Friday, January 11, 2013

Different Similarities: Book 1 (11-15)

By: Migs
Blog: miguelsshortbisexualstories.blogspot.com
E-mail: miguisalvador@yahoo.com


[11]
Nagmamadaling pumunta sa E.R. ng isang ospital sila Alvin at Eric, parehong di alam kung ano ang mararamdaman kung sakali mang may masamang mangyari kay Ardi. Hindi maiwasang sisihin ni Alvin ang sarili dahil alam niya kung pano malasing si Ardi at iniwan niya ito dahil lamang sa isang hindi pagkakaintindihan, si Eric naman ay may galit paring nararamdaman kay Ardi pero para sa kaniya ay hindi sapat iyon para ihiling na masaktan si Ardi.




“Slowdown Eric. Shouldn't you be hating him right now?” biro ni Alvin para kahit papano ay mapagaang ang sitwasyon.


“I don't hate him that much to wish he was dead, Alvin.” sagot ni Eric.


“He really got through your skin, huh?” nakayukong sabi ni Alvin, nahiya sa kaniyang inasal.


“Actually, thinking about it now, I would've wished that we just remained friends. Yes I was attracted to him, because he remind me of someone---” saglit na natigilan si Eric atsaka umiling saka itinuloy ang pagsasalita “---Ardi was just a better friend than a lover.” pagtatapos ni Eric.



Saglit silang natahimik ni Alvin lalo na ng dumating na sila sa tapat ng pinto ng E.R.



“Are you here for James Ardinato? Kaano-ano niya po kayo?” tanong ng nurse.


“We're his friends.” sagot ni Eric na ikinagulat ni Alvin dahil iniisip niya ay


“Oh, I'm sorry but only relatives are allowed inside the E.R.”


“He doesn't have anybody else, his parents are both dead and he has no siblings. Eric and I are the next best thing to a brother Ardi will ever have.” pagpupumilit ni Alvin, napansin naman ng nurse na maaari ngang wala ng ibang matatawagan na kapamilya ng pasyente kaya't pinapasok na niya ang dalawa.



Nanlaki ang mga mata ni Ardi at may ilang luha ang nagbabadyang tumulo sa kaniyang mga mata nang makita niya si Alvin at Eric sa paanan ng kaniyang hinihigaang stretcher, halos hindi na niya pinansin ang doktor na nagpapaliwanag sa mga ito, hindi narin niya pinansin ang pagkirot ng kaniyang mga sugat, mas pinansin niya pa ang pamimigat ng kaniyang dibdib, hindi kasi siya makapaniwala na matapos ang kaniyang ginawa sa dalawang ito ay nakuwa parin ng mga ito na magalala sa kaniya.



“X-ray's and CT scan are good but I would suggest that you bring him in a hospital once he complained of nausea, severe headache and when he starts vomiting.” sabi ng duktor kay Alvin.


“How about the wound on his head?” tanong ni Eric.


“Yeah, it's a pretty big. Eight stitches.” tumatango-tangong sabi ng duktor. “---just clean it with betadine and regularly change the dressing and it will be fine, this is the prescription, the meds are available in our pharmacy.”


“So he's clear to go home?” tanong ni Alvin.


“Yup, I just signed his discharge papers.” sagot naman ng duktor sabay magalang na nagpaalam.


“I'm sorry to bother you guys but your number was in my speed dial, Eric, they need someone to call, I said that I can manage on my own bet they said that the will not hand me my discharge papers and---”


“Ardi.” tawag ni Alvin sa pansin nito pero hindi parin tumitigil si Ardi sa kakasalita.


“--- I don't have any other choice so I just let them call you, I'm sorry.”


“Ardi!” sigaw ni Eric at sa wakas ay nakuwa na nito ang pansin ng huli at tumigil na ito sa kakasalita. Naluluhang tumingin si Ardi kay Eric, tila nagmamakaawa na paniwalaan siya.


“Ardi, it's OK.” marahang sabi ni Eric sabay pakawala ng isang ngiti, lalong napaluha si Ardi at umiling iling, tila hindi parin makapaniwala sa ginagawa para sa kaniya ng dalawa.



Ayun si Eric, isa lamang sa mahabang listahan ng tao na kaniyang sinaktan para lang sa pansariling dahilan, hindi parin siya makapaniwala na basta na lang nito kinalimutan ang kaniyang ginawa matulungan lang siya.



“I'm sorry.” bulong ni Ardi.


“Shhh.” sabi ni Eric sabay yakap kay Ardi. Ibinaling ni Ardi ang kaniyang tingin sa isa pang tao na paulit ulit niyang sinaktan, ang taong walang ginawa kundi maging mabuting kaibigan sa kaniya. Si Alvin. Iniabot ni Ardi ang kamay niya dito, hindi nag dalawang isip si Alvin na abutin iyon at marahang pisilin.


“I'm sorry.” bulong din ni Ardi sa kaniyang kaibigan.



Ngayon, alam ni Ardi na kailangan na niyang magbago, na kalimutan na niya dapat ang kaniyang galit sa nabigo nilang relasyon ni Alvin, na dapat na niyang kalimutan ang paghihiganti at pagpaparamdam sa ibang tao ng kaniyang naramdaman noon nang mawala sa kaniya si Alvin noon. Dahil ngayon, swerte na siya na sa kabila ng kaniyang pananakit sa dalawang taong kasama niya ngayon sa E.R. na iyon ay pinili parin ng mga ito na maging kaibigan siya.



“I'm sorry. I'm sorry.” paulit ulit na bulong ni Ardi habang walang tigil ang pagtulo ng kaniyang mga luha.



0000ooo0000



“You want me to what?!” singhal ni Ted.



Kauuwi lang ni Eric sa apartment nila ni Ted. Kasama si Alvin ay pareho nilang ipinaliwanag kay Ted ang mga nangyari nung gabing iyon.



“Let me get this straight. That bastard lied to you and made you fall in love then dumped you and then nearly raped you at this party and still you want him in my apartment and baby sit his sorry ass while the both of you work?! He's lucky I didn't try to kill him after you told me everything!” singhal ni Ted.


“Ted, it will only be for three days. He alone in his condo, no one will remind him of his meds and clean his bandages there.” mahinahong sabi ni Alvin.


“Isn't it time for you to let go of all the anger you have for him? I mean, it's not healthy anymore, Ted.” pakiusap ni Eric, katatapos niya palang sabihin yon ay alam niyang may nasabi siyang hindi nagustuhan ni Ted dahil nakita niyang nagtense ang panga nito at sumara ang mga kamao nito na tila manununtok.


“You don't know what hell I've ben through, Eric.” mahinahon at pabulong na balik ni Ted, hindi maitatago ang galit sa boses nito.


“It's OK Eric, I don't want to impose or something, I'll be OK in my unit.” nakangiting sabi ni Ardi pero sa likod ng ngiting iyon ay sakit sa mga sinabi ni Ted, tama lahat ng sinabi ni Ted kaya't wala siyang magagawa kundi lunukin ang pasaring na iyon at tanggapin na lang. Pare-parehong nagulat ang tatlo sa biglaang pagsulpot ni Ardi, hindi kaila na nanghihina parin ito at ang lungkot na dala marahil ng mga sinabi ni Ted. Napabuntong hininga si Eric, alam niyang narinig ni Ardi ang mga sinabi ni Ted at alam niya kung gano kasakit ang hindi bigyan ng pangalawang pagkakataon.


“I'll stay with you, it will only be for three days, I mean, Alvin can give me three days off, right?” tanong ni Eric, natigilan saglit si Alvin, iniisip ang maraming trabahong nagiintay sa opisina at ngayong kailangan ni Ardi ang magpahinga malaki ang posibilidad na hindi nila matapos iyon at baka bitawan nila ang ilang kliyente tapos nagpapaalam pa sa kaniya si Eric, alam ni Alvin na malaki ang malulugi sa kumpanya kapag nagkataon.



Wala sa sariling napatingin si Ted kay Ardi, masama parin ang loob niya dito lalo pa't naisama na si Eric sa listahan ng mga taong nasaktan nito pero lahat ng galit, inis at sama ng loob ay ganun-ganun na lang nalusaw nang makita niya ang lungkot sa mga mata nito. May halong pangungusap at pagkabahala kasama ng lungkot.



“He looks so lost and alone.” bulong ni Ted sa sarili niya. Alam ni Ted kung ano ang marahil na nararmdaman ni Ardi ngayon dahil isang taon lang ang nakalipas at naramdaman niya rin iyon. Oo, naiinis at may galit parin siya kay Ardi pero hindi niya kailanman hiniling na iparamdam dito ang kaniyang naramdaman noon na halos sumira na sa pagkatao niya.



Magsasalita na sana si Alvin, tatanggi sa proposisyon ni Eric nang biglang magsalita si Ted.



“I'll do it. I'll baby sit the asshole.” singhal ni Ted. Pero alam ni Eric, Alvin at Ardi na nagtatago lamang sa pagmamatigas na iyon ni Ted ang pagaalala sa dating kaibigan na si Ardi.


“Thank you, Ted.” bulong ni Ardi.


“Don't thank me yet, I don't beat down people who are already down, but you still owe me, I still want to punch your pretty boy face for what you did to Eric!” singhal ni Ted sabay talikod at balik sa panonood ng TV.


“Well that went well.” biro ni Alvin na ikinahagikgik naman ni Eric.



Saglit na nagtama ang tingin ni Alvin at Eric, hindi iyon nakaligtas kay Ardi, napangiti siya sa kaniyang sarili dahil sa nakitang koneksyon sa pagitan ng dalawa.



“Well, I should get going, busy day tomorrow. Ardi, get well soon, buddy, Eric---uhmmm--” agad na nautal si Alvin dahil nakaramdam siya ng hiya.


“---uhmmm--- see you tomorrow ---uhmmm--- at the office, I mean.” pagtatapos ni Alvin, hindi na mapigilan ni Ardi ang mapangiti habang si Eric naman ay naguguluhan ulit, sa buong magdamag kasi nilang magkasama nito ay ngayon lang ulit ito tinamaan ng hiya katulad ng ipinapakita nitong pagkahiya sa tuwing naguusap silang dalawa sa opisina. Lalong nagtaka si Eric nang biglang humarap si Alvin kay Ardi at inabot ang kamay nito sa huli.


“See you soon, buddy.” sabi ni Alvin sabay ngiti. Pero hindi inabot ni Ardi ang kamay niya kay Alvin sa halip ay niyakap nito si Alvin ng mahigpit.


“I will make it up to you, Alvin, I promise.” bulong ni Ardi, tumango na lang si Alvin at nagbigay ulit ng isang masuyong ngiti.



Inihatid na ni Eric si Alvin sa may pintuan at nagpasalamat ulit dito, binigyan lang siya ng ngiti ni Alvin at hindi na nagabalang sumagot pa na ikinataka muli ni Eric, hindi kasi pagkatiwalaan ni Alvin ang sarili niya na magsalita ulit sa harap ni Eric dahil baka mautal nanaman siya. Nakakunot noong bumalik si Eric sa kinatatayuan ni Ardi.


