By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com
[11]
Hindi magkamayaw si Josh sa panonood kay Igi sa pagtulog. Hindi niya maintindihan kung bakit pero tila ba ginigising siya ng tadhana sa eksatong alas singko y media ng umaga sa loob ng apat na araw na iyon ng kanilang team building para lamang mapanood niya sa pagtulog si Igi kahit pa sa loob lamang iyon ng ilang minuto, hindi rin maipaliwanag ni Josh sa sarili kung bakit siya aliw na aliw gawin ito gayong wala namang kakaiba kay Igi sa tuwing natutulog ito.
Hindi niya maintindihan kung bakit sa tuwing malapit ng gumising si Igi at iginigiya ang mga labi nito na miya mo ngumunguya ay napapangiti siya, sa tuwing igagalaw ni Igi ang ilong nito na miya mo may naaamoy itong hindi maganda ay tahimik siyang napapatawa at sa tuwing makikita niyang itinataas na ni Igi ang kamay nito upang kusutin ang ididilat na mga mata ay gusto niyang abutin ang mukha nito, haplusin at bulungan na matulog ulit para mapanood niya pa itong matulog.
“Pinapanood mo ba akong matulog?” inaantok na tanong ni Igi sa pagitan ng paghikab na ikinagulat at ikinamula ng mga pisngi ni Josh.
“W-what?” nauutal na tanong ni Josh sabay iwas ng tingin kay Igi, hindi makapaniwala na nahuli at alam ni Igi ang kaniyang panonood na dito.
“Siguro pini-picture-an mo nanaman ako habang natutulog no?!” naniningkit matang pagbibintang ni Igi kay Josh habang naguunat. Saglit namang nangunot ang noo ni Josh sa sinabing ito ni Igi at nang makuwa nito ang ibig sabihin ng huli ay humagalpak ito sa tawa.
“Taking a picture of me while sleeping in third grade is not funny!” natatawa naring saad ni Igi sabay suntok sa braso ni Josh nang makita niya ang hindi magkamayaw na tumatawang si Josh.
“Hindi sana siya nakakatawa kung hindi nagbaha ng panis na laway sa unan mo habang nagta-thumb suck ka!” pangaalaska naman ni Josh sabay tayo mula sa sariling kama upang magunat din.
“PANIS NA LAWAY? Kapal mo! Walang laway sa picture na iyon, nagta-thumb suck, Oo, pero walang panis na laway! Hindi ako naglalaway habang natutulog!” nangingiti nang sabi ni Igi.
“Ah kaya pala---!” simula ni Josh sabay hablot ng unan sa kama ni Igi. “---kaya pala may mapa sa unan na'to!” pagtatapos ni Josh sabay amoy sa natutuyong laway sa unan na kanina lang ay ginagamit ni Igi. “EEEEWWWW! ANG ASIM!” habol panga-asar ni Josh. Agad namang namula ang pinsgi ni Igi dahil sa hiya at sinubukang bawiin ang unan kay Josh.
“Give that back!” singhal ni Igi.
“MGA KAKLASE, TIGNAN NIYO ANG UNAN NI IGI OH, MAY PANIS NA LAWAY!” sigaw ni Josh na walang dudang gumising sa buong beach house.
“JOSHUA, GIVE THAT BACK!” balik na sigaw ni Igi kay Josh sabay sinubukang hatakin muli ang unan mula kay Josh.
“NYE NYE BUNYE NYE!” parang batang pagpapahabol ni Josh sabay takbo at sampa sa kama ni Igi upang hindi siya mahabol ng huli.
“Give that back, Asshole!” nangingiting sabi ni Igi habang habol habol si Josh at wala sa sariling sumampa sa kaniyang kama kung saan kasalukuyang nakatung-tong si Josh.
Parang bumalik sa pagkabata ang magkaibigan, walang pakielam sa ingay na kanilang ginagawa at sa kung ano man ang masagi nila, paikot-ikot sa buong kwarto at pasampa-sampa sa magkabilang kama habang naghahabulan. Nakabuo na muli ng isa pang ikot ang dalawa sa buong kwarto at sumampa na ulit ang mga ito sa kama ni Igi nang hindi pa man lumapat ang kanang paa ni Igi sa kama ay pareho na silang nakarinig ni Josh ng tila ba nabibiyak na tabla.
000ooo000
Nang muling buksan ni Igi ang kaniyang mga mata ay agad siyang naguluhan. Ang huli niyang natatandaan ay ang paghahabulan nila ni Josh ngunit ngayon ay napapalibutan na siya ng bulak na nagkalat sa buong kwarto, bulak mula sa kanilang mga unan at malalaking piraso ng kahoy at spring mula sa kama. Unti-unting gumalaw si Igi at tinignan ang sarili kung meron ba siyang sugat, nang masigurong wala naman siyang sugat at walang nananakit sa kaniyang katawan ay agad naman niyang hinanap si Josh. Laking gulat ni Igi nang makita niyang nadadaganan pala niya si Josh, nakapikit ito at tila ba walang malay. Agad niya itong inalog upang magising ngunit hindi ito kumikibo.
“Oh shit, Josh.” nagaalalang bulalas ni Igi saka tinignan ang buong katawan ng kaibigan upang makita kung may mga sugat ito at nang masigurong wala itong sugat ay sinubukan niyang gisingin ulit ito.
“Josh, wake up.” panggigising ulit ni Igi sa kaibigan sabay alog ulit dito. Nagsisimula nang kabahan si Igi, iniisip na nasaktan si Josh kaya't hindi ito magising, inilapat ni Igi ang kaniyang tainga sa dibdib ng huli upang pakinggan ang puso nito.
Habang kinakabahan at nagsisimula ng maaligaga si Igi ay nakaramdam siya ng marahang pagalog mula sa dibdib ni Josh, itinaas niya ang kaniyang tingin at nakitang nakapikit parin si Josh ngunit meron ng nakakalokong ngiti sa mga labi nito.
“Asshole!” singhal ni Igi sabay tayo at layo kay Josh at suntok sa braso nito.
“What?! Akala mo patay na ako?!” nangaalaskang tanong ni Josh sa nangingiti-ngiti nang si Igi.
“You look dead, can't blame me for being sad for a while, right?” nangaalaskang balik narin ni Igi.
“Ang gwapo ko namang patay! Atsaka, SAD? More like depressed! nagsisimula ka na ngang umiyak dahil di ako magising eh.” tumatawang sabi ni Josh habang nakahiga parin sa tila ba nadurog na kama ni Igi.
“Iyak? I was just actually making sure na hindi ka na humihinga bago ako magtatatalon sa saya.” nakangising balik ni Igi.
“Ah ganun?! Teka lang---” galit-galitang sabi ni Josh saka umambang hahabulin ang papatakbo na sanang si Igi nang biglang bumukas ang kanilang pinto.
“What the--- happened here?!” pagsisimula na sanang pagmumura ni Mrs. Roxas dahil sa galit at gulat sa kaniyang nakita nang buksan niya ang pinto kung saan niya narinig ang malakas na kalabog may ilang saglit lang ang nakalipas.
“Now, now, Mrs. Roxas, there's no need to be excited---” nakangiti paring saad ni Fr. Rico kahit pa sinira na nila Igi at Josh ang isa sa mga kwarto sa bahay bakasyunan ng mga pari. “---I'm sure they are just being boys and this was all just an accident. Kalmado paring pagtatapos ni Fr. Rico na ikinahinga naman ng maluwag ng magkaibigan.
“Fine! Pero dahil sa ginawa niyong yan, matutulog ang isa sainyo sa sahig dahil hindi ako magpapapunta dito ng gagawa ng kama na iyan at ire-report ko ito sa parents niyo!” galit paring sabi ni Mrs. Roxas sabay talikod na agad namang sinundan ni Fr. Rico.
“You know that they can share the other bed, right?” masiya paring tanong ni Fr. Rico na tila naman lalong nakapagpainit sa ulo ni Mrs. Roxas dahil kahit kasi naglalakad na ang mga ito palayo sa kwarto nila Josh at Igi ay naririnig parin ito ng magkaibigan na nagtatatalak.
Nang masigurong nakalayo na ang dalawang matanda ay wala sa sariling nagkatinginan ang dalawa. Unti-unting gumapang ang ngiti sa mga labi ni Josh na naging dahilan ng pagngiti rin ni Igi at hindi nga naglaon ay humagalpak na ang dalawa sa tawa. Si Josh dahil sa sobrang tawa ay hindi na napigilan ang mapaupo sa tanging maayos na kama na natitira sa kwarto na iyon habang si Igi naman ay humawak na sa kaniyang magkabilang tuhod upang suportahan ang sarili mula sa sobrang pagtawa, sa sobrang abala ng dalawa sa pagtawa ay hindi na nila napansin ang kanilang mga kaklase na nagtungo sa kanilang kwarto upang tignan kung bakit maingay ang umagang iyon.
“SHIT!” “OH NO!” sabay sabay na saad ng mga kasamahan ng dalawang magkaibigan na lalong nakapagpahagalpak sa dalawa sa tawa.
000ooo000
Masaya ang dalawa na bumaba para mag-agahan. Disaster mang maituturing ang nangyari sa umagang iyon ay nabale-wala iyon dahil sa parehong naramdaman ng dalawa na tuluyan nang nawala ang pagaalinlangan na bumalot sa kanila nang magkabati sila ilang araw na ang nakakalipas at muli ng bumalik ang kanilang pagkakaibigan na tila ba hindi nangyari ang awayan nila na tumagal ng tatlong taon.
Nakangiti at masuyong umupo ang dalawa sa kanilang napiling kaninan habang masama parin ang tingin sa kanila ni Mrs. Roxas at may dalawa pang pares ng mga mata na nagoobserba sa kanila. Agad na tinignan ni Josh ang nakaahin na pagkain sa kanilang harapan habang si Igi naman ay masuyo ng umabot ng kaniyang kakainin, hindi ito nakaligtas kay Josh na agad namang pinigilan ang huli.
“Those have shrimp on it so hindi mo siya pwede kainin.” seryosong saad ni Josh kay Igi nang matandaan niyang alllergic sa hipon Igi.
“Woooh! Gusto mo lang kasing kainin yung share ko kaya sinasabi mong may hipon 'to!” nakangising saad ni Igi.
“No. Seriously, Igi. Those have shrimps on it.” seryoso paring saad ni Josh sabay abot sa kamay ni Igi na ikinatigil at ikinatameme ng huli. Nagtama ang mga mata ng dalawa, tila natunaw ang puso ni Igi sa pagaalala at pagaalagang iyon ni Josh habang si Josh naman ay walang ibang gusto kundi ang ipaalam kay Igi na pinangangahalagahan niya ito.
Marahang binawi ni Igi ang kaniyang kamay mula sa pagkakahawak ni Josh nang maramdaman niyang ilang saglit pa ay mamumula na ang kaniyang mga pisngi. Ayaw niya itong mahalata ng iba pa nilang kasamahan sa hapagkainan na iyon.
“T-Thanks.” nahihiya at namumulang pisngi na na bulalas ni Igi. Agad namang binawi ni Josh ang kaniyang kamay mula sa pagkakahawak niya kay Igi at agad na nag-iwas ng tingin dito nang maramdaman niya ang pamumula ng kaniyang mga pisngi.
“I-I just don't want you to die yet lalo pa ngayon na magkabati na ulit tayo.” pagbibiro ni Josh sabay pakalawa ng isang kinakabahang tawa kahit pa hindi niya mapaliwanag kung bakit kailangang mamula ng kaniyang mga pisngi at kabahan sa pagtawa gayong si Igi lamang naman ang kaniyang kausap.
“Y-yeah.” wala sa sariling pagsang-ayon ni Igi sa sinabi ni Josh kahit pa hindi naman niya narinig ang sinabi nito.
Ibinalik na ng dalawa ang kanilang pansin sa kani-kanilang mga pagkain, umaasa na wala na ang pamumula ng kanilang mga pisngi upang maayos na muling makapag-usap.
Ang kakaibang kinikilos na ito ng dalawa ay hindi nakaligtas sa isang pares ng mga mata na masugid na nago-obserba sa kanila.
000ooo000
“C'mon, Igi, you can do it!” sigaw ni Josh kay Igi na nagaalangang umakyat ng puno. May takot kasi si Igi sa matataas na lugar kaya naman ng ayain siya ni Josh na umakyat ng puno kung saan prenteng prente ng nakaupo si Josh ay agad siyang nagalangan.
“Halika i-abot mo sakin ang kamay mo.” masigla at nakangiting saad ni Josh na siyang nagtulak kay Igi na abutin ang mabibintog na kamay ng kaibigan.
Ang ala-alang iyon ay muling pumasok sa isip ni Igi habang tinitignan niya ngayon ang tila ba nanalo sa lotong si Josh na nakaabot sa kaniya ang kamay habang nakaupo sa isa sa malalaking sangha ng isa lamang sa maraming puno na nakapalibot sa dalampasigan.
“C'mon, Igi. You can do it.” nag-aanyayang saad ni Josh.
Matagal ng nabuo ang tiwala ni Igi kay Josh, panandalian man itong nasira ay muli naman itong bumalik nang muli silang magkapaliwanagan at magkabati na dalawa kaya naman hindi na siya nagalangan pang abutin ang kamay nito at itulak ang sarili paakyat sa puno kung saan may sinasabing supresa si Josh.
