Friday, January 11, 2013

Breaking Boundaries (11-15)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[11]
Ramdam ko parin ang paglatay ng kamay ni Jana sa aking kaliwang pisngi at ang bahagyang pagkabingi ng kaliwang tenga ko nang dumating si Jepoy galing sa tindahan ng sigarilyo. Nakayuko ako, pilit na iniiwas ang aking tingin sa matatalim na tingin ni Jana. Umupo muli si Jepoy sa tabi ni Jana. Humarap dito ang huli.




“Hiwalay na tayo.” malamig na sabi ni Jana kay Jepoy, napaangat ako ng tingin at nagulat naman si Jepoy sa sinabing iyon ni Jana.



“Nakita ko kayong naghahalikan nung isang araw ni Maki sa harap ng bahay nila, nakasakay ako sa tricycle, nagmamadali ako dahil sa tumawag si Tita, pero hindi naman malungkot na Maki ang nakita ko. mukha ka pa ngang masaya eh!” paling sakin ni Jana nang sabihin nito ang pangalan ko.



“Jana.” tawag ni Jepoy.



“Umuwi na tayo at sa oras na makauwi na tayo sa kaniya kaniyang bahay, utang na loob, wag na kayong magpapakita sakin!” sigaw ni Jana.



0000ooo0000



Mabilis ang patakbo ni Jepoy pauwi, wala paring kibuan. Ngayon, wala ng radyo para magpaingay sa loob ng kotse.



“Jepoy, dahan dahan lang.” bulalas ko, dahil pansin kong nakahawak narin si Jana sa handle na nakasabit sa kisame ng sasakyan.



“Jepoy! Ano ba?!” sigaw ni Jana. Bakas ang takot sa kaniyang boses, nagbuntong hininga si Jepoy at binagalan ang pagpapatakbo, malapit na kami sa may intersection malapit sa airport ng magpula ang traffic light biglang may sumulpot na malaking truck sa kanang bahagi ng kotse, tila nawalan ng control ang nagmamaneho nito, dahil hindi ito tumitigil sa kabila ng red light. Dahil naman sa gulat ay napabusina si Jepoy at kinabig ang manibela paiwas sa nawalan ng control na truck.



Nakita ko pang bumunggo ang truck sa kasalubong nitong patawid ng intersection, nakita ko rin kung pano umikot ng ilang beses ang kotse na nabangga ng nawalan ng control na truck at narinig ko ang malalakas na busina at hiyawan ng mga pedestrian. Nang ibalik ko ang pansin sa aking unahan ay nun ko lang napansin na nasa kabilang linya na pala kami, huli na ng mapansin ni Jepoy ang kotseng mabilis na sumasalubong samin. Nakakabinging busina, sigaw ni Jana at maliwanag na ilaw ang aking nakita mula sa kasalubong naming kotse ang mga huli kong narinig at nakita matapos akong mawalan ng malay.




0000ooo0000



Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, mahapdi ang mga ito, tila ba may maliliit na kutsilyo na bumabaon sa aking mga mata, nakaramdam ako ng pananakit ng likod at paa, naririnig ko ang pagsigaw ng tulong ni Jana, wala akong makita, nanlalabo ang aking mga mata at may mga mainit na luha na pumapatak mula dito. Inabot ko ang balikat ni Jana na naaninag kong isang dangkal lang ang layo mula sa aking mukha.



“Oh my God! Maki! Nagdudugo mga mata mo!” sigaw ni Jana, nagpapanic na ito. Di ko ito masyadong napansin dahil abala ako sa pagaalala sa kanilang dalawa ni Jepoy.



“Jepoy! Wake up, please! Jepoy!! Maki's hurt, Jepoy, he needs us.” sigaw nito kay Jepoy. Malabo parin ang aking paningin pero rinig ko ang pagpapanic ni Jana sa kaniyang boses.



“J-jana? Ok lang kayo? Oh shit!” sigaw ni Jepoy.



“Tulungan mo si Maki, ilabas mo na siya ng sasakyan! Bilis!” sigaw ni Jana.



“Pano ikaw?” tanong ni Jepoy.



“Naipit lang yung paa ko, pero mukhang di naman bali, kaya ko na ito, ilabas mo na si Maki at humingi ng tulong mas kailangan niya ng maisugod agad sa ospital! Maki, you'll be ok, honey.” paniniguro ni Jana sakin.



Naramdaman ko ang paghaplos ng kamay ni Jana sa aking mukha at ang paghila ni Jepoy sa akin palabas ng sasakyan, naririnig ko na ang mga bumbero at ambulansya. Di ako makapagsalita, malabo parin ang paningin ko at masakit parin ang aking kaliwang paa.




“Babalik ako Jana.” sabi ni Jepoy. Bahagya ko munang isinara ang aking mga mata pero parang lalong dumami ang maliliit na kutsiyo na humihiwa sa aking mga mata, napasigaw ako sa sobrang sakit at dahan dahan kong iginawi ang aking mga kamay sa aking mga mata, dun ko nakapa ang nagdudulot ng hapdi sa aking mga mata.



Bubog. Maraming bubog. Napasigaw ulit ako lalo na ng naramdaman kong may likido na nanggagaling sa aking mga mata. Mainit ito at alam kong dugo iyon.



“Tulong, tulungan niyo kami, parang awa niyo na!” naiiyak ng sigaw ni Jepoy, naramdaman ko ang isa pang pares ng kamay na umalalay sakin, iminulat ko ulit ang aking mga mata kahit na sa proseso ay isang libong maliliit na bubog ang lalong bumabaon sa aking mga mata at nakakapagpasigaw sa akin sa sobrang hapdi.



Lalong nanlabo ang aking mga mata, lumakas ang pagdaloy ng dugo sa aking pisngi, iginawi ko ang tingin sa aming sasakyan, naaninag ko rin ang kotseng kasalpukan namin, halos pumasok na ito sa kotse ni Jepoy.



“Jepoy! Si Jana, tulungan mo si Jana!” sigaw ko kay Jepoy pero biglang lumiwanag ang paligid, bumingi sa aking magkabilang tenga ang malakas na pagsabog, matapos ang malakas na pagsabog ay ang mga sirena ng bumbero, ambulansya at patrol ang narinig ko at ang malalakas na iyak at panaghoy ng mga tao sa paligid kasama na ang sa taong nakayakap sakin.



“JANAAAAAA!!!” sigaw ni Jepoy.



“JANAAAAAAAA!”



Tuluyan ng nagdilim at tumahimik ang aking paligid. Sa pangalawang pagkakataon nawalan ako ng malay.


0000ooo0000



“Beep. Beep. Beep....”


Ang tunog na gumising sa sakin. Iminulat ko ang aking mga mata pero may nararamdaman akong tela na nakatakip sa mga ito. Inalis ko iyon.



“Marcus!” sigaw ng aking ina sa di kalayuan.



“Nurse! Nurse!” sigaw ulit nito at naramdaman ko ang kamay nito sa aking mga kamay sa puntong ito ay naalis ko na ang bagay na nakatakip sa aking mga mata pero di ko maintindihan kung bakit wala parin akong makita, may paunti unting naaaninag pero di ko na malaman pa kung ano ang mga iyon.



“Nay, bakit wala ako makita? N-nay, N-nay! Wala akong makita, Nay!” sigaw ko at narinig ko na lang ang paghikbi ng aking inay. Iniisip ko na may kung ano paring nakatakip sa magkabila kong mata kaya't wala akong makita kaya naman patuloy ako sa pagkapa sa aking mga mata. Umaasa na maaalis ang nakatakip na iyon. Umaasa.




0000ooo0000



May walong taon na ang nakaraan, ni makaaninag ay di na nagagawa pa ng aking mga mata, di na ako umasa sa totoo lang na makakakita pa ulit ako. Natapos ko ang kolehiyo sa tulong ng aking ama nang kuwanin ako nito upang sa USA na magpatuloy ng pagaaral, doon ko rin nakamit ang aking masteral at unang nakapagtarbaho. Nito na lang nang ipadala ako ng aming kumpanya dito sa Pilipinas upang gawing VP ng kumpaniya nila dito.



Nung una di sila tiwala, after all being blind has it's downside, like, the company has to pay extra for Braille documents or else I won't be able to read them, they need to install some safety features for me like elevators with warning systems etc., pero I told them that they don't need to spend money for voice activated elevators and for additional warning systems for the blind because I'm going to hire my own Assistant at dun ko nakilala si Ivan.



He was still a student when he applied for me. He told me that he needed money for his tuition and that he didn't care kung gano pa kahirap ang trabaho as long as he graduate from college, sabi niya habang iniinterview ko siya, sinabi ko naman sa kaniya na maliit lang ang swe-swelduhin niya and that his job requires even assisting a blind man take a pee. Natigilan ito, naramdaman ko ang pagaalinlangan niya.



