Friday, January 11, 2013

True Love Waits: Book 2 (A Time For Us) Complete Story

By: (ash) erwanreid
Source: bgoldtm.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/BGOLDTM


[01]
Sa kadiliman, nakatayo doon si Jessica habang pinagmamasdan sina Jonas at Jesse. Nagpupuyos ang puso niya sa galit. Tama nga ang hinala niya, may namumuong pagtingin sa pagitan nila Jonas at Jesse.



"Kaya ko nga sinabi kay Jonas ang feelings ko para kay Jesse, dahil nararamdaman ko sa kilos at galaw niya na may itinatago siyang pagtingin kay Jesse. Ang hindi ko inaasahan, may pagtingin na rin pala si Jesse kay Jonas. Hindi yata ako makakapayag. Ang alam ko, ako ang unang nakakilala kay Jesse. Mahal ko siya."

Sinikap ni Jessica na maging maayos ang hilatsa ng hitsura. Walang makikitang sama ng loob. Naka-ngiti siyang lumapit sa dalawa.

"Jessica, ang tagal mo ah?" si Jesse nang maramdamang parating na si Jessica.

"Ewan ko ba Jesse parang sumama kasi ang tyan ko." saglit na tumawa. "Nag-alboroto." pagkatapos ay tumingin siya ng diretso kay Jonas nang nakangiti. Wala siyang pakialam kung may mabasa man si Jonas sa kanyang mukha.

Natawa si Jesse sa sinabi ni Jessica. "Nakaka-ilang bote na kami. Mukhang nalulugi na ang tyan mo Jessica." biro ni Jesse. Ibig niyang sabihin, marami na silang naiinom ni Jonas habang si Jessica ay kaunti pa lang.

"Huwag kang mag-alala Jesse. Babawi ako." sagot ni Jessica na may pagmamayabang. Totoong nilangkapan niya iyon ng kaunting parinig para kay Jonas. "Nasaan na ba ang ibang bote?" Hanap ni Jessica sa mga nakatambak na gamit sa gilid niya.

"Ito Jessica." Iniabot ni Jonas ang isang bote ng beer kay Jessica.

"Salamat Jonas." si Jessica. "Masaya ang gabi di ba? Kaya dapat sulitin natin ito ha? Wooo." sigaw ni Jessica.

Tawa sa tuwa si Jesse. Habang si Jonas ay nakakaramdam ng kakaiba sa ikinikilos at sinasabi ni Jessica.
-----

"Ano kaya pa?" tatawa tawang tanong ni Jesse kay Jonas.

Nahihilo na rin si Jonas, pero sigurado niyang hindi pa siya lasing. "Marami ka ng nainom Jesse. Halata na sa pananalita mo." naka-ngiting sabi ni Jonas kay Jesse.

"Si Jessica nga wala nang masabi sa sobrang kalasingan." Pagkatapos ay tinignan ni Jesse si Jessica. "Jessica, hatid na kita sa kwarto mo." yaya ni Jesse.

"Jesse, ako na lang ang maghahatid sa kanya." mungkahi ni Jonas kay Jesse. Aktong tatayo na si Jonas.

Biglang nagsalita si Jessica. "Gusto ko si Jesse ang maghahatid sa akin sa kwarto ko."

"Sige na Jonas ako na lang ang maghahatid kay Jessica. Dito ka lang ha?"

"Sige pero, babalik ka ha?" si Jonas.

"Oo, asahan mo ako." nakangiting sagot ni Jesse. "Halika na Jessica." Tumayo si Jesse na medyo mawawalan sana ng panimbang pero napatungkod kaagad sa balikat ni Jonas kaya nakatayo ng maayos. Inabot ni Jesse ang kamay ni Jessica para tulungang makatayo.

Nang kapwa nakatayo na ang dalawa, saka nagpaalam si Jessica kay Jonas. "Jonas, hihiramin ko lang si Jesse ha. Sandali lang."

"Sige." kunot noo pero nakangiting sagot ni Jonas. Pagkatapos ay kay Jesse nagpahiwatig na bumalik.

Tatango-tango naman si Jesse.
-----

"Jesse huwag mo muna akong iwan." biglang kumapit payakap si Jessica kay Jesse. "Hayaan mo muna akong makatulog."

Natawa si Jesse. "Sige."

"Dito ka dali." hinila ni Jessica si Jesse sa kama. "Tabihan mo ako."

"Sige." sagot ni Jesse. Nang makita ni Jesse ang kama, naramdaman niya ang pagod at kagustuhang matulog na rin pero buo sa isipan ni ang pagbalik sa lugar kung saan naghihintay si Jonas.

"Jesse, ang init. Sandali ah." biglang tinanggal ni Jessica ang unang damit na nakasuot sa katawan niya.

Papikit-pikit lang si Jesse na naka-ngiti. Hindi siya nakakaramdam ng malisya. Pero bigla na lang siyang napatitig nang pati panloob na ni Jessica ang tinatanggal nito. "J-jessica sandali..." awat ni Jesse.

"Ok lang yan Jesse. Tayo lang naman ang nandito eh." tuloy-tuloy pa rin si Jessica sa paghuhubad.

"K-kahit na. Teka tatalikod ako."

Pero huli nang matanggal na ni Jessica ang huling kasuotan pangtaas at nakabig na niya si Jesse palapit sa kanya. Agad niyang hinalikan si Jesse ng ubod ng riin ngunit may kasabikang maangkin.

"J-jes... jessica." awat ni Jesse sa ginagawang paghalik ni Jessica sa kanya. "Lalabas na ako."

"Huwag Jesse. Mahal kita." at muli niyang sinubsob ang mukha sa mukha ni Jesse.

Nakakaramdam si Jesse ng pagtianod sa mga halik ni Jesse. Pilit niyang nilalabanan pero dala yata ng kalasingan, sumasangayon din ang kanyang kalamnan.

"Jesse. Mahal kita." muling usal ni Jessica hanggang sa matangay na nya si Jesse sa gusto niyang mangyari.
-----

Nakahiga si Jonas sa naka-latag na sapin sa buhanginan. Nakatingin siya sa kalangitan na nagkalat ang mga bituin. Naka-ngiti siyang pinagamasdan ang mga iyon. Masaya siyang naghihintay kay Jesse sa pagbabalik nito. Sigurado siya na sa pagbabalik ni Jesse sa kanyang tabi ilang saglit na lang, ay mapupuno na naman ng sobrang kasiyahan ang kanyang puso ngayon pang alam na niyang mahal rin siya ni Jesse.

"Mahal na mahal kita Jesse. Paka-iingatan ko ang pagmamahal mo sa kin. Pangako ko yan sayo." Excited siyang sabihin iyon kay Jesse pagdating.

Pumikit muna siya habang naghihintay.
-----

"Doc, ito na po ba lahat?" tanong ng isang nurse habang hawak-hawak ng mga profile ng mga pasyente.

"Sige na." sagot ni Dr. Arman Sto. Domingo.

"Sige po Doc."

Tumayo na ang nurse para sa pag-alis. Naka-salubong nito ang gwapong lalaki sa pinto.

"Arl?" masayang tawag ni Arman sa anak nang makitang nasa pinto ito.

Saka lang sumagot si Arl nang makalabas na ng tuluyan ang nurse na halatang natulala nang makita siya. "Yes Dad. Nakakapagtakang pagbisita po ba?" natatawang tanong ni Arl sa ama.

Natawa rin si Arman. "Oo nga eh. Ang alam ko ayaw na ayaw mo ang amoy ng hospital. Pero ano ang nagdala sayo rito?"

"Wala lang. Na-miss ko lang siguro ang Dad ko na naging busy lately."  saka umupo sa visitors chair sa harapan ng lamesa ng Dad niya.

"Talaga? Parang gustong magpalibre lang ng tanghalian ang pagkakaintindi ko Arl, anak?" sabay tawa.

"Hindi naman Dad. Pero kung iyon ang naisip niyo eh, why not?" tawa rin ni Arl.

Sasagot sana si Arman nang biglang bumukas ang pinto.

"Doc, may naghahanap po sa inyo. Mr. Ramon Jimenez daw po."

Nanlaki ang mga mata ni Arman sa anak. "Mukhang may bisita ako Arl."

Napa-ngiti si Arl. "Kausapin mo na Dad. Saan mo ako gustong ipwesto?" biro ni Arl na ang ibig sabihin ay kung saan siya magtatago.

"Magtatago?" natatawang si Arman.

"Tanong ko lang naman Dad."

"Doc, papasukin ko na po ba?" tanong uli ng nurse na nagbalitang may bisita si Arman.

"Sige patuluyin mo." sagot ni Arman.

"Sige po."

Hindi pa man nakakapasok si Ramon sa kwarto, ay naiwan na ni Arl ang dating kinauupuan. Lumipat ito ng pwesto para sa bagong dating.

"Dr. Sto. Domingo, kaibigan." bati ni Ramon nang makapasok at nang makitang nakaupo si Arman sa pwesto nito.

Tumayo si Arman para sa pakikipagkamay sa kaibigan. "Kamusta ka rin Don Ramon..." sabay tawa. "Ano? Gaano na ba kayaman ang kaibigan ko?" matapos makipagkamay ay umupo na si Arman. "Maupo ka."

"Salamat."

"Ano ba ang naghatid sayo rito Mon?" yun ang tawag ni Arman kay Ramon noon pa man.

"Mukhang inaatake na naman kasi ako." sa pagkakasabi noon ay kasabay ang himas sa dibdib. "Tumataas na naman yata ang presyon ko. Eh naisipan ko ng personal na magpa-check up sa gayon ay makapagkwentuhan. Tagal na nating hindi nagkakausap, kaibigan."

Natawa si Arman. "Oo nga, halos limang taon din yata."

"Tama ka roon." biglang napa-tingin si Ramon sa binatang naka-upo sa isang sulok. Bigla niyang naalala si Jonas dahil tantiya niyang magkasing-edad lang sila noon. Biglang sumama ang mukha niya.

"Bakit?" tanong ni Arman.

"Sumakit ang ulo ko bigla. Bigla ko kasing naalala ang kapatid na lalaki ng anak ko." sabay tawa ni Ramon.

Nakisakay na rin sa tawa si Arman. Alam niya ang tinutukoy ng kaibigan. "Siya nga pala, ang anak ko si Arl." Inilahad ni Arman ang kanyang kamay patungo sa direksyon ng anak sa isang sulok.

Muling tumingin si Ramon sa binata. Kitang-kita niya ang pagkakangiti nito. Pero may ilang bahagi sa kanyang utak na sumasangayong ngisi ang pagkakangiti nito. "Ikaw pala ang anak ni Doc. Sto. Domingo?"

Tumayo si Arl para makipagkamay kay Ramon. "Opo, ako po si Arl Sto. Domingo. Ang nag-iisang anak ni Dr. Arman Sto. Domingo." pagpapakilalang may pagmamalaki ni Arl para sa sarili at sa kanyang ama.

Natawa si Ramon saka tumayo. "Kinagagalak kitang makilala."

Nang magbitiw ang mga kamay, nagpaalam si Arl sa ama. "Dad, babalik na lang ako sa lunch ha?"

"Sige anak." sagot ni Arman.

"Ah... Mr...?"

"Tito Ramon na lang."

"Tito Ramon, alis po muna ako."

"Sige."
-----

Kanina pa ang kunot sa noo ni Jonas simula nang magising na wala sa tabi niya si Jesse. Halos alas nuwebe na ng umaga pero hindi pa rin lumalabas ng kwarto sina Jessica at Jesse. Lukot ang mukha niyang nag-aayos ng mga kalat sa paligid. Bahagya niyang tinatabunan ang mga nagkalat na abo.

Panay ang tingin ni Jonas sa pintuan ng kwarto na inookupa ni Jessica. Pero sa tuwing titingin siya, nanatiling sarado ang pinto. Napa-buntong hininga siya.
-----

"Ang sakit nang ulo ko." reklamo ni Jesse nang magising. Tumayo siya sa pagkakahiga. Habang nakapikit, sapo-sapo ng dalawa niyang kamay ang kanyang ulo. "Ang dami kong nainom kagabi." hahakbang sana siya nang maramdamang maagan ang kanyang pakiramdam. Saka niya naisip na wala siyang suot. Agad siyang nagdilat at tinanaw ang sarili.

Parang gusto niyang sumigaw, pero napipigil niya ang sarili. Nilingon niya ang kama. Lalong nanlaki ang kanyang mga mata nang makita si Jessica na hubad ang pang-itaas nito. Ang kalahati pababa ay natatakpan ng kumot. Natuptop niya ang kanyang bibig sa nakita. Gulat na gulat siya at hindi makapaniwala sa nikikita. Binalik niya ang katinuan ng sarili at hinila ang kumot para matakpan ang buong katawan ni Jessica.

"Sandali, paano nangyari yun. Hindi ko maalala." Sabi niya nang magawa na niyang matakpan ang katawan ni Jessica. Saka bumalik sa kanyang alaala ang nangyari kagabi nang ihatid niya si Jessica at mapa-hanggang sa mangyari ang lahat. Kinabahan siya at ramdam ang pawis sa noo. Huminga siya ng malalim para makakuha ng lakas at tatag sa mga nangyari.

Inayos niya ang sarili. Isinuot ang mga damit at saka maingat na lumabas. Sa labas natanaw niya si Jonas na nakaupo sa dati nitong pwesto. Bigla siyang nakaramdam ng awa para kay Jonas. Unti-unting nangati ang kanyang mga mata. Parang hindi niya kayang makita si Jonas sa ganoong ayos. Nakatalikod sa kanya sa di kalayuan habang nakatanaw sa karagatan. "Jonas.." bulong niya. "Hinihintay mo nga pala ako kagabi..." dugtong niya.

Mabagal ang paglakad niya patungo sa kinaroroonan ni Jonas. Nang nasa likod na siya saka siya bumigkas. "J-jonas..." Narinig ni Jesse ang pagsinghot ni Jonas. "Umiiyak ka?"

"Alam ko nandyan ka na, malayo palang nararamdaman ko na ang pagdating mo..." malungkot na sabi ni Jonas. Sabi mo sa akin babalik ka kagabi?" saka nilingon ni Jonas si Jesse na nakatayo sa kanyang likuran. Pinilit niyang ngumiti.

Umupo si Jesse sa tabi ni Jonas. "S-sorry..." biglang pumasok sa isipan niya ang nangyari sa kanila ni Jessica. "Sasabihin ko ba ang tunay na dahilan?" nagbago ang isip niya. "Naka-tulog ako Jonas. Patawad."

"Okay lang yun." naka-ngiting si Jonas. Pero mababanaag parin ang kalungkutan sa mukha.

Bumuntong -hininga si Jesse. "Sana nga."

Saglit na katahimikan. "Ah Jesse..."

"Mmm..." ungol ni Jesse.

"Naalala mo pa ba ang pinag-usapan natin kagabi?" tanong ni Jonas.

"Ang alin? Tungkol saan?" kunot noong tanong ni Jesse.

Napa-ngiwi si Jonas. "Hindi mo na siguro natatandaan..."

"Ang alin ba, Jonas?"

Bumuntong-hininga muna si Jonas. "Sinabi mo sa akin na..."

Biglang natawa si Jesse. Alam na kasi niya ang ibig sabihin ni Jonas. "Oo... tandang-tanda ko."

"Ang alin?" tanong naman ni Jonas.

Tumitig si Jesse sa mga mata ni Jonas. "Hindi ko kinakalimutan yun. Oo, sinabi kong mahal din kita, Jonas."

Napa-ngiti ng maluwang si Jonas. Namungay ang mga mata. "Sabi mo yan ah?"

"Oo, parang ikaw ang nakalimot sa atin kasi nagtatanong ka pa. Kailangan mo pa bang siguraduhin yun?"

Natawa si Jonas. "Oo, gusto ko lang talaga masigurado. Sorry."

"Wala yun. Ang mahalaga, alam mo na ang damdamin ko para sa yo."

"E, ah... parang ikaw pa ang malakas ang loob na sabihin sa akin na mahal mo ako ah?" tanong ni Jonas.

"Sinusunod ko lang ang sinasabi ng puso ko." sagot ni Jesse.

Muling ngumiti ng napaka-luwang si Jonas. "Asahan mo Jesse, pakaka-ingatan ko talaga yang pag-ibig mo sa akin. Pangako. Hindi ka magsisi sa akin. Mamahalin kita ng higit pa sa buhay ko." saka hinawakan ni Jonas ang kamay ni Jesse. "Hindi ako magbabago. Mahal na mahal kita."

Naluluha si Jesse habang pinakikinggan iyon kay Jonas. "Aasahan ko Jonas. At asahan mo na tutumbasan ko yun ng mas higit pa."

Hindi na nila napigilan ang mga sariling yakapin ang isa't isa.
-----

Tahimik lang si Jessica nang lumabas sa kwarto. Maayos na siya. Hindi mababakasan ng kung ano mang pangyayari kagabi. Maliban sa kanyang mukhang halatang bagsak dahil sa isipin.

"Jessica, good morning." bati ni Jonas.

Ngumiti lang si Jessica saka umupo sa cottage. Napa-tingin siya kay Jesse. Nahuli niya itong naka-tingin sa kanya pero agad nagbawi. Tulad niya hindi rin maka-react. Patuloy niyang tinignan si Jesse na naghahanda ng pagkain nila. "Jesse, tutulungan na kita." Tumayo si Jessica at kinuha sa kamay ni Jesse ang sandok ng kanin.

"A-ako na." ssabi ni Jesse.

Natameme naman si Jessica.

"K-kumuha ka na lang siguro ng tinidor, Jessica." utos na lang ni Jesse. Naramdaman kasi niyang naa-asiwa si Jessica.

"S-sige." sagot ni Jessica.

Habang abala ang dalawa sa paghahanda ng kanilang almusal. Pasimpleng nakikiramdam si Jonas na nasa isang sulok at nagbubukas ng de-lata.
-----

"Magandang tanghali Dad." bati ni Justin habang naka-upo sa hapag-kainan nang pumasok ang ama roon.

"Narito ka pala ngayong tanghali Justin." si Ramon na umupo sa paborito nitong pwesto sa lamesa.

"Wala naman akong masyadong gagawin sa opisina Dad kaya minabuti kong dito na lang sa bahay kumain. Nagpaluto ako kay Aling Koring ng nilagang baka."

Napa-ismid si Ramon. Alam kasi niyang iyon ang paborito ni Jonas. Kahit kailan talaga hindi niya nagawang gustuhin ang anak na iyong ng kanyang yumaong asawa. "O siya, kumain."

"Saan pala kayo galing Dad?" kapagdakay tanong ni Justin sa ama.

"Ah... sa kaibigan kong doktor. Nagpakonsulta lang ng kalagayan baka hindi ko na pala alam na bukas na ako mamatay." biro ni Ramon.

Hindi natawa si Justin. "So, ano po ang result ng pagpapaconsult mo Dad?"

"Ayun, maraming taon pa daw akong mabubuhay. Huwag ko lang aaraw-arawin ang nilagang baboy." tatawa-tawa si Ramon nang matapos magsalita kasunod ang pagkagat sa hiwa ng baka.

"Baka yan Dad. Hindi baboy."

Muntikan nang mabulunan si Ramon. "Ganun na rin yun."

Lihim na napa-buntong hininga na lang si Justin.
-----

Dumating na ang hapon, pero ang lahat ay nanatiling tahimik sa isa't isa. Naiilang si Jesse kay Jessica. Ayaw naman niyang magpakita ng lambing kay Jonas dahil baka kung anong isipin ni Jessica.

Hindi maka-kibo si Jonas dahil nakakaramdam siya ng kalamigan sa pagitan nina Jesse at Jessica.

Ayaw kumibo ni Jessica dahil hiyang-hiya siya sa nangyari kagabi. Pero ang kabilang bahagi ng kanyang utak ay sumasangayon sa nangyari. "Tama lang yun, dahil ako ang dapat na mahalin ni Jesse. HIndi ikaw Jonas. Hindi bakla si Jesse para mapasa-iyo. Alam ko yun. Ikaw lang ang nag-iimpluwensya kay Jesse."


Tumakbo pa ang mahabang oras at si Jonas na ang kumibo.

"Sa tingin ko pagod na ang lahat kaya wala nang maka-kibo." sinikap ni Jonas na idaan sa biro ang kanyang sinabi. Pero walang kumibo sa dalawang kausap. "Mmm siguro gusto niyo nang umuwi? Kaya lang... nahihiya kayong magsabi dahil nga iniisip niyo ako na gusto pang magtagal dito. Tama?" sabay tawa. "Ok lang sa'kin. Ok na ako. Ano?"

Bumuntong hininga muna si Jessica bago nagsalita. "Siguro nga Jonas, kailangan na nating umuwi. Wala na naman ding naliligo sa atin. Puro lang tayo nakatunganga. Umuwi na siguro tayo. Sa tingin mo Jesse."

"H-ha? Ay oo. Kayo, kayo pala. Sige, kung yun ang gusto ng nakakarami eh. Tara na." Sinimulan na ni Jesse magligpit ng gamit.

Nagmamasid lang si Jonas. Naguguluhan kasi siya sa nangyayari.


[02]
Kahit habang nasa daan, wala pa ring kibuan ang tatlo.


Panay lang ang pakawala ng hininga ni Jessica habang nasa likod ng driver seat nakaupo. Pinili kasi niya iyon para walang makatabi. Gusto niyang makapag-isip habang nakatanaw paligid na nadadaanan ng sasakyan.

Panay naman ang pakawala ng hininga ni Jesse habang nakatitig din sa labas ng bintana ng kotse. Isinandal niya ang ulo sa nakasaradong bintana. Parang sumasakit ang ulo niya sa pag-iisip.

Pilit namang binabalewala ni Jonas ang mga katanungan sa kanyang isipan. Gusto niyang ipokus ang sarili sa pagmamaneho.
-----

"Sir James..." nanlaki ang mga mata ng isang matandang babaeng matagal ng empleyada sa supermarket nang makita ang boss na pumasok sa doon galing opisina. "Bakit po kayo napabisita rito?"

"Mrs. Lagos, gusto kong mag-check ngayon ng mga manggagawa. Gusto ko ring personal na makita kung ano na ang nangyayari dito." dire-diretsong sagot ni James.

"Ah eh.. Sir." nabubulol ang matandang empleyada sa opisina ng supermarket na iyon.

Napa-kunot noo si James. "Bakit?" Pero hindi na nito hinintay ang sasabihin ng matanda at tumingin na sa paligid. Doon nakita niya ang mga manggagawa na abala sa kanya-kanyang gawain. Pero nagtaka si James nang makitang bakante ang isang counter. Tumingin siya mga namimili at napansin niyang matao ngayon. Medyo mahaba ang pila sa ilan pang mga counters na naka-hilera. "Ang alam ko Mrs. Lagos, kumpleto tayo ang mga manggagawa natin lalo na sa cashier at bagger? Paano nangyaring walang naka-pwesto doon?"

"Ah eh Sir James, hindi pumasok yung nasa pwestong yun." kinakabahang sagot ni Mrs. Lagos.

Naningkit ang mga mata ni James. "Ng walang paalam?"

"Oo, Sir James. Sa katunayan nga, sabay pa sila ng bagger niya."

Hindi na nagsalita pa si James sa matadang empleyada. Umiinit ang ulo niya pero nagpipigil siya. Lumakad na lang siya papalapit sa mga counter. Isa-isa namang bumabati ang mga manggagawa nang dumaan sa kanila ang kanilang boss. Meron namang iba na lihim na humahanga sa angking kagwapuhan ng kanilang boss.

Siryoso ang mukha ni James. Ni hindi nga siya kumikibo sa mga bumabati sa kanya. "Ayusin ninyo ang mga gawa ninyo. Maging alisto at huwag maging pabagal-bagal."

pagkatapos noon ay tumalikod na si James at bumalik sa opisina.
-----

Lagpas na sa tanghali nang maka-uwi si Jessica sa bahay nila.

"Oh, bakit ngayon ka lang?" tanong agad sa kanya ng kanyang ina nang makita siya sa pinto papasok.

"Nawili ang lahat na mag-over night eh." walang kagana-ganang si Jessica.

"Oh, may trabaho ka hindi mo ba naalala?"

"Ngayon lang naman ako umabsent ah?"

"Ngayon lang naman..." himutok ng ina. "oh, kamusta kayo ni Jonas?"

Biglang napa-tingin si Jessica habang naka-upo sa kawayang sopa sa ina na kasalukuyang nag-aayos nang mga panindang gulay. "Bakit niyo namang naitanong?"

Tinignan ng ina si si Jessica. "Bakit?" nagtatanong talaga ang mga mata ng ina ni Jessica. "Prang nakalimutan mo na ang plano natin Jessica?"

"Ano naman mapapala natin Nay, Jonas? Alam naman natin na hindi naman tunay na Jimenez yun eh?"

Natigilan si Juanita. "P-pero, ang maganda roon, malapit ka sa kapatid. May pag-asa kang maka-daupang palad ang kuya niya, kapatid mo Jessica."

"Ayoko munang pag-usapan yan ngayon, pagod ako Nay. Gusto ko munang magpahinga." Saka tumayo si Jessica at tumuloy sa kwarto.
-----

"Dito ka na?" tanong ni Jonas kay Jesse. Hindi na bumaba ng kotse si Jonas nang hanggang makababa si Jesse.

"Oo. Maraming salamat ha?" sabi ni Jesse nang mapatapat na siya sa bintana sa driver side.

"Wala iyon, ikaw pa. Mahal kita eh."

"Ok. Pero baka mawili ako nyan." natatawang si Jesse.

"Ok lang basta masisigurado ko lang na magiging masaya ka."

Nagkunwaring nalungkot si Jesse sa pamamagitan ng paglukot ng mukha.

"Bakit" tanong agad ni Jonas.

"Kasi aalis ka na." sabay tawa ni Jesse. "Biro lang. Sige na uwi ka na at magpahinga ka."

Napa-ngiti na rin si Jonas. "Sige. Pero gusto ko munang sabihing I love you, Jesse."

Tumitig si Jesse nang namumungay ang mga mata kay Jonas. "Ako din Jonas, mahal din kita. Sige, iiwan na kita dito." paalam ni Jesse. "Mag-ingat ka sa pagda-drive mo ha?"

"Oo. Pero, wala bang kiss muna dyan?" natatawang si Jonas.

Nanlaki ang mga mata ni Jesse at napa-tingin sa paligid. Wala naman siyang nakikitang tao. "Ano ka ba, baka may makakita sa atin."

"Wala naman kayang tao."

Napa-ingos na lang ng labi si Jesse at pinagbigyan ang hiling ni Jonas. Ipinasok ni Jesse ang kanyang ullo sa bintana para mahalikan si Jonas sa labi. Mabilis lang ang ginawang paghalik ni Jesse kay Jonas. Pero para kay Jonas, sulit na iyon para magkaroon uli siya ng lakas magmaneho pauwi.

"Sarap." sabi ni Jonas.

"Sira." tawa si Jesse. "Umalis ka na kasi." pagtataboy niya.

"Oo na mahal."

"Dali."

"Ito na." pinaandar na ni Jonas ang makina.

Kumaway pa si Jesse habang papalayo ang sasakyan ni Jonas. Naiwan siyang bakas sa mga labi ang kasiyahan lalo na sa halik na iginawad niya kay Jonas.
-----

Kakatok sana si Jesse sa pintuan ng bahay nang mapansing naka-lock ang pinto.

"Ibig sabihin, hindi umuwi si marco?" Kinapa niya ang susi sa bulsa at saka isinuksok ito sa seradura para sa pagbukas ng pinto.

Maayos ang loob ng bahay parang walang naglagi na tao sa loob. Nagtataka siya kung bakit hindi umuwi si Marco.
-----

"Bigla ko lang naisip." nagde-kwatro sa pagkaka-upo si Arman sa mahabang sofa sa loob ng kanilang bahay habang kausap ang anak na kumakain ng special turon para sa miryenda. "Ano nga pala ang masasabi mo nang magkita kayo ni Ramon, kanina?"

Nginuya muna ni Arl ang pagkaing nasa bibig ng maayos saka nilunok pagkatapos ay sumagot. "Wala naman Dad." tumingin pa siya ng naka-ngiti sa mga mata ng kanyang ama. "Wala po talaga."

Napa-ngiti si Arman. "Bigla lang naman pumasok sa isipan ko..."

"Dad? Dont worry... wala kang dapat na alalahanin."

Natawa si Arman. Muli niyang kinuha ang newspaper na ipinatong niya sa tabi bago magtanong kay Arl.
-----

Nagwawalis si Jesse sa harap ng bahay. Napansin niya kasing marami nang kalat at gusto rin naman nyang maabala ang sarili. Ayaw pa niyang matulog dahil maaga pa. Hindi pa nga naman dumidilim. Sa katunayan, nalabhan na niya ang marurumi niyang damit at naisabay na ang ilang damit ni Marco. Nagtataka pa rin siya kung bakit wala si Marco sa kanila.

"Magandang hapon."

Agad napa-tingala si Jesse sa pagkakayuko habang nagwawalis nang may bumati sa kanya. Kilala niya kung kaninong boses iyon. "Jonas?" tawag niya sa pagkabigla dahil hindi niya inaasahang pupunta ang kaibigan sa ganoong oras.

"Ako nga." natatawang si Jonas. "Bakit, may iba pa bang kasing gwapo ko?"

"Nakakagulat ka kasi. Hindi ko talaga inaasahang pupunta ka ng ganitong oras. Teka, hindi ka pa nagpapahinga?"

"Mmm ganun na nga. Hindi naman kasi ako makapag-pahinga ng maayos kapag hindi kita nakikita, Jesse."

Napa-taas ang isang kilay ni Jesse habang naka-ngiti. Hindi niya maitago ang kilig. "Weh... Halika muna sa loob. Doon tayo." yaya ni Jesse.

"Tapusin mo muna siguro yang winawalis mo. Kasi, gusto ko hindi ka mawawala sa paningin ko." Namumungay ang mga mata ni Jonas habang sinasabi iyon kay Jesse.

Dahil doon hindi makatingin ng diretso ang kinikilig na si Jesse. "Oo na. Saglit dadakutin ko na."

Binilisan ni Jesse ang pagdakot ng basurang naipon niya. Nag-aalala kasi siyang baka mabagot si Jonas sa kahihintay kahit wala pa nga sa isang minutong naghihintay si Jonas simula ng dakutin niya ang mga basura.

"Ayan, tapos na. Ano, pasok na tayo?" si Jesse.

"Pwede ba? Baka may magalit?" nakangising si Jonas.

"Sino naman ang magagalit? Kapit-bahay?" natawa si Jesse.

"May kasama ka ba dyan?" tanong ni Jonas.

"Wala si Marco eh. Dapat nga nandito yun ngayon kasi pang-gabi ang trabaho nun. Saka kahit naman nandito yun, hindi naman yun magagalit. Kaibigan naman kita eh." Biglang natigilan si Jesse nang makitang lumungkot ang mukha ni Jonas. "Bakit Jonas?"

Nakatitig ng diretso si Jonas kay Jesse halata sa kanya ang lungkot sa mukha. "N-nasabi mo kasi..."

"Na?..." naghihintay ng karugtong si Jesse. Nagtataka siya sa kung ano ang nasabi niya.

"Kaibigan mo ako. H-hindi ba?.."

Saka natawa si Jesse. "Ay kaya pala. O siya, boyfreind ko."

Saka naman lumiwag ang mukha ni Jonas at sumilay ang hindi maputol na ngiti sa labi. "Sabi mo yan ah." paninigurado ni Jonas.

"Oo na. Gusto pa yata ipagsigawan ko." muling  tumawa si Jesse.

"Hindi na."

"Pasok na tayo." yaya ni Jesse.

Sumunod si Jonas kay Jesse papasok sa bahay. Nangingiti si Jonas habang gumagala sa kabuuan ng loob ng bahay. "Maganda, simple malinis tulad ng bahay niyo sa Batangas Jesse."

Napa-lingon si Jesse. "Pasensiya ka na sa laki ng bahay namin."

"Sabi ko, maganda, simple malinis. Hindi naman ako nanglalait."

"Salamat. Maupo ka. Kukuha lang kita ng maiinom."

Saglit lang nawala si Jesse sa harapan ni Jonas dahil pumunta ito sa kusina para magtimpla ng juice.

"Salamat." si Jonas nang iabot sa kanya isang baso ng juice.

"Sandali, lalabas lang ako para bumili-"

Pinigil agad ni Jonas si Jesse. "Hindi na. Ok na ito. Sabi ko ayaw kong mawawala ka sa panginin ko di ba?"

"Adik ka ba?" natatawang si Jesse. "Wala ka yatang balak umuwi noh?"

Natawa si Jonas. "Hindi naman. Hanggang sa maka-uwi lang ako. Ang ibig kong sabihin."

"O siya, titigan mo ako ng titigan tapos hanggang sa matunaw ako."

"Dapat titigan mo rin ako para matunaw din ako."

"Ay siya..." natatawang si Jesse. Umupo siya sa harapan ng upuan ni Jonas nasa pagitan nila ang maliit na lamesita. "Hindi ka ba nagugutom?"

"Hindi."

Biglang may naalala si Jesse. "Ang kotse mo?" Inaakala ni Jesse na iniwan ni Jonas ang sasakyan nito sa kanto.

"Hindi ko dinala."

"Buti naman. Mahirap na. Maraming loko-loko dito eh."

"Dito ka sa tabi ko. Hindi tayo close nyan eh."

Napa-kamot si Jesse sa batok. "Kailangan ba iyon?" kinikilig niyang tanong.

"Bilis na. Nagtatanong pa."
-----

"Bossing, hindi pa ako natutulog." reklamo ni Omar sa amo.

"Iniwan kita maghapon dito sa sasakyan hindi ka natulog?" pa-asik na tanong ni Ramon kay Omar.

"Eh bossing... nakatulog naman kaso, di ba dapat libre na ako ngayon?"

"Ano oras ba ang trabaho mo?"

"Pang-gabi..."

"Malapit nang dumilim..."

"Bossing?..."

Tumingin ng diretso si Ramon kay Omar. "Nagrereklamo ka?"

"W-wala naman. Pero... dapat bayad ang trabaho ko kanina. Dapat natutulog ako sa bahay kapag umaga di ba?"

"Duoble pay."

Napa-ngiti na ng maluwang si Omar nang marinig iyon sa amo. "Ok. Ano ba ang pagagawa mo sa akin ngayon bossing?"

"Ngayon mo na gawin ang pinagagawa ko sayo. Gusto kong malaman, kung sino ang anak ko."
-----

Bumuntong hininga si Jonas. "Magkatabi nga kami, wala namang kibuan." Sinasadyang maisatinig ni Jonas.

"Ehem. Ako ba ang pinariringgan mo?" nakangiting tumingin si Jesse kay Jonas.

"Apektado ka?" tanong ni Jonas. Pagkatapos ay tumingin sa paligid. "Sino kaya ang ibang tao rito na maari kong paringgan?"

Natawa si Jesse. "Ikaw kasi eh, wala ka namang kinukwento."

Natawa rin si Jonas. "Hinihintay kitang magkwento."

"Naghihintay ako sayo." sabay siko ni Jesse kay Jonas.

"Ako ang bisita, kaya dapat ako ang ientertain mo."

"Hmmm..." walang maisagot si Jesse dahil tama nga naman si Jonas. "Ano naman kasi ikukwento ko?"

"Ikaw na bahala." sagot ni Jonas.

"Eh dapat nga, ikaw ang mag-kwento eh." Tumagilid si Jesse paharap kay Jonas. "Hindi mo pa nga sinasabi kung anong meron sa buhay mo eh. Lagi ka na lang tumatawa kapag tinatanong kita kung anong trabaho mo. Sinasabi mo lang sa akin janitor ka. May janitor bang may kotse?"

Muling natawa si Jonas. "Ayaw mo maniwala?"

"Tignan mo na, tinatawanan mo na naman ako."

Tumigil sa pagtawa si Jonas. Kumuha muna siya ng maraming hangin at saka nagsalita kay Jesse. "Sa susunod dadalhin kita sa tinitirhan ko. Saka ko na lang sayo sasabihin kung sino talaga ako."

Umirap si Jesse. "Sasabihin kung sino talaga ako!" pag-uulit ni Jesse. "Ibig sabihin talagang nagsisinungaling ka sa akin. Ang nangyari, na-inlove ako sa hindi ko kilala." may halong pagtatampo ang tono ni Jesse.

Inakbayan ni Jonas si Jesse. "Sorry na. Sabi ko nga sayo magpapakilala rin ako. Pero hindi ibig sabihin noon na nagtatago ako sa iibang ugali. Ang ibig ko lang sabihin, ikukwento ko sayo kung saan ako pinanganak, sino ang pamilya ko, kung anong meron ako at higit doon ang plano ko para sa ating dalawa, Jesse."

Humaba ang nguso ni Jesse. Sinadya niya iyon dahil kinikilig siya sa mga sinabi ni Jonas. Talagang ramdam na niya at tinitibok ng puso niyang mahal na talaga niya si Jonas. "Ok. Basta siguraduhin mo lang ha?"

"Promise."
-----

"Nay, pupunta lang ako sa kapit-bahay. Baka kasi hanapin mo ako eh." paalam ni Jessica.

"Bakit anong gagawin mo dun?" tanong ni Juanita sa anak.

