Friday, January 11, 2013

Chasing Pavements: Book 5 (01 & 02)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[01]
Yung pakiramdam na parang umiikot ang paligid mo, yung tipong ang kisame at pader ay unti-unting lumalapit sa kinatatayuan mo na para bang iipitin ka habang yung sahig naman ay naging kasing lambot na ng bagong buhos na simento. Isama pa ang hindi mapigilang panginginig ng iyong mga kamay, panlalamig, paninikip ng dibdib, panlalabo at paghapdi ng iyong mga mata dahil sa pagpigil mo sa mga luha mo na bumagsak. Yung sa sobrang pagiisip at sa sobrang takot ay wala ng maproseso ng maayos ang utak mo at ang tangi mo na lang maitatanong sa sarili mo ay: “Ano na bang gagawin ko?”


“---unless na mapatunayan mo---” simula ulit ng pulis na asa aking kanan.


“Sir, kanina ko pa po sinasabi sa inyo na may marangal po akong trabaho, opo nagigipit kami minsan pero hindi naman po umaabot sa punto na---” simula ko uling pagtatanggol sa sarili nang putulin naman ako sa pagsasalita ng pulis na nasa aking kaliwa.


“Hindi naman lahat ng may marangal na trabaho ay marangal din ang ginagawa. Oo nga nurse ka pero malay ba namin na ito pala ang side line mo?” malisyosong singit nito.


“Eh bakit niyo pa po tinatanong sakin at pinipilit na patunayan na mali ang akala niyo kung sa bawat idadahilan ko po eh hindi niyo naman ako paniniwalaan? Why not just turn me in, since mukhang paniwalang paniwala na kayo na guilty ako.” maanghang na tanong ko sa dalawa na agad namang nagpalitan ng tingin.


Binalot kaming tatlo ng katahimikan ang pulis na asa aking kanan ay walang patumanggang nakikipagtitigan sa akin. Tila naman hindi ito nakaligtas sa pulis na asa aking kaliwa dahil ito ang bumasag sa aming pagtititigan at katahimikan sa pagitan naming tatlo.


“You can call someone first before we turn you in.” saad ng pulis na asa aking kaliwa atsaka tumayo at tumango sa kaniyang kasamahan para narin siguro mabigyan ako ng privacy.


Nang makalayo na ang dalawa ay agad kong dinukot ang aking telepono sa bulsa ng aking pantalon. Hindi na nagisip pa kung sino ang aking unang tatawagan. Nang makita ko ang panagalan nito sa aking phonebook ay agad ko itong tinap, lalong kumabog ang aking dibdib nang marinig kong magring ang kabilang linya, mas malakas pa ang pagkabog nito ngayon kesa kanina habang ginigisa ako ng mga pulis, mas malakas pa sa pagkabog nung sabihan ako na maaari akong iditena sa prisinto na iyon.


“Hello?”


Sa simpleng salitang iyon, ang sakit, galit at pagkasabik na kinimkim ko sa taong asa kabilang linya ay hindi na napigilang maglabasan ulit.


Hindi ko na napigilan ang mga luha ko sa pagdaloy na lalong ikinahapdi ng mga ito.


“Hello JP---”


3 months earlier...
November 30, 2012



“Marcus Salvador Calling” sabi sa screen ng telepono ko, dinecline ko ang tawag, inilapag ang telepono sa side table at bumalik na lang sa pagtulog, malapit na akong kainin ng aking mga panaginip nang makaramdam ako ng paggalaw sa aking tabi, agad nagising ang diwa ko atsaka tumingin sa aking kanan.


“Oh shit!”


“Oh fucking shit!” sabi ko ulit sa sarili ko at dahan-dahang kumalas sa pagkakayakap ni Pao. Nagpa-panic kong hinanap ang mga damit ko, pero mag sasampung minuto na ata akong nagiiikot sa buong unit ni Pao ay wala parin akong makita ni anino ng medyas ko.


“How can I be so fucking stupid?!” galit kong sabi sa sarili ko.


“Hey, good morning.” bati ni Pao sa gawi ng kama, kinukusot nito ang kaniyang mga mata. Napatigil ako, lalo akong nag-panic pero naisip ko rin na walang mangyayari kung magpapanic ako. Sabi nga ng teacher ko nung college: “There's no room for PANIC in a nurse's life.” Nangyari na ang nangyari, wala na akong magagawa kundi ang magbuntong hininga at ipikit saglit ang aking mga mata, nang imulat ko ang aking mga mata ay nakita kong pinapasadahan ng tingin ni Pao ang aking katawan. Hindi ako maskulado, wala nang ipapangit pa ang katawan ko kaya di ko magets kung bakit tila ba wiling wili si kumag sa pag-tingin sakin. Na-conscious ako bigla at hinila ko ang isang kumot sa di kalayuan at binalot ko yun sa katawan ko.