Saglit siyang nagalala dito dahil muli niyang nababasa ang lungkot at sakit sa mga mata nito habang masuyong nakatingin kay Ted. Hindi niya mapigilang maawa dito, alam niyang makakaramdam ito ng pagiisa matapos nila itong talikuran ni Alvin sa party pero nung malaman niya na naaksidente ito ay hindi na niya ito magawang talikuran dahil alam niyang kailangan ni Ardi ng kasama kahit pa sinaktan siya nito ng sobra.



Inabot ni Eric ang balikat nito at pinisil iyon at marahang nagsalita.



“Don't worry about Ted. He's just playing rough but deep inside he cares.” sabi ni Eric, masuyong ngumiti si Ardi, tumalikod na si Eric at inaya na siyang magpahinga sa kwarto. Sumulyap muli siya kay Ted.


“He still cares for me?” nagaalangang tanong ni Ardi sa sarili niya matapos ang mga sinabi ni Eric.


“After all I've done to him, he still cares?” naluluhang sabi ni Ardi saka sinundan si Eric papasok ng kwarto.



0000ooo0000



Nang gumising si Eric ay nakita niya si Ardi at Ted sa dining table na kumakain ng agahan, hindi niya mapigilang mapangiti lalo pa't salat na salat niya ang awkwardness sa pagitan ng dalawa pero laking tuwa parin niya at hindi niya naabutan ang dalawa na nagpapatayan. Pinagmasdan niya muna ang kilos ng dalawa dahil inaamin niya na nacu-cute-an siya sa kilos ng mga ito.



Sa tuwing iinom ng kape si Ted at saglit na ibaba ang kaniyang binabasang dyaryo ay susulyap ito kay Ardi na abala naman sa paghalo ng kaniyang kape at paglalaro sa ng crossword puzzle sa isang tabloid. Sa tuwing si Ardi naman ang titigil saglit sa kakasagot sa dyaryo at iinom ng kape ay ito naman ang masuyong titingin kay Ted.



“Good morning! How was your sleep, Ardi?” panggugulat ni Eric, halos maibugha ni Ardi ang kaniyang iniinom sa halip na ibugha iyon kay Ted ay pilit niya itong nilulon kaya't agad siyang nasamid, alam niya kasing nahuli siya ni Eric na nakatitig kay Ted kaya agad siyang nagpanic. Napahagikgik na lang si Eric habang si Ted naman ay nagmamadaling inabutan ng tubig si Ardi na ikinagulat ng huli.


“He really do still care.” bulong ni Ardi sa sarili habang inaabot ang baso ng tubig na inaalok sa kaniya ng namumulang si Ted. Imbis naman na masaktan si Eric sa ipinapakitang koneksyon ng dalawa at magselos dahil hindi niya natanggap ang ganung koneksyon mula kay Ardi nitong mga huling linggo habang lumalabas sila ay lihim niya pa nga itong ikinatuwa.


“We should've just remained friends. We were better in being friends than being lovers.” napangiti si Eric sa naisip niyang ito dahil narealize niya din na hindi siya bitter dahil ang pinagsaluhan nila ni Ardi nung mga nakaraang linggo ay purong pagkakaibigan lang sa pagitan nilang dalawa.



0000ooo0000



Pagod na pagod at lu-lugo-lugo paring pumasok si Eric sa opisina nung araw ding iyon. Agad siyang nagulat sa pinagbago ng paligid, hindi dahil bago ang mga gamit o bago ang ayos ng mga ito, nagbago ang paligid dahil da tingin na ibinabato sa kaniya ng mga kaopisina niya, mababait ang mga ito pero ito rin ang unang pagkakataon na halos lahat sa mga ito ay nakangiti sa kaniya.



“I wonder what happened?” tanong ni Eric sa sarili niya habang inilalapag ang kaniyang mga gamit sa kaniyang upuan, kinuwa niya ang mug niya at tumuloy na sa pantry para kumuwa ng kape.



Patuloy parin ang mga kakaibang pagbati kay Eric ng kaniyang mga ka-opisina habang papunta sa pantry, masyado na siyang nawiwirduhan kaya't hindi niya napansin si Alvin sa loob ng pantry habang nagmamadali siyang isara ang pinto.



“There's an open door policy in this pantry, Eric.” sabi ni Alvin na ikinagulat naman ni Eric, nang makita niyang si Alvin lang pala ang nagsalita ay agad siyang nagbuntong hininga at nagbitiw ng isang matipid na ngiti.


“What's going on out there? It's like freakin' twilight zone with all those people smiling and slapping my back.” umiiling na sabi ni Eric habang nilalagyan ng mainit ng tubig ang kaniyang mug.


“Philip, one of the senior architects saw what happened last night at the party and said something about sticking up with Ardi even after hurting you.” sagot ni Alvin, natigilan si Eric at humarap dito, nun lang nakita ni Eric ang malaking ngiti na nakaplaster sa mukha ni Alvin.


“Almost everyone here was once close to Ardi and all of them helped him when he was spinning out of control but none of them was successful and when they heard about Ardi dropping his act because of what you did they just felt they owe you for bringing their friend back, the sweet, caring and kind Ardi. So that's why everyone seems like happy to see you.” seryosong sabi ni Alvin, tumango na lang si Eric nang makuwa na niya kung bakit ganun na lang ang kinikilos ng mga kaopisina niya.



0000ooo0000



Nang pumatak ang tanghalian ay hindi alam ni Eric kung saan su-suot, alam naman niyang hindi siya sinasadyang iwanan ng kaniyang mga kaopisina mag-isa pero simula't sapul naman talaga may kaniya kaniya silang grupo at hindi kasama doon si Eric, madalas niyang kasama si Ardi pero ngayong wala ito ay parang unang araw niya ulit sa trabaho.


Nang makalabas na para magtanghalian ang karamihan sa kaniyang mga katrabaho ay lumabas nadin siya ng building at naglakad papunta sa mall. Mag-isa siyang naglakad at naghanap ng makakainan, nang maisip niyang hindi naman kailangang espesyal ang kaniyang kakainan ay napagpasyahan na lang niya na kumain sa isang fast food chain.



Habang kumakain si Eric ay hindi niya mapigilang mapaisip.



“This is the exact same reason why I fell for Ardi's trap. Dammit! I'm fucking alone again!” sabi ni Eric sa sarili sabay iling.



Dahil abala si Eric sa pag se-self pity ay hindi niya napansin ang nakatayong lalaki sa kaniyang unahan kaya't nagulat siya nang may ilapag ito ng Sundae sa lamesang kinakainan niya. Nagangat siya ng tingin.



“I figured you'll be here.”



Itutuloy...




[12]
Nakanganga parin si Eric may ilang segundo pagkatapos maglapag ng sundae ng lalaking nakatayo sa harapan niya at nang magsalita ito. Ginising niya ang sarili at pilit binura ang gulat sa kaniyang mukha at pinalitan iyon ng ngiti. Nakita niya ang pagaalangan ng kaniyang kaharap kaya naman agad siyang nagsalita.



“Thanks for the sundae, Alvin.” sabi ni Eric sabay aya kay Alvin na umupo.


“Figured you can use one.” nangingiting sabi ni Alvin sabay namula.



Saglit silang natahimik.



“You know, we were never given the chance to know each other.” basag ni Alvin sa katahimikan.


“Yeah.” simpleng sagot ni Eric.



Totoo, hindi nabigyan ng pagkakataon si Eric at Alvin na kilalanin ang isa't isa. Binalot ulit ng kakaibang katahimikan ang espasyo sa pagitan ng dalawa.



“Sooo...”


“So what?” tanong ni Eric.


“Uhmmm--- how was the sundae?” tanong ni Alvin na ikinasamid naman ni Eric.


“Really?! That was lame Alvin and you know it.” natatawang sabi ni Eric, namula si Alvin at hindi narin napigilang mapatawa.



Matapos humupa ang kanilang mga tawanan ay saglit na nagtinginan ang dalawa.



“Yeah, well lame or not get your butt back in the office and get workin!” natatawang sabi ni Alvin, umiiling na tumayo si Eric at naglakad na pabalik sa opisina kasunod ang nakangiti paring si Alvin. Aminado siyang may awkwardness parin sa pagitan nilang dalawa pero pakiramdam ni Alvin ay magsisimula na ang isang magandang pagkakaibigan sa pagitan nilang dalawa ni Eric.



0000ooo0000



Hinatid ni Alvin si Eric sa apartment nito dahil narin gusto nitong kamustahin si Ardi at para narin mas makilala niya si Eric. Halos lahat na ay napagusapan nilang dalawa habang nasa daan, tungkol sa pagkabata, kung saang skwelahan sila pumasok at iba pa. Nang buksan ni Eric ang pinto ay halos sabay na bumagsak ang mga panga nila ni Alvin.



Sa sala magkatabing nakaupo si Ardi at Ted, hindi mapakali ang kanilang mga puwit, tila mga bata na excited na excited mamasyal, si Ted, hindi na nakuwa sa pagkagaslaw ang nararamdaman ay iwinagayway na ang kaniyang mga malalaking braso at nagsisisigaw na!



“If you're not going to shoot the ball might as well pass it to others who can shoot it you dumbass!”


“Ganyan ka-bano yang team mo?!” panunukso dito ni Ardi.



Sabay ding nanigas ang mga katawan ni Eric at Alvin nang marinig ang patutsadang iyon ni Ardi kay Ted, iniintay nila na pagsasakalin na ni Ted si Ardi pero hindi nangyari iyon, sa halip ay pabalang din nitong sinagot ang patutsada ni Ardi.



“At least hindi namumulaklak sa penalty yung team ko kagaya ng team mo!”


“Shaddap! Lamang kaya ang team ko!”



Dun na nakahinga ng maluwag si Eric at Alvin, alam na nilang medyo OK na ang lahat sa pagitan ni Ardi at Ted, na nagbibiruan lang ang mga ito at hindi na nila kailangang awatin at intayin ang mga ito magpatayan.



“For a minute there I thought I'm going to wet my pants.” bulong ni Alvin, tinutukoy ang kakaibang paraan ni Ted at Ardi sa pagba-bond.


“You're lucky, I thought I was going to have a heart attack!”



At sabay na napatawa si Eric at Alvin at kinamusta na ang dalawang masuyo parin na nanonood ng laro ng basketball sa TV.



0000ooo0000



Nang pumasok kinabukasan si Eric ng opisina ay dala-dala na niya ang ga-tambak na pinatrabaho sa kaniya ni Alvin, hindi kasi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil sa lakas ng paghilik ni Ardi, lumabas man siya ng kwarto para matulog sa sala ay ingay naman ng mga tambay sa labas ang bumulaga sa kaniya kaya't imbis na puyatin ang sarili dahil sa inis ay naisipan na lang niya na puyatin ang sarili sa trabaho at balewalain ang ingay at inis.