"Gusto kong makipagkwentuhan kay Maray habang nanonood ng t.v."

Hindi na kumibo si Juanita. Hinatid na lang niya ng tingin si Jessica palabas ng pinto. Nang nawala na sa kanyang paningin saka napa-buntong hininga at ibinalik ang atensyon sa mga gulay na inaayos. Hindi niya namamalayang nagbabalik tanaw siya sa nakaraan.

"Ramon, sayo ang batang dinadala ko!" parang hindi na marinig ni Juanita ang sariling sinasabi dahil sa naguumapaw na pagmamakaawa na pakinggan siya ni Ramon.

"Hindi sa akin yan. Nahuli ko kayong nagtatalik ng dumukot sayo. Kaya sigurado akong sa gagong lalaking yun yang dinadala mo." galit na galit si Ramon nang malaman niyang nagdadalang-tao si Juanita.

"Maniwala ka sa akin Ramon... Kung natatandaan mo, magdadalawang buwan palang ang nakakaraan nang kidnapin ako. Tatlong buwan at mahigit na itong dinadala ko Ramon."

Biglang natigilan si Ramon. Napa-oo nga ang kanyang isipan pero dala ng galit hindi niya pinaniwalaan ang paliwanag ni Juanita. "Imposible Juanita. Pinapagamit kita ng contraceptives, kaya kahit hindi ako gumamit ng condom alam kong walang mabubuo, Juanita. Wala!" Pasigaw ang huling salitang binitiwan ni Ramon.

"Nakalimutan kong uminom ng pills nang huli tayong magtalik Ramon."

"Hindi ako naniniwala. Lumayas ka sa harapan ko at huwag ka ng magpapakita." Kitang-kita sa mga mata ni Ramon ang sobrang galit at poot para kay Juanita. Hindi nito pinakikinggan ang mga sinasabi ni Juanita.

"Ramon..." pagmamakaawa ni Juanita.

"Lumabas ka na!"

"Ramon..."

"Kung hindi ka lalabas ngayon din, ipapakaladkad kita palabas. Huwag mong hintaying mawalan ako ng pasensya Juanita."

Iyon na ang huling tawag ng pangalan niya ni Ramon sa kanya.


[03]
Kanina pa nakatayo si Omar sa madilim na lugar habang minamanmanan ang bahay ni Juanita. Pero simula nang tumayo siya doon ay wala siyang mapagkamalang anak ni Juanita. Bukas ang pinto ng bahay ni Juanita. Halatang hindi pa natutulog ang mga tao sa loob ng bahay pero wala siyang maaninag na anino na maaring mapagkamalan niyang nasa loob ng bahay.


Panay ang buntong hininga ni Omar sa pagkabagot. Napa-tingin siya sa kanyang relo at nalaman niyang halos magdadalwang oras na siyang nakatayo sa madilim na bahaging iyon. Kahit siya ay atat na ring malaman kung sino ang maaring maging anak nga ng kanyang amo na si Ramon.

Muli siyang napa-tingin sa kanyang relo. "Mag-aalas-onse na." Saka siya muling tumingin sa pinto ng bahay ni Juanita. Nanlaki ang mga mata niya at biglang nabuhayan ng makitang may babaeng nakatayo sa pintuan ng bahay ni Juanita. "Hindi kaya... babae ang anak ni Bossing?" Nasabi niya ng mahina.

Halos hindi siya makakurap hanggang makapasok nga ang babae na ang tantiya niya ay nasa edad 20. "Kung iyon nga ang anak ni Bossing, ibig sabihin dalaga na ang anak niya. Naku naman." bigla siyang nakaramdam ng pagurong nang maisip na babae pala ang dapat niyang trabahuin gaya ng inuutos ng kanyang amo.

"Siguro kailangan ko munang sabihin kay Bossing." Napangiwi siya ng mawala ng lumalagos na liwanag sa pintuan nang magsara ito. Alam niyang magpapahinga na ang mga tao sa bahay na iyon.
-----

"Mukhang wala kang kasama ngayon dito Jesse?" tanong ni Jonas nang makabawi sa tawanan nila ni Jesse. Kakatapos lang nilang kumain ng hapunan. Iminungkahi na lang ni Jonas na bumili na lang sila ng lutong pagkain kaysa magluto pa si Jesse.

"Ang kulit mo rin ano?" natatawang si Jesse. "Sabi ko nga sayo, wala akong kasama pag-gabi dahil pang-gabi si Marco. Natural na iyon. Ikaw, alas onse na. Anong oras ka uuwi?"

"Pinapauwi mo na ako?" kunyaring nagtatampong si Jonas.

Napa-ngiti si Jesse. "Hindi naman sa ganon pero, gabing gabi na kasi. Hindi ka pa nagpapahinga tapos magbibiyahe ka pa. Ako naman kailangan ko na sigurong matulog dahil may pasok pa ako bukas. Alam mo namang hindi ako pumasok kanina."

Napa-tango si Jonas nang nakangiti. "Naiintindihan ko. Pero..." Tumingin siya sa paligid ng bahay. "Parang..."

Napa-kunot noo si Jesse. "Ha?..."

"Ayoko umuwi. Pwede ba dito na lang ako matulog?" ngingisi-ngising si Jonas.

"Ano?" naglalakihan ang mga mata ni Jesse. Hindi naman siya galit o kung ano pa man. Hindi niya lang naisip na gustong mag magdamag ni Jonas sa bahay niya. "I-ikaw?"

"Talaga?" halata ang kasiyahan sa mukha at tono ni Jonas.

"Ikaw. Ok lang naman."

"Sa sa kwarto ako matutulog?" sabay tawa ni Jonas.

"Hmmm ikaw."

Lalong natawa si Jonas at hindi maikakailang kinilig. "Ako talaga ha?"

Inaamin ni Jesse na gusto rin niyang makasama si Jonas kahit mahalata ni Jonas sa kilos at pananalita niya wala na siyang pakialam. "Oo." maluwang na pagkakangiti ang idinugtong ni Jesse.

"Hmmm..."

"Hmmm ka dyan? Bakit, anong iniisip mo?" nagtatakang tanong ni Jesse.

"Wala naman."

"Wala?"

"Gusto ko ng matulog. Bigla akong nakaramdam ng pagod at antok."

Natawa si Jesse. "Sabay ganoon?"

"Ikaw naman may sabi na kailangan na nating magpahinga di ba?"

"Oo nga. Sabi ko nga. Sandali, ililigpit ko lang 'tong pinagkainan natin."

"Tutulungan na kita Jesse para madali."

"Ikaw ang bahala."
-----

Hindi makatulog si Arl kaya bumaba siya ng bahay at tumuloy sa kusina para kumuha ng maiinom. Hindi niya mapigilang mag-isip tungkol sa na-meet niyang tao kanina. Patuloy na tumatakbo sa kanyang isipan ang pangalang Ramon Jimenez.
Napa-buntong hininga muna siya bago inumin ang isang basong tubig. Saka may biglang kumudlit na kung ano sa kanyang isipan. "Kung hanapin ko kaya siya?"
-----

"Saan ako matutulog Jesse?" Nakasunod si Jonas kay Jesse papasok sa isang kwarto. "Dito ba ako?"

"Ayaw mo?" tanong ni Jesse. "Sandali aayusin ko lang."
"G-gusto, ikaw ang tatanungin ko. Ok lang ba?"

Tumigil si Jesse sa pag-aayos ng higaan at humarap kay Jonas. "Huwag na lang kaya." biro niya.

"H-hindi. Huwag. 'Wag na magbago ang isip mo. Dito na ako." saka sumilay may kahulugang ngiti kay Jonas. "Tabi tayo."

Natawa si Jesse. "Hindi no. Dito ka matutulog tapos sa kabila ako."

"Sigurado ka?"

"Oo."

"P-parang... mmm gusto ko na lang umuwi."

"Sigurado ka?" natatawa si Jesse.

"Nagbago yata isip ko, Jesse."

"Talaga?"

"Ano?" biglang giit na tanong ni Jonas kay Jesse.

"Bakit?" nagmamaang-maangan si Jesse.

"San ka ba talaga?" paninigurado ni Jonas.

"Dahil uuwi ka na. Dito na ako matutulog." pinipilit ni Jesse na maging siryoso. Pinipilit niyang huwag matawa.

"Dito na ako matutulog." Nagbago na naman ang isip ni Jonas.

"So sa kabila ako."

"Ay..."

Natawa si Jesse ng todo sa reaksyon na iyon ni Jonas. "Nakakatawa ka."

Kumunot-noo si Jonas. "Bakit?" nakaramdam siya ng kaunting hiya.

"Wala."

"O sige na nga, uuwi na lang ako. Hatid mo na ako sa labas." sabay talikod ni Jonas.

"Oy sandali." mabilis ang paghawak ni Jesse sa braso ni Jonas para mapigilan ito sa pag-alis. "Binibiro ka lang."

"Napahiya na ako. Ayoko na." nangingiti si Jonas.

"O siya, pakisara na lang ang pinto. Hindi na kita ihahatid tutulog na ako. Pero kung nagbago isip mo? Tabi ka nalang dito ha?" natatawang sabi ni Jesse saka pumatong sa papag na nilagyan ng kutson at makapal na sapin.

"Ok."

"Sige, paalam." humiga na ng tuluyan si Jesse.

"Ok." Pero gumalaw si Jonas patungo sa papag at umupo sa tabi ni Jesse.

"Oh ano yang ginagawa mo?"

"Nagbago kasi uli ang isip ko eh." sagot ni Jonas habang nagtatanggal ng sapatos.

"O siya buksan mo ang electic fan." natatawang si Jesse.

"Ok." Pinindot ni Jonas ang button ng electric fan para gumana iyon. Nang mabuksan ay saka tumingin kay Jesse. "Anong oras ka pala gigising bukas?"

"Five." malumanay na sagot ni Jesse.

"Uhmmm..." saka ngumiti si Jonas.

"Tulog ka na Jonas, kasi mas pagod ka alam ko."

"Oo. Pero kiss mo muna ako."

"Ang lakas ah." natatawang si Jesse. "Kung iyan ba ang magpapaligaya sayo eh. O siya." Hinalikan niya sa pisngi si Jonas.

"Ok na ako hehe."

"Hmmm... oh tulog na."

"Opo."

"Pikit na."

"Pumikit ka muna."

"O ayan." pumikit nga si Jesse. Nagulat si Jesse nang biglang may dumamping labi sa kanyang labi. Agad siyang napadilat. "Ano yun?"

"Good night ko." natawang si Jonas.

"Hmmm..." ungol ni Jesse.

"Huwag ka magalit. Masarap naman di ba?"

"Ewan. Ikaw na unang pumikit. Dali." utos ni Jesse.

"Opo." saka pumikit si Jonas. Akala ni Jonas ay gagantihan siya ng halik ni Jesse pero nagkamali siya.

Imbes na halikan ni Jesse si Jonas ay niyakap niya ito at saka pumikit.

Napa-dilat si Jonas nang maramdamang niyakap siya ni Jesse. Napangiti na lang siyang makitang nakapikit na si Jesse. "I love you, Jesse."

"Mmm mmm." ungol ni Jesse. Ibig sabihin niya ay oo.
-----

"Bakit ka pa bumalik?" nagngangalit ang mga bagang ni Ramon nang may ibalita si Omar tungkol sa kanyang anak daw.

"Eh bossing, nagsarado na ng pintuan. Kaya naisip kong matutulog na ang mga iyon kaya naisipan ko munang ipaalam sa inyo. Bossing kung totoo nga na siya na yung anak ninyo, babae pala siya bossing."

Natigilan si Ramon. Nagbalik sa kanyang alaala ang nakaraan.----

"Boss alam na namin kung nasaan ngayon si Juanita at tingin namin sa laki na ng tiyan niya baka kabuwanan na niya ngayon." impormasyon ng mga tauhan ni Don Ramon noon.

Nagkiskisan ang mga ngipin ni Ramon sa harapan sa galit na nararamdaman. Nag-iisip siya kung ano ang maaaring gawin kay Juanita. Ayaw niyang maisilang ang anak nito. "Dukutin ninyo si Juanita, pagkatapos ay itago ninyo siya hanggang sa makapanganak."

"Pagkatapos Boss?"

"Huwag ninyong hayaang makita ng ina ang magiging anak niya. Saka ninyo pakawalan si Juanita."

"Yung bata Boss?"

"Itapon ninyo. Patayin. Basta huwag ninyong hayaang makita ng ina ang bata." Pagkatapos noon ay tumalikod na si Ramon.

"Sige ho, Boss."

"Siya nga pala." muling humarap si Don Ramon sa mga tauhan. "Huwag kayong magkakamaling ipakita sa akin ang bata, maliwanag?"

"O-opo. Oho Boss."
-----

"Bossing, natutulala ka na naman?" agaw atensyon ni Omar.

"Siguraduhin mo munang anak ko nga ang babaeng nakita mo Omar. At kung iyon nga ang anak ni Juanita, patayin mo siya."

"b-bossing..."

Nagsalubong ang kilay ni Ramon. "Ano? Gusto mong umatras?"

"Babae kasi bossing eh."

Nag-init lalo ang ulo ni Ramon. "Wala akong pakialam. Sundin mo ang utos ko. Sabihin mo lang kung naduduwag ka Omar, dahil marami akong ipapalit sayo." pananakot ni Ramon.

Alam ni Omar na kapag hindi niya tinanggap ang pinapagawa ng kanyang amo, ay siya ang mahihirapan. Dahil sa dami na ng alam niya tungkol sa kasamaan ng kanyang amo, baka kapag tumalikod siya ay siya ang tirahin nito o ipapatay. Iyon ang ikinatatakot niya.

Matagal na nga sana ni Omar na umalis sa trabahong iyon pero hindi na niya magawa sa takot na baka pati ang pamilya niya sa probinsya ay madamay. Kilala na niya si Don Ramon at ang pamilya nito at kung gaano kasama ito.

Dati lang siyang nagtatrabaho sa isang night club. Maayos na nga sana kahit ganoon ang klase ng kanyang trabaho nang makilala niya si Don Ramon na nagalok sa kanya ng trabaho. Trabahong kanyang pinagsisihan. Kung hindi nga lang nagkataong nangangailangan siya ng perang maipapadala sa probinsya, hindi niya sana tatanggapin ang alok ni don Ramon. Ang maging utusan ni Don Ramon sa mga nais nitong mapatumba. At ngayon nga ay isang babaeng dalaga naman ang kailangan niyang tapusin.

"Omar." tawag ni Ramon kay Omar na tahimik sa isang sulok.

"Bossing?" alisto agad niya nang marinig ang pagtawag ng amo.

"Maari ka na munag umuwi ngayon, bukas na lang uli tayo ng gabi magkita."

Nagkunot-noo si Omar. Nagtataka siya kung ano ang naisipan ng kanyang amo at biglaan siyang pinapauwi.

"Huwag kang mag-alala doble ang bayad ko parin sayo. Magpahinga ka na para maayos mong magawa ang ipinatatrabaho ko sayo sa susunod na araw."

"a-ah sige po Bossing."
-----

Hindi makatulog si Jonas. Masyado niyang binanbatayan ang bawat sandaling nakayakap sa kanya si Jesse. Ramdam na ramdam niya ang pagmahahal sa kanya ng katabi. Kanina pa siya nangingiti habang dinadama ang pagtibok ng puso ni Jesse sa kanyang dibdib. Tila sabay na nag-usap ang kanilang mga puso sa sabay nitong pagtibok. Nakatingin lang siya sa kisame at nag-iimahinasyon para sa kanilang dalawa sa mga susunod na araw at sa panghabang-buhay nila. Nang may isang bagay siyang naisip, sa pagdating ng araw. Biglang tumulo ang kanyang luha.
-----

"Magiging mahaba ang pahinga ko ngayon." naibukang bibig ni Marco nang makalabas sa kanyang pinagtatrabahuan. Hawak-hawak ang pera, nangingiti siyang naglalakad habang naghahanap ng mabibilhang tindahan. Naisip kasi niyang bumili ng maipapasalubong kay Jesse. Balak niyang bumili ng maipang-aalmusal o kahit ano.

Napa-tingin siya sa kanyang relo at nakita niyang ala-una palang ng madaling araw. "Mahaba pa bago mag-umaga. Pero ang alam ko, mga alas-kwatro palang ng madaling araw gumigising na si Jesse. Tama, kahit siguro lulutuin pa lang ang bibilihin ko. Basta kung anong merong mabili." Kausap niya ang sarili habang naglalakad at maaring mabilhan ng makakain nila ni Jesse.

"Teka, naka-uwi na ba kaya si Jesse? Siguro naman kasi, ayaw nun na umaabsent sa trabaho."
-----

Alam ni Jessica na naka-tulog na siya pero bigla na lang siyang nagising nang biglang sumingit sa kanyang kawalan si Jesse. Simula nun ay nahirapan na siyang makatulog uli. Pabaling-baling na siya sa kanyang higaan. Hindi niya alam kung paanong pwesto ang kanyang gagawin para lang ma-relax at maka-tulog.


[04]
"Jesse, jesse." Tinapik-tapik ni Jonas si Jesse para magising. Nang tignan kasi niya ang kanyang relo napansin niyang Mag-aala-singko pasado na. Ayaw pa nga sana niyang gisingin si Jesse pero naisip niyang kailangan na nitong pumasok.


"Mmm..." ungol ni Jesse.

"Ano ba oras ng pasok mo?" tanong ni Jonas.

"7 am. Pero madalas gumigising na ako ng 5..." sagot ni Jesse nang nakapikit at habang nakayakp kay Jonas.

"5:30 na."

Nang sabihin iyon ni Jonas ay biglang napadilat si Jesse. "5:30 na?"

"Oo. Ito ang evidence." nakangiting itinaas ni Jonas ang braso niya para makita ni Jesse ang relo niya.

"Patingin." iniangat na ni Jesse ang katawan niya. Saka tinignan ang relo ni Jonas. "Oo nga. Sandali tatayo na ako."

"Ang aga mo naman yata? Kung 7 pa ang pasok mo, isa't kalahing oras ka magpeprepare?"

"Ganun talaga ako Jonas. Masanay ka na sa akin." nakangiting paliwanag ni Jesse. "Sandali, titignan ko kung nasa kabilang kwarto na si Marco."

Nang marinig iyon ni Jonas ay bigla siyang napatayo sa pagkakahiga. "Teka, a-ano ang gagawin ko?" Nakaramdam ng kaba si Jonas.

Natawa si Jesse. Halata niya kasi sa mukha ni Jonas ang pag-aalala. "Wala."

"Wala?" Napa-kunot noo si Jonas. "Anong ibig mong sabihin? Ok lang na makita tayong magkasama dito?"

"Ano naman kasi na magkasama tayo rito?"

"B-baka kasi magtaka siya?"

Napa-isip doon si Jesse. Na-isip niyang tama si Jonas na maaring mag-isip ng iba si Marco kapag nakita silang dalawa sa iisang kwarto. "H-hindi naman siguro, Jonas. Pareho naman tayong lalaki at... sasabihin ko na lang na... ano..." parang hindi makahanap ng i-aalibi si Jesse. "Tama, sasabihin ko na lang na ginabi ka na sa pag-uwi tapos dito ka na natulog, tapos... dito ka sa kwarto ko natulog kasi baka dumating si Marco at gagamitin ang kwarto niya. Ganun..."

Natatawa si Jonas. "Bahala na, Jesse. Handa naman ako na magsabi ng totoo eh. Ikaw? Ok lang ba sayo na malaman ni M-marco ang totoo sa ating dalawa?"

"Sa-" hindi natuloy ang sasabihin sana ni Jesse sahalip ay iniba na lang niya. "huwag muna Jonas."

"Walang problema Jesse. Huwag kang mag-alala. Sinabi ko lang iyon kung sakali man. Papatunayan ko lang na handa talaga ako sa relasyon natin at sa kung anong mangyari." tumayo na si Jonas at humarap kay Jesse.

Naka-ngiti si Jesse sa harapan ni Jonas. Tuwang-tuwa ang puso niya ng marinig iyon mula kay Jonas. Damang-dama niya ang katotohanan ng sinasabi ni Jonas. Naniniwala siya, pero hindi muna ngayon. Hindi pa siya handa. Napa-titig siya kay Jonas nang hinarap siya nito. "Maraming salamat. Pinasasaya mo ako."

Humawak si Jonas sa magkabilang balikat ni Jesse. "Dahil pinasasaya mo rin ako."

Napayuko si Jesse. Hindi siya makatitig ngayon ng diretso sa mga mata ni Jonas. Inangat naman ni Jonas ang kanyang mukha at sinalubong ang mga labi ng kaharap. Pareho nilang pinagsaluhan ang tamis ng halik ng pag-ibig sa sandaling iyon.
-----

Diretso si Jesse sa kusina. Madadaanan niya iyon papuntang c.r. Nang matapos magtanggal ng likidong naipon sa kanyang puson, agad siyang bumalik sa kusina. Nagulat siya ng makita ang mga mga nakatakip na pagkain. Hindi niya napansin iyon kanina. Naisip kaagad niyang dumating na si Marco.

Nang matapos na niyang masilip ang mga pagkaing nasa lamesa ay agad siyang bumalik sa kwarto para asikasuhin si Jonas.

"Ok ka lang dyan?" tanong ni Jesse nang mabalikan si Jonas.

"Punta ako C.R."

"Sige."

Inihatid naman ni Jesse si Jonas sa C.R. Pagkatapos ay tinungo ni Jesse ang kwarto ni Marco para i-check kung naroon na nga ito. Nasilip niyang nakahigang patagilid ito. Patalikod sa kanya. Hindi nito namalayang nakasilip pala siya.

Hindi na inabala ni Jesse ang kaibigan. Iniisip kasi niyang nasa kasarapan ito ng pagtulog.

"Jesse." tawag ni Jonas na ikinalingon ni Jesse.

"Tapos ka na?" nakangiti niyang tanong.

Naka-ngiting tango naman ang sagot ni Jonas. "Sinong sinisilip mo dyan?" tanong niya.

"Si Marco. Tinignan ko kung narito na nga. May pagkain kasi sa lamesa eh."

"Ah... So ano na ang gagawin mo?"

"Maliligo na ako para sa pagpasok."

"O sige, doon na lang ako maghihintay." Tinutukoy ni Jonas ay ang sala.

"Baka nagugutom ka na? Ipaghahain muna kita?" alok ni Jesse.

"Hindi." tanggi agad ni Jonas. "Hihintayin na lang siguro kita. Saka, nakakahiya naman sa kaibigan mo."

Natawa ng bahagya si Jesse. "Hindi no. Wala yun."

"Ok. Pero mamaya na, sabay na tayo."

"O sige."

Umupo si Jonas sa paborito niyang pwesto sa sala malapit sa pinto habang si Jesse ay abala sa paglilinis ng katawan. Hindi inaasahan ni Jonas na makikita niya sa pinto ng kwarto ang kaibigan ni Jesse. Nagkatitigan sila.

Kumunot ang noo ni Jonas habang kinikilala ang kaibigan ni Jesse. "Parang kilala ko 'to ah?" Saka siya tumayo.
------


Nang matitigan ni Marco ang mukha ni Jonas ay bigla siyang nakadama ng kaba at pamamawis ng noo. Nakikilala niya ang lalaking tumayo sa isang sopang gawa sa kawayan malapit sa pinto.

"Ako nga pala si Jonas, kaibigan ni Jesse." pakilala ni Jonas.

Lumapit si Marco kay Jonas nang mapansin nitong iniaabot ng nagpakilalang Jonas ang kamay nito para makipag-kamay. Pinilit ngumiti ni Marco sa kabila ng kaba na nararamdaman niya.

"A-ako naman si O- Marco." pakilala niya sa sarili nang magkaabutan ng kamay. Muntikan pa siyang mautal.

"Pasensiya na pare, dito na ako nakitulog kasi... inabot na ako ng ng hating-gabi sa pakikipagkwentuhan sa kaibigan mong si Jesse."

"Wa-wala yun. Sige na maupo ka na muna." Saka umupo rin si Marco sa kaharap na sofa.

"Mmm Marco, para kasing nagkita na tayo eh. Familiar kasi ang mukha mo." nakangiting pahayag ni Jonas.

"A-ako? Hindi pa naman siguro." sabay tawa si Marco.

Napa-ngiti rin ng maluwang si Jonas. "Pero..." isa pang titig uli sa mukha ni Marco ang ginawa ni Jonas.

Halata naman kay Marco ang pagiging conscious. "Pare, huwag naman ganyan. Nahihiya tuloy ako sayo." natatawang sabi ni Marco.

Natawa rin si Jonas. "Pasensiya na. Hindi ko talaga maalis sa isip ko na kilala kita. Pasensiya na. Teka, di ba pang-gabi ang pasok mo? So ibig sabihin nagpapahinga ka ngayon? Baka naabala namin ang pagpapahinga mo, Marco?"

"Hindi, hindi... Huwag kayong mag-alala. Hindi pa naman talaga ako nakakatulog. May iniisip kasi ako kaya..." hindi na itinuloy ni Marco ang sasabihin bagkus iniba nito ang sasabihin. "Narinig ko kasing parang may kausap si Jesse kaya... ayun." sabay tawa. "Akala ko nga si Jessica ang narito."

"Ah ganun ba? So, ibig sabihin, nakakadalaw na dito si Jessica?"

"Mmm isang beses pa lang naman."

"Ah..."

Ilang palitan pa ng mga salita ang namagitan sa kina Jonas at Marco. Hanggang sa lumabas na si Jesse mula sa banyo.

"Oh, magkausap na kayo dyan?" gulat ni Jesse nang mapansin ang dalawa sa sala. Papasok na sana siya sa kanyang kwarto.

"Oo Jesse." sagot ni Marco. "Ito nagkukwentuhan na kami."

"Tamang-tama para sabay-sabay tayong kakain mamaya." si Jesse.

"Ay oo nga pala..." saka tumingin si Marco kay Jonas. "Jonas, may nabili pala akong makakain natin. Napadaan kasi ako sa bukas na karenderia, eh... medyo maganda ang sahod ko ngayon eh." sabay tawa.

"Sige, makikisalo ako. Salamat at congrats pala." binuntutan din ni Jonas ng tawa.

"Sandali lang ha? Magbibihis lang ako. Ako na ang maghahanda ng lamesa. Walang gagalaw." biro ni Jesse.

"Huminga pwede?" tanong ni Jonas.

Natawa si Marco sa tanong ni Jonas habang napataas naman ang kilay ni Jesse.

"Ikaw kung gusto mo bang huwag huminga eh. Ok lang sa akin."

"Gusto mo?" nakangising tanong ni Jonas.

"Ewan." saka pumasok si Jesse sa kwarto ng tumatawa.

Muling naiwan sina Jonas at Marco sa sala.

"P-paano pala kayo ni Jesse nagkakilala?" tanong ni Marco.

Saglit na lumabi si Jonas. "Minsan kasing walang masakyan si Jesse at malakas na ang ulan. Nagkataong ako ang napadaan sa kanya at nag-alok."

"Ah... pero ang alam ko, maraming maaring masakyan sa tapat ng 3J supermarket ah?"

Sa ipinahayag na iyon ni Marco, biglang may pumasok sa isipan ni Jonas. Hindi pinahalata ng huli ang pagtiim-bagang. "Ewan ko ba sa kaibigan mo Marco. Kung saan-saan napupunta..." sabay tawa maitago lang ang tunay na saloobin.

"Kung saan-saan?" takang tanong ni Marco.

"Oo... tanungin mo na lang si Jesse kung bakit siya napunta doon sa napakadilim na iskinita na wala namang dumadaang sasakyan. Kung saan-saan nagsusuot."

Bigla naman ang pasok ni Jesse. "Ako ang pinag-uusapan?"

"Kung saan-saan ka daw sumusuot."

"Kung saan-saan sumusuot?" magkasalubong ang kilay pero nakangiting pag-uulit ni Jesse.

"Naaalala mo pa nung una tayong magkita?" sabay tawa si Jonas. "Tama naman, kung saan-saan ka sumusuot. Inabutan ka tuloy ng ulan."

"O siya, oo na." nakangiting sagot ni Jesse. "Ihahanda ko na ang lamesa muna."

Umalis si Jesse sa harapan ng dalawa para magprepara ng kakaining almusal. Natahmik na naman ang dalawa.

Natahimik si Jonas dahil bumalik sa kanyang isipan si Marco. Nakikilala niya ang lalaki dahil ngayon nasisigurado na niyang nakita na niya ito noon. "Mamaya ko na lang siya kakausapin..."


Maya-maya pa ay tinawag na ni Jesse sina Marco at Jonas para dumulog sa hapag-kainan.
-----

"Mauna ka ng sumakay Jesse, mag-iiba ako ng daan. May pupuntahan ako."

"Ha?" napatingin si Jesse kay Jonas. Nakatayo sila sa kanto habang naghihintay ng masasakyan. "S-saan ka pupunta?"

"May naisip lang akong puntahan ngayon, importante. Ayoko na sana ipagpaliban." sagot ni Jonas.

"Importante ba talaga? Wala ka bang pasok? Maganda sana magpahinga ka na naman muna sa bahay niyo." sunod-sunod na sabi ni Jesse.

Ngumiti si Jonas. "Huwag kang mag-alala sa akin. Ok lang ako." Kinawayan ni Jonas ang jeep na dadaan sa pinagtatrabahuan ni Jesse. "Sakay ka na."

"I-ikaw?"

"Tatawid ako sa kabila, magkaiba kasi tayo ng daan. Sakay ka na."

"Ok ka lang ha?"

"Oo, I love you sakay na."

"I love you too, mag-ingat ka."

"Opo."

Hinintay ni Jonas na makasakay si Jesse sa jeep hanggang sa mawala na ito sa kanyang paningin. Saka tumalikod at muling tinahak ang lugar kung saan nakatirik ang tinutuluyan nila Jesse at Marco.
-----

"Jonas, napabalik ka?" nagulat talaga si Marco nang makita si Jonas nang mapagbuksan ito ng pinto.

"Marco, may gusto lang sana akong linawin sayo. Maari ka bang maka-usap?" naka-ngiting tanong ni Jonas.

"H-ha? Importante ba yan?"

"Sa akin importante, at para kay Jesse... sa makakabuti sa kanya? Oo, importante rin..."

Sa sagot na iyon ni Jonas, alam na ni Marco ang tinutukoy ni Jonas. Pinatuloy na lang niya si Jonas. "Tuloy ka."

Nang maka-upo na ang dalawa saka bumuka ang bibig ni Jonas. "Marco, saka ko lang naalala na talagang kilala kita. Huwag ka na sana magsinungaling."

Napa-nganga si Marco sa diretsong pahayag ni Jonas. Buking na siya. Napa-buntong hininga na lang siya.

"Ikaw ang alalay ni Tito Ramon, na nagngangalang Omar. Na minsan ko ng nakita sa aming bahay nang minsang isinama ka niya."

Bahagyang napa-tango si Marco.

Nagpatuloy si Jonas. "Alam ko ang ginagawa ninyo ni Tito Ramon at kung ano ang tungkulin mo sa kanya."

Napa-tiimbangang si Marco saka tumango. Naging sunod-sunod ang pagtulo ng kanyang pawis.

"Dahil doon, gusto ko sanang..."

Napa-angat ng mukha si Marco at tumingin ng diretso kay Jonas. "Ang ano..."

"...ilipat si Jesse ng ibang tinitirahan."

Nanlaki ang mga mata ni Marco. "I-ikaw... Alam na ba ito ni Jesse?"

"Walang alam si Jesse na kahit ano. Marco, gusto ko lang na maprotektahan ang kaibigan ko. Kilala ko si Tito Ramon, at alam mong nalalagay sa panganib ang buhay ng mga kapamilya mo."

"M-matagal ko nang gustong umalis sa pagiging utusan ni Don Ramon." simula ni Marco. "Kaya lang sa tuwing tatangkain kong umalis saka ako nakakatanggap ng problema galing sa pamilya ko. Kailangan ko ng pagsuporta sa pamilya ko. Kaya hindi ko maiwan-iwanan. Pangalawa, una pa man binalaan na ako ni Don Ramon na huwag akong magkakamali dahil idadamay daw niya ang aking pamilya. Malaking tao si Don Ramon, marami siyang mauutusan maliban sa akin."

"Bilang kaibigan ni Jesse, maari kitang tulungan. Umalis ka lang kay Tito Ramon. May pera ako, kaya kitang bigyan para makalayo kasama ang pamilya mo."

"Maraming salamat. Pero ako na ang bahala sa sarili ko. Wala akong magagawa kung magdesisyon si Jesse na sumama sayo. Mabuting kaibigan si Jesse kaya ayoko rin siyang madamay. Kaya walang problema sa akin ang gusto mo. Sige lang."

"Maraming salamat Marco. Pero tandaan mo, sabihin mo lang ang pag-alis mo kay Tito Ramon at tutulungan kita. Huwag kang mag-alala."
-----

"Sinong may sabi sa inyong maari kayong umabsent nang hindi man lang kayo nagpapaabiso?" nanlalaki ang mga mata at butas ng ilong ng mataray na matandang empleyada ng opisina ng supermarket.

Mukha pa lang ay naririndi na si Jessica. Paano pa kaya ang mga pananalita nito.

"At sabay pa talaga kayo nawala. Date? Lunes na lunes wala kayo. Ang daming tao kahapon at sinakto niyo pa sa init ng ulo ni Sir James."

"Paumanhin po." si Jesse.

"Wala nang magagawa yang paumanhin mo. Sige, balik sa trabaho."

Pagkatalikod na pagkatalikod pa lang ni Jessica ay umikot na ang mga mata nito sa katarayan ng matanda. "Hmmmpt... kung hindi ka lang matanda..."

"Jessica, may mali tayo. Huwag kang mag-init ng ulo." biro ni Jesse habang tinutungo ang pwesto.

"Ewan." Inirapan ni Jessica si Jesse.

Tumakbo ang oras. Naging busy ang dalawa sa mga ginagawa. Halos hindi na nga magkatinginan man lang. Pero alam ni Jesse na sinasadya ni Jessica ang hindi mapatingin sa kanya.
-----

"Hindi ka sasabay sa akin kumain?" tanong ni Jesse nang oras na nilang maglunch.

Hindi sumagot si Jessica at patuloy lang itong naglakad papalayo.

Napa-ngiwi na lang si Jesse at lumabas ng locker room. Pagkalabas na paglabas niya doon ay muntikan na niyang mabunggo ang lalaking naka-suot pormal. "Sorry Sir." agad siyang napa-tingin sa mukha nito. Saka niya naisip na ang muntikan na niyang makabungo ay ang kanilang boss sa pinagtatrabahuan.

Bahagyang naningkit ang mga mata ni James sa lalaking kaharap. "Ok na. Umalis ka na lang sa daan."

"Sorry Sir uli." Nakadama ng panliliit at hiya si Jesse. Saka tinanaw ang kanyang boss papasakay sa magarang sasakyan nito. "Mula buhok hanggang dulo ng sapatos, grabe. Wala kang maipipintas. Ang swerte mong tao boss, gwapo na mayaman pa. Tsk tsk tsk." Natuptop niya ang bibig ng kamay. "Bakit nga ba ako nakakapag-isip ng ganoon? Gutom na ako." bigla niyang naisatinig.


[05]
"Jessica, sandali..." habol ni Jesse nang mag-off sila sa trabaho. Nakatayo na si Jessica para pumara ng jeep. "Sandali..." saglit na tumigil si Jesse para makakuha ng hangin. "Halata ko naman na hindi mo ako pinapansin eh..."


"Oh, bakit mo pa ako kinakausap? Alam mo naman palang hindi kita pinapansin?" sarkastikong turan ni Jessica.

Natameme si Jesse sa sinabing iyon ni Jessica. "A-a... talagang... hindi mo talaga balak kausapin?"

"Bakit, Jesse?" umirap si Jessica at nagiba ng tingin. "Ano ba ang dapat kong sabihin sayo?" Naramdaman niya ang pangangati sa gilid ng mga mata.

Hindi naman alam ni Jesse kung ano na ang sasabihin. Napi-pipi siya ngayon.

Muling nagsalita si Jessica. "Huwag kang mag-alala Jesse, kung ano man ang nangyari... wala yun." sabay para sa jeep na padaan.

"P-pero..." hahabulin pa sana niya si Jessica pero agad itong sumakay sa jeep na pinara nito. Gusto sana niyang mapag-usapan nila at magkaayos. Pero parang hindi niya alam kung paano sisimulan at naduduwag siyang magsimula. Napa-buntong hininga na lang siya.
-----

"Mahal kita Jesse. Fuck you ka Jonas." paulit-ulit na binabanggit ni Jessica habang umiinom ng alak sa isang open resto/bar malapit sa kanila. Nakaka-dalawang bote na rin siya ng beer.

"Jessica, hinay-hinay lang. Tinatamaan ka na oh. Halata sayong broken hearted ka." sabi sa kanya ng isang kaibigang babae na nagtatrabaho doon bilang waitress sa gabi.

"Huwag mo akong pakialam muna, kaibigan. Masama lang talaga ang loob ko. Akala ko kasi, kahit makita ko siya Ok lang. Pero kanina nang makita ko uli siya, parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit. Ang hirap na hindi ikaw ang mahal ng mahal mo."

"Hay naku. Ngayon ka lang ba umibig ha?"