“Relax, Migs. Just go with the fucking flow.” alo ko ulit sa sarili ko. natigil ang pag-papanic ko pero napalitan iyon ng galit na hindi ko na-realize na mas malala pala sa pagpapanic.


“What the fuck did you do with my clothes?” naiinis kong tanong kay Pao.


“Di ka nga pala morning person.” humahagikgik na sabi ni Pao sabay tayo sa kama at stretch, napanganga ako, alam kong nag-g-gym si Pao pero hindi ko alam na ganun pala kaganda ang katawan nito.


“Just give me my fucking--- just give me my clothes, please.” alam kong hindi ko siya makukuwa sa pag-galit galitan kaya't sinubukan ko ang isa pang paraan, ang pagmamakaawa. Pero si Pao naman ang nagalit sa ginawa kong iyon.



Nakita kong binalot ng galit ang mga mata nito, kulang na lang ay may lumabas na usok mula sa ilong at tenga nito.



“I know you will fucking panic and jet on me after you wake up this morning so I hid them!” naiiritang sagot ni Pao. Pinipigilan ko ulit ang sarili ko na magalit.


“Why?” tanong ko dito.


“You wanna fucking know why? Because I don't want you to treat me like the way your fucking brother treats me! What's with you and your brother? Why do you always fucking panic after sleeping with me? Am I that fucking disgusting that you cannot fucking stand waking up with me in bed?!” sumisigaw nang sabi ni Pao, saglit akong natatameme. As in saglit na saglit lang, parang mga 10 miliseconds lang bago ako balutin ng panibagong galit.


“There's so many fucking things you still don't know about me! And one of them is --” pabulong pero puno ng galit kong sabi kay Pao na ikinagulat nito. “--- I don't fucking like it when I am compared to anyone especially to my brother!”



Saglit kaming nagtitigan, parehong nababalot ng galit ng aming mga pagkatao, pero ako rin ang unang pumutol ng pagtititigan na iyon. Naglakad ako papunta sa side table ni Pao at kinuwa ko ang susi ng sasakyan.



“You don't want to fucking give me my clothes back, then fine, I'll go home wearing my fucking boxers!” sigaw ko dito.


“Fine!” sigaw nito sabay talikod sakin, nagtungo ng banyo, naghimalos at nagmumog saka tumuloy sa kusina at nagluto ng agahan na akala mo normal na araw lang.


“Fine!” sigaw ko ulit nang mapagtanto kong hindi na talaga ako pipigilan pa nito na umalis ng naka boxers lang.


Inis na inis parin akong naglakad papunta sa front door at bago lumabas dito ay siniguro kong wala na akong nakalimutan, non ko lang napagtantong naiwan ko nga pala sa side table ang aking telepono kaya naman binalikan ko ito. Ramdam ko ang pagsunod ng tingin sakin ni Pao kaya naman nilingon ko ito. Agad itong nag-iwas ng tingin at bumalik sa pagpipirito ng itlog.


Ibinalik ko ang aking pansin sa paghahanap ng aking mga posibleng gamit pero wala akong makita kundi ang isang puting t-shirt na hindi pa sa akin. Dinampot ko ito, nang malapitan ko itong nakita ay saka ko nasiguro na kay Pao nga iyon dahil iyon ang kaniyang suot noong nakaraang gabi habang asa aking birthday party. Wala sa sarili ko itong sinuot, deadma na lang kung lukot-lukot ito basta naisip ko na at least may magagamit na ako.


“That's my shirt, you know---” simula ni Pao habang naglalakad ako muli papalapit sa front door.


“Fuck you!” singhal ko pabalik dito.


“We already did---” pahabol pa ni Pao pero hindi ko na narinig pa ang sumunod na mga sinabi nito dahil isinara ko na ang pinto sa aking likuran.


0000ooo0000


Excited kong tinahak ang apartment ni kuya at ng best friend nito. Yun ang pangalawang beses kong makakapunta doon, yung una ay nung naghakot kami ng mga gamit at ngayon ay para bisitahin ito para makita narin ang posible kong tuluyan kapag tumuntong na ako ng kolehiyo sa susunod na school year.