Humihikab na nagtimpla si Eric ng kaniyang kape, kumakalam ang sikmura niya dahil isang piraso lang ng tinapay ang kaniyang kinain dahil naubusan na siya ng agahan ng matatakaw na si Ardi at Ted.


“Sooo...” pabitin ni Alvin na ikinatalon naman ni Eric na halos ikatapon ng kaniyang tinitimplang kape.


“So what?” naiiritang sabi ni Eric.


“Woke up on the wrong side of the bed?” tanong ni Alvin sabay dampot ng pantimpla ng kape.


“Actually, I didn't go to sleep so the waking-up-on-the-wrong-side-of-the-bed saying doesn't apply to me this morning.” inaantok paring sabi ni Eric.


“Wha---? Why?”


“Ardi snores like a cow in distress.” wala paring ganang sabi ni Eric.


“I'm guessing you didn't have breakfast also---?” simula ni Alvin nang marinig ang pagkalam ng sikmura ni Eric na ikinamula ng pisngi ni Eric.


“---Uhmmm you want to go downstairs for a while and grab something to eat?” tanong ni Alvin na pumiyok pa nga nang sabihin nito ang salitang 'eat' tila sa aya at sa sinabing iyon ni Alvin ay biglang nagising si Eric pero inisip na lang ni Eric na ang pagkagising na iyon ay dahil iyon sa kasalukuyan niyang iniinom na kape.


“Uy! Nagbibinata! And what made you think I haven't had breakfast yet?” biro at tanong ni Eric, namula naman si Alvin sa biro at napangiti sa tanong na iyon ni Eric.


“Well, hearing your stomach growl is one and then I'm thinking that before Ted leave for his morning jog he already cooked breakfast but you now live with Ardi and that kid can eat a whole cow and sometimes forget to leave some for others, now, assuming that Ted didn't cook breakfast it leaves Ardi for that task but then Ardi doesn't now how to cook even if his life depends on it so I don't think he would prepare breakfast for you and if you didn't have the energy now, I'm assuming that you didn't have the energy to cook breakfast either” mahabang paliwanag ni Alvin sabay kibit balikat.


“Wow. Daming sinabi. You're that observant huh?” sarkastikong tanong ni Eric sabay ngiti.


“I have to be observant, you know, being a boss and all.” sabi ni Alvin sabay piyok ulit.


“Haha! Hitting puberty this late, what are you 35 and it's only now you're hitting puberty?” loko ulit ni Eric kay Alvin na ikinamula naman ng huli.


“My voice tends to give way lalo na kapag puyat at gutom errr uhmmm yeah--- so what say you? Breakfast?” aya ulit ni Alvin di parin maitago na kinakabahan siya.


“Sure! I think I can eat a whole cow right now after what happened last night.” humahagikgik na sabi ni Eric.


“Well I don't know if I can afford a whole cow right now.” balik ni Alvin, napatawa si Eric.


“You're paying for my breakfast? OK then, half a cow, would you be able to afford that?” biro ulit ni Eric.


“Half of a half.” humahagikgik na tawad ni Alvin.


“Awww! No! I want half a cow!” sabi ni Eric sabay pout na parang batang magsisimula ng magtantrum.


0000ooo0000



“No shit!” singhal ni Eric sabay iling, halos ibugha na niya sa mukha ni Alvin ang kinakain niyang tapa at sinangag.


“What?! Tolkien is better than Rowling! The Lord of the Rings trilogy is intelligently done, Rowling has too many inconsistencies in the Potter series!” balik naman ni Alvin.



Nagpapalitan lang ng mga impormasyon ang dalawa na siyang madalas gawin ng mga kakikilala pa lang, may ilang linggo na silang magkakilala pero ngayon lang sila nabigyan ng pagkakataon na kilalanin ang isa't isa, sa palagay ni Eric ay magkakasundo sila ni Alvin lalo pa't pareho sila ng interes, gusto at hindi gusto.



“That is because the Harry Potter series was not written backwards! I mean, who in their right mind would write something in backwards?” balik ni Eric sabay ngiti ng nakakaloko.


“Only great minds do that! And besides he wrote it backwards precisely to prevent inconsistencies!” balik ni Alvin sabay siya naman ang nagpakawala ng nakakalokong ngiti.


“Whatever! What's with Frodo and Sam anyway?! Every scene where they are alone just shouts 'gay!' Tolkien should've had 'Lord of Charings the Fellowship of the fags' as title.”


“That was a low blow! Considering you're gay!” balik naman ni Alvin at sabay silang napatawa, aminado naman si Eric na low blow nga ang kaniyang ibinalik na patutsada pero sinubukan niya parin dahil wala na siyang maibalik pang iba kay Alvin.


“Oh shit! Look at the time!” halos tumalon na sabi ni Eric dahil sa pagmamadali.


“Oh no, I still need to distribute the new projects.” umiiling naring sabi ni Alvin sabay tayo.


“Hey! I still have to tell you the never ending list of proof why Rowling is better than Tolkien!” sabi ni Eric habang sinusundan si Alvin pabalik ng opisina.


“Save it for lunch!” nakangiting sabi ni Alvin, napangiti narin si Eric, di niya kasi inaasahan na gugustuhin pa ulit siyang makasama ni Alvin.



0000ooo0000



Hindi maiwasan ni Eric na mapalapit kay Alvin, inaamin niya na nainis siya dito noon at hindi niya binigyan ang sarili pati si Alvin ng pagkakataon na makilala ang isa't isa dahil sa pagaakalang nagseselos ito sa kaniya at gusto nitong agawin si Ardi sa kaniya, hindi niya alam na wala na itong interes kay Ardi kundi purong pagkakaibigan at nagaalala lamang siya sa mga ginagawa nito.



Ngayon nakuwa na niya kung bakit tila ayaw pakawalan ni Ardi ang pakikipagkaibigan niya kay Alvin, maaaring hindi na niya ito mahal bilang isang kasintahan pero mahal na mahal naman niya ito bilang kaibigan dahil si Alvin yung tipo ng tao na hindi ka pababayaan at matatawag mong swerte ka kapag ikinunsidera ka niya bilang kaibigan.



At gagawin lahat ni Eric para hindi mawala si Ardi, Ted at ngayon si Alvin bilang kaniyang mga kaibigan, dahil matapos ang nangyari noon kay Pat at ngayon kay Ardi ay masasabi niyang kailangan niya muna ng mga kaibigan bago maghanap ng mamahalin.



“Hey, the clients loved your designs, di magtatagal uulanin ka ng papuri and before you know it, clients will be lining up for your designs. Good job, Eric!” bati ni Alvin sa kaniya, ito na ang pangatlong araw ng pag-absent ni Ardi at sa loob ng nakalipas na dalawang araw ay sila lamang ni Alvin ang magkasama tuwing break. Gustuhin niya mang makisama sa iba ay agad naman siyang tinamaan ng hiya, sa loob kasi ng magdadalawang buwan na niyang pagtratrabaho sa kumpaniyang iyon ay ngayon niya pa lang nakikilala ng maayos ang mga andun, pwera na lang kay Alvin na kilala niya na simula nung magumpisa siya.


“Why, thank you, boss!” nakangiting sabi ni Eric.


“You're welcome!” sabi ni Alvin na masuyo rin namang sinuklian ang ngiti ni Eric sa kaniya sabay abot ng mga folder para sa panibagong kliyente na tratrabahuhin ni Eric.


“Ha! Ha! Sinabi mo lang yun para tambakan ako ng trabaho noh? At para di ako tumanggi?! You don't have to say sweet things before giving me gazillion folders for work, kahit gano pa kadami niyan tatanggapin ko yan.” natatawa at umiiling na sabi ni Eric. Bumulong si Alvin pero masyadong mahina iyon para marinig ni Eric.


“What?” tanong ni Eric.


“I said do you want to grab something to eat? I'm starved!” balik ni Alvin sabay akbay kay Eric. Lalong napangiti si Eric.


“You also don't have to bribe me with lunch for me to accept work.” biro ni Eric, pabiro lang siyang sinuntok ni Alvin.


“Who said I'm paying?” natatawang sabi ni Alvin.


“Aha! Ngayon naman binabraso mo ako para ilibre ka ng lunch!” biro ulit ni Eric, saglit na sumersyoso si Alvin pero nang makita niyang nagbibiro lang si Eric ay napatawa narin siya.


“You always have something to say do you?”


“Well, my mom said that dad left her because I'm talkative.” tumatawang sabi ni Eric habang naglalakad sila papuntang elevator, sa lahat ng nakarinig at nakakita ng kanilang palitan na iyon ay sasabihin na nagiging malapit ng magkaibigan ang dalawa.


“Un-fucking-believable!” umiiling na sabi ni Alvin dahil hindi makapaniwala sa kakaibang kadaldalan na ipinapakita ni Eric habang si Eric naman ay patuloy sa pagtawa.



0000ooo0000



“No. star trek's better than star wars.” pagpupumilit ni Alvin.


“WHAT?! Are you for real?!” singhal naman ni Eric.


“Well, the story line sucks.” sagot naman ni Alvin sabay kibit balikat.


“You'll pay for that, you know that? There are billions of Star wars fan and they are not fond of people who says bad about the series. Besides, star trek doesn't have a great plot also, with all those time travel and shit.” sabi ni Eric sabay hagikgik.


“Captain Kirk is cute I think that's enough for me to like Star trek than star wars.”


“Another lame shot by Mr. Alvin Montreal!” tumatawang sabi Eric.


“Well, it's true, there are no cute guys in star wars.” depensa ni Alvin.


“Try Anakin skywalker.”


“What?! The one with the mask and breather thingy?!” tumatawang balik ni Alvin.


“Before the mask thing!”


“Nah. Too lanky for me.” humahagikgik na sabi ni Alvin.


“Well aren't you a choosy little bastard! So what's your type then?” si Eric.


Pero hindi na narinig pa ni Eric ang sagot ni Alvin dahil agad na siyang binalot ng galit nang may mapansing kakaiba sa hindi kalayuan. Napansin iyon ni Alvin at akala niya nagalit si Eric sa kaniyang sinabi, nagsimula ng mag-panic si Alvin nang tumayo si Eric, sinundan niya ito para sana magpaliwanag, nagtaka siya nang tumigil si Eric sa paglalabas at inilabas nito ang kaniyang telepono at itinapat iyon sa isang pares ng lalaki at babae na naghahalikan at kumakain din sa restaurant na iyon at kinuwanan ang mga ito ng litrato habang naghahalikan.



Nagulat magsing irog sa flash ng camrea phone ni Eric. Agad na rumehistro sa mukha ng babae ang gulat at takot nang makita kung sino ang umistorbo sa paghahalikan nila ng kaniyang nobyo.



“Hi tita Shelly. Long time no see.”



Itutuloy...