“Kahit ano pa pong ipagawa niyo, basta may sweldo.” Naaalala kong sabi ni Ivan noon. Isang araw pumasok ito sa opisina na hindi manlang nagsasalita, nagtaka ako, nararamdaman ko itong abala sa pag-tap sa kaniyang Blackberry para sa aking schedules sa araw na iyon.



“Ivan, I'm blind but that doesn't mean I'm stupid. What's wrong?” tanong ko dito, narinig kong tumigil ito sa kakatype sa Blackberry niya.



“I'm quitting school.” sabi nito, bakas sa bawat salita na binitawan niya ang lungkot. Napabuntong hininga ako.



“No. You're not quitting school. Phone your, nanay, I'll talk to her.” utos ko dito, maya maya ay naramdaman ko na idinidikit nito ang telepono sa aking kamay, kinuwa ko iyon.



“Mrs. Yap, yeah, goodmorning, this is Marcus Tiangsan, I'm Ivan's boss, now I want to talk to you about Ivan's schooling... yes I understand, but I'm willing to help. I'll pay for his tuition... No. He doesn't have to work for me for free. I will still give him his pay every end of the month... No. Of course there is no catch. He's been a very good assistant and I want to help him... Yes. That's all and no he's not into something illegal... Yes, good morning again Mrs. Yap.” tuloy tuloy kong sabi sa nanay ni Ivan sa kabilang telepono, inabot ko sa hindi nakikitang si Ivan ang telepono, narinig kong humihikbi ito, naramdaman kong dumikit ang kamay nito at inabot ang telepono mula sa aking palad. Tumayo ako at inayos ang aking suit.



Nagulat na lang ako ng makaramdam ng yakap mula kay Ivan, nararamdaman at naririnig ko parin ang paghikbi nito. Napangiti ako.



Simula non ay hindi na ako iniwan ni Ivan, maski nakagraduate na ito at may nagiinatay na sa kaniyang ibang trabaho ay hindi ako nito iniwan.



“Narinig ko may hiring sa kabila ah, and they're talking about pirating you.” sabi ko kay Ivan habang tahimik itong nagta-type sa kaniyang Blackberry at katabi kong nakaupo sa backseat ng company car.



“Yeah, they're not going to pay me that much.” sabi nito. Ginawaran ko ito ng isang suntok sana sa braso pero nasangga niya ito.



“You're getting old, blind man!” sigaw nito sabay tawa napatawa narin ako.



“Sorry, bulag lang saka mabagal na ang reflexes.” sabi ko dito sabay buntong hininga.



“Reflexes or not I'm still going to be your executive assistant.” sabi nito, napangiti ako at maya maya ay naramdaman ko itong humilig sa aking balikat.



“Sir?” bulong nito.



“Oh?” tanong ko dito.



“Is Jeffrey your ex boyfriend?” bakas sa tanong nito ang hiya.



“Ha? Bakit mo naman naisip yan?” tanong ko dito, hindi gulat pero kaba ang nararamdaman ko.



Matagal nang alam ni Ivan na bakla ako. Ilang beses na nitong narinig na nakikipagaway ako sa mga ex boyfriend ko sa phone, let's face it, being gay means being exposed to those user friendly people, people who say's they care but the truth is they care more about your money, eh ano pa kaya ako, bading na bulag pa, may “double jeopardy” na nakatatak sa noo ko, mas prone akong lokohin. Umabot pa nga sa point na in-offer ni Ivan ang sarili niya sa akin, di dahil gusto niyang bumawi sa tulong ko sa kaniya noon kundi dahil sa awa, ayaw man niya itong sabihin sakin ay nararamdaman ko naman. Ganon na namin kilala ang isa't isa kaya para tanungin ni Ivan ang tungkol kay Jepoy, alam kong nararamdaman nito na hindi lang kami magkakilala ni Jepoy. Kabisado nanamin ang bituka ng bawat isa, ika nga.



“Iba kasi ang kilos mo kanina eh.” sabi nito sakin. Napangiti lang ako.



“Ok, Mr. too-observant-executive-assistant, let's not talk about that guy, he's from the past and I don't wallow in the past, my present--- our present is more important. I need to know my next appointment.” natatawa kong sabi dito, narinig ko itong magbuntong hininga saka sumagot.


“RCBC tower, meeting with investors.” sagot nito sakin. Tumango naman ako.


“Good, you'll need to know about dealing with investors, para pag naisipan mo ng iwan ako at lumipat sa kabilang comapany ay alam mo na ang gagawin mo.” sabi ko dito, mayamaya pa ay naramdaman kong bumalot sa sakin ang malatroso nitong mga braso at mahigpit na ni niyakap sakin.


“That will never happen.” bulong nito sakin.


Napatawa ako.


“Alam mo, kahit harangin mo ang pagpupumilit ko na makabawi sayo at tuluyan kang pasiyahin gagawin at gagawin ko parin.” bulong ulit nito, natigilan ako.


“Wala naman akong sinasabi na bumawi ka eh.”


“Basta.” sabi nito na parang nakababatang kapatid na nangungulit.


“Kulit mo!” sigaw ko dito sabay tawa.


“At hindi lang yun, aalamin ko kung bakit ganun na lang ang epekto sayo ng Jeffrey na iyon. Kapag nalaman ko na sinaktan ka niya before, makakatikim siya sakin.” sabi nito, natawa ako.


“No joke yun! Mag kasing laki kami ng katawan nun kayang kaya ko pabagsakin yun!” sabi ni Ivan, natawa ulit ako.



Alam ko namang pinatatawa lang ako ni Ivan. Para sakin para siyang nakababatang kapatid na maski galing ka sa stressful na araw sa school or sa office ay may nakababatang kapatid ka na papawi lahat ng stress na iyon dahil napapasaya ka nito.



“Di mo na kailangang gawin yun.” sabi ko. Nagulat ako ng maramdaman ko ang paghawak ng mga kamay ni Ivan sa magkabila kong kamay at itinaas ito papunta sa kaniyang mukha.


“Sir, kapain mo ang mukha ko. Tignan mo kung nakatawa ako at nagbibiro o seryoso.” sabi niya, ginawa ko naman ang pinapagawa niya. Seryoso nga siya.



“Seryoso akong makipagrambulan dun sa kumag na iyon, alam kong hindi basta basta ang sakit na ginawa nun sayo dahil iba ang kilos niyo kanina, nun ko lang kayo nakitang ganung kabalisa.” sabi nito.



“He's just another guy who is not worthy of our attention and time, Ivan. That's all.” sabi ko dito. Ibinaba na nito ang aking mga kamay.



“Sige, I'll take your word for now, pero malaman ko talaga na kung ano ano pa ginawa nun sainyo bubugbugin ko talaga iyon.” sabi nito, napangiti na lang ako pero sa loob loob ko alam ko kung sino at kung anong klase ng tao si Jeffrey Gonzales.



Pero pinili kong itago na lamang iyon kay Ivan.




Itutuloy...


[12]
Naririnig ko si Ivan sa labas ng aking opisina, kanikanina lang ay tumawag sa intercom ang aking sekretarya at nagsabing may gusto daw kumausap sakin, kinuwa nito ang pangalan at napagalaman kong si Jepoy pala ang nasa labas na nagiintay at gustong kumausap sakin. Pinagintay ko na ito, naka dalawang meeting narin ang nagdaan pero ayon sa aking sekretarya ay andon parin si Jepoy at nagiintay, tatlong oras na siyang andun.



“Sir, handa ka na bang kausapin siya?” tanong ni Ivan sakin puno ng pagaalala ang boses nito. Umiling lang ako.



“Sige, Sir, ako na ang bahala.”



“S-salamat.”



Ngayon, tila mahaba haba na ang napaguusapan nila Jepoy at Ivan at nang bumalik si Ivan sa loob ng opisina ay narinig ko itong nagbuntong hininga at tumabi sakin.



“Ano daw ang kailangan?” tanong ko kay Ivan, asa isa kaming mahabang sofa sa loob ng opisina ko, isinandal ulit nito ang ulo niya sa aking balikat.



“Gusto ka raw niyang makausap, sabi ko ayaw mo tas sabi ko na ako muna ang kausapin niya, nakipagtalo pa na ikaw ang gusto niyang makausap at hindi ako.” mahabang sabi ni Ivan.



Natahimik ako, pakiramdam ko may kulang sa mga sinabi ni Ivan pero ikinibit balikat ko lang iyon.



“Ah talaga? Sa haba ng oras niyong magkausap, yun lang ang napagusapan niyo?” tanong ko dito. Natawa naman si Ivan sa tabi ko at sinuntok ang aking braso.



“Tara na nga, uwi na tayo.” aya ko dito.