“I can't believe you're still afraid of heights.” umiiling na nakangising saad ni Josh kay Igi nang sa wakas ay makatabi na ito kay Josh.
“Shut up! Phobia's are not easy to overcome, you know---” iritableng balik ni Igi kay Josh na agad na nagtaas ng kamay bilang sabi na suko na siya. “---Ano bang ipapakita mo kasi sakin at kailangan sa taas pa ng puno?” tanong ni Igi kay Josh na muling ibinalik ang isang confident na ngiti sa mukha.
“Just wait.” nakangising sagot ni Josh.
“Kalokohan nanaman ba yan, Joshua?” naniningkit na tanong ni Igi kay Josh na humagikgik na lang.
“Nope!”
“Kapag yan kalokohan nanaman humanda ka sakin.” nangingiti naring sabi ni Igi na lalong ikinalaki ng ngiti sa mga labi ni Josh.
“Promise, hindi ito kalokohan!” masigalang balik ni Josh sabay gulo sa buhok ni Igi at inakbayan ito. Hindi mapigilan ng mga pisngi ni Igi ang mamula na miya mo may mga sariling utak, wala sa sariling sumulyap si Igi kay Josh na nakatingin ng daretso sa malawak na karagatan sa kanilang harapan habang masuyo paring nakangiti, sunod namang tinignan ni Igi ang kamay ni Josh na nakaakbay sa kaniya, hinihiling na sana ay asa ganoong puwesto nalang sila habang buhay.
000ooo000
Iniintay ni Josh ang paglubog ng araw, nasilayan niya ito may ilang araw na ang nakakaraan at sinabi sa sarili na iyon na ang pinakamagandang tagpo na kaniyang nasilayan kaya naman matapos ang ilang activity nila sa team building noong araw na iyon ay hindi na niya pinagisipan pang mabuti kung ipapakita niya ito sa kaibigang si Igi, hindi pa man sila pinapaalis ni Fr. Rico may ilang minuto lang matapos ang kanilang huling activity ay agad na niyang hinatak si Igi papunta sa isa sa pinakamataas na puno malapit sa dalampasigan at inakyat ito.
Kinukulit siya ni Igi kung ano ang iapakita niya dito ngunit hindi niya ito sinasagot. Ilang minuto narin silang nakaupo sa malaking sangha na iyon ni Igi pero hindi parin maipaliwanag ni Josh kung bakit hindi niya parin mai-alis ang masuyong ngiti mula sa kaniyang mukha na andun na simula nang magsimula ang araw na iyon.
Naalis na lang ang kaniyang pansin sa napakagandang tagpo sa harap niya tila ba nagsasalubong na araw at dagat nang makaramdam siya ng pamimigat sa kaniyang kaliwang balikat. Tinignan niya ang sanhi ng pamimigat nito, nakita niya ang maamong mukha ni Igi na mahimbing ng nakaidlip at nakahilig sa kaniyang balikat.
Hindi na inalis pa ni Josh ang kaniyang pansin sa maamong mukha na iyon ni Igi. Ang kagustuhang mapanood ang magandang tagpo ng paglubog ng araw ay tuluyan ng nakalimutan dahil mas pinili na niyang panoorin ang maamong mukha ni Igi na mahimbing na natutulog sa kaniyang balikat.
Umihip ang malakas na hangin na siyang nagpalamig sa paligid ng dalawang magkaibigan, ramdam na ramdam ni Josh ang saglit at marahang pangi-nginig ni Igi kaya't wala sa sarili niyang isiniksik ang sarili sa katawan nito. May kakaibang pakiramdam ang namayani kay Josh nang maramdaman niya ang paglapat ng katawan ni Igi sa kaniyang katawan, ito ay ang pakiramdam na tila ba tama ang pagkaka-kabit ng katawan nilang iyon ni Igi, ang paglalapit ng mga ito, ang pagpapalitan ng init ng mga ito at ang mga hubog ng kanilang katawan na miya mo ginawa para sa isa't isa.
Dahil sa pakiramdam na iyon ay lalo pang isiniksik ni Josh ang sarili kay Igi.
“Hmmm” nagulat si Josh nang marinig ito mula sa bibig ng kaniyang katabi at hindi mapigilang mapangiti ulit dahil sa narinig na iyon, naisip din niya na marahil ay pareho sila ng nararamdamang dalawa at lalo pang lumaki ang ngiting iyon ni Josh nang makita niyang muli ang paggalaw ng mga labi ni Igi na miya mo may nginunguya habang natutulog at ang paggalaw din ng ilong nito na miya mo nakaamoy ng mabahong bagay.
000ooo000
Ang tagpo na siya ngayong pinapanood ni Roan habang nakatingin sa isang malaking puno malapit sa may dalampasigan ay lalong nagpatunay sa kaniyang hinala, ngayon tiyak na ni Roan na may patutunguhan na ang kaniyang mga balak na iparamdam din sa taong lubos na nanakit sa kaniya ang sakit na kaniyang nadarama ngayon.
“I know that look.” saad ng isang lalaki sa may likuran ni Roan na ikinagulat ng lubos ng huli.
“What the hell?!” singhal ni Roan.
“Pang-ilang beses na kitang nakikita na nakatitig kila Josh at Igi. Anong bang meron?” tanong ulit ni Lance na ikinainis ni Raon.
“Mind your own business!” singhal ni Roan na tila naman wala lang kay Lance dahil lalo pa itong ngumisi.
“Bakit umuwi si Neph? Nanawa na siya sayo?” nakangisi paring tanong ni Lance na ikinagulat ni Roan. Walang nakakaalam na merong namagitan sa kanila ni Neph kaya laking gulat niya na ang isang katulad ni Lance na ni isang beses sa nagdaang school year na iyon ay hindi niya nakakausap ay may alam ng patungkol sa kanila ni Neph.
“Don't give me that 'deer caught in a headlight look' it doesn't suit you---” nangaasar ulit na saad ni Lance.
“Fuck you!” singhal ulit ni Roan sabay talikod kay Lance at maglalakad na sana palayo nang muli itong magsalita.
“It's OK to make people see you're hurt, Roan. What's not OK is pretending to be OK when in the inside your seething with rage, ready to pounce at unsuspecting friends---”
“You don't fucking know me and you don't know how fucking bad it hurts so just mind your own fucking business and shut up---!” singhal muli ni Roan sabay lapit ulit kay Lance at dahil sa galit kay Lance ay hindi na napigilan pa ni Roan na sampalin ito na nasalo naman ng huli bago pa sumayad ang palad nito sa kaniyang kanang pisngi.
“You're better than this, Roan. Neph is an asshole for hurting you but you don't have to be a bitch to make others hurt like you. You're better than this, choosing to be miserable while others choose to be happy. You're better than this.” pabulong na saad ni Lance habang hawak hawak parin ang kamay ni Roan na desedido paring ilagapak ang palad sa kaniyang pisngi.
Unti-unti namang nanlambot si Roan. Nang masigurong hindi na siya muli pang aambaan ni Roan ay marahan nang ibinaba ni Lance ang kamay ni Roan at masuyo ng nilisan ang lugar na iyon habang si Roan naman ay nagsisimula ng maluha, tila kasi pinako ang kaniyang puso sa isang tabla dahil sa mga sinabing iyon ni Lance. Wala naman kasi talaga siyang balak manakit ng tao pero itinutulak siya ng pinagsamang galit at sakit na iparamdam sa iba ang sakit na kaniyang nararamdaman.
“I'm better than this.” pagpapaalala ni Roan sa sarili matapos mapaluhod sa lupa habang tuluyan ng tumutulo ang kaniyang matatabang luha.
“I'm better than this.”
Itutuloy...
[12]
Napatigil si Igi sa paglalakad nang maabutan niyang nakatitig si Josh sa natitirang matinong kama sa kanilang kwarto, tila ba malalim ang iniisip o di kaya naman sinasaulo ang itsura ng kama na iyon, sa sobrang pagkaabala sa pagtitig ni Josh sa kama ay hindi na nito napansin si Igi na tumabi sa kaniya at sinubukan ding titigan ang kama at alamin kung bakit aliw na aliw si Josh sa pagtitig dito.
“What are we looking at?” wala sa sariling tanong ni Igi kay Josh nang hindi na niya matiis pa na titigan ang hindi naman dapat bigyan ng interes na bagay. Ang biglaang pagsasalitang ito ni igi ang gumising kay Josh, saglit na sumulyap si Josh kay Igi atsaka ibinalik ang tingin sa kama.
“Iniisip ko lang kung pano tayo matutulog ngayong gabi.” kunot noong tanong ni Josh kay Igi na hindi narin mapigilang mapa-isip ng malalim.
Mag a-anim na talampakan na si Josh na dalawang pulgada lang ang lamang kay Igi, pareho ring malaki ang katawan ng dalawa, si Josh bilang batak sa gym ay konti lamang ang lamang kay Igi na batak naman ang katawan, hindi sa pag-g-gym kundi sa pageehersisyo at iba't ibang sports na kinahuhumalngan nito. Kaya naman ang pagkasyahin silang dalawa sa isang maliit na higaan ay talaga namang kinakailangang pagisipan na mabuti.
At dahil sa malalimang pagiisip na iyon ay ilang minuto pa nilang dalawa tinitigan ang kama na miya mo iniintay itong sagutin ang kanilang tanong kung paano sila matutulog sa pang isahang kama na iyon.
000ooo000
Antok na antok man ay hindi magawa ni Igi na makatulog. Paano ba naman kasi ay natatakot siya na baka kapag nakatulog na siya ay wala sa sarili niyang yakapin ang kaibigan, hindi niya rin pinagkakatiwalaan ang sarili na tumahimik patungkol sa totoong nararamdaman sa kaibigan habang natutulog kaya naman hindi na siya nagdalawang isip na patagilid na humiga sa kama at humarap palayo kay Josh.
Dahil sa pusisyon ng pagkakahiga na iyon ni Igi ay hindi niya nakikitang, katulad niya ay dilat na dilat parin si Josh, hindi rin makagalaw mula sa pagkakahiga, nagaalala na baka hindi makatulog si Igi dahil sa kaniyang likas na likot sa pagtulog at dahil narin sa pagiisip sa isang hindi malamang bagay na tila ba hinahanap ng kaniyang katawan sa mga oras na iyon.
Sa pagaakalang tulog na si Josh at dahil patuloy paring namamayani ang takot ay naisipan na lang ni Igi na bumangon at maglatag na lang ng mahihigan sa sahig ngunit nang aktong patayo na siya ay may isang bagay na nakapagpatigil sa kaniyang pinaplano.
000ooo000
Naniningkit matang tinignan ni Des si Neph, sinusubukang hulaan ang hawak nitong mga baraha, sinusbukang hulaan kung sino ang mananalo sa kanilang dalawa. Pangalawang araw na niya iyong pagste-stay sa bahay ng huli, natatakot na sa oras na umalis siya sa tabi nito ay muli nanaman siyang malulungkot at hindi muling titigilan ang pagiisip sa kaniyang problema kaya't humingi siya ng pabor sa ina ni Neph na ipaalam siya sa kaniyang mga magulang sapagkat alam niyang si Neph lang ang makakapagpagaang ng loob niya.
Naniningkit matang tingin rin ang sinukli ni Neph kay Des, hinahamon na ipakita na ang baraha nito ng magkaalaman na kung sino ang panalo sa kanilang laro. Pangalawang araw na iyon doon ni Des, alam niyang may dinadala itong problema at ayaw nitong mapagisa. Dalawang araw na ngunit hindi parin kusang sinasabi ni Des kay Neph ang nangyari kung ano ang dinadala nito, ayaw din naman ni Neph na tanungin ito dahil alam niyang sasabihin din naman ito sa kaniya ng huli kapag handa na ito basta't alam niya ngayon na kailangan ng kasama ni Des at hindi niya iyon ipagdadamot sa huli.
Nang sa wakas ay nagkasawaan na ang dalawa sa pagpapalitan ng nanghahamon na tingin ay sabay na ng mga ito na inilahad ang kanilang mga baraha.
“I won!” sigaw naman ni Des sabay tayo sa kinauupuan at nagtatatalon na miya mo bahay at lupa ang napanalunan.
“Haist. Lagi na lang ikaw ang nananalo.” lungkot-lungkutan na saad ni Neph na ikinahagikgik naman ni Des.
“Pulpol ka lang talaga sa lahat ng laro. Tanda mo noon, kahit laro sa jolen ako parin ang nanalo---!” pangaasar ni Des kay Neph na ikinailing na lang nito.
“---tapos hihingi ka ng price dahil nanalo ka! Yung price pa na gusto mo, hot choco!” tuloy ni Neph sa pagbabalik tanaw ni Des na hindi mapigilan ang sarili na mamula ang pisngi at mapatawa.
“---tapos di ka papayag kasi sabi mo nandaya ako---” balik naman ni Des.
“---tapos hindi mo ako papansin at bigla ka na lang uuwi dahil lang sinabihan kitang madaya.” sagot naman ni Neph.
“---tapos pupunta ka sa bahay na may dalang---” habol ni Des.