Katatapos ko lang kumuwa noon ng entrance exam at excited akong ikuwento ito kay kuya. Si kuya sa pinakapaborito sa aking mga kapatid, Oo, strikto ito pero ito rin ang pinakamalambing, maaalalahanin at mabait sa lahat ng aking mga kapatid, ito rin ang bukod tanging nakikinig sa mga halos walang katuturan kong mga kwento, ngunit nitong mga nakaraan ay medyo na nahimik na at nanlamig na si kuya. Hindi ko ito masyadong binigyan ng pansin, inisip ko na lang na madami ito masyadong iniisip at inaatupag lalo pa't nagme-medicine ito.


Nangingiti-ngiti kong nilakad ang natitira pang ilang hakbang papunta sa pinto ng apartment nila kuya. Iniisip na tiyak ay masusurpresa ito sa biglaan kong pagsulpot.


Ngunit kabaligtaran ang nangyari. Ako ang nagulat nang buksan ko ang front door.


“I hate him. I should hate him.” sabi ko sa sarili ko habang sumasakay sa isang dyip nang maalala ko ang tagpong iyon may ilang taon na ang nakakaraan.


Simula kasi noong araw na iyon ay wala sa sarili ko ng sinisi si Pao sa pagbabago ng ugali ni kuya at ngayon, siya ulit ang sinisisi ko dahil alam kong ikasisira nanaman ito ni kuya.


“Do you think that's the reason why kuya changed?” malungkot kong tanong kay kuya Ron nung naghahakot kami ng aking gamit papunta sa kaniyang unit.


“Pwedeng Oo, pwedeng hindi.” makahulugang sagot ni kuya Ron.


“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko dito sabay baba ng ilang sapatos na aking dinala mula sa bahay.


“Pwedeng nagbago nga siya dahil doon, siguro kasi nahihiya siya sa inyo. I mean, being gay or bisexual or whatever label do you want to call it is still not that widely accepted and being rejected by the people you've known all your life really hurts like a bitch. Pwede rin namang hindi dahil baka naisip niya lang magbago dahil iyon ang akala niyang makakabuti at walang kunkesyon ang pagkakaroon nila ng relasyon ni Pao sa pagbabago na iyon.” kibit balikat ulit na sabi ni kuya Ron.


Ngunit sa kabila ng sagot na ito ni kuya Ron ay ipinograma ko parin ang sarili ko na magalit kay Pao.


At iyon ulit ang ginagawa ko ngayon. Ang iprograma sa isip ko na masamang tao si Pao, na magalit ako dito dapat at layuan ko ito, alang-alang kay kuya.


0000ooo0000


“Where have you been?” tanong ni kuya sa aking likuran na halos ikatalon ko. Buti na lang at nakapagpalit na ako ng damit nang bigla itong bumulaga.


“Oh, t-tumambay lang ako kila Fhey.” pagpapalusot ko na mukhang kinagat naman ni kuya.


“Kagabi ka pa hinahanap ni Rick. Wag ka ng matulog at kung may pasok ka mamya, magtiis ka. Magdamag kang na-miss nung bata.” pairap na sabi sakin ni kuya, tumitig ito saglit sa akin, malamang nagiintay ng aking naiiritang pagsupalpal sa kaniyang sinabi katulad ng nakasanayan namin kaya nang hindi ito nakatanggap ng pabalang na sagot mula sa akin ay agad itong nagtanong.


“Are you OK? Did something happened last night that I need to know?” kunot noong tanong ni kuya sakin. Agad akong pinagpawisan ng malamig, hindi alam ang isasagot.


“Marcus!” sigaw ni ate Carmi kay kuya.


“Coming!” sagot naman ni kuya sabay talikod sa akin at tinungo ang kusina kung saan andun si ate.


Tinungo ko ang tinutulugang kwarto ni Rick. Hindi ako makapaniwala na nakalusot ako sa napipintong pagtatanong ni kuya.


0000ooo0000


Ilang linggo ang lumipas at wala na sa aking isip ang nangyari sa pagitan namin ni Pao. Hindi ko na ito nakikita na bumibisita sa apartment namin ni kuya, tila ba nabura ito sa mundo dahil maski ang kinakasama ni kuya ay hinahanap na rin ito. Ang hindi pagpapakita na ito ni Pao ay ayos lang sakin.


“Toxic ba?” tanong ni Anthony sakin nang maabutan ako nitong bagsak balikat at halos mas malaki na ang eye bags ko kesa sa aking mukha.


“Kailangan pa bang tanungin yan?” tanong naman ni Erwin sa kaniyang nobyo na ikinairap lang ng huli.


“Bakit asa akin nanaman ang sumpa ng ka-toxic-an?!” pagod na pagod kong sabi na ikinahagikgik ng dalawa.


