaya lang nanigurado na rin siya. Ang boss ang nag-uutos.
Saglit lang at bumalik na ito.

"Sir, okey na po.”

“Sige, isa-isa mo nang papasukin ang mga aplikante.”
--------

Nagsisimula na namang kabahan si Jesse dahil malapit na siya. Tapos na Jessica at nagpaalam na ito na hindi na siya mahihintay pa. Nakita niyang lumabas ang isang babae na bahagyang naka-simangot. Lalo siyang kinabahan dahil doon. Pumasok na ang nasa unahan niya. Ilang saglit nalang at siya na ang papasok.

Nagulat siya nang wala pa sa limang minuto ay lumabas na ang babae. Mas hindi maipinta ang mukha niyon. Tinawag siya ng gwardiya.

“Ikaw na sunod. “ tawag sa kanya. “swerte mo at napagkamalan ang pangalan mong babae kaya nauna ka pa sa iba.” Pahabol nito na natatawa.

Kaya pala nasa ganoong bilang ang pangalan niya. “Ganun? Mukha bang pambabae ang pangalan ko.” Bahagya siyang nainis.

Pero dagli rin niyang inalis iyon sa kanyang isipan dahil baka maka-sira iyon sa kanyang konsentrasyon.

Nakarating na siya sa kwarto. Nang makita niya ang nasa loob, nagulat siya na ang mag-iinterview pala sa kanya ay yung lalaking nakita niya na bumaba sa magarang kotse. Nakayuko ang lalaki habang tinitignan nito ang isang papel. Sa pagkaka-lapit niya nalaman niyang ang examination paper ang hawak nito.

Nang ini-angat na ang mukha ng mag-iinterview, kitang-kita ni Jesse ang panlalaki ng mga mata nito. Dahil ang inaasahan ng interviewr ay babae ang makikita nito sa kanyang harapan.
“Bakit ikaw na ang sunod?” tanong sa kanya. “Wala na bang babae sa baba?”

“Sir meron pa po, kaya lang ako na ang sunod.”

Nangunot ang noo nito.

Napansin ni Jesse na kahit naka-kunot ang noo nito ay hindi mawawala ang ka-gwapuhan nito. Nakikita niya ang sa kanyang mga mata ang makinis na mukha nito. Halatang galing sa mayaman na pamilya. Matangos ang ilong. May bahagyang tubo ng bigote na kung tawagin ay buhok balahibo. Bumagay din ang style ng gupit ng buhok.

Napa-hanga talaga siya sa mag-iinterbyu sa kanya. Hindi naman napansin kaharap ang mabilisang pagsasalarawan ni Jesse sa kanyang isip ang katangian nito. Dahil abala itong pinipili sa mga naka-file na bio-data at resume ang sa kanya.

“Sige maupo ka.”

“Salamat Sir.”

Nang mapasadahan ng tingin ang kanyang bio-data ay nagtanong na ito.
“San ka nakatira?”

“Cavite pa po.”

“Bakit dito ka nag-aplay?”

Nag-alangan pa si Jesse na sabihin ang dahilan. Sinabi niya iyon sa mabilis na paraan.

“So wala ka pang expirience?”

“Wala pa Sir.”

“Anong inaaplayan mo?”

Hindi agad siya nakasagot. May gustong banggitin ang kanyang mga labi gaya ng iminungkahi sa kanya ni Jessica pero sa kaba at sa sunod-sunod na tanong hindi na niya masabi.

“K-kung saan po pwede.”

Nakita niya ang pagsalubong nito ng kilay. Hindi nagustuhan ang kanyang sagot.

“Nag-aaplay sa hindi mo alam na trabaho?” pasarkastikong tanong sa kanya.

Napahiya siya. “Sir…” parang gusto niyang magpaliwanag.

Napansin niyang naka-tingin ito sa kanyang  bio-data.

“Natapos mo ang two-years sa kurso mo?"

“Opo Sir.” Nagkaroon siya ng lakas ng loob na sumagot dahil totoo iyon.

“San ka dito tumutuloy?”

Sinagot ni Jesse ng tama ang address na binigay sa kanya ni Marco. Pagkatapos noon ay nagsabi na itong kailangan niyang kompletuhin ang mga requirements na makikita niya sa bulletin board sa labas at bumalik sa itinakdang araw.

Halos hindi na mapigilan ni Jesse ang  sobrang katuwaan. Ayaw mo na niyang mag-saya hangga’t hindi siya nakaka-uwi  at maibalita kay Marco na kailangan na niyang kumpletuhin ang mga nakopya niyang requirements sa bulletin board.
-------

Parang naiihi si Jesse sa sobrang excitement habang tinatahak ang daan papasok sa iskinita kung saan naroon ang tinitirhan nila ni Marco. Nakasara ang pinto nang mapatapat siya roon. Alam niyang tulog pa si Marco.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto upang hindi maka-gawa ng ingay. Tama nga ang hinala niya na tulog pa ito. Nakahiga sa sopa si Marco at hindi na ito nagpalit ng damit.  Nilagpasan niya si Marco nang hindi gumagawa ng ingay.  Sa isip-isip niya na sayang at hindi pa gising si Marco at hindi niya kaagad masasabi ang magandang balita.

“Mamaya nalang.” Nasabi nalang niya.

Nag-asikaso muna si Jesse sa paligid. Pinipilit niyang huwag makagawa ng anunmang ingay. Buti na lang at natapos hugasan ni Jesse ang mga maruruming gamit sa lababo nang hindi nagigising si Marco.

Mag-aalas tres na ng hapon kaya, mina-buti na niyang mag-saing dahil mga alas-kwatro ang karaniwang gising ni Marco at aalis ito nang pagkatapos maglinis ng katawan.

Nakapag-basa na si Jesse nang buong dyaryo at nai-alis na niya ang kaldero sa kalang de uling. Hindi parin gumigising si Marco. Muli siyang umupo at magbasa dahil wala pa naman siyang maaring gawing iba. Ngunit nakaramdam na sya  ng antok at naka-tulog.

Nagising  siya dahil sa lagaslas ng tubig galing sa banyo. Naliligo na si Marco. Tumayo siya para alamin kung nakahanda na ang kakainin nito bago umalis. Nang maka-lapit siya sa lamesa nakita agad niya ang mga lutong ulam na siguradong binili sa labasan. Tinignan niya ang wall clock, at 4:45 na ng hapon. Tinungo niya ang plate dispenser para kumuha ng plato, maihanda sa lamesa. Karaniwan kasi kahit naka-tapis palang si Marco kumakain na ito. Saka lang nagbibihis kapag-aalis na lang.

Lumabas si Marco sa banyo. “Oh gising ka na pala?” bati sa kanya. “Kamusta ang aplay.”
Sumimangot si Jesse. Ang nakita ni Marco na negatibo ang naging resulta.
“Okey lang yan.” Sabi ni Marco.

“Anong okey lang, tanggap na ako.” Sabay tawa nito sa tuwa.

Tuwang-tuwa siya at naibahagi na niya kay Marco ang magandang balita.

“Oh, ano na ang gagawin mo ngayon?” natutuwa nitong sabi.

“Kailangan ko nalang daw kumpletuhin ang requirements, taos babalik ako next week Friday para ipasa.”

“Tapos magsisimula ka na?”

“Ganun na nga.”

“Maganda yan. Huwag ka mag-alala ako bahala sa pangkuha mo ng requirements.”
Ikinuwento na ni Jesse ang karanasan niya sa pag-aaplay. Nai-kwento na rin niya ang nakilalang babae na kapwa nag-aaplay.

“Wow, naman. Dalawa pa ata ang madadali mo, pareng Jesse.” Hirit ni Marco.

“Hindi naman. Napag-tanungan ko lang talaga dahil wala akong alam kung anong mangyayari sa interview.”

“Kinuha mo ba yung no.?”

“H-ha? Bakit?” takang tanong niya.

“Natural. Tsika-babes na yon. Baka maka-wala pa.”

Natawa siya nang ma-gets niya ang ibig sabihin ni Marco. “Bata pa ako.”

“Hindi naman halatang bente-anyos ka lang eh.” Tinignan pa nang kaliwa’t kanan si Jesse.

“Ano? Ibig mong sabihin mukha na akong matanda?”

Nagkatawanan sila.

“Hind malaking bulas ka lang talaga. Tignan mo magkasing-tangkad tayo pero ang edad ko 27 na. Baka lumaki ka pa nga nyan.”

“Malaki kasi si tatay.”

“Doon ka nga nag-mana. Sigurado.”

Napa-tingin si Jesse sa orasan.

“Baka ma-late ka. Kumain ka na.”

“Sabay ka na rin.”

Dahil halos ala-singko na sumabay na si Jesse kumain para sa hapunan. Tamang-tama rin para kay Jesse na kumain na at maagang maka-tulog dahil nakakaramdam na rin siya ng pagod. Gigising na lang siya ng maaga.

Pagkatapos kumain umalis na si Marco para magtrabaho. Muli habang tinatanaw nito ang pag-alis pumasok sa kanyang isipan kung ano ba talaga ang trabaho mayroon ang kaibigan niyang si Marco
------

“Hello?”

“Kuya, huwag mo nang asahang madadatnan mo pa ako dito ha?”

“Ano?”

“Nai-ayos ko na ang mga gamit ko. Pati ang kwarto ko malinis na. Maya-maya lang ay aalis na ako.

“Jonas. Hindi pa nga tayo tapos mag-usap.”

Alam niyang nagtitiim-bagang ang kausap dahil sa tono ng pagsasalita nito sa kabilang linya.
“Hayaan mo na ako kuya. Kaya ko na naman ang sarili ko. Huwag ka mag-alala, hindi ako mapapahamak.”

“Jonas, hintayin mo ako.”

Ibinaba na nito ang telepono.

“Jonas?”

Ngunit wala ng sumagot.

“Jonas?” huling tawag ni Justin at naihagis na ang wireless phone sa pader.
Nagulat ang secretary niya sa nasaksihan.

“Sir. Okay lang ba kayo?” nasabi nito nang mahismasmasan sa pagkakagulat.

“Iwan mo na lang diyan ang mga papeles.” Natampal ni Justin ang kanyang noo.

Hindi alam ni Justin kung anong gagawin sa kapatid. Hindi naman niya masisi ang kapatid sa mga gusto nitong mangyari. Hindi naman pwedeng laging bantayan ni Justin si Jonas oras-oras dahil may sarili siyang ginagawa.

“Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa iyo Jonas. Ibinilin ka sa akin ni Mommy.” Naluha si Justin nang maalala ang nakaraan.

“Justin, alagaan mo ang kapatid mo ha? Lagi mo siyang babantayan. Huwag mo siyang pababayaan. Aalis lang muna si Mommy kasi gusto ni Mommy lumigaya. Tandaan mo Justin, kahit magalit ka sa akin, mahal na mahal ka ni mommy. Kailangan ko lang gawin ito.”
Nakikita niyang lumuluha ang kanyang mommy sa kanyang harapan. Magpa-five na siya noon. Pero hindi namamalayan ang nangyayari sa mga magulang niya. Ang alam lang niya laging nag-aaway ang dalawa.
“Aalis na ako.”

“Kailan ka ba babalik mommy?” tanong niya noon na walang kamuang-muang na hindi na pala babalik ang mommy niya.

“Basta babalik ako.” Hinalikan siya nito at umalis na.

Habang lumalaki siya saka niya lang nauunawaan ang lahat. Hindi na niya nagawang magalit sa mommy sa pang-iiwan sa kanilang dalawa ni Jonas na noon ay sanggol pa lang dahil nalaman niyang namatay rin ito dahil sa plane crash.

Tinandaan niyang lahat ang bilin ng kanyang mommy. Ngunit habang lumalaki si Jonas laging iba ang gusto nitong gawin. Gustong laging nag-iisa. At nang maka-graduate sa high-school at pumasok sa kolehiyo, ay nagsimula na itong sumama sa mga lakad ng barkada. Hind naman niya mapigilan noon dahil kasalukuyang kumukuha siya ng masteral degree sa ibang bansa. At nang maka-balik siya tuloy-tuloy na ang pagpapatakbo niya ng kanilang negosyo.


[04]
“Sir, ito na po yung pipirmahan ninyong mga papers.”

Kunot-noong napa-tingin si Justin sa kanyang sekretarya. Nagtaka naman ang kanyang sekretarya sa hitsura ng mukha niya.

“Bukas na lang yan.” Maya-maya ay sagot ni Justin at ibinalik ang tuon sa ibang pinipirmahan na dokumento.

Nagmamadali ang  napansin ng kanyang sekretarya.

“Eh sir, kayo nga po ang nagsabing kunin ko ito eh.” Giit ng kanyang sekretarya. “Kailangan na po ito bukas ng maaga sa board meeting.”

Muli siyang napa-tingin sa sekretarya. Nagmamadali na siyang matapos dahil gusto niyang habulin si Jonas para pigilan itong umalis.

“Ilang piraso ba yan?” naitanong na lang niya na may pagka-irita.

“Almost 30 copies , sir. Kasama na dito ang para sa mga investors na pupunta sa meeting.”

“Akin na bilis.”

Pagka-abot ng sekretrya ay agad niya itong pinag-pipirmahan kahit walang pagsusuri sa kung ano ang nilalaman ng mga papel na iyon. Tutal siya rin naman ang gumawa noon. Hindi na nga niya napansin ang kanyang sekretaryang todo ang yuko nang iniaabot ang mga papers mapansin lang niya ang cleavage nito.

Asar ang sekretaryang lumabas ng opisina ng boss dahil hindi nito napansin ang pagpapansin.
--------

“Yaya, maraming salamat ha.” Si Jonas kausap ang pinaka-mamahal niyang si Aling Koring.

“Bakit naman kasi kailangan mo pang umalis?”

“Yaya?” saway ni Jonas. “Uulit na naman tayo niyan eh.” Hindi siya galit pero ayaw na niyang muling magpaliwanag.

Alam naman ni Jonas na maiintindihan iyon ngkanyang yaya.

“Sige na, tumuloy ka na sa pag-labas. Lahat ng gusto mong dalhin nasa sasakyan mo na.” naiiyak iyo. Hindi maitatanggi ang kalungkutan.

“Salamat po.”

Tumalikod si Jonas kay Aling Koring para tunguhin ang pinto. Nang maka-lagpas sa pintuan, muli siyang humarap kay Aling Koring na kasunod niya.

“Yaya, huwag ka nang sumunod sa akin sa sasakyan. Okey lang po ba?”

“Bakit naman?” nagtatakang tanong ng matanda.

“Ayoko kasing makita kayong iiyak pag-paalis na ako.” Pinipigil ni Jonas ang emosyon.

Napa-yuko si Aling Koring.

“Sige, tama ka. Sige na… basta lagi mong iingatan ang sarili mo ha?” iyon nalang sinabi ni Aling Koring.

Naka-titig siya sa kanyang yaya. Nahihirapan siya, dahil kailangan talaga niyang umalis. Hinalikan niya sa noo ang kanyang yaya.

“Sige po. Mahal ko kayo.” paalam niya.

“Oo, ako din.”

Pagkatapos noon ay naglakad na siya papunta sa kanyang sasakyan. Pinagbuksan siya ng gwardiya para maka-labas ang sasakyan. Pigil na pigil siya sa kanyang nararamdaman habang nililisan ang naging tirahan sa loob ng 20 taon. Itinigil lang niya ang sasakyan ng makaliko siya sa kabilang iskinita at doon ibinuhos ang sakit na kanyang nararamdaman bunga ng pag-iwan sa kanyang minamahal tulad ng kanyang yaya at siyempre sa kanyang kuya na laging nagtatanggol sa kanya.

Nang maging malinaw na ang kanyang paningin at wala nang luhang umaagos sa kanyang pisgi, muli na niyang pinaandar ang sasakyan. Pupunta na siya sa bago at sarili niyang buhay.
------

Hindi pa rin makatulog si Jesse kahit nakaramdam siya ng pagod kanina. Maaga na nga siyang kumain para maagang makatulog ngunit ngayong naka-higa na siya para magpahinga, hindi parin siya dalawin ng antok. Buong-buo parin ang kanyang diwa na mag-isip ng kung ano-ano.
Hindi niya namamalayang, muli niyang binabalikan ang pangyayari sa kanya kanina. Napapa-ngiti siya kapag naaalala ang resulta ng kanyang pag-aaplay.

“Matutulungan ko na ang magulang ko. Sigurado. Pero syempre kailangan ko munang ibalik ang mga naitulong at maitutulong sa akin ni Marco. Ang swerte ko naman at may kaibigan akong katulad niya.”

Masayang-masaya siya habang nakatitig sa kisame.

“Bukas isang linggo na ako dito sa Maynila, hindi ko parin alam kung ano ang trabaho ni Marco.”

Naglaro sa kanyang isip kung ano kaya ang ginagawa ni Marco sa mga oras na iyon.

“Siguro, nagtatrabaho na iyon ngayon. Kanina pa kasi iyon umalis eh.” Kinakausap niya ang kanyang sarili sa kanyang isip. “Madali lang kaya ang trabaho niya? Kapag umuuwi naman siya, mukha naman siyang hindi pagod kaya lang laging amoy alak. Pero, hindi naman lasing. Pero nung isang araw dumating siya na pagod na pagod. Hindi naman lasing.” Bigla siyang naguluhan sa kanyang iniisip. “Ang gulo.”

Duon niya tinapos ang pag-iisip kay Marco. Hindi naman siya nag-iisip ng masama sa kung ano man ang trabaho nito at kung bakit hindi parin nito sinasabi kung anong klaseng trabaho ang pinapasukan nito.
------

Napapa-mura si Justin kapag humihinto ang kanyang sasakyan gawa ng traffic o di kaya ay may tatawid. Nagmamadali siyang habulin ang kanyang kapatid na aalis sa kanilang bahay ngayon. Ang hindi niya alam, halos kalahating oras na ang nakalipas pagkatapos umalis ng kanilang bahay si Jonas. Samakatuwid kahit anong gawin niyang pagmamadali hindi na niya ito maaabutan.

Napa-yes si Justin nang makaliko na ang kanyang sasakyan papasok sa gate ng isang executive village kung saan nakatayo ang kanilang bahay. Ilang iskinita na lang at matatanaw na niya ang kanyang tahanan for 27 years.

Nang nasa harap na siya ng kanyang bahay agad agad na binuksan ng gwardiya ang mataas na gate. Nang mabuksan ito, napa-tiim bagang siya nang hindi na makita ang sasakyan niJonas. Ang kanina niyang pagmamadali ay biglang naglaho at napalitan ng paglaylay ng balikat at biglaang nakaramdam ng pagod.

Sinalubong siya ni Aling Koring.

“Dumating ka na sir.” Bati ng kasam-bahay.

“Wala na si Jonas, nanaman.” iyon ang una niyang nasabi sa tono ng kalungkutan.

Napa-yuko si Aling Koring dahil nakaramdam siya ng kati sa kanyang mga mata. Nagbabadya ng pagluha. Ayaw  na kasi niyang umiyak. Tapos na, ang pag-alis ni Jonas.

“Huwag kayo mag-alala Aling Koring, babalik din yun. Hindi yun makakatiis.” Sinabi niya iyon para hindi malungkot ang matanda. Para na din sa kanya kahit ang totoo, malabo sa kanya kung kailan magbabalik ang kanyang kapatid.

"Nahanda ko na ang lamesa. Alam ko darating ka na." pag-iiba ng usapan ni aling Koring.

"Ganun po ba?" kahit natutuwa siya sa sinabi ni aling Koring, pilit parin ang ngiti niya.

"Nagluto ako ng paborito mong ulam." hinihila na ni Aling Koring si Justin papunta sa dining table."Talaga po?"

"Kaya kumain ka na. Gusto ko uubusin mo ha?" naka-ngiti na ito sa kanya.

Natawa si Justin. "Grabe naman Aling Koring, kahit paborito ko ang niluto ninyo, eh kung isang kawali ang niluto ninyo hindi ko yun mauubos."

Napa-isip si Aling Koring at maya-maya naalala nito ang nasabi.

"Ay mali, kumain ka pala ng marami, hindi pala ubusin mo." natawa na rin si Aling Koring.

"Sumabay na po kayo sa akin."

"Sige. Pero huwag mo akong asahang kakain ng marami tulad mo ha? Mahina na ako kumain at mabagal pa."

Nagkatawanan sila.

Sa pagkakataong iyon, hindi niya hinayaang paghainan ni Aling Koring. Siya ang nag-sandok para sasarili at para sa matanda. Gusto niya kahit papaano maging maligaya ang yaya ni Jonas sa kabila ng kalungkutan nito.

Nakita kasi ni Justin kung paano minahal ni Aling Koring si Jonas tulad ng isang tunay na anak. Hindi na nga nakapag-asawa masigurado lang ng matanda na masusundan ang paglaki ni Jonas.

Kumain sila ng masagana. Pasamantalang inalis sa kanilang isipan ang pag-alis ni Jonas. Hindi man sabihin sa isa't isa dalangin nila na nasa magiging mabuting kalagayan si Jonas.
-----

Nasa harap na si Jonas sa bago niyang titirahan. Isang two story na bahay na tamang-tama sa tulad niyang gustong mapag-isa. Hindi alam ng kanyang kuya na sa kanyang palagiang pag-alis ay naka-tyempo siya ng isang bahay na gusto niyang mabili. Ito na nga ang nasa kanyang harapan.

Bumaba siya sa kanyang sasakyan para buksan ang gate ng kanyang bagong tirahan. Siyempre siya lamang ang magiging tao roon kaya wala siyang mauutusan magbukas ng gate. Iyon naman ang gusto niya, mag-solo. Nang maipasok na niya ang kanyang sasakyan, minabuti na niyang ipagpabukas nalang ang pag-pasok ng mga gamit sa loob ng sasakyan.

Gusto na muna niyang magpahinga. Hinanap niya ang susi na nakahalo sa susi ng sasakyan at iba pang susi ng buong bahay. Ipinasok niya ito sa seradura ng pinto nang makita niya. Nang mabuksan na niya, kadiliman ang tumambad sa kanya. Kinapa niya ang switch ng ilaw sa gilid ng pintuan at biglang nagliwanag ang paligid.

Nakita niya ang paligid. Kumpleto sa kagamitan. Hindi maiitangging inihanda ang lahat bago tirahan. Nagtuloy-tuloy siya  at tumigil nang mapatapat siya sa hagdanan paakyat sa second floor ng bahay. Muli siyang lumingon para tanawin ang halos kabuuan ng pang-ibabang parte ng kanyang bahay.

“Ito na ang gusto kong mangyari.” Napa-ngiti siya sa naisip. Ngunit napalitan agad ng lungkot nang maalala ang kanyang yaya at kuya na siguradong nasa bahay na ngayon. Napa-buntong hininga nalang siya.

Nagpatuloy siya sa pag-akyat. Binuksan niya ang kanyang silid. Nang maka-pasok, isa-isa niyang tinanggal ang kanyang mga suot sa katawan. Balak niyang maglinis ng katawan. Lalo pa at naglalagkit ang kanyang mukha gawa ng luhang natuyo.

Nang mahubad ng lahat, nagtuloy-tuloy siya sa bathroom na salamin ang harapan. Pinasadya niya iyon bilang personal. Kung meron man na tao sa kama makikita niya ang kabuuan ng taong nasa loob ng bathroom at kung ano ang ginagawa nito doon. Maaari lamang tabingan ng curtain na plastic para magkaroon ng privacy.

Naligo siya ng mabilis maramdaman lang niya ang maginhawang pakiramdam at pagkatapos  ay tutunguhin niya ang kitchen para maghanda ng kakainin.
-----

“Huwag ka nang tumulong sa pagligpit. Kami na ni Ising.” Sinasaway ni Aling Koring si Justin na tumulong sa pagliligpit ng kinainan nila. Ang tinutukoy niya kanina ay isa pang kasambahay.

“Sige na nga po.”

“Sige na umakyat ka na sa kwarto mo at magpalit ka na ng damit.” Pagtataboy ni Aling Koring.

“Sige na nga po.”

Natawa si Aling Koring dahil inulit na naman ni Justin ang kanina lang sinabi nito.

“Inulit mo lang.”

Napa-ngisi si Justin. “ Sige po aakyat na ako.” Pagkatapos ay nagpaalam na siya.

Kahit papaano nakakangiti na si Justin. Tinatahak niya ang hagdan paakyat nang maulinigan ang pagbukas ng main door. Napa-lingon siya doon. Iniluwa ang kanyang Dad.

“Dad, good evening.” Bati niya sa ama.

“What’s good in the evening?” tanong nito. Umupo ito sa sofa at inabot ang remote control ng t.v.

