Friday, January 11, 2013

The Things that Dreams are Made Of (21 & Finale)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[21]
Ramdam na ramdam ni Igi ang bilis ng pagtibok ng kaniyang dibdib nang maglapat ang mga labi nila ni Josh, hindi niya napigilan ang sariling mga mata sa awtomatikong pagsasara ng mga ito. Hindi rin makapaniwala si Igi na muli niyang isinasabuhay ang isa sa kaniyang matagal ng minimithi katulad noong may ilang linggo lang ang nakakaraan sa isang elevator sa loob ng isang mall. Puno ng emosyon para kay Igi ang halikan na iyon kahit pa simpleng pagdadampi lamang ito ng kanilang mga labi ngunit hindi nagtagal at naging mapusok na ang halikan na iyon sa pagitan nilang dalawa.


Pinasadahan ni Josh ng kaniyang dila ang itaas na labi ni Igi, tila humihingi ng permiso na pagbuksan ito, hindi mapigilan ni Igi ang umungol ng impit habang ibinubukha ang kaniyang mga labi. Iba’t ibang emosyon ang naramdaman ni Igi ngunit ang nangibabaw ay takot.


Takot na masaktan muli katulad noong huling pagkakataon na nagdampi ang kanilang mga labi. Muling tumakbo sa kaniyang isip ang mga nangyari noong araw na iyon sa mall, yung matapos nilang maghalikan ay bumungad naman sa kanilang harapan sila Des at Neph na walang alinlangan na sinugod ni Josh. Natatakot si Igi na ganun ulit ang mangyari sa pagkakataon na ito, na sa oras na makita ni Josh si Des ay muli nanaman siya nitong iwan at kalimutan ang pinagsaluhang halikan na iyon.


Ibinukha na ni Igi ang kaniyang mga mata, nang makita niyang tila ba sinsero si Josh sa pakikipaghalikan sa kaniya ay muntik na niyang kalimutan ang kaniyang plano na itulak palayo at itigil ang pakikipaghalikan kay Josh.


Pero mas nanaig ang kaniyang kagustuhang hindi na muli pang masaktan.


Marahang itinulak ni Igi si Josh upang makaalis na sa bisig nito at upang maputol na ang kanilang halikan ngunit sinapo ni Josh ang batok ni Igi na siyang naging dahilan para hindi maihiwalay ni Igi ang kaniyang mga labi sa mga labi ni Josh. Ngunit sa kabila noon ay buo na ang loob ni Igi na hindi na niya hahayaan pa ang sarili na masktan pa kaya’t mas nilagyan niya ng pwersa ang pag-tulak sa matipunong dibdib ni Josh.


Naramdaman ni Josh ang pagtulak sa kaniya ni Igi palayo kaya naman agad niyang binuksan ang kaniyang mga mata. Awtomatiko niyang inalis ang kaniyang mga labi sa labi ni Igi at saglit na natigilan habang pinapanood ang ilang matatabang luha na dumadaloy sa mga pisngi ni Igi habang nakaunat pa ang kamay nito upang gawing pangharang sa pagitan ng kanilang mga katawan.


Hindi alam ni Josh kung ano ang mas masakit, ang mga suntok ni Lance at Igi na nuon ay mahahapdi parin o ang makita ang nasasaktang itsura ni Igi o ang pakiramdam ng rejection na ipinaparamdam sa kaniya ngayon ni Igi. Hindi napansin ni Igi ang mga luha na nanggagaling sa kaniyang mga mata at ang kaniyang paulit ulit na pagiling habang mataman paring nagtititigan ang kanilang mga mata ni Josh.


Ang pag-iling na iyon ni Igi at ang kanilang pagtitigan ay naputol lamang nang marinig nilang bumukas ang pinto ng kanilang kwarto.



000ooo000


Nagkatinginan sila Ed at Martin nang mabungaran nilang tahimik ang unit na kanilang pinagiwanan ng kanilang mga kinakasamang sila Migs at Ram. Saglit na nangamba si Ed iniisip na tinuluyan na ng dalawa ang isa’t isa dahil sa sobrang sama ng loob habang si Martin naman ay abala lang sa paglingon-lingon na tila ba ang nangyayari ay wala lang sa kaniya at ang tangi niya lang hangad ay ang makita kinakasama upang makauwi na sila.


“Di naman siguro sila nagpatayan no?” seryosong tanong ni Ed kay Martin na saglit na natigilan at napatingin ng daretso sa kaniya saka humagikgik.


“Weelll, I don’t see blood anywhere so my guess is that they strangled each other.” lumilinga linga pero seryosong saad ni Martin na lalong ikinakaba ni Ed, hindi nakaligtas ang biglaang pagtahimik na ito ni Ed kay Martin kaya agad niya itong tinapik sa likod at pinagaang ang loob.


“Dude, I’m just joking. I’m sure they’re fine and that they’re here somewhere.” nakangiting pagpapapanatag ng loob ni Martin kay Ed.


Magsasalita n asana ulit si Ed nang may bigla silang napansin at agad na pumunta sa kusina.


“There you two are. Migs and I cooked sinigang.” nakangiting bati ni Ram sa dalawa ng sumulpot ang mga ito sa bukana ng pintuan.


“Ed, Ram taught me how to make that perfect asim! You should try it! Ram added a little extra flavoring!” excited na aya ni Migs kay Ed na hindi parin makapaniwala sa kaniyang mga nakikita.


“Hon, Migs taught me how to make your favourite macaroons! Here try some!” sigaw ni Ram habang nginunguya ang kaniyang kasusubo subo lamang na macaroon.


Nagkatinginan si Ed at Martin. Parehong may hindi makapaniwalang tingin sa kanilang mga mukha. Hindi makapaniwala sa kanilang nakikita.


000ooo000


“Where's Josh?” may kalakasang tanong ni Des kay Neph nang makita niya itong nakatambay malapit sa gate ng school na hindi naman kalayuan sa kinatatayuan ni Roan at Lance na magkahawak pa ng kamay.


“He left school after bad mouthing the principal.” sagot ni Neph sabay bato ng masamang tingin kay Lance na hindi nakaligtas kay Roan na hindi parin alam kung sino ang nakasapakan ni Lance.


“WHAT?!” gulat na gulat na saad ni Des.


“Josh and I caught some guy molesting Igi---” simula ni Neph, hindi na nag atubili pang itago ang lason sa kaniyang mga sinabi na ikinairita ni Lance.