“Di mo pa daw kasi itini-turn over eh.” humahagikgik na sabi ni Erwin.


“Oo nga pala pinapatawag ka ni direk.” saad ni Anthony sabay turo sa opisina ng ER medical director.


“Bakit nanaman?” pagod na pagod ko paring sabi sabay sapo sa aking noo bilangs abi na ayaw ko na ng stress pa.


“Meron atang bagong residente. Ikaw ata ang gustong mag orient dun sa baguhan.” kibit balikat na saad ni Erwin na kala mo walang ka dating-dating sa kaniyang sinabi na iyon.


“Bakit ako?! Anong ginagawa ni Divo?! Anong ginagawa nung cheap nurse na yun?!” galit kong tanong sa dalawa.


“Oh, wag mo kaming pandilatan.” “Edi lumalandi.” sabay na sagot ni Anthony at Erwin.


Si Divo kasi ang napili na maging chief nurse habang si Anthony ang inilagay na head nurse ng ER at si Erwin sa infection control. Hindi namin alam kung paanong nakumbinsi ni Divo ang board ng ospital ang tangi naming alam ay hindi ito makatarungan para kay Erwin o maski sa lahat ng nurses sa ospital na iyon lalo pa't mas concern ito sa ikabubuti at ikababango ng kanyang pangalan kesa kapakanan ng nakararami, kaya naman nang mapili siya bilang chief nurse ay lubos na ikinabahala ng lahat.


“It's just that I'm so tirrreeeeddd.” halos umiyak ko ng sabihin na ikinailing ng dalawa.


“I'll do it.” prisinta ni Anthony.


“Hindi na, ano ka ba. Kaya pa saka baka magalit si direk, sabihin sakin ini-atas tapos ipapasa ko sa iba.” sabi ko dito nang bigla akong makaramdam ng hiya dahil sa aking inaasta.


“Kami ng bahala dun.” salo naman ni Erwin sa nobyo.


“OK lang. Saglit lang naman yun, orientation lang---teka, kilala niyo ba kung sino 'tong bagong duktor na'to?” tanong ko sa dalawa.


“Nope.” sagot ni Anthony.


“Bagong graduate siguro.” sagot naman ni Erwin.


“Ah ok--- sige ako ng bahala.” sabi ko sa dalawa na agad namang tumango at niyaya akong kumain.


0000ooo0000


“Sir kanina pa po kayo hinahanap ni direk.” saad sakin ni Kat, isa sa aking mga katrabaho nang makabalik ako matapos naming kumain nila Anthony at Erwin.


“Ah ganun ba, sige, thanks.” nakangiti kong sagot dito saka tumuloy sa opisina ng direktor.


“Sir, bagong duktor po ba yung kasama ni direk na i-o-orient niyo daw?” nangi-ngiting tanong sakin ni Kat na ikinataka ko.


“Oo ata. Bakit?” tanong ko dito.


“Pwede bang ako na lang ang mag-orient?” namumulang pisngi na tanong sakin ni Kat na ikinangiti ko narin pero lubasan ko paring ikinataka.


“Sure kung---” simula ko na agad namang naputol nang marinig ko ang boses ng direktor namin sa aking likuran.


“Of course not, Kat. Naka duty ka ngayon kaya iyon ang dapat mong asikasuhin ngayon. Besides ni-request mismo ni Doc na si Migs ang mag-orient sa kaniya.” agad akong napaharap sa sinabing ito ng aming direktor.


Tila ba binuhusan ako ng malamig na tubig. Lahat ng pagod na lumunod sa katawan ko sa loob ng aking shift ay tila nakalimutan na ng aking buong katawan dahil sa pagkamanhid, ang paa ko ay tila naging gelatin dahil pakiramdam ko ay hindi ako makakatagal sa pagtayo.


“Migs, OK ka lang? Namumutla ka ata. Wag mong kalimutan na i-o-orient mo pa ako.” nakangising saad ni Pao sa tabi ng aming direktor na nakangiti din habang si Kat ay ipnababalik-balik ang kaniyang tingin sa akin at kay Pao.


“Oh shit.” sabi ko sa sarili ko.


Oh shit indeed.


Itutuloy...


[02]
Hindi ako mapakali sa ilalim ng nanunukat na mga mata ni Erwin at Tony.
“I still can't read him.” sagot ni Erwin kay Tony sabay inom sa kaniyang tasa.

“I can't smell him either.” sagot naman ni Tony habang nakatitig parin sakin.

“Ewan ko sa inyong dalawa.” sagot ko naman sa mga ito sabay sabi ng pasasalamat sa baristang nag-abot sa aking ng aking kape.


