By: Migs
Blog:
miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail:
miguisalvador@yahoo.com
[06]
Masarap
ang tulog ko nung gabing iyon, malamang dahil sa mga shots na ininom ko nong
kinagabihan at di lang yun, dahil malamig ang temperatura ng kwarto at may
isang bagay na malapit na malapit sakin na parang kumot na nagbibigay sakin ng
init, bigla akong may narinig na naghihilik, iminulat ko ang aking mata at
nakitang magkaharap kami ni Edison ngayon at magkayakap. Dahan dahan kong
inalis ang mga kamay niya sa pagkakayakap at ipinalit ko sa aking lugar ang
napalanunan naming teddy bear. Daretso lang ito sa paghilik. Dun ko ulit nakita
ang gwapong mukha nito.
Abala
na ako sa pagaayos ng aking isusuot para sa beach ng bigla kong may narinig na
kumalabog. Pagtalikod ko ay nakita ko na lang si Edison na nakahawak sa
kaniyang ulo.
“Anong
oras na?” bulalas nito.
“9am.”
sagot ko naman.
“Nahulog
ka ba...?” di ko na naituloy ang aking sasabihin ng makita ko itong pumunta
agad malapit sa kaniyang duffel bag at nagpalit ng damit.
“Tara
na beach na tayo!” aya nito sakin habang hinuhubad ang kaniyang t-shirt at pinalitan
iyon ng sando. Napailing na lang ako at napilitan narin sumama sa kaniya.
0000ooo0000
“Yung
totoo, Edison? Aalis ba yang beach na yan dyan?” tanong ko dito habang
hatakhatak ako nito papunta sa beach.
“Anong
masama sa pagiging excited ng konti?” tanong nito sakin.
“Konti?!
Gosh ano pa kapag super excited ka na?” tanong ko dito, humagikgik lang si
loko.
Kung
ano ano pa ang ginawa namin nung umagang yun, pero ang pinakagusto ko sa lahat
ay ang pagsakay namin sa banana boat para kasi itong mamamatay kung makayakap
sakin.
“Hoy!
Ok ka lang? Bakit namumutla ka?” tanong ko dito.
“Ayaw
ko kasi yung ginawa natin ngayon ngayon lang.” sabi nito sakin at medyo
nanginginig pa.
“Ha!
Eh bakit di mo agad sinabi sakin?”
“Eh
kasi excited na excited kang sumakay dun kanina, hindi ko na nasabi sayo.” sabi
niya habang butil butil ang pawis nito sa noo niya.
“Ha-halika
upo muna tayo dun sa isang restaurant.” pigil tawa kong aya dito.
0000ooo0000
“Anong
nakakatawa?” tanong nito sakin habang nakaupo kami at iniintay ang aming
inorder na pagkain.
“Eh
kasi naman pwede kang tumanggi no, kung hindi mo gusto yung gagawin natin
sabihin mo lang sakin.” sabi ko dito, umiling naman ito.
“Kahapon
nung sa body shots, alam kong ayaw mo ang gagawin natin pero di na kita
tinanong, pero kahit ganun game na game ka parin. Nagyon kahit di ko gusto
basta sinabi mo dapat game din ako para quits tayo.” sabi nito sakin habang
nilalaro ang straw ng kaniyang iced tea. Napakunot ang noo ko at tinignan ito.
“Tunay
ba yang sinasabi mo?” tanong ko dito habang lampas sa kaniya ang aking tingin.
“Yup.
Yup.” sabi nito habang parang batang makulit na kinakagatkagat nito ang straw
niya.
“Then
kiss me.” sabi ko dito, nagulat siya at tinignan ako, lilingunin na sana niya
ang aking tinitignan ng kabigin ko ang mukha nito at masuyong hinalikan.
Sinadya kong ilagpas ulit ang aking tingin at sinigurado ko na makakamtan ng
halik na yun ang pakay ko.
Hindi
ako nagkamali, nakita ko sa bukana ng restaurant si Pat at Eric. Hinihila ni
Eric si Pat dahil mukhang susugurin na nito si Edison na nakatalikod sa kanila
at abala sa paghalik sakin. Nang mapansin ni Edison na may tinitignan ako sa
bandang likod niya ay marahan itong kumawala sa aking halik at tumalikod,
nakita niya si Eric at ang nanggagalaiting si Pat.
Pigilpigil
parin ni Eric si Pat, malamang kasi na gusto na nitong sapakin si Edison.
Nagulat na lang ako ng biglang humarap sakin si Edison saka ngumiti ng
nakakaloko. Siya naman ang kumabig sa aking mukha at hinalikan ulit ang aking
mga labi, sa sobrang sarap ng mga halik na iyon ay napapikit na ako.
Unti
unti kong iminulat ang aking mga mata at nakita ko si Edison na nakatitig sakin
na kala mong boyfriend ko na matagal na akong hindi nakikita, may pagtangis sa
mga mata niya, pinaandar niya ang likod ng kaniyang palad sa aking pisngi.