Hindi na maka-hanap si Justin ng sasabihin kaya minabuti na lang niyang magpaalam.

“Akyat na ‘ko Dad.” Paalam niya.

Hindi ito nagsalita.

Bago si Justin pumasok sa kanyang kwarto ay tumigil siya at nag-isip.

“Dapat ko pa bang sabihin kay Dad na wala na si Jonas? Huwag na lang.”

At pinihit na lang niya ang seradura at tuluyan ng pumasok sa kanyang kwarto. Sa loob ng kanyang kwarto, nilatag niya ang kanyang katawan. Hindi niya nagawang magpalit ng damit. Natatamad siya at ramdam niya ang pagod at antok. Hanggang sa makatulog na walang pagpapalit ng damit.
-----

“Kuya, tulong!” humihingi ng tulong sa kanya si Jonas.

Nakita niya sa isang sulok na umiiyak. Pinuntahan niya ito para alamin kung bakit ito humihingi ng tulong ngunit bago siya maka-lapit, bigla itong nawala. Hinanap niya kung saan napunta si Jonas ngunit hindi na niya makita. Lumingon siya sa kanyang likuran at nakita niyang nakalambitin si Jonas sa isang bangin at tanging baging lang ang kinakapitan nito.

Dali-dali niyang iniunat ang kanyang braso para maabot si Jonas ngunit ang layo ni Jonas para maabot niya. Napansin niyang may isang lalaki ang nasa likuran niya at gumaya sa pagkaka-ayos niya.

Iniaabot din nito ang kanyang kamay kay Jonas para tulungan. Nagulat siya nang makitang naabot ng lalaki ang kamay ni Jonas at naiahon sa bangin.

Gusto niyang kausapin si Jonas at ang lalaking tumulong dito ngunit nakita niyang padating ang kanyang ama. Alam niyang pipigilan siya ng kanyang ama na makalapit kay Jonas. Hanggang sa nagpipiglas na nga siya na makawala sa kanyang ama na unti-unting nagiging higante.

Hindi na niya magawa ang makalapit kay Jonas. Tinignan nalang niya si Jonas at ang lalaking tumulong dito. Nang matitigan niya ang mukha ng lalaking tumulong kay Jonas, parang nakikilala niya. Hindi lang niya matandaan kung saan, kailan at paano niya iyon nakikila.
Napa-sigaw siya sa pagtawag kay Jonas ng tumalikod ito kasama ang lalaking pilit niyang inaalala. Lumingon naman sa kanya si Jonas at naka-ngiti ito.

Nagising si Justin na humihingal mula sa pagkakatulog. Hindi lang isang pagkakatulog, binabangungot siya kanina.



[05]
Maka-lipas ang ilang Linggo…

“Sa totoo lang ang gwapo talaga nung bagong bagger, ayon oh.” Itinuro pa ni Sandra sa mga kausap si Jesse na kasalukuyang ipinapasok ang mga items sa isang plastik.

“Oo nga. Lagi ko nga yang sinusulyapan eh.” Sagot naman ng isa.

“Magiging close din kami niyan.” Sabi ni Sandra sabay hagikgik na para bang kinikiliti sa kilig.

“Ikaw pa? Halos lahat naman ng lalaki dito inaakit mo. Kulang nalang pati si guard na pangit iuwi mo sa bahay mo.”

“Manahimik ka ha. Baka mamaya makarating yan doon, maturn-off sa akin.” Saway nito sa kausap.

Biglang dumaan ang isang babaeng may katungkulan. Dahil doon nagbalik sa kanya-kanyang ginagawa ang mga babae.

Abala at siryoso si Jesse sa trabaho niya. Hindi niya alam na pinag-uusapan siya ng mga kapwa manggagawa na nasa bandang cigarettes ang liquor station. Isang linggo na siyang nagtatrabaho sa 3Jsupermarket. Talagang sinisikap niyang mapa-buti ang kanyang performance. Lalo pa at laging may mga matang nagmamasid para masiguradong ang lahat ay gumagawa ng mabuti sa kani-kanilang ginagawa. Pero para doon ay hindi natatakot si Jesse dahil sigurado niya sa kanyang sariling ginagawa niya ang ang best niya.

Nang maka-alis na ang babaeng taga-pagmasid, muling nag-usap ang mga babae kanina.
Tumawa muna ng mahina ang isa bago nagsalita.

“Buti na lang at napansin mo agad si Madam Auring.”

“Ako pa. Eh, kabisado ko na ang tunog ng takong ng babaeng iyon.” Pagyayabang ng isa.

“Basta mamaya, yaya-yain ko yan lalaking yan.” Paninigurado ni Sandra sa mga kausap.

“Sigurado ka? Isasama mo yan sa lakad natin mamaya?” tanong ng isa.

“Oo, madali lang yan.” Sabay tawa ni Sandra. “Tutulungan nyo naman ako di ba?”

“Oo ba. Para meron tayong kasamang body guard na pogi.”

“Hindi noh. Akin lang siya. Hmpt.” Sabay talikod at bumalik sa ginagawa.

“Tignan mo ang babaeng yun. Parang binibiro lang eh.”

“Nag-iinarte lang yan. Halika ka na balik na tayo sa trabaho natin. Baka bumalik pa yung si Madam Auring.”

“Mabuti pa nga.”
-------

Labasan na nila Jesse. Nagulat siya pagka-labas niya ay biglang bumulaga sa kanya ang tatlong babae. Namumukhaan niya ang tatlo lalo pa at naka-suot ito ng unipormeng ka-kulay ng sa kanya.

“Bakit?” nagtataka siya.

“Sama ka sa amin. Diyaan lang malapit.”

“Bakit?” muli niyang tanong. Hindi ma-get ang mga babaeng kaharap. Hindi pa niya ito mga ka-close.

“Basta magugustuhan mo dun.” Sabay hila sa kanya.

Hindi siya natatakot sa mga babaeng iyon pero tumatanggi siya dahil hindi naman niya nakaka-usap simula pa noong magsimula siya. At higit sa lahat hindi niya alam kung saan sila pupunta.

“Teka, san ba tayo pupunta?” tanong niya. Hindi siya maka-wala dahil tatlong babae ang naka-hawak sa kanya.

“Huwag kang mag-alala hindi ka naman mapapahamak.” Nakangiti ang isang babae.

Hindi niya alam kung bakit natangay siya ng tatlong babaeng iyon at napasakay sa isang jeep na ang binabagtas ay salungat sa daan niya pauwi.

Nang maka-upo na sila sa jeep na sinakyan. Nagpakilala na ang mga ka-trabaho niya.

“Ako si Sandra. Dun ako sa Drinks and Beverages naka-pwesto.” Pakilala ni Sandra sa kanya.
Nagpakilala rin ang iba pero natuon ang pansin niya kay Sandra dahil kumpara sa mga kasama nito ang kapal ng make-up nito at halatang flirt.

“San nyo ba ako dadalhin?”

“Dyan lang, malapit na. Magugustuhan mo dun.” Humagikgik ito.

Napa-kunot ang noo niya dahil hindi siya kuntento sa sagot.

Bumaba sila sa isang madilim ngunit bahagyang nagliliwanag na paligid dahil
sa ilaw na kumukutitap. Patay-sindi. Alam niya ang klase ng lugar na iyon dahil may ganun naman din sa probinsya niya dati.

“Halika pasok tayo. Huwag kang mahiya ah. Wala naman papansin sayo diyan eh.” Yaya sa kanya ni Sandra.

Naasiwa siya sa kinikilos ni Sandra. Naka-palupot ang braso nito sa katawan niya.

“Ako ang bahala. Libre kita kasi ako naman ang nagyaya.” Humagikgik uli na para bang naka-inom na.

Hindi siya nagsalita. Sumunod na lamang siya kay Sandra. Wala rin naman siyang magagawa dahil  kapit tuko na ito sa katawan niya.

Napansin niya ang dalawa pa nilang kasamang babae. Enjoy na enjoy sa saliw ng musika. Halatang hindi bago doon ang grupo ni Sandra.

“Matagal na kayo dito no?” tanong ni Jesse kay Sandra nang maka-upo sila sa may table na pabilog sa gilid ng disco bar.

“Oo.” Sagot ni Sandra habang may tinatanaw ito sa paligid. Tila may hinahanap.
Tinawag ni Sandra ang isang waiter para umorder ng maiinom.

“Ano gusto mo?” tanong ni Sandra sa kanya.

“Wala. Hindi ako umiinom.” tanggi niya.

Napa-titig sa kanya si Sandra.

“Sabi ko wala.” Inulit ni Jesse ang sinabi dahil parang hindi naintindihan ni Sandra dahil sa lakas ng tugtog.

“Alam ko narinig ko.” May ibinulong ito sa waiter. “Sus, wag ka nga diyang pa mama’s boy.” Patuloy niya nang maka-alis ang waiter.

“Hindi nga ako umiinom.” ulit niya.

Tumawa ito na parang nanunuya.

“Hindi ako naniniwala.” Umiling-iling ito.

“Hindi nga.” Pagsisiguro ni Jesse.

Muling natigilan si Sandra. “Ay ganun? Ang KJ mo naman.” Umisnid ang mukha nito at tumingin sa mga nagsa-sayaw.

Na-asiwa si Jesse sa katahimikan ni Sandra.

“Sige try ko kaunti lang ah. Uuwi pa ako.”

Bigla itong tumingin sa kanya na bukas na bukas ang mukha sa narinig mula sa kanya.

“Yun na nga ang sinasabi ko eh.” Tumatawa ito. “Madali kang daanin sa kaunting emote.” Nagpakatodo ito sa pag-tawa.

Hindi naman si Jesse na offend sa klase ng tawa nito. Dumating ang waiter na dala nito ang alak na hindi matapang tulad ng iniinom ng karamihan sa loob ng bar na iyon.

“Yan hindi ka dyan malalasing.” Sabi ni Sandra sabay tungga sa bote.

Naiiling si Jesse sa nakikita. Isang babae, ang lakas lumaklak. Siya nga hindi masikmura ang amoy palang.

“Oh ano, ikaw naman.”  Udyok sa kanya ni Sandra nang matapos tumungga.

Napa-ngiwi siya kay Sandra at itinutok ang nguso ng bote sa labi niya. Nang malasan niya ang alak, muntikan na siyang maduwal dahil sa lasa ngunit agad din naman siyang naka-bawi. Hindi lang niya inaasahan na ganoon pala ang lasa noon.

Natatawa sa kanya si Sandra.

Tumakbo ang mga sandali hindi pa rin niya nauubos ang isang bote habang si Sandra ay mauubos na ang pangalawa. Napapansin na rin niya ang pag-iiba ng tono ng pananalita nito. Mas lalong nagiging madaldal kahit malimit lang siyang sumagot.

Napa-tingin si Jesse sa paligid. Hinanap ng kanyang mga mata ang dalawa pang kasama at nakita niya itong may kasama nang lalaki habang sumasyaw.

“Samahan mo nga ako sa banda roon.” Yaya sa kanya ni Sandra.

Napatayo siya mula sa pagkaka-upo nang bahagyang nadulas sa pagkakaupo si Sandra nang iunat nito ang katawan. Inalalayan niya si Sandra. Alam niyang matino pa naman si Sandra pero napilitan na rin siyang sundin ito.

“San mo ba gustong pumunta?” tanong niya.

“Doon sa may c.r.” sabi nito na parang naduduwal.

“Sandali.” Iniayos niya ang pagkakapit kay Sandra. “Halika na.”

Inalalayan ni Jesse si Sandra hanggang sa makapunta sa tapat ng c.r. ng babae.

“Alam mo ang pogi mo.” Sabi ni Sandra sa kanya. Hindi pa nakaka-pasok si Sandra sa loob.

“Ha?” tanging nai-sagot niya.

“Oo, kaya nga niyaya ka namin kasi crush kita. Gusto ka namin makasama. Ay hindi ako lang pala.” Diretsahang sabi nito.

Na-asiwa siya sa diretsahang salaysay nito.

“Sige na pumasok ka na. Hihintayin kita dito.” Pagtataboy niya papasok sa c.r. ng mga babae.

“Hindi- hindi ako dito papasok.”

“Eh saan?" Nagtataka siya.

“Sa kabila.” Sagot nito.

“Sang kabila?” tanong niya at hinanap ang tinutukoy nito. “Dyan? Panlalaki yan.”

“Oo dyan mo ko ipasok. Dali.”

“Panlalaki nga iyan.” Giit niya.

Hindi ito nagsalita bagkus inalis nito ang kamay niya sa katawan nito at naunang pumasok sa c.r. ng lalaki.

“Hoy.” Tawag niya nang mabigla sa ginawa. Ngunit nasa loob na ito.

Wala siyang nagawa kundi sundan nalang ito.

“Ano bng meron sa utak ng babaeng ito? Ganun ba talsga kapag tinamaan na ng ispirtu ng alak. Ang c.r. na panlalaki ay nagiging c.r. ng pambabae?” Napa-buntong hininga siya bago pumasok sa c.r.

Nang maka-pasok siya, laking pasalamat niya na walang tao sa loob ng c.r. Pero ikinabigla niya ng hilahin siya ni Sandra at halikan ng mariin.

Nalasahan niya ang nainom nitong alak. Gusto niyang suwayin ang sarili ngunit nakakaramdam  siya ng kakaibang kasiyahan. Nararamdaman niya ang kamay ni sandra na pababa sa pagkalalaki niya. Hanggang sa dumapo na nga iyon at napa-igtad siya. Ngunit tuloy parin sa paghalik si Sandra kasabay ng paghimas nito sa nabubuhay na niyang alaga.

Naramdaman niyang hinahanap ni Sandra ang zipper ng kanyang pantalon at nang makita ito at ibinaba niya at walang pakundangang ipinasok sa loob ng kanyang kulay itim na slacks ang kamay nito. Nakakaramdam siya ng sensasyon nagpapanginig sa kanyang kaibuturan ngunit muling nagbalik ang kanyang katinuan.

Naitulak niya si Sandra palayo sa kanya.

“Mali ito.” Muli niyang inayos ang sarili.

“Bakit?” parang bata itong lalapit sana sa kanya nang biglang bumukas ang pinto. Isang lalaki ang pumasok at nagulat nang makita si Sandra sa loob ng c.r. ng mga lalaki.

Sa hiya ni Jesse tinungo niya ang pinto at lumabas.

Naiwan si Sandra sa loob ng c.r. Nagkatinginan si Sandra at ang lalaking bagong pasok at nagkaunawaan. Imbes na kay Jesse ibibigay ang init ng katawan, sa bagong pasok na lalaki nalang.

“Bakit kasi sumama pa ako.” Himutok ni Jesse sa sarili habang binabagtas ang daan. Nasa labas na siya ng bar.

Wala siyang makitang masasakyan. At nagbabadya pa ang pagbuhos ng ulan. May dumaang jeep ngunit punuan. Nasundan iyon ngunit  ganun parin. Nabuo sa isip ni Jesse na lakarin ang pinang-gagalingan ng jeep dahil parang may terminal sa banda roon. Ngunit sa patuloy niyang paglalakad lalo lang nagiging madilim ang paligid at ang dumadaan na mga jeep ay puro punuan.

Naramdaman na rin niya ang ambon na tumatama sa kanyang balat.
------

Napansin ni Jonas ang patak ng ulan sa salamin ng kanyang sasakyan.

“Oh oh, uulan kailangan magmadali baka abutan ng baha.” Nasabi niya sa sarili dahil alam niyang bumabaha sa lugar na iyon. Gusto man niyang bilisan ang takbo pero hindi niya magawa dahil marami pang sasakyan na nagkakabuho-buhol sa bahaging iyon. Maari siguro kapag nakalagpas siya sa parting iyon. Kaya hinayaan niya munang magpatakbo ayon sa bilis ng daloy ng kalsada.

Maya-maya pa’y lumalakas na ang buhos ng ulan.

“Ayan na nga ba ang sinasabi ko bro.” parang may kasama siya sa sasakyan kung magsalita. “Kailangan na sigurong mag-over taking teknik.” Natatawa siya sa gusting mangyari.

Ngunit may kalabuan ang gusto niyang mangyari dahil sa mas lalong dumami ang mga sasakyan. Mas lalong bumagal pa ang daloy na halos huminto na ang sasakyan niya. Hanggang sa mapatapat siya sa isang eskinitang alam niyang maaring lusutan ngunit may kalayuan pero sa tinutumbok parin naman niya siya lalabas.

Kahit alanganin, iniliko niya ang sasakyan at tumuloy sa short-cut na nakita.


[06]
"Bumuhos na ang malakas na ulan at hindi pa rin nakakasakay si Jesse. Wala rin siyang masilungan.

“Ang pagkakataon nga naman.” Naiinis siya sa naging panahon. “Bakit ngayon pa?”

Lumingon-lingon siya ngunit wala talaga siyang masilungan. Nagpatuloy nalang siyang maglakad. Napansin na rin niyang wala nang dumadaang sasakyan. Payakap niyang dinala ang bag niya. Di bale nang mabasa siya huwag lang ang laman ng bag niya. Mga importanteng bagay ang naka-lagay doon tulad ng I.D. at ibang mga papel na dapat ingatan.

Malayo-layo na ang nalalakd niya ngunit wala pa rin talgang masakyan at kahit masilungan man lang. Susuko na sana siya ng makita niya ang ilaw na papalapit sa kanya.

Tumigil ang isang sasakyan sa kanyang harapan. Nakita niyang bumukas ang bintana nito at isang istrangherong lalaki ang nakita niya.

“Sakay ka na.” yaya sa kanya ng istrangherong lalaki.

“Huwag na sir, okey lang ho ako.”

“Sige na huwag ka ng mahiya.” Muling anyaya ng lalaki.

“Sir, okey lang talga ako, nakakahiya po talaga kasi.”

“Basang-basa ka na. Maya-maya lang babaha na dito.”

Napa-tingin siya sa paligid. Napansin nga niya ang mabilis na agos ng tubig. Natakot siya.

Binuksan na ng lalaki ang pinto ng passenger seat. Nakita ni Jesse na malinis, maganda at higit sa lahat tuyo ang upuan. Nakakahiya talaga kung tatanggapin niya ang paanyaya.

Kahit hindi nagsasalita si Jesse, naintindihan ng lalaki ang ibig niyang sabihin. Kinuha nito ang isang magazine at inilatag sa upuan.

“Sige na sakay ka na.”

Napilitan na siyang sumakay. Dahil sa takot ding maabutan ng baha. Ingat na ingat siyang huwag sumagi ang katawan at makabasa ng kung ano man. Hindi niya maisandal ang katawan sa sandalan ng upuan.

“Salamat Sir.” Sabi niya ng maka-upo.

“Wala yun, nangangailangan ka ng tulong eh.” Ngumiti ito sa kanya. “San ka ba?”

"Kahit sa kanto nalang Sir. Bsta may masakyan lang po ako.”

Hindi agad sumagot ang lalaki. “Ihahatid na kita sa inyo.” Tumingin ito sa kanya. “Baka hindi ka na pasakayin dahil basing-basa ka na.”

“Ay Sir, huwag na malapit na naman ako pag nakalabas na tayo dito.”

Natawa ito. “Ikaw na ang may sabi, malapit na ang sa inyo. Hayaan mo nang ihatid kita.”

Hindi na siya umimik. Maya-maya ay muli itong nagsalita.

“Sabihin mo sa akin ang daan kapag nakalabas na tayo dito ha?”

“S-sige Sir.” Muntikan pa siyang mawalan ng boses.

Nang makalabas na sila, itinuro na ni Jesse ang daan patungko sa tinutuluyan niya.

Nang ma-gets iyon ng lalaki, nasabi nito sa sariling malapit lang talaga ang bahay nito at tama lang ang daan sa pag-uwi naman nito.

“Dito na lang po ako Sir.” nang mapatapat na ang sasakyan sa harap ng iskinita nila.

“Dito na ba ang sa inyo?” tanong ng lalaki. At pinahinto na nito ang sasakyan.

“Oho.” Sagot niya.

“Teka, paalala ko lang na mukhang magkasing-edad lang tayo, huwag mo na akong pinopo.” natatawa ito.

Nang tumawa ito saka niya lang napansin ang hitsura nito. Agad niyang na-saulo ang features ng mukha nito. Gumanti siya ng ngiti.

“Salamat po ha? Este salamat Sir.” Nagkamali niyang sabi.

Muling natawa ang lalaki.

“Jonas pala.” Pakilala nito at inilahad ang kamay.

Naalangan pa nga siyang abutin ang kamay ng nagpakilalang Jonas dahil alam niyang malamig ang kanyang kamay.

“Jesse.” Sabay ngiti. Nakipagkamay na rin siya. “Sige, maraming salamat Sir.”

Bubuksan na sana niya ang pinto. “Sir, baka gusto mong tumuloy muna sa amin. Bilang ganti naman.” Nakngiti siya.

“Huwag na. Kailangan ko na rin kasing umuwi.” Tanggi ni Jonas. “ Next time nalang kapag naulit.” natawa ito sa mga huling sinabi. Para bang inaasahang mangyayari uli iyon at magkikita silang muli.

Natawa rin siya. “Huwag naman Sir sana.”

“Nagpakilala na ako sayo. Huwag mo na akong tawaging Sir.”

“Sige, J-jonas. Salamat uli.”

“Walang anuman.”

Pagkatapos noon ay lumabas na siya ng kotse at dali-daling tumakbo dahil malakas pa rin ang ulan. Hindi na niya nagawang lumingon pa.

Dali-dali siyang naghubad ng saplot sa katawan ng maka-pasok sa bahay. Alam naman niyang walang tao sa loob ng bahay kaya wala siyang pakialam kahit hindi pa siya nakakapasok ng banyo para magbanlaw. Ayaw niyang magkasakit kahit pa Linggo bukas.
-----

Natutuwa si Jonas dahil isang nangangailangang tao ang natulungan niya. Ika nga count your blessings unto God. Nangingiti siya habang binabagtas ang kanyang pag-uwi.

“Nakakatuwa naman ang lalaking iyon, sa sobrang hiya, eh tinatawag akong sir? Pero sabagay hindi naman niya ako kilala kaya pagbibigay galang.” Natatawa siya sa iniisip. “Pero kahit na, nasobrahan naman kasi. Pino-po  pa ako kahit alam naman niyang magkasing-edad lang kami.”muli siyang natawa.

Mukha na ba akong matanda? Hindi naman. Pero natuwa akong yayain muna sa bahay nila para magkape ah.” doon naglaro ang isip ni Jonas. “Sa totoo lang sayang, kasi baka pakainin na rin ako nun.” Muli naman siyang natawa. “Aba, hindi pa ako kumakain. E di sana, naka-libre na ‘ko. Hindi… joke lang. Hindi naman ako ganung tao.” Para siyang sira na kausapin ang sarili sa pamamagitan ng kanyang isip.

Pagkatapos noon ay pinagpatuloy na niya ang pagmamaneho. Ibinigay na niya ang buong atensyon dahil mas lalong lumakas ang pagbagsak ng ulan.

Ang nasa isip niya ngayon ay masarap matulog dahil malamig. Hindi na niya kailangan na gumamit ng air-conditioner. Mas masarap ang hangin at lamig na natural. Nakikinita na niyang bubuksan niya ang bintana sa kanyang kwarto at hahayaan na umanggi. Natatawa siya sa kanyang naisip.
----

Nagising si Jesse kina-umagahan nang maulinigang dumating na si Marco. Tumayo siya kahit masakit ang katawan. Wala naman siyang sakit pero parang namimigat ang kanayang katawan. Siguro gawa ng paninibago sa unang linggong pagtatrabaho.

“Magandang umaga Marco.” Bati ni Jesse nang maka-labas siya sa kwarto at nakita niyang nasa lamesa ito at may inilalatag na pagkain.

“Gising kana pala? Bakit nagising ba kita?” si Marco.

“Hindi naman. Talagang nagising na ako. Ano ba yang, dala mo?”

“Ah, ito?” ipinakita ni Marco ang supot. “Bumili ako diyan sa kanto ng sopas, pandesal at itong chicken-kari. Nabanguhan kasi ako, kaya naisipan kong umordrer. Tamang-tama hindi na kita gigisingin.”

“Sandali, titignan ko kung may kanin pa.”

Pumunta si Jesse sa kusina, para kumuha ng kanin. Habang sumasandok siya, narinig niyang may kausap si Marco. Wala siyang naririnig na boses ng ibang tao kaya naisip niyang sa cellphone nito ito may kausap.

Bumalik siya nang nakatalikod si Marco sa kanya. Nang mapansing nasa likuranan na siya ni Marco ay biglang lumipat ito ng lugar.