Simula kasi noong sumulpot si Pao noong umagang iyon sa ospital ay hindi na ako tinigilan ng dalawa patungkol sa aking sekswalidad na mariin ko namang itinatanggi. Ipinipilit nilang meron silang nakitang kuneksyon sa aming dalawa ni Pao lalo na nung magtama ang mga tingin namin nito.


“He ain't homophobic---” simula ni Tony na agad ko namang binara habang naglalakad kami papsok ng department store.


“Di porket di ako homophobic eh bakla na ako.”


“Hindi rin siya nandidiri kapag naghahalikan tayo---” simula ni Erwin na agad ko ring binara.


“It's because I have an open mind.” balik ko na agad namang nagtulalak sa dalawa na magkatinginan.


“What?” balik ko sa mga ito lalo pa't nakita ko ang sabay na pagngisi ng mga ito.


“Isa lang ang paraan para mapatunayan ang pagkalalaki nito eh.” nakangising saad ni Tony na agad namang ikinatango ni Erwin sabay hila sa akin sa likod ng isang mahabang sabitan ng mga damit.


Inaamin ko, sa dalawang kasamahan kong ito ay kay Ton, Tony or Anthony ako na-a-attract dahil sa mala artistahin nitong appeal kaya naman nang isandal ako nito sa pader at halikan ng mariin ay hindi ko narin napigilan ang sarili ko na ibalik ang maalab na mga halik nito. Nang ihiwalay ni Tony ang kaniyang mga labi sa aking mga labi, hindi pa man ako nakakabawi ng hangin ay agad namang inilapat ni Erwin ang kaniyang mga labi sa aking mga labi.


Walang emosyon pero mainit ang halikan na iyon na umabot pa sa punto na naramdaman ko na may matigas na bagay akong nararamdaman sa aking harapan mula sa katawan ni Erwin. Hindi pa doon natapos ang lahat sapagkat naramdaman ko pa na yumakap samin ni Erwin mula sa likod si Tony, hindi rin kaila na nagugustuhan na din nito ang kaniyang nakikita sa amin ni Erwin dahil may naramdaman din akong matigas na bagay na sumusundot sa aking likod.

“Ahem.”


Sabay sabay na naghiwalay ang aming mga katawan nang marinig namin ang mahinang paglilinaw na iyon ng lalamunan ng isang babae na manager ata sa department store na iyon sa hindi kalayuaan. Naabutan namin ang humahagikgik at namumulang pisngi na miya mo kinikilig na manager na nakatingin sa aming direksyon.


“S-sorry.” naibulalas ko na lang habang hindi alam kung saan magtatago dahil sa sobrang hiya.

“Don't be. That was hot.” sabi na lang nito sabay lakad palayo. Agad akong tumalikod at tinignan ng masama ang dalawa.

““Confirmed!”” sabay na sabi ng dalawa na lalong ikinamula ng aking pisngi.


0000oo0000


“Hey douchebag!” bati sa akin ni Kuya na matagal ko ng iniiwasan dahil sa takot na makita niya sa mga mata ko ang ginawa namin ni Pao mau ilang linggo na ang nakakaraan.

“Hey.” walang gana kong bati pabalik sabay tayo mula sa sofa at nagmamadaling pumunta sa may kusina.

“Hey, did I do something wrong? Napapansin ko na ilang linggo ka ng umiiwas sa akin.” saad ni kuya na halos ikatalon ko dahil sa gulat. Hindi pagaalala ang naririnig ko sa boses nito kundi tila ba panunubok.

“What?!” depensa kong tanong dito. Tinignan ako nito ng mariin.


Binalot kami ng katahimikan.


“What did you do, Miguel?” pabulong na tanong ni kuya na lalo kong ikinakaba.

“I-I--” simula kong paghingingi ng tawad dito nang biglang mag-ring ang phone nito na naging dahilan upang mag-excuse ito at putulin ang aming paguusap.


0000oo0000


Matapos ang muntikan ko ng pag-amin sa aking kuya at ang alam kong napipintong pagsasalpukan nanaman ng aming mga ego at pride ay ipinangako ko na sa sarili ko na hindi na muli pa akong gagawa ng bagay na magtutulak muli sakin na sirain ang umaayos ng relasyon naming mag-kuya.


Pero hindi ko inasahan na ang pangakong ito ang pag-iinitan ni tadhana.


0000oo0000


“Choco Almond Frappe.” sabi ko sa barista na siyang kumuwa ng aking order. Nginitian na lang ako ng barista at tumango, binayaran ko na ang kape at aktong pupunta na ako sa claiming area ng cafe na iyon nang makita ko si Pao na may kasamang isang babae na dumaan sa may unahan ng cafe na tatambayan ko sana bago ang aking duty.