“Tara! Sainyo ako magdi-dinner ah.” sabi nito sakin.



“Sure.” sagot ko na lang, di na inisip pa kung ano ang kulang sa kwento niya.



Tahimik lang kami ni Ivan sa loob ng sasakyan, di ito nagsasalita pero ramdam ko parin na malalim ang iniisip nito, di kasi pangkaraniwan kay Ivan ang tatahimik na lang bigla.



“Ivan, what's bothering you?” tanong ko dito, di ulit ito kumibo, di ko na lang ito kinulit, inisp ko na baka naman natutulog lang ito, pero napatunayan ko lang na may gumugulo dito nang asa harapan na kami ng hapagkainan. Kasama ang inay na nakain ay di napigilang magsalita ni Ivan.



“Tita, sino po ba si Jepoy?” tanong ni Ivan, agad kong narinig ang pagkalansing ng mga kubyertos.



“ah eh, bakit mo naman naitnong yan, Hijo?” tanong ng aking ina halatang ayaw pagusapan si Jepoy.



“Nagpunta po kasi yun sa aming opisina. Gustong gusto makausap si Sir.” sabi ni Ivan. Tahimik.



“Siya ang dahilan kung bakit nabulag si Marcus.” malamig na sabi ng akin ina.



“Nay, aksidente ang nangya...”



“Hindi aksidente yun. Saka kung aksidente lang talaga ang lahat, bakit siya nagtago?” tanong ng aking ina.



“Walang may gusto ng nangyari, hindi siya nagtago, 'nay---” sabi ko ulit sa aking ina.



“Pero sana manlang humingi siya ng sorry, anak. Naaalala ko nun bago ang aksidente napansin kong malungkot ka at ganun din ang napansin ng ina ni Jana bago ang aksidente, hindi lingid sa kaalaman ko na may problema kayong magkakaibigan noon. Pano ka nakakasigurado na hindi sinadya ni Jepoy ang lahat?” mahabang pahayag ng aking ina.



Ilang beses ko na itong narinig sa kaniya, tama ang kasabihan na ang mga nanay ay may kakaibang pakiramdam patungkol sa pinagdadaanan ng kanilang mga anak at hindi naiba ang nanay ko sa kasabihang iyon, nararamdaman niyang may kakaiba nung mga panahon bago ang aksidente at marami siyang haka hakang naisip at hindi siya nagabalang itago ito sakin.



“Ilang beses ko nang narinig iyan---” simula ko.



“Ilang beses mo na nga iyang narinig pero matigas parin ang ulo mo at pilit na sinasabing hindi dapat sisihin si Jepoy.” giit nanaman ng aking ina. Di ko na napigilan ang sarili ko at naisuntok ko na ang aking kamao sa lamesa. Narinig kong napasinghap ang aking ina at si Ivan.



“Tama na. Kumain na lang tayo.” malamig kong sabi, pero narinig ko na lang na umisod ang silya sa aking kaliwa, ang upuan sa kabisera ng lamesa, ang inuupuan ng aking ina.



“Nawalan ako ng gana.” giit nito, napabuntong hininga na lang ako. Napahawak ako sa aking ulo.



“S-sir, sorry.” bulalas ni Ivan, halatang natatakot na baka masisi sa pagsasagutan namin ng aking ina. Nginitian ko lang ito.



“Wala yun. Kain ka na dyan, alam kong mahaba ang araw na ito para sayo.” pagaalo ko dito sabay abot ng aking guide stick at tumayo na at naglakad palabas ng bahay.



Gamit man ang guide stick ay di parin ito lubos na nakatulong sakin, agad akong napaupo ng maapakan ang isang walis na nakasandal sa pader na maaring iniwan ng mga katulong. Agad kong itinakip ang aking mga kamay sa aking mukha at inilabas na ang sama ng aking loob na kanina ko pa nararamdaman. Miyamiya pa ay naramadaman ko na ang pagakbay sakin ni Ivan, tinulungan ako nito makatayo at ini-upo sa mahabang sofa ng aming sala.



“S-sorry, Sir.” bulong nito. Agad akong umiling.



“Wala kang kasalanan.” sabi ko dito, naramdaman ko ang yakap sakin ni Ivan.



“Kung si Jepoy po talaga ang dapat sisihin---” simula nito.



“Walang kasalanan si Jepoy, iniiwasan ko siya di dahil sinisisi ko siya sa pagkabulag ko, may iba pa akong dahilan, Ivan.” pagpapaintindi ko kay Ivan.



“G-ganun po ba?” bulalas ni Ivan. Tumango lang ako.



“P-pwede niyo po bang sabihin sakin ang dahilan at ang lahat ng nangyari? Mahirap po kasing paniwalaan na walang kasalanan si Jepoy kung kakaonti lang ang alam ko.” napangiti ako sa sinabi ni Ivan.



“May pagkatsismoso ka talaga.” sabi ko dito at napasinghap naman si Ivan.



Kinuwento ko lahat ang nangyari noon samin nila Jana at Jepoy kay Ivan, tahimik lang ito, matagal din itong natahimik kahit tapos na ako sa paglalahad ng nangyari, alam kong maraming tumatakbo sa isip ngayon ni Ivan kahit di man niya ito sabihin.



“M-mahal niyo parin po ba si J-Jepoy?” tanong nito.



Di ako nakasagot, may kung anong kumurot sa aking dibdib, walong taon na ang nakakaraan pero parang kahapon lang nung sinampal ako ni Jana, parang kahapon lang na nasaktan ko siya ng sobra, parang kahapon lang na trinaydor ko siya at parang kahapon lang nang mangako ako dito na lalayuan na si Jepoy.



Naramdaman ko ang paghawak ng kamay ni Ivan sa aking kamay, kasabay nito ay ang pagtulo ng aking luha.



Ilang linggo pa ang lumipas, mabigat parin ang loob sakin ng aking ina, kasabay nito ay napapansin ko rin ang biglaang pagiba ng ugali ni Ivan pagdating sa trabaho. Kung ang aking ina ay malamig ang pakikitungo sakin, si Ivan naman ay naging malamig sa kaniyang trabaho. Madalas ko itong naririnig na may kausap sa telepono, madalas umaalis sa aking tabi sa oras ng mga meeting. Di ko na ito natiis at tinanong ko nadin.



“Zeny, can you fetch Ivan for me. I need to talk to him.” utos ko sa sekretarya. Wala pang ilang minuto ay pumasok ang sekretarya sa aking opisina.



“Sir, may kausap po si Sir Ivan sa may conference room, di ko po maistorbo eh, mukhang seryoso ang pinaguusapan.” pahayag ng aking sekretarya, agad nangunot ang aking noo.



“Ah ok, Ahmm Zeny, pwede mo kaya akong samahan sa conference room? Alam kong di mo trabaho ito pero kailangan ko talagang makausap si Ivan.” pakiusap ko sa aking sekretarya.



“Sir, wala pong problema sakin.” pahayag ng aking sekretarya, nginitian ko ito bilang pasasalamat at miyamiya pa nga ay naramdaman ko ang kamay nito na umaalalay sakin papunta sa conference room.



Di nagtagal at nakarating narin kami sa Conference Room ni Zeny. Narinig kong ipinihit nito ang door knob ng pinto.




“Zeny, saglit lang---” simula ni Ivan nang buksan ni Zeny ang pinto pero agad din itong natigil sa pagsasalita marahil ay dahil nakita na ako nito na kasunod ni Zeny.



“Ah... Sir Marcus, may inaasikaso lang po ako saglit.” sabi ni Ivan pero hindi doon nakatuon ang aking pansin, may amoy na sumayad sa aking pangamoy, kilalang kilala ko ang pabangong iyon.



“S-sorry, it's just that I have to talk to you, pero ok lang, sige, ayusin niyo muna ni Jepoy ang inaasikaso niyo.” sabi ko, narinig kong napasinghap si Ivan, marahil ay nagtataka ito kung pano ko nalaman na si Jepoy ang kausap niya.




“Goodafternoon Maki.” sabi ni Jepoy sakin.



“Magandang hapon din.” sabi ko sabay bigay ng malungkot na ngiti.



Tahimik.



“Well, sige, pasensya na sa istorbo. Zeny, maari mo ba akong samahan pabalik sa aking opisina, pasensya na talaga sa abala.”



“No problem, Sir.” sabi naman ng matandang sekretarya.



“Zeny, maaari mo ba kaming iwan muna.” napatigil ako ng biglang magsalita si Ivan.



“Ah...eh...” simula ng sekretarya.



“Sir Marcus, gusto sana kitang makausap.” sabi sakin ni Ivan, nangunot ang noo ko at miyamiya pa ay naramdaman ko ang paghawak ng kamay ni Ivan sa aking kamay, inalalayan ako nito paupo sa kabisera ng malaking lamesa sa loob ng conference room.