“Be
careful in what you wish for, it might come true.” bulong nito sakin at unti
unti nang nilapit ang kaniyang mga labi sa aking labi. Muli naman akong
napapikit.
0000ooo0000
“Now
your Ex is totally going to kill me.” sabi nito sakin habang nakaupo kami sa
beach at iniintay ang paglubog ng araw.
“Ok
lang yun, at least naramdaman mo ang aking kiss.” pangaalaska ko dito.
“Actually
its kinda weak.” balik pangaalaska nito sakin.
“Ganun?!”
taas kilay kong sabi dito.
“Yup!”
sabi nito.
“Rematch?!”
tanong ko dito.
“Bring
it on!” sabi nito at sinibasib ko nanaman ito ng halik, pareho ulit kaming
napapikit at hindi na namin pinansin ang pagtatakip silim.
0000ooo0000
I
Love You
You
Love me
were
a happy family
with
great big hug
and
a kiss from me to you
won't
you say you love me too
I
Love you
You
Love me
we
are friends
like
friends should be
with
a great big hug
and
a kiss from me to you
wont
you say you love me too
Naalimpungatan
ako ng marinig ko ang kantang yun. Maliwanag na ang paligid, umaga na pala. Di
ko pinahalata kay Edison na nagising ako, nakayakap ako sa kaniya at ginagawang
unan ang kaniyang pecs, nararamdaman kong nakanta rin si mokong pero mahina
lang. Lihim akong ngumiti at ipinikit ulit ang aking mga mata saka isiniksik
ang sarili ko sa kaniya.
Nang
muli kong imulat ang aking mata ay medyo mataas na ang araw, pero ganun parin
ang ayos ko, nakaunan parin ako sa dibdib ni Edison at siya naman ay natutulog
ng nakaupo, tinignan ko ang TV at noon time show na ang palabas doon. Tatayo na
sana ako ng bigalang humigpit ang yakap sakin ni Edison.
“Mamya
na.” mahinang sabi nito at pinagbigyan ko lang siya, iniangat ko ang aking
tingin an nakita ko ulit ang maamong mukha nito, nagiiba ang itsura nito kapag
walang salamin, mas nagiging kamukha niya si Ram, pero ang kaibahan lang ay
maputi ito kesa sa kapatid.
Di
ko alam kung bakit, pero pilit kong inabot ang labi nito, di makapaniwala sa
lambot at pula ng mga iyon, mayamaya lang ay nakita ko nalang ang sarili ko na
hinahalikan na ang mga malalambot at mapupulang labing iyon.
0000ooo0000
“Andaya
mo! Di kaya Red yun, maroon yun, Edison. Maroon!” sigaw ko dito habang
nakahilig ang ulo ko sa mga balikat nito.
Muli
kaming nakaharap sa dagat at nakaupo sa buhanginan. May naisipan kaming
mapagkakaabalahan habang naka-tanga sa dalampasigan. Sa kaniya ang pula at akin
ang asul na mga bathing suit. Paramihan kami kung baga.
“Maroon
ba yun?” tanong nito sakin sabay hagikgik.
“Daya
amp.” sabi ko dito at lalo naman itong humagikgik.
Hindi
ko alam kung ano tong meron kami ni Edison. We kiss, we fuck and we exchange
sweet endearments pero alam naming wala pa kaming commitment sa isa't isa.
Siguro ine-enjoy lang namin ang company ng isa't isa. Nandito siya para
makalimot at sumasama ako sa kaniya dahil masarap sa pakiramdam ang andyan
siya, di ko maintindihan pero feeling ko secured na secured ako sa tabi niya,
feeling ko tamang tama ang mga halik niya, sapat lang ang mga yakap niya at
napapamahal sakin ang kilos niya, the exact same feeling na noon ko pa
hinahanap pero di ko nakita kay Pat.
“Malamang
wala ka lagi sa tabi niya eh.” sabi ng utak ko
Naalala
kong hindi nga lang pala si Pat ang may problema kaya hindi naging maayos ang
aming relasyon, meron din pala akong mga kasalanan, kasalanan na kung sana ay
di ko ginawa malamang napatunayan din sakin ni Pat na kaya pwede rin akong
maging secured sa piling niya, na tamang tama lang din ang halik niya, na sapat
lang din ang yakap niya at kaya ko din mapamahal sakin ang kilos niya. Pero
hindi mas pinili ko ang trabaho ko.
“Wag
mo ding kalimutan ang pagiging insecure mo sa bestfriend niya.” paalala nanaman
ng utak ko. Tama ito, isa pa sigurong dahilan kung bakit hindi ko nararamdaman
kay Pat ang nararamdaman ko kay Edison ay dahil nabulag din ako sa insecurity
ko kay Eric.
“Blue!”
sigaw ni Edison sa aking tabi. Tinignan ko ito.
“Sana
sayo nalang ako na inlove.” wala sa isip kong bulong dito.
“Sus,
akala ko naman kung bakit ka biglang nalungkot. Halika nga dito.” akbay nito
sakin at lalo akong idinikit sa kaniya.
“Malay
mo pagkatapos nito, pagkatapos mong matanggap ang sainyo ni Pat, malay mo may
chance na maging tayo.” bulong nito sakin. Kahit mainit sa paligid ay parang
angsarap sa pakiramdam ang init na pinapakawalan ng katawan ni Edison kaya kung
maari ko pang isiksik ang sarili ko sa kaniya ay ginawa ko na.
“Sana
laging ganito.” sabi ko, tumungo si Edison at tinignan ako nakapako ang aking
tingin sa lumulubog na araw, ang ganda nitong tignan lalo na nung naging parang
salamin na ang dagat. Inabot ni Edison ang aking kamay at hinawakan iyon.
“Sana
nga.” sabi ni Edison, napa tunghay ako, nagtama ang aming mga tingin, kitang
kita ko ang sinseridad sa mga iyon.
“Bakit
ka ganyan ka gwapo?” wala sa isip kong tanong dito. Napahagikgik lang ito, isiniksik
ko pa lalo ang aking ulo sa kaniyang balikat at leeg, nararamdaman ko ang bawat
paglunok nito.
“Blue.”
sabi ulit ni Edison.
“I
think I'm going to win this game.” habol nito, ipinikit ko ang aking mga mata.
“Then
win it.” sabi ko dito at ninamnam ko ang pagdidikit ng aming mga katawan.
Naramdaman
kong biglang nagbuntong hininga si Edison, pero di ko ito pinansin. Mayamaya pa
ay pilit ako nitong itinunghay at tinignan ako ng deretso sa mga mata, dun ko
napansing may nagiba na sa kaniyang mga mata, may halo na ng pangamba at
pagkainis.
“Dito
lang ako.” bulong nito saka sumenyas na tumingin ako sa harapan namin sa
harapan namin ngayon ay ang aking ex-boyfriend na si Pat, ngayon alam ko na
kung bakit ganun na lang ang expression ng mukha ni Edison.
“Pwede
ka bang makausap ng saglit?” tanong sakin ni Pat, malungkot ang mga mata nito
at miya mo nangungusap. Tinignan ko si Edison, tumango lang ito.
“Dito
lang ako.” bulong ulit nito.
Inaya
ako ni Pat na lumayo ng konti sa pwesto ni Edison, di ko ito matignan ng
diretso hanggang sa iniangat na niya ang aking mukha sa pamamagitan ng kaniyang
kaliwang kamay. Nagtama ang aming mga mata.
“Miss
na kita. Balik ka na sakin, please.” sabi ni Pat, nakikita kong nangingilid na
ang mga luha nito.
“I
promise to fix things between us. We will make this work, balik ka na please.”
bulong nito, tumingin ako sa kinaroroonan ni Edison, tumango ito sakin na
parang sinasabi na pumayag ako sa gusto ni Pat, na parang alam na niya kung
anong nangyayari kahit pa malayo kami sa kaniya.
Niyakap
ako ni Pat ng mahigpit, nararamdaman ko nang namumuo ang luha sa aking
magkabilang mata. Nararamdaman ko ang paghikbi ni Pat habang sinasabi ang
salitang “Please.” sa bawat hikbi. Naramdaman ko naring tumutulo ang luha nito
sa aking balat.
Muli
kong tinapunan ng tingin ang pwesto ni Edison, pero wala na siya doon.
Itutuloy...
[07]
Hindi
na ako nakabalik sa hotel room ni Edison nung gabing yun, madami kaming
napagusapan ni Pat at napagkasunduan tungkol sa magiging set up namin
pagkatapos ng bakasyon na ito. Alam kong hindi na maibabalik yung dati naming
pagsasama at sinabi ko sa kaniya yon, pero hindi niya daw ako papakawalan.
“Kung
kailangang suyuin ulit kita, gagawin ko.” sabi ni Pat ng hindi ako umimik nung
tanungin ako nito tungkol sa aming status.
“Kung
kailangan kong magsakripisyo, gagawin ko, wag ka lang mawala sakin.” habol pa
nito.
“Bakit?”
matipid kong tanong dito.
“Anong
bakit? Syempre dahil mahal kita at ayaw kitang mawala sakin.” sabi nito sabay
ngiti.
“Pano
si Eric?” tanong ko dito, bahagya siyang natigilan, marahil ay di niya akalain
na tatanungin ko ito sa kaniya.
“Magkaibigan
lang kami ni Eric, hanggang dun lang yun.” sabi nito sakin sabay tungo, dapat
sa puntong ito ay naglululundag na ako sa tuwa dahil ikinakatutwa na ni Pat si
Eric, pero hindi, para bang may parte ako na hindi kumbinsido sa sinasabi niya.
“Pero
taliwas sa sinabi mo ang naabutan kong tagpo nung sumunod ako sainyo dito sa
Boracay.” sabi ko sa kaniya, iniintay ko ang kaniyang reaksyon, napansin kong
na-tense ang kaniyang buong katawan sa sinabi kong yun. Alam ko ilang minuto
nalang lilipad na ang kamao nito sa mukha ko.
“Promise,
di ko na uulitin iyon.” matipid na sabi nito sabay yuko.
“It's
easier said than done.” sabi ko dito saka tumalikod at lalakad na sana palayo
nang bigla ako nitong yakapin.
Agad
agad akong bumangon mula sa tabi ni Pat, naisipan kong balikan si Edison sa
kaniyang hotel room nang biglang bumalikwas si Pat sa kaniyang pagkakahiga at
nagpunta sa kusina at nagluto ng agahan, ayaw ko naman itong bastusin kaya't
napakain narin ako ng inihanda nito.
“Babalik
lang ako sa hotel room ni Edison.” paalam ko kay Pat. Natigilan ito sa
ginagawang paghuhugas ng pinggan.
“Sino
ba ang Edison na iyon?” tiim bagang na tanong sakin ni Pat, di na ako sumagot
at nagtuloytuloy ng lumabas.
Habang
naglalakad ako sa dalampasigan papunta sa hotel ni Edison ay hindi ko
mapigilang mapaisip sa huling tanong sakin ni Pat.
“Sino
nga ba sakin si Edison?” tanong ko sa sarili ko.
“Dito
lang naman kami nagkakilala, hindi naman kami close noon, dito lang kami
naghalikan dahil sa isang laro. Pero nag sex din kami, palagay ang loob ko sa
kaniya...” agad kong inalog ang aking ulo para matigilan ko narin ang sarili sa
pagiisip ng tungkol kay Edison.
“Pero
di ko rin maikakaila that something about Edison makes me feel right, makes me
feel complete.” sabi ko sa sarili ko.
Nang
makapasok ako sa kwarto ni Edison ay walang tao doon.
“Baka
nasa beach.” sabi ko sa sarili ko. Pero nung inayos ko na ang aking gamit ay
napansin kong wala na doon ang gamit ni Edison. Agad agad akong nagpunta sa
receptionist sa may lobby ng hotel at tinanong doon kung naka check-in pa si
Edison.
“Ay
naku Sir, you just missed him. Mga ten minutes lang siguro ang pagitan niyo.
Siya nga pala ito po pinabibigay niya sainyo.” at inabot nito sakin ang isang
sulat.
Jake,
Thanks
for the company.
Edison
Itinalikod
ko ang sulat at umaasa na may nakasulat pa doon pero yun lang talaga eh. Wala
nang iba pang nasasaad doon, agad akong humarap sa receptionist.
“Excuse
me, yun lang ba ang pinaaabot sakin?” tanong ko dito.
“Ay,
opo sir, yun lang.” at dahil sa sinabi niyang yun ay bagsak baikat akong
bumalik sa kwarto ni Edison.
Agad
kong ibinagsak ang aking sarili sa kama nang makabalik na ako sa kwarto.
“Bakit
ganito ang nararamdaman ko? Ngayong wala na si Edison, ngayon umalis na si
Edison... ewan ko parang... parang kulang.” sabi ko sa sarili ko. kinuwa ko ang
isang unan at dumantay dito.
Iniyukyok
ko ang sarili ko sa niyayakap kong unan, ibang iba ito sa tuwing niyuyukyok ko
ang sarili ko kay Edison. Iminulat ko ulit ang aking mata at napansin ang isang
bagay sa side table. Inabot ko ito.
“Bakit
mo naman iniwan si Marty dito.” sabi ko sa sarili ko, wala sa isip na ang taong
kinakausap ko ay wala na sa kwartong iyon. Inikot ko ang laruan at nakitang may
nakasulat sa likod nito.
“Smile.”
At
hindi nagtagal ay napangiti nga ako, agad kong inilagay ang maliit na laruan sa
aking bulsa.
“Ikaw
muna kasama ko Marty ha? Iniwan kasi ako ng amo mong isip bata.” wala sa sarili
kong sabi dito.
0000ooo0000
Magkasabay
kaming umuwi ni Pat sa Maynila, alam kong sinusubukan ni Pat na maangkin ulit
ang loob ko, na-a-appreciate ko naman ito, kaso minsan parang pilit na hindi
mawari. Alam ko ring minsan kahit na sabihin mong natutuwa ako sa panunuyo niya
ulit ay alam kong may kulang. May hindi tama. Inilabas ko ang maliit na teddy
bear sa aking bulsa.
“Huy
ano ka ba!”
“Anong
magagawa ko kung nasusuka ako eh.”
Bigla
kong naalala ang tagpong yun nung papunta kami ni Edison sa Boracay. Ngayong
pauwi na ako ay wala na akong malapad na likod na hahagudin at bibigyan ng
plastik para sukahan nito. Bigla kong namiss si Edison. Tinitigan ko ang teddy
bear at nagbuntong hininga, iginalaw galaw ko ang mga kamay nito at paa.
“San
galing yan?” takang tanong ni Pat.
“Ah,
eh.. sa souvenir store.” palusot ko dito, mukhang nakumbinse ko naman ito at
dina muli pang nagtanong.
0000ooo0000
Narinig
ko na ang announcement na kailangan na naming ilagay ang aming mga belt dahil
magte-take off na ang eroplano, tumingin ako kay Pat at tutulungan sana ito
nang makita kong naisuot na niya ang kaniyang seat belt. Muling sumagi sa isip
ko si Edison at yung tagpong tutulungan ko itong maisuot ang kaniyang seatbelt.
“Crush
mo ba ako?”
“Ahhh,
o di sige pababayaan ko na lang na hindi ka nakabelt para pagland nito ay
tumilapon ka na nang mabura yang putang kayabang mong ngiti sa mukha.”
“Eto
naman, joke lang.”
“Ayan
na oh, i-tuloy mo na.”
“Ay!
Baldado ka na?!”
Lihim
akong napangiti at inabot ulit si Marty mula sa aking bulsa, itinalikod ko ito
at trinace ng aking hintuturo ang salitang nakasulat ng pentelpen sa likod
nito.
“Bakit
kita namimiss ng ganito Edison?” tanong ko sa sarili ko.
0000ooo0000
Nang
makabalik kami sa aming inuupahang bahay ni Pat ay di na ito nagaksaya ng
panahon na suyuin ako, sa sobrang panunuyo ay minsan ay nasasakal nadin ako.
“Pat,
balik lang ako sa office, kukuwanin ko yung mga naiwan kong gamit.” paalam ko
dito.
“Gusto
mo samahan kita?” tanong nito sakin, di na ako nakatanggi.
Kung
ano ano ang kinukwento ni Pat sakin habang nasa sasakyan kami papunta sa aking
dating opisina, di ko maintindihan ang sarili ko, noon parang hayok na hayok
akong makipag usap kay Pat, pero ngayon parang wala na lang itong sense kausap.
Dati papatay ako ng tao, makasama lang ito sa loob ng isang buong oras, pero
ngayong magkasama na kami, parang sawang sawa naman na ako sa kaniya.
“Anong
floor ka nga ulit?” tanong nito sakin nang makasakay na kami ng elevator.
“32nd
floor.” sabi ko dito, inabot niya ang numero sa dingding ng elevator at
marahang pinindot ito. Inakbayan ako ni Pat at hinalikan ako bigla sa pisngi.
“Para
saan yun?” tanong ko dito.
“Wala,
di ko lang akalain na magre-resign ka dahil sakin.” mahanging sabi nito habang
nakangiti.
“Di
ko rin akalain, di mo lang alam nagsisisi na ako ngayon.” bulong ko.
“2nd.”
Tulad
ng nakasanayan ko noon nung doon pa ako sa building na yun nagtatarnaho, sa
tuwing sasakay ako ng elevator ay pinapanood ko ang mga numero sa ibabaw ng
pinto. Naalala ko bigla yung panahong na stuck kami dito ni Edison. Kating kati
ako noon na makatabi agad si Pat lalong lalo na at kare-resign ko lang nun sa
trabaho na siya namang akala ko na sagot sa problema namin ni Pat.
Pero
ngayong katabi ko na ngayon si Pat ay parang hindi naman siya ang gusto kong
makatabi, hindi naman siya ang gusto kong makasama, mahalikan, mayakap at maski
makausap.
Naramdaman
kong lalong humigpit ang akbay sakin ni Pat pero marahan akong lumayo dito.
0000ooo0000
“Goodafternoon
Trish, kuwanin ko lang yung mga gamit ko.” paalam ko sa receptionist namin.
“Ok
po.” sabi nito sakin sabay ngiti.
“Yes,
Sir Edison.” sabi ng aming receptionist, napatalikod ako bigla, di maintindihan
ang sayang nararamdaman sa pagkakarinig ng pangalan na iyon at sa naisip na
magkikita kami ulit ni Edison.
Pero
laking pagkadismaya ko ng malamang wala pala doon si Edison.
“May
problema ba?” tanong sakin ni Pat. Marahil napansin niya ang biglang pagpalit
ng reaksyon sa aking mukha. Tumango lang ako.
“Upo
ka muna diyan, Pat, kuwanin ko lang ang mga gamit ko sa cubicle ko.” sabi ko
dito at ng hindi na ito nakatingin sakin ay agad na akong naglakad patungo sa
mga cubicle. Napansin kong parito't paroon ang mga supervisor at head ng bawat
department at parang balisa sila lahat.
“Tammy.”
tawag ko sa aking kaibigan sa kabilang cubicle.
“Oi,
Papa Jake!” sigaw nito, ngumiti lang ako.
“Anong
balita dito?” tanong ko dito.
“Ayun,
nagkakagulo ang mga big boss. Di pa kasi nabalik from Bora si Sir Edison eh
andaming iniwanang trabaho. Ayun.” sabi niya sabay binalik ang pansin sa
computer. Natigilan naman ako sa sinabi nito.
“Dipa
bumabalik si Edison?” tanong ko sa sarili ko. Bigla akong kinabahan at
nagalala.
“Baka
ano na nangyari dun sa damulag na iyon.” sabi ko sa sarili ko at naalala na
hindi nga pala kaya nun na magisa.
“Bakit
ako nagaalala ng ganito kay Edison?” tanong ko sa sarili ko sabay nito ay may
naramdaman akong kakaiba.
Itutuloy...
[Finale]
Maganda
ang kinalabasan ng aming pagbabalikan ni Pat, dahil narin siguro wala na akong
trabaho kaya may oras na ako para sa kaniya. Sa part naman niya ay halos oras
oras akong in-u-update nito sa kaniyang ginagawa sa trabaho, pati narin sa
ginagawa niya sa labas ng opisina, nagpaalam narin ito tuwing makikipagkita sa
kaniyang mga kaibigan at sa tuwing kasama niya si Eric.
Masaya
ako, pero nararamdaman ko at nararamdaman narin paminsanminsan ni Pat na may
nagbago, kaya naman madalas akong tanungin nito ukol dito.
“May
problema ba tayo, Jake?” nung minsang nahuli niya akong tahimik lang, dahil
iniisip ko kung anong nangyari kay Edison sa Boracay nung bigla na lang ito
umalis.
“Ha?
Ah eh, wala may naalala lang.” sagot ko dito.
Lumapit
ito sakin, halatang hindi kumbinsido at ng makaharap na ako nito ay tumitig ito
sa aking mga mata at siguro nang wala itong makitang sagot duon ay niyakap na
lang ako nito.
“Basta
kung may problema, wag mong itatago sakin ah?” sabi nito sakin saka ako niyakap
ng mahigpit.
Hindi
nga kami nagaaway na ni Pat pero hinihiling ko na sana nagaaway na lang kami,
kesa yung ganito na nagpapakiramdaman lang kami, mas gusto ko yung sinisigawan
niya ako dahil naghihinala siya, kesa yung ganito, kahit pala naging mabait
sakin itong si Pat, nakakasakal parin pala.
Sa
loob ng ilang araw ay di ako mapakali at hindi mapigilan ang mapaisip kung ano
nga ang nangyari kay Edison. Sinubukan kong tawagan ang dati kong opisina at
nagtanong tanong doon.
“Hello
Trish, napasok na ba si Sir Edison?” tanong ko dito.
“Oo,
kababalik niya lang. Bakit?” tanong nito sakin.
“Ah
wala lang kasi nakita ko siya dito malapit samin...” palusot ko.
“Ay
nako, Oo, malungkutin na siya ngayon, wala na nga halos pakielam sa paligid eh.
Baka may problema.” pagtutuloy ni Trish, tama ang desisyon kong ito ang
tawagan, dahil alam kong may latest chismis ito.
“Bulong
bulungan, may nangyari daw sa Boracay.” pagtutuloy pa nito.
“Ah
ganun ba? O sige sige salamat ah.” sabi ko dito.
“Teka,
bakit mo nga pala...?” pero di ko na ito pinatapos pa at binabaan ko na ito ng
telepono.
“Ano
nga kayang nangyari sa Boracay?” tanong ko sa sarili ko at biglang sumagi sa
isip ko ang nangyari saming dalawa.
“Hindi
naman siguro yun.” sabi ko sa sarili ko. Tapos ay napatingin ako sa isang
picture ni Pat at sinabi sa sariling...
“Si
Pat ang mahal ko. Edison is just a summer fling.” pangungumbinse ko sa sarili
ko pero imbis na malinawan ako ay parang lalo pa akong naguluhan.
“Arrrghhhh!”
sigaw ko sa sobrang pagka frustrate.
0000ooo0000
“Oh
bakit?” biglang sulpot ni Pat sa may pinto ng kwarto namin.
“Ah,
wala nakakita lang ako ng flying ipis.” palusot ko naman.
“Asan
na?” tanong nito.
“Ah
eh lumipad na palabas ng bintana.”
“Ah,
mabuti naman. Oo nga pala, ok lang ba na dito kumain si Eric? Gusto ka daw
niyang makausap eh.” sabi nito sakin na medyo may pagaalangan. Tinignan ko ito,
di naman makatingin ng daretso sakin si Pat.
“Ikaw
ang bahala.” sagot ko dito. Iniangat nito ang tingin sakin at nang makitang
hindi ako nakangiti...
“Kung
di ka pa ready na kausapin siya, ok lang sakin na next time na lang, sasabihan
ko na lang siya.” nagaalangan paring sabi nito sakin.
“Sabi
ko nga diba? Ikaw na ang bahala. Lalabas lang ako at magpapahangin.” sabi ko
dito sabay lakad palabas ng apartment.
“Sorry
if I have to rub it in, gusto ko lang na magkabati kayo.” sabi nito sakin pero
di na ako nagsalita pa.
0000ooo0000
Parang
walang nangyari kung umasta si Eric sa harapan ng hapagkainan namin sa
apartment na pinagsasaluhan namin ni Pat. Nakukuwa pa nga nitong mag-joke at si
Pat naman ay di magkamayaw sa pagtawa sa mga naririnig mula sa kaniyang
bestfriend. Ako naman ay ngumingiti lang atsaka babalik nadin sa pagkain.
“Salad?”
alok ko kay Eric at inabot pa dito ang isang bowl ng salad pero tumingin lang
ito sakin at pagkatapos ay tumingin kay Pat.
“Allergic
kasi si Eric sa hipon, Hon.” sabi ni Pat sakin. Natigilan naman ako at parang
tinusok ng kutsilyo ang puso ko.
“Madami
talagang alam si Pat kay Eric at sigurado akong ganun din si Eric kay Pat.”
bulong ko sa sarili ko at ibinaba na ang bowl ng salad sa aking tabi.
“Ah
ganun ba? Sorry to hear that.” sabi ko sabay inom sa aking Icedtea.
“Allergic
din yan sa chicken at gravy. Ewan ko ba dyan bakit ganyan na lang yan sa mga
masasarap na pagkain.” sabi pa ni Pat. Ngayon hindi lang kutsilyo at tinarak sa
aking dibdib, parang niratrat pa ito ng M16, pinilit ko ang sarili ko na
ngumiti.
“Ah
eh pero, I'm sure masarap yan.” sabi ni Eric. Pampalubag loob na lang siguro.
“Yup
masarap, pity di ka pwedeng tumikim, we wouldn't want you to have an
anaphylactic shock in front of your bestfriend, wouldn't we?” sabi ko dito saka
ngumiti na parang sarkastiko, muntikan namang masamid si Pat.
Iniligpit
ko na ang aming pinagkainan at nakita kong sumunod si Eric sakin, tinulungan
ako nitong iligpit ang mga baso.
“Look,
Jake, I'm sorry, pero masyado ka ng nagseselos. Sa sobrang pagseselos, parehas
na naming nakikita ni Pat na hindi na siya healthy for you.” natigilan ako at
parang nagpintig ang aking tenga sa narinig na yun.
“Thanks
for the concern, pero kahit sino namang matinong boyfriend kung dalawang beses
na nilang nahuhuli ang boyfriend nilang nakikipagsex sa bestfriend nito ay
eventually magiging paranoid din diba?” sabi ko dito. Napatigil naman ito.
“Please,
Jake, hear me out. Ayaw ko lang na pagbabawalan mo si Pat na nakikipagkita
sakin, were friends since college at hindi namin kaya na malayo kami sa isa't
isa.” sabi nito.
“Hindi
ko kayo pinagbabawalan, Eric.” sabi ko dito, muli itong natahimik.
“Kaya
sana sa susunod na maisipan niyo ni Pat na maglaro ng baga habang wala ako,
utang na loob. Maglock naman kayo ng pinto o kaya naman ay magbihis muna kayo
bago niyo sagutin ang pinto pag may kumatok. Isang beses kayong mahuli,
naiintindihan ko pa pero yung dalawang beses na? Katangahan na ang tawag dun.”
nanginginig ko ng sabi dito.
“Anyway,
Tungkol dun sa sinasabi mong magbestfriend kayo since college? You would want
to restate that instead na ganun ang sabihin mo why won't you say na we've been
INLOVE since college, baka maintindihan ko pa.” sabi ko dito sabay
pinandidilatan na ng mata. Tumalikod na ito at agad agad na nagpaalam kay Pat.
“Ano
nangyari dun?” tanong nito sakin.
“Iminulat
ko lang ang mga mata niya.” sabi ko dito atsaka pumasok na sa loob ng kwarto
ko.
“Jake
please, can we talk?” tanong sakin ni Pat sa labas ng pinto ng kwarto namin,
pero masyado na akong nasaktan sa gabing iyon kaya di ko na ito pinansin at
natulog na lang.
0000ooo0000
Idinilat
ko ang aking mata at pilit na inalala ang nangyari kinagabihan, inaway ko
nanaman si Pat, siguro dahil napapagod narin ako na maramdamang ako lang ang
pumapagitna sa pagmamahalan nila, napapagod narin kasi siguro akong ipaglaban
pa yung karapatan ko as boyfriend niya.
Biglang
may kumatok sa aking pinto at humiga ulit ako, nagkunwaring natutulog.
Naramdaman kong umupo si Pat sa bakanteng bahagi ng aking hinihigaan, hinaplos
nito ang aking mukha saka hinagod ang aking buhok. Ramdam kong malungkot ito.
“I
Love You.” bulong nito at nagbuntong hininga sabay halik sa aking noo. Para
namang kinurot ang aking puso. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata.
“Goodmorning!”
bati nito sakin, halatang binawi lamang ng ngiting iyon ang lungkot sa mukha
niya.
“Morning.”
malamig ko paring sabi dito. Yumakap ito sakin.
“I
made you breakfast.” sabi nito sakin, alam ko na ang ginagawa nito, bumabawi
ito sakin.
