By: (ash) erwanreid
Source:
bgoldtm.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/BGOLDTM
Twitter:
www.twitter.com/BGOLDtm
[01]
"Jonas!"
sigaw ni Jesse nang silipin niya sa pinto si Jonas sa loob ng kwarto. Kasalukuyan
pa ring nasa loob ng shower room si Jonas. "Kanina ka pa dyan." may
kaunting inis na ang tono ni Jesse. Kanina pa kasi niya pinapakilos ang
tinuturing na asawa na ngayon ay nasa loob pa rin ng shower room. "Ano
ba?"
Kahit
hindi na lumabas pa ng shower room na iyon si Jonas, kitang-kita pa rin ni
Jesse ang bulto ng katawan nito dahil salamin ang tumatakip bilang dingding ng
banyong iyon. Kaya alam niyang nagbababad ito sa ilalim ng umaagos na tubig.
"Lumabas ka na dyan." Nakita ni Jesse na gumalaw si Jonas.
Bahagyang
hinila ni Jonas ang sliding door ng shower room para dumungaw. Nakangisi itong
tumingin kay Jesse. "Sandali, mainipin ka naman eh. Mmm baka gusto mong
dito na lang tayo mag breakfast?"
"Hindi."
matigas na tanggi ni Jesse. "Bababa ka at doon tayo kakain. Ok."
Natawa
si Jonas. "Ok. Ok."
"Hihintayin
kita sa baba, bilisan mo." saka tumalikod si Jesse.
"Opo,
asawa kong wala yata sa mood ngayon araw." sabay tawa si Jonas sa
pang-aasar niya. Alam niyang kapag nang-aasar siya kay Jesse ay hindi papayag
ang huli na hindi makaganti. Pero bumilang siya ng ilang sigundo pero wala
siyang natanggap na responce. "Hmmm... himala, hindi umangal."
Napangiti siya. Bumalik na lang siya sa loob ng banyo at ginawa ang pinaka
huling paglilinis sa katawan.
-----
"Akala
mo hindi ko narinig 'yung sinabi mo kanina ah. Kung hindi lang ako may niluluto
babalikan sana kita eh."
Natulala
si Jonas nang makapasok siya sa kitchen nang salubungin siya ng salita ni Jesse
at ang nandudurong spatula na hawak nito. Pagkatapos ay natawa siya.
"Akala ko, bago yun? Akala ko for the first time hindi ka gaganti sa
pang-aasar ko. Well, napabilib mo ako doon ah. Inabangan mo talaga ako. At
around of applause, nagulat talaga ako."
Ganito
ang takbo ng buhay nila sa loob ng isang linggo pa lang nilang pagsasama.
Walang awat na bangayan at asaran na ang katotohanan ay isang paraan lang nila
na paglalambing sa isa't isa.
"Kakain
na ako." nakangising si Jonas.
"Bakit
ang tagal mong bumaba?" Yung dating may kataasang tono ng papanila ni
Jesse ay napalitan ng malambing na boses.
"Gusto
ko lang magbabad sa tubig."
"Akala
ko, kung ano na nangyari sayo. Kung hindi lang kita nakikita sa loob baka
sinugod na kita sa loob ng banyo." Tumabi si Jesse sa kinauupuan ni Jonas
sa harap ng lamesa.
Napa-ngiti
naman ng todo si Jonas saka pinado ang palad sa likuran ni Jesse. "Anong
mangyayari sa akin?"
"Malay
ko ba? Nagtaka lang kasi ako kanina pa kita nakitang pumasok sa banyo para
maligo..."
"Sabi
ko nga gusto ko lang magbabad. Ito naman..." bigla niyang kinabig si Jesse
palapit sa kanya. "Salamat sa pag-aalala." saka niya hinalikan ang
noo ni Jesse.
"Kumain
ka na nga." bahagyang iniba ni Jesse ang mood. "Bilisan mo baka
ma-late ka sa pupuntahan mo."
"Opo."
sagot naman ni Jonas.
------
"Aalis
na ako." paalam ni Jonas kay Jesse.
"Oo,
mag-ingat ka." Hinatid ni Jesse si Jonas hanggang pinto.
"'Yung
bilin ko sayo ah. Tulad ng dati."
"Opo."
"Aalis
na ako." sabay halik sa pisngi ni Jesse. Pagkatapos ay tumalikod na si
Jonas.
Nakangiting
tinatanaw ni Jesse si Jonas palabas ng gate. Kumaway ang paalis bago tuluyang
mawala ito sa paningin niya.
Linggo
ngayon. Walang pasok si Jesse. Pero kahit may pasok kaya pa rin niyang gawin
ang tulad kanina. Ang mag-asikaso kay Jonas tuwing umaga.
Masaya
siya sa ginagawa niya lalo na at mahal niya ang pinaglalaanan niya ng oras at
pagod. Pero para sa kanya ang magsilbi sa taong mahal niya ay isang kasiyahang
hindi matatapatan ng kahit anong pagod. Gusto niya laging mabuti ang kalagayan
ni Jonas.
Balak
niyang maglinis ng buong bahay. Ayaw sana ni Jonas na si Jesse ang maglilinis
ng bahay. Maari naman daw silang umupa ng taga-linis. Pero ayaw naman ni Jesse.
Mas gusto niyang siya na ang maglinis lalo na at hindi naman sila magulo o
makalat sa loob ng bahay. Sa kalaunan, pumayag na rin si Jonas na naisip ring
maganda na rin iyon para solo nila ang bawat sulok ng tahanang iyon.
Simula
nang magsama sila nakaraang linggo lang, yung alalahanin nila ay mabilis na
nawawala.
Napa-ngiti
si Jesse. "Dahil sa pagsasama namin ni Jonas, natulungan ko siya na
maka-limot kahit papaano sa mga nangyari. Kahit ako, natulungan niya ako.
Nagkaroon ako ng bagong inspirasyon na at hindi lang basta inspirasyon, kundi
yung bagay na hindi ko pwedeng balewalain dahil nakasalalay ang kaligayan ko
hanggang sa kamatayan ko." Muli siyang napangiti. "Si Jonas ang
kaligayan ko..."
Sa
loob ng isang linggong pagsasama nila ni Jonas, marami na talaga siyang alam
tungkol sa buhay ng binata. Tulad na lang na may kapatid pa ito sa ina pero hindi
naman sinabi ang tunay na pangalan. Lumaki si Jonas sa poder ng ama ng kanyang
kuya kaya lumaki rin itong independent. Hindi na siya nagtataka kung bakit may
magarang kotse si Jonas at sariling bahay. Ang alam niya minana niya ang mga
iyon sa yumaong ina. At ngayon nga ay nagtatrabaho daw si Jonas sa isang
kumpanya ng isang bangko.
Huwag
daw mag-alala si Jesse para sa pamilya niya dahil sisiguraduhin daw ni Jonas na
maipapadala niya ang buong sweldo niya sa pamilya niya sa probinsya. Umaasa din
si Jonas na maipapakilala siya ni Jesse sa pamilya nito.
"...masaya
na ako at kuntento sa kung meron ako ngayon, basta kapiling ko lang si Jonas.
Wala na akong mahihiling pa." Ito ang huling binitiwan ng isip ni Jesse
bago simulan ang paglilinis.
-----
"Ninong
naman, mabuti nga yun at araw-araw na kitang dinalaw." saka ngumisi si
Jonas. "Ibig sabihin lang noon na mahal na mahal ka ng iyong inaanak.
Tapos papaalisin mo ako dito. Hindi naman ako nakakaabala sayo eh di ba."
Tumingin si Jonas sa paligid. "Tignan mo, ang lawak-lawak ng opisina mo,
pwede pa nga maglagay ng tatlong kama." Sabay tawa. "Tig-isa tayo
Ninong."
Kanina
pa natatawa si Mr. Robledo. "Hindi naman sa ayaw kita dito o pinapaalis
kita. Nagtataka lang ako, isang linggo ka ng nagtatambay dito. Pati araw ng
Linggo hindi mo pinatawad? Alam mo namang ito ang araw ko." sabay tawa.
"Ano bang nakain mo at panay ang paglalagi mo rito?"
"Ninong
naman eh. Parang nagkakalimutan na tayo. Sinabi ko naman sa inyo na gusto kong
magtrabaho dito. Kahit staff, office staff... kahit saan, kahit mababa lang
basta may mapagkaabalahan ako, Ninong. Please."
Napapataas
ang kilay ni Mr. Robledo. "Alam ko matagal mo ng hiniling sa akin yan.
Pero hanggang ngayon hindi ko pa rin maintindihan. Ano na lang ang sasabihin ng
iba kapag nalaman nilang isang stock holder ng bangko na ito ay nagtatrabaho
bilang..." Pasimpleng tumikhim si Mr. Robledo. "...encoder."
sabay tawa.
Napakamot
ng ulo si Jonas. "Ninong naman eh. Pero walang problema. Encoder, e di
encoder. Basta masabi ko lang na may trabaho ako.Yung papasok ako ng maaga,
araw-araw..." Nakatingin pa si Jonas sa malawak na bintana ng opisina
habang nagsasalita. "...yung tipong-" Naiisip niya si Jesse kaya
naman napangiti siya.
Pinutol
ni Mr. Robledo ang paglipad ng isip ng inaanak. "Kung magsalita ka parang
may sinusoportahan ka ng pamilya? Meron na nga ba? Mukhang wala na akong alam
sa buhay pag-ibig mo, Jonas?"
Natawa
si Jonas at muling humarap sa Ninong. "Wala naman ninong. Gusto ko lang
talaga magtrabaho." Pinakatamis-tamisan niya ang pagkakangiti.
"Sige
na nga. Pero bukas mo lang alamin kung ano ang magiging trabaho mo rito."
Napatayo
si Jonas sa katuwaan. Saka niya pinuntahan ang kinauupuan ng kanyang ninong at
ito'y niyakap at hinalikan sa pisngi. "Salamat Ninong."
"Oo
na." awat ni Mr. Robledo sa inaanak.
Bumitaw
si Jonas. "Ninong, bibigyan niyo rin naman pala ako ng trabaho pinatagal
niyo pa ng isang linggo." sabay tawa.
"Oo
na. Sige na, umalis ka na at ipagdiwang mo na may trabaho ka na."
"Opo
ninong, gagawin ko talaga yan." sabay tawa.
Saka
pumasok ang sekretarya ng kanyang ninong. Agad itong sinalubong ni Jonas ng may
katuwaan.
"Alam
mo bang may trabaho na ako?"
Nagsalubong
ang kilay ng sekretarya sa pagtataka. "Po?"
Tumikhim
si Mr. Robledo. "Huwag mong pansinin yan. Ilapag mo na dito yang hawak
mo."
"Ninong
naman?" si Jonas.
"Para
ka kasing... hindi ko alam." sabay tawa ang may katandaan ng si Mr.
Robledo.
Natawa
rin si Jonas habang nagtataka naman ang sekretarya.
------
Makikita
sa kilos at mukha ni Jonas ang kasiyahan. Hindi maputol-putol ang ngiti niya sa
labi. Excited siyang makauwi at ipagdiwang ang pagkakaroon niya ng trabaho.
Pero wala siyang balak na sabihin kay Jesse ang tunay niyang dahilan dahil ang
alam ni Jesse matagal na siyang nagtatrabaho at hindi ang nagtatambay lang sa
opisina ng kanyang ninong o magpagala-gala sa kung saan-saan. Naka-isip na siya
ng dahilan. Kunyari ay napromote siya sa pinagtatrabahuan niya.
Hindi
naman sa ayaw niyang sabihin ang katotohanan kay Jesse. Nasimulan lang kasi sa
pagsisinungaling noon ang tunay na estado ng kanyang buhay. Kaya ngayon ay may
takot siyang magsabi ng katotohanang may yaman siyang kayang buhayin ang isang
pamilya kahit magpa-petik-petik lang.
"Tama
lalabas kami ni Jesse." naibulalas bigla ni Jonas.
Nasa
parking lot na siya kung saan nakaparada ang kanyang kotse. Nang buksan niya
ang pintuan ng kotse ay bigla na lang sumakit ang ulo. Napa-ungol siya sa
sakit. Nasapo rin niya ang kanyang ulo. Naging alanganin pa ang pagtukod ng isa
niyang kamay sa pintuan ng kotse na naging sanhi ng bahagyang pagbaksak niya sa
gilid ng kotse.
Nang
maka-bawi, agad siyang pumasok sa kanyang kotse at hinanap ang itinagong
botelya ng gamot. Nang mahanap, kumuha siya ng isang capsule at nilunok.
Isinandal niya ng kanyang ulo sa headboard at saka pumikit. Hinintay niyang
gumaan ang pakiramdam bago patakbuhin ang sasakyan.
-----
"Oh
bakit parang ang aga mo yata ngayon?" takang tanong ni Jesse nang makababa
ng sasakyan si Jonas.
"Susunduin
lang kita." May kasiyahan sa pananalita ni Jonas pero hindi tulad noong
una niyang naramdaman. Dahilan ang may kaunting sundot ng kirot sa kanyang
sintido.
"Bakit?"
Kumunot-noo si Jesse.
Ngumiti
muna si Jonas. "Wala naman. Gusto ko lang na yayain kang lumabas. Kain
tayo sa labas. Ganun."
Bahagyang
natawa si Jesse. "Talaga? Oh bakit ka naman biglang nagyaya? May
celebration bang dapat na maganap? Bakit, na-promote ka na sa trabaho mo?"
biro ni Jesse.
"Ang
lakas naman ng banat mo. Pero buti na lang tama ka." sabay tawa si Jonas.
Muling
napakunot noo si Jesse. "Ha? Tama ako? Ibig sabihin..."
"Oo.
Na-promote ako. Dapat sana mamaya ko pa sasabihin sayo eh. Kaso, mukhang
naka-amoy ka na at namention mo agad."
"Ayos
yan." Lumapit si Jesse kay Jonas at yumakap. "Masaya ako para
sayo."
"Walang
kiss?"
Natawa
si Jesse. "Sure." Sabay halik sa pisngi.
"Sa
pisngi lang?"
"Ok."
Saka nagbigay si Jesse ng isang halik sa labi ni Jonas.
"Ang
sarap."
Pabirong
hinampas ni Jesse ang likod ni Jonas. "Sandali, magbibihis lang ako."
"Huwag
muna." Hindi hinayaan ni Jonas na makawala si Jesse sa pagkakayakap.
Natawa
si Jesse. "Sige, dito na lang tayo magdamag."
"Pwede
naman. Basta kasama kita."
"Hindi
ako mawawala. Magpapalit lang ako ng damit. Samahan mo na lang ako, dali. Gusto
kong gumala. Ang tagal mo akong kinulong dito sa bahay mo."
Natawa
si Jonas. "Kinulong? Sobra ka naman. Parang hindi ka lumalabas kapag oras
ng trabaho mo ah?"
"Biro
lang." sabay tawa.
"Sige
sasamahan kitang magpalit."
"Tara
dali."
-----
"Parang
natatandaan ko ito ah?" biro ni Jesse nang mag-park ang kotse ni Jonas sa
parking lot ng isang restaurant.
"Malamang."
sagot ni Jonas. Dahil sa kabilang kalsada ang market mall kung saan
nagtatrabaho ni Jesse.
"Wow
siryoso yata bigla ang asawa ko."
"Loko,
hindi ah. May iniisip lang kasi ako." nakangising sabi ni Jonas.
"Ano
yun?"
"Mamaya
mo malalaman."
"Ang
daya." kunyaring nalungkot si Jesse.
Iniba
ni Jonas ang usapan. Ibinalik sa banat kanina ni Jesse. "Sabi mo di ba
natatandaan mo itong lugar na ito?"
"Oo
naman. Maliban sa dito sa lugar na ito ako nagtatrabaho..." saka sumilay
ang ngiti sa labi ni Jesse.
Nabasa
ni Jonas ang ibig sabihin ni Jesse."Na dyan sa restaurant na yan tayo
unang nagdate?"
Natawa
si Jesse. "Nag date? Date na ba yun? Nagkataon lang yun."
"Ganun
ba? Hmmm o sige ngayong tanghaling tapat date kita ngayon. Kung saan tayo
nagkakilala."
Kinilig
si Jesse doon.
-----
"Alam
mo, may naalala ako." si Jesse nang makapwesto na sila sa isang table kung
saan dati nilang napwestuhan.
Kumunot
noo si Jonas "Ano?" habang naghihintay sa susunod na mga salita ni
Jesse.
"Hanggang
ngayon, hindi pa ako nakakabawi sayo."
"Ha?"
mas lalo ang kunot noo ni Jonas ngayon.
Natawa
si Jesse. "Grabe ka naman magkunot-noo. Pero pogi ka pa rin."
Napa-ngiti
si Jonas. "Bakit nga kasi? Anong bawi?"
"Hmmm
nasabihan lang ng pogi kumalembang na ang mga tenga. Oo, hindi pa ako nakabawi
kasi naalala mo yung umorder ka ng marami tapos ikaw rin ang nagbayad. Imbes na
ako dapat ang manlibre kasi bilang pasasalamat ko nang pa-angkasin mo ako sa
kotse mo nang wala akong masakyan."
Natawa
si Jonas. "Ah yun ba? Hanggang ngayon iniisip mo pa rin yun? Mag-asawa na
tayo, at hindi mo pa rin makalimutan yun. Nilista ko kaya yun sa tubig."
"Kahit
na. Yun yung mga bagay na hindi ko makakalimutan. Doon kita minahal eh."
sagot ni Jesse.
"Ah..
so ibig sabihin pala. Noon pa lang mahal mo na aklo. Naku naman, ang tagal kong
naghintay kelan mo lang ako sinagot." biro ni Jonas.
"Ano?
Parang ang tagal mong nanligaw ah?" sabay tawa si Jesse. "Saka may
sinabi ba akong noon pa lang na-inlove na ako sayo?" naghahanap ng lusot
si Jesse.
"Oo,
dinig na dinig ko. Kakasabi mo lang nakalimutan mo agad."
"Wala
akong sinabi." pilit ni Jesse.
"Ok,
basta ako masaya." sabay tawa. "Order ka na."
------
Masaya
ang dalawa nang pagsaluhan ang sandaling iyon. Habang kumakain, hindi nila
mapigilan ang mapahalakhak sa tuwing babalikan ang mga nakaraan nila kung saan
nagkaroon ng kilig, saya at pag-ibig sa una nilang pagkikita.
Para
kay Jonas, si Jesse na ang mamahalin niya at gustong makasama sa habang buhay
niya. Pipilitin niyang maibigay ang lahat ng kasiyahan na para kay Jesse. Sobra
niya itong mahal.
Hindi
ito ang huling sandali sa araw na ito, may mga inaasahan pa si Jonas na
mangyayari sa susunod nilang pupuntahan. Kung saan sigurado niyang magbabalik
ang dati kung saan lumago ang pag-ibig nila para sa isa't isa.
[02]
"San
naman tayo pupunta?" tanong ni Jesse kay Jonas nang makasakay na sila sa
kotse pagkatapos sa loob ng restaurant.
"Makikita
mo."
"Wow,
exciting ah." Bigla niyang hinampas ang balikat nito.
"Oy!"
gulat ni Jonas.
Natawa
si Jesse. "Kasi ikaw ang dami mong alam. Meron ka pang sinasabing makikita
mo."
"Basta.
Makikita mo."
"Siguraduhin
mo lang na matutuwa ako ha? Hmmm..." sabay tawa.
"Sana
nga." sumilay ang matamis na ngiti ni Jonas.
-----
"Ay,
nakakainis ka." si Jesse habang hinahampas niya ang balikat ni Jonas.
Tawa
naman ng tawa si Jonas dahil alam niya ang ibig sabihin ni Jesse. Minabuti
niyang ihinto ang sasakyan. "Dito muna tayo."
"Ano?
Loko ka talaga."
Isa
pang halakhak ang pinamalas ni Jonas. "Bakit? Ano na naman ang ginawa
ko?"
"Lahat
talaga ipapaalala mo ah." tinatago ni Jesse ang totoong nararamdaman.
Imbes na kilig ang ipakita kunyari ay naiinis siya kay Jonas.
"Ano
nga?"
"Wala."
pagsusungit ni Jesse.
"Maiinis,
manghahampas tapos wala naman palang dahilan."
"Bakit
kasi dito mo ako dinala?"
Natawa
na naman si Jonas. "Buti nga maaga pa. Kesa naman gabi kita dalhin dito.
Mas lalo yun."
"Loko
ka talaga." Sa pagkakataon ito sumilay ang itinatagong ngiti sa labi ni
Jesse.
"Oh
bakit nangingiti ka na ngayon? Akala ko ba naiinis ka?"
"May
naalala ako kasi." sabay tawa ni Jesse. "Nakakahiya." hiyaw
niya.
"Anong
nakakahiya, dali sabihin mo."
"Ayoko
nga. Yan, yan ang gusto mo mapahiya ako."
"Hindi
ah. Gusto ko lang balikan kung saan tayo unang nagkita."
Wala
sa intensyon bigla na lang may tumulong luha sa mata ni Jesse. "Naiinis
ako sayo. Pinapaiyak mo ako."
"Aw
sorry." mabilis na inalo ni Jonas si Jesse. "Sorry, hindi ko-" Bigla
siyang niyakap ni Jesse.
"Nagpapasalamat
ako sa Diyos... dahil nakilala kita. Huwag ka mag-alala, masyado lang akong
natuwa." tumawa siya ng bahagya. "Mabuti na lang at umuulan noon,
wala akong masakyan tapos dumating ang saklolo, pinasakay ako. Tapos..."
natawa si Jesse ng may kagalakan.
"Hindi
ako nga ang magpasalamat sa Diyos kasi dito niya ako sa kalyeng ito pinadaan.
Dito ko pala susunduin ang mamahalin ko habang buhay."
"Ayyy.."
si Jesse sa sobrang kilig. Mas lalong hinigpitan niya ang yakap kay Jonas.
Gusto niyang marinig ng puso ni Jonas kung gaano kalakas ang kabog ng kanyang
dibdib. "Pero, nakakahiya pa rin."
Natawa
si Jonas. Umalis siya sa pagkakayakap. "Ano na naman ang nakakahiya
doon?"
"Alam
mo yung basang-basa ka tapos ang... ang ganda ganda ng kotse. Ibig kong sabihin
yung itong inuupuan ko, tuyong-tuyo. Mababasa ko lang. Tapos napansin ko yung
magazine na nilatag mo bago pa. Pero nilatag mo para lang umupo ako."
Kinikilig si Jesse. "Ayoko na nga."
"Hindi
ka naman yata nahihiya eh. Ang tingin ko kinikilig ka." sabay tawa.
"Loko."
sabay hampas ni Jesse sa balikat ni Jonas. "Hindi naman. Hahaha"
"Teka,
bakit pala itong kotse ko lang ang napansin mo? Eh yung poging driver hindi mo
ba napansin?"
Umirap
ng nakangiti si Jesse. "Bakit naman kita mapapansin?" biro ni Jesse.
"Hmmm..."
"Oo
naman."
"Paano
mo ako napansin?"
"Maka-ngiti
ka... Oo na ikaw na mabango. Fresh. Oo na, ikaw na cute."
Sobra
ang tawa ni Jonas. "Pero alam mo Jesse, nang maihatid na kita, hindi ka na
nawala sa isip ko." kinilig si Jonas sa sinabi. "Nyeeee" sabay
tawa. "Oo nga. Tapos makikita pala kita uli sa restaurant."
"Pinagtagpo
talaga tayo. Tama ba ako?"
"Sigurado
ako. Walang duda Jesse." inabot ni Jonas ang kamay ni Jesse. "Para ka
talaga sa akin."
Huminga
ng malalim si Jesse. Parang nawawalan siya ng hininga sa sobrang saya. "Oo
Jonas, para ako sayo... at ikaw ay akin."
-----
"Saan
mo naman ako ngayon dadalhin?" tanong ni Jesse nang paandarin na ni Jonas
ang sasakyan.
"Hulaan
mo."
"May
naiisip ako. Kaya lang ayoko naman manghula."
"Sa
dati mong bahay."
"Sabi
na." Hindi talaga mawalan ng tawa si Jesse sa sobrang kasiyahan.
"Pero, ano bang gagawin natin doon? Hindi ko dala ang susi ng bahay."
"Bibili
na lang tayo ng pamalit. Sisirain natin ang kandado para makapasok tayo."
"Ok.
Namimiss ko rin ang bahay na iyon."
"Malamang,
yun ang una mong naging tahanan dito sa Maynila eh."
"Oo."
-----
Huminto
sa kanto ng dating tinitirahan ni Jesse ang kotse ni Jonas.
"Jesse
may naaalala ka dito?" tanong ni Jonas.
Saglit
na nag-isip si Jesse. "Hmmm meron naman. Natatakot akong iwan mo dito
itong kotse mo."
"Hindi
yun."
Napa-ngiti
si Jesse. "Eh ano?"
"Hmmm
naalala mo bang dito ako nagtapat sayo?"
"Ay!"
Natawa
si Jonas sa naging reaksyon ni Jesse. "Ayoko na nga alalahanin, ako naman
ang nahihiya."
"Ikaw
eh, ikaw ang nagpapaalala."
"Pero
dahil tayo na, bigla ko lang kasi naisip, sobrang laki na ba talaga ng pogi
points ko nung time na yun?"
"Hmmm...
ang hangin naman. Hahahha. Malaki ang pogi points? E di naman kita sinagot nun
eh."
"Kaya
nga. Mmm ang gusto ko talaga malaman kung ano ang status ko noong nagtapat ako
sayo. Hindi mo nga kasi ako sinagot."
"Ah...
pero kailangan ko pa bang sagutin yun." natatawang si Jesse.
"Actually
hindi naman. Kasi akin ka na eh. Sabi ko naisip ko lang."
"Mmm
natatakot lang kasi ako noon kasi hindi pa talaga kita kilala saka hindi pa ako
sigurado sa sarili ko. Sinabi ko naman sayo yun dati eh."
"Oo
nga." saglit na tumawa si Jonas saka sumeryoso uli. "Pero Jesse,
sisiguraduhin kong hindi ka magsisisi na mahalin mo ako."
Umangat
ang kamay ni Jesse ay dumapo ang palad nito sa pisngi ni Jonas.
"Salamat."
"I
love you Jesse."
"Mahal
din kita Jonas."
-----
"Ang
bilis ah?" tinutukoy ni Jesse ang pagkasira ng kandado. Sa isang hampas ni
Jonas, natanggal agad ang kandado ng bahay na iyon.
"Naiihi
na ako eh."
Natawa
si Jesse. "Dali takbo."
Agad
nga na tumakbo si Jonas sa C.R. nang mabuksan ang pinto. Hindi mapigilan ni
Jesse ang matawa. Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto saka niya napansin
ang isang papel sa lapag. Halatang siningit sa ilalim ng pinto. Dinampot niya
iyon at binasa.
Jesse,
Umaasa
akong nasa mabuti kang kalagayan at masaya sa piling ni Jonas. Kaya ako nagiwan
ng sulat dahil gusto ko sanang makuha ang mga gamit kong naiwan. Nagsimula na
ako ng bagong buhay. Pero gusto ko munang ipaalam sayo, kaya nag-iwan ako ng
sulat. Alam na ng kahera na dumating ako. Nalaman ko rin na hindi pa pala tapos
ang upa natin dito sa bahay kaya malaya pa tayong makakapasok rito hanggang
matapos ang buwan.
Babalik
ako sa bago matapos ang buwan. Sa araw na lang na iyon ko kukunin ang naiwan
kong mga gamit tulad ng mga damit. Alam ko naman na sapat ang pangangailangan
mo kay Jonas kaya gusto ko sanang ako na lang ang gagamit ng ibang gamit dito.
Mag-iwan
ka na lang ng sulat o pasabi sa kahera. Jesse, huwag mo muna akong hanapin o
piliting makita. Ayos lang kami. Magkikita pa tayo. Maraming salamat.
Marco.
Itinago
muna niya ang sulat sa bulsa. Ipapakita niya iyon kay Jonas. Minabuti muna
niyang pumasok sa dati niyang kwarto para sumilip. Hindi niya napigilan
alalahanin ang nakaraan nang ginagamit pa niya ang kwartong iyon. Hanggang sa
maalala rin niya na doon din sila unang nagtabi ni Jonas matulog.
"Jesse."
Napalingon
si Jesse nang tawagin siya ni Jonas. Nasa likuran na pala niya ito nang hindi
niya namamalayan. "Tapos ka na pala."
"Ngumingiti
ka na naman mag-isa."
"Oo.
May naalala lang ako." amin ni Jesse.
"Ako
ba yun?"
Natawa
si Jesse. "Medyo. Teka, ako naman ang gagamit ng C.R."
"Sige."
-----
Parehong
nagpapahinga ang dalawa sa mahabang kawayang sopa. Habang nakaupo si Jesse sa
bandang dulo, nakahiga naman si Jonas habang ang ulo nito ay nasa kandungan ni
Jesse. Nakapikit si Jonas habang sinusuklay-suklay ni Jesse ang buhok ng una.
Gustong-gusto
ni Jonas ang ginagawa ni Jesse sa kanyang buhok. Ayaw na nga sana niyang
matapos ang sandaling iyon dahil sa masarap na pakiramdam pero bigla may
pumasok sa kanyang isipan at napamulat ng mata.
"Jesse..."
tawag niya.
"Hmm."
ungol naman ni Jesse biglang pagtugon.
"Ano
kaya kung pumunta tayo sa inyo, doon sa probinsya niyo?"
Binitiwan
ni Jesse ang manipis na buhok ni Jonas. "Ano ka, may pasok ako
bukas."
"Alam
ko." saka namungay ang mga mata ni Jonas. Tipong nangungusap sa pagpayag
ni Jesse.
"Ayoko."
matigas na sagot ni Jesse.
"Hmpt.
Sige na nga." Saka muling pumikit si Jonas.
Ipinagpatuloy
ni Jesse ang pagsuklay-suklay sa buhok ni Jonas saka nagsalita. "Hindi ka
ba nagugutom?"
"Hindi."
siryosong sagot ni Jonas.
Natawa
si Jesse. "Nakakatawa ka naman."
"Bakit?"
napadilat si Jonas at tumingin kay Jesse.
"Halata
naman kasing nagtatampo ka eh."
"Nagtatampo."
"Oo.
Sige na aabsent ako bukas."
Napa-ngiti
si Jonas. "Bakit naman?"
"Loko
ka. Ako ngayon ang tinatanong mo ngayon ah."
Mas
lalong lumuwang ang ngiti ni Jonas. "Bakit nga. Gusto ko ikaw magsabi para
hindi mo ako awayin." saka humalakhak.
"Hmpt.
Oo na, bisita tayo kay Itay at Inay sa probinsya."
"Ok."
Tumayo si Jonas. "Ngayon na."
Natawa
na lang si Jesse.
-----
"Akala
ko ba..." Nagtataka si Jesse nang huminto ang kotse.
"Sandali
lang. Naalala mo ba ang first date?"
"Ay,
oo nga pala. Dito sa lugar na 'to... kung san ka biglang nabulunan." sabay
tawa si Jesse.
"Alis
na nga tayo. Yun pa ang naalala eh." Biro lang ni Jonas. Pero pinaandar na
niya ang sasakyan.
"Oh,
aalis na nga talaga? Nagbibiro lang ako eh."
Natawa
si Jonas. "Oo aalis na tayo. Huwag kang mag-alala wala sa akin yun.
Nagbibiro lang rin ako. Sabi ko naman sandali lang."
"Hmm
kunyari pa. Talaga namang ayaw mo lang maalala." sabay tawa.
"Hindi
kaya. Sabi ko nga sandali lang. Gusto ko lang rin na madaanan ito kasi isa rin
ito sa kung saan meron tayong alaala."
"Sige
na nga naniniwala na ako." biro ni Jesse. Pero ang kamay niya ay dumapo sa
balikat ni Jonas bilang tugon ng kanyang pagsang-ayon sa sinabi ni Jonas
tungkol sa lugar.
"Alis
na tayo. Baka gabihin pa tayo."
"Go
go go."
-----
Gabi
na nang makarating sina Jesse at Jonas sa lugar ng magulang ng una. Inaalis ni
Jesse ang kamay ni Jonas sa pagkakahawak sa kanya.
"Bakit?"
tanong ni Jonas.
"Baka
kung anong isipin ni Itay at Inay."
"Ayaw
mong ipaalam?"
"Hindi
naman pero. Ayoko naman na mabigla sila at mag-isip kaagad ng kung ano."
Saglit
na natigilan si Jonas. "Mmm sige. Tama ka."
"Salamat."
Nagulat
ang dalawa nang biglang may kaluskos sa bandang likuran.
"Jesse,
ikaw ba yan?"
Agad
napalingon sina Jesse at Jonas.
"Itay?"
si Jesse.
"Oh,
kayo pala. Bakit nariyan pa kayo? Bakit hindi pa kayo dumiretso doon sa loob.
Gabi na."
"Opo
Itay."
"Magandang
gabi po." si Jonas.
"Magandang
gabi rin, sayo. Teka, kayo lang ba na dalawa ha?"
"Opo."
si Jesse ang sumagot.
"O
sige na tumuloy na kayo para malaman na agad ina mong narito kayo."
"Sige
po."
-----
Naging
maayos ang pagtuloy nila ng gabing iyon. Tuwang-tuwa ang ina ni Jesse nang
makita ang anak. Kaya naman aligaga sa pagluluto para may maihain sa anak at
bisita nito habang nagkukwentuhan naman sina Mang Berto at Jonas.
Sa
tulong ni Jesse niluto nila ang piniritong tulingan. Ginisa nila iyon na may
itlog para magkaroon ng sabaw. Ang ibang piniritong tulingan ay pinarisan ng
hiniwang kamatis at toyong sawsawan.
Hindi
maiwasan ni Jonas na humanga at sumaya sa naging asikaso sa kanila ni Jesse
lalo sa sarili niya. Hindi man niya maipakita pero ang laki ng kanyang
pasasalamat na kahit simple lang ang nasa hapag-kainan, masaya silang kumakain
ng sabay-sabay. Tulad ng isang pamilya. Ramdam niya na kaisa siya doon.
-----
Hindi
tulad ng dati, ngayon ay magkatabi sina Jonas at Jesse matulog sa papag.
Nagkatawanan pa nga sila ng alalahanin kung sino sa mahabang sopa matutulog.
"Ngayon,
magkatabi na tayo. Wala na kasing extra." si Jonas.
"Loko
ka. Siryoso ka?"
"Bakit?"
natatawang si Jonas.
"Alam
ko kasi ibig mong sabihin. Ang tinutukoy mo si Jessica."
"Wala
akong sinabing pangalan ah."
"Kahit
na. Yun din eh." umirap si Jesse.
"Basta..."
"Basta
matulog ka na." kunyari ay inis talaga si Jesse. Tumalikod siya kay Jonas
sa pagkakahiga.
Pasimpleng
sinundot ng daliri ni Jonas ang tagiliran ni Jesse. "Ang seryoso mo."
"Hindi."
"Bakit
ka tumalikod sa akin?"
Muling
humarap si Jesse saka yumakap pero nanatiling nakapikit. "Ayan."
Hindi na nakita ni Jesse ang mga ngiti ni Jonas.
"Sigurado
ako sa magandang tulog. Goodnight." saka humagikgik si Jonas.
"Goodnight."
Masayang
masaya si Jesse. Para sa kanya wala na siyang mahihiling pa. Hindi alam ni
Jonas kung gaano siya nito pinasaya nang handa pala si Jonas na malaman ng
magulang niya na may relasyon sila. Doon pa lang ay nakakatiyak na ang puso
niya kay Jonas.
Kaya
lang, natatakot siya sa magiging reaksyon ng mga magulang niya. Ito ang isang
dahilan kung bakit nananahimik siya ngayon. Pero kung sakali man na ipagtapat
na ni Jonas ang kanilang relasyon, handa siyang sumang-ayon. Sasama siya kay Jonas
dahil iyon ang kaligayan niya. Ayaw niya lang na masaktan ang kanyang magulang.
"Hayyy..."
buntong hininga ni Jesse nang nakapikit. Hindi niya napapansin ang kanina pang
nagmamatyag na mga mata ni Jonas sa kanyang mukha.
[03]
Kinabukasan.
"Dito
mo ako sinagot." sabi ni Jonas nang tabihan siya ni Jesse sa pagkakaupo sa
buhanginan kung saan sila dati nag-outing.
"Kailan?"
maang-maangan ni Jesse. Saka tumingin sa dagat.
"Eh
kung kilitiin kita dyan hanggang sa maalala mo?"
"Ay,
hindi na." sabay tawa si Jesse. "Natatandaan ko nga iyon eh. Gabi
'yun si ba?"
"Hindi,
umaga yun."
"Ay!"
pinisil ni Jesse ang magkabilang pisngi. "Ikaw ang hindi
nakakatanda."
Tinanggal
ni Jonas ang kamay ni Jesse sa pisngi niya. "Natatandaan ko lahat. Pati
yung sabi ko, bumalik ka, nagulat na lang ako umaga na pala." hindi naman
galit si Jonas pero sineryoso niya ang pagsasalita.
Natahimik
naman si Jesse. May naalala siya.
Bigla
namang nag-alala si Jonas. Akala niya ay hindi natuwa sa kanya si Jesse.
"Jesse..."
"Ha?"
balik kasalukuyan ni Jesse mula sa nakaraan.
"Anong
ha? Hindi mo nagustuhan ang sinabi ko kaya ka natahimik. Sorry na. Gusto ko
lang naman magpalambing eh."
Napangiti
si Jesse. "Hindi ah. May naisip lang ako."
Napa-kunot
noo si Jonas. "B-bakit? Anong naala-"
Pinutol
agad ni Jesse ang gustong itanong ni Jonas. Muling pinisil pisil ni Jesse ang
pisngi ng kaharap saka sinabing, "Mahal kita."
Hinawakan
ni Jonas ang dalawang kamay ni Jesse paalis sa kanyang pisngi. "Gaano mo
ako kamahal?"
"Sobra.
Sasamahan kita kahit saan."
"Kahit
magalit sayo ang mga magulang mo?"
Ngumiti
ng mapait si Jesse. "Oo. Kahit masakit. Yan ang pinag-iisipan ko kagabi.
Sinubukan kong ikumpara ang pag-ibig ko sayo sa pagmamahal ko sa magulang ko.
Ikaw ang gusto kong makasama habang buhay,
Jonas."
Nagningning
ang mga mata ni Jonas. "Huwag kang mag-alala. Mamahalin kita ng higit pa
sa buhay ko." Niyakap niya si Jesse. Pinaramdam niya ang pagmamahal niya
dito. "Magsasama tayo hanggang sa huli. Pangako."
-----
Hapon
na ng makauwi sila sa bahay ng magulang ni Jesse. Balak na nilang ipagtapat sa
magulang ni Jesse ang kanilang relasyon. Kinakabahan si Jesse pero sa kabilang
banda matatag siya dahil alam niyang kasama niya si Jonas. Na kahit anong
mangyari, sila at sila ni Jonas ang magsasama.
Naabutan
nina Jesse at Jonas si Aling Anita na nasa kusina.
"Nay
si Itay po?" tanong ni Jesse.
"Ay,
nariyan na pala kayo. Nasa likod ang tatay mo. Sinisilip ang mga manok niya.
Bigla nag-ingay ang mga manok parang may kung anong nambulabog. Kamusta ang
lakad niyo?"
"Ok
naman po Inay." sagot ni Jesse.
Saka
sumingit si Jonas. "Ah, Aling Anita, may balak po sana kaming sabihin sa
inyo ni Mang Berto..."
Ngumiti
si Aling Anita. "Oh, ano naman yun?"
"S-siguro
po Inay, dapat narito din si Itay." si Jesse na itinatago ang pag-aalala.
Napa-kapit siya kay Jonas.
Hindi
naging lingid kay Aling Anita ang iba sa tono ng pananalita ng anak at ginawa
nitong biglaang pagkapit kay Jonas na ipinagtataka niya. Alam niyang may kung
anong mahalagang sasabihin ang dalawa. Hindi niya lang matanto. "Sige,
tatawagin ko muna ang tatay mo." Saka tumalikod ang ginang.
-----
Kasabay
ng ina ang ama nang makabalik. Bahagyang nauuna ang ama ni Jesse at nang makita
sila ay agad nagtanong.
"Ano
bang gusto niyong sabihin?" tanong ni Mang Berto.
Nagkatinginan
muna sina Jonas at Jesse sa isa't isa. Bigla silang nakaramdam ng kaba. Pero
mas pinilit ni Jonas na magkaroon ng tatag. Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa
kamay ni Jesse.
"K-kasi
po." Muling tumingin si Jonas kay Jesse. "Kami po kasi ng anak nyo
ay..." Kitang-kita ni Jonas ang pagsalubong ng mga kilay ng ama ni Jesse.
Habang panay naman ang hinga ng malalim ni Aling Anita sa likuran.
"...kami po ay.. kami po ng anak ninyo."
Kitang-kita
ni Jesse ang pagtiim-bagang ng ama.
Hindi
tanga si Mang Berto para hindi niya maunawan ang kilos ng anak at ni Jonas.
Pagkakita palang niya sa dalawa ay naghinala na agad siya lalo na ng makitang
magkahawak ang mga kamay nito. Kanina pa niya pinipigilan ang nararamdaman. Ang
gusto niya marinig muna sa kaharap ang talagang pakay ng mga ito. Pero ngayong
narinig niya, hindi niya kayang marinig ang narinig na. Napahawak siya sa
kanyang dibdib dahil sa paninikip.
"Berto?"
tawag ni Aling Anita sa likuran lang ni Mang Berto at agad napahawak sa asawa
nang biglang bumagsak ito.
Nagulat
sina Jonas lalo na si Jesse nang mabilis na bumagsak ang ama niya. Agad siyang
sumaklolo. "Jonas, si Itay." Sumunod agad si Jonas.
Kitang-kita
sa hitsura ni Mang Berto na hindi niya nagustuhan ang narinig kanina.
"M-mang
Berto.." tawag ni Jonas ng makalapit. Inalalayan niyang makatayo ang
matanda.
"Itay."
si Jesse.
Kahit
nakatayo na si Mang Berto, hawak pa rin niya ang dibdib. "Hindi ko
maintindihan Jesse." simula ni Mang Berto. "Hindi ko gusto ang narinig
ko." Nagsimula nang lumuha si Mang Berto. Talagang dinadamdam niya ang
balita sa kanya. Hindi niya matanggap na ang anak niya ay umiibig sa kapwa
lalaki. "Bakit hindi namin alam, Jesse?" saka biglang tumaas ang
tono. "Yan ba ang natutunan mo sa Maynila?"
Napakapit
si Jesse kay Jonas. Bahagyang umatras ang dalawa palayo sa magulang.
"Mahal
ko po ang anak niyo. Handa po akong buhayin siya."
"Tarantado!"
sigaw ni Mang Berto na ikina-atras lalo ni Jesse. Ngayon lang ni Jesse narinig
ang ama na magalit ng ganoon. "Anong akala mo sa anak ko babae?"
"Alam
ko po lalaki ang anak niyo. Pero, kami po'y nagmamahalang dalawa."
"Lumayas
ka rito. Wala akong kilalang bakla sa pamamahay ko." muling sigaw ni Mang
Berto na biglang ikinahirap ng kanyang paghinga.
"Berto,
asawa ko." saklolo ni Aling Anita na nasa likuran lang. Umiiyak na rin.
"Tay."
si Jesse na lalapit sana.
"Huwag
kang lalapit." awat kay Jesse ng ama.
"Tay..."
iyak ni Jesse.
"Bakit
Jesse? Anong nagawa namin ng magulang mo?"
"Tay,
mahal ko po si Jonas."
Parang
nagdilim ang paningin ni Mang Berto sa narinig. Masakit pala na sa anak niya
magmula na umiibig nga ito sa kapwa lalaki. Kahit naninikip ang dibdib, kumilos
ang matanda at nagmamadaling umalis.
"Berto."
tawag ni Anita.
"Ma..."
Gusto ni Jesse na magkaroon sa kanya ng simpatya ang ina.
Pero
nang tumingin kay Jesseang ina ay bigla itong nagbawi at sinundan ang asawa sa
likod bahay. Hindi pa nga ito nakakasunod ng makasalubong na ang asawa dala ang
itak.
"Berto?"
tawag pansin ni Aling Anita sa asawa.
"Papatayin
ko sila kung hindi sila aalis dito."
"Berto,
anak mo si Jesse."
"Wala
akong anak na bakla." Nang makaharap ang dalawa. 'Magsilayas kayo rito.
Ayoko ng makikita pa ang mga pagmumukha ninyo." habang idinuduro ang itak
kay Jonas.