“S-sige, Zeny, iwan mo muna kami. Maraming salamt ha.” sabi ko sa matandang sekretarya at narinig ko ang paglapat ng pinto sa hamba nito.



Matagal nilunod ng katahimikan ang buong kwarto sa pagitan naming tatlo. Wala ni isa ang gumagalaw sa loob ng kwarto, tanging paghinga lamang ng dalawa ang aking naririnig. Laking ikinataka ko ng marinig na mabilis ang paghinga ni Ivan, tila kinakabahan.



“Ivan, is there something wrong?” tanong ko dito. Napatawa ito pero wala akong narinig ni katiting na humor sa mga tawang iyon.




“Simula pa noon namamangha na ako kung pano mo nalalaman na may iniinda ako.” bulong nito, malungkot ang boses nito. Napangiti ako.



“I can always hear it in your voice or even hear it in your breathing.” bulong ko pabalik, binalot na ng pagkaseryoso ang aking bawat kataga.



“Sir, I have to tell you something---” umpisa ni Ivan.



Kasabay nito ay narinig ko ang bahagyang paggalaw ni Jepoy mula sa kinatatayuan nito.



“I'm sorry, but I can't keep this from you any longer... Jepoy and I are dating and where taking it up another notch. We're planning to get into a relationship.” sabi ni Ivan, rinig ko ang kaba sa bawat salitang binitawan ni Ivan, narinig ko ang pagsinghap ni Jepoy sa aking tabi. Natahimik ako saglit, masyado akong nagulat at maski ang makaramdam ng kahit anong emosyon ay hindi ko magawa.



“Ivan---” tawag ni Jepoy dito.



“No Jepoy, di ko kayang maglihim kay Kuya Marcus.” sabi ni Ivan. Tumahimik ulit ang paligid, ngayon di lang ang mabibigat na paghinga ni Ivan ang aking naririnig, naririnig ko narin ang mabilis na paghinga ni Jepoy, tila ba hindi siya sang ayon sa mga nangyayari.



“What's holding you back?” tanong ko kay Ivan.



“You.” pabulong na sagot ni Ivan.



“Don't worry about me. Kung dyan kayo masaya at kung mahal niyo talaga ang isa't isa ay wala na akong magagawa doon...” bulalas ko sabay bigay ng isang matipid na ngiti, inabot ko ang aking kamay para hawakan ni Ivan, di naman ako nito pinahiya at inabot niya at hinawakan ang aking kamay.



“Besides, I think it's about time for you to engage in a relationship, weird lang kasi I've been with you for many years now at ngayon ko lang nalaman ang preference mo, I always thought that you were straight.” pahayag ko, narinig kong suminghap si Ivan.



Tahimik ulit. Ngayon, unti unti nang tumatatak sakin ang nangyayari, unti unti ko naring nararamdaman ang kirot.



“Well, if that's all paki tawag na Ivan si Zeny para makabalik na ako sa aking opisina.” pakiusap ko kay Ivan, agad kong narinig ang pagurong ng upuan at ang paglalakad ni Ivan.



“Zeny, ok na daw bumalik sa office si Sir Marcus.”



Bago pa man bumalik si Zeny at akayin ako pabalik sa aking opisina ay may ilang minuto rin kaming natahimik, nagpapakiramdaman.



Nakahinga lang ako ng maluwag nang pumasok na si Zeny sa loob ng Conference Room.



Itutuloy...




[13]
Di ko halos maipaliwanag ang aking nararamdaman, mahal ko si Ivan na parang isang kapatid kaya't alam kong nararapat lang ito na lumigaya pero hindi ko rin maintindihan at maipaliwanag ang aking dapat maramdaman dahil ang taong kaniyang pinili para maging masaya ay siya ring taong aking mahal. Akala ko hindi ko na mararamdaman ang ganitong pakiramdam. Akala ko di na ako masasaktan ulit ng ganito.



Di ako mapakali mula sa aking kinauupuan, ilang minuto na lang at babalik na si Ivan sa aking tabi para gawin ang kaniyang trabaho at di ko parin alam kung pano ako kikilos sa tabi nito. Kailangan kong magpakamanhid, kunwari di nasasaktan, ayaw kong magalala si Ivan at isuko ang kaniyang pagmamahal kay Jepoy para lang sakin. Alam kong ito na ang iniintay ni Ivan alam kong ito na ang ikasasaya niya.



Noon ko lang narinig ang ganong tono sa pananalita ni Ivan, andun ang kaniyang kagustuhang maging masaya pero merong pumipigil, nung una ay di ko malaman kung ano ang maaaring pumipigil dito at nang magkaroon ako ng ideya kung ano man iyon ay tila ako sinampal ng tatlumpung beses. Ako ang pumipigil sa kaniya. Nasa ganoon akong pagmumunimuni nang bumukas ang pinto.



“S-sir Marcus...” simula nito, binigyan ko ito ng isang ngiti pinilit ang sarili na huminahon at gawing normal ang lahat.



“Saan tayo paparoon, kaibigan?” natatawa kong tanong dito, natigilan saglit si Ivan at ilang segundo lang ay narinig ko itong humahagikgik. Gustong gusto niya kapag tatanungin ko siya sa ganoong paraan. Ayon sa kaniya ay di raw bagay ito sakin. Napangiti ako.



Sinusubukan kong ibalik sa normal ang aming pagsasamahan, gusto kong ipaalam sa kaniya na ok lang sakin lahat.



Nasa sasakyan na kami nang marinig kong magring ang telepono ni Ivan, magkatabi kami, abala ito sa kakabasa ng ilang dokumento para sa aming aatendan sa meeting habang ako naman ay tahimik lang na nakaupo. Napansin kong di tinanggap ni Ivan ang tawag.



“You can accept calls from your boyfriend whenever you're with me, as long as we're not on a meeting or something.” sabi ko kay Ivan.



“I canceled the call not because I'm with you, Sir, di ko tinanggap yung tawag kasi nagtratrabaho tayo ngayon.” matipid nitong sagot, he's not being snobbish, gusto niya lang talagang maisaboses ang kaniyang iniisip. Ngumiti ako, naramdaman ko ang paghawak ni Ivan sa aking kamay at pinisil iyon.



Akala ko balik ulit kami sa normal pero nagkamali pala ako.



“What do you want for dinner?” tanong ko kay Ivan, di agad ito nakasagot.



“K-kuya Marcus, kasi...” simula nito.



“I see, date?” tanong ko dito.



“Jepoy asked me out.” sabi nito.



“I'll go home na lang siguro.” sabi ko dito pilit na tintago ang sakit na aking nararamdaman sa aking dibdib.



“Mang Udoy is still in Ayala, I can't leave you alone, Kuya Marcus.” bulalas nito.



“Then please call Mang Udoy and tell him to pick me up in the lobby na lang siguro.” suhestiyon ko dito.



“No, you're coming with us.” alok ni Ivan.



“I can't.” sagot ko dito.

“You can't or you won't?” pabulong nitong tanong sakin. Di ako sumagot, ilang saglit pa ay narinig kong nagbuntong hininga si Ivan saka sumagot ng:



“Then we will both wait for Mang Udoy here.”



“Pano si Jepoy?” tanong ko.



“I'll tell him that we have to cancel.” sagot nito, tila ba sinasabi na magiba ako ng isip.



“Fine. I'll go.” bulalas ko. wala narin akong nagawa.



0000ooo0000



Tahimik kaming tatlo sa harapan ng hapagkainan, mga kalansing ng mga kubyertos sa mga kalapit na lamesa ang aking naririnig. Nagsabi nang pasinatabi ang waiter sa aking tagiliran at narinig ko ang paglapag ng mga plato sa aking harapan.



“Let's eat!” bulalas ni Ivan may kakaibang saya sa boses nito.



“Wait.” pigil naman ni Jepoy. Ibinaling ko dito ang aking pansin.



“Let's pray first, do you mind if I lead?” tanong ni Jepoy. Di ako kumibo.



“Go ahead.” sabi ni Ivan.



“In the name of the Father, Son and the Holy Spirit. God is good, God is Great we thank You Lord for all these grace. Amen.”



“Amen.” segunda ni Ivan.



“What?” bulong ni Jepoy, di ko alam kung bakit siya biglang nagtanong nun.



“Wala lang, it's just that iisa lang ang way niyo ng pagdadasal ni Kuya Marcus.” pahayag ni Ivan. Natigilan ako, marahil ay ganun din si Jepoy.



Tahimik.



“C'mon let's eat! Damn I'm hungry!” pahayag ni Ivan.



Tahimik parin sa aming lamesa, walang naguusap, miya mo kami magkakagalit o kaya nama'y di magkakakilala, di ko na inubos ang aking dessert, pinahiran ko na ang aking mga labi ng table napkin na nakalaan sakin at ngumiti.



“I'm full.” biro ko para kahit papano ay gumaan ang mood sa aming lamesa pero bago pa man makapag react ang dalawa ay biglang tumunog ang telepono ni Ivan.



“Hello, Nay.”


“Ano?! O sige, sige pupunta na ako diyan.” sabi ulit nito sa kausap sa kabilang linya.



“Kuya Marcus, Jepoy, I'm sorry but I have to run, asa ospital ang kapatid ko.” paumanhing sabi nito.



“Ha?! Bakit daw?” bulalas ko.



“Di pa sure kuya eh, pero I'll update you once ok na lahat. Jepoy, ikaw nang bahala kay Kuya Marcus ah?” bilin nito sa kaniyang nobyo. Natigilan ako saglit sa sinabi niyang yun, narinig ko ang pagisod ng isang upuan.



“Ivan, wait. Sasama ako.”



“No, Kuya. Pahinga ka na lang muna, ako nang bahala. Eto, I logged Mang Udoy's number in the quick dial, just press this button.” sabi nito sabay gabay sa aking daliri kung anong pipindutin para matawagan si Mang Udoy.



“Jepoy, ikaw na munang bahala ah, malapit na si Mang Udoy.” bilin ulit nito at miyamiya pa ay narinig ko itong naglakad palayo.



0000ooo0000



Umorder ng wine si Jepoy, pampalipas oras daw habang iniintay namin ang aking driver, matapos akong tanungin nito kung anong gusto kong inumin ay wala na ulit ang nagsalita samin, tanging ang paglagok lang namin at ang paminsanminsan niyang pagsalin ng wine sa aming mga baso.



“S-so VP huh?” simula ni Jepoy, napangiti ako.



“Yes. A blind man can climb a corporate ladder too, you know.” pabiro kong sabi dito, di ito natawa sa halip, isang singhap ang aking narinig.



Tahimik.



“Maki, I'm so sorry.” sabi nito, nanginginig ang boses nito na kala mo habang nagsasabi ng sorry ay nasasaktan siya.



“Sorry for what?”



“Dahil kung hindi dahil sakin, hindi mangyayari sayo iyan.” sabi niya.



“It was an accident, Jepoy. Walang may gusto ng nangyari.”



Mayamaya pa ay narinig kong humihikbi si Jepoy at naramdaman ko ang paghawak ng kamay nito sa aking kamay.



“I missed you.” bulong nito.



Tila may tumurok na punyal sa aking dibdib, di maipaliwanag ang dapat maramdaman.



“Di mo alam kung ano ang naramdaman ko nung nagkita ulit tayo sa mcdo. Feeling ko nakita ko na ulit yung isang bahagi ng buhay ko na matagal ko ng naiwala.” pahayag nito. Untiunti nang nangingilid ang luha ko.



“I've been with tatay for a while before coming home here, I was offered a position here so I accepted it, matanda narin ang inay at kailangan na niya ng kasama dito.” bulong ko.



“Tagal kitang hinanap.”



Tahimik.



“Di mo ba manlang itatanong kung bakit kita hinahanap?”



Ilang sandali pa ay di ko na mapipigilan pa ang aking mga luha.



“Are you that mad na hindi mo na kayang maramdaman ang pagmamahal ko sayo kahit kaunti?”



“I'm not mad at you Jepoy.” sagot ko dito.



“Then why are you avoiding me? Is it because of Ivan?” tanong ulit nito.



“Yes and No.” matipid kong sagot.



Tahimik ulit. Inabot ko ang aking baso at uminom ng wine, nang ilapag ko ulit ito sa lamesa ay narinig kong sinalinan ulit ito ni Jepoy ng wine.



“Yes, because, I love Ivan so much, I love him like a brother, a little brother that I always dreamt of having, kaya nung sinabi niya na you're his happiness ay wala na akong magagawa. I don't want to take away all his happiness.”



“But...”



“...and there's this promise I gave Jana before the accident. I need to keep that promise.” pahayag ko. Narinig kong suminghap si Jepoy.



“Hindi yun ang gusto ni Jana.” malamig na banggit ni Jepoy.



“That's what she wants us to do before leaving dampa 8 years ago. She wants us to live separate lives, that's what I did and that's how we should keep doing.” malungkot kong sabi dito.



“But I miss you, I love you!” lalong nababakas ang panginginig sa boses ni Jepoy, marahil ay doble ng sakit na nararamdaman ko ngayon ang nararamdaman niya sa bawat pahayag na binabanggit ko.



“Do you want us to end up having the same problems like we had with Jana? I can't bear losing another close friend, I can't lose Ivan, he's like a brother to me, Jepoy. He's too good to end up hurting like Jana, nobody deserves to hurt like that, Jepoy.” naiiyak kong sabi dito.



“But...”



“Jepoy, please, di ko na kayang mawalan ng isa pang kaibigan dahil lang sa aking nararamdaman.”



“There's something you need to know, me and Ivan are---” pero di na niya naituloy ang sasabihin ng magring ang telepono ko.



“Hello, Mang Udoy? Pakisundo na lang ako dito sa loob ng restaurant, umalis kasi si Ivan eh. O sige salamat mang Udoy.” sabi ko sa matandang lalaki sa kabilang linya. Muli kong naramdaman ang pagdampi ng kamay ni Jepoy sa aking kamay.



“Maki, please, hear me out first.” pagmamakaawa ni Jepoy.



“We have nothing to talk about anymore, that's our closure. You can be happy with Ivan.” sabi ko dito sabay ngiti.



“Sir?” bulalas ng isang matandang lalaki sa aking likuran.



“Mang Udoy! Finally! Kamusta kayo? Kumain na po ba kayo? Nga pala ito si Jepoy, boyfriend ni Ivan.” pakilala ko kay Mang Udoy at Jepoy.



Di ko na muli pang narinig magsalita si Jepoy nung gabing yun.



Itutuloy...


[14]
Ilang linggo pa ang lumipas at lalong naging kapansin pansin ang pagbabago ni Ivan, lalo itong nagpapabaya sa trabaho at laging matamlay, sa tuwing may pagkakataon naman ay lagi silang nagkikita ni Jepoy kaya't sigurado akong walang problema ang kanilang pagsasama. Madalas na nitong makalimutan ang mga importanteng bagay, maliit na bagay pero importante, tulad ng schedule ko at ang oras ng mga meeting.



“Ivan, may problema ba? May problema ba kayo ni Jepoy? Kasi lagi kang wala sa wisyo magtrabaho.” bulalas ko, naramdaman kong natigilan saglit si Ivan sa pagre-review ng mga bagong proposals and documents, maging ang tunog ng madiin na pagsusulat nito sa aking lamesa ay di na niya naituloy.




“W-wala po ito, pagod lang siguro.” sagot nito, di ko na muli pang tinanong tungkol dun si Ivan.



“Ah ganun ba? Do you want to rest na this afternoon?” tanong ko dito.



“I- I'm fine, kuya.” itutulog ko na lang siguro to mamya.



“Sige, ikaw bahala, pero kung may problem, sabihin mo lang sakin ha? Baka makatulong ako.” bulalas ko dito. Di na ito sumagot.



Nagaalala na ako, wala na ang Ivan na makulit at malambing na kala mo nakababatang kapatid na nagpapapansin, wala na rin ang panakanakang stupid remarks nito na talaga namang ikinahihiyaw ko sa tawa, di na nito pinagtritripan ang aking matandang sekretarya na si Ms. Zeny.



“Nanlalamig ba siya sakin dahil nagseselos siya? May ginawa nanaman ba akong mali?” tanong ko sa sarili ko.



Di ko mapigilang tanungin ang sarili ko, maaari ngang nagseselos si Ivan sakin, marahil dahil madalas parin akong makita ni Jepoy ay may nasasabi parin ito tungkol sakin na ikinaiinis naman ni Ivan.



“Maaari nga.” bulong ko ulit sa sarili ko.



Lalo ko itong napatunayan nang minsang isinasama ako ni Jepoy magdinner.



“Maki, gusto mo sumamang magdinner?” aya sakin ni Jepoy.



“Jepoy, napagusapan na natin ito.” bulong ni Ivan, di ko na lang pinahalata na medyo nasaktan ako sa sinabing iyon ni Ivan. Nagpakawala ko ng isang matamlay na ngiti.



“Wala namang masama---” simula ni Jepoy.



“Sisimulan nanaman ba natin to?” putol naman ni Ivan.



“Wag niyo na ako alalahanin, andyan naman si Mang Udoy.” sabi ko sabay ngiti. Tinawagan ko na si Mang Udoy, di na ako pinigilan pa ni Ivan, habang inaalalayan ako ni Mang Udoy papunta sa kotse ay hindi ko maiwasang mapansin ang tahimik na argumento ni Ivan at Jepoy sa hindi kalayuan. Napabuntong hininga ako.



Habang nasa sasakyan ay di ko mapigilang mapaisip, alam ko nung una pa lang kung nasan ang lugar ko sa kanilang relasyon ni Jepoy, ni hindi ko naman inisip na pumagitna ako sa kanila pero iniisip din marahil ni Ivan na maaari silang magkaproblema ni Jepoy kung sakaling lagi na lang akong kasama nila sa kanilang mga lakad.



Kailangan kong gumawa ng paraan, nasasaktan na ako sa nalalamang ang mahal ko ay may mahal na iba lalo pa akong nasasaktan na ang isa sa pinakamalapit kong kaibigan ang naging karamay ko sa loob ng ilang taon ay pilit akong inaalis sa kaniyang buhay dahil pinuprutektahan niya ang kanilang relasyon.



“Nay?” tawag ko sa aking inay nang makarating ako ng bahay, agad ako nitong sinalubong.



“Kumain ka na ba, anak?” tanong ng aking ina.



“Di pa po, pero may kailangan po tayong pagusapan.” sabi ko dito, agad naman nitong pinisil ang aking mga kamay.




0000ooo0000




“Sa tingin ko naman ay sapat na ang naipon ko, sa tingin ko pa nga po ay sobra pa.” pahayag ko ulit sa aking ina.



“Ikaw ang bahala anak, sigurado ka bang magiging masaya ka sa iniisp mo?”



“Opo inay.” sagot ko dito sabay ngiti.



“O siya, ikaw ang bahala, hala, kain lang ng kain.” pahayag nito.



Ito lang ang naisip kong paraan, kailangan kong lumayo para kahit papano ay maisalba ko ang pagkakaibigan namin ni Ivan at tuluyan na silang maging masaya. I have to put up a boundary between our life, katulad nang ginawa ko noon nang iniiwasan ko si Jepoy dahil kay Jana, ang kaibahan lang, ngayon mas titibayan ko na ang pader na magbubuklod samin, ito na yung matagal ko nang pinaghahandaan at matagal ko nang sinasabi kay Ivan. Alam ko namang darating yung panahon na kailangan narin nitong asikasuhin ang buhay niya, di ko lang inexpect sa ganitong paraan kami maghihiwalay.



Nagulat ang lahat sa kumpanya lalong lalo na si Ivan sa agaran kong pagre-resign. Inirekumenda ko si Ivan sa aking puwesto, di naman nagkaroon ng problema dito ang mga Board of Members ng kumpanya, sa kabila ng pagkagulat sa aking pagreresign ay masaya rin sila na may isang magaling na tao akong iniwan sa kanilang kumpaniya.



Pinindot ko ang button na pang tawag sa aking telepono, agad namang sumagot si mang Udoy at sinundo ako sa may lobby, di pa man ako nakakasakay ng sasakyan ay may yumakap sakin, si Ivan iyon, di ako maaaring magkamali sapagkat kilalang kilala ko ang amoy nito.



“Thank You.” bulong nito. Napangiti ako, alam ko kasing walang nagbago sa aming pagkakaibigan.



“Galingan mo ah.” nangingiti kong sabi dito at kumalas na sa kaniyang pagkakayakap.



“Makakabawi din ako sayo, Kuya, I swear, babawi ako sayo.” bulong nito bago ako makapasok ng kotse, kunwari ay di ko ito narinig.



0000ooo0000



“Maayos na lahat, anak, nasa tamang lugar na ang mga upuan at lamesa, naayos na din ng mga tao sa kusina ang buong kusina pati narin ng mga waiter at waitress ang mga menu. Pwede na tayong magbukas, anak.” sabi sakin ng aking inay habang inaaral ko ang mga kontrata ng aking bagong business.



“Ok, 'nay. Salamat. Nay iniisip ko nga po pala ulit na mag hire ng bagong assistant, tingin niyo kaya pa ng ating budget?” tanong ko sa aking ina na pansamantala ay akin nang naging sekretarya.



“Sa tingin ko ay---” simula niya pero hindi na ito natuloy dahil sa malakas na pagkatok na nanggagaling sa front door.



“Sino naman kaya ito?” sabi ng akin ina at narinig ko itong naglakad palayo sa akin.



“Tita, magandang g-gabi po, gusto ko po sanang makausap si Maki.” sabi ng isang pamilyar na boses sa gawi ng front door.



“Di ka welcome dito, Jepoy. Kahit pa nandito si Marcus ay hindi ako papayag na magkausap kayo. Ang kapal din naman ng---”



“Nay.” mahinahon kong tawag dito.



“Hindi, Marcus, masyado nang maraming nagawang masasakit na bagay itong si Jepoy sainyong dalawa ni Jana---”



“Nay, tama na po, kung gusto po akong makausap ni Jepoy ay hayaan na lang natin siya, baka po may importanteng sasabihin, sige na po, ako na pong bahala, magpahinga na po kayo.” pagkasabi ko nito ay nakarinig ko ng isang malalim na buntong hininga, hindi ko sigurado kung si Jepoy o ang aking ina ang nagpakawala nito.



“Sige, tuloy ka.” malamig na sabi ng aking ina saka naglakad palayo. Narinig kong umisod ang upuan malapit sa aking kaliwa.



“Anong kailangan mo, Jepoy?” tanong ko dito sabay kapa sa de-brail na mga dokumento sa aking harapan.



“B-bakit ka nagresign?” natigilan ako sa tanong niyang ito.



“Bakit mo naman naitanong iyan?”



“Umiiwas ka ba?!” medyo matigas na nitong sabi na miya mo nambibintang.



“D-di ko alam ang sinasabi mo.” sagot ko dito.



“W-wala kaming relasyon ni Ivan, gawa gawa lamang namin iyon para... kasi... kasi...”



Napakunot ang noo ko.



“Utang na loob, Jepoy, kung magsisinungaling ka na lang din sana pagisipan mo munang maigi ang sasabihin mong kasinungalingan.”




“Maniwala ka, Maki, wala talaga kaming relasyon ni Ivan, nagawa lang niya iyong sabihin para di mo kwestyinin lagi ang pagsama ko sainyo...”



Naginit na ang ulo ko.



“Tama na. Ayoko ng makarinig ng kasinungalingan galing sayo. Jepoy, di ka pa ba nadadala? Dapat natuto na tayo noon sa nangyari satin nila Jana. Di ko na kayang maulit pa iyon ngayon kay Ivan. Mahal ka niya. Matalik kaming magkaibigan at hindi ko na iyon mahahayaan pang masira mo.” mahinahon pero malamig kong sabi dito.



“Pero---”



Nasuntok ko na ang kahoy na lamesa sa aking harapan.



“Tama na, Jepoy!”



Tahimik. Pakiramdam ko ay nakapako parin ang tingin sakin ni Jepoy, bumibilis na ang aking paginga.



“Please, Maki. Please hear me out.” sabi ni Jepoy, bakas sa boses ni Jepoy ang pagmamakaawa.



“I'm tired, Jepoy and I wish to rest, madami akong gagawin bukas.” pakiusap ko dito.



“Please---” naramdaman ko ang paghawak nito sa aking kamay.



“Hindi totoong may relasyon kami ni Ivan, nagawa lang niyang sabihin yun sayo dahil kinukulit ko siya na gusto kitang laging nakikita at nakakasama at para hindi karin magtaka at matanong kung bakit niyo ako laging kasama ay naisipan niyang sabihin na may relasyon na kami, wala siyang ibang maisip na dahilan para hindi mo ako ipagtabuyan sa tuwing gusto kitang makasama, Maki. He's just helping me out, antagal mong nawala sakin, Maki, di ko na kaya na tiisin ang sarili ko na hindi ka makita araw araw ngayong alam kong abot kamay lang kita. Nasabi niya lang din yun dahil gusto niya daw bumawi...”




“Tama na!” di ko na napigilan ang sarili ko.



“Nababaliw ka na ba talaga, Jepoy?! Panong mangyayari yun eh ni hindi na nga ako gustong kasama ni Ivan sa tuwing nandiyan ka...!”



“Dahil ayaw niyang malaman mo ang binabalak niya...!”



“Hindi! Tama na! Hindi ko hahayaang siraan mo si Ivan! Mahal ka niya, ano bang masama don at kailangan mo pa siyang siraan?! Siya ang nandyan nung kailangan ko ng kasama, siya ang nandiyan nung kailangan ko ng masasabihan. Hindi lang basta assistant si ivan, siya ang nagiisang tumanggap at nagtiis sakin nung lahat ng tao, kasama ka ay tumalikod sakin. Sa tingin mo masisiraan mo na lang siya ng ganun ganon sakin?!”




Tahimik.



“Mahal kita.” bulong nito.



“Mahal din kita pero mas mahal ko si Ivan at ayaw kong may masasaktan nanaman dahil sa isang pagmamahal na hindi naman dapat.”



“Hindi dapat...?!” ulit nito pero hindi na ako sumagot.



“Anong hindi dapat, Maki?!”



“Umiwi ka na, Jepoy!”



Tahimik. Narinig kong umisod ang upuan malapit sa aking kaliwa. At isang buntong hininga ang pinakawalan ni Jepoy.




“Nga pala, Maki, bago ako umalis, gusto kong malaman mo na hindi totoong iniwan ko ang tabi mo simula nung aksidente. Hindi lang ako binigyan ng pagkakataon ni tita na makalapit sayo, kahit nung nagpunta kang US, sinundan kita, Maki. Di ko alam kung bakit ka nagunta sa US, di ko alam na nabulag ka na ng tuluyan dahil sa aksidente, nung puntahan ko ang tinutuluyan mo sa US at nang magpakilala ako sa tatay mo ay pinagtabuyan ako nito palayo, wala kong magawa kundi umuwi na lang ulit, nasaktan ako nang maisip ko na baka hindi na kita ulit makikita, na tuluyan ka ng nawala sakin tulad ni Jana, kaya't laking gulat ko nung nakita kita sa Mcdo nung hapon na iyon. Sinabi ko sa sarili ko na hindi na kita ulit papakawalan. Hindi ko intensyong iwan ka, Maki, hindi lang ako binigyan ng pagkakataon ng parents mo, pero hindi kita iniwan.”



Sa bawat salitang binitawan ni Jepoy nun ay walang tigil ang aking luha sa pagtulo.



Itutuloy...


[15]
Ilang buwan pa ang lumipas at halos nabawi na namin ang ininvest ko sa restaurant, dapat sana ay natutuwa ako sa magandang kinalabasan ng aking business venture, pero hindi, binabalot ako ngayon ng lungkot, sa loob ng isang linggo ay minsan na lang magtext si Ivan, mangangamusta at sa tuwing ako naman ang magbabalik sa kaniya ng tanong ay hindi na ito sasagot, bagkus ay magpapaalam na itong kailangan na niyang bumalik sa trabaho.



“Busy lang siguro.” pangungumbinsi ko sa sarili ko.




Sa akin palang ginawa ay lalo akong malulungkot pero ang maganda sa aking ginawa ay hindi nasira ang aming pagkakaibigan ni Ivan, di man kami madalas magkausap at magkita ay at least buo parin ang aming pagkakaibigan. Si Jepoy naman ay hindi na sakin nagpakita pagkatapos nung gabing nagkasagutan kami sa bahay.



Tanging ang aking ina na lamang ang aking kasama at kausap araw araw at maski kami na lang dalawa ngayon ang nagtutulungan ay pakiramdam ko parin na may itinatago ito sakin. May hindi sinasabi.



“Nay sino yung kausap niyo?” tanong ko dito matapos niyang ibaba ang telepono.



“Ah eh wala anak, wrong number lang.” sagot nito.



Nagtaka naman ako sa sagot niyang ito. Minsan lang kasi may tumawag sa bahay, kundi ang aking ama na nasa ibang bansa at si Ivan sa tuwing gusto ako nitong makausap o sa tuwing mangungumusta.




“Ah, akala ko po si Ivan, di na po kasi tumatawag sakin ang batang iyon.” sabi ko dito, napasinghap ang aking ina at hindi na sumagot, sunod kong narinig ang paglakad nito palayo.



Minsan naman ay biglang nag-ring ang aking telepono habang nagbibigay ng instructions sa manager ng aking restaurant, pinakiusapan ko ang aking ina na sagutin muna ito, narinig ko itong lumabas ng aking opisina sa likod ng aking restaurant at doon nakipagusap.



Nang matapos na ang aking meeting sa manager ng restaurant ay agad itong nagpaalam sa aking ina bilang respeto.



“Nay, sino yung tumawag?” tanong ko dito kahit na alam kong tatlong tao lang ang nakakaalam ng number ng telepono ko, si Mang Udoy ang aking ina at si Ivan.



“Ahh, s-si Ivan, nangungumusta, tatawag na lang d-daw ulit s-siya mamya.” nauutal na sagot ng aking ina.



“Ah ganun po ba? Sige po pakiabot sakin ang telepono at paki dial narin ang number niya.” pakiusap ko sa aking ina.



“Naku, hijo wag na at baka busy yun ngayon, p-parang nagmamadali... tama nagmamadali siya kanina habang kausap ako eh.” sagot naman ng aking ina.



Nagtataka man ako sa paraan ng pagsagot ng aking ina ay ikinibit balikat ko na lang ito. Nung sumapit na ang gabi ay pina-dial ko ang numero ni Ivan sa aking ina, wala na rin itong nagawa dahil sa aking pangungulit, di na kasi tumawag ulit si Ivan, nagalala ako, baka kasi importante ang sasabihin nito, pero tanging operator lang ang aking nakausap nung gabing iyon, magdamag na atang nakapatay ang telepono ni Ivan.



Sa mga sumunod na araw ay ang inay naman ni Ivan ang tumawag, muli ang aking ina ang nakasagot, tinatanong ko kung bakit pero hindi daw sinabi sa kaniya kung bakit, sa halip ay tumawag na lang daw ako mismo sa kanila. Pagkasabing pagkasabi ring yun ni inay ay tumawag na ako sa bahay nila Ivan.



Wala nang sumasagot. Kinabahan ako pero lahat ng iyon ay tila nabura o naechepwera dahil sa isang tawag galing St. Lukes. Ang aking ina ang nakausap nito.



“Anak!” tawag ng aking ina, di maitatago ang kagalakan sa boses nito.



Matapos matanggap ang magandang balita na iyon mula sa ospital ay sinubukan kong tawagan muli ang telepono sa bahay nila Ivan, pero wala paring sumasagot, sinunod ko ang cellphone nito pero tanging operator lang ulit ang nakausap ko. Ilang linggo pa ang lumipas at ganun parin, di ko parin ito macontact, hindi ko tuloy masabi dito ang magandang balita.




0000oooo0000



“Are you ready Mr. Tiangsan?” tanong sakin ng isang lalaki, malumanay ang boses nito pero hindi rin maitatago sa boses nito ang saya at excitement. Nakaramdam ako ng dalawang malalamig na kamay sa aking magkabilang kamay at hinawakan nila ang mga ito ng mahigpit.



Naramdaman ko ang pagtanggal ng benda sa aking ulunan partikular sa tapat ng aking mata, sunod ay tinanggal ang parang karton na siyang nakalagay sa aking magkabilang mata. Lalong humigpit ang hawak ng aking ina sa aking kaliwang kamay at gayun din ang paghawak ng aking ama sa aking kanang kamay.



“You can open your eyes now, Mr. Tiangsan.” sabi muli ng lalaking may malumanay na boses.



Dahandahan kong binuksan ang aking mga mata, sa kakapiranggot na siwang na ay nakaaninag agad ako ng liwanag. Liwanag na sa loob ng magsisiyam na taon ay hindi ko nakita.



“Ang liwanag.” naibulalas ko nang maibukas ko na ng tuluyan ang aking mga mata. Narinig kong napasinghap ang aking ina gayun din ang aking ama.



“Malabo parin doc, pero may kaunti na akong maaaninag.” sabi ko sa duktor na gumawa ng aking operasyon.



“Hayaan muna nating masanay ang iyong mga mata.” sabi ng doktor. At duon ko sa maliit na klinika na iyon muling naramdaman ang pagiyak dahil sa sobrang kagalakan.




0000oooo0000



“Inay, di parin po ba nagpaparamdam si Ivan?” tanong ko sa aking ina habang inaayos nito ang aking gamit pauwi ng bahay. Medyo malabo parin ang aking paningin pero nakakakita na muli ako, nakakabasa, nakakapanood ng TV at nakikita ko na muli ang mukha ng aking mga magulang.



“Wala pa anak eh, eto ang iyong cellphone, hala sige ikaw na ang tumawag.” sabi nito sabay ngiti ng pagkatamis tamis.



Pinindot ko ang mga keys nito at pilit pinagaralan ang functions nito, sa loob kasi ng walong taon na nakakulong ako sa dilim ay isang button lang ang aking pinipindot. Ang call button. Pero ngayon ay pwede na akong tumawag kahit kanino nang hindi ako nagpapadial sa aking ina.




Nakita ko ang contacts, apat na number lang pala ang andun, sa tatlo ay alam na alam kong andun talaga, ang kay mang Udoy, sa aking ina at kay Ivan. Laking gulat ko nang may naka save na number pala doon si Jepoy. Nangunot ang noo ko, sigurado akong hindi ang inay ang naglagay noon.



Sinunod kong pindutin ang call button ng makita ang number ni Ivan. Tanging operator parin ang nasagot, sunod kong tinawagan ang kanilang bahay at wala paring nasagot.



“Ivan, asan ka na? Pano ko masasabi sayong nakakakita na ulit ako kung napakailap mo.” sabi ko sa sarili ko.



“Hayaan mo muna si Ivan, anak, baka busy lang talaga ang tao. Ayaw mo nun masusurpresa siya sa oras na malaman niyang nakakakita ka na ulit?” masayang sabi ng aking ina.



0000oooo0000



Masaya kong binati ang mga nurses na nagalaga sakin ng ilang araw, di ako makapaniwala na para bang binigyan ako ng panibagong buhay ng Diyos, walang kapantay ang aking kasiyahan. Nang asa lobby na kami ng Ospital at nagiinatay ng sasakyan ng aking mga magulang ay naramdaman kong parang may nakatingin sakin.


Iginawi ko ang aking tingin sa kaliwa at kanan pero wala akong nakita na maaaring nagbibigay ng pansin sakin, napakunot noo na lang ako sabay kibit balikat, pero hindi ko parin maikaila ang pakiramdam na parang pinapanood. Di nagtagal ay naka para na ng taxi ang aking ama at sabay sabay na kaming sumakay pauwi.



Sa buong biyahe ay wala akong ginawa kundi ang saulohin ang aking nadadaanan, para akong balikbayan at ngayon lang ulit nakita ang lugar na aming dinadaanan matapos hindi umuwi ng matagal na panahon. Minsan naninibago parin ako sa aking bagong pares ng mata. Andyan ang bigla bigla akong mahihilo o kaya naman ay sadyang nanlalabo ang aking paningin.



Muli kong napagmasdan ang kulay sa paligid ang mga itsura ng bagay bagay kasama ng mga tunog at pakiramdam nito. Napangiti ako pero agad ding napabuntong hininga, alam na may kulang sa aking pagdidiwang at yun ay ang aking kaibigang si Ivan.



“San ka na ba, Ivan?” bulong ko sa sarili ko.



“Anak may problema ba?” tanong sakin ng aking ina, iginawi naman ng aking ama ang kaniyang pansin sakin.



“W-wala naman po. Excited lang makauwi.” sagot ko sabay ngiti, sinuklian naman iyon ng ngiti ng aking mga magulang.




0000oooo0000



Ilang minuto pa ay papasok na kami sa aming village, pilit na inaalala sa loob ng walong taon ang mga bahay na kahilera lang ng aming bahay, laking gulat ko ng makita ang bahay nila Jana, madilim, mahahaba na ang damo at halaman na dati ay maayos na nakahilera sa kanilang bakuran. Mukha na itong napabayaan. Mukhang walang nakatira.



Marahil ay napansin ng aking ina ang pagtataka sa aking mukha.



“Anak, matagal ng walang nakatira diyan. Simula nung aksidente, hindi na bumalik sa normal ang buhay ng mga magulang ni Jana, na depress ang tito Jun mo, naglasing at madalas sinasaktan ang Mama ni Jana.” malungkot na salaysay ng inay. May naramdaman akong kurot sa aking puso.



“I'm sorry, Jana.” bulong ko at isang luha ang bumagsak mula sa aking kaliwang mata.



Tulad ko, nagiisang anak din si Jana, kaya naman naiintindihan ko ang nangyari sa mga magulang nito.




0000oooo0000



Balik sa normal ang aming pamilya, masaya kaming sabaysabay na kumakain at nagkwekwentuhan sa hapagkainan, di parin makapaniwala sa aking swerte, swerte dahil sa dinami rami ng taong nangangailangan ng eye transplant ay ako pa ang napili nila. Nais sana naming pasalamatan ang pamilya ng nag donate, kaso ayaw ibahagi ng mga doktor ang pangalan ng mga ito, ang pamilya daw mismo ng nagdonate ang nagsabi na wag na silang pangalanan.



Muli, kagaya ng nangyari kanina pagkalabas ko ng Ospital, muli ko nanamang na appreciate ang mga maliliit na bagay na noong bago ang aksidente ay tinook for granted ko lang, tulad ng simpleng itsura ng tinidor at kutsara, mga makukulay na putahe na nakaahin sa hapagkainan, pati narin ang katotohanang di ko na kailangang umasa sa aking ina para ipaghati ako ng ulam.



“Nakakakita na uli ako.” sabi ko sa sarili ko at bahagya ulit na napangiti.



Madami pa kaming napagusapan ng aking mga magulang, tulad ng pagbubukas ng panibagong branch ng restaurant at pati narin ang pagstay ng aking ama dito sa Pilipinas, nais na raw kasi nitong mag resign para naman daw makatulong dito sa bahay at sa panibago naming business.



Masaya kami ng aking ina sa narinig mula sa aking ama, matagal narin kasi itong wala sa aming buhay dahil sa pagtratrabaho para magkaroon kami ng magandang buhay at masasabi ko rin na tamang panahon narin na magkasama sila at mag enjoy, matagal nang nabalot ng pighati ang buhay naming pamilya. Ngayon na siguro ang magandang panahon para magsimula ulit.



Isaisa na kaming umakyat sa aming mga kwarto, pagkabukas na pagkabukas ng aking pinto ay bumulaga sakin ang walang pinagbago ko paring kwarto, kung pano ang pagkakaalala ko nung bago ang aksidente ay ganon ko parin ito nakikita ngayon. Mataas na kisame, kulay asul na pader, maliit na kama pero kung gugustuhin ay magkakasya naman ang dalawa, ang matandang aparador na katabi lang ng pinto ng banyo at ang madaming libro na nagkalat sa buong kwarto.



Pero hindi lang iyon ang bumalik sa aking alaala. Bumalik din sakin ang mga panahong andito si Jepoy. Napapikit ako at ninamnam ang pagbabalik ng alaala na binaon ko narin sa limot kasabay ng pagkawala ng aking paningin.



“Dito ulit ako matutulog, Maki.” paalam ng kumag sakin sabay ngiti. Tinignan ko ito ng masama.



“May exam tayo pareho bukas. Di pwedeng mapuyat saka mapagod.” sabi ko dito habang pinipigilan ang sarili na mapangiti.



“Di kita pupuyatin.” nangingiti nitong sambit.



“Sige, pero matutulog na tayo agad ah.” pagpapaalala ko dito sabay sampa sa kama at kinumutan ang sarili, di nagtagal ay naramdaman ko ang pagyakap ni Jepoy sakin, inilagay ang kaniyang mukha sa aking leeg.



“Hindi kita pupuyatin pero papagurin kita. Matutulog narin tayo agad pero pagkatapos nating maglabing labing.” bulong nito sakin sabay hagikgik.



“Ulol! Tulog na tayo.” di na ito nagsalita, kumalas sa kaniyang pagkakayakap at tumalikod sakin.



“Hmpft! Lagi mo na lang akong inaayawan.” bulong nito habang nakatalikod parin sakin.



“Wag nang maginarte.” sabi ko dito atsaka hinila ang kaniyang kamay para muli itong mapaharap sakin at nang makaharap na ito ay muli ko itong iniyakap sakin.



“Gwapo naman ako, macho, mabait saka matalino. Di ko maintindihan kung bakit ayaw mo sakin.” sabi nanaman nito na may himig tampo. Napahagikgik ako.



“Wala naman akong sinabi na di ka gwapo, macho, mabait saka matalino. Di lang talaga pwede ngayon kasi may exam pa bukas, di tayo pwedeng bumagsak pareho, dahil kapag bumagsak ka, sasabihin nila wala akong kwentang tutor tapos di ka na nila sakin ipa-patutor.” sabi ko dito. Natahimik naman ito pero naramadaman kong humigpit din ang yakap nito sakin.



“Ibig sabihin ba nun love mo na din ako?” paglalambing nito. Di ako nakasagot, kinabahan, bumilis ang pagtibok ng puso. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagkunwaring tulog na. Miyamiya ay naramdaman kong dumungaw si Jepoy at inalogalog ako, nagkunwari parin akong natutulog.



“Hmpft! Tinulugan ako!” sabi nito pero di na siya tumalikod sakin, ibinalot ulit nito ang kaniyang kamay sa akin at isiniksik ang kaniyang mukha sa aking leeg.



“I Love You, Maki.” bulong nito. Di ko maintindihan ang aking nararamdaman, tila ba natatakot ako at natutuwa ng sabay.



Ilang luha ang bumagsak mula sa aking mga mata. Di maikakailang mahal ko parin si Jepoy sa kabila ng lahat.




Itutuloy...

No comments:

Post a Comment