Doon ay nagtaka si Jesse dahil sa ikinilos ni Marco ay parang may itinatago ito. Hinayaan na niya. Hindi na niya pina-gulo ang isip niya sa mga katanungan sa kanyang isip. Ipinag-patuloy nalang niya ang paghahain. Saka na lang siya magtatanong o kaya baka sabihin din naman sa kanya ni Marco.

“Saka bakit naman kailangan kong magtaka sa kanya? Eh, buhay naman iya iyon. Wala naman siguro akong pakialam.”

Maya-maya pa ay bumalik na si Marco.

“Ang tagal ko ba?” tanong ni Marco nang makabalik. Napansin kasi nitong naghihintay na si Jesse sa lamesa habang nakaupo sa bangko.

“Hindi naman.” Naka-ngiti si Jesse.

“Kain na tayo.” Yaya nito.

Kumain sila habang nagkukuwentuhan.

“Kamusta ang isang Linggo mo sa trabaho?” tanong ni Marco.

Napaangat ng mukaha si Jesse at tumingin kay Marco.

“Ok naman, kayang-kaya. Kaya lang parang nanibago ako.” Natatawang sabi ni Jesse ini-angat pa niya ang kanyang balikat para ipakita kung saan ang nananakit sa kanya.

Natawa muna si Marco. Dahil pa nga doon, hindi sinasadyang mabilaukan ito.

“Ganyan talaga sa unang araw, o linggo.” Nang maka-inom. “Ako rin dati nung nag-umpisa akong mag-“ hindi na naituloy ni Marco ang sasabihin dahil umubo ito ng marahan.

Ang napansin ni Jesse, hindi naituloy ni Marco ang sasabihin dahil ayaw na nitong ituloy ang gustong sabihin sana. Ang ginawa nito ay kunwari ay naubo para hindi na maipagpatuloy ang dapat sanang sasabihin. Hindi na niya inungkat iyon.

“Oo nga eh, ganito pala ang pakiramdam ng bago palang sa trabaho.” Sa halip na sagot niya.

“Oh, nakita mo ba dun si ano, si..”

“Si  Jessica?” pagpapatuloy ni Jesse.

“Oo, siya nga.”

“Ayun, cashier. Pero hindi ko siya ka-linya kaya hindi madalas mag-usap. Nagkaka-tanguan lang.”

“Dapat lagi mo yung nilalapitan, para maka-dali ka na.”

“Ano?” natawa at nagulat siya sa paraan nito ng pagsasalita.

Tumawa si Marco. “Dapat.”

“Ang bata ko pa. Saka nagtrabaho ako dito para kay Papa at Mama.”

Tumigil ito sa pagtawa nang marinig ang sinabi ni Jesse.

“Oo, tama ka dun. Dapat nga ganun ang gawin mo.” Pag-sangayon nito.

“Pero maiba ako Marco. Sa susunod na Linggo susweldo na ako. Anong gagawin ko?”

“Ikaw? Kung paano mo gagamitin. Kakasabi mo lang na para sa magulang mo.”

“Oo, pero gusto ko," natigilan mo na siya. "i-treat kita.” Naka-ngiti ito.

“Talaga?” lumaki ang mata nito.

“Oo naman. Bakit? Babayaran pa nga kita eh sa mga nagastos mo sa akin.”

“ay, huwag mo munang isipin yung bayad-bayad. Hindi naman ako naniningil. Pero natuwa ako sa treat.” Tumawa ito ng malakas.

“Sige sa susunod na Linggo ha?”

“Sure na sure ako diyan. Libre eh.”

Nagkatawanan sila.

Patuloy parin silang nag-usap habang kumakain sa ibang topic na nga lang.
Pagkatapos noon ay nagpatunaw ang dalawa at natulog na si Marco. Naiwan si Jesse na nanonood ng t.v. sa maliit nilang sala.
----

“Nagugutom na ako, pero hindi ko alam kung saan ako kakain.” Sabi ni Jonas sa sarili habang nagmamaneho at naghahanap ng makakainan. “Natatamad akong magluto ngayon.”

Nagpaikot-ikot siya sa isang lugar sa halos dalawang area para lang makakita ng magugustuhang pagkain. Minsan bumababa siya ng kanyang sasakyan para pasukin ang isang restaurant pero lumalabas siyang bagsak ang balikat dahil hindi niya type ang klase ng lutuin. Hindi naman dahil sa mahal ng pagkain sadya lang talaga na naghahanap ang kanyang sikmura ng iba.

Bahagya pang nagulat si Jonas nang mapansing binabagtas ang kalsadang patungo sa ayaw niyang puntahan.
----

Kalalabas lang ni Jesse sa trabaho at dumiretso agad siya sa restaurant na kaharap ng pinagtatrabahuan niya. Doon ang usapan nila ni Marco na magkikita. Ngayong araw kasi ang nai-takdang panlilibre ni Jesse sa kaibigan.

Nang makapasok siya, hinanap agad niya si Marco dahil alam niyang mauuna na ito doon.

Napagkasunduan nilang hindi papasok si Marco para mapagbigyan ang gusto ni Jesse na mangyari.

Pero sakanyang paghahanap, walang Marco siyang nakikita.

“Dapat naandito na siya.” Tanong niya sa sarili. “Sabi niya bago mag 7 dadating na siya. Bakit wala pa?” nagtataka siya.

Minabuti niyang umupo muna sa isang table na sa harapan kung saan makikita niya ang labas.

Pinagmasdan niya ang unti-unting pagsasara ng 3Jsupermarket. Marami pa roong mga empleyado. Ang mga katulad niyang bagger ay mga nauuna ng lumabas.

Halos mga kalahating oras na siyang naghihintay sa loob ng restaurant na iyon. Pero wala paring Marco ang nagpaparamdam. Muli siyang nagpalinga-linga pero wala talaga.

“Bigla yatang dumami ang tao.” Tanong niya sa sarili nang mapansing halos wala nang bakanteng upuan.

Muling lumapit ang waiter. “Sir, oorder na po ba kayo?”

“Maya-maya na lang kasi may hinihintay pa ako.”

Napakamot sa ulo ang waiter dahil sa totoo lang pangatlo na niyang balik iyon.
----

May nakita na si Jonas na restaurant. Alam niyang hindi mamahalin ang inihahanda roon pero parang nagustuhan niyang doon nalang tumuloy. Nag-park siya sa may bandang gilid ng parking lot para wala masyadong maka-pansin sa kanyang kotse. Mahirap nang makarnap.

Nang makababa diretso agad siya sa loob ng restaurant. Ayaw na rin niyang maghanap ng iba.

Bahala na kung ano ang pagkain meron sa loob.
Naghanap siya ng maaring mapag-pwestuhan ngunit parang wala siyang maupuan. Ayaw niya rin doon sa may bandang harapan kung tanaw ang labas at kalsada. Pero yun lang ang maari niyang maupuan.

Wala na siyang magawa kundi doon nalang pumwesto. Hinila na niya ang kanyang sarili sa pwestong iyon.

“Excuse me Sir. Pwede b-?” hindi naituloy ni Jonas ang sasabihin ng humarap ang lalaking umuukupa ng kabilang side ng table. Nanlaki ang mata niya ng makilala kung sino ang lalaking yun. Nakita ng dalawa niyang mata na hindi lang pala siya ang nagulat nang magtagpo ang kanilang mga mata.



[07]
"Ikaw?" nanlaki rin ang mata ni Jesse sa gulat nang ang malingunan ay si Jonas. Akala niya na ang nagsalita sa kanya ay si Marco kaya siya napa-lingon. "Sir upo ka." sabi niya nang makapag-salita.

" Teka, naka-sir ka na naman eh." natatawa na si Jonas sa reakyon ni Jesse.

"Ay mali. Oo nga pala." nang maisip ang nasabi. "Sige J-jonas, tama di ba? Upo ka." anyaya niya na muntikan pa niyang makalimutan ang pangalan nito.

"Sige upo na ako dito ha?"

"Welcome."

"Bakit naandito ka?" tanong ni Jonas nang maka-upo.

"H-ha?" parang nagulat pa si Jesse sa tanong. "Mmm ano eh-" parang hindi niya masabi ang dahilan kung bakit siya naroon.

"Anong ano eh? Hindi mo maituloy ang sasabihin mo? bawal bang malaman?" sunod-sunod na tanong ni Jonas sa kanya.

"Hindi naman. Kasi may hinihintay ako."

"Ganun ba? So... kailangan ko bang umalis dito sa pwesto ko?"

"Hindi. Okey lang, paalis na rin kasi ako. Hindi na yata dadating yung hinihintay ko."

"Ah ganoon ba? Bakit may ka-date ka ba?"

"Ka-date?" nabigla si Jesse sa tanong ni Jonas. "Hindi. Dapat magkikita kami ng kaibigan ko dito tapos kakain. Sana..."

"Ah, kaya pala." napa-tango si Jonas. "Talaga bang hindi na siya dadating?"

"Mukhang hindi na kaya balak ko na dapat umalis." nag sinasabi ito ni Jesse ay napa-tingin ito sa labas.

Napa-tahimik si Jonas. Para siyang nakakaramdam ng lungkot para kay Jesse.

Maya-maya ay muling tumingin si Jesse kay Jonas.

"Ikaw bakit ka narito?" tanong ni Jesse.

"A-ako?" napatigil ito. At tumingin sa labas. "May sinisilayan." biglang tumawa sa ginawang pag-sisinungaling.

Parang naguluhan si Jesse sa sinabi ni Jonas sa ginawi nitong pagtawa.

"Sino ang sinisilayan mo?" naka-kunot ang noo ni Jesse nang magtanong pero nakangiti.

"Ayun oh." inginuso ni Jonas ang babaeng patawid sa labas.

"Si Jessica?" gulat ni Jesse nang makilala kung sino ang tinutukoy nito.

"Jessica ba ang pangalan niya?"

"Oo. Bakit hindi mo ba kilala?"

"Ganoon na nga." ngumiti ito. "Bakit mo siya kilala?"

Hindi agad sumagot si Jesse mataman itong tumingin sa kausap.

"Ka-trabaho ko siya."

Biglang napa-tingin si Jonas sa suot na uniporme ni Jesse. Magkapareho sila ng babae. Bakit ba hindi niya iyon napansin kanina.

"Ay, oo nga. Bakit hindi ko napansin iyon?" natampal ni Jonas ang noo at tumawa ng marahan.

"Ah... Jonas, mukhang hindi na dadating yung kasama ko, kaya aalis na lang ako." paalam sana ni Jesse.

"Bakit naman."

Hindi kumibo si Jesse.

"Sabayan mo nalang akong kumain kaya?" sabi ni Jonas na para bang nalungkot na mawawalan ng kausap.

Napa-mulagat ng tingin si Jesse kay Jonas nang marinig nito ang paanyaya. Hindi  niya inaasahang yayayain ng kausap.

"Teka, di ba tinulungan mo ako?" si Jesse nang maka-bawi sa pag-iisip.

"Mmm Yup. Bakit?" tanong ni Jonas.

"Sige ililibre na lang kita. Bawi ko sayo." naka-ngiti nang sinabi ito ni Jesse.

"Oh talaga?" natuwa ang kausap.

Nang masabi iyon ni Jonas ang pumasok sa isipan ni Jesse ay si Marco. Parang ganoon din ang reaksyon nito nang malamang ililibre niya ito.

"Di bale na nga lang uuwian ko na lang siya. Bakit kasi wala siya." sa isip ni Jesse nang manghinayang na wala si Marco.

"Oh, bakit ka biglang natahimik?" tanong ni Jonas.

"H-ha? Ganoon ba? Kasi, naisip ko si Marco." pag-amin ni Jesse.

"Marco pala pangalan ng dapat na ka-date mo."

Iba ang pagkakaintindi ni Jesse. "Hndi. Mali ka sa iniisip mo. Kaibigan ko lang iyon." depensa niya.

"Bakit? Wala naman akong iniisip na iba?" nagtataka ito sa tinuran niya.

Bigla siyang napa-isip. Bakit nga ba siya naging defensive, wala rin naman sa tono nito ang may ibig sabihin.

"Pasensiya na sa pagiging defensive ko." paumanhin ni Jesse.

Natawa si Jonas pero hindi nakaka-insulto. "Wala iyon. Ano? kain na tayo?" tanong nito.

"Sige." naka-ngiti na muli si Jesse.

Si Jonas ang tumawag ng waiter.

Hindi naman nag-aalala si Jesse na mapa-subo. Alam naman niyang mura lang ang presyo ng bawat putahe sa restaurant na iyon.

"Marunong naman siguro itong maki-ramdam?" ang tinutukoy ni Jesse ay ang pag-order nang marami.

"Order ka lang. Huwag kang mahiya."

Lihim na nagulat si Jesse sa sinabing ito ni Jonas. Bakit parang siya pa ang inalok. Siya nga itong manlilibre.

"Damihan mo ang kain ha? Minsan lang ito." muling salita ni Jonas habang tumitingin sa menu.

Muntikan nang manlaki ang mata ni Jesse.

"At parang mali ako sa naisip ko ah? Malakas yata itong kumain?" lihim na tanong ni Jesse sa sarili.

"Ano naka-pili ka na ba?" si Jonas uli nang masabi na nito ang mga inorder sa waiter.

Narinig ni Jesse ang mga inorder nito. Hindi lang isa kundi tatlo yatang putahe ang inorder nito o higit pa kung hindi siya nagkakamali.

"Saglit." at tumingin si Jesse para maka-pili nang oorderin.

"Bakit yun lang?" tanong ni Jonas kay Jesse nang masabi na nito ang order sa waiter. "Minsan mo na nga lang akong makasama."

Nagbibiro si JOnas. Yun ang pumasok sa isip ni Jesse sa mga sinabi nito sa huli. Nakita ni Jesse na muling kinuha ni Jonas ang menu. Umorder pa ito ng ibang putahe.

Gulat na gulat na si Jesse sa mga narinig na inorder nito. Ang dami at mukhang kahit lalaki sila na malalakas kumain ay imposible na yatang maubos nila ang inorder ni Jonas.

"Kaya ba nating ubusin yun?" tanong ni Jesse pag alis nang waiter na ngingiti-ngiti sa dami ng inorder.

"Nagugutom na talaga ako. Huwag kang mag-alala hati tayo sa bayad." tumawa ito.

Wala sa huling sinabi nito ang nasa isip ni Jesse kundi kung gaano kadami ang inorder nila.

"Teka. Nice meeting you pala." si JOnas.

Napa-maang siya. Oo nga pala sa hinaba -haba ng sandali ngayon lang pala sila nagbatian ng pormal.

"Ganoon din sayo." ganti ni Jesse.

Habang hinihintay ang pagdating ng mga pagkain nag-usap sila.

"Kelan mo pa nakilala si Jessica at bakit inaabangan mo siya eh hindi mo naman kilala?" tanong ni Jesse.

Hindi agad nakasagot si Jonas. Ayaw  ni Jonas na mahalatang nagsisinungaling.

"Nakita ko lang siya minsan. Dito rin, tapos nagandahan ako sa kanya. Ayun... kaya try ko na baka makita ko uli siya dito."

Napa-tango si Jesse nang maintindihan kung bakit. Tingin naman niya kay Jonas ay mabait ito. Lalo pa at naranasan na niya ang kabaitan nito.

"Mmm mukhang bagay naman sila." sa isip ni Jesse.

"Hoy, natutulala ka diyan? Padating na ang pagkain."

"Sorry." paumanhin agad niya.

"Bakit?"

"W-wala naman. Kain na tayo." yaya niya para maiba ang usapan. "Kung ano-ano kasi angmga iniisip ko."

"Yup. Namnamin ang sarap ah." naka-ngiti na naman ito habang nagsasalita.

Kitang-kita ni Jesse ang magagandang ngipin nito. Lalo pa at mapupula ang mga labi nito. Halatang-halata dahil sa maputi nitong kulay.

"Bakit mo ako tinititigan ha?" si Jonas habang abala sa paghahain sa sarili.

"Ang balat, este ang sarap ng balat." hindi alam ni Jesse kung paano mag-aalibi.

"Balat ng ano?" nagtataka ang kausap.

Pasimpleng naghanap siya ng pagkaing may balat.

"Yan. Tama! Yang fried fish. Masyadong toasted eh. Paborito ko pa naman." pero hindi pa si Jesse naka-hinga ng maluwag. "Ano ba yun? Hindi nga ako mahilig sa sunog. Di bale na, hindi naman masyadong toasted eh."

"Ito ba?" tinuro ni Jonas ang fried fish. "Paborito mo pala ang ganito ha?"

Nagulat si Jesse nang ilapat ni Jonas ang hawak niyang tinidor at kutsara sa fried fish para sandukin at dalhin sa kanyang plato. "Yan. Sige para sayo yan hindi ako makikihati." ngumiti na naman ito.

Pasimpleng naitikom ni Jesse ang kanyang mga labi ng mariin. Parang gusto niyang malusaw sa kinauupuan.
"Yan ang napapala ng kung ano-ano ang iniisip. Ay mali, ayoko na palang mag-isip ng kung ano-ano." sinaway rin niya ang sarili. "Salamat." gumanti siya ng ngiti.

Hindi na siya umimik ng pagkatapos noon. Buti nalang at nakisimpatya ang sandali at hindi rin siya kinikibo ni Jonas. Panay ang ngiti lang nito sa kanya kapag nalalasahan ng mabuti ang kinakain.

"Sarap" si JOnas.
-----

"Nabusog talaga ako. Kahit mura lang ang pagkain dito, hindi nawawala ang quality." napatingin si Jonas sa paligid. "Kaya siguro maraming kumakain dito. Tignan mo."

Napatingin na rin si Jesse sa paligid na tinutukoy nito. "Oo nga." pagsang-ayon niya.

"Sandali lang ha?" paalam sandali ni Jonas.

Tumango lang siya sa pag-aakalang magpupunta lamang sa c.r. Pero nang sundan niya ito ng tingin ay nakita niya itong padukot ang kamay sa bulsa at patungo kung saan maaring magbayad. Biglang napa-unat si Jesse sa pagkakasandal sa upuan.

Hinintay niyang magbalik si Jonas.

"Anong ginawa mo doon?" tanong niya nang maka-balik si Jonas.

"Nagbayad."

"Bakit hindi mo sinabi?"

"Wala lang."

"Paanong wala lang."

Hindi kaagad ito nagsalita. "Naisip ko lang kasi. Kung babawasan mo yang pera mo, baka hindi mo na mailibre yung si- si ano..." hindi maalala ni Jonas ang pangalan ng dapat na kasama ngayon ni Jesse. "Yung kaibigan mo na lang." sabay tawa ito.


Napa-kunot ang noo niya. "E di, ako na naman." ang tinutukoy ni Jesse ang pagiging nalibre.

Natawa ito. "Huwag mo isipin ang ganoon."

"Nakakahiya. Ang dami nating kinain tapos sinolo mo lang ang pagbabayad."

"Huwag mo nga isipin ang ganoon."

"Paano yan? Kailan na naman ako babawi?"

"Ang ibig sabihin lang noon, magkikita pa tayo."

Nanlaki ang mata ni Jesse sa narinig kay Jonas. "Magkikita pa kami? Bakit nga naman hindi. Mukha naman talagang mabait. Baka mamaya sinusundan talaga ako nito. Tigilan mo nga yang iniisip mo nanaman. Bakit ka naman niyan susundan, mayaman ka ba? Feeling."

"Nag-iisip ka na naman ng kung ano-ano." napansin kasi na naman ni Jonas. "Tapos sasabihin mo wala lang."

"Sorry Jonas. Nakaka-hiya lang talaga."

"Uulit na naman ako?" bahagya pang umikot ang mata ni Jonas. Halatang nagbibiro.

Natawa siya doon.

"Diretso ka na ba ng uwi niyan?" kapagdaka ay tanong ni Jonas.

"Oo."

"Hahatid na rin kita."

"Sobra ka na niyan ha?"

"Ganun din naman. Madadaanan ko ang sa lugar niyo."

Wala na siyang nagawa kundi ang sumunod na lang sa gusto nito.

"Ok ka na ba?" tanong ni Jesse.

Tumango ito. "Alis na tayo?"

"Kung Ok ka na?"

"Oo naman. Sige, tara na."

Na unang lumabas si Jonas at sumunod si Jesse. At dahil nauna si Jonas, pinagbuksan pa niya si Jesse ng pinto.

"Salamat." nang mapatapat siya kay Jonas.

Dali-dali namang umikot si Jonas para makapunta sa driver seat. Maya-maya pa ay narinig na kapwa ang ugong ng sasakyan na panimula para sa pagtakbo nito.

"Hindi ko napansin noong una, yung una tayong nagkita na doon ka pala sa supermarket na iyon nagtatrabaho." pahayag ni Jonas nang umaandar na ang kotse.

"Ganoon ba? Mmm bakit parang alam na alam mo yung supermarket na iyon?"

"Ha? Wala naman. Lagi ko lang nadadaanan."

"Di ba sabi mo si Jessica ang pinunta mo roon. Gusto mong masilayan?"

"Oo. Kaya isa yun kung bakit alam ko yung pinagtatrabahuan mo."

Hindi sumagot si Jesse. Tumango lang siya. Pero maya-maya may naisip si Jesse na maitatanong.

"Matanong ko lang. Ikaw? Ano ang trabaho mo?"

"A-ko? Ano- janitor." halos mamilipit ang dila ni Jonas kung ano ang isasagot. Paano wala naman siiyang trabaho sa ngayon at gusto niyang may maisagot na trabaho.

"Janitor?" gulat si Jesse sa narinig. "Imposible ka. De-kotse, janitor?"

Tumawa ito. "Biro lang." pagtatapat ni Jonas. "Ano. Employee ako ng isang kumpanya dito."

Tinangap na ni Jesse ang sagot dahil hindi na nakakagulat ang ibinigay na trabaho nito.

Muli silang natahimik. Walang imikan hanggang mapa-tapat na ang sasakyan sa iskinita nila Jesse.

"Baka gusto mong mag-kape muna sa bahay o kung ano man ang gustong gawin." malugod na paanyaya ni Jesse.

Tumingin-tingin muna si Jonas sa paligid. Dahil doon napatingin din si Jesse sa kung ano man ang tinitignan nito.

"Bakit?" tanong ni Jesse.

"Ang dilim kasi dito sa inyo. Nakakatakot." paliwanag ni Jonas.

"Ah. Na-get ko. Sa totoo lang bago lang rin ako dito kaya di ko masyadong gamay ang mga tao rito."

"Siguro next time na lang at salamat na lang rin."

"Pasensiya na. Paano yan hindi ko alam kung paano ako makakabawi."

"Wala yun. May next time pa naman."

"May next time talaga?"

"Bakit ayaw mo na ba akong makita?" natawa ito.

"Hindi naman. Nag-aalala lang ako sa next time." sabay tawa rin ni Jesse.

Na-gets ni Jonas ang ibig sabihin ni Jesse.

"Wag kang mag-alala kung sakali man na mag-kita uli tayo. Sisiguraduhin kong ako na ang ililibre mo. Ok?"

Tumawa lang si Jesse at naki-sabay si Jonas.

"Sa totoo lang kahit hindi naman talaga tayo magkakilala before, na-appreciate kita agad. Pwede bang pormal na tayong maging magkaibigan?"

"Siyempre naman." sang-ayon ni Jesse.

At inilahad ni Jonas ang kanyang kamay kay Jesse. Nagkamay sila bilang tanda ng simula ng kanilang pagkakaibigan.

"Freinds?"

"Friends." sagot ni Jesse.

Pagkatapos noon ay nag-paalam na si Jesse kay Jonas at bumaba ng sasakyan.


[08]
Binabagtas na ni Jesse ang madilim na iskinita pauwi nang maalalang papasalubungan na lang niya si Marco. Nang mapa-tapat siya sa pintuan agad niyang napansin na naka-kandado ang pinto.

"Ibig sabihin umalis si Marco. Pero saan naman siya pumunta?" ang tanong niya sa kanyang sarili habang binubuksan ang pinto. "Baka pumasok. Pero nangako siyang hindi papasok sa trabaho?" naguguluhan talaga siya.

Madilim na paligid ang bumulaga sa kanya nang mabuksan ang pinto. Kinapa niya ang switch ng ilaw para magliwanag. Hinagis niya ang dalang bag sa kawayang sofa at umupo pasalampak dahil sa nararamdamang pagod. Inaantok na siya. Nagtanong sa kanyang isipan kung ano kaya ang nangyari kay Marco.

Nagtuloy siya sa sarili niyang kwarto para duon magpatuloy ng pagpapahinga. Naghubad siya ng kanyang uniporme at nagsuot ng sando.  Hinayaan na lang niyang walang suot pang ibaba maliban sa kanyang suot na brief.