[13]
Naluluhang muling tumingin si Shelly kay Eric, kitang kita ni Alvin ang takot sa mga mata nito pero naguguluhan parin siya at gusto man niyang pigilan si Eric sa ginagawa nito ay alam naman niyang hindi ito papapigil sa kaniya dahil kitang kita niya na galit na galit din ito. Pabaling baling ang tingin ng lalaking kasama ni Shelly mula sa lalaking hindi niya kilala na nanlilisik ang mga mata papunta kay Shelly na hindi mapakali at mukhang takot na takot.



“You listen to me, bitch and listen to me good. After I'm done talking to you, you will stand up and go home to my father and tell him you're cheating on him.” singhal ni Eric.


“Have some respect---!” simula ng lalaking kasama ni Shelly, na agad ding tumiklop nang tignan siya ni Eric.


“Shut up!”


“A-and if I don't?!” sabi ni Shelly, sinusubukang tapatan ang pananakot ni Eric. Tinawanan lang siya ni Eric, pero imbis na gumaan ang loob ni Shelly dahil sa tawang iyon ay lalo siyang natakot.


“If you don't then I will tell him myself and with this picture, I'm sure he will be convinced.” sabi ni Eric sabay ipinakita kay Shelly ang litrato sa kaniyang cellphone.


“Do I make myself clear, bitch?!” singhal ulit ni Eric, wala ng nagawa si Shelly kundi ang tumango.


“Now you, dick head, stay clear from this bitch or you will see yourself being tried for adultery.” singhal ni Eric sabay talikod at nanggagalaiting naglakad palayo.



Hinabol ito ni Alvin, hindi alam kung pano kukunin ang pansin ni Eric, alam niyang galit 'to, at alam niya ring nasasaktan ito para sa kaniyang ama, Oo, normal ang magalit sa kaniyang madrasta lalo na sa nalaman nito pero pakiramdam niya ay may malalim pang pinanggagalingan ang galit na iyon at iyon ang gustong malaman ni Alvin.



0000ooo0000



Muling binayuot ni Eric ang kaniyang panganimnapung papel kung saan siya gumuguhit ng design ng isang bahay para sa isang kliyente, simula ng masira ang kaniyang umaga ay nagtuloy-tuloy na iyon, ni hindi siya umusad sa unang proyektong ginagawa niya. Nakakuwa siya ng ilang nagaalalang tingin mula sa kaniyang mga katrabaho pero hindi niya pinansin ang mga iyon. Sa tuwing kakausapin siya ng mga ito ay magalang niya itong sinasagot at kinakausap din pero hindi niya kadalasan iyong na-aabsorb.



“That's it! Stop drawing!” nafru-frustrate ng sabi ni Alvin na ikinagulat ni Eric.


“Wha---?”


“You haven't finished anything and you're moving like a robot who is running out of battery. You haven't even noticed that it's past 6pm already!” sabi ni Alvin sabay lapit kay Eric, hindi niya alam kung ayos lang ba dito na umarte siya bilang kaibigan nito dahil sa totoo lang ay hindi pa alam ni Alvin kung saan siya lulugar dito, gusto niya itong suportahan sa pamamagitan ng paghawak sa balikat nito pero nagaalangan siya. Ramdam niya parin ang galit na nagmumula kay dito.


“Eric, You're scaring me.” bulong ni Alvin. Agad na tumingin si Eric kay Alvin at nakita niya din ang matinding pagaalala.


“I'm sorry.” balik ni Eric, tumango lang si Alvin.



Muli silang binalot ng katahimikan. Hindi parin alam ni Alvin kung pano pa kakausapin si Eric kaya't minabuti na lang niyang bumalik sa kaniyang opisina para ayusin ang kaniyang gamit at umuwi na lang. Nang makalabas siya ng kaniyang opisina ay hindi na niya naabutan si Eric sa lamesa nito, kaya't bagsak balikat at nakuyko siyang naglakad papunta sa mga elevator, iniisip na wala siyang naitulong sa namomroblema at nasasaktan na si Eric.



“You know, you never did buy me a whole cow.” saad ni Eric na ikinagulat naman ni Alvin. Nang makabawi sa pagkakagulat si Alvin ay matipid siyang ngumiti at sabay na silang naglakad papunta sa isang restaurant.



0000ooo0000



Tahimik lang si Eric at alam ni Alvin na malalim parin ang iniisip nito at hindi parin alam ni Alvin kung pano ito kakausapin kaya't laking pasasalamat niya ng ito ang unang nagsalita.



“I'm sorry if I behaved like a jerk the whole day.” umpisa ni Eric.


“It's cool, you scared me though.” sagot naman ni Alvin na ikinahagikgik ni Eric.


“What?!” nangingiti-ngiting tanong ni Alvin, hindi alam kung bakit tumatawa si Eric.


“Nothing. It's just, you're Alvin Montreal, The Alvin Montreal, you don't get scared that easily.” sabi ni Eric sa pagitan ng mga paghagigkgik.



Binigyan ni Alvin si Eric ng isang masuyong tingin, hindi niya kasi inaasahan na sa saglit na panahon na magkakilala sila ay nakilala na siya ng husto ni Eric ng ganun para masabi ang huli nitong kumento.



“Well, you scared the shit out of me, lalo na kaninag umaga.” balik ni Alvin, agad namang nagtense si Eric nang maalala ang nangyari kanina, hindi ito nakaligtas kay Alvin at agad niyang pinagsisihan ang pagpapaaalala kay Eric ng nangyari kanina.


“It's just that my dad is all I have, even if he only loves me out of obligation I just--- I just want him to be happy, you know? And finding out that, that bitch is cheating on him just takes the devil out of me.” nakayukong sabi Eric. Muling tinitigan ni Alvin si Eric, alam niyang may hindi sinasabi sa kaniya si Eric at aalamin niya kung ano ito.


“Yun lang ba ang dahilan?” bulong ni Alvin.



Agad na nagtaas ng tingin si Eric, nagulat siya sa sinabing ito ni Alvin. Sa mga sinasabi kasi ng mga nakakakilala sa kaniya ay siya na ang pinaka mahirap na basahin pag dating sa tunay na nararamdaman at ang pinaka gumulat kay Eric ay ng maalala niya kung sino ang taong tanging nakakabasa ng tunay niyang nararamdaman. Si Pat.


Umiling na lang si Eric, umamin sa obserbasyon ni Alvin.



“Do you want to talk about it?” tanong ulit ni Alvin, naluluhang tumingin dito si Eric at tumango, hindi pinagkkatiwalaan ang sarili na magsalita dahil alam niyang sa oras na magsalita siya ay alam niyang bubuhos lahat ng kaniyang nararamdman.



0000ooo0000



“Here.” sinabi ni Alvin sabay abot ng balot kay Eric.



Nasa loob sila ng sasakyan ni Alvin na noon ay nakaparada na sa harapan ng apartment ni Ted, doon nila naisipang ipagpatuloy ang kanilang pinaguusapan. Ngumiti lang si Eric at sinimulan ng kainin ang balot.



“Hindi ko alam kung san magsisimula.”


“Start from the beginning.”


“Masyadong mahaba.”


“I have all the time in the world.” balik naman ni Alvin na ikinangiti ni Eric.


“I guess, I just hate seeing people cheat on their partners, I hate reading the emotion of betrayal in someone's eyes, I hate seeing people hurt---”


“Kasi naramdaman mo lahat yan, diba?” putol ni Alvin, umiling naman si Eric.


“I was never betrayed and I was never cheated on by a partner before I met Ardi pero nasaktan na rin ako at hindi sapat na dahilan yun para halos patayin sa takot si Shelly kanina.” sagot ni Eric, naguluhan naman si Alvin at naisipan na lang ni Eric na sabihin lahat kay Alvin, simula sa nangyari noon sa kaniya at sa mga nagawa niya.


“I made some mistakes, mistakes that I will have to live for the rest of my life.” umiiling na putol ni Eric sa kaniyang kinukuwento, iniisip kung sasabihin ba ang pangalan ni Pat at Jake at ikukuwento lahat ng nangyari pero sa huli ay naisip ni Eric na huwag nalang banggitin ang pangalan ng dalawa para narin sa respeto sa mga ito.


“Go on, no ones judging you.” paniniguro ni Alvin sabay ngiti kay Eric, tumango lang ang huli at ipinagpatuloy ang pgkukuwento.


“---I lost the only person I loved and I hurt so many people around us. I pushed him to cheat on his lover, that's why I don't like to see the look on people's faces when being betrayed, I don't like to see the look of hurt when they find out that their partners are cheating on them, I don't want to hear their hearts break, it reminds me of my mistakes, it reminds me of all I lost, it reminds me of how cruel I was before. And thinking that my father is going through that now makes me think that karma is starting to get back at me, starting with my father. Alvin, I don't want to see the look of a betrayed partner on my father's face, I don't want to hear his hear break---” hindi na naituloy ni Eric ang sasabihin dahil tila ba may malaking buto na bumara sa kaniyang lalamunan, hindi ito nakaligtas kay Alvin, alam niyang mahirap ang ginagawang iyon ni Eric.



Matagal na natahimik ang dalawa at si Alvin ang bumasag ng katahimikan na iyon.



“Everyone do stupid things when they're in-love, Eric, don't beat up yourself over this. Every situation is different from what you had before, everybody has their reason for hurting someone just like you did, you only did it because you felt like it's the right thing to save your love with that person, that's what makes us human, Eric. That's human nature.” alo ni Alvin, saglit na napaisip si Eric sa mga sinabing yon ni Alvin.


“You know what I think, though?” basag pa ulit ni Alvin sa pagiisip ni Eric, umiling si Eric bilang sagot sa tanong na ito ni Alvin atsaka nagpatuloy ang huli.


“I think you're angry with what that guy did to you, Face it, Eric, it was not you who cheated, you were only one of his instruments to cheat on his lover, if it was not you it could've been anybody else, he could've said 'No' when you are trying to have sex with him. Ginusto niya rin ang nangyari, Eric, you shouldn't take all the blame---” pabitin ni Alvin sabay tinimbang ang reaksyon ng mukha ni Eric bago magtuloy ng sasabihin.


“---Isa pa, you're angry with him but you keep on telling yourself not to be angry because you're still holding onto him, the end result is, you, channeling all those anger to yourself and every cheating bastards and bitches that comes your way, for example, your step mom. That's not just anger you showed there, Eric, it's like being at war with yourself and it's fucking scary, Eric.” sa pagtatapos na iyon ni Alvin ay saka humagulgol si Eric.


“I don't know why I can't blame him! I know that what happened between the three of us before is not all my fault, but I can't still fucking blame him!” nagagalit sa sariling sabi ni Eric habang umiiyak, hindi na niya inisip na mahiya kay Alvin, gusto niyang ilabas ang kaniyang matagal nang nararamdaman at mukhang si Alvin ang taong makapagpapalabas nun sa kaniya.


“Maybe it was something he said?” marahang tanong ni Alvin, saglit na napatigil si Eric.


“Hindi lang iyon, matagal na tayong tapos, sana pinakawalan mo na ako noon pero hindi, itinali mo parin ako sayo.”