"Hindi.. pero iba 'to. Nakakasakit sa puso."

"O sige... pero tama na yan ha? Hindi na kita pa-oorderin pag naubos mo ang laman nyan. Ok?"

"Gusto ko pa. Magpapakalasing ako para makalimot ako."

"Jessica ano ka ba? Lalaki lang yan. Ang daming lalaki sa mundo."

"Oo nga eh. Ang daming lalaki sa mundo noh. Kaya mga lalaki na lang ang nagkaka-gustuhan." sabay tawa si Jessica pero sa puso niya nasasaktan siya sa katotohanan ng sinabi niya.

"Ano? Hindi kita maintindihan, frend."

"Wala!" sigaw niya sa kaibigang waitress. "Isa pang bote."

"Tama na yan. Ako ang susugurin dito ng inay mo."

Saka niya naalala ang kanyang ina. "Oo nga pala..." Minabuti na lang niyang tumayo. Ayaw niyang nag-aalala sa kanya ang kanyang ina. Pakiramdam niya umiikot ang paligid dala ng nainom niya. Hindi talaga siya pang matagalan sa inuman.
-----

"Ito na ang huli. Para sa sarili ko at sa pamilya ko." Pangako ni Marco sa sarili na kanina pa paulit-ulit na sinisigaw ng kanyang utak. "Mawawala na si Omar, magbabago na siya. May naipon na ako. Kasya na iyon para magbagong buhay kasama ng pamilya ko. Magpapakalayo kami. Sa hindi makikita ni Don Ramon."

Kanina pa madilim ang paligid. Ito na ang oras para gawin niya ang ipinag-uutos ni Don Ramon. Kailangan niyang mailigpit ang sinasabing anak ni Ramon sa labas, kay Juanita.

"Huli na talaga ito. Hindi na mauulit. Pangako ko ito sa sarili ko."

Sa isang madilim na lugar nakatago si Marco kasama ang isang lalaking utusan din ni Don Ramon. Ang lalaking kasama ni Marco ang lihim na nag-imbistiga sa sinasabing anak ni Don Ramon sa labas. Maliban nang makita ni Marco noon ang babae na nakatalikod ay hindi na niya ito nakita pa ng harapan. Kapag nakuha na nila ang babae saka pa lamang niya makikita ang mukha nito.

Buong-buo ang loob ni Marco sa gagawin. Walang takot. Gusto na nga niyang matapos agad para makalayo-layo na.
-----

Nahihilo si Jessica habang binabagtas ang iskinita papauwi sa kanila. Medyo may kahabaan ang madilim na iskinita.Para bang nakapikit na siya habang naglalakad sa sobrang dilim at wala siyang makita. Ingat pa rin siya sa paghakbang. Isang bato ang naapakan niya, kaya bahagyang natalisod siya.

"'Tang ina. Ang sakit ah." reklamo ni Jessica. "Matagal nang pinalalagyan ng ilaw ang iskinitang ito pero hanggang ngayon, wala pa rin."

Muling naglakad si Jessica pero sa pagkakataong ito mas maingat na ang mga paghakbang niya. Napansin niyang may papalapit sa kanya. Napatingin siya sa gawi kung saan may lalaking papalapit sa kanya. Inaninag pa niya kung sino iyon. Nagulat na lang siya nang sa likuran pala niya ay may isang tao na bigla na lang siyang hinawakan. Sisigaw sana siya nang tapalan nito ang bibig at ilong niya ng isang panyong may kakaibang amoy.

Nagpupumiglas siya pero hindi niya kaya ang pagkakahawak sa kanya ng lalaking nasa harapan niya. Wala na siyang magawa kundi ang pagsigaw ng kanyang utak habang unti-unting nawawalan siya ng malay. Bago tuluyang pumikit ang kanyang mga mata, naaninag niya ang mukha ng lalaking kaharap niya.

"Kilala kita..." sigaw ng utak ni Jessica.
-----

Hawak-hawak ni Jesse ang isang baso, na sinalinan niya ng tubig para inumin. Kakatapos lang niyang kumain. Nang biglang wala sa sariling nabitawan niya ang baso at nabasag sa paanan niya. Agad siyang kinabahan hindi dahil sa muntikan na siyang tamaan ng bubog. Hindi niya alam kung saan, ano ang pinaghuhgutan ng kanyang kaba.

"B-bakit kaya?"
-----

"Aw ang sakit..." aray ni Juanita nang mahiwa ang kanyang hintuturo habang tinatabasan ng dahon ang isang gulay. Inaayos niya para sa pagtinda mamayang madaling araw.

"Lintik na kutsilyo ka..." sisi niya sa kutsilyong nakahiwa sa kanya. Nang pumasok sa isipan niya si Jessica, ang anak. "Jessica?" Bigla siyang kinabahan at agad napatingin sa orasan. "Alas-onse na nga pala. Wala pa rin ang anak ko." pag-aalala niya.

Animo'y nawala ang sakit ng iniinda niyang hiwa sa hintuturo nang tuamyo siya para lumabas at hanapin ang anak na hindi pa umuuwi. "Nagpapaalam ang anak ko... Bakit hindi pa siya umuuwi?"


Malikot ang mga mata ni Juanita habang binabagtas ang paglabas. Baka makita niya si Jessica na paprating o kaya naman ay nakatambay sa dilim. Pero naisip rin niyang imposibleng gawin ni Jessica ang huling naisip ng ina. Lubos talaga ang pag-aalala niya.

"Jessica?"
-----

Lumabas ng kwarto si Arl dahil sa pagkaktaon na namang ito hindi na naman siya makatulog. Nagsalubong ang kilay niya nang sa pagbukas ng pinto ng kwarto niya ay sumalubong sa kanya ang liwanag na nagmumula sa salas sa baba.

Pababa si Arl sa hagdan nang makita niya ang ama na nasa sala at nagbabasa.

"Dad?" tawag ni Arl nang makalapit.

"Ay anak, ikaw pala. Hindi ko napansin ang pagdating mo. Teka, napa-bangon ka?"

"Hindi po ako makatulog na naman Dad." Umupo si Arl sa sofa na kaharap ng sa ama niya. "Ikaw, Dad? Bakit dito ka nagbabasa, hindi sa kwarto mo?"

Natawa si Arman. "Wala lang. Gusto ko lang dito magpalipas ng oras."

Napa-tango na lang si Arl. "Ah Dad, kukuha ako ng maiinom, ano sayo?"

"Coffe na lang Arl."

"Sige po." Tatayo na sana si Arl nang biglang magsalita muli si Arman.

"Ah anak..."

"Po?"

"Naisip ko lang, paano kung-" hindi naituloy ni Arman ang gustong sabihin.

"Ang alin Dad?"

Saglit na natahimik si Arman. "Sige kuha ka muna ng kape."

Napa-kunot noo si Arl pero naka-ngiti. "Si Dad..."

Natawa si Arman.
-----

"Jessica?" naiiyak na si Juanita.

Nagtanong-tanong na si Juanita sa mga nadadaanang kapit-bahay kung napansin ba nila si Jessica na dumaan. Pero wala pang nakakapansin sa pag-uwi ng dalaga.

"Jessica." tuluyan nang naiyak si Juanita. Lubos na ang kanyang pag-aalala. "Jessica nasaan ka na ba? Pinag-aalala mo ako anak."

Nakarating na si Juanita sa pinaka-kanto ng kanilang baranggay kung saan doon nagdadaanan ang mga sasakyan. Nagtanong si Juanita sa mga tambay sa kanto pero walang nakapansin kay Jessica. Napagtanungan niya ang nag-iihaw-ihaw.

"Si Jessica?"

"Oo. Nakita mo na bang dumaan?"

"Oo, kanina pa. Ay hindi, kani-kanila lang yun wala pa sigurong kalahating oras."

"Sigurado ka?"

"Oo, aling Juanita. Napansin pa nga ng asawa ko, binulong sa akin na si Jessica daw parang naka-inom. Kasi pasuray-suray. Nahampas ko pa nga ang asawa ko dahil kung ano ano ang pinagpapansin. Ka-lalaking tao, tsismoso."

Sa narinig ni Juanita ay hindi na maawat ang luhang umaagos sa kanyang pisngi. "D-dumating na si Jessica pero wala pa sa bahay..." Patuloy ang pagluha, bumalik si Juanita sa pabalik sa kanilang bahay baka nagkasalisi lang sila. Umaasa si Juanita sa naisip. Pero napakalaki ng bahagi ng kanyang utak ang nagsasabing imposible dahil isang daan lang namana ng pwedeng daanan ni Jessica. Kung susuot si Jessica sa ibagn lugar mas lalong mapapalayo ang anak.
-----

"Pareng Omar, san natin 'to wawakasan?" tanong ng lalaking kasama ni Marco tungkol sa babaing katabi nitong walang malay.

"H-ha?" Si Marco ang nagda-drive ng kotse na ginamit sa pangingidnap. "I-ikaw na siguro ang bahala, Gary. S-siguro sa dati na lang uli."

"Bakit parang wala ka sa sarili dyan pre? Pero, doon ba uli? Eh mukhang mainit na tayo dun. Mag-iba kaya tayo ng ruta?"

"Ikaw ang bahala. Sabihin mo lang kung saan tayo."

Kung kanina, malakas ang loob ni Marco, ngayon, hindi niya pinapahalata ang sobra niyang pag-aalala. Hindi siya mapalagay. Lalo pa't ang kailangan pala nilang patayin ngayong gabi na sinasabing anak ni Don Ramon sa nagngangalang Juanita ay si Jessica. Si Jessica na kaibigan at ka-trabaho ni Jesse. Na minsang bumisita sa kanila. At ang higit doon, sa una nilang pagkikita, tila nabighani siya sa ganda ng dalaga. Na ngayon ay dapat nilang patayin gaya ng utos ng kanilang bossing.

"Ang hirap nito." bulong ni Marco.

"Ha? May sinasabi ka Pareng Omar?"

"W-wala, wala."

"Diretso mo lang muna. Tahakin natin ang kahaban ng kalsadang 'to saka ko sasabihin ang lilikuan natin kapag malapit na tayo."

"S-sige."
-----

Kanina pa sa pagkaka-upo si Arl nang maka-balik galing sa pagkuha ng isagn tasa ng kape para sa ama at jucie naman sa kanya. Lihim niyang pinagmamasdan ang ama habang ngumunguya ng piniraso niyang empanada.

Hindi napansin ni Arl na napansin pala ng ama ang ginagawa niyang pasulyap-sulyap sa ama. Tumikhim si Arman nang naka-ngiti. "Bakit Anak? May gusto ka bang itanong?"

"P-po?" gulat ni Arl sa tanong ng ama.

Natawa si Arman. "Alam mo anak, kahit sa libro ako naka-tingin, nahahalata kong tinititigan mo ako. May gumugulo ba sa isipan mo?"

"Ganun po ba? Pasensiya na Dad. Mmm may naiisip lang ako lately."

"Kaya ka siguro hindi makatulog, tama?"

"P-po?" saglit na natigilan si Arl. "Ganun na nga po siguro."

"Tungkol kay Mr. Jimenez?" diretsong tanong ni Arman sa anak.

"B-bakit naman po siya ang naisip niyo?" Hindi makatingin ng diretso si Arl sa mga mata ng ama. Tama ang hula nito na si Mr. Jimenez nga ang nasa isipan niya simula nang magkita sila sa hopistal. "Wala po akong pakialam sa kanya Dad."

Natawa si Arman. "Arl, may tiwala ako sayo. Hindi ako magagalit. Kung ano ang nasa isip mo, o kung ano ang balak mong gawin, ikaw ang bahala. Ang sa akin lang, huwag kang maglihim sa akin. Para alam ko kung paano kita susuportahan at mapapangaralan."

"O-opo."

"Sige aakyat na ako. Nakaramdam na ako ng antok." paalam ni Arman sa anak.

"Sige Dad. Uubusin ko lang 'tong empanada, aakyat na rin ako."

"Ok."

"Salamat Dad." Habol ni Arl nang makatalikod ang ama.

"Dahil mahal kita anak." sagot ni Arman habang binabagtas ang hagdan paakyat.

Napa-buntong hininga si Arl. Saka itinapat ang nguso ng sa labi.

"Tama ba na gawin ko ang naiisip ko? Makikita ko pa ba siya? At tama bang, bawiin ko ang dapat na ay akin? Tama... karapatan ko yun na ipinagkait sa akin. Magkikita tayong muli!" tinapos ni Arl ang iniisip sa isang matatag at buong plano na may halong poot.
-----

Bumuntong-hininga muna si Jesse bago ipinikit ang mga mata nang mahiga sa kanyang higaan. Iniisip niya ang maaring dahilan kung bakit bigla siyang kinabahan kanina na naging sanhi pa para mabitawan niya ang isang basong hawak.

"Sinabi sa akin ni Jonas na mag-iingat siya. Kaya umaasa akong mabuti ang kalagayan niya. Wala naman sanang problema sina Inay at Itay. Si Marco kaya? Wala naman sanang nangyaring masama sa kanya." muli siyang bumuntong hininga at tumagilid sa pagkakahiga. Saka niya naisip si Jessica.

Lumakas ang kabog ng dibdib niya nang maalala si Jessica. Bigla siyang napabalikwas sa pagkakahiga. "Si Jessica?" tulad ng pagkakabanggit niya ng may pag-aalala patuloy ding sumisigaw ang utak niya sa pangalan nito.

"Diyos ko po, wala naman po sanang nangyaring hindi maganda sa kaibigan ko. Ingatan niyo po siya at gabayan saan man po naroon ngayon. Patawarin mo po kami sa aming nagawa." Ito ang sunod-sunod niyang nasambit sa pag-aalala sa kaibigan.
-----

"Pareng Omar, dito na siguro tayo. Malayo na 'to. Ihinto muna sa maganda-gandang pwesto."

"Sige." sunod ni Marco sa kasama na katabi ni Jessicang walang malay hanggang ngayon.

Huminto ang sasakyan. Tinignan ni Marco ang kasama sa kung ano ang susunog nitong galaw. Nakita nga niyang hinawakan kaagad nito ang baril bago inalalayan ang babae palabas.

"P-pare." tawag ni Marco sa kasama nang makababa na sila.

"Bakit?" tanong ng kasama.

Pero sumagot si Marco. Hindi niya alam kung paano sasabihin ang gusto niyang mangyari. Alam kasi niyang maaring magduda ang kasama niya. "Sige na. Dalhin natin malayo, bago pa man magising yan." Nasabi na lang niya. Hindi niya pinahahalata ang namumuong pawis sa kanyang noo. At ang hindi niya mapalagay.

Hila-hila ng lalaki ang babae. Sa malayo o masukal na parte ng gubat na iyon nila papatayin ang pinaghihinalaang anak ni Don Ramon.

Naawa si Marco sa hitsura ni Jessica habang akay-akay ng kasama. Bahagya kasing nakakaladkad kasi si Jessica. "Pare, pagod ka na ata, ako na lang ang magbubuhat dyan kay-" bigla siyang natigilan. "Sa babae." agad niyang babae. Muntikan na siyang madulas na kilala niya ang babae.

"O sige." sagot ng lalaki.

Lihim na napa-buntong hininga si Marco. Sa sagot ng kanyang kasama, siguradong hindi ito naghihinala. Kinuha ni Marco si Jessica sa kasama. At maingat niya itong binuhat. Hanggang sa maaari, pinag-iingatan niya si Jessica.

"Marco, malayo na siguro ito. Dito na lang natin patayin yan?" mungkahi ng lalaki.

"H-ha?" Bigla ang kaba ni Marco. "Sandali, kaunti pa. Lakad pa tayo ng kaunti. Para hindi madaling makita ang bangkay."

"O sige."

Maya-maya lang ay naramdaman ni Marco na nagigising na si Jessica.
-----

Agad nagpupumiglas si Jessica nang magbalik ang katinuan. Hindi kinaya ni Marco ang nagwawalang si Jessica kaya minabuti niyang ibaba ito mula sa pagkakasampay sa kanyang balikat.

Sunod-sunod na mura ang pinakawalan ni Jessica habang umiiyak. "Anong kasalanan ko sa inyo?"

Tawa ang isinagot ng lalaki. "Sa amin wala pero sa bossing namin meron." Muli pa ang nakaka-insultong tawa.

"Mga gago, sinong bang bossing ang sinasabi mo? Wala akong ginagawang masama sa kung sino man. Wala akong kasalanan." saka tumingin si Jessica kay Marco. "At ikaw?" sinok-sinok niyang turan kay Marco. "Ikaw ang kaibigan ni Jesse di ba? Hindi ako nagkakamali? Sabihin mo, sino ang nag-utos na inyo nito? Kanino ako nagkasala? Bakit? Marco? Sabihin mo..."

Hindi makapagsalita si Marco sa mga tanong ni Jessica. Napi-pipi siya.

Ang kasama naman niya ay gulat na gulat sa mga narinig mula kay Jessica. "Magkakakilala kayo?" saka tumingin kay Marco.  "Pareng Omar naman, magkakakilala pala kayo, hindi mo man lang sinasabi?"

"H-ha, k-kanina ko lang nalaman na kakilala ko pala siya, Gary."

"So paano yan ngayon Omar? Alam mo naman kay Boss na walang pamilya-pamilya. Kailangan nating iligpit 'to." Saka ikinasa ng lalaki ang hawak-hawak nitong baril saka itinutok kay Jessica.

"Kuya, maawa ka?" nagmamakaawang si Jessica. Nawala ang kaninang kaunting tapang. Napalitan ng sobrang takot. "Kuya..."

"Pareng Gary. Sandali lang..." awat ni Marco.

Na-badtrip ang lalaki sa ginawa ni Marco. "Anong ibig mong sabihin Omar?"

"Kakausapin ko lang si Jessica."

"Gago ka ba? Papatayin mo na nga yan, mangungumpisal ka pa?"

"Ako mismo ang papatay sa kanya, Gary. Huwag kang mag-alala. Hindi ako umuurong sa utos ni Bossing."

Naisip ni Gary na tama si Marco. Wala pang trabahong hinawakan si Marco na nabulilyaso. Lahat ay ikinatuwa ng kanilang amo. "Sige, saglit lang. Pero kapag hindi na ako nakapaghintay, walang sabi-sabi babarilin ko agad yang babaeng yan."

"Sige." sagot agad ni Marco.

Tumalikod ang lalaki. Hinarap ni Marco si Jessica. "Jessica, patawarin mo ako. Hindi ko alam. Kanina ko lang nalaman na ikaw pala ang dapat naming patayin."

"Sabihin mo sa akin, Marco, bakit ako? Anong nagawa kong kasalanan? Bakit niyo ako kailangang patayin?" mahilo-hilong tanong ni Jessica sa sobrang pag-iyak niya.

Itinapat ni Marco ang hintuturo niya sa kanyang labi. "Hssss..."

Sunod-sunod na hikbi ang naging tugon ni Jessica.

"O ano, hindi pa ba kayo tapos dyan magkumpisalan? O maglambingan sa huling pagkakataon."

Kasunod ang isang umaalingawngaw ng tunog ng baril ang pumailanlang sa kadiliman at katahimikan ng kagubatang iyon.


[06]
Hindi pa rin matigil si Jessica sa kaka-iyak sakay ng sasakyang minamaneho ni Marco. Malayo na sila sa kaninang napaka-dilim na lugar sa kagubatan. Ngayon ay nasa bayan na sila, pero hindi niya kinaya ang nasaksihan niya kanina nang biglang barilin ni Marco si Gary. Takot na takot siya nang biglang itutok ni Gary ang baril nito sa kanya nang hindi na ito makapaghintay buti na lang at naunahan ni Marco si Gary.Dinig na dinig niya ang pagputok ng baril at mapa-hanggang ngayon ay pauilit-ulit na naririnig niya ang malakas, nakakagulat at nakakawala ng ulirat na tunog na iyon. At kahit madilim, hindi niya naiwasang masaksihan ang pagsambulat ng ulo ni Gary at pagtalsik ng mga dugo nito nang barilin ni Marco.


Minabuti na ni Marco na ihinto ang sasakyan. Nasa bayan na sila at malayo sa kadiliman kung saan dapat nila papatayin si Jessica. Nagtataka si Jessica kung bakit ginawa iyon ni Marco.

"Dito na lang tayo." salita ni Marco paharap kay Jessica. "Baba na."

"B-bakit?" humahagulgol at sisinok-sinok si Jessica.

"Hindi natin pwedeng dalhin ang sasakyang ito."

Tumango-tango lang si Jessica bilang pagsang-ayon. Naka-hinga naman ng maluwag si Marco dahil madaling maunawaan ni Jessica ang ibig niyang sabihin. Hindi na niya kailangang magpaliwanag ng mabuti.

Bumaba sila sa sasakyan at nilisan ang lugar na iyon.
-----

"Hindi pumasok si Jessica." hindi intensyon nasabi ni Jesse nang kalahating minuto na ang nakakalipas nang magsimula ang trabaho niya. "Baka nasa ibang linya?" Tinutukoy  niya na baka naiba lang ng counter at hindi siya kaya nilingon niya ang ibang counter. Pero walang Jessica siyang nakita. "Wala talaga. Hindi talaga pumasok."

"Jesse, may sinasabi ka?" tanong ng babaing pumalit pasamantala kay Jessica bilang casheir.

"W-wala." ngumiti si Jesse nang pagkaluwang-luwang.

"Bilis-bilis, natatambakan ka na." bulong ng babae.

Nawawala pala sa ginagawa si Jesse at hindi niya napapansin kaka-isip kay Jessica ang ginagawa. Ngayon napansin nga niyang marami na ang mga items na hindi pa niya naibabalot.

Napa-ngiti siya ng pilit. "Oo nga, sabi ko nga." Saka siya nagmadali.
-----

Hindi na nakatulog si Juanita simula kagabi nang hindi niya makita si Jessica ang kanyang anak. Saglit siyang umuwi para magpalit ng damit at muling lumabas para hanapin ang nawawalang anak. Pilit nilalaban ni Juanita ang sinasabi ng kanyang utak na may masamang nangyari kay Jessica. Ngayon lang kasi nangyari ang mawala si Jessica nang hindi nagpapaalam kaya naman lubos ang kanyang pag-aalala. Naninikip ang dibdib niya.

Habang naglalakad muling naalala ni Juanita ang nakaraan...

"Saan niyo ako dadalhin?" nagpupumuiglas si Juanita nang bigla siyang hawakan ng tatlong aramadong lalaki at isa pang nakamatyag lang sa kanila na may hawak na baril. Nahihintakutan si Juanita lalo pa't kabuwanan na niya. Ayaw niyang mapano ang nasa kanyang sinapupunan.

Hindi sumasagot ang mga lalaki pero patuloy ang paghatak sa kanya hanggang sa maisakay siya sa owner type jeep na sasakyan ng mga ito.

"Anong balak niyo sa akin? Maawa naman kayo, manganganak na ako. Ano ba ang kailangan niyo sa akin?" hagulgol ni Juanita habang umaandar ang sasakyan.

Isang lalaki ang hindi naka-tiis sa kaingayan niya. "Hahampasin kita ng hawak kong baril kapag hindi ka tumigil sa kakasigaw mo."

Natakot si Juanita sa sinabi ng lalaking kaharap na may hawak na mahabang baril. Kaya nagkasya na lang siya sa pag-iyak.

Dinala si Juanita sa isang bahay na alam niyang mahihirapan siyang makatakas. Sa isang kwarto siya nagtigil. Maganda, malinis pero alam niyang iyon ang magiging tahanan niya hanggang sa mailabas niya ang dinadala sa sinapupunan. Sa bintana nakikita niya ang mga armadong lalaki na maya't maya kung magpabalik-balik sa pagbabantay. Wala siyang magawa.

Pero alam na niya kung sino ang nagpadukot sa kanya kaya naman labis na lang ang kanyang poot nang malamang si Ramon ang may kinalaman doon. Maliban doon, hindi na niya alam kung ano pa ang layunin ni Ramon kung bakit siya pinadukot. Pero nasisigurado lang niyang dahil iyon sa kanyang pagbubuntis.

Isang doktor na nagpakilalang Dr. Arman Sto. Domingo ang noon pa man ay nagchecheck na ng kanyang pagbubuntis simula nang ikulong siya doon. Naging mabait ito sa kanya. Pero tikom ang bibig sa tuwing magtatanong siya sa plano ni Ramon.

"Wala talaga akong alam, Juanita. Kung meron man, hindi ko magagawang sabihin sayo." malungkot na pahayag ng doktor.

"Sige, iginagalang ko ang pananahimik mo. Tama, ginagawa mo lang ang tungkulin mo. Pangalawa, hindi mo naman ako sinasaktan. Ito pa nga at tinutulungan mo akong maging maayos ang nalalapit kong panganganak."

Sumilay ang lungkot sa mukha ng doktor. "Maraming salamat."

Pero wala pa ang isang araw nang biglang mapa-bago ni Juanita ang isip ni Arman. Ito na ang tawag ni Juanita kalaunan sa gusto na ring mangyari ni Arman. Hindi na niya maalala ng mabuti kung paano siya nailabas ni Arman sa kwartong iyon isang gabi ng pagtakas. Nadaanan nila ang mga bantay na mga tulog sa isang lamesa na halatang nag-inuman.

"Anong ginawa mo?" tanong ni Juanita nang nasa harap na sila ng kotse ni Arman.

"Sumakay ka na, bago ka magtanong. Bilisan mo, baka may magising." kabadong si Arman.

Sinunod ni Juanita si Arman. Tulad ni Arman pinaghalong kaba at takot ang kanyang nararamdaman. At tila pang may nararamdaman siyang pagkirot sa kanyang pwerta. "Parang sumasakit ang..."

Napa-tingin si Arman kay Juanita. "Manganganak ka na yata. Kailangan nating makalayo muna rito. Tiis muna. Bibilisan ko ang pagmamaneho."

"Nakakaramdam pa lang naman ako. Malayo pa naman siguro."

"Huwag kang mag-alala. Magiging maayos ang panganganak mo."

Malayo-layo na rin ang natahak na daan nila Arman nang magreklamo na ng lubusan si Juanita sa sobrang sakit.

"Hindi ko na kaya Arman. Sobrang sakit na." Butil-butil ang pawis ni Juanita.

Minabuti ni Arman na itigil na ang sasakyan at kinuha ang gamit sa likuran ng kanyang upuan.

"Arman..." iyak ni Juanita. "Hindi ko na talaga kaya..."

"Oo ito na." binaba ni Arman ang sandalan ng upuan ni Juanita para makahiga ito ng maayos. Kahit masikip, pinagsikapan ni Arman na magawa niya ng maayos at may pagmamahal ang pagpapaanak kay Juanita.

Hindi na alam ni Juanita ang mga sumunod pang mga sandali. Nawalan na siya ng ulirat pagkatapos noon.
-----

"Jesse."

Agad napalingon si Jesse sa pinagmulan ng tawag na iyon. Kahit hindi naman siya lumingon, alam na niya kung sino iyon. "Jonas." naka-ngiti niyang sambit ng pangalan.

"Ihahatid na kita."

"Sige." Kumunot ang noo ni Jesse nang sa sakayan ng jeep sila pumunta. "Teka, hindi mo ba dala ang kotse mo?"

"Oo."

"Kaya naman pala." natawa si Jesse.

"Bakit?" nakangiting tanong ni Jonas.

"Akala ko lang na ihahatid mo ako gamit ang sasakyan mo."

"Ah... hindi ko dala. Mmm hindi ko talaga dinala."

"Ah..." saka napansin ang papalapit nang jeep. "Ayan na, sakay na tayo."

"Sige."
-----

"Hinahanap ko si Jessica." luhaang panimula ni Juanita sa isang babaeng alam niyang nagtatrabaho din sa supermarket na nasa harap niya ngayon. Ka-trabaho ni Jessica ang tinatanong niya. "Kagabi pa kasi hindi umuuwi."

"Po?" gulat at pag-alala ang reaksyon ni Sandra ang ka-trabaho ni Jessica. "H-hindi nga po siya pumasok ngayon eh."

"Hindi pa kasi siya umuuwi, simula kagabi. Hindi niya gawain na hindi umuwi ng hindi nagpapaalam. Kahapon pa ako naghahanap pero walang makapag-sabi kung nasaan siya. B-baka, nagtanan?"

"Nagtanan?" ulit ni Sandra.

"Baka may boyfriend na siya dito... wala naman akong maisip na ibang dahilan kung bakit hindi siya umuuwi."

Saglit na nag-isip si Sandra. "Boyfreind? Parang wala po siyang boyfriend dito. Si Jesse? Mukhang hindi naman niya boyfriend yun. Saka kung sila man, pumasok si Jesse, kaya imposiblena yun ang dahilan."

"Eh nasaan ngayon ang anak ko. Alalang-alala na ako. Dyan pa ba yung sinasabi mong Jesse? Gusto ko sana siyang maka-usap baka alam niya kung nasaan ang anak ko."

"Ay, naku po. Kakasakay lang ng jeep. May kasama ngang lalaki eh."

"Ganun ba?" Hindi napigilan ni Juanita ang mapahagulgol na nakatawag pansin sa mga nasa paligid na mga tao. "Sino pa ba ang kilala mong lagi niyang kausap, baka may alam sila kung nasaan ang anak ko. Pakiusap. Hindi ko na kaya ang mag-isip. Ayokong isiping may nangyaring masama sa kanya."

"Ah.. aling a-ano po... sa tingin ko po wala na pong ibang ka-close si Jessica maliban kay Jesse. Siya lang ang nakikita kong laging kausap ni Jessica." Gusto niyang aluin ang ginang perohindi niya alam kung paano.

"Paano ba? Pangalawang gabi na niya itong hindi umuuwi. Mamatay na ako sa pagaalala."

"Pasensiya na po. Wala po akong alam kung paano ko kayo matutulungan. Hindi  naman kasi kami close ni Jessica."

"Alam mo ba ang bahay nung Jesse? Kahit iyon na lang."

"Ay hindi rin po. Sorry po talaga." malungkot nitong sagot.

Parang nawalan na ng pag-asa si Juanita. Pagkatapos tumango-tango ay tumalikod na siya sa babaing pinagtanungan niya. Masikip ang dibdib niyang nilisan ang lugar na iyon.
-----

"Alam mo ba kung bakit hindi ako nagdala ng sasakyan?" tanong ni Jonas nang makababa sila sa kanto nila Jesse.

Napa-kunot noong napatingin si Jesse kay Jonas. "Bakit? Sira ba?"

Natawa si Jonas. "Hindi yun sira. Alam mo na, ayokong iwanan ang sasakyan ko dito sa kanto niyo."

"Tama. Buti alam mo ang gagawin mo." naka-ngiting sagot ni Jesse.

"Pero maliban doon, may iba pang dahilan."

"Ha?" napalingon uli si Jesse kay Jonas.

"Hindi ko kasi pwedeng iwanan ng magdamag dito."

Nanlaki ang mga mata ni Jesse. Na-get niya ang ibig sabihin ni Jonas. "So, sa bahay ka na naman matutulog, ha..."

"Oo. Ayaw mo?"

"O bilis na, para makapag-saing na ako. Wala tayong ulam kaya daan tayo sa lutong ulam. Ok?" masaya at excited na yaya ni Jesse.

Natawa si Jonas habang kinikilig. "Ok po."
-----

Nanonood si Ramon ng balita sa isang news cable channel. Agad nakuha ang buong atensyon niya nang ibalita ng babaing news anchor ang isang lalaking patay sa pagkakabaril sa ulo. Nagtangis ang mga bagang niya at halata ang galit nang iflash sa screen ang mukha ng lalaking nabaril sa ulo.

Kilala niya ang lalaki, ang kanyang tauhan. Naihagis niya ang remote control sa harapan ng t.v. Buti na lang at hindi mismo sa screen ng tv tumama kundi sa gilid lang nito.

"Dad?" takang tanong ni Justin kakapasok lang galing sa opisina.

Agad napa-lingon si Ramon. "Wala."

"Pero hinagis ninyo ang remote control ng t.v. Ibig sabihin, may ikinagagalit kayo. Pinapaalala ko lang Dad ang presyon ng dugo."

"Sabi ko nga wala. Ok lang ako. Umakyat ka na at mag-asikaso ng sarili mo. Iwan mo ako dito."

"Sige Dad."

Pigil ang sobrang galit na nararamdaman ni Ramon. Ayaw niya lang ipakita sa anak.

"Nasaan si Omar?" nagtatangis ang mga bagang niya. "Anong nangyari sa pinagagawa ko?" pagkatapos noon ay sunod-sunod na pagmumura ang sinambit ni Ramon.

Nakaramdam si Ramon ng paninikip ng dibdib.
-----

"Subuan mo ako." sabi ni Jonas kay Jesse nang nasa harap na sila ng lamesa at nagsisimulang kumain.

Natawa si Jesse. "May kamay ka, huwag maging tamad. Hindi ka na bata."

"Masakit kamay ko. Hindi ko maigalaw."

"Asus, kailan pa? Kanina kung makahawak sa kamay ko ang higpit-higpit."

Natawa si Jonas. "Minsan lang maging sweet, ayaw pa."

"Ah ganun ah?" natatawang sumandok ng kanin at ulam si Jesse sa plato. "O nganga."

"Ayoko nga."

"Ay, akala ko ba gusto mo akong maging sweet?"

"Mmm mukhang sasaktan mo ako eh." sabay tawa si Jonas.

"Nahalata mo pala." nakisabay ng tawa si Jesse. "Hindi na. Susubuan na kita ng may lambing dali."

"Sige." ngumanga si Jonas.

Ipinasok nga ni Jesse ang kutsara sa bibig ni Jonas. Ma-ingat.

"Mmm... sarap naman."

Natawa si Jesse sa reaksyon ni Jonas habang nginunguya ang pagkain. "Sarap ba? Kapit bahay ang nagluto niyan."

"Lalong sumarap dahil sa nanggaling sayo."

"Weh."

"Ikaw naman ang susunbuan ko." alok ni Jonas.

"Ako naman?"

"Oo."

"Ok." Saka ngumanga si Jesse. Tulad ng ginawa niya kanina. Maingat ding isinubo ni Jonas ang kutsara sa bibig niya. "Oo nga sarap nga." reaksyon niya.

"Ng luto ng kapit bahay." sabay tawa ni Jonas.

"Gaya-gaya."
-----

Patawid si Juanita sa kalsada, hindi niya napansin ang paparating na sasakyan dahil sa kawalan sa sarili kaka-isip sa nawawalang anak. Isang nakakabinging busina ang nakapagpagising sa kanya sa kawalan. Buti na lang at nakapreno agad ang nagmamaneho ng sasakyan. Isang dangkal na lang ang pagitan at mabubungo na siya.

Tulala si Juanita. Nanlalaki ang mga mata niya sa takot, kaba at pag-iisip na muntikan na siya sa katapusan. At para bang tumigil ang pag-ikot ng mundo. Hindi siya makagalaw.

"Ano ba?" sigaw ng lalaki nang dumungaw sa bintana. "Hindi ka pa ba aalis dyan? Magpapakamatay ka ba?"

Saka lang si Juanita natauhan at bumalik sa pinanggalingan. "Paumanhin." hingi niya ng tawad nang maka-alis sa harapan ng sasakyan.

Napa-kunot noo ang lalaki at mataman niyang tiningnan sa kadiliman ang babaeng muntikan na niyang mabangga. Parang pamilyar sa kanya ang babae. "J-juanita, ikaw ba yan?" Na-uutal niyang tawag nang mamukhaan ang babae.

Napa-angat ang mukha ni Juanita nang marinig niya ang kanyang pangalan nang sambitin ng lalaking muntikan nang maka-bangga sa kanya. Nagtataka siya sa kung bakit alam nito ang kanyang pangalan. Luhaang kinilala niya ang lalaking naka-dungaw sa bintana ang kotse nito.

"A-arman? Ikaw ba yan?" Tila kay bilis ng sandaling ma-suri ni Juanita ang mukha nito. "P-parang hindi ka tumanda Arman. Nananatili pa rin ang gandang lalaki mo kahit maraming taon na ang nakakalipas simula nang magkahiwalay tayo."


"Oo ako nga. At ikaw si Juanita?"

Tango ang isinagot kaagad ni Juanita.
-----

"M-may sinabi ba sayo si Marco?" tanong ni Jonas kay Jesse habang naka-upo sa gilid ng papag habang nag-aayos ng higaan si Jesse.

"Tungkol saan?" kunot-noong tanong ni Jesse. "Saka, hindi naman yata siya umuwi kaninang madaling-araw. Hindi pa kami nakakapag-usap. Bakit?"

"W-wala naman." saka ngumit si Jonas kay Jesse.

Hindi na, nagtanong pa si Jesse tungkol doon. Sa halip yayain na si Jonas na humiga. "Higa na."

"Sige."

Halos sabay silang mahiga. Halata sa dalawa ang excitement sa pagtatabing muli sa isang higaan. Agad na yumakap si Jonas kay Jesse at patanday niyang ipinatong ang isang binti sa binti nito.

"Ang bigat mo." reklamo ni Jesse. "Ako na lang kaya ang yayakap sayo?"

"Ayoko."

"Bakit?"

"Gusto ako naman. Nung nakaraan ikaw, kaya ako ngayon." sabay tawa.

"Parang ang babaw ng dahilan mo." natatawa ring si Jesse.

"Eh iyon naman talaga eh."

