By: Migs
Blog:
miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail:
miguisalvador@yahoo.com
[Prologue]
Pinagsisisihan
na ngayon ni Francis ang pagbili niya ng iPhone, di kasi niya magawang i-tap
ito at mag-drive ng sabay, kung hindi lang siya nagmamadali ay maaari niya
sanang itabi ang sasakyan atsaka doon hanapin ang contact number ng gusto
niyang tawagan. Maingat pero mabilis niya paring pinapatakbo ang kaniyang
kotse, kada tigil ng dyip na nasa kaniyang unahan para magsakay ng pasahero ay
siya rin namang mura niya at suntok sa busina.
“Damn
it!” sigaw ni Francis na nagsisimula ng mangamba na baka magkasalisi sila ng kaniyang
pakay. Nang sa wakas ay malapit na siya sa airport kung saan doon nagpho-photo
shoot ang team nila Chino ay siya namang pag-pula ng traffic light.
“Shit!
Shit! Shit!” nagpapanic na sigaw ni Francis pero kinuwa niya rin ang
pagkakataon na iyon para halughugin ang kaniyang contacts at i-dial ang number
ni Chino. Una ay ngri-ring lang ito, walang duda na nasa bulsa ni Chino ang
kaniyang telepono, alam ni Francis na hinding hindi lalayo si Chino sa kaniyang
telepono kaya't walang duda rin na hindi niya ito pinapansin.
“Please
don't be immature now Chino. Answer the damn phone! We need to talk!” sigaw
nanaman ni Francis sa kawalan. Muli niyang tinap ang call button, nagring ulit
ito pero agad din itong nag-dial tone, indikasyon na ikinansela ang tawag, pero
pursigido si Francis, kailangan niyang makausap si Chino kaya naman tinawagan
niya ulit ito.
Tila
naman may sumundot sa kaniyang puwit dahil makalipas ang apat na ring ay may
sumagot na sa kabilang linya.
“I'm
busy, Francis.” sabi ni Chino sa kabilang linya, di man personal na kausap ni
Francis si Chino ay basang basa nito ang pinaghalo halong pagod, lungkot, galit
at pagaalinlangan sa boses nito.
“Please,
Chino, we need to talk.” pagmamakaawa ni Francis.
“I'm
working---”
“I'll
be there in ten minutes, baby, please, we need to talk.” natahimik sa kabilang
linya si Chino, alam ni Francis na nagiisip ito kung pagbibigyan ba siya ng
pagkakataon o hindi.
“Text
me when you're at the gate, the guards will not let you in unless I give you a
pass.” malumanay pero walang buhay na sagot ni Chino, agad namang gumapang sa
pagkatao ni Francis ang tuwa dahil binigyan siya ng pagkakataon ni Chino na
makausap siya.
“Thank
you, bab---” di na natapos ni Francis ang kaniyang sasabihing ito, pero di na
niya iyon pinagtuunan ng pansin, nang sa wakas ay nag-green na ang ilaw ay
panatag na niyang pinatakbo ang kaniyang sasakyan patawid ng intersection, alam
niyang di na niya kailangang magmadali dahil nakausap na niya si Chino.
Sa
sobrang galak ni Francis sa pagkakataong ipinaunlak sa kaniya ni Chino ay ni
hindi na nakuwa ni Francis na pansinin ang isang malaking truck na muntik ng
bumangga sa kanang bahagi ng isang kotse, ang kotse naman dahil sa biglaang
pag-lag sa truck ay walang patumanggang tumawid ng kabilang linya, pasalubong
sa mga sasakyan mula sa linya ng sasakyan ni Francis.
Hindi
pa doon natapos ang insidente sapagkat tumawid ang truck sa intersection, dahil
hindi inaasahan ng katawiran na sasakyan ang truck ay bumangga ito sa isang
kotse sa gitna mismo ng intersection.
Narinig
ni Francis ang malakas na kalabog sa likuran, maingat siyang sumulyap sa
kaniyang rear view mirror, nakita niya kung pano paulit ulit na umikot ang
isang kotseng inararo ng isang truck si gitna ng intersection, nang ibalik niya
ang kaniyang pansin sa kalsada sa kaniyang unahan ay laking gulat niya ng
makita ang isang kotse na nakasalubong sa kaniyang sasakyan.
Bago
apakan ni Francis ang preno ay nakita niya ang takot na takot at gulat na gulat
na mukha ng tatlong tao sa kasalubong na sasakyan, huli na ng kumagat ang preno
niya, tila isang malakas na pagsabog ang kaniyang narinig sa kaniyang harapan,
ilang nababasag na salamin at ang pagkikiskisan at pagbabangga-an ng mga bakal
ang rumindi sa kaniya, agad na lumobo ang air bag na nakatago sa kaniyang
manibela para masagip ang kaniyang ulo pero di pa dun natatapos ang lahat dahil
may mabilis na kotse sa kaniyang likuran, di nito agad napansin ang biglaang
pagpreno ni Francis.
May
bubog na tumarak sa kaniyang airbag kaya naman unti unti itong nawalan ng
hangin kaya naman nang bumunggo ang kotse sa likod ni Francis ay bayolenteng
umuntog ang ulo niya sa manibela kasabay noon ay narinig niyang muli ang
malakas na pagsasalpukan ng dalawang mabibigat na bagay na gawa sa bakal sa
gawi naman ng kaniyang likuran, itinulak lalo ng kotse sa likod ang kaniyang
sasakyan sa kasalubong na kotse, naipit sa ang kotse ni Francis sa gitna.
Sandaling
tumahimik ang paligid. Masakit na ulo ang gumising kay Francis, hilong hilo
siya dahil sa paguntog ng kaniyang ulo sa manibela, dahan dahan niyang iminulat
ang kaniyang mga mata, narinig niya ang sigaw ng ilang tao sa kaniyang paligid,
naka-amoy siya ng gasolina, alam ni Francis sa kabila ng matinding sakit ng ulo
na kaniyang nararamdaman na kailangan na niyang umalis doon. Kailangan na
niyang lumabas ng kaniyang sasakyan.
Tila
niyuping de-lata ang pinto ng kaniyang sasakyan, inipon niya ang kaniyang lakas
at buong pwersang itinulak ang pinto, pero wala itong silbi, ayaw itong
bumukas, napansin niyang basag na ang kaniyang bintana kaya naman sinubukan
niyang i-angat ang kaniyang sarili sa pagkakaupo para lumusot sa bintana pero
matindi talaga ang sakit ng kaniyang ulo kaya naman napaupo ulit siya sa yupi
na at maduming upuan ng kaniyang sasakyan.
Sinubukan
niyang sumigaw, dahil alam niyang yun na lang ang kaniyang magagawa pero
masyado ng masakit ang kaniyang ulo, tila ba lumiliit ang kaniyang bungo at
iniipit nito ang kaniyang utak sa loob. Sumisikip narin ang kaniyang dibdib,
unti unti siyang nakakaranas ng bahagyang paghirap sa paghinga.
“Tulong---”
halos pabulong na usal ni Francis, alam niyang kailangan niyang lakasan ang
kaniyang pagtawag kung gusto niya talagang makakuwa ng pansin. Ngayon ay hindi
lamang sakit ng ulo ang kaniyang nararamdaman, bumabalot narin sa kaniyang
katawan ang takot dahil narin alam niya na base sa kaniyang naaamoy ay mabilis
na kumakalat ang gasolina sa paligid niya.
“Tulong!”
medyo malakas ng bigkas ni Francis, at laking pasalamat niya ng makaramdam siya
ng dalawang malalakas na kamay na humihila sa kaniya palabas ng binatana ng
kaniyang sasakyan. Halos parang bulak lamang siyang kinarga ng lalaking
tumulong sa kaniya palayo sa kaniyang sasakyan.
“Wag
mong ipipikit ang mga mata mo, kahit anong mangyari panatilihin mo ang sarili
mo na gising.” bulalas ng lalaking tumulong sa kaniya palabas ng kaniyang
sasakyan pero naisip niya na imposibleng hindi siya makatulog dahil sa
pananakit ng kaniyang ulo pero pinilit niya paring imulat ang kaniyang mga mata
kahit na hirap na hirap siya dahil sa sakit.
“S-sir,
yung sasakyan sa unahan--- yu-yung nabangga ko---” nanghihinang bulong ni
Francis.
“Hindi
mo sila nabangga, nakita ko kung pano nila iniwasan yung truck na nawalan ng preno
kaya napunta ang sasakyan nila sa linya mo, nakita ko rin kung pano hindi
kumagat agad ang preno mo kaya wag kang magalala, te-testigo ako na aksidente
ang nangyari.”
Alam
ito ni Francis pero hindi iyon ang kaniyang ibig sabihin kaya't tumango na lang
siya.
“L-ligtas
po ba s-sila? Nakalabas na po ba s-sila ng sasakyan? Naka amoy po ako ng
t-tumatagas na gas, baka--- k-kailangan niyo po silang i-labas.” pautal utal na
sabi ni Francis, mataman naman siyang tinignan ng estranghero na tumulong sa kaniya.
Magsasalita na sana ulit ito ng makita niya ang dalawang lalaki, duguan ang
isa, karamihan sa dugo ay nanggagaling sa mga mata nito ang umaalalay naman
dito ay puno ng bubog at dumi ang damit pero mukha namang OK.
“Tulong,
tulungan niyo kami, parang awa niyo na!” sigaw ng lalaking umaalalay sa
kasamahan niyang duguan. Agad na tumakbo ang lalaking tumulong kay Francis at
inalalayan ang duguan patabi dito.
Agad
na napahawak si Francis sa kaniyang ulo, ngayon ay tila ba may libo libong mga
karayom na tumutusok sa kaniyang utak, nararamdaman niyang tila ba sasabog na
ang kaniyang ulo pero pinilit niya paring imulat ang kaniyang mga mata, pilit
na sinusunod ang utos ng lalaking tumulong sa kaniya palabas ng sasakyan.
“Jepoy!
Si Jana, tulungan mo si Jana!” sigaw ng lalaking dumudugo ang mga mata. Agad na
bumalik si Jepoy sa kaniyang sasakyan pero pinigilan ito ng lalaking tumulong
kay Francis.
Tila
ba isang eksena sa isang pelikula ay sumabog ang kotse ni Francis, kasunod ng
kotse ni Jepoy at ng kotse na bumangga sa likod ng sasakyan ni Francis.
Hindi
na nakayanan ni Francis ang sakit na nanggagaling sa kaniyang ulo at dahan
dahan na niyang ipinikit ang kaniyang mga mata.
“JANAAAAAA!!!”
sigaw ni Jepoy.
“JANAAAAAAAA!”
“Sorry,
Chino.” ang mga huling katagang naibulalas ni Francis bago siya mawalan ng
malay.
Makalipas
ang ilang oras ay nagaalalang tinanong ng mga magulang ni Francis ang tungkol
sa kanilang anak, malungkot na sinabi ng doktor na nagkaroon ng pagdudugo sa
loob ng bungo ni Francis, di parin nila alam ang permanenteng epekto ng
pagdudgong iyon kay Francis at ang huling sinabi ng mga doktor ay talaga namang
ikinalungkot ng mga magulang ni Francis.
“He's
in a coma, we still can't tell when and if Francis is going to wake up from
it.” malungkot, puno ng respeto at pabulong na sabi ng duktor sa mga kaanak ni
Francis.
“This
is our fault.” umiiling na sabi ng ama ni Francis nang makalayo na ang duktor.
Tumalikod ang ina ni Francis at tinawagan ang taong alam niyang nagaalala kay
Francis.
“Hello,
Chino---?”
[01]
Nagsisimula
nang sumakit ang ulo ni Chino, hindi niya malaman kung bakit hindi makuwa ng
mga modelo ang kaniyang instructions. Magaala-una na ng madaling araw at nasa
run way parin sila ng airport, hindi rin nakakatulong sa mood niya ang parito't
paroon ng mga eroplano sa runway na siya namang nakakadagdag sa sakit ng ulo
niya.
“I'll
be there in ten minutes, baby, please, we need to talk.” paulit-ulit na
umaandar ang sinabing iyon ni Francis sa kaniya, di niya alam kung anong ibig
sabihin nun, ang tangi niyang alam ay lalo itong nakakapagpasakit sa ulo niya,
gusto na niyang tapusin agad ang trabaho niya at umuwi at hindi na siya umaasa
sa panibagong drama bago pa matapos ang araw.
Isang
Photo shoot Director si Chino sa isang kilalang magazine sa buong Pilipinas,
maglilimang taon na siya sa larangan na iyon at ang trabaho niya lang din na
iyon ang tangi niyang maipagmamalaki sa kaniyang sarili. Hindi naman pangit si
Chino, ang totoo ay maari rin itong maging modelo pero dahil sa baba ng
kumpiyansa nito sa kaniyang sarili ay tanging trabaho niya lang ang tangi
niyang nkikita sa sarili na pwedeng maipagmalaki.
Lalong
bumaba ang kumpiyansa nito sa sarili nang lokohin siya ng taong tanging
nagpakita sa kaniya ng pagmamahal at nagturo sa kaniya ng pagpapahalaga sa
sarili. May isang buwan na ang nakakaraan nang talikuran niya ang relasyon na
iyon at wala itong naitulong sa kaniyang mababang self esteem, ngayon sa tingin
niya ay lahat ng taong nakikipaglapit sa kaniya ay sasaktan lang din siya sa
huli. Kaya naman hindi na siya nagaaksaya pa ng panahon na makipaglapit din sa
mga ito.
Abala
siya sa pagtuturo ng magandang pose at tamang ekspresyon ng mukha nang tumunog
nanaman ang kaniyang telepono, napairap siya, iniisip niyang si Francis nanaman
ito, nagsasabing asa labas na siya at kung pwede ay magusap na sila, pero mali
ang kaniyang akala, hindi naka rehistro sa kaniyang telepono ang number na iyon
kaya naman di na siya nagatubili pa at sinagot na niya ito.
Nanlambot
siya at wala sa sariling nabitawan ang kaniyang telepono. Napansin niyang tila
ba tumigil ang oras, literal dahil tumigil lahat ng tao sa paligid niya, nun
niya lang napansin na nasa telebisyon malapit sa tent ang pansin ng lahat ng
tao sa paligid niya at nanonood ng flash report.
“Isang
aksidente ang nangyari sa kahabaan ng Sucat road--- isang truck ang nawalan ng
kuntrol na siyang dahilan upang magbanggaan ang ilang sasakyan--- sa ngayon ay
wala pang report kung meron bang nasawi at kung ilan ang nasugatan sa
aksidenteng ito---”
“Nasawi?
Oh God, please, not Francis---” bulong ni Chino sa kaniyang sarili.
Si
Francis Cardasto. Best friend niya ito simula nung elementarya pa lamang, ang
taong ito ang nagturo sa kaniya ng maraming bagay, ang taong ito ang siyang
nagpaalam sa kaniya na may kuwenta siya, na may karapatan siyang mahalin pero
ito rin ang nanakit sa kaniya, ang tanging tao na pinagkatiwalaan niya ng
kaniyang buong puso at siya ring nanakit dito.
Magiisang
buwan na ang nakakaraan ng sabihin mismo ng ina ni Francis kay Chino ang balak
na pagpapakasal ni Francis kay Laura, si Laura na ang pakilala sa kaniya ni
Francis ay kinakapatid lang daw nito, huli na ng malaman niyang di lang pala
kinakapatid si Laura para dito.
Dito
na niya muling naramdamang di siya karapat dapat mahalin, na wala siyang
kuwenta at nagsisimula narin nyang matanggap sa sarili niya na tatanda siyang
magisa at miserable. Sa kabila ng mga nagawa sa kaniya ni Francis ay di parin niya
matiis sa sarili na wag magalala para sa kaniyang dating kasintahan. Maaga
niyang itinigil ang shoot at nagtungo na sa ospital.
“Tita.”
tawag niya sa ina ni Francis. Nilingon siya ng matandang babae, kitang kita sa
mukha nito ang pagtangis. Binigyan siya nito ng matipid na ngiti, alam na niya
agad na may kakaiba sa ikinikilos nito. Agad napawi ang ngiting iyon nang
umiling ang matanda at nagpatuloy sa pagiyak.
“He's
in a coma. Nobody knows when or if he will get out of it.” pabulong na sabi ng
ina ni Francis. Nanlambot si Chino. Aaluin na niya sana ang matanda ng lumabas
ang isang magandang babae at ang ama ni Francis mula sa ICU. Agad naglakad ang
babaeng nagngangalang Laura papunta sa ina ni Francis at inalo niya ito.
Tinignan siya ng masama ni Laura na ikinataka naman niya.
Kanina
pa niya napapansin na para bang may mali. Saglit na nagtama ang tingin ng ama
ni Francis at ni Chino, agad na nagbawi ng tingin ang ama ni Francis, tila ba
humihingi ng tawad ang tingin na iyon, puno ng pagsisisi, may gustong
ipahiwatig, naglakad ito palayo, naisipang sundan ni Chino ang matanda. Umupo
ito sa may hagdan ng fire exit, umupo si Chino sa tabi ng matandang lalaki.
“This
is our fault.” sabi ng matanda sa kaniya, tulad ng sawa ay umiiling din ito
habang umiiyak.
“Tito,
aksidente po ang nangya---”
“Hindi
mo naiintindihan, Hijo. Kasalanan namin ito ng Tita mo.” hindi na napigilan ng
matanda ang kaniyang sarili sa pagiyak at wala sa sarili itong sumandal sa
matipunong balikat ni Chino.
Ang
totoo niyan, sinisisi ni Chino ang kaniyang sarili, kanina nang malaman niya
ang tungkol sa aksidente ay di niya maiwasang isipin na kung tinanggap niya
lang sana na mas mahal ni Francis si Laura, kung nagkausap lang sana sila ni
Francis ng maayos noon ay di sana ito magpupumilit na makipagusap sa kaniya
ngayong gabi at hindi sana ito maaaksidente. Sasabihin na sana niya ito sa
matanda upang mabawasan ang paninisi nito sa sarili nang bumukas ang pinto sa
kanilang likuran. Si Laura nanaman.
“Tito,
kakausapin daw po kayo ng duktor.” sabi ni Laura. Walang sabi sabing tumayo ang
matanda at nilagpasan si Laura pabalik sa harapan ng ICU.
“This
is all your fault!” singhal ni Laura na ikinagulat naman ni Chino, di na siya
nakasagot dahil alam niyang may puntong tinutumbok ang kasinatahan ni Francis.
“Ikaw
ang pupuntahan ni Francis kaya siya naaksidente. Kasalanan mo 'to.” bago pa man
ito makasagot kay Laura ay tumalikod na ang magandang babae at naglakad pabalik
sa gawi ng ICU.
Di
na siya bumalik pa sa tabi ng mga magulang ni Francis. Tuluyan nang sumama ang
kaniyang pakiramdam at nagpasiya na lang na umuwi na.
0000ooo0000
Nagpagulong
gulong si Chino sa kaniyang kama. Tumatakbo sa kaniyang panaginip ang maamong
mukha ng kaniyang dating kasintahan. Napapanaginipan nito ang masasayang
sandali nila ni Francis at ang malungkot na mukha at humihingi ng tulong na
Francis ang siyang dahilan upang magising siya mula sa pagkakatulog na iyon.
Nanlalambot
siyang pumasok sa opisina nung araw na iyon. Inaasahan na niya na ilang sandali
lang pagkatapos niyang mag IN sa opisina ay ipapatawag na siya ng kaniyang boss
para sermunan dahil sa pagpapatigil niya sa photoshoot kagabi. Hindi nga siya nagkamali,
hindi pa siya nakakaupo sa likod ng kaniyang lamesa nang ipatawag siya ng mga
ito.
Pinaglalaruan
niya ang kaniyang mga daliri habang nakaupo sa harapan ng lamesa ng kaniyang
boss, madalas niya itong gawin sa tuwing kinakabahan siya.
“Will
you relax, Mr. Rodriquez! We are not certainly pleased about the photo shoot
last night but the photographers said that they have enough photos for this
month's issue so you're off the hook. The reason why you are here is because we
want to give you the projects that, Francis left behind.” napatingala si Chino
sa sinabi ng boss niyang iyon.
“I
don't do male models, Sir, and besides, Francis is not dead, he's just in a
coma---” naiiling na sabi ni Chino sa kaniyang boss, kumunot naman ang noo ng
kaniyang boss.
“We
know that, Chino, but the doctors are not certain when or if Francis is going
to wake up from coma. You're the next best thing to a Mr. Francis Cardasto, you
both have the same ideas and styles when directing a shoot.” sagot ng kaniyang
boss.
“It's
not that I don't want to accept this job, Sir, but I have my own personal
issues about directing male models.” nagaalinlangang sagot ni Chino., mataman
siyang tinignan ng kaniyang boss, tila ba lumalangoy ito sa isang malalim na
pagiisip, nang sa pakiramdam ni Chino ay lumipas na ang oras ay nagsalita ulit
ito.
“I
see, uhmmm, listen, why don't you just try it for--- let's say a month, if you
still have problems about doing a male shoot then we will have to look for a
shoot director for male models.” alok ng kaniyang boss. Wala na rin siyang
nagawa at tinanggap na ang alok na ito.
0000ooo0000
Ilang
araw pa ang lumipas at hindi parin niya mapigilang magalala, ayon sa mga duktor
ay walang pagbabago ang lagay ni Francis. Alam ni Chino na mahal parin niya ang
dating kasintahan dahil sa matagal narin nilang pagsasama pero sinabi niya sa
kaniyang sarili na kung panahon na talaga ni Francis para umalis ay wala na
siyang magagawa pa dito.
Nakasilip
siya sa bintana ng ICU para masilayan manlang niya kahit saglit si Francis nang
biglang magsalita ang ina ni Francis sa kaniyang likuran.
“I
don't know what else to do.” nanlalambot na sabi ng ina ni Francis na
ikinatalon naman sa gulat ni Chino.
“Everything
will be OK, Tita.” paniniguro ni Chino sa matandang babae, inakbayan niya ito
at binigyan ng isang matipid na pisil. Sinuklian lang siya ng isang matipid na
ngiti ng matanda.
“Di
na kita nakikita sa bahay nitong mga nakaraang araw?” tanong ng matanda.
Natahimik saglit si Chino, kahit naman hindi maganda ang paghihiwalay nila ni
Francis bilang magkasintahan ay alam niyang mahal na mahal parin nila ang isa't
isa, hindi man bilang magkasintahan ay matalik naman na kaibigan at naapektuhan
din ang kanilang pagkakaibigan sa nangyari sa kanilang dalawa, kaya naman hindi
niya alam ang kaniyang isasagot sa tanong na iyon ng ina ni Francis.
“Nagkaroon
lang po ng konting misunderstanding.” sagot na lang ni Chino, agad naman siyang
tinignan ng matanda, tila ba nanunuri ang tingin na iyon pero may iba pang
laman ang tingin na iyon, tila ba may itinatago rin ang matanda sa kaniya.
“Is
this about his wedding with Laura?” tanong ulit ng matanda, gusto ng matunaw ni
Chino sa kaniyang kinatatayuan.
“Yes,
Tita. But we're passed that, I'm passed that.” makahulugng sagot ni Chino,
makahulugan kasi alam niyang nagsasabi siya ng totoo, nitong nakaraang mga
linggo matapos niyang malaman na ikakasal na si Francis ay natanggap na niya na
hanggang pagiging matalik na kaibigan na lang ang kaniyang papel para sa
kaibigan, tanging ang nararamdaman na sakit lang naman talaga ang humahadalang
para magusap at magharap muli sila ni Francis, muli siyang sumailalim sa
mapanuring mata ng matanda. Di na muli pang nagsalita ang ina ni Francis kaya
naman nagpaalam na si Chino dito para umuwi.
0000ooo0000
“Dont
be afraid to take some chances.” bulong ni Chino sa kaniyang sarili, inuulit
ang mga salitang paulit ulit na pinapaalala sa kaniya ni Francis noon sa tuwing
nakakaramdam siya ng self doubt. Habang papasok sa venue ng photoshoot ay hindi
niya maiwasang kabahan.
May
dahilan kung bakit ayaw niyang hawakan ang photoshoot ng mga male model, hindi
kasi nakakatulong ang makakita ng halos perpektong mga lalaki na halos kasing
edaran niya lang sa kaniyang napaka babang self esteem. Sa tuwing nakakakita
siya ng mga taong siguradong sigurado sa kanilang sarili ay di niya mapigilang
kaawaan ang sarili. Lalong ipinapamukha ng mga ito kung saan siya nababagay at
kung gaano siya kawalang kwenta.
“Chino!”
sigaw ng isang matangkad at gwapong lalaki sa di kalayuan, isa ito sa mga
matalik na kaibigan ni Francis sa trabaho, minsan na siyang ipinakilala ni
Francis dito pero matagal na niya itong di nakikita.
“Dom,
musta na?” nagaalangang tanong ni Chino, hindi na sumagot ang matangkad na
lalaki at bigla na lang siya nitong niyakap na ikinagulat naman niya ng husto,
dahil sa pagkakaiba ng kanilang schedule ni Francis ay di naman sila naging
close talaga ni Dom.
“Nagulat
ako sa nangyari kay Francis.” bulong nito. Tumango lang bilang sagot si Chino,
napansin nitong nangingilid na ang luha ni Dom nang maghiwalay sila sa kanilang
pagyayakapan.
“Anyways,
I'm sure that sonavabitch will wake up soon. For the meantiiiiimmmme--- you'll
be my boss, a very cute one at that. I'm sure everyone will be ecstatic to work
with you!” taas babang kilay na sabi ni Dom.
“Don't
get your hopes up.” umiiling na bulong dito ni Chino.
0000ooo0000
“Do
you even know what you're doing?! Geez, man!” sigaw ng isang modelo sa mukha ni
Chino. Nagkamali siya tungkol sa sequence ng posing, naiintindihan niyang pagod
na ang modelo kaya naman ng ipaulit niya dito ang mga pose na naaayon sa
sequence na gusto niyang mangyari ay nairita ito at sinigawan siya.
“Great,
the last thing I need is an asshole to make me doubt my work, this is the only
damn thing in my whole life that I'm good and I'm sure at, for heavens sake!”
bulong ni Chino sa kaniyang sarili at umiling. Di na niya pinansin ang modelo
at ipinagpatuloy na lang niya ang kaniyang trabaho.
“Geez,
what's with Chris?” bulong ni Dom sa tabi ni Chino sabay iling.
“Di
ba siya karaniwang ganyan?” tanong ni Chino.
“Oh,
he's an asshole alright, pero di naman yan usually nagrereklamo kapag
nagpapaulit ang ibang directors. Ngayon lang.”
“Siguro
nakita niya na loser ako kaya naman di na siya nag abala pang maging mabait
sakin.”
“Francis
told me about that.” lumingon si Chino sa sinabing iyon ni Dom at nahuli itong
umiiling.
“What
do you mean?”
“About
your low self esteem problem. I mean, di ko ma-gets kung bakit mababa ang self
esteem mo, gwapo ka naman, matalino and all, kung tutuusin nga pwede ka pang
maging model kesa sa mga ugok na kung pumose ay mas gugustuhin ko pang tignan
si King kong eh.” saad ni Dom nagkibit balikat naman si Chino saka ngumiti, si
Dom ang kauna unahang tao na pumuri sa kaniyang pagkatao maliban kay Francis.
“And
with that smile? C'mon, Chino! Matatalo mo pa si Sam Milby sa pagendorse ng
toothpaste sa ngiting yan eh!” pagpapatuloy ni Dom, naramdaman ni Chino ang
pamumula ng kaniyang mga pisngi kaya naman ibinalik niya ang kaniyang tingin sa
monitor kung saan nakikita niya ang mga shot ni Chris.
“Now
I know what Francis saw in you.” bulong ni Dom na ikinagulat naman ni Chino.
“I'm
sorry?”
“Ah
eh--- wala sabi ko tapos na si Chris.” palusot ni Dom, di nalang ito pinansin
ni Chino at nagkibit balikat na lang.
0000ooo0000
Nagaayos
na ng gamit si Chino nang sumulpot sa likod niya si Dom.
“Hey,
want to join us for a late dinner?” nagisip saglit si Chino.
“Dominic!
Bilis nagugutom na ako!” napairap naman si Dom sa sinabing iyon ni Chris.
“Wag
na lang baka nakakaistorbo lang ako.” sagot ni Chino sa paanyaya ni Dom,
tinignan siya ni Chris simula ulo hanggang paa na tila ba nangingilatis.
“Isasama
mo yan?!” napatingin naman ng sabay si Dom at Chino dito.
“Kung
hindi ka sasama, Chino hindi na lang ako sasama kila Chris.” mungkahi ni Dom
sabay tingin ng masama kay Chris, umirap na lang si Chris at wala nang nagawa
pa.
“I
have a feeling that Chris doesn't like me.” bulong ni Chino kay Dom.
“No
shit, Sherlock!” sarkastikong balik ni Dom kay Chino at sabay tumawa ang
dalawa.
Itutuloy...
[02]
Di
mapigilan ni Chino ang mapayuko, hindi sana siya sasama sa dinner na iyon pero
mapilit si Dominic, puro modelo ang kasama nila Chino sa lamesang iyon at isa
doon si Chris na walang ginawa buong gabi kundi matahin at paringgan siya, di
man ma-gets ng iba na siya ang pinatatamaan ni Chris na iyon ay hindi naman
mapigilan ng mga ito na tumawa na lalo namang nakapagpababa ng tingin ni Chino
sa sarili niya.
“OK
ka lang?” tanong ni Dom kay Chino, nang hindi nagtaas ng tingin si Chino ay
marahan niya itong siniko sa tagiliran.
“O-OK
l-lang ako.” mahinang sagot ni Chino, nakita ni Chris ang tahimik na palitan na
iyon ni Chino at Dom at hindi nito mapigilan na mainis ulit sa direktor.
“Chino,
right?” nagulat si Chino sa biglaang tanong na iyon ni Chris sa kaniya, marahan
siyang tumango.
“Kailan
ka pa sa trabaho mo?” nakaismid na tanong ni Chris, tinignan ito ng masama ni
Dom.
“Chris,
shut it!”
“Why,
Dom? He's very unprofessional kanina, di ba niya alam na ang hirap hirap
magpose?” baling ni Chris kay Dom.
“Dont
be afraid to take some chances.” biglang pumasok sa isip niya ang madalas
sabihin sa kaniya ni Francis.
“It's
OK, Dom.” sabi ni Chino kay Dom sabay bitiw ng matipid na ngiti at bumaling kay
Chris.
“I've
been in this business for nearly five years.”
“Really?!
How come ngayon lang kita nakita, kung hindi pa ma-aaksidente si Sir Francis di
ka pa namin makikita, dahil ba yun sa hindi ka magaling saka sa pagiging
unprofessional?”
Saglit
na nagbuntong hininga si Chino, sinasagad kasi ni Chris ang pasensya niya at
nainis pa ito dahil sa pambabastos na ginawa sa kaniyang matalik na kaibigan,
nagsasalita ito patungkol sa aksidente ni Francis na tila ba OK lang ang
nangyari. Naramdaman niya ang paghawak ni Dom sa kaniyang mga kamay, nang
tignan niya ito ay may bakas ng hiya at paghingi ng tawad niya sa kinikilos ng
kaniyang mga kaibigan. Binigyan niya ulit ito ng matipid na ngiti.
“No,
actually I asked Mr. Custodio to give me the shoot for female models only and
give the shoot for male models to Francis, that's the reason why you guys don't
see me that much.” saad ni Chino na ikinagulat naman ni Chris at ng iba pang
modelo.
“Bakit?”
tanong ni Dom na halatang nagulat din.
“Dont
be afraid to take some chances.” muling narinig ni Chino ang boses ni Francis
bago sumagot na ikinangiti naman nito.
“Dahil
ayaw kong makatrabaho ng mga taong sigurado man sa sarili nila ay sadyang arrogante
naman.” sagot ni Chino, nagulat si Dom sa sagot na iyon ni Chino, si Chris
naman ay napanganga dahil di niya inaasahan na makakasagot ng ganun si Chino
dahil akala nito ay hindi ito pala patol at ang iba pang mga modelo naman ay
napapangiti dahil sa pagkapahiya ni Chris.
0000ooo0000
“I'm
sorry but I want to see Francis before going home, kung sasama pa ako sainyo
baka tapos na ang visiting hours sa ICU.”
“Ah
OK. Pero next time dapat kasama ka na ah?” aya ulit ni Dom kay Chino.
“Hayaan
mo nga siya, Dom, kung ayaw niyang sumama edi wag. Besides di nababagay ang mga
nerd sa pupuntahan natin.” pangiinis ulit ni Chris, napa buntong hininga naman
si Dom habang si Chino ay di matawaran ang sakit na nararamdaman mula sa mga
sinabing panlalait ni Chris. Pilit niyang binura ang sakit na narramdaman sa
kaniyang facial expression, di niya hahayaang maging masaya si Chris na
makitang nasasaktan siya sa mga pasaring nito.
“I'm
sorry about Chris, Chino. I swear hindi ganyan si Chris---”
“It's
OK, Dom.” putol ni Chino sabay para ng taxi.
Di
mapigilan ni Dominic na makita sa mga mata ni Chino ang sakit sa mga sinabi ni
Chris, kahit anong tago ni Chino sa tunay niyang nararamdaman ay mababasa parin
ito sa kaniyang mga mata. Sinundan niya ng tingin ang sinasakyang taxi ni Chino
hanggang sa lumiko ito sa may kanto, sinundan niya si Chris sa kotse nito.
“What
the hell is your problem, Chris?!” singhal ni Dom dito.
“I
don't know what you're talking about dude.” pagmamaang maangan ni Chris,
napailing naman ang tatlo pang modelo na kasama nila sa may back seat.
“Asshole!”
singhal ni Dom sabay iling.
Natahimik
naman si Chris at napaisip. Hindi niya rin alam kung bakit ganun na lang siya
kumilos sa tabi ni Chino, hindi niya alam kung bakit inis na inis siya dito, at
lalong lumalala ang pagkainis na iyon sa tuwing hindi kumikibo si Chino sa
kaniyang mga pasaring.
0000ooo0000
Dahan
dahang lumapit si Chino sa tabi ni Francis, nagiingat sa mga tubo at machines
kung saan naka hook ang kaniyang kaibigan, di niya mapigilang mapa-iyak at
malungkot. Malungkot dahil sa nami-miss na niya ang kaibigan na siyang
nagaangat ng kaniyang moral sa tuwing may makakasalamuha siya na katulad ni
Chris, agad niyang sinisi ang sarili dahil inuna niya ang sakit kesa sa
tanggapin ang pagmamahalan ni Francis at Laura, ngayon dahil sa aksidente,
maski ang pagkakaibigan nila ni Francis ay maaaring mawala na rin.
“I
tried, Francis.” naiiyak nitong saad kay Francis.
“...take
your chances...” dikta ng isip ni Chino, pinahiran niya ang kaniyang mga luha
pagkatapos ay mariing pinisil ang kamay ni Francis.
0000ooo0000
Ilang
araw pa ang lumipas at sa tuwing may photo shoot na ginagawa si Chino para sa
pinagtatrabahuhang magazine ay wala itong iniisip kundi para sa kaniyang
matalik na kaibigan na si Francis ang kaniyang ginagawa, hindi rin tumigil si
Chris sa pangungutya dito sa tuwing magsasalubong sila na siya namang iniiyak
ni Chino kay Francis sa araw na araw na pagdalaw nito sa hospital.
“You
want me to do what?!” sigaw ni Chris, di na ito pinakinggan ni Chino at bumalik
na sa harapan ng monitor kung saan niya tinitignan ang mga shots.
“I
just wish the big bosses would change model agencies.” bulong ni Chino na hindi
naman nakaligtas kay Dom.
“Asa
ka naman, agency na nila Chris ang pinakamura---” tinignan ni Chino ng masama
si Dom kaya naman hindi na nito naituloy ang kaniyang sasabihin.
“---besides,
si Chris lang naman ang sakit sa ulo eh.”
“Katumbas
naman kasi ng limampung modelo yang isang yan eh.” sumusukong sabi ni Chino
habang pilit na di pinapansin ang nagrereklamong si Chris sa kanilang likuran.
“HELLO!
Meron bang nakikinig sakin dito?!” sigaw ni Chris na ikinabuntong hininga naman
ni Chino, tumango si Dom at siya na ang humarap kay Chris.
“Bakit
ikaw? Yung direktor ang gusto kong makausap! You want me to pose under this
scorching sun na ito lang ang suot ko? Gusto mo ba akong maging negro, ha, Chino?!
Nananadya ka na eh!” sigaw ni Chris.
Di
na pinakinggan ni Chino pa ang galit na paglilitanya ni Chris at pumunta na ito
ng CR at duon umiyak, hinihiling na kasama niya ngayon si Francis at
pinapagaang ang loob niya ngayon kahit hindi bilang isang boyfriend, kahit
bilang isang kaibigan lang, taga suporta.
“I
don't know what I'm doing wrong, Francis.” bulong ni Chino sa kaniyang sarili.
Nang
lumabas ng CR si Chino ay napansin niyang naka break ang buong team niya,
tinawag siguro ni Dom ang break nang pumasok siya ng CR. Sa oras na bumalik
siya sa harapan ng monitor at tinignan ang shots ni Chris ay di niya mapigilang
mapansin na sa kaniya nakatingin lahat ng tao doon, mula sa lighting crew
hanggang sa mga modelo. Laking pasasalamat niya sa sarili na sinuot niya ang
kaniyang shades.
“Want
some sandwich?” alok ni Dom kay Chino, tinanggihan ito ni Chino at nagbigay ng
matipid na ngiti kay Dom.
“He's
just one guy, Chino. Don't let him get under your skin.”
“It's
kinda hard to ignore him when he's always shouting at me, I mean, what's his
problem, Dom?”
“I
don't know, Chino, but you know what? I'm sure matatameme yan kapag lumabas na
yung bagong issue, sabi sa publishing dept, nagpadagdag pa raw ang mga boss ng
extra 500 copies dahil maganda talaga yung mga shots mo ng model at dahil daw
dun ginanahan ang mga writers kaya magaganda dain ang mga articles.” sabi ni
Dom habang ngumunguya, tila naman ginanahan si Chino sa narinig niyang iyon kay
Dom kaya naman kahit ano pang pagsisigaw ang ginawa ni Chris ay nagawa na niya
itong hindi pansinin.
Nung
gabi pagkatapos ng photo shoot ay dumaan siya sa ospital para bisitahin si
Francis, wala paring nagbabago sa lagay nito na talaga namang ikinalulungkot ni
Chino, hindi rin kasi naging maganda ang paghihiwalay nila ni Francis at kahit
papano ay sinisisi niya ang sarili niya sa nangyari dito.
“I
miss you, Francis.” bulong ni Chino dito.
0000ooo0000
Nang
pumunta siya sa susunod na photo shoot ay napansin niyang excited na excited
ang kaniyang team, lalong lalo na ang production staff, may ilang mga modelo
din na nakangiti sa kaniya habang naglalakad papalapit sa kinauupuan nila Dom.
“I'm
not in trouble, am I?” tanong nito, lalong lumiwanag ang mukha ni Dom at lalong
lumaki ang ngiti nito.
“Congrats,
Chino!” sigaw nito sabay bato ng pinakabagong issue ng magazine nila. Napatanga
si Chino sa nakita niya, di niya ine-expect na maganda ang kalalabasan ng mga
kuha sa magazine, lalong lalo na sa cover na si Chris ang tampok.
“Pati
yung pinadagdag na ilang copies paubos na rin, Chino.”
“Dont
be afraid to take some chances.” tila naman pagpapaalala ni Francis sa kaniya
habang tinitignan ang magazine.
Napatango
siya nang marinig ang mantra na iyon ni Francis sa kaniya. Binuksan niya ang
magazine at tila ba siya mismo ay na engganyo sa issue na iyon, di niya
mapigilang magbasa ng mgaarticles, tama si Dom, kung magaganda ang mga litrato
ay gaganahan ang mga writers na gumawa ng magandang article.
Di
niya rin napigilang tignan ang center fold, si Chris sa iba't ibang pose ang
tampok noon, di niya lubos na ma-isip na yung mismong shoot na iyon ang unang
beses na inaway siya ni Chris, di niya parin lubos na maisip kung bakit nga ang
init ng dugo nito sa kaniya. Pero hindi na niya ito pinansin, ng mahalaga ay
bumabalik ang kumpiyansa nya sa sarili pagdating sa kaniyang trabaho.
Sa
kabilang banda ng kwartong iyon ay si Chris, di niya maialis ang kaniyang
tingin kay Chino, inaamin niya, maganda ang kinalabasan ng huling shoot nila at
natutuwa siya sa kinalabasan niyon, hanggang ngayon di niya parin maintindihan
kung bakit nga ba ganun na lang siya nagalit noong araw na iyon kay Chino, kung
tutuusin nga mas naging un-professional pa ang ibang shoot director dahil sa
ilang beses na paulit ulit na sequence ng shoot pero hindi siya nagalit sa mga
iyon. Kay Chino lang talaga na ilang frame lang naman ang inulit.
“Bakit
nga ba ako galit na galit sayo Chino?” nagtatakang tanong ni Chris sa kaniyang
sarili habang mataman niya paring tinitignan ito.
0000ooo0000
“I
have an idea! Let's celebrate!” bulalas ni Dom habang abala si Chino sa
pagiisip ng bagong sequence para sa susunod na shoot.
“Err---”
nagaalangang simula ni Chino.
“Oh
c'mon! Loosen up a little! Live a little!” sigaw ni Dom na narinig naman ng
grupo ng mga modelo sa hindi kalayuan, di nagtagal ay kinanchawan na ng mga ito
si Chino.
“But
I have to go to the hospital---”
“Ihahatid
kita don.” sabat ulit ni Dom, nagisip saglit si Chino.
“Anong
pinagkakaabalahan niyo dito?” tanong ni Chris na kararating lang.
“We're
going to celebrate wanna come with?” sabat ng isa pang modelo bago pa man
sumagot si Dom.
“Great!
Tara na! Ano pang iniintay natin?” excited na sabi ni Chris, nagkatinginan si
Chino at Dom.
0000ooo0000
Naisipan
nilang kumain sa isang pizza parlor, di parin mapigilan ni Chino ang mailang,
paminsan minsan kinakausap siya ng ilang modelo na nandun, pinupuri ang mga
ideya ni Chino sa nakaraang issue ng magazine na nalathala doon, si Dom naman
ay abala sa pagbibigay ng input sa mga susunod na issue pa na maaari nilang
gawin. Di nila napansin ang tila ba nagmumukmok na si Chris sa isang tabi, sa
totoo lang ay natutuwa ng palihim si Chino dahil hindi ito kumikibo pero hindi
niya rin mapigilang mapaisip.
Tila
naman nakalimutan na ng mga kausap kanina ni Chino ang tungkol sa paghatid sa
kaniya sa ospital nang matapos na silang kumain at nagkayakagan nang umuwi.
Masayang naguusap ang apat pang mga modelo habang si Dom naman ay abala sa
pagtetext. Di na ito pinansin pa ni Chino at nagpasya na lang ito na
mag-commute na lang papuntang ospital.
“Sorry,
Chino, kailangan kong pumunta ulit sa office eh, may pinapatapos sakin si Sir
Jeff para bukas. Teka, Ron, pwede mo bang i-hatid si Chino sa ospital?” tawag
ni Dom sa isa sa mga modelo.
“Oops,
sorry, Chino hindi ako don dadaan eh.” tumingin si Chino sa tatlo pang modelo
na andun pero alam niyng wala siyang mapapala sa mga ito dahil mukha namang
wala itong pakielam sa kaniya at hindi naman siya makikisuyo sa mga ito.
“OK
lang, Ron, magco-commute na lang ako.” saad ni Chino.
“Naku
hindi ah, nag promise kami na ihahatid ka namin, teka lang, Chris, pwede mo
bang i-daan si Chino sa ospital, diba dun naman ang daan mo? Sige na dude.”
sabi ni Ron dito, tila naman nagalangan si Chris at hindi ito nakaligtas kay
Chino.
“OK
lang, Ron magco-comm---”
“Sige
OK lang.” putol ni Chris sa pagtanggi sana ni Chino. Tumingin si Chino kay Dom,
para sana humingi ng tulong nagkibit balikat lang ang huli.
Nagsimula
ng kabahan si Chino at sa kabilang banda naman, si Chris ay nagsisimula naring
kabahan at sa hindi maipaliwanag na dahilan ay ma-excite din habang magkasunod
silang naglalakad ni Chino papunta sa kaniyang sasakyan.
Itutuloy...
[03]
Agad
na nagsisi si Chino kung bakit ba hindi siya tumanggi sa alok ni Chris na
i-hatid siya hanggang sa ospital, sa palagay kasi ni Chino ay napilitan lang si
Chris lalo na kapag bumubulong ito ng:
“Sino
naman kasing matinong adult ang walang kotse! Successful shoot director, walang
kotse!? C'mon.”
Pabulong
ito pero hindi ito ganung kahina para hindi marinig ni Chino. Iniisip na nga
nito na bumaba na lang at maglakad kesa marinig ang pasarin sa kaniya ni Chris.
“Puro
bisyo kasi kaya siguro di nakaka-ipon.” bulong nanaman ni Chris, pilit na nagbibingi-bingihan
si Chino sa mga pasaring ni Chris at itinutuon na lang nito ang kaniyang pansin
sa mga nadadaanang lugar, sasakyan at tao sa labas ng umaandar na sasakyan.
“Kung
hindi lang sinabi ni Ron at kung hindi lang ako nahihiyang tumanggi---”
“You
know what?! Fuck you! Itabi mo yung sasakyan! Maglalakad na lang ako kesa naman
makasama pa kita ng ilang minuto dito na bulong ng bulong! Damn it!” sigaw ni
Chino na ikinagulat naman ni Chris.
Bihira
kasi na sumigaw si Chino, bihira ito magalit sa kaniyang mga pasaring, madalas
lumalayo ito pero hindi ito nagpapakita ng inis. Kung pwede lang sana na sipain
ni Chris ang sarili niya sa ulo ay ginawa na niya ito, di parin niya malaman
kung bakit siya inis na inis kay Chino, wala naman itong ginagawa sa kaniyang
masama, ngayon nagu-guilty na siya sa mga pasaring na sinabi niya dito.
“LET
ME OUT!” sigaw ulit ni Chino, kitang kita ni Chris kung pano mamula ang mukha
ni Chino at ang pamumuo ng luha sa sulok ng mata nito sa kabila ng kadiliman sa
loob ng sasakyan. Ngayon naiinis na si Chris sa sarili niya, gustong gusto
niyang abutin ang mukha nito at pahiran ang mga namumuong luha.
“What
the fuck is my problem?” bulong ni Chris sa sarili niya habang itinatabi ang
sasakyan.
Hindi
pa man tuluyang naitatabi ni Chris ang sasakyan ay halos tumalon na palabas ng
si Chino, hindi na ito nagatubili pang dahan dahanin ang pagsara ng pinto ng
sasakyan ni Chris. Naguguluhan parin si Chris sa mga nangyayari sa pagitan nila
ni Chino at wala sa sarili niyang pinanood sumakay ng taxi si Chino. Nang medyo
nakalayo na ang taxi ay napag desisyunan ni Chris na sundan si Chino para
humingi narin ng tawad dito.
0000ooo0000
“Ano
bang problema nung sira ulong yun sakin? Pwede naman siyang tumanggi sa
mungkahi kanina ni Ron, pero hindi, siniguro niya na maririnig ko ang mga
palagay niya tungkol sa pagkatao ko! Tangina! Sino ba siya para husgahan ako ng
ganun?!” galit na galit na sabi ni Chino sa sarili niya.
“AAARRRRRGGGGHHHH!”
wala sa sariling sigaw ni Chino na agad namang ikinatigil ng sasakyan, nagulat
din siya sa biglaang pagtigil ng taxi at iminulat niya ang kaniyang mga mata,
nun niya nakita na nagaalalang nakatingin sa kaniya ang driver.
“Boss
may problema ba?” tanong ng kawawang driver.
“Ah
eh may ipis--- tama--- may ipis! Manong, sana linisin niyo naman itong taxi
niyo.” palusot ni Chino, agad siyang tinignan ng driver, nangunot ang noo nito
at umiling sabay patuloy na sa na-unsyameng pagmamaneho.
0000ooo0000
Habang
si Chris naman ay maingat na sinusundan ang sinasakyang taxi ni Chino, pilit na
nagbubuo ng mga sasabihin kay Chino kapag nakaharap na niya ito, di rin kasi
niya ma-explain sa sarili niya kung bakit ganun niya na lang tratuhin si Chino
kaya naman nahihirapan siyang mag-buo ng mga sasabihin pag humingi siya ng
tawad sa harapan ni Chino.
“Chino,
pasensya ka na--- Mali...mali...mali.” nagisip muli si Chris ng magandang
sasabihin kay Chino.
“Chino,
kasi di maganda ang simula ng araw ko kaya ganun na kita tratuhin, pasensya
na.” page-ensayo ulit ni Chris pero agad niya ring naisip na hindi ito ang
unang araw na ginanun niya si Chino at hindi iya alam kung pano maipapaliwanag
ang ibang mga araw na iyon. Umiling ulit si Chris at nagisip pa ng ibang
sasabihin.
“Oo
nga pala... ah ganito na lang... Chino, pasensya ka na, di ko rin alam kung
bakit mainit ang dugo ko sayo, pasensya ka na talaga...”
Napangiti
si Chris sa nabuo niyang paghingi ng tawad kay Chino kasabay nun ay nakita
niyang tumigil ang taxi sa harapan ng ospital, agad siyang pumasok sa parking
lot. Inayos niya ang kaniyang sarili sa rear view mirror ng kaniyang sasakyan,
di niya lubos maisip kung bakit niya iyon ginawa gayong hihingi lang naman siya
ng sorry kay Chino, pagkatapos noon ay agad siyang lumabas ng sasakyan, sinara
ito at patakbong pumasok ng ospital.
0000ooo0000
Masama
parin ang loob ni Chino at niinis parin kay Chris habang umaakyat ng hagdan.
Nang makarating siya sa pinto ICU ay agad niyang napansin na may kakaiba sa
gabing iyon kesa sa mga nauna niyang pagbisita doon. Wala ang mga magulang ni
Francis na matyagang nagiintay sa labas ng ICU. Agad siyang nakaramdam ng kaba.
Dalawa
lang ang ibig sabihin nito, it's either nagising na si Francis o...
“Please
God no...” tahimik na dasal ni Chino sa kaniyang sarili.
Samantala
si Chris naman ay paikot ikot sa buong ospital, hindi niya matanong sa
receptionist kung sinong pasyente ang kaniyang pupuntahan dahil di naman sinabi
ni Chino sa kanila kung sino ang kaniyang bibisitahin doon kaya naman minabuti
nalang niyang isa-isahin ang bawat palapag ng ospital.
“Bakit
ko nga ulit ginagawa 'to?” tanong ni Chris sa sarili niya habang palingon
lingon, umaasang makita niya si Chino.
Naguguluhan
parin siya kung bakit nga ba siya nagaabala, Oo, nagu-guilty siya sa pagtrato
niya kay Chino pero pwede naman niyang ipagpabukas ang paghingi ng tawad pero
tila ba may nagsasabi sa kaniya na kailangan niya itong gawin ngayon kahit na
naguguluhan pa siya sa lahat ng nangyayari sa pagitan nila ni Chino.
Una,
hindi niya alam kung bakit ganun na lang siya makitungo dito. Nagisip siya ng
maaaring mga dahilan...
“Parang
di kumpleto ang araw ko kapag di ko siya iniinis.” sabi ni Chris sa sarili niya
pero parang may iba pang dahilan.
“Parang
di ako matatahimik kapag di ko ito napatutsadahan.” sabi ulit nito sa sarili.
May kakaiba kasi kay Chino, parang kahit anong patutsada ang gawin mo dito ay
balewala lang sa kaniya at dahil doon ay tila ba lalong ginaganahan si Chris na
inisin pa lalo ito pero hindi lang din yun ang dahilan.
Muli
itong nag-isip.
0000ooo0000
Sa
8th floor ng ospital na iyon ay ang namumutlang si Chino, napaupo na siya sa
mga upuan sa tapat ng nakasarang pinto ng ICU.
“Alam
ko tatawagan ako nila Tita kung may masama mang mangyari.” pagkukumbinsi ni
Chino sa kaniyang sarili.
Malalim
paring nagiisip si Chino at hindi niya napansin ang isang taong papalapit sa
kaniya.
“Can
I help you, Sir?” tanong ng isang babaeng nakaputi.
“Oh,
I was actually going to visit a friend---”
“Ah
OK, ano pong panagalan ng patient?” tanong ulit ng nurse.
“Francis
Cardasto.” sagot ni Chino, kinakabahan niyang inintay ang sagot ng nurse.
0000ooo0000
“Asan
ka na ba, Chino!” naiinis ng sabi ni Chris sa sarili niya. Tila naman may
anghel sa langit na duminig ng dasal niya na malaman kung nasaan si Chino dahil
nung lumingon siya sa kaniyang kaliwa ay nakita niya si Chino na naglalakad sa
isang mahabang hallway ilang dipa lang ang layo sa kaniya.
Di
maipaliwanag ni Chris ang nararamdaman niya, masaya siya at nakita niyang muli
si Chino at sa wakas ay makakahingi na siya ng tawad dito. Pero yun nga lang ba
ang dahilan niya?
0000ooo0000
Parang
nabunutan ng tinik sa dibdib si Chino nang mapagalamang inilabas na ng ICU si
Francis, inilipat na ito sa isang private room, nang makita na niya ang kwarto
kung saan inilipat si Francis ay sumilip muna siya sa pinto at nang makitang
walang ibang tao doon ay agad siyang pumasok.
“Hey
handsome.” bulong niya malapit sa tenga ni Francis. Napangiti siya ng mapansing
gumagaling na ang ilang sugat na natamo nito mula sa aksidente, nandun parin
ang iba't ibang tubo na naka konekta sa katawan nito at sa mechancal ventilator
na tumutulong ditong huminga pero sa kabila ng lahat ng iyon ay masaya parin
siya at inilabas na ng ICU si Francis kasi ngayon kahit anong oras ay maaari na
niya itong bisitahin. Inabot ni Chino ang buhok ni Francis at marahang
pinadaanan ng kaniyang mga daliri ang buhok nito.
“Guess
what happened. The jerk that I was talking about, well I kinda snapped at him.”
naiiling na sabi ni Chino sa wala paring malay na Francis.
“Di
ko na lang mapigilan ang sarili ko.” bulong ulit nito. Sa loob ng ilang araw
kasi na pangungutya sa kaniya ni Chris ay natutunan na niyang tanggapin na wala
siyang mapapala kung lagi niya lang itong iiyakan, pinilit niya na wag na lang
itong pansinin at hayaan na lang ito.
“Iba
kasi yung kanina, unang una, asa loob kami ng sasakyan niya at walang ibang tao
doon kundi kami lang dalawa. Ewan ko nga ba kung bakit ako pumayag na
magpahatid sa lokong yon basta ang alam ko gusto kita agad makita kahit ibig
sabihin pa nun magtitiis akong kasama yung jerk na yun sa loob ng isang
sasakyan. Nakuh! Di ka maniniwala sa mga sinabi niya sakin!” naiiling ulit na
sabi ni Chino.
“Sabi
niya, bakit daw ako walang kotse, siguro dahil isinusugal ko lang lahat ng pera
ko, can you believe that asshole?! Ni hindi niya nga ako kilala, ni hindi nga
kami naguusap pwera na lang kung nagaaway kami tapos anlakas pa ng loob niyang
husgahan ako.” namumula ng sabi ni Chino kay Francis, alam niyang hindi ito
sasagot pero gumagaang ang loob niya sa tuwing magsasabi siya dito.
“Pwede
naman siyang tumanggi sa sinabi ni Ron, pwede naman niyang sabihin na ayaw niya
akong kasama, pero hindi, pumayag pa siya na ihatid ako yun pala para sumbatan
at husgahan ako. What a nutcase, right?”
Habang
naglalabas ng sama ng loob si Chino sa harapan ni Francis ay hindi naman
mapakali si Chris sa may hallway, sa labas ng pinto ni Francis, nagpa-practice
parin ng sasabihin niya kay Chino, hindi na lang siya ngayon masaya at nakita
niya ulit si Chino na kanina pa niya hinahanap, nakakaramdam narin siya ngayon
ng kaba at excitement. Muli niyang inayos sa pangalawang pagkakataon ang
sarili.
“Chino,
pasensya ka na, di ko rin alam kung bakit mainit ang dugo ko sayo, pasensya ka
na talaga...” sabi ulit ni Chris na medyo may kalakasan kaya naman
nawi-wirduhan ang mag nurse na dumadaan malapit sa kaniya na nakakarinig ng
kaniyang speech.
Muling
inulit ni Chris ang kaniyang sasabihin kay Chino nang makarinig siya ng taong
nagsasalita sa loob ng kwarto, hindi naisara ng maayos ni Chino ang pinto kaya
naman rinig na rinig ni Chris ang paglalabas ng loob ni Chino.
“Gwapo
sana yung Chris na yun eh, maganda katawan, tipikal na modelo, Francis---”
Napangiti
si Chris sa compliment na binitawan na iyon ni Chino tungkol sa kaniya.
“---pero
ubod ng sama ng ugali!” nanggagalaiting tuloy ni Chino. Natigilan si Chris sa
sinabing iyon ni Chino.
“Naaalala
mo kung pano ako umiyak nung unang photoshoot ko kung san kabilang yung asshole
na yon? I mean, Oo nga di niya alam na may issue ako sa self esteem ko at hindi
niya rin alam na sa trabaho ko lang ako panatag at self assured pero hindi
naman siguro dahilan yung para lait laitin niya ako ng ganun.” agad na
nakaramdam ng guilt si Chris sa mga narinig niyang iyon mula kay Chino, di niya
alam na ganun pala niya naapektuahan si Chino, gusto na sana niyang suntukin
ang sarili sa mga ginawa niya.
“Well,
enough with that asshole. Alam mo bang kinabahan ako kanina nung malaman kong
wala ka na sa ICU, halos maiyak ako, akala ko---” putol ni Chino sabay buntong
hininga, nagdikit ang kilay ni Chris sa pagtataka sa mga sinabing iyon ni
Chino, bahagyang lumayo sa pinto si Chris upang makita ang pangalan na
nakalagay sa may pinto, indikasyon ng panagalan ng pasyente at ng duktor nito.
“Francis
Cardasto? Sir Francis?” tanong niya sa sarili niya. Nang bago palang si Chris
sa pagmomodelo ay shoot director na si Francis, may mga di magandang balita
tungkol sa sexwalidad nito at sinasabi ng marami na karelsayon nito ang isang
kapwa shoot director na pawang lalaki rin.
“Si
Chino kaya ang napapabalitang karelasyon ni Francis noon?” tanong ni Chris sa
kaniyang sarili. Di pa niya kasi noon kilala at nakikita si Chino at hindi rin
naman nagtagal ang mga malisyosong balitang iyon dahil di naman ito pinansin ni
Francis, hindi niya kinumpirma at hindi niya rin naman idineny, nung maglaon ay
nagsawa narin ang mga tsismosa at nabaon na ang tsismis na iyon sa limot.
“---
nakalimutan na siguro nila Tita na sabihan ako, alam ko masaya sila at inilabas
ka na sa ICU. I swear, that place smells like death! Sa tuwing bibisitahin kita
dun, feeling ko lagi sa katabing cubicle mo may namamatay.” naiiling na saad ni
Chino.
Saglit
na tumahimik ang pligid, dahan dahang ibinukas ni Chris ang pinto, nkita niyang
nakatayo si Chino sa tabi ng kama ni Francis, nakatalikod ito sa pinto at hindi
siya nito nakikita.
“Francis,
sana gumising ka na---” bulong ni Chino.
Mahina
man ay narinig ni Chris ang bulong na iyon ni Chino, dinig na dinig niya ang
lungkot sa boses ni Chino at hindi niya mapigilang maki simpatya kay dito. Di
niya alam at hindi niya rin maipaliwanag ang nararamdaman nito sa lalaking
kaniyang kanina pa pinapanood, at tila ba may isang bumbilya na umilaw sa
kaniyang ulo ay agad siyang nagkaroon ng ideya sa kanina pa niya gustong
malaman kung bakit ganun na lang niya tratuhin si Chino...
“Hindi
lang parang hindi kumpleto ang araw ko kapag di ko siya iniinis o kaya
napatututsadahan, malungkot ako kapag di ko siya nakikita para bang may mali sa
araw ko, iniinis ko siya para mapansin ako at pinatututsadahan ko siya dahil
gusto kong kausapin niya ako.”
Natigilan
si Chris sa kaniyang naisip. Napatingin ulit siya kay Chino.
“Oh
sige, Francis balik na lang ulit ako bukas. I miss you, Francis.” bulong ni
Chino sabay wala sa sariling naglapat siya ng halik sa mga labi ni Francis,
nakalimutan na ngayon ay hanggang pagkakaibigan na lang ang meron sila.
Natigilan
si Chris sa kaniyang nasaksihan. Naisip niya na lahat ng tsismis noon ay totoo,
di niya mawari kung ano ang kaniyang dapat maramdaman, naiinis siya, nagagalit
pero may iba pa siyang nararamdaman at hindi niya maipaliwanag kung ano iyon.
“Selos?”
bulong ng isip ni Chris.
“Sir?
Tapos na po ang oras ng pagdalaw.” sabi ng isang nurse kay Chris, agad namang
humarap sa gawi ng pinto si Chino kung saan niya narinig ang boses ng nurse
laking gulat niya nang makita dun si Chris. Nagtama ang kanilang mga tingin.
Di
maipaliwanag ni Chino ang kaniyang nararamdaman lalo pa nang makita niya ang
mukha ni Chino. Di niya malaman kung anong tumatakbo sa isip ni Chris ang tangi
niya lang masasabi na maaaring nagagalit ito o kaya naman ay nandidiri sa
nasaksihan niyang paghalik ni Chino kay Francis base narin sa reaksyon ni
Chris.
Nanlambot
siya at agad na tinawag si Chris pero mabilis na itong naglakad palayo.
Itutuloy...
[04]
Kinakabahang
sumipot si Chino sa kanilang photo shoot kinabukasan. Alam niyang nakita ni
Chris ang paghalik niya sa labi ni Chris at base sa reaksyon nito ay hindi ito
natutuwa sa kaniyang nasaksihan. Nang makarating siya sa venue ng photo shoot
ay napansin niya ang mga mapanuring tingin ng bawat tao na nandun.
“Napa-paranoid
lang ako.” sabi ni Chino sa kaniyang sarili at itinuloy na ang paglalakad
papunta sa tent kung saan andun ang kaniyang mga gamit at karamihan sa staff
niya, bago pa man siya makapasok ng tent ay narinig niya ang ilan sa mga staff
niya na naguusap usap.
“I
knew it! Makikita mo naman sa pagtitinginan nila eh.” sabi ng isang babae.
“Oo
nga! I mean, bakit pa nila kailangang itago. Edi in-love sila sa isa't isa. Big
deal! Uso naman yan eh”
“Di
naman nila tinago eh, remember nung pumutok yung issue na yan, di naman nila
kinunfirm at hindi rin nila dineny. Naaalala mo nun, parang walang pakielam si
sir Francis non---”
Natigilan
si Chino, di siya makapaniwala na may panibago nanamang issue na tampok silang
dalawa ni Francis, ngayon alam niyang hindi siya napa-paranoid, pinagtitinginan
talaga siya ng mga tao at ngayon pinaguusapan ulit. Inisip niya kung bakit
muling pumutok ang issue na iyon.
“Chris.”
bulong ni Chino sa kaniyang sarili nang maalala ang nangyari kagabi. Napuno ng
galit ang kaniyang dibdib. Di niya lubos maisip kung bakit ganun na lang siya
gustong gusto sirain ni Chris.
“Ano
bang ginawa ko sa kaniya?”
Nabasag
ang pagmumunimuning iyon ni Chino nang makarinig siya ng isang pamilyar na
boses.
“Wala
ba kayong ibang gagawin kundi magtsismisan?” singhal ni Dom.
Papasok
na sana ng tent si Chino nang magsalita ulit si Dom.
“See?!
Bakit kasi di mo mapigilan yang bibig mo?!” singhal ulit ni Dom.
“I
swear, di ko alam na ipagsasabi ni Ron---”
“Sabihin
mo yan kay Chino! Di mo alam kung anong ginawa mo Chris, di mo alam kung anong
pinagdadaanan ngayon ni Chino---”
“I
swear, I didn't mean for this to happen.”
Naisipan
na ni Chino na pumasok ng tent. Parehong nagulat si Dom at si Chris sa biglaan
niyang pagsulpot. Tinignan niya ng masama si Chris, di niya napansing may ilang
luha ang kumawala mula sa kaniyang mga mata. Agad na nakaramdam ng guilt si
Chris.
“Chino---”
simula ni Dom.
“Di
ko alam kung anong ginawa kong masama sayo, Chris. What you witnessed last
night was personal and you have no right spreading rumors about me and
Francis!” di makapasalita si Chris.
“So
is it true?!” sigaw ng isang lalaki sa di kalayuan, namukhaan ni Chino kung
sino ang nagsalitang iyon, si Ron.
“Ron---”
“No
Dom, I will not stop, I want to know if our beloved director is gay---”
natigilan sila sa sinabing iyon ni Ron at tinignan si Chino.
“Dont
be afraid to take some chances.” bulong ni Chino sa kaniyang sarili.
“Yes,
Ron, I'm gay. Do you have a problem with it? I can still direct and produce
good shots even if I'm gay, so kung meron mang isa sainyo ang may problema dun,
sabihin niyo lang and I will walk out of this tent.” nagulat lahat ng tao sa loob
ng tent sa pagamin ni Chino na iyon. Kinilatis niya ang bawat reaksyon na
nakaplaster sa mga mukha ng bawat taong andun, nagtagal ang kaniyang tingin sa
reaksyon ni Chris, blangko ito, sa palagay ni Chino ay si Chris ang may pinaka
mahirap kilatisin na reaksyon. Mariin niya ito tinignan atsaka sinabi ang mga
sumusunod...
“Oh,
and please don't drag Francis to this mess, the guy is in a friggin coma! At
least respect him while he's not here! The love is unrequited, he doesn't love
me like the way I love him and if anyone still wonders about the kiss I gave
Francis last night that triggers for this issue to explode, then sue me, this
is the only chance I got in kissing him and I took it, so sue me!”
Nang
walang umimik sa loob ng ilang sandali ay nagsalitang muli ito.
“Since
wala namang nagsalita about sa pagkakaroon ng problema sa mga sinabi ko, siguro
naman pwede na tayong magsimula sa pagtratrabaho.”
“Yes
sir!” nakangiting sabi ni Dom habang si Ron naman ay nakangiti paring
nakatingin kay Chino at kay Chris, tila ba isang bata na binigyan ng
pagkakataon na makita si Santa Clause ang reaksyon ng mukha nito. May hinala
siya kung bakit interesadong interesado si Chris at kung bakit halos wala itong
reaksyon nang umamin si Chino.
0000ooo0000
Nang
magsimula nang magtrabaho sila Chino ay hindi rin ito makapag concentrate ng
maayos, iniisip niya ang balibalitang kumalat, kapag nagising si Francis mula
sa coma ay malamang tuklawin siya sa mukha ng mga issue na iyon at baka
maapektuhan ang pagsasama nila ni Laura.
Di
nakaligtas ang pagtahimik na iyon ni Chino kay Dom, pinagmasdan niya itong
mabuti, alam niyang marami itong iniisip lalo na ngayong alam na ng lahat ang
matagal na nitong itinatago, di niya ito masisisi pero hindi niya rin ito
hahayaan na maging miserable.
“You
OK?” tanong ni Dom kay Chino, tumango lang ito.
“Look,
Chino, I know this is hard for you, but I don't want to see you like this. Para
kang zombie.”
“Well
you can't blame me, can't you?” tanong ni Chino kay Dom.
“I
guess not--- but I can always put a pinch of life to my zombie of a boss.” taas
babang kilay na sabi ni Dom, napangiti si Chino at napailing.
“It's
just that, when Francis wakes up---”
“And
I know he will.” dugtong ni Dom na ikinangiti naman ni Chino.
“---if
he wakes up, natatakot ako na baka dahil sa issue na 'to masira ang relasyon
nila ni Laura, and if that happens I know di ako mapapatawad ni Francis at
tuluyan ng masisira ang pagkakaibigan namin.” malungkot na pagtutuloy ni Chino,
nakita ni Dom kung pano nasasaktan si Chino sa mga nangyayari at wala siyang
maisip na magandang sabihin.
“I'm
sure Francis wouldn't mind, Chino, pumutok na ang balitang ito dati---”
“Before,
wala kayong proof, now, somebody saw me kissing Francis and it's Chris of all
people---!”
“And
you saved Francis' ass sa pagamin mo sa lahat ng 'to. Unrequited love? Believe
me, Chino, Francis wouldn't mind.” saglit na natahimik ang dalawa, tila ba
iniisip at hinihimay himay ang mga nangyayari.
“Natatakot
lang ako, Dom.” naiiyak na sabi ni Chino.
“Hey,
whatever happens I'm still here, OK? You still got me.” nakangiting sabi ni
Dom, tinignan ni Chino ang mukha nito para malaman kung nagsasabi ito ng totoo
pero ang tangi niyang nakita ay ang pagkindat nito. Napahagikgik siya sa
ginawang iyon ni Dom.
Di
nakaligtas ang palitan na ito sa pagitan ni Dom at Chino kay Chris, di niya
maiwasang maramdaman ang pamilyar na pakiramdam nung nakita niya si Chino na
hinahalikan si Francis sa labi. Muling bumalot sa pagkatao ni Chris ang galit
at---
“Selos.”
bulong ni Chris sa kaniyang sarili saka umiling.
0000ooo0000
Wala
ng naging aberya pa hanggang sa matapos nila ang photo shoot. Wala ng naging
usapan pa tungkol sa sekswalidad ni Chino pero may kakaiba ring napansin si
Chino sa paligid niya matapos ang kaniyang pag-amin. Ilan sa mga lalaking
modelo ay tila ba nagpakita sa kaniya ng bagong interes, naging sweet ang mga
babaeng staff at tila ba lalo siyang nirespeto ibang mga staff ng production.
Kabaliktaran
sa kaniyang ine-expect.
Inaayos
na Chino ang kaniyang mga gamit nang lumapit sa kaniya si Dom. Di na ito
binigyan pa ng pansin ni Chino dahil akala nito ay magaayos lang din ito ng
sariling gamit katulad ng mga nakarang shoot.
“uhmm---
Chino, uuwi ka na?” kinakabahang tanong ni Dom.
“Yup.”
“Ahhh...
uhmmm---Chino---”
“Cut
the crap, Dom. What is it?” naiirita ng sabi ni Chino. Gusto niya si Dom,
mabait ito at walang pakielam sa kaniyang pagkatao pero di talaga ka-aya aya
ang ugali nito na tila ba laging nagaalangan.
“Ah
kasi eh--- may laro kasi kami ng basketball---”
“I'm
not interested.”
“Pero
sabi ni Francis naglalaro ka raw ng basketball---”
“Oo
naglalaro ako ng basketball pero depende sa mga makakalaro ko.” saglit na
natahimik si Dom sa sagot na iyon ni Chino, napayuko ito at tila ba napahiya sa
pagsusupladong iyon ni Chino. Alam kasi ni Chino kung sino ang maaari niyang
makalaro sa paanyayang iyon ni Dom, at di niya pinangarap na makaharap pa si
Chris sa labas ng kaniyang trabaho.
“I
will not let him near you, Chino. Besides, malay mo, magkaayos na kayo ni Chris
sa pamamagitan nito.” pangungumbinsi ni Dom kay Chino na may kasamang taas baba
ng kilay na ikinatawa muli ni Chino.
0000ooo0000
Di
parin alam ni Chino kung tama ba ang kaniyang naging pasya na pasinayahan ang
alok ni Dom, alam niyang hindi lang ang paglalaro ng basketball ang maglalapit
sa kanila ni Chris, alam niyang sagad sa buto ang galit sa kaniya ni Chris
gayong di niya alam kung bakit, pero hindi niya rin ma-hindi-an si Dom, may
kakaiba sa personalidad nito na mahirap tanggihan.
Nang
makalapit na sila sa court ay tumigil sa pagste-stretch ang mga kaibigan ni
Dom. Iginala ni Chino ang kaniyang mga mata at napagtanto niyang kilala niya
ang mga andun, ang ilan ay mga modelo, may mga prod staff at ilang mga lights
and props, nakita niya rin doon si Ron at sa kaniyang pagka dismaya ay si
Chris.
Nang
magtama ang mga mata nila ni Chris ay agad niyang iniwas ang kaniyang tingin.
Nang sumulyap siya ulit dito ay nagpapalit-palit ang tingin nito sa kaniya at
kay Dom, tila ba nagtataka kung bakit magkasama ang mga ito at tila ba may
nanginsulto dito dahil biglang bumakas sa mukha nito ang galit.
“Bakit
mo kasama si Chino?” pasinghal na tanong ni Chris. Nagulat naman ang iba pang
andun sa pakikitungong iyon ni Chris. Inilagay ni Chino ang kamay niya sa
balikat ni Dom para makuwa ang atensyon nito.
“I'll
wait in the car. It's obvious that I'm not wanted here.” bulong ni Chino kay
Dom nang humarap ito sa kaniya.
“Chino!
Halika sali ka samin. Tamang tama kulang kami ng isang player!” sabi ni Ron
sabay hila kay Chino. Biglang tumawa si Chris at binigyan ng masamang tingin
ang paghawak ng kamay ni Ron sa braso ni Chino. Muling umakyat sa
nakakaalarmang lebel ang inis dahil sa pambabale-wala sa kaniya ni Chino, galit
at selos nito, kaya't ginawa niya ang matagal na niyang ginagawa sa tuwing
nakakaramdam ng ganito...
“C'mon,
Ron. Pussies can't play ball!” nangiinsultong sabi ni Chris habang daretsong
nakatingin kay Chino.
“Dont
be afraid to take some chances.” bulong ng makulit na tinig ni Francis sa
bahagi ng isip ni Chino.
“Sure,
Ron. Sino may extra jersey?” tanong ni Chino, natigilan si Chris sa sagot na
iyon ni Chino habang si Dom naman at Ron ay nagpalitan ng ngiti.
Ilang
minuto pa ng pagste-stretch at napagalaman ni Chino na maglalaro siya laban sa
kuponan ni Chris, di naman siya masyadong kinakabahan dahil alam naman niya ang
kakayahan niya sa paglalaro ng basketball, di naman siya papahuli sa tangkad ng
mga andun at hindi niya bibigyan ng pagkakataon si Chris na ipamukha sa kaniya
na ang paglalaro ng basketball ay sa mga tunay na lalaki lamang.
Sa
kuponan nila Chino napunta ang bola pagkatapos mag jump ball, agad itong nakuha
ng isang lalaki sa kaniyang kuponan at iningatan ito laban sa mga nangaagaw
mula sa kabilang kuponan. Dahil sa taglay na bilis ni Chino ay nakarating agad
siya sa loob ng three point shot spot kaya naman agad niyang sinenyasan ang kaniyang
kakampi na ipasa sa kaniya ang bola, di naman siya binigo nito at ipinasa sa
kaniya ang bola, nang masalo niya ang bola ay di na siya nagabala pang saglit
itong i-dribol at i-shoot ito.
Agad
siyang nilapitan ng pinakamalapit sa kaniyang mga kakoponan at nakipag apir sa
kaniya. Ilang segundo pay bumalik sila sa paglalaro, dahil naman sa kaniyang
bilis ay naagaw niya ang bola sa kaniyang binabantayan at mabilis na tumakbo
pabalik sa kanilang court, nang makakita siya ng isang kakoponan na libre ay
ipapasa na sana niya ang bola kaso naharang siya ng isang malaking lalaki. Si
Chris. Agad niyang iniwas ang bola sa pangaagaw ni Chris, mabilis pero maingat
siyang umiwas dito sa pamamagitan ng pagikot patalikod at dahil nga sa angking bilis
ay di nakasabay sa kaniya si Chris na halos doble ng laki ni Chino at ipinasa
na niya ang bola sa kakampi.
Gulat
na gulat na tumingin sa kaniya si Chris, di makapaniwala sa bilis ng kaniyang
mga galaw, nginitian lang ito ni Chino sabay kibit balikat, lalong sumama ang
mukha ni Chris na halatang inis na inis na, nang ibalik ni Chris ang kaniyang
focus sa laro ay nakita niya si Chino na lumulundag at marahang pinakawalan ang
bola sa kaniyang mga kamay para sa isa nanamang three points. Matatambakan na sila
Chris at ang katotohanang iyon ang siyang lalong ikinainis nito at sa hindi
maipaliwanag na dahilan ay lalo pa siyang nainis nang lumapit si Dom sa tabi ni
Chino at walang patumanggang niyakap ito at hinalikan sa pisngi.
Nagulat
si Chino sa ginawang iyon ni Dom, halos makalimutan na nito na naglalaro sila,
nginitian lang siya ni Dom at kinindatan nang maibalik na niya ang sarili sa
laro ay mabilis niyang naagaw ang bola sa isang manlalaro sa kabilang koponan,
di niya napansin na mabilis din siyang sinusundan ni Chris, iniwasan ni Chino
ang pangaagaw ni Chris pero nang umikot siya para umiwas ulit ay siya namang
tisod sa kaniya ni Chris at siko sa tagiliran pero agad na umiwas si Chino kaya
naman sa ilong ito napuruhan na ikinabagsak nito sa sahig.
“Aw!
Shit!” sigaw ni Chino, napaluhod si Chino, nahihilo, ibinuka niya ang kaniyang
mga mata at nakita niya ang makinis na sahig ng court, malapit sa kaniyang
tuhod ay ilang malalaking patak ng dugo, agad na lumapit si Dom at iba pa, nang
tumihaya si Chino ay nakita ni Chris ang pagdugo ng ilong nito. Agad siyang
lumapit kay Chino at katulad ni Ron ay inalalayan itong tumayo pero hinawi yun
ni Chino.
“Don't
fucking touch me!” singhal ni Chino sa mga gustong tumulong sa kaniya.
“I'm
sorry, Chino.” kinakabahang bulong ni Chris. Binigyan siya ng nakamamatay na
tingin ni Chino.
“Fuck
you!” natigilan si Chris sa sinabing iyon ni Chino. Nakita niya itong
naglalakad palabas ng gym, hawak hawak ang ilong na patuloy parin sa pagdudugo.
“Chino
you're bleeding—-” habol dito ni Dom pero mabilis na lumbas si Chino.
“What
the fuck did you do that for, Chris?!” iilingiling na sigaw ni Dom sabay tulak
kay Chris.
Itutuloy...
[05]
Sa
ikailang beses sa araw na iyon ay naisailalim nanaman si Chino sa mga
mapanuring mata. Matapos paduguin ni Chris ang kaniyang ilong ay agad siyang
umuwi at sinubukang patigilin ang pagdudugo nito, pero ilang minuto pa at hindi
niya ito mapatigil at mukhang lalo pang dumugo kaya naman nagpasya siyang
pumunta na ng ER at doon sa ikailang beses sa araw na iyon ay naisalalim
nanaman siya sa ilang pares ng mapanuring mata.
“Sabihin
mo nga ulit sakin kung anong nangyari sa ilong mo?” tanong ng doktor, di mapigilan
ni Chino ang mapa-irap sa pagkairita dahil pang limampung beses na ata siyang
tinatanong nito, mapa nurse o duktor.
“We're
playing basketball, some asshole decided to land his elbow to my face. Is it
broken?” nagaalalang anong ni Chino.
“No,
it's not. Just relax and we'll do something with the bleeding.”
Muling
humiga si Chino sa stretcher at nagmunimuni. Hindi niya mapigilang magisip. Di
niya kasi lubos akalain na may mga homophobic assholes pa pala sa ganitong
kamodernong panahon.
“We're
already in the age of computers for heavens sake!” naiinis na sabi ni Chino sa
kaniyang sarili.
Hindi
ito nakatulong sa mababa na niyang self esteem, kung kailan nagiging
kumportable na siya sa kaniyang sarili matapos ang success ng kaniyang photo
shoot na akala niya ay di niya magagawa ay saka naman pumutok ang issue tungkol
sa sekswalidad niya na nauwi sa pagamin niya at ngayon di siya matanggap ng mga
katrabaho niya. Sumagi rin sa isip niya na baka kaya siya inaya ni Dom at Ron
para maglaro ng basketball ay para ipamukha sa kaniya na wala siyang kwenta
noon at lalo siyang nawalan ng pagkakataon magkaroon ng kwenta sa kanilang mga
mata dahil sa kaniyang sekswalidad. Pakiramdam niya ay napagkaisahan siya.
“Pero
sincere si Dom nung ayain niya akong lumabas at para makipagkaibigan at bakit
niya pa ako niyakap at hinalikan kung nandidiri siya sakin?” tanong ulit ni
Chino sa kaniyang sarili.
Pero
naisip niya rin na may mga tao talagang gagawin ang lahat makapang trip lang at
kung tutuusin ay mga tipo nga ni Dom at Chris ang may kakayahang gumawa nun,
mga kumportable sa kanilang sekswalidad at gagawin ang lahat mapatunayan lang
na mas magagaling silang tao kesa sa iba kahit pa ang kapalit noon ay makasakit
sila ng kapwa. Tila ba may pumiga sa mga laman loob ni Chino nang maisip ito.
Nagulat
si Chino nang mag-ring ang kaniyang telepono. Si Dom, tumatawag, inisip niya
kung sasagutin niya ba ito o hindi , pero nung huli ay napagpasyahan niyang
sagutin ang kaniyang telepono.
“Leave
me alone!” sigaw ni Chino sa kabilang linya bago pa man makapag 'hello' si Dom.
0000ooo0000
Di
parin makapaniwala si Chris sa kaniyang nagawa, literal na nga niyang sinira
ang reputsyon ni Chino sa kanilang mga katrabaho, sinaktan pa niya ito.
Sinaktan ng pisikal. Hindi na siya nakapaglaro pagkatapos umalis ni Chino,
gusto niya sana itong sundan o kaya puntahan sa bahay para humingi ng sorry
pero hindi niya alam kung saan ito nakatira.
Habang
nagaayos siya ng gamit para umuwi ay di niya maiwasang mapansin ang masasamang
tingin na ibinabato sa kaniya ng grupo nila Dom.
“Si
Dom.” bulong niya, muli siyang nakaramdam ng galit para dito at nang maglaon ay
galit sa kaniyang sarili.
Naguguluhan
siya kung bakit nga ba ganun na lang ang naramdaman niyang galit kay Dom at
Chino nang magyakap at maghalikan ang dalawa sa gitna ng court. Walang
pagkakaiba ang naramdaman niyang iyon nang makita niya si Chino na hinahalikan
si Francis sa labi nung gabing sinundan niya ito sa ospital.
“Ngayon,
dahil sa galit na iyon ni Chino sakin, lalo na akong di kakausapin nun.”
malungkot na sabi ni Chris sa sarili niya.