Paulit-ulit tumakbo ang mga sinabing iyon ni Pat bago siya iwan nito sa mall nung huli sila nitong nagkita. Patuloy parin sa pagtulo ang mga luha ni Eric, naisip niyang tumatak ang mga sinabing iyon ni Pat sa kaniya dahil tila isa itong paninisi, na tila ang mga sinabing iyon ni Pat ay ang pagbubuhos sisi sa lahat ng nangyari sa kanilang tatlo nila Jake.


“Did he blame you? Did he blame you for all that has happened between the three of you, Eric?” tanong ulit ni Alvin. Lalong lumakas ang paghikbi ni Eric at tila ba dumoble ang dami ng luha na inilalabas ng mga mata nito na lalong ikinatibay ng hinala ni Alvin.


“Listen to me, Eric. Hindi lang ikaw ang may kasalanan sa lahat ng nangyari, may kasalanan din si siya dito, huwag mong hayaan ang kung ano mang sinabi niya sayo noon na sirain ka ngayon! What he said? I bet he only said that just to make himself good, just to make himself look like the good guy.” habang sinasabi ito ni Alvin ay hindi naman tumitigil si Eric sa pagiyak at pag-iling, tila ba hindi naniniwala sa mga sinasabi ni Alvin na alam naman niyang pawang katotohanan lang.


“I-It's all my fault.” in-denial paring bulong ni Eric na ikinainis ni Alvin, hindi niya maiwasang kasuklaman ang Pat na sinasabi ni Eric kahit hindi pa niya ito nakikilala.


“Your only mistake is loving him, Eric and the rest of what happened is his fault.”



Tila naman natauhan na si Eric sa huling sinabing iyon ni Alvin. Pinahiran niya ang kaniyang mga luha at tumango. Totoo ang sinabi ni Alvin sa kaniya, sa sinabing iyon ni Pat ay lumabas na paninisi sa kaniya dahil sa galit sa mga nangyari at pati narin pampalubag sa loob, para maialis sa kaniya ang sisi, naisipan niyang bitawan na iyon at magpatuloy na lang sa buhay at kalimutan lahat ng nangyari.



“He's not my world anymore. I made a mistake and that was loving him too much.” sabi ni Eric sa sarili at sa sinabi niyang iyon sa kaniyang sarili ay tila ba nawala ang bigat na may katagalan narin niyang pinapasan.



Sa pagtangong iyon ni Eric ay alam na ni Alvin na nakuwa na nito ang gusto niyang iparating, na magiging maayos na lahat at umaasa siyang makakapag-move on na si Eric mula sa anino ng lalaking tinutukoy nito. Na hindi na niya ulit makikita sa mukha ni Eric ang nakakatakot na tagpong nakita niya nung umagang iyon. Nabalot ng katahimikan ang buong kotse, wala ni isang nagsalita, tanging ang kanila na lang mga hininga ang tanging maririnig, nang sa wakas ay hindi na mapigilan ni Eric ang sarili ay agad siyang humarap kay Alvin.



Nagulat si Alvin dahil sa pagharap na iyon ni Eric, humarap din siya dito at lalo pang nagulat nang makitang ilang pulgada na lang ang layo ng kaniyang mukha sa mga mukha ng huli.



“Alvin, I think I should get going na.” paalam ni Eric, saglit na natigilan si Alvin pero agad ding tumango. Tumalikod na si Eric, binuksan ang pinto ng sasakyan at palabas na sana ng bigla ulit siyang humarap kay Alvin, nakadaretso na ng tingin si Alvin, iniintay ang pagsara ng pinto sa gawi ni Eric para magsimula ng magmaneho pauwi. Nagulat siya ng muli siyang tawagin ni Eric.


“Alvin?” agad na humarap si Alvin kay Eric.


“hmmm?”


“Thank you.” bulong ni Eric sabay yakap kay Alvin, hindi ito inaasahan ni Alvin, naramdaman ni Eric na saglit na nag-tense ang katawan ni Alvin, naramdaman niya rin kung pano ito nagalangan pero napangiti na lang siya ng ibalik na ni Alvin ang yakap na iyon.


“You're welcome, buddy.”



0000ooo0000



Nakangiti pero pagod na pagod ng pumasok ng front door ng apartment ni Ted si Eric, magaang na ang kaniyang pakiramdam, pakiramdam niya ay tila ba nilinis ni Alvin ang espasyo sa harapan niya, tila ba pwede na siyang magsimula ulit. Binuksan niya ang front door at bumulaga sa kaniya si Ted na may nagaalalang tingin.


“What's the matter, Ted? You look like someone kicked your puppy.” nagbibirong bati dito ni Eric. Lumingon si Eric at hinanap ang isa pa niyang kaibigan, agad din siyang nakaramdam ng pagaalala.


“Ted, where's Ardi?” tanong ni Eric, narinig ni Ted ang pagaalala ni Eric sa boses nito kaya agad niya itong sinigurado.


“He's fine, Eric, he's just a little feverish but he's OK.”


“Then why are you looking like somebody killed your cat?”


“Eric?”



Agad nanigas ang mga tuhod ni Eric nang marinig niya ang boses na simula pagkabata ay kilala na niya, tumingin siya kay Ted, gusto niyang alamin kung pano siya nagawang traydorin ni Ted, napagusapan na nila noon na huwag ipapaalam kay Henry na doon siya tumutuloy, naramdaman niya ang malalaking bisig nito na yumakap sa kaniya mula sa likod. Agad na humaraps si Eric at nakita niya ang nagaalalang tingin nito.



“Dad?” alam ni Eric kung bakit nandun sa harapan niya ngayon ang kaniyang ama. Iniintay na lang niya ngayon ang reaksyon nito at kung sino ang paniniwalaan nito, kung siya ba na anak nito o ang madrasta niya.


“Why didn't you tell me that you're going to stay here with Ted? Why did you just took off like that? I was so worried.” nagulat si Eric dahil hindi ito ang inaasahan niyang unang tanong na lalabas sa bibig ng kaniyang ama, pero agad niya ding pinakalma ang sarili at kaswal na sumagot sa kaniyang ama.


“Drop the act, dad, tita Shelly told me everything--- na napilitan ka lang na patirahin ako sa bahay mo because you feel it's your obligation.” naluluha nanamang saad ni Eric.


“Mom's lying, Eric. Tito Henry wants you to stay with him, mom told you that because she wants to get rid of you.” salo ni Ted sabay yuko, tila nahihiya sa kagaspangang ginawa ng kaniyang ina, nangunot naman ang noo ni Eric at Henry.


“What exactly did she tell you, Eric?” tanong ni Henry sa anak.


“That you don't want me to stay with you, that you were just obligated to help me---”


“Excuse me.”


Agad na binaling ni Ted, Eric at Henry ang kanilang pansin sa bumulong na si Ardi, hindi pa man naitatanong ni Ted na siyang pinakamalapit dito kung anong problema nito ay dahan-dahan na itong bumagsak sa sahig.



“I don't feel well—-”



Itutuloy...


[14]
Tila napako si Eric sa kaniyang kinatatayuan, hindi na niya alam kung ano ang nangyayari, masyadong ng maraming nangyari nung araw na iyon at hinding hindi niya inaasahan na ang pagkawala ng malay ni Ardi. Tinignan siya ni Ted na parang nagmamakaawang tulungan siya sa pagbuhat kay Ardi, hindi alam ni Eric kung pano nawala ang pagkapako niya sa sahig basta't nakita na lang niya ang sarili sa tabi ni Ardi at kagaya ni Ted ay inalalayan ito papunta sa sofa.



“O shit! He's burning with fever, Ted!” sabi naman ni Eric, hindi na ito pinansin ni Ted dahil nagaalala na siya. Naging maayos naman ang araw nilang dalawa ni Ardi, sa katunayan nga ay masaya silang nanood ng TV at naglaro ng play station, wala naman itong nasabi na masama ang pakiramdam o may iniinda itong sakit.



Nang mailapat na ng dalawa si Ardi sa sofa ay agad itong nanginig.



“He's having a seizure. We have to bring him to the hospital!” sigaw ni Henry at nagmamadaling binuksan ang pinto at tinawag ang dalawa na buhatin na si Ardi papuntang sasakyan at tutuloy na sila sa ospital.



0000ooo0000



“No, hindi siya nag seizure, chills yung nakita niyo dahil sa taas ng lagnat, madalas talagang mapagkamalang seizure ang pagchi-chills and it's good that you guys brought him here, the lacerations in his head is infected thus the fever. Pinalitan ko na ang antibiotics niya and I cleaned the wound. I would suggest that you guys take care of the wound properly this time and don't let it get wet.” sabi ng doktor, nagpasalamat naman ang tatlo dito at nakahinga na ng maluwag si Eric.


“I thought you were looking after him, Ted?” naniningkit na tanong ni Eric, agad na namutla si Ted.


“I-I'm sorry, I should've done better---”


“Hey, don't sweat it, I was just joking!” nakangiting sabi ni Eric. Napangiti narin si Ted at wala sa sariling niyakap si Eric na ikinagulat ng huli.


“I see that you guys are getting close already?” nakangiti at tumatango-tangong obserbasyon ni Henry, lalong napangiti ang dalawa at tumango din.


“He's like a twin brother that I've always wanted.” sabi ni Ted at lalong pinisil si Eric sa kaniyang matipunong dibdib.


“Well, it will not be long and you guys will both have a new little brother. But before that---” putol ni Henry sabay yuko. “---Eric, I think we still need to talk.” pagtatapos ni Henry, halos maalis na sa utak ni Eric ang napipinto nilang paguusap mag-ama dahil sa mga nangyari kay Ardi.


“OK.” sagot ni Eric sa ama saka tumingin kay Ted. “Ted, call Alvin, let him know what happened to Ardi, OK?” tumango na lang bilang sagot si Ted.



0000ooo0000



“Why didn't you tell me?” simula ni Henry, nang makalabas sila ng ospital.


“Because I don't know what to believe anymore, she told me that you only want me there because you feel obligated to look after me, as much as I don't want to believe it, dad but you were barely there when I was growing up--- ” nahihiyang sabi ni Eric, hindi niya napansin ang nangingilid na mga luha sa mata ng kaniyang ama.



Matagal silang natahimik, hindi makaharap si Henry sa anak dahil nahihiya itong ipakita na umiiyak siya. Naiintindihan niya ang anak, madami itong pinagdaanan noon na wala siya sa tabi nito, hindi niya ito masisisi kung paniwalaan nito ang panlalason ng kaniyang madrasta.



“I knew that she was cheating on me. About a month ago I got really suspicious because she's always out of the house, as much as I want to trust her there's this unsettling feeling every time she say that she will go to a salon or something, so I hired a private investigator.” amin ni Henry matapos pahiran ang kaniyang mga luha.


