Wednesday, December 26, 2012

Ang Simula (13)

by: James Cornejo

June 6, 2005, Monday

Pasukan na, katulad nga nang napagkasunduan namin ng daddy ko ay kasabay ko pumasok si Ezra sa school gamit ang kotse na ipinahiram muna ni daddy. As expected, nakarating kami sa school na ang mga estudyante ay nakatingin sa kung sino man ang bababa sa kotseng ipinaparada ko na ngayon sa parking lot ng school namin.

"Umayos ka pagbaba natin! lumayo ka sakin! ayokong pagusapan tayo na ng school! OKAY??!" sabi ko kay ezra sa mataas na tono. "Umuna ka na bumaba, may aayusin pa ako dito!"


"But bhie..."

"And please don't call me that way! LABAS!" parang nagpapaalis lang ng aso.

Lumabas naman agad si Ezra sa kotse at lumayo na sa akin, sinusundan ko siya ng tingin mula sa rear mirror ng kotse at nakita ko naman siyang pumunta na sa loob ng highschool building habang ang mga estudyante ay inaabangan naman na lumabas ako sa kabilang parte ng sasakyan upang malaman siguro kung sino ang kasabay ng malanding si Ezra.

pano ba to, waaah, hintayin ko nalang siguro magtime bago ako pumasok, tutal, first day naman ng class, wala pa gagawin... sabi ko sa akinh isip at binuhay ang stereo ng kotse upang makapagpalipas oras.

Nasa ganoong posisyon ako ng biglang magvibrate ang aking mobile phone mula sa aking bulsa, agad ko naman itong kinuha upang malaman kung sino ang tumatawag.

"Hello ikie, bakit??" sabi ko kay RJ na siyang tumawag sa akin.

"Kanina pa ako dito sa room ikie, bakit wala ka pa dito? classmates tayo ikie, nahiwalay satin si Ondoy, and guess what ikie, classmate din natin si Ezra mo!" pagkukwento niya sakin.

"Ikie, nandito ako sa parking area, hindi ako makalabas kasi andamin estudyanteng nagaabang kung sino lalabas dito sa kotse." pagpapaliwanag ko sa kanya,

"okay lang yan ikie, labas ka na, wag ka na mahiya."

"ikie naman, hindi pwede, diba kasabay ko nga yang malanding babaeng yan kanina kasi yun ang gusto ni daddy."

"ay, oo nga pala, sorry, ngayon ko lang naalala text mo. puntahan nalang kita dyan."

"wag na ikie, text mo nalang ako pag nandyan na adviser natin, sino nga ba?"

"si mrs. Vergara"

"Nako patay, sige na, pupunta na ako dyan. bahala na si batman sa mga students na nandito. mmmmm"

"okay ikie, bakit parang bigla nagbago isip mo?"

"mamaya na natin pagusapan. magpapachange section tayo. sana pwede pa. kita nalang tayo mamaya ikie." sabi ko at ibinababa na ang telepono.

Agad naman ako lumabas ng kotse at hindi nga ako nagkamali sa magiging reaksyon ng mga estudyanteng ngayon ay nakatulala sa akin at ang iba naman ay nagsasalita, ng makalapit ako sa isa sa mga nagsasalita, narinig ko pa itong nagsabi na "sila na ba ulit? hindi na ba siya nadala?" habang ang iba naman ay "sana ako nalang dun"

sabi na puro issue nanaman to eh! badtrip! sigaw ko sa aking isip

Pagkarating ko sa room, agad kong nakita ang kumpulan ng aming barkada, lumapit ako sa kanila at "mga tol, okay lang ba sa inyo lumipat tayo ng sextion?"

"tol, bakit naman?" si paeng

"oo nga tol? andito sila lahat oh" si mike

"eto naman, namiss mo agad si ondoy eh, kasama pa din naman natin siya tuwing lunch" si BJ naman.

"hainako, tigilan nyo ako dyan! si Mrs Vergara ang adviser natin dito, and alam nyo na ang sunod na mangyayari kung hindi pa ako aalis sa section na to!" asar kong sabi sa kanila. "Kung ayaw nyo lumipat, kami ni RJ ang lilipat!"

"teka tol, sama kami, sa section nalang nila RJ tayo magpalipat, kausapin muna natin registrar para magpaalam, pero pag hindi sila pumayag, sorry tayo tol." si paeng.

Nagtungo kami sa Registrar's office, swerte naman at kakaunti ang tao kaya agad kami naasikaso ng mabait naming Registrar.

"Miss Edna, gusto po sana namin magpalipat ng section, from section 3 to section 4." sabi ko kay miss edna na siyang registrar namin.

"bakit naman kayo lilipat mr. cornejo? and puno na ang section 4, lahat ng sections puno na, hindi naman kami pwedeng magreshuffle ng students kasi based sa performance per student ang sections nyo. ano ba ang problema ninyo sa Section 3?"