““HOT CHOCOLATE!”” sabay na pagtatapos ng dalawa, nagtama ang tingin ng mga ito, namumula ang mga pisngi habang unti-unting nauubos ang ngiti sa kanilang mga mukha, parehong hinihiling na hilahin ng pagkakataon na iyon ang oras at ibalik sila sa panahong mga bata pa sila at ang simple lamang na inumin na iyon ang papawi ng kanilang mga hindi pagkakaintindihan at muling ibalik ang kanilang nagkalamat na pagkakaibigan.
Ilang saglit pa ang itinagal ng pagtititigan na iyon nila Des at Neph. Tila nakakapagusap at nagkakaintindihan ang kanilang mga tingin na iyon.
“Dahil dyan, ipagtitimpla kita ng hot choco.” basag ni Neph sa kanilang pagtititigan ni Des at tumuloy na papunta sa kanilang kusina na lubos na ikinalungkot ni Des, dahil alam niyang siya ang may kasalanan kung bakit nasira ang dati'y solid na solid na nilang pagkakaibigan ni Neph, dahil lamang sa selos kay Roan at sa pagaakalang may nararamdaman si Neph sa huli.
“I should've stayed as your friend, Neph. I should've faced the pain. I-I miss you.” bulong ni Des sa kalalapat lamang na pinto na siyang ginamit ni Neph upang makalabas mula sa kwartong iyon.
000ooo000
Nakangiti si Neph habang naghahanda ng maiinom nila ni Des. Hindi parin maialis sa sarili na matuwa at kahit papano ay nagkaayos na sila ni Des kahit pa hindi parin niya maintindihan kung bakit bigla na lang siyang hindi pinansin ni Des may ilang taon na ang nakakalipas.
“I'm not sure if I'm in love with Josh.” pabulong na saad ni Des sa may pinto ng kusina na siyang ikinatigil ni Neph sa kaniyang ginagawa, sa sobrang gulat sa mga narinig mula kay Des ay hindi na niya nagawa pang humarap dito.
“I love him only as a friend and not as a lover.” paguulit ni Des sa pagaakalang hindi narinig ni Neh ang kaniyang unang sinabi. Hindi na napigilan pa ni Neph ang sarili at hinarap na nito si Des, magsasalita na sana siya ngunit inunahan siyang muli ni Des.
“I thought-- I-I can love him l-like I love--- I-I thought I can love him ng mas hihigit pa sa pagiging magkaibigan p-pero--- binigay ko na sa kaniya lahat dahil na-g-guilty ako dahil pakiramdam ko kulang yung ipinapakita ko sa kaniyang pagmamahal kumpara sa ipinapakita at ibinibigay niya sakin, akala ko kapag ibinigay ko na sa kaniya ang lahat mamahalin ko na siya ng higit pa sa pagiging magkaibigan p-pero mali ako--- ayaw na ng parents niya na naiiwan kaming walang matandang kasama sa bahay, nagalit siya and he told me that it's unfair because we love each other. B-but I broke his heart. I agreed with what his parents want, sinabi ko na masyado pang maaaga and that we should be sure with what we feel before going on with our relationship. Paulit ulit niyang tinanong kung mahal ko siya at sinabi kong mahal ko siya pero, pagkasabi na pagkasabi ko pa lang ng salitang pero bumagsak na ang mukha ni Josh. I told him that I'm not IN-LOVE with him and that I---” aligagang tuloy tuloy na saad ni Des na nakapagpalungkot ng sobra kay Neph, ayaw niyang nakikitang aligaga ito, ayaw niyang nakikita na pinapatay ng sariling konsesya ang taong mahal niya at lalong ayaw na ayaw niya itong nakikitang nasasaktan dahil lamang sa isang bagay na hindi niya kayang pigilan.
“Don't kill yourself over something you can't control. You don't love him, there's nothing yo can do about it. There's nothing he can do about it. So p-please stop killing yourself over this, I -I hate to see you like this.” hindi mapigilang pagaalo ni Neph sabay binalot na ng kaniyang malalaking braso ang petite na katawan ni Des na agad namang humagulgol.
“Shhh. Everything is going to be OK now.” pagaalo ni Neph kahit pa alam niyang iyon pa lang ang umpisa ng lahat.
000ooo000
Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Igi nang maramdaman niya ang pagyakap ni Josh mula sa kaniyang likuran. Ramdam na ramdam niya ang bigat at laki ng mga braso nito, ang marahang pagtaas at pagbaba ng dibdib nito na nakalapat sa kaniyang likuran kapag humihinga ito at ang pag-ihip ng hininga nito sa kaniyang batok kasabay ng pagtaas at pagbaba dibdib nito.
Pero imbis na lalong hindi dalawin ng antok at ma-tense si Igi dahil sa pagyakap na iyon ni Josh ay taliwas doon ang nangyari. Mas nagrelax ang kaniyang buong katawan na lalong lumapat sa matipunong katawan ni Josh, dahan dahan narin niyang ipinikit ang kaniyang mga mata dahil sa antok at tanging isang malalim na hininga na lang ang kaniyang napakawalan bago pa siya tuluyang lamunin ng tulog.
000ooo000
Hindi alam ni Josh kung bakit niya biglang niyakap si Igi ang tanging alam niya lang ay tila ba may nagtutulak sa kaniya na gawin iyon na para bang ang pagyakap na iyon sa katawan ni Igi ay kanina pa gustong gawin at hinahanap hanap ng kaniyang katawan para makatulog. Habang asa ganoong pwesto siya ay hindi niya mapigilang mapansin ang mabangong buhok ni Igi na tila ba gumagapang at bumabalot sa buong katawan nito.
“Hmmmm...” wala sa sariling bulalas ni Josh sabay dikit ng ilong sa batok ni Igi, ipinikit ang mga mata, sinamsam ang bang ng buhok at balat ni Igi, lalo pang iniyakap ang sarili sa katawan ng huli at hinayaan na ang sarili na lamunin din ng antok kagaya ni Igi.
000ooo000
Pagdilat na pagdilat ng mga mata ni Igi ay hindi niya mapigilan ang mapangiti dahil sa buong magdamag silang magkayakap ni Josh. Hindi alam kung ano ang kaniyang isipin sa yakapan na iyon pero ipinograma niya rin sa kaniyang isip na ang simpleng yakapan na iyon sa kanilang pagtulog ng magkasama ay wala ng ibang ibig sabihin pa kaya naman dahan- dahan niyang ini-angat ang mala trosong braso ni Josh at umalis sa pagkakayakap nito, saglit na napatigil si Igi sa pagbangon sa pagaakalang nagising si Josh dahil sa biglaang paggalaw nito na tila ba hinahanap si Igi sa tabi, natigil lamang iyon nang mabilis na isiniksik ni Igi ang unan sa pagkakayakap ni Josh bilang kapalit ng kaniyang katawan na agad namang ikinatigil ni Josh sa paggalaw.
Saglit na tinitigan ni Igi ang maamong mukha ni Josh, hindi mapigilang mapangiti sa tila ba batang natutulog sa kaniyang harapan bago tahimik na lumabas mula sa kwarto at pumunta sa isang tahimik na lugar kung saan maaari niyang balik-balikan ang mahihigpit na yakap ni Josh.
000ooo000
Kalahating oras pa ang lumipas at tila may bumulong kay Josh na mayroong mali sa kaniyang paligid kaya naman dahan-dahan niyang iminulat ang talukap ng kaniyang mga mata. Para siyang sinampal ng pagkadismaya nang malaman niya kung ano ang mali sa kaniyang paligid sa umagang iyon. Wala na si Igi sa kaniyang tabi, tanging unan na lamang ang kaniyang yakap-yakap imbis na ang kaibigan.
Sa loob ng ilang araw nilang pagste-stay sa beach house na iyon ng mga pari ng samahan ni Saint Anthony ay si Josh lagi ang unang nagigising, panonoorin ang maamong mukha ni Igi habang natutulog hanggang sa magising ito, kaya naman ngayon, dobleng pagkadismaya ang kaniyang nararamdaman dahil hindi niya nagawa ang mga bagay na iyon na sunod sunod na apat na araw na niyang ginagawa.
Habang bumabangon at nagliligpit ng kanilang pinaghigaan ay hindi maiwasang isipin ni Josh na baka nawirduhan si Igi sa kaniyang pagyakap dito kaya maaga itong nagising at lumabas ng kanilang kwarto.
“Kailangan ko siyang makausap.” sabi ni Josh sa sarili matapos magayos ng pinagtulugan at tumuloy na sa banyo upang mag-ayos ng sarili.
000ooo000
Nakatanaw lang si Igi sa malawig na dagat, pinapanood ang bawat paghampas ng alon sa dalampasigan, sinasaulo ang ganda nito, iniisip na iyon na ang huling araw nila sa beach house na iyon at babalik silang magkaibigan muli ni Josh, isang bagay na akala niya ay hindi na muli pang mangyayari. Naisip ni Igi na hindi na sila muli pang magpapataasan ng ihi ni Josh sa bawat activity sa school.
“Andyan ka lang pala! Kanina pa kita hinahanap ah!” humahangos na saad ni Josh sabay pabagsak na ini-upo ang sarili sa tabi ni Igi kahit pa ang totoo ay kanina pa siya sa likuran ni Igi, kinakabahan at hindi alam kung paano haharapin ang kaibigan kung sakaling tama ang kaniyang hinala kaya ito gumising ng maaga.
“Maaga ka atang nagising ngayon?” tanong ulit ni Josh kay Igi sa pagtatangkang ipanatag ang sariling kalooban.
“Wala naman, nagutom kasi ako, pupunta sana ako sa kitchen kaso nakita kong malalakas yung alon ngayon tas na-amaze ako kaya lumabas ako tas pinanood ko muna. Ikaw? Bakit bumangon ka na?” tipid ngiting sagot ni Igi na nagpakaba kay Josh. Hindi kasi ito sumasagot ng pabalang katulad ng nakasanayan kaya kung ano- ano nanaman ulit ang pumasok sa isip ni Josh.
“Patay, nawiwirduhan nga ata sakin si Igi.” malungkot na sabi ni Josh sa sarili, umiisip ng paraan upang bawiin ang sitwasyon na iyon.
“Oh--- Well, I woke and saw you were not beside me, akala ko nasipa kita at nahulog ng kama kaya bumangon ako para sana pahigain ka ulit sa kama at mag-sorry kaso wala ka na pala sa loob ng kwarto kaya hinanap kita.” biro ni Josh, umaasa na ibalik ni Igi ang biro sa kaniya.
“Di ka naman ganung kalikot.” nakangiti ulit na saad ni Igi na ikinatakot muli ni Josh, hindi kasi nito ibinalik ang biro gaya ng kaniyang inaasahan at nakapagpalala pa ng takot na iyon ay ang pagtingin ulit ni Igi sa malalakas na alon sa kanilang harapan na tila ba umiiwas na makausap siya. Hindi na natiis pa ni Josh ang sarili at tinanong na niya si Igi.
“Hey, is there something wrong?” tanong ni Josh na ikinagulat ni Igi, agad na ngumiti si Igi, hindi man niya alam kung saan nanggaling ng tanong na iyon ni Josh ay malugod niya parin itong sinagot.
“Oo naman. Gutom na kasi ako tapos inaantok pa, kaya ako nagspe-space out.” nakangiting sagot ni Igi na hindi kinagat ni Josh, iniisip parin kasi ni Josh na nawirduhan nga si Igi sa kaniyang pagyakap dito buong magdamag kaya ito wala sa sarili nung sandaling yun.
“M-meron ba akong ginawang masama, Igi?” pabulong na tanong ni Josh, natatakot na kasi siyang magkalamat nanaman ang kanilang pagkakaibigan dahil lamang sa isang bagay na hindi niya naman alam kung bakit niya nagawa at hindi mapigilan. Agad na tinignan ni Igi si Josh, nakita niya ang lungkot sa mukha ng kaibigan kaya naman agad niya itong inalo.
“Ramdam ko kasing umiiwas ka---” simula ulit ni Josh na agad namang pinutol ni Igi.
“Hey, where is this coming from? I'm just not being myself today that's all. Di ako nakatulog dahil anlakas mong humilik tas utot ka pa ng utot habang tulog.” biro ni Igi kay Josh sabay akbay, Sa pagbibirong ito ni Igi ay agad namang gumaan ang loob ni Josh. Napagtantong walang basehan ang kaniyang ikinatatakot.
“Are you sure? You're being cold and---” simula muli ni Josh, sinisigurong walang panibagong lamat sa kanilang pagkakaibigan.
“Doofus! Of course I'm sure! Ngayon, kumain na tayo at lubusin na natin ang last day natin dito!” magiliw na sabi ni Igi habang naka-akbay parin kay Josh na hindi narin napigilan ang sarili na mapangiti lalo pa't nasiguro na niyang hindi nawiwirduhan si Igi sa kaniyang ginawang pagyakap dito magdamag.
000ooo000
Dahan-dahang idinilat ni Des ang kaniyang mga mata, hindi na siya nagulat nang makita niyang ginawa niyang unan ang dibdib ni Neph, magdamag kasi silang nagusap ni Neph, pinagusapan ang nangyari sa kanila sa loob ng ilang taon nilang hindi paguusap at nang pareho ng gumaan ang kanilang mga loob ay ipinikit na lang nila ang kanilang mga mata at nakatulog na.