“Oh dad! I'm so sorry.” sabi ni Eric sabay yakap sa ama, hindi matiis ni Eric na makitang nasasaktan ang ama, gusto man niya itona aluhin at sabihing magiging OK lahat habang tinitignan sa mata ang ama ay hindi niya ito magawa dahil natatakot siyang makita doon ang itsura ni Jake nang malaman nito ang pagtataksil nila noon ni Pat. Natatakot siyang ipaalala ng mukha mismo ng kaniyang ama ang pananakit na idinulot niya kay Jake.


“That's why I want you to stay with me, Eric, I want the pain to be somehow bearable.” umiiling na sabi ni Henry, lalong hinigpitan ni Eric ang yakap dito.



Muli silang binalot ng katahimikan matapos maghiwalay sa pagyayakapan.



“Dad, is the b-baby---?”


“Is the baby mine? Yes, she told me that I was the only guy she was seeing when she conceived the baby, I asked the private investigator earlier and nalaman niyang nagsasabi ng totoo si Shelly..” sabi ni Henry.


“I'm really sorry, dad.”


“I just wish you said something, Eric. I'm sorry if I was not always there while you were growing up but that doesn't mean I don't love you any less. I love you, Eric, please never ever doubt that again.” bulong ni Henry, ngayon ang mga luha naman ni Eric ang nangilid.


“Enough of this.” may kalakasang sabi ni Henry sabay tapik ng balikat ng anak. “Did you know that you scared the living shit out of Shelly? She came to me crying and shaking, she told me that you saw her with a guy and that they were kissing and that you threaten her to tell me the truth or you're going to make her life hell.” humahagikgik na sabi ni Henry, hindi narin mapigilan ni Eric ang mapangiti.


“That's when I realized that you still care for me and still want me in your life, that you still need me and that maybe Shelly said something that made you stay away from me and that I made a very serious mistake introducing you to her.” bulong ni Henry, tumango na lang si Eric.


“I wish things could've been different, Dad. I really want you to be happy, I'm so sorry that tita Shelly cheated on you.” muling nagyakap ang mag-ama pero agad naputol 'yon nang biglang sumulpot si Ted.


“Eric, Alvin is here, he said that he wants to talk to you.” Tumango lang si Henry bilang pagpayag na saglit na umalis si Eric. Pumalit naman sa puwesto ni Eric si Ted at ito naman ang nakipagusap kay Henry.



Nang dumating si Eric sa tapat ng cubicle kung saan nandun ang higaan ni Ardi ay hindi nito napigilan na marinig ang pinaguuspan ng dalawa. Hindi naman nagtatalo ang mga ito pero si Ardi bilang si Ardi ay nagmamatigas nanaman.



“I've been there for three days already, Alvin, nakakahiya na.”


“They love you there, Ardi.” paniniguro naman ni Alvin.


“I know and they're doing a fantastic job in taking care of me pero nakakahiya na.” sa sinabing ito ni Ardi ay hindi na napigilan ni Eric na magpakita sa dalawa.


“You can't honestly think that we're going to let you live by yourself, do you? Lalo pa ngayon na alam natin pare-pareho na hindi mo maaalagaan ang sarili mo.” sabi ni Eric na ikinagulat ng dalawa.


“Hindi lang yun, I gave him two weeks more worth of rest day and ngayon na nangyari 'to lalo akong hindi papayag na walang magbabantay sayo, yun ngang may nagbabantay nagkaganyan ka parin yun pa kayang ikaw na lang magisa sa condo mo?” pagpupumilit ni Alvin, tumango-tango si Eric, wala ng nagawa pa si Ardi kundi umiling.


“I don't think Ted would be happy, though.” nakayuko at pabulong na sabi ni Ardi.


“Well, I wouldn't mind you staying if you let me beat your ass in play station!” tawag ni Ted sa likod kasama si Henry.



Hindi mapigilan ni Eric na mapangiti sa sinabing iyon ni Ted, alam niyang mahirap para dito na kalimutan ang ginawa ni Ardi sa kaniya dati pero desedido na ito ngayon na kalimutan ang lahat ng iyon lalo pa ngayon at kailangan ni Ardi ng mga kaibigan at si Ted bilang si Ted, malaki mang tao, brusko tignan at tigasin ay pusong mamon din kaya't hindi nito hahayaang iwan mag-isa si Ardi.



“Thank you, guys.” pabulong na sabi ni Ardi, hindi naman ito pinaligtas ni Ted at binato na agad ito ng pangiinis.


“Don't get mushy on us now, Dude!” at sa sinabing ito ni Ted ay nabalot ng hagikgikan ang buong cubicle, pilit na itinatago ang mga tawanan sa takot na palabasin sila ng E.R.


“Everything is getting better, Dad and I are OK now, Ardi and Ted seems to be getting closer again as if the scandal last year didn't happen and I found a new best friend in Alvin.” bulong ni Eric sa sarili niya habang inililibot ang mga tingin sa bawat taong kasama niya sa cubicle na iyon.



0000ooo0000



“Eric?” tawag ni Ardi sa kasama sa kwarto matapos nilang makauwi galing ospital.


“Hmmm?” tanong ng inaantok ng si Eric.


“I would just like to thank you--- I mean, I don't know what I did to deserve you guys.” naluluhang sabi ni Ardi.


“Because Alvin, Ted and I know the real you, Ardi, and the real you is not that bad to be a friend and to be loved.” pagalo ni Eric sabay yakap kay Ardi.


“Thank you.” bulong ulit ni Ardi at ibinalik na lang ang yakap kay Eric.



0000ooo0000



Kinabukasan, lulugo-lugo parin si Eric na bumangon mula sa kama, sinulyapan ni Eric ang hinihigaan ni Ardi, nagtaka siya ng makitang wala na itong laman at maayos na ito, agad siyang naghilamos at nagmumog atsaka lumabas na papunta sa kusina, doon, naabutan niya si Ardi at Ted na tila ba nagaaway.



“You should be chilling out, dude!” singhal ni Ted at inagaw ang sandok na hawak hawak ni Ardi.


“Di ako sanay na walang ginagawa!” balik naman ni Ardi.


“Gusto mong bumuka nanaman yang tahi mo?”


“Really? Ted? Sa tingin mo bubuka ang tahi sa ulo ko habang nagluluto ng bacon?!” sabi ni Ardi, hindi na maitatanggi ang sarcasm sa boses nito na ikinainis ni Ted.


“The last time I let you do what you want, those stitches on your head caught some bacteria and got infected!” balik ni Ted na ikinatameme saglit ni Ardi.


“So what?! I'm just going to let you guys do all the work for me?!”


“Technically, I and no one else but me who's going to do all the work for you, not Alvin, not Eric! Since I seem to be the one in charge in taking care of you and since I own this apartment you have no other choice but to go with my rules!” singhal ni Ted na ikinalaki ng mata ni Ardi sa gulat.


“Fine! There! You want to cook breakfast?! There---!” balik ni Ardi sabay bato ng sandok kay Ted, halatang galit na galit na dahil sa sinabi nito. “---you manipulative bastard!” habol ni Ardi sabay talikod.



Sa pagtalikod na iyon ni Ardi ay saka niya napansin si Eric na nakatayo sa hindi kalayuan, pinipigilan ang sarili na tumawa, hindi kasi nito mapigilan na isipin na parang matandang mag-asawa ang dalawa, pinagaawayan ang kanilang mga role sa bahay at kung sino ang mas importante sa kanilang dalawa.



“What are you laughing at?!” singhal ni Ardi kay Eric. Sa puntong iyon ay napansin narin ni Ted ang step brother niya sa di kalayuan. Naningkit ang mga mata niya dahil napansin niya rin ang nagsisimulang pagtawa sa mukha nito gaya ng napansin ni Ardi. Saglit niyang ikinibit balikat ito at uminom ng kape para kumalma mula sa katatapos lang nilang pagtatalo ni Ardi.


“Nothing, it's just that you guy's look good together, almost like an old couple who wants to keep on arguing to spice up their marriage a little bit!” biro ni Eric, tila naman nahilo sa birong iyon si Ardi at wala sa sarili itong napaupo sa isang upuan sa may dining room. Wala pang ilang segundo ay nasa tabi na nito si Ted at may pagaalalang tinignan kung OK lang ba si Ardi. Hindi mapigilan ni Ardi ang mamula sa ipinapakitang pagpapahalaga ni Ted si Eric naman ay hindi mapigilang mapangiti at kiligin.



Nang masiguro na ni Ted na OK lang si Ardi ay kaswal itong uminom mula sa tasa ng kaniyang kape na kala mo walang nangyari pero naguumpisa naring mamula ang pisngi nito, sa puntong iyon naisipan ni Eric na ituloy ang kaniyang biro.



“--- and after arguing like old couples do, you guys will also have great make up sex like they do.” pagtatapos ni Eric, tila naman hinigop lahat ng isang vacuum ang dugo ni Ardi sa mukha dahil agad na itong namutla habang si Ted ay naibugha naman ang kaiinom lang na kape.


“What?! I was just stating an observation, it's not like you're going to have make-up sex later, right?!” nangingiting tanong ni Eric sa sabay na umiiling na si Ardi at Ted. Muli siyang napangisi.


“I-I'll j-just finish up with breakfast so we can all eat together.” sabi ni Ted sabay marahas na humarap sa niluluto, si Ardi naman ay tila aso na ngayong bahag ang buntot at pumayag na lang kay Ted.


“Asshole.” bulong ni Ardi kay Eric habang umuupo ito paharap sa kaniya sa lamesa, humagikgik na lang si Eric, hindi narin napigilan ni Ardi ang sarili at napangiti narin ito. Inamin niya na kasi sa sarili niya na tama ang obserbasyon ni Eric, para nga silang matandang magasawa ni Ted kung magsinghalan.



0000ooo0000



“Cut the crap, you two! Don't go quiet on me now!” nangingiti-ngiting sabi ni Eric sa nagkakahiyaang si Ardi at Ted habang kumakain ng agahan.


“I just don't have anything to say, that's all.” pagmamatigas ni Ted.


“Bullshit! I know that you're itching to ask Ardi about the playoffs later!” laban ni Eric, si Ardi naman ay naniningkit ang matang tumingin kay Eric habang si Ted naman ay hindi mapakali sa upuan.


“This is fucking awkward!” sabi ni Ardi sa sarili niya, alam niyang di mapakali ngayon si Ted sa kaniyang upuan at nahihiya ito ngayon sa kaniya dahil sa kumento kanina ni Eric, tinignan ni Ardi ng masama si Eric bilang sabi na alam na nito ang ginagawa ni Eric.


“Are you trying to set us up?!” pasinghal na tanong ni Ardi kay Eric, nagtaas ng tingin si Ted at pinabalik-balik ang tingin sa dalawa, si Eric naman ay kaswal lang na ngumiti.


“I don't need to set you guys up, you already have a thing running between you two, I just have to point it out to you guys to realize it. All you need is a little push” pakantang sinabi ni Eric ang pitong huling salita sabay tayo at tinungga ang kaniyang kape at nagpaalam na maliligo na para pagpasok niya sa umagang iyon.



Naiwan sa kwarto ang dalawa at binalot ang mga ito ng katahimikan, parehong tumatakbo sa kanilang mga isip ang sinabi ni Eric.