"Opo,
aalis kami. Isasama ko ang anak ninyo. Pero maipapangako ko po sa inyo na
aalagaan ko po ang inyong anak. Hindi ko po siya pababayaan. Mahal ko po siya
at mahal po niya ako."
"Tarantado
ka pala eh. Hindi babae ang anak ko gago." Susugurin sana ni Mang Berto si
Jonas. Buti na lang ay humarang si Aling Anita. "Lumayas ka rito kung ayaw
tagpasin kita ng itak na hawak ko."
"Itay,
parang awa niyo na. Tanggapin niyo kami. Mahal ko po si Jonas." Si Jesse.
Muling
dinamdam na naman ni Mang Berto ang sakit sa dibdib. Pero sa ngayon, mas lalong
napasama. Dahil tuluyan na itong nabuwal sa lapag.
"Tay..."
"Berto."
"Mang
Berto."
Pero
kahit nahihirapan sa paghinga si Mang Berto sa lapag ay nagawa pa nitong
magsalita. "M-ag silayas kayo rito. Hindi ko.. kayo kailangan."
"Berto."
Iyak ni Aling Anita. Saka tumingin sa dalawa. "Umalis na kayo rito. Ayaw
kong mamatay ang asawa ko. Hanggat narito kayo, sasama at sasama ang loob niya.
Umalis na kayo." sigaw ng ina.
"Inay...
pati kayo galit sa akin?"
Pero
hindi pinansin ni Aling Anita ang anak.
"Halika
na Jesse. Palipasin muna natin ito."
Sumunod
na lang si Jesse kay Jonas. Inakay ni Jonas si Jesse palabas ng bahay. Nang
nasa labas na sila ng pinto biglang sumigaw si Aling Anita. Napabalik ang
dalawa sa loob ng bahay.
"Dalhin
natin sa ospital ng ama mo Jesse." iyak ni Aling Anita.
Dali-daling
binuhat ni Jonas si Mang Berto na tumitirik ang mata. Hindi naman nagtagal at
naisakay na sa kotse si Mang Berto kasunod sina Jesse at ang ina nito.
-----
"Kamusta
daw po si Itay?" tanong agad ni Jesse ng may pag-aalala nang makita ang
ina.
Huminga
muna ng malalim si Aling Anita bago nagsalita. "Ok na siya. Pero,
Jesse..." lumuha si Aling Anita. "Huwag ka munang magpakita sa ama
mo."
Napayuko
si Jesse. Naiintindihan niya ang ibig sabihin ng ina. "P-pero Nay, bago
kami umalis ni Jonas, sabihin niyo muna po sa akin na hindi kayo galit sa akin.
A-at kay Jonas po." Naramdaman ni Jesse ang pagkapit ni Jonas sa kanyang
balikat.
Tumingin
si Aling Anita kay Jonas. "Yan ang gusto mo anak. Wala akong magagawa
pero... ayokong may mangyari sa ama mo ng dahil sayo. Kaya pakiusap, huwag muna
kayo magpapakita. Masamang-masama ang loob niya."
-----
Sa
loob ng kotse, pauwi sa Maynila,
"J-jesse..."
napansin kasi ni Jonas na malayo ang tingin ni Jesse sa labas ng bintana. Panay
ang buntong hininga at kanina pa tahimik.
Tumingin
si Jesse kay Jonas ng naka-ngiti. "Mmm..." ungol niya bilang
pagtugon.
"W-wala
naman. Nag-aalala lang ako sayo."
Tumawa
ng malumanay si Jesse pero alam niyang halata ni Jonas na pilit lang iyon.
"Ano ka ba? Ok lang ako." sabay buntong hininga. "Hindi ako
nagsisisi. Pero... hindi ko lang talaga maiwasang makonsensya at malungkot sa
nangyari kay Itay. Pero," tonong naninigurado. "umaasa akong darating
ang araw na magkakaayos din kami. Kayo ni Itay."
"Salamat
Jesse."
Napakunot
noo si Jesse nang tumitig kay Jonas. "P-para saan?" Kahit hindi
nakatingin sa kanya si Jonas napansin niya ang matamis nitong ngiti.
"Kasi,
kahit ganoon ang nangyari, sa akin ka pa rin sumama." saglit na tumingin
si Jonas kay Jesse. "Ikaw ang kasiyahan ko Jesse. Kaya nagpapasalamat ako
dahil ako ang pinili mo."
"Ako
rin Jonas. Ikaw ang kaligayan ko."
"Pero
Jesse, dapat ba akong sisihin dahil, ang
ibig kong sabihin, kung hindi tayo pumunta sa inyo, hindi sana mangyayari yun
kay Itay."
Bumuntong
hininga muna si Jesse. Naalala kasi nya ang ama sa puntong sinusugod nila ito
sa hospital. "Hindi. Ganoon din naman Jonas. Darating at darating din tayo
dito. Mas maganda na nga siguro na mas maaga kasi malakas pa si Itay. Paano
kaya kung kelan mahina na si Itay? Baka hindi pa ako mapatawad noon pati ni
Inay. Narinig mo naman ang sabi kanina ni Inay di ba?"
"Oo."
"Hindi
ako nagsisisi at hindi kita sinisisi Jonas. Nagpapasalamat pa nga ako dahil
naroon ka at handa mo akong ipaglaban."
Napa-ngiti
ng malawak si Jonas sa sinabi ni Jesse. "Ah Jesse, siguraduhin mong
mapapadala mo agad ng buo ang sasahurin mo para sa Itay mo. Magdadagdag ako.
Paalala mo lang sa akin."
"Naku,
wag mong problemahin yun. At, wag mong isipin yun lalo na kapag nagtatrabaho
ka. Mag-focus ka sa trabaho mo. Ako na ang bahala doon."
"Basta,
gusto ko magdagdag."
"Ikaw
ang bahala pero, baka araw-arawin mo ang O.T. nyan?"
Natawa
si Jonas. "Ayaw mo nun, mabilis ang promotion? Baka imbes na encoder lang
ako sa isang kilalang bangko makita mo na lang na ako na pala ang
may-ari."
"Loko
ka. Grabe naman yun." sabay tawa. "Kugn kaya mo ba eh, susuportahan
kita. Pero, tulad ng dati, masaya na ako sa kung anong meron tayo. Sa kung
anong napagkakasya natin ngayon. Kaya pakiusap Jonas alagaan mo rin personal
ang sarili mo. Baka magkasakit ka nyan. Sabi ko sayo huwag mong alalahanin ang
pagpapadala ko kay Itay."
"S-sige."
-----
"Jesse,
anak. Bakit mo hinayaang maging ganyan ka? Hindi mo na kami inisip ng iyong
ina. Hinayaan kita na sundin ang gusto mo. Dahil ang sabi mo ay para naman sa
amin. Pero, bakit sa pagbabalik mo iba ka na? Wala akong natatandaang umalis
ang anak ko na bakla. Kaya wala akong inaasahang anak na babalik na bakla...
bakla... bakla..."
"Jesse,
jesse gising. Jesse gising." yugyog ni Jonas kay Jesse. Naalimpungatan
siyang umuungol si Jesse. "Jesse, binabangungot ka." pag-aalala niya.
Nagising
si Jesse. Pero hindi pa rin nawawala sa kanyang utak ng paulit-ulit ang huling katagang
binitiwan ng kanyang ama sa kanyang panaginip. "Napanaginipan ko si Itay,
Jonas."
Hinimas
ni Jonas ang likuran ni Jesse. "Sandali kukuha lang ako ng tubig."
Nasa side ni Jesse ang table kung saan naroon ang isang pitsel ng tubig at
baso."
Habang
kumukuha si Jonas ng tubig ay nagsalita si Jesse. "Jonas, galit sa kin si
Itay."
"Panaginip
lang yun Jesse. Hindi totoo ang panaginip. Sabi nila kabaligtaran daw ang ibig
sabihin ng panaginip." Binigay ni Jonas ang isang baso ng tubig kay Jesse.
Sumimsim
muna si Jesse bago nagsalita. "Sana nga Jonas. Teka, anong oras na
ba?" Sabay pa silang napatingin sa wall clock. "Hindi na ako
matutulog Jonas. Bababa na ako."
"May
isang oras pa. Ise-set ko na lang ang alarm clock." yaya ni Jonas para
matulog pa.
"Hindi
na. Baka bumalik lang yung panaginip ko. Ikaw na lang ang matulog. Gigisingin
na lang kita. Ihahanda ko na rin ang mga gagamitin mo."
"O
sige, pero kiss mo muna ako."
Madiin
ang ibinigay na halik ni Jesse sa labi ni Jonas.
-----
"Grabe
ang laki ng pinagbago ni Sir James. Ilang linggo nawala. Tapos ayan, ang bumawi
sa trabaho." tsismis ng isang empleyada.
"Oo
nga eh. Hindi na tulad ng dati na kapag binabati mo, tumatango. Tapos minsan
ngumingiti. Grabe ang pogi" tili naman ng isang babae.
"Ay
naku! Wala ng ganyan kay Sir."
"Oo,
serious na siya ngayon. Pero pogi pa rin. Walang kupas."
"Oo
naman noh. Pero ang ipinagtataka ko lang, bossing tapos naroon sa supermarket
nagbabantay sa mga empleyado?"
"Oo
nga eh. Parang gusto yata pati na rin siya bodyguard na rin." sabay tawa.
"Hindi
lang yun, may nagtsismis na minsan na rin siyang nag-pack ng mga items
pagkatapos bilangin sa counter. Grabe."
"Oo
nga. Ewan ko ba. Parang kailangan na nating magseryoso sa pagtatrabaho. Parang
laging nandyan ang mga mata ni Sir James nagmamasid. Naalala mo yung napaalis
kahapon lang. Napansin lang na nakatulala, tinanggal na agad."
Biglang
kinabahan ang isang babae. "Oo nga, dali balik na tayo sa trabaho baka may
mata si Sir James dito."
[04]
"Ang
aga ko na nga nagising mukhang male-late pa ako." reklamo ni Jesse habang
tumatakbo nang makababa sa jeep na
sinakyan. "Martes naman ngayon pero ang traffic. Sumakit tuloy ang ulo ko.
Sana makapagtrabaho ako ng maayos nito." Papasok na siya sa locker room
nang may makasalubong siya.
"Bakit
ngayon ka lang?"
Namilog
ang mga mata ni Jesse nang mapatingin sa mukha ng nagsalita. "S-sir
James?"
"Oo.
Bakit ngayon ka lang?"
"Late
po ba ako?" parang wala sa kaalaman ni Jesse ang naitanong.
Naningkit
ang mga mata ni Justin. "Kaunti na lang. Ang tinutukoy ko, bakit hindi ka
pumasok kahapon?"
Bahagyang
napa-isip si Jesse. "Oy, hinihintay pala ako nito. Bakit po?"
"Bakit
po?" sarkastikong balik tanong ni Justin. "Tinatanong pa ba yun.
Malamang may trabaho ka, pero hindi ka pumasok ng walang abiso."
"Ay."
saka pumasok sa isipan ni Jesse ang nagawa. "Oo nga po pala."
Napakamot siya sa ulo. "K-kasi Sir... ah..."
"Sir
James," tawag ng isang empleyada sa likuran. "Ngayon po ang dating ng
mga stocks. Nagsabay-sabay po kasi ang delivery, kaya kailangan po natin ng
workers sa warehouse."
"Ok."
sagot agad ni Justin.
"So,
Sir James sa loob po ako kukuha ng mga pansamantalang pahenante." pahayag
ng empleyada.
"Oo
isama mo 'to." Ang tinutukoy ni Justin ay si Jesse.
"A-ako?"
Nandidilat pa nga ang mga mata ni Jesse nang tukuyin ang sarili. Parang
nakalimutan pa niyang sumasakit ang ulo niya.
"Oo.
Bakit?"
"W-wala
naman Sir. Naninigurado lang po ako." sagot ni Jesse.
Nagsalita
si Justin sa empleyada. "Bumalik ka na sa trabaho mo, ak na ang mamimili
sa loob."
"Po?"
gulat ng empleyada.
Hindi
na pinansin ni Justin ang babae kundi tinawag ang atensyon ni Jesse.
"Ikaw, sumunod ka sa akin."
Napakamot
na lang sa ulo si Jesse. "Mapapalaban pa yata ako ngayon ah." Tahimik
na nakasunod si Jesse sa boss niya habang kumukuha ng ilang maaring maging
pahinante pansamantala. Nagtataka naman si Jesse sa ipinapakita ng kanilang
boss. Hindi siya makapaniwalang ang boss pa rin niya ang gumagawa noon.
"Ano kaya ang nakain nito?"
Kung
dati hindi nila nakikita sa buong araw si Sir James dahil maghapon ito sa loob
ng opisina. Swerte na lang kung makita nila itong naglalakad papasok o pauwi.
Pero ngayon, nakakaharap pa nila at nakakausap. Yun nga lang mapapansin mo na
laging seryoso. Galit.
-----
"Napapadalas
yata ang pag-sakit ng ulo ko?" natanong ni Jonas sa sarili nang maka-bawi.
Muli na naman kasing sumakit ang ulo niya. Mabuti na lang at lagi siyang handa.
Laging nariyan ang kanyang pain reliever.
"Kailangan
ko na sigurong magpatingin. Iba na ang sakit na nararamdaman ko. Mas lalong
lumala ang pagkirot ng ulo ko."
Muli
pa si Jonas huminga ng malalim. Siniguradong maayos na ang pakiramdam bago
bumaba ng kanyang kotse. Hindi na nga siya pumasok kahapon kung kailan ang
unang araw at opisyal na trabaho niya tapos ngayon ay late pa siya.
-----
"'Ang
gagawin ninyo ay tumulong magkamada ng mga boxes." sabi ni Justin habang
ginagabayan ang mga trabahador papunta sa warehouse. Kasama doon ni Jesse na
kanina pa lihim na iniinda ang sakit ng ulo. "Hayaan niyo ang mga delivery
ang magpasok dito sa loob pero kayo na
ang magpatas ng mga ipapasok nila dito. Maliwanag ba iyon?"
Napansin
ni Jesse ang isang empleyadong incharge sa warehouse na panay ang buntot sa
boss nilang si Justin. Makikita sa hitsura nito ang pag-aalala dahil gawain
niyang siya ang mag guide sa kanila pero ang boss nila ang gumagawa.
Napatingin
si Jesse sa mga kahon kahon na nakapatas o patong patong. Nalula siya sa taas.
Iniisip niya na kailangan pa pala nilang gayahin ang klase ng pagpapatas na
ganoon.
"Ganyan
ang gagawin ninyo." si Justin habang itinuturo ang mga dati nang nakapatas
na mga kahon.
Sa
isip ni Jesse parang nabasa ng kanilang boss ang nasa isip niya. "Grabe,
kung ako ang aakyat baka mahulog ako. Tsss, bakit pa kasi ngayon pa sumakit ang
ulo ko. Sana lang na hindi ako ang aakyat."
"Ikaw
Jesse.-" hindi na-ituloy ni Justin ang sasabihin nang biglang may pumasok
na isang empleyada sa opisina ng kanilang boss.
Biglang
kinabahan si Jesse. Iniisip niyang kaya siya tinawag ay para sabihing sa itaas
siya pupwesto. "Ang lakas talaga makabasa ng isip 'to Hmmpt." reklamo
niya sa isip.
"Sir,"
tawag ng empleyadang kakapasok lang. "May kailangan po kasi kayong
pirmahan sa office, kailangan na daw po."
"Dalhin
mo na lang dito." sagot agad ni Justin.
"A-h,
sige po." sagot ng empleyada at saka umalis.
Muling
tumuon ng pansin si Justin kay Jesse. "Ikaw ang pumwesto sa baba.
Matangkad kaya, mas magandang ikaw ang mag-abot ng mga kahon pataas."
Lihim
na nagulat si Jesse. Mali pala ang kanyang iniisip. Sa kabila noon ay
nagpapasalamat siyang umaayon sa kagustuhan pa rin naman niya ang pagkakataon.
"Sige
na." saka tumalikod si Justin sa mga trabahador niya.
-----
"Jonas."
magiliw ang pagkakabati ni Mr. Robledo kay Jonas. Pero alam ni Jonas na may
ibig sabihin ang ganoong bati sa kanya ng ninong at ang presidente ng bangko na
iyon. Pero agad naman yun sinalubong ni Jonas ng matamis na ngiti.
"Ninong."
si Jonas.
"Iho,
magaling. Akala ko ba gusto mong magtrabaho? Inaasahan pa kita kahapon ah.
Ngayon naman late. Ayan ang willing magtrabaho. Mmm mukhang gusto kong bawiin
ang sinabi ko."
"Ninong
naman."
"Well..."
"Ninong."
"Sumunod
ka sa opisina. Doon tayo mag-usap kung ano ang magiging trabaho mo."
"Yes.
Akala ko pa naman matatanggal na ako."
Natawa
si Mr. Robledo. "Bakit matatanggal kung hindi pa naman natatanggap."
Napakamot naman si Jonas sa ulo. "Pero Jonas, marunong ka ba sa loob
ng..." saka ibinulong. "restroom?"
Nanlaki
ang mga mata ni Jonas. "Ninong?"
Ang
lakas ng tawa ni Mr. Robledo. "Sumunod ka na nga lang."
-----
"Ok
na ito kesa matanggal." Pinilit ni Jesse na ngumiti. Pero nang abutin niya
ang isang malaking box na ang laman ay sigarilyo ay bigla siyang napabahing.
Maalikabok kasi ang isang yun. Bumagsak ang malaking kahon na gumawa ng
bahagyang ingay na tama lang para marinig ng kanilang boss na kasalukuyang
nakaupo habang inaasikaso nito ang mga papel na nasa harapan.
Napa-tingin
si Justin sa pinagmulan ng ingay. Halata sa mukha niya ang iritasyon.
"Anong nangyari?" saka niya nakita si Jesse na binubuhat ang kahon.
"Siguraduhin nyong huwag ibagsak yan. Ingatan niyo yan."
Nakaramdam
ng pagkapahiya si Jesse sa sigaw na iyon ng kanilang boss. Lalo pa nang makita
niyang kunot noo itong nakatingin sa kanya. Tumango na lang siya bilang tugon
sa boss na medyo nasa kalayuan. Napa-buntong hininga na lang siya at naging
alisto sa mga ipinapasang kahong mabibigat ng sigarilyo. Minsan napapangiwi
kapag naipapasa sa kanya ng mali ang kahon. Masakit sa braso pero hindi niya
magawang umangal.
"Bilis
bilisan ninyo." utos ni Justin na nakayuko habang pinipirmahan ang mga
papeles na nasa harapan.
"Ayos,
ang dali kasi nito eh. Siya kaya ang magbuhat ng mabibigat na 'to. Ewan ko lang
kung hindi magkapasa yang balat mo." angal ni Jesse sa kanyang isip.
"Jesse,
bilis. Bumabagal ka yata?" pansin sa kanyan ng katrabaho niya.
Bigla
si Jesse napa-tuon ng pansin sa ginagawa. Sinaway niya ang sarili na huwag nang
mag-isip ng kung ano-ano.
-----
"Maupo
ka Jonas." anyaya ni Mr. Robledo. Umupo naman si Jonas na magiliw.
Naka-ngiti. "Napag-isipan mo na ba kung tatanggapin mo ang trabaho?"
"A-ang
alin Ninong? May sinabi ka na ba?" nagtatakang si Jonas.
"Wala
pa ba?"
Nag-isip
si Jonas. Wala siyang matandaang sinabi ng kanyang ninong maliban sa,
"Ninong?" bigla niyang sigaw. "Imposible ka. Sigurado kang sa
maintenance mo ako ilalagay?"
Sobra
ang tawa ni Mr. Robledo. "Binibiro lang kita, Iho."
Napa-hinga
ng malalim si Jonas. Nagulat talaga siya. Akala niya ay yun nga ang ibibigay sa
kanya. "Eh ano po ang magiging trabaho ko?"
"Aalis
ako for one week kasama ang secretary ko. Ngayon, gagawin kitang isa sa office
staff ko habang wala ako. Alam na ni Ms. Lamino. Siya na lang ang bahala sa
orientation. Bukas."
Kanina
pa naka-ngiti si Jonas. Pero agad iyon napalitan ng pagkunot-noo sa huling
sinabi ng ninong. "Bukas?"
"Bukas
ang alis ko kaya maari mong simulan ang trabaho mo tomorrow. Pero ikaw, mahilig
ka naman manatili dito. Maari mong simulan ngayon pero, tingin ko busy ngayon
si Ms. Lamino kaya baka hindi kaniya maturuan."
"Ah..."
napa-ngiti ng maluwang si Jonas.
"Pwede
ko bang malaman kung bakit ka ngumingiti ng ganyan? Alam ko masaya ka dahil
nasunod na ang gusto mo pero sa tingin ko may iba pang dahilan."
Natawa
si Jonas. "Ninong, tama kayo sa alam niyo pero wala na pong iba."
"Para
kasing..." saglit na inistima ng tingin ni Mr. Robledo ang inaanak bago
nagpatuloy sa pagsasalita. "Para kasing may nagpapasaya na sa inaanak
ko."
Muling
tumawa si Jonas. "Maari po Ninong."
"Sabi
na. O siya, ikaw na ang bahala sa sarili mo. May gagawin pa ako."
"Sige
po Ninong. Maraming salamat po. Aalis na po ako."
"Sige,
Iho."
-----
Dalawang
oras na yata ang nakakalipas nang magsimulang magtrabaho si Jesse para sa araw
na iyon at ramdam na ni Jesse ang mas matinding pananakit ng kanyang ulo.
Naduduwal siya. Alam niyang dahil iyon sa maaga niyang pag-gising at pag-ligo.
"Nabigla
ako sa ginawa kong pagligo kanina. Ang sakit ng ulo ko." naibulong niya
nang matapos sila sa ginagawa. May kasunod pa ang trabaho nila.
"Sana
lunch break na. Gusto ko na magpahinga. Nasusuka na ako."
"'Yung
susunod simulan niyo na. Para madaling matapos." utos ni Justin.
Imbes
na hindi nagmamadali Jesse, bigla siyang napatakbo palapit sa susunod nilang
gagawin.
-----
"Gusto
ko munang magpa- check up bago umuwi ng bahay."
Sinugod
ni Jonas ang alam niyang malapit na pagamutan kung saan siya maaring
magpa-check up. Para kasi sa kanya hindi na biro ang nararamdaman niya. Noong
bata siya nakakaranas na siya ng pagsakit ng ulo hindi ganoon kadalas. Kaya
hindi na niya ito binibigyan ng pansin. Noong mag high school siya, naranasan
niyang sumakit ang ulo dalawang beses isang araw. Hanggang sa madalas ng
sumakit ang ulo niya na naghatid sa kanya para magpakunsulta. Hindi niya
sinasabi ang nararamdaman niya sa iba. Kahit sa kuya Justin niya.
Sa
pagpapakunsulta niya, doon niya nalaman na may brain cancer siya. Hindi naman
daw malala. Sa puntong iyon, hindi siya nakaramdam ng kung anong takot. Mas
inisip pa rin niyang ilihim sa lahat. Mas lalong ang pagsakit ng kanyang ulo sa
pagdating ng araw, at unti-unti rin siyang nag-iisip ng mga bagay-bagay sa
kanyang buhay o kung ano ba ang plano niya.
Pinilit
niyang maging masaya sa gitna ng kalungkutan na ang kuya Justin lang niya ang
maasahan niya. Ngunit sa puntong may nararamdaman siya, umalis pa ang kanyang
kuya patungong abroad para mag-aral. Kaya ng mag-college siya, pinili niyang
sumama sa yaya ng barkada. Naroon ang pag out of town, mountain climbing, at
kung ano-ano pa na maari ni Jonas gamiting oras na makapag-isip at hanapin ang
sarili. Hindi na rin siya umuuwi ng bahay noon.
Ayaw
niyang sumailalim sa kung ano mang treatment o surgery dahil ang iniisip niya
sa mga oras na iyon ay mamatay din naman siya. Masaya na siya sa nangyayari sa
buhay niya. Para sa kanya, kontento na siya sa ganoon. Nariyan naman ang
kanyang gamot, para sa pansamantalang lunas sa nararamdamang sakit.
Ang
hindi niya alam ay makikilala pala niya si Jesse. Ang magbabago ng takbo ng
kanyang buhay.
-----
Parang
nakaramdam ng pag-asa si Jesse sa gitna ng nararamdaman nang makitang isang
kahon na lang dapat niyang buhatin. Hindi man makita sa kanyang galaw o hitsura
ang kasiyahang nadarama, ang kanyang isip ay nagdidiwang sa nalalapit na
pagtatapos na trabaho.
"Makakapag-pahinga
na rin ako. Salamat po Lord." Huminga pa siya ng malalim pagkatapos niyang
ma isa isip iyon. "Tapos na rin." naisa tining niya nang maiabot ang
huling kahon. Pero nagulat siya nang biglang tumawag ang kanilang boss sa
kanilang likuran. Akala niya ay may ipagagawa pa ito.
"Sigurdo
na ba kayong tapos na yan? Maayos ba yan?" tanong ni Justin nang makuha
ang atensyon ng lahat.
"Opo."
sagot ng karamihan. Hindi na nagawang sumagot ni Jesse. Nanatili siyang
nakayuko.
"Good.
Maari na kayong mag-break." sagot ni Justin nang hindi ngumingiti.
Naka-hinga na naman si Jesse nang maluwag.
"Akala ko... Hmm thank you talaga Lord. Makakapagpahinga na rin ako."
Isa-isa
nang nag-alisan ang lahat habang si Jesse ay parang bilang na bilang ang
paghakbang habang bahagyang nakayuko. Hindi niya alam na napansin siya ng
kanilang boss na si Justin. Pero kahit napansin siya ng boss niya, wala naman
itong balak magtanong kung bakit ganoon ang kilos niya.
Napakunot
noo lang si Justin habang naka-tingin kay Jesse.
-----
Minabuti
ni Jesse na maupo sa bench na madalas na niyang upuan. Doon siya magpapalipas
ng oras bago magsimula uli ang kanilang trabaho. Wala siyang ganang kumain. Ang
gusto lang niya ay pumikit. Umaasa siyang bago magsimula uli ang trabaho ay
mawala na ang sakit ng kanyang ulo o kahit man lang mabasawan iyon.
Nakapikit
si Jesse nang biglang may tumapik sa kanyang hita.
"Pare,
wala kang balak kumain? Ang hirap ng ginawa natin kanina at biglaan pa. Hindi
ka ba nagugutom?" isang katrabaho.
"Hindi.
Hindi ako nagugutom." Muli siyang pumikit.
"Mukhang
may dinaramdam ka ah?"
Saglit
bago pa sumagot si Jesse. "Oo, sumasakit ang ulo ko." sabi niya kahit
nakapikit. "Pero busog ako."
"Sige,
pagbalik ko dalhan kita ng gamot."
"Sige
salamat."
"Pero,
pwede ka namang maghalf-day ah. Pwede mo namang sabihin na may nararamdaman
ka."
"Ok
lang ako. Nakaya ko nga kanina eh."
"Huh?
Ibig sabihin kanina, kanina pa masakit yang ulo mo?"
Dumilat
si Jesse. "Oo ganun na nga." saka sumilay ang ngiti.
"Pambihira
ka. Sige. Dadalhan kita ng gamot para sa sakit ng ulo. Hintayn mo ako
dyan."
"Oo,
maraming salamat pre." Muling pumikit si Jesse.
-----
Balisa
si Jonas habang naglalakad pabalik sa kanyang kotse. Ang mga mata naman ay
naluluha. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ng doctor na sumuri sa kanya. Wala
pa naman silang ginagawang test o examinations pero batay sa mga sinabi niya,
nagbigay ng mga halimbawa ang doctor kung saan hindi niya matanggap ang
posibilidad sa kanyang sakit.
"Imposible."
Naibagsak ni Jonas ang kamay sa bandang ibabaw ng kanyang kotse. Hindi niya
alam kung maiiyak ba siya o magagalit o mananahimik na lang sa sinabi sa kanya
ng doctor. "Hindi ako pwede magkaroon noon. Mahabang-mahaba pa ang
pagsasamahan namin ni Jesse."
[05]
Naka-inom
na ng gamot si Jesse pero parang hindi iyon tumalab. Pinilit niyang ipagpatuloy
ang trabaho kahit iba na talaga ang kanyang nararamdamang sakit.
"Jesse,
nag-aalala ako sayo." sabi ng katrabaho ng maibot sa kanya ang kahon.
"Ok
lang ako." malumanay na sagot ni Jesse. "Baka bukas hindi mo na ako
makita kapag hindi ko ito tinapos." biro pa niya.
"Bahala
ka na nga."
Ipinagpatuloy
nila ang trabaho. Saka lumitaw si Justin ang kanilang boss.
"Huwag
hayaang bumagsak." si Justin at napatingin kay Jesse. "Parang
lalambot-lambot ka?"
Walang
balak si Jesse na sumagot pero mukhang gusto pa yatang mag-tanong ng kanilang
boss dahil lumapit pa ito sa kanya.
"Ay
Boss..." singit ng katrabaho ni Jesse. "Kanina pa pong umaga
sumasakit ang ulo niyan. Ayaw lang magsabi dahil natatakot matanggal."
"Shhh..."
saway agad ni Jesse. "Sir, hindi po
totoo yun. Ok lang po ako." Pero hindi niya magawang tumingin ng diretso
dahil bahagyang umiikot ang paningin niya. Naghintay siya ng sagot pero
katahimikan ang namutawi sa kanilang boss.
"Ipagpatuloy
nyo na yan." saka sinabi ni Justin. Pagkatapos ay tumalikod na ito.
Nang
maka-alis na ang boss, "Ikaw talaga. Pinapahiya mo pa ako." si Jesse.
Hindi naman galit si Jesse sa ka-trabaho sa ginawa nito pero nainis talaga
siya.
"Hindi
naman. Gusto ko lang malaman niya na may dinaramdam ka."
Dahil
sa sagot na iyon, parang nahimasmasan si Jesse mula sa inis ay kailangan pala
niyang ma-appreciate ang ginawa ito. "Hayss, pasensiya na ah. Nagulat kasi
ako kanina. Hindi inisip na ibubuko mo ako. Salamat na lang. Pero tignan mo
hindi ako pinansin."
"Eh
ano, basta alam niya. Para kapag hindi ka naka-pasok bukas, alam na niya na
dahil may sakit ka."
"Ganoon
ba iyon." natawa si Jesse.
"Oo."
-----
"Hindi
ko dapat isiping may sakit ako. Hindi ko ipapakita kay Jesse na nalulungkot
ako. Hihintayin ko siya sa bahay tapos sosorpresahin ko siya. Bibili ako ng
pagsasaluhan namin. Magdidiwang kami. Papasayahin ko siya. Gagawin ko lahat
mapaligaya ko lang siya." Ito ang sunod-sunod na binitiwan ni Jonas habang
lulan ng sasakyan patungo sa restaurant sa harap ng 3J supermarket na pag-aari
ng kuya Justin niya.
Noong
huling punta kasi nila Justin at Jesse doon napag-kwentuhan nila ang sarap ng
lutuin kaya sinabi nilang kapag gusto nilang kumain sa labas doon na lang sila
pupunta. Ngayon, ang naisip ni Jonas ay umorder para ihanda sa pagdating ni
Jesse.
"Dapat
lang na maging masaya kami ni Jesse."
Maya-maya
pa ay narating na niya ang parking lot ng restaurant na iyon. Hapon na sa oras
na iyon. Pagkababa niya ng saskyan, hindi niya intensyong tumingin sa kabilang
kalye kung saan nakatayo ang 3J supermarket ng kuya niya nang mapansin niya ang
patawid.
"K-kuya?"
Biglang nataranta si Jonas. Balak sana niyang bumalik sa loob pero huli na para
niya gawin iyon. Nakita niyang kinawayan siya ng kanyang kuya. Nakita na pala
siya nito. Napa-buntong hininga na lang siya at hinintay itong maka-lapit.
"Jonas!"
Humihingal pa si Justin nang makaharap ang kapatid. "Saan ka ba
nagpupunta? Bakit bigla ka na lang nawala?"
"K-kuya..."
hindi alam ni Jonas kung paano magpapaliwanag o mag-aalibi sa kanyang kuya.
"Anong
gagawin mo rito? Kakain ka ba dyan? O makikipagkita ka talaga sa akin? Bakit
dito mo pinarada ang kotse mo? Malawak ang parking lot sa kabila. O hindi
talaga ako ang sadya mo? Jonas..."
"Kuya,
pasok na muna tayo sa loob." yaya na lang ni Jonas sa kuya niya sa loob ng
restaurant. Tingin niya ito na rin ang tamang panahon para magtapat siya sa
kanyang kuya. Inisip na lang niyang talagang pinagtagpo silang dalawa ngayon
para makapag-usap.
-----
Nauna
si Jonas na pumasok habang kasunod ang kanyang kuya Justin. Si Jonas na rin ang
pumili ng lamesa para sa kanila. Ang napili niya ay yung malayo sa karamihan.
Gusto na rin niyang magkausap na sila ng kanyang kuya. Gusto niyang malaman na
nito kung anong mayroon siya at matanggap nito kung ano ang gusto niya.
Sabay
pa silang umupo. Saglit pa ang bumilang nang ang katahimikan ang nanguna. Si
Justin na lang ang bumasag sa doon.
"Ang
iniisip ko, kaya mo ako uli iniwan dahil nagalit ka sa akin sa ipinakita ko
sayong ugali noong kasalukuyang nagdadalamdahati ako kay Dad." malungkot
na sabi ni Justin sa kapatid.
Sasagot
na sana si Jonas nang dumating ang waiter. Nagsabi si Jonas na kape lang ang sa
kanya. Walang hiniling si Justin.
"Hindi
naman kuya. Pero," sagot niya pagkatalikod ng waiter. "...humihingi
ako ng tawad nang iwan kita dahil may gusto rin akong gawin kaya, minabuti ko
na ang umalis. Pinagbilin na lang kita kay Aling Koring."
"Gaya
nga ng pagkakasabi sa akin ng yaya mo."
"K-kuya..."
Gusto nang magsimula ni Jonas na magtapat sa kanyang kuya. Pero parang may
gusto rin sabihin ang kanyang kuya sa kanya. Nakikita niya iyon sa mga mata
nito.
"Hindi
ka pa ba uuwi?" nangingilid ang mga luha sa mga mata ni Justin.
"Kuya..."
"Jonas,
nag-iisa na lang ako. Hindi ibig sabihin na kaya kong kumain ng sagana
araw-araw ay masaya na ako. Bakit hindi ka pa sa bahay mag-stay?" napayuko
si Justin. "Nangungulila ako..."
"Kuya,
may sarili na akong buhay." Kahit naawa siya sa kanyang kuya Justin mas
pinili pa rin niyang huwag magpakita ng kahit anong damdamin. Pinipilit niyang
maging matatag.
"Bakit?
May asawa ka na ba?" Pinakatitigan ni Justin ang kapatid. Para bang
makikita niya ang kasiguraduhan ng tanong niya sa mukha ni Jonas. "Malaki,
malawak ang bahay natin Jonas. Bakit hindi mo na lang siya doon isama. Itira,
para magkakasama tayo. Mas magulo mas masaya."
Napangiti
si Jonas sa sinabi ng kanyang kuya. Isa iyon sa maari niyang panghawakan para
maipakilala sa kanyang kuya si Jesse. Nagkaroon siya ng lakas ng loob para
sabihin ang kinakasama. "Oo kuya, may kasama na ako sa buhay. Nagsasama na
kami."
Dumating
na ang inorder na kape ni Jonas.
"Bakit
hindi mo ipakilala sa'kin? Gaya nga ng sabi ko pwede kayong tumira doon. Walang
problema."
"Pero
kuya..." parang gustong umatras ni Jonas. Napahigop muna siya ng kape.
Hindi kasi niya masabing kapwa lalaki ang kinakasama niya.
"Ano?
Anong problema? May anak na ba kayo o ano... sabihin mo. Ok lang sa akin basta
mahal niyo ang isa't isa, Kahit ano pa yan. Jonas."
"Nagpapasalamat
ako kuya sa gusto mong mangyari pero..." napa-buntong hininga si Jonas.
Hinawakan
ni Justin ang isang kamay ng kapatid. Wala siyang pakialam kung ano man ang
isipin ng mga taong nakapansin sa ginawa niya. "Jonas, ang gusto ko lang,
huwag ka ng lumayo. Tayo na lang ang magkasama. Lahat ng kamag-anak natin ay
malayo na at may sari-sariling buhay. Tayo na lang ang magkasama. Iiwan mo pa
ako? Kaya pakiusap kapatid ko. Kung ano man ang nagiging hadlang, mapag-uusapan
natin yan. Kuya mo ako di ba. Kilala mo ako. Lagi kitang iniintindi dahil mahal
kita. Pakiusap."
"Kuya
bakla ako." tuwirang sabi ni Jonas. Pati siya ay narindi sa sinabi niya.
Hindi niya sigurado kung narinig ba iyon ng kanyang kuya. "Bakla ako kuya,
bakla ako." pag-uulit niya sa malumanay sa pananalita. "Lalaki ang
kasama ko."
Napa-urong
ang kamay ni Justin mula sa kamay ni Jonas. Nabigla siya sa narinig mula sa
kapatid. Hindi iyon ang iniisip niya sa kapatid. Wala siyang alam. Naglalaro
ang mga bagang niya sa narinig. "P-papaano..."
"Matatanggap
mo pa ba ako?" nagsimula nang mangilid ang mga luha ni Jonas. Nakikita
niya sa mukha ng kanyang kuya ang pagka-dismaya. Pero nanatiling tahimik ang
kanyang kuya sa tanong niya. "Sabi na. Sabi na nga ba. Kaya nga ba ayaw ko
sabihin sayo. Alam ko na hindi mo magugustuhan."
"Bakit
hindi ko alam?" tanong ni Justin sa mataas pero mahinang tono.
Ramdam
ni Jonas ang pigil na galit ng kanyang kuya. Kahit papaano ay natatakot din
siya sa kanyang kuya. Napa-isip din siya sa tanong ng kanyang kuya.
"H-hindi ko rin alam."
"Papaanong
hindi mo alam."
Tipong
napipilitan lang si Jonas magpaliwanag. "K-kailan lang kami nagkakilala.
Pero sapat na iyon na iyon para masabi ko at sigurado akong mahal ko
siya."
Nasapo
ni Justin ang kanyang noo. "Jonas! A-anong nakain mo? Hindi ka naman
ganyan dati?"
"Kuya
ito ako. Ako 'to. Ito ang gusto kong mangyari sa buhay ko. Masaya na ako."
Naghagilap
ng hangin si Justin. Hindi niya maunawaan ang mga sinasabi ng kapatid. Kung
hindi niya ginawa ang huminga ng malalim baka hindi niya mapigilan ang sariling
lumabas ang galit. "Nagbibiro ka lang Jonas. Ayaw mo lang na makasama ako.
Gusto mo lang gumawa ng kwento para magalit ako sayo."
"Totoo
ang sinasabi ko kuya."
Kulang
na lang madurog ang mga bagang ni Justin sa kaka-tiim bagang. "Hindi ka
bakla Jonas."
"Hindi
na magbabago ang isip ko." Tumingin si Jonas sa labas ng restaurant.
Parang natatanaw niya si Jesse. "Ganun din ang puso ko. Mahal namin ang
isa't isa. Masaya na ako roon."
"Hindi
mo alam ang sinasabi mo Jonas."
Napa-tingin
siya si Jonas sa kanyang kuya. "Paanong hindi ko alam kuya. Ako may hawak
ng pag-iisip ko kaya alam kong mahal ko siya."
"Pera
lang ang habol sa iyo nang taong iyon. Maniwala ka sa akin."
Naningkit
ang mga mata ni Jonas. Nasaktan siya sa sinabi ng kanyang kuya. "Ikaw ang
hindi nakakaalam sa mga sinabi mo kuya." Dumukot si Jonas sa kanyang
pitaka ng sapat na halaga para sa inorder na kape. Nang mailapag iyon sa lamesa
ay agad-agad tumayo para umalis. "Kuya, maraming salamat." Pinilit
niyang ngumiti. Iniwan niya ang kanyang kuya na tahimik na pinaninindigan ang
mga sinabi.
Talagang
nasaktan ng sobra si Jonas sa huling salitang binitiwan ng kanyang kuya. Siya
lang ang nakakakilala kay Jesse kaya walang karapatang husgahan ng kanyang kuya
si Jesse. "Hindi ganoon si Jesse." Saka niya pinaandar ang sasakyan.
Napansin niya sa side mirror ang paghabol ng kanyang kuya. Pero hindi na niya
ito pinansin.
-----
Naka-uwi
si Jonas na masama ang loob. Masama ang loob dahil hindi sila nagka-intindihan
ng kanyang kuya Justin. Pero ang higit pa roon, hindi niya nagawa ang balak
niya. Balak sana niyang bumili ng pagsasaluhan nila ni Jesse sa restaurant
kanina. Nang maipark na ang kanyang kotse ay agad siyang umakyat sa kanyang
kwarto para magpahinga.
Hinubad
niya ang kanyang suot maliban sa panloob at saka dumapa sa kama. Doon niya
tahimik na nilabas ang sama ng loob. Hanggang sa makatulugan na niya.
-----
Hindi
magawang mag-concentrate ni Justin sa binabasa sa loob ng kanyang opisina.
Maya't maya siyang napapa-asik sa kawalan kapag naaalala ang kaninang pag-uusap
nila ni Jonas.
"Sir
James, gusto niyo po ba ng kape?" tanong ng kanyang secretary.
Napatitig
si Justin sa kanyang sekretarya bago sumangayon. Nasapo niya ang kanyang noo.
Huli na kung pumasok sa utak niya ang sinabi ng kanyang sekretarya. Napatingin
siya sa kanyang relo.
"Ano
naman ang gagawin ko sa bahay? Ayoko pa umuwi, pipilitin kong abalahin ang
sarili ko dito. Kailangan ko para makalimot."
-----
Hindi
na talaga kinaya ni Jesse ang sarili. Minabuti na niyang manahimik sa isang
sulok at doon magpahinga. Ito na rin ang sinabi ng mga katrabaho niya. Tutal
wala naman daw si Sir James, kaya kunin na daw niya ang sandali na
makapag-pahinga.
"Maraming
salamat sa inyo ha?" si Jesse nang makaupo sa isang tabi.
"Ikaw
naman kasi, sinabi na sa iyong pwede ka namang maghalf day..."
"Baka
matanggal ako. Kailangan ko pa naman ng pera."
Natawa
ang katrabaho ni Jesse. "Lahat tayo kailangan ng pera pero sana naman
isipin din natin ang sarili natin. Mas lalo tayong mawawalan ng pagkakataong
makapaghanap ng mapagkakakitaan kung hindi natin bibigyan ng pansin ang
kalusugan natin."
Tinamaan
si Jesse sa sinabi ng katrabaho. "Oo alam ko. Pero, ngayon lang naman
nangyari sa akin 'to. Kaya akala ko kaya ko."
"Sige
ikaw, sabi mo eh. Oh balik na ako sa trabaho, kaunting oras na lang makaka-uwi
na rin tayo."
"Pero
kapag napansin nyo si Sir James, sabihan niyo agad ako ah." pahabol ni
Jesse.
"Oo.
Ikaw talaga takot matanggal." sabay tawa ng katrabaho.
Napa-ngiti
na rin siya.
-----
Nagulat
si Jesse nang bulungan siyang pwede na silang mag-out.
"Nakatulog
pala ako." sa isip ni Jesse. Pero nang pilitin niyang tumayo, naramdaman
niyang hindi niya kaya. Nanlalambot siya. Masakit ang mga kalamnan niya.
Nahihilo siya. Wala nga pala siyang kinain kanina.
"Alalayan
kitang makatayo." sabi ng katrabaho.
"Sige,
salamat ah."
"Sa
locker room ka ba dederetso?"
"Oo,
kukunin ko gamit ko doon bago umuwi." nahihilong sagot ni Jesse.
"Sige,
sabay na tayo."
"Salamat
uli."
-----
Gaya
pa rin kanina, hindi pa rin maayos ang pakiramdam ni Jesse. Minabuti muna
niyang maupo uli sa inupuan niya kaninang tanghali. Wala na ang katrabaho niya
dahil may sumundo dito. Balak sana siyang ihatid sa kanila pero tumanggi na
siya. Sasaglit lang siyang magpahinga bago umuwi ang sabi niya sa katrabaho
niya.
Nakasandal
si Jesse sa pagkakaupo habang nakapikit. Halata sa kanyang may karamdaman ng
mga nakakakita.
-----
"Saan
ako pupunta?" ito ang tanong ni Justin sa sarili nang buksan niya ang
pinto ng kotse. "Ito na naman ako... parang walang patutunguhan."