“Good morning.” inaantok na bati ni Neph kay Des na hindi naman napigilang mapangiti.
“EWWW! Morning breath!” panunukso ni Des kay Neph na agad namang inamoy ang sariling hininga,
“Hey! It's not that bad!” balik ni Neph sabay ngisi.
“Ha! Amoy imburnal kaya! Mag tooth brush ka nga mun--- ARGGGGHHHH!” hindi na naituloy ni Des ang kaniyang sasabihin sapagkat inabot na ni Neph ang tagiliran nito at masuyo itong kiniliti.
“Mabango kaya! Cmon smell it!” nakangising sabi ni Neph kay Des habang kinikiliti ito, hindi batid na ilang pulgada na lang ang layo ng kanilang mga mukha at nang sa wakas ay napagtanto na nila ang lapit ng kanilang mga mukha ay unti-unting nabura ang mga ngiti sa kanilang mukha, nagtama ang kanilang mga tingin at tila ba wala na silang pareho pang pakielam sa nangyayari sa kanilang paligid.
“Ahem.” saad ng ina ni Neph sa may pinto ng kwarto, seryoso ang mukha nito ngunit hindi rin naman ito galit. Agad na umayos ang dalawa at nahihiyang humarap sa matanda.
“I need you to pick up something for me at the mall. I'll give you money, you and Des can have your lunch there.” pinipigilang ngiting sabi ng ina ni Neph sa dalawang bata na di magkamayaw sa pagpula ng mga pisngi.
000ooo000
Pagod pero nakangiting bumaba ng bus ang magkakaklase sa harapan ng isang mall. Napagusapan kasi nila na doon sila magtatanghalian matapos ang team building. Masayang nagkukuwentuhan ang lahat, pinaguusapan parin ang katatapos lang na team building habang sumasakay sa elevator, sa kagustuhang sabay-sabay na makarating sa kanilang kakainan ay ipinagpilitan nila na magkasya sa elevator, isisiksik pa sana ni Josh at Igi ang sarili nang tumunog na ang bell sa loob ng elevator bilang hudyat na masyado ng maraming sakay ang elevator, napag-isipan ng dalawa na sa susunod na lamang na lift sumakay.
Nang dumating na ang susunod na lift ay agad ng pumasok ang dalawa kasunod ng ilan pa na gustong makarating sa mga susunod na palapag. Sa sobrang dami ng sumakay ay napasiksik si Igi sa dulo ng elevator kaharap si Josh na hindi mapigilang mapadagan sa kaniya. Nagtama ang tingin ng dalawa, tila ba gustong saulohin ang bawat detalye ng mata ng bawat isa, nangungusap at may mga lihim na sinasabi, ang mga katawan ay tila ba hinulma para lang sa isa't isa at ang magkalapat nilang mga dibdib ay iisa lamang ang ritmo ng pagtibok.
Lumabas na ang mga kasabay nila ng elevator, tanging sila na lamang dalawa ang natira sa loob noon pero hindi parin sila naghihiwalay. Wala sa sariling inilapat ni Igi ang kaniyang mga labi sa malalambot na labi ng gulat na gulat na si Josh. Saglit lamang ang itinagal ng halik na iyon pero habang buhay iyong tatatak sa isip ni Igi, puno iyon ng emosyon na tila ba matagal nang gustong gawin ni Igi ang halikan na iyon kaya naman nang sa wakas ay nangyari ito ay iba't ibang emosyon ang tumatak sa kaniya, ngunit nang mapagtanto na niya ang kaniyang ginawa ay agad na niyang iniwas ang tingin sa tila ba gulat na gulat parin na si Josh atsaka marahang lumayo dito.
Iniintay ni Igi ang pagkunekta ng malaking kamao ni Josh sa kaniyang mukha dahil sa kaniyang pangangahas na iyon pero hindi iyon dumating. Unti-unti siyang nagtaas ng tingin at nagulat nang makita niya ang namumulang pisngi na nakatitig parin sa kaniya na si Josh na tila ba kinikilatis siya.
Agad na ipinikit ni Igi ang kaniyang mga mata dahil sa takot nang makita niya ang paglapit sa kaniya ni Josh, inihanda ang sarili sa pambubugbog nito ngunit hindi iyon nangyari sa halip ay ang pagdampi ng malalambot na palad sa kaniyang pisngi ang kaniyang naramdaman, ang malalambot na palad ding iyon ang unti-unting nagtaas ng kaniyang mukha, hindi napigilan ni Igi na imulat muli ang kaniyang mga mata upang malaman kung bakit iniaangat ni Josh ang kaniyang mukha. Agad siyang nanlambot nang magsalubong muli ang kanilang tingin ni Josh, ipinapaikot nito ang kaniyang dalawang mata sa maamong mukha ni Igi na miya mo sinasaulo ito ngunit kasabay non ay tila ba nagtatanong, nagsusumamo at naghahanap ng kasiguraduhan ang tingin na iyon.
Lalong nagulat at naguluhan si Igi nang bigla ulit sumalubong sa kaniyang mga labi ang malalambot na labi ang malalambot na mga labi ni Josh. Ang tingin ng tila ba nagtatanong, nagsusumamo at naghahanap ng kasiguraduhan ay agad na nabura mula sa mga tingin ni Josh at napalitan iyon ng kasiguraduhan, sinseridad at marami pang iba't ibang emosyon na bago sa dalawa, ngunit lahat ng iyon ay nawala ng muling ipikit ng dalawa ang kanilang mga mata at ninamnam na lamang ang kanilang paghahalikan.
Nang maghiwalay ang dalawa sa halikan na iyon ay muling nagtitigan ang dalawa, namumula ang pisngi ngunit parehong may mga ngiti sa mukha, tanging ang pagtunog ng bell sa loob ng elevator, hudyat na asa tamang palapag na sila at oras na upang lumabas sila doon ang pumutol sa pagtititigan na iyon.
Akala ng dalawa ay tapos na ang surpresa para sa araw na iyon kaya't laking gulat nila nang bumukas ang pinto ng elevator at bumulaga sa kanila ang madaming tao na nagche-cheer na tila ba may pinapanood na palaro sa gitna ng food court. Agad na naglaho ang galak sa puso ni Josh at tila ba nakalimutan ang kani-kanina lamang ay kahalikan niyang si Igi sa kaniyang tabi nang makita ang pinapanood ng lahat.
Si Des at Neph, naghahalikan.
Itutuloy...
[13]
Bagsak pangang pinapanood ni Neph si Des habang nagaayos ito sa unahan ng malaking salamin na nasa sulok ng kwarto, bago nila sundin ang utos ng ina ni Neph at pumunta sa mall. Suot- suot nito ang isa sa paboritong t-shirt ni Neph, medyo malaki ito para kay Des pero itinupi nito ang mga manggas at itinuck in ang lalayan nito. Maganda si Des at para kay Neph, kahit ano pang i-suot nito mapa sako man yan o basahan ay sigurado paring aangat si Des kapag tinignan sa malayo at gitna ng maraming tao.
“Hey, what are you staring at?” naniningkit matang tanong ni Des kay Neph.
“I---uhmm---” simula ni Neph ngunit wala siyang maisip na magandang sabihin.
“May dumi ba ako sa mukha?” tanong ulit ni Des sabay tingin muli sa salamin upang tignan kung may dumi siya sa mukha.
“No---!” biglaang sagot ni Neph na ikinakunot ng noo ni Des. “I-I m-mean there's nothing wrong w-with your face---” iwas tingin na pagtutuloy ni Neph.
“Oh---” namumulang pinsging saad ni Des, di mapigilang kiligin sa daretsahang pagpupuri ni Neph sa kaniya. “--- I-I borrowed your shirt--- O-OK lang ba?” tanong ni Des kay Neph na agad namang nagtaas ng tingin at tumango, nakita niyang tinitignan ulit ni Des ang sarili sa salamin.
“It's OK, you actually look great on it.” wala sa sariling saad ni Neph na lalong ikinamula ng pisngi ni Des.
Tila naman may isang anghel na dumaan sa gitna ng dalawa at napuno ng katahimikan ang buong kwarto, dahan-dahang nagtaas ng tingin si Neph, umaasa na hindi nagalit sa kaniyang sinabi si Des. Nang magtama ang tingin ng dalawa ay laking pasasalamat ni Neph nang wala siyang makitang galit sa mga mata ng huli, matapos ang maikling pasasalamat ay saglit pang tinignan ni Neph ang mga mata ni Des na inaamin niya sa sarili na siyang pinaka namiss niya sa lahat.
“Bolero!” putol ni Des sabay hampas sa braso ni Neph na ikinagising ng huli mula sa wala sa sariling pagtitig sa mga mata ni Des.
Gusto na sanang sabihin ni Neph na totoo ang kaniyang sinabi, gusto na sana niyang ipaalam sa huli ang kaniyang totoong nararamdaman dito pero hindi niya magawa dahil alam niyang andon lamang si Des dahil may dinadala itong problema at hindi niya dapat iyon samantalahin. Isa pa sa mga rason ni Neph ay ang kaniyang kaibigan na si Josh na alam niyang mahal din si Des, ayaw niyang magkaroon sila ng hindi pagkakaintindihan ng isa sa kaniyang pinakamatagal ng kaibigan. Kaya naman imbis na sabihin kay Des ang totoo ay pinili na lang niyang sarilihin ito kesa gawin pang kumplikado ang lahat.
000ooo000
“Hindi ko pa sinasabi sayo kung bakit bigla na lang kitang hindi kinausap dati---” simula ni Des nang mapansin niyang kanina pa walang imik si Neph, maski nung habang nagmamaneho ito papunta sa mall, nung namimili sila ng pinabibili ng ina nito at hanggang sa sandaling iyon na kumakain sila.
“Huh?” wala sa sariling tanong ni Neph.
“Sabi ko, hindi ako nakapagpaliwanag kung bakit hindi na lang kita bigla pinansin.” ulit ni Des sabay ibinalik ang tingin sa kinakaing lasagna kaya't hindi nito nakita ang agad na pagtingin sa kaniya ni Neph dahil sa gulat sa sinabing iyon ng huli.
“A-akala ko kasi may ginawa akong masama, I tried to talk to you but you just kept on ignoring me.” wala sa sariling saad ni Neph dahil sa wakas ay malalaman na niya ang naging dahilan ng pagkakaroon ng lamat ng pagkakaibigan nila ni Des, saglit na tumango-tango si Des.
“You did something wrong, Neph---” simula ni Des na siyang nagpabagsak sa moral ni Neph, kailanman kasi ay hindi niya pinangarap na saktan si Des at ang manggaling ito sa mismong bibig ng huli ay nagdulot ng kakaibang kirot sa kaniyang puso. “---you chose Roan, best friend ko pa, Neph.” hindi maikakaila ang sakit sa tono ng sinabing iyon ni Des ngunit hindi rin maikakaila ang gulat sa mukha ni Neph. Nagtama muli ang kanilang mga tingin, tila naman lalong nainis si Des kay Neph sa pagaakalang nagma-maang-maangan pa ito.
“I saw you kissing, Roan, Neph. A-alam mong may gusto ako sayo pero ginawa mo parin yun---” simula muli ni Des na siyang naglinaw ng lahat kay Neph, magsasalita na sana siya at mage-explain ngunit nagsalita ulit si Des. “---at alam mo kung ano ang mas nakakatawa dun? I can't love Josh back like the way he loves me because I'm still in-love with you. You, who doesn't give a damn about me!” umiiling at lumuluhang sabi ni Des.
Hindi alam ni Neph kung ano ang kaniyang unang dapat maramdaman. Una niyang naramdaman ang galit, galit kay Roan dahil alam niyang siya ang may pakana ng lahat ng iyon, galit sa sarili dahil hinayaan niya ang taong kaniyang minamahal na makuha ng iba dahil lamang hindi niya ito kinausap at pinaliwanagan ng maayos. Sunod naman niyang naramdaman ay ang panghihinayang, dahil kahit alam niya at sinabi ni Des na hindi nito mahal si Josh na kaniyang kaibigan ay hindi naman ito alam ni Josh.
“Did you hear what I said, Neph? I said I still love you.” pabulong pero hindi maikakaila ang pagmamakaawa sa boses ni Des, tila ba sa ginagawang iyon ay sasabihin din ni Neph ang mga salitang gusto niyang marinig. Ang sabihin ni Neph na mahal din siya nito. Ngunit humaba ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa habang nakatitig sa isa't isa. Si Neph, dahil sa pagiisip kung ano ang kaniyang dapat gawin, kapag sinabi niyang mahal din niya si Des ay siguradong masasaktan niya ng lubos si Josh ngunit kapag sinabi naman niyang hindi niya ito mahal ay ito naman ang kaniyang sasaktan at matagal at ilang beses narin niyang ipinako sa sarili na hinding hindi niya sasaktan ng hayagan si Des.
“I-I'm sorry, Des---” simula ni Neph na siya namang nagpabigat sa loob ni Des.
Hindi naman sa masasabing inaasahan na ni Des na iyon ang isasagot ni Neph pero kahit papano sa loob ng ilang taong hindi nila paguusap ay halos natanggap narin niyang hindi maibabalik ni Neph ang kaniyang pagtingin dito.