Pagkahigang-pagkahiga, naalala ni Jesse ang hindi inaasahang pangyayari kanina sa isang restaurant sa harap ng kanyang pinag-tatrabahuan.

"Ang bait ni Jonas. Hindi ko talaga inaasahan ang kanina. Nagulat talaga ako nang makita ko siya. Akalain mo yun isang linggo na ang nakakalipas nang makisabay ako sa kotse niya dahil malakas ang ulan... tapos heto, muli kaming nagkita. Nakakatawa talaga. At hindi lang iyon, nakakahiyang ako pa ang inilibre sa halip ako ang gumanti ng aking pasasalamat. Kailan kaya kami muling magkikita?"

Naipikit ni Jesse ang kanyang mga mata pagkatapos noon. Hindi niya namalayang sa pagbabalik-tanaw niya ay naka-tulog na pala siya.
-----

Kanina pa laman ng isip ni Jonas si Jesse na bago niyang kaibigan. Sa daan pa lang, habang nagmamaneho siya ng kanyang sasakyan ay palagi na siyang nangi-ngiti habang inaalala ang hindi inaasahang pagkikita nilang dalawa. Natutuwa siya kay Jesse dahil habang kaharap at kausap niya ito kanina ay palaging natutulala ito.

Iyon ang pinagtataka niya kung ano ang iniisip ni Jesse habang naka-titig sa kanya. Hindi naman siya nakaramdam ng pagka-insulto o takot na baka nag-iisip na ito ng hindi maganda sa kanya. Natutuwa pa nga siya sa kakatwang ikinikilos ni Jesse.

Sa totoo lang nasasayahan siya kapag kausap niya si Jesse. Parang laging ang lalim ng iniisip. Kapag nagsalita naman, expected naman ang mga salitang binibitawan.

Pero ang higit sa lahat, ramdam niyang hindi masamang tao si Jesse. Kitang-kita kay Jesse ang pagiging mabait na tao. Kaya kahit sa saglit na pagkakakilanlan eh, nagawa niya agad magtiwala.

Naipasok na ni Jonas ang kanyang sasakyan at bumaba para muling isarado ang gate ng bahay pero ang ngiti kanina pa ay hindi nawawala.

Dire-diretso si Jonas sa kwarto at naghubad. Naka-sanayan na niyang kada-umuuwi ay naglilinis ng katawan. Pumasok siya sa banyo sa loob mismo ng kanyang kwarto. Sa labas niyon ay kitang-kita ng paligid ng kwarto si Jonas kung paano nagpakasaya sa buhos ng tubig sa kanyang katawan.
----

Palabas na si Jesse sa bahay para pumasok nang mabungaran niya si Marco sa harap ng pinto. Napansin niya ang pamumula nito. Halatang nakainom ngunit nasa katinuan pa.

"San ka galing?" tanong agad ni Jesse.

"Ha? Sa trabaho. Tinawagan kasi ako." sagot nito.

"Ganoon ba?"

Tinangka na ni Marco na pumasok ngunit muntikan na itong mabuwal.

"Teka, aalalayan kita. Parang hindi mo kaya." salo ni Jesse sa kanya.

"Hindi. Medyo nagdilim lang ang paningin ko nang magbaba ako ng tingin." katwiran ni Marco.

"Bakit kasi dito pa tayo nag-uusap sa labas." sisi ni Jesse.

Natawa si Marco. "Ewan ko sayo. Nakaharang ka sa daan eh."

"Ayun na nga eh." natawa na rin siya.

Nang nasa sala na sila ay saka muling nagsalita si Marco.

"Sige na pumasok ka na, baka ma-late ka pa."

"Sigurado ka bang kaya mo?"

"Oo naman. Tsaka pasensya na."

"Wala yun." naintindihan ni Jesse kung bakit ito humingi ng pasensya. "Naiintindihan ko kaya lang nagtaka lang talaga ako kagabi."

"Pasensya na talaga hindi ko inaasahang tatawagan ako. Kailangan kasi ako ni Bossing."

"Next time na lang."

"Oo ba."

"Sige papasok na ako. May pagkain na doon. Kain ka na muna bago magpahinga."

Pagkatapos noon ay nagpaalam na si Jesse.

Naiwan si Marco na sumasakit ang ulo dahil sa nainom. Gusto niyang magtimpla ng kape.
-----

Nagmamadaling lumabas si Jonas ng bahay at dahil doon ng ilang beses na nahulog ang susi ng sasakyan. Pinaandar niya ang sasakyan. Bigla niyang naalalang sarado pa pala ang gate.

"Shit, ang tanga ko naman." pagalit niya sa sarili.

Dali- dali siyang bumaba para buksan iyon. Muli siyang sumakay sa kotse na patuloy ang makina sa pagtakbo. Nang mailabas ang sasakyan muling bumaba at isinara ang gate.

Muli na naman siyang sumakay sa kanyang kotse. Doon, saka niya lang naibulalas ang inis.
Ramdam niya ang hirap ng nag-iisa.


"Sa paglabas pa lang ng sasakyan hirap na ako. Paano na yan?"

Plano niyang magpunta sa opisina ng kanyang ninong. Binagtas niya ang daan patungo roon para humingi ng pabor.

Napa-tingala siya sa taas ng building kung saan naroon ang kanyang sadya. Idineretso na niya sa parking lot ang kanyang sasakyan. Sinimulan na niyang tunguhin ang opisina ng kanyang ninong.

Nasa elevator pa lang siya ay kung ano-ano na ang ini-expect niyang gustong mangyari. Hanggang sa magbukas ang pinto ng elevator sa 34th floor ng building, ay naka-silay na agad sa mga labi ang ngiti. Gusto niyang maganda ang dating niya pag nakita ng kanyang ninong.

Tinungo niya ang desk ng secretary sa labas ng office.

"Miss, si ninong busy?" tanong ni Jonas sa sekretaryang naka-yuko dahil abala sa harapan ng loptop nito.

"Sir Jonas?" paimpit na tili ng sekretarya. "Wala, walang ginagawa si Mr. Robledo."

"Ganun ba? So, maari na ba akong pumasok?"

"Wait lang Sir, ipapaalam ko lang sa kanya na narito kayo." tumalikod ang sekretaryang nagpapa-cute.

Lihim na natawa doon si Jonas. Mabilis lang rin naman ang pagbabalik nito. At tulad ng dati, nagpapa-cute parin ito.

"Okey na Sir Jonas."

"Salamat."

Pumasok na siya sa opisina ng kanyang ninong.

"Ninong." tawag niyang may kasabikan.

"Jonas. Kamusta ka na?"

"Ito, nangangailangan na naman."

"Bakit ba kapag may kailangan ka ako lagi ang nakikita mo?" natatawang sabi ng kanyang ninong.

"Siyempre kayo na ang tinuturing kong Dad. Alam mo na naman yun eh."

"Oo naman, pero ano naman ang sadya mo ngayon?"

"Ninong baka pwede mo akong bigyan ng trabaho dito sa kumpanya mo?"

"Ano?" nagulat ang kanyang ninong sa sadya nito. "Bakit dito ka naghahanap ng trabaho? "

"Gusto ko kasing magkatrabaho." parang bata siyang humihingi ng pahintulot sa magulang.

"Anong trabaho? Wala namang hinahanap na bagong empleyado ang kumpanya."

"Kahit ano ninong. Okey lang sa akin."

"Hindi naman ata magandang tignan iyon Jonas? Kilala ka dito, ano na lang ang sasabihin ni Ramon niyan pag nalamang naandito ka at nagtatrabaho kasama ng ordinaryong empleyado."

"Ninong alam mo namang walang pakialam sa akin si Dad eh."

"Kahit na. Ako, ayokong makita kitang nagtatrabaho sa ganoon. Bakit ba kasi? Bakit hindi ka lang mag-tayo ng business mo? Im sure hindi mo naman naubos sa kaka-gala mo ang iniwan sayo ng iyong tunay na ama?"

"Yes ninong pero ang gusto simpleng trabaho. Ayoko magtayo ng business."

Natahimik ang ninong niya sa narinig mula sa kanya.

"Kung ganoon lang pala ang gusto mong mangyari sa buhay mo, bakit hindi ka sa kuya mo humingi ng trabaho? Kabi-kabila na ang pinatatayo."

"Hindi naman papayag yun."

"Jonas." parang hindi alam ng ninong niya kung paano pagpapaliwanagan siya. "Sa ngayon wala pa akong kailangang bagong empleyado." ang nasabi na lang.

"Ninong?" may katuwaan sa tono ng boses ni Jonas.

"Maghintay ka na lang."

Saglit na natahimik si Jonas at nag-isip.

"Sige pero bilisan mo. Baka hindi na ako makapaghintay." sabay tawa.

"Ang bata 'tong talaga. Alam na hindi ko siya matitiis."

"Alam na alam ko talaga iyon. Ninong huwag mong sasabihin kay kuya na pumunta ako dito at humihingi ng tulong."

"Oo na alam ko."

"Salamat." nayakap niya ang ninong niya dahil doon.

Bigla na lang may dinamdam ang kanyang ninong sa may dibdib.

"Jonas, iho. Paki-kuha mo nga muna yung gamot ko sa drawer."

"Sang drawer ninong?"

Itinuro ng ninong niya ang drawer sa kabilang side.

"Sige ninong." pina-upo muna niya sa swivel chair nito ang kanyang ninong.

Nang makuha na niya, iniabot niya ito sa matanda at kumuha ng tubig. Nang maka-inom ang matanda, maya-maya lamang ay nawala na ang iniinda nitong sakit.

"Ninong bakit nangyari iyon sa inyo? Anong sakit ninyo?"

"Ganoon lang talaga ang matatanda na Jonas." sabay tawa ito.

"Ninong?" ayaw ni Jonas ang sagot ng ninong niya.

"Huwag mo akong intindihin bata ka. Sige na, ano pa ba ang kailangan mo?"

"Wala na po."

"Kung ganoon, ipagpapatuloy ko nang ayusin yang mga papeles sa lamesa ko."

"Sigurado ba kayong okey na kayo?"

"Oo naman. Tatawagin ko naman ang sekretarya ko."

"Sige po. Aalis na ako. Basta ang promise ninong?" paalala ni Jonas.

"Hindi ako nag-promise." nagbibiro ang matanda.

Pero nagtuloy na sa pagtalikod si Jonas. Hinatid na lang siya ng matanda ng ngiti.

Sa paglabas ni Jonas pinaalalahanan niya ang sekretaryang magbantay sa karamdaman ng boss niya.

Lumabas si Jonas sa building na iyon na nag-aalala para sa kanyang ninong. Ngayon nya lang ito nakitang nag-inda ng sakit. Biglang kumabog ang kanyang dibdib. Kinabahan siya ng wala sa oras. Alam niyang hindi iyon para sa kanyang ninong kundi sa ibang bagay.

Naisipan niyang magpunta sa isang kilalang drug store. Bibili siya ng gamot.
-----

"Jesse." tawag ni Jessica nang magtanghali.

Lumingon si Jesse kung saan nagmula ang pagtawag sa kanyang pangalan.

"Bakit?" tanong ni Jesse nang makita si Jessica.

"San ka kakain?"

"Sa karenderia diyan malapit."

"Pa-sabay ako."

"Wala kang baon?"

"Oo. Tinanghali kasi ako ng gising eh."

"First time mong sumabay sa akin ha." natuwa doon si Jesse.

"Oo nga eh."

"Tara."


"Alam mo masarap ang pagkain dito. Sigurado ako mawiwili kang kumain dito." sabi ni Jesse nang mapatapat na sila sa karendiriang tinutukoy niya kanina.

"Talaga?"

"Oo. Ikaw kasi. Ayaw mong sumabay. Eh ano naman kung hindi ka bibili."

"Nahihiya kasi akong maki-sabay sa  inyo tapos ang ulam ko minsan tinapa."

"Masarap kaya yun. May tinda rin namang tinapa diyan. Malay ba nila kung saan mo binili yun."

"Sige try ko ng sumabay sayo sa tanghalian."

"Yun. Nakaka-boring kasi pag nag-iisa ka lang kumakain."

"Ganoon? Kaya pala nung una pilit mo akong niyayaya ha?" tumawa itong parang nanunuya.

"Hindi naman."

"Eh bakit hindi ka maki-sabay sa iba?"

"Wala lang."

"Tignan mo 'to. Ako halos hilahin mo noong nakaraang linggo tapos sa iba pala ayaw maki-sabay."

Natawa lang si Jesse.

Natigil ang usapan nila nang pumupili na sila ng ulam. Nang makapili na sila, sinabihan ni Jesse si Jessica na mauna sa table kung saan sila pupwesto para hindi sila maubusan dahil sunod-sunod na ang pagpasok ng mga tao para kumain.

"Halika kain na tayo." bungad ni Jesse nang makarating sa pwesto nila.

"Sige." tinulungan ni Jessica si Jesse sa paglipat ng laman ng tray sa lamesa. "Share tayo sa ulam ko ha?"

"Sige."

"Alam mo Jesse. Nagyon lang uli tayo nag-usap no? Pagkatapos nang pilitin mo akong sumabay sa yo sa pag-kain hindi na tayo madalas makapag-usap."

"Ganoon ba?" at inalala ni Jesse ang nakaraan. "Oo, isang sobra na sa isang Linggo."

Sinimulan na nila ang pagsubo.

"Masaya ka sa trabaho natin?" maya-maya ay tanong ni Jessica.

"Oo naman. Bakit mo naitanong?" nagtaka si Jesse.

"Kasi. Sa totoo lang snob yung mga ibang babae sa akin. Ramdam ko."

"Wag mo silang intindihin. Hindi naman sila ang magbibigay ng sweldo mo."

Natawa si Jessica sa sinabing iyon ni Jesse. Tumahimik na lang siya at nagpatuloy sa pagkain.
-----

Pagkatapos bumili ng gamot ni Jonas sa kilalang drug store, ay nagpa-ikot-ikot ito sa isang mall na malapit lang sa kumpanya ng ninong niya. Gusto niyang magpalipas ng oras. Wala naman siyang matipuhan bilhin kaya nag-gala lang siya doon. Doon na rin siya inabot ng gustom.

Kahit nakakain na, hindi pa rin alam ni Jonas ang gustong gawin. Nababagot talaga siya. Nagpunta siya sa movie theatre pero wala naman siyang magustuhang bagong pelikula para doon mag-aksaya ng oras. Minabuti nalang niyang magbalik sa sasakyan.

Sa loob ng sasakyan, hindi naman niya mapaandar ito. May kung anong pumupigil sa kanyang katawan para paandarin ang makina nito. Parang meron siyang gustong gawin na hindi niya matumbok kung ano iyon.

Naisip niyang umuwi na lang pero hindi naman sumasang-ayon ang katawan niya.

Maya-maya ay napa-andar na rin niya ang  kanyang sasakyan.

Nasa daan na siya. Ma-traffic na naman. Bigla niyang napansin ang iskinitang pinasukan niya dati. Kung saan hindi inaasahang nakita niya ang isang lalaking basang-basa na sa ulan dahil walang masakyan. Si Jesse ang tinutukoy niya. Ang bago niyang kaibigan.

Napa-ngiti siya nang maalala iyon.

"Akalain mo nga naman." ang tinutukoy niya ang pagkikita nila ni Jesse.

Hindi niya napapansin na binabagtas na niya ang daan kung saan sila muling nagkita ni Jesse. Sa isang restaurant malapit sa pinag-tatrabahuan ni Jesse. Nang mapatapat ang sasakyan niya sa restaurant na iyon ay tinanaw niya iyon na para bang makikita niya ang bagong kaibigan doon sa loob.

Parang nakaramdam siya ng lungkot nang makalagpas na ng tuluyan ang kanyang sasakyan na walang Jesse siyang nakita.
-----

Tapos na si Jesse at Jessica sa kanilang panang-halian. Palabas sila ng karendirya ng may napansin si Jesse.

"Parang kotse iyon ni Jonas." namutawi sa bibig ni Jesse nang mapansin ang sasakyang dumaan sa kanilang harapan.

"Ha? Anong sabi mo?" tanong sa kanya ni Jessica na hindi naintindihan ang sinabi nito.

"Wala." pagkukunwari ni Jesse.

Habang naglalakad pabalik sa pinag-tatrabahuan, gumagana ang isip ni Jesse sa napansin kanina.

"Parang sasakyan talaga ni Jonas iyon. Baka kapareho lang."

Pagkatapos noon ay sinuway niya ang kanyang sarili na huwag ng isipin pa iyon.

"Jesse, salamat ha? Nagustuhan ko talaga doon. Tama ka. Hayaan mo sasabay na ako sa yo lagi." pagkatapos sabihin iyon ni Jessica ay tumalikod na ito at pumunta sa locker room para magre-touch.

Sasagot pa sana noon ni Jesse ngunit mabilis na itong nawala sa kanyang paningin.
-----

Nasa bahay na si Jonas. Nakahiga sa kanyang kama. Patuloy pa rin sa kanyang isipan ang pangalang Jesse. Balak niyang puntahan si Jesse sa pinapasukan nito. Pero pilit na tumatanggi ang ibang bahagi ng kanyang isip.

"Pero ang aga pa para pumunta doon. Siguradong kasalukuyan itong nasa oras ng paggawa." parang bumagsak ang kung ano sa kanya nang maisip na hindi maaring magtungo siya roon sa ganitong oras.

"Mamaya. Tama, mamaya na lang. Pupuntahan ko siya mamaya."



[09]
Jessica." pasimpleng tawag ni Jesse. "Mauuna na ako." sabi niya ng tumingin sa kanya si Jessica. Sumimangot ito sa sinabi ni Jesse. Nagtaka si Jesse. Nagpapaalam lang naman siya. Tatalikod na sana siya nang magsalita si Jessica.


"Hintayin mo ko. Malapit na ako matapos." pasimple lang rin si Jessica.

Na-get na Jesse kung bakit ito napa-simangot. Gusto lang pala nitong magpahintay. "Sige hintayin kita sa labasan." paalam ni Jesse.

Alam niyang narinig iyon ni Jessica kahit hindi na ito lumingon sa kanya. Nag-iimis kasi ito ng pwesto niya nang mapa-daan siya dito.

Natutuwa siyang mapansing nagiging malapit na sila Jessica bilang magkatrabaho. Okey naman si Jessica. Kaya lang hindi niya pa naiisip ang tulad sa inuudyok sa kanya ni Marco. Natawa siya sa naisip na iyon.
Hindi pa tama. Naguumpisa pa lamang siya at may pamilya pa siyang babalikan sa probinsya.

Naghihintay si Jesse sa isang bench ng 3J supermarket  na malapit lang sa labasan ng mga empleyado ng nasabing gusali. Nakita niya ang isang stick sa lapag napagdiskitahan niyang kunin at paglaruan. Nababagot siya. Nang makuha niya iyon ay yumuko siya sa pagkakaupo. Kinakalaykay niya ang stick sa lapag at animo'y may iginuguhit na hugis o kung ano-anong linya. Hanggang hindi niya namamalayang binubuo na pala niya ang pangalan ni Jonas. Ewan ba niya kung bakit iyon ang naisulat niya sa pamamagitan ng stick.

"Ibig sabihin iniisip ko si J-" hindi niya natuloy ang sasabihin nang bigalang may tumabi sa kanya.

"Sino nga yung iniisip mo?" si Jonas.

Gulat na gulat si Jesse nang makita si Jonas sa tabi niya.

"bakit ka naririto?" nanlalaki ang mata niya nag sabihin niya ito. Halos mapatayo siya sa pagkakaupo.

"Bakit gulat na gulat ka?" natatawa si Jonas.

"Bigla ka kasing sumusulpot." paliwanag niya.

Imbes na sumagot sa sinabi ni Jesse ay nagtanong ito. "Sino yung iniisip mo? Siryosong-siryoso ka. ako ba iyon." sunod-sunod nitong pahayag.

Parang biglang kinilabutan si Jesse dahil sa huling salaysay ni Jonas.
"H-ha? Wala yun."

"Ayan ka na naman eh. Si wala." tumawa ito.

Alam naman niyang hindi alam ni JOnas na spangalan niya ang dapat na babangitin niya pero parang feeling niya dinig na dinig ni Jonas ang pangalan nito.

"Bakit ka narito?" tanong niya. Pinipilit niya maging mahinahon ang kabog ng kanyang dibdib.

"Dinaanan kita. Galing kasi ako sa trabaho eh."

"Ako ba talaga ang dinaanan mo o si Jessica?"

Napa-tigil si Jonas sa tanong na iyon ni Jesse.

"Parang ganoon na nga." sagot ni Jonas.

"Anong parang ganoon na nga? Gusto mo lang masilayan si Jessica, ako pa ang idadahilan mo."

Natahimik si Jonas. Bahagya itong tumango bilang pagsang-ayon. Natutuwa naman si Jesse dahil parang naligaw na ang kaba niya sa dibdib nang bigla itong maglaho.

"Jesse sino yung kausap mo?" si Jessica.

Lumingon si Jesse mula sa pinaggalingan ng boses. Ganun din si Jonas napatingin.
"Bakit? Narinig ko ang pangalan ko?" si Jessica.

Gustong magsalita ni Jesse pero walang lumalabas sa kanyang bibig. Hindi niya masimulan kung paano ipakikilala si Jonas.

"Ako si Jonas." pakilala niya bilang salo kay Jesse na parang nawalan ng dila at boses.

"Oo siya si Jonas." pangalawa ni Jesse nang maka-bawi.

Inistima ni Jessica si Jonas nang madalian. "Ah, ganun ba? Akala ko kung sino na." nakangiti si Jessica.

"Tapos ka na ba sa loob?" tanong ni Jesse kay Jessica.

"Oo." sagot nito at muling tumingin kay Jonas. "Kaano-ano mo ba si Jesse?"

"H-ha?" hindi agad naka-sagot si Jonas. "Kaibigan niya ako."

"Ano? Uuwi na ba tayo?" singit ni Jesse.

"Sana. Pero, mukhang may lakad ata kayo ng kaibigan mo?"

Napa-tingin si Jesse kay Jonas. Nagtatanong kung ano ba ang dahilan kung bakit naroon si Jonas.

"Hatid ko na kayo." sabat ni Jonas.

"Talaga?" mangha ni Jessica sa paanyaya. "Oo ba."

Tumingin si Jonas kay Jesse. Nakita naman nitong naka-ngiti si Jesse kaya't napa-ngiti na rin siya.

"Naandoon yung kotse ko, medyo malayo kasi kanina maraming naka-park dito."

"Walang problema dun." salo ni Jesse. "Ang mahalaga, salamat sa paghahatid."

"Makakalibre pa kami ng pamasahe, talaga naman." sabay kabit ng braso sa braso ni Jesse.


Napansin iyon ni Jonas. Ngumiti na lamang siya saka sumulyap kay Jesse. Minabuti na rin niyang mauna para maihatid ang kasama kung saan kaparada ang kanyang kotse. Nang makarating na sila sa kanyang sasakyan, gusto sana niyang paupuin si Jesse sa unahan para makapag-kwentuhan sila habang nasa kalsada.


"Pwede ba akong sa unahan sumakay?" si Jessica. "Gusto ko naman kasing makaranas na sumakay sa unahan ng kotseng maganda." sabay tawa.


"H-ha?" napatingin si Jonas kay Jesse. "O-oo naman Jessica." sabay ngiti. Pero sa loob-loob ni Jonas sayang ang pagkakataon para sa kanilang dalawa ni Jesse na gusto niyang maka-kwentuhan. Ayaw naman niyang maging KJ kay Jessica. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan para kay Jessica. "Sakay ka na."

"Salamat." si Jessica.

Pagkatapos ay nilapitan ni Jonas si Jesse. "Dito ka na lang muna." sabay ngiti. "Mag-isa ka lang diyan." Binuksan ni Jonas ang pinto sa likuran ni Jessica. "Sakay ka na rin."

"Ang bilis mo pang pagbuksan ako ha... Kaya ko naman na buksan ito na hindi nakakasira." pagbibiro ni Jesse. Natawa sin si Jonas. "Tsaka Ok lang yun."

Ngiti ang isinagot ni Jonas.
-----

Alam ni Jesse na panay ang sulyap ni Jonas sa kanya sa pamamagitan ng front mirro. Napapansin nya iyon dahil doon napapadako madalas ang kanyang mga mata. Nahuhuli rin niyang biglaang nagaalis ito ng tingin sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata. Ganoon rin naman siya.

Aaminin niyang kahit sa labas ng bintana niya tinutuon ang atensyon niya, hindi nya namamalayang dumadako na pala ang kanyang mga mata kung saan matatanaw niya si Jonas. Para namang biglang mapapaso ang kanyang mga mata sa tuwing magkakasalubong sila ng tingin ni Jonas.

Sinigurado niyang magkaroon ng maraming hangin ang kanyang dibdib pagkatapos magbawi ng tingin kay Jonas. Nakakaramdam siya ng pag-iinit ng mga pisngi. "Ano ba itong nararamdaman ko?"
-----

Nagtataka si Jesse na inunang ihatid ni Jonas si Jessica gayong, alam ni Jonas na mauuna ang sa kanya. Naihatid si Jessica ng maligaya ang huli. Tuwang-tuwa sa na-expirience niya. Kaya todo ang pasasalamat nito nang makababa. Tinanaw pa nga ni Jesse si Jessica nang paalis na uli sila. Nakita niyang hindi ito ulamis sa pagkakatayo hanggat hindi sila nawawala sa paningin nito.

Nagbalik siya ng tingin sa unahan pagkatapos.

"Sa totoo lang Jesse..." natatawang si Jonas. "Ikaw dapat ang gusto kong paupuin dito sa unahan." matapat niyang pahayag.

"O-oh? Talaga?" gulat ni Jesse. " Baki naman?"

"Gusto ko kasing makipagkwentuhan sayo habang nagda-drive ako."

"Ah... Pero bakit naman ako? Ang alam ko, si Jessica ang pinupuntahan mo sa pinagtatrabahuan namin?"

Natigilan si Jonas.

"Ano nakit hindi ka na naka-sagot dyan?" natatawang si Jesse.

"H-ha?" napipipi si Jonas. "Tama ka si Jessica naman talaga ang gusto kong makita pero... gusto ko rin naman gmaipagkwetuhan sayo... kasi kaibigan naman kita... at para may malaman naman ako tungkol kay Jessica."

"Ah..." at tango ang sagot ni Jesse. "Bakit ano ba ang gustomong pag-usapan natin?"

Napatingin si Jonas sa kanya habang nakangiti. "Bakit kung sakali, makikipagkwentuhan ka ba sa akin?"

"Oo naman. Tinatanong pa ba iyon? Ang kaso... malapit na akong maka-uwi. Baka mabitin lang tayo." natawa si Jesse.

"E di... huwag muna kitang ihatid. Tambay muna tayo. Ok lang ba?"

Natigilan si Jesse. Nag-iisip siya kung maari ba siyang sumangayon sa gusto nito. Iniisip niya kung may gagawin ba siya sa pag-uwi.

"Huwag na lang siguro. Next time na lang." si Jonas. Napansin kasi niyang natahimik si Jesse.

"Hindi. Ok lang naman." sabay ngiti. "Inisip ko lang kasi kung may gagawin ako sa bahay. Eh wala naman."

"So OK lang?"

"Sige." Nakita ni Jesse ang tuwa sa mukha ni Jonas. Napangiti siya dahil kahit papaano nalaman niyang napasiya niya ito.
-----

"Saan ba tayo pupunta?"

"Malapit na."

"Ok." Hindi naman kinakabahan si Jesse kung saan siya dadalhin ni Jonas. Nagtataka lang siya dahil iba na ang tinutungo nila. Masyadong maraming ilaw sa kapaligiran. Maya-maya ay pumarada na ang kanilang sasakyan.

"Dito masarap ditong makipagkwentuhan."

"Dito? Mukha nga." napatingin siyang muli sa kapaligiran. Nasisiyahan siya sa nakikita. First time niya lang na makakita ng ganitong karaming liwanag sa ibat ibang kulay. Maraming tao. Maraming nagtatambay katulad nila. "Ang saya dito Jonas. Ngayon lang ako nakakita ng ganito."

"H-ha?" takang bulalas ni Jonas. "Anong ibig mong sabihin?"

"Kasi sa amin, walang ganito." tumalikod siya kay Jonas par amuling tanawin ang mga tao sa paligid sa mga napili nilang pwesto. "Ang ibig kong sabihin Jonas sa probinsya namin."

"Ah... Kaya pala."

"Salamat ha?"

Natawa si Jonas. Wala pa ngang nangyayari nagpapasalamat ka kaagad."

Natawa rin si Jesse. "Baka makalimutan ko mamaya." Nagkatawanan sila.

"Sandali." paalam ni Jonas.

"Sige." tinanaw ni Jesse si Jonas sa pinuntahan nito. Hindi naman malayo. Nakita niyang pumunta ito sa mga stall ng pagkain. Nang tumigil si Jonas sa paglakad, lumingon ito sa kanya at kumaway. Pinapasunod siya.

"Bakit?" pagkalapit niya.

"Bigla ko kasi naisip na baka hindi mo magustuhan ang bibilhin ko."

"Ah... Bakit ano ba ang naisip mong bilhin?"

"Hindi ko pa nga rin alam." natawa si Jonas sa sinabi niya. "Kaya din siguro kita tinawag."

"Nahirapan ka pa doon?"

Nagkatawan silang muli.
-----

Naglalakad-lakad sila sa buong parke habang kinakain ang nabili nilang makakain. Pareho nilang na-eenjoy ang binili nila.

"Alam mo Jonas..." nilunok muna ng tuluyan ni Jesse ang nginunguya bago pinagpatuloy ang sasabihin. "sigurado tuwang-tuwa si Jessica kung naka-sama yun dito. Malamang." kumagat uli sa hawak na pagkain.

Natigilan si Jonas saka nagsalita. "Talaga?"

"Sigurado ako lalakas ang pogi points mo doon." sabay tawa. Narinig niyang tumawa si Jonas pero parang pilit. Pero binalewala niya iyon. "Kailan mo ba gustong ipaalam sa kanya na pinopormahan mo siya?"

Nabilaukan si Jonas.

"Tubig tubig." naibulalas ni Jesse sa gulat ng mabilaukan si Jonas. Buti na lang nasa tapat sila ng tindahan. Agad bumili si Jesse ng maipapanulak sa bumarang pagkain sa lalamunan ni Jonas.

Hindi naman talaga ganoon ka-grabe ang pagkakasamid ni Jonas. Naiisip na lang niyang totohanin, para kung sakali ay maiba ang tema ng kanilang pinag-uusapan.

Hindi naman masama ang tingin niya kay Jessica para ayaw niyang pag-usapan. Wala lang talaga siyang gusto at kunwari lang naman na si Jessica ang talagang pinupuntahan niya. Nahihiya lang siyang aminin kay Jesse na siya talaga ang sadya niya... para makipagkwentuhan (buntong hininga).

"Ok ka na?" tanong ni Jesse ng maka-inom na si Jonas.

"Oo salamat ha?"

"Wala yun. Madali lang naman na bumili ng tubig."

"Halika lakad na uli."

"Go."
-----

"Alam mo ang saya ko talaga kagabi." natutuwang si Jessica habang nagkukuwento kay Jesse.

Nagtatanghalian sila sa isang karenderia.

"Oo. Ramdam na ramdam ko nga eh." sabay tawa.

"Ganoon ba? Parang nakakahiya naman."

"Hindi naman. Ako rin naman noong una, pero hindi tulad mo na ang ingay kagabi." sabay tawa.

"Nakakahiya nga."

"Pero maiba ako. Ano ang tingin mo kay Jonas? Ibig kong sabihin-"

Sumagot agad si Jessica. "Sa totoo lang cute siya."

"Ah..." iyon na lang sinagot ni Jesse dahil naasiwa siya sa itinanong niya.

"Tingin mo, dadating ba uli si Jonas mamaya?"

"Hindi. Sabi niya sa akin."

"Ay sayang naman."

"Baka sa susunod na lang daw kasi may gagawin daw siya. Magiging busy."

"Ok."

Nagpatuloy silang kumain. Parang may kung anong nararamdaman si Jesse ng kakaiba sa kanyang damdamin. Bigla niyang iniling ang kanyang ulo nang may maisip na masagwa para sa kanyang isipin. "Bakit naman ako magseselos?"
-----


"Dito ang bahay namin..." sabi ni Jesse kay Jessica. Nagpilit kasi si Jessica na makita ang tinitirahan ni Jesse. Tutal naman daw sahod kaya hindi problema ang pamasahe.

"Alam mo, nakakatakot nga sa inyo dito. Grabe ang daan ang dilim sobra."

"Sabi ko naman sayo di ba?"

"Pero Ok lang... nasabi ko lang naman." sabay tawa si Jessica.

"Halika ka na pasok na tayo." yaya ni Jesse.

"May tao ba sa loob?"

"Wala, may pasok si Marco sa trabaho. Pang-gabi kasi 'yun eh."

"Ah... Sige pasok na tayo." Sang-ayon ni Jessica. "Wuy, basta mamaya ha, hahatid mo ako sa kanto."

Natawa si Jesse. "Oo naman. Alangan namang hayaan kita maglakad diyan ng mag-isa."

"Salamat."

Dinukot ni Jesse ang susi sa kanyang bulsa. Isinuksok niya ito sa butas ng seradura at saka pinihit upang mabuksan. Pagkatapos ay kinapa niya ang switch ng ilaw para mai-on. Nagulat si Jesse sa pagbukas ng ilaw nang makita niyang nasa mahabang sofa si Marco na nakahiga.

"Marco?" nagtataka si Jesse kung bakit naroon si Marco na dapat ay may pasok ito.

Hindi na nagulat pa si Marco na makita si Jesse inaasahan naman niyang darating ito sa ganoong oras. Hindi na rin siya nag-abalang tumayo sa pagkakahiga. Ngumiti lang si Marco nang makita si Jesse.

"May bisita ako." nakangiti ng si Jesse.

"H-ha?" saka napabalikwas sa pagkakahiga si Marco.

"Si Jessica." Saka lumitaw si Jessica mula sa likuran ni Jesse. "Jessica, siya si Marco. Nandito pala siya." sabay tawa ng bahagya. "Marco, siya si Jessica."

Ngumiti at nakipagkamay si Jessica kay Marco na nagulat at namamangha sa ganda ni Jessica.

"A-ah.. We-welcome ka dito Jessica." bati ni Marco.

"Salamat ha." sagot ni Jessica.

"Maupo ka." si Jesse na ang nagpaupo kay Jessica.

"Ah... ako na ang mag-aasikaso ng maiinom niyo." bahagyang natatarantang si Marco. "A-ako, ako na Jesse."

"Sige Ok lang ba?"

"Oo naman." pagkatapos ay tumingin si Marco kay Jessica. "Ah... maari ko bang malaman kung ano ang gusto mong  inumin?"

"Siguro, softdrinks na lang kasi may dala kami ni Jesse na pansit, lumpia at barbeque. So, pagsaluhan natin." sagot ni Jessica kay Marco at kay Jesse naman nagsalita. "Ok na ba 'yun Jesse, softdrinks?"

"Oo naman, kahit ano. Kahit kape." biro ni Jesse.

Nagkatawanan ang tatlo.

"Sige lalabas lang ako para bumili." si Marco.


[10]
"Bakit hindi mo naman sinabi na bibisita pala dito si Jessica?" tanong kaagad ni Marco nang maka-alis na si Jessica sa bahay nila Jesse at Marco. "Pare, ang ganda pala talaga ni Jessica."


Natatawa si Jesse sa kung paano magtanong si Marco. "Hindi ko nga rin alam eh, basta bigla na lang sinabing sasama siya sa akin dito."

"Eh bakit hindi mo na ligawan. Aba, panalong-panalo ka na doon. Ang ganda pare. Tiba-tiba."

Muling natawa si Jesse. "Marco, wala pa eh." itinuro ni Jesse ang kaliwang dibdib niya. "Wala pa akong nararamdamang pag-ibig. Alam mo naman na kaya ako pumunta dito sa Maynila ay para magtrabaho para sa magulang ko."

"Ang corny mo naman, Jesse." napa-kumpay pa ng kamay si Marco sa hangin. "Eh paano kung ligawan ko si Jessica. Magagalit ka ba?"

"Yun lang pala eh. Walang wala sa akin yun. Pormahan mo na."

Nanlaki ang mga mata ni Marco sa pagbigla sa sinabi ni Jesse. "T-talaga? Sigurado ka?"

"Oo naman. Anong gagawin ko eh wala pa naman akong gusto doon?" Natatawa si Jesse.

"Paano kung nagkagusto ka na?"

"Ang kulit mo naman ngayon Marco." hindi naman naiinis si Jesse natatawa pa nga siya. "Kung mangyari yun sigurado, sayong sayo na si Jessica. So ano pa ang magagawa ko. Saka, wala pa naman talaga akong gusto doon kay Jessica kaya malayang malaya ka sa kanya."

"Sabi mo yan ah?"

"Pero bakit nga pala hindi ka pumasok ngayong gabi?"

"Ah... kasi hindi dumating 'yung boss ko. Umalis ako kanina pero bumalik lang ako."

Napakunot noo si Jesse. "Bakit? Kapag hindi ba dumadating ang boss niyo wala na rin kayong pasok?"

Umiwas ng tingin si Marco kay Jesse. "Hayaan mo na iyon. Hindi na importante yun."

Napa-taas na lang ng balikat si Jesse sa sinabi ni Marco.
-----

"Gusto ko sanang yayain kang mag-outing kasama ka." paanyaya ni Jonas kay Jesse isang umaga ng Linggo.

Nasorpresa si Jesse nang dalawin siya ni Jonas sa bahay niya ng umagang iyon. Hindi niya inaasahang papasokin ni Jonas ang lugar nila. "Sabagay umaga kasi eh." sa isip niya. "Bakit ako ang niyaya mo?"

Napakunot noo si Jonas? "Bakit?"

"Kasi di ba... si Jessica dapat ang niyaya mo. K-kasi siya ang pinopormahan mo?"

"A-ah.. yayayain ko rin siya. Ano kasi, nahihiya akong direkta akong magsabi sa kanya kaya pinapadaan ko sayo." nakahinga ng maluwag si Jonas. "Pasensiya ka na ha?"

"Naku wala iyon. Pero isasama mo ba talaga ako?"

Biglang nabuhayan si Jonas. "Oo naman."

"Kelan naman? Kasi parang walang holiday ngayon eh. Linggo lang ang walang pasok."

"Kung papayag kayo ng Sabado ng gabi ang lakad natin. Uwi rin tayo ng Linggo ng hapon."

Saglit na nag-isip si Jesse. "Sige, sasabihin ko kay Jessica."

Napa-ngiti ng maluwang si Jonas. "Asahan ko yan ah?"

"Ipanalangin mo na sumama si Jessica." natatawang si Jesse.

Hindi ipinahalata ni Jonas na bigla siyang nalungkot sa huling mga sinabi ni Jesse.
-----

"Oo naman sasama ako noh!" masayang pagsang-ayon ni Jessica. Wala kasing naka-pilang mamimili sa pwesto ni Jessica habang si Jesse naman ang bagger niya. "Pero teka nga, bakit ba ang bait-bait ni Jonas sa iyo?"

Natigilan si Jesse sa tanong na iyon ni Jessica. "Mabait lang talaga si Jonas."

"Hmmm."

Napakunot noo si Jesse. "At ano naman ang ibig sabihin ng hmmm mo?"

"Wala!" maagap na sagot ni Jessica.

"So sasama ka nga?" paniniguro ni Jesse. "Sa isang Linggo na yun."

"Oo nga. Siguradong sigurado ako. Gala yun eh. Saka sagot pa niyang lahat."

"E di ang laking pogi point niya sayo niyan?" sabay tawa si Jesse. Pero bigla naman din siyang napatuptop ng bibig dahil sa agaw atensyon na nagawa niya.

"Yan... tatawa tawa pa kasi eh. Baka mamaya may magsumbong kay Bossing na nagkukwentuhan lang tayo dito, tyak lalabasin tayo nun dito."

"Oo nga eh."

"Pero siguro Ok lang rin." biglang bawi ni Jessica. "Kasi ang pogi-pogi ng boss natin. Gusto ko uli makita ang mukha niyang ubod ng kinis." nagpakita pa si Jessica ng kilig.

"Naku naman. Balik tayo kay Jonas, ano?"

"Ah yun ba? Wala naman kasi akong gusto doon eh." diretsang sagot ni Jessica.

"Bakit? Ayaw mo pa noon, mayaman na mabait pa."

"Hmmm Oo nga eh, pero wala akong gusto sa kanya. Iba ang gusto ko." biglang tumalikod si Jessica kay Jesse. "Magtranaho na tayo. Galaw-galaw baka ma-stroke."

Natawa na lang si Jesse pero ng mahina.

"Teka nga." pumihit si Jessica para muling makaharap si Jesse. "Bakit ba parang masyado ka yatang intregero ngayon ha?"
Napa-kunot noo si Jesse. "H-ha?" Hindi rin niya kasi namamalayan ganoon na pala ang inaasal niya. "S-sigurado ka? Hindi naman siguro."

"Hmpt... Never mind na nga lang." Muli nang tumalikod si Jessica.
-----

"Niyaya kami ni Jonas na sumama sa outing, ikaw sama ka?" yaya naman ni Jesse kay Marco nang makauwi kinagabihan. Naabutan nya kasi itong nagbibihis pa lang para sa pag-alis. "Hindi mo nga pala nakita si Jonas kahapon, Linggo."

"Oo umalis kasi ako kahapon, pinapasok ako ni Boss. Doubel pay naman eh." sabay tawa. "Pero tingin ko hindi ako makakasama. Katulad kahapon may pasok ako, baka kasi sa Linggo uli may pasok ako eh. Ayaw pa naman ni Boss na hindi ako papasok kapag sinabi niyang pumasok ako. Baka matanggal ako sa trabaho."

Nalungkot si Jesse sa posibilidad na hindi makasama si Marco. "Pero kung wala kang pasok, sasama ka ha? Alalahanin mo, kasama si Jessica." Biglang natigilan si Jesse. "Oo nga pala, pinopormahan ni Jonas si Jessica, eh, gusto ring ligawan ni Marco si Jessica. Hala."

"Hayaan mo, kapag libre ako sa Linggo sasama ako."

"Sige. Sana nga."
------

Pagkatapos dumalaw ni Jonas kay Jesse noong Linggo, hindi na nakita ni Jesse si Jonas hanggang biyernes. Takang-taka si Jesse kung bakit yata straight, 6 days hindi niya nakikita si Jonas. Dati, hindi man ito pumunta sa loob ng isang araw, kinabukasan naman ay binubulaga siya nito. Pero ngayon, nangangalay na ang kanyang leeg kakalingon kung meron bang Jonas na naghihintay sa kanya sa labas ng Supermarket.

"Teka, bakit ba ako nagiisip ng ganoon? Eh hindi naman ako ang dinadalaw noon dito. Si Jessica kaya. Hay... pero na-mimiss ko siya." bigla niyang natuptop ang bibig. "Ano ba ang sinasabi ko? Pero masaba ba na mamiss ko ang isang kaibigan? Oo, kaibigan lang naman talaga ah. Wala naman akong gusto doon." Saka nanlaki ang mga mata niya.

Pati sarili niya nagulat nang isipin niya ang ganoong bagay. "Hindi naman. Imposible naman yun..."

"Paki-bilisan lang po ang pagpaplastik ng pinamili ko." reklamo ng babae.

"Ay sorry po." paumanhin ni Jesse sa ale.

"Kung ano-ano kasi ang iniisip eh, nasa trabaho." bulong ng ale.

Kahit pabulong narinig pa rin iyon ni Jesse hindi na lang siya kumibo. Pero affected siya dahil totoo naman ang sinabi ng ale. Napa-tingin na lang siya kay Jessica at nahuli niya itong umiling-iling para sa kanya.
------

"Ano ba kasi ang iniisip mo kanina?" halata naman kasi na malayo ang nararating ng isipan mo kanina eh. Hindi lang ako makakakibo dahil tuloy-tuloy ako sa pagbibilang, sunod-sunod ang customers eh."

"H-ha?"

"Ano ba yan. Kanina ka pa ha ng ha." bahagyang nayamot si Jessica saka bumulong. "Kung hindi ka lang gwapo..."
"H-ha?"

"Bingi... Kainis 'to."

Natawa na lang si Jesse kahit hindi niya ma-gets si Jessica. "Pasensiya na ha? May iniisip lang ako."

Kumunot-noo si Jessica. "Sino naman? Si Jonas?"

"Ano?" gulat ni Jesse. "Hindi ah?" ang todo tanggi niya. "Ang iniisip ko ang magulang ko kung kamusta na sila doon. Nami-miss ko na kasi sila eh."

"Ok." Tumahimik na lang si Jessica.

Sa isipan ni Jesse ang katanungan kung ganoon na nga ba siya ka-transparent na mabasa ni Jessica ang kanyang isipan dahil tama ito sa hula nitong si Jonas ang laman ng kanyang isipan kanina pa. "Bakit kasi hindi ko nakikita yung taong yun?" Bigla siyang napamulagat sa naisip. "Teka, bakit ko nga iniisip ang ganyan na naman. Eh ano nga kung hindi siya magpakita? Parang may gusto ako sa kanya kung mag-is..." Napabuntong-hininga na lang siya. Dahil kahit anong gawin niyang tanggi sa mga naiisip ganun at ganun pa rin ang sinasabi ng isipan niya. "Last na 'to. Never."
------
"Ano sasakay na tayo?" si Jessica nang makita ang paparating na jeep na may sign board na hinahanap nila.

Napa-ngiwi si Jesse. Piling kasi niya nasa paligid lang si Jonas. "Nasanay na siguro akong sinusundo ni Jonas. Ay mali, sinusundo ni Jonas si Jessica. Yun... Haysss... Kaya tuloy feeling nasa paligid lang siya."

"Jesse ano ba? Lumagpas na ang jeep."
"Ganun ba?"

"Ano ba kasi yang iniisip mo?" nakasimangot na si Jessica. "May problema ba?"

"W-wala. Inaantok lang siguro ako kay hindi ako masyadong attentive. Pasensiya na."

"Ewan ko sayo. Pag bukas ganyan ka pa rin. Ewan ko na lang ha? Kasi ngayon pa lang naman nangyayari yan sayo eh."

Natawa si Jesse. "Ok." Saka lihim na napa-buntong hininga si Jesse.

"Ayan na ang jeep." si Jessica nang makita ang paparating.

Agad na lumingon naman si Jesse sa paligid, sa magkabilang parte, umaasang makikita si Jonas.

"Ok sakay na tayo." yaya ni Jessica nang makawayan ang jeep para huminto. "Hoy, ayan ka na naman."

"Oo sasakay na tayo." maagap na sagot ni Jesse.

Napabungtong hininga na lang si Jessica.
-----

"Baba na ako Jessica." paalam ni Jesse nang malapit na ang jeep sa kanto.

"Sige ingat ka." sagot ni Jessica.

Tumango si Jesse kay Jessica at saka pumara. Dahan-dahan huminto ang jeep, sakto sa kanto nila Jesse.

"Hay buhay." naisatinig ni Jesse nang makababa.

"Bakit?" natatawang sagot ng isang lalaki na nag-aabang sa ilalim ng puno.


[11]
Mabilis ang paglingon ni Jesse sa pinagmulan ng boses na iyon.


"Bakit ka napapa- hay buhay dyan?" kabuntot ang pagtawa. Mula sa pagkakatayo sa harapn ng kanyang kotse na nakaparada sa ilalim ng puno, lumapit siya kay Jesse na natutulala na para bang nangingilala kung sino ba siya. "Ano? Parang hindi mo ako kilala?"

"A-ah..." saka napa-ngiti si Jesse. "Nanggugulat ka kasi eh." bigla naman nanlaki ang mga mata ni Jesse nang may maalala. "Teka, huwag mong sabihing nag-abang ka sa akin dito? Ang dilim-dilim dito."

Halata ni Jonas ang concern sa tono ng pagkakasabi ni Jesse kaya siya napa-ngiti ng maluwang. "Hindi naman." sagot niya. "Nagmamadali ka ba?"

"Bakit? Hindi naman."

Hinawakan niya ang kamay ni Jonas ang kamay ni Jesse para akayin papunta sa harapan ng kotse niya. "Gusto ko sanang makipag-kwentuhan muna sayo, saglit." Nahihiyang sabi ni Jonas.

"Ah.. ok?"

"Sigurado?"

Natawa si Jesse. "Oo naman. Nabibigla lang kasi ako sayo. Bigla-bigla kang sumusulpot eh, dito pa sa dilim eh kung mapano ka?"

Napayuko si Jonas habang hindi maawat ang ngiti sa mga labi. "Salamat sa concern ah?"

"Wala yun. Eh bakit ka nga dito sa akin nag-abang?"

"Mmm sa totoo lang, kasunod niyo lang ako kanina." sabi ni Jonas.