Nang
maayos nang naka-upo, sinimulan na niyang buhayin ang sasakyan. Muli siyang
napa-buntong hininga nang magbalik sa kanyang isipan ang kapatid. Bahagyang
tinapik niya ang manibela ng kanyang kotse sa inis. Tumingin siya sa side
mirror kung may dadaang ibang sasakyan bago niya ito ilabas sa pagkakapark nang
mapansin niya si Jesse na naka-upo. Alam niyang may sakit ito. Hindi lang niya
ito pinansin kanina dahil wala naman itong sinasabi.
Kahit
papaano ay nakaramdam din siya ng awa. Napa-buntong hininga siya saka
pinakiramdaman ang paligid.
[06]
Tumingin-tingin
muna si Justin sa paligid bago bumaba ng kotse. Pinuntahan niya si Jesse. Nang
makalapit, nagdalawang isip siyang kalabitin ito para gisingin. Ano nga ba ang
sasabihin niya?
-----
Pakiramdam
ni Jesse kahit nakapikit may tao sa harapan niya. Nagmulat siya ng mata. Dahil
nanlalabo ang paningin, inaninag niya ang taong nakikita niya sa kanyang
harapan. Kinurap-kurap niya ang mga mata para masino ang nasa harapan niya.
Napa-ngiti siya nang makilala ang nasa harap. Pinilit niyang makatayo.
"J-jo-" Hindi niya kinaya ang bigat ng katawan.
Inalalayan
ni Justin si Jesse nang biglang bumagsak ito nang piliting makatayo. "Oo
ako si James, ang boss mo."
Napadilat
ng maayos si Jesse nang magpakilala ang kaharap. "S-sir James, ikaw po
pala."
Hindi
pa binibitiwan ni Justin si Jesse kaya alam niyang mainit ito. "Ang init
ng balat mo. Malamang na mataas ang lagnat mo?"
"Nahihilo
lang po ako, Sir."
"Bakit
ka narito? May hinihintay ka ba? May susundo ba sayo?"
Napa-ngiti
si Jesse sa hiya. Ramdam niya sa sunod-sunod na tanong ng boss niya ang
concern. Wala yung tonong seryoso, galit, at ipinapakita ang pagiging mataas sa
kanila. "Nagpapahinga lang po." Agad siyang yumuko. Nasusuka siya.
Nasapo niya ang bibig.
"Oh!"
napaatras si Justin. "Susuka ka ba?" Pero hindi niya narinig na
sumagot si Jesse. "May susundo ba sa iyo?" Hindi pa rin sumagot si
Jesse. Alam niya kung paano magkasakit kaya nauunawaan niya ito. Napansin
niyang nakakabit pa rin sa damit ni Jesse ang I.D. nito kaya tinignan niya
iyon.
Naisip
ni Justin na malapit lang pala ang bahay nito kaya, hindi na siya nagdalawang
isip na ihatid ito sa tinitirahan. "Sumabay ka na sa akin."
"P-po?"
"Ihahatid
kita, alam ko naman ang lugar mo kaya Ok lang na sumabay ka na lang sa
akin." Inakay na ni Justin si Jesse papunta sa kotse.
Hilong-hilo
na talaga si Jesse. At dahil sa lamig ng hangin, tumitindi ang panginginig ng
kanyang katawan. Hindi na niya inisip ang hiya. Gusto na rin kasi niyang umuwi.
-----
Naka-idlip
si Jesse sa kotse ni Justin. Nagulat na lang siya nang tapikin siya ni Justin.
"B-bakit?"
"Narito
na tayo sa lugar nyo. San ba dito ang sa inyo?"
"Ay,
sorry Sir James. Nakatulog pala ako." Agad na nagpalinga-linga si Jesse.
Tinignan niya kung nasaan na ba sila. Saka napakunot ang noo niya. "S-Sir
James, p-parang hindi po dito ang sa amin?"
"Huh?
Anong hindi dito ang sa inyo? Sinunod ko lang naman ang address sa I.D.
mo." Saka inabot ni Justin ang I.D. ni Jesse.
Saka
natauhan si Jesse. "Ay ang tanga..." sa isip ni Jesse.
"Huwag
kang mag-alala naiintindihan kita. Sa sobrang taas kasi ng lagnat mo, pati
lugar mo hindi mo na matandaan." bahagyang napa-ngiti si James.
"S-sir,
kasi..." Gustong ipaliwanag ni Jesse na hindi na siya nakatira sa lugar na
iyon.
"Halika
na. Sasamahan kita pauwi sa inyo." yaya ni Justin. Lumabas na ito nang sasakyan.
"Kasi
po Sir..." Hindi na yata narinig ni Justin ang huling tawag ni Jesse.
Binuksan
ni Justin ang pinto sa side ni Jesse. "Halika ka na. Sasamahan na kita.
Nahihibang ka na yata. Saan ba ang sa inyo?"
Napa-buntong
hininga na lang si Jesse. Napansin niyang nag-iba na ang tono ng kanyang boss.
Napalabas na lang siya sa kotse. "Dito po ang sa amin."
"Sige,
aalalayan kita."
-----
"Nasaan
ang susi ng bahay mo?" tanong ni Justin.
Kunyari
ay naghanap si Jesse sa kanyang bag. "Sir, mukhang naiwan ko yata sa
locker ko."
Napa-kunot
noo si Justin. "Malamang sisirain na lang ang kandado? Alangang matulog ka
rito?"
Napatango
na lang si Jesse. Tinignan na lang niya kung paano sinira ng kanyang boss ang
kandado ng pinto. "Salamat Sir." sabi siya nang itulak na ng kanyang
boss ang pinto. Agad siyang pumasok nang nagbigay daan ito. "Ah Sir, gabi
na po. Maraming salamat po talaga. Ok na po ako." Ayaw ni Jesse maging
bastos pero nahihiya siyang ipakita ang loob ng bahay kaya minabuti na niyang
ipagtabuyan ang boss. Wala rin naman siyang mao-offer kahit kape. Saka naalala
rin niya ang iniwan nitong kotse sa kanto.
"Hindi,
sisilipin muna kita sa loob. Alam kong wala kang kasam. Ok lang ako. Hwag kang
mag-alala."
Nakaramdam
ng hiya si Jesse. "K-kayo po ang bahala, Sir James." Dumiretso na sa
pagpasok si Jesse saka sumunod ang kanyang boss.
Napa-kunot
noo si Justin nang mapansing wala yatang gamit sa loob ng bahay maliban sa sofa
na nakalatag sa sobrang liit na sala.
Luminga pa siya at bahagya niyang nakita ang kusina na tila malinis dahil iilan
lang ang gamit. Naisip niya tuloy na marahil si Jesse lang talaga ang nakatira
sa bahay na iyon.
Kahit
si Jesse ay nabigla nang mapansing nagbago ang loob ng bahay. Tila lumuwang ang
buong buhay. "Kinuha na siguro ni Marco ang gamit niya." Napahawak si
Jesse sa kanyang noo. Saka siya lumingon sa kanyang boss. "Sir,
magpapahinga na po ako."
"S-sige.
Aalis na rin ako."
"Maraming
salamat po talaga."
Tumango
lang si Justin at saka tumalikod. Nang marating ang pintuan ay muli itong
lumingon. "Kahit hindi ka muna pumasok. Naiintindihan ko. Sige na, magpahinga
ka na."
Napa-ngiti
si Jesse. "Maraming salamat Sir." Hinintay ni Jesse na mawala ang
kanyang boss sa pintuan. Saka niya ito sinara. Napa buntong hininga siya sa
ipinakitang magaan na pakikitungo ng kanyang boss. Biglang nabura yata ang una
niyang pagkakakilala sa kanyang boss.
Saka
niya naalala si Jonas. Natuptup niya ang kanyang bibig. "Oo nga pala. Ano
ba ang nangyayari sa akin?" Tinungo niya ang kanyang kwarto.
"Gigising na lang ako ng umaga para maka-uwi tapos hindi na lang ako
papasok. Sasabihin ko naman kay Jonas ang totoo." Nagpasalamat siya ng
makita ang kanyang gamit sa higaan. Alam naman niyang hindi iyon dadalhin ni
Marco. "Basta bukas, gigising ako ng madaling araw. Kailangan kong umuwi.
Sigurado, si Jonas nag-aalala iyon." Narinig niyang kumulo ang kanyang
tiyan.
-----
"Nasaan
si Jesse? Overtime? Imposible." Muling binuhay ni Jonas ang makina ng
sasakyan. Nasa tapat siya ng 3J Supermarket para sunduin si Jesse dahil
napansin niya kanina sa bahay na late na ng isang oras si Jesse sa pag-uwi.
Nag-aalala
siya kaya siya napasugod sa pinagta-trabahuan ni Jesse. Pero tuluyan nang
magsasara ang Supermarket wala pa ring Jesse ang lumalabas. May napagtanungan
siyang isang empleyado, at sinabi nitong kanina pa daw naka-uwi si Jesse.
Pinatakbo
na niya ang sasakyan. Pinipilit niyang isuksok sa kanyang isip na walang
masamang nangyari kay Jesse. May isang lugar na naisip si Jonas na maaring
puntahan ni Jesse. Umaasa siyang doon niya ito matatagpuan.
-----
Nakapasok
na sa loob ng bakuran ang kotse ni Justin kanina pa pero hindi niya magawang
bumaba ng kanyang kotse. Nanatili lang siyang tulala habang patuloy pa rin ang
ugong ng makina ng sasakyan. Lagi na lang siyang ganito sa tuwing uuwi ng
bahay. Napa-buntong hininga siya bago patayin ang makina.
Nang
iwanan niya ang kotse, naka-salubong niya si Aling Koring sa pintuan ng bahay.
"Magandang gabi, Aling Koring." walang gana niyang bati si
kasambahay.
"Kanina
pa kita hinihintay lumabas sa kotse mo. Dumiretso ka na sa lamesa. Kumain ka na
muna bago umakyat sa kwarto mo. Sige na."
"Sige
po. Pero sabayan niyo ako."
"Alam
ko naman yun eh. Sige na." Sumunod ang matandang kasambahay sa binata.
"Alam
niyo bang naka-usap ko ang alaga ninyo?" sabi ni Justin sa matanda kahit
nakatalokod patungo sa dining area.
"A-ano
ang sabi? Kamusta na si Jonas?" nagagalak si Aling Koring na magkaroon ng
balita sa inalagaan niyang si Jonas.
Umupo
muna si Justin ng maayos sa upuan bago sumagot. "Ang nakakalungkot hindi
kami nagkaintindihan."
Kasabay
ng pag-upo ni Aling Koring ang napapansini
niyang lungkot sa mga mata ni Justin. "A-ano bang napag-usapan
ninyo? Maari ko bang malama?"
"Siguro,
ayaw niya lang talaga manatili dito kaya kung ano-anong sinasabi. Mas gusto pa
yata niyang magalit ako sa kanya kaysa bumalik dito sa bahay." Inabot ni
Justin ang bowl ng kanin.
Napatayo
si Aling Koring para asikasuhin si Justin. Pero pinigilan siya ni Justin.
"Aling
Koring, ako na lang po. Asikasuhin niyo na lang ang sarili niyo. Ako na lang
ang bahala..." sa puntong iyon may malaking lungkot sa pananalita ni
Justin. "Kahit sa simpleng bagay na ito, maipakita kong kaya ko naman
mag-isa."
Ayaw
na mag-salita ni Aling Koring. Hinayaan na lang rin niya si Justin.
Naiintindihan naman nya ang ibig sabihin nito. Alam niyang hindi pa rin
nakakabangon ang binata sa pangungulila sa ama at sa kapatid. Tahimik na lang
silang kumain.
-----
Pinagmamasdan
ni Jonas si Jesse. Ayaw niyang istorbohin ang pagtulog nito lalo pa't nahipo
niyang mainit ito. "May sakit pala si Jesse..." Pero ang ipinagtataka
niya bakit hindi sa bahay ito tumuloy. Wala naman silang pinag-awayan at masaya
silang naghiwalay kaninang umaga.
Pinadapo
niya ang kanyang labi sa noo ni Jesse bago tumalikod at lumabas ng kwarto.
-----
Unti-unting
napa-mulat si Jesse nang maramdaman ang mainit na hangin sa kanyang noo. Tila
may humalik sa kanyang noo. Pero naisip din niyang panaginip lang iyon. Kanina
lang ay kasama niya si Jonas sa kanyang panaginip at sila'y masaya. Wala naman
siyang namulatan sa pagdilat niya. Muli siyang pumikit na may gaan ang
pakiramdam.
-----
Bumalik si Jonas kay Jesse matapos bumili ng ilang
makakain ni Jesse pag-gising. Inihanda niya iyon para may makain si Jesse kapag
nagising na ito. Maaga siyang nakatulog kagabi kaya hindi pa siya nakakaramdam
ng antok. Babantayan niya si Jesse hanggang kaya niya.
-----
Tumitilaok
na ang mga manok nang maalimpungatan si Jesse. Napa-balikwas siya sa
pagkakahiga nang maalalang kailangan pa pala niyang umuwi. Bahagyang kumirot
ang ulo niya sa ginawa niyang biglaang pagbangon. Saka niya napansin ang
pagkain sa maliit na lamesa sa gilid ng papag.
"Sino
ang naghanda nito?" Saka niya inalala ang nangyari kagabi. Napa-ngiti
siya. "Si Sir James." Nagpasalamat siya sa kanyang isip.
Nagugutom
na talaga siya kaya sinimulan na niyang kainin iyon. Isa sa dahilan kung bakit
siya nagmamadali ay para makauwi ng maaga kay Jonas. Kaya naman nang matapos
agad niyang inasikaso ang sarili para maka-alis.
Palabas
na si Jesse ng bahay, nang mapansin niya sa lapag ang isang papel uli. Alam na
niyang galing iyon kay Marco. Dinampot niya iyon at nilagay sa bulsa. Mamaya na
lang niya babasahin. Ginawaan na lang niya ng paraan para maisara ang pinto ng
bahay.
-----
Maliwanag
na nang makarating si Jesse sa bahay. Naabutan niyang nag-aasikaso si Jonas ng
sarili sa pagpasok. Hindi muna siya kumibo. Umupo muna siya sa sofa habang
tinatantiya ang mood ni Jonas. Nararamdaman niya ang pagiging seryoso ni Jonas.
Nagkatinginan na sila pero nang hindi ngumingiti sa kanya si Jonas. Alam niya
kung bakit kaya nagsimula na siyang magpaliwanag.
"J-jonas...
kasi..."
"Oo
alam ko na."
"Ha?"
Hindi
naman galit si Jonas pero ipinaparamdam niyang seryoso siya. "Bakit hindi
ka dito tumuloy kagabi? May sakit ka pala." Paroon at parito si Jonas sa
pag-aasikaso sa sarili.
"K-kasi,
hilong-hilo ako kagabi. Hinatid ako ng boss ko. Ang wala sa isip ko, ihahatid
pala niya ako sa dati kong tinitirahan. Hindi ko naalalang iba pala ang
naka-address sa I.D. ko."
Napa-tigil
si Jonas sa paglakad. "Hinatid ka ni K-" muntikan na ni Jonas masabi
ang salitang kuya. "Hinatid ka ng boss mo?"
"Oo."
sagot ni Jesse.
Napa-buntong
hininga si Jonas. "A-anong sabi? Anong nangyari?"
Napa-titig
si Jesse kay Jonas. "Huwag kang mag-alala. Hinatid lang talaga ako. Saka,
binilihan ako ng makakain. Ganoon lang."
"Ang
iniisip pala ni Jesse, si Kuya Justin ang bumili ng binili kong pagkain para sa
kanya." napabuntong hininga uli si
Jonas. "Ok lang. Naiintindihan ko Jesse, pero nag-alala talaga ako kagabi.
Sinundo kita sa Supermarket pero wala ka na daw doon kaya naisip kong doon ka
nga sa lumang bahay nagpunta."
"Pumunta
ka rin doon?" tanong ni Jesse.
"Oo.
Sinilip kita. Binatayan pa nga kita eh." Lumapit si Jonas kay Jesse saka
hinalikan ang noo nito. "Umalis lang ako bago ka magising. Naisip ko
kasing baka sinadya mo lang talagang mapag-isa." Tapos na si Jonas ihanda
ang sarili sa pag-alis. "Nasa lamesa ang gamot, inihanda ko na. Akala ko
kasi hindi mo ako maabutan. Sa trabaho na lang ako mag-aalmusal. Magpahinga
ka." Isa pang halik ang iginawad ni Jonas kay Jesse bago tumalikod.
"Sige.
Mag-ingat ka."
"Sandali,
Jesse." Hinintay ni Jonas na lumingon sa kanya si Jesse bago ipinagpatuloy
ang gustong itanong. "Ok lang ba na iwan na kita?"
"O-oo
naman Jonas. Ok lang ako. Kaya ko sarili ko."
"Ok.
Saka, sa susunod. Pakiusap. Huwag sasabihin sa boss mo ang tinitirahan natin
ha?"
"O-ok."
Hindi nag-isip si Jesse ng kung ano sa binilin ni Jonas bago umalis. Pero ang
biglang pumasok sa isipan niya ay maaring si Jonas ang naghanda ng makakain
niya. Napahiya siya sa sarili. "Si Jonas pala ang dapat kong pasalamatan.
Bakit nga pala sa akin gagawin iyon ni Sir James. Ang lakas ko naman sa kanya
pati pagkain ko siya pa ang mag-iintindi."
-----
Akala
ni Justin ay maabutan pa niya si Jesse sa tirahan nito. Sumaglit kasi siya at
nagdala ng makakain para kay Jesse. Gaya nga ng napansin niya kagabi, alam
niyang nagugutom na si Jesse. Alam niyang natulog ang si Jesse na walang
kinain. Pero nang mapatapat siya sa pinto, napansin niyang may kalang na iyon
at siguradong walang tao sa loob.
Bumalik
na lang siya sa kanyang kotse. "Pumasok siguro..." naisip niya kung
bakit hindi naabutan si Jesse sa bahay nito. Saka siya natawa sa sarili.
"Bakit ko nga ba ito ginagawa sa empleyado ko?"
[07]
Maagang
pumasok si Jonas sa kanyang trabaho. Naunahan niya ang lahat ng empleyado sa
opisina ng kanyang ninong. Wala sa kalahating oras siyang naghintay sa labas ng
pinto ng opisina ni Mr. Robledo. Nang dumating si Ms. Lamino ay saka lang
nakapasok si Jonas sa opisina ng kanyang ninong.
Hindi
maawat ang ngiti niya habang nakaupo sa swivel chair sa harap ng lamesa ng boss
niya. Hinihintay niya si Ms. Lamino para sa gagawin niya sa loob ng opisinang
iyon.
"Ah.."
simula ni Ms. Lamino. Mas matanda ito kaysa kay Jonas ng apat na taon.
"Kasi, hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sayo. Alam ko naman kung
anong meron ka rito sa kumpanya so... Pero ang pinagtataka ko lang kung bakit
kailangan mo pang magtrabaho sa mababang posisyon, ang alam ko kasi, di ba,
18percent ng stock sa kumpanyang ito ay pag-aari mo? Tama ako di ba?"
Natawa
si Jonas sa sinabi ng kanyang kaharap. Totoo ang sinabi ng kausap. Nag-iwan ang
kanyang ama ng 18 percent stock ng kumpanya bago ito namatay sa plane-crush
kasama ang kanyang ina. Walo ang naghahati-hati sa stock ng kumapanya. Si Jonas
ngayon ang pang-apat sa may pinakamalaking stock. Nangunguna si Mr. Robledo na
may 25 percent habang ang natitirang anim na stock holders ay naghati-hati sa
53 percent.
"Yun
lang ba ang problema mo? Ikaw, kung saan ka komportableng tawagin ako. Basta
huwag mo akong tawagin na nagsisimula sa Sir. Pantay-pantay lang tayo dito. Si
Ninong este si Mr. Robledo ang boss natin."
"Yun
na nga eh. Kahit hindi ko naabutan si Mr. David Schroeder-"
"Hindi
ko rin naabutan ang tunay kong ama." biro ni Jonas na may katotohanan
naman.
Natawa
si Ms. Lamino. "Oo, kahit hindi ko naabutan ang ama mo rito, kilala naman
siya ng buong kumpanya. At ikaw, bilang tagapagmana natural lang na galangin ka
dito."
"Sabi
ko, ikaw ang bahala kung paano mo ako tatawagin. Wag lang may sir. Tawagin mo
ako sa first name ko. Walang problema. Ikaw nga tatawagin kong Aileen."
sabay tawa ni Jonas.
"Ok.
Pero kapag nasa labas tayo ng opisina ni Mr. Robledo, Mr. Schroeder ang
itatawag ko sayo ah."
Gamit
ang swivel chair, habang naka-upo nagpa-ikot ikot muna si Jonas.
"Sige." sabay tawa.
"Para
kang bata." natatawang si Aileen Lamino. "Sige mag-start na tayo,
Jonas."
"OK
Aileen." sagot ni Jonas sa malambing na paraan.
-----
Sumilip
si Justin sa supermarket bago tumuloy sa opisina. Hinahanap ng kanyang mga mata
si Jesse kung pumasok nga ito. Pero walang Jesse ang nakita ng kanyang mga
mata. "Saan nagpunta yun? Wala sa bahay nila kanina. Imposible namang
nakasarado ang bahay habang may tao sa loob? Hmmm... bahala siya. Wala naman
dapat akong pakialam sa kanya. Tama na ang mabuting loob na ipinakita ko sa
kanya." Saka siya nagtuloy sa kanyang opisina.
-----
Hindi
pumasok si Jesse. Balak niyang magpakasawa sa kama. Pero bago niya gawin iyon.
Iisa-isahin muna niyang ligpitin ang mga bagay na sa tingin niya ay nakakalat.
Wala naman siyang balak maglinis ng pormal. Balak din niyang magprepare ng
makakain bago umakyat sa kwarto nila Jonas. Gagawin niya ito dahil hindi na
ganoon kasama ang nararamdaman niyang sakit.
Naalala
niya ang maliit na papel na nakuha niya sa dating bahay. Kinuha niya iyon sa
kanyang bulsa saka binasa.
Jesse,
Kinuha
ko na ang mga gamit ko. Nagsisimula na uli ako sa aming panibagong buhay.
Iniwan ko ang mga gamit mo. Umaasa akong nasa mabuti kayong kalagayan ni Jonas.
Ok lang kami. At sana makadalaw ka dito sa amin. Iiwan ko sayo ang address
namin. Maraming salamat kaibigan.
Marco.
Huling
nabasa ni Jesse ang address ng kanyang kaibigan. Napa-ngiti siya. Nakikita
niyang nasa maayos na ang kaibigan niya. Na-excite siyang bisitahin ang kanyang
kaibigan. Kailangan niyang itago ang papel na iyon para sa darating na araw ay
mabisita niya ang kababata.
Sinumulan
na niya ang mga balak sa araw na iyon ng masaya. Magpapahinga siya para sa
pagdating ni Jonas mamaya ay maaasikaso niya ito tulad ng pag-aasikaso nito sa
kanya kagabi. Kinikilig si Jesse sa naiisip.
-----
"Sisiw
lang pala ito eh." Inaayos ni Jonas ang mga files, reports etc. ng
alphabetically habang ang iba naman ay sa schedule pinagsunod sunod. Tinignan
din niya ang inbox ng e-mails ng kanyang boss at nagpiprint kung kinakailangan.
Natawa
si Ms. Lamino. "Talaga lang ha? Baka bukas magsawa ka sa ginagawa
mo.."
"Hmm
hindi siguro, inspired ako eh." sabay tawa.
"Talaga?"
mangha ni Ms. Lamino. "At sino naman yang inspiration mo? Ang swerte naman
niya."
"Hindi.
Ako mismo ang swerte."
"Wow."
Hindi maiwasan ni Ms. Lamino na kiligin. Napa-tingin ang dalawa nang may
kumatok sa pinto. "Ako na."
Sinundan
ng tingin ni Jonas si Ms. Lamino hanggang sa pinto. Curious siya kung sino ang
taong nasa likod ng pinto. Nang magbukas ang pinto, napa-kunot ang noo ni Jonas
nang kilalanin ang lalaking nakatayo roon. "A-atty. Hermosa?"
"Jonas?"
maluwang ang pagkakangiti ni Atty. Hermosa nang makita ang kaibigan.
Napatayo
si Jonas. "Ikaw nga. Ang tagal nating hindi nagkita ah. Mukhang
kina-career mo na ang pagpapatubo ng puting buhok kaibigan?" biro niya.
"Siyempre,
kailangan sa ating propesyon eh." sagot ni Atty. Hermosa. "Teka,
bakit pala tinawag mo akong Attorney eh hindi ka nga nakikibalita sa
akin?" tanong nito nang makalapit sa table ni Jonas saka naupo.
Umalis
si Ms. Lamino para ipaghanda ng maiinom si Atty. Hermosa.
"Ako
walang balita?" natatawang si Jonas. "Eh kung hindi nga lang ako
nagbasa ng dyaryo hindi ko mababalitaang bar passer na ang kaibigan ko. At sino
magsasabing ang pinaka-matandang kasa-kasama ko sa galaan ay certified attorney
na ngayon."
"Huwag
ka namang ganyan Jonas. Baka isipin ni Ms. Lamino na sampung taon ang tanda ko
sayo. 7 years lang." parinig ni Atty. Hermosa kay Ms. Lamino.
Napa-tingin
ng maka-hulugan si Jonas sa kaibigan. "I-ibig sabihin..." pabulong.
Kumindat
si Atty. Hermosa. Nanliligaw kasi ito sa dalagang si Ms. Lamino.
"Kuha
ko na." natawa si Jonas. "Goodluck kaibigan."
"Oh
ikaw, ano pala ang ginagawa mo rito?" tanong ni Atty. Hermosa sa pag-iiba
ng usapan.
"Nagtatrabaho."
simpleng sagot ni Jonas.
"Ah...
so ginagamit mo na ang kapangyarihan mo sa kumpanyang ito Jonas? Mabuti naman
at natauhan ka rin." banat ni Atty. Hermosa. Dumating si Ms. Lamino dala
ang isang tasang kape at makakain. "Salamat."
"Kapangyarihan?
Isa lang akong hamak na empleyado dito." sabay tawa si Jonas.
Sumingit
si Ms. Lamino. "Kung ganoon pala ang tingin mo sa trabaho mo, paano naman
ako?" biro rin nito.
Napa-kunot
noo si Atty. Hermosa. "A-anong ibig niyong sabihin?"
Si
Ms. Lamino ang sumagot habang papunta ito sa pwesto nito. "Yang si Jonas,
nagtatrabaho bilang staff ni Mr. Robledo."
"Hindi
nga?" tanong ni Atty. Hermosa habang ngiti lang ang sinagot ni Jonas.
"A-anong nakain mo?" natatawa ito.
"Basta
ang alam ko inspired ako." sabay tawa ng malakas.
"Ang
labo kaibigang Jonas."
"Teka,
Attorney, ano nga pala sadya mo rito. Mukhang sa pag-uusap natin hindi ako
talaga ang sinadya mo, maaring si Ms. Lamino?"
Natawa
si Atty. Hermosa sa banat ni Jonas. "Kukunin ko kasi 'yung mga papeles na
binilin ni Mr. Robledo kay Ms. Lamino. Isa na kasi ako sa abogado ni Mr.
Robledo."
"Ah..."
Biglang may pumasok sa isipan ni Jonas. "Ah, kaibigan kong attorney, may
gusto sana akong ipagawa sayo eh." seryosong sabi ni Jonas.
"Ano
yun. Sabihin mo lang, basta ikaw kaibigan."
"Magse-set
ako ng date, pero hindi ngayon. Ok lang ba?"
"Oo
naman. Maasahan mo ako dyan. Basta siguraduhin mo lang na kakabit ng propesyon
ko ang ipagagawa mo ah. Hindi na tayo pwede sa alam mo na..." sabay tawa.
"Oo
naman."
-----
"Sigurado
ka bang hindi pumasok si Jesse?" tanong ni Justin sa kanyang sekretarya ng
makabalik sa opsina niya. Kasalukuyan siyang nakaupo sa kanyang swivel chair at
bahagyang nagpa-ikot-ikot.
"Opo
Sir James. Ilang ulit pa nga po ako nagtanong. Saka imposible naman pong oras nang trabaho, wala siya sa
pwesto niya."
"Baka
naman kasi sa warehouse tumuloy. Akala siguro, magbubuhat pa rin siya ng mga
kahon. Paki-check nga."
"O-opo
Sir."
Nang
maka-alis ang sekretarya, isinubsob ni Justin ang mukha sa ibabaw ng lamesa.
"Sumasakit ang ulo ko." bulong niya sa sarili. Wala kasi siyang
gaanong tulog dahil kaka-isip kay Jonas, sa Dad niya. "Baka naman
nagkasalisi lang kami ni Jesse kanina. Baka bumili ng makakain... ng gamot.
Ay... bakit pati siya kailangan ko pang isipin?"
Muli
niyang inangat ang ulo. Ipinagpatuloy niyang i-review ang mga bagong reports na
natanggap niya sa araw na iyon.
-----
"Ang
dami kong absent..." naibulalas ni Jesse nang mailatag ang katawan sa kama
habang nakatulala sa kisame. Naka-kain na siya, naka-inom ng gamot at ngayon ay
oras na para sa kanyang pahinga. Balak niyang magtuloy-tuloy sa pahinga para
magising ng maaga at maasikaso si Jonas sa pag-uwi. Magluluto siya ng paborito
ni Jonas, ang nilagang baka.
Bigla
siyang napa-bangon. "Malamang kulang ang rekado na nasa ref." Saglit
siyang nag-isip. "Mamaya na lang pag-gising ko." Muli siyang nahiga
saka pumikit. Napa-ngiti siya sa kasabikang makita si Jonas sa pagbabalik nito
mamaya.
-----
"Sir,
wala po talaga. Imposible na nga po talaga siyang pumasok kasi..." Hindi
alam ng sekretary kung itutuloy pa nito ang gustong sabihin. Gusto kasi niyang
ulitin na wala namang Jesse ang nag time-in. Sinabi na niya iyon sa boss pero
nagpumilit na hanapin sa loob ng supermarket.
"Hayaan
mo na. Sige na bumalik ka na sa ginagawa mo." Kunot-noong sabi ni Justin.
Tumayo si Justin habang hawak ang isang may kakapalan na mga papel. Sabay
bagsak sa lamesa. "Ayoko nito!" Saka nagtuloy palabas ng opisina.
Nagulat
ang sekretarya sa ginawa ng kanyang boss sa mga reports na niri-review nito.
May mga ilang papel na nahulog sa lapag kaya napilitan itong tumayo at damputin
ang mga ito.
"Si
Sir... parang ewan eh. Nakakagulat lang."
-----
"Sige,
Jonas. Ito na ang mga pinapaabot sa akin ni Mr. Robledo. Kailangan ko na rin
umalis." Paalam ni Atty. Hermosa nang maibigay sa kanya ni Ms. Lamino ang
mga papeles.
"Sige,
ingat na lang kaibigan. Basta nasabi ko na sa iyo kung kailan tayo
mag-uusap."
"Sige."
saka tumingin si Atty. Hermosa kay Ms. Lamino. "Hanggang sa muli."
Matamis ang ngiting ipinukol niya sa dalaga.
"Ingat."
sagot ni Ms. Lamino. Nang makalabas na si Atty. Hermosa. "Jonas, ano hindi
ka pa ba nagsasawa dyan sa ginagawa mo?" sabay tawa ni Ms. Lamino.
"Ang
lakas mo mang-asar, palibhasa may inspirasyon ka rin pala." natatawang si
Jonas. "At may matamis na ngiti pang iniwan."
"Ayy!
Wala yun noh..."
"Naniniwala
naman ako." sagot agad ni Jonas pero kabaligtaran ang ibig niyang sabihin.
"Wala
nga iyon sabi. Huwag mong pag-isipan yun. Magkaibigan lang kami ni Atty.
Hermosa."
"Oo
na. Pakibuksan na lang yung bintana para maka-singaw yung salitang
defensive." sabay tawa si Jonas.
"Hala..."
parang batang naka-relate sa pinag-uuspan si Ms. Lamino. "Eh kamusta naman
pala yung... yung ano mo? Girlfriend pa lang ba?"
"Ang
panget mo naman mag-iba ng topic. Halatang umiiwas na mabiro." tawa si
Jonas. "Pero Oo."
"Hindi
ah." tanggi ni Ms. Lamino. "Anong Oo?"
"Oo
magkasintahan pa lang kami, pero magkasama na kami sa iisang bubong."
ngingiti-ngiti si Jonas na muling humarap sa monitor ng computer. Patalikod kay
Ms. Lamino.
"Talaga?"
manghang tanong ni Ms. Lamino.
"Oo."
"Ang
sweet."
"Siyempre."
"P-paano
iyon? E di ano..." sabay tawa si Ms. Lamino. Gumagana ang imahinasyon
niya.
"Oops.
Huwag mong pag-isipan ng hindi maganda. Behave kaming dalawa." sabay tawa.
"Ano
bang sinabi ko?"
"Green."
sagot agad ni Jonas nang hindi tumitingin sa dalaga.
"Hindi
ah. Dyan ka na nga. May gagawin ako sa lamesa ko."
Natawa
si Jonas sa tuwing umiiwas ang kausap sa bandang huli ng usapan. Pero kinikilig
siyang pinag-usapan nila si Jesse kahit hindi talaga alam ni Ms. Lamino kung
sino si Jesse. Bigla siyang napa-isip.
"Sa
pagsasama namin ni Jesse... hindi pa nga talaga kami umaabot sa
puntong..." napa-ngiti siya sa susunod sana niyang bibitawang salita sa
kanyang isip. "Sex... hanggang kiss lang kami bago matulog. Niyayakap ko
siya. Niyayakap niya ako... Hmm..." sabay tawa si Jonas sa kilig.
"Natawa
ka dyan mag-isa?" pansin sa kanya ni Ms. Lamino.
"Wala
naman. Natutuwa lang ako sa ginagawa ko." pagsisinungaling ni Jonas.
-----
Nag-paabot
na si Justin ng tanghali sa isang restaurant na timanmbayan niya nang umalis
siya ng opisina. Medyo may kalayuan ang narating niya. Balak lang sana niyang
magkape, pero hindi niya namalayang alas-onse na pala ng tanghali. Minabuti na
niyang kumain ng tanghalian.
Habang
nilalapag ng waiter ang mga inorder niyang pagkain napansin niya ang bagong
pasok na lalaki't babae. Parang kilala niya ang lalaki nang masuri niya. At
ganun din ang babae. "Tama sila nga. Pero, bakit sila magkasama?"
Kahit
nakikilala ni Justin ang dalawang iyon, wala naman siyang balak na batiin ang
dalawa. Pero ang sigurado lang niyang ginagawa ay ang pagmasdan paminsan-minsan
ang dalawa sa di kalayuang lamesa.
-----
"Bakit
mo ako dinala dito?" tanong ni Jessica nang maka-upo na sila sa lamesang
napili nila.
"Hindi
ba pwedeng kumain tayo sa mas maganda at maayos na restaurant?" sagot ni
Marco.
"Yun
lang ba?" seryosong tanong ni Jessica.
"Gusto
ko kasing... kahit papaano." napa-titig muna si Marco kay Jessica.
"Sa pagsisimula natin." Saka niya hinanap ang kamay ni Jessica.
Hinawakan niya ito ng dalawang kamay.
Bahagyang
napa-iling si Jessica. Napa-tingin din siya sa paligid dahil sa ginawa ni
Marco. Gusto sana niyang hilahin ang kamay niya pero sa puntong iyon ay
hinigpitan ni Marco ang pagkakawak sa kamay niya. "Marco, hindi mo naman
kailangan gawin ito. Dito pa sa mamahaling restaurant."
Natawa
si Marco. "Hindi naman ito mamahalin tulad ng iniisip mo. Isang simple rin
ito. Mas malinis nga lang at maganda ang serbisyo."
Napa-buntong
hininga si Jessica. "Sige na nga. Bitawan mo na kamay ko. Nakakahiya
eh."
Sinunod
naman ni Marco si Jessica. "Jessica, gusto ko lang malaman mo, humihingi talaga
ako ng tawad sa lahat ng nagawa ko sayo. At sana paniwalaan mong... minahal na
kita simula pa ng makilala kita."
Napa-yuko
si Jessica. "K-kahit... alam mo naman Mar-"
"Wala
sa akin yun Jessica. Mamahalin ko rin kung ano man ang meron sayo. Dahil mahal
kita."
Napa-singhap
ng hangin si Jessica. "Marco... gusto kong mahalin ka. Sana nakikita mo
yun sa mga araw na napag-samahan natin. Pero, sa ngayon... kasi, nag-aalangan
pa ako at alam mo ang dahilan. Sana maunawaan mo Marco."
"Alam
ko. At handa ako maghintay."
"Ang
masisigurado ko lang sayo Marco, hindi ko na siya mahal. Kundi galit ang
nararamdaman ko sa kaibigan mo." tumalim ang tingin ni Jessica.
Napa-buntong
hininga si Marco. "Siguro, hindi na lang ako makikialam sa kung anong
nararamdaman mo para kay Jesse. Kung galit ka man sa kanya, sige. Basta huwag
mo ring ipagkait na naging mabuting kaibigan siya sa akin."
Napayuko
si Jessica. Maya-maya ay napatango ito. Pagsang-ayon sa sinabi ni Marco.
"Tatandaan ko ang sinabi mo Marco. Mamahalin mo ako, maging sino man ako o
kung ano man ang mayroon ako."
"Oo.
Pangako."
-----
Napa-tingin
si Jonas sa relo hapon ng araw pa ring iyon. "Limang minuto na lang
alas-singko na?" parinig niya kay Ms. Lamino.
"Bakit
sawa ka na?"
"Hindi
naman." sabay tawa ni Jonas.
"Gusto
mo nang umuwi?"
Tumikhim
si Jonas sabay tawa. "Pwede na ba?"
Natawa
si Ms. Lamino. "Ok lang. Huwag kang mag-alala. Wala naman masyadong
gagawin na kaya pwede ka ng mag-out. Saka ramdam ko naman na miss mo na si
inspiration."
"Oo
nga eh. Bigla ko kasing naisip na bilihan siya ng..." hindi na itinuloy ni
Jonas ang sasabihin.
"Ano?
Pwede ko bang malaman?"
"Huwag
na ma-inggit ka pa." biro ni Jonas.
"Ayyy...
sige na nga umalis ka na." tawa si Ms. Lamino.
"Sige
salamat."
Ilan
lang ang niligpit ni Jonas bago umalis. Masaya siyang lumabas ng opisinang
iyon. Dederestso siya sa pinakamalapit na mall para bumili ng isang bagay na
ibibigay niya kay Jesse. Naiisip na niya ang mangyayari. "Sigurado, sagot
'to kapag nami-miss ko siya." sabay tawa.
[08]
Tapos
nang bumili ng pangunahin niyang sadya sa mall. Sinunod niyang bilihin ang isa
pang bagay na gusto niyang bilhin para kay Jesse sa kabila banda. Tuwang-tuwa
si Jonas sa mga nabili niya. Gusto na niyang maka-uwi kaagad. Dali-dali siyang
bumaba ng mall papunta sa parking lot kung saan nakaparada ang kanyang kotse.
Sa
sobrang kasiyahan at pagmamadali hindi niya napigilan ang sarili na
mapalakad-takbo, makarating lang ng mabilis sa kanyang kotse. Bago makarating
sa kanyang kotse, hindi niya napansin ang basang parte ng pathway kung saan
maaring madulas ang mga naglalakad. Dahil sa maling pagtapak, hindi niya
inaasahang ma out balance at naging sanhi para mabitawan niya ang hawak-hawak
na paper bag kung saan naroon ang binili niyang dalawang bagay.
Todo
ang naging kabog ng dibdib sa pagkakadulas na muntikan na niyang ikadapa sa
kalsada. Nang bumagsak ang paper bag, sumunod na gumulong ang bilog na bagay sa
ilalim ng kotse.
"Ang
singsing!..." Walang pakialam si Jonas sa iba pang bagay na nasa loob ng
paper bag na iyon. Ang mahalaga makita niya sa ilalim ng kotse ang singsing na
gumulong. "Naku, ang dilim pa naman." Gustong mapa-mura ni Jonas sa
nangyari. Hindi pa rin nawawala ang kabog ng kanyang dibdib.
-----
Kanina
pa tapos magprepare ng hapunan si Jesse. Nakaharap siya sa t.v. nang marinig
niya ang ugong ng kotse ni Jonas sa labas. Sinilip niya ito sa bintana saka
lumabas nang masigurado. Agad niyang binuksan ang gate para makapasok ang
kotse.
Hinintay
ni Jesse na lumabas si Jonas sa kotse. Inihahanda niya ang sarili na
maipakitang masaya siya sa pagbabalik nito.
"Oh..."
pansin ni Jonas kay Jesse. "Mukhang magaling na ah?"
"Hmmm..."
Nanatiling nakatayo si Jesse. Nakatingin lang kay Jonas.
"Pasok
na tayo." yaya ni Jonas.
"Sige."
Masayang sagot ni Jesse.
Napa-tigil
si Jonas. "Talagang good vibes ka ngayon ah?"
Natawa
si Jesse. "Wala na siguro akong sakit. Samantalang ikaw, parang seryoso
ang dating. Pagod ka na siguro?"
Kumunot
noo si Jonas pero nang naka-ngiti. "Ako mapapagod? Imposible."
"Tara
na nga sa loob." umangkla ang braso ni Jesse sa braso ni Jonas. Saka
napansin ang dala ni Jonas. "Ano pala yan? Huwag mong sabihing bumili ka
ng hapunan. Nagluto kaya ako..."
Hinila
ni Jonas si Jesse papasok sa bahay. "May pagkain bang nilalagay sa kahon
ng cellphone?" sabay tawa si Jonas. "Napaka-ignorante mo naman."
"Ano
yun nanglalait?" napa-simangot si Jesse.
"Hindi."
tawa pa rin ni Jonas. "Doon na nga muna tayo sa loob. Ayusin mo rin yang
mukha mo. Panatilihin mo yung maaliwalas mong mukha tulad kanina. Parang
nagbibiro lang."
Habang
tinutungo ang sala, "Nagluto ako ng hapunan. Hulaan mo kung ano ang niluto
ko."
"Piniritong
itlog at hotdog. Sinangag na kanin."
Ang
lakas ng tawa ni Jesse sa sagot ni Jonas. "Loko. Ano yun agahan?"
"Hindi
ba? Oops, biro lang uli. Kasi yun lang naman ang laman ng ref. Tama ba?"
"Mali."
Nang makita ni Jesse ang mukha ni Jonas na kumunot, saka siya nagpaliwanag.
"Lumabas ako kanina, bumili ako ng pang-nilagang baka. Siyempre dinamihan
ko ang saging na saba. Di ba un ang gusto mo ung maglasa ang saging sa sabaw?
Kasama ang patatas at mais?"
Pinipigilan
ni Jonas ang mga ngiti. Pero hindi niya kinaya kaya napabunghalit siya ng tawa
sa katuwaan. "Pwede na talaga kitang asawa. Tamang-tama."
"Tamang-tama?"
"Pakain
naman muna. Pagod na ang asawa eh. Dapat asikaso muna. Teka, ibig sabihin
magaling ka na talaga?"
"Oo
magaling na ako. Pero, ano nga ang sabi mo? Dapat kitang asikasuhin kasi pagod
ka na? Parang ang ibig mong sabihin ikaw ang lalaki dito ah?" sabay tawa
ni Jesse.
"Oo
ako nagtatrabaho ngayon eh. Ikaw dito ka lang sa bahay natulog."
"Ah
ganoon na. Nagluto kaya ako ng hapunan mo?"
"Kaya
nga ikaw ang babae kasi ikaw ang naiwan. Bawi ka na lang bukas."
"Ay
hindi na talaga ako aabsent." Hinila ni Jesse si Jonas sa dining area.
"Tamang-tama lang dating mo, hindi ko na iinitin ang sabaw. Upo na
lalaki."
"Opo
mahal kong babae."
"Ang
panget Jonas. Huwag mo nang ulitin."
Natawa
si Jonas. "Nagsisimula ka na namang maasar."
"Haha."
pang-aasar ni Jesse. Inasikaso niya si Jonas. Masaya nilang pinagsaluhan ang
niluto niya.
-----
"Ay
Sir James!" gulat ng sekretarya niya nang malingunan siya.
"Bakit?"
takang tanong ni Justin.
"Akala
ko po ay hindi na kayo babalik. Niligpit ko po kasi yung kalat sa lamesa
ninyo..."
"Ah
yun lang ba?"
"Isasara
ko na sana itong office. Sige po Sir."