“I-I get it.” putol ni Des kahit pa taliwas ng mga luhang dumadaloy sa kaniyang mga pisngi ang kaniyang sinabing iyon.
Pinanood ni Neph si Des na dahan-dahang tumatayo at naglalakad palayo sa kaniya. Bawat hakbang ay tila ba may isang punyal na bumabaon sa kaniyang puso. At hindi na niya natagalan pa ang ganoong pakiramdam.
“Des, wait!” sigaw ni Neph sa tuloy tuloy paring naglalakad na si Des, ayaw lingunin si Neph upang hindi nito makita ang kaniyang mga luha.
“DES WAIT!” sigaw muli ni Neph na ikinakuha ng ilang taong andun sa food court kasama na ang ilan ding kalalabas lamang ng elevator pero gaanong kalakas man noong sigaw na iyon ay hindi parin nagawa ni Des na harapin ulit si Neph.
“DES! I SAID WAIT! DAMIT!” sigaw ulit ni Neph sabay hila sa braso ni Des at iniharap itong muli sa kaniya. Muling nagtama ang kanilang tingin tila ba sinasaulo lahat ng parte ng mukha ng bawat isa na mahagip ng kanilang mga mata.
Unti-unting inilapit ni Neph ang kaniyang mga labi kay Des.
“Stay. Please.” bulong ni Neph nang maghiwalay pansamantala ang kanilang mga labi at dahan dahang inilapat muli ang kaniyang mga labi sa mga labi ni Des nang masigurong hindi na ito aalis sa kaniyang tabi.
000ooo000
Natigilan si Roan nang marinig niya ang pamilyar na boses ni Neph pagkalabas na pagkalabas nila ng elevator, hindi rin nakaligtas sa kaniyang atensyon ang kakaibang ikinikilos ng mga taong andun sa food court na iyon na kala mo nanonood ng isang shooting.
“DES! I SAID WAIT! DAMIT!” bumilis ang tibok ng kaniyang dibdib lalo pa't hindi ang kaniyang pangalan ang isinisigaw ng lalaking may-ari ng boses na iyon, hindi magawang i-tuon ang tingin sa lugar kung saan nanggagaling ang boses at kung saan nakatuon ang pansin ng halos lahat ng tao na andun.
“Hey! Look, isn't that Des and Neph?” saad ng isa sa mga kasama nila Roan at Lance na lalong nakapagpangilabot kay Roan ngunit nagtulak naman sa kaniya na dahan-dahang i-tuon ang kaniyang pansin sa naghahalikang si Des at Neph.
Nagsisimula ng tumulo ang mga luha ni Roan dahil sa sakit na kaniyang nararamdaman habang pinapanood ang lalaking kaniyang mahal at ang kaniyang dating kaibigan na naghahalikan. Dahil sa nararamdamang sakit ay hindi niya napansin ang biglaang pagsulpot ni Josh, sunod na lang niyang nakita ay ang pagmamadaling pagpunta ni Josh sa kinaroroonan nila Neph at Des at ang pag-hila ng marahas ni Josh kay Neph at ang pananapak nito.
000ooo000
Nakalutang parin ang utak ni Igi matapos ang maniit nilang paghahalikan ni Josh ngunit lahat ng magagandang pakiramdam na kaniyang naramdaman may ilang saglit lang ang nakararaan ay nawala lahat, napalitan ito ng gulat at sunod naman ay lungkot. Matagal na niyang tinanggap na hindi sila magkakaroon ng relasyon ni Josh at ang pagmamahal nito kay Des, ngunit matapos ang kanilang halikan may ilang saglit lang ang nakakaraan ay nagbigay ng pag-asa kay Igi na posibleng mahal din siya ni Josh lalo pa't ibinalik nito ang kaniyang naunang halik dito.
Pero sa nakikita niya ngayon, tila ba mapipilitan ulit siyang tanggapin sa sarili na pangarap lang ang relasyon na iyon at ang halikan na naganap kanina ay isa lamang biro lalo pa't kitang-kita niya ang galit at sakit sa mga mata ni Josh ngayon habang nakikipagsapakan kay Neph.
Ang masaklap lang ay, sa loob ng saglit na panahon na iyon matapos ang kanilang halikan at ang pagsugod ni Josh kay Neph upang sapakin ito ay hinayaan na ni Igi ang kaniyang sarili na umasa kaya naman ngayon ay lubos siyang nasasaktan. Ang pananapak ng may buong galit at sakit na iyon ni Josh ay tila ba isang sampal kay Igi na tanging pangarap lamang ang kani-kaninay inaasahan niyang relasyon mula kay Josh at ang halikan na nangyari sa pagitan nilang dalawa ay hindi nangyari.
Ang pananakit na ito ni Igi ay hindi nakaligtas kay Roan na kinuwa agad ang pagkakataon na iyon upang ituloy ang kaniyang pinaplanong pananakit sa mga taong nanakit at patuloy na nananakit sa kaniya sa kaniya. Ang tingin na nakaplaster ngayon sa mukha ni Roan na puno ng galit ay hindi naman nakaligtas kay Lance na agad siyang pinigilan sa paglalakad patungo sa kinaroroonan ng lumuluhang si Igi.
“Roan, please, don't do this.” bulong ni Lance kay Roan na katulad ni Josh ay puno rin ng pananakit at galit ang nakarehistro sa mukha pero hinawi lang ni Roan ang pakakahawak ni Lance sa kaniyang braso.
“If I can't have him then I'm not going to let Des have him either.” mariing saad ni Roan na ikinagulat ni Neph.
“But Josh and Igi doesn't have anything to do with all of this!” balik ni Lance na rinig na rinig parin ang pagmamakaawa sa boses.
“If hurting Des and Neph means hurting other people in the process, then I don't care.” singhal ni Roan kay Lance, sa puntong iyon ay alam na ng nhuli na hindi na niya mapipigilan pa si Roan pero hindi rin naman siya tutunganga na lang sa isang tabi at hahayaan si Roan na makapanakit ng iba at masaktan din sa proseso ng paghihiganti nito.
000ooo000
Wala ng makakapigil pa sa pinaplano pa ni Roan lalo pa sa nakitang nitong paghahalikan ni Des at Neph. Mabagal na lumapit si Roan sa lumuluhang si Igi, dahil sa wala sa sarili ang huli ay hindi nito napansin ang paglapit ni Roan, nang ilapat na lang ni Roan ang kaniyang kamay sa kanang balikat ni Igi siya nito napansin.
Nagsalubong ang tingin ni Roan at Igi.
“He's an asshole.” bulong ni Roan sabay yakap kay Igi, umaarteng inaalo ang huli bilang parte ng kaniyang mga plano. Si Igi naman ay hindi na nag-atubili pang itanong kay Roan kung pano nito nalaman ang tungkol sa kaniyang nararamdaman kay Josh, ang importante para sa kaniya ay may isang tao na dumadamay sa kaniya ngayon habang nasasaktan siya.
May ilang metro lamang ang layo ay si Lance, natatakot at kinikilabutan sa nakikitang pag-arte ni Roan sa harapan ni Igi.
000ooo000
“TAMA NA!” sigaw ni Des kay Josh sabay pumagitna sa dalawa. Nang sa wakas ay maihiwalay na ng maliit na katawan ni Des si Josh mula kay Neph ay dun na natauhan si Josh, nalulunod kasi siya ngayon ng sama ng loob at sakit dahil sa pantra-traydor ni Neph kaya't hindi niya napansin na gumagawa na sila ng eksena sa gitna ng food court. Sakit dahil hindi siya makapaniwala na ang isa sa kaniyang mga best friend ang dahilan ng pagkakalabuan ng relasyon nila ni Des.
“Is he the reason why you were never in love with me?!” singhal ni Josh kay Des na nagulat sa tanong na iyon ng huli.
Hindi alam ni Des kung ano ang kaniyang isasagot, totoo kasing si Neph ang dahilan kung bakit hindi niya magawang mahalin si Josh ng higit pa sa magkapatid at hindi nakaligtas ang pagaalangan ni Des na iyon sa pagsagot kay Josh.
“I-I'm sorry.” ang tanging naisagot ni Des.
Pare-parehong hindi makagalaw ang tatlo mula sa kanilang pagkakatayo. Si Josh dahil sa sakit ng pinagtraydoran na namumutawi sa kaniyang kalooban, si Neph dahil sa kahihiyan dahil sa kaniyang ginawang pangga-gago sa kaniyang best friend at si Des dahil sa matinding pagsisisi.
000ooo000
Muling tumunog ang telepono ni Igi. Malapit na itong ma-low batt dahil sa kakatawag ni Josh sa kaniya, ilang beses niya rin itong gustong sagutin pero pinipigilan siya ni Roan.
“Making you fall in love one minute and then totally ignores you the next. I'm telling you, Igi, he's one hell of an asshole! You should forget about him and let him date that bitch.” saad ni Roan, walang bahid ng pagpapanggap sa kaniyang boses habang tumatambay sa harapan ng TV sa sala nila Igi.
Matapos na lapitan ni Roan si Igi sa may food court nung tanghalian na iyon ay agad na itong naging instant buddy ng huli. Walang alinlangan na pinagaang ang loob nito upang umayon ang lahat para sa kaniyang plano, sumama pauwi sa bahay nito upang mas maging kapani-paniwala ang kunwaring pagiging-concern nito sa huli at paminsan-minsang pagpapatawa dito kahit pa ang totoo ay wala rin naman siya sa wisyong magpatawa dahil ang totoo ay katulad ni Josh at Igi ay nasasaktan din siya.
“I guess you're right.” medyo magaang ng loob na saad ni Igi.
“Hey I'm always right! Look, Igi. You're a great guy. Hindi ka mahirap mahalin. Forget that sonovabitch and find a hunk that will love you. If that asshole prefers someone other than you then it's his loss not yours!” masayang sabi ni Roan.
Wala sa sariling niyakap ni Igi si Roan bilang pasasalamat sa pagpapagaang ng kaniyang loob. Ang pasasalamat na ito ni Igi ay nakapagpaisip ulit kay Roan kung tama ba ang kaniyang ginagawa. Kung dapat bang manakit siya ng ibang tao para lamang maiparamdam kila Neph at Des ang kaniyang galit.
000ooo000
“Where the hell are you, Igi?!” singhal ni Josh sabay bato ng kanyang telepono, kung kailan kasi mas kailangan niya ang kaibigan ay saka naman ito nawala. Sinubukan niya itong tawagan o i-text ngunit hindi ito sumasagot kaya naman naisipan niyang puntahan na lang ito sa kanilang unit.
“Where are you going?” tanong ni Migs sa anak ngunit hindi siya pinansin nito at tuloy-tuloy lang itong lumabas ng kanilang unit. Wala na lang nagawa si Migs kundi ang tignan ang kaniyang kinakasamang si Ed na nagbato din sa kaniya ng isang nagtatanong na tingin.
Ilang hakbang pa ay nasa tapat na ng pinto nila Igi si Josh at aktong kakatok na sana ito nang bumukas ang pinto. Nagulat si Josh nang bumulaga sa kaniya si Roan na mukhang malalim ang iniisip at tila ba nagulat din sa pagkakakita niya kay Josh doon.
““What are you doing here?”” sabay na tanong ng dalawa sa isa't isa.
“I was just talking to Igi about something.” “I'm here to talk to Igi.” sabay ding sagot ng dalawa. Saglit silang nagtinginan. Si Roan, iniisip kung dapat pa ba niyang ipagpatuloy ang kaniyang pinaplano at si Josh naman ay abala sa pag-iisip kung bakit hindi niya magawang maniwala kay Roan.
“Tapos na ba kayong magusap?” tanong ni Josh na gumising sa pagiisip ng malalim ni Roan na agad namang tumango. Tumabi na si Roan upang padaanin si Josh ngunit agad na nagbago ang kaniyang isip.
“Josh, p-pwede ba kitang makausap? K-kasi matagal ko na din itong napapansin.” simula ulit ni Roan na siyang nakapagpatigil kay Josh sa pagkatok at pagbukas sa front door nila Igi.
“Now?” medyo bastos na tanong ni Josh, agad namang tumango si Roan bilang sagot na ikinahinga na lang ng malalim ni Josh bilang pagpayag sa gustong mangyari ni Roan.
“If you really care about him, you should think twice about having a relationship with him---” simula ni Roan na ikinakuha ng atensyon ni Josh.
“W-what?” di makapaniwala at gulat na gulat na bulalas ni Josh kay Roan.
“---You and Igi. I saw you guys having a sweet moment dun sa beach house, I saw you guys looking at each other---” simula muli ni Roan at nang makita niyang nagsisimula ng magpanic si Josh ay agad niya itong siniguro. “---look. I'm not going to tell anybody. Ang sakin lang kung may ibang makakaalam, hindi lang ikaw ang malalagay sa kahihiyan kundi pati si Igi. Sa tingin mo may rerespeto pa sa kaniya sa school kapag nalaman ng iba? Magaling na leader si Igi at alam nating pareho na matagal na niya itong ginusto, sisirain mo ba ito para sa kaniya?” sunod sunod na saad ni Roan kay Josh na ikinaisip ng malalim ng huli.