0000ooo0000
Para
akong bato, di ko alam pero parang unti unti nang nagsasara ang aking puso para
kay Pat. Alam ko naman na kasi ito dati pa, alam kong mahal nila ni Eric ang
isa't isa, di niya lang ito maamin sa sarili niya at ayaw ko lang siyang
pakawalan.
Tuloy
tuloy lang sa pagkwento si Pat at unti unti ng bumabalik ang sigla nito,
pinilit kong ngumiti, pinilit ko ang sarili ko na i-display ang taliwas na
emosyon na nararamdaman ko. pinilit kong magpakasaya.
“Nuod
tayo sine?” tanong nito sakin, habang namimili kami ng damit sa isang botique.
Tinitignan ko ang suot ng manequin na nakadisplay sa window nang makita ko si
Edison sa labas nito, nakatitig sakin at binigyan ako ng isang ngiti. Agad
naman akong gumalaw ng biglang umakbay sakin si Pat na ikinatumba naman ng
manequin.
“Huy!
sabi ko nuod tayo ng sine.” ulit nito habang natatawang itinatayo ang manequin
na naitumba ko. Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa pwesto ni Edison pero wala
na siya doon.
“Ano
gusto mong panoorin?” tanong nito sakin habang bumibili kami ng popcorn.
“Ikaw
bahala.” sabi ko, tumingin ito sakin at bahagyang kumunot ang noo sabay nagbuntong
hininga.
“Pat!
Jake!” sigaw ng isang pamilyar na boses na ikinairap ko naman.
“Oh.
E-eric. Ano ginagawa mo dito?” tanong naman ni Pat, kunwaring tinignan ko ang
cellphone ko at nagtext.
“Ah
yung officemate ko kasi inaya akong manood ng sine. Kayo? Manonood din ba kayo?
Anong papanoodin niyo?” sunod sunod na tanong nito na lalo kong ikinainis.
“Wala
pa nga eh.” Sabi naman ni Pat.
“Gusto
niyo sumama na kayo samin?” alok nito.
“Eric?”
tawag ng isang lalaki kay Eric, nagulat kami pareho ni Pat, nakita ko ang talim
sa mga mata ni Pat na miya mo nagseselos sa lalaking nakaakbay na ngayon kay
Eric.
“Nga
pala si Mike.” pakilala ni Eric sa aming tatlo. Inabot ni Mike ang kamay ko at
tinanggap ko yun at inabot naman nito ang kamay ni Pat pero binalewala lang
iyon ni Pat. Matagal kaming nanahimik na apat.
“Ano
nangyari kay Tim?” basag ni Pat sa katahimikan. Matalim parin ang mga mata
nito. Halatang di kumportable na may kasamang ibang lalaki si Eric.
“Pat,
una na ako.” paalam ko dito.
“Ha?!
San ka pupunta?!” tanong nito sakin at nagsisimula ng tumulo ang aking mga
luha. Natigilan siya.
“Hanggang
kailan mo ipapamukha to sakin? Hanggang kailan ako magtatanga tangahan?” tanong
ko dito, napayuko ito.
“Si
Eric ang mahal mo, ramdam ko, alam ko ring nagseselos ka ngayon kay Mike. Wag
mo na akong gawing tanga, ilang beses mo na ding pinamukha sakin yon. Ayoko
na.” sabi ko dito at tumalikod na ako pero pinigilan ako nito sa pamamagitan ng
paghawak sa braso ko.
“Tama
na, please.” sabi ko dito at nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Pinakawalan
ako nito at napayuko na lang. Agad agad akong umakyat ng escalator, babalikan
ko na ang sasakyan ko sa level parking, kamalasmalasan namang asa 6th floor pa
ito ng Robinsons Ermita.
Habang
dahandahang umaakyat ang aking tinutungtungang escalator ay dahandahan ko ring
nare-realize na tama ang aking ginawa. Masakit pero kailangan nang putulin. Di
ko na kaya pang maging martyr. Itinunghay ko ang aking tingin at nakitang may
mamang nakatayo sa dulo ng escalator na sinasakyan ko.
“Edison?”
tanong ko sa sarili ko. Nakaamerikana pa ito, gwapong gwapo sa tindig niyang
iyon. Nakangiti ito at nang makita ko iyong mga ngiting iyon ay parang gumaang
ang aking pakiramdam. Tumigil na sa pagtulo ang aking mga luha. Nang makarating
na ako sa dulo ng escalator ay agad ko itong niyakap. Wala akong pakielam sa
mga nakatinging tao.
“Whoah!
Anong problema?” tanong nito sakin habang isinisiksik ko ang sarili ko sa
kaniyang yakap.
“Shhhh.
Wag ka ng umiyak. Andito na ako.” at ginabayan ng kaniyang kamay ang aking
mukha palapit sa kaniyang mukha.
At
sa sinabi niyang yun, alam kong magiging ok na ako sa mga susunod na araw.
-wakas-
No comments:
Post a Comment