"Walang
problema." Saka dumiretso si Justin sa loob ng office.
Sinundan
naman ng tingin ng sekretarya ang boss. "Si Sir nakakapagtaka na talaga.
Ang daming bago. Naku, ngayon nanggugulat naman."
Kung
saan-saan kasi nagpunta si Justin nang umalis ng opisina. Napa-hawak siya sa
baba nang maalala ang nangyari sa kanya nang palabas na siya ng restaurant
kanina nang tanghali. Hindi niya maiwasan ang mapa-ngiti. "Maganda
siya..."
Nang
matapos na kasi siyang magtanghalian sa restaurant na iyon, palabas na siya ay
may nakabungguan siyang babae. Sa tingin niya ay sinasadya ng babae na bungguin
siya pero hindi niya sigurado. Sa pagkakabunggo kasi sa kanya , parang
imposible sa kanya na tumama ang harapan ng babae sa kanyang balikat habang ang
kamay nito ay simpleng napa-dapo sa kanyang pagkalalaki.
Hindi
naman siya ganoong nagulat dahil alam niyang magkakadikit talaga sila sa
pagsasalubong nila. Hindi lang niya inaasahang magiging ganoon ang tagpo na
kailangan pang dumikit ang maselang bahagi ng katawan nila.
Napa-lingon
siya matapos ang pangyayari, pero ang babae ay tuloy-tuloy lang sa napili
nitong pwesto sa loob ng restaurant. Wala itong kasama. Saka tuluyang umalis si
Justin. Muli siyang sumakay sa kanyang kotse at nagpa-ikot ikot sa buong
kamaynilaan.
"Sir,
mauuna na po ako." paalam ng sekretarya niya.
Nawala
si Justin sa pag-alala sa nangyari kanina. "S-sige, ako na ang bahala
rito." Napa-buntong hininga siya nang mawala sa paningin ang sekretarya.
Ilang
saglit pa siyang nagpakatulala saka nilisan ang opisinang iyon.
-----
"Ano
'to?" tanong ni Jesse nang abutin niya ang binigay sa kanyang paper bag ni
Jonas. Nasa sala na sila nang mangyari iyon.
"Jesse
naman, sa labas pa lang alam mo dapat ang laman nyan." sagot ni Jonas.
"Malay
mo, binibiro mo lang ako." sabay tawa. "O sige kung ito nga, bakit mo
ako bibigyan ng cellphone?" Alam naman ni Jesse kung saan niya gagamitin
iyon. Ang gusto niyang malaman kung bakit naisipan ni Jonas na bilhan siya ng
ganoong gamit.
"Para
kapag namimis kita, makakausap kita."
"Ayy...
gusto mong kiligin ako?" biro ni Jesse pero ang totoo ay kinikilig talaga
siya. Sinisimulan na niyang buksan ang kahon.
"Ok
lang kahit hindi basta kailangan gamitin mo yan." saka pinaka-diinan ang
kasunod. "Sa akin lang ah." sabay tawa.
Natawa
rin si Jesse. "Malamang, sino naman ang kakausapin ko?"
"Binibiro
lang kita." sabay bawi ni Jonas pero agad din itong sumeryoso. "Pero
meron pa akong gustong ibigay sa iyo."
Kunot
noong napatingin si Jesse kay Jonas. "Siryoso?"
"Oo."
malawak ang pagkakangiti ni Jonas.
"Birthday
ko ba? Ang dami mo yatang binibili ngayon ah? Ako nga wala pang nabibigay
sa'yo."
Natawa
lang si Jonas. "Sandali."
Sinundan
lang ng tingin ni Jesse si Jonas paakyat sa kanilang kwarto. Minuto ang
binilang nang magbalik si Jonas. Humihingal ito nang hawakan ang kamay niya
para makatayo siya mula sa sofa. "Oh, problema?"
"Problema?
May problema ba kapag ganitong naka-ngiti? Ha?"
"Ano
naman ang gagawin natin?"
"Sumunod
ka na lang." yaya ni Jonas.
Nagpatangay
na lang si Jesse kay Jonas. Punong-puno ng kasiyahan ang kanyang puso.
-----
"Dito
sa rooftop?" tanong ni Jesse nang makita niya ang nakalatag na makapal na
blanket at may mga nagkalat na unan. Tipong higaan ang dating. Naisip niya na
kaya pala humahangos si Jonas ay dahil mabilis itong naglatag ng sapin at basta
na lang pinaghahagis ang mga unan. Natawa siya. "Sana sinabi mong ganito
pala ang gusto mong trip. Natulungan sana kitang mag-ayos. Tignan mo yung unan
oh..." itinuro ni Jesse ang isang unan na tumagilid sa mga paso.
Ang
lakas ng tawa ni Jonas. "Hayaan mo na." Kinuha ni Jonas ang unang
napunta sa mga paso. "Sige ikaw na ang mag-ayos. Hindi kasi ako marunong
eh."
Sumunod
naman si Jesse. Inaayos niya ang pagkakalatag ng sapin saka mga unan.
"Imposible kang hindi ma-" Natulala si Jesse nang makita ang singsing
sa ilalim ng unan ng iangat niya ito. Napa-tingin siya kay Jonas na naka-ngiti
lang sa kanya. Hindi niya maiwasan ang mapa-ngiti. "Ano 'to?"
"Candy
yata." biro ni Jonas. Saka siya tumabi kay Jesse.
"Alam
ko singsing 'to pero para saan naman?"
"Hmmm
hindi ko rin alam. Basta ang gusto ko kailangan natin yan. Sa katunayan ito ang
isa oh." Dinukot ni Jonas ang kapares sa kanyang bulsa.
Napa-labi
si Jesse. Pinipigilan niya ang naguumapaw na kaligayan na ibinibigay sa kanya
ni Jonas. Gusto niyang maluha. "Tapos?..." nasabi na lang niya.
"Tapos?
Kunin mo 'to." Binigay ni Jonas ang singsing hawak. Saka kinuha ang
singsing sa ilalim ng unan. Inabot niya ang kamay ni Jesse saka itinutok ang
butas ng singsing sa daliri nito. "Itong singsing na ito ang tanda ng
pagmamahalan natin. Mahal na mahal kita Jesse. Ibibigay ko lahat sayo kung ano
man ang mayroon sa akin, mapaligaya lang kita. Ikaw na ang una at huli kong
mamahalin, Jesse."
Napayuko
si Jesse. Nahiya siyang makita ni Jonas ang maluha-luha niyang mga mata.
Pero
inangat ni Jonas ang mukha ni Jesse saka ipinakita ang kamay nito.
Ipinahihiwatig na wala pa siyang singsing tulad ni Jesse.
Napa-ngiti
si Jesse. "Oo nga pala." Kinuha niya ang kamay ni Jonas. Saka gianya
ang ginawa ni Jonas. Hinatid niya ang singsing sa daliri ni Jonas. "Jonas,
ito naman ay tanda ng pagmamahal ko sayo. Lahat gagawin ko mapaligaya lang kita
dahil mahal kita. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa mga kabutihan mo
pero sinisigurado ko sa bawat araw na magdadaan, lagi akong kasama mo.
Susuportahan kita, aalagaan kita, mamahalin kita..." Tuluyan na siyang
lumuha. "Kahit anong iutos mo, gagawin ko. Ok lang. Kasi mahal kita higit
pa sa pagmamahal mo sa akin." Muli siyang napayuko.
"Shhh...
Kahit hindi muna sabihin. Kaya ko nga ito ginagawa sayo eh. Dahil sobra kong
nararamdaman ang pagmamahal mo sa akin." Muling inangat ni Jonas ang mukha
ni Jesse. Tinitigan niya ang mga mata nito. "Alam ng Diyos kung gaano kita
kamahal. Mamamatay akong ikaw ang kasama ko. Pangako." Hinalikan niya si
Jesse ng ubod ng tamis at nagmumula sa kanyang puso.
Dahil
sa tunay na pagmamahal, hindi pinigilan ni Jesse ang ginawa sa kanya ni Jonas
bagkus gumanti siya ng halik maipadama lang kung ano ang nasa puso niya para
kay Jonas. Hindi niya iniisip ang susunod na mangyayari. Wala siyang balak
tumanggi. Inaasahan niyang matututunan niya ang bagay na hindi pa niya
nararanasan. Susundin niya si Jonas sa kung ano man ang gustuhin nito sa mga
puntong iyon. Magpaparaya siya dahil mahal niya ang kaniig.
-----
"Ayan
na sila. Bilisan ninyo, maging presentable kayo." Pinapila ng matandang
katiwala ang mga iba pang kasambay sa may gate ng bahay. "Lorna, ayusin mo
ang pagmumukha mo. Nakasimangot ka."
Nakapasok
na ang kotse. Hinihintay na lang ng mga kasambahay ang pagbaba ng kanilang amo.
Maya-maya pa ay bumaba na nga ang kanilang mga amo.
"Magandang
gabi po Sir Arl at Ma'am Juanita. Maligayang pagbabalik po." sabay-sabay
na bati ng mga kasambahay. Halatang pinag-praktisan.
"Magandang
gabi." ganting bati ni Arl na bagong dating galing ibang bansa kasama ang
ina na si Juanita.
"Magandang
gabi rin sa inyo." Si Juanita.
"Sige
na, kayo na ang bahala sa mga bagahe. Maayos ba ang kwarto ni Mommy?" si
Arl sa mga kasambahay.
"O-opo
sir Arl. Nakahanda na po pati ang kwarto ninyo." sagot ng isang
kasambahay.
"Good.
Paki-samahan si Mommy sa kwarto niya." utos ni Arl. Saka kinausap ang ina.
"Magpahinga na kayo para makabawi kayo ng lakas."
"Sige
anak. Mauuna na akong magpahinga. Sumunod ka na rin."
"Opo
Mom." sagot ni Arl.
"Ay
Sir Arl, may naghihintay po pa lang babae sa sala. Sheena daw po ang
pangalan." sabi ng matandang katiwala.
Napa-kunot
ang noo ni Arl. "Sige ako na ang bahala." Tinuon niya ang atensyon sa
mga nagbababa ng mga bagahe. "Paki-ayos na lang yan." Saka pumasok sa
loob.
-----
"Ang
bilis mo naman akong sundan?" si Arl kay Sheena na naabutang nanonood ng
t.v.
Napa-lingon
ang babae pero nang makita si Arl ay muli itong tumuon sa t.v. "Malamang.
Namimis kita eh."
Umupo
si Arl sa katapat na sofa. "Anong sadya mo?" kunot noong tanong ni
Arl.
Napa-ismid
si Sheena saka tumayo at lumapit kay Arl. Umupo siya sa kandungan ng binata
saka inilapit ang mukha sa mukha nito. Iniwas naman ni Arl ang kanyang mukha.
Balak siyang halikan ni Sheena.
"Bakit
ba?" Kasabay ng tanong ay ang paghimas ng kamay nito sa tyan ni Arl pababa
sa ilalim ng puson. "Gusto ko kasing..."
Tinapik
ni Arl ang kamay nito. "Ayoko ngayon, pagod ako. Gusto ko na
magpahinga."
"Dito
ako matutulog, katabi mo."
"May
guest room."
Nabwisit
si Sheena saka umalis sa kandungan ni Arl. Bumalik ito sa dating pwesto.
"Nakakainis ka." reklamo niya.
Tumayo
lang si Arl paalis sa sala. Nagsalita si Arl habang naglalakad.
"Magpapahinga na ako. Siya nga pala yung pinagagawa ko sayo, gawin mo
yun."
"Nasimulan
ko na." bahagyang sigaw ni Sheena dahil medyo nakakalayo na si Arl.
Lumingon
si Arl kay Sheena. "Mabuti. Siguro bukas ka na lang magkwento. Matutulog
na ako. Asikasuhin mo na lang ang sarili mo."
"Hmpt.
Bwisit." muling sigaw ng babae.
-----
Kapwa
nakahubad sina Jonas at Jesse matapos ang pagtatalik. Payakap ang pagkakahiga
ni Jesse kay Jonas habang ang huli ay nakatingin sa madilim na kalangitan na
ang tanging makikita lang ay mga kumukutitap ng mga bituin.
"Jesse,
mahal na mahal kita."
"Mas
mahal kita Jonas."
"Ito
ang una nating nagtalik. Sa totoo lang wala akong ideya kung paano
pero..." natawa si Jonas. "Nairaos din."
Bahagyang
tinampal ni Jesse si Jonas. "Huwag mo nang banggitin." Nahihiya kasi
siya.
"Jesse,
nakikita mo ba yun?" itinuro ni Jonas ang tinutukoy sa kalangitan.
"Anong tawag dyan?"
Napa-tingin
si Jesse sa itinuturo ni Jonas. "Asan dyan? Yan? Crescent Moon."
"Tama."
sangayon ni Jonas. "Minsan lang yan di ba?"
"Oo,
isang beses sa bawat buwan. Yata?"
Natawa
si Jonas sa huling salita ni Jesse. "Talagang may yata pa ah?"
Muling
natampal ni Jesse si Jonas. "Bakit ba kasi?"
"Lagi
nating alalahanin ang pinagsaluhan natin ngayon kapag ganyan ang buwan,
Jesse."
"Ah..."
napa-ngiti ng malawak si Jesse saka pinakatitigan ang buwan.
"Lagi
nating hintayin ang pagbabalik ng crescent moon. Yan din ang simbulo ng ating
pagmamahalan. Kasi, yan ang naging saksi kasama ng mga bituin kung paano tayo
naging isa." Napa-higpit ng yakap sa kanya si Jesse. "Ang swerte ng
buwan no, nakasilip." biro ni Jonas sabay tawa.
"Loko
ka. Pati yung mga walang malay pinapansin mo." tawa rin ni Jesse.
Tumagilid
si Jonas kay Jesse. "Pero ang lahat ng sinabi ko ay totoo Jesse."
seryoso niyang sabi.
"Huwag
kang mag-alala. Seryoso kong tinatandaan yan puso ko."
Muling
naglapat ang mga labi ng nag-iibigan. Parang nagkakasiyahan naman ang mga
bituin habang kumukutitap ito sa kalangitan. Habang patuloy na nagiging saksi
ang buwan bago matapos ang gabi.
[09]
"Tumatagal
ah." biro ni Ms. Lamino kay Jonas nang mapansin nitong pumasok na ang
binata. Nakatalikod kasi siya dito paharap sa kanyang table. Umaga iyon ng
lunes.
Hindi
sumagot si Jonas. Ngumiti lang siya sa biro ng ka-trabaho na araw-araw naman
nitong ginagawa sa kanya.
"Seryoso
ngayon si Mr. Schroeder." sabay tawa ni Ms. Lamino.
Lumingon
si Jonas kay Ms. Lamino. "Dumating na ba si Mr. Robledo?"
Imbes
na sagutin ni Ms. Lamino ang tanong ni Jonas, ipinagpatuloy nito ang pagbibiro.
"Ilang araw na lang makaka-two months ka na." Humarap si Ms. Lamino
ng masaya ang mukha saka tumitig kay Jonas na nakatingin sa kanya. Napa-kunot
noo siya. "B-bakit ganyan ang mukha mo?"
Napa-kunot
noo rin si Jonas. "Bakit?" Bigla niyang nahipo ang mukha. "May
dumi ba?"
"Wala
naman. Ang ibig kong sabihin, parang hindi ka natulog. Hmmm..." napalitan
ng ngisi ang kaninang mapagtanong na mukha ni Ms. Lamino. "Nagpuyat ka
kagabi noh?"
Mas
lalong kumunot ang noo ni Jonas. "Oo, napuyat nga ako kagabi." sabi
niya ng itak niya.
"Hindi
ka na sumagot." sabay tawa ni Ms. Lamino. "Tama siguro ang hinala ko.
Malamang pati yung kasama mo napuyat din."
Nabasa
ni Jonas ang laman ng isip ni Ms. Lamino kaya sinakyan na lang niya ito.
"Ay oo, ganoon na nga. Haha, ikaw ha? Masyado kang intregera."
sinundan pa ng malakas na tawa.
"Ayy..."
medyo nakaramdam ng hiya si Ms. Lamino. Bakit nga ba siya nang-intriga. Hindi
na siya nahiya. Kababae niyang tao.
Pero
iba ang nasa isip ni Jonas. Hindi totoong napuyat siya dahil sa kung ano ang
naiisip ni Ms. Lamino. Napuyat siya dahil hindi siya makatulog sa sakit ng
kanyang ulo kagabi. Pinilit niyang huwag ipahalata iyon kay Jesse. Tiniis niya
ang sakit. Hwag lang niyang ma-istorbo ang tulog ni Jesse. "Ayokong
mag-alala sa akin si Jesse." napa-buntong hininga siya.
"Good
morning." si Mr. Robledo, pumasok na sa opisina.
"Good
morning Mr. Robledo" halos sabay na bati ng dalawa.
-----
"Isang
buwan na lang matatapos na ang trabaho ko rito." nasabi ni Jesse nang
makababa sa sinakyang jeep. Nakatayo siya sa harapan ng supermarket kung saan
siya nagtatrabaho. "Sa susunod na buwan malamang maghahanap na naman ako
ng trabaho." napa-ngiti siya saka naglakad.
Masaya
si Jesse sa mga nangyayari. Kahit pa alam niyang mawawalan na siya ng trabaho
sa susunod na buwan, hindi siya nag-aalala. Nagkakaroon siya ng tiwala at lakas
ng loob na hindi mag-alala para sa hinaharap dahil kay Jonas.
"Sigurado
mamimiss ko ang pagtatrabaho ko rito." bulong niya nang maka-pasok sa
locker room.
"Musta
Jesse, mukhang maganda ang araw mo ngayon ah?" bati ng ka-trabaho. Ang
katrabahong tumulong sa kanya ng may sakit siya.
Natawa
si Jesse. "Lagi naman ako masaya ah?"
"Oo,
alam ko. Pero parang iba ang dating ng mga ngiti mo ngayon eh. May kung ano sa
bukas ng mukha mo." sabay tawa.
"Loko,
parang... parang nang-aasar lang." biro ni Jesse. "Pero,"
pag-iiba niya. "alam mo bang mamimiss ko kayo sobra kapag wala na tayo
rito."
Natawa
ang ka-trabaho. "Malamang, naka-limang buwan na tayo rito, isang buwan na
lang paalam na." sabay tawa.
"Oo
nga eh." sagot ni Jesse. "Ok na ba? Sabay na tayo sa loob."
"Sige.
Pero Jesse may alam ka na kung saan ka mag-aaplay sa susunod?" tanong nito
habang nakasunod kay Jesse.
"Wala
pa naman. Huwag kang mag-alala te-text kita kapag may maaaplayan ako sa
susunod."
"Ay
oo nga pala, may cellphone ka nga pala." sabay tawa. "Kasi naman,
buwan na ang cellphone na yan sa iyo, pero parang wala kang cellphone."
"Dalawang
buwan na nga eh. Wala kasi akong load." sabay tawa.
"Pero
panay ang tawag."
"Ako
ang tinatawagan, hindi ako." pagtatama ni jesse.
"Ah...
sig basta, text mo ako kapag mag-aaplay ka na ah?"
"Sure."
-----
"Jonas?"
Naka-ilang ulit na si Ms. Lamino sa pagkatok sa c.r. ng opisina. "Kanina
ka pa hinihintay ni mr. Robledo may ipapagawa daw sayo. Ano bang nangyayari
sayo dyan sa loob? Ilang beses mo na yang ginagawa, ang magbabad dyan sa loob.
Lagi sigurong sira ang tyan mo?"
"Sandali
lang, lalabas na ako." sagot ni Jonas sa likod ng pinto.
"Bilisan
mo na lang. Kailangan ka na kasi ni Mr. Robledo eh."
"O-oo."
-----
"Ilang
araw ko nang napapansin iho..." umpisa ni Mr. Robledo. Nang matyempuhan
niya ang inaanak sa kanyan lamesa.
"Po?"
takang sagot ni Jonas. Habang inaayos ang mga papel na hawak.
"...para
kasing may problema ka Jonas. Napapansin ko naman na masaya ka sa ginagawa mo.
Maayos mong ginagawa ang mga trabaho mo. Pero sa kabilang banda parang may
pinapabayaan ka."
"Po?
a-ano pong ibig ninyong sabihin?"
"Hindi
ka ganyan ng magsimula ka rito. Bumabagsak ang katawan mo iho. Napapansin
ko."
"Hindi
naman po ninong."
"Nabibigatan
ka ba sa trabaho mo rito?"
"Hindi
po ninong." sagot agad ni Jonas.
"Huwag
kang mag-alala Jonas, naiintindihan ko. Alam ko naman na hindi ganito ang
nakasanayan mo."
"Ninong,
mali po kayo. Masaya ako sa ginagawa ko at sisiw lang 'to." sabay tawa.
Nagpakawala
ng hangin si Mr. Robledo. Basta Jonas, kapag hindi mo na kaya magsabi ka lang.
Saka, parang hindi ka na kumakain. Tumitingin ka ba sa salamin? Nanlalalim ang
mga mata mo."
Tumawa
si Jonas. "Ninong huwag nyo pong pansinin yan, sadya yan."
-----
"Ito
ang schedule kung kelan ka magpapa-exam."
"Doc,
pwede ko po bang malaman kung ano ang gagawin natin sa examination?"
kinakabahang tanong ni Jonas sa doctor.
"Mmm
kailangan mo magpa-CT scan, parang x-ray test iyon kaya lang brain mo ang
titignan natin. Batay kasi sa mga sagot mo sa medical interview at physical
examination na ginawa lang natin kanina, nararapat lang na mag-undergo tayo sa
CT scan.
Napa-buntong
hininga si Jonas.
"Huwag
kang kabahan sa gagawin natin." nabasa ng doctor ang inugali ni Jonas.
-----
"Jesse,
susunduin kita." tawag ni Jonas gamit ang cellphone.
"Sige,
hihintayin na lang kita sa kanto. Palabas na ako."
"Ok,
hinatayin mo ako. Parating na ako."
"Mag-ingat
ka. Huwag kang magmadali."
"Opo."
-----
Nawala
na si Jonas sa kabilang linya. Alam niyang on his way na ito dahil naririnig
niya sa kabilang linya ang mga ugong ng sasakyan. Kakatayo palang niya sa
pwestong paghihintayan niya nang napa-tingin siya nang may pumaradang sasakyan
sa kanyang harapan.
"Jesse."
si Justin.
"Sir?"
"Wala
kang sakit?" biro ni Justin.
Natawa
si Jesse. "Wala Sir."
"Buti
naman, wala kasi akong balak na ihatid ka." sabay tawa.
Nagulat
si Jesse sa birong iyon ng kanyang boss. Tipong napa-close ang dating ng birong
iyon. Pero sinikap niyang itago pagkabigla at kasiyahan. "Mukhang masaya
ngayon si Sir ah?"
"Sige,
mauuna na ako." saka pinaandar ni Justin ang kotse.
Tinanaw
na lang ni Jesse ang kotse ng boss palayo habang naka-ngiti. Sa pagbawi ng
tingin, napansin niya ang papalapit na sasakyan naman ni Jonas. Agad siyang
sumakay nang huminto sa kanyang harapan.
"Boss
mo 'yun di ba?" tanong ni Jonas nang maka-upo na si Jesse.
"A-h,
Oo." nagtataka si Jesse kung bakit parang alam ni Jonas. "Bakit mo
naman alam?"
"Hula
ko lang. Ang gara ng kotse. Siguradong mamahalin, kaya malamang boss mo ang
nakausap mo. At-" saglit na tumigil si Jonas. "Ngiting-ngiti ka pa.
Gwapo siguro ang boss mo?"
Napa-kunot
noo si Jesse. "Ganoon na ba talaga ako naka-ngiti?" saka siya may
naiisip. "So, ibig sabihin kanina ka pa naroon. Akala ko pa naman malayo
ka pa?"
"Akala
mo malayo pa ako?" nagpakawala ng hangin si Jonas. "Malapit na ako
nang tinawagan kita. Ayaw ko kasing magmadali ka kapag nalaman mong nasa harap
na ako ng supermarket."
"Ok."
simpleng sagot ni Jesse. Minabuti na lang niyang huwag nang sumagot pa. Kanina
pa niya naramdaman ang selos ni Jonas. Itinutok na lang niya ang atensyon sa
mga nakikita sa daan.
"Tumahimik
ka?" maya-maya tanong ni Jonas. Malapit na sila sa tirahan.
"Hmmm?"
lingon ni Jesse kay Jonas. "Wala naman. Nagpapahinga lang ako."
Pinilit niyang ngumiti.
"Ok."
Hindi na rin umimik si Jonas. Hanggang sa makarating sila sa harapan ng bahay.
Bumaba
si Jesse para buksan ang gate. Nang mabuksan na niya ang gate, hinintay niyang
pumasok ang kotse ni Jonas. Nakatayo siya sa gilid. Tinitignan niya ang
nakasaradong bintana ni Jonas na para bang nakikita niya ito sa loob. Tinted
kasi ang salaming kotse. Nagtataka siya kung bakit hindi pa pumapasok ang kotse
ni Jonas. Pinuntahan niya ang bintana kung saan nakaupo si Jonas. Kinatok niya
ito. Nang walang nakuhang response, agad siyang umikot sa kabilang pinto para
tignan si Jonas sa loob. Kinabahan siya.
Pagkabukas
niya ng pinto, nakita niya si Jonas na nakasandal ang ulo sa head board,
nakapikit at pawis na pawis. "Bakit?" nag-aalalang tanong ni Jesse.
Napansin niya ang hawak ni Jonas na maliit na bote ng gamot. Kinuha niya ito sa
pag-aakalang kailangan iyon ni Jonas.
Dumilat
si Jonas at umiling-iling. "O-ok na ako."
"Naka-inom
ka na?" tanong ni Jesse.
Hindi
sumagot si Jonas sa tanong na iyon. Muli nitong kinuha kay Jesse ang maliit na
bote. "Sige na, ipapasok ko na ang kotse."
Muling
lumabas si Jesse ngunit hindi niya maiwasang mag-alala.
-----
"Jonas,
ano nga ang nangyari sayo?" habol ni Jesse kay Jonas.
Diretso
lang si Jonas hanggang makarating sa kwarto. Wala siyang balak na suamgot sa
tinatanong ni Jesse.
"Jonas?..."
nayayamot na si Jesse nang makarating sila sa kwarto. "Bakit ayaw mong
sabihin sa akin? Anong problema?"
"Gusto
kong magpahinga!" pasigaw na sagot ni Jonas. Natigilan siya sa sinabi.
Napatulala
si Jesse. Iyon ang unang beses na sinigawan siya ni Jonas. Nagulat siya. Hindi
niya akalaing iinit ang ulo nito sa pamimilit niya. Gusto lang naman niyang
malaman dahil concern siya. Pinigilan niya ang nararamdaman. Sinikap niyang
maging malumanay sa sasabihin. "Maghahanda lang ako ng makakain. Bumaba ka
na lang ha..." Saka siya tumalikod.
Alam
ni Jonas ang mali niyang nagawa. Gusto niyang humingi ng paumanhin pero naiwan
siyang natitigilan dahil pati sarili niya ay hindi makapaniwalang nagawa niya
iyon kay Jesse. Nanlumo siya at tinungo ang kama. Ibinagsak niya ang katawan
saka bumuntong hininga. Hindi niya namamalayang gumagapang na ang kanyang mga
luha.
-----
Naalimpungatan
si Jonas nang umuga ang kama. Napalingon siya, saka niya nasilayan si Jesse na
inaayos nito ang sarili sa paghiga patalikod sa kanya. "Nakatulog pala
ako..." Tumayo siya sa pagkakahiga para hubarin ang suot. Pinagmamasdan
niya si Jesse na alam niyang masama ang loob sa kanya. Lihim siyang napabuntong
hininga.
Muli
siyang umakyat sa kama, para muling humiga. Tinabihan niya si Jesse na
nakatagilid patalikod sa kanya. Payakap kay Jesse ang paghiga niya.
"Ano
ba?" reklamo ni Jesse. Inalis niya ang braso ni Jonas sa kanyang katawan.
"I'm
sorry."
"Bakit
hindi ka kumain? Naghihintay ako sa baba."
"Nakatulog
kasi ako. Sorry na. Hindi na mauulit." Muling niyakap ni Jonas si Jesse.
Pero muli na namang tinanggal ni Jesse ang braso nito. "Jesse..."
"Hindi
ba ako pwedeng maging concern sayo? Ano bang masama sa pagtatanong ko?"
Hindi niya maiwasang maitago ang sama ng loob sa kanyang tanong.
Napa-buntong
hininga si Jonas. "K-kasi..." Hindi magawa ni Jonas na magsabi ng
totoo. "Sige, sasabihin ko na sa iyo ang dahilan." Pero hindi pa rin
kumikilos si Jesse. "Kasi, ang daming ginawa sa opisina tapos napagalitan
pa ako. Hindi ko naman kasi kasalanan yung nangyari pero ako ang napagalitan.
Paulit-ulit ko kasing iniisip kung bakit ang nakita ng boss ko. Ayun, biglang
sumakit ang ulo ko." Narinig niyang bumuntong hininga si Jesse.
"Jesse... Sorry na."
Tumagilid
paharap si Jesse kay Jonas saka tumitig. "Yun kasi ang una. Hindi ko
akaling sisigawan mo ako. Nagulat ako."
"Sshh..
wag mo na isipin yun, pangako hindi ko na uulitin. Kung ano man ang problema sa
trabaho ko, doon lang yun. Hindi ko na dadalhin dito."
Tumango
si Jesse. "Hindi ka pa nakain?"
"Bukas
na lang." napa-ngiti si Jonas. Alam niyang wala nang sama ng loob si Jesse
sa kanya.
"Sige."
Hindi na tinanggihan ni Jesse ang pagyakap ni Jonas sa kanya.
"I
love you, Jesse."
"Mahal
kita... Sobra. Kaya ayaw kong nakikita kang may dinaramdam." saka
sinalubong ni Jesse ang mga labi ni Jonas.
Ramdam
na ramdam ni Jonas sa mga halik ni Jesse ang lalim ng pagmamahal nito. Pero may
isang bagay ang umiikot din sa kanyang isipan. Iyon ay ang huling mga salitang
binitiwan ni Jesse. Sa patuloy na umuusad ang bawat minuto, may nabuo siyang
desisyon.
-----
"Good
morning." bati ni Jonas kay Jesse nang maabutan niya ito sa lamesa na
naghihiwa ng sibuyas. Ginawaran niya ito ng halik sa pisngi.
"Ang
aga mo yatang gumising ngayon?" tanong ni Jesse. "Hindi pa nga luto
ang sinaing ko. Hmmm ano naman ang naamoy kaya ka napabangon." natatawa
siya sa biro.
"Mmm
may gusto lang akong gawin ngayong umaga. Kaya inagahan ko ang gising."
Napakunot
noo si Jesse. "Kasama ba ako dyan?" sabay tawa. "Hindi ka ba
talaga napuyat?" Tumaas-taas pa ang mga kilay ni Jesse. Alam niyang alam
ni Jonas ang ibig sabihin niya sa salitang napuyat.
Natawa
si Jonas. "Bakit naman ako mapupuyat. Pampasigla ngayon ng bagong umaga."
"Sira."
saka napansin ni Jesse ang tuwalyang nasa balikat ni Jonas. "Dito ka sa
baba maliligo?"
"Oo.
Para diretso kain na ako."
"Sige,
bibilisan ko na lang ito."
"Hindi
wag. Maaga pa naman eh. Tignan mo ikaw, alam ko napagod kita kagabi pero ang aga
mo pa rin gumising." sabay tawa ni Jonas.
"Ewan.
Iniba ko na nga ang usapan, binabalik mo pa. Hmmm."
"Bakit
ka nagba-blush? Nahihiya ka pa sa akin?" sabay tawa.
"Isa?"
sabay tutuk ng kutsilyo kay Jonas. "Pag hindi ka tumigil ikaw ang isasahog
ko sa iluluto ko." biro ni Jesse pero halata ang pamumula ng pisngi.
Tumayong
tumatawa si Jonas bilang distansya sa babala sa kanya ni Jesse. "Naku
naman Jesse, ilang ulit na nating ginagawa yun, pero nahihiya ka pa ring
pag-usapan natin yun? Parang... parang lagi kang virgin ah." muling tumawa
ng malakas si Jonas.
Lalong
pinamulahan ng pisngi si Jesse. "Grabe ka Jonas." Pero hindi na rin
niya napigilan ang matawa. "Gusto mo talagang magpaluto ah."
"Hindi.
Hindi na. Maliligo na ako." Dumiretso si Jonas sa bathroom "Pero kung
gusto mo sumabay, ok lang." Naka-ngising siya.
"Heh.
Hindi na."
Tawa
na lang huling ipinamalas ni Jonas bago isinara ang pinto ng bathroom.
-----
"Jonas,
kanina ka pa dyan." Pero walang sumagot sa loob ng bathroom. "Naluto
na ang niluluto ko hindi ka pa lumalabas dyan. Nagpapaputi ka ba?" biro
niya. "Ano na ako nyan kung magpapaputi ka pa? Uling?" natawa siya sa
sarili niyang biro. Pero wala pa rin sumasagot sa loob ng bathroom. Kinabahan
na siya lalo pa't naalala niya ang nangyari kahapon. "Jonas?" tawag
niyang may pag-aalala. Saka niya kinatok ng kinatok ang pinto.
-----
"Jonas?"
nabuksan na ni Jesse ang pinto gamit ang susing nakuha niya sa drawer ni Jonas
sa kwarto nila. Mabuti na lang tama ang napili niyang susi. "Jonas? Anong
nangyari sayo?" Naabutan niyang paupong nakasandal si Jonas sa wall,
naka-pikit. Halatang may sakit na dinaramdam. Lumuluha. "Jonas..."
naiiyak niyang tawag. Inalalayan niya itong makatayo. Pero parang walang malay
si Jonas na patuloy lang lumuluha. "Kumapit ka sa akin..." Utos niya
sa hubad na si Jonas.
Gustong
mailabas ni Jesse si Jonas sa loob ng bathroom, pero medyo nahihirapan siya sa
bigat nito. Ang laki ng pag-aalala niya para dito. Minabuti na lang ni Jesse na
idiretso ito sa mahabang sofa. Sigurado kasi siyang mahihirapan siyang iakyat
ito sa kwarto.
Agad
siyang tumakbo sa kwarto nang maihiga si Jonas sa sofa. Kumuha siya ng kumot at
damit para kay Jonas. Pagbalik niya napansin niyang nakadilat na si Jonas.
"Jesse,
paki-kuha ng gamot ko. Yung katulad kahapon."
Walang
tanong-tanong agad na bumalik si Jesse sa kanilang kwarto. Doon niya hinanap
ang maliit na lalagyan ng gamot ni Jonas. Nakita rin niya ito sa drawer kung
saan naroon kanina ang mga susi ng buong bahay. Agad siyang bumaba para
mapainom kay Jonas.
-----
Naka-upo
si Jesse habang pinagmamasdan si Jonas habang nagbabawi ng lakas ang ito. Hindi
siya nagtatanong. Ayaw niyang maulit ang nangyari kahapon. Ayaw niyang uminit
ang ulo ni Jonas. Basta ang alam niya may sakit ito. Sumusunod lang siya sa
kung anong iutos ni Jonas.
Ilang
saglit din ang nakalipas nang nilingon na rin siya ni Jonas. Gumalaw si Jesse
para ipakitang naroon lang siya nag-aabang ng kailangan ni Jonas.
"Maraming
salamat." si Jonas. Saka inabot nito ang kamay ni Jesse.
Ayaw
magsalita ni Jesse. Pero hindi niya napigilan ang maluha sa sinabi ni Jonas.
Para sa kanya may malalim pa na dahilan kung ito nagpapasalamat sa kanya.
"Bakit
ka umiiyak?" nakangiting tanong ni Jonas.
Umiling-iling
si Jesse.
"Bakit
nga?" pangalawa ni Jonas. "Sumakit lang ang ulo ko. Huwag kang
mag-alala."
Ngumiti
ng tipid si Jesse saka tumango ng pagsang-ayon. Pero alam niyang hindi lang
iyon simpleng sakit ng ulo.
"Yan,
panatilihin mo ang ngiting yan ah. Ayoko nang nalulungkot ka."
Biglang
nahampas ni Jesse ang balikat ni Jonas. "Ikaw kasi. Tinatakot mo
ako." Hindi na napigilan ni Jesse magsalita.
Tumawa
si Jonas. "Yung hampas mo ang talagang masakit."
"Sorry."
"Biro
lang. Ok lang ako. Saglit lang tapos kakain na tayo."
"Sige."
sang-ayon ni Jesse.
-----
Hindi
na pumasok si Jesse sa pag-aalala kay Jonas. Hindi na rin pumasok si Jonas.
Nauwi sa biruan ang nangyari kanina.
"Ikaw
kasi pinagod mo ako kagabi." si Jonas.
"Kita
mo na. Ako na ngayon ang sinisi mo. Akala ko ba Ok ka lang? May pampasigla ka
pa ng umaga dyang nalalaman."
Natawa
si Jonas. "Oo nga."
"Oh
eh bakit nangyari sa iyo yun?"
"Napasma
lang." sabay tawa.
Natawa
rin si Jesse sagot ni Jonas. "Pasmahin mo mukha mo. Hindi ba nakakapasma
ang pawis?"
"Aba,
hmmm bakit parang game ka ng pag-usapan natin ang ginagawa natin ha?"
Tumaas
ang isang kilay ni Jesse. "huwag mong ipagkamali..."
Natawa
si Jonas. "Well..."
"Well
ka dyan. Magpahinga ka hindi yang kung ano-anong naiisip mo."
"Well,
sabi ko nga." sabay tawa.
Magkayakap
silang nanunood sa t.v.
-----
Ayaw
sana ni Jesse na payagan si Jonas na lumabas ng hapon na iyon pero mapilit si
Jonas na may importante itong gagawin. Saglit lang daw ito. At may dala naman
daw itong gamot kung sakali may maulit.
"Sige,
pero bilisan mo lang ha?"
"Oo.
Sabi kasi yan ng mahal ko eh."
"Siguraduhin
mo lang."
"Opo."
-----
Hindi
nagtatanong ni Jesse sa tunay na dahilan ng sakit ni Jonas, gusto niyang
magmula ito sa mga labi nito. Sa bawat pag-uusap kasi nila, nararamdaman niyang
walang balak at umiiwas si Jonas tungkol doon. Ang balak niya ngayon ay malaman
kung ano ang tunay na sakit ni Jonas. Gusto niyang magtanong hindi kay Jonas...
-----
"Kuya."
si Jonas
Nagulat
si Justin nang mag-angat siya ng mukha ay at nakita ang kapatid sa loob ng
opisina niya. "J-jonas? Anong sorpresa ito?" Napangiti siya.
-itutuloy...
[10]
"Kuya."
si Jonas
Nagulat
si Justin nang mag-angat siya ng mukha ay at nakita ang kapatid sa loob ng
opisina niya. "J-jonas? Anong sorpresa ito?" Napangiti siya.
"Busy
ka ba kuya?"
"No!
Basta ikaw. Masaya akong makita ka uli."
"May
gusto lang naman akong sabihin sayo kuya eh. Hmmm ipagtatapat."
"Teka,
maupo ka muna Jonas. Bakit pala parang kakagaling mo lang sa pag-iyak? Parang
nanlala-lalim an mga mata mo?"
Umupo
muna si Jonas bago sumagot. "Wala 'to."
"Oh
ano ang kailangan mo? Balak mo na bang bumalik sa atin?"
Matipid
ang ngiting pinamalas ni Jonas. "Parang imposible mangyari yun kuya. May
sarili na akong pamilya... di ba?"
Nawala
ang mga ngiti sa labi ni Justin. "Jonas, sigurado ka ba sa sinasabi mo?
Pamilya bang matatawag ang sinasabi mong pakikipag-relasyon sa kapwa mo
lalaki." Nagbawi ng tingin si Justin. "Bakit? Ano bang kailangan mo
at napasugod ka rito."
Naramdaman
ni Jonas ang biglang pag-iba ng pakikitungo ng kanyang kuya. "May
ipagtatapat lang ako. Saka kung sakali masabi ko na sayo. May plano ako at sana
yun ang masusunod."
Kunot
noong napatingin si Justin sa kapatid. "A-anong ibig mong sabihin. Ano bang
ipagtatapat mo?"
Napa-labi
si Jonas.Hinahanap niya ang katatagan niya bago siya magsimula. "K-kuya...
may sakit ako."
"Halata
naman sa hitsura mo eh." sagot agad ni Justin. "Una ko pa lang kita
sayo yun agad ang napansin ko."
"Kuya...
hindi isang simpleng sakit meron ako!"
Naputol
ang ssabihin ni Justin ng marinig niya iyon kay Jonas. "P-paanong... anong
sakit?"
Nakuhang
mula ni Jonas ang buong atensyon ng kanyang kuya. Ramdam niya ang concern nito.
"M-may..."
"Sabihin
mo na!" Napatayo si Justin mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair.
"May
cancer ako. Kuya natatakot ako." Tumingin si Jonas ng diretso sa kanyang
kuya nang lumuluha. Hindi makapag-salita ang kanyang kuya. Nakakatitig lang ito
sa kanya na parang tinatantiya siya kung nagsasabi siya ng katotohanan.
"Totoo ang sinabi ko kuya. Bata pa lang ako, alam ko nang may iba akong
nararamdaman. Pero nilihim ko yun sa inyo. Saka kanino ba ako magsasabi? Kay
Tito Ramon?"
"B-bakit
ako... Jonas. Ako ang kuya mo? Bakit mo nilihim?" madaling umikot si
Justin papunta sa harapan ni Jonas. Umupo siya sa kaharap nitong upuan.
Hinawakan niya ang mga kamay nito. "P-paano mo nasigurado? Sabihin mo sa
akin."
Hindi
na napigilan ni Jonas ang humagulgol sa harapan ng kanyang kuya. Alam niyang
totoo ang concern nito sa kanya. "Hindi ko naman kasi inisip na la-lala ng
ganito kuya... Brain cancer 'to kuya."
"Bakit
hindi mo nga sinabi sa akin?"
"May
iniinom akong gamot, akala ko Ok na yun. Nasa amerika ng mga oras na iyon.
Matagal kang bumalik. Hanggang sa natutunan ko na lang na tanggapin na may
sakit ako. Na, na mamatay rin ako. Tutal wala naman akong pamilya..."
"Ako
Jonas, kapatid mo ako. Alam mong mahal na mahal kita. Kung sinabi mo yun sa
akin sana bumalik ako at naipagamot natin agad yan. Alam mong hindi kita
matitiis."
"Alam
ko yun kuya..."
"Pero
bakit hindi mo ginawa. Bakit ngayon lang?" Niyakap ni Justin ang kapatid.
Awang-awa siya. "Pupunta tayo sa ibang bansa para ipagamot natin
yan."
Bumitiw
ang sumisigok-sigok na si Jonas. "Tungkol doon ang gusto kong sabihin sayo
kuya. Sana hindi mo ako tanggihan."
"Ano?"
"Sinabi
ko na sa iyong may kinakasama na ako..."
Nagbawi
ng tingin si Justin. Hindi niya nagustuhan ang pinaalala ng kapatid. "Tayo
lang ang aalis."
"Sige,
pero gusto ko sanang tanggapin mo ang minamahal ko kuya."
Napatayo
si Justin sa kinauupuan. "Bakit pa? B-bakit ko kailangan- Jonas, hindi ka
niya matutulungan. Sino ba kasi yang lalaking kinakasama mo? Jonas, inuulit ko
hindi ka bakla tulad ng pagkaka-kilala sayo."
Kahit
bumalik sa mataas na tono ang pagssalita ng kanyang kuya, pinilit niyang maging
mahinahon. "N-nasa paligid lang siya kuya. Ang ibig kong sabihin... dito
rin siya nagtatrabaho."
"Sino?"
gulat na tanong ni Justin.
Muling
napalabi si Jonas. Tinatanong niya ang sarili kung dapat ba niyang sabihin kung
sino ang tinutukoy niya. "Kuya, ihaharap ko siya pagbalik ko. Aasa akong
tatanggapin mo siya para sa akin."
"Jonas!
Hindi ko masikmura yang mga sinasabi mo..." Napahawak siya sa kanyang ulo.
"Hindi ka seryoso kapatid ko. Sabihin mo... Aalis tayo, kahit bukas.
Pupunta tayo kung saan man, malagpasan mo lang yang sakit mo."
"Kuya..."
"Jonas
nagsisimula na naman tayo. Isipin mo muna ang sarili mo. Iwanan mo muna yang
lalaki mo."
Napa-isip
si Jonas sa sinabi ng kanyang kuya. "Iiwan ko muna si Jesse... Paano kung
hindi nagtagumpay ang magiging operasyon? Parang hindi ko yata kaya kuya. Bakit
hindi na lang natin isama?" Parang bata si Jonas sa harapan ng kanyang
kuya kung sumamo sa nais mangyari.
Napa-buntong
hininga si Justin. "Pasunurin mo na lang siya. Gusto ko, bukas din sa
amerika ka magpapa-konsulta at mag-undergo ng kung anong operasyon kung
kinakailangan."
"K-ku-"
"Yun
ang gusto ko, Jonas. Para sa iyo ang sinasabi ko... Hihintayin kita bukas sa
bahay."
Napayuko
si Jonas nang muling dumaloy ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata.
Natatakot siya hindi lang para sa kanya kundi para kay Jesse. Paano kung hindi
siya makabalik? Naramdaman na lang niyang inaalo siya ng kanyang kuya.
"Sundin
mo na lang ang gusto ko Jonas, magtiwala ka sa kuya mo. Mahal ka ng kuya
mo."
-----
Lulugo-lugo
si Jonas nang lumabas ng kanyang sasakyan. Hindi niya naiwasang lumuha ng
matitigan ang mukha ni Jesse na mapagtanong. Hindi man isa tinig ni Jesse ang
nasa isilp kitang-kita naman ni Jonas sa mukha nito ang pag-aalala. Pinilit
niyang ngumiti. Sinalubong niya sa Jesse ng yakap.
"Anong
nangyari sa lakad mo?"
Nakaakbay
si Jonas kay Jesse. "Halika na sa loob."
Hinihimas-himas
ni Jesse ang likod ni Jonas habang tinatahak nila ang papasok ng bahay.
"Nagugutom ka na no? Tama lang ang dating mo."
Nasa
pintuan na sila sa puntong iyon nang tumigil si Jonas sa paglakad. Humarap siya
kay Jesse nang may masayang mukha. "Sorry..."
Natawa
si Jesse. "Ano ka ba? Para saan? Para ka naman nagbibiro. Ngiting-ngiti
tapos nagso-sorry? Gusto ko tuloy magtaka..."
"Kasi,
nag-resign na ako sa trabaho ko."
"Ba-"
"Doon
na muna tayo sa loob." Hinila ni Jonas si Jesse.
Nagpadala
naman si Jesse at nang makarating sila doon ay inulit niya ang hindi naituloy
na tanong. "Bakit?" Nagtataka lang siya sa desisyon ni Jonas pero
wala siyang balak manghinayang o magreklamo. Ngayon pa na alam niyang kailangan
na magpahinga ni Jonas pansamantala. Magkatabi silang umupo.
"Kasi,
hindi na kami magkaintindihan ng boss ko. Hindi ko na rin matiis. Kaya-"
"Naku,
Ok lang yun. Wag kang mag-alala, naiintindihan ko. Alam ko naman na alam mo ang
ginagawa mo. Maganda nga iyon para makapag-pahinga ka naman. Nahalata ko na rin
kasing bumabagsak ang katawan mo. Akala ko lang nung una mas lalong pumuputi ka
lang, pero hindi pala. Namumutla kamo. Ok lang yun." Niyakap niya si
Jonas. Pagpaparamdam niya ng kanyang pagsuporta sa desisyon nito.
"Huwag
kang mag-alala, marami akong naipon. Alam kong makakasapat sa atin yun habang
wala pa akong bagong trabaho."
"Ano
ka ba? Hindi ko iniisip yun. Basta ang mahalaga sa akin, makita kitang masaya,
hindi nahihirapan. Saka gusto ko talaga makabawi ka ng lakas. Kaya dito ka muna
sa bahay, magtaba." saka tumawa si Jesse.
"Tataba
pa ba ako?" seryosong tanong ni Jonas.
"Napaka-seryoso
mo naman. Oo naman. Hindi man mataba pero yung magkaroon ka ng laman."
natatawang si Jesse.
Napangiti
si Jonas. "Payat na ba talaga ako sayo?"
"Hindi
naman. Tama lang ang katawan mo. Pero mmm siguro mas mas magandang magdagdag ka
pa ng bigat."
"Bakit?
Kung hindi ba ako madagdagan ng bigat mababawasan din ba ang pagmamahal mo sa
akin?"
Napa-kunot
noo si Jesse. "Bakit ang seryoso mo?" Hinawakan ni Jesse ang
magkabilang pisngi ni Jonas. "Siyempre, dahil mahal kita, maging
lumba-lumba ka man o maging payatot, mamahalin pa rin kita. At dahil mahal
kita, ayokong nakikita kang may sakit. Yang ganyan... Ang lungkot mo. Nalulungkot
din kasi ako..."
Napa-buntong
hininga si Jonas. Hinawakan niya ang mga kamay ni Jesse na nasa pisngi niya.
"Huwag kang malungkot, Ok lang ako di ba? Sabi ko sayo, ayokong makita
kang nalulungkot. Ayokong makita kang umiiyak."
"Kaya
nga dapat ipakita mo rin hindi ka malungkot. Dapat happy-happy tayo."
Tumango
si Jonas. Pero saglit siyang natigilan. "Mmm Jesse..." gusto sana
niyang sabihin na may kailangan uli siyang gawin. Na kailangan niyang iwan si
Jesse pansamanta.
"Ano?"
"Wala."
sabay tawa. "Kain na tayo."
Natawa
si Jesse. "Naninibago talaga ako sayo. Ang seryoso mo pero, nakakatawa
na-"
Hindi
na pinatapos ni Jonas ang sasabihin ni Jesse. Agad niyang hinalikan ito ng ubod
ng tamis.
-----
Hindi
magawa ni Jonas na sabihin kay Jesse na kailangan niyang umalis para
magpagamot. Nahihirapan siya. "Dati naman akong hindi nagsasabi ng hindi
totoo kay Jesse, pero bakit ngayon parang wala akong alam na alibi? Ayoko kasi
kitang iwan eh." Hindi niya intesyong maisatinig iyon na ikinagulat ni
Jesse. Nasa sala sila ng gabing iyon habang nanunuod ng telebisyon.
"Ha?
B-bakit, may balak kang umalis?"
"Hindi,
hindi. Naalala ko lang yung linya kanina sa soap-opera."
"Hmm
saan? Wala akong matandaan ah..."
"Never
mind." tumawa si Jonas. "Basta meron yun, pero huwag mo nang intindihin."
Ibinalik
ni Jesse ang atensyon sa pinapanuod. Hindi na niya namalayang nasa iba na
tumatakbo ang kanyang isip. "Ayokong pumasok bukas. May gusto akong
puntahan..." Saka siya napatingin kay Jonas. Napansin niyang hindi na ito
nanonood dahil nakapikit na ito. "Jonas, gusto mo na bang umakyat?"
Napadilat
si Jonas. "Hindi, sige na tapusin mo na yang pinapanuod mo. Saka na lang
tayo umakyat."
"Sige."
Muli niyang hinilig ang ulo niya sa dibdib ni Jonas.
-----
"Hindi
ka talaga aalis?" paninigurado ni Jesse nang sabihin ni Jonas na wala
siyang balak na umalis kinabukasan. "Papasok na ako ha? Dito ka lang. Baka
naman kung ano-ano naman ang gawin mo?"
"Ano
naman ang gagawin ko? E hindi naman ako marunong sa gawaing bahay."
"Alam
ko. Naninigurado lang ako baka magbalak ka eh. Wag kang magpapagod ah."
"Hindi
talaga." Tinaas pa ni Jonas ang kanyang dalawang kamay.
Natawa
si Jesse. "Masunurin. Sige papasok na ako." Tumalikod na si Jesse.
"Bye,
babe."
Agad
namang napalingon muli si Jesse. "Bye babe ka dyan?"
Natawa
si Jonas. "Ayaw mo? Sweet nga eh."
"Oo,
pero saan mo naman nakuha yan ha?"
"Naisip
ko lang." sagot ni Jonas.
"Sige,
bye babe." natawa si Jesse sa panggagaya niya. "Huwag ka ng sumunod
ako na ang magsasara ng gate. Dyan ka lang."
"Grabe
naman 'tong babe ko. Lahat na lang."
"Shhh...
bye babe." Kumaway na si Jesse para magpaalam.
-----
Naabutan
ni Jesse ang kanyang boss na may pinapagilang empleyado ng opisina. "Si
Sir mainit na naman ang ulo." naibulong niya habang papalapit. Kung saan
kasi malapit ang locker room naroon nakatayo ang kanyang boss.
Nalingunan
ni Justin si Jesse na papalapit. "Hindi ka na naman pumasok kahapon."
Seryoso pero hindi galit na tanong ni Justin.
"Ayy
Sir James, sorry po nagkasakit po kasi yung kasama ko." Hinintay ni Jesse
na sumagot ang kanyang boss sa reason niya. Pero wala itong sinabi. Tumalikod
din ito sa kanya. "Teka Sir, bakit parang malungkot na naman kayo? Nung
isang araw lang ang saya-saya niyo ah?" Walang pakialam si Jesse sa
katayuan niya sa itinanong. Basta komportable siya sa sinabi.
Kunot-noong
tumingin si Justin kay Jesse. "Nagmamadali lang ako. Inaasikaso ko lang
itong mga iiwanan ko. Tapos mga nagkakamali pa. Ang aga-aga mga wala sa
hulog."
"Ahh...
Sige po Sir, magtatime in na po ako." Sa pangalawang beses hindi na uli
sinagot ng kanyang boss ang kanyang sinabi. "So mamaya makakapag half day
ako. Hindi ako mahihiya kasi aalis si Sir. Yes."
Natuwa
si Jesse sa mga posibleng mangyari. Umaayon sa plano niya ang pagkakataon.
-----
Kanina
pa pinalagay ni Jesse ang kanyang loob bago pumunta sa isang kilalang pharmacy.
Alam niyang masasagot ang tanong niya mula sa hawak-hawak niyang maliit na
bote. Naka-kuha siya ng isang empty bottle sa isa sa mga drawer ni Jonas. Nang nabasa niya ang description, nalaman
niyang iyon ay pain reliever. Pero ang tanong niya ay kung bakit ilang lalagyan
na ang meron si Jonas. Naisip niyang hindi lang nung isang nung isang araw
sumasakit ang ulo ni Jonas, kundi matagal na siyang nakakaramdam ng pananakit
ng ulo. "Bakit?"
Sa
tanong na iyon ni Jesse, akala niya ay may lakas na siya ng loob. Napagtanto
niyang bumalik lang ang takot niya sa kung anong malalaman niya.
Tumayo
na si Jesse sa pagkakaupo sa isang karendirya kung saan siya kumain ng
tanghalian. Sa kabilang kalsada naroon ang pharmacy kung saan siya magtatanong.
Kahit kumakabog ang dibdib, tinangka na niyang tawirin ang kalsada.
-----
"Magkano
po kaya ito..." ipinakita ni Jesse ang bote na kunyari ay gusto niyang
bilihin.
Kinuha
naman ng lalaki ang pinakita niyang bote. "Ah Sir, kailangan po namin ng
reseta kapag ito ang bibilihin nyo."
"Ha?
Ah... ganun ba? Napag-utusan lang kasi ako eh."
"Kailangan
po talaga ng reseta."
"Sige
babalik na lang ako. Pero, matanong ko lang. Para saan ba itong gamot na
ito?"
Kumunot
noo ang lalaki. "Hindi niyo po alam?"
Ngumiti
si Jesse. "Mmm alam ko pain reliever 'to. Sa... sakit ng ulo. Gusto ko
lang malaman kung hanggang saan ang kaya nitong sakit."
"Ah...
kasi sa pagkakaalam ko po Sir, high
dosage po ito na ginagamit sa may mga migraine. Hindi ito sa mga simpleng sakit
lang ulo."
"Migraine..."
ngumiti si Jesse. "Tama, iyon nga ang nararamdaman ni Jonas. Sala-"
Hindi niya naituloy ang pasasalamat nang magsalita uli ang lalaki.
"Saka
Sir, pwede rin ito sa mga may cancer..."
Parang
nawalan ng pandinig si Jesse nang marinig ang salitang cancer. May sinasabi pa
ang lalaki pero ang paulit-ulit na tumatakbo sa isipan niya ang salitang
"cancer." "Si Jonas...? I-imposible naman mangyari yun...
Sigurado ka ba?"
"Opo
Sir."
"S-salamat."
Agad na tumalikod si Jesse para lumabas sa malaki at kilalang pharmacy na iyon.
-----
"Imposible..."
naluluha si Jesse habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Hindi niya alam kung
saan siya susunod na pupunta. Basta lang sinusunod niya ang galaw ng kanyang
mga paa. "Hindi magkakaroon ng ganoon si Jonas. Imposible talaga."
Sumusikip
ang dibdib ni Jesse sa patuloy niyang pag-iisip kaya naman nang makakita siya
ng isang bench na maaring maupuan ay sinadya na niyang maupo muna. Doon niya
nilabas ang nadaramang kaguluhan ng kanyang isipan.
-----
Sakay
si Jonas ng sarili niyang kotse. Nasa harapan siya ng gusaling pag-aari ng
kanyang kuya Justin. Kung saan din nagta-trabaho si Jesse. Alam niya ang
pinag-usapan nila ng kanyang kuya, tandang-tanda nya. Pero ngayon niya nabuo
ang desisyong hindi siya aalis hanggang hindi niya kasama si Jesse. Sisikapin
niyang maayos kaagad ang dapat ayusin ni Jesse para makalipad din ito papunta
sa ibang bansa. Susuwayin niya ang gusto ng kanyang kuya.
Galing
na rin si Jonas sa kung saan siya nagpapakonsulta. Sabi ng kanyang doktor,
kailangan daw ng consent ng kamag-anak niya ang gagawing operation kung
sakaling makuha na niya ang resulta. Kaya talagang kailangan na malaman ng
kanyang kuya kung sasa-ilalim siya sa isang operasyon.
"Narito
lang rin naman ako, susunduin ko na lang si Jesse. Sabi niya huwag ko na raw
siyang sunduin." napa-ngiti siya. "Sigurado magagalit sa akin yun.
Te-text ko muna siya."
-----
Malapit
na si Jesse sakay ng jeep ng tumunog ang kanyang cellphone. Nagtext si Jonas.
Nagreply siyang huwag na. Dahil sakay na siya ng jeep.
------
Parang
hindi magawang pumasok ni Jesse sa loob ng bahay. Mabigat ang kanyang katawan,
nanginginig. Kanina nang nagreply siya sa text ni Jonas, hindi niya maiwasang
maluha dahil sa pag-aalala. Saka niya napansin na wala ang sasakyan ni Jonas.
Nagmadali
siyang pumasok. "Nagkasalisi kami ni Jonas, sabi ko naman huwag na ako
sunduin eh. Makulit talaga."
Nakapasok
na siya sa loob ng bahay at nakapikit na binagsak ang katawan sa sofa.
Hinihintay niyang marinig ang ugong ng sasakyan ni Jonas.
------
Hindi
naman nagtagal narinig na ni Jesse ang ugong ng sasakyan. Agad siyang
bumalikwas para tunguhin ang pintuan. Binuksan ang gate at isinara ito nang
makapasok ang sasakyan ni Jonas. Hindi niya hinitay na makalabas ito. Nauna na
siyang pumasok sa loob ng bahay.
"Hindi
kita napansin na lumabas?" maya-maya tanong ni Jonas nang makasunod na.
"Hindi
nga rin kita napansin eh. Late ka na kasi nagtext. Magluluto lang ako Jonas.
Saglit lang ha?"
"Parang
malungkot ka? Jesse... may... masaba ba pakiramdam mo?"
"Hindi
ah?" ngumiti ng matamis si Jesse.
"Mmm
baka naman galit ka sa akin dahil hindi ko sinunod yung gusto mo?"
"Na
alin? Yung huwag mo akong sunduin? Ok lang, wala namang nangyari sayong masama.
Sa uulitin lang ha sumunod ka sa akin paminsan-minsan."
Sumunod
si Jonas sa kusina kung saan nakatayo si Jesse. "Susunod naman ako sayo
lagi. Nasunod pala." Niyakap niya si Jesse habang nakatalikod ito na para
bang miss na miss.
"Talaga?
Dapat pati magsabi ng totoo ganun din." napalunok si Jesse sa nasabi niya.
Ayaw niyang makahalata si Jonas.
"Oo
naman. Sa katunayan nga, gusto ko asikasuhin natin maka-kuha ng passport, gusto
kong makapunta tayo sa ibang bansa."
Umikot
si Jesse habang yakap ni Jonas. Magkaharap na sila. "Ano na naman yang
naiisip mo?"
Natawa
si Jonas. "Ayaw mo? Ipapakilala na kita sa kuya ko. Tapos pupunta tayo sa
ibang bansa."
"M-may
kuya ka?"
"Oo."
Napa-ismid
si Jesse. "Sabi na dapat kang magsabi ng totoo. May kuya ka pala. Akala ko
ba ulila ka na?"
"Hindi
ko pa ba nasabi sayong may kuya ako?"
"Hmpt,
wala akong matandaan. Ang natatandaan ko malayo ang mga kamag-anak mo saka
hindi ka na kinikilala."
Natawa
si Jonas. "Basta may kuya pa ako. Tapos pupunta tayo sa ibang bansa."
"Bakit?"
seryosong tanong ni Jesse.
Napa-titig
naman si Jonas. "Kailan ko ba masasabi kay Jesse ang katotohanan. Sobra
akong natatakot."
"Bakit
nga?"
"Bakasyon."
"May
trabaho pa ako."
"Magagawa
natin yan ng paraan."
"Ikaw
na nga ang bahala." sang-ayon na lang ni Jesse. Umikot uli siya para
harapin ang lababo. Yakap parin siya ni Jonas. "Hindi ba sumakit yang ulo
mo?"
"Hindi.
Magaling kasi yung nurse ko eh." natatawang sagot ni Jonas.
"Nurse!
Sino namang nurse yan?"
"Siyempre
yung yakap ko."
"Mmm..."
humarap uli si Jesse. "Ayoko ng nurse, gusto ko doktor."
Natawa
uli si Jonas. "Sige, ikaw bahala."
"So
dapat susundin mo ako di ba kasi ako doktor?"
"Oo
naman."
"Samahan
kitang magpa-check-up."
Natulala
si Jonas sa sinabing iyon ni Jesse. "Huh?"
"Oo."
Pinilit
na tumawa ni Jonas. "Huwag na maabala pa kita sa trabaho mo. Ako na
lang."
Hindi
alam ni Jesse kung ano ang nagtulak sa kanya at bigla niyang niyakap si Jonas,
ng mahigpit. Bumilis ang tibok ng kanyang puso. "May tinatago sa akin si
Jonas, nararamdaman ko. Ayoko marinig iyon. Natatakot ako."
[11]
"Astrocytomas..."
Napalunok
si Jonas nang sabihin ng doktor ang resulta ng isinagawa nilang pagsusuri.
Hindi maganda sa kanyang pandinig ang salitang iyon. "A-ano po ang ibig
sabihin noon Doc?"
Huminga
muna ng malalim ang doktor saka umupo. "Ah, hindi ko na ipapaligoy-ligoy
pa no... May tumor ka sa iyong utak."
Inalis
ni Jonas ang tingin sa doktor saka yumuko. Tumango lang siya. Expected na niya
iyon.
"Nakuha
mo yan simula pa noong bata ka Mr. S-schroeder. Siguro, kung noon mo pa yan
napakunsulta, maaring naagapan pa yan kahit sa ilalim lang ng radation. Maaring
maging inactive yan. Meron ding sumas ilalim sa stereostatic surgery..."
muling huminga ng malalim ang doktor. "Pero dahil ngayon mo lang yan
napakonsulta, halos nasa stage three ka na..."
"Sige
lang dok, ituloy niyo lang... Gusto kong marinig ang lahat. Kahit wala na akong
pag-asa, malaman ko lang kung hanggang saan na lang ako." Naluluhang sabi
ni Jonas.
"May
mga ilang treatment na maari naman tayong gawin. Radiation, maarin nating
mapahaba ang iyong..." tumikhim muna ang doktor. "ang iyong
survival... Operation... ang pinaka-maganda mong pagdesisyunan. Sumailalim ka
sa operasyon. Susubukang tanggalin ang tumor na kumalat sa iyong utak.
Chemotherapy... pero hindi ko masisigurado kung magtatagumpay tayo."
Dahil
sa sinabing iyong ng doktor, hindi na napigilan ni Jonas ang maluha.
"Mr.
Schroeder..."
"Ok
lang ako dok. Don't worry, alam ko ang katayuan ko."
"Well,
kung magpapatuloy tayo sa treatment ng iyong... kailangan mong ipaalam ito sa
iyong pamilya."
Panay
ang hinga ng malalim ni Jonas. Naninikip ang dibdib niya. Ang katotohanan,
hindi sarili niya ang naiisip niya, kundi si Jesse na maaring maiwanan niya sa
madaling panahon.
-----
"Bakit
hindi ka pumunta kahapon?" Napatayo si Justin mula sa sofa ng makitang
pumasok si Jonas sa pintuan. Kahapon pa niya ito hinihintay. "Pero, huwag
mo nang isipin yun. Ang mahalaga narito ka na."
"Nagbago
ang isip ko kuya..."
Magsasalita
sana si Justin nang biglang sumulpot ni Yaya Koring.
"Jonas,
iho." lumuluhang si Yaya Koring.
Napa-tingin
si Jonas sa kuya niya. Nagtatanong ang mga mata niya kung may sinabi ba siya sa
kanyang yaya. Pero umiling ang kanyang kuya na itinatangging wala itong
sinasabi sa matanda.
"Kamusta
ka na, Iho?"
"Maayos
naman po Yaya Koring."
"Babalik
ka na dito? Matagal ka nang hinihintay ng kuya mo. Lagi ko na lang siyang
nakikitang malungkot. Aba'y simula nang mag-alisan kayo rito, wala na yatang
kasiyahang nangyari dito sa iyong tahanan. Ako nama'y naghihintay na lang ng
kamatayan pero ayoko namang makita kayong parang hindi na nabibiyayaan ng
kasiyahan."
"Huwag
po kayong mag-alala Yaya, maayos naman kami. Siguro dahil mga busy na kami
ngayon sa mga sarili naming buhay."
"Bakit,
may asawa ka na ba?"
Napa-tingin
si Jonas sa kanyang kuya. Nakita niyang napa-buntong hininga ito at tumingin sa
kabilang banda. Halatang hindi nito nagustuhan ang tanong ng matanda. "Oho
yaya."
"Oh
eh, bakit hindi mo dalhin dito. Alam ko naman na gusto rin ng kuya mong makita
ang asawa mo."
Nalunok
si Jonas saka bumuntong hininga. "Huwag po kayong mag-alala, pasasaan pa
at matatanggap din ni kuya ang asawa ko." saka tumingin si Jonas sa
kanyang kuya. Nahuli niya itong umismid. "Ah yaya Koring, na-miss ko kayo
sobra pero, gusto kong makapag-usap muna kami ni Kuya."
Tumango
ang matanda at saka umalis.
"Ano?"
pagalit na tanong ni Justin. "Ano na naman ang gusto mong mangyari? Akala
ko ba nagkasundo na tayo. Ano ba ang gusto mong mangyari sayo?"
"Kuya,
pumunta lang ako dito para sabihin sayo na hindi ako sasama sayo hanggat hindi
ko kasama si Je-" hindi niya naituloy ang pangalan. "Aasikasuhin ko
ang papeles niya para makasakay din siya ng eroplano kung saan ko man balak
magpa-opera."
"Jonas!!!"
naglabasan ang mga litid sa leeg ni Justin.
"Buo
na ang pasya ko."
Naningkit
ang mga mata ni Justin. "Talagang wala kang pagsunod sa kuya mo. Sige,
ikaw na ang bahala sa sarili mo." Lumakad palabas si Justin.
"Kuya.."
tawag ni Jonas. Nasaktan siya sa sinabi ng kanyang kuya. Binabalewala na siya
nito. Pero alam niyang kasalanan din naman niya. "Kuya, ang gusto ko lang
naman ay tanggapin mo ako kung ano ako. Yun lang kuya, tanggapin mo kami...
Kuya, nagmamahal ako. Importante sa akin ang mabuhay kung kasama ko
siya..." Pero parang nagsalita lang siya sa kawalan nang tuluyan nang
nakalabas ng pintuan ang kanyang kuya Justin.
Hindi
kinaya ni Jonas ang dinadalang emosyon kaya napaluhod siya saka umiyak.
-----
"Oh
Sir James, consistent yata ang kalungkutan mo ngayon ah..." buo ang loob
na salubong ni Jesse sa kanyang boss nang papalabas siya para kumain ng
tanghalian.
Napatigil
si Justin sa paglalakad nang marinig niya ang sinabi ni Jesse. Natulala siya
habang nakatingin dito. "Teka, saan ka pupunta?" kunot-noo nitong
tanong.
"Ah,
Sir breaktime po kaya?" natawa si Jesse. "Late na kayong pumasok
Sir."
"Ah
hindi, sinadya kong ngayon lang pumasok. Saan ka ba?"
"Saan?"
"Saan
ka kakain ng tanghalian?" pag-uulit ni Justin.
"Ayy,
dyan lang po sa tapat."
"Sige
mauna ka na." Pagkatapos ay tumalikod na si Justin.
Naiwan
si Jesse na nagtataka sa sinabi ng kanyang boss. "Sige mauna na daw ako?
Ano yun, tapos sabay alis. Grabe, ibang klase si Sir." napangiti na lang
siya saka tumuloy sa karendirya sa kabilang kalsada.
-----
"May
gusto lang ako idagdag sa pinagawa ko." agad na sagot ni Jonas nang
mapansin niya ang mapagtanong na mukha ng kaibigan niyang abogado.
"Kaya
pala nasugod ka."
"Busy
ka ba? Gusto ko kasing magmadali eh."
Natawa
ang kaibigang abogado. "Basta ikaw pare, wala akong gagawin. Minsan ka
lang naman humingi ng pabor."
Napangiti
ng maluwang si Jonas.
-----
"Sir
Justin? A-anong ginagawa niyo rito?" gulat na gulat si Jesse nang
maangatan niya ng mukha ang kanyang boss sa harapan ng lamesang inuukopa niya.
"naka-order
ka na agad? Sabi ko mauna ka lang. Hindi maunang kumain."
"P-po?"
Napatingin si Jesse sa paligid. Tulad din niya, gulat din ang mga nasa mukha ng
mga ibang empleyado ng supermarket nang makita nila ang boss nila sa
karendiryang yun.
"Ano
bang inorder mo?"
"A-ah
eh..." hindi masabi ni Jesse ang inorder niyang ulam.
"Gatang
kalabasa?" tanong ni Justin. "Hindi mo ba ako papaupuin?"
"Ay,
Sir maupo po kayo." Binawa ni Jesse ang pagkabigla. "K-kasi naman
Sir, nakakagulat naman kayo. Hindi ko inaasahang kakain kayo, d-dito sa
karenderya."
Imbes
na sagutin ni Justin ang sinabi ni Jesse, nagtanong siya kung paano umorder ng
pagkain. "Paano nga ba?"
"Ay
Sir walang waiter dito, pupunta po talaga kayo sa mga nakadiplay doon magsabi
tapos dadalhin na lang dito."
"Ah
ganon ba? Sandali." Tumayo si Justin para umorder ng kanyang kakainin.
"Anong
problema ni Sir?" naisip niya. Saka siya kinalabit ng ka-trabaho sa
kalapit lamesa.
"Jesse,
anong meron bakit napakain mo dito si Sir?"
"Ay,
hindi ko alam. Nagulat nga ako na nasa harapan ko na eh." sagot ni Jesse.
"Napansin
ko lang yan kanina si Sir, masama na naman ang hitsura, pero ngayon parang
walang problema. Natural na seryoso lang."
Bahagyang
natawa si Jesse. "Basta hindi ko alam. Nagkataon lang siguro na naisipan
ni Sir na kumain dito at sa lamesa ko natyempuhan. Paano wala akong
katabi."
"Oo
nga swerte mo."
"Swerte?"
"Swerte
mo dahil mukhang ang daming inoorder ni Sir oh, imposibleng hindi ka niyang
hahatian."
"Loko
ka. Malakas lang siguro kumain."
"Sige
na pabalik na si Sir." saka tumalikod ang katrabaho.
Hininay
ni Jesse ang kanyang boss na na maka-upo. Hindi siya maka-imik dahil bigla
siyang nahiya rito.
"Anong
sinabi sayo?"
"Po?"
"Teka,
iwasan mo nga na mag-po sa akin. Ok na yung pagtawag ng sir. Ano nga ang sabi
sayong ka-trabaho mo?"
"S-sige
Sir. Pero wala naman pong sinasabi."
"Kahit
nakatalikod ako sa inyo nakikita ko kayo sa salamin."
Napatingin
si Jesse sa direksyon kung saan nakikita ang kanilang reflection. Napa-ngiwi
siya nang mapagtantong nagsasabi nga ng totoo ang kanyang boss. "Oo nga."
Natawa siya.
"Oh
anong sabi?"
"Katulad
ko kasi Sir, nagtataka kung kayo narito ngayon."
"Bawal
ba kumain dito ang may ari ng pinagtatrabahuan niyo?"
"Ay
hindi naman po." agap ni Jesse.
"Po?"
"Ay
Sir, kasi karaniwan sa restaurant kayo nakain."
"Gusto
ko dito. May problema ba?"
"Wala
naman po. Ay Sir ayan na yung inorder nyo." paalala ni Jesse nang
mapansing parating na sa likuran ng boss inorder nito.
"Mmm
napansin ko kasi na mura lang pala ang mga pagkain dito kaya, umorder na ako ng
mga-" Hindi naituloy ni Justin ang sasabihin nang magsalita ang nagsilbi
sa paghahatid ng pagkain.
"Sir,
mukhang hindi po kakasya dito sa lamesa ang mga inorder niyo. Mukhang wala pong
bakanteng lamesa." sabi ng
serbidora.
"Ah
lagyan mo lang kami dito ng iba't ibang putahe tapos sa ibang lamesa mo na lang
ilagay." sagot ni Justin.
Agad
may nag-react sa likuran ni Jesse. "Sir James, totoo ba yung narinig
ko?"
"Huwag
nang sumigaw." Paalala ni Justin.
"Wow,
thank you Sir."
Maya-maya
pa ay hindi na napigilan mailabas ang kasiyahan nang sa bawat lamesa ay may
inilapag na putahe. Habang si Jesse ay hiyang-hiya sa kaharap dahil dalawa lang
sila sa lamesang iyon. Naalala niya si Jonas. "Parang ganito lang kami ni
Jonas kapag kumakain sa katabing restaurant, bumabaha sa pagkain. Ang
pinagkaiba nga lang dito mas mura ang pagkain."
"Kain
na." paalala ni Justin.
Parang
nagising sa katotohanan si Jesse nang pansinin siya ng kanyang boss. "Ay
oo nga pala."
"Kung
saan-saan kasi lumilipad ang isip mo." sabi ni Justin habang inuumpisahan
na niyang padapuin ang pagkain sa kutsara't tinidor nito.
Natawa
si Jesse. "Hindi naman Sir. Ikaw nga itong ang daming iniisip."
"Kumain
na."
"Opo."
Natuptop ni Jesse ang bibig. "Ay oo."
-----
"San
ka galing?" tanong ni Jesse nang makasakay na sya kotse ni Jonas.
"Wala
naman. Nagpa-ikot-ikot lang bago kita sunduin."
"Natatawa
ako kanina nang tumawag ka eh."
"Bakit?"
takang tanong ni Jonas. "Masaya kaya ngayon?"
"Kasi
kanina kung makatawag, Jesse, huwag aalis, susunduin kita... para naman kung
makabilin tatakbuhan ko siya." sabay tawa.
Natawa
rin si Jonas. "Kasi naman baka magkasalisi pa tayo."
"Oo,
yun nga rin ang naisip ko kung bakit ganun ka tumawag eh. Kamusta pala
pakiramdam mo?"
"Wag
kang mag-alala magaling na ako."
Dinaan
ni Jesse sa biro ang sasabihin niya. "Weh sinong niloko mo..."
Kahit
biro hindi nakalagpas iyon kay Jonas. Natahimik siya.
Hindi
na rin naman nagsalita si Jesse dahil nakakaramdam siya.
-----
"Sa
lunes huwag ka na pumasok, aasikasuhin nating magkaroon ka ng passport."
sabi ni Jonas habang kumakain sila.
"Huwag
na pumasok?"
"Gusto
ko sanang mag-resign ka na."
"Jonas,
isang buwan na lang. Wala na nga sa isang buwan eh."
"Gusto
ko kasi maasikaso na agad yun para makaalis na tayo."
"Ano
bang meron sa pupuntahan natin bakit parang atat na atat ka?" tanong ni
Jesse.
"Huwag
ka na magtanong. Kain na lang tayo."
"Lagi
mo na lang akong binibitin." Tatayo sana si Jesse.
"Saan
ka pupunta?" Pigil agad ni Jonas.
Natawa
si Jesse. "Kukuha lang ako baso."
"Akala
ko kasi nagagalit ka." si Jonas. "Ako na kukuha, ako malapit
eh."
"Nakakatawa
ka. Bakit naman ako magagalit eh wala naman ginagawa ang nambibitin kong si
Jonas." sabay tawa.
"Nambibitin
pala. Mamaya hindi kita bibitinin." Hawak-hawak ni Jonas ang baso nang
bigla siyang mawalan ng panimbang. Dahil doon nabitawan niya ang baso. Nabasag
ito sa sahig.
Napatayo
si Jesse sa gulat. "Bakit?" Agad siyang sumaklolo kay Jonas.
"Ano na naman ang nararamdaman mo?"
"Na-nahihilo
lang ako. Dumilim kasi bigla paningin ko."
"Jonas?"
"Ok
na ako. Sandali kukuha lang ako ng pandakot."
"Hindi,
ako na. Umupo ka na. Ako na." Inalalayan ni Jesse si Jonas makaupo.
"Dahan-dahan matapakan mo ang mga bubog... Ayan, sandali. Huwag kang aalis
dyan kukunin ko lang ang dustfan saka walis."
Nang
makatalikod si Jesse kay Jonas halos hindi na niya mapigilan ang kanina pang
tinatagong emosyon. Hindi niya nagugustuhan ang mga nangyayari kay Jonas.
Nahawakan niya ang kanyang dibdib dahil naninikip ito sa pinipigil emosyon.
Natatakot na siya. Pero ayaw niyang ipakita kay Jonas. Kahit alam niyang may
dustpan sa malapit sa kusina, mas minabuti ni Jesse na dumiretso sa may pinto
sa labas para doon kumuha ng gamit.
Ilang
ulit muna siyang huminga ng malalim at pinagbuti ang pakiramdam ng mga mata
bago siya muling pumasok.
"Jesse,
bakit parang ang tagal mo?"
"H-ha?
Kasi may pusa, kinakalat yung basura sa labas. N-napansin ko kasi kanina kaya
doon na ako dumiretso para kunin itong dustpan at walis."
"Pasensiya
na Jesse."
"Ano
ka ba? Hindi mo kailangan humingi ng pasensiya. Natural lang na makabasag ka ng
baso kasi nahilo ka. Alangan namang mag-circus ka pa." nagpapatawa siya.
"Tigilan mo na yang kaka-sorry mo ha? Wala yan."
Napabuntong
hininga na lang si Jonas.
Habang
napapalunok naman si Jesse.
-----
Kinabukasan
ng umaga...
"Jonas,
kung hindi ko pa napansing gagamit ng cellphone si yaya koring hindi ko pa
malalaman na nag-iwan ka sa kanya ng cellphone number mo. Bakit hindi ako ang
binigyan mo? Wala ka ba talagang balak na humingi ng tulong sa akin ha Jonas?
Kung alam mo lang kung gaano ako nag-aalala, kung ano-ano na ang ginagawa ko
para kahit papaano hindi sumakit ang ulo ko kakaisip sayo, pero ikaw parang
wala ka talagang awa sa sarili mo." Ito ang sunod-sunod na salita ni
Justin gamit ang cellphone.
"Inaayos
ko lang ang passpport ng asawa ko sa lalong madaling panahon para makaalis na
ako."
"Kailan
pa yan kapag namumuti na yang mata mo? Jonas, hindi ka hinihintay ng sakit
mo..."
"Kuya,
huwag ka na lang mag-alala. Magpapa-opera ako. Sigurado yan, gusto ko pang
mabuhay. Pero sisiguraduhin kong kasama ko si Jesse."
"Letseng
Jesse na yan. Gaano ba kalaki ang pagkalalaki niya na yan at hindi mo
maiwan-iwanan?"
"Natatakot
lang akong hindi maging maganda ang resulta. Ayokong mawala siya sa tabi
ko."
Sunod-sunod
na mura ang pinakawalan ni Justin.
"Kuya..."
Pero wala nang sumasagot sa kabila ng phone.
-----
Nangingig
ang mga kalamnan ni Jesse habang patakbong tinutungo niya ang labas ng pinto.
Hindi siya makapaniwala sa narinig niya. Parang hindi siya maka-hinga. Parang
sasabog ang ulo niya. Nawawalan siya ng panimbang na para bang sa kahit anong
sandali ay mawawalan siya ng ulirat.
Tatawagin
sana niya si Jonas para bumama. Tapos na niyang ihanda ang almusal at ready na
siyang pumasok. Hindi niya inaasahang sa likod ng pinto ay may kausap si Jonas
na sa pagkakaintindi niya ay tinawag niya itong kuya. Pero hindi iyon ang
dahilan ng ikinabigla niya.
"S-si
Jonas, magpapa-opera? May malalang sakit si Jonas..." Natuptop niya ang
kanyang bibig. Hindi siya makapaniwala sa nasabi niya. Iyon ang paulit ulit na
sumisiksik sa kanyang isipan. "Hindi ako naniniwala..." hindi na niya
napigilan ang nagaalpasang mga luha.
Nawawalan
siya ng lakas para tumindig. Ibinagsak na lang niya ang sarili sa lapag.
[12]
Siniguradong
maayos ang mukha ni Jesse bago siya tumayo sa pagkakaupo niya sa sahig malapit
sa kanilang gate. Alam niyang mahahalata ni Jonas ang pamumula ng kanyang mga
mata. Gagawa na lang siya ng dahilan. Basta ang mahalaga maipakita niyang wala
pa rin siyang nalalaman. Maging natural ang lahat. Ayaw niya munang magsalita.
Pero sa lalong madaling panahon, kahit bukas, sisikapin niyang makagawa ng
paraan para maituloy na ni Jonas ang sinasabi nitong pagpapaopera.
Napa-tingala
siya. Sinisikap niyang labanan ang napipintong pagluha na naman. Ilang ulit
huminga ng malalim. Saka muling naglakad papasok.
Nagtataka
rin siya kung bakit hindi man lang siya napansin ni Jonas kanina. Malamang na
nakababa na si Jonas dahil umalis siya nang natapos na ang pakikipag-usap nito.
Naisip niyang nasa kusina na ito dumiretso at naghihintay sa kanya.
"Jonas..."
tawag niya. Hindi pa kasi siya nakakarating sa pinaka dining area.
"Jonas?... Hindi ka pa nababa?" sabi niya nang makarating siya sa
dining area na walang Jonas. Napa-buntong hininga siya. "Nasa taas pa
siguro, tinamad bumaba dahil sa nangyari kanina." Isa pang buntong
hininga.
-----
"Jonas..."
Hindi tuluyang pumasok si Jesse sa loob ng kwarto. Kumatok muna siya.
"Jonas?" Ilang ulit pang pagkatok at pagtawag at napilitan na rin
siyang buksan ang pinto.
Laking
gulat niya nang makita si Jonas sa sahig na walang malay. "Jonas..."
-----
Tulala,
naghihintay ng impormasyon mula sa doktor,
si Jesse habang nakaupo sa labas ng emergency room. Panay ang agos ng
kanyang luha kasabay ang walang awat na dasal na walang mangyaring masama kay
Jonas.
"Ah,
kayo po ba ang kasama ng pasyente?"
Nagulat
pa si Jesse nang biglang magsalita ang doktor sa kanyang likuran. "O-opo.
Kamusta po."
"Ah,
maayos na ang pasyente... sa ngayon. Lagi mong ipapaalala na huwag siyang
laging nag-iisip para hindi dumalas ang pagsakit ng ulo niya. Huwag niyo
bigyang ng isipin. Kapag nakapagpahinga na siya maari na rin siyang
lumabas."
Napapa-tango
lang si Jesse pero ang kanyang isipan ay panay pasasalamat.
-----
Pansamantalang
inilipat si Jonas sa ibang kwarto. Hindi naman din sila magtatagal doon.
Hinihintay lang ni Jesse na magising si Jonas at kung may lakas na uli itong
makalakad. Pero hindi pa rin niya maiwasan ang mag-alala. Alam niyang
panandalian lang ang maayos na pakiramdam ni Jonas. Inaalala niya ang susunod
na aatake ang sakit nito.
"J-jesse..."
unang salitang lumabas sa bibig ni Jonas nang magsimulang magmulat.
"Jonas,
nandito lang ako." Agad niyang hinawakan ang kamay ni Jonas.
Nilingon
ni Jonas si Jesse. "Nasaan tayo?"
"Sinugod
kita dito sa hospital. Nakita kasi kita sa kwarto na walang malay."
Naluluhang sabi ni Jesse.
Agad
bumangon si Jonas. "Halika na. Ok na ako. Umuwi na tayo."
Napatayo
si Jesse. "Ano ka ba, Jonas?" Pinipigilan niya si Jonas pero nauna na
itong bumaba sa higaan. "Hindi ka pa nakakapagpahinga ng maayos ano ka
ba?"
"Ok
na ako. Uuwi na tayo. Oh, bakit ka na naman umiiyak?" Kunot noong si
Jonas.
Napatitig
ang lumuluhang mga mata ni Jesse. "Ako? Bakit ako umiiyak? Hindi mo alam..."
Niyakap
ni Jonas si Jesse. "Tahan na. Uuwi na tayo, Ok na ako."
"Paano
ba ako tatahan Jonas?"
Inilayo
ni Jonas ang katawan kay Jesse saka pinahid niya ang magkabilang pisngi ni
Jesse na basang-basa ng luha. "Ano bang sabi ko sayo, ayokong nakikita kitang
ganyan."
"Hindi
ko yata kaya Jonas."
"A-anong
hindi mo kaya? Hindi mo na ba ako kaya? Ano bang ibig mong sabihin?"
Napatitig
siya kay Jonas. "P-paano kung ganyan ang ibig sabihin ko?"
Natigilan
si Jonas habang nakatitig sa mukha ni Jesse. "Halika, umuwi na tayo. Kung
ano-ano na ang iniisip mo." Aktong hihilahin niya ang kamay ni Jesse
palabas ng kwartong iyon.
"Jonas."
awat ni Jesse. "Hanggang kailan mo ba kasi ililihim ang sakit mo? Kapag
naghihingalo ka na? Ang sabi ko, hindi ko na kaya... hindi ko na kayang
magpanggap na walang alam. Ayokong isipin na, na may malubha kang sakit dahil
ako ang mas nasasaktan. Mahal kita alam mo yan. At mahal mo ako, alam ko yun.
Pero bakit hindi mo sa akin sabihin? Para dalawa tayo. Jonas, sinosolo mo...
bakit?
Humarap
si Jonas kay Jesse. Ipinatong pa niya ang dalawang kamay sa magkabilang balikat
nito. "Wala kang alam."
"Alam
ko."
Napa-luha
si Jonas. "Huwag mo akong kaawaan. Please. Malalagpasan ko rin ito.
Malulungkot ka lang kapag iniisip mo yun. Wala akong sakit." Saka niya
niyakap si Jesse. "Please, Jesse. Wala kang alam."
"Hanggang
kailan Jonas? Hanggang kailan ako dapat na walang alam? Makakaya ko ba? Sa
araw-araw na inaatake ka ng sakit mo, tingin mo matatagalan ko bang hindi
madurog ang puso ko sa tuwing makikita kitang nahihirapan?" Kumawala siya
sa pagkakayakap sa kanya ni Jonas. "Hindi simpleng lagnat lang ang sakit
mo Jonas na pwede kitang iwanan kasama ng mga gamot mo. Jonas can-" Hindi na
naituloy ni Jesse ang sasabihin dahil tinakpan ni Jonas ang labi niya.
"Ayokong
babanggitin mo yan. Wala akong sakit. Sige, oo may malubha akong sakit pero
pupunta tayong states para doon ako magpaopera. Ipapakilala kita kay kuya kapag
naayos mo na ang passport mo at kung ano-ano para makasama ka. Yun lang ang
hinihintay ko Jesse. Ayoko kasing mawala ka sa tabi ko." Mas lalong
nanlabo ang mga mata ni Jonas dahil sa luha. "Paano kung hindi ko
nakayanan? Paano kung hindi ako makabalik? Ayokong masayang ang mga oras na
hindi kita makakasama Jesse. Kaya please, pagbigyan mo ako. Isasama kita. Yun
lang, tapos magpapaopera na ako."
Kung
gaano ang sakit na nararamdaman ni Jonas, ramdam na ramdam din ni Jesse ang
sakit na kanyang nararamdaman. Dahil sa puntong iyon, hindi man tuwirang sinabi
ni Jonas ang kanyang sakit, nasisiguro
na niyang may malaki silang dapat harapin. Natatakot siya pero pinipilit niyang
sumangayon sa mga sinabi ni Jonas. Doon siya nagtitiwala.
"Uuwi
na tayo Jesse. Gusto ko nang magpahinga sa bahay."
Wala
nang masabi si Jesse. Sumunod na lang siya kay Jonas.
-----
"Matagal
ko na kayong nakikita." sabi ni Tamie habang dina-drive ang sasakyan ni
Jonas. Siya kasi ang naghatid kay Jonas sa hospital nang mahingan ng tulong ni
Jesse. "Sabi na nga ba, mag-asawa na kayo." sabay tawa. "Kasi,
kahit anong isipin kong magkapatid kayo, hindi ko masabi dahil sa kakaibang
sweetness niyo sa isa't isa. Hindi iyon karaniwan sa magkapatid saka hindi kayo
magkamukha." muli siyang tumawa. "Pasensiya na sa pagiging observant
ko."
Napapangiti
lang si Jesse sa mga sinasabi ni Jesse lalo pa't nararamdaman niyang nauuri rin
sa kanilang dalawa ang pagkatao ni Tamie. Naitatago lang sa pananamit at kilos
pero nahahalata sa kapag hindi mapigilan ang kasiyahan tulad ngayon na
tawang-tawa sa ikinukwento. "Basta maraming salamat sa tulong mo ha? Hindi
ka nagdalawang isip nang tawagin kita."
"Maraming
salamat nga pala." biglang sabi ni Jonas nang maalala, galing sa pagtanaw
sa labas ng bintana.
"Wala
iyon. Sino ba ang magtutulungan kundi tayo ring magkakapit bahay. Kayo lang
naman kasi ang malihim eh. Mukha naman kayong mababait pero parang ayaw nyo
lumabas sa lungga ninyo."
Natawa
si Jesse. "Busy lang kami. Kasi pareho kaming nagtatrabaho. Pero si Jonas
kailangan muna niyang magpahinga kaya ngayon sa bahay muna siya." sabi
niya habang hinihimas ang likod ni Jonas.
Napangiti
si Tamie sa ginagawa ni Jesse kay Jonas. "Hayysss, ako kaya? Kailan ako
makakahanap ng right guy?" sabay tawa. "Naiinggit ako sa inyo."
Mula
sa katahimikan, natawa si Jonas. "Basta ako maswerte. Sigurado yun."
"Ramdam
ko." kinikilig na sagot ni Tamie. "O ayan malapit na tayo. Sana
pagkatapos nito, magkakaibigan na tayo ah? Welcome na ako sa bahay niyo tapos
welcome din kayo sa amin. Kung may kailangan kayo, katukin nyo lang ako sa
bahay. Ako lang naman ang palaging nasa bahay. Kapag hindi nyo nakita ang
sasakyan ko, ibig sabihin wala ako roon."
"Oo
naman, Tamie. Maraming salamat." sagot ni Jesse.
"Ah,
Jesse bakit hindi mo siyang yayain na sa atin na magtanghalian? Late na
malamang naabala natin ng sobra si Tamie." si Jonas.
Kay
Tamie tumuon ng tingin si Jesse. "Oo nga Tamie?"
"Naku,
siguro sa susunod na lang. Kasi nariyan ang kapatid ko. Malamang may
naghihintay rin na lamesa sa akin."
"O
sige. Basta huwag kang mahiyang dumalaw sa amin ha?" si Jesse.
-----
Nakauwi
na si Tamie habang si Jesse at Jonas ay tahimik na nakaupo sa sala. Panay lang
ang buntong hininga ni Jonas at Jesse tila nagpapakiramdaman sa mga susunod na
mangyayari. Niyaya ni Jesse si Jonas na kumain nung una pero nang sumagot itong
walang gana, nagsimula na silang manahimik.
Gumalaw
si Jonas para kunin ang remote control ng tv para buhayin iyon. Pagkatapos ay
humiga siya sa kandungan ni Jesse.
Napangiti
naman si Jesse sa ginawa ni Jonas. Kahit kaunti, napanatag ang kanyang
alalahanin sa ganoong ayos nila. Hinimas-himas niya ang buhok ni Jonas na
parang isang ina sa kanyang anak. Alam niyang nagugustuhan iyon ni Jonas dahil
napapikit ito kasabay ang paghinga ng malalim. Umaasa siyang kahit papaano
mapanatag ng ginagawa niya ang isip ni Jonas.
Kahit
nakapikit, nagsalita si Jonas. "Jesse, ipangako mo, sasama ka sa akin.
Huwag mo akong iwan."
"Hindi
ako mawawala sa tabi mo." Hindi napigilan ni Jesse ang maluha. Sinikap
niyang itago ang kabog ng dibdib. Agad niyang pinunasan ang pisngi. Sinamantala
niya iyon habang nakapikit si Jonas.
"Kahit
anong sabihin sayo ni Kuya Justin, lakasan mo ang loob mo. Sa akin ka lang
maniniwala. Hindi sa iba."
"Oo."
matibay na sagot ni Jesse habang nasa isip na Justin pala ang pangalan ng kuya
ni Jonas.
Dumilat
si Jonas saka ngumiti nang humarap siya kay Jesse. "Gusto ko na
matulog."
Naka-ngiting
tumango si Jesse. "Halika na sa taas."
-----
"Aalis
ka na naman? Dapat kasi, magpahinga ka na lang ngayon. O kaya isama mo na lang
ako. B-baka kasi..." salubong ni Jesse nang pababa si Jonas nang hagdan
nang nakabihis, umaga kinabukasan.
Humalik
si Jonas sa noo ni Jesse. "Ok lang ako." saka ipinakita ang boteng
hawak kay Jesse. "Dala ko gamot ko."
"Kahit
na."
"Babalik
ako agad."
"Oh,
hindi ka pa kumakain. Dederetso ka agad sa labas?"
"Promise
Jesse babalik agad ako."
"Sabihin
mo na lang sa akin ang lalakarin mo."
"Pupuntahan
ko lang yung kaibigan kong attorney, may usapan kasi kami ngayon. Muntik ko pa
nga makalimutan."
Napa-buntong
hininga na lang si Jesse. "Sige na nga."
"Huwag
kang mag-alala. Promise pagkatapos ng gagawin namin. Mmm may babasahin lang ako
tapos pipirma, ganun lang kadali. Tapos babalik na agad ako." Muli siyang
humalik sa noo ni Jesse. "Huwag kang mag-alala."
"Hmpt.
Hindi ako nag-aalala. Yun kasi ang sabi mo eh. Wala kasi akong kasabay kumain.
Yun lang yun."
Natawa
si Jonas. "Kaya pala. Well, mas gusto ko na yang ganyan kesa sa kung
ano-ano ang iniisip mo."
Muling
napabuntong hininga si Jesse. "Ano pa nga bang iisipin ko, eh ayaw mo
naman akong mag-isip ng kung ano-ano. Tama?"
"Oo,
ganyan nga. Kasi wala naman dapat tayong ipangamba. Magiging Ok ang lahat.
Gusto ko pagbalik ko nakangiti ka?"
"O
siya sige na. Umalis ka na para makabalik ka agad."
"Mag-ingat
ka dyan sa loob ng bahay." paalala ni Jonas.
"Ako
pa ang mag-ingat talaga ah?"
"Hmmm...
Jesse?"
"Ayy.
Opo mag-iingat ako. Saka ikaw din, huwag magpatakbo ng mabilis."
"Sabi
ng babe ko. Masusunod." sagot ni Jonas.
-----
Hindi
na pumasok si Jesse gaya ng sabi ni Jonas. Hindi naman siya nag-aalala dahil
mas inaalala niya si Jonas. Kahit hindi man sabihin ni Jonas na huwag na siyang
pumasok. Buo na rin sa isipan niyang huwag munang pumasok ngayon araw.
Naglinis
siya ng mga kalat. Hindi naman siya nakakapagod dahil hindi naman sila makalat
sa loob ng bahay. Tanging ang mga hindi
maiiwasang alikabok lang ang natural sa buong bahay. Naka-planong isusunod niya
ang kwarto nila ni Jonas.
-----
"Umaayon
sa plano ko ang lahat." Ito ang mga unang lumabas sa bibig ni Arl habang
nakatanaw sa labas mula sa veranda ng bahay. "Habang nasisiguro kong,
magbabalik ako." Naka-ngiti ngunit may poot din sa mga labi ni Arl.
"Arl,
anak?" tawag ni Juanita na kanyang ina sa kanyang likuran.
"Yes
Ma?" lingon ni Arl.
"May
naghihintay sayo."
"Sino
daw po Ma?"
"T-tam-"
"Kilala
ko na Ma. Sige po susunod na ako."
-----
Kasalukuyan
nang naglilinis si Jesse ng kanilang kwarto. Wala namang masyadong kalat
maliban sa damit na na nakapatong sa ibabaw ng kama. Siguradong mga pinagpilian
iyon ni Jonas. Hindi na naasikasong ibalik sa closet.
Sinimulan
na niyang ibalik sa closet ang mga damit na naiwan sa kama. Nang maibalik na
niya, napansin niya ang isang drawer sa tabi ng kama na bahagyang nakabukas.
Hindi niya pinapansin ang drawer na iyon simula pa nung una. Minsan lang niyang
nabuksan iyon nang maghanap siya ng susi noong na-lock si Jonas sa loob ng bathroom.
Nakatutok
ang mga mata niya sa pinakababang drawer kung alin ang bahagyang nakabukas.
Wala namang dapat na ipagtaka. Pero parang may naguutos sa kanyang silipin niya
ang nasa loob noon.
Hindi
naman siya nagmamadaling buksan iyon. Pero balak talaga niyang maghalungkat ng
mga gamit kung ano ang meron sa loob ni yun. "Ano kaya ang kinuha ni Jonas
dito?" sabi niya kasabay ng pagyuko niya para maabot at mabuksan ang
drawer na iyon.
Nang
mabuksan ang drawer na iyon, tumambad sa kanya ang isang photo album. Sa gilid
ay mga maliliit na box. Hinawakan niya ang photo album. Inaasahan niyang
makikita ang mga litratong noong bata pa si Jonas. Napangiti siya sa naisip.
Na-excite siyang buksan. Sinikap niyang sa unang pahina niya mabubuksan ang
photo album.
-----
"Pare,
hanggang ngayon hindi talaga ako makapaniwala sa mga nalaman at ginagawa ko.
Pero kahit nalaman kong... Pare, hindi magbabago ang pagtingin ko sayo.
Kaibigan pa rin kita. Walang pagbabago. Alam ko mabait kang tao. Pero hindi ko
lang talagang inaasahang iba pala ang dugo mo. Lalaki rin ang minamahal
mo." natawa ang kaibigang abogado ni Jonas.
Napapangiti
si Jonas. "Basta kung ano man ang mangyari, huwag mo siyang pababayaan.
Umaasa akong masusunod ang kung ano man ang napagkasunduan natin."
"Oo
naman pare. Kahit hanggang ngayon na parang hindi pa rin ako makapaniwala. Ang
kasunduan ay kasunduan. Maasahan mo ako dyan."
Tunango-tango
si Jonas. "Kailangan ko nang umuwi. Baka magalit sa akin si Jesse."
"Sige
pare. Basta mag-iingat ka."
-----
Natuptop
ni Jesse ang bibig nang makilala niya ang kasama ni Jonas sa litrato.
"Kilala ko ito." Muli pa niyang inilipat ang pahina ng photo album
para makakita ng iba pang litrato. Doon niya napatunayang tama ang hinala niya.
"S-si Sir James ang kuya ni Jonas?" Napatayo siya sa mula sa
pagkakaupo. Nabitawan niya ang photo album. Gulat na gulat siya sa natuklasan.
"Kaya pala noong una, nasabi kong parang may kahawig si Sir James. Hindi
ko alam na lagi kong kasama ang tinutukoy ko." Ang lakas ng kabog ng
dibdib ni Jesse. Hindi na siya nag-abala pang tignan ang iba pang mga litrato.
Muli na niyang ibinalik ang photo album sa kung saan ito nakalagay. Gusto
niyang maayos siya at maabutan ni Jonas na walang paghihinala. Kailangan nyang
maging normal ang kilos at pananalita.
-----
"Alam
mo Jonas, nang alalahanin ko kung paano tayo unang nagkita..." saglit na
tumigil si Jesse sa pagsasalita habang nakahiga sila sa kama. "...kung
paano mo itinago ang tunay mong pagkatao." Saka siya tumitig sa mga mata
ni Jonas. Inalam niya kung ano ang magiging reaksyon nito sa sinabi niya. Tama
nga siya, napatingin sa kanya si Jonas tanda ng nabigla ito sa sinabi niya.
"B-bakit.
A-nong meron?"
Sinikap
ngumiti ni Jesse. "Hmmm kahit ganoon ang mga nangyari, mas matimbang pa
rin sa akin ang pinagsamahan natin. Mahal lang talaga kita."
"B-bakit
Jesse. Bakit mo naisip yun? Sinasabi ko naman sayo kung sino ako di ba. Alam mo
na naman di ba? Bakit kailangan mo pang balikan iyon?" Mga pagtataka ni
Jonas. May kung anong kaba sa kanyang dibdib.
Yumakap
siya kay Jonas. "Alam ko naman na, may mga bagay kang ginagawa na hindi ko
alam. Ang iniisip ko na lang, ginagawa mo yun para sa ikabubuti natin. Napansin
ko, yung mga nilihim mo sa akin na nalaman ko na, na wala naman dapat akong
ikagalit o ika sama ng loob."
"Nagtataka
ako? Dahil ba kanina? Dahil hindi ko sinabi sayo kung saan ako pupunta at kung
ano ang gagawin ko?"
"Mmm
siguro Jonas. Pero wala iyon." Hinimas ni Jesse ang braso ni Jonas. Saka
niya inangat ang ulo at tumititig kay Jonas. "Ang ibig kong sabihin...
nagtitiwala ako sayo Jonas." saka may nangilid na luha sa mga mata ni
Jesse. "Dahil mahal na mahal kita. Huwag mo sana akong bibiguin. Gusto ko
gumaling ka."
Napabuntong
hininga si Jonas. Naramdaman niya ang dinadalang takot ni Jesse dahil sa
kanyang sakit. "Oo. Sinisigurado ko." Pinilit niyang ngumiti kahit
nag-aalangan ang kanyang isipan sa kanyang paniniwalang paglaban sa sakit.
"Gusto kitang maangkit ngayon."
Napangiti
si Jesse. "Ayoko nga."
Napakunot
noo si Jonas. "B-bakit? Napagod ka ba kanina?"
"Hapon
pa lang kaya."
"Eh
ano?"
"Sigurado
ka?" paninigurado ni Jesse.
Hindi
na sumagot si Jonas. Hinalikan na lang siya si Jesse hanggang tangayin na ang
dalawa sa gusto nilang marating.
-----
Nakatulog
sila pagkatapos ng ilang ulit nilang pagniniig. Nagising sila nang wala ng
sinag ng araw na tumatama sa kanilang kwarto.
"Jesse,
doon uli tayo sa rooftop."
"Anong
gagawin natin doon?"
"Doon
natin ipagpatuloy ang-"
"Ano?"
singit agad ni Jesse.
"Pagtulog."
Natawa si Jonas.
"Kaya
nga. Wala ka bang balak kumain? Hindi pa ako nakakapagluto."
"Ok
lang. Ikaw ang gusto kong kainin." sabay tawa.
"Oh
sige, ikaw ang maglatag."
"Oo
ba." sagot agad ni Jonas.
-----
"Ang
lamig naman ngayon." reklamo ni Jesse. Pareho na silang nakahiga sa
inilatag nilang higaan sa rooftop.
"E
di yakapin mo ko para mag-init ka." sabay tawa.
"Anong
klaseng init ba yan?"
"Kahit
ano."
"Ang
lakas mo talaga." si Jesse.
"Siyempre."
bilib sa sarili.
"Kayabangan."
"Kasi
totoo."
"Sino
may sabi?"
"Ikaw."
Nanlaki
ang mga mata ni Jesse. "Ako? Nananaginip ka pa yata."
Natawa
si Jonas. "Kasi kahit hindi mo sabihin. Nararamdaman ko sa mga kilos mo,
sa mga ngiti mo, sa mga mata mo... na ako ang pinamagandang lalaki na namumukod
tangi sa puso mo." sabay tawa.
Napangiti
si Jesse. "Ang kapal. Akala ko ba ang pinaguusapan natin ang pagiging
malakas?"
"Oo
nga. Malakas ako."
"Oh
nasaan doon ang magandang lalaki?" natatawa si Jesse.
"Basta.
Basta malakas ako magyabang." sabay tawa.
"Eeee..."
napangiwi si Jesse. "Mayabang nga."
"Ito
naman nagbibiro lang."
Natawa
si Jesse. "Ewan ko sayo, Naku, kahit maging kasing lakas ng hangin ngayon
gabi ang kayabangan mo, maiintindihan ko. Ano ka ba? Sige lang pagpatuloy mo
lang kayabangan mo." pinagkadiinan niya ang salitang kayabangan, sabay
tawa.
"Parang
gusto kong umurong. Nanghahamon ka yata eh."
"Halata
ba?"
Natawa
si Jonas. "Sandali, sisiguraduhin ko munang nakabawi na ako. Mag-iipon
lang."
"Ayy
ang bagal."
"Ano?
Mmm ganun pala ah." Dinakma ni Jonas si Jesse sa pamamagitan ng pagyakap
saka siniil ng halik.
"S-sandali
naman." natatawang si Jesse. "Nambibigla ka naman eh. Hindi pa ako
ready."
"Tignan
mo 'to. Siya pala ang hindi pa ready."
Muling
tumawa si Jesse ng malakas. "Maya-maya na kasi. Maghanap muna tayong
falling stars. Gusto ko mag-wish."
Napakunot
noo si Jonas. "A-anong iwi-wish mo?"
Tumitig
ng matamis si Jesse kay Jonas. "Na magsama tayo ng sobrang tagal."
"Wish
granted." sagot agad ni Jonas.
"Ang
bilis ah."
Natawa
si Jonas. "Hindi kasi kita papatulugin. Tignan mo, tamang-tama nanonood na
naman sa'tin yung... ano nga iyon." Kunyari nakalimutan niya ang ang tawag
sa buwan na iyon.
"Crescent
moon."
"Ang
galing ah. Akalain mo yun, hindi mo nakalimutan."
"Ano
ka ba? Never ko yang makakalimutan. Di ba sabi mo hangga't may nakikita tayong
ganyan, magpapatuloy ang pagmamahalan nating dalawa?"
"Maniwala
ka sa sinabi ko." paniniguro ni Jonas.
"Matagal
na akong naniniwala Jonas."
Sa
puntong iyon muling naglapat ang kanilang mga labi. Mas matamis, mas maalab
gaya ng nadarama nilang pag-ibig sa isa't isa. Na para bang iyon na ang huling
pagiging isa ng kanilang katawan. Na para bang sinasaulo ang bawat bahagi ng
katawan sa pamamagitang ng pagdampi ng labing sabik sa pagmamahal.
"Mahal
na mahal kita Jesse." namutawi sa mga labi ni Jonas gaya ng tunay na
sinisigaw ng kanyang puso.
"Mas
mahal kita Jonas." ungol ni Jesse na kasing ingay ng pagtibok ng pusong
tunay na umiibig.
[13]
May
ngiti si Jesse nang magising nang umagang iyon. Nanatili siyang nakapikit
habang hinihimas ang likuran ni Jonas na nakadapa ito sa pagtulog. Alam niyang
may liwanag na kahit nananatiling nakapikit dahilan ang huni ng mga ibon sa
paligid.
Lubos
ang kanyang kaligayahan. Mas idinikit pa niya ang katawan sa katabi habang
patuloy na naglalakbay ang kanyang palad sa likuran nito. "Parang kuntento
na ako na ganito tayo..." sa isip ni Jesse. "magkasamang nakahiga,
kahit hindi na siguro ako kumain basta huwag lang matapos ang mga sandaling
ito. Ang sarap sa pakiramdam."
Saka
siya napa-dilat. "Jonas." niyugyug niya ng bahagya ang katabi.
"Naalala ko lang hindi ka pa nakain kagabi. Tatayo na ako ha?"
Narinig lang niyang umungol ang nakadapang si Jonas. Naisip niyang sumang-ayon
ito. "Sige bababa na ako."
Wala
pakialam si Jesse kung hubod-hubad man siyang tumayo at tinungo ang kwarto nila
ni Jonas. Kumuha lang siya ng sando at panibagong brief saka tuluyang bumaba ng
bahay. Balak niyang magluto ng masarap na almusal.
-----
Hindi
pa man nagtatagal nang mawala sa tabi ni Jonas si Jesse, tila may hinahanap ang
mga palad ng una sa paligid ng kanyang hinihigaan. Hindi niya makapa ang
kanyang gamot na inilagay niya sa isang tabi kagabi.
-----
Panay
ang ngiti ni Jesse nang matapos sa pagluluto. Dali-dali siyang umakyat sa
rooftop para sunduin si Jonas para kumain.
Pero nang nasa kalahati na siya ng hagdan paakyat saka niya naiisip na
dadalahin na lang niya ang niluto niya sa taas para doon nila pagsaluhan ang
ginawa niya.
"Tama."
nasabi ni Jesse.
Agad
siyang bumaba. Halos patakbo siyang bumalik sa kusina. Nagmamadali ngunit may
pag-iingat niyang inilagay sa mga lalagyan ang mga niluto niya. Pagkatapos
isang sulyap kung wala ba siyang nakalimutan. Gusto niyang dalahan na lang ang
kanyang gagawin.
"Perfect."
lubos ang kanyang ngiti.
Pagkatapos
ay maingat niyang tinungo ang rooftop habang dala-dala ang malaking tray laman
ang mga na prepare niya.
"Jonas,
our breakfast is ready." natawa si Jesse sa sinabi. Hindi kasi siya sanay
na mag-english ng diretso kaya medyo nautal siya sa pagsasalita. "Jonas,
gising na." Inilapag niya ang tray sa isang lamesa saka sinulyapan si
Jonas at nananatili itong nakadapa. "Jonas, alam ko gutom ka na."
Lumapit
siya kay Jonas at pahiga siya nang yugyugin niya ito. "Jonas." Saka
niya napansin ang botelyang alam niya kung para saan. Napakunot noo siya saka
kinabahan. "Hindi kaya... Jonas???"
-----
Hindi
maawat ang iyak at luha ni Jesse nang muli nilang binabagtas ang papuntang
hospital sa malapit gamit ang sasakyan ni Jonas. Muli si Tamie na naman ang tinawag
niya para mahingan ng tulong. Agad naman ang saklolo ni Tamie na parang
nakaantabay lang at handang handa sa paghingi niya ng tulong.
"Hindi
ko alam na may cancer pala si Jonas. Ang alam ko lang dinala natin siya sa
hospital nakaraan dahil sa over fatigue. Nagulat talaga ako sa inamin mo."
pahayag ni Tamie habang minamaneho ang sasakyan.
Sumagot
ni Jesse nang umiiyak. "Naguguluhan ako. Pero kailangan kong magpakatibay.
Maraming salamat talaga Tamie dahil lagi kang libre kapag kailangan ka
namin."
"Naku
wala yun. Ang mahalaga matulungan ko kayong mga kaibigan ko. Ayan malapit na
tayo."
Hindi
na kumibo si Jesse hanggang makarating sa hospital. Pero lubos ang paghingi
niya ng awa sa maykapal para kay Jonas na walang malay hanggang ngayon.
Si
Tamie ang unang bumaba para humingi ng emergency. Bumukas na lang ang
magkabilang pinto ng kotse nang may mga sumaklolo nang mga nurse. Agad dinala
si Jonas sa emergency room.
------
Hindi
mapakali si Jesse kanina pa. Kasabay noon ay ang walang awat na pagluha dala ng
kanyang pag-aalala. Kanina pa niya napapansin na may kausap ito sa cellphone
pero hindi niya tinatanong kung sino o ano ang tinatawagan ni Tamie. Maya-maya
ay umupo na rin siya sa isang bench malapit sa pinto ng emergency room.
Napansin niyang papalapit si Tamie. Tapos na itong tumawag sa cellphone nito.
"Bakit
ang tagal nila sa loob?" takang tanong ni Jesse kay Tamie nang makaupo ito
sa tabi niya. "Inooperahan ba si Jonas?"
"Sigurado
akong hindi pa Jesse. Imposibleng operahan ni Jonas kung walang pahintulot ng
pamilya."
Biglang
naisip ni Jesse ang kapatid ni Jonas na si James, ang kanyang boss sa
pinagta-trabahuan niya. Napa-buntong hininga siya. "Eh bakit ang
tagal."
"Siguro
ineeksamin si Jo-" hindi natuloy ang sasabihin ni Tamie nang mapansin nitong
may lumabas na doktor sa pinto ng emergency room. "Yan na ang doktor ni
Jonas, Jesse."
Agad
napalingon si Jesse saka tumayo. "Dok, kamusta si Jonas?"
"Hindi
na ako magpapaligoy-ligoy pa." unang sabi ng doktor.
Napakunot
noo si Jesse. "Po?"
"Kung
gusto niyo pang humaba ang buhay ng pasyente kailangan na niyang ma-operahan sa
lalong madaling panahon. Kung kinakailangan bukas i-undergo na siya sa
operasyon. Kailangan namin ng consent ng pamilya."
Napa-kagat
labi si Jesse. Hindi siya maka-react dahil alam na niyang wala siyang karapatan
magbigay ng pahintulot para sa operasyon ni Jonas. Napa-tingin siya kay Tamie
na lumuluha.
"Jesse,
kailangan mo nang sabihin sa kapatid niya ang kalagayan ni Jonas." si
Tamie.
Napa-kunot
noo muli si Jesse. "A-alam mong may kapatid si Jonas?"
"Ay
hindi, nagbabakasali lang ako." biglang paliwanag ni Tamie. "Sandali,
uupo muna ako."
Tumikhim
ang doktor. "Hindi na maganda ang kalagayan ng pasyente kaya huwag na
kayong mag-aksaya ng panahon." Pagkatapos ay tumalikod na ang doktor.
-----
Naka-upo
si Jesse gulong-gulo ang isip habang hinihintay na mailipat si Jonas pribadong
kwarto.
"Ikaw
ba si Jesse?"
Napaangat
ang mukha ni Jesse nang may magtanong sa kanya. Hindi niya napansin na may
nakalapit na pala sa kinauupuan niya. Wala si Tamie, sasaglit lang daw sa
labas.
"O-oo
ako nga. Bakit?" Saka siya napatitig sa mukha nang kaharap niya.
"Ako
nga pala si Arl, kaibigan ni Jonas." pakilala niya. Saka umupo sa tabi ni
Jesse.
"A-ah."
hindi alam ni Jesse kung paano sasagot. Pero sa pagkaka titig niya parang may
namumukhaan siya. "P-paano mo, nalaman ang pangalan ko at si-"
"Narinig
ko na ang pangalan mo minsan nang banggitin ni Jonas."
"Oh
pero alam mong nandito si Jonas?" takang tanong ni Jesse.
"Oo."
"Paano?
Kanino mo nalaman?"
Napangiti
si Arl. "May kailangan kasi ako dito sa hospital, dahil dito dati
nagtatrabaho ang nasira kong Dad. Tapos, sabi nung nurse na nakakakilala kay
Jonas na narito nga raw siya. So, narito ako para tignan siya at magbigay ng
tulong kung kinakailangan."
"S-salamat.
Ganun ba?" Napabuntong hininga si Jesse. Saka muling nanilay ang mga luha
sa mga mata. "Ililipat na uli siya ng kwarto. Yun nga ang hinihintay ko
eh."
"Kamusta
daw siya."
Lumabi
muna si Jesse bago sumagot. "K-kailangan na daw siyang operahan."
"Oh
bakit hindi pa?"
Napatitig
si Jesse kay Arl. Hindi niya masabi ang dahilan. Napayuko siya. "Gusto ko
na nga na maoperahan siya."
"Eh
bakit hindi pa? Teka, alam na ba ito ni Justin?"
Muling
napatingin si Jesse kay Arl. "S-sinong Justin?"
"Ang
kuya niya."
"P-pero
di ba-"
"Justin
James Jimenez kasi ang tunay na pangalan ng nag-iisa niyang kuya."
Takang
taka si Jesse sa nalaman. Hindi lang dahil sa iba pang pangalan ni James na
kuya ni Jonas pati na rin ang mga biglang sagot ni Arl na parang alam nito ang
mga ibig niyang sabihin kahit hindi pa niya nasasabi.
Nabasa
naman ni Arl ang pagkakakunot ng noo ni Jesse. "Pasensya ka na ah. Medyo
nabasa ko na kasi na ang tinutukoy mo eh ang pangalan na ginagamit ng kuya
niya. Alam ko kasing James lang ang ginagamit ng kuya niya sa pinagtatrabahuan
mo. Kaya yun alam kong nagulat ka nang banggitin ko sayo ang pangalang
Justin."
"A-alam
mo rin kung saan ako nagtatrabaho?"
"Oo
naman. Gaya nga ng sabi ko. Minsan nang nasabi sa akin ni Jonas. Naipakilala ka
na niya sa akin hindi man sa personal."
Napalanghap
ng hangin si Jesse sa mga nalaman. "G-ganun ba?"
"Pero
Jesse, kailangan mo nang sabihin sa kuya niya ang kalagayan ni Jonas. Mas
magandang ikaw na mismo ang magsadya sa kuya niya kaysa hintayin mo pa si
Jonas."
"A-ang
alam ko alam na ng kuya niya."
"Mmm
nararamdaman ko, ayaw ni Jonas magpaopera." hula ni Arl.
"Hindi,
balak niyang magpa-opera."
"Oh
bakit ang tagal niyang sumailalim sa operasyon?"
Hindi
masabi ni Jesse ang dahilan. Nahihiya siyang amining siya ang dahilan at
hinihintay ni Jonas na bago magpaopera ang huli. Gusto kasi ng huli na makasama
si Jesse kapag magpapaopera na ito sa ibang bansa.
"Jesse,
kung ako sayo. Hahayaan ko na ang kuya niya ang magasikaso kay Jonas. Kasi yun,
kahit anong sabi lang nun magagawa agad nun. Kaya niyang mapadali ang lahat.
Hindi ko naman sinasabing wala kang magagawa no. Pero kung mahal mo talaga si
Jonas hindi mo na siya hahayaang magtiis na maghintay kung kailan mangyayari
ang gusto niyang mangyari bago siya magpa-opera. Sigurado ako, sinabi na ng
doktor na kailangan na siyang magpa-opera sa lalong madaling panahon. Hahayaan
mo pa bang patagalin pa? Baka pag gising ni Jonas, umuwi na naman iyon ng bahay
niya na walang siguradong desisyon kung kailan magpapaopera."
Panay
ang buntong hininga ni Jesse. May punto si Arl. Napalunok siya bago sumagot.
"Pero-"
"Jesse,"
napatingin si Arl sa relo nito. "Kailangan ko na pa lang umalis. May
naghihintay na sa akin sa labas. Ito ang calling card ko. Kung kailangan mo ng
tulong, I'm sure siguradong kailangan niyo ni Jonas ng tulong madali lang akong
lapitan lalo na si Jonas. Mahal ko yang kaibigan ko. Sige mauuna na ako."
Wala
nang naisagot si Jesse hanggang sa maka-alis si Arl.
-----
"Jonas!"
biglang naisigaw Jesse. "Umuulit na naman tayo eh. Jonas, ano ba?"
"Uuwi
na tayo."
"Oo
uuwi na tayo pero gusto ko munang magdesisyon tayo ngayon. Gusto kong magtiwala
at sumunod sa mga gusto mong mangyari pero nahihirapan naman ako na nakikita
kang ganyan. Pakiusap, Jonas. Ayokong may mangyaring masama sayo na wala akong
nagagawa. Ang hirap ng naghihintay lang ako at unti-unti ka naman
nanghihina."
"Ano
bang mga sinasabi mo?"
"Gusto
kong umuwi ka na sa kuya mo. Alam kong mas matutulungan ka niya."
diretsong pahayag ni Jesse.
Natigagal
si Jonas sa sinabi ni Jesse. "A-ano? P-paano mo nalaman ang tungkol kay
kuya? Na may kuya pa ako?"
"Hindi
na mahalaga iyon. Ang mahalaga matulungan ka niyang magpaopera. Jonas, hindi na
natin masisigurado kung hanggang saan pa aabutin ang lakas mo. Sinabi na ng
doktor na hindi na biro ang kalagayan mo. Kaya pakiusap."
"Naloloko
ka na yata Jesse? May desisyon na tayong nagawa. Yun ang susundin natin. Uuwi
na tayo."
"Jonas."
Hinila
ni Jonas si Jesse. Mahigpit.
"Jonas."
Nasaktan si Jesse sa mahigpit na kapit ni Jonas pero hindi siya nagbigay ng
reakyon dito. "Jonas." muli niya tawag. Gusto niyang magbago ang isip
ni Jonas.
Tumingin
ng matalim si Jonas kay Jesse. "Hindi na magbabago ang isip ko Jesse.
Gusto kitang makasama. Pakiusap. Huwag mo akong biguin."
"Pwede
naman akong sumunod na lang sayo. Mauna ka na lang."
"Hindi.
Hindi. Sabay tayong aalis. Kaya umuwi na tayo. Bukas na bukas aayusin natin ang
passport mo."
Hindi
na kumibo si Jesse dahil napansin niyang nagbabago ang pananalita ni Jonas. Mas
nagagalit ang tono nito sa pagsasalita sa tuwing ipipilit niya ang suggestion
niya. Napatunayan talaga niya sa puntong iyon na wala siyang magawa kapag si
Jonas ang nagsalita.
-----
"I'm
sorry." Hingi agad ng tawad ni Jonas nang maka-uwi sila ng bahay.
Parang
nakikipag-usap ang mga mata ni Jesse nang tumitig siya kay Jonas. "Hindi
mo naman kailangan humingi ng sorry, Jonas. Lagi naman kitang iniintindi."
"Alam
ko, pero alam kong nahihirapan ka."
Tumalikod
si Jesse. Papunta siya sa kusina. "Kakayanin ko Jonas. Yan ang gusto mo
eh. Susunod ako, kasi mahal kita." Muli siyang humarap kay Jonas bago
pumasok sa kusina. "Hindi mo ako pinipilit. Kusa kong ibinibigay sayo ang
pagsunod. Kasi mahal kita. Pero gusto ko rin malaman mo..." nagsimula
muling umagos ang luha ni Jesse. "...uulitin ko, nahihirapan ako kapag
nakikita kitang unti-unting nawawala sa akin. Ang hirap Jonas. Ngayon pa lang,
pero ang sakit, mas masakit kaysa noong itakwil ako ng magulang ko."
Pinunasan niya ang pisngi sa pamamagitan ng kanyang kamay. "Wala akong
sinisisi. Gusto ko lang malaman mo ang nararamdaman ko." ngumiti siya ng
tipid. "Iinitin ko lang siguro ang pagkain. Kahapon ka pa hindi
kumakain." pagkatapos ay tumalikod na siya. Pero nagpahabol pa siya ng mga
salita kahit alam niyang hindi na siya nakikita ni Jonas na nasa sala.
"Mahal na mahal kita Jonas. Kasama mo ako, dito lang ako."
Hindi
magawang mag-react ni Jonas sa mga sinabi ni Jesse. Na sapo na lang ng
magkabila niyang kamay ang kanyang ulo at pabagsak niyang inilatag ang sarili
sa mahabang sofa. Nakakaramdam siya ng guilt sa mga sinabi ni Jesse.
-----
Sa
sala si Jonas at Jesse kumain gaya ng sabi ng una. Ayaw daw ni Jonas na
masyadong seryoso sa pagkain. Gusto niyang kumakain sila habang nanonood.
Naisip
ni Jesse na paraan lang iyon ni Jonas para hindi maging tahimik ang pag kain
nila. Dahil maaring mapag-usapan lang uli nila ang isyu nila kanina.
Tulad
nga ng naisip ni Jesse, naging maingay sila at pansamantalang nawala sa
kanilang isipan ang mga alalahanin.
"Grabe
ka naman tumawa." pansin ni Jesse kay Jonas habang hindi mapunit ang ngiti
sa labi.
"Parang
hindi ka natatawa."
"Oo
natatawa ako, pero ikaw grabe ka humalakhak, parang walang bu-" hindi
naituloy ni Jesse ang sasabihin nang maisip-isip ang posibleng mangyari.
Natahimik siya.
Hinila
ni Jonas si Jesse palapit sa kanya. "Kung ano ano na naman ang iniisip
mo." Ginulo niya ang buhok ni Jesse.
"Sandali,
may hawak akong plato, mabitawan ko 'to." Inilapag ni Jesse ang hawak.
"Wala akong sinasabi ah." nang makabawi. "Ano bang iniisip
ko." sabay tawa.
Ang
nangyari, para silang nilalamig habang nanonood ng t.v. dahil sa ayos nilang
nakapulupot sa isa't isa.
"Tapos
ka na bang kumain?" tanong ni Jesse kay Jonas.
"Busog
na ako." sagot ni Jonas habang ang mata ay nasa t.v.
"Busog
sa kakatawa."
Natawa
si Jonas. "Hindi naman. Busog siguro sa pagmahahal."
"Ano
daw?" kasunod ang tawa ni Jesse.
"Kakagatin
kita dyan." hamon ni Jonas. "Ako na ang tinatawanan mo imbes na ang
pinanonood natin."
"Kasi
ikaw nagiging cheesy ka na eh." biro ni Jesse.
Biglang
tumawa si Jonas. Akala ni Jesse na siya ang dahilan kung bigla itong tumawa.
Saka lang niya napansin na may na namang nakakatawa sa pinanonood.
"Grabe,
ka talaga tumawa no." pansin uli ni Jesse.
"Siguro
ngayon lang uli ako nakapanood ng ganyan."
"Pansin
ko nga."
Hinigpitan
ni Jonas ang yakap kay Jesse, para bang nang gigil. Sabay tawa. "Manood
muna tayo."
"Nanonood
naman ako ah." sagot ni Jesse.
Naging
seryoso sila sa bawat eksena nang palabas. Bigla na lang silang bubunghalit ng
tawa sa mga parteng sadyang nakakatawa. Hindi rin mapigilan ni Jesse ang
nararamdamang katuwaan kaya panay rin ang tawa niya. Nang mapansin ni Jesse na
hindi na tumatawa si Jonas kaya napatingin siya rito.
"Wui.
Naging seryoso ka naman eh." Napansin ni Jesse ang pilit na ngiti ni Jonas
kasabay ang panlalaki ng mga mata. "Anong reaksyon yan?" natatawang
si Jesse. Pero napansin nya rin sa mga mata ni Jonas ang nangingilid na luha.
Pati na rin ang butil butil na pawis nito. Pumikit ito.
"Jonas."
tawag ni Jesse. Saka muling dumilat si Jonas. Inginuso ang lamesa. Agad nalaman
ni Jesse ang ibig sabihin ni Jesse. Agad niyang kinuha ang gamot sa gilid ng
lamesa. Kinabahan siya. "Bakit hindi ka nagsasabi." Puno na naman ng
pag-aalala ang tono ni Jesse. "Dyos ko Jonas."
Kanina
pa tinitiis ni Jonas ang ang sakit na nararamdaman. Ayaw niyang ipahalata kay
Jesse na muling sumasakit ang kanyang ulo. Pero napansin na rin siya ni Jesse.
Muli siyang uminom ng gamot at tuluyang pumikit.
"Magpahinga
ka na." iyak ni Jesse. "Gigisingin na lang kita mamaya."
Nang
tuluyan nang nakatulog si Jonas saka rin tuluyang bumuhos ang tunay na sakit na
nararamdaman ni Jesse para sa kalagayan ni Jonas. Lumabas siya ng bahay at doon
inubos ang luha.
-----
"Jesse."
tawag ni Tamie.
Agad
napatingin si Jesse kay Tamie. "Ikaw pala, pasok." Binuksan niya ang
gate.
"Napansin
lang kita dito." maarteng sabi ni Tamie.
"Ah,
ganun ba?"
"Oh
bakit ganyan ang mga mata mo? Nawawala ang pagiging gwapo mo."
Napa-ngiti
si Jesse. "Napuwing lang ako. Kinusot ko ng mabuti ang mata ayun." biro
niya.
"Kinusot
daw." sabay tawa si Tamie. Alam niyang nagbibiro lang si Jesse. "San
nga pala si Papa Jonas? Ano na naman ang nangyari at wala parang bumaha na
naman ng luha. Nag-away ba kayo?"
Napa-ngiwi
si Jesse sa mga tanong ni Tamie. "Ah..."
"Ayy
sorry pala, masyado akong intrigero. Balewalain mo na lang."
"Hindi
naman Tamie. Nahiya lang ako sa sinabi mong parang bumaha na naman ng luha. Oo
nga pala, nagiging iyakin ako." sabay tawa. "Kalalaki kong tao."
"Naku,
naiintindihan ko. Dahil kasi yan sa pag-ibig saka nasa hindi magandang
kalagayan ang partner mo kaya natural lang yun. O nasaan si Jonas?"
"Nasa
loob nagpapahinga. Natutulog." sagot agad ni Jesse.
"Ah...
Ok naman siya?"
Ngumiti
ng tipid si Jesse. "Hayss sa totoo nga lang, inatake na naman siya."
Muling nagbabadya ang mga luha ni Jesse.
Napa-kunot
noo si Tamie. "Oh, hindi ba natin siya itatakbo sa hospital?"
"Hindi.
Hindi na siguro. Nakainom agad siya ng gamot niya kaya umayos na ang pakiramdam
niya."
"Ah...
Ok. Pero Jesse, hindi man ako kasama nyo noh. Pero, bakit kasi ayaw pang
magpa-opera? Nagpapatagal pa."
Napa-yuko
si Jesse. Hindi niya masabi ang dahilan. Nahihiya siya. "Hmmm may
napagdesisyunan kasi kami eh. Pero sa desisyong iyon magpapaopera talaga si
Jonas. May aayusin lang muna kami."
"Ah...
kasi kung magpapa-opera lang rin naman. Bakit hindi pa ngayon. Sa lalong
madaling panahon. Pasensya na ha... Bilang kaibigan kasi nalulungkot din naman
ako. Kahit papaano nasasaktan sa mga nakikita ko."
Napatango-tango
si Jesse. "O-ok lang. Salamat kaibigan."
"Wala
yun. Ano ka ba?" tinapik-tapik niya ang balikat ni Jesse.
Maluha-luha
si Jesse. Hindi dahil sa ginagawa ni Tamie kundi sa katotohanang bakit nga ba
hindi ngayon at kailangan pang ipagpaliban ang pagpapa-opera ni Jonas. "Sa
totoo nga lang eh, gusto ko nang puntahan ang kapatid ni Jonas para humingi ng
tulong. Yun kasi ang alam kong makakatulong sa kanya lalo pa't kailangan ng
pamilya ni Jonas bago siya magpaopera." Nasabi ni Jesse.
"Oh
bakit hindi mo pa gawin."
"Kasi
nga gusto ni Jonas na makasam-" naputol niya ang sasabihin nang ma-realize
na nagsasabi na siya kay Tamie ng katotohanan.
"Makasama?"
Huli
na para mabawi pa ni Jesse ang sinabi. "O-oo. Gusto kasi ni Jonas na
sumama ako sa ibang bansa."
"Ganoon?
P-parang... Ito ah. Jesse ang daming paraan. Bakit hindi na siya mauna? Ay!
Kung ako sayo, hahanapin ko na yung kuya niya. Tapos sumunod ka na lang."
"Ayaw
nga ni Jonas, Gusto niya kasabay ako."
"Jesse,
araw-araw nang inaatake si Jonas ng cancer niya. Kailan pa kayo kikilos? Isang
linggo? Dalawang linggo? Isipin mo na lang ang pagtitiis niya sa sakit sa
araw-araw hanggang maka-kuha kayo ng kailangan nyo."
Napa-iyak
nang muli ni Jesse. "Gusto ko lang sundin ang gusto ni Jonas."
"Oo
Jesse. Pero hindi naman masama kung minsan ikaw naman ang magdesisyon."
Saka
sila nakarinig ng sigaw mula sa loob ng bahay.
-----
Awang-awa
si Jesse habang tinitignan ang mukha ni Jonas. Muli na itong nagpapahinga pagkatapos
na atakihin na naman ng sakit ng ulo. Agad nilang napainom ng pain reliever si
Jonas.
"Alam
mo Tamie, hindi ganyan dati si Jonas. Lumulubog na ang kanyang mga mata. May
bahid na rin ng pangingitim para na siyang laging walang tulog. Pero gwapo pa rin
naman siya." natawa si Jesse pero ang katotohanan pinipigil ang mga luha.
"Pero kahit naman pumanget yang si Jonas, mamahalin ko pa rin yan. "
Hminga siya ng malalim. "Ayoko man sabihin, pero talagang naawa na ako sa
kanya."
"Jesse."
Hinawakan ni Tamie ang kamay ni Jesse. "Tama siguro ako. Ikaw na ang
gumawa ng paraan."
Napatitig
si Jesse kay Tamie. Nababasa niya ang ibig sabihin ni Tamie. "Ayoko siyang
mawala."
"Gagawin
mo nga ang dapat para hindi siya mawala eh." Napabuntong hininga si Tamie.
"Babantayan ko si Jonas."
Nang
sabihin ni Tamie na babantayan niya si Jonas, agad ang pag-agos nang luha ni
Jesse. Kailangan ba talaga niyang puntahan ang kapatid ni Jonas para ipaubaya
ang lahat lahat.
"Jesse.
Kung mahal ka ni Jonas, babalik at babalik siya sayo, ano man ang mangyari. Ako
ang bahala kay Jonas. Puntahan mo na ang kapatid niya."
Walang
masabi si Jesse kundi ang patuloy na pagdaloy ng kanyang luha. Wala siyang
lakas na tumayo sa kanyang pagkakaupo.
Dumapo
ang kamay niya sa mukha ni Jonas na mahimbing ang tulog ngunit kita sa mukha
ang sakit na nararamdaman. "J-jonas. Mahal na mahal kita. Gagawin ko 'to
para sayo dahil mahal kita. Huwag mo sanang isipin na kaya kita hindi sinunod
sa gusto mo dahil hindi kita mahal. Mahal na mahal kita. Ayaw ko lang na
nakikita kang naghihirap sa sakit mo. Masakit din sa akin."
Tumabi
si Tamie kay Jesse. Inalo niya si Jesse. Alam niyang nahihirapan ito sa
gagawing desisyon.
-----
"Alam
mo Jonas, ang swerte mo. Nakakita ka ng lalaking tunay na nagmamahal sayo. Ako
rin eh. Matagal na akong naghahanap." natawa si Tamie. Kinakausap niya ang
tulog na si Jonas. "Kasi yung mga naging BF ko, sinaktan lang nila ako.
Kaya nga nang makilala ko kayo, na-inspire akong umibig muli. Kung ako sayo,
pakikinggan ko ang mga sinasabi ni Jesse. Para din kasi sayo yun eh at, ang mas
kalalabasan noon, eh para sa inyong dalawa rin ni Jesse. Tsk, ikaw na lang lagi
ang iniisip ni Jesse kahit nga sa gagawin niya ngayon, para sayo at sa inyong dalawa
talaga yun. Kaya isipin mo rin naman siya, kung paano siya hindi masasaktan.
Huwag kang magagalit sa kanya. Tama lang ang ginawa niya."
Tinignan
ni Tamie si Jonas mula ulo hanggang paa saka bumuntong hininga. "Pero
kailangan niyo rin talagang magkahiwalay. Yun kasi ang plano." Tumayo si
Tamie sa pagkakaupo. Pumunta siya sa may pinto pero tanaw pa rin niya ang
mahimbing na natutulog na si Jonas. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa saka
nagdial. Maya-maya pa ay may kausap na siya sa kabilang linya.
"Ok
na Arl. Magaling ka talaga. Napilitan na nga si Jesse na puntahan ang kuya ni
Jonas..."
-----
[14]
Panay
ang singhap ng hangin ni Jesse nang nasa harapan na siya ng opisina ng kanyang
boss. Inangat niya ang kanyang kamay para kumatok nang mapansin niyang nanginginig ang kanyang kamay. "Kakayanin
ko 'to." Naibulong niya sa sarili. Pakatok na sana siya nang biglang
magbukas ang pinto. Nagulat pa siya nang mabungaran ang sekretarya ng kanyang
boss.
"Ikaw
ba ang may kailangan kay Sir James?" tanong ng sekretarya sa kanya.
"Kanina ka pa hinihintay."
"S-sige
salamat. Papasok na nga sana ako."
"Tuloy
ka. Pero medyo mainit ang ulo ni Sir."
"A-ah
ganoon ba? Sige, salamat. Papasok na ako."
Pagkatapos
umalis ng sekretarya sa pintuan agad na pumasok si Jesse sa loob ng opisina.
Agad niyang nakita ang kanyang boss na nakayuko abala sa ginagawa sa kanyang
lamesa.
"S-sir."
nanginginig niyang tawag.
"Maupo
ka." Hindi tumitingin anyaya ni Justin sa bagong dating. "Ang tagal
mong hindi pumasok." sabi niya nang mapansin nakaupo na si Jesse.
"A-ah
opo."
"Nagpo-po
ka na naman."
"Pasensya
na Sir. Nakalimutan ko lang." saka ang pilit na ngiti. "Ang sa totoo
lang po, kaya ako narito kasi may gusto akong sabihin sa inyo."
"Sandali."
awat ni Justin. "Nung isang araw ka pa hinihintay. Bakit hindi ka pumasok?
Kasama ka sa mga magiging regular. Pero sinabayan mo naman ng pag-absent."
"A-ah.
Pasensiya na. M-may nangyari po kasi. Yun din po ang gusto kong sabihin sa inyo
ngayon."
Napa-kunot
noo si Justin. "Teka nga pala. Dapat hindi ako ang kinakausap mo tungkol
dyan. Gaano ba ka-importante yang dahilan mo at bakit ako pa talaga ang sadya
mo?"
"Ikaw
po talaga ang sadya ko Sir."
"Oh?
Huwag kang mag-alala. Ano man ang dahilan mo, hindi na sa akin importante yun.
Ang empleyado ko na ang bahala mag-asikaso sayo."
Biglang
pinagpawisan si Jesse. Naisip niyang bakit parang ang hirap i-connect ang gusto
niyang sabihin sa mga sinasabi naman sa
kanya ni Justin. Ayaw ba talaga ng pagkakataon na masabi niya o nahihirapan
lang talaga siyang magsabi. "Kasi Sir..."
"Kasi?..."
"Ito
na..." naisip niya nang pangalawahan ng kanyang boss ang gusto niyang
sabihin.
"Kasi?"
pag-uulit ni Justin.
Naluha
si Jesse. Pigil ang paghikbi. Nahihirapan siyang umamin. "Kasi po..."
"Oh
teka. Huwag kang umiyak? Namatayan ka ba?"
Lalong
naiyak si Jesse. "T-tungkol ito sa kapatid mo Sir."
Napa-kunot
noo lalo si Justin. "Kapatid?"
Napa-tingin
si Jesse sa kanyang boss. Nagtaka siya sa reaksyon nito. Binasa niya ang mukha
ng kanyang boss sa tanong nito nang marinig ang sinabi niyang kapatid.
"Oo. Di ba kapatid mo si Jonas?" Saka niya napansin ang panlalaki ng
mata ng kanyang boss.
"Anong
nangyari kay Jonas? Nasaan ang kapatid ko?" Napatayo siya sa pagkakaupo.
"Nahihirapan
na siya. Hindi mo ba alam?"
"Ha???"
reaksyon ni Justin.
Si
Jesse naman ay parang nalalabuan sa mga reaksyon ng kanyang boss. Naguguluhan
siya kung may alam ba ang kanyang kuya o sadyang nagugulat lang ito bigla
niyang ibinalita. Pero natatandaan niyang nakausap ito ni Jonas sa telepono at
alam niyang nagtatalo ang mga ito tungkol sa sakit ni Jonas. "Baka
pinaglilihiman din ni Jonas ang kanyang kuya."
"Sumagot
ka. Ano na ang nangyari sa kapatid ko. Nasaan siya?" pasigaw na tanong ni
Justin nang matigilan si Jesse.
Hindi
ganoon kalakas para kay Jesse ang sigaw ng kanyang boss pero para siyang
nabibingi at napipipi. Pinilit ni Jesse na tumingin sa mukha ni Justin bago
magsalita. Ngunit napansin niyang nanunuri na ang mga nito.
"Huwag
mong sabihing-" sa isang ulit na pagkakataon, muling kumunot ang noo ni
Justin ngunit mas kinikitaan ito ngayon ng galit. "Ikaw ang tinutukoy ni
Jonas na..."
Hindi
kumibo si Jesse. Nanatili lang siyang nakayuko. Saka niya dinig na dinig ang
mga murang hindi pangkaraniwan sa kanyang pandinig. Mga murang sa mga mayayaman
at inglesero lang niya naririnig.
"Bakit
hindi ko alam?" isa pang mura ang binitawan ni Justin bago nagpatuloy
magsalita. "Ang tagal mo na rito pero wala kang sinasabi."
Binging-bingi
si Jesse sa mga mura ni Justin habang ang kaba ay hindi matigil dahil sa tono
ng pananalita ni Justin. "N-nung isang araw ko lang nalaman na magkapatid
pala kayo ni Jonas."
"Woah."
tumawa si Justin na nakaka-insulto. "Hindi ako naniniwala. Sinadya nyo na
ilihim sa'kin. Nasaan ang kapatid ko?"
Huminga
ng malalim si Jesse. Ayaw na niyang magpaliwanag sa paratang nito. "Kaya
nga ako pumunta rito... gusto kong kunin mo na si Jonas. Nahihirapan na
siya."
Ang
lakas ng tawa ni Justin. "Pinagsawaan mo na? Kasi may sakit. Hindi ka na
ba niya kayang suportahan? Ganun ba kabilis naubos ang pag-aari niya." isa
pang tawa.
Napa-nganga
si Jesse ang pagkuyom ng mga palad sa mga akala ng kanyang boss sa relasyon
nila ni Jonas. "Hindi ako
ganyan." pigil at mahina niyang paliwanag.
"Talaga?"
nakaka-insultong ngiti pa at kinuha nito ang cellphone sa lamesa saka may
tinawagan.
Narinig
ni Jesse na may inuutusan ang kanyang boss sa kabilang linya.
"Tsk
tsk tsk." nang matapos si Justin sa cellphone nito. "Nalinlang niyo
ako." sabay tawa. "Matagal akong nag-isip kung sino ba ang lalaking
kinalolokohan ng kapatid ko. Ngayon, malalaman ko-"
Napa-tingin
si Jesse sa mukha ng kanyang boss. Nagtatangis ang mga bagang sa pagpipigil ng
galit. Suminghap siya ng hangin.
"Magaling
kang dumiskarte." patutsada ni Justin.
Nagulat
si Jesse nang biglang tumilapon ang isang naka-file na mga papel sa lamesa ng
kanyang boss. Binuhos ni Justin ang kanina pang pinipigilang galit sa hawi ng
kanyang gamit sa lamesa.
"Ano
na ang nangyayari sa kapatid ko. Sumagot ka."
"N-na-nagpapahinga."
utal-utal na sagot ni Jesse.
"Ang
lagay niya?"
Napa-labi
si Jesse. Pinipigilan niya ang panibagong nagbabadyang mga luha. "Ngayong
araw, tatlong beses ko siyang napansing inatake ng sakit ng ulo."
Napa-talikod
si Justin kasabay ang pagsapo sa ulo. "Malamang alam mo ang dahilan kung
bakit nagkaka-ganyan ang kapatid ko?" mahinahon pero halata pa rin sa
boses ni Justin ang pigil na galit.
Hindi
na napigilan ang pagbagsak ng luha sa pagiging aminado, na siya ang dahilan
kung bakit hindi pa matuloy-tuloy ang pagpapa-opera ni Jonas.
Saka
bumukas ang pinto. "Sir, naghihintay na po sa labas ang ambulance."
ang sekretarya ni Justin.
"Ok."
Agad na sumunod si Justin sa sekretarya. Nang nasa pintuan si Justin, nilingon
nito si Jesse. "Ikaw? Ang inuupo-upo mo pa dyan?"
"H-ha?"
agad napatayo si Jesse.
"Hindi
mo kami sasamahan. Hindi ko alam kung saan kayo nagtatago ng kapatid ko."
"A-ah.
Oo, sasamahan ko kayo."
-----
"Sa
oras na makuha ko ang kapatid ko, siguraduhin mong hindi ka na magpapakita sa
kanya." Ito ang sinabi ni Justin kay Jesse bago sila bumaba ni Jesse
kotse. Nasa likod nila ang ambulance.
Nangilid
ang luha sa mga mata ni Jesse at tiim-bagang na tumingin kay Jesse. "Hindi
ganyan ang gusto ni Jonas." may katatagan niyang sagot.
Tumingin
ng matalim si Justin kay Jesse. "Bakit? Ano ba ang pakialam mo sa amin ng
kapatid ko? Di ba binabalik mo na siya sa akin?"
"Ganun
ba yun?" umirap si Jesse kay Justin. "Binabawi ko na ang mga sinabi
ko. Hindi mo isasama si Jonas."
Natawa
si Justin sa sinabi ni Jesse. "Makapagsalita ka parang may maipagmamalaki
ka."
"Kailangan
niya magpagamot at alam ko na kailangan niya ng pamilya na gagabay sa
pagpapa-opera niya. Pero hindi nangangahulugan na pati relasyon namin mapuputol
na. Mahal ako ni Jonas at ma-" natigilan si Jesse nang magmura si Justin.
"Wala
akong pakialam sa pagmamahalan nyo. Kukunin ko ang kapatid ko para humaba ang
buhay niya, para sa kanya, sa aming magkapatid. Hindi para sayo. Tandaan mo
yan!" Isa pang mura ang ipinamalas ni Justin. "Oh, saan ka
pupunta?" tanong niya nang nagmadaling buksan ni Jesse ang pinto ng
kanyang kotse.
"Hindi
ko ibibigay sayo si Jonas."
Tumawa
si Justin. "Gusto mo bang makulong? Hindi mo pag aari ang kapatid ko.
Kahit anong oras pwede kitang ipahuli."
Parang
binuhusan si Jesse ng malamig na tubig sa narinig. Hindi niya napigilan ang
luha. "Sigurado ako kapag na gumaling si Jonas, babalikan niya ako. Kaya
ayaw niyang magpa-opera dahil gusto niya akong kasama."
"Wala
akong pakialam." galit na sabi ni Justin. "Huwag mo akong subukang
idemanda ka kapag nagpumilit kang gawin ang gusto mo. Tandaan mo kahit saan mo
tignan at kahit saan ka pumunta hindi legal ang pagsasama nyo. Kaya kung ako
sayo, manahimik ka sa isang tabi at mawala ng parang bula kung ayaw mong masira
ang buhay mo. Tama na ang mga nakuha mo sa kapatid ko." Pagkatapos noon ay
bumaba na si Justin.
Sumunod
si Jesse sa paglabas sa kotse. Basang basa ang mukha niya ng luha nang tumingin
kay Justin.
"Ito
pa." baling sa kanya ni Justin. "Magpasalamat ka dahil ngayon wala
akong ibang iisioin. Ang gusto ko lang makuha si Jonas at mapabuti ang
kalagayan niya. Magpapa-opera siya sa amerika.
Kaya kung manggugulo ka, siguraduhin mong may laban ka dahil sa estado
ng buhay natin, pinapasahod lang kita."
Napa-nga
nga si Jesse sa sinabi ni Justin. Para siyang tinarakan ng kung anong matalim
na bagay sa kanyang dibdib. Saka niya lubusang napagtanto na iba nga pala ang
estado ng kanyang buhay. Napa-sandal siya sa gilid ng kotse.
-----
"Jesse."
tawag ni Tamie.
Agad
ang pag-lingon ni Jesse kay Tamie. "Kamusta si Jonas?"
"Ayun,
hindi pa nagigising. Naroon na sa loob yung kuya niya. Kamusta ka? Ok ka
lang?"
Pinahid
ni Jesse ang pisngi saka suminghot-singhot. "Kaya ko 'to. Ok lang
ako."
"Hindi
ka ba papasok?"
"Gusto
kong pumasok pero-" tinanaw niya ang pinto ng bahay. "Baka magising
si Jonas, sigurado, makikita ko lang ang galit niya sa akin."
"Jesse,
tama ang ginawa mo. Para sa kanya naman yun. Saka kapag gumaling naman siya
kung mahal ka talaga niya hahanapin ka pa rin niya. Kahit harangan pa siya ng
sibat ng kanyang kuya."
"Alam
ko Tamie. Pero ayaw ng kuya niya. Alam ko galit na galit siya sa akin.
Nagpipigil lang ang boss ko."
"Hayss...
Jesse, pasasaan pa at maayos din ang lahat. Ang mahalaga sa ngayon, makapag-pagaling
na si Jonas."
"Oo,
Tamie. Yan na lang ang iniisip ko. Para 'to kay Jonas. Mas masakit sa akin kung
sa piling ko pa si Jonas mawawala sa akin ng paunti-unti. Kahit gusto kong
magkasama kami, mas masakit pa rin ang makita ko siyang nahihirapan sa cancer
niya."
Hindi
na nagsalita si Tamie. Inalo na lang niya si Jesse. Hinintay nilang dalawa ang
paglabas ni Jonas at ang kuya nito.
-----
"A-anong-"
nagulat si Jonas. Nagising siya nang maramdamang may humawak sa kanyang braso.
"Anong ginagawa niyo rito?" Saka siya napatingin sa lalaking nasa
likurang ng dalawang lalaking naka-unipormeng puti. "Kuya?"
"Oo
Jonas. Kapatid ko. Sinusundo na kita."
Mas
lalong napakunot noo si Jonas. "Bakit?"
"Ibinalik
ka na sa akin ng kinakasama mo. Nagsawa na siguro sayo. Wala ka na yata maibigay
kapatid ko kaya sinadya na ako sa opisina. At-" bahagyang natawa si
Justin. "Akalain mong isa pala mga trabahador ko ang pinagmamalaki mong
sinasabi mong mahal mo. Ano ka ba Jonas? Ang laki talaga ng pagkabulag mo sa
taong yun."
"Hindi
ko kayo kailangan. Pwede ba bitiwan niyo ako. Hindi ako sasama sa inyo."
Mas tumuon siya sa kuya niya. "Kuya, hindi ikaw ang magde-desisyon sa
akin. Umalis na kayo." Pero mukhang hindi nakikinig kay Jonas ang dalawang
unipormadong lalaki. Nagpumiglas si Jonas. "Hindi ako baliw para gantuhin
niyo ako. Kuya?"
"Jonas,
hindi na ako papayag na hindi ka sasama. Magpapa-opera ka sa amerika na kasama
ako." Saka nagsalita si Justin sa dalawang lalaki. "Sige na, ihatid
na yan sa kotse."
Nagsalita
ang isang naka-unipormadong lalaki. "Hindi po ba ambu-"
"Hindi
na. Sa bahay na lang kami dederetso." sagot agad ni Justin.
-----
Sa
di kalayuan, naroon sina Jesse at Tamie nagtatago. Gaya ng sinabi ni Justin,
pinilit ni Jesse ang sarili na hindi na magpakita kay Jonas.
Kahit
may kalayuan ang kinatatayuan ni Jesse, sinisikap pa rin niyang hindi gumawa ng
ingay o galaw na maaring mapansin ni Jonas. Kung pwede nga lang, ayaw na sana
niyang tanawin pa ang papaalis na sina Jonas at ang kuya nito. Sobrang sakit sa
kanya ngunit mas pinili niyang tanawin pa rin ito sa huling pagkakataon.
Napakapit
siya kay Tamie nang makita niyang halos kaladkarin si Jonas papasok sa kotse ni
Justin. "Tamie. Sinasaktan nila si Jonas."
"Bakit
kasi pinipilit mo pa ang sarili mo na tignan."
Hindi
na umimik si Jesse. Tinanaw na lang niya ang papaalis na sasakyan ng boss niya.
"Wala na Tamie."
"Halika
ka na sa bahay nyo. Magpahinga ka na."
Napa-buntong
hininga si Jesse habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng kanyang mga luha.
"Jesse,
nakaka-dehydrate ang sobrang pagluha." biro ni Tamie.
"Ok
lang, kung para kay Jonas naman 'to. Saka alam kong kulang pa ito sa kasalanan
ko sa kanya."
"Ayan
ka na naman eh. Ano ba ang kasalanan mo doon? Eh para sa ikabubuti naman niya
ang ginawa mo."
"Oo
pero, sa aming dalawa... mga desisyon na ginawa namin."
"Naku,
maiintindihan niya yun. Halika na nga. Magpahinga ka na muna sa bahay mo. Tapos
kapag Ok ka na, ako ang tutulong sayo makakuha ng passport at mga iba pang
kailangan mo para maka-sunod ka kay Jonas."
Napatigil
sa paglalakad si Jesse. "Tamie?"
"Oo.
Seryoso ako."
"Salamat
Tamie." agad ang ngiti sa mga labi ni Jesse.
"Hmmm
yan sana kahit papaano gumaan yang sakit sa puso mo. Totoo ang sinabi ko ah.
Kahit bukas na bukas din."
"Salamat
talaga Tamie. Oo, gumaan ang pakiramdam ko. Nagkaroon ako ng pag-asa."
Kahit papaano nagkaroon nga ng pag-asa si Jesse. "Pero sabado bukas di
ba?"
Natawa
si Tamie. "Oh eh ano? Hindi naman siguro mawawala agad ang pag-asa
mo?" Napansin ni Tamie ang malalim na pagsinghap ni Jesse ng hangin. Alam
niyang iyon ay dahil sa kahit papaanong pag-gaan ng pakiramdam. "Jesse,
hanga ako sa relasyon nyo ni Jonas. Ayoko sana gawin ito, pero napa-kapit na
ako sa patalim. Kung para talaga kayo sa isa't isa, darating ang araw, magkakabalikan
din kayo. Sa ngayon, susundin ko muna ang plano. Patawarin nyo sana ako ni
Jonas."
-----
Hindi
alam ni Jesse kung saan nakatira ang kanyang boss na si Justin. Hindi niya
tuloy alam kung saan maaring puntahan si Jonas.
Dalawang
araw ang nakalipas. Hinihintay niya si Tamie para sa lakad nila. Balak sana
niyang dumaan kung saan man niya maaring makita si Jonas.
"Jesse."
tawag ni Tamie.
Napa-lingon
si Jesse sa pintuan. Naghihintay siya sa sala. "Dyan ka na pala."
"Pasensiya
na ha, natagalan ako."
"Wala
yun. Tamang-tama lang. Pero bago tayo umalis, kumain muna tayo. May niluto
ako."
"Talaga?
Sige." saka niya sinipat ang buong katawan ni Jesse. "Ampoge mo
ngayon ah? Hmmm kahit namamaga yang mata mo." sabay tawa. "Naku, baka
hindi ka photogenic sa picture ah?"
"Aw."
reaksyon ni Jesse sa sinabi ni Tamie. "Loko ka talaga."
"Nagbibiro
lang. Kain na tayo. Nagugutom na ako." sabaya tawa. "Pasensiya na ha.
Kakapalan ko na mukha ko."
"Sige
na. Para sayo talaga yang niluto ko."
"Nice
naman." napa-pikit pa si Tamie nang ngumiti. "Salamat. Kaya pala
inlove na inlove sayo si Jonas eh. Napaka-sweet mo."
"Mmm..."
ungol ni Jesse.
Natawa
na lang si Tamie.
-----
"Si
kuya?" tanong ni Jonas kay Yaya Koring. Naabutan niya ang matanda sa
dining table nag-aayos ng ilang kalat.
"Jonas,
halika na rito at kumain ka na."
"Yaya
Koring wala po akong balak kumain. Hindi ako nagugutom. Gusto kong malaman kung
nasaan si kuya?" hindi naman galit pero may diin ang tono ni Jonas nang
magsalita sa kanyang yaya.
"Ah
eh, umalis muna. Babalik din daw agad."
"Ilang
ulit ko ba sasabihin sa kanya na wala na akong balak magpa-opera."
"Jonas?"
"Yaya
Koring, wala na akong balak magpa-opera. Nawalan na ako ng pag-asa."
"Jonas,
hindi tama ang iniisip mo..."
Kahit
walang balak kumain. Umupo si Jonas sa harapan ng lamesa dahil sa nararamdamang
panghihina ng katawan. Tiim-bagang siyang tumingin sa kawalan.
"
Hindi ka pa nakain Jonas, anak lalo ka lang manghihina nyan."
"Ok
lang yaya. Mas maganda nga na mamatay na lang ako ng tuluyan." Hindi
napansin ni Jonas na tumulo ang luha ng kanyang yaya dahil sa sinabi niya.
"Naku,
wag ka naman ganyan mag-isip."
"Yaya,
ang malayo sa minamahal ang masakit sa akin ngayon." nagsimulang
alalahanin ni Jonas ang nangyari nung biyernes.
"Nasaan
si Jesse?" tanong ni Jonas sa kuya niya.
"Aba
malay ko? Basta ka na lang iniwan."
"Hindi
ako naniniwala." muli siyang pumiglas sa pagkakahawak ng dalawang lalaki
sa kanya.
"Jonas,
iniwan ka na niya. Hindi pa ba sapat na pinapakuha ka na niya sa akin dahil
hindi ka na niya kayang samahan? Mag-isip ka nga. Isipin mo naman yang sarili
mo. Puro ka na lang Jesse, Jesse, mahal, mahal. Gagaling ka ba dyan?"
Kahit
ayaw maniwala ni Jonas may kung ano ang tumitimo sa isip niya na maaaring totoo
nga ang sinabi ng kanyang kuya. "Hindi ako naniniwala." nanlulumo
siya sa doon dahilan para magkaroon ng pagkakataon ang dalawang lalaki na
mapadali siyang mailabas ng bahay. "Hindi ako iiwanan ni Jesse."
"Kung
hindi ka iiwanan ni Jesse, nasaan siya ngayon? Dapat hindi ka niya basta-basta
iiwanan. Alam naman niyang maselan ang kalagayan mo."
"Hindi
totoo yan, mahal ako ni Jesse."
"Jonas,
jonas." tawag ni Aling Koring sa nagbabalik tanaw na si Jonas.
"P-po?"
"May
iniisip ka yata? Naku Jonas, kahit para sa akin lang kumain ka na. Kahit
kaunti. Hindi ganyan ang katawan mo noong huli kitang makita."
"Yaya..."
napa-buntong hininga si Jonas. "Bakit kaya ako iniwan ni Jesse?"
tanong niya na malayo sa tinutukoy ni Aling Koring.
"A-ah
ano ba yun, Jonas? Sino ba si Jesse?"
"Siya
po ang mahal ko."
"Jesse?
Mahal mo?"
"Opo."
"Lalaki?"
"Opo."
"Bakit
lalaki?"
"Sa
kanya ako umibig." diretsong sagot ni Jonas.
Natahimik
si Aling Koring. Minamatyagan niya ang anak anakan na nakatingin sa kawalan.
Alam niyang malayo ang iniisip nito. "Siya ba ang dahilan kung bakit ka
nagkakaganyan?"
Napa-buntong
hininga si Jonas. "Syempre hindi siya ang dahilan kung bakit ako nagkaroon
ng cancer, pero nang mawala siya sa tabi ko, parang nawalan na rin ako ng
ganang mabuhay..."
"Ano
ba ang dahilan niya kung bakit ka niya iniwan? Nakausap mo na ba siya?"
"Hindi
ko po alam. Akala ko magigising ako na katabi ko siya pero," hindi na
napigilan ni Jonas ang pagtulo ng luha. "Alam ko mahal niya ako,
nararamdaman ko yun. Alam kong mahal na mahal niya ang magulang niya pero
nagawa niyang iwasan sila para sa akin. Pero bakit sa isang iglap lang, iniwan
niya ako. Ang ganda-ganda ng pagsasama namin. Pero..." Nagtuloy-tuloy nang
umagos ang mga luha ni Jonas dahil sa sama ng loob.
"Baka
may dahilan siya."
"Ang
bilis ng pangyayari. Parang kanina lang, nagtatawanan pa kami tapos ngayon,
narito na uli ako sa bahay, nakakulong. Ang gusto ko lang naman magkasama
kaming aalis. Pero hindi na niya mahintay. Sumuko agad siya."
Isang
buntong hininga ang nang galing kay Aling Koring. "Nararamdaman ko ang
dahilan niya ay para sa kabutihan mo Jonas."
"Magpapa-opera
naman ako eh. Gusto ko lang na kasama siya."
"Bakit
ba hindi siya makasama sayo?"
"Si
kuya ang dahilan. Ayaw niya kay Jesse."
"Tama
lang na huwag mo nang sayangin ang pagkakataon mong magpa-opera Jonas.
Magpagaling saka mo balikan ang nawala sayo. Kung mahal mo talaga yung
tinutukoy mong si Jesse, pagkatapos mong magpaopera, saka mo siya tanungin kung
bakit niya iyon nagawa sayo. Alam ko, at nararamdaman ko, tama ang ginawa
niyang ito."
"Paano
kung hindi naging matagumpay ang pagpapa-opera ko?" tanong ni Jonas na
titig na titig sa yaya niya.
"Huwag
mo isipin ang ganyan. Lumaban ka. Saka mahihirapan nga talaga ang doktor mo
kung ngayon pa lang pinababayaan mo na ang sarili mo."
Napa-singhap
ng hangin si Jonas.
"Jonas,
hindi lang si Jesse ang malulungkot kapag nawala ka nang bigla sa mundong ito.
Marami kami dito sa paligid mo ang umaasang magiging mabuti ang kalagayan mo.
Saka..." abot-abot ang kalungkutan ni Aling Koring. "Ayokong makitang
uunahan mo akong pumunta sa langit anak ko. Huwag naman."
Ramdam
na ramdam ni Jonas ang pagpapahalaga sa kanya ng kanyang yaya. Parang nawala
ang kaninang sama ng loob niya sa mga sinabi sa kanya ni Aling Koring. Niyakap
niya ito para gumaan ang pakiramdam.
"Jonas,
kung hindi man maganda ang ginawa ng kuya mo sa inyong dalawa ni Jesse, kahit
hindi ko alam ang mga pangyayari, ngayon, sundin mo na lang muna ang kuya mo.
Para sa iyo rin naman iyon. Hindi naman gagawa ng bagay ang kuya ng ika sasama
mo. Siguro talagang ayaw niya lang sa kinakasama mo pero ikaw pa rin ang
magdedesisyon sa sarili mo. Balikan mo si Jesse kapag magaling ka na. Ang
mahalaga tutulungan ka ngayon ng kuya mo para gumaling. Huwag mo nang sayangin.
Sigurado ako, kung mahal ka talaga ni Jesse, ganyan din ang iniisip niya,
ngayon."
"S-salamat
yaya. Huwag ka nang umiyak."
Natawa
ng mahina si Aling Koring. "Sige, hindi na ako iiyak kapag kumain ka
na."
"Sige
po. Kakain na ako, tapos sisiguraduhin kong susundin ko na si kuya. Aalis na
kami."
"Ganyan
nga Jonas."
Pero
hindi pa man sila nakakapag-simula muli na naman umatake ang pagsakit ng
kanyang ulo.
-----
"Ano?
Isang buwan pa?" Ito ang naibulalas ni Jesse nang malamang halos isang
buwang proseso pa ang dapat niyang hintayin.
"Wow,
gusto mo instant?" maarte at pabirong tanong ni Tamie.
"Tama
lang talaga ang desisyon kong ipaubaya na kay Justin James Jimenez, ang boss ko
si Jonas. Sana maintindihan ako ni Jonas."
"Oh,
ayan na naman ang mata mo. Luluha na naman. Ano ka ba, tama talaga ang desisyon
mo. At sigurado akong maiintindihan ka noon."
"Hay
naku, nakaalis na kaya sila? Lagi kong dalangin na sana nasa maayos siyang
kalagayan."
"Hindi
pa yata."
"Ha?
Paanong hindi pa? Alam mo?" takang tanong ni Jesse.
"Hindi
hindi. Kasi di ba sunday ngayon, baka kasi walang flight." sabay tawa sa
alibi niya.
"Ay
ganun ba? So nasa bahay lang sila ngayon, o kaya nasa hospital?"
"Siguro."
"Sana
alam ko kung nasaan ang bahay niya, o kaya naman yung hospital na pagdadalhan
sa kanya. Gusto ko siyang madalaw."
"Madalaw?"
parang nanlalaki ang mga tenga ni Tamie. "Sigurado ka? Baka sa kwarto
niyo, mayroon doon si Jonas na address kung saan siya dati nakatira."
"Mmm
baka. Hindi ko pa nga nahahalungkat mga gamit niya."
"Mmm
o kaya naman magtanong ka na lang sa mga nakakakilala kay Jonas, baka sila may
alam."
"Eh
hindi ko nga alam kung sino-sino mga kaibi-" saka may naalala si Jesse.
"Si A-arl."
"Tama
si Arl." sagot ni Tamie.
Napa-kunot
noo si Jesse. "Kilala mo rin si Arl?"
"Hindi
hindi, nakasalubong ko lang siya sa hospital, remember. Ang pogi kasi kaya
tinanong ko ang pangalan. Nakita ko kasing kausap mo eh."
"Ah...
ganun ba?" saka nag-isip si Jesse. "Naiwan ko sa bahay yung binigay
niyang calling card. Pero alam ko kung saan nakalagay. Ano pa ba ang gagawin
natin?" tanong niya kay Tamie.
"Wala
na Jesse. Ang gagawin natin, umuwi na. Hahanapin natin ang calling card na
sinasabi mo para magkaroon ka ng chance magkaroon ng balita kay Jonas. Bilis,
wag kang pabagal-bagal. Tatakbo tayo." mas maarteng sagot ni Tamie.
Natatawang
sumunod si Jesse kay Tamie. "Mas excited ka pa ah."
"Oo
excited ako sa ending ng love story niyo. Bilis, ang bagal mo Jesse."
"Oo
ito na."
"Pag
sinabi kong bilis, bilis. Kasi, naiihi na ako." sabay tawa ni Tamie.
-----
abangan
ang huling kabanata...
[Finale]
Agad
isinugod si Jonas sa hospital ng mga kasambahay nila. Hindi pa nadating si
Justin ng mga oras na iyon. Saka lang nalaman ni Justin ang pangyayari nang
tumawag ang isa sa mga kasambahay nila. Agad ang pagsugod ni Justin sa sinabing
hospital.
"Justin
san ka ba nagpunta?" umiiyak na tanong ni Aling Koring nang malingunan na
nasa likod na pala niya si Justin. Nasa hospital sila.
"Inayos
ko lang kailangan namin ni Jonas para sa pag-alis namin bukas. Ano ang
nangyari?"
Sinabi
ni Aling Koring ang mga nangyari maliban sa napag-usapan nila tungkol kay
Jesse. Alam na kasi niyang tutol ang nakakatandang kapatid sa lalaking
minamahal ni Jonas.
"Nasaan
na siya ngayon?"
"Dinala
si Jonas doon." nanginginig ang daliri nang itinuro ni Aling Koring ang
kwarto kung saan ipinasok si Jonas.
"Salamat."
abot-abot ang hinga ni Justin. "Ako na po ang bahala. Maari na kayong
umuwi."
Napa-kunot
noo si Aling Koring kasunod ang malungkot na mukha. "J-justin, pwede bang
dumito muna ako. Nag-aalala ako ng sobra kay Jonas. Gusto kong narito lang ako.
Hindi ko kaya na naghihintay lang ng balita sa bahay. Maari ba?"
Saglit
na natigilan si Justin. "S-sige. Maghanap na lang kayo ng maari ninyong
maupuan." Saka luminga-linga si Justin. "Doon. Doon kayo maghintay.
Babalikan ko kayo roon."
"Salamat
Justin." Naiiyak na si Aling Koring. Saka yumakap sa binata.
"Sige
n a ho. Pupuntahan ko muna si Jonas. Baka kailangan ako doon."
"Sige.
Hindi ako titigil sa pagtawag sa Panginoon."
Tumango
na lang si Justin saka nagmamadaling tinungo ang kwartong tinuro ni Aling
Koring. Sa emergency room dinala si Jonas.
-----
"O
dali, tawagan mo na yang si Arl."
"Anong
oras na ba Tamie, baka maka-abala tayo?" tanong ni Jesse.
"Naku,
sa mga oras na ito, walang ginagawa yun."
Napa-kunot
noo si Jesse. "Sigurado ka? Parang magkapit bahay lang kayo ah. Sobrang
close." biro ni Jesse.
"Siguro
lang. Saka tanghali, oras ng pahinga. Ano ka ba?"
"O
malay mo nagpapahinga?"
"Kukutusan
ko tong si Jesse eh. Tawagan mo na, ang dami mo pang alibi. Eh kung busy e di
busy basta try mo muna."
Natawa
si Jesse. "Oo na."
"Good. Bilis."
"Sandali.
Natataranta ako." maka-ilang pindot ang ginawa ni Jesse sa keypad saka
idinikit sa tenga ang cellphone.
"Ano
nagri-ring na?"
"Sandali.
Wala pa. Shhhh... Kinakabahan ako sayo eh."
Natawa
si Tamie. Tinakpan niya ang bibig ng kamay.
-----
"Mr.
Jimenez iniimbitahan ko kayo sa opisina. Tungkol ito sa pasyente."
"Sige
Dok. Susunod ako." Napa-punas ng pawis sa noo si Justin. "Ay sandali
dok. Kamusta ang kapatid ko?" habol niya doktor na papaalis.
"Sumunod
ka sa opisina." Itinuro ng doktor ang tinutukoy nitong opisina.
"Ok."
Hindi
pa tuluyang sumunod si Justin sa doktor. Pinuntahan muna niya si Aling Koring
na kasalukuyang nakapikit. Alam niyang hindi ito tumitigil sa pagdadasal para
kay Jonas. Naawa siya sa matanda kaya nilapitan muna niya ito.
"Aling
Koring." tawag ni Justin sa matanda.
Lumuluhang
tumingin si Aling Koring kay Jonas. "Bakit? Kamusta si Jonas."
"Wala
pa po akong balita. Naroon pa rin siya sa kwarto." pagkatapos ay dumukot
si Justin ng pera sa pitaka niya. "Kayo na po muna ang bahala sa sarili
nyo. Ito ang pera para sa pagkain niyo o kung sakaling may kailangan
kayo."
Napa-ngiti
ng tipid si Aling Koring. "Siguro, hindi ako kakain hanggang hindi
dinidinig ng Panginoon ang hiling ko para sa kapatid mo."
"Basta
hawakan nyo ito. Hindi natin ang mga mangyayari mamaya kaya dapat handa
tayo."
Naisip
din ni Aling Koring ang ibig sabihin ni Justin kaya hndi na siya tumanggi na
hawakan ang ilang lilibuhing pera na inabot ni Justin sa kanya.
"Salamat."
"Huwag
niyong pabayaan ang sarili niyo." huling paalala ni Justin.
-----
"M-magandang
tanghali. Gusto kong maka-usap si Arl Sto. Domingo, kung hindi siya busy."
"Ito
nga. Ako si Arl. Sino 'to?"
"A-ah
ako si Jesse, natatandaan mo? Y-yung ano, ano ni Jonas..."
"Ah.
Oo natatandaan ko. Napatawag ka? Anong maitutulong ko?"
Napa-tingin
si Jesse kay Tamie. Napansin niyang titig na titig ito sa kanya. Alam niyang
nag-aabang ito sa bawat sasabihin niya. "K-kasi mmm tatanong ko lang sana
kung may alam ka kung saan nakatira yung kapatid ni Jonas."
"Ah...
alam ko."
"Talaga?"
"Oo.
Yun lang ba ang kailangan mo?"
"Mmm
oo. Wala kasi akong kilala na maari kong tanungin kung saan nakatira si Jonas
at ang kuya niya. Gusto ko kasing makamusta si Jonas. Baka kasi hindi pa siya
nakakaalis."
"Nakakaalis?"
saglit na natigilan si Arl. "Ah ibig sabihin kinuha na siya ng kuya
niya?"
"Oo.
Nung biyernes pa."
"Ah
ok. Sige. Sabihin mo sa akin ang location mo ngayon at sasamahan kita sa
kanila."
"Ha?"
nabigla si Jesse sa sinabi ni Arl sa kabilang linya ng telepono. "Huwag na
kaya. Nakakahiya po."
"Wala
yun. Sige, sasamahan kita. Gusto ko rin naman na makausap si Jonas. Bago man
lang umalis kung hindi pa nga nakakaalis."
"Sige.
sige."
Pagkatapos
ay ibinigay na nga ni Jesse ang address kung saan siya nakatira.
-----
Kumatok
si Justin sa pinto kung saan naroon sa loob ang doktor na kakausapin niya at
magbibigay ng impormasyon tungkol sa kanyang kapatid.
Nang
pumasok siya, napansin niyang may tatlong tao na nakaupo sa malapit sa desk ng
doktor na alam niyang may kailangan din sa doktor. Alam niyang kailangan niyang
maghintay hanggang sa matapos ang mga nauna sa kaniya.
-----
"Ang
bilis mo naman? Taga saan ka ba?" maarteng tanong ni Tamie.
"Nagkataon
lang na nasa malapit ako kaya madali ko kayong napuntahan." sagot ni Arl
saka tumuon kay Jesse. "Ano? Tayo na."
Tumango
lang si Jesse sa hiya. Napansin niya ang magarang kotse ni Arl. Mas maganda at
alam niyang mas mamahalin kaysa sa kotse ni Jonas na nakaparada sa loob ng
bakuran nila. Napabuntong hininga siya. "Bakit ba lagi na lang mayayaman
ang nakakasalamuha ko. Sabagay, sino sino ba ang mga kakilala ni Jonas? Syempre
mayayaman din."
"Sakay
na kayo." anyaya ni Arl. Napansin niya ang naka-kiming si Jesse.
"Huwag kayong mahiya."
Ngumiti
si Jesse kay Arl. "Salamat." Mas nauna pang sumakay si Tamie at
napili nito ang unahan katabi ng driver seat. Natatawa si Jesse ng lihim dahil
hindi nakakaramdam ng hiya ang kaibigan niya. "Parang kakilala lang."
Naisip niya. Sumakay na rin siya.
Huling
sumakay si Arl nang masiguradong nakasakay na ang lahat. "Tayo na sa
pupuntahan natin." naka-ngiting sabi niya. Para bang excited sa
pupuntahan. "Ah Jesse. Sa pupuntahan natin, iwasan mong gawin ang mga nasa
isip mo. I mean gusto kong ikonsulta mo muna sa akin ang balak mong gawin.
Ipapaalala ko naman sayo. Ako ang magsasabi kung kailan mo pwedeng maka-usap si
Jonas o kung kailan hindi na pwede."
"Bakit?"
nagtatakang tanong ni Jesse.
"Kasi,
posibleng magkaroon ng gulo kaya hindi tayo pwedeng basta-basta na lang
susugod. Na gets mo?"
Napatango
ng mabilis si Jesse. "Naiintindihan ko."
Pagkatapos
noon ay pinaandar na ni Arl ang sasakyan.
-----
Habang
naghihintay si Justin na makausap ang doktor ni Jonas, hindi niya maiwasan ang
mag-alala at isipin si Jonas kung ano na ang nangyayari dito. Hindi kasi siya
pinapasok sa loob ng emergency room nang makarating siya doon. Pinayuhan na
lang siyang hintayin na mailipat ang kanyang kapatid sa pribadong silid.
-----
Nagtataka
si Jesse nang mapatapat at tumigil ang sasakyan ni Arl sa harapan ng hospital.
"Ah Arl, bakit dito dumiretso?" tanong ni Jesse.
"May
titignan lang ako sa loob. Dito kasi dati nagtatrabaho ang Dad ko. Doktor siya.
Saglit lang, hintayin nyo ako dyan." Pagkatapos ay bumaba na si Arl ng
sasakyan.
"Jesse."
agaw pansin ni Tamie nang makaalis na si Arl. Napansin kasi niyang nakatulala
lang si Jesse.
"Oh?"
"Natutulala
ka kasi eh." sagot ni Tamie.
"Kasi
naalala ko lang si Jonas nung sinugod natin siya dyan." sabay buntong
hininga ni Jesse.
"Malay
mo, nasa loob pala nyan si Jonas."
Napa-kunot
noo si Jesse. "Posible ba yun?"
"Oo
naman. Di ba nga, madalas na umatake ang cancer ni Jonas. Eh, syempre yung kuya
niya malamang susugod agad si Jonas sa hospital."
Napa-ngiwi
si Jesse.
