Friday, January 11, 2013

Ivan: My Love, My Enemy (11-20)

By: (ash) erwanreid
Source: bgoldtm.blogspot.com


[11]
"Babalik na po ako." paalam ni Mico kay tita Divina.

"Sige Mico. Bukas uli."

"Tita naman eh."

"Basta. Para lagi kang pumupunta dito. Atlist may alibi tayo di ba?" sabay tawa ni Divina.


Natawa rin si Mico. "Oo  nga po noh." sang-ayon niya. Tatalikod na sana si Mico.

"Sandali Mico." si Ivan.

Nagulat siya nang tawagin siya ni Ivan. "B-bakit?"

"Mmm wala naman." sabay ngiti ni Ivan. Sa totoo lang nahiya si Ivan na magtanong.

"Ano kaya iyon? Sige na alis na ako. Teka, infairness ah, ikaw ang tumawag sa akin. May bago." natawa si Mico. "Tatandaan ko ang araw na ito."

"Teka." pigil uli ni Ivan.

Nagsalita si Divina. "Pangalawa na iyan Ivan?"

Napakamot sa ulo si Ivan. "Tatanong ko lang kung galit ba kanina si tito Dino."

Na-get ni Mico ang ibig sabihin ni Ivan. Alam niyang ang tinutukoy nito ay noong nagmamadaling umalis ito. Nagtaka tuloy siya kung anong nangyari sa pag-uusap nila o ano ang napag-usapan nila. "Hindi naman. Bakit? Anong meron?" takang tanong niya.

"Ah wala naman. Sige. Ingat ka sa pag-uwi."

"Ganoon? Pero gamay ko na rin ang daan pauwi tulad sa paghakbang mo sa hagdan niyo." sabay tawa si Mico.

Nangiti na lang si Ivan nang maalala ang ibig sabihin ni Mico sa mga sinabi nito.

Umalis na si Mico saka nagsalita si Divina sa anak. "Bakit mo ba tinatanong kung galit ang ama niya? Hindi ba nagustuhan ang luto ko?"

"Ay hindi po dahil doon." sagot agad ni Ivan.

"Eh ano ang dahilan?"

"Kasi kanina po nakausap ko uli si tito Dino. Sinabi kong hindi ko po magagawang kaibiganin si Mico para sa gusto niya."

"Oh ano ang sagot niya?" nagulat si Divina sa ipinahayag ng anak.

"Hindi nga po sumagot. Hindi ko nga rin nakita ang reaksyon dahil hindi na ako maka-tingin sa kanya sa hiya."

"Nagsabi ka naman siguro ng dahilan kung bakit ayaw mong gawin?"

"Opo." at ikinuwento na ni Ivan ang buong nangyari.

"Ang inaalala ko lang anak baka lalong hindi na magkaintindihan ang ang mag-ama."
-----

Kulang na lang na umusok ang ilong ni Dino sa galit. Nakukuyom niya ang kamay sa galit.  Hindi niya gusto ang nakikitang imahe sa deskstop ng laptop ni Mico. Kulang na lang na madurog ang mga ngipin niya kakatangis ng mga bagang niya. Bumibilis ang kanyang paghingal. Buti na lang at hindi niya hawak ang laptop kundi kanina pa niya naihagis.

Walang kamalay-malay si Mico nang pumasok sa loob ng bahay. Lumapit pa sa kanya ang kanyang alaga. Yuyuko sana siya para buhatin si Vani nang marinig niya ang tawag ng ama. Sa tono ng pagtawag ng ama ay kinabahan siya.

"Bakit po?" lumapit pa siya sa ama na nagtataka. Nang makalapit siya saka niya lang napansin ang kanyang laptop sa center table. Kinabahan siya. Tumingin siya sa ama.

Isang lumalagapak na sampal ang inabot niya sa pagharap niya sa ama. Muntikan na siyang mabuwal. Bahagya pa niyang naapakan si Vani. Napatahol ito at tumakbo para magtago. Muli siyang nag-angat ng mukha ngunit puno na ng luha ang kanyang mukha. Hindi pa niya masyadong maidilat ng maayos ang isang matang nadali ng pagsampal sa kanya ng ama. Namamanhid ang kanyang pisngi. Nangangapal. Sapo-sapo niya iyon. "Bakit po?" kanda-iyak niyang tanong.

"Anong ibig sabihin nito?" galit na tinuro ni Dino ang imahe na nasa monitor ng laptop ni Mico.

Narinig ni Laila ang sigaw na iyon ni Dino kaya napatakbo siya mula sa kusina. "Ano ba yan?" Napa-tingin siya sa anak na humahagulgol habang hawak ang kaliwang pisngi. "Anong ginawa mo sa anak mo?" halos manggalaiti si Laila sa pagtatanong.

"Tanongin mo ang anak mo kung bakit ganyan yang laptop niyang iyan."

"A-ano bang meron sa laptop na iyan at masyado naman yatang pinag-iinitan. At bakit kailangan mong saktan pa ang anak mo?"

"Bakit hindi mo tignan?" hamon ni Dino sa asawa.

Tinignan nga ni Laila ang laptop. Napa-tingin siya kay Mico na patuloy na umiiyak dahil sa sakit.

"Nakita mo na? Kaya pala ganoon na lang kung ipagtanggol dahil may relasyon sila ng lalaking iyon. Kaya pala gustong gusto niyan pumunta dito dahil sa lalaki."

"H-hindi po totoo iyon?" paliwanag ni Mico.

"Anong ibig sabihin niyan? Bakit may mukha diyan ni Ivan?"

Hindi makasagot si Mico.

"Sandali nga Dino. Porke lang may picture na dito ni Ivan, sila na?"

"Ano pa ba sa tingin mo?" Muling tumingin si dino kay Mico. "Ano itatanggi mo pa?"

"Hindi naman po talaga eh."

"Aba't" lumapit si Dino kay Mico para muli itong hatawin ng palad.

Ngunit agad naman ang saklolo ni Laila. "Sige, sige saktan mo ang anak mo. Ako na ang makakalaban mo." nagbabantang si Laila.

Talagang natigilan si Dino sa tinuran ng asawa gayong nakikita pa niya na nanlilisik ang mata nito. "At kinakampihan mo pa yang anak mo?"

"Dahil hindi na tama yang ginagawa mo." napa-iyak na rin si Laila. "Anak mo 'to dapat iniintindi mo. Bakit hind mo muna tanongin bago mo saktan."

"Makapagsalita ka diyan... Bakit kailan ko ba yan sinaktan?"

"Hindi mo nga sinasaktan pero ang ginagawa mo naman, sobra na Dino. Sobra na. Halos buong buhay na ni Mico na pahirapan mo siya. Akala mo ba, hindi masakit na hindi mo siya mo siya kausapin. Ikaw nga ayaw mo nang hindi ka iniintindi si Mico ilang taon na siya? Natatandaan mo pa ba kung kelan mo huling nayakap ang anak mo?"

"Hindi ba mabuti ang gusto ko para sa kanya? Anong masama sa hinihiling ko sa kanya?"

Nagsisigawan na sila sa loob ng bahay.

"Hindi ka humihiling sa anak mo Dino. Inoobliga mo siya."

"Tama ba na makipagrelasyon siya sa kapwa niya lalaki?"

"Hindi naman po totoo iyon eh." muling giit ni Mico.

Dumilim ang paningin ni Dino sa sagot ni Mico kaya balak hatakan ito at sapakin.

"Sige, sige." harang ni Laila. "Subukan mo."

"Punyeta." napamura na si Dino. Sa sobrang galit hinampas niya ng braso ang mga laman ng center table kasama ang laptop ni Mico. "eh anong ibig sabihin nito. Anong klaseng inspirasyon ba ang matatawag mo diyan?" galit na galit na si Dino dahil sa akala nitong pagtatago ni Mico pangalawa ang pag-kampi ng asawa dito.

Dahil sa ginawa ng ama lalong napaiyak si Mico. "Sinabi ko na sa inyo na hindi totoo. Wa-la kaming realsyon." pinakadiinan ni Mico ang huling salaysay at tumakbo paakyat sa kwarto.

"Punyeta ka talagang hayop ka." susundan ni Dino si Mico. "Pagnahablot kita makikita mo."

Hinila ni Laila ang asawa kahit nanghihina dahil sa pag-iyak. "Makikita mo rin kung paano ako magalit."

"Yan! Yan, kinakampihan mo lagi ang anak mo. Kinukunsinte mo." hinarap ni Dino ang asawa.

"Dahil sumusobra ka na."

"Kaya lumaking ganyan ang ugali ng anak mo eh, dahil sa iyo? Imbes na sa akin siya magmamana, hinila mo."

"Kasalanan ko ba kung hindi yang gusto mo ang ang sinusundan ng anak mo?" pinakadiinan niya ang salitang anak. "Bakit ano bang masama sa trabaho ko? Ibig sabihin ba na pati ako kinahihiya mo?"

Nagpanting ang tenga ni Dino. "Ang ibig kong sabihin, imbes na building ang dino-drawing ng anak mo, dahil sayo-"

"Dahil sa akin? Desisyon ng anak mo ang pagpili niya sa gusto niyang gawin sa buhay niya. Hindi ko kasalanan kung bumabaliko ang pagguhit ng anak mo."

"Kung hindi mo hinila-hila, sinama-sama ang anak mo diyan sa negosyo mo hindi yan maiimpluwensiyahan na magdodrawing ng kung ano-anong damit na yan."

"Alalahanin mo Dino bago tayo magsama, tinakasan mo ang magulang mo dahil ang gusto nila mag-doktor ka pero dahil ayaw mo, naglayas ka. Tingin mo, kanino ngayon nagmana ang anak mo? Katulad mo may sariling desisyon din ang anak mo. Yan dapat ang naiintindihan mo."
-----

Naka-silip si Ivan sa bintana. Tinatanaw niya mula roon ang bahay ni Mico. Alam niyang may nagtatalo sa loob ng bahay ni Mico. Kinakabahan siya dahil maaring siya ang dahilan kung bakit may gulo doon. Maya-maya ay nakita niyang lumabas si tito Dino na nagmamadali at binuksan nito ang gate. Pagkatapos, sumakay ito sa kanyang kotse, pinaandar at umalis. Hinayaan nitong bukas na bukas ang gate.

Sinundan niya ng tingin ang sasakyan hindi pa nawawala sa kanyang paningin nang maagaw ang kanyang atensyon sa bagong lumabas sa bahay ni Mico. Si Tita Laila niya, kahit may kadiliman na nakita nahalata pa rin iyang basang-basa ng luha ang mukha nito. Sumisigok-sigok pa nga ito habang sinasara ang gate. Nang tuluyan nang makapasok muli sa loob ng bahay si tita Laila ay minabuti nyang bumaba.

Inaasahan niyang makikita niya sa baba ang ina. Nanunuyo ang lalamunan niya sa nasaksihan. Kaya, dumiretso siya sa kusina para kumuha ng maiinom.

Kinakabahan siya para sa sarili niya. Dahil ang sarili niya ang sinisi kung bakit nagkagulo sa kabila. Dahil sa hindi niya pagtanggap sa pinapagawa sa kanya ni tito Dino.

"Siguro, lalong nagalit si Tito kay Mico. Mali yata ang ginawa ko. Lalo yatang nagulo ang buhay ni Mico?" napapakumpas ang kamay niya sa hangin tanda ng pagka-dismaya sa mga nangyayari. Humarap siya sa lababo para banlawan ang basong ginamit. Nang matapos ang iligpit ang baso, nagulat siya ng malingunan ang ina. "Ma?"

Walang reaksyon si Divina pero kinakikitaan ito ng pag-aalala. "Ivan, siguro nagalit ang Papa ni Mico dahil laging punta ng punta dito si Mico?"

Napanganga si Ivan. Naisip niyang pati pati pala ang ina niya ay nag-aalala para na sa sarili tulad niya at siyempre para din kay Mico. "Hindi naman po siguro Ma. Ang iniisip ko nga po dahil sa akin."

"Hindi. Kasi di ba, pumunta pa rito si Mico kanina. Ibig sabihin walang problema sa sinabi mo. Pagkauwi na pagkauwi ni Mico-" gustong maiyak ni Divina sa pag-aalala.

"Ma. Hindi po ganoon." alo niya sa ina.

Tuluyan na ngang umiyak si Divina.

Hindi naman alam ni Ivan kung ano ang sasabihin. Ang tanging alam na lang niyang gawin ay ang alalayan ito at pahinahunin.
-----

Kinabukasan, namimigat ang mga mata ni Mico. Nakalimutan na nga niyang nanakit pala ang kanyang kaliwang pisngi. Umaray siya nang hindi sinasandyang mapahawak siya sa pisngi dahil nakaramdam siya ng pangangapal. Saka nya lang nasabing "Oo nga pala may nangyari kagabi."

Nagulat pa siya sa katok likuran ng kanyang pinto. Kinabahan siya baka ag ama niya.

"Mico. Gising ka na ba?"

Biglang nawala ang takot niya nang marinig ang boses ng ina. "Ma. O-opo."

"Sandali, gusto kitang makausap."

Agad-agad siyang tumayo. Dahil kagigising pa lang ay nadulas pa siya pababa sa kama. Lumagapak siya sa sahig. Gumawa iyon ng ingay.

"Mico, ano yan. Anong nangyari?"

Umaaray si Mico. "Wait lang Ma."

Naghintay si Laila nang saglit. Maya-maya ay bumukas na ang pinto. "Anak ba-" hindi niya naituloy ang sasabihin nang makita ang mukha ni Mico. "Bakit naging ganyan yan?"

Napansin din ni Mico na maumugto ang mga mata ng ina. "Ahhh- masaki Ma." aray niya nang bahagyang hinipo ni Laila ang nangingitim na pasa sa mukha ni Mico.

"Doon tayo sa baba papahiran natin ng gamot." yaya ni Laila.

"Ayoko Ma." tanggi ni Mico. Pumiglas pa nga siya sa pagkakahawak ng ina. "Baka makita ako ni Dad."

"Hindi. Wala na ang Dad mo."

Natigilan si Mico. "Paano pong-"

"Umalis siya kagabi, hindi niya nagustuhan ang mga sinabi ko dahil totoo. Kaya huwag ka na mag-alala. Bumaba ka na. Sige na." naiiyak si Laila.

"Sige po." pagsunod ni Mico. Nakita niya ang inang dinadamdam ang mga nangyari. Kailan pa nga ba niya huling nagtalo ang kanyang magulang? Bata pa siya noon, pero alam niyang hindi matinding away iyon. Ngayon lang niya nakita ang ina na namumugto ang mga mata dahil sa pag-iyak.

Sa salas sila tumigil at doon umupo. Naggagaralgal na tono ngpananalita ang lumabas sa boses ni Laila. "Saneng kunin mo nga ang medicine kit natin diyan." Muling tinignan ni Laila ang mukha ni Mico. "Wala talaga siyang awa sayo." nagtuloy-tuloy ang luhang lumabas sa mga mata ni Laila. "Hindi na kuntento sa ginagawang pagtikis sayo bilang anak. Tapos, sasaktan ka pa ng ganito. Hindi na ito mauulit Mico, hindi na."

Naramdaman ni Mico ang pagmamahal sa kanya ng ina. Hindi na rin niyang napigilan ang mapaiyak. Nahiya siyang nakikita ng ina ang pagluha niya kaya yumuko siya. "I'm sorry Ma."

"No Mico, hindi ka dapat mag-sorry. Wala kang ginagawang masama."

Dumating si Saneng dala-dala ang medicine kit. Sisigok-sigok ni Micong nakaharap ang kasambahay. Nagulat  si Saneng ng makita ang pisngi ni Mico. "Hala, ano nangyare?"

Hindi kumibo ang ang dalawa. "Saneng, kumuha ka muna ng basang tela. Yung malinis ha? Dadampian ko muna ang pisngi ni Mico bago pahiran ng ointment."

"Sige po Ate."

Napa-buntong hininga si Laila. Hindi dahil sa pakikiusyoso ng kasambahay kahit alam naman nito ang nangyari kundi dahil sa sinapit ni Mico.

"Mico. Kaya pala kita ginising dahil babalik na ako sa Manila."

"Ma?"

"Kailangan ko na sigurong bumalik. Ayoko rin namang magkaroon kami ng mahabang gap ng Papa mo eh. Pero sisiguraduhin kong hindi na muling mangyayari iyan sa iyo." matigas nitong pahayag.

Napa-yuko na lang si Mico. "K-kayo po ang bahala."

"Sumunod ka na lang pag malapit na ang pasukan. Siguro naman, malamig na ang Papa mo sa oras na iyon."

Tumango siya.

"Iiwan ko na rito si Saneng. Para may makasama ka."

"Sige po."

"Magpapadala na lang ako at si Saneng na ang bahalang mamili ng kailangan niyo rito. Anak, patawrin mo si Mama ha?"

Napatingin siya sa ina. "Wala naman po kayong ihingi ng tawad Ma eh." nayakap niya ang ina.

"Basta, para sa akin mabuti kang anak, kahit ano ka pa. Kaya kakampi mo ko. Kaya huwag mong bibiguin si Mama ha?"

"Opo Ma."

Pag-iyak ng dalawang nilalang ang nasaksihan sa loob ng bahay na iyon.


[12]
"Vani nakakalungkot naman. Hindi ka ba nalulungkot?" iyona ang nararamdaman ni Mico nang mga oras na iyon. Pa-gabi na. Kanina pa naka-alis ang kanyang ina. Iniwan muna siya pansamantala. "Anong gagawin natin? Nakakabagot dito sa loob ng bahay."

Tumahol tahol ang aso.

"Haysss. Ayoko namang pumunta sa kabila. Nahihiya ako sa hitsura ko. Baka pagtawanan pa ako ni Ivan." Bigla siyang napatuwid sa pagkakaupo. "Oo nga pala, kapag pumunta ako doon sigurado, tatanungin ako nila kung ano ang nangyari. Masasabi ko bang dahil sa picture ni Ivan?" nagpapadyak siya sa hindi magandang posibilidad. "Ayoko, nakakahiya. Vani, tulungan mo naman ako."

Tumakbo ang aso sa labas ng bahay. "Vani." tawag niya. "Bumalik ka rito." pero hindi siya sinunod ng alaga. Wala na siyang nagawa kundi ang sundan ito. Hindi naman niya kailangang mag-alala dahil nakasarado naman ang gate. "Gusto mo bang lumabas? Gabi na po kaya."

Pero nagtatahol ang alaga niya. Halata ni Mico na gusto nga nitong lumabas. "Madilim naman eh. HIndi naman siguro ako mapapansin nila tita Divina dito sa labas. Sige Vani tambay mode tayo. Oh huwag ka ng maingay."

Nang marinig iyon ng alaga ay tumigil ito sa pagtahol. Binuksan niya ang gate at dali-daling lumabas si Vani. Nagtatakbo-takbo sa paligid. Tuwang-tuwa. Napa-ngiti na rin si Mico. "ang alaga ko talaga marunong talaga." bilib niya sa alaga.

Umupo siya sa may damuhan sa harapan ng kanilang bakuran. Doon niya pinanood ang alaga sa pag-lalaro nito.
-----

Nang marinig ni Ivan ang kahol ng aso sa labas kaya siya napabangon sa pagkakahiga at sumilip sa bintana. Nang nakita niya si Mico na nasa labas ay agad siyang bumaba. Nakasalubong pa niya ang ina.

"Bakit ka naka-sweater?"

"Balak ko pong magpahangin sa labas." totoo naman ang isinagot niya. Hindi niya lang sinabing naandoon din si Mico sa labas. Nakaramdam kasi siya ng hiya sa ina.

"Sige, huwag mo lang hayaang lamigin ka. Matutulog na ako."

"Sige po Ma."

Nilagpasan na ni Ivan ang ina. Maingat niyang binksan ang pinto, ganoon din nang kanyang isinara. Ayaw niyang makagawa ng ingay baka malaman ni Mico na lalabas siya. Dahan-dahan niya ring binuksan ang gate. Mas doble ingat nga siya doon dahil maingay kung binubuksan iyon. Nagpasalamat naman siya nang hindi ito gumawa ng ingay.

Nakayuko si Mico kaya hindi niya napansin ang pagdating ni Ivan. Dahil sa anino na tumapat sa kanya kaya siya napatingala. Laking gulat niya nang makita niya si Ivan sa kanyang harapan.

"A-anong ginagawa mo rito?" tanong niya kay Ivan.

"Ikaw nga ang dapat kong ta- Teka, bakit may tapal yang mukha mo?" napansin kasi ni Ivan na may manipis na tela sa pinsgi ni Mico.

Agad namang tikpan ng kamay ni Mico ang tinutukoy ni Ivan. "Wala ito."

"Sandali nga." lumapit si Ivan. Tumabi kay Mico sa pagkakaupo.

Kumabog ang dibdib ni Mico dahil doon. First time lang nangyari yata iyon na walang sapilitang tumabi si Ivan sa kanya.