"Kasunod?"

"Oo, naka-park lang ako kanina malapit sa supermarket, hinihintay ko pag-labas niyo."

"Ano? Bakit hindi ka man lang nagpakita?"

Natawa si Jonas. "Kasi... gusto kitang maka-usap."

"Nyak!" sabay tawa ni Jesse. "Nakakatawa ka rin ah."

"Ano naman ang nakakatawa sa akin?" hindi naman naiinsulto si Jonas. Napapa-ngiti pa nga siya habang pinagmamasdan ang pagtawa ni Jesse.

"Kasi, pwede mo naman kaming kausapin doon pa lang sa paglabas namin ni Jessica, talagang sumunod ka pa para lang-" biglang natigilan si Jesse sa pagsasalita. "g-gusto mo akong maka-usap?" Muli siyang nagbalik sa gustong mangyari ni Jonas. "Bakit?" siryoso niyang tanong.

Napa-ngiwi si Jonas. "Oo. Ganun nga."

"Tungkol siguro kay Jessica?" hula ni Jesse.

Hindi umimik si Jonas. Sumandal lang ito sa harapan ng kanyang kotse. Habang naghihintay naman si Jesse ay napa-sandal na rin ito gaya ni Jonas.

"M-may gumugulo kasi sa isipan ko, Jesse." mahina at siryosong panimula ni Jonas. "Gusto ko kasing i-share sayo."

"H-ha? Ok lang. S-sige. At sana maka-tulong ako."

Napa-tingin ng diretso si Jonas sa mga mata ni Jesse. Para namang napapaso si Jesse sa pagtitig na iyon ni Jonas kaya nag-iwas siya ng tingin. Lalo pa at bigla siyang nakaramdam ng malakas na kabog sa kanyang dibdib. Hindi naman siya kinakabahan.

"Kasi..."

Napapansin ni Jesse sa gilid ng kanyang mata na bumubuka ang bibig ni Jonas na para bang may sinasabi ngunit wala namang tunog na lumalabas. Alam niyang nahihirapan ang kaibigan na magsabi. "A-ah Jonas, baka hindi ka pa handa na i-share..."

Biglang napa-angat ng mukha si Jonas. "H-hindi, napag-isipan ko na ito. Kaya lihim na sinundan kita kasi, gusto ko ng sabihin ito sayo."

"Ganoon ba? Sige, huwag kang mag-alala. Sisiguraduhin kong magiging bukas ako sa mga sasabihin mo. Uunawain ko, huwag kang matakot na magsabi para mapag-isipan ko rin kung paano kita matutulungan."

Napa-ngiti ng maluwang si Jonas. Kahit papaano ay naibsan ang nararamdaman niyang kaba kanina pa. Nakakuha siya ng lakas ng loob na magsabi ng dinadala sa mga sinabi ni Jesse.

"Mmm Jesse, naniniwala ka ba sa destiny? Na, ang dalawang tao sadya talagang pinagtagpo para sa isa't isa? Para sa pag-ibig?"

Natawa si Jesse. "Destiny?"

Napayuko si Jonas dahil nakaramdam siya ng hiya sa ipinahayag. "Oo." Napansin ni Jonas ang pagbuntong-hininga ni Jesse.

"Ewan ko." simpleng sagot ni Jesse. "Hindi ko lang siguro iniintindi pa kung destiny ba yung pag-ibig ni ganito, ni ganyan." sabay tawa pero agad naman ding sumiryoso. "Sa ngayon, wala pa ako sa ganyang bagay, ang umibig. Kasi mas pinagtutuunan ko ng pansin ngayon ang pamilya ko na gusto kong matulungan. Kung dumating man yung taong yun na mamahalin ko, destiny man o hindi ang mahalaga dun, mahal ko siya."

"A-h ganun ba?" hindi alam ni Jonas kung nakakapanglakas ba ng loob para magpatuloy sa mga sasabihin niya ang mga narinig niya mula kay Jesse o kailangan na niyang itigil ang gustong maibahagi kay Jesse.

"Uhuh."

"Jesse..." tawag ni Jonas nang mahina.

Napa-lingon naman si Jesse kay Jonas. "Bakit?" nang naka-ngiti.

"May iba kasi akong nararamdaman."

"Na alin?"

Ipinakita ni Jonas sa pamamagitan ng kanang kamay kung saan siya nakakaramdam ng iba. Itinuro ng kamay niya ang kanyang dibdib kung saan naroon ang kanyang puso. "Dito Jesse."

Napa-kunot noo si Jesse. "Anong ibig mong sabihin?"

"Simula kasi ng makilala ko siya, hindi na siya mawala sa isipan ko. Hindi na ako makatulog ng maayos sa tuwing hindi ko siya nakikita ng kahit saglit sa isang araw. Para bang gusto ko minu-minuto lagi ko syang kasama."

Muling natawa si Jesse. "bakit kasi hindi mo pa kasi sabihin kay Jessica na may feelings ka sa kanya. Para makapanligaw ka ng pormal?"

Bumuntong hininga lang si Jonas na tanong ni Jesse. "Ikaw ang tinutukoy ko Jesse."
-----

"Ito po ba ang babaeng tinutukoy niyo boss?" tanong ni Omar nang i-abot sa kanya ng kanyang bossing ang isang maliit na litrato. Pinagmamasdan niya ang babae sa litrato na may makapal na make-up sa mukha.  Halatang may kalumaan na ang litrato. Gaya nga ng sabi ng kanyang bossing, naging babae nito noon ang babae sa litrato.

"Alamin mo kung nagkaroon kami ng anak, Omar. Ayan ang magiging trabaho mo." utos ng bossing.

"Ah bossing, matanong ko lang ah... mga ilan taon na ang nakakalipas nang magkaroon kayo ng uganayan sa babaeng ito?"

"Mga dalawang taon na ang nakakaraan. Higit pa nga yata."

"Ah.. paano kung malaman ko ng may-anak ka nga rito sa babaeng ito bossing?"

Biglang nagtiim bagang ang bossing ni Omar na ikinatakot naman niya. Alam niyang hind magandang magalit ang kanyang bossing. "Kung kailangan kong ipa-patay ang mag-ina, ipa-patay ko sila." nagngangalit na sabi ni Bossing.

"A-h Bossing naman... kung nagka-anak kayo, tapos mga nasa dalawangpung taon na ang nakakaraan, ibig sabihin, bente-anyos na anak ninyo..." namamawis ang noo ni Omar nang sabihin niya ito sa kanyang bossing. Natatakot nga siya sa magiging reaksiyon na naman ng kanyang amo. Pero natahimik ito na para bang may-iniisip.

"Juanita?" nanlaki ang mga mata ni Mon nang mababaan niya ng bintana ng kanyang kotse si Juanita, ang dati niyang naging babae.

"Mon?" katulad ni Mon nanlaki rin ang mga ni Juanita sa gulat. Pero agad itong nagbawi at nanlisik ang mga mata. "Buhay ka pa palang hayop ka?"

Itinodo ni Mon ang pagkakababa ng bintana ng kotse. "Oo katulad mo buhay na buhay pa rin. At akalin mong dito pala kita makikita sa mabahong lugar ito." saka tumawa ng nakaka-insulto.

"Malamang. Pero hindi kasing baho ng pagkatao mo."

Pero hindi naapektuhan si Mon sa sinabi ni Juanita. "Nagtataka naman ako sayo, ibang-iba ka na hindi tulad ng huli tayong magkita. Nawala na ang iyong anking ganda. Kung dati kasama ako sa mga lalaking nasunod sayo, ngayon... langaw na ang mga kasama." muli ang nakakainsultong tawa ni Mon.

"Hindi ka pa rin nagbago... Huh, mamatay ka rin. Kung hindi man langaw ang dadapo sayo, sigurado akong uuurin ka rin hayop ka."

"eh ang kaso mukhang matagal tagal pa ako dito sa mundong ito, Juanita? Teka, nang huli tayong nag-usap, hinahabol mo pa ako dahil sabi mo buntis ka? Kamusta na ang pinagbuntis mo na sinasabi mong sa akin na alam kong hindi ko anak."

"Wala ka nang pakialam kung may anak man ako o wala... Tapos na akong humingi ng saklolo sayo. at kahit kailan hindi na mauulit iyon. Abangan mo na lang ang pagkikita natin sa ibang paraan Mon. Tandaan mo yan."

"Bakit anong pinaplano mo?" hindi natatakot si Mon kay Juanita. Pero nagtataka siya kung ano ang pinaplano nito.

"huh! Huwag kang magtanong Mon... matuto kang maghintay. Hindi mo ba naiisip kung bakit tayo muling nagtagpo?" si Juanita naman ang tumawa na nakakauyam. "Payo ko na lang sayo, mag-iingat ka."

"Tinatakot mo ba ako?"

"Ang aga pa para matakot." saka tumalikod si Juanita nang naka-ngisi.

"Juanita?" sigaw ni Mon. Tatangkain sana niyang buksan ang pintuan ng kanyang sasakyan para habulin si Juanita pero pagtingin niya muli, hindi na niya nakita si Juanita.

"Bossing..." tawag ni Omar. Napansin kasi niyang natulala ang amo.

"Gawin mo ng maayos ang pinapagawa ko sayo."
-----

Naging matagal ang katahimikan simula nang tukuyin ni Jonas na si Jesse ang tinutukoy niyang nagpabago ng ikot ng kanyang mundo. Hindi naman maka-react si Jesse nang marinig niya ang sinabi ni Jonas. Sa bandang huli si Jonas rin ang bumasag ng katahimikan.

"Kaya ako hindi sayo nagpakita ng halos limang araw dahil pinag-isipan ko ang bagay na ito Jesse." taimtim nang magalita si Jonas. "Pinakinggan ko talaga ang sinasabi ng puso ko Jesse. Maniwala ka, ang pangalan mo ang laging binabanggit ng puso ko. Basta nagigising nalang ako sa umaga na ikaw ang hinahanap ko at kapag matutulog na ako, ikaw pa rin ang laman ng isipan ko. Jesse..."

Pinilit ni Jesse na ngumiti at intindihin si Jonas pero parang naguguluhan siya. "N-nabigla yata ako, Jonas. Naguguluhan ako..."

"Hindi naman kita pinipilit na sang-ayon mo ang-" hindi mabanggit ni Jonas ang gustong tukuyin. "pa-pag-ibig ko Jesse. Gusto ko lang malaman mo kung ano ka sa akin, kasi nahihirapan din akongmagkunwari na si Jessica ang gusto kong mahalin. Jesse ikaw yun ikaw."

"P-pero Jonas, lalaki ka at lalaki ako? Kung ako ang tatanungin, hindi ko talaga inaasahan ang ganyang klase ng pag-ibig at wala sa hinagap na iibig ako sa, sa katulad mo. Lalaki."

Napabuntong-hininga si Jonas. "Ok lang Jesse." parang suko na ang tono ni  Jonas. "Sabi ko nga, gusto ko lang ipaalam sa iyo." pinilit niyang ngumiti. "Huwag ka sanang magalit sa akin Jesse. Pero Ok lang kung mag-iba ang pakikitungo mo sa akin. Nauunawaan ko." saka siya tumawa. "at tuloy parin ang outing natin bukas ng gabi. Kaya kailangan maghanda na kayo ngayon para aalis nalang tayo bukas. Sigu-"

"Jonas..." awat ni Jesse sa mga sinasabi ni Jonas. Hindi niya alam bakit biglang pinutol niya ang pagsasalita ng kausap.

"Bakit?"

Bumuntong-hininga na lang si Jesse. "Malalim na ang gabi... Kailangan ko na rin sigurong magpahinga. At ikaw rin. Gusto ko nang maka-uwi. Sana maintindihan mo Jonas."

Napa-tango si Jonas. Pero hindi niya maiwasang lumamlam ang kanyang mga mata.

Kahit madilim, halata ni Jesse na nasaktan si Jonas sa kanya. "Huwag kang mag-alala walang magbabago. Alam ko namang wala ka namang masamang intensyon eh. Nagkataon lang na... sa'kin tumibok yang puso mo. Oo, maghahanda na ako para bukas. Sasama kami ni Jessica. Sige paalam na. Mag-ingat ka sa pag-uwi ha??" Hindi na hinintay pa ni Jesse ang pagsang-ayon ni Jonas. Agad siyang tumalikod at iniwan si Jonas sa dilim

"Mahal talaga kita Jesse." bulong ni Jonas nang umalis na si Jesse. "Sigurado ako sa nararamdaman ko para sayo."
-----

Natulala si Jesse nang makapasok sa loob ng bahay. Parang may tambol sa kanyang dalawang tenga na paulit-ulit na tumutunog na nagsasabing "may gusto sa akin si Jonas." Napa-tingala siya sa may kisame. "May gusto sa akin si Jonas at ang lakas ng loob niyang sabihin sa akin iyon." Biglang napa-ngiti si Jesse. "Hindi. Bakit ako nangingiti? Di ba dapat maiinis ako kasi, nagkakagusto sa akin lalaki pa?" kasunod ang buntong hininga.

Tinungo niya ang sofa at doon hinagis ang kanyang bag saka umupo. Kinuha niya sa lamesa sa gitna ang remote control ng tv. Pinindon niya ang power button para magbukas ang telebisyon. Nakasandal siya sa sofa habang nakatutok sa telebisyon pero walang pumapasok sa kanyang utak patungkol sa palabas. Ang rumerihistro sa kanyang utak ay ang pangalan ni Jonas.

"Jonas, Jonas, Jonas. Bakit ako pa? Pwede naman si Jessica?" sabay buntong hininga. Napakamot siya sa ulo.

Pinatay na lang niya ang telebisyon. Pumunta siya sa kanyang kwarto at naghubad ng uniporme. Itinira lang niya ang kanyang sando at brief. Muli siyang lumabas sa kwarto at tinungo ang kusina. Nadaanan niya ang lamesa. Napansin niya ang naka-cover na pagkain. Alam niyang nagluluto si Marco bago umalis pero parang sa tingin niya maganda ang pagkaka-ayos sa lamesa. Binuksan niya iyon at nakitang tatlong uri ng ulam ang nakalagay sa isang malaking plato. Hiniwa-hiwang liempo, tinadtad na lechong manok na sa tingin niya ay ang pitso ng manok at chop-suey.

"Sino ang may kaarawan?" takang tanong ni Jesse sa kanyang sarili. "Wala akong natatandang may dapat na i-celebrate ngayon ah? Hmmm." Biglang kumalam ang kanyang sikmura. "Kain na nga lang ako."

Akala ni Jesse sa ginagawa niyang pag-kain, makakalimutan niya si Jonas na gumugulo sa kanyang utak sa ngayon. Hindi pala. Naging mabagal siyang kumain dahil sa pag-iisip sa mga sinabi ng kaibigan.

"Mukhang hindi ako makakatulog nito ah..."


[12]
"Bilisan mo Jesse. Hindi pa kasi ako nakakapaghanda ng gamit ko eh." Naghihintay si Jessica sa labas ng locker room ng mga manggagawang lalaki ng supermarket. "Alis na alis na ako." sabay tawa ni Jessica.


"Sandali, sandali po. Para ka namang naiihi niyan kung makapagmadali." palabas na si Jesse nang sabihin niya ito kay Jessica.

"Bilis, bilis, bilis." natatawang si Jessica.

"Ok, ok, ok." Napa-ngiwi si Jesse. Parang ayaw niyang sakyan ang mga biro ni Jessica.

"Halika na." hinawakan na ni Jessica si Jesse sa braso at hinila palabas para makasakay na ng sasakyan pauwi.

"Grabe ang excitement." wala sa loob na nasabi ni Jesse.

"Oo nga eh. Hindi ko maitago."

Kakaway na sana si Jessica nang paparating na ang isang jeep na ang daan ay sa kanila nang mapansin niya ang kotseng itim sa bandang likuran ng jeep. "Di ba kay Jonas sasakyan yun?"

Agad napa-tingin si Jesse sa tinutukoy ni Jessica. "Oo yan nga." nang makita ang plate number.

"Mukhang susunduin tayo."

"Pasundo ka." Wala na naman sa sarili niyang nasabi iyon. Pero bigla rin siyang natauhan nang maalalang baka kung anong isipin ni Jessica. Buti na lang at nasa harapan na nila ang kotse.

"Tara na. Sakay na kayong dalawa." yaya ni Jonas sa dalawa.

Walang reaksyon si Jesse. Ewan ba niya at wala siyang masabi at hindi rin makagalaw sa kinatatayuan.

"Bilis Jesse." si Jessica na binubuksan na ang pintuan sa tabi ng driver seat.

Saka natauhan si Jesse at binuksan ang pinto sa likuran at sumakay.

"Ano ready na ba kayo?" tanong ni Jonas nang maayos nang naka-upo ang dalawa.

Nakita ni Jesse si Jonas na naka-tingin sa kanya sa front mirror kaya napa-tango siya. Sagot sa tanong nito.

"Ako hindi pa eh." sagot naman ni Jessica. "Mag-aayos pa ako sa bahay. Huwag kayong mag-alala hindi naman ako matagal maghanda ng gamit." sabay tawa.

"Ok lang." nakangiting sagot ni Jonas. "So dadaan muna tayo sa bahay ni Jesse para kunin ang gamit niya, then sa bahay niyo Jessica."

"Ok lang sa akin." sagot ni Jessica. "Ganun na nga siguro."

"Jesse." tawag ni Jonas. Napansin kasi niyang walang imik si Jesse sa likod.

"H-ha? Oo, ok lang sa akin." sagot ni Jesse. Saka tumingin sa labas habang napapangiwi. "Teka. San ba tayo pupunta?" Tanong ni Jesse kay Jonas. Nakatingin siya sa salamin sa harapan nito.

Tumingin naman si Jonas sa salamin para tanawin si Jesse. "Pa-south tayo."

Napa-kunot noo si Jesse. "Ibig mong sabihin sa Laguna? O Batangas?"

"Wow." singit ni Jessica. "Mukhang malayo-layo ang pupuntahan natin ah. Hindi pa kasi ako nakakapunta ng malayo eh. Dito-dito lang ako sa Maynila."

Natawa si Jonas. "Sa Laguna."

"Gusto ko yun." sagot ni Jessica.

"Ah Jesse..." tawag atensiyon ni Jonas.

"So ibig sabihin, pagka-galing natin sa bahay ni Jessica, pabalik din ang daan natin. Dadaanan uli natin ang kanto namin?"

"Oo Jesse. Ganun na nga."

Alam ni Jesse na naka-ngiti si Jonas kahit nakatalikod ito sa kanya. Nakikita kasi niya sa salamin na naniningkit ang mga mata ni Jonas na nangyayari lang kapag ngumi-ngiti at tumatawa ito. Naapektuhan siya doon. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. Pero binalewala niya. "Naisip ko kasing, umuwi muna sa amin tapos daanan niyo na lang uli ako. Ok lang ba iyon Jonas?"

Hindi agad sumagot si Jonas. "I-ikaw ang bahala."

Iniisip ni Jesse kung tama ba ang naramdaman niyang panghihinayang sa tono ni Jonas. Pero umiling-iling siya para mawala sa kanyang utak ang naiisip.
-----

"Sige, dito na ako. Hihintayin ko na lang ang pagbabalik ninyo." paalam ni Jesse sa dalawa.

"Mag-ingat ka Jesse." si Jonas.

"Naku, kayong dalawa ang mag-ingat sa daan."

"Sige."

Tumango naman si Jesse saka napa-tingin kay Jessica na kumaway sa kanya. Tinanguan niya rin si Jessica.

Hindi umalis si Jesse sa kinatatayuan hanggat hindi nawawala sa paningin ang sasakyan. Sabay buntong hininga. "Nakaka-inis." nasabi niya habang naglalakad patungo sa bahay. "Parang hindi ako maka-hinga kanina. Kaya minabuti ko na lang munang umuwi. Nakaka-inis naman si Jessica, parang nakakarindi ang boses. Masyadong excited. Ako nga tahimik lang eh."
-----

"Sayang." biglang nasabi ni Jonas nang makalayo ang sasakyan nang bumaba si Jesse.

"H-ha?" si Jessica na napatingin kay Jonas.

"H-ha? Wala yun." napa-ngiting pilit si Jonas. Hindi niya kasi intensyong maisatinig ang ang nasabi kanina.

"Ok." sagot ni Jessica.

"Gusto ko sanang maka-usap uli si Jesse habang naghahanda si Jessica ng gamit niya. E kaso, bumama." napa-buntong hininga siya nang malalim.

"May problema?" takang tanong ni Jessica.

"W-wala. Don't worry ang lahat ay maayos at walang problema." sabay tawa.

Napapa-iling lang si Jessica sa isinagot ni Jonas pero hindi siya nagpahalata.
-----

"Jesse." tawag ni Jonas sa bahay ni Jesse nang makabalik. At agad niyang narinig ang mga yabag papalapit sa pintuan. Saka bumukas ang pinto. Nakita niya si Jesse at dala nito ang gamit.

"Inumin mo muna ito." Iniabot ni Jesse ang isang plastic bottled na gatorade.

"S-salamat." nakangiting si Jonas. Natuwa talaga siya sa ginawang iyon ni Jesse.

"Inumin mo na ngayon." utos ni Jesse.

"H-ha?"

"Gusto ko ngayon na dali. Alam kong naghihintay doon sa kanto si Jessica."

"Ok. ok." dali-daling binuksan ni Jonas ang bote saka ininom. Talagang inubos niya ang laman. Nang maubos ang laman ay saka nag salita. "Sa totoo lang, ito ang paborito kong inumin. Pati ang flavor..." masayang pahayag ni Jonas.

"Napansin ko lang kasi minsan sa kotse mo na may bote ng gatorade. Pero ang flavor hindi ko na alam yan ah." natatawang si Jesse.

"Ah kaya pala. So, tayo na?"

"H-ha Tayo na?" iba kasi ang pagkakarinig ni Jesse sa sinabi ni Jonas.

"Aalis na tayo." takang sabi ni Jonas.

"Ay oo nga pala." sabay ngisi. "Iba kasi ang pagkakaintindi ko eh sa tono mo." Saka siya lumakad.

Sumunod si Jonas na naka-kunot noo pa rin. Saka lang niya na-get ang ibig sabihin ni Jesse. "Ah... ahahahaha. Get ko na. Bakit, kung ganoon nga ang ibig kong sabihin, sasagutin mo na ako." natatawang tanong ni Jonas.

Napa-tigil si Jesse sa paglalakad at humarap kay Jonas. "Parang imposible yun mangyari Jonas. Hindi ako babae alalahanin mo." siryosong sagot ni Jesse. Ipinapaunawa niya ang kalagayan nila. "Nagkakamali ka lang siguro sa nararamdaman mo."

Dahil doon, napayuko si Jonas at napatango na lang. Pero ang kalooban niya ay hindi sumasang-ayon sa mga sinabi ni Jesse lalo na nang sabihin nitong nagkakamali lang siya sa nararamdaman niya. "Sige na, magpatuloy na tayo sa paglalakad."

Napabuntong hininga na lang si Jesse. Hindi niya maitatanggi ang naramdaman niyang kirot sa puso niya nang makitang malungkot ang mukha ni Jonas. "Halika na." pinilit niyang ngumiti. Para tuloy siyang nakokonsensiya sa katahimikan ngayon ni Jonas.
-----

"Hay sa wakas, dumating din ang dalawa. Ang tagal ah. Natakot talaga ako kanina." sabi ni Jessica na naghihintay sa kotse ni Jonas.

"Pasensiya na ha?" mahina at malumanay na paumanhin ni Jonas.

Hindi na kumibo si Jesse. Inasikaso na lang niya ang sarili para makasakay sa kotse ni Jonas. Doon uli siya pumwesto sa likuran ng driver. Sinadya niyang sumiksik sa tabi ng bintana para hindi sila ni Jonas magkatinginan sa front mirror.

Umaandar na ang sasakyan ni Jonas. Hindi pa man sila nakakalayo nang magsalita si Jessica.

"Pwedeng magpahinga muna ako?" tanong ni Jessica kay Jonas. "Ibig kong sabihin, iidlip lang ako. Nakakaramdam kasi ako ng pagod eh."

"Oo naman Jessica." sagot agad ni Jonas. "Ah kung gusto mo, palit kayo ng pwesto ni Jesse para makahiga roon?"

Saglit na natigilan si Jessica. Saka siya napa-tingin kay Jesse. "Ok lang ba Jesse?"

"H-ha?" kunot-noong tanong ni Jesse.

"Ang layo na naman ng iniisip mo. Sabi ko kasi iidlip lang ako. Mungkahi naman ni Jonas, palit daw tayo nang pwesto. Kaya tatanungin sana kita kung OK lang?"