“Kat?” tanong ko sa sarili ko ng ma-mukhaan ko kung sino ang babae na iyon, agad din akong yumuko at natago nang makita kong papasok ito sa cafe na akong kinaroroonan.


“Jim, pwede bang pakidala na lang sa table ko yung kape ko?” pabulong kong tanong sa barista, hindi pa man ito sumasagot ay agad na akong nagtago at pumunta sa pinaka sulok na table sa loob ng cafe na iyon.


Kitang-kita ko kung paano pabalik na makipag-flirt si Pao kay Kat na kilalang kilala bilang isa sa pinakamalanding nurse sa buong ospital. Hindi ko mapigilan ang sariling ulo na mag-init lalo pa't patuloy sa pag-arte na para bang nangangating mag-syota ang dalawa.


“Hi Migs! Wanna try our new drink?” malakas na pagkakasabi ng isa sa mga naging ka-close ko ng barista na ikinalingon nila Kat at Pao na nagdulot naman sakin para magtago sa likod ng libro na aking binabasa.

“Shhh!” saway ko sa barista na agad na nagdikit ang mga kilay sa pagtataka.

“Oh uhmmm-- I'm sorry.” paghingi ng tawad ni Jim na agad nawala ang ngiti sa mukha na ikinakonsensya ko naman.

“Hey. It's me. I was just in one of those rude mood is all. I'm sorry.” paghingi ko ng tawad kay Jim na muling ngumiti at ipinaliwanag ang bagong inumin nila sa cafe na iyon sabay upo sa upuan sa aking tabi. Muli akong sumulyap sa gawi ng lamesa nila Pao at Kat at mukha namang hindi nila ako napansin. Siguro ay napansin din ni Jim na hindi ako nakikiknig sa kaniya kaya't nilingon niya rin ang kinaroroonan nila Pao at Kat.


“---Hey is this a bad time, I mean--- it's obvious that you're not listening like your mind is somewhere else.” simula ulit ni Jim na muling ikinabalik ng atensyon ko sa kaniya.

“Shit. I'm sorry, Jim.” paghingi ko ulit ng tawad.

“Hey it's no biggie. This stuff is boring anyways. You might want to try it though, it's really really good.” pangungumbinsi ulit sakin ni Jim, hindi ko narin napigilan ang sarili na mapangiti lalo pa nang makita ko muli ang magandang ngiti nito.

“Sure.” sabi ko dito sabay abot ng kamay ko bilang senyas na gusto kong tignan ang inaalok nito pero bago pa man niya i-abot sakin ang inumin ay sumulyap muna ako sa gawi ng table nila Pao.

“Here you go.” saad ni Jim ngunit hindi ko inintindi ang pag-abot nito sakin ng inumin dahil nagtama na ang tingin namin ni Pao. Agad akong napabalikwas nang ma-realize ko na nakita na ako ni Pao kaya naman ang iniaabot na inumin sakin ni Jim ay nakabig ko.

“Oh shit!” naibulalas ko nang maramdaman ko ang malamig na inumin sa aking braso.

“Sorry!” agad na sabi ni Jim sabay abot sakin ng ilang tissue upang tuyuin ang natapong inumin.

“Ako yung dapat mag-sorry kasi hindi ako tumitingin sa inaabot mo. Wait, medyo malagkit yung drink, I'll just wash it off sa C.R.” paalam ko kay Jim at nagmamadaling pumunta sa may CR.

“Shit! Shit! Shit!” naiinis kong sabi sa sarili ko matapos mahuli ni Pao ang pagsulyap sulyap ko sa pwesto nila ni Kat, ipinapadyak ko rin sa inis ang aking paa habang inaanlawan sa lababo ang aking kamay.

“I'm such an idiot sometimes!” singhal ko ulit sa sarili ko sabay tinuyo ang aking mga kamay tumalikod na ako mula sa salamin ng banyo at maglalakad na sana palabas ng biglang bumukas ang pinto at bigla akong napasandal sa pader ng banyo.

“What the hell Pao?!” singhal ko dito sabay sapo ng batok ko.

“Why are you spying on us?!” naniningkit mata at nakangising tanong sakin ni Pao, tinulak ko ito palayo pero dahil mas malaki ang katawan nito ay di ako nagtagumpay at nakita ko na lang ulit ang sarili ko na muling nakasandal sa pader ng CR habang dinadaganan ni Pao.