Nagpatuloy
si Tamie. "E di hindi na natin kailangan na pumunta sa bahay nila. Dito na
lang natin siya kakausapin."
"Ito
naman si Tamie kung mag-isip parang totoong totoo."
"Baka
sakali lang."
Naghintay
pa silang kaunti nang makita si Arl na paparating.
"Ayan
na si Arl." si Jesse.
"Ok
na Arl?" tanong ni Tamie nang makabalik na si Arl. "Aalis na
tayo?"
"Hindi
na." sagot ni Arl. Saka tumuon kay Jesse. "Jesse, nasa loob si
Jonas."
Nanlaki
ang mga mata ni Jesse. "T-talaga?" Napa-tingin si Jesse kay Tamie
dahil sa naging tama ang hinala nito.
"See?"
si Tamie.
"A-anong
gagawin natin?" tanong ni Jesse.
"Ganito..."
panimula ni Arl. "Sigurado nasa loob din ang kuya ni Jonas. Malamang
magagalit iyon kapag nakita ka Jesse. Kaya nanakawin lang natin ang mga sandali
Jesse. Hindi natin ipapaalam sa kapatid niyang dadalaw tayo at kakausapin mo si
Jonas."
"O-ok."
habang sunod-sunod ang tango ni Jesse. "Pero paano kapag nakita ako ni
Justin?"
"Gagawan
namin ng paraan ni Tamie. Di ba Tamie?"
"Ah
oo naman. Kaming bahala sayo Jesse."
Napa-ngiti
ng maluwang si Jesse. "Maraming salamat Tamie at lalo na rin sayo Arl."
"Walang
problema doon. Tayo na." si Arl.
Agad
silang pumasok sa hospital na iyon.
-----
Agad
silang pumunta sa information para malaman kung saan naroon ang kwarto ni
Jonas. Ngunit nalaman nilang hindi pa nakakalabas ng emergency room si Jonas.
"Kailan
ilalabas ang pasyente?" tanong ni Arl.
"Hindi
ko po alam Sir." sabi ng nurse na
nasa information. "Kung gusto niyo po hintayin nyo na lang sa labas ng
E.R. ang pasyente."
Napa-tingin
si Arl kay Jesse saka muling tumingin sa nurse. "Hihintayin na lang siguro
namin yung info dito kung nakalipat na ang pasyente."
"Kayo
pong bahala Sir." sagot ng nurse.
Minabuti
muna na maupo ang tatlo.
-----
"Sa
wakas." sa utak ni Justin. Siya na ang kakausapin ng doktor.
"Justin
Jimenez?" tanong ng doktor.
"Yes
Doc."
"Hindi
na kasi biro ang kalagayan ng pasyente, kailangan na talaga siyang
ma-operahan."
"D-dapat
nga po aalis kami ngayon para sa amerika siya mag under go ng surgery."
"Ibig
sabihin may plano na kayo? E di kung ganoon dapat na nating madaliin ang
pagaasikaso sa mga kakailanganin ninyo?"
"Kahit
mamaya dok, pwede kaming lumipad agad para sa operasyon."
-----
Napa-tayo
si Arl nang makitang kumaway sa kanya ang nurse na pinagtanungan nila kanina.
Sinabihan kasi niya itong personalin siya sa pagbibigay inpormasyon.
Naiwan
naman si Jesse at Tamie sa isang bench na nakatapat sa information sa di
kalayuan. Pero ang mababanaag sa mga mukha ng mga ito ang pag-antabay balita.
Agad
naman ang pagkaway ni Arl sa dalawa nang maka-usap na nito ang nurse. Agad din
ang pagtayo nila para sumunod sa kinatatayuan ni Arl.
"Ano
daw?" tanong ni Jesse nang maka-lapit.
"Nailipat
na si Jonas sa bagong room. Nasa room 278 sa third floor." sagot ni Arl.
"Pupunta
na ba tayo?" tanong agad ni Jesse. Mababasa sa pananalita niya ang kaba at
excitement.
"Oo."
sagot ni Arl.
Napakapit
si Jesse kay Tamie tanda ng pagkakaroon niya ng pag-asa. Malawak na ngiti ang
nasilayan ni Tamie sa labi ni Jesse.
Naglalakad
ang tatlo habang nagbibigay ng paalala ni Arl.
"Jesse,
ikaw lang ang kakausap kay Jonas. Hindi na kami papasok doon. Ikaw na lang ang
bahalang magsabi kay Jonas na nasa labas lang kami."
"Paano
pala si Justin?" tanong ni Jesse.
"Kaming
bahala ni Tamie."
"Oo
Jesse. Gagawan namin ng paraan para hindi kayo makapang-abot ni Justin habang
kinakausap mo si Jonas." si Tamie.
Narating
nila ang third floor kasabay ng mga paalala ni Arl.
"Jesse,
sandali." awat ni Arl sa nangungunang si Jesse. "Kakausapin ko muna
ang nagbabantay kay Jonas."
"Ha?"
naibulalas ni Jesse. Inisip niyang si Justin ang tinutukoy ni Arl. Kinabahan
siya.
"Dito
lang kayo." sabi ni Arl.
Naghintay
si Jesse at Tamie sa isang gilid habang pinagmamasdan ng una si Arl na kausap
ang isang matandang babae. Napansin niyang tinitigan siya ng matandang babaing
kausap ni Arl. Maya-maya pa ay kumaway na si Arl para lumapit silang dalawa.
"Ikaw
ba si Jesse na sinasabi ni Jonas?" tanong ni Aling Koring.
"O-opo."
sang-ayon ni Jesse. Napansin niyang bumuntong hininga ang matanda.
"Siguro,
ikaw ang pinadala ng Dyos sa dalangin ko para kay Jonas." naiiyak na sabi
ng matanda. "Hinahanap ka niya. Mahal na mahal ka ni Jonas. Sinabi niyang
ikaw ang nagbibigay sa kanya ng pag-asa. Pag-asang mabuhay. Kaya kausapin mo
siya." napayuko ang matanda nang punasan ang luha. "Sige na. Dapat
ako o si Justin ang kuya niya ang unang papasok dyan. Hindi pwedeng marami ang
papasok. Kailangan isa-isa lang. Pero wala pa si Justin, kaya sige na, mauna ka
na. Kailangan ka niya Jesse."
Naluha
si Jesse sa mga sinabi ng matanda. Hindi talaga maiitanggi ang pagmamahal sa
kanya ni Jonas. Kaya naman may kung anong kumukurot sa puso na hindi naman niya
maintindihan kung nagi-guilt lang siya sa mga pangyayari. Ang siguradong alam
niya, gusto niyang makita si Jonas at ipaalalang lagi siyang nasa tabi ni
Jonas.
"Sige
po. Maraming salamat po." hinawakan ni Jesse ang kamay ng matanda at
pinisil. Tanda ng kanyang pasasalamat sa pag-intindi sa relasyon nila ni Jonas.
Pagkatapos ay tumingin siya kay Arl. Nakita niyang tinanguan siya nito na
nagpapahiwatig na pumasok na siya. Sumunod niyang tinignan si Tamie, na
naka-ngiti sa kanya.
Pagkatapos
noon ay tumalikod na siya para harapin ang pinto sa pagpasok. Bumuntong hininga
siya bago hawakan ang seradura.
-----
"Tamie,
alam mo na ang gagawin mo." paalala ni Arl.
"Oo.
Ito na bababa na ako." sagot ni Tamie
Tumango
lang si Arl saka tumalikod si Tamie para bumaba.
-----
Nanginginig
ang mga tuhod ni Jesse sa bawat hakabang na ginagawa niya papalapit kay Jonas.
Pagkabukas pa lang ng pinto ay nakita na niya itong nakahiga habang may ilang
mga aparatus na naka-kabit sa katawan nito. Hindi naiwasang manikip ang dibdib
niya. Parang sa bawat hakbang niya ay unti-unti siyang bumabagal sa paglakad.
Nanlalabo ang mga mata niya gawa ng mga namumuong luha.
Sa
wakas ay nasa harap na rin siya ni Jonas.
"J-jo-"
natuptop ni Jesse ang bibig niya nang mapansin ang hitsura ni Jonas. Sa
nakikita niya. Sobrang laki ng inihulog ng katawan ni Jonas. Habang nakapikit
ito, kapansin-pansin ang pangingitim ng eyebags nito. Hapis ang mga pisngi na
parang nawalan ng sigla. Ang mga labing bahagyang nakabuka na nanunuyot tulad
ng sa dehydrated. "J-jonas..." halos hindi niya mabanggit ang
pangalan. "Bakit ganyan na ang nangyari sayo?" nanginginig niyang
pahayag.
Hinawakan
ni Jesse ang braso ni Jonas at nadama niyang mainit ito at hindi pangkaraniwan.
Saka niya napansin na gumalaw ang kamay nito.
"Jonas?"
tawag niya. Alam niyang nagising ito. "Jonas." muli niyang tawag.
Unti-unting dumidilat ang mga mata ni Jonas habang pautal-utal na sinasambit
ang kanyang pangalan. "Jonas,
narito ako. Ako 'to."
"J-jesse."
Si Jonas na pilit idinidilat ang mga mata. Nasisilaw siya sa liwanag na
nakikita niya. Pangalawa, nahihilo siya na para siyang lumulutang at pakiramdam
niya na umiikot ang paligid niya sa tuwing pinipilit niyang dumilat. Sa wakas
lubusan na rin niyang naidilat ang kanyang mga mata.
"Jonas.
Ako 'to si Jesse." lumuluhang pakilala ni Jesse.
"J-jesse,
ikaw ba yan?" titig na titig si Jonas sa kaharap.
"Oo
Jonas. Hindi ka nananaginip. Ako 'to."
Ngumiti
si Jonas. "Kahit sa panaginip lang, dalangin ko na makapiling kita."
"Hindi
Jonas, totoo 'to. Narito ako sa tabi mo."
"Alam
ko." gumanti ng kapit si Jonas kay Jesse. Sa pagkakataong iyon dalawang
kamay ni Jonas ang nakahawak sa mga kamay ni Jesse. Sabik na sabik siyang
makapiling ang kanyang minamahal. May tumulong luha galing sa mata niya.
"A-akala ko, hindi na kita makikita. Akala ko, tuluyan mo na akong
iniwanan."
"H-hindi
ka galit sa akin?" tanong ni Jesse imbes na sagutin ang mga akala ni
Jonas.
"Kapag
iisipin ko ang nangyari, hindi ko maiwasang sumama ang loob ko." Dumiretso
ng tingin si Jonas. Nakatingin na siya sa kisame. "Ang mawalay sayo ang
ayaw kong mangyari. Alam mo naman yun eh." Hinigpitan ni Jonas ang kapit
kay Jesse.
"I'm
sorry."
"Hindi."
ngumiti si Jonas saka muling tumingin kay Jesse. "Tama lang ang ginawa mo.
Naiintindihan ko na ang lahat. Kasi mahal mo ako kaya mo yun ginawa. Sa totoo
lang, alam ko naman talaga yun noon pa, pero alam mo naman na-" natawa ng
mahina si Jonas. "ang gusto ko kasi, lagi kita kasama. Ayaw kong hindi
kita nakikita. Pero ang pagkakamali ko pala, napapabayaan ko ang sarili ko
habang nahihirapan naman ka naman sa akin. Dapat noon pa ako nag-decide na
sumama kay kuya."
Napakapit
ng mahigpit si Jesse kay Jonas. Saka siya napatingala, pigil ang mga luhang
nagpasalamat sa Diyos na hindi sa kanya
galit si Jonas.
-----
"Sige
Dok." Sagot ni Justin sa katapusan pag-uusap nila ng kausap niyang doktor.
"So,
maari na kayong umalis ng pasyente ano mang oras."
"Maraming
salamat po Dok."
"Sige."
Agad
tumayo si Justin sa pagkakaupo. Tinungo ang pinto upang makalabas sa opisinang
iyon. Nagmamadali siyang makalabas dahil gusto na niyang makita ang kanyang
kapatid. Alam niya na sa mga oras na ito ay nailipat na si Jonas ng kwarto mula
sa E.R.
Kumakabog
pa ang dibdib ni Justin nang buksan ang pinto at mabilis na inilabas ang
katawan nang may maka-banga siya. Isang matigas at nakakakasakit na mura ang
napakawalan ni Justin lalo pa't natapunan siya ng kung anong inuming dala-dala
ng naka-bungo.
Agad
siyang tumingin ng matalim sa nakabungo niya. "Bakit hindi ka tumitingin
sa dinadaanan mo?" isa pang mura ang pinakawalan niya sa kanyang bibig.
Saka niya napansin na naka-ngiti pa ang naka-bungo at sa para sa kanya ay
nakaka-insulto.
"Sorry.
Hindi ko sinasadya. Bigla-bigla ka kasing lumalabas eh." sabi ni Tamie.
"Ako nga pala si Tamie. Nice to meet you."
Napa-tiim
bagang si Justin. Lalong nag-init ang ulo niya. "Nice to meet you?
Nagmamadali ako." Tumalikod si Justin. Binalewala niya ang lalaki na sa
tingin niya bading ito dahil sa tono ng pananalita nito.
"Sandali
pogi."
"Ano
pang kailangan ng bading na'to? Ano?" sigaw niya.
"Ang
pogi mo kasi, pwede ko bang malaman ang pangalan mo?" kumikindat pa si
Tamie nang magtanong sabay hagikgik.
"Fuck
you!" sabay talikod saka nagmamadaling tinungo ang emergency room.
Tawa
ng tawa si Tamie habang tinatanaw ang papalayong si Justin. "Nagawa ko na
ang sa akin, ikaw naman boss."
------
"Gusto
ko nang magpahinga, Jesse." sinabi ito ni Jonas nang naka-ngiti. Pilit
niyang itinatago ang muling sakit na nararamdaman.
"H-ha?"
gulat ni Jesse sa narinig. "A-anong ibig mong sabihin?" Kinabahan
siya. "Jonas?"
"Huwag
kang mag-alala, lahat ay nasa ayos naman."
"Jonas.
Ano bang sinasabi mo? Anong nasa ayos naman? Ayoko nang sinasabi mo. Parang
iiwan mo na ako. Huwag kang susuko."
"Hindi
naman ako sumusuko, gusto ko lang magpahinga." muling sumundot ang
matinding sakit kaya siya napa-pikit pero pinipilit niya itong itago kay Jesse.
"Jonas."
muli na naman umagos ang masaganang luha kay Jesse. "Hindi. Kakasabi mo
lang di ba na sasama ka na sa kuya mo."
Imbes
na sagutin ni Jonas, inangat niya ang kanyang kamay at dumapi sa pisngi ni
Jesse. "Pakiusap, huwag mong ipakita sa akin na umiiyak ka. Pilitin mong
ngumiti Jesse. Pakiusap."
"Hindi
ko kaya."
"Pakiusap
kayanin mo. Ayokong umalis na ang iiwan mo sa aking alaala ang malungkot mong
mukha."
"Jonas."
nasa tono ni Jesse ang pagmamakaawa. Ayaw niyang naririnig ang mga ganung
salita. Hindi niya maiwasang masaktan sa ibig sabihin nitong kagustuhang
magpahinga. Gusto niyang sabihin kay Jonas na tutol siya sa gusto nitong
mangyari. Pero sa twing susubukan niyang magsalita, tanging pangalan lang nito
ang nasasabi niya.
"Jesse.
Mahal na mahal kita."
"Alam
ko yun. Kahit hindi mo na sabihin, ramdam na ramdam ko yun. Jonas please, huwag
akong iiwan. Sasama ka sa kuya mo para makapag paopera sa ibang bansa. Di ba?
Yun ang ibig mong sabihin?"
Ngumiti
si Jonas ng napakaluwang saka pumikit nang madama ang muling sundot ng sakit sa
kanyang ulo. "J-jesse."
------
Nagulat
si Justin nang ang maabutan sa harap ng emergency room ay si Arl. Luminga-linga
siya para hanapin si Aling Koring. Kunot-noo siyang tumuon kay Arl nang hindi
niya makita ang hinahanap. "Anong ginagawa mo rito?" asik niya kay
Arl
"Oh,
Justin, kamusta ka na?" maliwanag pa sa sikat ng araw ang bukas ng mukha
ni Arl nang batiin ang kapatid niya sa ama.
"Bakit
ka narito?" tanong uli ni Justin sa halip na sagutin ang pangangamusta
nito.
"Matagal
tayong hindi nagkita ah."
Mas
lalong napa tiim bagang si Justin. "Ok, kung ayaw mong sagutin..."
huminga ng malalim si Justin. "Mawalang galang na, kailangan ko nang
umalis, may hinahanap ako."
"Oh,
ngayon na nga lang tayo nagkita, hindi mo pa bibigyan pansin ang pangangamusta
ko? Nakakalungkot naman ang muli nating pagkikita."
Napa-singhap
ng hangin si Justin. "May ideya ka naman siguro kung bakit ako nag
mamadali. Malamang na may pasyente ako dito kaya kailangan kong umalis."
"Ah,
ganun ba? May pasyente ka pala. Hmmm sino naman? Ayy teka, kasi hindi naman
lahat dito may pasyente, meron naman na iba ang kailangan. Tama? Katulad ko,
dahil dati na ritong nagtrabaho ang Dad ko-"
Isa
pang singhap ng hangin ang ginawa ni Justin para lang maibsan ang galit nang
nararamdaman. "Bakit ngayon pa kayo nagsabay-sabay. Humihingi uli ako ng
paumanhin, kailangan ko na talagang umalis." Ngayon, kahit ano pa ang
isipin ni Arl sa kanya wala na siyang pakialam dahil para sa kanya mas mahalaga
na malaman niya ang kalagayan ng kapatid niya kaysa makipagkamustahan.
Tumalikod
si Justin para tunguhin ang information para malaman kung saan na room dinala
si Jonas. Mga ilang hakbang nang marinig niyan muli ang boses ni Arl.
"Room
ba ni Jonas ang hinahanap mo?"
Agad
napa-lingon si Justin. "Oo."
Natawa
si Arl. "Alam ko."
"Saan?"
mabilis at nasa tonong may pagsusumamong malaman ang tanong ni Justin.
"Ang
alam ko maayos naman siya. Kaya huwag ka nang magmadali. Madali ka nyan
dadalhin sa hukay."
"Ano
ba kasi ang gusto mo?" mahinahon pero may diin ang salita ni Justin.
"Mmm
sa ngayon siguro wala pa, pero yung iba merong kailangan sa kapatid mo."
Naningkit
ang mga mata ni Justin. Nahiwagaan siya sa sinabi ni Arl. "A-anong ibig
mong sabihin?"
Natawa
na naman si Arl. "Baka pwede mo naman abalahin ang dalawang
nag-iibigan?" sabay tawa ng nakakaloko.
Nanlaki
ang mga mata ni Justin sa nawari. Kasabay ng pagtatangis ng kanyang mga bagang
ang pagtaas ng kanyang dugo dahilan ng sobrang galit. Tumalikod siya kay Arl.
Wala na siyang balak makipag usap pa sa lalo na at naintindihan na niyang
niloloko lang siya nito.
"Room
278 sa third floor." sigaw ni Arl sa tumatakbong si Justin.
Napatigil
si Justin nang marinig ang sinigaw ni Arl. Tila may kung anong nagsabi sa
kanyang utak na sundin niya iyon. Nagbalik siya ng takbo at tinungo ang
elevator ng hospital.
------
"J-jesse."
Kapansin-pansin ang panginginig ng boses ni
Jonas. "Nilalamig ako."
Agad
nagbigay atensyon si Jesse sa sinabi ni Jonas. "H-ha?" Saka kinapa ni
Jesse ang noo nito. "Sobrang init mo. Hindi ka naman ganito dati.
"N-nilalamig
ako, Jesse."
"Tatawag
ako ng doktor, sandali."
Hinigpitan
ni Jonas ang kapit kay Jesse. "Huwag na."
"P-pero..."
Napansin ni Jesse na pumikit si Jonas. Kapansin-pansin ang panginginig ng
katawan nito. Nabahala si Jesse. Gusto niyang tumawag ng doktor o nurse.
"Jesse,
pakiusap... Yakapin mo ako. Nilalamig ako Jesse."
Hindi
na nagdalawang isip pa si Jesse, sinunod niya ang gustong mangyari ni Jonas.
Nang yakapin niya si Jonas, damang-dama ng katawan niya ang panginginig ng mga
kalamnan nito. Ramdama niya ang hindi pangkaraniwang init ng katawan nito na
dahilan para mas lalo siyang mag-alala. "Jonas?"
"Jesse.
Huwag mo akong iiwan. Huwag mo akong iiwan."
"Oo
Jonas, dito lang ako. Pero kailangan ko nang tumawag ng doktor."
"Hindi
ko na kaya." saka ang muling sundot ng sakit. At sa pagkakataong iyon ay
hindi na niya naitago ang sakit. "Jesse..."
"Jonas?
Tatawag na ako ng doktor." Tinangka ni Jesse na umalis sa pagkakayakap
ngunit mahigpit ang kapit sa kanya ni Jonas. "Jonas, bitawan mo na ako.
Pakiusap."
"Ayokong
umalis ka. Baka hindi na kita makita." iyak ni Jonas.
"Jonas..."
nagmamakaawang si Jesse. "Please."
-----
Isang
malutong na mura ang pinakawalan ni Justin nang hindi niya naabutan ang
nagsarado nang elevator. Hindi na siya nagdalawang isip na gamitin ang hagdan
para makarating siya sa thirdfloor. Ang galit niya ang nagpapabilis sa kanyang
pagkilos. Hindi maalis sa isip niya ang mukha ni Jesse na tila umiinsulto sa
kanya. "Makikita mo. Makikita mo."
-----
"Halikan
mo ako Jesse." nagsimula nang umubo si Jonas epekto ng hirap sa paghinga.
"Sa huling pagkakataon, gusto kong magpapahinga ako na kasama kita. Ikaw
lang ang gusto kong makasama. Pakiusap, ipadama mo sa akin na mahal na mahal mo
ako. Yun ang gusto kong baunin, Jesse."
"Jonas...
ano bang pinagsasabi mo?" Mas lalong nagkukumabog ang dibdib ni Jesse sa
sobrang takot sa posibleng mangyari ano
mang sandali gaya ng ipinapahayag ni Jonas. "Ayoko. Ayoko Jonas. Hindi mo
ako iiwan." Hindi na niya inintindi kung mabasa man niya ang mukha ni
Jonas ng masaganang luha niya. "Ayoko. Hindi ako papayag na iwan mo ako
Jonas. Hindi mo ako iiwan. Sige na Jonas, tatawag na ako ng doktor."
"Jesse."
malumanay na may pakikiusap si Jonas.
Napa-titig
si Jesse sa mukha ni Jonas. Pinunasan niya ang luha ng nakahiga. "Sinabi
mo kanina, na sasama ka na sa kuya mo,di ba?"
"Jesse."
ulit ni Jonas.
"Jonas
naman eh." napa-tingala si Jesse. Ayaw niya ang titig na iyon ni Jonas.
Lalo pa't ang tono nitong nakakapagpalambot ng kanya. "Jonas." Wala
na siyang nagawa kundi sundin ang hiling. Ang maaring huling ni Jonas.
Lumapat ang labi ni Jesse sa labi ni Jonas.
Magaan ngunit mainit. May pagmamahal. Totoo, walang nang alinlangan, para sa
minamahal. Kung iyon man ang huli, ayaw na rin niyang matapos.
-----
"Anong
nangyari bossing?" tanong ni Tamie nang makasalubong niya si Arl.
"Ayun,
siguradong galit na galit." sabay tawa ng malakas.
"Napansin
mo ba yung damit ni Justin?" napahagikgik si Tamie. "Kung nakita nyo
lang reaksyon kanina ni Arl, yung kung paano mandilat ang mga mata niya nang
mabasa ko ang suot niya." hindi na napigilan ni Tamie ang tawa.
"Good.
Malamang, sa ilang saglit pa, magkakagulo na."
"Malamang
na malamang bossing. Pero hindi ko rin maiwasang maawa kay Jesse."
Napa-titig
si Arl kay Tamie saka bumuntong hininga.
-----
Alam
ni Jesse na naibigay niya ang hiniling ni Jonas. Isang bagay na nagpagaan ng
loob niya. Ngunit nang hindi na niya maramdaman ang paggalaw ng labi ni Jonas,
saka siya muling kinabahan. Inangat niya ang kanyang mukha palayo sa mukha ni
Jonas habang ang mga mata ay titig na titig. Nakapikit si Jonas. Hindi
kumikibo. Ngunit ang mga labi ay may ngiti.
"Jonas?"
tawag niyang may pag-aalala kasabay ng magaan na pagyugyog.
Nakapikit
nang nagsalita si Jonas. Kapansin pansin ang paghinga nito ng malalim.
"S-salamat." Kasunod noon ang muling pag-atake ng mas matinding sakit
sa ulo ni Jonas. Ang matinding hindi pa niya nararanasan simula pa noong una.
"Jesse..." sigaw niya.
Nataranta
si Jesse sa di alam kung ano ang gagawin."Jonas, jonas. S-sandali tatawag
ako ng doktor." Pero hindi niya magawang iwan si Jonas. "Dok,
nurse." sigaw niya. "Sandali."
"Dito
ka lang." sabi ni Jonas habang iniimpit ang sakit na nararamdaman.
"Dok,
nurse." sigaw at iyak ni Jesse. "Diyos ko." nasabi ni Jesse
habang nakikita ang kalagayan ni Jonas. "Dok, ang pasyente."
Saka
bumukas ang pinto.
"Dok!."
lumingon si Jesse. Halos hindi niya masino sa unang tingin kung sino ang
pumasok dahil sa namumuong luha sa kanyang mga mata dahilan para manlabo ang
paningin niya.
"Anong
ginagawa mo rito?" parang ang lahat ng galit ni Justin ay nasa tanong na
iyon.
Saka
lang niya na sino ang bagong dating. "Si Jonas." sagot niya. Hindi
niya pinansin ang tanong ni Justin. Muli niyang hinarap ang pasyente.
"Jonas..." Nagulat na lang siya nang hindi inaasahan nang hatakin ang
kwelyo niya ni Justin. Hindi na niya namalayan kung saan nagmula ang isang
pagtama ng isang mabigat kung ano sa kanyang mukha. Wala siyang lakas sa
puntong iyon kaya napatilapon siya palayo sa kinahihigaan ni Jonas. Nawalan
siya ng balanse at napaupo sa gilid ng pintuan.
"Sinabi
ko na sayong layuan mo ang kapatid ko." Sabi ni Justin matapos niyang
sapakin papalayo si Jesse. Muli niyang nilapitan ang natumabang si Jesse. Muli
niyang hinatak si Jesse sa kwelyo nito sa binigyan ng isa pang kamao sa bandang
labi at panga dahilan para magdugo ang labi ni Jesse.
Muling
bumlandra si Jesse sa gilid ng pinto. Kung una ay hindi niya ininda ang sakit
ngayon, ramdam na ramdam niya ang sakit sa kanyang panga at ang sakit ng
kanyang likod at pang-upo nang tumama siya sa pader malapit sa pinto.
"S-si Jonas." iyak niya. Mas inalala pa niya pasyente kaysa sa sakit
ng kanyang katawan.
"Lumabas
ka rito kung ayaw mong mapatay kita. Lumabas ka na." nanlilisik ang mga
mata ni Justin nang sabihin niya iyon kay Jesse at ang kamao nitong tila maso
na nagpipigil sa susunod nitong pag-atake. "Papatayin kita."
"Si
Jonas. Pakiusap, tumawag ka na ng doktor." Ang mga mata niyang nakikiusap
na sinasabing si Jonas unti-unti nang namamatay, pakiusap tumawag ka na ng
doktor. Iniwan ng nagmamakaawang mga mata ni Jesse si Justin at tumingin kay
Jonas na patuloy pa ring iniinda ang sakit. "Si Jonas."
Parang
walang narinig si Justin kay Jesse. Muli niya itong hinatak pataas saka ang isa
pang kamao na kanina pa naghihintay ng matatamaan. Sapol si Jesse sa mukha.
Dumating
ang doktor at mga nurse. Hindi pinansin ng mga ito ang dalawang lalaki sa gilid
ng pinto. Dumiretso sila sa pasyente.
Agad
napatayo si Jesse nang nagdatingan ang sasaklolo kay Jonas. Nananakit ang
katawan at ang mukha pero pinipilit ang sariling puntahan si Jonas. Hindi niya
iniintindi si Justin.
"Saan
ka pupunta?" pigil ni Justin. "Hindi ka talaga aalis?"
Nilingon
ni Jesse si Justin. "Pakiusap, dito lang ako."
"Pinalalabas
na kita." sigaw ni Justin. Wala siyang pakialam sa ibang tao sa loob ng
kwartong iyon. "Hindi pa ba sapat ang mga suntok ko sayo, ha? Gusto mo
talagang mapatay kita?"
"Pakiusap.
Justin, pakiusap. Sa huling pagkakataon, pabayaan mo muna ako
rito."sisigok sigok si Jesse. Lumuhod pa siya mapagbigyan lang ni Justin.
"Pakiusap."
Ngunit
wala talagang balak na pakinggan ni Justin ang hinihiling nito. Lumabas siya ng
kwartong iyon.
Akala
ni Jesse ay Ok na ang lahat. Agad siyang tumayo at bahagyang lumapit sa
pasyente. Naka pwesto siya sa alam niyang niya maaabala ang doktor at mga nurse
na nag-aasikaso sa pasyente. Awang-awa siya kay Jonas na hindi mapakali sa
sakit na nararamdaman. "Jonas..." Nagulat siya sa kalabog ng pinto.
Napalingon siya.
"Yan,
yang lalaking yan. Ilabas nyo yan rito, dahil makakapatay talaga ako kapag
hindi yan nawala sa paningin ko." sabi ni Justin sa kasama nitong tatlong
guard.
"Justin...
pakiusap." hingi agad ni Jesse. "Hindi naman ako gagawa ng masama.
Justin." Pero nahawakan na siya ng dalawang guard.
"Sir,
lumabas na lang po tayo ng maayos para walang gulo." sabi ng isang guard
na hindi humahawak sa kanya.
"Jonas.
Jonas!." sigaw ni Jesse habang pumipiglas.
"Sir,
huwag na po kayong magpumilit." sabi ng isang guard na nakahawak sa kanya.
Nahihirapan ito sa pagpupumiglas niya.
"Siguraduhin
nyong hindi na yan makakapasok dito." paalala ni Justin sa mga guard.
"Jonas,
jonas." patuloy na sigaw ni Jesse. Wala talaga siyang lakas para makawala
sa dalawang guard na humahawak sa kanya.
Pakaladkad
kung ilabas si Jesse sa hospital na iyon. Kahit pinagtitinginan ng mga tao,
hindi iyon pansin ni Jesse dahil ang isipan niya ang kagustuhang makabalik.
"Si Jonas." Basang-basa ng luha ang kanyang mukha habang nakaluhod sa
labas ng hospital sa harap kung saan nakatayo ang mga guard na nagbabantay sa
kanya.
"Sir,
pinagtitinginan ka na ng mga tao." sabi ng isang guard.
Hindi
pinansin ni Jesse ang sinabi ng guard. "Pakiusap, gusto kong makita si
Jonas. Kailangan niya ako."
"Pero
sir, hindi daw po kayo pwedeng pumasok. Saka gumawa na po kayo ng gulo."
"Ako
ang kailangan ni Jonas. Gusto niya akong makita." iyak pa rin ni Jesse.
"Kahit
na makapasok kayo, hindi nyo rin makikita yun. Bawal na ho ang bisita
ngayon."
"Papasukin
mo ako..."
Saka
dumating si Tamie.
"Jesse."
Napatingin
si Jesse kay Tamie na nakaupo sa kanyang harapan. "Si Jonas, Tamie. Si
Jonas. Iiwan na niya ako. Gusto ko siyang makita. Pakiusapan mo sila na
papasukin ako, sige na Tamie. Pilitin mo sila."
"Bakit
ganyan ang nangyari sa mukha mo?" imbes na sagutin ni Tamie ang hiling ni
Jesse pinansin na lang nito ang ilang pasa sa mukha ni Jesse.
"Huwag
mo yang intindihin. Sige na Tamie, tulungan mo ako."
"A-h..."
walang masagot si Tamie kay Jesse. Alam naman kasi niyang wala siyang magagawa.
Sa totoo lang, wala sana siyang balak na samahan si Jesse sa gitna ng paningin
ng mga tao. Nakakahiya para sa kanya ngunit gaya ng inutos ng kanyang amo,
sinunod na lang niyang pahinahunin si Jesse. "Maraming nagbabantay
Jesse." sa wakas nagkaroon din siya ng lakas ng loob magsalita kay Jesse.
"Hindi ka makakapasok. Gumawa ka na kasi ng eskandalo."
"Hindi
ako ang nagsimula. Si Justin."
"Kahit
na. Pasyente kasi niya si Jonas. Kaya karapatan niyang paalasin ka."
"Pero
ako ang kailangan ni Jonas."
"Jesse!"
sigaw ni Tamie. "Doktor ang kailangan ni Jonas. Hindi ikaw!"
Natulala
si Jesse sa pagsigaw ni Tamie. Ngayon lang niyang narinig na sumigaw ito at
ngayon lang rin niya nakitang namilog ang mga mata nito sa galit, inis o hindi
niya alam kung bakit. Natulala siya saka yumuko.
"...sa
ngayon Jesse." dugtong ni Tamie
nang mapansin ang biglang pananahimik ni Jesse. "Sana maintindihan mo ang
sitwasyon."
"P-pero,
sabi niya sa akin gusto na raw niyang magpahinga." saka siya tumingin sa
mata ni Tamie. "Iiwan na niya ako. Tamie, yun ang sabi niya sa akin."
"Hindi
mangyayari yun Jesse. Gagawa ng paraan ang kapatid niya. Sigurado ako. Hindi
papayag si Justin na ganun ganun lang na mawawala sa kanya ang pinakakamamahal
niyang kapatid."
Sisinok-sinok
si Jesse nang muling yumuko. Pagkatapos noon, hindi na kumibo pa si Jesse.
Ilang
oras din ang tinagal ng pagkakaupo ni Tamie at Jesse sa gitna ng daan malapit
sa main door ng hospital. Ilang beses na rin niyaya ni Tamie si Jesse na tumayo
para umuwi pero walang kibo si Jesse. Nagyaya rin siyang kahit lumipat lang
sila ng pwesto pero ayaw talaga ni Jesse. Panay ang buntong hininga na lang ni
Tamie. Wala siyang magawa kundi samahan si Jesse gaya ng utos ng kanya ni Arl.
Pangalawa, nakokonsyensya rin naman siya sa ginawa. Pangatlo, kaibigan na rin
naman niya si Jesse. Yun nga lang, lihim niya itong tinatraydor.
Isang
oras pa ang nakalipas nang mapansin nila ang papaalis na sasakyan ni Justin.
Napatayo si Jesse nang mapansin sa di naman kalayuan ay huminto ito patapat sa
kanila. Sumunod niyang napansin ang pagbukas ng bintana ng kotse nito. Doon
niya nakita ang mukha ni Justin na alam niyang kakagaling lang sa pag-iyak.
Namamagang
mata? Sa ilang oras? Bakit anong nangyari? Si Jonas? Galit pa rin si Justin
dahil sa mga mata nitong nanlilisik. At alam kong para sa akin ang mga tingin
na iyon. Hindi lang galit, may makikitang poot. Ano bang nangyari? Kinakabahan
ako.
Muling
nagsara ang bintana ng kotse ni Justin saka matulin itong umandar papalayo sa
hospital na iyon.
Agad
ang paglingon ni Jesse kay Tamie. "Tamie si Jonas."
"A-anong
gagawin natin?"
"Subukan
natin kung maari na tayong makapasok. Wala na si Justin."
Napabuntong
hininga si Tamie, inilaylay ang balikat. "Sige." sagot niyang
napipilitan. Sinundan niya si Jesse na patungo sa kinatatayuan ng mga gwardya.
"Maari
na ba akong pumasok?" tanong agad ni Jesse sa mga guard.
"Hindi
po Sir dahil wala na po dito ang hinahanap ninyo. Wala na po sa loob ang
pasyente. Inilabas na kanina pa."
Napakunot
noo si Jesse. "A-anong-"
"Sir,
inilabas na po rito ang pasyente." ulit ng guard.
"Saan
dinala." si Tamie na ang nagtanong.
"Hindi
po namin alam."
"Pero
pwede ba kaming magtanong sa information kung saan inilipat ang pasyente?"
"Hindi
po. Ipinagbilin."
-----
"Iwan
mo na ako Tamie."
"H-ha?"
nagulat si Tamie nang sabihin iyon sa kanya ni Jesse. "Bakit?"
"Maraming
salamat sa mga natulong mo. Saka ako babawi pero sa ngayon gusto ko munang
mapag-isa."
"Hindi.
Sasamahan kita. Hanggang sa maka-uwi ka sa inyo."
"Ok
lang ako Tamie. Kaya ko naman umuwi. Gusto ko lang makapag-isip." muling
tumulo ang mga luha sa mga mata ni Jesse. "Ok lang ako."
Tumitig
muna ng saglit si Tamie kay Jesse. Tinantiya niya kung nagsasabi ng totoo si
Jesse- na kaya nito. Saka bumutong hininga senyales ng pagsuko. "Sige.
Ingatan mo ang sarili mo ha?"
Ngumiti
lang ng tipid si Jesse.
-----
Naglalakad
si Jesse. Nang nag-iisa. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng kanyang
paa. Malayo-layo na rin ang nalalakad niya pero wala siyang nararamdamang pagod
o bigat sa kanyang mga binti. Tanging ang alam lang niyang dinadala niya ay ang
pangalan ni Jonas. Paulit-ulit na sinigaw ng kanyang isipan. Si Jonas.
Hindi
ko alam kung ano ang nangyari kay Jonas. Ang hirap isipin. Lagi kong naalala
kung paano siya nahihirapan- hindi na niya kaya. Tuluyan na ba talaga siyang
nagpahinga? Hindi. Hindi ako iiwan ni Jonas. Hindi niya ako hahayaang malungkot
ng sobra-sobra tulad nito. Sobrang masakit sa akin.
Saka
siya napa-tingala sa langit. Sa pagkakataong iyon, tila nakikita niya ang alam
niyang dapat hinihingian niya ng tulong simula't simula pa lang. Panginoon.
Patuloy
pa rin siyang naglalakad. Hindi siya napapagod. Pilit niyang inilalagay sa
kanyang isipan na hindi pa kinuha ng nasa taas si Jonas. Ayoko pong maniwala.
Hindi
niya namamalayang may sumusunod pala sa kanyang kotse.
-----
Kanina
pa kung sundan ni Arl si Jesse. Sa totoo lang hindi naman siya umalis kanina sa
hospital. Naroon lang siya sa isang tabi kung saan hindi mapapansin. Nang
mapansin niyang iniwan na ni Tamie si Jesse saka niya sinamantalang sundan ito.
Alam niyang kailangan ni Jesse ng kasama. Kahit pa sabihing gusto nitong
mapag-isa tulad ng sinabi sa kanya ni Tamie gamit ang cellphone.
Hindi
lang siya nagpapahalata. Gusto lang niyang masiguradong hindi mapapahamak si
Jesse. Oo, ginamit niya ang magkasintahan para pasakitan ang gusto niyang
paghigantihan.
-----
"Jesse."
tawag ni Arl. Huminto ang sasakyan sa harap ni Jesse na sa puntong iyon ay
nakaupo na sa isang bench. Antok na antok. Halatang dinaramdam na ang pagod at
ang sakti ng katawan. Napansin kasi niyang tinangka nitong muling tumayo ngunit
dahil sa panginginig ng mga binti, muling nabuwal pabalik sa pagkakaupo.
Agad
ang tingin ni Jesse sa kung sino ang tumawag. "A-arl? Anong ginagawa mo
rito?"
"Sumakay
ka na." Yaya ni Arl.
Mabilis
na tumanggi si Jesse. "Hindi na. Maraming salamat na lang. Gusto kong
mapag-isa."
"Galit
ka ba sa akin?" tanong ni Arl. "Kung alam mo lang ang katotohanan
sigurado namang magagalit ka sa akin." Lihim siyang napa-tsk.
"H-ha?
Hindi ah. Bakit naman ako magagalit sayo. Dapat pa nga akong magpasalamat dahil
binigyan mo akon ng pagkakataong makausap si Jonas kahit sa-" hindi niya
nabanggit ang huling sandali. "Hindi ako naniniwalang iniwan na ako ni
Jonas." muling naglagos ang mga luha sa mga mata ni Jesse.
"Dapat
ka na nga sumakay Jesse. Kailangan mo ng magpahinga." Bumaba na si Arl sa
kotse.
"Huwag
ka ng mag-abala." tanggi ni Jesse habang tinatanaw ang papalapit na si
Arl. "Salamat na lang."
"Sumakay
ka na." hinawakan ni Arl ang braso ni Jesse. Hindi naman nahirapan si Arl
sa pangungumbinsi kay Jesse.
-----
"Bakit
dito mo ako dinala?" tanong ni Jesse kay Arl nang huminto ang sasakyan sa
harap ng mataas na gate na hindi niya alam kung kanino.
"Dito
ang bahay ko. Alam kong wala kang kasama sa bahay mo kaya naisip kong dito ka
na lang dalhin. Baka kasi kung ano ang maisipan mo kaya, kailangan mo ng
kasama."
Na-gets
ni Jesse ang ibig sabihin ni Arl. "Yun nga ang naiisip ko kanina. Kung
mawawala lang rin naman si Jonas, dapat lang na sumunod na ako."
"Hindi
mo kailangan yan Jesse. May dapat ka pang malaman bago mo isipin ang
ganyan." Pero imbes na sagutin ni Arl ang sinabi nito, iniba niya ang
usapan. "Kailangan mo na talagang magpahinga."
Hindi
na rin umimik si Jesse.
"Bukas
kapag nakabawi ka na ng lakas, may pupuntahan tayo." sabi ni Arl habang
muling pinatakbo ang sasakyan ng maluwang nang nakabukas ang gate para
makapasok ang sasakyan.
"H-ha?"
"Makikibalita
tayo sa bahay ni Justin kung ano talaga ang nangyari kay Jonas. Tapos saka mo
isipin ang galit at poot. Dahil ang nararamdaman mo ngayon galit ay wala pa yan
sa dapat mong maramdaman Jesse. Malalaman mo bukas."
"Ok."
-----
Kinabukasan,
nakaparada na ang sasakyan ni Arl sa harap ng bahay ni Justin. "Jesse kaya
kita dinala dito para makumpirma mo kung ano ang kalagayan ni Jonas. Ang para
sa akin lang naman, para alam mo kung paano ka muling babangon sa panibago mong
buhay."
"H-ha?"
naguguluhan siya. Panibagong buhay? Bakit? "Hindi kita maintindihan."
"Tingin
sila na lang ang dapat magsabi sayo." sabi ni Arl.
Si
Jesse lang ang bumaba ng sasakyan. Hindi daw kasi pwedeng bumaba si Arl dahil
kilala siya ng guard na totoo naman. Kumatok si Jesse sa gate. Agad naman ang
paglabas ng kasambahay.
"A-h
ako pala s-si J-" muntikan na niyang masabi ang pangalan niya. Sinabi nga
pala sa kanya ni Arl na ibahin niya ang pangalan niya. "Ako si Tamie.
Kaibigan ako ni Justin. Gusto ko kasing makibalita kung nasaan siya ngayon.
Galing pa kasi ako sa probinsiya eh."
Napa-titig
ang kasambahay kay Jesse. Napansin nito ang namumugtong mga mata ni Jesse.
"Ah ganoon ba? Wala kasi dito si Sir eh."
Saka
lang napansin ni Jesse na malungkot ang kasambahay. Parang may kung anong
kabang dumapo sa dibdib niya. "N-nasaan siya."
"Umalis
po siya. Nagbilin lang na mawawala siya ng matagal."
"Matagal?"
naisip ni Jesse na posibleng lumipad ito kasama si Jonas para sa pagpapaopera
ng huli.
"Kasi
po." biglang naiyak ang babae.
Nagtaka
si Jesse. "Bakit?"
"Si
Sir Jonas po kasi-"
"Ha?"
tila sumabog ang lahat kay Jesse. Nakaramdam siya ng pagkahilo.
"Nakakaawa
po si Sir Jonas." hagulgol ng babaeng kasambahay.
Ayaw
na ni Jesse marinig ang gustong tumbukin ng babaeng iyon. Alam niya ang
susunod.
"Si
Sir Jonas po kasi-"
Tuluyan
nang nawalan ng panimbang si Jesse.
"Wala
na po si Sir. Patay na po si Sir Jonas."
No comments:
Post a Comment