Napa-tingin si Jesse kay Jonas. Itinigil ni Jonas ang sasakyan. Wala nang nagawa si Jesse at sumangayon na lang. Tatanggi sana siya. "Sige."

Nagpalit sila ni Jessica. Nang nasa unahan na siya. Hindi niya naiwasang tignan si Jonas. Napansin niyang naka-ngiti ito. Alam niya ang ibig sabihin ng ngiting iyon. Umayos siya ng upo at humarap sa salamin. Ayaw niyang mapa-tingin kay Jonas.

"Ah Jesse, kung inaantok ka na rin, pwede ka ring maidlip."

Napa-lingon siya kay Jonas. "Ok lang ako."

"Pwede ba tayong magkwentuhan?" tanong ni Jonas.

"Sige."

"Para siguro hindi rin ako antukin."

Napa-isip si Jesse. "Oo nga, kailangan ni Jonas ng ka-kwentuhan para hindi antukin."


"Kwento ka naman ng buhay mo Jesse. Pamilya mo?"

"H-ha?"

"Oo. Mmm di ba nabanggit mo sa akin na taga-Batangas ka? Kwento mo naman ang Batangas... Kahit ano. Ay bigla ko lang naisip. Eh kung sa Batangas na lang tayo dumiretso?"

Nanlaki ang mga mata ni Jesse. "Pwede rin." napangiti siya ng maluwang. "May alam akong pwede nating puntahan doon."

"Pwedeng-pwede nating diretsuhin yun. Ano?"

"Oo ba. Makikita ko rin ang mga magulang ko." masayang sabi ni Jesse.

Napangiti nang maluwang si Jonas nang makita niya sa mga mata ni Jesse ang kasiyahan. "Diretso tayo doon, sabihin mo ang daan ah..."

Masayang-masaya si Jesse nang sumagot. "Oo."

"Pero magkwento ka naman, lalo na sa magulang mo para pagdating natin doon alam ko kung paano ako makikisama." sabay tawa. "Baka kasi bigla akong habulin ng itak."

Natawa rin si Jesse. "Habulin ng itak?"

"Oo. Kasi di ba ang batangas kilala sa paggawa ng balisong, itak... Hehe malamang meron din ang tatay mo. Baka ispada pa nga eh."

Muling natawa si Jesse. "Oo, may ganun nga si tatay. Pero bakit ka naman hahabulin nun. Wala ka namang gagawing masama."

"Alam mo na."

Napa-kunot noo si Jesse. "Ang aling alam ko na?"

Hindi kumibo si Jonas. Bumuntong-hininga lang ito.

Saglit pang nag-isip si Jesse saka niya naunawaan ang ibig sabihin ni Jonas. "Huwag mong sabihing sasabihin mo sa magulang ko?"

Natawa si Jonas. "Hindi naman. Wala pa nga eh. Kung sakali lang naman na..."

Sumiryoso si Jesse. "Ikaw talaga, talagang sinisiryoso mo yang nararamdaman mo ah?"

"Oo." tuwid at buong sagot ni Jonas.

Napa-buntong hininga si Jesse. Hindi niya maiwasang mapa-titig kay Jonas. "Alam mo sa totoo lang, nang sabihin mo sa akin ang nararamdaman mo para sa akin, saka ko lang napatunayang hindi na rin ako makatulog nang maayos sa gabi kaka-isip sayo. Pero, kasi... pareho tayong lalaki. Di ba imposible?"


"Naka-titig ka sa akin, Jesse. Huwag mo sabihing..." biglang tumingin si Jonas kay Jessica. Sinilip lang ni Jonas si Jessica kung natutulog ba ito. Saka bumuka ang bibig ng mabilis.

Nabasa ni Jesse ang pagbuka ng bibig ni Jonas. Sinabi kasi ni Jonas na "mahal mo na rin ako noh." na walang tinig na lumalabas. Hindi sumagot si Jesse kundi umayos lang ng upo at tumingin ng diretso sa harapan.

"Ano Jesse, magkwento ka na tungkol sa pamilya mo."

"Oo na. Ito ang simula." Sinunod na lang ni Jesse ang gusto ni Jonas para nga hindi ito makaramdam ng antok. Saka nakakahiya naman kay Jonas na tulugan nila ito gayong nagda-drive ito.
-----

Lihim na nagmamasid ang isang lalaki sa isang madilim na bahagi ng lugar na iyon. Tinatanaw niya ang isang may edad na babae habang ipinapasok sa loob ng bahay ang mga panindang gulay na ka-aangkat pa lang sa palengke.

"Ayan na nga ang sinasabing naging babae ni Boss dati. Ang layo na nga ng hitsura noong bata-bata pa. Pero wala akong napapansing anak. Dapat tumutulong ang anak na magpasok ng mga panindang yun. Ang dami at halatang nahihirapan ang babae. Ang tanong nasaan namana ng anak?"


Naghintay pa siya ng matagal pero naka-sarado na ang bahay pero wala pa rin anak na lumilitaw. "Mukhang hindi nasagot ang katanungan ko ngayon ah. Bukas na uli."


Saka umalis ang lalaki.


[13]
"Inay... 'Tay..." tawag ni Jesse sa mga magulang habang kumakatok sa saradong pinto. Sa likuran ni Jesse naka-tayo ang pipikit-pikit na si Jessica sa sobrang antok habang maluwag ang pagkakangiti naman ni Jonas na gising na gising pa. Saglit pa ay bumukas na ang pinto.


"Sino ba-" magtatanong sana ang ina ni Jesse nang makilala kung sino ang nasa harapan nito. "Jesse, anak?" Gulat at masayang paninigurado sa anak.

"Opo Inay." Saka niyakap ni Jesse ang ina. "Na-miss kita, Nay." Matagal ang kanilang pagkakayap.

"Sandali nga, Jesse. May kasama ka pala. Aba'y nakakahiya, papasukin mo muna." Napansin ni Anita ang dalawa sa likuran ni Jesse.

Bunitiw si Jesse sa ina. "Oo nga po, inay." Saka siya lumingon kay Jonas at Jessica. "Pasensiya na ha? Na-miss ko lang talaga ang inay."

"Ok lang yun." sagot ni Jonas. "Ako nauunawaan ko." Napaka-laki ng ngiti ni Jonas.

"Halika na kayo pumasok muna tayo sa loob bago tayo magkakilanlan." yaya ni Anita. Saka tinawag ang asawa. "Berto, nandito si Jisuy.. ang anak mo. Tumayo ka dyan dahil may bisita tayo."

"Uulitin ko pagpasensiyahan niyo na ang bahay namin." si Jesse. "Pasok na muna tayo at para makapag-pahinga na."

Naunang pumasok si Anita para sunduin ang asawa. Kasunod ang nahihiyang si Jesse, habang nasalikuran nito sina Jessica na halatang naghahanap na ng mahihigaan at si Jonas na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi.

Pina-upo ni Jesse ang mga bisita sa isang mahabang sofa na gawa sa kawayan. Agad ang naisip ni Jonas sa inupuan nila ay sariling gawa ng pamilya ni Jesse.

Dumiretso si Jesse sa kusina para kumuha ng mga baso. Nang bumalik ay tinungo agad ang bag na dala-dala kanina. Kinuha nito ang dalawang plastic bottle ng iced tea. "Pasensiya na ha... hindi malamig." iniabot niya sa dalawa ang bote.

"Ok lang." si Jessica na agad niyang binuksan ang bote. Habang naka-ngiti lang si Jonas.

Iniabot din ni Jesse ang isang pack ng potato chips. "Ito rin, pagtyagaan niyo muna. Aayusin ko lang ang matutulugan natin. Huwag kayong mahiya ah. Ako ang dapat mahiya." binuntutan ng tawa ni Jesse ang kanyang sinabi.

"Sige lang Jesse. Ok lang kami."

"Salamat." sagot ni Jesse kay Jonas saka tinuon ang pansin kay Jessica. "Ok ka lang dyan?"

Ngumiti si Jessica pero mababanaag ang pagod sa mukha. Natawa si Jesse. "Higang-higa na ah. Saglit lang."

Saka tumalikod si Jesse. Tinanaw na lang ni Jonas si Jesse na pumasok sa isang kwarto. Nang makapasok doon si Jesse ang siya namang labas sa kabilang kwarto ng magulang ni Jesse. Ilang hakbang lang ang layo ng kwarto na iyon nila Jesse sa inuupuan nila Jonas sa sala.

"Magandang gabi po. Ako po si Jonas, kaibigan ni Jesse." bati ni Jonas sa magulang ni Jesse. Napatayo pa nga siya nang magsalita. Kasunod si Jessica na nagulat pa sa biglaang pagbati ni Jonas.

Naka-ngiti ang ina ni Jesse habang ang taas ng tingin naman ng ama ni Jesse sa kanila. Naisip ni Jonas na malabo siguro ang mga mata ng ama ni Jesse kaya ganun ito maka-tingin.

"Magandang gabi rin." sagot ng ina ni Jesse.

"Kayo ba ang kasama ng anak ko?" tanong ni Berto, ang ama ni Jesse.

"Opo." sagot agad ni Jonas.

Muli pa ay tumingin ng naka-taas ang noo ang ama ni Jesse kay Jonas. "Pagpasensyahan niyo na ang naabutan ninyo. Bumawi na lang kayo bukas." saka tumingin sa katabi ni Jonas.

Napansin ni Jessica ang pagtingin sa kanya ng ama ni Jesse. "Ako naman po si Jessica. Kaibigan at ka-trabaho ni Jesse sa Maynila."

Tumango-tango lang si Berto.

"Napapansin kong nangangalumata ka na, Jessica." sabi ni Anita. "Halatang-halata na ang pagod nio sa byahe."

"Nasaan ba kasi si Jesse?" tanong ni Berto sa asawa. "Aba'y hindi pa ako nababati nung bata."

Natawa si Anita sa parang pagtatampo ng asawa. "Ikaw naman, ikaw pa." saka tinawag si Jesse.

"Opo Inay. Saglit na lang po." sigaw ni Jesse.

"Sandali ah. Tutulungan ko na si Jesse." si Anita. "Sandali, nagsikain na ba kayo?"

"O-opo." muntikan nang ma-utal si Jonas.

"Sige." at tumalikod na si Anita.
-----

"Dito matutulog si Jessica sa papag ko." sabi ni Jesse sa dalawa nang makapasok na sila sa kwarto niya. "Jonas, ikaw naman ay dito sa mahabang sopa. Ano ayos lang ba sa inyo. Malaki ang papag, pwede dalawa ang matulog dyan kaya lang, hindi pwedeng tabihan si Jessica. Magagalit si Itay. Kaya Okay lang ba sayo JOnas na dito ka sa sopa?"

"Oo naman Jesse." sagot ni Jonas.

Sumingit na si Jessica sa usapan. "Bahala na kayong mag-usap at ako'y matutulog na." Humiga na si Jessica sa papag na may saping makapal.

"Oh Jonas, magpahinga ka na rin." yaya ni Jesse kay Jonas.

"Teka, ikaw?"

"Doon ako sa labas matutulog."


"Sa sofa sa labas. Yung inupuan namin kanina?"

"Oo. Bakit?" nangingiting tanong ni Jesse.

"Dito ka na lang."

"Nge... Saan naman ako?"

"Dito ka na lang sa bangko tapos pwede naman yatang maglatag dito sa lapag. Ako dito."

"H-ha?"

"Oo. Okay lang sa akin yun."

"Hindi na Jonas. Dyan ka na sa bangko at sa labas na ako matutulog. Mas komportable ka dyan."

"Sige, iwan mo kaming dalawa dito ni Jessica." natatawa si Jonas.

"Anong ibig mong sabihin?" kunot noong tanong ni Jesse.

"Wala." saka tumawa ng mahina. "Dito ka na lang, sige na."

Saglit na tinitigan ni Jesse si Jonas saka bumuntong hininga. "Sige pero dyan ka na sa bangko ha? Ako na lang ang maglalatag dito sa lapag."

"Good."
-----

Naglatag si Jesse sa tabi ng mahabang upuan na gawa sa kawayan kung saan naman si Jonas nakahiga.

"Bukas, maaga pa tayo." si Jesse nang makahiga. Napa-tingin siya kay Jonas. "Oh bakit ka naka-titig?"

Natawa si Jonas nang mahina. "Wala naman."

"Tulog ka na. Gaya ng sabi ko, maaga pa tayo bukas."

"Bakit saan tayo pupunta?" tanong n Jonas.

Tatalikod sana si Jesse kay Jonas nang marinig ang tanong nito. "Ano? Siyempre, pupuntahan natin yung beach resort."

"Ah." sabay tawa uli si Jonas ng mahina. "Ok lang naman kahit hindi na tayo magising nang maaga. Ang mahalaga makapag-bonding ka sa pamilya mo. Huwag mo kaming alalahanin."

"Pumunta tayo dito para mag-outing. Sayang naman yung plano mo."

"Sige na nga. Basta kung ano ang mangyari bukas, yun na yun."

"Ok. Tulog ka na. Alam ko pagod na pagod ka na sa pagda-drive."

"Wala yun. Salamat. Pero..."

"Mmm?" ungol ni Jesse, tanong sa gustong sabihin ni Jonas.

"Napapansin ko panay na ang concern mo sa akin." binuntutan ito ni Jonas nang mahinang tawa uli.

"Matulog ka na nga. Kung ano-ano ang iniisip mo." Pagkatapos ay inginuso si Jessica. Pinahiwatig niya na baka marinig nito ang mga pinag-uusapan nila at kung ano ang isipin sa kanila.

Bago pa man makatalikod si Jesse kay Jonas sa pagkakahiga, naimuwestra na agad ni Jonas sa pamamagitan ng kanyang bibig ang salitang, "I Love You".

Agad kumunot ang noo ni Jesse saka umirap at tumalikod kay Jonas. Nang makatalikod hindi niya maiwasang mapa-ngiti kahit hindi niya sinasadya. Pero madali niya itong winaglit sa kanyang isipan.
-----

Maagang nagising si Jonas. Lumabas siya nang kwarto habang natutulog pa ang dalawa. Sa labas, sa bakuran nila Jesse ay naabutan niya ang katay ng manok na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Sa tingin niya ay dalawang manok iyon.

"Jonas, gising ka na pala?" si Anita.

Agad napalingon si Jonas sa ina ni Jesse. "Magandang umaga po." nakangiti niyang bati.

"Ganun din sayo. Ano, maayos ka bang nakapag-pahinga?"

"Opo. Teka, kayo po ba ang nagkatay nito?"

"Hindi, si Berto. Nag-punta lang sa likod bahay nanguha ng mga gulay. Ako lang ang mag-lilinis niyan."

"Ah ganun po ba? Pero ibig po ninyong sabihin, sa laki nitong bakuran ninyo, may taniman pa kayo sa likod bahay?"

Natawa si Anita. "Oo Jonas. Pero, natural na dito na may malaking lupa."

"Ah... Pwede po ba akong tumulong?"

"Ay huwag." saway agad ni Anita. "Magagalit ang asawa ko. Kahit si Jesse, ang kaibigan mo."

"Bakit naman po?"

"Kasi bisita namin kayo. Nakakahiya, kami ang dapat na gumawa niya. Kung nababagot ka, pwede ka naman lumibot dito. Kahit sa labas. Mababait ang mga tao dito." naka-ngiting sabi ni Anita.

"Sige po. Mmm punta na lang po sa likod. Gusto kong makita ang taniman."

"Sige. Abalahin mo ang sarili mo. Mag-ingat ka ha?"

"Opo." tumalikod na si Jonas para tunguhin ang likod bahay.

Agad niyang napansin ang kulungan ng babay sa di kalayuan. Agad niya iyong pinuntahan. Hindi siya nakakaramdam ng pandidiri o ano man na maaring reaksyon kapag ang mga katulad ni Jonas ay nakakita ng mga ganoong bagay. Siya, mas excited pa siyang malaman kung ano ang mga pinagkaka-abalahan ni Jesse nung panahon na nandoon pa siya sa lugar na iyon.

"Wala naman palang baboy dito. Kaya pala tahimik." Nasabi niya nang malapitan ang kulungan ng baboy. "Malinis." Saka siya napa-lingon sa lugar kung saan nagkakagulo ang mga manok sa isang may kahabaang kulungan. Agad niyang nilapitan iyon.

Amoy niya ang singaw ng dumi ng mga manok pero balewala sa kanya iyon. Naka-ngiti pa siya nang bilanagin ang laman ng kulungang iyon. "Labing isa plus pitong sisiw sa kabilang kulungan."

"Parang ngayon ka lang nakakita ng mga manok." si Berto sa likuran ni Jonas.

Agad napalingon si Jonas. "Ay kayo po pala." saka napansin ang dala-dala nitong isang basket namay lamang gulay. "Tulungan ko na po kayo." aktong kukunin sana niya ang basket.

"Hindi na. Kaya ko na 'to."

Saka naalala ni Jonas ang sinabi ni Aling Anita kanina. "Sige po." magalang niyang sang-ayon.

"Sina Jesse, gising na ba?" tanong ni Mang Berto habang patalikod kay Jonas.

"Iniwan ko pong natutulog pa." habol na sagot ni Jonas sa papaalis na si Mang Berto. "Hindi naman mahirap paki-samahan ang magulang ni Jesse." napa-ngiti siya sa naisip.
-----

"Wow, agahan pa lang ito?" manghang pahayag ni Jessica nang makadulog sa hapag-kainan. Nakita kasi niya ang halos tatlong putaheng nakahanda sa lamesa maliban sa mga panghimagas tulad ng prutas. "Nakakagutom naman..."

Natawa si Jesse. "Para sa inyo yan ni Jonas. Kaya kumain kayo ng mabuti ha?"

"E sila Itay at Inay?" tanong ni Jonas.

Napa-ngiti si Jesse sa tanong ni Jonas. "Itay at Inay ah... nasa likod sila, pero papunta na iyon. May inaayos lang. Siya upo na tayo habang naghihintay."

"Sige." sagot ni Jonas.

Hindi pa man nakaka-upo ang lahat nang nagdatingan na ang magulang ni Jesse.

"Oh Jesse, bakit hindi mo pa sila pinagsimulang kumain?" tanong ng ina habang papalapit.

"Gusto po nila Inay na kasabay kayo."

"O siya, kain na." sagot ni Anita.
-----

"Ok na ba ang lahat?" tanong ni Jesse sa dalawa. Papunta na kasi sila pupuntahan nilang beach.

"Ready na." excited na sagot ni Jessica.

"Mag-ingat kayo." si aling Anita.

"Opo Inay." sagot ni Jonas.

"Sige na, para masulit ninyo ang natitira niyo pang oras dito."

"Sige po." paalam ni Jonas sa ina ni Jesse. Kumaway pa nga siya bago tumakod.

Hindi na pinakinggan ni Jesse ang pag-uusap ni Jonas at ng ina. Hindi dahil sa nagseselos siya kundi napapa-ngiti siya kapag binabanggit ni Jonas ang katawagang Inay at Itay patungkol sa kanyang magulang. "Feeling kapamilya eh." biro sa isip ni Jesse saka ngumit ng napaka-luwang.

"Jesse." tawag ni Jonas na nasa likuran ni Jesse. Nauuna naman si Jessica. "Ang bait ng magulang mo."

"Siyempre naman." mayabang na sagot ni Jesse.

"Kaya namana mo sa magulang mo ang kabaitan mo Jesse."

"Syem-" biglang natigilan si Jesse. "H-hindi naman."

Magkasabay na silang dalawa sa paglakad. "Totoo naman."

"Salamat. Pero natutuwa ako sayo. Nakikita ko ng palagay ka sa mga magulang ko."

Biglang napa-yuko si Jonas. "Siyempre naman." saka muling tumingin si Jonas kay Jesse. "Masaya akong makilala ka, Jesse."

Napa-tigil sa paglalakad si Jesse na ikinatigil din ni Jonas.

"May iba ka bang ibig sabihin sa sinabi mo?"

"Jesse, meron man o wala, alam mo na naman ang feelings ko sayo eh." sagot ni Jonas.

Saglit na tumitig si Jesse kay Jonas.

"Kayong dalawa. Ang bagal niyong maglakad." sigaw ni Jessica na nauuna na medyo may kalayuan na. Tama lang na hindi na marinig ang napag-uusapan ng dalawang naiiwan. "Bilis bilis bilis. Excited na ako sobra."

Natawa si Jonas sa sinisigaw ni Jessica. Saka mulling naglakad si Jesse para sumunod kay Jessica.

"Sandali naman Jesse. Iniiwan mo naman ako eh."

Nagmamadali si Jesse sa paglalakad dahil ayaw niyang makita ni Jonas ang haba ng linya ng pagkakangiti niya sa kanyang labi. "Kung pag-ibig din ito sa kanya... hahayaan ko bang magpatuloy?" Napa-iling na lang siya habang naka-ngiti.

"Jesse. Ang bigat nang dala ko, hintay naman."


[14]
"Jesse, dali... samahan mo akong maligo." hila ni Jessica si Jesse nang maibaba ang mga gamit sa isang lamesa sa nakuha nilang cottage. Kitang-kita ang saya ni Jessica sa bawat kilos at pananalita nito. "Jesse, gusto ko nang maka-apak sa tubig dagat."


"Ito naman si Jessica parang ngayon lang naka-punta sa beach eh." biro ni Jessica. Hindi naman inaasahan ni Jesse na matatahimik sa sinabi niya si Jessica. "Ay sorry."

"Hindi, ok lang ako." Halatang na-apektuhan si Jessica sa sinabi ni Jesse. Tumawa ito nang mahina. "Oo, ngayon lang ako magsasaya sa ng ganito sa dagat."

Nakaramdam si Jesse ng sundot sa kanyang konsensiya. "Ibig mong sabihin hindi ka pa nakakapunta sa ganitong lugar?"

Tumawa ng pagkalakas-lakas si Jessica. "Halata ba?" saka bumuntong-hininga. "Sa maniwala ka sa hindi Jesse, tumanda na ako sa ganitong edad, ngayon lang ako makaglalaro sa dagat." biglang humina ang boses ni Jessica. "Dati kasi, napapagmasdan ko lang ito kapag nakasakay ako sa bus. Tapos alangan naman maligo ako sa Manila Bay." sabay tawa uli ni Jessica.

Natawa rin si Jesse. "Pasensiya na ha?"

"Sige na Jesse samahan mo na si Jessica." nakangiting sabi ni Jonas sa likuran nila. "Ako na muna ang bahala sa mga gamit natin. Aayusin ko na lang muna tapos susunod ako."

"Ok." sagot ni Jesse.

"Ayan. Dali, Jesse." sabay tawa sa galak ni Jessica.

Wala nang nagawa si Jesse kundi ang magpadala sa hila ni Jessica. Tulad rin naman ng huli ay excited na rin naman siyang maglunoy sa dagat. Hindi na pinigilan ni Jesse ang kanyang sarili. Gaya ni Jessica, abot-abot din ang kanyang kasiyahan.

"Jonas, bilisan mo." sigaw ni Jesse kay Jonas.

"Oo, susunod na ako." sigaw naman ni Jonas. Nanlaki ang mga mata ni Jonas nang biglang lumubog pahiga si Jesse sa ilalim nang dagat. Sabay tawa. Hinila kasi ni Jessica si Jesse para sa isang biro na ikalubog ni Jesse.

Sa gulat ni Jesse ay halos hindi siya makatayo sa pagkakahiga sa tubig. Nagkakampay-kampay pa nga siya na para bang malulunod gayong nasa mababaw lang naman silang parte ng dagat. Nang makuha na ng balanse, napansin niyang tatawa-tawa si Jessica. "Ah ganun ah?" Bigla niyang sinabuyan si Jessica ng tubig dagat.

Todo ang takbo ni Jessica sa dagat. Para lang hindi mahabol ni Jesse dahil alam niyang gagawin din sa kanya ang ginawa niya kay Jesse. Kahit hirap sa pagtakbo si Jessica sa tubig nagawa pa rin niyang makalayo at pabirong inasar si Jesse.

Napakamot sa ulo si Jesse at napa-tingin sa dako kung saan naroon si Jonas. Nakita niya itong tawa ng tawa. Napa-taas ang kilay niya. "Hoy, bilisan mo. Pinagtatawanan niyo ko ha?" Panay tawa lang ang narinig ni Jesse mula kay Jessica at nakikata niyang ganun din ang sagot sa kanya ni Jonas. "Sige lang, mahaba-haba pa ang oras."
-----

"Dad, bakit parang balisa ka yata nitong mga araw?" tanong ni Justin sa ama nang mababaan sa living room ng malaking bahay ng mga Jimenez. "Hindi ka ba aalis ngayon Dad?"