“I was not spying! Nauna ako sa cafe na ito so hindi ko kayo sinundan ni Kat at lalong hindi ko kayo iniispiyahan!” singhal ko pabalik kay Pao na laong ngumisi at inilapit ang kaniyang mukha sa aking mukha.

“And why do you look like you're so pissed?” nakangisi paring tanong ni Pao na lalong ikinainit ng ulo ko.

“I was pissed because I can't fucking believe that you would flirt with someone who doesn't know the real you. You're being fucking unfair to Kat!” singhal ko dito pabalik na lalo nitong ikinangisi.

“You're acting like a jealous girlfriend. Admit it. You're jealous.” pambubuyo pa ni kumag, sasagot na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at bumulaga samin ni Pao ang gulat na gulat na si Jim.

“Oh--- uhmmm I'm s-sorry.” nauutal na saad ni Jim sabay talikod. Agad akong humiwalay sa pagkakadagan ni Pao at tinignan ito ng masama.


“Why would I be jealous? What happened that night was a one night thing only. Nothing more nothing less.” singhal ko kay Pao na tila naman ikinatunaw ng yabang nito base sa nakita ko sa mukha nito. Ngayon, ako naman ang ngumisi.

“You and Kat deserves each other. Pareho kayong makati.” pahabol ko na ikinamula ng pisngi ni Pao.


0000oo0000


“You said that?!” gulat na gulat na tanong ni Tony sa akin na ikinahagikgik naman ni Erwin.


“That bitch got what she deserves. A hard core asshole like Pao. They really do deserve each other.” umiiling na pagsang ayon ni Erwin matapos humagikgik.


Ikinuwento ko na kasi sa kanila ang lahat lahat ng nangyari at ang iba naman ay nabasa na nila sa blog ko na hindi ko rin napigilang sabihin sa kanila.


“You sounded a little jealous, though.” singit ni Tony na ikinagulat ko.


“What?!”


“Well you didn't have to look at their table all the time and ignore Jim if you don't at least care a little bit.” gatong naman ni Erwin na ikinainis ko.


“I don't care about that asshole, OK?! Geesh! Some friends you are!” singhal ko sa mga 'to sabay walk out. Bago pa man ako makalayo sa dalawa ay narinig ko ang mga ito na humagikgik.


Pero bago ko pa man tuluyang hindi na marinig ang hagikgikan ng dalawa ay napaisip din ako.


Bakit nga ba ako ganun ka-apektado?


0000oo0000


“Sakit sa utak nung duty na yun ah. Walang patid talaga ang pagiging toxic mo, Migs. Pabinyag ka nga ulit.” pangaasar sakin ni Tony habang naglalakad kami sa loob ng isang mall para maka-uwi.


“Wala ka ngang ginawa dyan eh!” singhal ko naman pabalik. Sasagot na sana si Tony nang bigla itong nabangga ng kung sino at na out of balance.


“Ton are you OK?” tanong ko kay Tony sabay alalay dito patayo.


“Dude, I'm sorry.” paghingi ng patawad ng lalaking nakabangga kay Tony na ikinapako ko naman sa aking kinatatayuan.


“Migs?” tawag pansin sakin ni Donna na nakatayo sa tabi ni JP na tila napako din sa kaniyang kinatatayuan nang makilala niya kung sino ang kaniyang mga nakabangga.


0000oo0000


“You guys are co-workers?” tanong ni Donna sa aming dalawa ni Tony.


Matagal akong hindi nakasagot hindi dahil hindi ko narinig o naintindihan yung tanong ni Donna kundi dahil abala parin ako sa pag-iisip kung paano ko pinabayaan na makasalo sa iisang table sila JP at Donna. Nagising na lang ako sa pag-iisip nang maramdaman ko ang bahagyang paniniko ni Tony sa aking tagiliran.


“Huh? Oh yeah, yeah magkatrabaho nga kami.” sagot ko naman.


“Migs oh.” saad ni Tony sabay lagay ng isang piraso ng chicken roll sa aking plato. Alam kasi nito na paborito ko ang chicken roll at dahil allergic din siya sa manok at wala siyang magagawa kundi ang ibigay na lang ito sakin kesa masayang pa. Pero ang ginawang ito ni Tony ay hindi nakaligtas kay Donna na tila naman kinulayan ng malisya ang nakitang iyon dahil sa paniningkit ng mata nito at kay JP na agad na sumama ang mukha.


“We are going to watch a movie, wanna join us? Tagal na nating hindi nakakapag-usap, Migs.” aya sakin ni Donna.