"Patingin." may kaunting tigas ang pagkakasabi ni Ivan. Gusto kasi niyang huwag nang tumutol si Mico.

"Nakakahiya eh."

"Patingin nga kasi." pilit ni Ivan.

Walang nagawa si Mico. Sa tingin niya para bang nakakatakot si Ivan kung magsalita. May awtorisasyon.

"Bakit? Paano nangyari yan?" pag-aalala ni Ivan.

Napa-tingin naman ng diretso si Mico. Lalong kumabog ang dibdib niya. Ngayon niya lang narinig kay Ivan na magsalita ito na may pag-aalala. "W-wala na bangga lang."

Tumingin si Ivan ng diretso kay Mico. Hindi kasi siya kumbinsido sa dahilan nito.

Para namang napapaso si Mico habang tinititigan ni Ivan. "O-oo nga."

"Hindi ako naniniwala." sagot ni Ivan at tumingin na ito sa harapan.

Para namang kung anong naramdamang awa ni Mico para kay Ivan. "Nakakahiya kasi kung sasabihin ko sayo eh." nasabi na lang niya kay Ivan. "Pero bakit ka lumabas?"

"Nakita kasi kita."

"A-ano? Dahil nakita mo ko? Ikaw lalabas dahil sa akin?" parang ayaw maniwala ni Mico.

"Oo nga. Kasi-" natigilan si Ivan. "Nakokonsensiya ako."

Naguluhan si Mico. "P-paanong makokonsensiya ka?"

"Alam namin ni Mama na nagkaroon ng problema sa inyo kagabi." nakita ni Ivan sa mukha ni Mico ang tanong na kung paano. "Dahil naririnig namin may nagsisigawan sa inyo. Nagtatalo. Kasi-" hindi niya naituloy ang sasabihin. Nagdadalawang isip siya kung sasabihin ba niya ang dapat na naging kasunduan niya at ng tatay ni Mico. Buti nalang at hindi na narinig pa ni Mico ang huling salitang binitiwan niya.

"Kaya pala." napabuntong hininga si Mico. "Masyado bang nakaka-iskandalo?"

"Hindi naman. Buti nga lang, walang ibang nakatira dito sa lugar natin. Bakit pala naandito ka nagtatambay?"

"Wala lang magawa kasi sa bahay. Hindi pa ako inaantok. Sa totoo lang si Vani ang gustong lumabas eh." sabi ni Mico ng may kapanatagan. Biglang nawala ang kabog sa kanyang dibdib.

Natawa si Ivan sa sinabi ni Mico. "Si Vani?"

"Oo. Gustong lumabas eh. Tahol ng tahol kanina. Ayoko nga sana dahil nahihiya ako sa hitsura ko. Kaya lang naisip kong madilim naman kaya wala naman sigurong makakakita sa akin."

"Ganoon ba? Pero paano mo nakuha iyan pasa mo sa mukha?"

Napa-tingin siya kay Ivan. Dapat ba niyang sabihin ang totoo? "Nasampal kasi ako ni Dad." natahimik. "Ang lakas kaya nagkapasa."

"Dahil ba sa akin?" biglang nasabi ni Ivan. Nakita niyang napatingin sa kanya ng tuwid si Mico. "Ay ano, baka kako ano-" bigla niyang bawi pero hindi siya maka-hagilap ng isasagot.

"Hindi." tanggi naman ni Mico. "Hindi ikaw yun. Ano ka ba. Ano naman ang kinalaman mo doon?" bahagya niyang pagsisinungaling. Ang totoo kung hindi nakita ng Dad niya ang wallpaper ng laptop niya na si Ivan ang nasa larawan na iyon wala siguro siyang pasa ngayon. Malamang.

Hindi na umimik si Ivan. Natakot na siyang magsabi ng totoo. Saka nalaman naman niya mula kay Mico na hindi siya ang dahilan.

Hindi na napigilan ni Mico ang sariling hindi ipagtapat kay Ivan ang nangyaring gulo pero hindi niya sinama ang tungkol sa picture ni Ivan sa wallpaper niya. "Hindi ko naman siguro kasalanan na biglang nagkurba-kurba ang mga guhit ko sa gusto ni Dad." natawa si Mico sa naipahayag. "Alam mo naman na ang gusto ni  Dad yung mga tuwid ang linya. Puro building ang ginuguhit hindi mga damit." sunod-sunod na ang tawa ni Mico.

Tawa ng tawa rin si Ivan sa mga naririnig niya kay Mico. Hindi niya napapansing nakakatuwaan na niya si Mico. Sa kanilang pag-uusap, para bang matagal na silang magkaibigang panatag sa isa't isa at ngayon nga na sabik sa kwento ng bawat isa.

"Bakit naman kasi naging bading ka." salita ni Ivan at biglang tumawa.

"Aba malay ko? Naka-gisingan ko na lang. Tapos, yun. Yun na yun." sabay tawa. Pareho silang nagkatawanan.

"Sa totoo lang nabigla talaga ako sayo nung una tayong magkita."

"Alam ko naman yun eh. Kaya lang nakakainis ka talaga kaya madalas kitang asarin."

"Akala ko kasi magkakaroon ako ng kaibigan, yung lalaki hindi katulad mo." natatawang pahayag ni Ivan. Napansin ni Ivan na biglang tumahimik si Mico sa nasabi niya. "Sorry."

"Hindi. Okey lang ano ka ba."

"Bakit ka natigilan diyan?"

"Bigla ko lang kasi naisip. Bigla kang nagbago. Kinakausap mo na ako ngayon." ngumiti si Mico.

"Ah ganoon ba?" natigilan din si Ivan. "Huwag mo na isipin yun basta okey na tayo."

Biglang namilog ang mga ni Mico sa narinig. "Talaga. Ibig mong sabihin, magkaibigan na tayo?" bigla niyang nayakap ang katabi. "Ang galing naman."

"Teka, teka. Nasasakal ako." reklamo ni Ivan pero hindi naman galit. "Matagal na naman tayong magkaibigan ah."

"Basta natutuwa ako. Hindi mo na ako aawayin ha?"

"Ano? Ikaw nga itong nang-aaway diyan eh."

"Hindi kaya."

"Basta ikaw ang nauna." sabay tawa ni Ivan.

"Hindi naman ko gagawin ang pang-gugulo sa yo kung hindi ka naging suplado noh."

"Oh kitam ikaw nga ang nauna."

"Dahil nga sayo."

"Oo na." sumuko na si Ivan. "Ako na nga."

Nagkatawanan silang pareho.

Ang tagal nilang nagkwentuhan. Halos inabot na sila ng madaling araw pero gising na gising pa rin sila. Hindi na nga kinaya ni Vani ang lamig. Naka-kalong na ito kay Mico at natutulog. Kung hindi lang umambon hindi pa sila magkakayayaan umuwi. Gusto pa sana nilang magkwentuhan ngunit mas pinili na lang ni Ivan na bukas nalang uli.

Lihim na nalungkot doon si Mico. Nahiya naman siyang sabihing sa bahay na lang nila sila magpatuloy magusap o kaya naman sa bahay nila Mico. Nagpaalam na rin siya.

Kilig na kilig si Mico nang makapasok sa bahay dagdagan pa ang nanonoot na lamig sa katawan. Hindi niya malubos maisip na okey na sila ni Ivan. Talagang natutuwa ang puso niya. Kulang na lang ay lumundag ito ng lumundag. Dumiretso na siya sa kanyang kwarto matapos mailapag si Vani sa sahig kung saan ito madalas matulog. Pasipol-sipol pa siya kahit wala namang lumalabas na tunog.

Ibinagsak niya ang katawan sa kama. Nakatitig siya sa kisame na para bang naroon si Ivan at naka-ngiti sa kanya. Kapag naaalala ang kaninang pag-uusap, napapa-padyak siya sa sobrang kilig.

"Haysss. Magkaibigan na kami ni Ivan. Ang sarap ng feeling. Ang mga ngiti niya, namimis ko agad." Napahawak ang dalawa niyang kamay sa kanyang pisngi. "Aray." hindi niya naalalang mapasa pala siya sa kanyang pisngi.

"Bukas o sa susunod na bukas, magiging akin ka na rin." sabay hagikgik. Ngunit madali rin nawala ang tuwa nang maalala ang ama. Napa-buntong hininga nalang siya.
-----

Kanina pa nakahiga si Ivan pero hindi pa siya dalawin ng antok. Totoong nasa isip niya si Mico. Aminado siyang naging palagay na ang loob niya kay Mico. Kanina palang nang nag-uusap sila. Nasaway nga niya ang sarili ng maka-pasok sa bahay dahil minsan niyang sinupladuhan si Mico gayong masarap din pala itong kausap. Maingay. Maraming alam. Hindi nakakabagot kausap. Talaga namang hindi na niya maalalang hindi siya tumawa.

"Siguro kung hindi ako nagsuplado sa kanya una palang, marami na siguro kaming napagsamahan ngayon. Sayang." napangiti siya. "Ako kasi eh."

Muli niyang ipinikit ang mga mata. Umaasa siyang dadalawin na ng antok. Ngunit mukha pa rin ni Mico ang nakikita niya sa kadiliman ng kanyang gunita. Ang malakas nitong pagtawa. Ang mga mapupungay nitong mata na kanina niya lang napansin nang makita niya itong malungkot. "Hayy Mico." nasabi na lang niya habang nakangiti.

"Bukas na nga lang ulit. Umalis ka muna sa isipan ko." wala sa sarili niyang nabanggit.
-----

Pagkamulat pa lang ng mata ni Mico ay agad pangalan ni Ivan ang nabuo sa isipan niya. "Ivan." Bigla siyang napabangon. "Anong oras na?" tumingin siya sa wall clock. "Alas siyete na?"

Natataranta siyang bumangon. Gusto na niyang maka-usap uli si Ivan. Agad niyang inayos ang kanyang sarili. Nagmamadali.

Bumaba siya at naka-salubong ang kasambahay.

"Mico handa na ang almusal mo."

Natigilan siya. Bigla bigla ay narinig niya ang kalam ng sikmura. Napapadyak siya ng malamang nagugutom na pala siya. "Badtrip naman oh." Pati ang pagkain ay gusto niyang sisihin dahil abala sa pagpunta niya sa kabila. "Siguro naman tulog pa iyon. Sige na nga kain muna ako."

Nilagpasan niya ang kasambahay at sumiretso sa hapag-kainan.

"Kita mo yung batang yun. Kahapon lang iyak ng iyak ngayon naman iba naman ang mod." nagtatakang si Saneng.

Dahil gusto ni Mico ang mga nakahain hindi na siya nagpigil sa sarili. Pumwesto na siya para kumain.
-----

"Sige na tumayo ka na." hinihila ni Divina si Ivan para bumangon na.

"Ma, mamaya na. Antok pa ako."

"Anong oras ka ba kasi natulog?"

Bigla niyang naisip si Mico. "Basta gabi na. Inaantok pa talaga ako."

"Matulog ka na lang uli pagkatapos mong diligan ang mga halaman."

"Kayo na po kasi Ma. O kaya mamaya nalang."

"Hindi pwede. Aalis ako. Pupunta ako ng groceries store dahil wala na tayong stocks kaya bumangon ka na muna diyan. Hindi kita titigilan sige ka."

"Eh hindi nga yata kayo nagluto ng spaghetti eh."

"Paano nga ako magluluto eh wala na nga tayong stock."

Kaunting pilitan at hilahan pa ay bumangon narin si Ivan. Nakapikit pa nga siya habang bumaba ng hagdan. Pupungas-pungas naman nang makarating sa labas sa harapan ng mga halaman.

"Oh eto ang hose, hawakan mo."

Hinawakan ni Ivan ang hose na may mahinang agos ng tubig. "Ma naman ang hina."

"Sandali naman at lalakasan ko." umalis si Divina para pihitin ang switch.

Naiwan si Ivan na pupungas-pungas pa rin. Panay ang hikab.
-----

Pagkalabas ni Mico sa gate nakita niya si Ivan kaagad. Kaya lang nakatalikod ito. Hindi niya tinawag si Ivan gusto niyang gulatin ito. Nang bahagyang maka-lapit, napa-isip si Mico kung ano ang ginagawa ni Ivan sa gilid ng bakuran nila. "Ano ba iyon umiihi?" naibulong niya sa sarili. Naisipan niyang pumunta sa kabilang bahagi ng bakuran kung saan paharap kay Ivan. Dahan-dahan siyang payukong pumunta doon para magulat niya si Ivan ng harap harapan.

Wala pa man ay pigil na pigil na si Mico sa pagtawa. "Malay ko ngayon ko pa makita ang ano ni Ivan." bulong niya at pigil ang hagikgik. Nakayuko pa siya sa likuran ng bakod kung saan nakaharap si Ivan. Bumilang siya sa kanyang isip simula tatlo bago bulagain si Ivan.

Nagsimula si Mico magbilang. "1, 2, 3 BULAGA!"

Laking gulat ni Ivan na nakapikit pala nang oras na iyon. Sa gulat naitapat niya ang hose na hawak sa pinanggalingan ng sigaw na iyon. Kasabay noon ang malakas na pagsirit ng tubig mula sa hose na kanyang hawak.


[13]
"Ah, wa, eh, ahk. Umhp. Waa-" hindi makasigaw ng lubusan si Mico dahil sa lakas ng tubig na tumatama sa kanya. Para siyang bumibigkas ng a e i o u sa mga sandaling iyon.

"Ivan, okay na ba ang lak-" hindi na naituloy ni Divina ang sasabihin nang may napansing tao sa dulo ng pagsirit ng tubig sa hose na hawak ni Ivan. "An-anong?" nagtaka siya sa nakikita. Nakikita niyang may binabasa si Ivan. "Ivan! Anong yang ginagawa mo?"

Nagulat pa si Ivan sa sigaw ng ina. Saka lang niya napansing si Mico ang binabasa niya.

"Ivan!" muling sigaw ni Divina tumatakbo sa kinaroroonan ni Ivan.

Inalis agad ni Ivan ang pagkakatutok ng hose kay Mico. "A-anong ginagawa mo diyan?" nagtatakang tanong ni Ivan. Pati siya ay nagulat na rin sa nangyari.

Parang gustong umiyak ni Mico. Bigla siyang napipi. Basang-basa siyang naka-tingin ng pailalim kay Ivan. Kahit basang-basa siya ramdam niya ang init ng bumbunan niya at paglabas ng usok sa dalawang butas ng kanyang ilong?

"Ivan, bakit mo naman binasa si Mico?" nagagalit na tanong ni Divina nang makalapit.

Imbes na sagutin ang ina si Mico ang tinanong ni Ivan. "Bakit ka nga kasi naandiyaan?" napa-ngiti si Ivan sa nakikitang basang-basang si Mico.

"Bakit mo tinatanong si Mico, ikaw nga itong dapat tanungin kung bakit mo bi na sa si Mico?" at tumingin si Divina kay Mico. "Mico okey ka lang ba?" Biglang pinalo niya si Ivan sa balikat.

"Kasi nanggugulat kasi siya." sagot ni Ivan na naka-ngiti sa ina. "Bigla kasi siyang lumitaw tapos nanggulat. Akala ko kung ano na."

HIndi pa rin maka-pagsalita si Mico. 

Kitang-kita ni Ivan na siguradong galit sa kanya si Mico. "Ikaw kasi eh." natatawa siya.

"Mag-sorry ka." si Divina.

"Sorry na Mico." pero natatawa si Ivan.

Kumunot ang noo ni Divina kay Ivan. "Bakit ganyan ka mag-sorry? Natatawa ka pa ha?"

"Okey lang po tita." sa wakas nagsalita na rin si Mico. "Ewan ko sayo Ivan. Hmpt. Magpapalit lang po ako ng damit."

"Sige na Mico baka malamigan ka pa."  pagkatapos ay si Ivan naman ang pinagsabihan ni Divina. "Ikaw talaga. Ganyan ba ang paraan mo para galitin si Mico?"

"Hindi naman ma. Nagulat lang po talaga ako." paliwanag ni Ivan. "Magkaibigan na kami noon."

"Magkaibigan." hindi naniniwalang si Divina.

"Oo nga po."
----

"Nakakainis, nakakainis ka talaga Ivan." nahawakan ni Mico ang throw pillow sa sofa ng madaan niya at hinagis niya ito sa malayo. "Akala ko pa naman masosorpresa ako sa makikita ko. Yun pala ikapapahamak ko pa." Nagdadabog siya habang tinutungo ang kanyang kwarto.

"Nakakahiya. Buti na lang walang ibang naroroon, si tita Divina lang. Mamaya ka sa akin Ivan ka. Talaga."
----

Natatawa si Ivan habang nasa harapan ng t.v. Naaalala niya ang nangyari kanina. Aalm niya babalikan siya ni Mico at gagantihan. Kabisado na yata niya si Mico. Alam niya hindi iyon magpapatalo. Natatawa na lang siya sa naiisip.

Angpinagtataka niya lang ay bakit parang ang tagal yata dumating ni Mico. Kaunti pa siyang naghintay at kung bakit parang hindi na siya mapakaling wala pa si Mico.

Bigla naman niyang naisip na maaring hindi dumating si Mico dahil nahihiya itong pumunta sa kanila dahil sa mukha nitong may pasa. Bigla naman siyang kinabahan nang maalala ang pasa.

"Hala baka mapaano ang pasa ni Mico sa mukha?" pagaalala niya kay Mico. "Baka lalong nanakit dahil nabasa ko. Patay!" Bigla siyang napatakbo sa may pintuan. Ewan ba niya kung bakit biglaan nalang na gusto niyang pumunta sa kabila para alamin ang talagang lagay ni Mico. Pero nang makarating siya sa pintuan ay bigl nagbago ang isip niya. "Huwag na siguro. Baka kung anong isipin niya pa." Nanamlay siya nang maalala iyon.

Binuksan na lang niya ang pinto para sakaling dumating si Mico hindi na ito magdalawang isip na pumasok. "Sana dumating ka." asa niya. Tumalikod na si Ivan sa pinto na bagsak ang balikat. Nasundan pa ng buntong hininga.

"Hoy."

Biglang nabuhayan si Ivan ng makarinig ng pagtawag mula sa pinto. Agad-agad siyang humarap doon para makita ang inaasahan niyang may ari ng boses na iyon. "Mico." pasigaw niyang tawag kay Mico na nasa pinto. Sinalubong niya ito na para bang yayakapin.

Napa-kunot noo si Mico sa nakikitang si Ivan na papalapit. Mas lalo siyang nagulat nang yakapin siya ni Ivan.

"Buti na lang dumating ka." nasabi ni Ivan ng mayakap mayakap niya si Mico sa tuwa.

Agad namang namula ang mukha ni Mico. Kinilig siya sa tagpong iyon pero naandoon pa rin ang pagtataka kung bakit ganoon na lang siya niyakap ni Ivan.

"Akala ko hindi ka darating eh." binitiwan na ni Ivan si Mico.

Nagreklamo naman ang damdamin ni Mico na natapos na ang pagyakap ni Ivan. "B-bakit ba?"

"Wala naman." sabay tawa ni Ivan.

Tumaas ang kilay ni Mico. "Pumunta ako dito para gumanti." tuwirang pahayag ni Mico. Namaywang pa siya at itinaas ang isang kilay. "Pero parang magbabagpo yata ang isip ko kasi- kasi niyakap mo ko." napayuko si Mico nang masabi niya ang mga huling salitang iyon.

Tumawa si Ivan. "Alam ko naman iyon eh. Na pupunta ka rito para gumanti."

"Aba at parang masaya ka pa na gagantihan kita ha?" si Mico na nakabawi sa saglit na pagmumula ng pisngi.

"Teka." biglang natigilan si Ivan. "Anong nilagay mo diyan sa pisngi? Bakit medyo nawala ang pangingitim niyan?"

"Wala lang." pagkatapos ay lumakad si Mico. Nilagpasan niya si Ivan at sumunod ito sa kanya. Papunta siya sa sala doon nakita niyang bukas ang telebisyon.

"Anong pinahid mo?" tanong ni Ivan.

"Basta."

"Fine." sabi ni Ivan na nakangiti.

Napatingin naman si Mico kay Ivan. "Kakaiba ka ngayon ha?"

Tumaas lang ang dalawang kilay ni Ivan habang nakangiti sa kanya.

"Huwag ka ngang ganyan. Parang hindi ako sanay eh." reklamo ni Mico. Pero ang totoo, kinikilig siya. Ang daming bago ang nakikita niya kay Ivan.

"Bakit? Kagabi pa tayo naguusap ng maayos ah?"

Wala siyang maisagot kay Ivan. Humarap na lang siya uli sa t.v. Kahit ang mga mata ay nasa t.v. ang utak naman niya ay si Ivan. Pinipilit niyang huwag mapa-ngiti dahil sa kilig na nararamdaman. Nagtata-talon ang puso niya sa kasiyahan. Kanina ang iniisip niya ay ang makaganti, ngayon parang hindi na yata niya magagawa.