"Ok. Sana lang makatulog ako sa bigat mo."

"Mmm eh kung hindi kita patulugin?"

Natigilan si Jesse. Alam niya ang ibig sabihin ni Jonas. Biglang pumasok sa isipan niya na posible nga pala sa isang magkarelasyon ang saling "sex". "Pero paano?" tanong ng isip niya. Pwede ba siyang tumanggi? O gusto ba talaga niyang tumanggi. Ang nararamdaman niya ngayon ay pagsang-ayon, gaya ng pagtibok ng kanyang puso. "Pero papaano nga ba?"


"Natahimik ka?" tanong ni Jonas.

"W-wala." pinilit na ngumiti si Jesse kasabay ng pag-alis ng iniisip. "OK payag na ako."

"Na hindi kita patutulugin?"

"Tange, payag na akong ikaw mandagan ngayon." sabay tawa si Jesse. "Paanong hindi papatulugin? Kukuwentuhan mo ako?" maang-maangan niya.

Natawa si Jonas. "Magkukwento? Ano naman ang ikukwento ko?"

"Buhay mo. Oops... balik na naman tayo. Hindi mo pa sa akin sinasabi kung saan ka nagtatrabaho."

Si Jonas naman ang natahimik.

"Mm ikaw naman ang natahimik?" tanong ni Jesse.

"Paano kung sa bahay ko na lang ikaw tumira." nakita ni Jonas ang panlalaki ng mata ni Jesse sa suhestyon niya. "Doon mo na malalaman kung sino ako. At kung anong meron ako."

"Nakakatakot ka naman magsalita. Masyado kang siryoso."

Natawa si Jonas. "Hindi naman. Pero totoo. Gusto ko sa bahay ko na lang ikaw tumira."

"Ano ka ba? Paano na si Marco?"

"Sinabi ko na sa kanya."

"Ano? Bakit parang hindi ko alam?"

"Siya talaga muna ang kinausap ko, Jesse."

"P-pero... Ano ang sabi niya?"

"Ok lang daw sa kanya."

Natahimik muna si Jesse bago muling nagsalita. "Baka magalit ang magulang mo? Alalahanin mo, lalaki ako."

Ngumiti si Jonas. "Walang magagalit."

"Baka kung anong isipin nila sayo."

"Pakialam ko."

"Hindi naman tayo mag-asawa para sa inyo ako tumira."

"Kapag binuksan mo ang gate ng bahay ko sa pagtira mo doon, magiging asawa na rin kita."

"Ayos ah." natatawang si Jesse. "At may gate pala ang bahay niyo. Nagsisimula na akong mag-imagine."

"Sabihin mo lang ang pagpayag mo Jesse. Malalaman mo rin ang lahat, pangako."

Napa-tigil si Jesse sa pag-tawa at pagngiti. "P-parang natatakot ako, Jonas. Hindi pa ako handa. Ang bilis."

"Kasama mo naman ako Jesse. Ako rin naman eh. Sabay natin matututunan ang lahat ng bago sa atin, sa iisang bubong."

"Sigurado ka ba talaga sa sinasabi mo?"

"Oo, dahil mahal kita. Dalangin ko na ikaw na ang makasama ko habang nabubuhay ako, Jesse."

Namungay ang mga mata ni Jesse. Ang laki ng tama sa kanyang puso ang linyang iyon ni Jonas. "G-gusto ko rin, Jonas. Kaso... hayaan mo muna siguro akong makapag-isip."

Bumuntong-hininga si Jonas. "Sige."

Pagkatapos noon ay gumanti ng pagyakap si Jesse kay Jonas. Gusto niyang ipadama na mahal niya ang lalaki. Ngunit kailangan lang niyang humingi ng kahit kaunting oras para makapag-isip. Alam niyang hindi biro ang inaalok ni Jonas. Ang pagtira o paglipat na inaalok ni Jonas ay maaring wala namang anuman sa kanya pero ang ibig sabihin ng pagtira o paglipat sa bahay ni Jonas ang hindi pa niya mapagdesisyunan. Hindi pa siya handa sa relasyon sa iisang bubong.


[07]
Kanina pa tahimik si Juanita simula nang makasakay sa kotse ni Arman. Nakatingin lang siya sa labas at patuloy na nag-iisip sa kung ano na kaya ang kalagayan ng kanyang anak. Binasag ni Arman ang katahimikan ni Juanita.


"San ka ba pupunta?" tanong ni Arman nang hindi tumitingin dahil naka-focus siya sa pagmamaneho.

Napakurap si Juanita mula sa pagkakatulala nang marinig ang tanong ni Arman. Hindi niya alam kung anong isasagot kaya nanatili na lang siyang tahimik. Hindi namna dapat siya sasakay sana gaya ng alok ni Arman, pero napilitan na siya nang biglang pumatak ang ulan. Parang sinasadyang magkita sila sa pagkakataong iyon.

"Sobrang tagal na bago tayo muling nagkita." Pahayag nalang ni Arman ksa hindi pagsagot ni Juanita sa tanong niya kanina. "At parang sa muli nating pagkikita may dinadala ka na naman..." saglit na tumigil si Arman. "... na problema." sabay tawa. "Biro lang."

Huminga ng malalim si Juanita. "Hinahanap ko kasi ang anak ko. Kahapon pa siya hindi umuuwi. Hindi niya gawain ang hindi umuwi ng hindi nagpapaalam. Nag-aalala ako. Kagabi ko pa siya hinahanap pero walang makapagsabi kung nasaan siya." saka muling bumuhos ang mga luha ni Juanita.

Natigilan si Arman. Napa-isip siya. Saka nagbalik ang alaalang hindi na niya magawang makalimutan.
-----

Pawisan din si Arman habang hawak-hawak niya ang sanggol. Nagtagumpay si Juanitang ilabas ang bata sa kanyang sinapupunan sa tulong niya. Nangingiti siyang napagmamasdan ang umiiyak na sanggol sa kanyang bisig. Tinignan niya ang ina ng sanggol na mahmbing na natutulog sa sobrang hirap, sakit na dinanas sa pangangak kani-kanina lang.

Inilapag niya ang sanggol sa kanang bahagi ng upuan sa likod kung saan naka-upo si Juanita. Bahagya niyang inangat ang sandalan ng upuan ni Juanita para magkaroon ng hangin sa pwesto ng sanggol. Minabuti niyang isugod ang mag-ina sa malapit na hospital na alam niya.

Nang makarating sa hospital, tumawag agad siya ng nurse na mag-aasikaso sa pasyente. Ilang saglit lang nang may sumugod nang mga ilang tao para ilabas si Juanita sa kotse.

Nang mailabas na ang walang malay na si Juanita sa kotse ay agad nagpakilala si Arman na doktor. Pagkatapos ay kinuha niya ang sanggol sa kaliwang bahagi ng upuan sa bandang likuran ng kanyang kotse. At ibinigay iyon sa nurse.

Ilang sandali pang pakikipagusap para sa kalagayan ni Juanita, bayarin at kung ano pa mang pangangailangan, ay umalis na si Arman sa hospital na iyon.
-----

"Binalikan kita sa hospital na pinagdalhan ko sayo, Juanita pero nawala ka na." pahayag ni Arman nang magbalik na siya sa kasalukuyan.

Napa-tingin si Juanita kay Arman. "Natakot lang akong mahanap ako ni Ramon. Tutal bayad naman pala lahat sa hospital, minabuti ko nang hindi magtagal. Kaya ko na naman." sisigok-sigok na sagot ni Juanita.

"Simula noon, wala na akong balita sayo."

"Sinikap kong mabuhay ng tahimik malayo sa mga mata ni Ramon. Ayokong makuha niya ang anak ko. Pero, ngayon nawawala na si Jessica." muli na naman siyang pinukaw ng matinding pag-aalala para sa anak.

"Jessica pala ang pangalan ng anak mong babae."

Muling napatingin si Juanita kay Arman.

"Hayaan mo, tutulungan kitan hanapin ang anak mo, Juanita. Ibibigay ko sayo ang numero ko. Mas mabuti pang umuwi ka muna ngayon at mag-pahinga. Gabing-gabi na."

"Huwag na Arman. Masyado nang marami ang utang na loob ko sayo. Ayoko nang madagdagan. Ayoko na ring madamay ka."

Napa-buntong hininga si Arman. Biglang may kung sumundot sa kanyang konsensiya. "Ako nga dapat ang may utang na loob sayo, Juanita." hindi niya ito maisatinig. Nag-aalala siya sa posibleng mangyari kung maisatinig niya ito. Nag-aalala siya. "Tutulong ako. Kung noon nagawa kong itaya ang buhay ko at pagkakaibigan namin ni Ramon, bakit hindi ngayon?"

Hindi na sumagot si Juanita. Sa halip sinabi na lang niya ang daan pauwi sa kanila.
-----

Inaabangan ni Arl ang kanyang ama sa pagdating. Nasa terasa siya ng habang naghihintay. Halos isang oras na  siya doong nakatambay nang magliwanag sa likuran ng gate nila.

"Ang sasakyan ni Dad. Dumating na rin siya." nasabi ni Arl sa sarili. Wala naman siyang sasabihin sa ama. Pero may kung anong nag-uutos sa kanyang hintayin ang ama. Maya-maya pa ay nakita na niyang piangbuksan ng guard ang kanyang ama.

Sinalubong ni Arl ang ama ng makalabas ito ng sasakyan. Gulat naman si Arman ng makita ang anak sa kanyang harapan.

"Oh anak."

Nakangiting sumagot si Arl. "Hinihintay kita Dad."

"Ah... bakit may gusto kang sabihin sa akin?"

"Wala naman Dad. Gusto ko lang sigurong maglambing sa napaka-buti kong Dad."

Natawa si Arman. "O, naglalambing ka na. Approve na approve sa akin."

"Pasok na tayo Dad."

"Tayo na."

Habang naglalakad papasok. "Late ka yata ngayon, Dad?"

Natigilan si Arman. Ayaw niyang ipahalata ang kanyang pagkabigla. "Oo eh. Merong isang pasenyente kasi na mahirap paliwanagan." alibi ni Arman sa anak.

Natawa si Arl. "Bakit ano ba ang tungkol doon."

"Wala naman. Huwag mo na lang itanong." sabay tawa. "Kumain ka na?"

"Kakain na lang uli para may kasabay kang kumain, Dad."

"Nagpapataba ka ba?"

Tawa ang sagot ni Arl.
-----

"Matulog ka na nga?" reklamo ni Jesse kay Jonas sa pangungulit nito. Kinikili kasi siya. "Kapag ako na-late bukas..."

"Hindi na nga." awat ni Jonas sa sarili. Pagkatapos ay napa-titig siya sa mga mata ni Jesse. Napansin kasi niyang nakatitig ito sa kanya. "O bakit nakatitig ka sa akin?"

"Tinitignan lang kita kung siryoso ka?" natatawang sagot ni Jesse.

"Siryoso?"

"Wala."

Bahagyang binatukan ni Jonas si Jesse. "Kung ano-ano ang iniisip mo."

"Ang sakit ah." reklamo ni Jesse.

"Mahina lang."

"Masakit pa rin. Ano bang iniisip ko? Sinisigurado ko lang kung siryoso kang titigilan mo na ang pangingiliti sakin kaya ako nakatitig sayo." umirap si Jesse. "Baka kasi pagpikit ko na naman, sundutin mo na naman ang ilong ko eh."

Natawa si Jonas. "Oo siryoso ako. Sabi mo kasi eh."

"Buti naman."

"Bakit parang inis ka?" tanong ni Jonas.

"Hindi ah." niyakap niya ni Jesse si Jonas bilang patunay na hindi siya naiinis.

"Ang sarap mo namang yumakap."

"Oh dapat makatulog ka na."

"Hindi naman ako makakatulog nyan." Hinawakan ni Jonas ang kamay ni Jesse at dinala ito sa kanyang harapan. "Oh, di ba gising na gising." sabay tawa.

"Ay bastos." gulat ni Jesse nang masalat ang naninigas na harapan ni Jonas. "Adik."

Tatawa-tawa si Jonas nang bigla siyang pabirong hampasin ni Jesse ng unan. "Aray."

Si Jesse naman ang natawa. "Adik ka kasi."

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo ah." Pagkatapos ay itinanday uli ni Jonas ang kanyang binti kay Jesse. Sa pagkakataong ito pati hita niya ay pinatong niya kay Jesse.

"Ang bigat mo Jonas." reklamo ni Jesse.

"Isa."

Sumagot naman si Jesse. "Dalawa." sabay tawa. "Sinasabi ko talaga sayo kapag ako na-late bukas. Kawawa ka sa kin."

"Paanong kawawa? Sa hirap, o sarap?" sabay tawa.

"Ay adik."

Pareho silang nagkatawan. Hindi pa natapos ang pang-aasar ni Jonas sa nakikisakay na si Jesse. Kapwa humihingal nang matahimik ang dalawa.

Nang makabawi si Jonas. Muli siyang tumagilid paharap kay Jesse. Saka ito tinitigan.

"Bakit?" tanong ni Jesse.

"Gusto ko lang magtanong. Kaya lang parang hindi magandang pag-usapan."

"Ang alin?"

Saglit na nag-isip si Jonas. "Mahal mo ba ako?"

Natawa si Jesse. "Ano bang klaseng tanong yan?"

"Sagutin mo na."

"Oo. Siyempre. Matagal mo nang alam di ba? Hindi ka ba sigarudo?"

Ngumiti ng maluwang si Jonas. "Hindi naman, gusto ko lang maging sa itatanong ko. Alam ko naman mahal mo ako eh. Mahal na mahal na mahal mo ako. Yung tipong, pag-iniwan kita eh hindi mo kakayanin-"

"Kapal ah..." nakangiting pambabara ni Jesse.

"... yung mababaliw ka pagkatapos." pagpapatuloy ni Jonas. "Hindi mo talaga kakayaning mawala ako. Kasi ako na lang ang pinaka pogi sa mundo. Kaya ayaw mo na akong mawala-"

"Sobra na ang hangin ah..."

"... kaya nga siguradong sigurado ako sa pagmamahal mo. Hindi mo ako magagawang iwan." sabay tawa.

"Hmmm.. wala ako masabi. Bigla akong kinalabutan. Pramis."

Natawa si Jonas sa mga sinabi ni Jesse. Hindi siya apektado sa pambabara nito. "May gusto nga kasi akong itanong since mahal mo ako." biglang seryoso niyang pahayag.

"Mmm ano ba kasi yun?" mataman namang naghihintay si Jesse.

"Kasi... kasama na sa isang relasyon ang-" hindi maituloy ni Jonas ang gustong tumbukin. "...tulad natin."

"Na..." naghihintay si Jesse.

"Tulad natin may relasyon tayo. So, dadating tayo sa point na mag-."

"Mag?" kumunot ang noo ni Jesse.

"Mag ano. Yun, alam mo na. Yung ano... Hay.." napakamot sa ulo si Jonas. "Ang hirap naman sabihin." sabay tawa. "Huwag na nga tulog na tayo. Pipikit na ako huwag mo na ako kausapin. Ma-late ka pa bukas."

Hindi alam ni Jesse kung maiinis o matatawa. Ganun din ang mukha niyang hindi mawari kung lukot dahil sa nabitin o lukot dahil pigil sa tawa. "Tigan mo 'to ang lakas mangbitin. Kasama ba yan sa pang-aasar mo? Hmmm o siya matulog ka na nga lang." Niyakap na lang niya si Jonas.

Alam ni Jesse ang ibig sabihin ni Jonas pero ayaw niyang sumagot kaya nagmaang-maangan siya sa ibig sabihin kanina ni Jonas. Tungkol sa SEX. Oo nga, naisip din niya. Dadating din sila sa point na yun dahil may relasyon sila at ang matibay pa roon pareho silang nag-iisip sa pagpapatuloy ng kanilang relasyon kaya imposibleng maiwasan nila iyon.

Napa-buntong hininga na lang si Jesse. Ayaw na niyang mag-isip tungkol doon ni Jesse dahil kung na nakakarating ang iniisip niya. Nakakaramdam lang siya ng... Napa-ngiti si Jesse. "Ayoko nga." sabay hagikgik.

"Natatawa ka dyan?" takang tanong ni Jonas.

"Wala. Matulog ka na." Saka pumasok sa isip niya si Jessica. "Kamusta na kaya si Jessica?"
-----


"Mga gago! Wala sa inyong makapagsabi kung nasaan si Omar?" Galit na galit si Don Ramon habang kausap ang mga tauhan niya sa isang malaking van patanghali na nang makipagkita siya sa mga ito.

"Wala po talaga bossing." sagot ng lalaking  nasa likuran niya.

Nakaupo si Ramon sa tabi ng driver seat. "O ano ang dapat ninyong gawin?"

"Hahanapin boss." sagot agad ng lalaki.

"Huwag kayong magpapakita sa akin hanggat wala kayong maibabalita kung nasaan si Omar. Mga gago." pagkatapos ay lumabas na si Ramon sa van.

"Kaka-sagap ko lang ng balitang pinaglalamayan na ng mga langaw si Gary sa balita." natatawang sabi ng driver ng van nang makaalis si Don Ramon.

"Ako, kagabi pa. Pero tayo ang napapagbuntunan ng galit ni Bossing." sagot naman ng isa pang lalaki.

"Eh si Omar kaya?"

"Yun ang aalamin natin. Aba, posibleng siya ang pumatay kay Gary."

"Oo."
-----

"Dad saan ka pupunta?" tanong ni Arl sa ama nang makitang hindi ito naka-suot ng nakagawiang polo o long-sleeve at slacks kapag papasok ito sa ospital. "Mukhang gala lang ang punta niyo ah." biro niya sa ama. "Polo-shirt at maong pants."

Natawa si Arman. "Hindi. Naisip ko lang anak."

"Uhuh. Bago ha?"

"Bakit, pangit ba? Hindi ba bagay sa akin?"

"Hindi naman Dad. Bagay sayo. Bumabata. Nagtaka lang naman ako. Akala ko may pupuntahan ka maliban sa ospital."

"Ah... wala anak. Sa ospital ako."

"Sige ingat ka Dad."

"Oo. Ikaw rin. Wala ka bang lakad ngayon?"

"Wala po."

"Sige aalis na ako. Siya nga pala, kung maisip mong puntahan ako sa ospital, ipagpaliban mo muna ngayon ah. Baka  hindi kita maasikaso."

"Sige po Dad."

Pagtalikod ni Arman ay namang kunot ng noo ni Arl. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nagtaka at parang hindi naniniwala sa sinasabi ng kanyang ama. Napa-iling na lang siya.
-----

"Nagkita na ba kayo ni Ramon?" tanong ni Arman kay Juanita sa loob ng sasakyan. Hindi pa umaandar ang sasakyan. Pareho pa lang silang nag-iisip kung saan maaring pumunta.

"Oo. Isang buwan pa lang ang nakakaraan."

Napa-tingin si Arman na halatang desididong marinig ang karugtong ng sasabihin ni Juanita. Hindi siya makapaghintay. "Anong nangyari?"

"Tulad ng dati. Hindi pa rin nagbabago. Umaalingasaw pa rin ang kasamaan niya."

"Anong sinabi niya sayo?"

"Wala naman."

"Nalaman ba niya ang tungkol sa anak mo?"

"Oo, nasabi ko."

"Maaring siya ang may dahilan kung bakit nawawala ngayon si Jessica."

"Yun din ang naiisip ko pero, ayoko isipin yun."

"Kailangan din nating alamin Juanita. Para makasiguro tayong wala siya sa kamay ni Ramon."

"Paano natin aalamin?"

Sa halip na sumagot, pinatakbo ni Arman ang sasakyan.
----

Break time na ni Jesse. Nakatayo siya sa labas ng locker room ng mga workers. Paharap sa pintuan papuntang office ng mga head ng supermarket.

Pakiramdam niya, hindi siya nagugutom. Nag-iisip tuloy siya kung pupuntang karenderia para kumain o magtatambay na lang sa isang bench na lagi niyang inuupuan. Napasimangot tuloy siya nang hindi kaagad makapagdesisyon.

Minabuti na lang niyang maupo muna sa bench na tinutukoy niya at doon mag-iisip. Sa pagtalikod niya hindi niya napansin ang lalaking lumabas sa pintong kaharap niya kanina. Halos nasa likuran lang niya ang lalaking lumabas sa pintong iyon.

"Bilisan mo ang paglakad."

Nagulat si Jesse nang marinig ang baritonong boses na iyon sa kanyang likuran. Hindi kasi niya inaasahang may kasunod pala siya. Sa biglang paglingon niya agad siyang napaatras dahil halos wala na yata sa isang dangkal ang layo nila sa isat' isa. Muntikan pa niya itong mabunggo sa paglingon niya.

"S-sorry Sir." agad na paumanhin ni Jesse nang mapagtantong ang boss pala niya ang nalingunan niya.

"Nakakadalawa ka na." ani James sa walang makikitang kahit anong damdamin sa mukha.

Naalala ni Jesse ang una nilang pagkikita nakaraang araw lang. "Oo nga po eh."

"Po?" nakatitig na tanong ni James kay Jesse. "Sabagay, boss mo ako kaya dapat mo akong galangin." Pagkatapos ay nilagpasan na niya si Jesse.

"Pasensiya na uli Sir." Habol niya sa nauna nang boss niya. Hindi na ito lumingon pa. Halatang hindi interesado sa paghingi niya ng paumanhin. Bigla siyang napa-isip. "Galit ba yun? Masyadong siryoso. Walang reaction ang mukha." Pero kasunod noon ay ang pag-ngiti. "Iba ang pabango ni Sir ngayon ah. Hindi tulad nung una. Pero, hmmm... parang naiiwan sa akin ang amoy." natawa siya. "Ano kaya ang pabango niya?" naisatinig niya. "Mahal siguro yun. Hay naku, maka-upo na nga."


[08]
"Ano 'tong papasukan natin?" tanong ni Juanita nang mapansin niyang papasok sila sa isang gate. Tingin niya sa papasukin nila ay napakalawak na lugar.


Hindi muna sumagot si Arman. Hinintay muna niyang maaprobahan ng guard in-charge ang kanilang pagpasok sa lugar na iyon. Nang magbigay na ang guard ng permisong makapasok ang sasakyan nila saka sumagot si Arman. "Alam kong dito natin makikita si Ramon. Madalas siyang maglaro ng golf kaya malamang narito siya ngayon. At sa oras na ito, malamang din na nasa food iyon ngayon."

"Kakausapin natin siya?"

"Hindi naman. Siguro ako. Pero ikaw, hindi ka muna magpapakita."

"Anong sasabihin mo. A-anong gagawin mo?"

"Hindi ko pa nga rin alam. Pero, malakas ang kutob kong may kinalaman siya sa pagkawala ng anak mo."

Natahimik si Juanita. Bumuntong hininga na lang siya. Minabuti na lang niyang magtiwala kay Arman.

Halos hindi na matandaan ni Juanita kung saan sila pumasok. Bago kasi makarating sa dikit-dikit na maliliit na restaurant sa loob ng golf club maraming paliko-likong malalawak na daan muna sila nagsuot. Hanggang sa tumigil na nga ang kanilang sasakyan.

"Juanita, dito ka lang muna. Titignan ko sa restaurant na iyon si Ramon. Maghintay ka lang dito."

"Sige."

"Huwag kang lalabas kahit anong mangyari."

"Oo. Mag-iingat ka."

"Oo." Pagkatapos nun ay lumabas na si Arman.

Nakikita ni Juanita ang papaalis na si Arman papunta sa isang restaurant sa kabilang banda. Dahil puro salamin ang dingding ng restaurant na iyon, kahit papaano, nakikita niya ang mga galaw ni Arman sa loob niyon. Hindi nga naging lingid sa kanya ang makitang kausap ng ani Arman si Ramon sa loob ng restaurant na iyon. Para sa kanya hindi nga nagkamali si Arman na makikita si Ramon sa lugar na iyon.
-----

"Akala siguro ni Dad, nakalimutan ko na ang pangalan ng tunay kong ina na sinabi niya sa akin nung bata pa ako."

Ito ang naipahayag ni Arl sakay ng sarilig kotse. Kahapon pa siya nagsimulang hanapin ang kanyang tunay na pamilya. Hindi namna kasi sa kanya nagsinungaling ang tumatayong ama na si Arman sa tunay na pagkatao niya. Pero habang lumalaki siya hindi siya naghanap ng kalinga ng tunay na magulang. Kontento na siya sa pagmamahal na ibinibigay sa kanya ng ama-amahan.

Pero ang akala niyang hindi na niya gagawin ay dumating na. Ilang araw pa lang ang nakakalipas ng simulang guluhin ang kanyang isipan na hanapin ang tunay na ina. Simula nang makita niya ang kanyang tunay na ama kamakailan lang.

Hindi na niya kailangang hanapin ang kanyang tunay na ama. Dahil simula't sapul lagi na niya itong nababalitaan dahil kilalang tao ito. Pero hindi siya nakaramdam ng kasabikang makilala ito ng personal dahil sa alam niyang ginawa nito noong nasa sinapupunan pa siya ng kanyang ina. Maaring galit ang nasa puso niya hindi ang pagmamahal.

Ang gusto niya ngayong makita ang kanyang ina at kanyang kapatid. Ang kanyang kakambal. Sinabi sa kanya ng kanyang ama na babae ang naging kakambal niya.

"Alam ko nga ang pangalan ng aking ina, pero saan ko naman hahanapin?" Wala talaga siyang ideya. Hinahayaan lang niyang umandar ang kanyang sasakyan at kung saan makapunta ito. Minsan, nangingiti siya kapag napapatingin sa mga ibang kananayan at iisiping, "paano kaya kung ito pala ang aking tunay na ina? Nagkita na pala kami, tapos hindi ko man lang nakilala." pagkatapos ng ngiti mapapalitan ito ng lungkot. "Ano na kaya ang kalagayan ng aking ina? Ang kapatid ko kaya? Sigurado ako, magandang babae ang aking kapatid." Mapapa-buntong hininga na lang siya pagkatapos.
----

"Anong sabi?" tanong agad ni Juanita nang bumalik na si Arman sa kotse.

"Wala pa naman akong sinasabi tungkol sa iyo o tungkol sa nawawala mong anak." sagot agad ni Arman nang makaupo sa driuver's seat. Napansin ni Arman ang mukha ni Juanita na biglang nawalan ng pag-asa. "Pero ramdam ko sa kanyang may itinatago siya. Nakikita ko sa mga mata niyang may kung anong iniisip siya lalo na ng makita ako."

"Teka, paano pala kayo naging maayos ni Ramon? Di ba, alam niyang ikaw ang nagtakas sa akin kaya nabulilyaso ang plano niya na ilayo sa akin ang anak ko."

"Dahil sa tagal na ng panahon bago uli kami nagkita. Nabawasan na ang galit niya sa akin. Kaya nang nagpaliwanag ako sa muli naming pagkikita, hindi na siya nagreact pa tungkol doon."

"Bakit anong sinabi mo?" tanong agad ni Juanita.

"Sinabi kong, kinailangan kong dalhin ka sa ospital dahil sa maselang panganganak mo. Sinabi kong mamamatay ka kapag hindi kita dinala sa ospital. Hindi na siya sumagot. Alam ko kasing wala siyang pakialam sa sanggol na iluluwalm mo. Pero sayo..." binuhay muna ni Arman ang makina ng sasakyan. "... pero sayo meron."

Ang mga huling salitang sinabi ni Arman ay paulit-ulit na kumuliglig sa kanyang tenga. "Hindi na siya nagtanong sa bata?"

"Hindi na."
-----

"Kamusta?"

Muntikan nang mabilaukan si Jesse nang malingunan si Jonas sa likuran niya. Kasalukuyan siyang kumakain ng  tanghalian sa isang karenderyang malapit sa supermarket na pinagtatrabahuan niya.

"Bakit nandito ka? Wala kang pasok?" nanlalaki ang mga mata ni Jesse sa gulat. Hindi niya inaasahan.

"Nakakatakot ka naman. Ayaw mo akong makita?" si Jonas na nakatayo pa rin sa tabi ni Jesse.

"Umupo ka nga." alok ni Jesse at nang maka-upo na si Jonas, "nagulat lang kasi ako. Hindi ko inaasahan."

Bahagyang natawa si Jonas. "Gusto kitang makita eh."

"Kagabi lang magkasama tayo. Tapos, gusto mo na naman akong makita. Baka magsawa ka na sa akin niya." biro ni Jesse.

"Sinong magsasawa?"

Napa-ngiti si Jesse. "Siguro yung kapit-bahay namin. Magsasawa sayo kakadalaw." sabay tawa ng malakas. Napansin ni Jesse nag tiningan sa kanya ang ibang mga kumakain sa loob ng karendiryang iyon. Nakaramdam siya ng hiya.

"Hindi mo ako papakainin?" nakangiting tanong ni Jonas.

"Ay oo nga pala. Kain Jonas. Dali, ioorder kita."

"Ako na. Sandali." Tumayo si Jonas at pumunta sa estante ng naka-display na ulam.
-----

"Saan na tayo pupunta?" tanong ni Juanita nang tinatahak na nila ang palabas ng golf club na iyon.

"Uuwi muna tayo sa bahay ko. Mataas na ang araw. Sigurado akong nagugutom ka na. Saka gusto kong makilala mo si Arl, ang anak ko."

"H-ha? Dadalhin mo ako sa inyo? Baka kung anong isipin ng asawa mo?"

Natawa si Arman. "Wala na akong asawa, matagal na. Si Arl lang ang naroon kasama ang ilang mga kasambahay."

"Hindi ba nakakahiya?"

"Wala kang dapat ikahiya."
-----

"Susunduin kita mamaya." pahayag ni Jonas habang kumakain sila.

"Hindi pa nga tayo tapos kumain, naghahabilin ka na agad."

"Para hindi ko makalimutan."

"At sa bahay ka na naman matutulog?"

"Oo. Gusto ko na rin kasi sanang maka-usap si Marco."

"Bakit? Hindi nga umuwi iyon kanina. Lagi na lang yun straight sa trabaho niya. Pero kung gusto mo talaga siyang maka-usap, try mo ngayon sa bahay baka naroon na iyon ngayon. Hindi lang siguro kami nagpangabot."

"Hindi. Gusto ko naroon ka."

"Ikaw na lang nga ang bahala."

May naiisip si Jonas. "Si Marco, hindi pa umuuwi. Siguro may pinatatrabaho naman si Tito Ramon sa kanya. Tsk Tsk Tsk... Kailangan ko na talagang ilayo si Jesse kay Marco. Baka dumating ang araw kasama na si Jesse sa mga pwedeng gamitin ni Tito laban kay Marco pag nagkataon."
-----


"Manang, si Arl?" tanong ni Arman sa kasambahay na may edad na nang makapasok sila sa bahay. Nasa likuran lang niya si Juanita.

"Umalis kanina pa, nang umalis kayo."

Nagkunot noo si Arman. "Hindi ba sinabi kung saan pupunta?"

"Wala. Pero sabi niya babalik din agad siya."

"Sige. May naluto na ba kayong maari nating pangtanghalian? May kasama kasi ako, si Juanita. Kaibigan ko."

"Magandang tanghali sayo, Ma'am." bati ng kasambahay kay Juanita.

Nailang naman si Juanita sa pagtawag sa kanya ng Ma'am. "Ganun din sayo."

Tumingin uli ang kasambahay kay Arman. "Nagluto lang ako ng para kay Arl. Hindi ko kasi naisip na darating pala kayo ngayong tanghali. Bibilisan ko na lang ang pagluluto."

"Sige. Makakapaghintay pa nama kami." sagot ni Arman. "Bigyan mo pala ng makakain muna si Juanita." habol niya sa papaalis na kasambahay.
-----

Minabuti na lang ni Arl na bumalik sa bahay. Nagugutom na rin kasi siya. Wala naman din kasing mangyayari sa ginagawa niya. Ayaw niyang magtanong-tanong. Papasok na siya sa pinto ng bahay nang salubungin siya ng kasambahay nila.

"May bisita ang Daddy mo. Kanina ka pa nga hinihintay. Naroon na sila sa dining area."

"Kanina pa sila?"

"Kanina pa sila pero hindi pa nagsisimulang kumain."

"Sige po." Pagkatapos ay iniwan na niya ang kasambahay. Dire-diretso siya sa dining area at agad niyang nakita ang kanyang ama. Pero ang sinasabi nitong kasama ay naka-upong patalikod sa kanya kaya hindi pa niya ito nakikita sa mukha.

"Arl, anak." nakangiting tawag ng ama nang makita siya.

"Dad. Narito ka pala."

"Oo anak Maupo ka na at sumabay ka na sa amin ni Juanita." tinitignan ni Arman kung ano ang magiging reaksyon ni Arl kapag nakita nito ang mukha ng ipinakilala niya.

Lihim na nagulat si Arl nang marinig ang pangalang Juanita. Agad niyang tinignan ang mukha nito nang maka-upo. "Magandang tanghali po." bati niya kay Juanita.

"Magandang tanghali din sayo. Sana welcome ako sayo dito." nahihiyang pahayag ni Juanita.

"Oo naman po. Wala sa akin yun. Kaibigan ka naman ni Dad."

"Oo Arl. Kaibigan ko si Juanita noon pa. Ngayon nga lang kami nagkita uli eh." singit ni Arman sa usapan.

"Ganun po ba Dad? Kamusta naman po ang muling pagkikita?"

"Ito ang daming kwento na dapat pag-usapan kaya nga dinala ko muna dito para makapagkwentuhan naman ng matagal tagal."

"Uhuh." saka kay Juanita tumingin si Arl. "Feel like at home lang po, T-tita Juanita."

Ngumiti lang si Juanita kay Arl bilang sagot. Nahihiya siya. Pero kanina pa niya tinititigan ang mukha nito. Nangingiti siya kapag naaalala ang mukha ng anak na si Jessica sa mukha nito. "Ang gwapong bata." paghanga niya kay Arl. "Kung hindi lang siguro maikli ang buhok ng batang 'to, tiyak na kamukha ito ni Jessica ko." bigla niyang namiss ang anak. Minabuti na lang niyang huwag muna iyong isipin. Tinigilan na niya ang pagtingin sa mukha ni Arl. Mas maiging ituon muna niya ang atensyon sa mag-ama.

"Ayan na ang pagkain. Kumain na muna tayo." yaya ni Arman sa dalawa.

"Kain lang po ng mabuti, Tita." sabi ni Arl sa kaibigan ng Dad niya.

May kasiyahang nararamdaman ngayon si Arl nang makita si Juanita. Siguro dahil sa ngayon lang nagdala ng babae ang kanyang ama sa kanilang bahay. Binata ang kanyang ama at wala na raw balak pang mag-asawa. Tama na siya na lang ang kasama nito sa buhay hanggang sa mamatay daw ito.

Pero may isa pa siyang dahilan. Dahil kapangalan ni Juanita ang pangalan na sinabi ng kanyang ama noon ng kanyang tunay na ina. "Umaasa ba akong siya ang tunay kong ina? Bakit parang wala akong maramdaman kay Dad na si Tita Juanita ang maari ko ngang ina. Kapangalan lang siguro."
-----

"Teka, hindi ko pa nga pala nasasabing hindi pumasok si Jessica, pangalawang araw na niya ngayon." balita ni Jesse kay Jonas nang nag-aabang na sila ng jeep, gabi para maka-uwi.

"Kaya pala hindi ko napapansin." sagot ni Jonas.

"Oo. Nagtataka nga ako eh. Hindi rin ako pinapansin noon noong huli kaming magkita. Iniisip ko ngang ako ang dahilan kung hindi yun pumasok."

"Hindi naman siguro Jesse."

"Kung alam mo lang kasi Jonas ang nangyari noong nag-outing tayo." Hindi iyon isinatinig ni Jesse kay Jonas. Nagulat si Jesse nang biglang may lumapit kay Jonas na isang babaeng may edad na.

"Di ba, ikaw si Jonas?" tanong agad ni Juanita nang makalapit kay Jonas.

"Opo. At kayo naman ang nanay ni Jessica." Kilala niya ang nanay ni Jessica nang sunduin ni Jonas si Jessica noon para sa outing nila. Ipinagpaalam pa kasi niya ang dalaga sa ina.

Hindi na napigilan ni Juanita ang maiyak. "Hindi pa kasi nauwi si Jessica pangatlong gabi na ngayon. Baka alam niyo kung nasaan ang anak ko."

"S-si Jessica po?" singit ni Jesse. "Hindi umuuwi?"

Napa-tingin si Juanita kay Jesse. "Ikaw ba si Jesse ang kaibigan din ni Jessica?"

"Opo." sagot ni Jesse.

"Wala po akong alam, Aling Juanita." singit naman si Jonas. "Sa totoo nga lang po, ngayon ko lang nalaman na , hindi pala pumapasok si Jessica."

"At ngayon ko lang rin pong hindi pa nauwi si Jessica." sabi naman ni Jesse.

"Hindi ko alam kung nasaan ang anak ko. Nung isang gabi ko pa siya hinahanap. Wala ba kayong alam kung bakit siya hindi umuuwi. Wala naman sanang masamang nangyari sa kanya.

"Wala po." halos sabay pang sagot ng dalawa.

Napakunot noo si Jonas nang mapansin ang papalapit na lalaki. "Tito Arman?"

Nagulat din si Arman nang mapag-sino ang tumawag sa kanyang pangalan. "Jonas? A-anong ginagawa mo dito?" saka napa-tingin si Arman sa paligid. "Ay alam ko na kung bakit." napangiti siya. "Ako pala ang dapat mong tinatanong kung bakit ako ang naririto."

Natawa si Jonas habang si Jesse ay naguguluhan sa usapan ng dalawa. "Magkakilala sila." Sabi ng utak ni Jesse.

"Oo nga po, tito Arman, ano po ang nagdala sa inyo dito?" tanong ni Jonas.

"Sinasamahan ko si Juanita. Hinahanap namin ang anak niya."

"Magkakilala pala kayo ni Aling Juanita." pahayag ni Jonas habang mataman lang nakikinig si Jesse.

"Oo Jonas. Noon pa. Noong..." tumingin muna si Arman kay Juanita. "Noong sila pa ng Dad mo."

"Dad ko?" nakangiting tanong ni Jonas.

"Si Ramon."

Natawa si Jonas. "Hindi ko siya ama, tito Arman, remember?"

"Sabi ko nga Jonas. So ano, may alam ba kayo tungkol kay Jessica?"

"Wala po Tito Arman." sagot ni Jonas.

Kay Juanita nagsalita si Arman. "Kung wala talaga silang alam, maaring ang iniisip ko ang posibleng nangyari Juanita."

Walang masabi si Juanita. Patuloy lang itong tahimik na umiiyak. Si Jonas naman ay napakunot-noo sa hindi maitindihang ibig sabihin ni Arman. Habang gulong-gulo si Jesse sa mga naririnig sa usapan ng dalawang lalaki.  Nahihiwagaan siya sa pagkatao ni Jonas.

"Saan kayo papunta?" tanong ni Arman.

"Pauwi na nga po sana." sagot ni Jonas. "Ay siya nga po pala, Tito Arman si Jesse. Jesse si Tito Arman."

"Ikinagagalak ko po kayong makilala." bati ni Jesse saka iniabot ang kamay.

"Ako rin sayo." iniabot ni Arman ang kamay  nito. "Sige, ihahatid ko muna si Juanita sa bahay nila. Kayo saan ang daan niyo?"

"Mukhang makikisabay na kami, tito Arman." natatawang si Jonas.

"Sige. Maganda nga yun."
-----

"Teka lang Jonas, matanong nga kita." may naisip na itanong si Arman kay Jonas habang nasa sasakyan sila.

"Ano po iyon."

"Kamusta pala ang kuya Justin mo?"

"Ayun po, tutok sa pagpapatakbo ng business nila." Biglang napa-tingin si Jonas kay Jesse na naka-kunot ang noo sa kanya.

"Nagkita ba kayo kanina?"

"P-po?" biglang nautal si Jonas sa tanong. "H-hind po."

"Hindi? Bakit naroon ka?"

Natawa si Jonas. Pinagpapawisan siya. "Wala lang po."

Natawa si Arman sa sagot ni Jonas. "Mina-manage mo rin ba ang business ng pamilya mo? Ni Ramon?"

"Hindi po."

"Hmmm ano ang pinagkaka-abalahan mo ngayon?"

"A-h..." napatingin uli siya kay Jesse. Pero sa pagkakataon iyon sa iba na nakatingin si Jesse. Naka tingin na ito sa labas ng bintana. "Nagtatrabaho po ako ngayon sa bangko ni Ninong."

"Ninong?... Si Mr. Robledo?"

"Opo."

"Di ba, may share ang tunay mong ama doon? Wala na kasi akong balita sa ama mo simula noong..."

"Ok lang po yun Tito Arman. Opo may share of stock ang ama ko sa kumpanya." Napa-tingin si Jonas kay Jesse nang maramdamang napa-tingin ito sa kanya. Nagbawi din agad ng tingin si Jesse ng pairap.

"Eh si Tito Ramon mo, kamusta na? Gusto ko sanang makibalita." tanong uli ni Arman.

"Ay matagal na po akong wala sa bahay. Hindi na po ako doon tumitira tito."

"Ah ganun ba? Minsan pala dumalaw ka sa bahay, maka-usap mo naman si Arl."

"Oo nga pala. Kamusta na si Arl. Wala na akong balita kanya."

"Ayun graduate na. Ayaw sundan ang karera ko. Mas gusto ang business tulad ng..." biglang natahimik si Arman muntikan na siyang madulas. Napa-tingin siya kay Juanita na nakatingin sa bintana.

"Tulad po ng?"

"Wala Jonas. Huwag mo nang isipin yun." sabay tawa.

"Tito Arman, sa kanto na lang po."

"Ah sige. Basta ang bilin ko sayo ha. Dumalaw ka sa bahay para makapagkwentuhan naman kayo ni Arl."

"Opo."
-----

Tahimik lang si Jesse simula ng makababa sila sa sinakyan nilang kotse. Hanggang sa maka-pasok sila sa tinitirahan niya.

Ramdam ni Jonas ang pananahimik ni Jesse. "Jesse, sorry."

"Bakit?"

"Sa mga narinig mo kanina."

"Wala naman yun..." pa sarkastikong sagot ni Jesse. "Yung mga narinig kong... kamusta na ang kapatid mong si Justin. Ayun tutok sa pagpapatakbo ng business. Isama mo na rin yung ano... yung pa share-share na kung ano man yun sa bangko. At Ok lang naman sa akin na para bang tanga na nag-iisip ng family tree mo kanina na kesyo may tito Ramon ka na hindi mo naman ama, na namatay ang tatay mo... Alam mo Jonas, kanina, para akong nalulunod sa kawalan ng alam sa pagkatao mo..."

"Kaya nga nagso-sorry ako."

"Wala nga yun Jonas." Ewan ba ni Jesse na kung bakit bigla na lang siyang napaluha. "Sinabi ko naman sayo na magtitiwala ako sayo. Ok lang kahit hindi mo muna sabihin ang tunay mong pagkatao. Kahit ganoon minahal kita, nagtitiwala ako. OK lang, mahal kita eh. Kaya lang para sa akin nagmumukha akong tanga kanina. Sana naman nag-ingat ka sa mga sinasabi mo. Masyado mo akong nagimbal Jonas. A-ang akala ko, nagtatrabaho ka bilang janitor. Alam mo bang yun ang iniisip ko." natawa si Jesse na pilit. "Kahit na may kotse ka. Iniisip ko na lang na hiniram mo lang iyon. Na kagaya lang kitang isang kahig isang tuka. Pero kahit ganoon, mahal kita.

Pero nang marinig kong, mayaman ka pala..." saglit na natahimik si Jesse. "Bigla akong nanliit, Jonas. Ang layo mo pala sa akin. Isa ka pala sa mga taong mataas na mahirap abutin. Parang... parang, hindi kita kilala."

"Jesse..." hindi alam ni Jonas kung paano magpapaliwanag. "S-sige... isara mo na lang ng maigi ang pinto. I-lock mo ha.." malungkot na paalala ni Jonas kay Jesse saka tumalikod.

"Oh san ka pupunta?" tanong agad ni Jesse.

"Masama kasi loob mo eh. Hahayaan mo na sana kitang mag-isip. Baka lalo ka lang mainis sa akin kaya aalis muna ako. Babalik na lang ako bukas."

"Bakit pinapaalis ba kita?"

"K-kasi..."

"Ano?"

"Ok." Umupo si Jonas sa sofa. "Sige dito na lang ako matutulog. Pahiram na lang ng unan."

"Sino na naman may sabi?"

Napa-titig si Jonas kay Jesse at siryosong nagsalita. "Baka kasi manakit ka mamaya sa galit. Kaya dito muna ako matutulog?"

Dahil sa sinabing iyon ni Jonas napabunghalit ng tawa si Jesse. "Adik ka. Ikaw ang nananakit dyan." Napa-ngiti na rin si Jonas. Tumayo para tunguhin ang kwarto ni Jesse. "Oh san ka naman pupunta?" tanong uli ni Jesse nang malagpasan ni Jonas.

"Sa kwarto mo. Matutulog na."

"Hindi ka na kakain?"

"Hindi na. Ikaw ang gusto kong kainin." At tuluyan nang naglaho si Jonas papasok sa kwarto ni Jesse.

Naiwan si Jesse na nakangiti. "Kapag pinakikinggan ko ang sinasabi ng puso ko, sinasabi nitong kahit maging sino ka pa, mamahalin kita. Ok lang, kahit malabo ang pagkatao sa ngayon. Ang mahalaga mas naguumapaw ang pagmamahal ko sayo. Hoy, kumain ka muna kaya?" bigla niyang naisigaw.

Pero walang sumagot mula sa kwarto niya. "Tulog agad?"


[09]
"Dad, si Tita Juanita ba ang tunay kong ina?" tanong kaagad ni Arl sa ama nang dumating. Hinintay talaga niyang dumating ang ama nang ihatid nito si Juanita. Nang magkita kasi sila kanina, hindi na niya maitanggi ang tuwang nararamdaman. Ang kasabikang magkaroon ng ina sa katauhan ni Juanita. At nang umalis nga ito, hindi na niya maiwaglit sa kanyang isipang, si Juanita nga ang kanyang tunay na ina.


Hindi na nagulat si Arman sa tanong ni Arl. Hindi lang niya inaasahang ngayon siya tatanungin ni Arl patungkol doon. "Oo, Arl." saka dumiretso ng lakad si Arman, diretso sa living room at umupo sa isang sofa. Hinintay niyang maupo sa harapan niya ang anak-anakan.

"B-bakit, hindi mo sa akin pinaalam agad Dad?" Hindi maintindihan ni Arl kung matutuwa o maiinis sa sagot ng ama. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.

Bumuntong-hininga muna si Arman. "Gusto ko lang munang masiguradong Ok ang pagkikita ninyo ng iyon ina Arl. Patawad."

Napa-yuko si Arl at pilit itinatago ang kasiyahan ng puso pero maitago sa kanyang mga ngiti. "Kung ganoon, natagpuan ko na ang aking ina, Dad?"

"Oo Arl."

Biglang tumayo si Arl at mabilis na lumapit sa nakaupong ama. Paluhod na niyakap niya ang dalawampu't dalawang taon niyang naging ama. "Dad, maraming salamat po. Hindi kayo naging maramot sa akin kahit kailan." hindi na niya napigilan ang mapaiyak sa sobrang kasiyahan.

Tulad ni Arl, napa-iyak na rin si Arman. "D-dahil, naging sakim ako sa magulang mo nang napaka-habang panahon Arl. Inangkin kita bilang tunay na anak. Pero, sinikap kong huwag maging sinungaling sayo. Sinabi ko sayo ang totoo kung sino ka talaga. Kahit na natatakot ako sa araw-araw na iwanan mo ako kapag nakaharap mo ang tunay mong mga magulang. Pero nagpapasalamat din ako sa Panginoon nang lumaki kang may pagalang sa akin sa gitna ng lahat."

"Ako po ang dapat magpasalamat sa inyo Dad. Kung hindi dahil sa inyo, maaaring wala ako sa mundong ito. Kung nabubuhay man ako, lumaki siguro akong puno ng galit sa puso ko. Maraming salamat po, dahil kahit wala akong tunay na ama at ina, pinagsikapan ninyong maging sapat na magulang sa akin."

"Dahil mahal kita anak."

"Ako din Dad, mahal na mahal kita. Hindi kita ipagpapalit."

"Salamat Arl, anak ko."

"Gusto ko pong makita si T-ti..." sisigok-sigok si Arl nang natawa. Hindi niya alam kung ano ngayon ang itatawag kay Juanita na kanyang ina. "Si Mama."

"Bukas na anak. Nagpapahinga na yun ngayon. Magpahinga ka na at bukas malaya mo siyang makikita."

"Salamat Dad. Pero, kilala na po ba niya ako?"

"Hindi pa. Tulad ng pagkakaalam niyang isa lang ang kanyang anak. Hindi ka pa niya kilala."
-----

"Jonas?" nagtataka si Jesse kung bakit tumayo si Jonas at tipong lalabas ito ng kwarto. Napa-tingin siya sa dingding kung saan naroon ang wall clock. "alas-tres ng madaling araw." Napa-ngiti na lang siya sa naisip. "Baka iihi lang." Naghintay na lang siya. Saka muling ipinikit ang mga mata.
-----

Excited si Arl na makita ang ina bukas. Kakatapos lang nilang magkwentuhan ng ama. May gustong sabihin ang ama na kailangan daw niyang malaman pero mas maiging sa ina na lang niya iyon manggaling. Hindi niya alam kung bad news o good news iyon. Ang mas mabuti raw ay magpahinga muna daw siya.

Ito nga siya at kakapatong palang sa kanyang kama. Alam niyang hindi pa siya makakatulog lalo na't napansin niyang mag-aalas dose pa lang ng hating gabi. Napa-ngiti siya sa iniisip. "Ano ako, nagpapraktis para sa sasabihin ko bukas?" natawa siya sa naisip. "Oo nga, baka mautal ako. Hindi ko nga alam ang sasabihin ko. Pero, mas maganda na iyong galit sa puso ang sasabihin ko." Hindi talaga niya mapigilan ang mapa-ngiti sa naiisip.
-----

Muling naalimpungatan si Jesse. Kasabay ng pamumungay ng mga mata ang pagkapa sa katabi. Bigla siyang napadilat ng maigi nang hindi niya makapa si Jonas sa tabi niya. Tumingin siya sa orasan at alas-kwatro na ng madaling araw. "Isang oras nang hindi bumabalik si Jonas?" Agad napa-balikwas si Jesse sa higaan. Kinakabahan siya nang tunguhin ang labas ng kwarto.

Agad niyang tinignan ang c.r. pero wala doon si Jonas. Kinabahan siya. "Baka sa sofa natulog? Pero bakit hindi ko napansin sa pagdaan ko?" Agad siyang pumunta sa salas. Pero walang Jonas ang naroon. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya at nagsimulang bumagsak ang mga luha niya. "Nasaan si Jonas?"

Saka niya narinig ang iyak sa labas ng pinto. Naka-sarado ang pinto kaya't hindi niya kaagad ang taong nasa likod niyon. Naririnig niya ang iyak at ungol na para bang batang naghihintay sa inang hindi pa dumarating. Agad niyang binuksan ang pinto.
Nakita nga niya si Jonas doon na nakaupong yayakap ng mga braso ang mga tuhod nito habang umiiyak. "Bakit? Anong nangyari Jonas?" Nag-aalala siyang tumabi dito.

Humarap sa kanya si Jonas. "Ang sabi ko sayo, huwag kang iiyak di ba? Ayokong makikita kang lumuluha. Gusto ko maging matatag ka Jesse."

Nagtataka si Jesse kung kailan ba sinabi iyon ni Jonas sa kanya pero madali niyang pinunasan ang mga luha sa pisngi. "Oh ayan. Hindi na ako iiyak. Doon na tayo sa loob. Malamig dito. Ano ka ba?" Saka niya napansin ang pamumutla nito. "B-bakit parang, namumutla ka? May sakit ka ba?" Hinipo niya ang noo at leeg nito. "Parang hindi naman. Pero... Teka, ano ba ang nararamdaman mo? P-pati ang ilalim ng mata mo nangingitim. Hindi ka nakakatulog ng maayos yata eh. Bakit ba ngayon ko lang napapansin. Halika na nga, pumasok na tayo sa loob." Hinila niya si Jonas para maka-tayo.

Tumayo si Jonas pero ang ipinagtataka ni Jesse ay ang marahan nitong pagpiglas at humarap sa kanya.

"Sandali..." malumanay na sabi ni Jonas.

Pinagmasdan lang ni Jesse si Jonas sa gagawin nito. Lumayo ito palabas ng bahay saka humarap sa kanya. Lumuluha. "Oh? Ano na? Tatayo ka lang ba dyan? Bakit ba?" Pero hindi sumasagot si Jonas. Nanatili lang itong nakaharap sa kanya sa di kalayuan habang lumuluha. Tatangkain sana ni Jesse na lumapit nang bigla nitong itaas ang kamay para babalang huwag siyang lalapit. Saka niya napansin ang isang lalaking lumapit dito at isinama siya sa kawalan. "Jonas!...." sigaw niya.
-----

"Jesse, jesse, jesse..." halos ilang beses pa inulit ni Jonas ang pagtawag kay Jesse para magising. Tinapik-tapik niya ito para magising at muntikan na ngang masampal. Buti na lang at nagising na ito mula sa bagungot.

Hingal at pinagpapawisang nagising si Jesse. At nang makita sa tabi si Jonas ay agad niya itong niyakap. "Jonas..."

"Bakit? Binabangungot ka."

"Oo. Ang sama ng panaginip ko Jonas. Iiwan mo daw ako."

"Hindi, hindi mangyayari yun. Sandali kukuha lang kita ng maiinom."

Pero hindi bumitaw si Jesse sa pagkakayakap kay Jonas. "Ayoko, baka hindi ka na bumalik tulad ng sa panaginip ko."

"Babalik ako. Kailangan mong uminom ng tubig. Oh kung gusto mo sumama ka na lang sa akin?"

Bumitaw na lang si Jesse kay Jonas. "Bilisan mo ha..."

"Oo." sagot ni Jonas at saka ginulo ang buhok ni Jesse bago tumayo. "Saglit lang ako."

"Panaginip lang iyon. Hindi dapat ako matakot." pinalalakas ni Jesse ang sarili. Agad naman nagbalik si Jonas.

"Oh ito na. Sabi sayo babalik ako eh."

"Salamat." nang abutin ni Jesse ang isang baso ng tubig.

"Ok ka na?" tanong ni Jonas nang maka-inom na si Jesse.

"Oo."

"O siya babantayan kita hanggang sa makatulog ka." Hinila niya si Jesse sa kanyang dibdib. At naging ganoon ang ayos nila hanggang sa pareho silang maka-tulog.
-----

"Ano bang oras ang dating ni Marco, galing trabaho?" tanong ni Jonas habang nagkakape sa lamesa. Pinapanood niya si Jesse sa pagsasandok nito ng kanin mula sa kaldero.

"Ngayon-ngayon dapat narito na yun. Bago kasi umalis ng bahay, nasisilip ko muna yang nakahiga na sa kwarto niya. Katulad ngayon hinahanda ko na ang maari niyang makain para sa paggising niya. Pero, wala pa nga... Nung isang araw pa yan hindi nauwi."

"Ang dami naman." sabi ni Jonas nang iabot sa kanya ang platong may kanin.

"Magpaka-busog ka. Hindi ka kumain kagabi."

"Ang sweet. Ramdam ko na ang magkaroon ng asawa."

"Adik." natawa si Jesse.

"Ayaw mo? Gusto ko na nga maka-usap si Marco para maiuwi na kita."

"Heh. Tigilan mo ako."

"So ayaw mo nga?"

"Hindi naman. Ikaw kasi masyado kang nagmamadali. Huwag kang atat kaya... yan tignan mo, hindi na umuuwi si Marco. Excited ka kasi eh." pambibiro ni Jesse.

"Basta kapag nakausap ko na si Marco, ako na magbabalot ng gamit mo." sabay tawa si Jonas.

"Oo na. Kainin mo muna yan. Eto oh..." nilagyan ni Jesse ng nilutong tocino ang plato ni Jonas. "Gusto mo ba ng catchup para sa itlog?"

"Sige."

"Sandali. Kukuha ako." Tumayo si Jesse para kumuha.

Naiwan si Jonas na nag-iisip sa kalagayan ngayon ni Marco. "Ano kaya ang ipinagawa sa kanya ni Tito Ramon at kung bakit hindi pa siya umuuwi?"
-----

"Dad, ready ka na? Lahat po ng dadalhin natin kay Mama, nasa sasakyan na po."

Naka-ngiti ng maluwang si Arman. "Ikaw ang tatanungin ko kung ready ka na. Kasi kahit wala akong dalhin Ok lang. Basta dala ko ang wallet ko."

"Sabi ko nga po. Opo, ready na ako Dad. Pero kinakabahan po ako."

"O siya, tayo na. Ikaw ang magda-drive."

"Opo Dad."
-----

Naka-sakay na sa jeep sina Jesse at Jonas para sa pagpasok sa trabaho nung una.

"Teka, kamusta pala ang trabaho mo Jesse?"

"Ok naman. Hindi ganoon kahirap. Bakit?"

"Wala lang." sabay ngiti ng maluwang. "Gusto ko lang may mapag-usapan."

"Ah..." napa-tango si Jesse. "Basta, maayos ako sa trabaho."

"So, walang naiinggit. O kaya naman ah... mabait ang boss mo. Teka, nakita mo na ba ang boss mo dyan?"

"Oo naman. Nakabanggaan ko pa nga." pigil ang tawa ni Jesse.

"Talaga? Oh kamusta naman ang pakikipagbanggaan?"

"Pakikipagbanggaan talaga? Nabangga ko lang naman. Hindi ko sinasadya. Teka, nagse-" Hindi naituloy ni Jesse ang gustong tukuyin nang mapatingin sa mga nakasakay din sa jeep. Napansin niyang pinagtitinginan nga silang dalawa. Nagbawi siya ng tingin.

"Nagseselos?" nilakasan ni Jonas ang boses. Pasimpleng siniko siya ni Jesse. "Bakit ako magseselos eh sigurado akong matanda na yung boss mo at ubod ng panget."

Imbes na mahiya si Jesse sa pananadya ni Jonas na lakasan ang boses nito ay natawa pa siya. "Panget pala ang boss ko ah. Mas gwapo pa nga sayo yata yun." sabay tawa. Hindi na niya inintindi ang mga kasabayan sa jeep.

"Mas pogi sa akin? So dapat nga akong magselos?" naka-ngiting si Jonas.

"Hindi at hindi"

"Ok." ngiti-ngiting si Jonas.
-----

"Oh, Arman? Wala naman tayong napag-usapang magkikita tayo ngayon ah. Masyado na akong nakaka-abala sayo. Baka marami kang pasyenteng dapat asikasuhin sa hospital."

"Importante ang sadya ko ngayon sayo Juanita. May dapat ka kasing malaman. Kaya sana bukas ngayon ang tahanan mo para patuluyin ako..."

"Oo naman. Sige halika pasok ka pasen-"

"At si Arl pala."

"H-ha?" Ewan ba ni Juanita nang marinig niya ang pangalan ni Arl ay may kung anong tuwa sa kanyang puso. "K-kasama mo si Arl?"

"Oo. Nasa kotse pa siya." Kumaway si Arman sa kotse at agad na lumabas si Arl sa kotse. "Patuluyin mo kami at may sasabihin kami sayo."

"Gaya nga ng sabi ko, pero pagpasensiyahan mo na ang loob ng bahay ko ah. Walang wala sa bahay mo."

Saka ang paglapit ni Arl. "M-magandang araw po." Nangingilid ang mga luha sa mga mata ni Arl.

Pansin iyon ni Juanita kaya bahagyang kunot ang noo niya sa pagtataka. "Magandang araw din sayo. Tayo na sa loob para malaman ko na ang inyong sadya."

"Arl, kunin mo muna ang mga pasalubong natin para sa... Nanay mo." utos ni Arman sa anak.

"Sige po Dad."

Pagkatalikod ni Arl ay agad ang tanong ni Juanita. "A-anong nanay naman ang pinasasabi mo, Arman? Naguguluhan ako."

Ngumiti lang ng maluwang si Arman. "Patuluyin mo muna ako."

"Sige pasok ka na. Hihintayin ko lang ang anak mo."

Pumasok na nga si Arman pero may iniwan itong anak. "Anak ko?"

Na ipinagtaka naman talaga ni Juanita. "Ano bang ibig ninyong sabihin?" Hindi na niya maintindihan ang mga ibig tukuyin ng bisita at lalo na ang kanyang nararamdaman ngayon.


[10]
Pare-pareho na ang lahat na naka-upo sa kani-kanilang pwesto. Magkatabi sina Arman at Arl habang kaharap naman nila si Juanita.



"A-ano ba ang dahilan ng pagbisita niyo sa akin?" saka tumingin si Juanita sa mga dala ng bisita na nasa gitna nila. "Ang dami nito. Para sa akin ba talaga ang mga 'to? Hindi ko naman mauubos 'to." Saka muling tumingin kay Arman na maluwang ang pagkakangiti habang napansin niya si Arl na tila hindi mapalagay sa pagkakaupo. Ramdam niya ang pilit na ngiti nito. "Arl, may problema ba? Pagpasensiyahan mo na kung hindi ka komportabel ha?"

"A-ah wala po iyon." sagot agad ni Arl pero alam niyang hindi maitatanggi ang kanyang hindi mapalagay. Kinakabahan kasi siya. Lalo pa na habang tumatagal na hindi pa nasisimulan ang dahilan ng pagpunta nila doon ay para na siyang nalulusaw paunti-unti sa kinauupuan.

"Ah Juanita..." singit ni Arman. "May dapat kang malaman." Tumingin si Arman kay Arl. "Tungkol kay Arl."

Kunot-noo agad si Juanita. "B-bakit? M-may alam ka ba tungkol sa anak kong nawawala?" Parang may kung anong nabuhay na pag-asa sa mukha ni Juanita. Mukhang may balita na siya tungkol kay Jessica.

"Opo." sagot naman agad ni Arl.

"Talaga?" Nagliwanag ang kaninang malungkot na mukha ni Juanita. "Ano? Paano mo nalaman? Saan, kamusta na siya?" sunod-sunod na tanong ni Juanita sa pag-aakalang tungkol kay Jessica ang kanyang malalaman.

Napa-tingin naman si Arl sa ama na naguguluhan.

"K-kasi Juanita, hindi ito tungkol Jessica. Baka napagkakamali mo." saklolo agad ni Arman nang mabasa niya sa mukha at pananalita ni Juanita na iba ang tinutukoy nito.

"h-ha?" si Juanita.

"Hindi lang si Jessica ang anak mo Juanita. Kambal ang anak mo." diretsong pahayag ni Arman.

Kitang-kita sa mukha ni Juanita ang pagkagimbal sa narinig. Hindi niya minsan naisip na kambal ang kanyang anak. Ni sa panaginip, walang pagpaparamdam na kambal ang anak niya. Kaya nang mapag-isip-isip natawa siya ng bahagya. "Imposible, Arman." pero sa gilid ng kanyang mga mata ang napipintong pagluha.

Yumuko si Arl nang marinig ang mga sinabi ni Juanita.

"Juanita, makinig ka. Matapos mong mailabas sa iyong sinapupunan si Jessica, nahimatay ka at hindi mo na alam ang sumunod na nangyari. Hindi mo alam na may isa pang sanggol ang nasa loob ng iyong tyan."

Nanlaki ang mga mata ni Juanita. "Nagsisinungaling ka, Arman!" naisigaw n Juanita. Hindi niya alam kung bakit ganoon ang naging reaksyon niya nang marinig iyon.

"Ma, hindi ka naniniwala?" naluluhang tanong ni Arl. Para siyang nabagsakan ng kung anong mabigat sa balikat nang marinig ang sinabi ni Juanita.

Napahinahon si Juanita sa tanong ni Arl sa kanya. "T-tinawag mo akong..."

"Opo." at muling napayuko si Arl. Parang hindi niya kayang salubungin ang mga mata ni Juanita. Nahihiya siya. "A-ako po ang sinasabi ni Dad na isa pa ninyong anak. Hindi po siya nagsimungaling sa akin tungkol sa pagkatao ko. Kaya po napaka saya ko nang malaman kong nakita ko na ang tunay kong magulang, ang ina nawalay sa akin ng napakahabang panahon."

Hindi makapagsalita si Juanita sa narinig mula kay Arl. Napi-pipi siya. Napa-tingin siya kay Arman na luhaan. "P-paanong..."

"Totoo ang sinasabi niya Juanita." Bumuntong hininga muna si Arman. "Patawarin mo ako. Kinuha ko ang isa sa isinilang mo Juanita. Sa kagustuhan kong magkaroon ng anak. Nung sandaling makilala kita, kagagaling ko lang noon sa pakikipaghiwalay sa kasintahan ko. Iniwan niya ako nang malaman niyang hindi ko kayang magka-anak. Kaya ganoon na lang ang pag-aasikaso ko sayo. Nasabi ko sa sarili ko. Mas mabuti sigurong angkinin ko na lang ang anak mo at mabigyan ng magandang buhay kaysa ipapapatay ni Ramon dahil sa pag-aakala niyang hindi niya talaga tunay anak ang nasa sinapupunan mo. Noon pa may alam ko na kambal ang anak mo bago mo pa ito isilang. Patawarin mo ako."

Lunod na lunod na si Juanita sa emosyon na kanyang dinadala bunga sa mga narinig. "I-kaw ay... anak ko?" tukoy niya kay Arl.

"Opo." mahinang sagot ni Arl.

Saka nagumapaw ang kasabikan ng isang ina sa anak. Napatayo agad siya sa kinauupuan at sinalubong ang anak na sabik na sabik na rin sa yakap ng tunay na magulang. Kapwa umiiyak. Kapwa sinasamantala ang pagkakataon na hindi pa nila nagagawa sa tanang buhay nila para sa isa't isa. Tila huli na nilang pagkikita na sa katotohanan ay ang una nilang pagkakakilanlan.

"Ikaw ang nanay ko..." iyak ni Arl.

"May anak pa pala ako. Kaya pala nang makita kita, nasabi ko agad na kamukha ka ng kapatid mo. Kasi anak rin pala kita."

"Maraming salamat po at tinanggap niyo ako."

"Marami kang dapat ikwento sa nanay mo ha... Naku, lumaking pogi ang anak ko. Ang tangkad-tangkad mo." natawa si Juanita sa gitna ng mga luha ng kasiyahan. "Sigurado ka bang ako ang nanay mo?" biro niya.

Natawa si Arl. "Ma?... Puso ko ang magpapatunay na kayo ang nanay ko."

Kahit si Arman ay hindi napigilan ang ngumiti ng pagkaluwang-luwang. Ayaw niyang kumibo para mapagbigyan ang pagkakataon ng mag-inang ngayon lang nagkita.

"Nagbibiro lang si nanay anak."
-----

"Wala dito si Justin." paalala agad ni Ramon nang makita si Jonas sa loob ng bahay.

"Hindi naman si Kuya ang hinahanap ko tito Ramon." sagot agad ni Jonas.

"O siya, kausapin mo ang mga katulong. Bakit may gusto ka bang iuwi sa kung saan ka man naroroon? Walang problema." Saka pasalampak na umupo ang Don sa mahabang sofa. Pinindot ang power button ng remote cntrol ng tv.

"Ikaw Tito Ramon ang sadya ko."

Nang marinig ni Ramon na siya ang sadya ni Jonas ay agad din niyang pinatay ang tv. "Buhay na buhay pa ako Jonas. Saka mo na ako hanapin kapag nakaburol na ako." sarkastikong pahayag ni Ramon.

"Gusto ko lang malaman kung kamusta na si Marco? O mas kilalang Omar."

Hindi pa man nakakalingon si Ramon kay Jonas ay naningkit na ang mga mata nito nang marinig kung sino ang hinahanap nito mula sa kanya. "Anong alam mo?"

Kunot-noo naman si Jonas. "Anong alam ko." pag-uulit niya sa ibang paraan. Tinatantiya kasi niya kung may itinatago ang ama-amahan tungkol kay Marco.

"Anong alam mo kay Omar?" nagtitiim bagang ang Don.

"Wala naman." saka ngumiti na para bang itinatago.

"Alam mo kung nasaan siya?"

"Tito Ramon, hinahanap ko nga sayo."

"Bakit mo siya hinahanap."

"Nagkita kasi kami isang linggo na ang nakakaraan. Nagkamustahan. Nakilala ko kasi siyang isa sa mga tauhan mo. Ngayon, gusto ko siyang makita."

Natawa si Ramon. "Nagtataka ako. Ano ang kailangan mo sa kanya?"

"Sa kanya ko na lang sasabihin."

Muling natawa si Ramon. Muling itinoon ang sarili sa harapan ng tv. "Hindi ako hanapan ng mga nawawala."

"Anong ibig mong sabihin tito Ramon?"

"Hindi ko alam kung nasaan ang gagong iyon. Apat na araw ko na siyang hindi nakikita."

"Ah... sige po tito Ramon aalis na ako."

"Sandali." habol niya sa papaalis na si Jonas. "Siguro naman, wala akong kinalaman sa gusto mong mangyari kaya mo hinahanap si Omar?"

Hindi mawari ni Jonas ang ibig sabihin ng tanong na iyon ng tito Ramon niya. "Natatakot ba ito? Hinahanap ko lang naman kung nasaan si Omar. Wala tito Ramon. Gusto ko lang maka-usap si Omar. Kaibigan ko yun. Wala akong pakialam sa mga ginagawa ninyo. Kung ano man."

"Good."
-----

"Wala pa rin si Jessica. Hindi naman makakasabay sa akin si Jonas ngayon." tulad ng dati nakaupo na naman si Jesse sa isang bence sa may sa tabi ng supermarket. "Wala akong ganang kumain. Mukhang nasasanay na akong may kasabay kumain."

"Jesse. Hindi ka pa kakain?" tanong sa kanya ng ka-trabaho ng madaanan siya.

"Hindi pa. May hinihintay ako. Kahit wala."

"Ah... yayayain sana kitang sumabay sa amin eh."

"Saka na lang. Sige."

"Sige."

"Kita mo na, may sasabay nga sayong kumain pero ayaw mo. Ibig sabihin si Jonas lang talaga ang hinihintay mo." pambubuking ng kanyang sarili. "Fine. Pero hindi ako nakakramdam ng gutom." Bigla siyang napatayo nang dumaan ang kanyang boss. "Ay sir?"

Nagulat si James sa ginawang pagtayo at pagtawag nito sa kanya. Agad siyang napa-tingin sa paligid kung ano ang ikinatawag nito sa kanya. "Bakit?" tanong niyang may pagkairita nang wala naman siyang napansing mali.

"Ay Sir wala lang." nahihiyang sagot ni Jesse. "Sorry. Nagulat lang ako nang mapadaan kayo." Pilit ang ngiti ni Jesse.

Kitang-kita sa mukha ni James ang pagka-irita. Hindi na siya sumagot at ipinagpatuloy na lang ang paglakad patungo sa naka-park niyang sasakyan.

"Sira ka talaga Jesse? Bakit mo naman ginawa iyon? Nakakahiya." Hiyang-hiya talaga si Jesse sa ginawa niya. "Hindi ko talaga alam bakit ako biglang napatawag kay Sir nang wala namang dahilan. Nakakainis. Ano kaya ang iniisip nun ni Sir. Baka isipin nun baliw ako. Hala."

Natanaw pa niya si Sir James nang sumakay ito ng kotse hanggang sa mapatakbo na nito ang kotse nito. Nagpakawala na lang siya ng hangin. "Gutom lang siguro ako. Nakaka-inis!"
-----

"Si Arl."

"Sino po kayo sir?" tanong kasambahay.

"Paki sabi ako si Jonas kaibigan niya. Kahit kay tito Arman mo sabihin, kilala ako noon. Sa totoo lang siya ang nagpapapunta sa akin dito."

"Ah... pero, wala po sila ngayon eh. May pinuntahan sila. Baka matagalan o mamaya pang gabi iyon. Kasi, may mga baong pagkain."

"Ah ganoon ba? Sige paki-sabi na lang na pumunta ako. Mmm titignan ko kung makakabalik ako bukas. Maraming salamat po."

"Walang ano man. Makakarating."
-----

"Bakit po, anong nangyari sa kapatid ko?" gulat na tanong ni Arl nang masimulan na ni Juanitang sabihin ang kalagayan ng kapatid.

"Nawawala kasi ang kapatid mo Arl. Kaya kami magkasama ng Dad mo kahapon dahil hinahanap namin siya."

"A-ano po ang dahilan kung hindi pa umuuwi ang kapatid ko?"

"Hindi ko nga rin alam. Wala naman kaming tampuhan o ano man. Bigla na lang siyang hindi umuuwi."

Hinimas ni Arl ang likod ng ina. "Hahanapin po natin siya. Huwag kayong mag-alala."

"Tama Juanita. Tatlo na tayong maghahanap sa kanya."

"Salamat."
-----

Minabuti muna ni Jonas na umuwi sa sarili niyang bahay. Tila pagod na pagod kaya padapang itinapon ang sarili sa kama. Ni hindi na nagawang tanggalin ang mga suot na nakasanayan na niyang alisin bago matulog.

Pero agad naman siyang bumalikwas nang may maalala. Tinungo ang drawer sa tabi ng kanyang kama at kinuha doon ang isang botelya. Binuksan at kumuha ng isang tableta. Saka tinungo ang nakahandang tubig sa side table niya. Nang matapos na inumin ang gamot, saka muling humiga sa kanyang kama.

"Jesse, mamaya na lang kita pupuntahan. Tutulog muna ako." Pumikit si Jonas ng naka-ngiti.
-----

"Babalik po kami bukas Ma." si Arl.

"Sige." sagot ni Juanita. "Mag-ingat kayong mag-ama sa daan"

Napa-tingin si Arman sa relo. "Kahit naman Arl na magpa-iwan ka muna tapos susunduin na lang kita mamaya. Kailangan ko lang kasing pumunta sa hospital."

"Hindi na." si Juanita. "Umuwi ka na muna Arl para makapag-pahinga ka na at maihanda mo ang sarili mo bukas. Mapilit ka kasing tutulong sa paghahanap sa kapatid mo."

Napa-ngiti si Arl. "Alas 2 pa lang ng hapon Ma, pinagpapahinga niyo na agad ako? Pero sige po. Gaya po ng sabi niyo." hinalikan niya sa pisngi ang kanyang ina.

"Mag-iinat kayo."

"Lalo ka na Ma."

"Arman maraming salamat uli ah.."

"Wala yun. Ano, maiwan ka muna dito ha. Mag-ingat ka rin." si Arman.

"Sige."
-----

"Dad, thank you talaga ha?" si Arl nang nasa daan na sila.

"Para sa iyo ang lahat ng mga nangyayari. Siyempre bilang ama mo, hangad ko ang makakabuti at makapagpapaligaya sayo."

"Basta malaki ang pasasalamat ko sa inyo Dad. I love you Dad."

"Ako rin sayo anak. Love you too."

Bumagal ang takbo ng sasakyan ng magkaroon ng panandaliang traffic. Napa-tapat sila sa isang kilalang restaurant. Napansin ni Arman ang isang lalaki na lumabas restaurant na iyon papunta sa kotse nito. Nakikilala niya ang lalaking iyon. Agad niyang pinababa ang bintana kay Arl.

"Bakit Dad?" saka tumingin sa tinitignan nito sa labas. Saka niya nakita si Justin.

"Justin." sigaw ni Arman sa papasakay na sanang si Justin sa sarili nitong kotseng nakaparada sa harapan ng restaurant.

Agad ang lingon ni Justin. Agad naman niyang nakita ang tumawag sa kanya. "T-tito Arman?" Agad lumapit si Justin sa kotse ni Tito Arman.

"Ako nga Justin. Kamusta ka na? Naglunch ka ba dyan?" si Arman.

"Opo tito Arman. Ok naman ako." masyang balita ni Justin. "Ikaw na ba yan Arl?" nang mapatingin kay Arl.

"Akala ko hindi mo ako makikilala eh." sabay tawa." Kaya hindi ako kumikobo."

"Muntikan na nga eh. Teka, pasaan kayo?"

Si Arman ang sumagot. "Ihahatid ko lang sa bahay 'tong si Arl tapos diretso akong hospital."

"Ah... ingat na lang po sa daan."

"Ikaw rin J-justin." muntikan pang mabulol si Arl sa pangalan ng kausap.

Napansin iyon ni Justin kaya natawa siya. "Sige. Next time na lang."

"Siya nga pala Justin, si Jonas nakita ko kagabi."

Pareho ang dalawang binatang nagulat sa sinabi ni Arman. Pero humudyat na ng pagsulong ng sasakyan. Hindi na nagawa pang magtanong ni Justin . Napa-tango na lang siya.
-----

Sa huling limang kabanata ng kwento, paano nila wawakasan ang mga salitang "A TIME FOR US"?
Sino-sino pa ang magtatagpo ng landas.
Ano ang darating na hamon sa pag-iibigang Jonas at Jesse?



By: (ash) erwanreid
Source: bgoldtm.blogspot.com
Facebook: www.facebook.com/BGOLDTM


[11]
"J-Jonas?" Hindi nagkakamali si Arl nang makaharap niya sa kanilang living room ang sinasabing bisita niya, umaga. "Jonas ikaw nga. Kamusta na pare?"


"Im very good." todo ang ngiti ni Jonas nang sumagot. "Ikaw nga ang gusto kong kamustahin kaya ako narito ngayon."

"Oh halika maupo muna tayo. Nagagalak talaga akong makita, aba ang tagal nating hindi nagkita ah. Ikaw na pala yan Jonas, pare." natutuwang sabi ni Arl habang hinahatid niya si Jonas para maupo. Saka siya tumawag ng kasambahay para makapaghanda ng makakain.

"Oo ako na nga ito." sabay tawa. "Teka, ano ba ako dati?"

"Ikaw? Ano ka dati?" paguulit ni Arl nang makaupo. "Isa ka lang naman tahimik na nilalang na hindi makabasag pinggan. Ayaw makipag-usap sa karamihan." natatawang pahayag ni Arl.

"Noon yun, high school pa lang tayo nun. Pero natatandaan mo pa ha kahit hindi naman talaga tayo magkaklase. Sabagay, magkatabi lang ang room natin. Ikaw nga diyan, walang awat magbilang ng babae, pati mga classmates kong babae ikaw ang bida."

"Siyempre iba na ang pogi." sabay tawa. "Biro lang pare." sinundan pa uli ng malakas na tawa. "Hindi na tayo nagkausap nang magcollege na tayo. Ano na ang nangyari sayo?"

Nakangiting inalala ni Jonas ang nakaraan. "Ayun, medyo nagbago rin sa wakas. Madalas, out of town kasama ang barkada."

"Naks, lumabas rin sa lunggang pinagtataguan." biro ni Arl.

"Tama ka roon pare. Pero, ikaw?"

"Ako? Sinama uli ako ni Dad sa Canada para doon magpatuloy ng pag-aaral. After ng graduation balik na uli kami dito."

"Uhuh. At mas nadagdagan pa ang angas ng kapogian mo ngayon." biro ni Jonas.

"Sumasangayon ka pala sa akin pare. So ibig sabihin may katotohanan ang paniniwala kong gwapo talaga ako."

"Sige na ikaw na." agad na sangayon ni Jonas.

Saka bumaba si Arman galing sa kwarto nito. "Jonas, narito ka pala. Natutuwa akong makita ka rito."

"Tito Arman magandang umaga po." bati ni Jonas.

"Ganun din sayo. Dito muna kayo ha..." saka tumingin kay Arl. "Arl, mauna ka na siguro sa Mama mo, pupuntahan na lang kita doon. Kailangan ko lang munang sumaglit sa hospital. Basta doon na lang tayo maghintayan."

"Sige po Dad." sagot ni Arl.

"Jonas maiwan ko muna kayo ha." paalam ni Arman kay Jonas.

"Sige lang po Tito." saka muling tumingin si Jonas kay Arl. "May lakad pala kayo, mukhang wrong timing ang dating ko Arl."

"No, maaga pa naman."

"Ah, pero na-curious ako. Sinong mama. Ang alam ko..."

"No, Jonas. Mali ka sa akala mo. Buhay pa akong tunay kong ina."

"H-ha?" pagtataka ni Jonas. "Tunay mong ina? B-bakit? Akala ko ba..."

Huminga muna ng malalim si Arl bago nagpaliwanag. "Ang alam mo kasi, namatay ang nanay ko sa panganganak sa akin. Hindi totoo yun. Nagkahiwalay lang kami ng tunay kong ina simula nang maipanganak ako. Ngayon, natagpuan ko na uli siya. Doon nga kami pupunta."

"Ah... Congrats pare. So lubos ang kasiyahan mo ngayon?"

"Tama ka dun pareng Jonas."

"Kamusta siya ngayon?" tanong ni Jonas.

"Ayon, masaya siya na malaman niyang may anak pa pala siya, ako. Na may kakambal ang anak niyang babae." bahayang nalungkot si Arl.

"E di maganda rin ang kapatid mo. Pero parang nalungkot ka yata?"

"Kasi, bago pa man, nawawala na ang kapatid ko ilang araw na. Iyon nga ang gagawin namin ngayon araw. Tutulungan ko ang nanay ko na maghanap sa nawawala kong kapatid."

Hindi maipaliwanag ni Jonas kung  bakit bigla niyang naisip si Jessica. Saka rumehistro sa kanyang isipan na magkamukha sina Arl at Jessica. "S-sandali nga. Anong pangalan ng kapatid mo?"

"Jessica pare."

Parang may kung anong sumabog sa utak ni Jonas nang marinig ang pangalang iyon. Hindi ba siya nagkakamali sa naiisip niya. "J-jessica?"

"Jessica Ramos." saka napakunot noo si Arl. "Bakit? Kilala mo ba siya?"

Hindi na nga maitatangging si Jessica nga na kaibigan niya na kaibigan at katrabaho ni Jesse na minsan nilang nakasama sa isang outing at minsan din niyang inihatid sa kanilang tirahan at alam niyang naging karibal niya sa puso ni Jesse ang tinutukoy na kapatid ni Arl.
-----

Ramdam ni Jonas ang higpit ng kapit ni Arl sa manibela habang pinapatakbo nito ang sasakyan patungo sa lugar ng kanyang ina. Kapwa sila tahimik at hindi makapagsalita sa mga nalaman nila sa isa't isa tungkol sa pamilya ni Arl.

Naka-tingin na lang si Jonas sa may bintana habang patuloy na umiikot sa kanyang isipan si Jessica.

"Si Jessica ang kapatid ni Arl. At ang tunay niyang ina ay si Juanita Ramos, ang kasama ni Tito Arman isang gabi na umiiyak sa pag-aalala sa nawawalang si Jessica.  Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Si Jesse sigurado mabibigla din iyon kapag nalaman niya. At higit pa roon, si Jessica, hindi malayong maging kamag-anak ko. Well, hindi ko man tunay na kapatid pero siguradong kapatid ni kuya Justin. Dahil nasabi ni Tito Arman nung isang gabi na si Aling Juanita ay dating kalaguyo ni Tito Ramon." nagtiim bagang siya. "Na naging dahilan kung bakit nagawa ni Mommy na mahalin ang tunay ko ng ama. Well, hindi na naman siguro ako kailangan pang magalit dahil masaya na ako at nabuhay ako." pansamantala siyang napa-ngiti ng maisip si Jesse. "Pero, kung ganoon, anak ni Tito Ramon si Jessica at Arl gaya ng pagkaka-kwento sa akin ni Arl kanina. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Kuya Justin kapag nalaman niyang may kapatid siya, maliban sa akin?" napabungtong hininga siya. "Ang mas lalong inaalala ko ngayon, si Jessica. Kagaya niya nawawala rin si Marco. Nasisigurado kong may kinalaman dito si Tito Ramon." napatiimbagang siya. "Iyon ang kailangan namin malaman ngayon."
-----


Nagpaalam lang si Arl sa kanyang ina na hindi siya makakasama sa paghahanap sa kanyang kapatid. Naunawaan naman ni Juanita ang anak. Gayong mag-iiba lang naman sila ng lugar ng paghahanap sa nawawalang kapatid. Nang maging maayos na ang mag-ina agad na umalis sina Jonas at Arl.

"Sigurado ka ba pare sa sinasabi mo?" paninigurado ni Arl kay Jonas bago patakbuhin ang sasakyan.

"Malakas ang kutob kong malaki ang kinalaman dito ni tito Ramon, ang tunay mong ama. Arl."

"Kung totoo nga iyon pare, patawarin mo ako pero, baka kung ano ang magawa ko sa kanya kahit sino pa siya. Lalo kapag nasaktan si Jessica."

Napabuntong hininga na lang si Jonas. Wala siyang masabi sa sinabi ng kausap.

Tumakbo ang sasakyan patungo sa direksyon binibigay ni Jonas kay Arl.
-----

"Hindi dumalaw kagabi si Jonas ah. Hmmm mabuti nga iyon para naman maayos ang tulog. Paano, kapag sa bahay natutulog, hating gabi na ang lakas pa ring mangulit." napa-ngiti na lang siya.

"Jesse. Ngiti ka ng ngiti ah. Inspired?" pansin sa kanya ng katrabaho niyang lalaki.

"Ako inspired?" nagniningning ang kanyang mga mata. "Hindi no." pagsisinungaling niya.

"Hmmm kunyari ka pa. Si Jessica yan ano. Siguro binahay mo na kaya hindi na nagpapasok kasi..."

Mahina ang tawa ni Jesse. "Hindi nga kami nagkikita noon."

"Ah ganoon ba?" pagkatapos ay tumahimik na ang lalaki.

"Hmmm intregerong bagger na 'to." natawa na lang si Jesse sa naisip niya.
-----

"Sa iba daw sila maghahanap." unang sagot ni Juanita sa tanong ni Arman kung nasaan si Arl. "Mukhang kasama niya sa paghahanap yung kaibigan niyang si Jonas."

Natahimik si Arman. Naisip niyang maaring may maitulong si Jonas. "So tayo na lang dalawa?"

"Ganoon na nga siguro, pero sigurado ka ba talagang wala ka ng gagawin? Nasabi kasi sa akin ni Arl na kaya ka hindi sumabay sa kanya dahil may dinaanan ka sa hospital."

"Oo, pero tapos na iyon. Tamang-tama mas maraming naghahanap, mas madali nating mahahanap ang anak mo."

"Maraming salamat talaga Arman."

Napa-ngiti ng maluwang si Arman. "A-alam mo, kahit matagal na bago tayo muling magkita, tapos marami na sa atin ang nagbago, may hindi isa pa rin ang hindi nagbabago sayo."

Napa-yuko si Juanita. Nakaramdam siya ng pag-iinit ng magkabilang pisngi sa hiya sa ipinahayag ni Arman. "H-ha?"

"Malambing ka pa ring magsalita tulad ng dati. Noong una tayong magkita."

"G-ganoon ba?" saka pinilit ni Juanita na tumawa. "Halika ka na nga, baka maubos pa ang oras natin sa kwentuhan." biro niya.

"O-ok. Tama ka."
-----

"Dito ba tayo?" tanong ni Arl nang ipahinto ni Jonas ang sasakyan. "Kaninong bahay ba ito?" Nang mapansin niya ang malaking bahay na ang kalahati simula sa baba ay nahaharangan ng mataas na pader. "Hindi ganito kalaki ang bahay namin." Aaminin ni Arl napa-hanga siya sa laki ng bahay kung saan sa tapat noon nakaparada ang sasakyan niya.

"Sa tunay mong ama." simpleng pahayag ni Jonas.

"A-p." parang nabulunan si Arl nang marinig iyon kay Jonas. "You mean, bahay mo 'to? Pare, simula nang magkakilala tayo noong high school, hindi mo pa ako dinadala dito. Ganito ka pala kayaman."

"Ang bilis mo namang makalimot Arl. Oo dyan ako nakatira, dati!" pinakadiinan ni Jonas ang hulign salita niya. "Pero hindi sa akin yan, sa tunay mong ama yan. At malamang kay kuya yan. I mean sa kapatid mo."

Muling napa-tingin si Arl sa mataas na pader. "Kahit hindi ko naranasan na tumira sa bahay na 'to, wala akong pinanghihinayangan. Kontento na ako sa magandang buhay na ibinigay sa akin ni Daddy. Lalo pa ngayong nakita ko na ang tunay kong ina." saka muli siya tumingin kay Jonas. "Papasok ba tayo dyan?"

"Ako na lang muna siguro. Ikaw? Pero, gusto ko ring makausap si Tito Ramon."

"Ikaw ang bahala. Pero kapag tumagal ka sa loob susunod ako." sabi ni Arl.

"Kaw ang bahala. Hindi ka naman kilala ni Tito Ramon eh."

"No, kilala na niya ako." napansin ni Arl ang pagka-bigla ni Jonas sa sinabi niya kaya agad niyang dinugtungan ang kanyang sinabi. "Na anak ni Daddy, pero bilang anak niya kay Mama hindi pa."

"Ah... Sige, baba na ako. Dito ka lang muna. Sana nasa loob si Tito."

Bumaba si Jonas sa kotse. Nang mapatapat siya sa harapan ng mataas na gate, napabuntong hininga siya. "Sana tama ang gagawin ko. Sa pumanig sa akin ang pagkakataon."
------


"Jesse, pinapatawag ka ng boss sa office niya." balita sa kanya ng lalaking kanina niyang kausap. Kasalukuyan siyang nagba-bag ng mga items.

"Bakit daw? Kailan ba? Mamaya bang break time?" sunod-sunod niyang tanong.

"Ewan ko Jesse. Pinasabi lang sa akin nung matandang gurang. Ngayon daw mismo. Ako muna mag-isa dito."

"Sige. Bakit kaya?" bigla niyang naitanong sa sarili.
-----

"Tito Ramon," tawag ni Jonas nang makita niyang nakasalampak sa mahabang sofa si Don Ramon. Naisip niyang parang kahapon lang tagpong iyon.

Agad napalingon si Ramon. "Ikaw na naman? Wala pa akong balita kay Omar."

"Ganoon po ba?" nilakasan ni Jonas ang loob sa susunod na sasabihin. "K-kaya wala pa rin kayong balita kay Jessica? Sana mali ako."

Kanina pa nagbawi ng tingin si Ramon kay Jonas pero nang marinig niya iyon kay Jonas ay tila nag-usok ang tenga niya. "Anong ibig mong sabihin." Tumayo si Ramon para harapin si Jonas.

Lihim na suminghap ng hangin si Jonas para magkaroon ng katatagan. Alam niya kung paano magalit si Tito Ramon niya. Nasa harapan niya ngayon ang lalaking sa kabila ng edad ay makikita pa rin katipunuan ng pangangatawan, ng tindig. Kitang-kita niya ang panlilisik ng mga mata nito. "Tama ako di ba?"

"At paano mo nalaman?"

"Wala akong balak sabihin kung paano ko nalaman pero ang gusto ko ilabas mo na si Jessica."

Natawa si Ramon. Tawang nakaka-insulto. "Kung makipag-usap ka, para bang may nasasandalan ka kaya ang tibay ng buto para sabihan mo ako ng ganyan. Baka nakakalimutan mo Jonas, kung sino ako."

Sa halip na sumagot sa sinabi ni Ramon ay ipinagpilitan pa rin ni Jonas na ilabas niya si Jessica. "Nasaan si Jessica?"

Naningkit ang mga mata ni Ramon. "Ginagalit mo ba ako?"

"Gusto ko lang ilabas mo si Jessica."

"Anong pakialam mo kay Jessica?"

"Nasaan po si Jessica?" nilagyan na niya ng paggalang ang pagtatanong niya. Hindi dahil sa natatakot siya kundi kahit papaano sa paggalang at baka maaring mapakiusapan.

Muling natawa si Ramon. Umikot ito pabalik sa pinanggalingan at may kinuha. Napalunok si Jonas nang makita kung ano ang kinuha ni Ramon.

Kinasa ni Ramon ang hawak-hawak nitong baril. "Tignan kung hanggang saan ang tigas ng buto sa baril na ito Jonas. Hindi ako mangingiming patamaan ng bala nito." Nanatili lang tahimik si Jonas. "Ngayon, kung hinahanap mo si Jessica na nagpapanggap na anak ko, sigurado akong patay na iyon. Alam mo naman Jonas na ayoko ng balakid sa buhay ko at sa buhay ng anak ko."

"Ibig sabihin ba noon Tito Ramon, kailangan ko ng magpasalamat sayo hanggang ngayon ay buhay pa ako?" tumawa ng nakaka-insulto si Jonas.

"Good. Naiisip mo pala yun. Kaya lang, hindi ko naman na kailangan gawin pa yun dahil..." mas malakas ang tawa ni Ramon. "Kaunti na lang namang panahon di ba, Jonas?"

Alam ni Jonas ang ibig sabihin ng Tito Ramon niya. Hindi niya mapigilan mapaluha. Nasaktan siya dahil sa pagiging lubusang masama ni Ramon. "Kaya pala. Kaya pala, hinahayaan niyo na akong lumaki sa bahay na 'to kahit alam kong sukang-suka na kayo sa akin. Kaya pala."

"Oh bakit naiyak na ang nagkukunwaring matapang?" sabay tawa ni Ramon. "So tama ako di ba Jonas? Malas mo, pero magpasalamat ka na rin kasi umabot ka pa sa ganyang edad. Mukhang mauunahan mo pa ako."

Bumuntong hininga si Jonas. "Nasaan na si Jessica."

Nagpanting ang tenga ni Ramon nang para bang walang interes si Jonas sa mga sinasabi niya. "Gusto mong bang sumunod na ngayon sa kanila?" nanlalaki ang mga mata ni Ramon. Tila nawawalan ng bait kung umasta ito.

Pero hindi nagpatinag si Jonas. "Kapag hindi mo inilabas si Jessica, lalabas ako dito sa bahay na ito diretso para isumbong ka kasamaan mo."

"Ay gago kang bata ka." sabay kalabit sa gatilyo ng baril.

"JOnas!"
-----

Natatagalan si Jesse sa paghihintay sa isang bench na naka-pwesto sa harapan ng pintuan ng office ng kanyang boss. Pinaghihintay pa kasi siya.

"Mas maganda na siguro ang matagal para sulit ang pahinga. Tama." napa-ngiti na lang siya.
-----

"Jonas!" sigaw ni Arl. Agad niyang hinila si Jonas nang makita pa lang niyang itinutok ni Mr. Jimenez ang baril kay Jonas at iniharang niya ang sarili dito. Pero huli na ang lahat para dalawa silang makaligtas nang pumutok ang baril.

Gulat na gulat din si Ramon nang biglang sumulpot ang isa pang lalaki na humarang kay Jonas. Kitang-kita niyang bumagsak sa sahig ang dalawa.

"Arl." si Jonas. Saka niya napansin ang umaagos na dugo mula sa bandang baba ng balikat nito. "Arl." para siyang maghe-hesterical. Buti na lang at pinahinahon niya ang sarili kaya hindi siya nagpanic.

Agad siyang tumayo para buhatin ang nakadapang si Arl na nawalan ng malay. Kailangan niyang madala agad ito sa hospital.

Habang inilalabas ni Jonas si Arl, naiwan si Ramon na nakatulala.
-----

"Pasok ka na raw." sabi ng secretary ng boss nila. "Pogi mo naman." pahabol pa ng flirting babae nang dumaan siya sa tapat nito.

Hindi niya pinansin ang babae. Tuloy-tuloy lang siya sa pagpasok. Nakakuyom ang pareho niyang kamay sa nerbyos sa kung ano ba ang kailangan sa kanya ng kanilang boss. Kanina pa niya iniisip kung ano ang nagawa niyang pagkakamali. "S-sir, ipinatawag niyo daw po ako?"

"Maupo ka."

May isinusulat si Sir James nang maupo si Jesse.

"Gusto ko lang matanong ng personal sayo kung bakit hindi pumapasok si Jessica?" Tanong ni James nang matapos magsulat. "I-i'm sorry kung... medyo, parang personal ang tanong ko. Pero... ikaw kasi ang kasama niya lagi at... ang totoo kahit hindi ko pinapakinggan, naririnig ko sa mga tao sa labas na pinag-uusapan kayo, kesyo bagay kayo, kayo daw siguro. Wala akong pakialam doon personal na yun kaya lang hindi na siya ma-contact ng opisina kaya personal ko na lang tinatanong sayo." mahabang pahayag ni James.

Nakahinga ng maluwag si Jesse na hindi pala siya tatanggalin. Pero medyo nahiya siya nang malaman sa boss pa niya mismo na may kumakalat pa lang isyu tungkol sa kanila ni Jessica. "S-sir, hindi ko nga rin po alam kung bakit hindi pumapasok si Jessica. Ang alam ko lang po ay hindi pa siya umuuwi gaya ng sabi ng ina niya."

Nagsalubong ang kilay ni James. "Hindi pa nauwi?"

"Opo Sir."

Huminga muna ng malalim si James. "Hindi naman kasi ako ganon kahigpit na boss niyo Jesse..."

Nakaramdam pagka-asiwa si Jesse sa pagtawag na iyon ng kanyang boss. Simple, parang ang tonong magkakilala talaga silang dalawa.

"...pero dahil hindi na siya pumapasok at ilang araw na lang isang linggo na, natural lang na matatanggal na siya sa trabaho niya. Pero, gaya nga ng sabi ko, gusto ko muna masigurado kung bakit hindi na siya pumapasok. Alam ko naman ang hirap ng buhay ngayon, kaya maaring mabigyan ko pa siya ng pagkakataon."

"Salamat Sir dahil meron kayong... marunong po kayong tumingin sa mga katulad namin. Pero Sir, wala po talaga akong alam eh. Hayaan niyo po, aalamin ko pag-uwi ko mamaya. Di-deretso po ako sa bahay nila."

"Ikaw ang bahala, pero bibigyan ko na lang siya ng palugit hanggang sa lunes."

"Sige po Sir."

"Sige maari ka ng bumalik sa trabaho mo."

"Salamat po." Saka umalis si Jesse sa harapan ng boss. Lumabas siya ng opisinang iyon na may magkahalong emosyon. Natutuwa siya dahil nawala ang ikinatatakot niya. Nalulungkot naman siya para kay Jessica. Hindi na nga niya napansin ang parinig ng sekrretarya ng boss niya. Cute daw siya.


[12]
"Tito Arman?..." humihingal si Jonas nang matawagan si Arman nang mahingi niya ang numero nito sa information station ng hospital. Kasalukuyan nang nasa emergency room si Arl.


"Yes, Sino 'to?"

"Tito Arman si Jonas po ito. Please, pumunta agad kayo dito sa hospital. Si Arl po, natamaan ng bala ng baril."
-----

"Bakit Arman?" takang tanong ni Juanita nang mapansing natigilan si Arman. Kasalukuyang naka-tambay ang sasakyan nila sa isang kalye. "Bakit?"

"S-si-" hindi maituloy ni Arman ang gustong sabihin. "Kailangan nating pumunta sa hospital..."

"H-ha? Sige, ikaw ang bahala."

"S-si Arl."

Mas lalong kumunot ang noo ni Juanita sa pagtataka. Nakaramdam din siya ng biglaang kaba nang marinig ang pangalan ng anak niya. "B-bakit anong nangyari sa anak ko?"
-----

"Nasaan na si Arl?" tanong agad ni Arman nang makasalubong si Jonas sa loob ng hospital.

"Kasalukuyan na pong tinatanggal ang balang tumama sa kanya." sagot agad ni Jonas.

Hindi na nagtanong pa si Arman. Agad niyang tinakbo kung saan alam niyang naroon ang kanyang anak.

"Bakit, ano bang nangyari kay Arl? Bakit siya nabaril? Sinong may gawa?" sunod-sunod na tanong ni Juanita kay Jonas.

Parang napi-pipi si Jonas sa mga tanong ni Juanita. "S-si, si Tito Ramon po ang may gawa."

Naningkit ang mga matang lulumuha ni Juanita nang marinig ang pangalang Ramon. "Si Ramon?"

Nagulat si Jonas nang biglang tumalikod si Juanita. "Teka saan po kayo pupunta?" Mali sana ang iniisip niya.

"Gusto kong makita si Ramon at ako mismo ang papatay sa kanya."

Ramdam ni Jonas ang galit at poot ni Juanita. "Baka kung mapaano po kayo?" habol ni Jonas.

Parang walang narinig si Juanita. Dire-diretso lang siya sa paglabas ng hospital saka sumakay ng jeep na maghahatid sa kanya sa lugar ni Ramon.

Wala nang nagawa si Jonas kundi ang sumakay sa kotse ni Arl at sundan si Aling Juanita.
-----

"Aling Juanita, hindi ka papasukin dyan nang wala kang permiso." sigaw niya sa babae nang mapatapat sa gate ng exclusive village kung nakatirik ang bahay ni Ramon. "Sumakay kayo rito." Pinapasakay ni Jonas si Aling Juanita sa kotse.

Hindi na nagdalawang isip pa si Juanita. Galit na galit na siya. Gusto talaga niyang makaharap si Ramon kaya madali siyang sumakay sa kotse.

"Aling Juanita, sigurado po ba kayo sa gagawin niyo? Alalahanin niyo po muna si Arl." payo ni Jonas nang makasakay si Juanita sa kotse.

"Kung hindi mo ako ihahatid sa bahay ni Ramon, bababa na lang ako." Lumuluhang si Juanita. "Alam ko naman ang kalagayan ng anak ko, pero sa tindi ng galit ko, gusto kong makaharap si Ramon. Sobra na siya."

"Pwede naman po nating ipagpaliban muna. Ako pa mismo ang maghahatid sa inyo. Pero ngayon po kasi kailangan po kayo ni Arl."

Humagulgol na lang si Juanita sa walang maisagot. Tama ang binatang kasama niya, pero hanggat naiisip niya ang mukha ni Ramon naguumapaw ang kanyang poot sa taong iyon. Alam niyang kaya niyang makapatay sa oras na iyon. "Hindi mo ba talaga ako ihahatid?" Tinangka ni Juanitang bumama.

"Sandali po." Pinaandar ni Jonas ang sasakyan kaya hindi natuloy ang pagbaba ni Juanita. Pero imbes na ideretso papasok ng exclusive village na iyon, iniliko niya ang sasakyan at tinungo ang daan pabalik sa hospital. Napa-tingin si Jonas kay Aling Juanita. Alam niyang nagtataka ito sa ginawa niya. "Pasensya na po. Magalit na po kayo kung magagalit kayo. Ang mahalaga mailayo ko muna kayo sa panganib gaya ng nangyari kay Arl. Ako po kasi ang may kasalanan kung bakit nangyari yun kay Arl kaya ayoko naman pong may madamay pa. Pwede naman po tayong magplano."

Humahagulgol sa iyak si Juanita. Lalo na at hindi natuloy ang gusto niyang mangyari. Pero nanatili na lang siyang tahimik sa pag-iyak. Naiisip rin naman niya ang anak niyang nasa hospital. Hindi na rin niya pinakikinggan ang mga paliwanag ni Jonas.
-----

"Si Arl?" tanong agad ni Juanita nang makita si Arman sa lobby ng hospital.

"Saan kayo galing, hinahanap ko kayo?" tanong ni Arman imbes na sagutin si Juanita sa tanong nito.

Si Jonas ang sumagot. "K-kasi po Tito Arman, biglang nahilo si Aling Juanita kaya dinala ko muna sa labas para mahanginan dinala ko na rin sa canteen para makakain. Mukhang nagsasabay sabay na ang pagod, gutom...."

Bigla naman ang pag-aalala sa mukha ni Arman para kay Juanita. "Oo nga pala. Ano Ok ka na ba?"

"O-oo Arman. Kamusta na si Arl?"

"Halika na kayo, naroon na siya sa room niya. Tapos nang tanggalin ang bala sa balikat niya. Pero wala pa rin siyang malay ngayon."

Nakahinga ng maluwag si Juanita. Ganoon din si Jonas na kanina pa nakakaramdam ng pagkakonsensiya sa nangyari.
-----

"Ano? Ano sabi ni boss James?" tanong agad sa kanya ng katrabaho niya nang magkita sila sa karenderia.

"Wala naman." sagot ni Jesse habang umuupo sa isang silya paharap sa katrabaho niya.

"Akala ko mapo-promote ka na." sabay tawa ng malumanay.

"Promote? Di pa nga ako tumatagal. Si Jessica ang hinahanap."

"Ah... Bakit nga ba kasi hindi pa napasok si Jessica?"

Bumuntong hininga muna si Jesse. "Mahabang kwento. Siguro huwag na lang nating pag-usapan."

"Ikaw ang bahala." saka napatingin ang katrabaho ni Jesse sa may kalsada. "Si Sir James."

Nagulat si Jesse nang marinig ang pangalan ng boss nila. "Asan?"

"Dumaan lang. Wala na."

"Ang lakas mong manloko ah. Oorder na nga ako ng makakain ko." bahagyang napikon si Jesse.

"Totoo naman ang sinasabi ko eh." habol niya sa papaalis na si Jesse.

"Ano naman ang gagawin ng boss namin sa ganitong lugar? Imposible namang sa karenderia lang yun kumakain eh ang yaman-yaman noon. Imposible talaga." isa pang buntong hininga ang nagawa ni Jesse bago makarating sa harapan ng estante ng mga ulam.
-----

Madilim na ang kalangitan nang magkamalay na si Arl. Ngumiti ito nang makita ang mga taong nagmamahal sa kanya nang dumilat siya. Naroon si Arman, Juanita at Jonas na kapwa nagbabantay sa kanyang pag-gising. Dahil sa hindi pa magaang pakiramdam, muling pumikit si Arl.

"Hayaan na muna natin siya." sabi ni Arman sa lahat. "Hayaan na muna nating sulitin niya ang pagpapahinga. Alam kong hindi pa maganda ang pakiramdam niya. Ang mahalaga alam nating maayos na siya."

Hinawakan ni Juanita ang kamay ng anak. Natutuwa siyang makitang nagdilat na ang kanyang anak.

Tinuon ni Arman ang pansin kay Jonas. "Jonas, siguro sabayan mo na lang muna si Juanitang kumain sa labas."

"O-opo, sige po." sagot agad ni Jonas.

"Ay Arman, hindi pa naman ako nagugutom. Dito na lang muna ako." agad niyang tanggi. "Siguro, ikaw na muna ang magpahinga, kumain. Alam kong nagugutom ka na. Hindi ka pa kumakain simula kanina."

Gusto sanang tumutol ni Jonas sa mga sinabi ni Juanita na kumain na daw ito. Dahil alam niyang hindi totoo iyon. Kasinungalingan lang pagsasabi niya na kumain sila sa labas kanina. Pero hindi na niya ginawa dahil baka kung ano ang malaman ni Tito Arman tulad ng pagtatangkang pumunta sa bahay ni Tito Ramon niya.

"Sige. Lalabas na lang muna ako." sagot ni Arman. "Pero, pagbalik ko may dala akong pagkain sayo."

"Sige." sagot ni Juanita.

"Tayo na Jonas." yaya ni Arman.

"Sige po."
-----

"Na-miss ko ang loko ah." nangingiting si Jesse habang nag-aabang ng sasakyan pauwi ng makalabas sa trabaho. Paparahin na sana niya ang jeep nang may tumawag sa kanya. Agad siyang napalingon. "Jonas?" Hinintay niyang makalapit sa kanyan si Jonas.

"Bakit? Ako nga. Kahapon lang ako nawala parang maka-Jonas ka..."

"Eheh... Nagulat lang po kasi ako. Iniisip ko kasing hindi ka ngayon magpapakita tapos bigla kang sumusulpot. Sorry lang."

Ngumiti ng maluwang si Jonas. "Nandito ako."

"Malamang." nakatayo ka sa harapan ko eh. "Sakay na tayo?"

"Sige para ka na ng jeep."

Napansin ni Jesse ang bahagyang pagiging matamlay ni Jonas. "B-bakit parang matamlay ka? Pagod ka na siguro?"

Ngumiti si Jonas. "Sa bahay na lang siguro ako magkukwento, Jesse." inakbayan niya si Jesse.

"Hmm siguraduhin mong hindi nakakalungkot yan ah? Ang mukha mo..."

Natawa si Jonas. "Huwag kang mag-alala hindi ako makikipag-break sayo. Pero medyo may nakakalungkot lang sigurong kwento. Ewan ko, kung malulungkot ka nga. Teka, bakit ba puro lungkot?" natawa si Jonas sa napansin niya.

"Sakay na tayo." nang makawayan ni Jesse ang jeep.
-----

"Oh nasaan si Jonas?" tanong ni Juanita kay Arman nang bumalik ito nang wala si Jonas. "At ang bilis mo naman yatang kumain?"

"Si Jonas, umuwi na lang. Babalik na lang siya. Inihatid na rin sa bahay ang sasakyan ni Arl. Yung kotse ko na lang ang gagamitin natin. Hindi pa naman ako kumakain. Mas gusto kong sabayan mo akong kumain. Heto, pangdalawa ang inorder kong pagkain. Naghanda na rin ako ng makakain ni Arl kapag nagising."

Napa-ngiti si Juanita sa pagiging maaalalahanin ni Arman. "Salamat."

"Pero matanong ko lang, may balak ka bang umuwi mamaya?"

"Hindi na. Bukas na lang siguro. Hihintayin ko munang magising si Arl para makausap ko naman."

"Ikaw ang bahala. Sige kain na tayo." yaya ni Arman.

Tumango si Juanita.
-----

"Alam mo Jonas, hindi na naman umuwi si Marco kanina." pahayag ni Jesse nang makapasok sila sa bahay.

"Huwag mo na munag asahang uuwi si Marco." sagot ni Jonas habang inihulog ang sarili sa mahabang sofa. "Napagod talaga ako, Jesse."

"S-si Marco nga ba ang tinutukoy mo?" paninigurado ni Jesse.

"Oo."

"Bakit? Paano mo nalaman?"

Suminghap ng napakaraming hangin si Jonas bago muling nagsalita. "Tumabi ka muna kay papa Jonas, dali para mabawasan ang pagod, dali." lambing ni Jonas kay Jesse na nakatayo sa harapan niya.

"Eh kung ihagis ko kaya sayo 'tong bag?" biro ni Jesse.

"Gagawin mo talaga?"

Natawa si Jesse. "Hindi." Saka siya tumabi kay Jonas sa pag-upo. "Ano ba iyon? Gusto ko nang malaman."

"Makinig kang mabuti, at huwag mabibigla sa mga malalaman mo. Ok."

Kunot-noong napa-tango si Jesse.

"Ganito kasi yun. Naalala mo si Aling Juanita, nanay ni Jessica?"

"Oo."

"Di ba nakita natin siya, isang gabi kasama si Tito Arman. Hinahanap niya si Jessica di ba?"

"Oo." matamang nakikinig si Jesse.

"Naging kabit iyon ng Tito Ramon ko."

"Teka, teka. Kailangan ko bang malaman pa yan? Parang... nakikichismis naman ako."

Natawa si Jonas. "Kailangan, saka... para malaman mo na rin ang ibang parte ng pagkatao ko. At dito ko sinisimulan dahil malaki ang kinalaman dito ni Jessica, at ng kaibigan mong si Marco."

Nanlaki ang mga mata ni Jesse. "Sige makikinig na lang ako." Nakaramdam siya ng kaba ng malamang may koneksyon si Marco sa ikukwento ni Jonas.

"Yun na nga. Naging kabit ni Tito Ramon ko, ang nanay ni Jessica. Ang relasyong iyon ang naging dahilan kung bakit nangaliwa rin ang nanay ko. Saka ako nabuo."

Pigil ang hininga ni Jesse sa nalalaman. Napapatango na lang siya.

"Anak ako sa ibang lalaki, pero lumaki ako sa poder ng ama-amahan kong si Tito Ramon." nagpatuloy si Jonas. "Nabuntis ni Tito Ramon si Juanita, ang anak ay si, Jessica."

Gulat na gulat si Jesse sa narinig. Hindi niya na-get kanina na maaaring may koneksyon nga si Jessica kay Jonas. "Pero hindi kayo magkapatid?"

"Hindi. At may kakambal pala si Jessica na nagngangalang Arl, na ngayon lang nalaman ni Aling Juanita."

"H-ha?" lalong nangunot ang noo ni Jesse. "Hindi ko makuha."

"Kambal ang anak ni Aling Juanita, pero hindi niya alam. Kinuha ni Tito Arman ang isa nang hindi nalalaman ng ina. Ngayon lang sinabi ni Tito Arman ang katotohanan. At si Marco-"

"P-paano si Marco nasali?"

"Walang sinasabi sayo si Marco kung ano ang trabaho niya dahil ayaw niyang malaman mo ang uri ng trabaho niya. Tauhan siya ni Tito Ramon na nakilala ko noon sa pangalang Omar. Sinusunod niya ang mga utos ni tito Ramon, sa ganoong paraan siya kumikita, Jesse."

"A-anong inuutos? Papaano?" naguguluhang si Jesse.

"Ang pumatay, Jesse. Kaya nga gusto na kitang mailayo kay Marco dahil baka dumating ang araw na madamay ka pa. Kung sa akin ka sasama Jesse, sisiguraduhin kong ligtas ka. Pangako, wala akong kinalaman sa masamang gawain ni Tito Ramon. Hiwalay na ako sa kanya."

Natahimik si Jesse. Nanginginig siya. Nakakaramdam siya ng takot. Bigla niyang naiisip na nalalagay siya sa panganib.

Nagpatuloy si Jonas. "At ang huling trabahong ginawa niya ang patayin si Jessica."

Kung gaano nagimbal si Jesse sa unang mga narinig niya ay mas lalo ang naramdaman niya nang marinig iyon kay Jonas. "S-sigurado ka ba sa sinasabi mo, Jonas?"

"Oo, Jesse."

"S-si Jessica? Huwag  mong sabihing..." hindi namalayan ni Jesse ang tumulong luha.

Inalo ni Jonas si Jesse. Hinimas niya ang likod nito. "Sa ngayon wala pang balita kung nagawa nga ni Marco ang patayin si Jessica, dahil pareho silang hindi pa bumabalik. Di ba magka-kilala na sila ni Jessica?"

Tumango si Jesse. Saka niya naalalang minsan ay nasabi ni Marco na kung maari ba niyang ligawan ang babae dahil nagandahan siya rito kahit sa una palang nilang pagkikita.
-----

Kinabukasan, hindi na napigilan ni Arman ang sarili pagkatapos niyang masiguradong ayos na si Arl. Pinuntahan niya si Ramon kung saan alam niyang naroon ito. Sa bahay mismo nito.

"Ramon, lumabas ka diyan?" sigaw ni Arman sa labas ng gate.

"Sir, wala po si Sir Ramon dito." sabi ng kasambahay na nakasilip sa siwang ng gate dahil sa takot kay Arman.

"Alam kong nandyan siya. Idedemanda ko ang amo kapag hindi siya lumabas."

Mas lalong natakot ang kasambahay kaya sinarado nito ang gate at muling pumasok sa loob.
-----

"Si Tito Arman po?" tanong ni Jonas nang makabalik siya sa hospital kinabukasan.

Napa-tingin si Juanita kay Arl.

"Kamusta ka na pala Arl?" masayang bati ni Jonas nang mapansing gising na si Arl.

"Ok na ako pare." sagot ni Arl.

Halata pa rin ni Jonas na hindi pa lubusang nakakabawi ng lakas si Arl.

"Ah... Jonas pwede ka bang maka-usap sandali?" si Juanita. "Doon muna tayo."

"S-sige po. Arl sandali lang ah, kakausapin daw ako ng mama mo."

"Sige lang pare." sagot ni Arl.

"Anak saglit lang ha?" si Juanita kay Arl.

"Opo Ma."
-----

"Gusto kong puntahan si Arman."

"So... ano po ang maitutulong ko?" tanong ni Jonas.

"Hinahanap niya ngayon si Ramon. Baka may mangyaring masama sa kanya."

Nagulat si Jonas. "Kailangan ko palang sundan si Tito Ramon."

"Hindi, ako ang susunod. Gusto ko ring makaharap si Ramon. Pakiusap. Ikaw muna ang magbantay kay Arl. Aliwin mo siya. Kailangan hindi isiping hinaharap namin ng tatay niya si Ramon."

"P-pero Aling Juanita."

"Huwag mo na akong tutulan, pakiusap."

Saglit pang kumbinsihan, napagawa na lang si Jonas ng isang letter na para makapasok si Juanita sa loob ng exclusive subdivision. "Ito po ang ipakita ninyo sa guard. Kayo na lang po ang mag-alibi kung ano ang kailangan niyo sa address na iyan. Sige po, mag-ingat po kayo."

"Salamat Jonas. Ikaw muna ang bahala kay Arl ha?"

"Opo, makakaasa po kayo."
-----

"Si Mama?" tanong ni Arl nang makabalik si Jonas.

"Hindi na siya nakapag-paalam sa iyo. Babalik daw agad siya, umuwi lang sa bahay niya saglit."

"Ah.. Ok lang. Kanina ko pa nga pinauuwi. Sabi ko OK lang ako na maiwan muna."

"So narito na ako, kaya pwede na nga siyang umalis muna." sinundan ng tawa ni Jonas ang sinabi.

"Mabuti nga iyon. Nag-aalala nga rin ako sa kanya."

"Pero kamusta na ang pakiramdam mo? Nag-alala talaga ako sayo. Maraming salamat at utang ko sayo ang pangyayari." siryosong pahayag ni Jonas.

Napa-ngiti si Arl. "Wala yun pare, alam ko naman na kung ako ang nasa katayuan mo, ganun din ang gagawin mo. Ang hindi lang inaasahan dun huli na ang paghila ko sayo, kaya minalasmalas." sabay tawa. "Pero wala na iyon."

"Maraming salamat talaga."

"Sige na nga tatanggapin ko na pasasalamat mo, para hindi ka na uli mag-thank you."

Natawa si Jonas. "Sige."
-----

"Ramon, lumabas ka dyan. Hayop ka, gusto mong patayin ang anak ko. Ikaw ang papatayin ko." Kumuha ng malaking bato si Arman at hinagis iyon sa kabilang pader. Narinig pa niya ang kalabog sa likod ng pader na iyon nang bumagsak ang bato. Kumuha uli siya ng bato at saktong ihahagis na sana niya ang pagdungaw ng kasambahay na halatang nag-iingat at takot na takot.

"Sir, nakakabulahaw na po kayo. Tatawag na po kami ng security kapag hindi kayo tumigil."

Parang asong galit na galit si Arman. "Wala akong pakialam. Ang amo mo ang idedemanda ko kapag hindi lumabas."

Muling isinara ang gate. Saka inihagis ni Arman ang hawak niyang bato. Narinig pa niyang magkasabay ang kalampog ng bato at ang sigaw ng kasambahay. Hindi pa nakuntento si Arman naghanap uli siya ng bato maihahagis sa kabilang pader. "Walang akong pakialam sabihan man akong walang pinag-aralan masigurado ko lang mapapatay ko lang ang hayop na yun."

Naka-porma na si Arman para ibato ang hawak nang maluwang na bumukas ang gate.


[13]
"Hindi mo talaga ako titigilan?" si Ramon na lumabas na ng bahay. "Umalis ka na kung ayaw mong ipakaladkad kita sa mga tauhan ko."


"Ang kapal ng mukha mong saktan ang anak ko, Ramon. Hayop ka." Saka inilabas ni Arman ang baril sa kanyang tagiliran. Itinutok ito kay Ramon.

Biglang sumulpot si Justin. "Tito Arman, huwag po." at humarang sa ama. "Huminahon po kayo, mapapag-usapan naman po natin ito eh. Nakakahiya na po sa mga kapit-bahay."

"Umalis ka dyan sa harapan ng hayop mong ama Justin kung ayaw mong madamay. Kahapon, binaril niyan ang anak kong si Arl."

Nagulat si Justin sa sinabi ni Arman. "A-ano?"

"Oo Justin, bakit hindi mo alam?" tumawa ng nakaka-insulto si Arman. "Ang dami kasing bahong tinatago yang ama mo."

Kahit nakaharang si Justin sa ama, dumistansiya siya para harapin ang ama. "Dad? Anong sinasabi niya?" tiim na nangungusap ang mga mata ni Justin sa ama.

Napatiim bagang si Ramon. Pinilit niyang maging mahinahon sa harap ng anakl. "Hindi ang anak niya ang dapat na tatamaan. Ang kaso, humarang siya."

"So totoo nga... nabaril mo si Arl? Dad, bakit?"

Hindi na makapagpaliwanag si Ramon sa anak.

"Bakit hindi mo ikwento ang lihim mo Ramon sa anak para naman hindi siya nagguguluhan. Ang akala pa naman niya, isa kang ulirang ama." sabay tawa. "O baka naman gusto mo pang ako na lang ang magkwento kung sino ang balak mong barilin?"

Nagpanting ang tenga ni Ramon. "Gago."

Natawa si Arman. "Ayaw mong malaman mo na ang dapat mong babarilin ay ang pinakamamahal niyang kapatid?"

Pinagpawisan si Ramon ng malapot, napa-tingin siya sa anak.

"D-dad?" salubong ang kilay ni Justin sa ama. Umaasa siyang tatanggi ang ama sa paratang ni Arman. Pero hindi kumibo ama patunay na nagsasabi ng totoo ang Arman. Nangilid ang luha sa mga mata ni Justin. "Bakit mo kailangang barilin si Jonas?"

Imbes na sumagot sa anak, kay Arman ito tumuon ng pansin. "Gago! Lumayas ka na rito kung ayaw ikaw ang ipapatay ko."

"See, Justin? Siya na mismo ang nagsabi. Gawain talaga niya ang pumatay."

"Aba't..." muntikan nang mapamura si Ramon. Susugurin niya si Arman. Wala siyang paki kungmay hawak itong baril. Pero hinarangan siya ng anak.

"Dad?" awat ni Justin. "Tito Arman..." tuon niya ng pansin. "Please ako na po ang humihingi ng paumanhin. Nakikiusap po ako. Ayoko ng gulo. Pag-usapan na lang natin po ng maayos."

"Ramooon...."

Nagulat ang lahat ng biglang may sumigaw sa tono ng galit na galit. Si Juanita ang dumating. May dala itong malaking bato at pasugod kay Ramon.

"Hayop ka..."  halos mapatid ang litid sa leeg ni Juanita sa pagsigaw. "pati anak mo gusto mong patayin."

Hindi lang si Ramon ang nagulat sa sinabi ni Juanita, ganun din sina Justin na nagtataka sa kung anong ibig sabihin ng ale na bagong dating. Agad siyang humarang sa ama.

"Juanita?" takang tawag ni Arman.

Hindi pinansin ni Juanita si Arman. Ibinato niya ang hawak ng malaking bato kay Ramon. Agad namang hinatak ni Justin ang ama papalayo para maka-iwas sa ibinato ng ale. Gulat na gulat ang mag-ama sa ginawa ni Juanita.

Umiiyak si Juanita nang maibato niya iyon. "Hayop ka Ramon. Wala kang sing sama. Anak mo gusto mong patayin? Ano bang kinalaman nila sa galit mo sa akin? Eh ano kung mabuhay sila? Bakit mo pa kailangang ipapatay?"

"Juanita..." tawag ni Arman.

"Wala akong anak sayo. Kahit kailan, wala akong naging anak sayo." nakadistansyang sagot n Ramon. Pero kanina pa man ay gusto na niyang gumanti inaalala lang niya ang anak na nakaharang.

"Dad? Wala akong maintindihan?" si Justin na gulong-gulo na sa mga nangyayari.

"Alam kong ikaw ang nagpadukot kay Jessica." si Juanita. "At hindi ka pa nakuntento, pati si Arl gusto mo ring patayin." Ang bilis ng pangyayari nang biglang lumapit si Juanita kay Arman at kinuha nito ang baril na hawak ng huli. Saka sumigaw ng todo. "Ako na lang papatay sayo!..."

Agad tinakbo ni Justin ang babae para iiwas ang baril na alam niyang sa ilang saglit lang ay ipapaputok ng babae. Nakikita kasi niya sa mga mata nito ang sobrang galit sa kanyang ama. Nakipag-agawan siya sa babae.

Sumaklolo si Arman. Lumapit siya kay Juanita para sabihing huminahon. Nakikiusap na huwag kakalabitin ang gatilyo ng baril. "Justin, ingatan mo." pakiusap niya kay Justin habang patuloy na hinihila ang baril sa kamay ni Juanita.

Nagkaroon ng pagkakataon si Ramong na pumasok sa loob ng bahay.
------

"Pare, paki-abot naman ng baso." pakiusap ni Arl kay Jonas nang bahagyang mabilaukan sa katatawa sa kwentuhan nila ng kaibigan.

"Sige." inabot ni Jonas ang baso sa katabing table habang naka-upo sa may ulunan ni Arl. Kinailangan pa niyang i-stretch ang katawan para maabot iyon. Hindi niya inaasahan na maa-out of balance siya kaya hindi niya nahawakan ng maayos ang baso kundi natabig ito at bumagsak sa lapag. Ang lakas ng kaba ang biglang bumalot sa dibdib ni Jonas.

Napa-tingin si Jonas kay Arl. Napansin niyang nakatulala ito. "Pare, bakit?" Napansin niyang pinagpapawisan ito.

"Jonas, pakiusap. Sundan mo sila Daddy. Bigla akong kinabahan. Parang may masamang mangyayari sa kanila."

"H-ha?" Naisip ni Jonas na hindi lang pala siya ang kinabahan ng tulad ng ganoon pati pala si Arl. "P-paano ka dito?"

"Huwag mo ako ng intindihin pare. Pakiusap, sundan mo na sila Mama. Pakiusap." Naluluhang pakiusap ni Arl kay Jonas.

"S-sige."
-----

Sa wakas ay bumitiw na rin si Juanita sa baril at nasa kamay na ito ngayon ni Justin. Hingal na hingal si Juanita habang nakapatong ang mg kamay ni Arman sa balikat niya.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Arman kay Juanita.

"Bakit niyo pa kailangang barilin pa ang Dad ko?" biglang tanong ni Justin habang kumukuha ng distansiya sa dalawang kaharap.

"Wala ka kasing alam." sigaw ni Juanita.

"Pa-" magtatanong sana si Justin nang mapalingon siya sa amang kalalabas lang gate.

"Kayo ang papatayin koooo..." sigaw ni Ramon habang hawak-hawak ang baril na nakatutok kay Juanita.

"Sige." sigaw ni Juanita. "Patayin mo na rin ako gaya ng ginawa mo kay Jessica na tunay mong anak. Wala kang kaluluwa. Kahit puso, napagkaitan ka. Nakakaawa ka."

"Hindi ko pinatay anak mo Juanita. Hindi ko alam kung nasaan siya." ganting sigaw ni Ramong habang nakatutok ang baril kay Juanita. "Oo, pinadukot ko ang anak mo. Pero hindi ko na alam kung nasaan ngayon? Dahil mismong tauhan ko ang nawawala. May puso ako, dahil ginagwa ko iyon para maprotektahan ang kaisa-isa kong anak."

Imbes na matuwa si Justin sa sinabi ng ama patungkol sa kanya ay sama pa ng loob ang dumapo sa puso niya.  "Dad? Totoo ngang pumapatay kayo ng tao?"

Tumingin si Ramon sa anak. "Im sorry anak. Sisirain nila tayo." Nasa tono ni Ramon ang parang nawawalan ng katinuan. "Ikaw. Kunyari, may anak ako sa kanila pero hindi totoo yun. Ikaw lang anak ko. Justin maniwala ka." sagot ng ama.

"Sagutin niyo po ang tanong ko Dad? Pumapatay po ba kayo?" nagsimula nang manlabo ang mga mata ni Justin sa namumuong luha. "Bakit Dad? Bakit niyo pa kailangang gawin yun?" Hindi na nga rin niya napigilan ang emosyon.

"Anak..." pang-aalo ng ama. Pero nakita niya ang matalim na pagiwas ng mga mata ni Justin sa kanya. Alam niyang galit sa kanya ang anak. Binalingan ni Ramon sina Juanita at Arman. "Kasi, kung hindi dahil sa inyo..." muli niyang itinutok ang baril sa dalawa.

Natakot si Arman hindi para sa kanya kundi para kay Juanita na malamang na makakasalo ng bala kung sakaling pumutok ang baril na hawak ni Ramon. Iniiwas agad niya si Juanita.
-----

"Pare, bilis barilin mo na ang lalaki gaya ng utos ni Bossing." Sa si kalayuan may nagtatagong dalawang lalaki para sundin ang utos ng boss nilang si Ramon na sila ang bumaril sa dalawang taong nanggugulo ngayon sa bakuran ng mga Jimenez.

"Sandali pare, hindi ko matyempuhan ang lalaki nakaharang yung babae eh. Di ba sabi ni Bossing yung lalaki ang barilin natin."

"Bilisan mo na kasi."

"Ito na." Nang tyempong kakalabitin na niya ang gatilyo ng baril ay sakto naman ang pagdaan ng kotse. "Bwisit!"
-----

Napansin ni Jonas ang dalawang lalaking nagtatago sa di kalayuan kaya sinadya niyang bilisan ang takbo ng kotse para maiharang ito sa alam niyang puntirya ng mga ito. Saka niya napansin si Tito Ramon na itinututok ang baril kay Juanita at Ramon.

"Tito Ramon, huwag." agad niyang awat kay Ramon nang makababa ng sasakyan. Humarang siya kay Arman at Juanita.

"Jonas?" nagulat si Justin nang makita ang kapatid.

Hindi pinansin ni Jonas ang kapatid kundi sa ama nito. "Tito Ramon, kailangan niyo pa pala talagang utusan ang mga tauhan ninyo." Inginuso ni Jonas ang direkyon kung saan nagtatago ang mga dalawang tauhan nito.

"Lintek." si Ramon nang malamang nabulyaso pala ang mga tauhan niya. Saka may narinig na putok.

Buti na lang at pansin ni Jonas ang dalawang nagtatago kaya bago pa man mapa-putok ang baril nito ay agad na niyang naitulak sina Arman at Juanita para makaiwas.

Agad ang saklolo ni Justin sa kapatid nang marinig ang pagputok. "Jonas..." sigaw niya sa kapatid at agad lumapit.

"Justin, anak-" sigaw naman ni Ramon. "Huwag kang lalapit..."

At isa pang putok ang narinig ng lahat.
-----

"Tang-ina mo pare, takbo. Anak ni Bossing ang tinamaan mo."

"H-ha?" gulat ng isa.

"Bilis."

"Bigla kasing humarang eh."

"Gago, tumakbo ka na." sigaw ng isa nang mauna nang makatakbo.
-----

"Justin..." iyak at takbo ang ama sa kinaroroonan ni Justin. "Tabi." sigaw niya kay Jonas na tatangkain buhatin ang katawan nito. "Sabi ko tumabi ka."

"Dalhin na natin siya sa ospital, Tito Ramon."

"Ako ang magdadala sa kanya sa ospital." sigaw ni Ramon kay Jonas.

Sumingit si Arman na nag-aalala rin sa sinapit ni Justin. "Isakay mo na siya Jonas sa kotse dali."

"Huwag niyong papakialaman ang anak ko." sigaw ni Ramon sa dalawa.

"Hahayaan mo bang mamatay na lang dito si Kuya?" labis na rin ang galit ni Jonas para sa kanyang tito Ramon. "Wala ka bang isip? Hangga't hindi ka gumagalaw diyan, lalong mauubusan ng dugo si kuya."

"Huwag mo nang intindihin si Ramon Jonas kunin mo na si Justin." utos ni Arman.

"Wag kang makialam. Hindi ko kayo mapapatawad." si Ramon kay Arman.

"Ilag saglit lang Ramon maaring bawian na ng buhay ang anak mo kung hindi agad yan maaasikaso. Gusto mo bang mamatay ang anak mo?" bulyaw ni Arman.

Sapilitang hinila ni Jonas ang katawan ni Justin sa mga bisig ng ama nito. At agad niya itong dinala sa kotse ni Arman.

"Jonas, ikaw ang mag-drive habang binibigyan ko ng paunang lunas si Justin."

"Sige po, Tito Arman."

"Juanita?" sigaw ni Arman. "Sumakay ka na."

Kanina pa tulala si Juanita kaya parang wala na siyang alam sa mga sumunod na pangyayari. Agad siyang napatakbo sa kinaroroonan ng kotse nang marinig si Arman.

Naiwan si Ramon na patuloy na nagmumukmok na para bang nasa bisig pa rin niya ang anak na duguan sa tinamong tama ng bala.
-----

"Si Sir James, ngayon lang na-late ng dating."

Ito ang naririnig ni Jesse nang dumaan sa kanya ang dalawang empleyeda sa opisina ng boss nila. Napa-kunot ang noo niya.

"Alam mo, ngayon lang niya pinaghintay ang mga dapat niyang i-meet." pagpapatuloy ng isa.

"Oo nga eh. May meeting pa naman siya sa mga bagong bigating tao para sa investment ng kumpanya ni Sir. Grabe lalo siyang yumayaman." biglang napalitan ng kilig ang sinasabi ng isa pang babae.

"Gaga, eh mukhang hindi pa nga sisipot si Sir eh. Lalong yayaman. Eh mga mukha noong mga yun, mukhang hindi marunong maghintay. Yung tipong hindi alam ang salitang wait."

Napataas na lang ng balikat ang kausap. "Basta, gwapo na si Sir, mayaman pa. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niyang Justin James Jimenez."

"Kaya nga 3J supermaket ang pangalan nito eh. Sa pangalan niya."

Ito ang kabuuan sa narinig ni Jesse sa dalawang babaeng nagtsismisan.

"Grabe naman yung dalawa, ang lakas siguro ng tama nung dalawang yun sa kay Sir. Na-late lang, parang guguho na ang mundo kung pag-usapan." pabulong niyang nasabi.

"Ang lakas naman talaga kasi ng dating ni Sir. Pogi na mayaman pa." sagot ng kasama niya sa paggawa.

Nagulat pa si Jesse sa pagsagot ng kasama niya. Narinig pala ang ibinulong niya. Napangisi na lang siya.

"Hmmm... ang lakas makarinig, bulong na nga. Pero... kaya pala 3J supermarket kasi dahil sa pangalang Justin James Jimenez. Ah... kasi tatlong J ang simula ng pangalan ni Sir James."
-----


Nakasalampak sa pagkakaupo si Jonas sa labas ng operating room. Ngayon lang niya nabalikan ang mga pangyayari. Hindi niya mapaniwalaan sa bilis ng pangyayari na bigla nalang bumulagta ang kanyang kuya Justin  nang tamaan ito ng bala na dapat hindi para rito.

Halos paliparin niya kanina ang kotse habang tinatahak ang daan patungong hospital. Sobra ang pag-aalala niya sa kuya niya.

"Kuya..." iyak niya. "handa ka talagang protektahan ako. Kung hindi ka lumapit sa akin hindi sana ikaw ang mababaril..."
-----


Mabilis na kumalat ang balita sa buong 3J supermarket ang nangyari sa kanilang boss na si Justin.

"Oo, si Sir James kaya pala hindi raw dumating sa meeting dahil nabaril pala." sagot sa kanya ng ka-trabaho nang matanong niya kung totoo ang balita.

Biglang pumasok sa isipan ni Jesse ang mukha ng boss. "Wala naman sanang mangyari pang ibang masama. Ang bata pa ni Sir."

"Sabi mo pa."

"Ano ba daw ang dahilan kung bakit nabaril si Sir? Na-hold up ba?"

"Hmmm hindi ko alam eh. Pero may narinig akong sa labas lang daw ng bahay nila Sir nangyari."

"Oh?" hindi makapaniwalang si Jesse. "Sa labas lang.E di ibig sabihin may nag-aabang?"

Nagtaas ng balikat ang kausap ni Jesse. "Siguro."

"Hmmm sige siryoso na muna tayo sa ginagawa natin." sinabi na lang ni Jesse.
-----

"Hindi ako papayag. Papatayin ko kayo isa-isa." banta ni Ramon habang sakay ng kanyang kotse papunta kung saan maari niyang makita ang hinahanap niya.
-----

"Jonas, ihahatid ko muna si Juanita. Kailangan na niyang magpahinga kasi. Ihahatid ko lang siya sa bahay namin."

"Tama, tito Arman. Mahirap nang umuwi si Aling Juanita sa bahay nila. Maaring puntahan siya doon ng mga tauhan ni Tito Ramon."

"Oo Jons.Yun din ang naisip ko. Saka, tatawag na ako sa pulis pagdating ko sa bahay. Kailangan na ni Ramon matigil sa kasamaan niya."

"Sige lang po Tito Arman. Hindi po ako tututol."

"Salamat Jonas. Kasama sa dalangin namin ang matagumapay na operasyon sa kuya mo."

"Salamat po."

"Siya nga pala Jonas, maayos na si Arl kaya pumayag siyang maiwan muna uling mag-isa."

"Mabuti naman po kung ganoon. Sige po tito Arman magiingat po kayo. Dito muna ako."

Tinapik na lang ni Arman ang balikat ni Jonas saka tumalikod para tunguhin ang parking area.
-----

"Hindi ako papayag na hindi ko masisiguradong hindi na kayo humihinga. Hindi pa tayo tapos. Ako mismo ang papatay sa inyo. Sinira niyo ang pamilya ko. Sinira ninyo...."


[14]
"J-juanita?" tawag atensyon ni Arman kay Juanita ng mapansing nakatingin lang ito sa labas ng bintana habang tinatahak nila ang daan pauwi. Lagpas na sa tanghali ang sandaling iyon.


"Mmm." ungol ni Juanita sa tawag ni Arman pero hindi siya tumingin nanatili lang siya dati.

"May gusto sana akong sabihin sayo. Ah... imungkahi."

Saka lang napatingin si Juanita kay Arman. "A-ano yun?"

"Kasi, alam naman nating mahirap na ang kalagayan mo sa lugar niyo. A-ang ibig kong sabihin kay Ramon. Hindi pa natin sigurado ang susunod niyang gagawin."

Napatango siya at muling tumingin sa labas ng bintana. "Dapat ko siyang harapin di ba?"

"Hindi Juanita. Sinabi na sa akin ni Arl na sa bahay ka na titira."

Napatingin bigla si Juanita kay Arman. "Sinabi niya iyon?"

"O-oo." sagot ni Arman kahit walang katotohanan. Sa katunayan siya lang mismo ang may gusto noon. "Gusto na kasi niyang magkasama kayo lagi. Lalo pa ngayon na mahirap nga ang kalagayan mo." Napansin niya ang buntong hininga ni Juanita.

"K-kung sakali ba..." tumingin si Juanita kay Arman at saka yumuko. "Welcome ba ako, sayo?"

Napa-ngiti ng maluwang si Arman. "Oo naman."

"Sige. Pero... gusto ko munang ayusin ang bahay ko. Kasi, naniniwala akong babalik si Jessica. Baka kung ano ang isipin niya kapag hindi niya ako doon naabutan."

"Oo siyempre naman. Magagawan natin ng paraan iyan. Huwag kang mag-alala. Tutulungan kita lalo na ng anak mo, Juanita. Basta, dumoon ka na sa bahay namin. P-para maging... bahay mo na rin."

Napa-tingin si Juanita sa mga huling mga salitang binitiwan ni Arman. "Bahay ko na rin? Makikitira lang ako pansamantala Arman. Saka wala akong balak na... tutulong ako sa gawaing bahay. Marunong akong magluto, maglinis. Kahit pa sa paglalaba. Yun ang kapalit ng pagtira ko doon Arman."

"Sa tingin mo ba papayag si ang anak mo na ganoon ang gawin mo?"

Natigilan siya. "Pero, nakakahiya naman. Basta, hindi ako makakatiis na hindi tumulong."

"Ikaw ang bahala Juanita." Saglit na tumahimik si Arman. "K-kasi..."

Hindi inaasahan ni Juanita na may iba pang ibig sabihin si Arman. "Kasi?"

Bumuntong hininga si Arman. "Mamaya ko na lang sasabihin." natawa si Arman. Pilit na itinatago ang pamumula ng pisngi.

"Bakit, may problema ba?"

"Hindi wala. Huwag kang mag-alala hindi problema ang ibig kong sabihin sana sayo." saka siya nagsalita ng pabulong. "Kung problema nga..."

"H-ha? May sinasabi ka Arman.

Natawa si Arman. "W-wala." saka muling tumawa. "Sa bahay na nga lang."
-----

"Ok na po Sir ang pasyente. Maya-maya lang po ilalabas na siya sa operating room."

"Salamat sa Diyos." nausal ni Jonas habang nakatingala sa kisame. Pinasalamatan niya ng lubos ang Panginoon nang matiyak ang maayos nang kalagyan ng kanyang pasyente. "Salamat."

"Sige Sir."

Tumango siya sa doktor na alam niyang isa sa gumawa ng operasyon.
-----

"Ramon?" gulat na gulat si Arman dahil nang makababa siya sa kotse ay agad niyang nakita si Ramon malapit sa gate nila at masama ang tingin. Agad siyang lumingon kay Juanita na bubuksan pa lang ang pinto ng kotse. "Juanita, kahit anong mangyari huwag kang bababa. Huwag kang bababa."

Nagtaka si Juanita kaya hindi niya pinagpatuloy ang pagbukas ng pinto ng kotse. Hindi na rin niya nagawang magtanong nang maisara na ni Arman ang pinto sa driver seat. Saka lang niya nalaman kung bakit. Nakita niya si Ramon sa tabi ng gate nila Arman. "Ramon?..." na-ibulong na lang niya.

"Bakit?" medyo pasigaw ang tanong ni Arman. "Ano ang nagdala sayo rito Ramon. Di ba dapat nasa hospital ka para kamustahin ang anak mong binaril ng tauhan mo?" nakangising tawa ni Arman.

Ngumisi si Ramon. "Ayaw mo na pala akong makita. Akala ko kasi gusto mong makipagpatayan sa akin."

"Alalahanin mo muna ang anak mo Ramon. Iyon ang mas mahalaga."

"Eh kung gusto kong ipagpatuloy."

Nagsalubong ang kilay ni Arman. Tinitigan niya ang mukha ni Ramon. Napapansin niya ang kakaiba nito sa pagsasalita. Naisip niyang parang nababaliw na si Ramon. "A-anong ibig mong sabihin."

Tumawa si Ramon. "Para patayin ka." Saka inilabas nito ang baril. Itinutok at saka kinalabit ang gatilyo.
-----

"Arman!...." sigaw ni Juanita kasabay ang pagsambulat ng kanyang luha. Agad siyang lumabas sa kotse. Napansin pa niya ang tumakbong si Ramon sa sarili nitong sasakyan. "Hayop ka talaga Ramon. Dimonyo ka."
Iniangat ni Juanita ang ulo ni Arman. "Arman..." iyak niya. Saka siya humingi ng tulong.

"J-juanita." pinilit ni Arman ang magsalita.

"Huwag ka ng magsalita. Dadalhin ka na namin sa hospital."

"M-masaya a-ko dahil nagkakilala na kayo n-ni Arl. Ng a-anak mo."

Tumango-tango si Juanita habang umiiyak Muli siyang lumingon kung may paparating na bang tulong. Napansin niya ang tumatakbong lalaki papunta sa kanila.

"J-juanita. S-siguro bayad na ako sa, kasalanan ko."

"Wala kang kasalan Arman. Ano ba?"

"Maam ako na po ang magbubuhat." alok ng lalaking handang tumulong.

"Sa kotse na lang niya. Bilisan mo ha." nagaalalang si Juanita.

"Opo." binuhat na ng lalaki si Arman saka isinakay sa kotse. "Nasaan po ang susi?"

Aligaga si Juanitang dukutin ang susi sa bulsa ni Arman. Agad naman niyang nakita. "Ito. Dali patakbuhin mo na. Dalhin natin sa malapit na hospital."

Habang tumatakbo ang kotse patuloy pa rin ang pag-usal ni Arman.

"J-juanita. N-noon pa man..."

"Huwag ka ng magsalita. Arman naman... Papunta na tayo sa hospital."

"N-noon pa kita mi-minahal." Saka pumikit si Arman.

Napatulala si Juanita sa sinabi ni Arman. Dinig na dinig niya iyon. Kahit hirap itong magsalita ay malinaw pa rin niya itong narinig. Pero saglit ang kanyang pagkatulala. "Arman, arman? Manong, paki-bilisan lang po."  napahagulgol ng todo si Juanita. "Arman, Arman dumilat ka?"
-----

Ang lakas ng tawa ni Ramon habang minamaneho ang sasakyan niya. Sa pagtawa niya pinagdiriwang ang ginawa niya kay Arman. Pero sa katotohanan, pasimpleng natatago ng halakhak ang takot niya sa nagawa.

Pinabilisan niya ang pagpapatakbo ng sasakyan. Naging palagay siya nang mapansing walang masyadong sasakyan sa kalsada kaya todo harurot siya sa pagpapatakbo. Kailangan niyang bilisan kahit hindi naman sakto sa kanyang isipan ang talagang tutunguhin niya.

"Putang ina mo!" usal niya nang maka-over take siya sa isang kotse. Saka siya muling humalakhak ng todo.

Hindi pa siya nakuntento. Pinilit niyang maunahan ang mga ibang sasakyan saka sasabayan ng tawa kapag naabutan ang mga ito. Hanggang sa hindi niya napansin ang warning ng stoplight nang malapit na siya sa isang crossing, isang kotse ang naggaling sa kaliwa ang saktong bumulaga sa kanyang sasakyan.
-----

"J-juanita, alagaan mong mabuti si Arl. S-sana sa pagk-" nahihirapan na si Arman sa kanyang paghinga.

"Huwag ka na kasing magsalita." iyak ni Juanita.

"...pagkikita niyo ng a-anak mo, sana na-nakabayad na ako sa utang k-ko sa inyong mag-ina."

"Wala kang dapat pagbayaran Arman. Nagpapasalamat pa nga ako. Huwag ka ng mag-salita, pakiusap Arman. Manong malayo pa ba tayo?"

"Malapit na tayo Maam." sagot ng lalaking tumulong.

"J-juanita, h-hindi ko na kaya." tumigil muna si Arman para kumuha ng panibagong hangin.

"Hwag mong sabihin yan Arman. Alalahanin mo si Arl."

"Mahal kita Juanita. H-hindi mo alam, pero hinaha-hanap talaga kita. P-para sa a-anak mo at- sa akin."

"Ano ka ba Arman. Hinihintay ka ng anak mo. Huwag ka magsalita ng ganyan please."

"Maraming salamat."

"Arman?" pigil ang hininga ni Juanita nang pumikit si Arman. "Arman, Arman?" Tinapik niya ang mukha nito. "Arman..." hagulgol niya. "Arman, huwag mong gawin ito. Hinihintay ka ng anak mo sa hospital. Arman. Manong bilisan mo, Manong. Arman. Gumising ka." kulang na lang at maghisterikal si Juanita. Sumasakit ang puso niya sa tagpo. Parang nawawalan siya ng hininga. "Arman..."
-----

"Arl. Ok ka lang?" tanong ni agad ni Jonas nang makapasok sa kwarto ni Arl.

"Oo bakit?" nakangiting sagot ni Arl.

"Ah..." hindi alam ni Jonas kung paano at ano ang sasabihin. "Napadaan lang ako. Aalis din agad ako. Kinamusta lang kita."

"Pare, Ok lang. Huwag kang mag-alala naiintindihan ko. Alam ko ang nangyari. Sinabi sa akin kanina ni Dad."

"Ah.. alam mo pala Arl." nagsimulang mangilid ang luha sa mga mata ni Jonas. "Pero, Ok na si kuya. Iniwan ko lang, par i check ka. Baka kasi, naiinip ka na dito."

Natawa si Arl. "Ikaw nga ang inaalala ko, Jonas. Sige na, balikan mo na si kuya."

Napa-tingin si Jonas kay Arl. Saka natawa. "Oo nga pala, kuya mo si kuya dahil magkapatid kayo sa ama."

"Sige na Jonas balik ka na kay kuya, hehe. Mas kailangan ka niya. At maraming salamat sayo ha. Dahil sa ginawa mo, walang nangyaring masama kay Dad at kay Mama."

"Wala yun."

"Maraming salamat talaga Jonas. Utang ko yun sayo na hanggang ngayon makakasama ko pa rin ang nanay ko at ang tatay ko. Kasi kung hindi mo yun ginawa, baka isa sa kanila nabaril na ng hayop na Ramon na yun."

Napa-buntong hininga si Jonas. "Basta wala sa akin yun. Pero sige tatanggapin ko na rin."

Nagkatawanan sila.
-----

"Paki-asikaso lang dalian ninyo." sigaw ni Juanita sa mga nurse at doktor na umaasiste sa pasyente.

"Si Dr. Sto. Domingo ito ah?" nang makilala ng unang nurse na sumalubong sa pasyente.

"Asikasuhin niyo na, huwag na kayong magsalita ng kung ano-ano." muling sigaw ni Juanita.

Saka sumingit ang isang doctor. May kung anong kinapa ito sa katawan ng pasyente ni Juanita saka nagpakita ng malungkot na mukha.

"Bakit Dok?" natutulalang tanong ni Juanita. Pero hindi na siya nasagot ng doktor na iyon nang mabilis na itinakbo ang pasyente sa operating room. "A-ano ang ibig niyang sabihin?..."
-----

"Kuya dapat pagbayaran ito ng Tito Ramon. Siya ang may kagagawan nito sayo." Umiiyak si Jonas habang kinakausap niya ang kuyang mahimbing na natutulog habang hawak-hawak niya ang kamay nito. "Kuya, magpagaling ka agad ha?"
-----

"Ano bang nangyayari sa kanila?" bulong ng isang nurse sa kapwa nurse.

"Oo nga eh, una yung anak. Buti na lang, sa balikat tinamaan. Pero yung ama?"

"Naawa ako kay Doc."

"Oo talaga naman, pero ang mas nakakaawa ngayon ang anak. Malamang hindi pa niya alam."

"Oo nga eh."

Ito ang narinig ni Jonas habang nasa information siya. Gusto niyang makontak ang mga kasambahay sa bahay ng kanyang kuya. Nakakapagtaka para sa kanya ang kwentuhan ng dalawang nurse pero isinasantabi niya ito.

"Ay teka, di ba yan yung kasama ni Dok?" bulong ng isang nurse sa kapwa nurse.

"Oo. Siya kaya, alam na niya?"

"Di ba, may pasyente rin siyang pinasok dito?"

Napa-tingin na si Jonas sa dalawang nurse kasabay ang kanyang kunot-noo. Nakita niyang nag-ngitian ang mga nurse. Kaya napilitan siyang magtanong.

"M-may problema ba?" kaswal na tanong ni Jonas sa dalawa.

"Ah, eh..." hindi alam kung paano sasagot.

Mas lalong napa-kunot noo si Jonas. "Ano nga? Para kasing ako na ang pinagkukwentuha niyo dyan sa reaksyon niyo. Mali ba ako?"

Naglakas ng magtanong ang isang nurse. "Eh kasi Sir, alam niyo na po bang s-si..."

Napa-nga nga si Jonas nang mabitin sa gustong itanong ng kausap. "S-sino, ano?"

"S-si Dr. Sto. Domingo kasi... dead on arrival. Kanina lang po."

Ang bilis ng panghihina ng katawan ni Jonas. Tila babagsak siya sa sahig sa panlalambot ng kanyang tuhod. Isang nakakagimbal na balita para sa kanya. Tila umiikot ang paligid niya.

"T-totoo ba ang si-sinabi mo? S-si Tito Arman?"

"Opo, Sir. Ayun nga po yung kasama niya oh, kanina pa tulala."

Hindi alam ni Jonas kung paano pa siya naka-kuha ng lakas para lumingon sa kung saan ang pagkakaturo ng nursena nagbalita sa kanya. Nakita niya doon si aling Juanita na tulala ngunit patuloy na umaagos ang luha sa mga mata. Tahimik itong umiiyak. Sa kalagayan ni Aling Juanita, nagsasabi lang ng katotohanang may nangyaring masama nga kay Tito Arman. "P-paanong nangyari yun?" naibulong niya.
-----

"Sigurado sa paglabas ko dito, makakasama ko na si Mama sa iisang bahay. Maraming salamat talaga Dad. Lagi mo talaga akong pinapasaya. Pagnakita talaga kita. Yayakapin kita ng mahigpit." hindi na naiwasan ni Arl na mapaluha. "Gusto na kitang makita Dad." napa-ngiti siya. "Iisipin ko kung ano ang maari kong i-gift sayo. Hay, nasaan na kaya sina Mama at Dad. Sana si Mama nagpapahinga na. Tapos si Dad, pabalik na rito."

Pinili na lang muna niyang pumikit.
-----

"A-aling Juanita?" Pagkalapit ni Jonas.

Hindi tumingin si Juanita. Nanatili lang itong nakatulala habang patuloy na lumuluha.

"Aling Juanita, ano po ang nangyari? Bakit ganun?"

Kahit sa ikalawang pagkakataon, hindi pa rin nagsasalita si Juanita.

"Alam na po ba ito ni Arl?"

Saka napatingin si Juanita. "K-kamusta siya?"

"Ok lang po siya." sagot ni Jonas.

"Pupuntahan ko siya." Mabilis na tumayo si Juanita.
-----

Pero nang makarating si Juanita sa harapan ng pinto ng kwarto ni Arl ay bigla siyang nawalan ng panimbang. Bahagya siyang nahilo kaya napakapit siya pader. Naroon naman si Jonas sa likod na mabilis na umalalay.

"P-parang hindi ko kayang sabihin kay Arl ang nangyari." bulong ni Juanita na nagsisimula na namang umiyak.

"P-pero kailangan niyang malaman Aling Juanita."

"Baka kung anong gawin niya sa sarili niya Jonas. Nararamdaman ko kung gaano niya kamahal ang kinagisnan niyang ama.Ang alam niya ay hinatid lang ako sa bahay nila para makapag-pahinga. Natatakot ako sa kung anong gawin ni Arl. Jonas anong gagawin ko. Hindi ko na alam kung ganito ang nangyayari sa amin..."

Hindi na naiwasan ni Jonas na aluin si Juanita. Hinimas na lang niya ang likod nito para magkaroon kahinahunan. "Tutulungan ko po kayong magsabi. Malakas na si Arl maliban sa sariwa pa ang sugat niya sa balikat. Ano po sa tingni ninyo?"

"Hindi ko alam Jonas, hindi ko alam."

Napasinghap na lang si Jonas ng hangin.
-----

"Bakit?" takang tanong ni Arl sa dalawang taong nakatayo sa kanyang harapan. "Jonas? Bakit, namamga ang mga mata ni Mama sa kaiiyak? Ma, si Dad nasaan po. Ano ba sumagot naman kayo." Pinilit ni Arl na tumayo sa pagkakahiga.

"A-arl." napa-lapit si Jonas kay Arl nang tangkain nitong tumayo.

Napahagulgol naman ng mabuti si Juanita.

"Ano bang problema? Bakit ayaw niyo kasing magsabi?" nag-simula nang mangamba si Arl. "Nasaan si Dad Jonas? Bakit naiyak si Mama?" Nakikiusap ang mga matang nagtatanong ni Arl.

Napa singhap ng hangin si Jonas hindi niya alam kung paano magsisimula. "K-kasi..."

"Ano?" saka sa ina tumuon. "Ma, ano ba ang ibig sabihin nito?..."

Sa wakas ay may lumabas na rin sa bibig ni Juanita sa gita ng paghagulgol. "Arl, ang Dad mo..."

Parang may kung anong bumundol sa dibdib ni Arl sa unang pahayag na iyon ng kanyang ina. "A-anong nangyari kay D-dad?"

"S-si Arman... anak..."

"A-anong nangyari?" hindi na napigilan ni Arl ang mapasigaw.

"Wala na si Arman. Wala na ang Dad mo anak. Patawarin mo ako..."

Hindi makapaniwala si Arl. Parang napapatid ang hininga niya dahil nagsisimulang magsikip ang kanyang dibdin. Ramdam niya ang kakaibang kirot sa dibdib na nagiging sanhi para manlabo ang kanyang mga mata na ngayon ay natatabunan ng namumuong luha. "H-hindi m-maari..." saka napasigaw muli si Arl. "Hindi ako naniniwala."

Agad tumayo si Arl sa higaan niya, itinulak niya si Jonas nagtakang pigilan siya. Gusto niyang makita ang ama. Gusto niyang salubungin ito. Alam niyang naghihintay lang ito sa kanya sa labas. Nakikita niya sa kanyang isipan ang mga ngiti nito na kanina lang niya nakita. "Imposible! Hindi ako naniniwala."

"Arl..." si Jonas.

"Huwag mo akong hahawakan." natuluyan na nga ang paghihisterikal ni Arl

"Arl, hindi pa magaling ang sugat mo."

"Wala akong pakialam." Tutunguhin ni Arl ang pinto.

Walang magawa si Juanita kundi ang maupos na para bang kandila sa sahig. "Arl... anak ko." tawag niyang umiiyak sa anak.

Napa-lingon si Arl sa tawag ng ina. Nakita niya ang kaawa-awang kalagayan ng ina sa sahig. "M-ma..." iyak ni Arl. Agad siyang lumapit sa ina. "Ma, sabihin niyo sa akin na hindi totoo ang lahat. Nagbibiro lang kayo."

Iyak lang ang naisagot ni Juanita. Nahihirapan siyang sumagot ng tuwid sa anak. Hindi niya magawa dahil pati mismo siya ay hindi makapaniwala sa mga nangyari at ngayo'y nangungulila rin tulad ng anak.
-----

"Grabe, basag ng mukha ng lalaki." sambit nang imbestigador nang makatalikod sa aksidenteng kakaganap lang. "Sino ang nakakita sa pangyayari, meron ba dito?"

"Ako po. Sir, ako po." sigaw ng isang lalaki sa likuran.

"Paano nangyari?" tanong ng imbestigador.

"Kasi sir. Ang bilis magtakbo sa kotseng yan. Hindi yata napansin ang stoplight, ewan ko baka talagang sinadya niyang huwag pansinin. Eh ang nangyari sir hindi rin niya napansin na may sasalubong pala sa kanyang kote. Dyan sir," tinuro ng lalaki ang gawing kanan. "Nagkasalubong sila. Gulat na gulat nga ako ng ilang beses na bumaliktad ang sasakyan na yan sir. Hindi ako makapaniwala parang sa pelikula."

Napa-tsk ang imbestigador. "Oh ano pa?"

"Basta sir ang may kasalanan talaga yang kotse na yan. Ang bilis kasing magtakbo tapos hindi pinansin ang warning light."

Biglang may naglapitang ibang mga pulis sa imbestigador. "Sir, tapos na po bang imbestigahan?"

"Oo. Yung nakaligtas na lang ang tatanungin ko. Yang bangkay, pwede niyo nang pakuha ang bangkay."

"Sige Sir."

Nag-alisan ang mga pulis na naka-usap ng imbestigador.
-----

Lulugo-lugo si Jonas nang lumabas sa kwarto ni Arl. Pati siya hindi na makapaniwala sa mga nangyayari. Una si Arl. Pangalawa ang kuya niya. Laking pasalamat niyang naka-survive ang kuya niya. Pero itong huli, si Tito Arman.

Nakarating siya sa information ng hospital. Yun talaga ang tungo niya. Itutuloy na niya ang pagtawag sa bahay ng kuya niya para magpa-abisong hindi pa sila makakauwi. Pero naisip niyang kailangan pa ba niyang tumawag kay Tito Ramon gayong alam niyang ito ang may kagagawan ng lahat. Pero kahit nagdalwang isip, nakita niya ang sariling dumadayal sa telepono.

"Aling Koring si Tito Ramon?... Teka, bakit parang umiiyak ka yata?" si Jonas habang kausap ang kasambahay sa kabilang linya.

"Jonas, si Don Ramon, naaksidente. Patay na daw siya..."

Nagpatuloy pa sa pagsasalita ang kasambahay pero parang wala nang naririnig si Jonas. Gimbal na gimbal siya sa nalaman.


[Finale]
"Dalawang Linggo..." napa-buntong hininga si Jesse habang naka-upo sa harapan ng pinto. Katatapos lang niyang magwalis sa harapan Linggo nang umaga. "Ang tagal noon ah. Ano na kaya nangyari sa kanya? Hindi man lang ako ma-saglit kung anong meron kung bakit hindi na siya nagpapakita sa akin." isa pang buntong hininga. "Hindi naman siguro nagbago na ang ihip ng hangin para malaman niyang hindi pala talaga niya ako mahal. ay naku, ayoko ngang isipin ang ganun." Tumayo si Jesse para pumasok sa loob ng bahay.


Mahigit dalawang linggo na si Jonas na hindi na nagpapakita kay Jesse na ikinababahala nga ng huli. Ayaw sana niya mag-isip ng hindi maganda pero hindi niya maiwasang walang sumagi sa isip niya ng tulad ng ganoon. Nag-aalala siya pero saan naman niya hahanapin dahil hanggang sa puntong ito hindi pa rin niya alam kung saan ito nakatira o sa anong paraan niya ito makokontak. Panay na lang ang buntong hininga niya kapag sumasagi sa isip niya si Jonas.

"Siguro naman kapag naglaba ako, maabala ang utak ko at hindi ko siya maisip." nasabi ni Jesse.

"Malulungkot ako kapag hindi mo ako inisip." sagot ni Jonas.

"Ay gorilla." nasabi ni Jesse sa gulat. Napalingon agad siya nang marinig nang may magsalita sa kanyang likuran. "J-jonas?"

"Bakit kailangan mo akong hindi isipin?" tanong ni Jonas ng naka-ngiti.

Hindi sumagot si Jesse. Nananatili lang siyang natutulala at nakatitig sa mukha ni Jonas. Na-miss niya ang taong iyon.

"Ano?" giit ni Jonas. "Tulala ka na."

Hindi naiwasan ni Jesse na maipakita ng tuluyan ang saloobin. Mis ma mis na niya ang lalaki. Mabilis na kumabog ang kanyang dibdib at ang luhang hindi naman sinasadya. "Bakit ngayon ka lang?" parang batang tanong ni Jesse sa kaharap.

May halong lungkot ang ngayong ngiti ni Jonas. "Pero, bumalik ako."

"Bakit nga?"

"Malalaman mo rin."

"Ayan ka na naman. Malalaman ko rin o tapos kailan pa?"

Ngumiti ng maluwang si Jonas. "Ngayon, pag-uwi natin sa bahay natin."

"Ha?"

"Oo, iuuwi na kita sa bahay natin."

"Ha?"

"Uulitin ko pa ba?" natatawa si Jonas. "Sabi ko, iuuwi na kita sa bahay natin. Aalis ka na rito."

Napa-singkot si Jesse. "Ang gulo mo. Hindi kita maintindihan." tumalikod si Jesse.

"Jesse..." tawag ni Jonas. "Isasama na kita... sasamahan mo na ako, mamumuhay na tayong magkasama."

Muling humarap si Jesse. "Bakit naman kasi ang tagal mong hindi nagpakita. Tapos, bigla kang susulpot tapos, sasabihin mo iuuwi mo na ako."

Lumapit si Jonas. Balak sana niyang yakapin si Jesse pero umiwas ito. "Jesse..."

"Nag-alala ako sayo. Dalawang linggo akong naghihintay. Kahit man lang mapadaan ka sa trabaho ko, hindi ka man lang nagpakita. O kaya naman nagiwan ka ng sulat. Isiningit mo sana sa ilalim ng pinto. Ang hirap kayang mag-alala tapos, ngayon parang wala lang na sasabihin mo aalis na tayo."

"Im sorry. Marami lang ang nangyari."

Suminghap ng hangin si Jesse. "Sorry?"

"Oo."

Biglang tumalikod si Jesse. "Kumain ka na ba? Kakaluto ko lang ng almusal. Tamang-tama sabay na tayo."

Natawa si Jonas. Ang akala niya hindi tinanggap ni Jesse ang paghingi niya ng tawad. "Oo ba. Sabi ng mahal ko eh."

"Natawa ka dyan? Anong nakakatawa? Akala mo siguro pinatawad na kita. Hindi pa no. Niyaya lang kitang kumain."

"Aw!" napangisi na lang si Jonas.

"Dali, upo. Kung ayaw mong masakal." biro ni Jesse.

"Oo uupo na ako. Pero tanong ko lang, kailan ka pa naging bayolente?" natatawang tanong ni Jonas.

"Ngayon lang nang makita kita. Balak ko nga na ikadena ka na. Ay mali, bakit ko ba sinabi baka tumakas ka."

Muling natawa ng malakas si Jonas. "Ganun. Oo naman magpapatali ako. Walang problema."

Pinanatili ni Jesse ang pagiging siryoso. "Kaya lang ang itatali ko sayo ay yung bulb wire. Oo."

"Grabe ka naman." nabawasan ang tawa ni Jonas.

"Kumain ka na muna para hindi ka gutumin mamaya." siryoso pa rin ni Jesse.

"Hmmm... siryoso ka nga talaga."

Kumunot ang noo ni Jesse. "Natatakot ka?"

"H-hindi naman." muntikan ng mabulol si Jonas na ikinatawa ni Jesse.

"Natatakot ka nga."

Napa-ngiti si Jonas. "Nakita ko na rin ang mga ngiti mo at narinig ko na rin ang tawa mo sa wakas."

Agad nagbawi si Jesse. "Ewan. May paganyan-ganyan ka pa. Eh kung sana sumasaglit ka man lang o nagpasabi ka hindi mo ma-mimiss ang mga ngiti at tawa ko."

"Kahit naman palagi akong nasa tabi mo, at sa tuwing saglit na mawala ka sa paningin ko, pakiramdam ko parang napakahaba na nating hindi nagkita."

"Weh... kumain ka na nga dyan. Kung ano-ano ang sinasabi mo." pero ang totoo kinikilig si Jesse.

"Opo." maluwag ang ngiti ni Jonas habang sinusunod niya si Jesse.
-----

"Ano na ang plano mo?" ganito ang tanong ni Jonas nang pansamantalang mapalagay si Arl sa sakit na nararamdaman ng malamang wala na ang kanyang pinakamamahal na ama.

"Hindi ko alam pare. Ang alam ko lang ngayon ay sobrang galit, poot sa taong gumawa noon sa aking ama. Pagbabayaran niya ang ginawa niya. Isinusumpa ko." nagtatangis ang mga bagang ni Arl habang kuyom na kuyom ang mga kamao.

Bumuntong hininga muna si Jonas. "P-paano kung ang gumawa noon sa ama mo ay... patay na rin?"

Napa-lingon agad si Arl kay Jonas. "Ano?"

"Oo, Arl. Kaka-kuha ko lang ng balita na naaksidente si Tito Ramon."

"Pa-paano mo nalaman. Sino ang may sabi?"

"Kakatawag ko lang sa bahay. Ibinalita sa akin ni yaya Koring na galing daw doon ang mga pulis para ipaalam na si Tito Ramon ay naaksidente at hindi na nakaligtas. Pumunta lang ako rito para ipaalam na aalis muna ako para saglitin ang bangkay ni Tito Ramon. Babalik din agad ako kasi alam kong kailangan ako ni Kuya."

Hindi na sumagot si Arl. Hindi rin alam ni Jonas kung ano ang iniisip nito. Tumayo siya para umalis. "Sige pare. Aalis na ako."
-----

Minabuti na ni Jonas na ipa-crimate ang labi ni Ramon dahil sa maselang tinamo ng mukha nito. Hindi na niya hinintay ang mga sasabihin ng mga kamag-anak nito galing abroad. Hindi naman siguro tama pang maghintay pa siya ng kung anong sasabihin ng mga iyon. At kung ang kuya naman niya ang tatanungin, hindi na rin niya inisip kung ano ang sasabihin nito. Ang mahalaga makapagpagaling ang kuya niya. Ang mahirap lang kung paano niya sasabihing wala na ang ama ng kuya niya kapag nagkamalay na ito.
-----

Nakalabas na si Arl sa hospital kinabukasan kasama ang labi ng kanyang ama. Ibinurol nila ang labi ng ama sa loob ng kanilang tahanan. Noong mga unang araw, sunod-sunod at walang hinto ang pagdalaw ng mga kakilala at nagmamahal sa burol ng ama ni Arl. Doon niya nakita kung gaano kamahal ng mga tao ang kanyang ama. Pero nang huling araw ng burol, mas pinili ni Arl na maging sarili nila at maging tahimik ang pagdadalamhati nila.
-----

Nang makalabas si Justin sa hospital, saka lang niya nalaman ang nangyari sa kanyang ama. Natakot si Jonas sa naging reaksyon ng kanyang kuya. Dahil hindi matanggap ni Justin na sa kalagitnaan ng kanyang pagpapagaling ay wala na pala siyang amang maaabutan.

Alam ni Jonas na galit sa kanya ang kuya dahil naglihim siya rito. Hindi nga siya pinapansin nito habang naka-upo lang ito sa harapan ng isang jar kung saan naroon ang abong naiwan ng ama nito.

Naroon lang si Justin, patuloy na umiiyak. Walang sinasabi pero hindi maitatanggi ang wasak na puso sa pangungulila sa ama. Ilang araw ring nagmukmok sa ganoon si Justin hanggang tumayo na ito. Pero, hindi pa rin niya pinapansin ang kapatid na si Jonas.
-----

"Ma, siguro dapat muna tayong umalis dito pansamantala. Kailangan nating makabawi." si Arl sa ina.

"A-anong ibig mong sabihin anak?" tanong ni Juanita.

"Siguro mas mabuting pumunta muna tayo sa ibang bansa o kaya naman sa kung anong gusto mong lugar ma. Basta, maiwan muna natin ang lugar na ito pansamantala."

Pilit na ngumiti si Juanita. "Anak, kung ano ang makakapagpaligaya sayo, sige ikaw ang bahala pero may gusto muna akong ayusin. Babalik muna ako sa bahay para mag-iwan ng sulat. Umaasa akong babalik pa si Jessica." muling sumilay ang luha sa mga mata ni Juanita.

"Walang problema ma. Sasamahan kita. Ikaw rin kasi kailangan mo rin namang magbawi ng lakas, makalimot sa sakit na naranasan natin. Tignan mo, mas lalong lumalim ang mata mo."

Bahagyang natawa si Juanita. "Ganun ba?"

Niyakap ni Arl ang ina. "Ma, ikaw na lang ang pamilya ko. Kaya sana... huwag mo muna akong iiwan."

Tagos sa puso ang sinabi na iyon para kay Juanita. Hindi niya napigilan ang masaganang pagdaloy ng luha at ang mabilis na pagkabog sa kanyang dibdib. "Huwag kang mag-alala anak. Sisikapin kong matugunan ang pangungulila mo sa ama mo, anak. Aalagaan kita. Naandito lang ako. Huwag kang mag-alala, anak."
-----

"Kuya, aalis na ako." paalam ni Jonas isang araw kay Justin. "Sa tingin ko Ok ka na." Pinilit niyang ngumiti. Nilingon siya ng kanyang kuya at iyon ang una niyang nakita itong binigyan siya ng atensyon simula nang malaman nitong wala na itong ama.

"Dahil ba sa hindi kita pinapansin kaya ka aalis?"

Umiling si Jonas. "Hindi kuya. Di ba hindi na naman ako dito na nakatira. So ngayon na sa tingin ko Ok ka na kay aalis na ako."

"Hindi ako galit sayo Jonas, tandaan mo. Kahit kailan hindi ko magagawang magalit sa kaisa-isa kong kapatid."

"Alam ko yun kuya, na mahal na mahal mo ako, pero di ba napag-usapan na natin ito, noon pa?"

"Pero wala na si Dad, Di ba, siya lang naman ang dahilan ng pag-alis mo?"

"Hindi kuya. Nagkakamali ka. Sinabi ko sayo ang dahilan ng pag-alis ko dito. Gusto ko ng sariling buhay."

"Sariling buhay. Hindi mo ba magagawa dito yan Jonas? Ang laki ng bahay na ito. Pwede tayong maghide and seek kung gusto mo ng sariling buhay kaya bakit pa sa hindi kita nakikita?"

"Kuya..."

"Wala na si Dad. Tayo na lang. Iiwan mo pa ba ako."

Umiwas ng tingin si Jonas. "Kasi..."

"Bakit Jonas, may asawa ka na ba? E di dito mo siya itira. Walang problema sa akin yun. Mas maganda nga iyon para umingay naman ang bahay na ito."

"Kuya hindi mo ako mapipigilan. Noon ko pa nabuo ang desisyon kong ito."

Suminghap ng hangin si Justin. "Siguro Jonas, ako lang ang nagmamahal sa kapatid ko. Kaya kahit alam niyang nasa kalagitnaan ako ng galit, lungkot, nanghihingi ng kaunting awa, hindi pa ako mapagbigyan. Tama ba ako Jonas?"

"Patawarin mo ako kuya. Mahal kita. Pero, ito na ang gusto kong gawin. Hindi naman siguro doon masusukat ang pagmamahal ko sa kapatid ko."

Muling suminghap ng hangin si Justin. Kinokontrol niya ang emosyon. "Sige, ikaw ang bahala." Pagkatapos ay tumalikod na ito.

"Kuya..." tawag ni Jonas pero hindi na siya pinakinggan nito. Nagtuloy-tuloy lang sa pagpanhik si Justin para tunguhin ang kwarto nito.
-----

Masakit para kay Jonas ang maghiwalay sila ng kanyang kapatid pero ang inaalala niya ay si Jesse. Nagsinungaling siya sa kuya niya. Mahal niya ang kuya niya pero hindi tulad ng pagmamahal na nararamdaman niya para kay Jesse at para ang huli ang piliin niya. Hindi na niya inisip kung papayag ba ang kuya niya kung sakaling malaman nitong kapwa lalaki ang iniibig niya. Ang mahalaga babalikan na niya si Jesse na hindi niya nakita ng dalawang linggo.

Miss na miss na niya si Jesse.
-----

"Basta, pagkatapos nating kumain, maghahanda ka na." paalala ni Jonas bago sumubo ng pagkain.

"Anong ihahanda ko?" maang ni Jesse.

"Gamit mo. Aalis na na tayo dito."

"Saan naman tayo pupunta?"

"Sa bahay ko. Teka nga, may balak ka bang sumama?"

"Wala." simpleng sagot ni Jesse.

"Ayoko na rin kumain. Aalis na ako." tatayo na si Jonas ng pigilan ni Jesse.

"Ito ang bilis magtampo. Nagpapapilit lang naman. Umupo ka nga dyan."

Muling umupo si Jonas. "Sabi mo yan ah."

"Anong sinabi ko?" nangingiting si Jesse.

"Nagpapapilit ka lang. Mamaya ako na ang magliligpit ng gamit mo." sabay tawa ni Jonas.

"Mas maigi."

"Talaga. Basta masigurado ko lang na maisasama kita sa pag-uwi ko." saka sumubo si Jonas.

Nakangiting nakatitig si Jesse kay Jonas.

"Bakit?" tanong ni Jonas.

"Hmmm parang kinakabahan ako, Jonas."

"Bakit naman?"

"Ewan ko. Pero huwag kang mag-alala masaya ako."

"Yun ang gusto kong marinig. Kain ka na lang." sabay tawa ni Jonas. Masaya na siyang marinig kay Jesse ang ganoon. Ibig sabihin lang na sasama sa kanya si Jesse ng sigurado.

Napalingon ang dalawa nang may kumatok sa pintuan.

"A-ako na Jonas."

"Ako na Jesse."

"Sige, susunod ako."

Naunang tumayo si Jonas saka sumunod si Jesse.

"Sino na yan?" tanong ni Jonas nang nasa harap na sya ng pintuan sarado. Naka-kapit sa braso niya si Jesse.

"May ihahatid lang po akong sulat. Napag-utusan lang po."

Saka binuksan ni Jonas ang pinto.

"Akala ko kung ano na." nabanggit ni Jesse nang binubuksan na ni Jonas ang pinto.

"Sira." sabay tawa. "Anong sulat po?" tanong ni Jonas sa lalaking matanda na. Tipong hindi na makakagawa ng kung ano mang kasamaan o krimen.

"Pinaabot lang isang lalaki kanina. Ibigay ko daw dito. Ito oh." sabi ng lalaking istranghero.

Inabot ni Jonas ang isang papel na nakatupi. "Wala na pong ibang binilin?" tanong niya.

"Wala na. Basta sabi niya siguraduhin ko daw na maibibigay ko kay Jesse."

"Ako po yun." sagot agad ni Jesse.

"Ganu ba?" sabi ng lalaki. "O kaya naman daw ay kay Jonas." patuloy ng lalaki.

"Ako naman po yun." pakilala ni Jonas.

"Sige, aalis na ako. Yun lang naman." paalam ng lalaki.

Si Jesse na ang sumagot. "Maraming salamat po. Mag-ingat na lang po kayo."
-----

"Kanino galing?" tanong ni Jesse nang mabuksan na ni Jonas ang papel na nakatupi.

"Kay Marco, Jesse."

"Anong sabi?"

"Naka-pangalan sayo Jesse. Kaya siguro ikaw na lang ang magbasa."

Tinitigan ni Jesse si Jonas. "I-ikaw ang bahala." Kinuha ni Jesse ang papel nang iabot ni Jonas.

Jesse,

Umaasa akong nasa mabuti kang kalagayan, mahal kong kaibigan. Ito ang sulat na ito ang patunay na nasa mabuti rin akong kalagayan. Huwag ka sanang mag-alala sa akin na gaya ng pagkakilala ko sayo na maaalalahanin sa kaibigan. Nasa mabuti ako, gaya ng sinabi ko.

Jesse, nasabi sa akin noon ni Jonas na gusto ka niyang isama sa kanila. Dati pa ako pumayag dahil alam kong may mangyayari at para sa kabutihan mo na rin. Pero alam ko hindi rin naman ako ang magdedesisyon para sa sarili mo. Alam ko lang rin na iisipin mo ako sa desisyon na iyon. Kaya ako na mismo ang nagsasabi Jesse, sumama ka na lang kay Jonas. Kilala ko siyang mabuting tao, noon pa.

Ingatan mo sana ang sarili mo Jesse. Ito lang naman ang gusto kong sabihin. Maraming salamat. Umaasa akong magkikita pa rin naman tayo sa lalong madaling panahon pero hindi muna ngayon.

Maraming salamat sayo.

Marco.
-----

Hindi na napigilan ni Jesse ang mapaluha nang wala nang karugtong ang sulat na pinadala ng kaibigan si Marco. Sobrang na-miss niya ang kaibigan. Pero masaya siyang malaman na nasa mabuti nga itong kalagayan. Naramdaman na lang niya ang kamay ni Jonas na humihimas sa kanyang likod. Sa ganoon, nakaramdam siya ng kahinahunan.

"Pero, wala siyang nabanggit tungkol kay Jessica." nasabi ni Jesse.

Wala namang na-isagot si Jonas dahil kahit siya ay wala ring alam. "Ang mahalaga Jesse, alam na nating nasa mabuting kalagayan si Marco."

"Oo tama ka Jonas. Pero sana kasama na rin niya si Jessica."

"Sana nga."
-----

Na-miss din ni Juanita ang kanyang bahay. Hindi niya napigilan ang maluha nang mabuksan ang pinto ng kanyang bahay. Ito ang nagsilbing silungan niya nang mamuhay sila ni Jessica ng mahabang panahon. Dito na siya tumanda. Dito na lumaki si Jessica, nagdalaga.

Napa-yuko siya sa lapag nang mapansing may isang papel na nakatupi sa kanyang paanan nang mabuksan niya ang pinto. Alam niyang sinuksok iyon sa ilalim ng pinto. Agad niyang kinuha at binuksan.

Ma,

Si Jessica po ito. Alam kong sobrang nag-aalala ka sa akin. Pero Ma, nasa maayos na ako ngayon. Babalik ako, pero hindi pa ngayon. Huwag po kayong mag-alala. Hindi muna ako magpapakita. Saka na lang ako magkukwento kapag nagkita na uli tayo. Alam ko na rin po ang nangyari kay Ramon, ang tunay kong ama. Tama lang sa kanya iyon.

Ma, maayos po ako ngayon. Kaya sana huwag ninyong pabayaan ang sarili ninyo. Mahal na mahal ko po kayo. Gusto ko munang makalimot. Babalik po ako.

Nagmamahal ang nangungulila,

Jessica.
------

"Ma, bakit?" tanong ni Arl sa ina nang maulinigan niyang umiiyak ito. Galing kasi siya sa sasakyan kaya siya nahuli.

"Si Jessica Arl. Ang kapatid mo, sumulat." iyak ni Juanita sa anak.

Kinuha ni Arl ang sulat sa kamay ng ina. Saka niya ito binasa. "Ngayon Ma alam na natin na ang kapatid ko ay wala sa masamang kalagayan. Tama ang kapatid ko Ma. Kailagan isipin mo muna ang sarili mo. Magpakalakas ka Ma. Hihintayin natin ang pagbabalik niya."

"Oo anak. Gagawin ko ang gusto ni Jessica." Niyakap niya ang anak. "Sige, magliligpit lang ako ng mga gamit. Aayusin ko para kung sakaling bumalik si Jessica dito, maayos siyang makakatulog. Mag-iiwan na rin ako ng sulat para alam niya kung niya tayo hahanapin."

"Opo Ma. Tutulungan ko kayo."
-----

"Dali, gabi na." angal ni Jonas.

"Grabe ka naman, sino ba ang naghihintay sa atin doon?"

"Wala."

"Yun naman pala eh, makareklamo ka dyan parang maiiwanan tayo ng eroplano."

Natawa si Jonas. "Gusto ko lang na matulog na tayo sa tunay nating higaan."

"Hmmm parang hindi ko gusto ang ibig mong sabihin?"

"Bakit, para nga tayong bagong kasal eh. Tama?" Kinikilig si Jonas sa sarili niyang imahinasyon. Sabay tawa.

"Ikaw kung ano-anong iniisip mo dyan. Tumigil ka nga. Alam mo kahit anong oras pwede akong magback out."

"Huwag ka namang magbiro ng ganyan. Nakaka-kaba."

Natawa si Jesse. "Talaga naman si Jonas. Hindi na mabiro."

"Siyempre, ayaw kong mawala ka sa akin piling..."

"Kumakanta ka?" bara ni Jesse.

"Oo kanta ng puso ko para sayo."

"Corny." sabay tawa ni Jesse. "Ayan, tapos na."

"Mabuti naman. Sige lalabas muna ako para i-check yung sasakkyan ko."

"Ha? Maghapon ka dito, hindi mo man lang sinabi na nasa labas pala sasakyan mo." salubong ang kilay ni Jesse.

"O, o... huwag sabihing dahil lang sa sasakyan, mauunsiyame ang pag-alis natin. Alalahanin hindi ka na makakatakas sa akin." sabay tawa ni Jonas. "Oo kanina pa naroon sa kanto yung sasakyan, pero pinabantayan ko. Binigyan ko ng dalawang ube yung tatlong bata. Sabi ko dadagdagan ko pa kapag aalis na tayo. Kaya sigurado ko, bantay na bantay ang sasakyan."

"Tse," pero nakangiti si Jesse. "At talagang dadagdagan mo pa ha? Hirap kayang kitain ng halagang binigay mo, dadagdagan mo pa talaga ha?"

"Wala sa akin yun. Ang mahalaga, ikaw. Masigurado ko lang na sa akin ka. Sasama ka sa akin. Walang aberya. Walang pipigil. Walang kahit ano mang hahadlang basta sa akin ka lang."

"Anong kanta na naman yan?"

"Kanta pa rin ng puso ko. Hindi ko pinag-isipan basta sinabi ko lang." sabay tawa.

"Basta sinabi ko lang... Dali labas na, bilisan mo baka hindi mo ako maabutan dito." sabay tawa rin ni Jesse. Biro niya.

"Bakit saan ka pupunta?" takang tanong ni Jonas.

"Baka lang unahan na kita sa pagsakay sa kotse mo." sabay tawa uli. "Excited kaya ako."

Napa-ngiti ng maluwang si Jonas. "Ok. Lilipad ako."

Ang lakas ng tawa ni Jesse nang biglang talunin ni Jonas ang pinto palabas.
-----

"Ito pala ang bahay mo Jonas?" nangingislap ang mga mata ni Jesse habang nakatingin sa kabuuan ng bahay ni Jonas nang nasa harapan na sila ng gate.

"Oo, Jesse. Bahay mo na rin." sagot ni Jonas. "Dyan natin ipagpapatuloy ang pagmamahalan natin, Jesse. Ikaw at ako. Tayong dalawa Jesse."

"Oo Jonas. Sasamahan kita tulad ng pagmamahal ko sayo."

"Masaya akong marinig yan sayo." saka ngumisi si Jonas na nakakaloko. "Hmmm pasok na tayo, kasi... gusto ko nang ah.... masimulan ang bagong kabanata ng ating pag-iibigan eh..."

Natawa si Jesse. "Sigurado bang, magiging masaya ang mga susunod natin? Sagot agad, aba ayokong iiyak ako."

"Sisikapin kong magiging masaya ka Jesse, sa piling ko." Pinilit ni Jonas na ngumiti ng kaswal. Tinamaan siya sa sinabi ni Jesse na kung magiging masaya ba ito sa piling niya. "Ang sigurado ko, ibibigay ko ang lahat ng kaligayahang dapat mong maranasan." sabay tawa. "Kaya pasok na tayo, dali para masimulan na natin."

"Suntukin kita." biro ni Jesse sabay tawa.

"Nagbinayolente ka na naman."

Tawa na lang ang isinagot ni Jesse.

No comments:

Post a Comment