Hindi kumibo si Don Ramon. Sige lang ang pindot nito sa remote control ng t.v. dahil parang walang magustuhan na palabas. "Yun na ba ang lahat ng channel? Walang kwentang mga palabas." paasik na sabi ni Don Ramon.

"May mga bagong dvds dyan, bakit kaya hindi ka na lang manood?" alok ni Justin. Kinuha niya ang susi ng sasakyan sa isang divider kung saan niya nailapag kagabi.

"Teka, matanong ko nga ang kapatid mong walang kwenta?"

Sanay na si Justin na tawagin si Jonas ng ganoon ng ama. Hindi na niya pinapansin ang mga salitang ganoon patungkol sa kanyang kapatid. Pero nagtataka siya na nagkaroon ng interes ngayon ang kanyang ama sa kanyang kapatid. "Nasabi ko na ba sa inyo na nagsarili na siya?"

Natawa si Don Ramon. "Mabuti naman. Pero ang akala ko, titigil na naman yang kapatid mo dito. Mga buwisit sa buhay ko."

Gusto sanang tumaas ng dugo ni Justin pero nagpigil siya. "Sige Dad, aalis na ako. Marami akong aasikasuhin ngayon sa oposina."

"Siguraduhin mong maganda ang katayuan ng kumpanya Justin. Huwag kang tumulad sa kapatid mo na walang alam sa mundo kundi ang magliwaliw."

Buntong-hininga ang isinagot ni Justin. "Alis na ako Dad."

Hindi na kumibo si Don Ramon.
-----

"Ang daya mo." paratang ni Jesse kay Jonas nang pare-pareho na silang nasa lamesa ng cottage. Oras na para sila ay mananghalian.

Tawa ang unang isinagot ni Jonas. "Natakot kasi ako sayo eh."

Inihahanda ni Jesse ang mga plato. "Ano? Bakit ka naman matatakot?"

"Ako na ang bahalang maghanda Jesse." singit ni Jessica.

Hinayaan ni Jesse na kunin sa kamay niya ang ibang hawak-hawak na kagamitan. Kay Jonas kasi nakatuon ang atensyon niya. "Ano, Jonas?"

Muling natawa si Jonas. "Nakita ko kasi kanina kung paano umusok ang bumbunan mo."

Natawa rin si Jessica. "Kahit nasa tubig na umusok pa rin ang bumbunan?"

Nagsalubong ang kilay ni Jesse. "Parang pinagkakaisahan niyo ako ah?"

"Nagkataon lang. Di ba Jessica?"

"H-ha, ay oo Jonas. Tama ka doon." sagot naman ni Jessica.

"Nagkataon lang ah?" paghihimutok ni Jesse. "Handa na pala ang pagkain eh. Kain na tayo."

"Hmmm parang gusto ko talagang matakot ah?" nasabi ni Jonas.

Napa-tingin si Jessica at Jesse kay Jonas.

"Bakit?" tanong ni Jessica.

"Parang may binabalak na hindi maganda si Jesse eh. Biglang tumatahimik. Masama yan." sabay tawa.

"Sira." natatawang si Jesse. "Ibato ko sayo 'tong plato eh. Wala akong binabalak ah."

"Sabi mo yan ah. Sige maliligo na ako mamaya." sagot ng natatawang si Jonas.
-----

"Alam mo Jesse..." nahihiya si Jonas na ituloy ang gustong sabihin. Naka-upo silang tatlo sa tabi ng dagat. Hinahayaan nilang nababasa ang kanilang pang-upo sa tubig ng dagat.

"Mmm... ano yun Jonas." sagot ni Jesse habang naka-tingin kay Jessica na nagsisimulang gumawa ng sand castle.

"Nahihiya ako. Baka kasi sabihin mo umaabuso ako eh."

Napa-kunot noo si Jesse. "Ano ba kasi yun Jonas?"

"Para kasing gusto ko pang magtagal dito." sabay tawa ni Jonas.

"H-ha?" gulat ni Jesse sa sinabi ni Jonas.

"Ano?" pati si Jessica ay na-curious sa narinig.

"Oo. Sana. Eh kaya lang may pasok na kayo bukas di ba?"

Tumingin ng diretso si Jesse nang diretso sa kanyang harapan. Parang may tinatanaw sa dulo ng karagatan. "Oo, may pasok na kami bukas eh." nalulungkot si Jesse sa posibilidad na hindi mapagbigyan si Jonas.

"Oo nga Jonas." pangalawa ni Jessica. "Ako nga gusto ko pa man magtagal pero may pasok na kasi bukas eh."

"Kaya nga hindi ko masabi kanina." napayuko si Jonas. "Ok lang naman. Naisip ko lang." sabay tawa.

Hindi na nag-react pa si Jesse. Tumahimik na lang siya dahil alam niya ang nararamdaman ni Jonas.
-----

"Bossing ang aga niyo naman ako pinapunta dito sa trabaho ko. Mamaya pa magbubukas itong club eh. Bakit bossing may imi-meet ka ngayon ano?"

Sa halip na sumagot, nagtanong ito kay Omar. "Kamusta yung pinapagawa ko sayo Omar?"

"Ayun, wala pa Bossing. Babalikan ko pa."

"Bilis-bilisan mo ang paghahanap. Kilalanin mo ang anak ni Juanita."

"Oho bossing. Alam ko na kung saan nakatira si Juanita. Kaya lang hindi ko pa nakikita ang anak niya."

"Sige."

"O bossing, yun na ba ang dahilan kung bakit pinatawag niyo ako nang maaga?"

"Hindi, may pupuntahan tayo." Biglang inihagis ni Mon ang susi kay Omar.

Alam na ni Mon ang gagawin ang magmaneho ng sasakyan.
-----

"Malapit nang mag-gabi?" paalala ni Jonas. "Hindi pa yata tayo nagliligpit." Nagtataka si Jonas nang hindi siya marinig nang dalawa na halos kalapit niya lang. Kahit nakatalikod lang ng naman ang mga ito ay alam niyang maririnig siya. "Magliligpit na ba tayo?"

"H-ha?" si Jesse. "Bakit?"

Nagkunot noo si Jonas.

"Balak na siguro niyang umuwi Jesse?" tanong ni Jessica.

Lalong kumunot noo si Jonas.

Tumawa si Jesse. "Bigla yatang nagbago ang isip. Kanina lang gusto pang magtagal tayo dito."

"A-ano ba ang ibig niyong sabihin?" nagtatakang si Jonas.

"Ano ka ba? Tuloy ang kasiyahan, Jonas." si Jessica.

"O hindi nga?" mangha ni Jonas.

"Oo. Napagkasunduan namin ni Jessica na hindi pumasok bukas. So mag-oovernight tayo dito. Kaya lang kailangan ko munang umuwi sa bahay para magpaalam."

Natawa si Jonas sa kaligayahang nadama. "Sigurado kayo?"

"Oo naman Jonas." si Jessica.

"Sabi nyo yan ha?" paninigurado ni Jonas.

"O siya, uuwi muna ako para magpaalam na dito tayo magpapagabi sa dagat." paalam ni Jesse.

"Kailangan mo ba ng kasama?" tanong ni Jonas.

"Hindi na Jonas. Samahan mo na lang si Jessica dito."

"Sige."
-----

"Alam mo Jonas, nagpapasalamat talaga ako dahil nakilala ka ni Jesse. Kasi kung hindi, hindi sana ako madadamay ng ganito. Hindi ako makakaranas ng tulad ng ganito."

Nagsisimula na si Jonas gumawa ng bonfire habang naka-upo sa malapit si Jessica. "Kay Jesse ka magpasalamat kasi kung hindi mabait yang kaibigan mo, tingin mo ba makikisama rin ako ng mabuti sa kanya?"

"Oo naman, pero pati ikaw dapat ding pasalamatan. Ikaw kaya ang halos gumagastos lahat. Nagtataka na nga ako sayo eh. Mayamang-mayaman ka siguro." sabay tawa ni Jessica.

"Hindi ah." tawa rin ni Jonas.

"Pero alam mo. Totoo ang sinabi mo Jonas eh. Likas talaga ang pagiging mabait ni Jesse, kaya ko nga siya minahal eh." deretsahang pahayag ni Jessica. "Hindi mo naman siguro ako ibubuko sa kanya di ba?"

Natahimik si Jonas. "Si Jessica, may gusto kay Jesse. Paano kung si Jesse may gusto kay Jessica?" Bigla siyang kinabahan. Pinilit niyang tumawa. "Aha, may alam na ako ah?"

Natawa si Jessica. "Huwag mong sasabihin ah? Sinabi ko lang yun sayo kasi kapatid na ang turing ko sayo."

Hindi nasaktan si Jonas nang sabihin ni Jessica na kapatid lang ang turing sa kanya ni Jessica. Nasaktan siya sa posibilidad na sina Jesse at Jessica ay maaring magkaroon ng relasyon. "Hindi imposible yun."


"Jonas, natahimik ka?" si Jessica.

"Hindi. Masaya nga ako na malaman ko yun eh." pero sa loob loob niya nasasaktan siya.

"Siguraduhin mo lang na hindi mo sasabihin ah?"

"Oo, makakaasa ka Jessica. Hindi ko talaga sasabihin." napa-ngiwi si Jonas.
-----


[Finale]
"Aha, sino may sabing mag-inuman kayo rito?" natatawang biro ni Jesse nang maka-balik. May dala-dala si Jesse na dalawang plastik sa magkabilang kamay.


"Ayan na pala si Jesse." si Jonas nang lingunin ang bagong dating.

"Ano yang dala mo?" tanong ni Jessica.

"Bagay dyan sa iniinom niyo." sabay tawa si Jesse. "Barbeque, ihaw na siya."

"Talaga?" napatayo si Jonas para kunin ang hawak ni Jesse na plastik. "Ang galing mo talaga."

"Kanina kasi, nag-sabi na ako kay Inay na maghanda para sa pag-uwi natin eh kaso hindi naman tayo uuwi kaya heto dinala ko na lang."

"Eh ano naman yang laman ng isa?" si Jessica, tinutukoy ang isa pang plastik.

"Mga chichiria 'to." pagkatapos ay iniabot ni Jesse kay Jessica ang platik.

"Mukhang tamang-tama talaga." sabi ni Jessica.

"Oo nga eh. Kita ko nga." sagot naman ni Jesse. "Teka, nakakarami na yata kayo ah?"

"Hindi Jesse, kaka-bukas ko lang." sagot ni Jonas habang nilalagay sa isang lalagyan ang mga barbeque.

"Jonas, may kanin din dyan." paalala ni Jesse. "Sandali, kukuha pala ako ng lalagyanan ng sauce."

"Jonas." tawag ng atensyon ni Jessica nang umalis si Jesse papunta sa cottage. "Ang sabi ko sayo ha?"

Natawa si Jonas. "Huwag ka mag-alala. Paka-iingatan ko. Ito ang barbeque."

"Salamat." sagot ni Jessica.

"Ito ang lalagyan para sa sauce." si Jesse nang makabalik galing sa cottage.

"Akin na." Inabot ni Jonas ang maliit na lalagyan. "Ako na ang mag-aasikaso."

"Sige." naka-ngiting sang-ayon ni Jesse.

"Jesse, pahinga ka lang dyan. Alam namin na napagod ka." concern ni Jessica. "Kami na bahala mag-asikaso."

"Salamat Jessica." Pagkatapos ay nilingon ni Jesse si Jonas. Kakatapos lang ni Jonas isalin ang sause na naka-supot kanina.

Bahagya pang nagulat si Jonas nang malingunan si Jesse na naka-tingin sa kanya. Agad siyang napa-ngiti. "Ito na oh. Kain ka na, Jesse."

Nagkunot-noo si Jesse habang naka-ngiti. "Kain ka na dyan. Kayo, wala kayo balak kumain? Hindi pa nga pal kayo kumakain babanat agad kayo ng alak."

Natawa si Jessica. "Ako kasi, gusto ko matikman ang beer. Sorry po Jesse. Ok lang naman di ba?"

"Kain muna tayo. Sige na sabay-sabay." si Jesse.
-----

Lumalim pa ang gabi halos nakaka-ilang bote na rin sila. Pero hindi tulad ng dalawang lalaki ang kaunting naiinom ni Jessica.

Sa kaunting naiinom ni Jessica, ramdam niya ang unti-unting pagkahilo. "Sandali lang ah, pupunta lang ako sa cr."

"Mag-ingat ka Jessica, medyo madilim." paalala ni Jonas.

"Gusto mo ihatid kita Jessica?" alok ni Jesse.

"Sus, hindi na Jesse." sagot ni Jessica. "Salamat." Saka siya tumayo at umalis.

Naiwan si Jesse at Jonas.

"J-jesse..." panimula ni Jonas.

"Mmm..." napatingin si Jesse kay Jonas. Halos isang dipa lang ang layo nila sa isa't isa habang naka-upo sa buhanginan.

"Napag-iisipan mo ba ang sinabi ko sayo?"

Marahan ang pagtawa ni Jesse. "Pinag-iisipan ba iyon Jonas?"

Nakaramdam ng pagkapahiya si Jonas. "b-bakit ano ba dapat?"

"Kung pinag-isipan mo lang Jonas ang nararamdaman mo para sa akin, siguro hindi pag-ibig ang nararamdaman mo para sa kin."

"H-ha? Puso ko ang may sabi Jesse. Totoo ang nararamdaman ko para sayo. Sabihan mo man akong bakla ngayon, yun talaga ang nararamdaman ko para sayo Jesse."

"Shhh... huwag mong lakasan baka marinig ka ni Jessica." natatawang si Jesse.

Napa-ngiwi si Jonas. "Siguro, hindi mo lang talaga nararamdaman ang tulad ng sa akin. Kaibigan lang talaga ang tingin mo sa akin Jesse. Pasensiya na."

Bumuntong-hininga si Jesse. "Ewan ko ba Jonas." Muling napa-ngiwi si Jonas nang sambitin iyon ni Jesse. "Kahit na anong gawin ko, pilit ko na ngang inaalis ka sa isipan ko pero hindi ko magawa."

Biglang nabuhayan si Jonas. "A-anong ibig mong sabihin?"

Muli pa ang buntong hininga ni Jesse. "Pag-ibig din ba iyon? Ang hanapin ka sa bawat sandali kahit hindi ko intensyon? Ang isipin ka bago ako matulog? Inaalala ka kung nasa mabuti kang kalagayan? Siuro ang higit sa lahat ang kakaibang tibok ng puso ko kapag nakikita kita."

"A...a.." hindi makapagsalita si Jonas. Gusto niyang matuwa ngunit hindi niya magawa dahil walap pang kasiguraduhan ang dapat niyang ikasiya.

"Oo, Jonas. Nararamdaman at nararanasan ko rin ang tulad ng sa iyo." nagkibit balikat si Jesse.

"Mahal mo rin ako Jesse. May pag-ibig ka ring nararamdaman para sa kin? Sige na Jesse, sabihin mo."

"Siguro nga, Jonas." humarap si Jesse kay Jonas at tumitig siya sa mga mata nito.

Napa-ngiti si Jonas. "Hindi ba ako nagkakamali sa narinig ko? Totoo Jesse?"

"Susundin ko na lang siguro ang tinitibok ng puso ko Jonas."

Natawa si Jonas. "Bakit ano bang sinasabi ng puso mo, Jesse?"

"Mahal daw kita?"

"Bakit patanong?" tanong ni Jonas.

"Basta, susundin ko na lang ang puso ko. Jonas, paka-ingatan mo na lang ang puso ko." Sinundan iyon ni Jesse nang napaka-tamis na ngiti.

Gustong sumigaw ni Jonas sa sobrang kasiyahan pero nag-aalala siya na baka kung anong masabi niya at marinig ni Jessica. "Jesse, p-pwede bang tumabi sayo?"

Natawa si Jesse. "Ok lang."

"Masayang-masaya talaga ako Jesse. Hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinaligaya ngayong gabi."

"Oo na."

Tumabi si Jonas kay Jesse. "Paano mo napag-desisyunan na sagtuin mo ako ngayon?"

Muling natawa si Jesse. "Paano kanina. Nang umalis ako pauwi sa bahay."

"Tapos..." siryosong pakikinig ni Jonas.

"Nakaramdam ako ng selos." biglang napa-yuko si Jesse. Nahiya kay Jonas. "Nakakahiya, pero iyon ang totoo. Sising-sisi ako bakit ko kayong dalawa ni Jessica ang naiwan. Gusto ko nga sanag bumalik para isama ang isa sa inyo kaya lang nahiya rin naman ako sa sarili ko."

Natatawa si Jonas. "Tapos..."

"Tapos? Ano, ayun. Nagmamadali akong maka-balik, sabi ko sa sarili. Baka kung ano na ang nangyayari sa kanila." sabay tawa ni Jesse. "Kaya dapat bilisan ko."

"Alam mo ba Jesse, ganyan din ang nararamdaman ko kapag hindi kita nakikita o sa tuwing alam kong kayong dalawa lang ni Jessica?"

"Ewan ko sayo Jonas? Ano ba pinakain ko sayo at na-inlove ka sa akin?" Bigla nalang natigilan si Jesse nang mapatitig sa mga mata ni Jonas. Titig na titig kasi si Jonas kay Jesse. "B-bakit?"

"Parang gusto kong halikan ang mga labi mo Jesse?" kasunod noon ang unti-unting paglapit ng kanilang mga labi.
-----

"Bossing.. mukhang papunta tayo sa lugar ni Juanita eh." pahayag ni Omar nang mapansing tinatahak na lugar ay patungo sa lugar ni Juanita. Sinusunod niya ang itinuturong direksyon ng kanyang amo.

"Gusto ko lang ako mismo ang makakita sa sinasabing anak ko." sagot ni Mon.

"Sabi mo ni Bossing eh." tumahimik na lang si Omar at itinuon ang sarili sa pagmamaneho.

Saka naman din natahimik si Mon at muling binalikan ang nakaraan.
-----

Papasok noon si Mon sa kanyang opisina nang tumunog ang kanyang cellphone. Naka-recieve siya ng isang text galing sa isang hindi kilala. Number lang ang lumitaw sa screen ng cellphone. Agad niyang binuksan iyon para basahin.

"Gusto mong malaman kung nasaan ang babae mo?..."


Iyon ang unang nilalaman ng text message. Kasunod ang lugar kung saan makikita ang sinasabing babae niya. Imbes na pumasok sa loob ng opisina niya ay bigla ang kanyang pagbalik palabas.

"Sir..." tawag ng isang matandang epleyada niya.

"Babalik ako. Ayusin mo na lang ang mga gagawin ko sa table ko." sagot niya nang hinidi humaharap at tuloy-tuloy lang ang lakad.

"Ok Sir." sagot ng matandang babae.
-----

Nang makapasok si Mon sa isang motel at ma-check kung may pumasok nga na babae na hinahanap niya, agad siyang nagtuloy-tuloy sa kwarto na inuukopa nito. Pagbukas niya ng pinto agad tumambad sa kaniya ang ang dalawang nilalang na magkapatong sa ibabaw ng kama.

Napatiim-bagang siya at nagdilim ang kanyang paningin. Sinugod niya ang lalaki na nakapatong sa babae na kilala niya. Bahagyang nagulat ang nakahubad na lalaki nang mahawakan ni Mon ang balikat nito. Nang lumingon ang lalaki kay Mon ay nasalo kaagad nito ang isang pwersadong sapak ng kamao ni Mon.

Bulagta ang lalaking nakahubad sa gilid ng kama habang ang babae ay parang walang pakialam na nakahiga pa rin sa kama at nanatiling nakapikit.

Patuloy ang naguumapaw na galit ni Mon, pero minabuti niyang lumabas ng kwartong iyon. Isang malutong na mura ang pinakawalan niya nang maka-labas ng kwartong iyon.
-----

Kinabukasan.

"Mon, hindi ko alam ang nangyari. Pakiusap intindihin mo ako." punong-puno ng luha ang mukha ni Juanita habang nagpapaliwanag sa opisina ni Mon. Secretary siya ni Mon.

"Inalis kita sa letcheng bar na iyon, binihisan kita, at binigay ko lahat sayo pero ganun pala ang ginagawa mo. iniiputan ko ako sa ulo ng hindi ko nalalaman." isang sampal ang pinadapo ni Mon sa mukha ni Juanita.

Nawalan ng panimbang si Juanita kaya napa-subsob siya sa sahig.

"Mon..." si Juanita nang makabawi. "Patawrin mo ako, hindi ko talaga alam yun. Papasok na sana ako nang biglang may humarang sa akin na dalawang lalaki pagkatapos noon... hindi ko na alam ang nangyari..." nanatili si Juanita sa lapag habang umiiyak.

Natigilan si Mon. Bigla niyang naisip ang pakiusap ni Juanita. Pero nanaig pa rin ang kanyang matinding galit. "Hindi ako naniniwala." umikot si Mon papunta sa kanyang swivel chair. umupo at bumuntong hninga. Halatang pigil ang galit. "Lumabas ka na at baka kung ano pang magawa ko sayo."

Minabuti na lang din ni Juanita na lumabas.
-----

Pagkaraan ng ilang araw nalaman din ni Mon na ang katotohanan. Pina-imbistigahan niya ang pangyayari at nalaman niyang pakana pala iyon ng kanyang tunay na asawa, ang ina ng kanyang nag-iisang anak. Wala na siyang nagawa kundi ang manahimik. Pangalawa ang mapatawad ang kanyang babae na si Juanita.

Mahal niya si Juanita. Hindi nga niya ma-explain kung bakit bigla na lang siyang nahumaling sa ganda ni Juanita . Gayong maganda rin naman ang kanyang asawa. Kaya nang malaman niyang wala talaga itong kasalanan ay agad niya itong pinatawad at pinabalik bilang sekretarya nya.

Kahit alam na ng asawa ni Mon ang lahat pati sa babae niya, hindi na niya ito pilit na itinago sa kanyang asawa.

Lumipas pa ang ilang buwan...

"Mon, buntis ako." balita ni Juanita kay Mon nang makapasok ito sa loob ng opisina.

Nagsalubong ang kilay ni Mon sa narinig. "Paano nangyari yun?" Tuloy-tuloy si Mon sa kanyang table. "Di ba gumagamit ka naman ng protection? Ano ang nangyari sa pagpi-pills mo?"

Hindi makapagsalita si Juanita. Alam niya ang kamalian.

"Ano?" sigaw ni Mon. Naiinis siya sa katahimikan ni Juanita.

"Hindi na naman kasi tayo nagse-sex simula noong..." ang tinutukoy ni Juanita nang kidnapin siya ng dalawang lalaki.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Mon sa sobrang galit. "Oh baka naman punla yan ng dumukot sayo?"

"Hindi." tutol ni Juanita sa sinabi ni Mon. "Mon, tatlong buwan na ang dinadala ko. Halos dalawang buwan pa lang ang nakakalipas nang mangyari yun." Nagsisimulang mangilid ang mga luha kay Juanita.

"Ipalaglag mo ang bata."

"Mon? Anak natin to."

"Ipaglaglag mo ang bata." mas ma-matigas ang utos ni Mon kaysa nung una.

"Ayoko." tanggi ni Juanita.

Lumapit si Mon kay Juanita at hinawakan ang mga balikat nito. "Kung mahal mo ako, ipalalaglag mo ang bata."

Naningkit ang mga mata ni Juanita. "Kung ayaw mo, walang problema. Aalis ako at bubuhayin ko ang anak ko." matigas at may paninindigan na sagot ni Juanita. Tumalikod siya at lumabas ng opisina ni Mon.

Simula noon, hindi na bumalik at pumasok si Juanita.
-----

Biglang bumalik sa kasalukuyan ang isip ni Mon nang magtanong ni Omar.

"Bossing, dito ba ang daan natin?" tanong ni Omar nang magdalawang isip na pasukin ang lugar kung saan alam niya ang tinitirahan ni Juanita.

"Dyan ba ang sa kanila?" tanong ni Mon.

"Opo Bossing."

"Sige ipasok mo sa iskinitang yan."

"Masusunod bossing."

Hindi pa sila nakakalayo sa kanto na pinaglikuan nila nang tumigil ang sasakyan.

"Bossing, dyan na ang bahay nila."

"Sige, itigil mo na ang makina."

Itinigil na nga ni Omar ang makina ng sasakyan. Maya-maya pa ay lumabas si Juanita sa loob ng bahay.

"Sige na, Omar paandarin mo na ang sasakyan."

"Bakit Bossing?" takang tanong ni Omar.

"Aalis na tayo. Gusto ko lang naman masigurado kung saan nakatira si Juanita."

"Sige Bossing."

No comments:

Post a Comment