“And besides, you still have Des to think about. I-resolba mo muna ang lahat ng issues pertaining to Des bago ka gumawa ng bago.” pahabol ni Roan, nararamdaman niyang magtatagumpay siya sa kaniyang pinaplano. Ang pahabol na ito ni Roan ay lalong nagpalalim ng iniisip ni Josh kaya't hindi nito napansin ang pag-ngisi ni Roan na siyang nagsisimula ng maglakad palayo.
“Oh and one more piece of advise, Josh. Huwag mong hayaan na kuwanin ng iba ang dapat ay para sayo it wouldn't be good for your ego and for your reputation.” painosenteng sabi ni Roan saka tuloy-tuloy na sumakay sa may elevator pababa ng lobby, walang duda na ang ibig sabihin ay ipaglaban ni Josh si Des.
000ooo000
“Roan?” tawag ni Lance sa hulinang maabutan niya ito na nakaupo sa isa sa mga bench sa park.
“Oh, hi, Lance!” may pagka-masayang balik bati ni Roan dito na ikinataka ng huli.
“Mukhang masaya tayo ngayon ah.” nagaalangang sabi ni Lance na lalong ikinangiti ni Roan.
“Yup. Nakuwa ko ang loob ni Igi, ngayon alam kong hindi na niya hahabulin pa si Josh, nakausap ko narin si Josh kaya alam kong hindi na niya itutuloy pa kung ano mang meron sa kanila ni Igi at mukhang ipaglalaban na nito si Des kaya muling magiging malungkot si Neph at ako ulit ang tatakbuhan niya para humingi ng suporta.” nakangising saad ni Roan na tila ba proud na proud sa kaniyang ginawa pero ni katiting ay hindi na-impress si Lance sa halip ay hind nito mapigilan ang mapa-iling.
“What have you done, Roan?” malungkot na tanong ni Lance na ikinairita naman ni Roan.
“You don't understand! You don't know how I feel! You don't fucking know how it hurts! So before you fucking judge me for what I've done I dare you to put yourself in my shoes first!” singhal ni Roan kay Lance na hindi parin makapaniwala sa ginawa ni Roan.
“You might have won now, but at the end of all these--- you will be left all alone, feeling more hurt and anger for yourself than those who you are angry with and wanted to hurt.” pabulong pero makahulugang sabi ni Lance sabay tayo mula sa tabi ni Roan at naglakad palayo, hindi na nag atubili pang itago ang lungkot sa kaniyang mga mata habang si Roan naman ay sadyang natigilan sa sinabing iyon ni Lance.
Alam niya kasi na totoo lahat ng sinabi nito dahil ngayon pa lang, wala pang dalawang oras matapos niyang lasunin ang mga utak ni Igi at Josh ay nagsisimula na siyang masaktan dahil sa pagtra-traydor kay Igi lalo pa ngayon at tila ba kailangan nito ng isang kaibigan at galit sa sarili dahil hinayaan niya ang galit na balutin ang kaniyang buong pagkatao.
“What have I done?” naiiyak na tanong ni Roan sa sarili matapos siyang tugisin ng sariling konsensya.
Itutuloy...
[14]
Hindi mapigilan ni Josh na mapatingin sa pinto ng unit nila Igi habang naglalakad papunta sa gawi ng elevator. Sa loob ng nakalipas na dalawang linggo sa tuwing lalabas siya mula sa sariling unit ay hindi pwedeng hindi mapapagawi ang kaniyang tingin sa pinto ng unit nila Igi. Bawat araw sa loob ng nakalipas na dalawang linggo na iyon ay hindi niya rin mapigilang makaramdam ng pagkalito at pagkalungkot sa twing mapapadako sa pintong iyon ang kaniyang tingin, paminsan minsan ay tinititigan niya rin ang pinto na iyon na tila ba sa ginagawa niyang iyon ay mawawala ang kaniyang lungkot at pagkalito na nararamdaman.
“TING!” tunog ng elevator na siyang gumising kay Josh mula sa kaniyang pagtitig sa pinto nila Igi. Nagpakawala ng isang malalim na hininga si Josh atsaka pinilit na iniwas na ang kaniyang tingin sa pinto at sumakay na ng elevator.
000ooo000
“What do you think is wrong with him?” pabulong na tanong ni Ram kay Martin habang mataman paring tinitignan si Igi na patuloy parin sa pagmumukmok at pagiisip ng malalim.
“Huh?” tanong ni Martin sabay lingon-lingon na miya mo siya ginising sa isang mahimbing na tulog kahit pa ang totoo ay nakaupo lamang naman ito hindi kalayuan sa kinauupuan ni Ram, may sarili nanamang mundo habang nagsusulat ng isa nanamang article sa isang magazine na kaniyang pinagtratrabahuhan.
“Igi. He’s not being himself for almost a month now.” umiiling na saad ni Ram kay Martin, hindi makapaniwala na wala paring pagbabago ang kaniyang kinakasama lalo pa sa tuwing nagsusulat ito ng article.
“Nasa edad na yung anak mo na lahat na lang ng bagay ikina-i-emo nila. Hayaan mo na. Baka tinutubuan lang siya ng pubic hair or something kaya nag-e-emo.” walang ganang sagot ni Martin sabay balik sa kaniyang ginagawa, ipinapakita kay Ram na hindi niya dapat alalahanin ang anak kahit pa siya mismo ay nagaalala dito ngunit ayaw niya lang ipahalata kay Ram upang hindi ito lalo magalala.
“Parang hindi ko naman matandaan na nagkaganyan ako nung teenagaer ako lalo na nung tinutubuan ako ng pubic hair.” wala sa sariling balik naman ni Ram na tila hindi na-gets ang binitawang biro ni Martin na ikinahagikgik naman nito.
“Sayo nga nagmana ng ka-emo-han yan eh---” simula ni Martin matapos pigilin ang sarili na mapaghagikgik pa lalo. “--- saka pagka slow na rin.” pahabol na bulong ni Martin.
“EMO?! Ako? Kailan ako naging Emo?!” halos pasigaw na na balik ni Ram kay Martin na ikinakuha ng atensyon ni Igi.
“Shh!” saway ni Martin kay Ram na ikinatahimik naman ng huli habang nagaalalang sinundan ng tingin si Igi na bagsak balikat na naglalakad patungo sa kaniyang kwarto.
000ooo000
Alam ni Igi na wala na siya sa kaniyang sarili na laging masiyahin, laging may kwento at laging pabida sa harap ng kaniyang mga magulang nitong nagdaang dalawang linggo. Dalawang linggo matapos ang nangyari sa mall at hanggang ngayon ay hindi parin maipaliwanag ni Igi kung ano nga ba ang nangyari.
“Bakit hindi siya nagalit nung hinalikan ko siya?” may ikalimampung beses na atang tanong ni Igi sa kaniyang sarili. Nagtataka parin kasi siya kung bakit imbis na magalit ay ngumiti pa si Josh matapos ang kanilang halikan at ang malala pa ay ibinalik nito ang kaniyang halik.
“Tapos nung nakita niya si Neph saka si Des na naghahalikan parang hindi nangyari yung halikan namin sa loob ng elevator kasi galit na galit siya at parang sobrang nasaktan sa nakita.” habol sabi ni Igi ulit sa sarili.
“Maybe Roan is right. Maybe Josh is just born to be an asshole, ipinapakita na lang niya kung ano talaga siya.” umiiling ulit na sabi ni Igi sa kaniyang sarili, hindi mapigilan ang masaktan lalo pa't iniiba ng kaniyang naisip na iyon ang kaniyang kinalakihang pananaw kay Josh.
“Ibig sabihin, wala lang din sa kaniya ang halikan na iyon. Maaaring akala niya na isa lamang iyong biro, isang laro at isang bagay na iniisang tabi sa oras na makita niya ang kaniyang girlfriend at best friend na naghahalikan.”
At sa naisip na iyon ni Igi ay gumawa na siya ng plano para sa kaniyang mga susunod na gagawin, lahat ng planong iyon ay tungkol sa paglimot na sa kaniyang mga nararamdaman para kay Josh gayong alam na alam naman niyang wala na siyang dapat pang asahan dito, ang pag-iwas dito dahil naniniwala si Igi na hindi niya magagawang kalimutan ang nararamdaman dito hangga't umaaligid-aligid ito at ang huli ay kung kanino niya na lang itutuon ang kaniyang nararamdaman, umaasa na dumating na ang tao na iyon upang mayroon ng maglilihis ng kaniyang pansin at nararamdaman mula kay Josh.
Ngayong alam na ni Igi ang kaniyang nais mangyari ang tangi na lang niyang maihihiling ngayon ay ang makaya niya ngang gawin lahat ito.
000ooo000
Naabutan ni Mila ang anak na nakatanaw sa labas ng bintana nito, tahimik siyang lumapit dito at tumanaw din sa bintana, doon nakita niya si Josh na matiyagang nagiintay, hindi na siya nagulat kung may dalawang oras na itong nakatayo doon. Sa loob kasi ng dalawang linggo ay araw araw na pumupunta doon si Josh sa kanilang bahay upang makausap si Des, ngunit ayaw naman itong labasin ng kaniyang anak. Wala siyang ideya kung ano ang nangyari sa dalawa, ang tangi niya lang alam ay ayaw itong harapin ng kaniyang anak.
“Gusto ka daw talaga niyang makausap.” tahimik na saad ni Mila sa kaniyang anak na siyang napabuntong hininga na lamang.
“I-I c-can't.” nauutal na sagot ni Des sa kaniyang ina habang pinipigilan ang sarili na mapaiyak.
“I think I deserve to know the reason why you won't talk to him. Since It's me who's going to send him home. Again.” marahang sabi ni Mila sa anak sabay patong ng kaniyang kamay sa kanang balikat ng anak. Tila naman bumuhos lahat ng guilt sa pagkatao ni Des at alam niyang panahon na upang malaman ng kaniyang ina ang dahilan sa kaniyang pagkakaganon.
“I-It's all my fault---!” sagot ni Des sabay yakap sa ina nang hindi na nito mapigilan ang sarili sa pag-iyak. “I-I thought I can teach my heart to love him like the way I love Neph but I was wrong. Akala ko makakalimutan ko si Neph kapag pumayag akong maging girlfriend ni Josh pero mali ako, Ma. Ngayon, nasaktan ko si Josh dahil hindi ko nasabi agad sa kaniya na mahal ko siya bilang isang kapatid lang--- Ang sama- sama ko, Ma.”
“Then why don't you talk to him and apologize? Di mo naman kayang pigilan at turuan ang nararamdaman mo, Desiree--- eh kung si Neph talaga ang mahal mo eh, kung pipilitin mo ang sarili mo na mahalin si Josh, paulit ulit lang kayong masasaktan, so might as well stop it now while you both can rather than go on with the charade.” saad ni Mila.
“Natatakot ako na kausapin siya, Ma, baka kasi lalo ko lang siyang masaktan.” sabi ni Des sa pagitan ng mga hikbi.
“Sa tingin mo sa ginagawa mong iyan, hindi mo siya sinasaktan? Sa tingin mo ang hindi pagkausap sa kaniya eh parang magic na mawawala lahat ng sakit na nararamdaman niya? Sa tingin mo bawat araw sa loob ng dalawang linggo na nakalipas na sinasabi ko sa kaniya na hindi ka pa handa na kausapin siya hindi siya nasasaktan? Des, everytime I sent him home, I can see the pain in his eyes. The sooner you clear things up, the sooner he will get over the hurt.” saad ni Mila sa anak na wala paring tigil sa paghikbi.
“I-I'm not ready to talk to him yet.” mabilis na sagot ni Des.
“Then when are you going to be ready? Remember, anak that every second, minute, hour or day na pinatagal mo yan, dumodoble ng dumudoble ang sakit niyan, sa huli kahit akala mo na OK na lahat dahil matagal na panahon na ang inintay mo, magugulat ka na lang kasi yung sakit na naramdaman niyong dalawa noon andun parin sa oras na nagkaharap ulit kayo, parang kahapon lang nangyari ang mas malala parang mas nadagdagan pa yung sakit. Yes, both of you may treat or talk to each other like nothing happened but deep inside alam niyo na meron pa kayong issues na hindi naaayos.”
Nilamon ng katahimikan ang buong kwarto matapos ng sinabi na iyon ni Mila. Si Des, nagiisip ng malalim habang si Mila naman ay hinahayaan ang anak na makapag-isip ng maayos at maisip ang kaniyang pagkakamali habang yakap- yakap ito ng mahigpit, pinaparamdam na andun lamang siya sa tabi ng kaniyang anak.
000ooo000
“Aren't you excited?” nagaalalang tanong ni Ram sa anak na si Igi na lalong naging tahimik.
“It's the first day of school, dad, not a trip to Paris.” walang ganang sagot ni Igi kay Ram.
“OK that's it!---” malutong na simula ni Ram nang hindi na niya matiis ang tila ba pagiging zombie ni Igi. “---you've been like this for a month now. Ano bang problema? Baka makatulong ako.”
“I'm OK dad.” pabulong na sagot ni Igi sabay iwas ng tingin mula sa ama dahil sa takot na siya ay mapaiyak. Hindi man kasi siya lumalabas ng bahay at nakikipagusap kay Josh ay hindi niya parin magawang kalimutan ang kaniyang nararamdaman dito.