0000ooo0000



Lulugo-lugo pero nakangiting lumabas si Eric ng elevator, nagulat siya ng makita ang kaniyang nagiintay na boss. Nakatayo si Alvin sa harapan ng elevator kung saan alam niyang ilang segundo na lang ay lalabasan ni Eric, nakangiti niya itong sinalubong at binigyan ng panibagong batch ng mga kliyente na naghahanap ng magaling na arkitekto. Agad na nabura sa mukha ni Eric ang ngiti.



“Good morning to you too.” sarkastikong bati ni Alvin nang makita ang agarang pagiiba ng reaksyon ng mukha ni Eric.


“I'm sorry, it's just that I haven't finished the last batch of folders you gave me the other day and now you're giving me new ones, I mean, all these shit with Ardi in the house and Ted always mock arguing with him does add up to a ton of stress I'm receiving here at work.” umiiling na sabi ni Eric, napakunot naman ang noo ni alvin.


“What do you mean, 'mock arguing'?” tanong ni Alvin habang naglalakad kasabay papunta sa lamesa ni Eric.


“You know, the kind of shit old couples do, arguing like shit heads but deep inside you know they love each other and have great make up sex later.” kaswal na sabi ni Eric sabay upo sa lamesa at itinuloy ang naiwang trabaho nung kinagabihan. Saglit na natigilan si Alvin at inabsorb ang sinabi ni Eric, nagulat naman si Eric ng tumawa ng malakas si Alvin, kasama ni Eric na nagulat ang buong floor dahil noon lang nila nakitang tumawa ulit ng ganon si Alvin.


“What?” tanong ni Eric.


“Nothing. It's just freaking funny. Imagine? Ted and Ardi as a married couple.” humahagikgik paring balik ni Alvin.


“You should've seen how they argue. It was so cute, almost cheesy and mushy!” umiiling na sabi ni Eric habang patuloy parin sa paghagalpak si Alvin ng tawa, hindi mapigilan ni Eric na matuwa habang nakikinig sa pagtawa ni Alvin, hindi niya alam kung bakit pero meron siyang nararamdaman sa banda ng kaniyang tiyan.



Nang mapansin ni Alvin na nakatitig sa kaniya si Eric ay hindi rin nito mapigilang may kung anong kumiliti sa kaniyang kalooban, gustong gusto kasi ni Alvin ang mga mata ni Eric at ang matitigan ng mga magagandang matang iyon ay nagbibigay sa kaniya ng kakaibang pakiramdam.



“So uhmmm are we still on for lunch?” tanong ni Alvin saka biglang namula, nung magsalita naman si Alvin ay agad na naglihis ng tingin si Eric at namula rin dahil nahuli siya sa pagtitig niya kay Alvin kaya't hindi nila nakita ang pamumula ng isa't isa.



Matagal bago sumagot si Eric kaya't kinabahan si Alvin, hindi niya alam kung bakit pero tila ba naging permanente ng naging kasama ng kaniyang paboritong pagkain si Eric na masuyong nagkukuwento sa kaniya at ang mga magaganda nitong mata na masuyo ding nakatingin sa kaniya.



Habang hindi naman sumasagot si Eric ay iniisip nito kung bakit siya biglang natuwa nung ayain siya ni Alvin para sumama ulit dito magtanghalian gayung ilang araw na silang kumakain na magkasama.



“S-sure.” sagot naman ni Eric sabay pakawala ng isang matipid na ngiti habang si Alvin naman ay napabuntong hininga, tila ba nabunutan ng tinik ng malaman na gusto parin siyang makasama ni Eric at hindi pa ito nagsasawa sa kaniya.



“What's with the long breath, boss?” tanong ni Eric sabay hagikgik. Namula naman si Alvin.


“Wwwelll--- I thought you're going to turn down my offer---” nahihiyang simula ni Alvin, napansin naman ni Eric ang pagkabalisa ni Alvin kaya't tinulungan na niya itong mawala ang pagiging awkward ng sitwasyon.


“What? Me? Turning down an invite for a FREE lunch?! You have got to be loosing your screws in the head, boss.” biro ni Eric, muling tumawa si Alvin, muling narinig ni Eric ang magandang tawa na kaniya na ngayong gustong gustong marinig.


“Free?! Who told you I'm going to buy you lunch?!”


“Oh comon, Alvin!” pakantang tanggi ni Eric na lalong ikinahagalpak sa tawa ni Alvin.


“Stop whining and start drawing!” nangingiti ngiting sita ni Alvin kay Eric sabay talikod at tuloy na sa kaniyang opisina.



Itutuloy...


[15]
Nakakunot noong nakatingin si Alvin kay Eric, wala na halos kasing paglagyan ng pagkain sa lamesa nila, ngayon niya lang nakitang ganito si Eric, agad na pumasok sa isip niya na may katakawan talaga si Eric pero agad niya ding naalala ang mga nakaraan nilang pagkain ng magkasama at hindi naman ganun karami ang kinain nito. Nawala lang ang kaniyang pagtataka ng maalala na kasama nga pala nitong nakatira si Ardi at Ted.



“Ted didn't cook breakfast this morning?” tanong ni Alvin sa ngumunguyang si Eric, umiling ang huli at nilunok ang pgkaing nginunguya.


“He cooked this morning, actually Ardi was cooking then Ted saw him and they started arguing. I guess I enjoyed watching so much that I forgot about breakfast, I think I only had a toast and a piece of bacon.” humahagikgik na sabi ni Eric habang minamata ang malaking manok sa plato ni Alvin, hindi naman ito nakaligtas kay Alvin at naghiwa siya ng malaking piraso mula sa kaniyang manok at inilagay ito sa plato ni Eric.



Muling naramdaman ni Eric ang kakaibang pakiramdam sa kaniyang tiyan, tila ba kinakabahan siya sa interview o ang mag bigay ng speech sa harapan ng maraming tao.



“Why did you do that?” tanong ni Eric kay Alvin.


“Do what? Oh, you mean the chicken? Well, I saw you eyeing it so I sliced some and put it in your plate, I didn't mean to be rude---” paliwanag ni Alvin, pero agad din iyon napautol nang makita niyang humagikgik ulit si Eric.


“I would've like it better if you put straight it in my mouth and not on my plate. You know, it saves the time or something...” biro ni Eric na ikinamula naman ni Alvin, lalong humagikgik si Eric.


“Sana sinabi mo agad para sinubuan na nga lang kita.” balik ni Alvin, ngayon si Eric naman ang namula.


“Ha! Two can play this game!” nangingiti-ngiting sabi ni Alvin sa kaniyang sarili.


“Do you want some more chicken?” humahagikgik na sabi ni Alvin pero mabilis na nakaisip ng pambawi si Eric.


“Only if you feed it to me straight from your fork.”



Sabay na tumawa ang dalawa, parehong hindi makapaniwala na makalipas lang ang ilang araw ay nagkapalagayan na sila ng loob. Umiiling na tinapos ni Eric ang kaniyang kinakain habang si Alvin naman ay masuyong pinapanood si Eric na kumain. Hindi rin makapaniwala na ilang araw lang ang nakalipas ay tila pangarap lang ang maging kaibigan niya si Eric pero ngayon ay malapit na silang magkaibigan.



0000ooo0000



Habang kumakain ng ice cream ang dalawa at habang nagpapababa ng pagkain sa pamamagitan ng pagikot ikot sa loob ng mall ay hindi mapigilang mapansin ni Alvin na miya't miya ang hikab ni Eric.



“Inaantok?” sarkastikong tanong ni Alvin. Tumango na lang si eric at humikab ulit sabay dila sa ice cream na nilalantakan napahagikgik naman si Alvin sa ginawang iyon ni Eric.


“Let me guess? Kasama mo si Ardi sa room at gabi gabi siyang humihilik?” tanong ulit ni Alvin at muling tumango bilang sagot si Eric.



Gustong bigyan ni Alvin ng panahon para magrelax si Eric, di bale na ang napending na trabaho nito sa opisina dahil alam ni Alvin na hindi rin iyon magagawa ni Eric sa lagay nito ngayon, kung pauuwiin naman niya ito ay hindi rin nakakapag-relax ng maayos sa bahay si Eric dahil ayon nga sa kwento nitong madalas na singhalang magasawa ng kasama nito sa bahay.


Patuloy lang si Eric sa paglantak sa kaniyang ice cream nang mapansin niyang wala na si Alvin sa kaniyang tabi, nang lumingon siya ay saka niya napansin na tumigil ito at nakatingin sa listahan ng ipinapalabas na pelikula nung araw na iyon. Nang makalapit siya dito ay napansin niyang ang pelikulang 'the avengers' ang tinitignan nito, napasinghap siya.



Iyon din kasi ang pelikulang pinanood nilang tatlo nila Ardi, inaamin niyang wala siyang naintindihan noon dahil abala siya sa pagkainis kay Alvin dahil akala niya ay sinasabotahe nito ang date nila.



“Reminds you of something?” pangaalaska ni Eric sabay bangga ng kaniyang braso sa matipunong braso ng kaniyang boss. Napangiti lang si Alvin at namula sa hiya dahil alam nito ang ibig sabihin sa likod ng kumentong iyon ni Eric.


“Actually, it does.” nangingiti-ngiting sagot ni Alvin, nakangiting umiling si Eric at muling naglakad pero muli siyang natigilan nang mapansin niyang nakatayo parin si Alvin sa harapan ng mga listahan ng pelikula.


“C'mon, Alvin! I sill got tons of projects to do! Kung gusto mong manood iwan na kita dyan.” pabirong pagbabanta ni Eric.


“Actually I was thinking of asking you to watch the movie with me. Di ko kasi naintindihan yung story nung last time na pinanood natin 'to eh and since it looks like you need a break---and uhhmmm I-I'm sure, di mo rin naintindihan 'to nung nanood tayo dati and uhmmm---”


“Yeah.” nahihiyang singit ni Eric na tila ba nakikipagpaligasahan kay Alvin sa pamumula ng pisngi.


“Wha---?” kunot noong tanong ni Alvin.


“I said, yeah, I need a break and yeah I want to watch it again... with you.” halos pabulong ng sabi ni Eric, nakayuko narin ito, pilit na itinatago kay Alvin ang namumula niyang mukha. Sa sinabi namang ito ni Eric ay bumakas sa mukha ni Alvin ang isang napakalaking ngiti.


“Let's buy tickets!” sabi ni Alvin, nagtaas na ng tingin si Eric at ngumiti narin noon napansin ni Alvin ang unti-unti nang nawawalang pamumula ng pisngi ni Eric.


“Hindi mo ako ililibre?” pabirong tanong ni Eric sabay bigay ng puppy dog eyes kay Alvin na ikinahagikgik naman ng huli.


“Ha! If I buy you your ticket then this will have to be a date.” nagbibirong balik ni Alvin sabay hagikgik.