Yun
lang naman talaga ang gusto ni Chris, ang pansinin siya ni Chino, hindi man
niya ito maipaliwanag ay hindi na niya ito hinanapan ng explanasyon, basta
gusto niyang mapalapit si Chino sa kaniya at gusto niyang sa kaniya lang ang
atensyon nito.
“Pero
huli na, galit na galit na sakin si Chino.” bulong ni Chris sa sarili niya
sabay iling.
“Si
Chino ba yun? Ano sabi? Nakausap mo ba?” sunod sunod na tanong ni Ron kay Dom,
tumingin sa gawi nila si Chris at nakita pa niyang ibinababa ni Dom ang
telepono nito mula sa tapat ng tenga niya.
“He
wants me to leave him alone. I don't get it, Ron---” nanghihinayang na bulalas
ni Dom, alam niya kapag natapos na ang isang pagkakaibigan, sa sitwasyon ngayon
ay tapos na ito bago pa magsimula. Umiling naman si Ron.
“May
problema sa self esteem si Chino at pagkatapos ng nangyari ngayon, di na ako
magtataka kung iniisip nun na pinagtripan natin siya or something.” sagot ni
Dom na ikinagulat ni Ron at ni Chris sa hindi kalayuan.
“We
have to talk to him, Ron. Linawin natin na wala tayong kinalaman dun sa
nangyari.” sabi ni Dom sabay tingin sa gawi ni Chris, binigyan niya ito ng
masamang tingin, bago naman sumagot si Ron ay sinundan nito ang tingin ni Dom
at nakita niyang nakikinig si Chris.
“Let's
give Chino time to chill, di makikinig ngayon yun after ng nangyari.” sagot ni
Ron sabay iling at ipinarating kay Chris na dismayado siya sa ginawa nito kay
Chino kanina.
Lalong
bumigat ang pakiramdam ni Chris pagkatapos marinig ang palitan na iyon ni Ron
at Dom.
0000ooo0000
Bago
tumuloy sa susunod na photo shoot ay dumaan muna sa opisina ng boss niya si
Chino, nakapagdesisyon na siya, tutal nagbigay naman ng palugit ito at kapag
daw hindi parin niya nagustuhan mag shoot director sa mga male models ay
papayagan siya nito na bumalik sa mga photo shoot ng babaeng models at bitawan
ang mga lalaking model.
“Oh
shit! Chino, what happened to your nose?” tanong ng kaniyang boss, nakalimutan
na ang ethics sa pagitan ng employer at employee.
“An
elbow decided to kiss my nose.” sagot ni Chino sabay kibit balikat. Napansin
agad ng boss ni Chino na may kakaiba dito.
“And
to who's body is this elbow connected to?” tanong ng boss ni Chino, nagkibit
balikat ulit si Chino.
“I'd
rather not talk about it, Sir.” nagulat ang boss ni Chino, ngayon niya lang
kasi narinig si Chino na ganung ka lamig magsalita. Mahiyain ito, Oo, pero sa
loob ng ilang taong pagtratrabaho nito sa kaniya ay ngayon niya lang ito
nakausap na para bang hinigop ang emosyon sa buo nitong pagkatao.
“OK
then, Why are you here, Chino?”
“I'm
giving up the photo shoot for male models.” wala ulit na emosyong sagot ni
Chino.
“May
kinalaman ba ang pagbitiw mo sa mga photo shoot na ito sa namamaga mong ilong?”
maingat na tanong nito.
“Yes.”
hindi na nagpaligoy ligoy pa si Chino sa pagsagot. Tumango na lang ang boss ni
Chino bilang pag payag sa gusto nito.
0000ooo0000
“What
do you mean he's not directing our photo shoot anymore?” gulat na gulat na
tanong ni Chris sa make up artist na nakikipag tsismisan sa kaniyang kapwa make
up artist.
“May
bago ng shoot director sa labas, hindi na si Chino ang hahawak sainyo, parang
ibabalik ata siya sa mga female models.” sagot naman ng makeup artist na
nagngangalang Rhoda. Biglang tumayo si Chris at pumunta sa puwesto ni Dom na
siyang ikinataka ng husto ng make up artist.
“Dom---”
simula ni Chris pero hindi na ito pinatapos ni Dom.
“Hindi
ko alam kung bakit siya nagpalipat, Chris.” walang ganang sagot ni Dom, alam na
ni Chris na hindi niya ito makakausap kaya naman iiling iling siyang bumalik
para magpa makeup para sa susunod na shoot.
0000ooo0000
Ilang
araw na ang nakakalipas pagkatapos bitawan ni Chino ang photo shoot ng mga male
models at kahit papano ay OK naman siya sa mga female models, andyan parin ang
mga maarteng mga modelo pero hindi na iyon bago kay Chino, at least hindi nito
tinitira ang kaniyang self esteem di katulad ng mga lalaking modelo.
Katulad
ng dati, kapag hindi maganda ang araw niya sa trabaho ay magsusumbong ito kay
Francis, di man nakakasagot si Francis ay gumagaan parin ang loob niya sa
tuwing gagawin niya ito. Gabi gabi parin siyang bumibisita dito at gabi gabi
siyang nananalangin na magising na ito.
Habang
nagaayos si Chino ng kaniyang mga ginamit sa katatapos lang na shoot ay nagulat
siya nang makita si Dom na kinakabahang nakatayo sa di kalayuan at mataman
siyang pinapanood, napabuntong hininga siya at lumapit dito.
“Anong
ginagawa mo dito, Dom?”
“Pwede
ka bang makausap?” tanong nito, napairap naman si Chino.
“May
magagawa pa ba ako?” sasabihin sana ni Chino pero napigilan niya ang sarili
niya.
“Tungkol
saan?” ang naitanong na lang ni Chino.
“Tungkol
sana dun sa nangyari nung inaya kitang maglaro---” napairap ulit si Chino at
nagsimula nang maglakad palayo kay Dom, walang gana ng pakinggan pa ang
paliwanag nito, pero mapilit si Dom at sinundan siya nito.
“I
swear, Chino, hindi namin alam kung bakit nagkakaganon si Chris, mainitin
talaga ang ulo nun pero hindi yun bayolente.”
Natigilan
si Chino sa sinabing yun ni Dom, iniisip niya kasi na plinano nila lahat yun
para mapahiya siya lalo pa nung inamin niya ang tungkol sa kaniyang
sekswalidad. Marahil ay nabasa ni Dom ang pagtataka sa mukha ni Chino.
“Hindi
planado iyon para mapahiya ako?” pagkaklaro ni Chino, agad namang umiling si
Dom nang matignan ni Chino ang mga mata ni dom ay puno ito ng pagmamakaawa at
sinseridad.
“I'm
sorry that Chris is such an asshole right now, but I really want to be friends
with you, Chino---”
“Why?”
natigilan naman si Dom sa tanong na ito ni Chino, yumuko at tila ba sinasaulo
ang itsura ng kaniyang mga sapatos.
“Ahmmm,
I don't know, siguro kasi dahil--- uhmmm--- malapit kayong magkaibigan ni
Francis and nakita ko kung gano ka kabuting kaibigan, Chino. Actually, I don't
know why. Basta alam ko gusto kitang maging kaibigan.” kinakabahang sagot ni
Ron, tinignan naman ito ni Chino ng mabuti.
“So
you want to be friends? You want us to be close friends?” tanong ni Chino kay
Dom, sa totoo lang ay mabait si Dom, di siya magaalangang makipagkaibigan dito,
hindi lang iyon, attracted din si Chino dito, matangkad, maputi, gwapo,
matalino at mabait. Natigilan saglit si Chino sa naisip na iyon.
Alam
niyang mahal niya parin si Francis, walang duda doon, pero sa oras na magising
si Francis ay alam ni Chino na hindi na ito babalik sa kaniya dahil asa eksena
na si Laura, ikakasal na sila. Tinignan muli ni Chino si Dominic.
Muling
narinig ni Chino ang boses ni Francis... “Dont be afraid to take some chances.”
“Maybe
it's not so bad to be 'close' friends with Dom. Maybe it's time to be friends
with other people not just Francis.” bulong ni Chino sa kaniyang sarili.
“Yup,
I really need a best friend right now and since your best friend is in a coma,
I was wondering if I can apply for the position.” nakangiting sabi ni Dom sabay
tawa.
“Sure,
but we should know each other first but I'm really, really, really hungry! So
can we talk tomorrow before work? Maybe over coffee?” tanong ni Chino.
“Uhmmm--
I was thinking we can eat somewhere nice so I can apologize for Chris'
asshole-ish attitude.” nakayukong pahayag ni Dom kay Chino, nagdikit naman ang
kilay ni Chino sa pagtataka, napansin ni Dom na nagtataka sa kaniyang kinikilos
si Chino kaya naman nagpakawala siya ng nagtatakang tawa.
Mariing
tinignan ni Chino si Dom habang tumatawa, naniningkit ang mga mata nito,
lumalabas ang mapuputing pantay pantay na ngipin at isang dimple sa kaliwang
pisngi, nagbigay tuloy ito ng isang ilusyon na tila ba sa pagtawang iyon ni Dom
ay bumata ito ng labing limang taon. Isang totoy na nakarinig ng isang
nakatatawang bagay.
“Chino?”
gising ni Dom sa sa nagmumunimuning si Chino.
“Oh.
Sorry, I spaced out.” sagot ni Chino, tumawa ulit si Dom kaya't napatitig ulit
dito si Chino, pinigilan ni Chino ang sarili na abutin ang mukha ni Dom at
halikan ito.
“So,
is that offer for dinner still open?” nahihiyang tanong ni Chino, agad namang
nagliwanag ang mukha ni Dom.
“Yes!
Of course!” sigaw ni Dom at tila ba di mapakali at di alam ang mga susunod na
gagawin. Napangiti si Chino sa kinikilos ni Dom, napansin ni Dom ang ngiting
iyon ni Chino at palihim siyang natuwa nang makita iyon.
“I'm
sorry, I'm new to this best friend thing-y.” pahayag ulit ni Dom.
“No
need to say sorry, you're cute when you get all fidgety and nervous like that.”
natatawang sabi ni Chino dito.
Agad
namang namula ang mga pisngi ni Chino. Unang beses palang sa tanang buhay niya
siya nagatubiling makipag-flirt at inaamin niyang ang lame ng sinabi niyang
iyon at umiling. Nang ibalik niya ang tingin niya kay Dom ay nakita niya itong
nakangiti at taas baba ang kilay.
“So
you think I'm cute, huh? Wait---” agad na naningkit ang mga mata ni Dom. “Are
you flirting with me?” nangingiting sabi ni Dom. Napatawa si Chino pero di niya
rin napigilan ang mamula, napansin ito ni Dom at napatawa.
“Don't
be afraid to take some chances.”
“It's
the hunger that's talking. Kailangan ko ng kumain kasi, pogi na ang tingin ko
sayo at I'm having this desire to flirt with you even more.” balik ni Chino,
lalong lumaki ang ngiti ni Dom sa kaniyang mukha.
“Well,
in that case mamya na tayo kumain, gusto ko ang pakikipag-flirt sayo.” biro ni
Dom na ikina-blush naman ni Chino, hindi ito nakaligtas kay Dom.
“Awww!
You're blushing!” tukso nito kay Chino. Napatawa si Chino, sa unang pagkakataon
maliban kay Francis ay naging magaang ang loob niya makipagbiruan.
Habang
nag kukulitan ang dalawa ay di nila pareho napansin ang isang kotse na
nakaparada sa di kalayuan kung saan kitang kita sila Chino at Dom. Di napigilan
ni Chris ang sarili sa nakita at wala sa sarili nitong sinuntok ang manibela ng
kaniyang sasakyan.
Muling
bumalik ang nararamdaman niyang galit, katulad ito ng naramdaman niyang galit
nung nakita niyang malapit sa isa't isa si Dom at Chino nung naglalaro sila ng
basketball. Natigilan siya ng ma-realize kung ano ang maaaring dahilan sa mga
kakaibang pakiramdam na iyon.
Itutuloy...
No comments:
Post a Comment