“Ay. Sine, maguusap? Tanga ka ba o nangga-gago, Donna? Sinong tanga ang magkukuwentuhan sa sinehan kesa manuod ng sine na siyang ipinunta mo naman doon?” sabi ko sa sarili ko na siyang pinaplano kong sabihin pero walang ka latuy-latoy na “Sure.” lang ang sinagot ko na ikinasamid naman ni JP at ikinataka ni Tony.


0000oo0000


Naunang pumasok sa hilera ng mga upuan si Donna, kasunod ni JP pagkatapos ay ako atsaka si Ton. Huli na ng maisip ko ng magkakatabi pala kami ni JP kaya't di pa man sumasayad ang puwitan ko sa upuan ay muli akong tumayo. Nagulat ako nang maramdaman ko ang mahigpit na paghwak ni JP sa braso ko, tinapunan ko ito ng nagtatakang tingin na agad naman niyang sinalubong ng isang hindi ko maipaliwanag na tingin.


Ang ilang segundong pagtitigan namin ni JP na iyon ay tila naman ilang oras para sa akin. Hindi ko mawari kung nagmamakaawa ba ito o nagagalit dahil sinira namin ni Ton ang lakad nilang magnobyo.


“JP?” tawag pansin ni Donna na marahil ay nagtataka narin sa inaasta ni JP.


“Lilipat lang ako dito sa kabilang upuan, nakatapat kasi sakin yung aircon.” wala sa sarili kong sagot na tila naman lalong nagpagulo sa isip ni Donna.


“Ha?” tanong ni Donna.


“Yung popcorn, hawak ni Migs.” pagpapalusot naman ni JP, wala sa sarili ko na lang na inabot ang bucket ng popcorn kay JP. Tila kinagat ni Donna ang palusot na iyon ngunit hindi si Ton na sa kabila ng dilim sa loob ng sinehan ay kitang kita ko ang naniningkit na mga mata habang lumilipat ako ng upuan.


0000oo0000


“That was a great movie! I want to watch it again!” masayang saad ni Donna sabay angkla kay JP.


“That was an awkward movie.” bulong ni Ton na siyang ikinakuwa ng pansin namin ni JP, mabuti na lang at abala si Donna sa pagkukuwento sa mga gusto niyang tagpo sa pelikula at hindi niya ito narinig.


Alam ko ang ibig sabihin ni Ton sa sinabi niyang iyon. Kung ipapa-describe niyo sakin ang pelikulang iyon gamit ang isang salita, ang pipiliin ko ay ang salitang “awkward”. Wala kasing tigil si JP sa kaka lingon sa aming kinauupuan ni Ton at wala rin itong tigil sa pagpapatahimik saming dalawa sa tuwing magbubulungan kami.


Nakita kong magsasalita pa sana si JP nang bigla siyang hilahin ni Donna.


“Hey guys una na kami! It was nice hanging out with you guys! It was nice meeting you, Ton. Ingatan mo yang kaibigan namin ah.” makahulugang pagtatapos ni Donna sabay kindat kay Ton na ikinamula ng pisngi naming dalawa.


Sumulyap ako kay JP, sasabihan ko sana ito na mag-ingat sila ni Donna pauwi pero hindi na nakuwa pang lumabas ng mga salitang yun sa bibig ko nang makita ko ang pulang pula nitong mukha at nanggagalaiting mga mata.


0000oo0000


“That was weird. Super weird.” bulalas ni Ton nang makasakay kami sa bus. Marami pang sinabi si Ton ngunit hindi ko na naintindi pa ang mga iyon dahil abala ako sa pagtitig sa kotse na lumiliko papasok ng isang motel. Bigla akong nahirapang huminga. Bigla akong nasaktan.


“They're a couple, Migs. Couples have sex.” pagpapaintindi ko sa sarili ko habang pinapanood na mawala ang kotse na sinasakyan nila JP at Donna sa driveway ng motel.


“I forgot something.” wala sa sarili kong sabi na ikinagulat ni Ton.


“Wha---?!” ngunit hindi ko na narinig ang sunod pang sinabi nito dahil nagmadali akong bumaba ng bus, nilakad ang kahabaan ng mall at tumawid papunta sa ospital.


0000oo0000


Kitang-kita ko ang naguguluhang mukha ni Pao nang pagbuksan ako nito ng pinto ng docotor's quarters. Nilagpasan ko ito at tuloy-tuloy na pumasok sa kuwarto, lumingon-lingon at nang masigurong walang ibang tao doon ay itinulak ko ka-agad si Pao pasandal sa isang pader at hinalikan ito sa labi.


Sinimulan ng subukan ni tadhana ang aking pangako sa sarili.


Itutuloy...

No comments:

Post a Comment