“Then it's a date!” humahagikgik naring sabi ni Eric, wala siyang pakielam kung ano pa ang itawag ni Alvin sa gagawin nila basta ba't libre ito.


“Opportunity hag!” umiiling na sabi ni Alvin sabay labas ng kaniyang wallet at lakad papunta sa bilihan ng ticket.



0000ooo0000



“This is exciting, it's like skipping school.” parang five year old na batang hindi mapakaling sabi ni Eric. Umiling na lang si Alvin at humagikgik.


“The only difference is I'm with the dean of the school!” biro ulit ni Eric.


“dean?” tanong naman ni Alvin.


“Yeah, in school the highest authority is the dean, now, the highest authority in work is you, the boss.” nakangiting sagot ni Eric.


“I'm not that old to be a dean.” balik ni Alvin.


“Ha! But you're older than me that's for sure!” nangaalaskang balik ni Eric.


“Am not!” balik naman ni Alvin.


“SHHHHHHHH!!!!” sabay sabay na sabi ng mga taong nanonood sa kanilang likuran.


““Shhh shhh-hin niyo sarili niyo! The movie hasn't even started yet!”” sabay na singhal ng dalawa, nang hindi na pumalag ang mga tao sa kanilang likuran ay sabay na humagikgik si Eric at Alvin.



0000ooo0000



“Wow! Chris Hemsworth is soooooo hot! And look at those biceps on Chris Evans' arm! Yummmmy!” bulong ni Eric habang ipinapakita sa eksena ang dalawang bida napangiti naman si Alvin.


“Want to see real biceps and triceps?” sabi ni Alvin sabay ifinilex ang kaniyang malalaking braso.



“You're also hot, boss, but them---” sabi ni Eric sabay harap sa screen at sipol “---they are really really really hot!” pagtatapos ni Eric sa kaniyang sinasabi sabay tingin ulit sa naggagandahang katawan ng bida, sa palagay ni Alvin ay konti na lang at tutulo na ang laway ni Eric.


“I still think I'm hot.” hindi papatalong sabi ni Alvin.


“Pshhh! Conceited much?”


“I'm not conceited!”


“You're too!”


“Am not!”


“You're too!”


“Am not!”


“You're too!”


“SHHHHHHHHH!”



Saglit na nagkatinginan ang dalawa atsaka sabay na humagikgik na miya mo mga batang babae na kinikilig, sinubukan ni Eric na pabirong suntukin ang braso ni Alvin pero nasangga yun ng huli, ang naging resulta ay napahawak si Alvin sa kamay ni Eric at nagtama ang kanilang mga tingin. Muling nawala sa ganda ng mga mata ni Eric si Alvin, kahit sa kadiliman ng sinehan ay gustong gusto niya parin itong nakikita habang si Eric naman ay miya mo sinasaulo ang mukha ni Alvin, alam niyang gwapo ito pero ngayon niya ito na-appreciate ng malapitan.



Nang ma-realize ng dalawa na miya mo sila maghahalikan sa kanilang puwesto ay agad na nahiwalay ang mga ito at hinayaan nilang muli silang balutin ng katahimikan. Muling itinuon ni Eric ang kaniyang pansin sa pinapanood pero paminsan minsan din siyang sumusulyap sa gawi ni Alvin, ganun din si Alvin, sa screen niya ipinako ang kaniyang tingin pero paminsan minsan din siyang sumusulyap kay Eric.



0000ooo0000



Inilalapit ni Alvin ang balde ng popcorn sa gawi ni Eric pero katulad ng mga huling ilang beses niyang ginawa iyon ay hindi na umaabot si Eric ng popcorn, nilakasan niya ang loob niya at nilingon na niya si Eric, nakita niya itong mahimbing na natutulog, napangiti siya, ngayon kasi ay malaya na niyang mapagmamasdan si Eric, ang makakapal nitong kilay, ang matangos na ilong, ang magagandang labi na miya mo laging humihingi na mahalikan, ang makinis nitong mukha at ang mahahaba nitong pilikmata.


Hindi alam ni Alvin kung gano na siya katagal na nakatitig sa maamong mukha ni Eric nang bigla itong nagbuntong hininga, agad na nagbawi ng tingin si Alvin at ibinalik ang tingin sa pinapanood dahil akala niya ay nagising ang huli kaya't laking gulat niya ng maramdaman niya ang ulo nito na sumandal sa kaniyang balikat. Muli niyang tinignan ang mukha nito, natutulog parin ito, hindi alam ni Alvin kung bakit pero hindi niya mapigilang abutin ang mukha ni Eric at padaaanan ng kaniyang mahahabang daliri ang makinis na pisngi nito.



Muling nagbuntong hininga si Eric, tila ba ang hawak na iyon ni Alvin ay tumutulong sa kaniya na lalong magrelax. Nang ibalik ni Alvin ang kaniyang pansin sa screen ay nakita niyang closing credits na pero hindi niya parin ginising si Eric, hinayaan niya lang itong matulog, wala sa sarili narin niyang inihilig ang kaniyang ulo at ipinikit panandalian ang kaniyang mga mata.



0000ooo0000



“Sir, ibang movie na po ang i-pe-play namin, kailangan niyo na pong lumabas.” gising ng isa sa mga tagalinis ng sinehan kay Eric. Napansin niyang maliwanag na ang paligid nang imulat na niya ang kaniyang mga mata, nun niya lang din na-realize na nakasandal na pala siya kay Alvin at katulad niya ay mukhang nakatulog din ito. Tinignan niya ang oras at mag lilimang oras na pala silang andun. Muling itinuon ni Eric ang kaniyang pansin kay Alvin, napangiti siya at saglit na sinaulo ang itsura ni Alvin habang natutulog.


“Alvin, buddy, time to wake up.” pabulong na sabi ni Eric.


“Wha--?” parang batang ginising sa pagtulog ang itsura nito na talaga namang nakatawag sa pansin ni Eric.


“Cute.” bulong ni Eric sa sarili habang abala si Alvin sa pagkusot ng kaniyang magkabilang mata.


“What time is it?” groggy pang tanong ni Alvin.


“Uhmmm quarter to six.” sagot ni Eric. Napangiti naman si Alvin.


“What are you smiling at?” nangingiti naring tanong ni Eric, di mapigilag mahawa sa pagngiti ni Alvin.


“We were supposed to watch the movie because we haven't watch it the last time and now we slept most of the time while the film was running.” umiiling na sabi ni Alvin.


“We can watch it again.” nangingiting sabi ni Eric at sa sinabing iyon ni Eric ay napahagalpak naman sa tawa si Alvin sabay tayo.


“C'mon, buddy, I have a lot of explaining to do in the office.” aya ni Alvin kay Eric.



Inabot ni Alvin ang kamay niya bilang pagalok ng tulong para makatayo ang huli, saglit itong tinignan ni Eric, pakiramdam niya ay isa siyang babae na inaalalayang tumayo ng isang prinsipe. Agad namula ang kaniyang pisngi sa naisip, hindi siya makapaniwala na sa gitna ng malaki at maliwanag na sinehan at sa paligid ng madaming tagalinis na iyon ay iniisip niya na isa iyon sa pinaka sweet na tagpo sa pagitan nilang dalawa ni Alvin.



0000ooo0000



“Here we are!” masuyong sabi ni Alvin nang huminto na sila sa tapat ng apartment ni Ted.



Saglit silang binalot ng katahimikan, may gusto sanang sabihin si Eric pero naunahan siya ng hiya, si Alvin naman ay nagpapasalamat sa biglaang pagkahiya ni Eric dahil nagbibigay ito ng oras na magkasama pa sila ng matagal kahit pa hindi niya parin maintindihan kung bkit gusto pa niya itong makasama gayong buong araw na silang magkasama , hindi niya maipaliwanag kung bakit gustong gusto niyang nasa malapit lang si Eric, kahit pa nababalot sila ng katahimikan o kaya naman ng tawanan at daldalan ay hindi importante sa kaniya, para kay Alvin ang mas importante ay magkasama sila.



“Thank you. I had fun today, I've never been this relaxed for days.” nahihiyang sabi ni Eric.


“Anytime, Eric.” nakangiting sagot ni Alvin.



Muli silang binalot ng katahimikan.



“You know, you are welcome to stay at my house if being with Ardi and Ted stresses you out.” alok ulit ni Alvin matapos ang


“Ughhh! Stop being so nice, Alvin!” sabi ni Eric sa sarili niya.


“I don't want to impose, Alvin.”


“Hey! You're not imposing! You're my best friend.” pabulong na sinabi ni Alvin ang huling apat na salita pero rinig na rinig iyon ni Eric na tila ba gumamit ng mega phone si Alvin. Tumingin si Eric sa mukha ni Alvin at wala itong nakita kundi sinseridad sa mga sinabi.


“Thanks, Alvin, but really, I can still handle the bickering and snores. If it started to really bother me then I might see you for that offer.” nakangiting sabi ni Eric, nakangiti naring tumango si Alvin.



Muling tumahimik ang paligid.



“Well, I guess uhmmm I should get going, then?” tanong ni Alvin, tumango naman si Eric at muling ngumiti.


“Good night, Alvin. Ingat!” sabi ni Eric saka bumaba ng sasakyan.



0000ooo0000



Nakangiti paring pinanood ni Eric ang sasakyan ni Alvin na lumiko sa kanto at maglaho at nakangiti parin siyang pumasok sa loob ng apartment ni Ted. Nang isara niya ang pinto ay nakarinig siya ng bulungan sa hindi kalayuan sa kaniyang kinatatayuan. Ibinaling niya ang tingin sa sala at nakita niya doon si Ted at Ardi na nakaluhod sa mahabang sofa at nakatanaw sa bintana. Alam ni Eric na pinapanood ng mga ito ang ginagawa nila ni Alvin kanina sa kotse.



“Sonovabitches! Are you guys spying on us?!” singhal ni Eric, umayos naman ng upo ang dalawa at kaswal na nanood ng palabas sa TV na para bang walang sinabi si Eric. Umiling na lang si Eric at tuloy tuloy ng lumakad patungo ng kaniyang kwarto pero bago pa man siya makalapit sa kwarto niya ay narinig niyang bumulong si Ted.


“What do you think are they doing inside the car?” alam ni Eric na gusto talaga ni Ted na marinig niya iyon kaya't medyo malakas ang pagkakabulong na iyon.


“Makapanginis lang.” umiiling na sabi ni Eric sa sarili niya pero hindi rin mapigilang mapangiti.


“They could've been kissing or fuc----”


“I can hear you, assholes!” pasinghal na putol ni Eric sa sasabihin ni Ardi at bago niya sarhan ang pinto ng kwarto ay narinig niyang humagikgik ang dalawa.


“If this assholes don't stop I'm going to stay at dads instead!” nangingiti-ngiting sabi ni Eric sa sarili habang nagpapalit ng damit.


“---or at Alvin's” sa habol na naisip na iyon ni Eric ay hindi niya mapigilang mapangiti ng malaki at kiligin.



Itutuloy...

No comments:

Post a Comment