“Dude! Ayusin mo yung kwento! I was not molesting Igi! Kayo lang talaga 'tong madumi ang utak ni Josh! I wouldn't be surprised kung ma expel siya dahil sa pagiging bastos!” singhal pabalik ni Lance na pasugod na lumapit sa kinatatayuan nila Neph at Des na nagiwan kay Des at Roan na magtaka at magaalala.


“Eh gago ka pala eh! Ilang beses ka ng nakikita ni Josh na laging kayakap si Igi, pano ngang hindi ka nun pagiisipan ng masama! Atsaka sino ka ba para pumagitna dun sa dalawa eh halos simula nung mga baby pa yung mga yun magkasama na yun!” balik sumbat ni Neph.


““SAGLIT LANG! ANO BANG NANGYAYARI?!”” sabay na sigaw nila Roan at Des na agad namang nagirapan matapos marinig ang bawat isa.


“Itong gagong 'to yakap ng yakap kay Igi eh alam naman niyang si Josh talaga ang gusto ni Igi!” singhal ni Neph sabay duro kay Lance.


“Nagusap na kami tungkol dyan ni Josh. Labas ka na sa mga nangyayari saka di mo naman alam ang nangyayari talaga eh!” balik naman ni Lance na hindi mapigilang mapasulyap kay Roan na agad namang nakuha ang ibig sabihin ni Lance.


“Anong nag-usap?! Magagalit ba si Josh ng ganun kung may usapan na kayo---” simula ni Neph na agad ding natigilan nang marinig nila si Roan na magsalita.


“This is all my fault. I-I'm s-sorry.” umiiling na sabi ni Roan, hindi maitatago ang pagsisisi sa kaniyang boses at sa reaksyon sa mukha nito na ikinatigil ng tatlo.


Saglit na binalot ng katahimikan ang tatlo na siyang nagbigay ng pagkakataon kay Roan upang sabihin na ang kaniyang mga nagawa upang humantong silang lahat sa puntong iyon. Muling nagbuntong hininga si Roan atsaka sinimulan na ang pagkukuwento.


0000ooo0000


“BITCH!” singhal ni Des kay Roan matapos nitong ikuwento lahat ng kaniyang ginawa na ikinagulo ng lahat dahil lamang sa kaniyang pagseselos noon. Muntik pang abutin ni Des ang mukha ni Roan upang sampalin ito mabuti na lang at pinigilan na agad ito ni Neph, iniisip na nasa loob pa sila ng campus at ang pagsampal ni Des kay Roan ay maaari pang maging dahilan ng pagkasuspend ng huli kung hindi niya ito pipigilan.


“I-I s-said I'm sorry. OK? I was being stupid---” naiiyak ng simula ni Roan ngunit muli siyang pinutol ni Neph.


“No. You were not just being stupid, you were also being selfish---” singit ni Neph ang lason sa kaniyang mga sinabi ay doble pa sa lason na maririnig sa mga sinabi ni Des.


“Huwag niyo naman siyang pagkaisahan, nagso-sorry na nga yung tao eh---” pigil ni Lance sa dalawa na lalong nag-init ang mga ulo.


“Eh kung sayo kaya gawin yung ginawa niya samin? Hindi lang naman ako saka si Des yung nasaktan niya eh, pati sila Igi at Josh!” galit na balik ni Neph na ikinatameme ni Lance at ikinatulo naman ng ilang mga matatabang luha mula sa mga mata ni Roan, hindi ito nakaligtas kay Des na tila naman nalusaw lahat ng galit kay Roan.


“I’m s-sorry.” pabulong at nauutal na ulit ni Roan na agad naman sanang babarahin ni Neph nang biglang nagsalita si Des na may mga luha na ring nagbabadyang mahulog mula sa mga mata.


“What happened to you, Roan? We used to be best friends--- I used to know you so well---” naluluhang saad ni Des kay Roan, hindi man niya ito naiintindihan ay alam naman niyang may dinaramdam din ito at nasasaktan din ito, isang palatandaan na hindi rin nito ginustong manakit ng ibang tao.


“I fell in love.” makahulugang sagot ni Roan sabay mariing tinignan si Neph, tila naman naliwanagan si Des sa mga nangyayari at kung anong maaaring nararamdaman ng dating kaibigang si Roan.


“Why didn’t you tell me?” mahinahon ng tanong ni Des na saglit na ikinatigil ng tatlo, lalong lalo na ni Roan.


“Because I know that you’re in love with him too.”


000ooo000


Napangiti si Cha ng maabutan niya ang kaniyang unit na ubod ng tahimik. Hindi niya magawang iwan ang dalawang binatilyo kaya naman ikinansela na niya ang kaniyang date at bumalik na lang sa kaniyang unit. Para sa kaniya isang senyales ang katahimikan na iyon na sa wakas ay natigil din ang dalawang binata na kaniyang inaalagaan ngayon sa pag-aaway, pero naisip niya rin na maaaring nagkasakitan na lang ulit ang dalawa o kaya naman nag patayan na ngunit hindi na lang niya sineryoso ang huling naisip sapagkat naisip niya rin na hindi iyon magagawa ng dalawang binatilyo sa isa’t isa dahil sa ilalim ng mababaw na galit na ipinapakita ng dalawa ay makikita naman ang pagmamahal.


Dahan-dahang pinihit ni Cha ang pinto ng kwarto kung saan niya ikinulong ang dalawa. Umaasa na tahimik at masinsinan ng naguusap ang dalawa, kaya naman laking pagkadismaya niya nang makita niyang luhaan si Igi habang si Josh naman ay tila ba nanlulumo at malapit naring umiyak. Gusto niyang yakapin ang mga ito ngunit hindi niya alam kung sino sa dalawa ang kaniyang uunahin sapagkat mukhang pareho lamang na nasasaktan ang mga ito.


Habang iniisip ni Cha kung sino ang lalapitan sa dalawa ay siya namang tayo ni Josh, tinignan ni Cha ng mariin ang pamangkin at napansin ang mabilis na pagpalit ng emosyon nito sa mukha, mula sa malungkot ay napunta ito sa galit at pagkainis. Hindi nakaligtas ang biglaang pagtayo na ito ni Josh kay Igi ngunit hindi nito nakita ang purong emosyon ng lungkot, sakit at galit ni Josh sa mukha nito tulad ni Cha dahil agad na ring tumalikod ang huli at lumabas na ng kwarto na agad na sinundan ni Cha.