“No you're not OK, Igi---” madiin na simula ni Ram, ipagpapatuloy pa sana ni Ram ang isang mahabang sermon kung hindi lang siya tinawag ni Martin mula sa kanilang kwarto.
“RAM!”
“---we're still not finished talking. We'll talk about this when you get home from school---” simula ulit ni Ram habang naglalakad patungo kay Martin nang muli naman siyang putulin ni Igi sa pagsasalita.
“Bye, Dad. See you later.” paalam naman ni Igi sabay tayo at lumayo sa pagkain na halos hindi niya nagalaw. Narinig niya pang nagsalita ulit ang amang si Ram ngunit hindi na lang niya ito inintindi at tuloy-tuloy na siyang lumabas ng kanilang unit, iniisip na kung hahayaan niya ang sarili na gisahin ng ama dahil alam niyang mabubuksan nanaman ang pinakatatago-tago na nga niyang pakiramdam ng sakit.
Nasa hallway na si Igi at iniintay ang pagdating ng lift na kaniyang sasakyan pababa ng lobby ng kanilang condo nang marinig niya ang pagbubukas ng siradura ng isang pinto sa mahabang hallway na iyon ng kanilang condo. Agad na kinabahan si Igi, iniisip na baka si Josh na iyon na palabas mula sa sariling unit. Kaya naman walang habas niyang pinagpipindot ang arrow down sa tabi ng pinto ng elevator.
Halos sabay ang pagbukas ng pinto ng unit nila Josh at ang pagbukas ng pinto ng elevator kaya naman halos tumalon papasok ng lift si Igi maiwasan lang ang kung sino mang papalabas ng kanilang unit, mabilis na pinindot ang button na siyang magsasara sa mga pinto ng elevator, pero dahil sa bagal ng pagsara ng mga ito ay nasulyapan parin ng kalalabas pa lang na si Josh si Igi.
Nagtama ang kanilang mga tingin.
Sinubukan ni Josh na i-ipit ang kaniyang bag sa pagitan ng dalawang pinto ng elevator upang hindi ito magsara ngunit hindi siya nagtagumpay. Halos masuntok niya ang pinto dahil sa inis nang tuluyan na itong magsara, kasama si Igi pababa na gustong gusto niyang makausap at makita.
000ooo000
Nang makarating si Josh sa kanilang skwelahan ay nagmamadali niyang hinanap si Igi, di niya alam kung bakit pero parang gustong gusto niya itong makita, ngunit imbis na si Igi ang kaniyang nakita ay biglang nahagip ng kaniyang tingin si Des na mabagal at bagsak balikat na naglalakad sa hallway. Agad niya itong hinabol at iniharang ang sariling katawan sa harapan nito upang makuwa ang atensyon nito.
Nagtama ang tingin ni Josh at Des. Iba't ibang emosyon ang bumalot sa pagkatao ng dalawa, sa sobrang dami ng emosyon na nararamdaman ni Josh ay hindi na niya napigilan ang sarili na malito sa mga iyon at dahil sa sobrang lito ay hindi niya napansin si Igi, may dalawampung hakbang lamang ang layo sa kanila ni Des na sakto namang padaan sa kinatatayuan nilang dalawa.
“Why are you avoiding me, Des? Di ba dapat ako yung nagagalit sayo dahil ipinagpalit mo ako sa best friend ko? Di ba dapat ako yung ayaw kumausap sayo? H-hindi ko a-alam kung bakit ka nagagalit sakin, Des. Hindi ko alam kung anong ginawa kong masama para ganituhin mo ako.” pabulong na basag ni Josh sa katahimikan na bumabalot sa pagitan nila ni Des na tila de makinang awtomatikong tumulo ang mga luha.
“S-sorry, Josh. H-hindi ko kasi maibabalik yung pagmamahal mo sakin eh. Mahal kita bilang i-isang kaibigan---” simulang pagpapaliwanag ni Des na agad naputol dahil sa gulat nang biglaan pero marahang itaas ni Josh ang kaniyang mukha upang magtama muli ang kanilang mga tingin.
“W-why didn't you tell me before? Bakit pinatagal mo pa?” tanong naman ni Josh. Ito kasi ang ikinasasama ng loob ni Josh, bakit kailangan pang umabot sa ganoon, kung talagang mahal nila ang isa't isa bakit hindi pa nila sinabi kay Josh noon pa, pilit naman kasi itong iintindihin ni Josh, oo masakit pero mabuti na yun kesa naman yung mahuhuli pa niya ang mga ito na naghahalikan at ipinalalandakan ang kanilang pagtra-traydor.
“I thought I-I can forget about him. I-I thought I can teach my self to love you.” sagot ulit ni Des.
“How can you be so sure na hindi mo nga ako natutunang mahalin?” tanong ulit ni Josh na tila sinusubok si Des.
Wala sa sariling inabot ni Des ang mukha ni Josh at inilapat ang kaniyang mga labi sa mapupulang labi ni Josh. Di nagtagal ay pareho ng napapikit ang dalawa, hindi alintana ang mga tao na masugid na nanonood sa kanila sa hallway na iyon at sa mga bulung-bulungan ng mga ito.
Hindi alintana ang nasasaktan na si Igi na napako sa kaniyang kinatatayuan.
“Igi.” tawag ni Roan kay Igi na gumising sa pag-iisip nito ng malalim. Marahang lumingon si Igi at humarap kay Roan. Hindi mapigilan ni Roan na maawa kay Igi at magsisi sa kaniyang mga sinabi may ilang linggo na ang nakakaraan para sa kaniyang mga pansariling dahilan. Nakikita kasi niya ang sariling sakit sa mga mata ni Igi.
“Everything is going to be OK.” pabulong na saad ni Roan kay Igi sabay hila dito palayo sa puwesto nila Josh.
000ooo000
Sa kabila ng awa kay Igi ay hindi mapigilan ni Des ang matuwa dahil umaayon sa kaniyang mga plano ang nangyayari. Nagawa niyang paglayuin si Igi at Josh, nagawa niyang lasunin ang utak ni Igi, ipinapalabas na wala lang siya kay Josh, nagawa rin niyang lasunin ang isip ni Josh, ipinapalabas na ikakapahamak ni Igi ang paglalapit ng loob nila ni Josh at ngayon naman ang paghahalikan nila Des at Josh sa harapan ng buong skwelahan at hindi magtatagal, muli nanamang tatakbo si Neph pabalik sa kaniya.
“I'm such an idiot!” umiiling at puno ng galit na bulalas ni Igi, hindi makapaniwala na kay Josh pa siya na-inlove.
“Hey, di mo naman kasalanan na ma-in-love sa kaniya eh.” pagaalo ni Roan kay Igi na ikinatango lang ni Igi, alam naman kasi niyang wala siyang kasalanan kundi ang mahulog lang ang loob niya kay Josh pero hindi parin niya magawang hindi sisihin ang sarili, hindi nakaligtas kay Roan ang tabas ng mukha ni Igi kaya naman inaya niya na lang itong lumabas upang kahit papano ay makabawi siya sa kaniyang ginawa dito.
“Want to cut?” nakangising tanong ni Roan kay Igi.
“On the first day?”
“Hey. No one will know.” nakangiti paring balik ni Roan na kinagat naman ni Igi.
“Let's.”
000ooo000
“Thanks for doing this, Roan.” wala sa sariling saad ni Igi habang kumakain sa loob ng isang mall.
“For doing what? Di naman kita nilibre ah?” nagtatakang tanong ni Roan na ikinangiti ni Igi.
“I mean for staying with me even if I'm being annoyingly EMO.” nakangiti at nakukuwa ng magbirong sabi ni Igi.
“Hey thats what friends are for.”
000ooo000
Nang maghiwalay ang mga labi ni Josh at Des ay bumingi sa buong hallway ang tunog ng palakpakan pero hindi ito ininda ng dalawa dahil abala ang mga ito sa pagtititigan. Tila ba ang kanilang mga katanungan ay nasagot sa simpleng halik na iyon at pagtititigan.
“May naramdaman ka ba sa kiss na 'yon, Josh?” seryosong tanong ni Des kay Josh na marahan namang umiling.
“Me too. Wala akong naramdaman. Matagal ko ng napapansin yun, Josh at sorry dahil di ko agad sinabi sayo--- naging makasarili ako---” umiiling na simula ni Des. “Wala tayong parehong maramdaman dahil tanging pagkakaibigan lang ang dapat na meron tayo.” pagtatapos ni Des na tila ba sumampal kay Josh.
Sa unang pagkakataon, matapos ang halos magdadalawang buwan ay naliwanagan si Josh sa mga nangyayari.
000ooo000
“Don't look now, pero andito rin si Josh.” pabulong na sabi ni Roan kay Igi habang naglalakad-lakad sila sa mall.
“What?! Tara na, umuwi na tayo.”
“Sige, kita na lang tayo tom?” tanong ni Roan kay Igi na siya namang tumango at naglakad na palayo.
“IGI!” halos patakbo ng lumayo sa lugar na iyon si Igi nang marinig niya ang pagtawag na iyon ni Josh sa kaniya.
“Shit.” bulalas ni Igi sabay lalong minadali ang paglalakad.
“HEY WATCH IT!” sigaw ng isang lalaki na nabangga ni Igi sa pagmamadaling makalayo kay Josh.
“I-I'm sorry---” saad ni Igi sabay balik sa mabilis na paglalakad.
“It's OK, Igi.” saad ng lalaki na nakabangga ni Igi. Napatigil sa paglalakad si Igi at muling hinarap ang lalaki na halos itumba niya kanina nang mabangga niya ito.
Itutuloy...
[15]
Pansamantalang nakalimutan ni Igi na dapat na siyang lumabas ng mall na iyon nang makita niya kung sino ang nabangga niya at tumawag sa kaniyang pangalan. Napatitig siya sa maamong mukha nito, mapuputi at pantay pantay nitong ngipin, mapupulang labi na nakangiti sa kaniya at singiting mata na tila ba nagtatago dahil sa pagngiti ng may ari nito.
“Lance?”
“Yup the one and only!” nakangiti paring sabi ni Lance.
“You were in a hurr---?” simula muli ni Lance nang hindi na nagsalitang muli si Igi pero agad din siyang naputol nang biglang sumulpot si Josh.
“Igi! Kanina pa kita tinatawag, bakit ka ba nagmamadali?!” humihingal na tanong ni Josh kay Igi, hindi napansin si Lance na ipinapabalik-balik ang tingin kay Igi at Josh na wala sa sariling nagtititigan. Hindi nakaligtas kay Lance ang takot sa mga mata ni Igi at galak naman sa mga mata ni Josh.
“Oh—uhmmm---” simula ni Igi sabay iwas sa tingin ni Josh, napadako ang kaniyang tingin kay Lance na tahimik lang na nagmamasid sa kanila. “L-late na kasi ako sa usapan namin ni L-Lance.” kinakabahang palusot ni Igi na ikinakunot naman ng noo ni Josh at ikinabura ng ngiti nito sa mukha.
“U-usapan?” tanong ni Josh sabay baling ng tingin kay Lance na noon niya lang napansin na nakatayo pala hindi kalayuan sa kanila. Ibinalik saglit ni Lance ang tingin ni Josh atsaka nagbato ng naguguluhang tingin kay Igi na may mga takot paring makikita sa mga mata.
“We’re going to w-watch a movie---” simula ni Igi na agad naming pinutol ni Josh.
“No!” “We have plans to watch a movie?” sabay na sabi ng sumisinghal na si Josh at nagtatakang si Lance ni Lance.
“Isa-isa lang ang pagsasalita. I’m not asking for your permission, Josh and yes Lance we have plans, REMEMBER?!” balik ni Igi kay Josh at Lance.
“It’s the first day of school, Igi!” singhal pabalik ni Josh nang makita niya ang pagbabatuhan ng hindi niya maipaliwanag na mga tingin nila Igi at Lance.
“Well too bad because I already bought tickets. Lance? Ano tara na?” Kibit balikat na saad ni Igi na ikinakunot lalo ng noo ni Josh.
“B-but---” simula ni Lance pero hindi na siya hinayaan na magsalita pa ni Igi dahil hinatak na niya ito pagawi sa sinehan.
Iniwan si Josh na nakatanga sa kinatatayuan nito.
000ooo000
“What was that all about?!” singhal ni Josh sa sarili habang nakaupo sa ilalim ng silong ng isang puno sa loob ng kanilang school, inis na inis na hindi niya nagawa ang kaniyang ipinunta sa mall nung umagang iyon.
Matapos kasi ang eksena nila ni Des sa may hallway noong umagang iyon ay may ilan g bagay siyang na-realize, isa sa mga ito ay ang bagong pagkakaintindi sa kaibahan ng LOVE at IN-LOVE. Sa wakas ay naintindihan na niya ang gustong sabihin ng kaniyang mga ama na sila Migs at Ed. Mahal niya si Des pero may isa pang mas matimbang na pagmamahal siyang nararamdaman at iyon ay nakatutok kay Igi.