"Sige ganyan na lang manood na lang ng t.v." sumeryoso kunyari si Ivan at itinutok na rin ang atensyon sa t.v.

Dahil doon nawala sa konsentrasyon si Mico sa iniisip. Tinignan niya si Ivan. Siryoso itong nanonood. "Bakit ano ba ang gusto mong pag-usapan?" kunyari wala siyang gana.

Hindi umimik si Ivan.

"Walang reaksyon?" paghihimutok ni Mico. "Sabi ko ano ang gusto mong pag-usapan?" may kaunting pagkairita ang tono niya.

Tumingin si Ivan sa kanya. Kumurap-kurap siya pero walang sinabi. Maliban pa doon, wala nang ibang reaksyon sa kanyang mukha.

Nainis si Mico sa ginawang pagkurap-kurap ni Ivan. Binuhat niya ang katabing unan at hinagis niya kay Ivan.

Hindi naman nasaktan si Ivan dahil hindi naman malakas ang pagkabato. Napangiti pa nga siya sa ginawa ni Mico. At nasundan ng halakhak.

"Nakaka-inis ka." paghihimutok ni Mico. "Ang labo mo."

"Ikaw kasi tinatanong ka lang kung ano ang ginawa mo diyan sa mukha mo, tapos hindi ka nasagot ng maayos." paliwanag ni Ivan.

"Ang yabang mo."

"Ano naman ang ikinayabang ko?" at ibinalik ni Ivan ang unan. Pabato niya itong ginawa.

Tinamaan ni Mico sa tagiliran. Hindi naman masakit pero muli niya itong binalik kay Ivan.

"Binabalik ko lang ang unan diyan." si Ivan.

"Eh gusto ko diyan na yan eh."

"Ang dami ng unan dito oh." Ibinalik ni Ivan ang unan. Ngunit sa pagkakataong iyon may lakas na ang pagkabato.

"Aray. Nananakit ka na ah." Hindi naman talaga nasaktan si Mico.

"Sorry." Ang akala ni Ivan talagang nasaktan si Mico.

"Nananakit ka lang talaga." Tumayo si Mico at binuhat ng dalawang kamay ang unan at ihahampas kay Ivan.

"Sandali, sandali. Nagsorry na ako di ba?" awat ni Ivan. Naitakip niya ang braso sa mukha.

"Lugi kaya ako." at isang hampas ang ginawa ni Mico.

"Aray. Totoo na yun ah." reklamo ni Ivan. Pero bigla siyang natawa na ikinainis lalo ni Mico.

"Hindi ka naman nasaktan eh."

"Masakit kaya."

"Masakit... eh bakit tumatawa ka pa?"

"Eh nakakatawa kasi yang hitsura mo eh."

"Ano?" at isa, dalawa pang hampas ni Mico.

"Aray, aray." pero sige parin ang tawa ni Ivan. "Sige na tama na."

Nilubayan na ni Mico si Ivan. "Okey."

"Pag ikaw ginantihan ko makikita mo." natatawang banta ni Ivan.

"Ha? Talaga... akala mo naman hindi kita gagantihan?"

"Pero mas masakit ang gagawin ko sayo."

"Weh... E di mas lalo sa yo."

"Tama mas lalong masakit ang gagawin ko... sayo." sabay tawa ni Ivan.

Muling lumipad ang unan sa mukha ni Ivan.

"Ah ganoon ah. Gusto mo talagang magantihan ha?" hinila ni Ivan ang unan sa tabi at tumayo.

Huli na nang makatayo si Mico para tumakbo. Naipalo na sa kanya ang unan. Naramdaman niya ang sakit.
"Nakakainis ka talaga."

"Weh.. Masyado ka kasing siryoso." natatawang si Ivan.

"Siryosohin mo mukha mo." muli siyang tumayo at hahampasin sana si Ivan. Kaya lang sa paghila niya ng unan, nasanggi niya ang flower vase sa center table. Bumagsak ito sa lapag at nabasag.

"Yari ka Mico mahalaga pa naman yan kay Mama." nananakot si Ivan.

"Di nga?" halata sa tono ni Mico ang pag-aalala.

"Oo. Ang tagal na nga niyan eh."

"Hala paano yan. Nasaan pala si Tita."

"Buti na lang wala nasa palengke. Lagot ka."

"Sigurado magagalit yun sa akin." tumalikod si Mico at tinungo ang kusina.

"Saan ka pupunta?"

"Lilinisin ko siyempre."

Bumalik si Mico na may dalang dust fan.

"Ako na." hinila agad ni Ivan ang hawak ni Micong panlinis.

Hindi na nakatanggi si Mico. "Pero dapat ako ang gumagawa niyan eh." alalang-alala si Mico. "Alam mo ba kung saan tayo makakabili niyan?" Napatingin sa kanya si Ivan. Kinabahn siya. "Ano?"

"Oo naman." sabay ngiti.

Naka-hinga ng maluwag si Mico.

"Kaya lang baka wala ng ganitong style kasi matagal na ito eh."

"Subukan pa rin natin Ivan."

"Sige."

Napabuntong hininga nalang si Mico sa sobrang pag-aalala.
-----

"Dito na ba iyon?" tanong ni Mico kay Ivan nang bumaba sila sa jeep na sinakyan.

"Oo."

"Sana makabili tayo."

"Sana nga. Kung hindi..."

"Kung hindi ano?"

"Alam mo na...." sabay tawa. " Yari ka."

Nahampas ni Mico ang balikat ni Ivan. "Nakakainis ka."

Pumasok sila sa boutique na iyon. Pagkapasok na pagkapasok pa lang sinimulan na agad ni Mico ang maghanap ng katulad ng nabasag niyang flower vase.

"Ivan, ito ba iyon?"

"Hindi yan. May style ribbon yun sa may leeg ng vase."

Muli siyang naghanap. Hindi niya alam na nakita na ni Ivan ang flower vase na hinahanap.

"Parang wala eh."

"Meron yan." giit ni Ivan.

"Ang hirap. Nakakahilo ang dami kasing halos magkakapareho."

"Basta makakahanap ka rin ng katulad noon."

"Eh kung magpasadya na lang kaya tayo ng katulad noon."

Napa-tingin sa kanya si Ivan. "Okey ka lang? Espesyal. Espesyal ka." at ngumit siya. Natatawa siya sa mga naisip ni Mico.

Desidido talaga kasi si Mico na makakita ng ganoon. Ayaw niyang magalit sa kanya si Tita Divina. "Ivan." tawag niya.

Napalingon naman si Ivan na kanina ay nagsisipat ng iba pang magagandang vase. Nakita niya ang hawak ni Mico. "Mukhang nakakakita ka na ah."

"Oo Ivan." at ipinakita ni Mico ang vase.

"Ay hindi yan." pagsisinungaling ni IVan. "HIndi ganyan yon."

Napa-taas ang kilay ni Mico. "Ganito yun kaya."

"Hindi."

"Mali ba ako?" muli sanang ibabalik ni Mico ang vase. "pero ganito yun eh. Sabi mo may ribbon sa leeg. Oh, ito yun oh."

"Hindi nga iyan yun." biglang natawa si Ivan.

"Eh bakit ka natawa? Nanloloko ka na naman eh." muli niyang nahampas si Ivan sa balikat.

"Aray. Nananakit ka na naman ha?"

"Ito nga yun."tinutukoy ni Mico ang vase na hawak. "Niloloko mo lang ako."

"Oo yan nga yun." amin ni Ivan.

Dahil sa narinig, nanlaki ang mata ni Mico sa katuwaan. Sa wakas nakakakita din siya ng katulad ng vase na nabasag niya kanina. Hindi na sa kanya magagalit si Tita Divina. "Yes." nasabi niya sa katuwaan.

"Halika na bayaran na natin." yaya ni Ivan.

"Sige." naka-ngiti na si Mico.

"Ngumiti ka rin sa wakas."

Nasa harapan na sila ng counter ng makita ni Mico na dumukot na si Ivan ng pera sa wallet niya.

"Teka. Bakit ikaw ang magbabayad?" tanong ni Mico.

"Basta." sabay ngisi.
-----

"Bakit nga ikaw ang nagbayad?" kanina pa tinatanong ni Mico si Ivan sa daan kung bakit siya ang nagbayad.

"Basta."

"Kanina ka pa basta ng basta. Nakauwi na tayo lahat lahat basta pa rin ang sagot mo."

"Ayusin muna natin ito tapos saka ko sasabihin ang ang ipagagawa ko sayo."

"Ah... ganoon. Sige." sumangayon na rin si Mico kahit hindi pa rin niya alam kung ano ang gustong mangyari ni  Ivan.

Naayos na nila ang biniling bagong flower vase at naka lagay nauli ito sa center table. Sigurado ni Mico na mahahalata ni Tita Divina na bagona ang vase dahil mas makintab na ito di gaya ng dati. Pero kahit ganoon hindi na siya natatakot. May kaunting kaba na lang.

"Ayan, ayos na." si Ivan.

"O ano na ang gusto mong ipagawa sa akin?"

"Gusto kong ipagluto mo ako ng favorite ko." sabay tawa. "Si Mama kasi kanina ginising ako ng maaga, pinagdilig niya ako ng halaman tapos hindi naman niya ako nilutuan ng spaghetti."

"Ah kaya pala... Dahil hindi ka pinagluto, sa akin mo tuloy binuhos galit mo?"

"Ano? Hindi noh... Ikaw itong nanggulat. Malay ko ba na naroon ka. Tapos, siyempre antok na antok pa ako bigla kang lilitaw."

"Hmpt." ang naging reaksyon na lang ni Mico. Wala na siyang masabi dahil alam naman niyang siya rin ang may kasalanan. Tumalikod siya kay Ivan at naglakad.

"San ka pupunta?" tanong ni Ivan.

"Sa bahay."

"Anong gagawin mo doon?"

"Magluluto sabi mo di ba?"

"Dito na lang."

"Ayoko nga. Makita mo pa kung paano ko lutuin ang spaghetti ko. Mmm malaman mo pa ang gagamitin kong  love posion." sabay tawa.

"Ano?" pero bigla rin siyang sumangayon. "Sige sa inyo na nga lang wala pala kaming stocks na."

"Kaya ka siguro hindi nalutuan ng Tita."

"Ganoon na nga. Basta sarapan mo ha?"

"Oo naman..." sagot ni Mico habang naglalakad palabas. "Sigurado mamahalin mo pa ako."

Hindi nakita ni Mico na isang maluwag na ngiti ang naipabaon sa kanya ni Ivan sa kanyang pag-alis.


[14]
"Paki-kuha mo nga yung ibang pinamili ko sa labas."

Nagulat si Ivan nang magsalita ang kanyang ina sa kanyang likuran. Hindi nya namalayang naroon na pala ang ina sa kanyang likuran.

"Ma naman. Ginugulat niyo ako eh."

Ang totoo kasi simula pa lang nang umalis si Mico hindi na mawala sa kanya ito. Siyempre ang sasabihin niya dahil sa sabik na siyang matikman ang niluluto nitong spaghetti gaya nga ng napagkasunduan nila. Pero ang totoo,  kanina pa niya naiisip si Mico dahil sa mga kakatwang pangyayari sa kanila kahapon at ngayon.

"Oh bakit nangingiti ka diyan?" nagtataka si Divina sa anak. "Ano ba kasi ang iniisip mo bakit hindi mo namalayang nasa likod mo na pala ako ha?"

"Grabe naman po kayo Ma. Wala po ah. Nanonood lang kao ng t.v."

" Sige na kunin mo na yung mga pinamili ko sa labas para makapagluto na ako't makakain ka na."

"Tingin ko Ma, huwag na lang."

"Anong huwag na? Anong gagawin mo doon sa pinamili ko, papabulukin mo na lang sa labas? Nandoon ba ang ref?"

"Ay hindi Ma. Ang ibig kong sabihin huwag ka na kayang magluto. Kasi- kasi nagluluto si Mico ng spaghetti."

"Ano? Si Mico nagluluto ng spaghetti?"

"Opo."

"Ano ba naman iyan Ivan. Binasa mo na nga si Mico kanina tapos ngayon pinagluluto mo pa."

"Ma, mali naman kasi kayo sa iniisip niyo. Magkaibigan na kami ni Mico."

"Sigurado ka?"

"Tanungin mo pa siya mamaya."

"O sige na ipasok mo na ang mga pinamili ko."

"Sure." masaya niyang pagsunod.
-----

"Sigurado ka masarap ito?" takam na takam na si Ivan habang binubuksan ang takip ng malaking lalagyan ng spaghetting niluto ni Mico.

"Tikman mo na lang." nangingiting si Mico. "Si tita pala?"

"Dumating na siya. Nasa kwarto niya, sandali tatawagin ko."

"Sandali." pigil ni Mico.

"Bakit?"

"Yung ano- yung flower vase nahalata na ba niya. O sinabi mo na?"

"Hindi pa. Wala pa naman siyang alam."

Napakagat labi na lang si Mico. Ang akala niya hindi na siya matatakot. Heto siya at kabado na naman.

"Ano tatawagin ko na?" si Ivan.

"Ikaw ang bahala." nayukong si Mico at umupo sa upuan.

Natawa si Ivan. "Huwag kang mag-alala akong bahala."

Ngumit si Mico kay Ivan.

Maya-maya lang ay kasama na ni Ivan si Tita Divina.

"Mico." masayang bati ni Divina kay Mico. Na-miss niya ito ng sobra. Nayakap niya si Mico nang mahigpit. "Kamusta ka na? Bakit parang ang lungkot-lungkot ng mga mata mo?"

Hindi alam ni Divina na kinakabahan lang si Mico. Napatingin muna si Mico kay Ivan. "Okey lang po ako tita." pinilit niyang ngumiti.

"Sigurado ka ha?" napatingin si Divina sa lamesa kung nasaan ang spaghetti. "At pinagluto mo pa talaga si Ivan ko ha?" natatawa nitong sabi.

"Opo." nangiti na rin si Mico ng maluwag.

"Magkaibigan na ba talaga kayo ni Ivan? Hindi ka na ba niya inaaway?"

"Inaaway? Siya nga itong nang aaway diyan." entra ni Ivan may buhat buhat na pitsel na may lamang malamig na tubig. "Ano ba gusto ninyong juice?" sinundan niya ng tanong.

"Ok lang kahit ano." sagot ni Mico. "Opo tita. Ok na kami ni Ivan."

"Eh di mabuti. Wala ng aso't pusa dito." sabay tawang si Divina.

Nahiya naman bigla si Mico at si Ivan na kasalukuyang inaabot ang lalagyanan ng orange juice. "Orange juice na lang?"

"Sabi nga ng ka i bi gan mo okey lang daw ka hit ano." natatawang si Divina habang binabaybay ang ilang salita.

Muli nanamang napayuko si Mico.

Nagpatuloy si Divina sa pagsasalita. "O siya kain na tayo. Im sure masarap ito dahil para kay Ivan ito."

"Para sa atin Ma." medyo naiinis na si Ivan sa ina dahil sa mga banat nito.

"Ah ganoon ba?" si Divina.

Samantalang si Mico kanina pa nakakaramdam ng pagkaasiwa. Hindi na nga niya namalayang nawala ang kaba niya at napalitan ito ng hindi pagkapalgay dahil sa mga banat ni Tita Divina niya. Tinatamaan siya.
-----

"Oh maiwan ko na kayo dito ha?" paalam ni Tita Divina. Tapos na siyang kumain.

"Sige po tita." si Mico.

"Akyat na muna ako sa taas. Ivan ikaw na ang bahala kay Mico."

"Yes Ma." sagot ni Ivan. Nang wala na ang ina, "Paano mo niluluto ang spaghetti mo?"

"Bakit?"

"Sa totoo lang mas masarap pa ito kaysa sa luto ni Mama. Kasi si Mama laging minamadali ang pagluluto niya ng spaghetti."

"Marinig ka ni Tita Divina."

"Totoo naman eh." natawa si Ivan.

"Marami lang kasing ginagawa si Tita kaya ganoon."

"Pero masarap talaga ang gawa mo. Pati yung unang luto mo, masarap din yun."

"Ay oo ang luto ko noong una." biglang naging sarkastiko ang tono ni Mico. "Na kulang nalang laitin mo. Hmpt." kunyari nainis siya.

"Bakit?" natatawang si Ivan. "Nagsabi naman akong masarap ah?"

"Kay Mama. Si mama ang naapreciate mo... hindi ako."

"Ganoon? Sinabi naman ng mama mo na ikaw ang nagluto di ba?"

"Pagkatapos hindi mo na kinain." humarap ng tuwid si Mico kay Ivan. "Alam na alam ko yun. Nalaman mo lang na ako ang nagluto iba na ang kinain mo."

"Weee... ang hilig mo magtampo no." nagpacute si Ivan.

"Parang kanina hindi ka nagtampo diyan ha?"

"Kelan?" maang na tanong ni Ivan.

"Kanina. Kaya nabasag yun flower vase." naisigaw ni Mico ang dalawang huling salita.

Nagkatinginan ang dalawa. Nakita ni Mico ang panlalaki ng mga mata ni Ivan habang nakatitig sa likuran niya na para may nakikita itong kung ano.

Agad siyang kinabahan. Ang naiisip niya baka naroon si tita Divina niya at narinig nito ang isinigaw niya. Kaya lumingon siya ng may kasamang kaba.

Biglang tumawa ng ubod ng lakas si Ivan.

Walang nakita si Mico. Muli siyang tumingin kay Ivan pero salubong na ang mga kilay. "Niloloko mo naman ako eh."

"Takot na takot ka talaga Mico." hindi pa rin mapipgil ang tawa ni Ivan.

"Ewan ko sayo."

"Sorry na."

Hindi na kumibo si Mico. Ayaw na niyang magsalita baka mahalata lang ni Ivan na kinikilig siya ng sobra sobra.

"Siya nga pala Mico, thank you dito ha. Masarap talaga ito."

Tumango na lang siya. Hindi nga niya sigurado kung nakita ni Ivan ang pagtango niya dahil sa pagyuko na kulang nalang isubsob niya ang mukha sa lamesa huwag lang mahalatang pigil ang ngiti niya. Ramdam niyang namumula ang mga pisngi niya.
-----

Pagkatapos nilang kumain maya-maya lang ay nagpaalam muna si Mico. Nakalimutan niya kasi si Vani. Hindi pa niya ito napaghahandaan ng pagkain kaya minabuti na muna niyang magbalik sa kabila.

Tama nga siya. Sa gate pa lang nakaabang na si Vani. Nang makita siyang paparating nagtatahol ito. Nakaramdam ng awa si Mico para sa kanyang pinakamamahal na alaga. Kinarga niya ito papasok sa loob ng bahay.

Nakasalubong ni Mico si Saneng galing sa kusina. "Kumain ka na?" tanong niya sa kasambahay.

"Oo Mico. Ikaw? Hindi na kasi ako nagluto gaya ng sabi mo."

"Oo. Kumain na ako sa kabila. Si Vani kasi hindi pa pala kumakain. Wawa naman si Vani ko."

"May iuutos ka ba?"

"Wala naman. Ako na ang bahala kay Vani."

"Sige punta na ako sa kwarto ko. Ay siya nga pala, may pumunta ditong lalaki kanina. Ang gwapo naman niya Mico."

"Nagsalubong ang kilay ni Mico. "Sino daw?"

"Rico ang pangalan daw niya. Babalik na lang daw siya. Hindi kasi kita matawag sa kabila eh."

"Ngayon lang?"

"Kani-kanina pa. Noong lumabas pagkatapos mo magluto."

"Ah ganoon ba? Sige salamat."

"Ok."

Umalis na si Saneng. Naiwan naman si Mico na napapaisip. "Ano ba yan minsan na ngalang dumalaw si Rico hindi pa kami nagkita. Sayang naman. Sana nakatikim din siya ng spaghetti ko." biglang may pumasok na ibang ideya sa kanyang isip. Si Ivan daw ay nagagalit sa kanya dahil ipinapakain daw niya sa iba ang lutong dapat lang ay para kay Ivan. Natawa siya sa naiisip na iyon.

"Namiss ko na rin si Rico. Next time na lang nga."
-----


Hapon na ng bumalik si Mico sa bahay nila Ivan. Nagulat pa si Mico nang makasalubong niya si Tita Divina sa pintuan.

"T-tita." Lagi nalang siyang kinakabahan. Nagi-guilty siya dahil may itinatagoi siyang kasalanan sa kanyang tita Divina. Nakokonsensiya siya.

"Nagugulat ka yata Mico." natatawa si Divina sa reaksyon ni Mico.

Kinakabahan si Mico. "Tita, may aaminin po ako sa inyo. Gusto ko po kasing mag-sorry dahil-" hindi niya naituloy ang gustong sabihin.

"Wala kang dapat ihingi ng sorry Mico. Okey lang sa akin ang nangyari kanina. At saka, luma na naman na iyon. Ako nga ang dapat na magpasalamat dahil pinalitan mo pa ng bago. Hinayaan mo na sana si Ivan. nag bait mo talaga sa anak ko." Nayakap siya ni Divina.

"Pero Tita-" gusto niyang magpaliwanag dahil naguguluhan siya. Naiba yata ang kwento.

"Wala kang kasalanan Mico. Okey lang iyon. Sinabi na sa akin ni Ivan na nagbibiruan kayo kanina at hindi sinasadyang nasagi niya ang flower vase..."

"NIYA" ang salitang niya ang ikinabigla ni Mico.

"... tapos ikaw pa ang bumili gayong hindi naman ikaw ang may kasalanan talaga. Nako, pasaway talaga yang Ivan na yan kaya pagpasensiyahan mo na lang Mico." patuloy ni Divina. "Pero natutuwa talaga ako sa inyo dahil okey na kayo." pagkatapos noon nilagpasan na ni Divina si Mico dahil may kukunin ito sa kotse.

"Y-yun po ba ang sabi niya?" halos pabulong niyang naibulalas habang natutulala sa narinig. Buti na lang nasa likod na niya si Tita Divina kaya hindi nito pansin siya.

"Oo. Nagso-sorry kanina. At sabi mo nga daw wag nang ipaalam sa aking ikaw ang bumili ng bagong vase. Pero sinabi na rin sa akin ni Ivan. Kaya nga sabi ko sa kanya kung gaano ka talaga kabait, sinusuplado-suplado ka pa niya noong una."

"Ano po ang sabi niya?"

"Ayon. Basta raw okey na kayong dalawa." natawa si Divina. "Sabi ko na nga ba noon pa na saan pa at magkakaayos din kayo. E di tama naman ako. Sige na,pumasok ka na Mico. May gagawin lang ako dito sa kotse."

"A-ah sige po. Salamat po Tita." huminga muna siya ng malalim. Saka pasimpleng kinilig. "Ginawa ni Ivan iyon para sa akin? Hindi ko inaasahan talaga."


Dumiretso siya sa kwarto ni Ivan. Gusto niyang magpasalamat dito. Nang nasa pintuan na siya para kumatok nakaramdam naman siya ng hiya na gawin iyon. Tatalikod na sana siya nang biglang bumukas ang pinto. Kaya napaharap siya ng may halong pagkagulat.

"Bakit?" takang tanong ni Ivan kung bakit siya naroon.

Hindi na napigilan ni Mico ang sarili. Naluluha pa siyang nayakap si Ivan.
-----

"Bakit ba?" muling tanong ni Ivan.

"Gusto kong magpasalamat kasi."

"Bakit naman? At kailangan mo pang yakapin ako?"

Para bang natauhan si Mico at biglang iniwan si Ivan mula sa pagkakayap. "Pasensiya." Halos hindi siya makatingin kay Ivan. Pero sa huli niyang sulyap dito nakita naman niyang hindi ito galit. May ngiti pa nga sa labi. "Iba kasi ang sinabi mo kay Tita eh. Ang sabi mo ikaw ang nakabasag ng flower vase tapos ako ang bumili ng pamalit. Alam naman nating hindi totoo."

"Hindi naman kasi mababasag ang vase kung hindi kita kinulit."

"Hindi naman ganoon yun eh. Eh hindi naman ako ang nagbayad ng binili natin ah."

"Ikaw may sabing bumili tayo di ba?"

"Oo pero ikaw ang nagbayad. Yun ang mas mahalaga doon."

"Pero dahil may favor. Ipinagluto mo ako ng spaghetti. Na masarap." bigla itong tumawa.

Natawa na rin siya. "Ganoon. Pero dapat ako ang humihingi ng sorry kay tita. Parang imbes na sa isa lang ako nagi-guilty dalawa na dahil, dahil inako mo yung kasalanan."

"Hindi naman." nilagpasan ni Ivan si Mico. Baba na ito ng hagdan.

"Alam ko na. Para hindi ako maguilty isang favor pa."

Natigilan si Ivan at tumingin kay Mico. "Okey ka lang? Pinahihirapan mo pa ang sarili mo."

"Hindi naman. Oh sige kahit hindi na ngayon. Pag-isipan mo muna kung ano. Basta may aasahan akong favor mo. Ok ba yun?"

Napakunot ang noo ni Ivan saka itinutloy ang paglalakad. "Ewan ko sayo Mico. Bahala ka nga."

"Yes." sigaw ni Mico.

"Nge. Natuwa pa."
-----

"Alam ko na Mico. Pahiramin mo na lang ako ng dvds mo. Yun ang favor ko." tumataas pa ang kilay ni Ivan nang sabihin niya ito kay Mico.

"Ang bilis ah?" reklamo ni Mico. Nasa harap kasi sila ng t.v. nang biglang maisipan ni Ivan na hingiin na ang favor.

"Bakit? Nagrereklamo ka?"

"HIndi naman po. Nagulat lang ako kasi akala na baka abutin pa bukas o kaya sa susunod o baka naman sa isang linggo pa. Pwede ring kalimutan mo na." sabay tawa.

"O siya wag na lang. Ok lang naman na makonsensiya karin minsan." siryosong sabi ni Ivan.

"Ay hindi na susundin ko na ano ba yun. Ikaw naman hindi na mabiro." lambing niya kay Ivan.

Sabay tawa naman din ni Ivan. "Niloloko lang naman din kita." dumila pa ito kay Mico.

"Ah ganoon ah." hinampas ni Mico si Ivan ng unan.

"Oops. Baka mabasag na naman ang vase. Bahala ka diyan."

Agad namang tumigil si Mico sa takot ding maulit muli ang nangyari kanina lang. "Ano nga iyon, Dvds?"

"Yupp. Nood tayo."

"Mga luma na yung naanduon eh."

"Okey lang."

"Sabi mo ah. Ano bang klaseng pelikula?"

Nagisip si Ivan. "Sama na lang ako sa inyo para mamili. Ok lang ba iyon?"

Natuwa si Mico sa sinabi ni Ivan. "Oo naman."


[15]
"Sandali naman, excited-excited?" reklamo ni Mico dahil hinihila siya ni Ivan palabas ng gate. Pero ang totoo kinikilig siya.

"Ang bagal mo kasi. Gutom ka na yata."

"Hindi no."

"Oh bilisan mo na."

"Pwede naman ako magmadali nagkakanda-patid lang ako sa paghila mo."

"Ah ganoon ba? Sige hindi na." tumigil sa paglakad si Ivan.

Natigilan din si Mico. "Bakit?" takang tanong niya kay Ivan. Itinaas pa niya ang kilay nya, tanong kung bakit siya tumigil.

"Ikaw mauna. Sabi mo mabilis ka?" natatawa ito.

"Ganoon?" at naglakad na gna si Mico.

"Yan na ang mabilis? ang bagal naman."

Tumigil si Mico. "Anong gusto mo tumakbo ako. Ang bilis na nga ng lakad ko eh." nayayamot na salita ni Mico.

Tumawa si Ivan ng malakas. "Nakakatuwa ka naman magalit. Ang cute."

Dahil sa huling salita ni Ivan, lumakas ang kabog ng dibdib ni Mico. Napatalikod kaagad siya at ipinagpatuloy ang paglakad. "Ano ba naman yan Ivan, pasasabugin mo yata ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok. Nakakainis ka na. Mahahalikan na kita. Ayyy." lihim niyang nararamdaman.

"Hala nagmadali? Kinikilig ka ano? Sige na hindi ka na cute." snundan ni Ivan ng malakas na tawa.

Nasa gate na si Mico. "Talaga? Hindi ako cute? Huwag kang papasok." sabay dila. Muli siyang tumalikod. "Gosh, oh my oh my... matagal pa ang pasko. Tapos na ang valentine. Matagal pa ang undas para patayin ako sa sobrang kilig ano ba naman yan. Waaaaaaaaaa..."


"Ito talaga hindi na mabiro. Biglaan yata ang pag-iiba mo ng mood. Masyado ka ng tinatamaan dati anong sabihin ko sayo hindi ka man lang affected tapos ngayon."

"Iba na kasi ngayon. Iba na talaga ngayon. Iba na talaga kasi ngayon. Mas lalo mo akong pina-iibig sayo."


"Bakit ka nangingiti diyan?" napansin ni Ivan na nangingiti si Mico. "May binabalak ka no? Bakit iba na ngayon?" nagtatanong si Ivan sa harap ng gate na nakasara. "Hindi mo ako papasukin?"

"Ayoko. Maghintay ka na lang diyan."

"Hala ano kaya yun?"

Kunyari aalis na si Mico. Tumalikod siya at tutunguhin ang loob ng bahay nang sinalubong siya ni Vani.

"Talagang hindi mo papapasukin ah." reklamo ni Ivan. "Cute."

Napalingon si Mico kay Ivan.

"Hindi ikaw yung alaga mo." sabay tawa.

"Huwag ka na ngang pumasok." itinuon niya ang pansin sa alaga. "Kamusta ang Vani ko?"

"Nagbibiro lang ako, ikaw talaga yun."

Muli siyang lumingon kay Ivan. "Talaga."

"Oo ikaw talaga yun Vani." muli na naman niyang sinundan ng malakas na tawa.

"Pwes manigas ka diyan."

"Daya mo." sigaw ni Ivan.

"Hehehe."

"Sige na nga maghihintay na lang ako dito."

"Wow sigurado ka?"

"Oo naman. Anong tingin mo sa akin. Mapilit?"

"Talaga lang ha?" muli niyang pinagpatuloy ang paglalakad. "Hindi nga Ivan? Diyan ka na lang?"

"Oo nga." sa puntong iyon nakatalikod na si Ivan nang sumagot.

"Pasok ka na."

Kanda karipas ng pagpasok si Ivan nang marinig niya ang sinabi ni Mico na maaari na siyang pumasok. Halos mapatid pa nga siya. Natawa rin siya sa ginawa niya.

"Sabi ko Vani pumasok ka na."

Natigilan si Ivan. Sabay tawa naman si Mico. "One point Ivan."

"Si ge. Bilangin mo lang." pagkatapos dumiretso na si Ivan sa pagpasok. Nilagpasan pa nga niya si Mico.

"Nauna ka na ha? Akala ko ba makakatiis ka sa labas?"

Tawa ang isinagot ni Ivan kay Mico.
-----

"Ano naka-pili ka na ba?"

"Hindi pa." sagot ni Ivan.

"Hindi pa eh ano yang mga nakahiwalay?"

Natawa si Ivan. "Kulang pa kasi yan."

"Grabe ka naman 24 hours?"

"Ano naman..."

Hindi na muling nagtanong pa si Mico.

"Yan... itona lahat."

"Ok."

"Balik na tayo?"

"Liligpitin ko muna 'to."

"Ay oo nga pala. Tutulungan kita."tinulungan ni Ivan si Mico. "Ano kaya kung dito na lang tayo manood? Ok lang ba?"

"Oo naman." sagot ni Mico.

"Tama dito nalang para magkaroon ka naman ng bill sa kuryente."

Napataas ang kilay ni Mico pigil ang kanyang tawa. "Ang lakas mo ha?"

"Bakit na naman? Talaga namang malakas ako eh." ipinakita ni Ivan ang masel nito sa braso.

"Ayyyy." tili ni Mico.

"Grabe ka naman makatili." gulat ni Ivan.

"Sorry." sabay tawa.

"Salang mo na nga ito. Ako na magpapatuloy nito mag-ayos."

Hindi pa rin mawala ang tawa ni Mico. "Sige."
-----

Magkatabi silang nanonood ng isang horror film. Isang asian film iyon.

"Masyado yatang nakakatakot Ivan." nangingilabot na pahayag ni Mico.

"Hindi ah..."

"Ikaw. Eh ako hindi ako sanay manuod ng ganyan noh." inirapan pa niya si Ivan.

Hindi kumibo si Ivan. Siryosong nakatutok ang atensyon sa pinapanood.

Hindi na rin umimik si Mico. Nanood na lang rin siya. Maya-maya hindi niya inaasahang eksena sa pelikula na may babagsak na tao mula sa kisame. Napatili siya. "Ahhhhhh" Napakapit siya sa balikat ni Ivan. Pati ang paa niya ay naipatong na niya sa sofa. "Nakakagulat naman."

Nagreklamo si Ivan. "Huwag ka maingay." nakatingin siya kay Mico. Hindi naman niya inaasahan na sa muli niyang pagtingin sa screen ng t.v. ay may mukhang nakakatakot ang biglang sumulpot.

Sabay silang napasigaw. "Waaaaaa!" sigaw ni Ivan.

Natahimik silang pareho. Nagkatawanan.

"Ikaw kasi nangunguna. Nahawa lang ako." alibi ni Ivan.

"Weh... sinungaling talagang nagulat ka lang. Ako pa sinisi."
-----

Halos dalawang oras dina ng itinagal ng palabas. Hindi na nila namalayang magkatabi na magkadikit na ang kanilang katawan.

"Tapos na rin sa wakas." si Mico.

"Iba naman."

"Sigurado ka?"

"Minsan na nga lang manood."

"Ok. Huwag ka na magalit."

"HIndi ako galit. Nagpapaliwanag lang."

"Alin ba dito?"

Namili si Ivan. "Ito nalang." nakapili si Ivan ng isang comedy film tagalog.

"Sige." sang-ayon ni Mico.

Simula ng maisalang ang dvd, tahimik na muli silang dalawa. Nagkakaroon lang ng ingay kapag natatawa sila dahil sa eksena. Lumipas ang isang oras napansin ni Mico na hindi na kumikibo si Ivan. Tinignan niya ito nakita niya itong pupungay-pungay ang mga mata.

"Inaantok ka na?" bulong ni Mico kay Ivan.

"Okey lang ako. Tapusin natin."

"Kaw ang bahala."

Pero wala pang limang minuto nang maramdaman niya ang ulo ni Ivan sa balikat niya. Bahagya siyang napaunat ng katawan mula sa pagkakasandal sa sofa. Nabigla siya sa ginawa ni Ivan.

Ang totoo gusto ni Mico ang nangyayari. Si Ivan nakahilig ang ulo sa balikat ni Mico? Laking tuwa ni Mico. Hindi niya inabala ang ayos ni Ivan. Nangingit na lang siyang pagmasdana ng mukha ni Ivan mula sa noo pababa hanggang sa mga labi nito.

Sa kabila noon natatakot din siyang marinig ni Ivan ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib. "Hindi ko ine-expect na ganito kabilis tayong magiging close. Natutuwa talaga ako Ivan. Sobra. Kanina lang sa ginawa. HIndi mo alam kung gaano mo ako pinasaya. Parang... parang nakakabata mo akong kapatid nang pagtakpan mo ako kay Tita Divina. Hmmm pwede bang magrequest?" natawa siya sa naisip "Pwede bang ituring mo na rin akong girlfriend. ay naman oh,!" Tili niya sa kanyang sarili.

Kalahati pa ng pelikula ang haba ng kasayahan ni Mico. Dahil sa oras na matapos na iyon balak na niyang gisingin si Ivan at iuunat na nito ang ulo mula sa pagkakahilig sa kanyang balikat. Napabuntong hininga siya sa naisip.
-----

"Mico, ilang linggo na lang pasukan na naman." nakangiting salita ni Ivan kay Mico.

Isang hapon sa kanilang harapan habang nagtatambay kasama si Vani.

Natigilan si Mico. "Oo nga eh." nagpapahol siya kay Vani. Tumatakbo siya paikot.

"Sa susunod na linggo magpapaenroll na ako. Ikaw?"

Tumigil si Mico sa pagtakbo. Naupo siya. Napatingin siya kay Ivan nang lumapit ito sa kanya at umupo sa tabi niya. "hindi ko pa alam Van." Van na ang tawag niya kay Ivan ilang araw ang makalipas.

"Ibig mong sabihin wala ka pang balak bumalik sa Manila?"

"Parang ganoon na nga."

"Umaasa akong magdedesisyon kang bumalik na sa Manila para magenroll." bumuntong hininga muna si Ivan. "Gagradweyt na rin tayo. Yehey."

Natawa si Mico. "Oo nga eh. Pero gusto mo na pala akong umalis."

"Sinong may sabi?" biglang hinila ni Ivan si Mico at sinakal ito sa pamamagitan ng kanyang braso. "Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin. Gusto ko lang na sabay tayong gagradweyt."

"Ayoko nga." kumawala si Mico kay Ivan. "Baka hindi mo ako makitang umaakyat sa stage."

"Tumigil ka nga Mico. Madali lang yun, aabsent ako."

Natahimik si Mico. "Sa totoo lang ayaw ko pa munang pumasok. Next year na lang. Nangako naman ako kay Mama na ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko eh."

"I-ibig mong sabihin alamna ni Tita na hindi ka mag-aaral ngayon?"

"Hindi pa niya alam."

"Sayang naman Mico."

"Hayaan mo malayo-layo pa naman eh."

Ipinatong ni Ivan ang palad sa ulo ni Mico.

"Anong ginagawa mo?" takang tanong ni Mico.

Natatawa si Ivan ng bumigkas. "Kaawaan ka ng Diyos." sabay tawa ng malakas.

"Ivan?"

Tumakbo na si Ivan sa paligid at hinabol siya ni Vani. Natawa naman si Mico nang malingunan ni Ivan na hinahabol pala siya ni Vani.
-----

"Rico?" tawag ni Mico nang makakita siya ng lalaking nakataikod sa likod ng gate nila.

Agad naman lumingon si Rico. "Musta?" nakangiting bati ni Rico nang malingunan si Mico.

"Rico ikaw nga. Ok lang ako. Ikaw?" tuwang tuwang si Mico. "Pasok ka."

"Ok lang ba?"

"Oo naman. Tara dito tayo sa loob. Hindi ka naman siguro nagmamadali?"

"Hindi naman. Ikaw talaga ang sadya ko."

"Nalaman ko kaya na nagpunta ka dito last week yata iyon o nakaraan pa? Hindi ko na maalala."

Natawa si Rico. "Oo nga eh. Sabi wala ka raw. Nasa kabila ka."

"Dito ka maupo. Feel at home lang ha? Oo nasa kabila nga ako noon. Sandali ah."

Tumango si Rico.

Bumalik si Mico na may dalang tray. "Pasensiya ka na dito ha? Hindi ako nakapaghanda ng masarap na miryenda."

"Wala iyon. Hindi naman miryenda ang pinunta ko dito. Ikaw, gusto kong makipagkwentuhan uli kung hindi ka busy?"

"Oo naman. Tamang-tama wala naman akong ginagawa. Lagi." sabay tawa.

"Ang sarap kaya nito." ang tinutukoy ni Rico ang miryendang inihanda. "Masarap  ito ah."

"Talaga? Basta ubusin mo yan. Siya nga pala, bakit ang tagal mong hindi napapadalaw? Hindi ko naman alam ang sa inyo."

"Ako? Mmm kasi nasa Manila ako. Nakipagmeet ako sa isang kaibigang matagal ko ng hindi nakikita."

"Ah kaya pala. Kamusta ang pagkikita?"

"Okey naman."

"Okey naman pero mukha kang dismayado sa sagot mo?"

"Hindi naman." natawa si Rico.

Ilang oras din nagtagal ang paguusap nila Rico at Mico. Puno ng tawanan ang naging usapin nila. Hindi na nga naalala ni Mico na pinapapunta pala siya ni Ivan sa kanila pero dahil sa sarap ng kanilang paguusap hindi na niya nagawa.
-----

Ilang oras nang late si Mico sa usapan nila ni Ivan.

"Ivan?" tawag ni Mico.

"Sa kwarto Mico." sagot ni Divina.

"Kanina pa po ba tita?"

"Oo Mico. Puntahan mo na lang."

"Sige po."

Umakyat siya para puntahan si Ivan sa kwarto nito. Kumatok siya at tinawag ang pangalan nito ngunit hindi sumasagot.

"Ivan." muli niyang tawag. Naulit pa ng apat na beses bago siya nakarinig ng boses mula sa loob.

"Inaantok pa ako. Mamaya ka na lang pumunta."

"Ganoon ba? Sige." Aalis na sana siya.

"Iba na lang muna kausapin mo." sigaw ni Ivan.

Natigilan si Mico. "Ano?"

"Wala. Sabi ko inaantok pa ako."

"O-ok. Sige." Umalis na si Mico pero narinig pa niya ang huling sinabi ni Ivan na "ewan."

"Nalate kasi ako sa usapan eh. Yan tuloy galit sa akin si Ivan. Mamay ako na nga lang kakausapin. Teka." natigilan siya. "Sabi niya iba na lang dawa ng kausapin ko? Parang may ibig sabihin siya doon ah... " mataman siyang nagisip. "Bakit naman kasi nakalimutan kong may usapan pala kami ni Ivan. Hmpt. Hindi ko naman pwedeng iwan na lang si Rico dahil minsan na nga lang kaming magkita." napabuntong hininga na lang siya. "Bahala na nga mamayang magpaliwanag."
-----

"Ivan, sorry na. Alam ko galit ka sakin."

"Bakit naman?"

"Kunyari ka pa. Siyempre hindi ako sumipot sa usapan natin."

"Ano naman Mico."

"Alam ko galit ka eh."

"Hindi ako galit. Bakit naman ako magagalit kung hindi ka nakapunta dahil sa bisita mo. Ano naman ang masama roon? Mas importante naman siguro yung bisita mo sa usapan natin siguro. Eh ang gagawin lang naman natin maglalaro tayo ng scrabble. Yun lang. Bakit ako magagalit?"

Napapataas ang kilay ni Mico habang titig na titig kay Ivan. Nangingiti siya. "Hindi ka nga galit niyan."

"Oh ano? Bakit ganyan ka makatingin."

"Sorry na nga kasi. Minsan nga lang kasi iyon pumunta hindi ko na nahindian kaya nagkwentuhan kami tapos hindi ko na namalayan ang oras. Ayun... hindi na ako nakapunta."

"Ok."

"Ivan naman eh."

"Ano?"

"Babawi na lang ako."

"HIndi na. Bonus na lang iyon."

"Ngek. Talagang bonus ah." natatawa si Mico.

"Oo. Ayaw mo?"

"Ibig ba sabihin nun ok na?"

"Ano bang sabi ko kanina?"

"Ok."

"Ok."

"Sus naman ang hirap naman humingi ng sorry sayo, Ivan."

"Nahirapan ka doon?"

"Hindi..."

Natawa si Ivan. "May mas mahirap pa doon."

"Atlist tumawa ka na rin. Eeeeee. Ikaw naman ngayon ang pa hard to get ah ahahha. I like it."



[16]
Ilang linggo pa ang nakalipas, talagang naging mas maigi ang pagkakaibigan nila Ivan at Mico. Hindi inaasahan ni Mico na darating ang puntong mas makikilala pa niya si Ivan. Hindi niya naisip na mararamdaman niya ang pagiging caring nito. Akala niya tama lang na maging kaibigan sila kapag tinanggap na siya ni Ivan. Hindi inaakalang mararanasan din niya ang mga lambing nito.

Hindi na nga rin niya namamalayang naging open na si Ivan sa kanya. Ramdam niya na tiwala na si Ivan sa kanyang magsabi ng saloobin nito. Pero nalaman din niya, na sa kabila ng pagiging siryoso nito tulad ng una niya itong makita at kung paano siya tratuhin nito, itinatago lang pala nito ang pagiging masayahin. Hindi niya inaasahang minsan, madalas siya pa ang nakakaramdam ng kasiyahan sa tuwing magkukuwento ito.

Mas lalong minahal ni Mico si Ivan. Dati, mahal niya ito dahil lang sa tingin niya pogi, o may dating si Ivan. Pero nagbago ang lahat ng pagkakakilala niya rito. Mas tumindi ang pagmamahal niya. Para sa kanya ang pagmamahal na nararamdaman niya kay Ivan ay nag-mature.

"Ngayong araw Vani, wala tayong makakausap na Ivan ang pangalan na nakatira sa baba." kinakausap ni Mico ang alagang aso. Tumahol ang kanyang aso. "Oo, Vani kasi si Ivan mahal ko ay nagpaenroll sa university na pinapasukan niya. Alam mo Vani, mukhang malapit nang maging busy si Ivan. Baka ma-miss niya  ako." sabay tawa sa huling mga sinabi. "Ako talaga ang mamimis niya eh noh." bigla siyang nalungkot. "Sa totoo lang ako ang makakamiss sa kanya. Posible na mangyari iyon. Siyempre magiging busy yun. Hayss! Nagyon pa nga lang namimiss ko na siya eh."

Yumahol-tahol si Vani. Matagal na natahimik si Mico. "Alam ko na Vani, gumala tayo sa labas. Mmm tama, baka makita pa natin Rico at muli kaming makapagkwentuhan. Matagal-tagal na rin uli kaming hindi nagkakausap." nangiti siya sa naisip gawin. Binuhat niya si Vani at nagsimulang humakbang palabas ng ng bahay.

Maganda naman ang sikat ng araw. Hindi sobrang init. Mahangin-hangin sa paligid. Kaya lang, napakatahimik ng paligid.

"Ganito ba talaga dito, palibahasa hindi ako naggagala kaya hindi ako sanay na walang tao sa paligid."

Napapabuntong hininga si Mico kapag lumiliko sa mga iskita na walang taong natatanaw.

"Hindi ko naman alam kung saan ang bahay ni Rico. Imposible ko naman sigurong matiyempuhan dito sa labas." para siyang timang na nagsasalita mag-isa. Buti na lang at karga niya ang alaga at may napagsasabihan siya ng kanyang nararamdaman.

Nakarating si Mico sa club house ng subdivision. Wala ring tao doon pero minabuti niyang umupo sa isang bench na nakita niya malapit sa basketball court. Inilapag niya si Vani sa tabi niya. "Si Ivan ang naiisip ko, Vani. Namiss ko na agad siya."

Lumipas pa ang ilang sandali nang makarinig siya ng mga boses ng mga bata sa kanyang likuran. Nlingon niya ito para malaman kung bakit mga naghahagikgikan ang mga ito.

Natutuwa ang mga bata dahil kay Vani. Napa-ngiti siya. Hinayaan niyang tumalon si Vani sa baba para makipaglaro sa mga bata. Pinanood niya ang mga bata habang nakikipaglaro sa alaga. Pero nagsawa rin ang kanyang mga mata. Ipinatong niya ang kanyang mga siko sa kanyang mga hita para malumbaba. Kasunod ang mga sunod-sunod na buntong hininga.

Napa-tayo siya nang malaman sa kalayuang umaambot. Nilingon niya ang alaga sa piling ng mga batang tuwang-tuwa sa pakikipaglaro dito.

"Vani uwi na tayo. Mga bata uuwi na kami. Baka kasi umulan. Tignan niyo oh, umaambon na."

"Hindi pa naman umuulan eh." sagot ng isang bata na kitang -kita sa mukha ang lungkot nang malamang kukunin na ang kanyang alagang aso.

"Ngek, kailangan pa munang umulan bago kami umalis?" lihim niyang nasabi sa isinagot ng bata. "Vani paalam ka na sa kanila." utos niya sa alaga.

Agad namang lumapit sa kanya si Vani. Binuhat niya ito at sinimulang lumakad. Kahit papaano ay nakaramdam siya ng awa sa mga batang iniwanan. Feeling tuloy niya napaka-KJ niya. Pero ayaw naman niyang abutan ng ulan.

Sa paglalakad niya, hindi niya inaasahan na makikita si Rico sa daan.

"Mico." natutuwang si Rico.

"Wow naman, akalain mo yung makikita kita rito." sinundan ni Mico ng tawa.

Natawa rin si Rico. "Pupunta sana ako sa clubhouse para makipaglaro ng basketball. Ikaw?"

"Naglalakad lakad uli. Wala kasing maka-usap eh."

"Wala ba si I-ivan nga ba yun?"

Natawa si Mico. "Oo."

Nagulat ang dalawa nang biglang lumakas ang patak ng ulan.

"Dali hanap tayong masisilungan?" yaya ni Rico. Hinila niya si Mico para umalis sa lugar na iyon.

Buti nalang at may nakita silang sari-sari store kaya doon sila tumigil. Tamang-tama naman nang lumakas ang ulan ay naka-silong na sila doon.

Nagkatinginan sila ni Rico. Pagkatapos ay nagkatawanan.

"Ang sama ng pagkakataon ah." nasabi ni Rico.

"Oo nga yata."

"Baka malamigan si Vani." pagaalala ni Rico.

"Ano ka ba. Sanay naman to sa malalamig na lugar."

"Alam ko naman yun. Baka kako lang." sinundan niya ito ng tawa.

Tumahol-tahol si Vani kay Rico.

"Hala, mukhang nagagalit sayo Rico."

"Hindi naman siguro." pa-cute ni Rico. "Ano bang gusto mo Vani, ibibili ka ni Kuya Rico mo?" alo niya sa aso.

Natawa si Mico. "Sige Vani tell Rico what do you want?"

"Sige hintayin nating sumagot." Inilapit ni Rico ang tenga kay Vani.

"Baka pag sumagot yan..."

Nagkatawan na lang silang dalawa.

Nag-decide si Rico na bumili ng snacks sa tindahan para hindi sila mabagot habang nagpapatila ng ulan. Todo naman ang tanggi ni Mico noong una pero hindi na niya napigilan si Rico. Labis ang pasasalamat niya sa ginawa ni Rico.

Nagngunguyaan habang nagtatawanan sila nang may tumigil na kotse sa harapan nila. nagulat si Mico. Kilala niya ang kotse na iyon. Hindi na siya nagulat nang lumabas mula roon si Ivan na nakapayong.

"Ivan." nakangiti niyang tawag. Pero nang mag-angat ng mukha si Ivan nagulat siya ng makitang nakasimangot ito.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Ivan.

"Inabutan kasi ako ng ulan. Kasama ko pala si Rico. Natatandaan mo pa ba siya, yung ikinukwento ko sayo?"

"Ah.. Kuya..." tawag ni Ivan kay Rico.

"Ric- rico na lang." pakilala ni Rico sa sarili medyo nagalangan siyang sumagot sa hitsura ni Ivan.

Tumango si Ivan. "Mauuna na kami. Pasensiya na." paalam ni Ivan.

"Sandali." awat ni Mico. "Paano ka Rico?"

"H-ha?" nagulat pa si Rico nang lingunin siya ni Mico. "Okey lang ako. Huwag mo akong alalahanin." ngumit siya kay Mico.

"Halika na Mico umuwi na tayo." Hinila na nga niya si Mico.

Bago pa makapasok si Mico sa loob ng kotse ay sumulyap muna siya kay Rico. Ipinahiwatig niya sa mga tingin niya na humihingi siya ng pasensya sa nangyari.

Tumango si Rico kay Mico para malaman nitong okey sa kanya. Ngumiti pa siya bago nito lubusang ipasok ang sarili sa kotse. Pinagmasdan na lang niya ang papaalis na sasakyan. Pagkatapos ay napa-ngiti na lang para sa sarili.
-----

"Sana sinama na lang natin si Rico. Naihatid na rin sana. Kawawa naman." mahinang salita ni Mico habang nakaupo sa tabi ng driver seat at pinagmamasdan ang paligid na basang-basa ng ulan. Nagulat si siya sa biglang paghampas ni Ivan sa manibela ng sasakkyan. "Okey ka lang?"

Tinignan lang ni Ivan si Mico at ibinalik rin niya ang atensyon sa daan.

Hindi na kumibo si Mico pagkatapos noon. Maya-maya lang rin naman at nasa harapan na sila ng bahay ni Ivan. Bababa sana si Mico para buksan ang gate.

"San ka pupunta?" tanong ni Ivan.

Napatigil si Mico sa pagbukas ng pinto. "Bubuksan ko ang gate niyo."

"Ako na." Walang ano-ano, bumaba si Ivan para buksan ang gate.

Nagtataka si Mico sa ikinikilos ni Ivan. Napapatingin na lang siya sa kaibigan. Kahit may payong si Ivan na dala nakikita ni Mico na napapatakan parin si Ivan ng ulan. Wala na lang nagawa kundi ang hayaan ito. Muling sumakay si Ivan sa sasakyan.

"Bakit nakasimangot ka?" tanong ni Mico.

Hindi sumagot si Ivan. Ang atensyon nito ay sa paggarahe ng sasakyan.

Naunang pumasok si Mico sa loob ng bahay pero hinintay niya si Ivan sa may pintuan. Ibinaba niya si Vani sa lapag. "Basa na yang damit mo. Magpalit ka na agad."

"Hindi yan basa." sagot ni Ivan.

"Ano ka ba? Kitang-kita naman na basa eh."

Hindi nanaman kumibo si Ivan. Dumiretso si Ivan sa sofa para umupo. Doon ibinagsak niya ang katawan.

"Wala ka talagang balak magpalit?" tanong ni Mico nang makaupo na rin. Tinignan lang siya ni Ivan. Tinaasan niya ito ng kilay tanda ng pagtatanong.

"Bakit ka nandoon kanina? Kung kailan umuulan saka ka pa naggagala."

"Hindi ko naman na inaasahang uulan pala."

"Marunong ka naman sigurong makiramdam kung anong meron sa paligid mo?"

"Bakit ba?" naguguluhan si Mico.

"Sana umuwi ka na nang makita mong nagbabadya nang umulan."

"Ginawa ko naman ah?"

"Oh talaga. Kaya pala inabutan ka ng ulan."

"Nakita ko kasi si Rico kanina." paliwanag ni Mico.

"Kaya nakalimutan mo ng uulan pala. Ayos."

Naiinis si Mico sa huling salitang ginamit ni Ivan. Kaya nakapag-taas siya ng boses. "Ano naman kasi sayo? Nabasa ba ako? Nakita mo naman nakasilong ako ha?"

"Oo nga."

"Oh yun naman pala eh. Anong problema mo?"

"Wala akong problema."

"Ewan ko sayo." tumayo si Mico. Uuwi na lang siya kanyang bahay.

"San ka pupunta?" nilingon ni Ivan ang papaalis na si Mico. "Malakas pa ang ulan."

"Hindi ko naman siguro ikamamatay? Ikaw nga ni ayaw mong magpalit ng damit eh." sagot ni Mico habang papalabas.

"Sige magpapalit na ako." sigaw ni Ivan. Pero wala na siyang narinig na sagot ni Mico. Tuluyan na nga itong nakalabas ng pinto. "Ay ang kulit. Sinundo ko nga dahil ayaw kong mabasa tapos susugod sa ulan." Agad na napatayo si Ivan para sundan si Mico.

Nang marating niya ang pinto nakita niyang sumugod si Mico sa ulan nasa kabilang gate na ito papasok. Napabuntong hininga nalang siya.

"Bakit ba kasi ganoon nalang ang inasal ko kanina. Nakakainis naman kasing makita si Mico na nakikipagkwentuhan sa labas kung kelan pa umuulan. Nakakainis. Nagalit pa yata sa akin si Mico."
Sunod-sunod na buntong hininga na lang ang ginawa ni Ivan.

Uupo sana siya sa sofa ng biglang makabuo ng desisyon. Nagdesisyon siyang puntahan si Mico sa kanila. Hihingi siya ng sorry kung kailangan. Pero bago iyon magpapalit muna siya ng damit. Kaya agad siyang tumakbo sa kanyang kwarto para magpalit.
-----

"Nakakainis naman ang taong yun. Ang labo. Kung umasta siya akala nagseselos. Nagseselos?" Bigla niyang naitanong sa sarili. "Si Ivan nagseselos nga ba?" muli niyang tanong. Pero agad din siyang bumawi. "Hindi. Imposible."

Aakyat na sana siya sa kanyang kwarto nang maalala si Vani. "Si Vani nga pala!" hindi na niya itinuloy ang pagakyat kundi muling lumabas. "Susugod na naman ako sa ulan. Teka, maghahanap muna ako ng payong." naghanap siya ng payong. Agad naman siyang nakakita sa likod ng pinto.

Pagkalabas niya ng bahay nagulat siya ng biglang bumukas ang gate. Nakita niya si Ivan buhat-buhat si Vani. Hindi na siya kumilos sa kinatatayuan niya.

"Oh naiwan mo." may pagalit na salita ni Ivan. Pero ang totoo, sinadya niya lang iyon.

"Salamat." pero labas sa ilong ang pagbibigay salamat.

"Sorry na." biglang lambing ni Ivan.

Napatingin si Mico nang diretso kay Ivan. "Ikaw kasi eh. Pasok ka muna."

Pumasok sila sa loob ng bahay. "Magpalit ka na." utos ni Ivan.

"Gagawin ko na nga sana. Naalala ko lang na nakalimutan ko nga pala si Vani. Lalabas sana uli ako kaya lang nakita kitang dala mo na si Vani."

"Oh di magpalit ka na." natatawang si Ivan.

Umirap si Mico. "Ang lakas mo magutos eh noh. Pero siya kanina..."

"Nagpalit na ako. Halatado naman siguro."

"Ewan ko sayo. Diyan ka muna magpapalit lang ako."

Iniwan na nga ni Mico si Ivan para magpalit ng damit.
-----

"Sandali." sagot ni Mico habang nakatayo sa harapan ng salamin.

Kumakatok si Ivan sa pinto ng kwarto ni Mico. Sinundan na kasi niya ito dahil natatagalan siya.

Malaya na si Ivan na pumasok sa loob ng bahay nila Mico. Wala namang nagbabawal noon pa man. Hindi lang niya gawain na magpunta roon gayon wala naman siyang kailangan dati. Pangalawa, hindi sila close noon ni Mico para maka-isip siyang dalawin ito.

Pero ngayong nagbago na ang lahat, kahit walang kailangan, madalas na si Ivan sa bahay nila Mico. Siya pa ang madalas na nagpupunta roon para sunduin itong magpunta sa kanila. O kung minsan naman pumupunta siya roon kapag nakakaramdam ng pagkabagot. Masaya siya sa ginagawa niya. Masaya siyang naging magkaibigan na sila ni Mico. Inaamin niya sa kanyang sarili.

"Ang tagal mo naman." reklamo ni Ivan.

"Palabas na ako." sigaw ni Mico bago ang huling sulyap sa repleksyon ng sarili sa salamin. "Lagi ka na lang atat noh?"

"Kanina ka pa kasi. Para kang natulog muna." nagulat pa si Ivan nang biglang bumukas ang pinto.

"Ano? Grabe ka naman. Ilang oras ba akong nawala? Wala ngang kalahating oras eh."

Imbes na sagutin ni Ivan si Mico hinila na niya itong bumaba. "Bilisan mo."

Wala ng nasabi si Mico kundi ang sumunod. Napangiti na lang siya sa ginagawa ni Ivan. Nakikita niya ang sweetness nito sa pamamagitan ng ganoon.

"Bakit mo ba kasi pinagmamadali?" tanong ni Mico.

"May pasalubong kasi ako sayo. Nakalimutan kong ibigay kanina."

"Talaga? Ang sweet mo naman."

"Siyempre ako pa." nagyayabang na ngumisi-ngisi pa si Ivan kay Mico.

"Oo ikaw na."

"Bilisan mo na. Huwag ka ng maraming tanong."

"Ok."


[17]
"Wala na akong ginawa kundi kumain ng kumain ah. Nakakalimutan ko na ang pagda-diet. Pinatataba mo naman ako eh."

"Ngayon mo lang nahalata?" natatawang si Ivan.

"Ah kaya pala. Tapos, pinasalubungan mo pa ako nitong buko pie eh favorite ko rin ito eh. HIndi ko talaga ito hihindian."

"Buti naman. Binili ko talaga yan para sayo tapos malalaman ko hindi mo kakainin, baka..."

"Ano?"

"Wala." sabay tawa.

"Paano yan kapag nag-paopera na ako, baka kailangan ko na ring magpa-lypo." biro ni Mico sabay tawa.

"Ano? Bakit mo pa gagawin yun?" nagsiryoso si Ivan.

"Naniwala naman to. Pero paano kung gawin ko nga yun?" siryosong tanong ni Mico.

Napa-ngiwi si Ivan. "I-ikaw? Katawan mo yan. Bahala ka."

"Talaga papayag ka hindi ka magagalit?"pagkatapos ay iniliyad niya ang dibdib. "Magpapalagay ako ng ng malaking-malaking..." sabay tawa.

Naasiwa naman si Ivan sa ginwang pagde-describe ni Mico. "Ang panget." reklamo niya.

"Bakit...?"

"Ang sagwa." sagot ni Ivan.

Natawa si Mico. "Ok."

"Pero bakit ka pa magbabago? Para saan?"

"Para mainlove ka sa akin, Joke." sabay taas ng kamay at nag-sign ng peace.

"Ah... para magustuhan ka ng mga lalaki? Tama, yung Rico."

"Grabe ka naman. Wala naman akong gusto dun. Iba ang gusto ko.." parinig niya kay Ivan.

"Gagawin mo lang yun para magutuhan ka ng lalaki. Hindi maganda pakinggan."

"Bakit may reklamo ka?" pagttaray ni Mico. Sa totoo lang nagbibiro lang naman siyang magpapaopera siya. Pero sinakyan niya nalang si Ivan.

"Wala. Sabi ko nga katawan mo yan. Pero sa akin mas OK ka ng ganyan ka."

Napataas ang kilay ni Mico. "Talaga?"

"Maka-tanong ka diyan ng "talaga"... parang may ibig kang sabihin ah?"

Natawa si Mico. "Ano naman ang ibig sabihin ko?"

"Kainin mo na nga yan. Ubusin mo para tumaba ka." giit ni Ivan.

"OwK... po!" lihim na napa-isip si Mico. "Nakakaramdam kaya si Ivan sa akin? Masyado ba akong transparent sa mga pakikitungo ko sa kanya na higit pa sa kaibigan ang gusto ko? Hindi naman siguro dahil kung sakali lalayuan niya ako. Pero malay mo nahuhulog na rin siya sa akin."


"Hoy. Anong iniisip mo diyan." saway ni Ivan sa kanya dahil napansin nitong natutulala siya. "HUwag kang mag-alala walang akong gusto sayo." sabay tawa ni Ivan.

"Epal ka no. Nabasa niya ata ang nasa isipan ko. Grabe naman tong lalaking to ang lakas makiramdam. Hindi ganyan ang iniisip ko noh. Hmpt."

"Niloloko ka lang."

"Maiba nga tayo, kamusta naman ang lakad mo kanina? Ang bilis mo naman?"

"Nakita ko kasi ang classmate ko, malapit sa unahan. Ayun pinasabay ko na ang sa akin kaya madali akong naka-uwi." nangingiti ito habang sumusubo.

"Kaya pala.." Tinignan niya si Ivan habang ngumunguya.

"Bakit?" takang tanong ni Ivan.

"Wala. Mmm naisip ko lang na malapit ka ng maging busy."

"Oo nga eh. Pero ikaw ba talaga buo na ang desisyon mong huwag munang pumasok this year?"

Bumuntong-hininga muna siya. "Oo."
-----

"Pasok ka." anyaya ni Mico kay Rico.

"Sige."

Nang makarating na sila sa loob ng bahay nila Mico ay agad humingi ng pasensiya si Mico sa nangyari sa huli nilang pagkikita.

"Wala iyon. Tama lang naman iyon na umuwi ka na." sagot ni Rico.

"Sigurado ka. Dapat sana kasi sinabay ka na namin. Alam ko hindi ka pa agad nakauwi dahil hindi pa tumila ang ulan."

"Wala yun. Huwag munang isipin yun. Tapos na naman iyon."

"Hayss..." sabay tawa ni Mico.

Nakitawa na rin si Rico. "Pasensya na ha? Lagi na akong nakaka-istorbo sayo."

"Wala iyon ano ka ba?"

"Uuwi rin naman ako agad kasi pagabi na."

"Ay, nagpapaalam ka kaagad?"

Muling natawa si Rico. "Hindi naman."

Tulad ng dati pareho nilang napapagkasunduan ang bawat napapag-usapan. May sense of humor kasi si Rico na nagugustuhan ni Mico sa kanya. Kaya naman laging sakto kay Mico ang bawat lumalabas mula sa bibig nito.

Pero gaya ng dati kailangan na ring magpaalam ni Rico. Tumayo na siya para tunguhin ang labas nang malingunan niya si Ivan sa may pinto. Nakita na naman niya itong salubong ang kilay. "Ivan ikaw pala. Magandang gabi." bati ni Rico.

Naka-ngiti naman si Mico kay Ivan. Napansin niya na tumango si Ivan kay Rico.

"Sige Mico aalis na ako."

"Hahatid na kita." si Mico kay Rico.

"Hindi na. May paguuspan pa yata kayo ni Ivan. Isasara ko na lang ang gate."

"Sige na nga kung hindi ka na mapipilit."

"Paalam uli." huling paalam ni Rico at lumabas na.

"Paalam. Ingat ka." paalam ni Mico. "Oh Ivan, bakit?" nakangiti niyang tanong kay Ivan.

"Ngiting-ngiti ka diyan?" nakasimangot na tanong ni Ivan. "Paalam. Ingat ka. Sige. Sweet nyo naman."

"Wow selos?" biro ni Mico.

Natigilan si Ivan. Napa-tingin siya kay Mico. "Ako magseselos? Bakit naman?"

"Binibiro ka lang po. Masyado ka naman."

"Sa bahay ka na raw kumain sabi ni Mama." nakasimangot si Ivan.

"Sige susunod na ako."

"Hihintayin na lang kita."

Napatingin si Mico kay Ivan. Para kasi siyang nakakaramdam ng kakaiba kay Ivan. "Halika na. Punta na tayo sa inyo." yaya niya.

"Akala ko ba may gagawin ka?" medyo napataas ang boses ni Ivan.

"Parang gusto kong matakot. Nagbago na kasi ang isip ko. Halika na." hinila ni Mico si Ivan sa kamay nito.

Pumiglas si Ivan. "Sige na. Mauna ka susunod ako."

"Arte ha. Para ka namang napaso sa pagkakahawak ko sa kamay mo?"

"Lumakad ka na. Ang dami mo namang sinasabi."

Natahimik si Mico. Medyo napahiya siya sa sinabi ni Ivan. Naglakad na nga siya papunta sa kabila ng walang lingon-lingon.
-----

Kumakain silang tatlo pero walang imikan. Nakakaramdam naman si Divina sa dalawa.

"Kanina lang ang iingay niyo ngayon naman parang hindi kayo makabasag pinggan. May problema ba?" tanong ni Divina sa dalawa nang mapansing walang ang mga ito.

"Wala naman ma." maagap na sagot ni Ivan.

Hindi na nangusisa pa si Divina kahit hindi naniniwala sa sagot ni Ivan.

Natapos na silang kumain. Nagpresinta na si Ivan na siya nalang ang bahala sa mga kalat. Sumangayon naman si Divina para makaakyat na rin. Iniwan na ni Divina ang dalawa na nakaupo pa rin sa harapan ng lamesa.

Tumayo si Ivan para ligpitin ang plato.

"Tutulong ako." si Mico.

Hindi kumibo si Ivan. Nagpatuloy lang ito sa ginagawa. Nang mailagay nang lahat ang lahat ng hugasin sa lababo, inunahan na ni Mico si Ivan para sa paghuhugs ng mga ito.

"Tumabi ka diyan, ako na." saway ni Ivan kay Mico nang makitang hinahawakan na nito ang sponge.

"Ako na lang. Gusto kong maghugas."

"Sinabing ako na diyan."

"Pagbigyan mo na ako." pakiusap ni Mico.

"Pag sinabi kong ako, ako na." matigas na pahayag ni Ivan.

"Ano ba kasing problema mo?" naiirita na rin si Mico sa ipinapakitang mood ni Ivan. "Para kang laging galit? Nakakainis ka na."

"Ah naiinis ka na? E di maghanap ka ng kausap mo." naibulalas ni Ivan.

"Tignan mo 'to. Parang ako pa ang may ginagawang hindi maganda ah. Ano nga ba kasi ang problema mo?"

"Ano naman ang magiging problema ko?"

"Ewan ko sayo? Bakit ako ang tinatanong mo. Hindi ka naman ganyan dati ah?" nilayasan na niya si Ivan.

"Saan ka naman pupunta?"

"Kung ayaw mo akong patulungin, uuwi na lang ako. Baka sakaling may makausa pa akong matino. Hindi tulad mo na napakalabo."

"Ayan, palibhasa kontento ka na diyan sa Rico mo."

Nagulat si Mico sa sinabini Ivan. Napatigil siya sa paglalakad at nilingon niya ito sa harapan ng lababo. "So yun ba ang kinakagalit mo? Si Rico. Ay malamang nga. Ganyan din kasi ang hilatsa ng hitsura mo sa tuwing magkasama kami ni Rico."

"Hindi yun ang ibig kong sabihin." pigil ang sigaw ni Ivan.

"Ah may iba pa ba?" pasarkastiko niyang turan. "Ok. Bahala ka na. Wala na naman akong ganang malaman pa." pagkatapos ay tinalikuran niya itong muli.

Naiwan na naman si Ivan na sinisisi ang sarili. Tulad ng dati, hinahanapan na naman niya ng sagot ang katanungan sa sarili. "Bakit ba kasi parang madalas na akong naiinis kay Mico? Kay Mico ng aba ako naiinis?" napabuntong hininga na lang siya at pinagpatuloy ang ginagawa. "Pupuntahan ko na lang uli sa kanila mamaya. As usual, ako na naman ang mali. Nakakainis." muntikan na niyang maipalo ang basong hawak sa nguso ng gripo. Buti na lamang nakapagpigil siya. "Waaaaaaa..." isinigaw na lang niya ang inis sa sarili at sa nangyayari.
-----

"Mico, sorry na."

"Gusto ko munang malaman kung bakit ka nagkakaganyan?"

"Hayaan mo na yun. Basta hindi na mauulit. Pangako."

"Ayoko nga."

"Ano gusto mong gawin ko?"

"Wala. Ang gusto ko lang malaman ko kung bakit ka nagkakaganyan?"

Natahimik si Ivan. "Humihingi na nga ako sayo ng sorry."

"Oo nga. Pero kailangan malaman ko muna kung bakit ka nagsusungit?"

"Sige kung ayaw mo, uuwi na lang ako." panakot ni Ivan.

"Sige. Mabuti pa nga sa tingin ko." matatag na turan ni Mico.

"Wala ka ba talangang balak na tanggapin ang sorry ko?" nayayamot na si IVan.

"Parang ganoon na nga siguro."

"Sige hindi na ako uuwi hanggat hindi mo ako pinapatawad."

"E di wag kang umuwi. Paano naman kasi papatawarin kung hindi ko alam kung ano ang nangyayari sayo?"

Napa-buntong hininga na lang si Ivan. Alam niyang buo ang salita ni Mico na hindi siya papatawarin hanggat hindi niya sinasabi ang dahilan. Paano nga naman niya sasabihin ang dahilan, kung pati siya ay hindi niya alam kung papaano ipapaliwanag ang lahat. Pangalawa, may naiisip siya ngunit pilit niya iyon inaalis sa kanyang isip.

Tumalikod si Ivan.

"O san ka naman pupunta?" tanong ni Mico. "Akala ko ba dito ka lang hanggang hindi ko tinatanggap ang sorry mo?"

"Kukuha lang ako ng sarili kong unan sa bahay. Magpapalit lang din ako ng pantulog. Babalik ako." malungkot na salita ni Ivan.

Bahagyang natawa si Mico sa kung papaano sinabi iyon ni Ivan. Sa kabila din niyon ang nararamdamang lungkot para sa kaibigan. Pero hindi niya sisirain ang desisyon niya. Aalamin niya ang dahilanni Ivan. Gayon may naiisip na siyang dahilan. Ang ikinatatakot lang niya ay maging mali ang kanyang inaasahan. Baka umaasa lang siya sa maling akala. Napa-buntong hininga na lang siyang pinagmamasdan si Ivan na papaalis.
"Pwede ba talaga iyong mangyari?"
-----

Bumalik si Ivan gaya ng sinabi nito kay Mico. Nakapantulog na nga ito. May dalang unan at kumot. "Nagpaalam na rin ako kay Mama."

Hindi pinansin ni Mico an gsinabi ni Ivan.

"Sabi ko nagpaalam na ako kay Mama." Hinagis ni Ivan ang mga dala sa mahabang sofa.

Napatingin si Mico nang ibagsak ni Ivan ang sarili sa sofa. "Diyaan ka matutulog?"

"Oo. Bakit?"

"Wala natanong ko lang. Teka nga, maka-bakit ka diyan parang ikaw ang galit sa akin ah. Tandaan mo kaya ka narito dahil gusto mong patunayan sa akin na humihingi ka ng sorry sa ginawa."

Napa-ngiti si Ivan. "Ibig sabihin ba noon bukas papatawarin mo na rin ako."

"Nek-nek mo. Sa pagkakatanda ko, ikaw lang naman ang may gusto nito, na dito ka matulog. Tandaan mo, hindi makakabawas yan. Ok?"

"Ok." maagap na sagot ni Ivan.

"Natatawa ka pa niyan ah. Hmpt." inis ni Mico.
-----

Kanina pa pinagmamasdan ni Ivan si Mico. Ewan ba niya pero, natutuwa siyang nakikita ang sariling pinagmamasdan ito habang nakahiga. Minsan mangingiti siya kapag may naalalang mga sandaling masaya sa kanila. Kaya nang tumayo si Mico ay agad siyang nagtanong kung saan ito pupunta.

"Aakyat na. Bakit akala mo ba na sasamahan kita dito?"

"Oo nga eh. Ganoon nga ang akala ko." sabay tawa nito.

"He he he So Funny."

"Sama ako sa kwarto mo?"

Nandilat ang mga mata ni Mico. "Si Ivan sasama sa kwarto ko? Oh my gosh... baka himatayin ako sa sobrang kilig. Calm down Mico. Calm down." tumingin siya ng diretso sa mga mata ni Ivan. "Hindi pwede." pero ang totoo hindi iyon ang gusto niya.

"Sige dito na lang ako."

Lihim na napagalitan ni Mico ang sarili. "Kasi naman eh. Sige na Ivan pilitin mo ako. Diyaan ka lang ha? Huwag kang susunod." tumalikod na si Mico pero nakikiramdam siya kung susunod si Ivan. Napansin niyang gumalaw si Ivan. "Ayan na pipilitin na niya ako doon na rin siya matulog."


"Huwag kang mag-aalala hindi kita  susundan. Dito na lang ako para may bantay kayo." at muling humiga si Ivan.

Umakyat na lang si Mico na laglag ang dalawang balikat. "Bad trip naman oh." mahina niyang reklamo.
-----

"Dito na rin ako matulog. Ma-expirience man lang." natatawang si Ivan. Humabol din kasi siya kay Mico.

Siyempre lihim namang nagagalak ang puso ni Mico. "Hindi pwede noh." Dali-dali siyang pumasok sa pinto. Isasara sana niya ang pinto ng biglang hinarang ni Ivan ang katawan. :)


[18]
"Sige isara mo..." natatawang si Ivan habang nakaharang ang katawan sa pinto. "Maiipit ako. Pag nangyari yun bayad na ako sa kasalanan ko."

"Ewan." at nilisan na ni Mico ang pinto. "Ay...." tili ng isip niya. "Moment ko na ito. No, Mico mag-behave ka." Tinignan nalang niya si Ivan na pumapanhik sa kama niya dala ang unan at kumot nito. Nangingiti siya sa kilig.

"Oh bakit ka pa nakatayo dyan?" tanong ni Ivan nang mapansing nakatingin lang sa kanya si Mico sa may pinto. "Akala ko ba matutulog ka na?"

"Paano ako matutulog eh nandyan ka?"

"Ang laki-laki ng kama mo... ayaw mo kong katabi?"

"Gusto siyempre. Tinatanong pa ba yun? Galit nga ako sayo di ba?"

"Ok. Maghanap ka ng matutulugan mo." sabay tawa.

"Ay, ako pa ang maghahanap ng matutulugan? Galing ah..." pero sa loob-loob sabik na siyang makatabi si Ivan sa higaan niya. "Ayeeeee.. Hahahaha." napatawa siya bigla.

"Natawa ka diyan?" tanong ni Ivan na nakadapang matulog.

"W-wla. Usog ka diyan, matutulog na ako." Nagulat din si Mico sa pagtawa niya kanina. Wala siyang intensyong tumawa pero bigla na lang lumabas kanina ang tuwa niya sa nangyayari. Buti na lamang at hindi nag-isip si Ivan ng iba.

Umurong si Ivan para bigyan ng space si Mico. Humiga si Mico ngunit patalikod kay Ivan. Habang si Ivan na nakadapang paharap kay Mico. Pinagmamasdan niya si Mico na walang kibo.
-----

Maya-maya nakarinig si Mico ng buntong hininga na nagmula kay Ivan kasunod ang paggalaw ng higaan. Dahil doon napalingon siya dito. Nagulat siya nang makitang nakatagilid na ito paharap sa kanyaa. Pero ang mas ikinabigla niya na makitang nakatitig ito sa kanya. Kumabog ng todo ang kanyang dibdib. "Bakit?" kunyari ay galit siya.

Tumawa si Ivan. "Wala."

"Bakit ganyan ka makatingin?"

"Ha? Makatingin?"

"Oo." humarap siya dito. "Parang....

Napakunot ang noo ni Ivan. "Parang... oy, huwag mo akong pag-isipan ng masama." pagkatapos ay tumihaya  siya ng paghiga at lumayo ng kaunti kay Mico. "Hindi lang ako makatulog. Namamahay ako."

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin kaya. Masyado kang defensive. Pero pwede rin." sabay tawa.

"Tignan mo... ikaw ang may pagnanasa."

Natawa si Mico sa sinabi ni Ivan. "Bakit natatakot ka? Ang lakas ng loob mong dito matulog tapos... Hmmm takot ka palang ma-rape." sinundan niya ito ng malakas na tawa.

"Subukan mo."

"Oo mamaya pag-tulog ka na."

Tinignan ni Ivan si Mico ng masama na ikinatawa naman ng huli. Pero sa loob-loob hindi naman siya nag-aalala talaga na may gawin sa kanya si Mico. Alam niyang hindi iyon gagawin sa kanya ni Mico.

"Kapag ako hindi nakapagpigil.... patay ka sa akin Ivan." sabay tawa.

"Natawa ka diyan?" si Ivan habang kinukumutan ang sarili.

"Wala. Nagiimagine lang ako."

"Ewan." tumalikod si Ivan. Naasar siya kay Mico pero hanggang doon lang iyon.

Sa pagtalikod niya kay Mico napatingin siya sa isang side table. Nakita niya roon ang isang laptop. Agad siyang tumayo para kunin iyon. "Mico, may laptop ka pala?"

Nagulat si Mico. "Hala ang laptop ko?" nandidilat ang kanyang mga mata para sawayin si Ivan na huwag niyang pakialaman iyon. "Huwag mong galawin yan." pero huli na ang lahat dahil binuksan na ni Ivan iyon. "Ivan...!" sigaw niya.

"Sandali lang naman... Alam mo bang gusto kong magpabili kay mama nito kaya lang ayos na ayos pa naman ang pc ko kaya... tinitiis ko muna ang sarili ko." sabay tawa.

"Wa la akong pa ki... akin nga yan." lalapit si Mico. Pero tumayo si Ivan at magtatangkang itakbo ang laptop huwag lang makuha niya. "Akin na kasi yan... baka makita mo pa ang mga kahalayan ko diyan."

"Talaga? Makita nga."

"Naiinis na talaga ako ng sobra sayo."

"Sobra ka Mico parang ito lang."

"Sige na papatawarin na kita basta ibigay mo na sa akin yan."

"Talaga Mico?" papayag na sana si Ivan kaya nag-appear na ang deskstop. Nanlaki ang mga mata niya sa nakita.

Nakita ni Mico ang panlalaki ng mata ni Ivan. Ngayon, hiyang-hiya na siya. Alam niyang nakita na ni Ivan ang wallpaper ng laptop niya. Natahimik siya. Hindi siya makapiyok.

"Wow... sino naman itong hearthrob na ito." ang kaninang panlalaki ng mata ay napalitan ng mausyosong mata. Natatawa si Ivan habang nagtatanong kay Mico. "Saan mo natagpuan ang poging lalaking ito ha? Ang galing mo naman pumili ng pic. Hehehe, mahusay. Pinagpapantasyahan mo ito?" sabay tawa.

"Ano? Hindi no." sa wakas nakapagsalita na rin si Mico.

"Eh bakit nakalagay ito rito?"

"Wala kang paki." sabay irap.

"Mmm paano mo ito nakuha?" tapos nag-isip. "Ah alam ko na... Kaya pala, nagtataka ako sayo nung gumamit ka ng computer ko kasi..." sinundan nalang ng tawa ni Ivan.

Wala namang masabi si Mico. Buking siya. Pangalawa, wala naman siyang ma-alibi. "Akin na yan. Sobrang galit na talaga ako sayo."

Iniabot naman ni Ivan ang laptop. "Akala ko ba papatawarin mo na ako kapag ibinigay ko ito sayo?"

"Kanina yun. Eh nakita mo na yan eh."

"Ang daya." matipid na sagot ni Ivan.

"Anong madaya doon? Nakakainis." inilagay niya ang laptop sa loob ng cabinet niya. "Huwag ka nang aasang papat-" nanlaki ang mata ni Mico nang malingunang nakadapa na si Ivan at nakapikit. "Abat.... Nakakinis talaga."

Humiga na lang si Mico. Bago tuluyang ipikit ang mga mata ay huminga muna siya ng napakalalim, pangpakalma sa sariling nagiinit sa kahihiyan. Hindi pa nagtatagal nang pumukit siya nang gumalaw si Ivan. Hindi siya dumilat pero naramdaman niyang tumihaya ito.

"Hindi naman ako nagagalit."

Napadilat si Mico. Napatingin siya kay Ivan. "Anong sabi mo?"

Natawa si Ivan. "Sabi ko huwag kang magalala, wala sa akin yun. Yung picture ko sa wallpaper mo."

"Ewan."

"Sorry na kasi." bahagya pa niyang niyugyog si Mico. Pero tinalikuran siya nito. Kaya pinatong niya ang binti niya sa bewang nito.

Grabe ang kuryenteng dumaloy sa katawan ni Mico. Bigla siyang nakaramdam ng pag-iinit. Pero inalis niya ang binti nito. "Umayos ka nga. Paano ako makakatulog niyan?"

"Ikaw kasi. Hindi mo ako pinapansin." pinatong niya uli ang binti niya.

"Ano ba?"

"Hindi kita titigilan."

Nilingon ni Mico si Ivan. Nakipagtitigan sa kanya si Ivan. "Mukhang hindi mo nga ako titigilan."

Ngumiti si Ivan. "Oo."

"Oo na. Matulog ka na." pagkatapos ay muling tumalikod si Mico.

"Yes." niyakap ni Ivan si Mico. "Thank you."

"Ano ba... huwag mo nga gawin yan... Naaalibadbaran ako." reklamo ni Mico sa ginawang pagyakap sa kanyan ni Ivan.

"Ok."

Nagsisisi si Mico sa ginawa niyang pagpapaalis kay Ivan sa pagyakap sa kanya. Sinundan na lang niya ito ng lihim na buntong hininga.

Dumaan pa ang mga sandali. Kapwa hindi makatulog sina Mico at Ivan. Habang nanatiling nakatagilid si Ivan patalikod kay Mico, hindi naman mapakali ang huli. Kanina pa siya pabaling-baling ng higa.

"Ano ka ba?" si Ivan. "Kanina ka pa diyan. May nangangati ba sayo?"

"Wala." sabay irap kay Ivan.

"Kwentuhan nalang tayo muna. Tutal, hindi rin naman ako makatulog." mungkahi ni Ivan.

Napaisip si Mico. "Ano naman ang paguusapan natin?"

"Ikaw?"

"Anong ako?"

"Ikaw ang magbigay." paliwanang ni Ivan. "Ano ba iniisip mo na ikaw ang pag-uusapan?"

Nangunot ang noo ni Mico. Yun kasi ang akala niya. "Hindi noh?" tanggi niya.

"O sige. Ako na lang ang magsisimula."

"Ikaw ang bahala."

"Bakit ako ang wallpaper ng deskstop mo?" sabay senyas ng peace sa pamamagitan ng mga daliri si Ivan.

Tumaas ang kilay ni Mico. "Siguro yun ang iniisip mo kaya hindi ka makatulog no?"

"Ayan na naman siya. Nagsisimula na namang magtaray."

"Ikaw kasi eh. Panakot ko lang naman yun sa daga?"

Natawa si Ivan. "At sino naman ang sosyal na daga ang gumagamit ng laptop? Alibi mo sablay."

Natawa rin si Mico sa ginawa niyang palusot. Alam naman niyang hindi makatotohanan iyon pero iyon ang binigkas ng kanyang bibig. "Oo marami akong sosyal na daga dito." natatawang si Mico.

"Baka naman friend mo rin sila sa facebook?" sabay tawa. "Talaga naman oo."

"Ganoon na nga."

"Talagang pinaninindigan mo ha?"

"Wala ka na run."

"Oops. Nagsisimula ka na namang magtaray. Bakit ba pikunin ka na ngayon?"

"Nagsalita ang kanina lang na pikon." tuya ni Mico.

"Halika na nga dito." Hinila ni Ivan si Mico sa tabi niya. "Nagsorry na nga, ibinabalik mo pa." sabay tawa.

Namula ang mga pisngi ni Mico sa ginawa ni Ivan sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso niya na ikinatatakot niyang maramdaman ni Ivan na ngayo'y magkalapat ang tagiliran nila. "Ikaw kasi ang nagsisimula eh."

"Oo na. Tutulog na talaga ako."

Hindi na talaga makakibo si Mico. Sinulyapan na lang niya ang mga mata ni Ivan kung totoo bang matutulog na nga ito. Nasulyapan niyang nakapikit na nga ito. Huminga siya ng malalim dahil kinakapos siya sa hangin sa sobrang kabog ng kanyang dibdib. Nagsasaya ang puso niya sa ayos niyang katabi ni Ivan. Hindi siya makagalaw parang naninigas ang buong kalamnan niya.


"Ganito pala ang feeling kapag katabi mo na ang mahal mo sa isang higaan. Nahihirapan akong huminga... kinakabahan ako, nahihirapan din akong gumalaw. Pero parang gusto ko pang magsumiksik sa kanya. Ano ba yan...." reklamo niya sa nararamdaman sa bandang huli. Muli niyang sinulyapan si Ivan. Nakapikit pa rin ito. "Tinotoo na nga nito ang pagtulog..." Pinagmasdan niya ang mukha nito.

Mula sa pagkakatingala, iniyuko ni Mico ang mukha nang maramdaman niyang huminga ng malalim si Ivan. Natakot siyang makita ni Ivan na pinagmamasdan niya ang mukha nito. Napatingin siya sa dibdib nito. "Ang sarap sigurong yakapin..." napangiti siya ng lihim at isang malalim na paghinga. Napapansin niya ang pag-alon ng dibdib nito kapag humihinga. Natutuwa siya sa nakikita. "Hindi ko ito inaasahan, akala ko noong una magiging masaya na ako kapag naging magkaibigan kami. Pero... mas gusto ko na ngayon ng mas... haysss, hindi ko maipaliwanag. Basta mahal na kita ng sobra Ivan." kasunod noon ang munting luha na nagmasa sa gilid ng kanyang mga mata.

Muli niyang napansin ang paghinga nito. Pero sa puntong iyon mas malalim ang kanyang napansin. Muli siyang napasulyap sa mukha ni Ivan. Nagulat siya nang makita itong nakadilat at nakatingin sa kanya. Agad siyang nagbaba ng tingin. Hiyang-hiya siya sa pagkakahuli sa kanya ni Ivan.

Pero naramdaman ni Mico na mas dumikit pa si Ivan sa kanya.
-----

Dumilat lang si Ivan para siguraduhing natutulog na si Mico. Pero mukhang tulad niya hindi rin makatulog si Mico. Nahuli pa niyang sumulyap sa kanya. Muling ipinikit ni Ivan ang mga mata.

Kanina pa siya nakapikit, pero ramdam niya na hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Kung aaminin niya lang, nagbabalik tanaw siya sa mga nagdaang mga araw kung kailan nagkaroon ng masasayang sandali siya kasama si, Mico. Kanina pa nga siya nangingiti sa tuwing maaalala ang mga eksenang nakakatuwaan niya si Mico. Nahihiya nga siya na baka mapansin ni Mico bigla-bigla nalang siyang napapangiti habang nakapikit. Kaya madalas ang pagbuntong hininga niya.

Pero kahit hindi pa siya nakakaramdamng antok, alam naman niyang komportable siya habang nakahiga. Hindi tulad dati na kapag hindi siya dalawin ng antok, pabaling-baling siya ng higa. Ngayon, panatag siyang nakahiga habang hinihintay kung kailan makatulog.

Isa pang buntong hininga ang kanyang ginawa. Kanina pa niya kinabig si Mico para mas lalong dumikit sa kanya. Nakakaramdam kasi siya ng magaang na pakiramdam ngayong may katabi siya. Hindi naman siya nilalamig pero mas gusto niyang magkadikit sila ni Mico habang natutulog. Napangiti siya.
-----

"Sandali nahihrapan ako." reklamo ni Mico. "Naiipit kasi ang braso ko." Inayos ni Mico ang sarili.

Medyo dumistansiya naman si Ivan para makagalaw si Mico. Nang makita na niyang hindi na ito gumagalaw, muli siyang tumabi dito. "Mas gusto kong magkatabi na lang tayo matulog."

Napangiti si Mico, kasunod ang napamulahan ng mga pisngi. "Ganoon?" lakas loob niyang sagot. "P-payakap? Ano... padantay lang." nahihiya siya sa sinabi.

"Yun lang pala eh..." sagot ni Ivan.

"Hindi ka natatakot na baka reypin kita?" biro niya.

"Subukan mo. Hanggang yakap ka lang. Hindi ako lasing kaya mararamdaman ko naman ang gagawin mo sa akin." sabay tawa.

Ngumiti na lang si Mico sa sobrang saya. "Sabi mo yan ha?" at ipinatong na nga niya ang braso sa dibdib ni Ivan.

Kapwa sabay na pumukit, sabay na hinihintay ang pansamantalang paglisan ng kamalayan, sabay na dinadama ang bawat paghinga, at sa hindi namamalayang sabay... sa pagtibok sa may dibdib.

"Hay... mahabang gabi."


"Mmm... ang haba ng gabi..." ngiti.


[19]
Tanghali na ng magising si Mico. Nagulat pa siya nang magdilat. Naalala niyang kasama magkasama pala sila ni Ivan matulog. Kaya agad hinagilap ng mga mata niya ang naging katabi sa pagtulog. Ngunit naging malungkot ang mga mata niya ng walang matagpuang Ivan sa tabi niya.

"Naunang nagising. Iniwanan ako. Hindi nagpaalam. Hmpt." himutok niya nang hindi makita si Ivan. "Makatayo na nga." tatayo sana siya kaya lang nakaramdam siya ng pamimigat ng katawan. Binalik din siya ng kanyang bigat sa higaan. Saka niya lang nalaman na namimigat pa rin ang kanyang mga mata. "Waaaa." hikab niya. "Inaantok pa ako. Sige na nga maya-maya na lang ako babangon."

Sa muling pagpikit, doon niya naumpisahan alalahanin ang nagdaang gabi, na kasama ang taong lubusan na niyang minamahal. Kasabay, ang ngiting hindi mapatid.
-----

Samantala, tulog na tulog pa rin si Ivan. Nahiya kasi siyang magpatanghali sa kabila, kala Mico. Kaya't ng magmulat ang mata, pinilit niyang tumayo para umuwi at ipagpatuloy ang naudlot na pagtulog. Hindi na niya nagawang gisingin pa si Mico dahil alam niya, katulad niya, tatanghaliin talaga silang magising. Dahil ang gabing nagdaan ay talaga namang napakahaba para sa kanila.

Kaya heto siya ngayon, tulog na tulog. Yakap-yakap ang unan habang nakadapa. Mayroon ding unan sa pagitan ng dalawang hita, tandayan.
-----

"Ang sakit- sakit naman ng ulo ko." reklamo ni Mico habang bumababa sa hagdanan. Nagbulalas din siya ng pag-iyak.

 "Baka madulas ka pa nyan?"

Nagulat si Mico. Sinundan niya agad ng tingin ang nagsalita. "Ang aga namang nandito ka?" gulat na naibulalas ni Mico nang makita si Ivan na nakupo sa sofa.

"Anong maaga? Tanghali na kaya." Pagkatapos ay tumingin si Ivan sa wall clock.

Napatingin rin si Mico. "Oo nga ano." sang-ayon niya. "Pero bakit ka narito?"

"Di ba sabi ko hindi ako aalis hanggat hindi mo tinatanggap ang sorry ko."

 Napaisip si Mico. "Di ba... Ok na tayokagabi?"

"Ganoon ba? Para kasing hindi ako kumbinsido?" natawa si Ivan.

"Ikaw pa ang hindi kumbinsido ha?" tumabi si Mico sa tabi ni Ivan. "Oo nga pintawad na kita. Ang ganda ko naman, hinahabol ako ng sorry." natutuwa ang kalooban niya.

"Naninigurado lang naman ako."

"Ok." napatingin si Mico sa suot ni Ivan. Napansin niyang bago na iyon. "Nagising ako kanina, wala ka na pala. Natulog na uli ako. Nakaligo ka na pala." sabay tingin sa buhok na halatang nabasa. Tatayo siya para maligo. "Ligo muna ako. Nakakahiya sa bagong ligo."

Hinila ni Ivan si Mico kaya muling napaupo sa sofa. "Dito ka muna. Hindi naman ako maarte, kahit na nangangamoy ka na." siryosong salita ni Ivan.

Nanlaki ang mga mata ni Mico sabay amoy sa sarili. Narinig niya ang malakas na tawa ni Ivan sa reaksyon niya. "Ang kapal ng mukhamo ha? Wala akong amoy."

"Binibiro ka lang. Sige na bilisan mo para kain na tayo."

Tumayo na si Mico kasabay ang isang irap niya kay Ivan. "Sandali, pinuntahan mo lang ako dito para sabay tayong kumain?" sa loob loob niya nagagalak ang puso niya.

"Mali. Naamoy ko lang kasi luto ng yaya mo kaya nasabi ko yun. Dito ako makikikain." nakita ni Ivan na tumaas ang kilay ni Mico. "Bakit? Naangal ka?"

"Hindi no. Hmpt. Akala ko pa man din... Nakakainis."
-----

"Gusto ko lang magpaalam, kaya ako narito."

"Bakit naman? Saan ba ang punta mo?"

"Babalik na kasi ako ng Manila. Nandoon kasi ang trabaho ko."

"Pero Rico, tingin mo ba makakadalaw ka uli dito? Mami-miss kita."

"Oo naman, kaya lang baka matagalan pa. Kaya... " natawa muna si Rico. "gusto ko na ring magpasalamat. Sa mga... sa pagkakaibigan natin."

"Naku! Ako nga dapat ang na magpasalamat kasi, kahit na ganito ako... alam mo na." sabay tawa ng malumanay. "Ginawa mo pa rin akong isa sa mga kaibigan mo."

"Siyempre naman, mabait ka kasing tao."

"Sabi mo yan ah, mabait ako." huminga muna si Mico ng malalim dahil nakakaramdam siya ng lungkot. "Aalis ka na. Mababawasan na ang mga kaibigan ko dito." ipinakita ni Mico ang lungkot sa kanyang mukha.

Natawa si Rico. "Huwag namang ganyan. Haha."

"Hindi biro lang. Pero totoong malulungkot ako ha?"

"Yan ang isa sa mga nagustuhan ko sayo. Makulit. Nakakatuwa."

"Wow naman... Ok dahil aalis ka na, kailangan dito ka kumain ng dinner. Ok ba yun?"

"H-ha? Dinner?" Tumingin si Rico sa wall clock. "Mmm sige maaga pa naman kaya, uuwi muna ako para makapagpaalam at tapos babalik ako."

"Sige. Basta babalik ka agad ha?"

"Sure. Tingin mo mga anong oras?"

"Basta, Mmm..." nagisip habang nakatingin sa wall clock si Mico. "Around 6 nandito ka na."

"Ok. Pupunta ako."

Pagkatapos noon ay nagpaalam na si Rico.
-----

"Bakit hindi ka na pumunta sa bahay?" si Ivan.

"Wala lang."

Nagsalubong ang kilay ni Ivan. "Wala lang." inulit niya ang sinabi ni Mico na may panguuyam. "Siguro may kausap ka na naman ano?"

"Hindi naman. Pero dumating dito si Rico kanina."

"Nanaman?" parang gustong umusok ang ilong ni Ivan.

"Nagpapaalam." paliwanag agad ni Mico nang mapansing naglalakihan ang butas ng ilong ni Ivan. "Nagseselos ka ba? Aba pabor yun." tuwirang tanong ni Mico.

Binato ni Ivan si Mico ng unan. "Never. Nagtataka lang ako dahil parang araw-araw na siyang pumupunta dito. Suitor?" paliwanag o alibi ni Ivan.

"Suitor? Ewan ko sayo." sabay irap kay Ivan. "Ay oo nga pala. Babalik dito si Rico ka-"

"Ano?" pasigaw na naibulalas ni Ivan nang marinig ang pangalan ni Rico.

"Problema mo? Niyaya ko kasi si Rico na dito mag-dinner."

"Bakit mo pa ginawa yun?"

"Ano naman? Ikaw talaga nahihirapan na akong intindihan yang gusto mo."

Bumuntong hininga na lang si Ivan. "Bahala ka na nga." tumahimik sya saglit. "Dito rin ako kakain. Bakit may angal?"

"Wa... la...."
-----

Halos hindi nag-iimikan ang lahat sa harapan ng hapag-kainan. Hindi inaasahan ni Rico na naroon din pala si Ivan. Pero kahit ganoon OK lang sa kanya. Wala naman siyang ginagawang hindi maganda kaya para saan kung matatakot siya. May naisip siyang idea. Hangad niya lang na hindi makasama sa pagkakaibigan nila ni Mico. At umaasa siyang makakatulong pa bago siya umalis. Lihim na lang siyang napa-ngiti.

"Mico." tawag atensyon ni Rico kay Mico. "Ikaw ba ang nagluto nito? Ang sarap kasi."

"Talaga?" natuwa si Mico sa narinig mula kay Rico. "Pero, mali ka. Kasi si aling Saneng ang nagluto niyan."

"Ah ganoon ba? Baka mahalikan ko si Aling Saneng kung ganoon. Kung hindi ako makakapag-pigil." sabay tawa ni Rico.

"Balak pa palang halikan nito si Mico." kanina pa gustong umusok ng bumbunan ni Ivan na tahimik katabi ni Mico. Matamang nakikinig sa dalawa.

"Ah... e di ibig sabihin kung ako ang nagluto nyan ... ako ang mahahalikan mo?" at kunyari na kinilig si Mico.

"Mangisay ka pa. Naniwala ka naman?" as usual si Ivan.

"Hindi. Hindi ko naman gagawin yun."

"Dapat lang..."


"Ay sayang." pagbibiro ni Mico.

"Talaga naman." sa pagkakataong iyon naitusok ni Ivan ng madiin ang tinidor sa isang piraso ng karne na naging sanhi ng pagtunog ng plato. Agaw pansin.

Napatingin si Mico at Rico kay Ivan.

Biglang tawa ni Ivan. "Ang kunat kasi ng napunta sakin... Kaya napadiin ang tusok ko ng tinidor HE he." alibi.

Nagkatinginan na lang sina Mico at Rico.

Si Rico ang unang pumiyok. "Buti na lang at husto sa luto ang sa akin."

Nagtiim bagang si Ivan ng lihim. Parang hindi na niya nalalasahan ang kinakain dahil ang atensyon ay nasa paguusap ng dalawa.

Natawa si Mico. "Buti na lang nasaktuhan mo."

"Ang ibig sabihin, malas ko lang na napunta sa akin ang makunat na karne?" si Ivan.

"Mico, hindi ko talaga makakalimutan ito." masayang pahayag ni Rico.

"Talaga?"

"Magsawa ka na kasi mawawala ka na."


"Kaya nga pipilitin kong maka-dalaw kaagad."

Nahulog ang kutsara. "Sorry." hingi ng paumanhin ni Ivan. Pero sa totoo lang sinadya ni Ivan na ihulog ang kutsara. "Kasasabi ko lang na mawawala na... may balak pa talagang bumalik? Badtrip."


Napangiti na lang si Mico kay Rico. Tumango naman si Rico kay Mico na nagpapahiwatig na ok lang ang mga nangyayari.
-----

Hindi lang natapos ang gabi sa harap ng hapag-kainan. Nagkwentuhan pa sila. Lihim naman ang paghihimutok ni Ivan. Kung kaya niya lang na magsalita ng tama na ang kwentuahan at magsi-uwian na, kanina pa siguro niya ginawa. Para nga siyang bantay sa dalawa habang siya ay nakatutok sa t.v.

"Mico, gabi na. Kailangan ko na sigurong umuwi." pahiwatig ni Rico.

"Buti naman at nahalata mo rin."


"Ay..." na-sad si Mico. "Ganun ba?"

"Oo. Maaga pa kasi ang alis ko bukas. Sana maunawaan mo?"

"Sobrang nauunawaan ko. Sige na... alis na. ang dami pagn sinasabi."


"Oo naman. Sige ihahatid na kita."

"Sige salamat." tumayo na si Rico.

Tumayo na rin si Mico para samahan si Rico sa paglabas. Hindi naman agad tumayo si Ivan.

Nang  nasa harapan na sila ng gate palabas, tumigil saglit si Rico. Nang mahulaang padating na si Ivan saka siya muling naglakad.

"Rico." sigaw ni Mico nang makitang muntikang madulas si Rico. Agad naman ang saklolo niya at kanyang inalalayan.

Para silang nagyakapan nang makita ni Ivan. Biglang naningkit ang mga ni Ivan. Hindi niya nagugustuhan ang nakikita. Lalo na nang makita niya ang kamay ni Rico sa bandang pang-upo ni Mico.

Agad na lumapit ang galit na galit na si Ivan. "Bitawan mo nga si Mico." asik niya. Inalis niya ang kamay ni Rico sa katawan ni Mico. Pagkatapos ay tinulak niya ito. Hindi niya nakitaan ng pagkagulat si Rico sa ginawa niya. Si Mico ang narinig niyang nagbulalas ng pagkagulat sa ginawa niya.

"Anong problema mo ba pare?" malumanay na tanong ni Rico.

"Bakit ba kasi Ivan?" si Mico na naguguluhan.

Hindi pinansin ni Ivan si Mico. "Nagtatanong ka pa? Kung hindi ko pa napansin, sinasadya mong madulas para maka-score ka kay Mico."

"A-ah ano ba yang pinagsasabi mo Ivan?" nagulantang si Mico. Napatingin din siya kay Rico.

"Kung gusto mo ng kayakap, maghanap ka ng iba. Hindi si Mico ang babastusin mo?"

"Hindi ko alam Ivan ang sinasabi mo?" maang ni Rico. "Wala akong balak na bastusin si Mico. Magkaibigan kami." malumanay pa rin si Rico.

"Yun na nga eh. Sinasamantala mo." pagkatapos ay sinundan pa ni Ivan ng mura.

"Ivan!" sigaw ni Mico. "Sumusobra ka na ah."

Tinignan ni Ivan si Mico ng nagtatanong na bakit kinakampihan pa niya si Rico.

"Walang intensyong ganoon si Rico." paliwanag ni Mico kay Ivan. "Nadulas lang siya kaya mali ang nakita mo."

"Ah mali lang ang nakita ko? Ganun?"

"Ang ibig kong sabihin mali lang ang akala mo. Nagkataon lang siguro na doon ako na- nahawakan ni Rico."

"Tama ang sinasabi ni Mico Ivan." singit ni Rico.

"Huwag kang makialam hindi ka kinakausap." at lumapit si Ivan kay Rico.

Napasigaw si Mico nang sapakin ni Ivan si Rico. Kitang-kita ni Mico ang pagtama ng kamao ni Ivan sa labi ni Rico. Natulala siya kasunod.

Napabalandra si Rico sa gate. Buti na lang at nasa bandang gate na siya at nasalo siya noon kaya hindi siya tuluyang lumagpak sa lupa. "Ang laki ng problema mo, pare." nasapo ni Rico ang labi niya. Napansin niyang nagdurugo iyon.

Akala ni Ivan na susugurin din siya ni Rico. Pero mali ang inakala niya. Nanatili lang ito sa pwesto nito. Nagtataka siya kung bakit parang walang intensyong gumanti si Rico sa kanya. Gayong mas malaki na di hamak si Rico kaysa sa kanya. Bahagya nga rin siyang nagulat sa ginawa niyang pagsapak kay Rico.

Saka lang naka-galaw si Mico sa pagkakatulala. "Rico." pinuntahan niya si Rico.

"Ok lang Mico." pagkatapos ay tinuon ang sarili kay Ivan. "Magkalinawan nga tayo? Ano ba ang tingin mo sa akin? Masamang tao kay Mico?" sunod-sunod niyang tanong kay Ivan.

HIndi nakapagsalita si Ivan. Dahil mas natutuon ang pansin niya sa pagaasikaso ni Mico kay Rico.

"Noong isang araw ka pa eh. Ano mo ba si Mico para magpakita ka ng ganyang pag-uugali mo? Mag-syota ba kayo ni Mico? Hindi naman di ba?"

Lalong nag-init si Ivan sa mga binitawang salita ni Rico. Lalapit sana siya para muli itong sapakin. Ngunit nakita niyang maagap si Mico.

"Ivan!" sigaw ni Mico kay Ivan.

"Hindi naman di ba? So wala kang pakialam kung nililigawan ko si Mico."

Hindi lang si Ivan ang nagulat sa sinabi ni Rico. Pati si Mico ay napatingin kay Rico. "A-anong sabi mo?" nauutal na tanong ni Mico kay Rico.

Pero hindi pinansin ni Rico si Mico. Muli itong nagsalita kay Ivan. "Ano? Ano bang pakialam mo kung nililigawan ko si Mico?"

Hindi na nakapag-salita si Ivan.

"Bakit mo sinasabi yang ganyan Rico?" nagtatanong ang mga mata ni Mico kay Rico. Lihim siyang kinidatan ni Rico. Hindi niya maintindihan ang gusto nitong ipahiwatig. Hindi na siya nakapagsalita.

"Sige Mico aalis na ako." paalam ni Rico. "Ok lang ako. Huwag kang mag-aalala."

Hindi na nakapagsalita si Mico hanggang sa makaalis na ng tuluyan si Rico.
-----

"So ibig sabihin pala talagang nililigawan ka ni Rico?" nagtitiim bagang na tanong ni Ivan kay Mico nang silang dalawa na lang ang natira.

Hindi pinansin ni Mico ang tanong ni Ivan. Binalewala niya ito at pumasok sa loob ng bahay.

Sumunod si Ivan. "Tinatanong kita." habol niya.

"Wala kang pakialam." sigaw ni Mico. "Tama si Rico. Ano ba kasing problema mo?" naiiyak na si Mico. "Wala ba akong karapatang magkaroon ng ibang kaibigan? Ha?"

"Hindi kaibigan ang tingin niya sayo. Kakasabi niya lang."

"Eh ano naman ang pakialam mo?" tuluyan ng napaiyak si Mico sa sobrang sama ng loob kay Ivan. "Hindi ko talaga maintindihan ang gusto mong manyari." tumalikod siya kay Ivan at tinungo niya ang sofa at umupo. Napasulyap siya kay Ivan na nagtungo sa may pintuan. Ang akala niya ay aalis na ito. Hindi pala. "Ano Ivan. Magsosorry ka na naman? Ganoon na naman?" Naka-rinig si Mico ng tunog na nagmula sa pader kung saan nakatayo si Ivan.

Nasuntok ni Ivan ang pader. Saka umalis.


[20]
Namamaga ang mga mata ni Mico nang gumising ng umaga. Nahihilo pa siya nang bumababa sa hagdan. "Parang kahapon lang, bumababa ko rito tapos naghihintay sa akin si Ivan sa baba. Ngayon, bumababa akong nagdaramdam."


Sa sofa siya dinala ng kanyang mga paa. Pasalampak na umupo. "Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ang nangyari kagabi." bumuntong hininga siya. Saka niya naalala ni Vani. "Si Vani nga pala?" Hinanap niya ang kanyang alagang aso.

Nakita niya ito sa isang sulok. "Vani." tawag niya sa alaga. "Hindi ka na iniintindi ni Mico noh? Sorry na po." pagkatapos ay hinalikan niya ito sa batok. "Ang baho mo na Vani. Papaliguan na kita." Inilabas niya ang alaga para paliguan.

Nasa labas na sila ng alaga. Natigilan siya ng maalala ang nangyari kagabi.


"Kung gusto mo ng kayakap, maghanap ka ng iba. Hindi si Mico ang babastusin mo?" naalala ni Mico kung paano naging concern sa kanya si Ivan. Napangiti siya ngunit agad ding napalis dahil hindi pa rin tama ang inasal niya sa bisita niyang si Rico.

Lalo na nang maalala niya kung paano sinapak ni Ivan si Rico. Napangiwi nalang siya at napa-tingin sa bahay nila Ivan. "Mukhang tahimik. Parang walang tao. Gusto pa ba akong kausapin ni Ivan? Bakit ba siya nagkakaganun?" napabuntong hininga siya. "Pinoprotektahan lang niya ako kasi... imposibleng mahalin niya ako." nangilid ang luha sa kanyang mga mata.

Saka naman niya naalala ang sinabi ni Rico kagabi. "So wala kang pakialam kung nililigawan ko si Mico."   napabuntong hininga siya. "Si Rico may gusto sa akin? Parang ayaw ko yatang paniwalaan. Ano ba talaga kais ang ibig sabihin niya? Bakit pa siya nagpahiwatig sa akin at huwag akong mag-alala?"


Iniwas na niya ang tingin sa bahay ni Ivan. Pinagtuunan niya ng pansin si Vani. Kahit ang totoo hindi mawala sa isip niya si Ivan. "Ang dami na palang bago sa amin ni Ivan. Hayyy..."
-----

Kanina pa tulala si Ivan habang nakahiga sa kama. Nakatingin lang siya sa kanyang kisame habang inisip ang nangyari kagabi. Para siyang lasing kagabi na ngayong matino na siya saka niya lang naiisip ang mga maling nagawa. Sising-sisi siya at nahihiya kay Rico lalo na kay Mico.

Napapa-buntong hininga siya kapag naaalalang kailangan na naman niyang humingi ng sorry kay Mico. Ayaw na niyang gawin iyon hindi dahil ayaw na niyang makipagbati. Wala lang siyang mukhang maihaharap kay Mico.

Pero namimis na niya si Mico, ang totoo. "Ano ba itong nararamdaman ko?" napapikit siya. Saka nakapa niya ang kanyang dibdib kung saan mayroong tumitibok. "Imposible, lalaki si Mico. Paano mali lang ako sa naiisip ko."   hindi niya gusto ang nabuo sa kanyang isip kaya napada siya sa kama pagkatapos ay tinabunan ng unan ang ulo. Nagbabaka sakaling maiiwasang maisip si Mico.

"Waaaaaaaaa....." sigaw niya.

"Oh bakit ka sumisigaw?" si Divina na pumasok sa kwarto ni Ivan.

"Ma?" gulat ni Ivan.

"Oh bakit? Nananaginip ka ba?"

"Ah hindi po. Hindi lang po kasi ako makatulog."

"Ibig sabihin bumangon ka na."

"Ayoko pa ma." reklamo ni ivan.

"Sige na bumangon ka na. May ipapagawa ako sayo."

"So nagluto po kayo?"

"Ano pa nga ba?"

"Ok."
-----

Mas hinahanap ng panlasa ni Ivan ang luto ni Mico. Tinignan pa lang niya ang spaghetti na luto ng ina, pangalan na agad ni Mico ang nakikita niya. Pinapalagay na nga lang niyang gawa iyon ni Mico. Binilisan na lang niya ang pagkain ng spaghetti. Pagkatapos ay gagawin niya ang iuutos ng ina. Ibubuhos niya ang buong atensyon at para abalahin ang sarili doon para mawala sa kanyang isipan si Mico.

"Ano ba yan Ivan." si Divina. "Mali yan. Ang nasa likod ang dapat ang nasa harap."

Nagpapalit kasi sila ng kurtina. Mataas kasi ang bintana nila kaya si Ivan ang pinagagawa.

"Ganoon ba ma?"

"Kanina ka pa. Pang-apat na yan. Hindi mo parin natatandaan ang harap at likod."

"Sorry ma." buntong hininga.
-----

"Mico." tawag ni Saneng kay Mico pero hindi nito narinig. "Mico..." medyo hinabaan niya ang pagtawag.

"Ah bakit?" biglang sagot ni Mico.

"Kanina pa nagriring ang telepono kasi. Akala k naririnig mo. Ano ba namang bata ito, tulala na dahil sa pag-ibig."

"Ano pong sabi niyo?" hindi kasi masyadong naintindihan ni Mico ang sinabi ng kasambahay.

"Wala naman. Ang teleppono kako."

"Ok." sagot nalang niya. Agad-agad niyang kinuha ang awditibong telepono. "Hello?"

"Anak si Mama m ito. Kamusta  ka na?" si Laila sa kabilang linya.

"Ma?" nagulat pang sagot ni Mico.

"O bakit parang nagulat ka pa? Saka bakit ang tagal mong sagutin?"

"A-ah kasi po nasa taas po ako kabababa ko lang."

"Eh si Saneng?"

"May binili po." pagsisinungaling niya.

"Ah ganun ba? Tumawag lang ako para kamustahin ka. Sigurado ka ba sa desisyon mong yan na hindi muna pumasok ngayong taon?"

"Opo Ma."

"Basta tandaan mo Mico, ipapagtuloy mo yan. Sa susunod na taon hindi na pwede ang kahit anong alibi ha?"

"Opo Ma. Salamat po." napangiti siya. "Wait Ma. Kamusta pala kayo ni Dad?"

"Ok na kami. Pero hindi na namin napagusapan pa ang nangyari. Huwag kang mag-alala, Mico."

"Dont worry Ma. Ok lang sa akin."

"Sige na. Mag-ingat kayo diyan. Kamusta mo nalang pala ako kay Tita Divina mo."

"Opo Ma. Ikaw rin po ingat din."
-----

"Last day na." malungkot na nasabi ni Ivan sa kawalan.

Bukas balik pag-aaral na si Ivan sa unibersidad na pinapasukan niya par asa kanyang huling taon. Tumakbo ang halos dalawang linggo pero wala parin silang pansinan ni Mico. Paano nga ba sila magpapansinan, hindi nga sila nagtatagpo. Alam niyang nagpupunta pa rin si Mico sa bahay nila gaya ng sabi ng Mama niya pero tinataon nitong wala siya.

Minsan nakita niya si Mico pero palabas na ito ng bahay. Hind naman niya magawang tawagin dahil alam niyang galit ito sa kanya. Minsan sinabi niya sa ina yayaing sumabay si Mico sa kanila pero nalaman niyang todo tanggi si Mico. Nabuo na lang sa kanyang isip na wala talagang balak makipagbati sa kanya si Mico.

"Pero siya ba dapat ang lumapit sa akin para maging maayos muli kami? Ako ang may kasalanan di ba?" tanong niya sa kanyang sarili.

Nami-miss na niya si Mico, ang totoo. Kaya niyang aminin iyon pero ang hindi niya matanggap ay ang mas malalim pa roon. Pilit niyang itinatago ang sarili sa di katotohang nararamdaman niya. Sumilip siya sa bintana nila para tanawin kung may Mico ba siyang matatanaw sa bakuran ng bahay nila.

"Wala na naman. Natitiis talaga ako ni Mico." Pagkatapos ay hinila niya ang kurtina ng bintana para masarahan iyon. Ayaw na niyang sumilip, dahil nakakaramdam lang siya ng kirot sa dibdib kapag wala siyang Micong natatanaw.
-----

"Maghapong nakahiga. Tatayo lang kapag kakain. Ano ba naman yan Mico." bulyaw niya sa sarili. Tumayo siya at kinuha ang kanyang laptop. Nang mabuksan ay tipid na ngumiti nang makita ang larawan ni Ivan. Naisipan na lang niyang muling tignan ang mga iba pang pictures ni Ivan.

"Tama, hndi ko pala natatapos tignan lahat. Ayun na lang ang gagawin ko." saka siya maluwang na nangiti.

Pero tulad ng dati, napapangiwi siya nang may nakikitang ibang tao na kasama ni Ivan sa picture. Naiinis siya. Nagseselos. "Lalo ka nang babae ka. Ang higpit ng yakap mo sa Ivan ko Hmpt... Kapag nakita kita, kakalbuhin kita." sabay tawa. Natawa siya sa nangdinuro-duro niya ang babaeng nasa picture. "Ikaw din, isa ka pa. Halata namang... Bad words Mico." saway din niya sa sarili niya. "Basta tandaan niyo... kayong lahat. A KIN LANG SI I VAN KO."

Pagkatapos ay siryoso na niyang sinilip ang iba pang mga kuha.
-----

Bumaba si Mico bandang hapon, gusto niyang magmeryenda. Hinanap niya si Saneng sa kusina pero hindi niya ito nakita. Sinilip niya sa silid  nito at nakita niyang nagpapahinga ito. Hindi na niya inabala pa. Muli na lang siyang bumalik sa kusina mag-prepare ng makakain.

Naghanap siya ng stocks na maari niyang iprepare pero parang wala siyang gana sa mga nakikita niya. Inuna na lang niya ang paggawa ng juice. Nagtimpla siya pagkatapos ay sinilip ang drawer kung saan may nakaimbak na snacks. Nakakita ng isang pack ng cheese curls at iyon ang dinampot niya.

Ngunguya-nguya siya sa harapan ng t.v. Nanonood siya ng panghapong telenovela. Naramdaman niyang nadadala siya sa mga eksena kaya parang gusto niyang maiyak din tulad ng bidang umiiyak sa eksena.

Naubos na ang kanyang kinakain pero hindi pa tapos ang pinapanood niya. Binalak niyang kumuha uli ng mangugnuya. Saka niya napansin ang isang bulto ng basura sa isang gilid. Naisipan niyang ilabas na iyon dahil pangit sa paningin niya. Imbes na kumuha ng makakain, inuna muna niyang ilabas ang basura.

Hila-hila niya ang basura sa labas. Hingal pa nga siya nang maipasok na iyon sa isang garbage box sa harap ng bahay nila. Napatingin siya sa langit nang maramdaman sa kanyang braso ang ambom. "Parang uulan ng malakas." nasabi ni Mico.

"Mico."

Napatingin siya sa kanyang likuran dahil tinawag ang kanyang pangalan. Nalingunan niya si Tita Divina na nasa  gate. Ngumiti siya.

"Mico." muling tawag ni Divina. "Halika dali."

Lumapit naman siya. "Bakit po?" masaya niyang tanong.

"Pasok ka muna." yaya ni Divina.

"P-po?" bigla siyang natigilan.

"Sige na. Wala ka namang ginagawa eh." sabay tawa ni Divina. "Lagi ka na lang busy kaya hindi pwedeng hihindian mo ako ngayon."

Natawa siya. "Kasi tita naiwanan ko pong bukas ang t.v."

"alibi mo Mico, gasgas na." natatawang biro ni Divina. "Halika na."

Hindi naman na-offend si Mico sa sinabi ni Tita Divina kahit totoo namang naiwanan niyang bukas ang t.v. Pati nga ang basong gamit sa kanina ay nasa lamesa pa at hindi pa ubos. Napilitan na rin siyang sumang-ayon.
-----

"Gusto ko naman makapagkwentuhan tayo. Aba, tagal mo nang hindi tumitigil dito ah." may halong kalungkutan ang tono ng pananalita ni Divina.

"Sorry po Tita."

"May tampuhan siguro kayo ni Ivan?" tanong ni Divina.

"Ay wala po tita." ngumit siya. Pinilit niyang ipakitang walang problema.

"Sigurado ka ha? Ok... dito ka na muna. Hihintayin mo hanggang sa maghapunan. Tapos saka ka na pwedeng umuwi."

"P-po?" kinabahan si Mico dahil maaring magkaharap sila ni Ivan.

"Oo. Gusto ko kasi, makita kita ng matagal. Na-miss talaga kitang bata ka."

Natawa siyang pilit sa sinabi ni tita Divina. "O-ok po." pero sa loob-loob niya. "Patay. Umiiwas nga ako kay Ivan eh. Bahala na nga."


"Huwag kang mag-alala, nagluluto na naman ako. Maya-maya kakain na tayo."

"Sige po. Susunod din pala po ako sa inyo sa kusina."

"Sige doon ka para doon tayo magkwentuhan."

At silay nagtungo sa kusina.
-----

"Ma."

Narinig ni Mico ang tawag ni Ivan kay Tita Divina. Napatayo siya sa pagkakaupo. Nakatalikod si Tita Divina kaya hindi halatang nag-papanic si Mico. "Tita, sa c.r. lang muna po ako."

"Ha? ah, cge."

"Bilis tago, Mico" agad siyang tumakbo sa loob ng c.r. kusina. Nang makapasok ay halos mnarinig niyang nag-eecho ang kabog ng kanyang dibdib sa kaba. Saka niya idinikit ang tenga sa nakasaradong pinto.
-----

"Ma. Nakita mo ba yung dati kong gamit na bag?"

"Oo. Nilabahan ko kasi. Alam kong iyon ang gagamitin mo sa pagpasok kay nilabahan ko muna."

"Akala ko nawala na. Kanina pa ako naghahanap hindi ko makita."

Natawa si Divina.

"Anong ulam?" tanong ni IVan.

"Adobong manok."

"Tamisan mo Ma ha?"

"Gusto ba ni Mico ang manamis-namis?" natanong ni Divina.

"Bakit niyo naman natanong?"

"Dito rin kasi siya kakain."

Nanlaki ang mata ni Ivan. Saka nagsalita ng mahina halos pabulong na nga. "Asan siya?"

Natigilan naman si Divina sa ginawa ng anak. Saka isinenyas na nasa c.r. nang ma-gets ang ibig sabihin ni Ivan. Nakita ni Divina ang luwang nang pagkakangiti ni Ivan ng malaman nitong naroon si Mico sa c.r. Naramdaman niyang nagkaroon na naman ng tampuhan ang dalawa. May naisip siyang gawin. "Paluto na itong niluluto ko kaya ikaw na Ivan ang magbantay."

"Ma?" magrereklamo sana si Ivan dahil malay niya sa pagluluto. Pero pinandilatan siya ng ina. "Ok po."

Lumapit si Divina sa tapat ng c.r. "Mico, aakyat lang ako. Paluto na ang niluluto ko kaya paglabas mo patayin mo na lang ha? Alam ko naririnig mo ko." pagkatapos ay tumingin kay Ivan. "Ivan halika na, kunin na natin ang gagamitin mong bag." pero si Divina lang ang umalis.

Na-gets ni Ivan ang nasa-isip ng ina. Napapakamot na lang siya sa ulo.
-----


Paano sisimulan nina Mico at Ivan ang bagong kabanata ng kanilang kwento?
Muli bang magbabalik ang masasaya't nakakakilig nilang nakaraan?
O magpapatuloy lang ang nasimulan na nilang tampuhan?

Paano makaka-apekto sa kanilang dalawa ang mga parating na mga tauhan sa kwento?
Maiintindihan pa kaya ni Ivan ang kanyang hindi maipaliwanag na nararamdaman?
At may posibilidad nga bang mangyari ang nais ni Micong pag-ibig sa katauhan ni Ivan?

Pag-ibig na ba kaya ito?

No comments:

Post a Comment