“Mali at yung ginawa ko. Mukhang lalo pa atang lumala yung awayan nung dalawa.” sabi ni Cha sa sarili habang sinusundan ang humihikbing si Josh.


000ooo000


“Why did I fucking let myself fall in love with him!?” naluluha at inis na inis na sabi ni Josh sa sarili niya habang naglalakad palayo mula sa condo ng kaniyang tiyahin.


“He loves Lance, that’s why he pushed me away when I started kissing him, that’s why he doesn’t want to kiss me back. He doesn’t love me. I’m so stupid!” singhal ulit ni Josh atsaka bara barang ini-upo ang sarili sa isang bench sa katapat na park ng condo ni Cha.


“Josh?” tawag ni Cha sa kaniyang pamangkin na naabutan niyang malalim ang iniisip. Nagulat si Cha nang pagkaupong-pagkaupo niya ay agad siyang niyakap ni Josh, tila isang bata na nagsusumbong sa kaniyang ina na inaway ng kapitbahay.


“It hurts.” humihikbing sabi ni Josh habang naka yakap kay Cha, wala ng nagawa pa si Cha kundi ang yakapin pabalik ng mahigpit si Josh at aluhin ito.


“Shhh--- It's going to be OK.”


0000ooo0000


“Let me get this straight. You and Igi slept together?” tanong ni Cha matapos ikuwento ni Josh lahat ng nangyari.


“Natulog sa iisang kama, Auntie, mali yung iniisip mo.” pagtatama ni Josh habang nakayuko parin habang pinapakinggan ang paguulit ng kaniyang tiyahin sa kuwento nila ni Igi.


“And then this guy named Lance showed up tas bigla ka na lang na echepwera?” tanong ulit ni Cha na sinagot lang ni Josh sa pamamagitan ng malungkot na pagtango.


“Napagusapan niyo ba 'to kanina o basta mo na lang siyang hinalikan?” pahabol tanong ni Cha na nuong una ay ikinatango ni Josh pero ikinailing din nung maglaon.


“Ano ba talaga? Pinagusapan niyo o hindi?” tumataas boses kunwari na tanong ni Cha.


“I mean, plinano ko na po talagang kausapin siya pero ang tigas ng ulo niya eh, ayaw niyang makinig! And besides--- I-- I- don't know what to say.” nahihiyang pagtatapos ni Josh na agad namang ginawaran ni Cha ng isang malutong-lutong na batok.


“AW! What was that for?!” sigaw ni Josh na agad na lumayo sa tiyahin na inaambahan pa siya ng isang batok habang minamasahe ang ulo kung saan lumagutok ang kamay ni Cha.


“May ginawa kang kalokohan kaya ganyan na lang ang reaksyon niyan ni Igi---” pilit pinapakalma ang sarili “Ayaw ko sanang mangielam at gusto ko sana na kayo mismo ang makapansin nito pero dahil ang titigas ng bunbunan niyo at pareho pang makakapal ang pride niyo sa katawan mangingielam na ako ng konti. Kitang kita ko sa mga mata niya, may nararamdaman din siya sayo, ayaw niya lang sigurong masaktan ulit---”


“Pero Auntie, wala naman akong ginagawa para masaktan siya!” depensa ni Josh sa sarili.


“Meron. Dahil alam mo kung ano naman ang nakikita ko matapos ka niyang tignan na para bang gustong gusto ka niyang yakapin? Galit at pagkadismaya. Yan ang mga nakikita ko sa mga mata niya and believe me kapag sinabi ko sayong alam na alam ko na ang dramang ganyan kasi nakita ko na yan noon. Akala niyo kayo lang ang beki na dumaan sa red lips and stilettos ko?” napaisip ng malalim si Josh sa sinabi na ito ng kaniyang tiyahin, pilit na hinahalukay ang kaniyang utak sa mga masasamang bagay na maaari niyang nagawa upang mangunti si Igi sa kaniya ng ganon.


Binalot ng katahimikan ang pagitan ng magtiya. Wala sa sariling itinaas ni Josh ang kaniyang tingin, tila ba tinatanaw ang bintana ng unit ng kaniyang tiyahin. Hindi ito nakaligtas kay Cha na marahang inilapat ang kaniyang palad sa matipunong balikat ni Josh.


“All you need to do is talk to him, I promise you, everything is going to be OK.”


0000ooo0000


“Di mo na kailangang mag-sorry samin, Roan, ang kailangan mong gawin ngayon ay ang ayusin ang mga nangyayari ngayon sa pagitan ni Igi at Josh. Those guys are two of the sweetest guys I know, they deserve each other, they deserve to be happy.” nakatiklop kamay na sabi ni Des kay Roan.


“Don't worry, I'll help her fix this.” singit ni Lance sabay hawak sa kamay ni Roan na noong oras na iyon ay medyo kumalma na. Ang simpleng pagsuporta na ito ni Lance kay Roan ay hindi nakaligtas kay Neph.


“Wait. Are you guys dating or something?” naniningkit matang tanong ni Neph kay Lance at Roan. Hindi nag atubiling sumagot si Lance ng “Yes, we're dating.” samantalang si Roan ay namula lang ang pisngi, pilit na pinipigilan ang sarili na mapangiti.


“Eh kung nagde-date kayo bakit kung makayakap ka kay Igi, wagas?” tanong nanaman ni Neph kay Lance sabay duro pa dito.


“Ilang beses ko ba sasabihin na wala naman kaming relasyon ni Igi? We're friends, sa mga nangyayari sa kaniya kailangan niya ng kaibigan and I offered to be his friend, wala namang masama sa paminsan minsang pagyakap diba?” mainit na balik ni Lance sasagutin na sana ito ng nagiinit ulo muling si Neph nang pumagitna na ang dalawang babae.


“They said they'll fix all the misunderstanding, Neph. No point in arguing.” “Lance, misunderstanding lang ito. Hayaan mo na, aayusin naman natin 'to, huwag mo ng palakihin pa.” sabay na sabi nila Roan at Des sa kanilang mga kapareha na agad namang ikinatahimik ng dalawa.


Saglit pang nagtinginan ng masama sila Neph at Lance saka tumalikod sa isa't isa at inaya sila Des at Roan na umuwi na.


““Tara na, hatid na kita pauwi.”” sabay na sabi nila Neph at Lance. Nagkatinginan naman sila Roan at Des at hindi na napigilan pang ngitian ang isa't isa bago tumalikod. Habang naglalakad katabi ng kanilang mga nobyo ay hindi napigilan ni Roan at Des na mapangiti at matuwa. Alam kasi nila at nararamdaman na muli silang magkakasundong dalawa at hindi malayong maging magkaibigan ulit.


0000ooo0000


Hindi alam ni Igi kung tama ba ang kaniyang ginawa. Naguguluhan siya kung bakit tila ba siya pa ang nanakit kay Josh gayong umiiwas lang naman siyang masaktan, kung sakaling mangyari nanaman yung nangyari noong unang naglapat ang kanilang mga labi. Alam ni Igi na tanging paguusap lang ng masinsinan ang siyang aayos sa mga sigalot sa pagitan nila ni Josh ngunit naunahan siya ng takot at pagaalinlangan kanina kaya’t hinayaan na lang niyang umalis si Josh kesa sa kausapin niya.


Halos mapatalon si Igi nang may kumatok sa front door ng unit ni Cha. Nagaalangan niya itong nilapitan at pinagisipang maigi kung pagbubuksan niya ba ang kumakatok na iyon dahil kapag nagkataon na si Josh pala iyon ay hindi niya parin alam kung ano ang sasabihin ditto kahit gaano pa siya ka desidido na kausapin ito. Dumadalas ang pagkatok sa may pinto kaya naman wala ng nagawa pa si Igi kundi buksan ang pinto.


“Roan?” nagtatakang tawag ni Igi nang buksan niya ang pinto.


“Igi, we need to talk.”

000ooo000


Habang umaakyat ang elevator na sinasakyan ni Josh ay hindi niya mapigilang isipin kung ano ang kaniyang sasabihin kay Igi sa oras na magkaharap silang muli nito. Ang lahat ng kaba, takot at pagaalinlangan na nararamdaman ni Josh ay nawala lahat nang maabutan niyang wala si Igi sa loob ng condo ni Cha. Inisa-isa niya lahat ng kwarto, ngunit ni anino ni Igi ay hindi niya mahanap.


Dismayadong hinugot ni Josh ang kaniyang cell phone at tinawagan ang tiyahin na si Cha.


“Auntie, he's not here anymore. I-I d-don't know if I can still do this.” nawawalang pag-asa ng sabi ni Josh sa kaniyang tiyahin na nasa kabilang linya.


Itutuloy...


[Finale]
Hindi magawang makapag react ni Igi matapos sabihin ni Roan ang lahat lahat sa kaniya at kasabay noon ay hindi rin siya makapaniwala na naging makitid at sarado ang kaniyang utak kaya't hindi niya napansin na sinsero pala si Josh sa halik na kanilang pinagsaluhan, na sinsero pala ito sa kaniyang nararamdaman. Hindi rin siya makapaniwala sa ginawa sa kaniya ni Roan, akala niya ay sinsero ang pagiging concern nito sa kaniya, na tinutulungan siya nito bilang isang kaibigan at hindi bilang isang instrumento para sa pansariling rason.

“Why, Roan?” pabulong pero hindi maitatanggi ni Roan ang sakit sa tanong na ito ni Igi.


Saglit na natigilan si Roan, nag-isip ng isang magandang dahilan upang kahit papano naman ay maintindihan ni Igi kung bakit niya ginawa ang mga bagay na iyon pero wala siyang ibang maisip na magandang dahilan kaya naman naibulalas na lang niya ang katotohanan sa pamamagitan ng mga salitang...


“I thought I was in-love---”

000ooo000


“He's not here?” tanong ni Cha sa kaniyang pamangkin nang makabalik siya sa sariling condo.

“Nope.”

“Maybe he's just out with friends?” tanong ulit ni Cha habang pinapanood ang pamangkin na inaayos ang sariling duffle bag.


“Kung talagang gusto niyang maayos ito dapat hindi siya umalis, Auntie. Kung may nararamdaman talaga siya tulad ng sinabi mo dapat andito lang siya at nagso-sorry---” simula ni Josh habang umiiling iling.


“Eh bakit ka aalis? Bakit ka nageempake ulit? Kung gusto mo ring maayos ito at kung talagang may nararamdaman ka para sa kaniya edi intayin mo siya at kausapin siya pagbalik niya---” simula rin ni Cha pero agad siyang pinutol ng pamangkin.


“Don't you see it?! He doesn't love me! Ni hindi niya nga maibalik yung kiss na binigay ko sa kaniya eh! If I stay here mas lalo lang akong magmumukhang kawawa at tanga kapag ipinagtulakan niya pa ako ulit!” singhal ni Josh na ikinainit ng ulo ni Cha.


“UPO!” singhal ni Cha na ikinagulat at ikinataka ni Josh.


“What?”


“SIT DOWN! Ay! Ayaw pa ng upo? Gusto pa ini-english?!” sarkastikong balik ni Cha na nakapagpaupo naman kay Josh sa kadahilanang nakita narin ni Josh ang apoy sa mga mata ng tiyahin.


Nagbuntong hininga si Cha at pilit na pinakalma ang sarili bago umupo sa tabi ni Josh.


“B-but it hurts.” parang batang nauutal na sabi ni Josh na tuluyang lumusaw sa pagkairita ni Cha.


“Ganito lang yan eh---” simula ni Cha habang pinipigilan ang sarili na mapangiti nang maalala na ilang taon lang ang nakakalipas ay ginawa niya rin ito kay Ram at ilang taon pa ay ginawa niya naman ito kay Migs. “Alam mo yung tipong gutom na gutom ka na? Yung tipong basta ka na lang sumubo at hindi mo alam na mainit pala yung kanin na isinubo mo kaya napaso ka? Pero diba, kahit napaso ka hindi mo parin mapipigilang sumubo ulit dahil gutom na gutom ka. Kahit nagmamanhid pa yung dila at labi mo dahil napaso mapapakain ka parin dahil sa gutom, ganyan din sa love, Josh. Pinaso ka man ni Igi dahil sa hindi pagkakaintindihan---” bigay diin ni Cha. “---na ito hindi mo parin mapipigilan ang sarili mo na hanap-hanapin siya kasi siya yung tinitibok niyan.” pagtatapos ni Cha sabay turo sa puso ni Josh.


Saglit na binalot ng katahimikan ang buong kwarto. Nakikita ni Cha kung paano umikot ang turnilyo sa utak ni Josh kaya't hindi niya muling mapigilang mapangiti. Iniisip na muli siyang nagtagumpay sa kaniyang hangad na gawin.


“I-I can't do this anymore. I don't need to be rejected twice, auntie.” saad ni Josh sabay tayo at labas ng kwarto tangan tangan ang kaniyang bag na nakapagpanganga kay Cha. Hindi niya kasi inaasahan na kabaligtaran ng kaniyang iniisip ang mangyayari.


“Shit! I'm loosing my magic!” umiiling na saad ni Cha sa sarili sabay abot ng kaniyang purse, hinalungkat ito hanggat nakuwa na niya ang kaniyang lipstick, binuksan ang pocket size mirror at nag re-apply ng lipstick.


000ooo000


“I'm sorry.” saad ni Igi sabay yakap kay Roan na ikinagulat ng huli pero hinayaan lang ni Roan na yakapin siya ni Igi at wala na lang siyang nagawa kundi ang ibalik ang yakap na iyon.


“I'm the one who should be sorry, Igi.” naiiyak na saad ni Roan. Saglit na inilayo ni Igi ang kaniyang sarili kay Roan upang matignan niya ito ng daretso sa mga mata.


“No. I knew you like Neph and I knew you we're hurting whenever you see him with somebody else---” simula ni Igi, nakita niyang puputulin ni Roan ang kaniyang sasabihin ngunit hindi niya ito hinayaan. Hindi naman makapaniwala si Roan kung bakit nagiging tungkol sa kaniya at kay Neph ang usapan at sinubukan niyang putulin ang sinasabi ni Igi pero tuloy tuloy lang ito sa pagsasalita. “You don't have to deny it, Roan. I see it every single day lalong lalo na nung bago mo pa makilala si Lance. But I didn't do anything about it, naging selfish ako at binato ko ng binato sayo ang problems ko with Josh, simply because you're good at it so naiintindihan ko ang mga nagawa mo kasi pareho lang tayo. We're desperate for the person we like.” nakangiting pagtatapos ni Igi na talaga namang nakapagpaiyak na kay Roan. Hindi kasi siya makapaniwala na mapapatawad siya ng ganun ganun lang ni Igi.


Wala na lang nasabi si Roan pansamantala kaya't niyakap na lang niya ng mahigpit si Igi.


“We better get home.” aya ni Igi kay Roan matapos tumingin sa lumalalim ng gabi sa kaniyang orasan.


“B-But what are you going t-to do with Josh? I-I mean I-I messed everything between you guys---” simula ni Roan, agad na lumatay sa mukha ni Igi ang lungkot na muling ikinakonsensya ni Roan.


“Ako ng bahala doon.” desedido pero kinakabahang saad ni Igi.


000ooo000


“Josh?” tawag ni Migs sa kaniyang anak matapos niya itong pagbuksan ng pinto sa kanilang unit. Nagulat na lang si Migs nang mahigpit siyang yakapin ng anak.


“What's the matter buddy?” marahang tanong ni Migs sa anak habang hinahaplos haplos ang likod nito. Nagsimula ng humikbi si Josh.


“I-It hurts, dad.” bulong ni Josh. Nagpalitan ng nagaalalang tingin si Migs at Ed na kasusulpot lang sa may bungad ng kusina.


000ooo000


“Where have you been?” pasinghal na tanong ni Cha kay Igi nang pumasok ito sa kaniyang unit.


“May kinausap lang po sa baba.” magalang na sagot ni Igi habang lumilingon-lingon. Hindi nakaligtas ang pag-lingon lingon na ito ni Igi kay Cha lalong lalo na ang tingin ng tila ba pangungulila sa mga mata nito.

“He's not here.” saad ni Cha na nakapagpatigil kay Igi sa paglingon lingon at nagdulot na tumingin ng daretso kay Cha.

“W-what?” nauutal na tanong ni Igi kay Cha.

“He's not here, he's back with his dads.” sagot ni Cha sabay tingin ng mariin sa mga mata ni Igi.

“Oh.”

“What's the deal, Igi? He thought you dumped him by pushing him away. He's hurting.” sunod sunod na sabi ni Cha kay Igi.

“You-- You wouldn't understand---” umiiling saad ni Igi.

“Then make me understand.” marring saad ni Cha, mataman na tinignan ni Igi si Cha, kinikilatis kung tama bang sabihin niya ang lahat ng nangyari sa tiyahin ng taong kaniyang minamahal ngunit sinaktan.


After 6 days...


“Are you sure you still want to do this?” nagaalangang tanong ni Neph kay Igi. Alam kasi nito na hindi na ikundisyon ng maayos ang katawan ni Igi para sa mga ganitong kumpitisyon idagdag pa ang wala sa kundisyon nitong kalooban dahil sa mga nangyari sa kanila ni Josh na hanggang sa araw na iyon ay hindi parin nagpapakita sa kanila.

“Any news from Josh?” tanong ni Igi kay Des na agad namang humiling.

“I'm sorry.” bulalas muli ng nakokonsensyang si Roan na agad hinawakan ang kamay ni Lance.

“No. This one is on me.” malungkot na nakangiting saad ni Igi saka tumalikod at inayos ang kaniyang mga gagamitin para sa kumpetisyon.


Nagkatinginan ang apat. Hindi nila maitago ang pagaalala para kay Igi.


“Tita?” tawag ni Igi kay Cha nang makita niya ito sa bungad ng locker room atsaka inilagpas ang tingin dito, umaasa na nasa likod lamang nito si Josh.

“There you are! Andito lang ako para i-good luck ka.” nakangiting saad ni Cha pero hindi nakaligtas sa kaniya ang tila ba nadismayang mukha ni Igi nang masigurong hindi niya kasama si Josh.

“I'm sure he'll come around.” saad ni Cha sabay yakap kay Igi.

“Sana nga po. Ay Tita siya nga pala ito po yung mga kaibigan ko. Si Neph, kilala niyo na po siya, siya po yung madalas naming kalaro dati ni Josh, girlfriend niya po, si Des, Si Roan atsaka po si Lance.” pagpapakilala ni Igi sa kaniyang mga kaibigan.

“Hi everyone. I'm Cha, you can call me tita, if you want---wait--- Roan? Is she that bitch who ruined everything between you and Josh---?!” simula ni Cha na agad na inawat ni Igi.

“Tita! Tapos na po yun!” pigil ni Igi pero hindi parin nito napigilan si Cha na matahin si Roan. Pinagmasdan maigi ni Cha ang lipstick ni Roan pati narin ang suot nitong sapatos, hindi nalalayo ang style nito sa kaniya.

“She's still a bitch.” bulong ni Cha sabay talikod.

“Tita!” natatawang saad ni Igi.

“I'll be at the stands.” kumakaway na paalam ni Cha.


000ooo000


“Are you sure about this?” tanong ni Migs sa anak habang pinapanood itong mag hanap ng bagong mapapasukang iskwelahan. Alam niyang coping mechanism ito ng anak, bilang ayaw na nitong makita si Igi na siyang nanakit sa kaniya.

“Yes dad.”

“Nakausap ko na yung principal niyo, hindi ka naman daw expelled” nakakunot noong saad ni Ed na agad namang tinignan ng masama ni Migs na tila ba nagsasabing: “Hayaan mo na! Broken hearted eh!” na ikinataas ng dalawang kamay ni Ed bilang sabi na suko na siya.

“Well kung sa tingin mo na yan talaga ang magandang gawin mo eh di sige.” sulsol naman ni Migs ngunit hindi parin nakaligtas kay Josh ang tono na tila ba nagsasabing “Bahala ka, pagsisisihan mo yan sa huli.” na muling nagudyok kay Josh na pag-isipang muli ang kaniyang gagawin.

“Pag tapos ka na diyan anak, pabili naman kami ng milk tea ng dad mo.” utos ni Ed sa may gawi ng sala na ikinairap ni Migs at gumising naman sa pagiisip ng malalim ni Josh.

“Sige po.”


000ooo000


“Bakit kaya andaming tao?” tanong ni Josh sa sarili nang maabutan niya ang isang tindahan ng milk tea na puno ng tao na nangga-galing sa school nila.

Pagkakuwa niya ng kaniyang mga inorder ay wala sa sarili siyang naglakad papalapit sa kanilang skwelahan patungo sa covered swimming pool. Natigilan si Josh nang maalala niya na ngayon nga pala ang swimming competition. Agad niya tuloy naisip kung si Igi parin ba ang ilalaban ng skwelahan gayong suspendido din ito.

Nagsimula ng magaalala si Josh nang makita niya ang mga plackards na hawak hawak ng kaniyang mga schoolmate. Pangalan ito ni Igi.

“Oh no. Igi, I told you not to do it.” bulong ni Josh sa sarili at tuloy-tuloy na lang na pumasok.


000ooo000


Bago pa man magsimula ang kumpetisyon ay lumingon-lingon muna si Igi, umaasa na nanonood si Josh mula sa mga stands, ngunit laking pagkadismaya niya nang hindi niya nakita maski ang anino nito.

“IGI! Focus!” singhal ng coach na siyang gumising sa paghahanap ni Igi para kay Josh.

Narinig ni Igi ang pito at awtomatiko siyang lumusong sa tubig. Sa kabila ng bawat kampay ng kaniyang kamay at bawat sipa ng kaniyang paa ay si Josh parin ang kaniyang nasa isip.


000ooo000


Napangiti si Josh nang maabutan niyang papatalon na si Igi sa tubig. Napaka graceful ng pagsasalubong ng katawan nito at ng tubig at nangunguna ito sa pakikipagpabilisan. Agad na naisip ni Josh na maaaring naikundisyon nga ni Igi ang katawan nito. Nagsisimula ng mabura ang pagaalalala ni Josh at napapalitan na ito ng pagkagalak at pagka proud sa ipinapakitang galing ni Igi.

“WOOOOH! Go Igi!” sigaw ni Josh sabay palakpak.


Pero hindi nagtagal ang pagkagalak na iyon ni Josh dahil napansin niyang bumabagal ito at hindi na well coordinated ang galaw ng mga paa ni Igi. Natigilan si Josh at bumilis ang tibok ng puso nito nang makita niyang tumigil si Igi sa paglangoy. Tila katulad ni Igi ay kinapos din sa paghinga si Josh nang makita niya ang unti-unting paglubog ni Igi sa tubig matapos nitong kumampay upang matulungan ang sarili na manatiling nakalutang.

Hindi na inintay pa ni Josh na magsitalunan ang mga maaaring makatulong kay Igi at binitawan na niya ang kaniyang hawak-hawak na mga tsaa para sa kaniyang mga magulang at tumakbo papalapit sa pool. Mabilis niyang hinubad ang kaniyang pangitaas at tsinelas saka tumalon sa pool, nagmamadaling lumangoy papunta sa lugar kung saan niya huling nakita ang papalubog na katawan ni Igi.


000ooo000


Tila sampung takal na butil ng kanin ang nararamdaman ni Igi na pumapasok sa kaniyang baga. Wala na siyang magawa pa dahil hindi niya magawang igalaw pa ang kaniyang mga binti sapagkat pareho itong nakakaranas ng muscle cramps sinusubukan man niyang ikampay pa ang kaniyang mga kamay ngunit dumating din ang punto na napagod ang mga ito kaya naman hinayaan na lang ni Igi ang kaniyang sarili na lumubog at malunod.


Wala parin ibang tao sa isip kundi si Josh at ang pagmamahal niya dito.


000ooo000


“Igi. Please. Don't.” paputol putol na saad ni Josh habang pina-pump nito ang dibdib ni Igi.

Sinusubukan ng ibang tao na tulungan si Josh ngunit itinutulak niya lang ito palayo kay Igi na hindi parin nagkakaroon ng malay. Muling ini-angat ni Josh ang mukha ni Igi at isinalubong ang kaniyang mga labi sa mga labi nito at pinahanginan ang mga baga ng huli.

“Demit!” singhal ni Josh at inulit muli ang pagbobomba nito sa dibdib ng huli.

Nang mawawalan na ng pag-asa si Josh ay saka nila narinig ang pagbugha ni Igi ng tubig mula sa kaniyang bibig at ang tila ba hinihika o nasasamid nitong pag-ubo. Natigilan si Josh, halos tumulo na ang mga luha na kanina pa niya pinipigilang dumaloy. Dahan-dahang nagbukas ng mga mata si Igi at nagtama ang kanilang mga mata ni Josh.

Hindi na napigilan pa ni Josh ang sarili at muli siyang lumapit sa katawan ni Igi at binuhat ito papasok sa locker room ng mga manlalangoy. Tila bagong kasal ang dalawa at si Igi ang babae kung paano siya buhatin ni Josh kaya naman gusto ng tumanggi ni Igi sa ginagawang ito ni Josh kaya lang ay hindi naman siya pahintulutan ng kaniyang pagod na pagod na katawan na gawin iyon.