“So ano pala yung ibig sabihin nung kiss sa may elevator kung nakikipag-date na pala siya kay Lance?!” tanong ni Josh sa sarili habang sinasariwa ang sensasyon na kaniyang naramdaman nung nagdampi ang kanilang mga labi ni Igi.
“Dapat pala hindi ko siya hinayaan na makipag-date sa kumag na iyon. Kung tama ‘tong nararamdman ko at ang bago kong pagkakaintindi sa LOVE saka sa pagiging IN LOVE, dapat hindi ko hinayaan yung taong mahal ko na makipag-date sa iba.” sabi ulit ni Josh sa sarili habang wala naman sa sariling binubunot ang mga damo malapit sa kaniyang kinauupuan kaya’t hindi niya napansin na may paparating.
“J-Josh?”
“Huh?” wala sa sariling bulalas ni Josh sa sarili nang marinig niya ang pagtawag sa kaniyang pangalan.
“C-can we talk? Please?” tanong ni Neph. Di na siya sinagot pa ni Josh, agad na itong tumayo at maglalakad na sana palayo na agad namang ikinalungkot ni Neph.
“I should have been honest with you.” halos pabulong ng sabi ni Neph na ikinatigil at marahas na ikinaharap ulit ni Josh, galit itong naglakad pabalik sa harapan ni Neph, halos isang pulgada na lang ang layo ng mukha sa mukha ng huli.
“Damn right, Asshole!” singhal ni Josh na ikinapikit sa takot ni Neph. Kung ibang tao siguro ito ay baka hindi na nagdalawang isip si Neph na kaltukan ito pero hindi, si Josh ito, isa sa kaniyang mga best friend simula nung mga bata pa sila. Ang takot na ito sa mukha ni Neph ang siyang nakapampalambot sa puso ni Josh.
“I trusted you, Neph. You were one of my best friends---”
“I still am your best friend---” putol ni Neph, sa takot na tatalikuran na ni Josh ang kanilang pagkakaibigan sa oras na iyon.
“But best friends don’t kiss each other’s girlfriend, Neph.” Hindi maikakaila ang sakit sa sagot na ito ni Josh na nakapagpatameme kay Neph. “You should’ve told me that you have feelings for her, baka naintindihan ko pa pero yung titirahin mo ako patalikod ay ibang usapan na, Neph.” malumanay pero hindi maikakaila na puno ng sakit na saad ni Josh na lalong nagpalungkot kay Neph.
“I’m sorry.” pabulong na saad ni Neph habang naglalakad palayo si Josh.
000ooo000
“I already watched this movie, you know.” nangingiting saad ni Lance habang sumusubo ng popcorn sa hiyang-hiya na si Igi.
“How many times do I have to say I’m sorry?” namumulang pisngi na tanong ni Igi na lalong nakapagpahagikgik kay Lance. Dahil kasi sa takot na baka sinusundan sila ni Josh upang kumpirmahin na totoo ang palusot niya ay wala sa sarili niyang hinatak si Lance papunta sa loob ng sinehan.
“Nagbibiro lang ako--- pero mas maganda siguro kung sasabihin mo sakin kung ano itong pinasok ko. Baka kasi mamya sapakin ako sa labas ni Josh, at least kapag sinabi mo na sakin ang dahilan meron na rin akong dahilan para suntukin siya pabalik.” nakangiti paring sabi ni Lance na ikinamula lalo ng pisngi ni Igi. Ngunit matapos ang naunang hiya ay nakita ni Igi na hindi maikakailang mapapagkatiwalaan si Lance kaya naman nagbuntong hininga muna siya sa ikinuwento ng buo ang mga nangyari.
000ooo000
Nakalimutan na ni Igi at Lance ang kanilang pinapanood na pelikula dahil ikinuwento na lang ni Igi ang lahat ng nangyari. Matapos magkwento ay sinulyapan niya ang mukha ni Lance, tinitignan kung ano ang magiging reaksyon nito, hindi na siya nagtaka nang makita niya itong nagiisip ng mamalim, nangungunot ang noo at tila ba nagaalala. Ine-expect na niya na dahil straight si Lance ay hindi nito maiintindihan ang kaniyang nararamdaman kay Josh.
“Lance?” tawag pansin ni Igi sa huli na ikinagising nito sa malalim na pag-iisip.
“Huh? Oh. I think you should clear things up with Josh first bago ka magisip ng kung ano-ano. From what you said, mukhang may feelings din si Josh sayo and all of this is just a misunderstanding.” mungkahi ni Lance kay Igi, iniisip na lahat ng ito ay ayon lamang sa plano ni Roan kaya mas gusto niyang mag-usap muna ang dalawa upang magkalinawan. Dahil naman sa mahinahong sagot na ito ni Lance ay napabuntong hininga na lang si Igi. Iniisip niya kasi na homophobic si Lance at mali ang pagtitiwala niya dito.
“Kitang-kita ko na, Lance. Naghahalikan si Josh at Des sa gitna ng hallway. Wala ng dapat pang pag-usapan.” umiiling na saad ni Igi matapos masigurado na hindi siya sasapakin ni Lance.
“I don’t know. I still think it's best if you talk things with Josh first.” mariin paring saad ni Lance na ikina-isip ng malalim ni Igi.
000ooo000
“Still mad at me?” nahihiya at pabulong na tanong ni Des kay Josh nang makita niya itong nakatulala sa library ng kanilang school.
“Huh? Oh Hi, Des. No, I’m not mad at you.” Parang batang kagigising lang sa paged-daydream na sagot ni Josh. Hindi parin panatag ang loob ni Des sa sagot na ito ni Josh.
“Still thinking about what Neph and I did?” malungkot na tanong ni Des na tuluyang gumising kay Josh.
“Actually I was thinking about something or somebody else.” wala sa sariling tuloy-tuloy na saad ni Josh, medyo nasaktan si Des sa sinabing ito ni Josh pero hindi na lang niya ito ipinaalam sa huli.
“Care to tell me?” tanong ulit ni Des sabay upo sa katabing silya ni Josh. Tinignan ni Josh ng maigi si Des, tinimbang kung mapagkakatiwalaan niya ba ito patungkol sa kaniyang nararamdaman kay Igi. Nakita niya ang sinserong pagaalala nito kaya't napagdesisyunan niyang sabihin na lang ang lahat dito.
“Remember when you told me about the difference about being in love and love?---” simula ni Josh, nakita niyang tumango si Des bilang sagot kaya't ipinagpatuloy na niya ang sasabihin matapos magbigay ng isang malalim na hininga. “After we kissed earlier and after you made me realize about not feeling something with that kiss like what in love people should feel. I-I r-realized something else--- uhmm I-I t-thin--”
“You're in love with somebody else?” nakangiting saad ni Des ngunit kapag tinignan mo ito ng masinsin ay kita rin ang sakit sa mga mata nito. Alam ni Des na wala siyang karapatang masaktan dahil maging siya ay tanging pagmamahal lamang ng isang kaibigan ang nararamdaman para kay Josh.
“Why am I hurting over this? Kung tutuusin dapat pa nga akong maging masaya para kay Josh diba? He finally realized the difference between love and being in-love. Saka matapos namin siyang traydorin ni Neph, swerte ko pa nga na kinakausap niya ako ngayon.” sabi ni Des sa sarili sabay pilit na ginawang buong puso at makatotohanan ang pagiging masaya para sa ex boyfriend na noong sandaling iyon ay nahihiyang tumango bilang sagot sa kaniyang tanong.
“Who is it?” tanong ulit ni Des, ngayon makatotohanan na ang ngiti nito at bukal na sa loob.
“It's---”
000ooo000
“Aww! Look at them. They look so great together!” masayang singit ni Roan sa pagtitig ni Neph kay Des at Josh sa may sulok ng library, hindi maikakaila ni Neph na may punto si Roan, lalo pa't kitang-kita niya ang masinsinang paguusap ng dalawa. Iniwas na ni Neph ang kaniyang tingin kila Josh at Des at nagsimula ng maglakad palayo.
“Hey do you want to watch a movie or something? Wala pang kwenta ang mga class ko eh---” simula ni Roan na agad namang pinutol ni Neph.
“What do you want Roan? What do you really want?!” halos pasinghal na niyang tanong kay Roan.
“Look, Neph, they love each other. You should get over it! We belong together! Di ka pa ba nagsasawa sa laging pange-echepwera sayo ni Des?!” nanlalasong sabi nanaman ni Roan pero hindi na magpapalason pa si Neph dahil alam na niya ngayon ang nais mangyari ni Roan. Galit na lumapit si Neph kay Roan, halos idunggol na ni Neph ang sariling mukha sa mukha ni Roan mai-parating lang dito ang kaniyang galit.
“Listen to me, bitch. Alam ko na ngayon na ikaw ang reason kung bakit ako nilayuan noon ni Des. Tell you what-- You drove us apart the first time and I congratulate you for that but this time you wouldn't be as successful, wanna know why? Because we love each other, something you're never going to understand because NO.ONE.LOVES.YOU. because you're a stone hearted selfish bitch who wouldn't let anyone else happy!” singhal ni Neph sa nanlalaking mata at maluluha ng si Roan.
000ooo000
“Maganda sana yung pelikula kung nanood lang tayo.” humahagikgik na saad ni Igi kay Lance na hindi rin mapigilang mapangiti at umiling. Matapos ang kanilang saglit na pagba-bond ay nagkapalagayan agad ng loob ang dalawa.
“At least nailabas mo ang sama ng loob mo diba?” nakangiting sabi ni Lance na ikinatango naman ni Igi bilang pagpayag.
“At dahil dun. Thank you.” sabi ni Igi sabay tingin kay Lance na hindi rin mapigilang mapangiti.
“I'm flattered, Igi, but I'm straight.” nakangising saad ni Lance na ikinamula ng pisngi ni Igi sabay suntok nito sa braso ng huli.
“Asshole!” singhal ni Igi sabay iling saka humagalpak sa tawa.
“Wow. That was fast. One minute I'm a saint and the next I'm an ass?” humahagikgik na sabi ulit ni Lance na ikihagalpak lalo ni Igi.
“Damn right!” balik ni Igi pero agad din siyang natigilan nang makitang biglang sumeryoso ang mukha ni Lance. Sinundan ni Igi ang tingin ni Lance at nakita niya si Roan na nakasandal sa pader, nanlalaki ang mga mata at naluluha na habang tila ba tinatakot siya ni Neph.
“What the hell---?!” saad ni Igi sabay sunod kay Lance papalapit ksa kinatatayuan nila Roan. Nang may ilang metro na lang ang layo ng dalawa ay siya namang alis ni Neph at naglakad pasalubong kila Lance at Igi. Mabilis na pumunta sa tabi ni Roan si Lance at inalo ito lalo pa't dumeretso na ito sa pag-iyak.
“What happened, Neph?” tanong ni Igi sabay harang sa kaibigan. Ngayon niya lang ito nakitang galit na galit.
“You wouldn't understand, Igi.” pasinghal na saad ni Neph na lalong nakapagalala kay Igi.
“Try me.” seryosong pangungulit ni Igi sa kaibigan na ikinailing lang ni Neph.
“P-please. N-not now.” pigil galit na saad ni Neph na agad namang pinagbigyan ng huli. Hinayaan na niyang makalampas ang galit na galit na si Neph at nang hindi na niya ito matanaw ay agad naman siyang pumunta sa kinatatayuan ni Roan at Lance.
000ooo000
“Are you OK?” tanong ni Lance kay Roan sabay yakap ng mahigpit dito.
“Why can't he love me back?” wala sa sariling tanong ni Roan kay Lance na hindi mapigilang mapasinghap.
“Because he's in-love with someone else, Roan. You have to let him go.” mahinahong saad ni Lance sabay yakap ng mahigpit kay Roan.
“But what if nobody like's me? What if nobody will care for me? What if nobody will love me?” sunod sunod na parang batang tanong ni Roan kay Lance.
“Shhh, wag mong isipin yan, you're beautiful, smart and kind. It doesn't mean na kapag tinurn down ka ni Neph ay wala ng iba pang magkakagusto sayo.” alo muli ni Lance kay Roan, wala na lang nasabi si Roan kung kaya't ibinalik na lang nito ang mahigpit na yakap na ibinibigay sa kaniya ni Lance.
Aktong lalapit na sana si Igi kay Lance at Roan at aaluhin na sana niya ang huli katulad ng pagpapagaang ng loob na ginawa nito may ilang linggo lang ang nakalipas sa kaniya nang mapasulyap siya sa salamin na pinto ng school library. Katulad noong umagang iyon, nung nakita niya si Des at Josh na naghahalikan ay tila pinupunit muli ang puso ni Igi habang pinapanood niya ang masinsinang paguusap ng dalawa sa may sulok ng library.
“Uhmmm I-I h-have to go.” paalam ni Igi sa kung sino man ang nakikinig. Hindi na niya sinulyapan pa sila Lance at Roan kung narinig ba ng mga ito ang kaniyang paalam, basta na lang siyang umalis mula sa lugar na iyon.
“Lance?” tawag pansin ni Roan sa huli, sinundan ni Roan kung sino ang binabato ng nagaalalang tingin ng huli at naabutan niya ang tila naluluhang si Igi na naglalakad palayo.
Di niya mapigilang makonsensya mula sa sakit na idinudulot ng kaniyang mga nagawa kay Igi.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment