Wednesday, December 26, 2012

Ang Simula (03)

by: James Cornejo

"james, james, james, gising ka na, may sasabihin lang ako sayo... " tila isang babae na tumatawag sakin.

"james, hintayin mo ko, madaming paraan ang pwede mong gawin, pero gusto ko, habang hinihintay mo ko, may mapasaya kang tao..." siya pa din pero hindi ko maaninag ang muka.

alam ko at kilala ko ang boses na yun, kay lea yun, sigurado ako...


biglang........

****blaaaaaaag!!!!!****

“araaaay!!” nagising ako sa pagkakabagsak ko sa aking kama mula sa pagkakatulog ng mahimbing. Bigla ko namang naalala ang sinasabi ng taong nasa aking panaginip. “james, hintayin mo ko, madaming paraan ang pwede mong gawin, pero gusto ko, habang hinihintay mo ko, may mapasaya kang tao..."

Anu nga kaya ang gustong sabihin sakin ng taong yun? Waaah, isang panibagong palaisipan, nuh nanaman ba to!! Sambit ko sa aking isipan.

“4am palang, ang aga ko naman magising, nuh ba naman to” kausap ko ang aking sarili.

Sa di malamang dahilan, bigla kong naalala ang best friend ko, si RJ, parang may kung anung kumukurot sa aking puso na nagsasabing kontakin ko siya ngayon. Parang kusang gumagalaw ang aking mga kamay para makuha ang aking mobile phone at itext siya. Ayun na nga...

“RJ, still awake? I have something to tell you.” Txt ko kay RJ.

“yes, i’m still awake” reply niya sakin.

“kita tayo mamaya, mag usap tayo. Mga 7am, sa ilog. Okay?” reply ko din agad sa kanya.

“Okay!”

Sinubukan ko namang matulog ulit, ngunit wala talaga, tila nagising na ang diwa ko sa pagkakabagsak ko sa kama, kaya naman hinawakan kong muli ang mobile phone ko at tinext si lea.

“babe, i had this wild dream, if may napanaginipan ka din about me, please txt me.” Text ko sa kanya.

Pamula kasi nang ligawan ko noon si lea, nananaginip na kami pareho ng mga kakaiba na tungkol sa aming dalawa, minsan, ayan yung makakapanaginip kami na magaaway, at kinabukasan, magaaway nga kami. Minsan naman, may surprise ako sa kanya, sasabihin nalang niya sakin na “babe, parang napanaginipan ko na to, mmmm, let me guess” at ayun, huhulaan na niya kung anung sunod kong gagawin. Astig diba?

“james, we’re done, wala na akong dapat pang mapanaginipan tungkol sayo, kaya please, stop ating na we are still committed.” Reply niya sakin.

“but babe, hindi mo manlang ba papakinggan ang paliwanag ko? Please let me call you.”

“don’t james, i don’t need your explanation, tama ng narinig ko lahat ng bagay sa recorder ni RJ, I had enough james. TAMA NA!!!!” ang makabagbag damdamin niyang reply.

“ok lea, maghihintay ako, sa paraang bago.. sana balikan mo pa din ako. dito lang ako. tandaan mo yan lea. I loved you, I love you, and I will always love you... sana dumating ang panahon na makasama pa kita...” ang huling text ko sa kanya na habang tinatype ko’y nagsimula nanamang pumatak ang aking mga luha.

Hindi na muling nagreply pa si lea sakin, lumuha nalang ako sa dahilang alam ko na talagang tapos na an gaming relasyon. Nagtagal pa ako sa ganoong posisyon at hindi ko na namalayan pa ang oras. Inaalala ko ang mga masasayang nangyari samin ni lea nuong kami pa. Ngayong wala na siya, hindi ko na alam kung pano pa magsisimula.

Nasa ganoong pagiisip ako ng biglang tumunog ang mobile phone ko.

“James, nandito na ko, san ka na? 7:30 na po.” Ang nakita kong message sa phone ko.

Hindi ko na siya nireplayan at agaran nalang akong naligo, nagbihis at umalis ng bahay.

Kung totoo mga sinasabi niya, maalam siyang maghintay, kaya dapat hintayin niya ako, kasalanan niya lahat to! Sigaw ko saaking isip.

Mag 8:30 na ng marating ko ang usapang lugar naming, nakaramdam ako ng takot ng hindi ko nakita doon si RJ

Akala ko pa naman, hihintayin niya ako, hindi naman pala. Hai, saying lang punta ko! Sa aking isip.

“akala mo hindi kita hihintayin noh?” biglang my nagsalita sa aking likuran na agad ko namang tiningnan kung sino.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita siya papalapit saakin. Para akong tuod na hindi makagalaw sa aking kinatatayuan, ngayoy malapit na siya saaking muka, lumapit pa siya ng lumapit hanggang...

“kahit gano ka katagal, maghihintay lang ako dito, dito lng ako for you, always...” bulong niya sakin ng makalapit siya sa aking tenga.

Parang nakiliti ako kaya agad akong napatawa, hindi ko na din namalayan ang mabilisang pagpula ng aking mga pisngi dahil sa narinig.
“oh bakit namumula ang best friend ko?” biglang pansin niya sa akin dahil nakatulala pa din ako

“ah, eh, w-wala, may y-yosi ka?” nauutal kong sabi.

“meron, pero bibigyan lang kita, sabihin mo muna sakin kung bakit ka namumula?”

“wala nga, nagulat lng ako sa lumabas sa bibig mo!” medyo naiinis kong sabi

“hala, o xa, eto na” sabay abot sakin ng yosi... “alam mo ba na kapag namumula ang tao dahil sa narinig niya ay ibig sabihin,nagustuhan neto ang sinabi ng isa?” dagdag pa niya.

... nanatili akong tahimik, dahil alam kong may point siya, at hindi ko din maitanggi sa sarili ko na nagustuhan ko ang itinuran niya.

“oh, kanina ka pa tahimik diyan ah, ako lang tong salita ng salita, eh ikaw tong nagyaya” pambasag niya sa katahimikan.

“wala naman, namiss ko lang best friend ko” sabay ngiti ko sa kanya.

“talaga, hindi ka na galit sakin?” tanong niya

“hindi ko naman kaya magalit sayo eh, mas una kitang nakilala kesa kay lea, syempre, hindi mo naman maaalis sakin ung tinatawag na “Initial Reaction” diba?” pagpapaliwanag ko

“good, akala ko kasi itatapon mo na ang pinagsamahan natin dahil lang sa nalaman mo sakin. Alam ko galit ka sa bakla, pero thanks, this means a lot to me” sabi niya.

“wala yun, and bout that thing, uhm, mmmm, pano ba to, uhm, parang gusto ko kasi, uhm, i-try yung... hala, wag na nga!!” hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin ko kasi nahihiya ako at natatakot nab aka mag iba tingin sakin ng best friend ko.

“wag ka na mahiya, alam kong natatakot ka, pero best friend mo ko, alam natin na ako lang ang pinaka makakaintindi sayo sa barkada.” Sabi niya.

“wala yun, wag mo nalang intindihin, naguguluhan lang siguro ako” palusot ko

“naguguluhan saan?”

“sa gusto ko mangyari.”

“bakit, ano ba gusto mo mangyari?”

“wala naman, baka lang kasi mabigyan kita ng false hope, kaya wag nalang”

“anything, kilala mo ko, i can accept anything for you.”

Anu ba, dapat ko ba talaga sabihin to sa kanya? Waaah, baka mamaya, mawala sila lahat sakin.... waaaah, pero go, take the risk james, take the risk!! Pangungumbinsi ko sa aking isipan.

“uhm, cge, here it goes, payag ka ban a habang hinihintay ko si lea, ikaw muna ang pumalit sa kanya??” ang nag aalangan kong tanong sa kanya.

Napatulala nalang siya sa sinabi ko, magulong muka ang iginanti niya sa akin, parang hindi makapaniwala sa mga sinasabi ko.

“oh, bakit ka napatulala jan? Wag mo ko bigyan ng ganyang tingin, dahil kahit ako, naguguluhan din sa mga sinasabi ko, at  bilisan mo pag sagot, dahil baka mag bago pa isip ko.” With authority ko ng sabi.

“payag na ko, basta kahit matapos tong PAGPAPANGGAP ko, sana walang mag bago.” Sabi niya na may diin sa salitang pgapapanggap.

“ok, good, kita nalang ulit tayo bukas, kulang pa tulog ko, hindi ako nakatulog ng ayos kanina” sabi ko at biglang umalis na sa lugar.

Umuwi ako sa amin at natulog na ulit.

Gabi na ng ako’y magising, agad kong kinuha ang cp ko para tingnan kung may nagtxt, umaasa pa din kasi ako nab aka biglang magtext si lea sakin at bawiin ang pakikipag break niya sakin.

Ngayon lang nangyari to sakin, meron akong 62 messages, 5 galing sa tropa kong si BJ, 3 galing kay ondoy, 6 galing sa iba’t ibang tao, at ang natitira na ay puro galing sa Bestfriend/Gayfriend ko na si RJ. Pero ganun man, naninibago pa din ako sa sarili ko, kasi, hindi ako makaramdam ng inis sa nangyari, parang natuwa pa nga ako, kasi, sobra siya mag alala. Puro kasi “kumain ka na ba?”, “gising ka na, baka po kasi hindi ka na makatulog niyan mamaya”, at kung anu anu pang pan lalambing.

Hala, anu ba tong nararamdaman ko. Waaaah, joke time lang to, i’m just doing this to make my self happy while lea is gone. Sabi ko sa isip kong magulong magulo na ngayon. Just go with the flow james, yun lang. Dagdag ko pa.

Nagreply naman ako ng isa sa text niya, “gising na po ako, wag na oa, miss mo lang ako kaya ka ganyan.”

“buti naman po, o xa, kain ka na, wag po papalipas ng gutom ang mahal ko. Baka magkasakit.” Reply niya.

Natawa naman ako sa word na “Mahal KO”, pakiramdam ko tuloy may panibago akong girlfriend.

Bigla namang may nagtext sakin na ibang number, the text goes like this, “babe, i need you now, please, punta ka sa 7 11 nearest your house, nandito ako ngayon”

Shit, si lea!! Sigaw ko sa isip ko

Itutuloy. . . . . . . . . . .


jamesstoryline.blogspot.com

No comments:

Post a Comment