“W-what are you doing, Josh?” pabulong at nauubo paring tanong ni Igi sa huli.

“Shut up!” singhal ni Josh. “I told you not to do it but you still did! Ang tigas tigas talaga ng ulo mo! Pano na lang kung nalunod ka na--- P-pano na l-lang, ha?!” singhal paring pagtatapos ni Josh.

“Josh, wait! We should take him to the E.R.!” sigaw ng coach hindi kalayuan sa likod ni Josh kasunod ang mga nagaalalang sila Des, Neph, Lance at Roan.

“Shut up! This is all your fault! Sabi ko sayo hindi pa kaya ng katawan niya pero pilit mo parin siyang pinapasali! I'll take him to the hospital myself! Hindi ko siya ipagkakatiwala sayo. Ever!” singhal pabalik ni Josh na ikinatameme ng coach.

“Josh.” pabulong na tawag pansin ni Igi sa huli na buhat buhat parin siya habang papalapit sa locker room.

“Kayo naman?! Anong klaseng mga kaibigan kayo? Pinabayaan niyong lumangoy 'to kahit alam niyong hindi pa nakukundisyon ang katawan nito!” singhal ni Josh sa apat.

“Josh.” tawag pansin ulit ni Igi sa huli ngunit hindi nanaman siya nito pinansin.

“Kaya wag na wag kayong susunod sa ospital kundi makakatikim kayong lahat sakin---!”

“JOSH! TAMA NA!” sigaw ni Igi sabay inilapat ang kaniyang mga labi sa labi ng huli na nagulat sa biglaang ginawa na iyon ni Igi.


Hindi muli napigilan ni Josh ang mapapikit. Katulad noong unang dalawang beses na naglapat ang mga labi nila ni Igi ay hindi maiwasan ni Josh na tila ba iyong ganoong tagpo ang siyang pinaka-tamang bagay na ginawa niya sa buong buhay niya.

“Mahinahon ka na ba?” nanghihinang tanong parin ni Igi kay Josh matapos maghiwalay ang kanilang mga labi sa isa't isa. Napatango na lang si Josh, pilit na sinasariwa ang maalab na halikan na kani-kanina lamang nilang pinagsaluhan.


000ooo000


Mabilis na nagtungo sila Ram at Martin sa ospital kung saan sinasabing dila si Igi. Naabutan ng mga ito si Migs at Ed kasama si Cha at Josh na nakatayo sa tabi ng higaan ni Igi.

“What happened?” nagaalalang tanong ni Ram sabay haplos sa noo ni Igi at hinalikan ito.

“Muntik ng malunod, buti na lang andun si Josh.” sagot ni Cha sabay tingin ng mariin kay Josh na tila ba may malalim pang kahulugan ang sinabing iyon.

Hindi ito napansin ni Ram. Agad na kasi nitong niyakap si Josh at walang humpay na pinasalamatan. Nang bitawan ni Ram ang binatilyo mula sa pagyakap dito ay agad siyang humarap kay Migs at tinanong ito kung ano bang magandang gawin sa talipandas na coach na siyang pumilit kay Igi na sumali sa kumpetisyon na muntik na nitong ikinamatay.

Hindi na pinakinggan ng dalawang binatilyo ang mga matatanda at kinuwa na ang oportunidad na iyon na muli silang magtitigan. Hindi mapigilan ni Josh na kindatan ang huli na ikinamula ng mga pisngi nito. Wala sa sarili ding lumapit si Josh sa tabi ni Igi at inabot ang kamay nito at pinisil iyon at kinulong sa sarili niyang palad.


“I love you.” bulong ni Josh na muling nagtulak sa dalawa na magtitigan.


“I-I love you too.” sagot ni Igi pabalik.


Ang akala ng dalawang binatilyo ay walang nakakarinig sa tahimik nilang palitan na iyon dahil hindi nila napansin ang mapang obserbang mga mata ni Cha. Hindi mapigilan ni Cha ang kiligin habang iniisip na hindi parin nauubos ang kaniyang kakayahan na umayos ng nagsisimula palang na mga relasyon.


“I should be named Saint of the Beki's.” saad ni Cha sabay kuwa ng kaniyang purse, lipstick sa loob nito at salamin sabay re-apply.


““What?”” sabay na tanong nila Migs at Ram na nagulat sa biglaang pagsasalita ni Cha at sa hindi kunektadong sinabi nito mula sa kanilang pinagdidiskusyunan.


-wakas-

Epilogue
Biglang nagising si Migs. Tinignan niya ang orasan sa tabi ng kaniyang kama, “4:45am” sabi nito. Nagbuntong hininga si Migs upang mapabagal ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso at upang maitigil ang malamig na pawis na nagbabadyang pumatak mula sa kaniyang anit, dahan dahan niyang inalis ang malatrosong braso ni Ed mula sa pagkakayakap sa kaniya upang hindi ito magising at dahan dahan ding bumangon mula sa kama. Habang kinukusot ang kaniyang mga mata upang maialis ang antok dito at habang nagiinat siya ay hindi niya mapigilang sariwain ang kaniyang panaginip.


Ang panaginip na iyon ay puno ng lahat ng kaniyang kinatatakutang bagay, mga bagay na kaniyang iniisip bago matulog noong gabing iyon. Ang mga “Paano kung...” niyang mga tanong sa pagkakaroon ng isang hindi konbensyonal na pamilya. Ang paglaki ng kaniyang anak na may dalawang ama, ang posibilidad na ikahiya sila nito, ang posibilidad na may makaaway ito sa skwelahan o may mangutya dito.


Pero lahat ng paano kung na tanong na iyon ay nasagot din ng kaniyang panaginip na iyon kaya naman hindi narin napigilan ni Migs ang mapangiti habang naghahanda ng agahan ay sabay na niyang sinasariwa ang mga bagay na kaniyang maaaring gawin sa oras na harapin na niya ang mga “Paano kung...” na mga iyon katulad ng nangyari sa kaniyang panaginip.


“Good morning.” bati ni Ed kay Migs sabay yakap mula sa likod nito.

“Hey.” bati pabalik ni Migs saka binitawan ang pinipiritong bacon at humarap kay Ed at hinalikan ito sa labi.


“You're cooking waffles too?” tanong ni Ed sabay nangunot ang noo.


“Yes---” sagot ni Migs sabay tampal sa kamay ni Ed na nagtatakang dumukot ng isa. “But they're not for you.” dugtong pa ni Migs na lalong ikinakunot ng noo ni Ed.


“Para kanino pala yan?” tanong ni Ed.


“Sa mga bago nating kapitbahay.” makahulugang sagot ni Migs. Magtatanong pa sana ulit si Ed nang bigla nilang narinig ang pag-iyak ng isang bata.


0000ooo0000


“I think your dad has gone crazy.” bulong ni Ed sa kaniyang anak na si Josh na walang ginawa kundi ang ngumiti habang binibihisan siya ng kaniyang amang si Ed.


“I'm not crazy, Ed. I-I just realized something.” saad ni Migs na biglang sumulpot.


“What? You had an epiphany or something?” nakangising pangaasar ni Ed kay Migs.


“Let's just say I dreamt about something.” nakangising balik ni Migs kay Ed, iniisip na hindi nito makukuwa ang kaniyang ibig sabihin. “Bilisan mo dyan, OK na yung waffles.” utos ni Migs sa nakakunot noo paring si Ed.


0000ooo0000


“Good--- morning.” halos napanganga sa gulat na sagot ni Martin sa pinto nang bumungad sa kaniyang harapan si Migs at Ed.


“MARTIN! Bilisan mo dyan, itanong mo agad kung anong kailangan, male-late na tayo, baka hindi na natin maabutan sila Mi—gs.” halos pabulong na lang na pagkakasabi ni Ram sa huling kataga ng pangalan ni Migs nang makita niya ito sa bungad ng pinto na may hawak hawak ding agahan tulad niya.


“Look at that. Ram prepared breakfast for us also! What a coincidence kasi pinagluto rin kayo ni Migs ng breakfast.” aliw na aliw na saad ni Ed na ikinahagikgik naman ni Martin.


Nagkatinginan si Migs at Ram.


“Did Ram told you about an epiphany this morning also? Migs kept talking about this dream he had---” simula ni Ed sabay kuwa ng platong hawak ni Migs na puno ng waffles at inilagay ito sa lamesa nila Ram.


“Yeah. It's kinda weird though.” sagot naman ni Martin habang inaalalayan ang batang si Igi sa high chair nito.


“Hey, look. I'm sorry about what happened between us--- at kung pano ako umasta kahapon.” simula ni Migs habang naglalakad din papunta sa dining table.


“W-wala na yun. S-sorry din sa inasta ko kahapon.” namumulang pisngi na balik ni Ram sabay abot ng kamay kay Migs upang kamayan ito.


“Friends?” nakangiting tanong ni Migs.


“Friends.” sagot naman ni Ram.


0000ooo0000


“So hindi kayo yung lumipat sa unit na'to? Akala kasi namin ni Migs kayo.” tanong ulit ni Ed habang sinusubuan si Josh ng pagkaing pang baby.


“Hindi. Si kuya Edison saka yung boyfriend niyang si Jake ang titira dito. Maaga silang umalis kaya di niyo na naabutan.” sagot naman ni Ram.


“But we're planning on renting the unit on the next wing.” saad naman ni Martin na naglagay ng ngiti sa mga mukha ni Ram at Migs. Parehong iniisip na hindi malayong magkatotoo ang kanilang mga panaginip.


After six months...


“What took you so long?” tanong ni Migs kay Ram at Martin nang pagbuksan niya ang mga ito ng pinto.


“Nag potty training pa kasi si Igi eh.” sagot ni Martin. Agad namang tinignan ni Migs si Igi na napaka cute na kumakaway sa kaniya.


“Awww! Hang cute cute naman ng inaanak ko!” excited na sabi ni Migs sabay agaw kay Igi mula sa kamay ni Martin.


“Tapos na ba? Balita ko sa talk show daw na yan natin makikilala yung dyowa niya eh!” tanong ni Ram sabay kaway kay Ed na abala naman sa pagpre-prepare ng dinner.


“Hindi pa, kasisimula pa lang.” saad naman ni Migs sabay nilaksan ang volume ng kanilang TV agad na umalingawngaw ang boses ni Cha na iniinterview sa TV.


“Usually our dreams provides us solutions to our problems. Sometimes dreams can make us realize things that we do not consider while we're awake---” simulang pagsasagot ni Cha sa TV host na nagiinterview sa kaniya na nagdulot kay Ram at Migs na magkatinginan. Naikuwento na nila sa isa't isa ang kanilang napanaginipan may ilang buwan na ang nakakaraan at ngayong idinidiscuss ito ni Cha sa national TV ay nakapaglagay ng ngiti sa mukha ng dalawa.


“Damn that bitch knows so much.” pabulong na sabi ni Martin na bumasag sa makahulugang pagtitinginan ni Migs at Ram.


““Shhhh! Not in front of the kids!”” sabay na singhal ni Migs at Ram na ikinahagikgik na lang ni Ed sa may kusina.


“They say you met your current boyfriend while interpreting a dream. Can you tell us more about that.” request ng nagiinterview na ikninamula ng pisngi ni Cha.


“I was interpreting a friends dream when he walked over. He overheard that I was interpreting Jannah's, my friend's, dream and asked me to interpret his dream also and the next thing I know, I was interpreting his dream everyday.” namumulang pisngi na kwento ni Cha na ikinakilig ng lahat ng nanonood sa studio.


“Is he here now?” tanong ng nag-i-interview kay Cha.


“Yes.” amin ni Cha.


“Can we meet him?” tanong ulit ng interviewer.


“Of course.” excited na sagot ni Cha. “Hon.” tawag ni Cha, nagsimula ng i-focus ang camera sa isa sa mga lalaki sa audience, ngunit bago pa man maaninag pare-pareho nila Migs, Ram, Ed at Martin kung sino ang misteryosong boyfriend ni Cha ay biglang nag brown out.


Napuno ng iyakan nila Josh at Igi ang unit nila Ed at Migs ngunit nang bumalik na ang supply ng kuryente may ilang minuto lang ang nakalipas ay agad naring tumahan ang dalawa. Muling binuhay ni Migs ang TV ngunit tapos na ang interview ni Cha.


Natapos ang gabing iyon at hindi parin kilala ng magkakaibigan ang boyfriend ni Cha.




The Things That Dreams Are Made Of
“finale”

No comments:

Post a Comment