"wala po mam, gusto lang sana namin makasama yung isa namin kaibigan, si Ondoy Cortez po." si Mike

"oh, e ayun naman pala, tingnan ko kung maililipat ko sa inyo si mr. Cortez, pero sa palagay ko, wala nang paraan, dahil nagsimula na ang taon, dapat 2 days ago kasi, chineck nyo na, I can't make sudden changes mga iho." pagpapaliwanag ni miss Edna.

"Okay lang po miss Edna, wag na po, salamat nalang." sabi ko at nagpaalam na sa Registrar's Office.

Umalis kami sa Registrar's office na dismayado ang mga mukha namin, si Mrs. Vergara kasi ang pinaka malupit na titser sa buong school namin, wala kaming kawala sa aming mga kalokohan, pero wala naman sa akin ang mga iyon, ang pinaka dahilan ko talaga dito ay si mrs. Vergara at si Ezra ay magkasundong magkasundo, kaya kayang kaya niyang gawin ang mga bagay na makakapaglapit samin sa isa't isa.

Tumungo na kami sa aming classroom, nang sumilip kami sa loob ay nakita naming naandoon na si mrs. Vergara.

"Good morning Mrs. Vergara, sorry we're late." sabi ni paeng sa kanyang mapang-akit na boses.

"It's okay, you may come in." sabi ni mrs. vergara at napatingin siya sakin. "Mr. Cornejo, welcome to our class, please sit here." sabay turo niya sa upuang bakante sa harap kung saan ang katabi ko ay si Ezra.

Wala naman akong nagawa kundi ang sumunod sa ipinaguutos ni mrs. Vergara, napatingin naman ako sa gawi ni RJ at nakita ko ang kanyang mukang hindi maipinta, alam kong sa mga oras na ito ay nagtitimpi nalang siya sa galit niya kay malanding Ezra. Tiningnan ko din si Ezra at ngingiti ngiti lamang ito sa nangyayari ngayon.

"okay class, I am Mrs. Cherryl Vergara and I am your adviser for the whole year. This is just an orientation since this is the first day of the class. First of all, I want to announce the upcoming Night Party for the whole highschool department on the 17th of this month, in line with this, may I ask everyone of you to prepare something for the said event. Something explosive. You know what I mean guys. second is that, this arrangement will be your permanent sitting arrangement for the whole year, I already asked miss Fuentes to write down your names on a sheet of paper so that i will have the copy of the arrangement. and Lastly, I want Mr. Cornejo to be the class President and it's up to you guys who will be his subordinates, is that okay with you mister Cornejo?"

"uhm, ah, eh, mam, ano po yun?" maang maangan ko, kunyari ay hindi nakikinig.

"you are now the class president, please do your job to be a best example to your classmates okay?" sabi ni mrs. Vergara. "okay class, i know you still have catching up to do with your friends, I'm giving you now the freedom to make 'KAMUSTAHAN'. I'll leave you now." sabi ni mam Vergara at umalis na sa aming room.

Agad naman akong nagpunta sa kumpulan ng aming barkada sa likuran, tumabi ako kay RJ para makabawi sa kanya.

Nagyaya si Mike na pumunta nalang daw kami sa Canteen para makita namin ang mga first year para daw makapamili na siya, sumama naman sila Paeng sa kanya samantalang kami ni RJ ay napagpasyahan namin na humiwalay muna sa aming barkada para makapagusap.

Pumunta kami sa Elementary Building at dumiretso sa Playground kung saan walang makakarinig sa kung ano mang pinaguusapan namin ni RJ.

"Ikie, pasensya ka na huh, hindi ako makatanggi kay mrs. vergara eh, alam mo naman yon, parang dragon kapag nagagalit." pauna ko kay RJ.

"Okay lang ikie, I understand naman eh, ang hindi ko lang maintindihan ay kung pano nagagawa ni Ezra lahat ng to. una, sa daddy mo, ngayon naman kay mrs. Vergara. nakakainis na siya! pag hindi ako nakapagtiis, makakatikim siya sakin ng isang sampal na pabalikbalik!"

Natawa naman ako sa itinuran niya, kaya "oh, bakit ka tumatawa dyan? ano nakakatawa dun?" sabi niya

"wala naman po, ang cute mo pala magalit, at pano yung sampal na pabalikbalik?" sabi ko sabay hagikhik.

"gusto mo masampolan?" tamputampuhan niyang sabi.

"wag naman po ikie, kaw naman, hindi ka na mabiro."

Nasa ganoong paguusap kami ni RJ ng biglang "andito lang pala kayo, kanina ko pa kayong dalawang gusto makausap eh." sabi ni BJ na papalapit sa amin. "Tol, isang tanong isang sagot lang ha, gusto ko malinaw eh. Anong meron sa inyong dalawa?" ang deretsahan niyang tanong sa amin ni RJ.

"wala, bestfriends lang pare. bakit?" sabi ni RJ.

"Wala pala huh, eh ano yung nakita ko nung nasa ilog kayo! wag na kayo magsinungaling, huli na kayo eh!" si BJ.

Natulala naman kami ni RJ sa sinabi ni BJ, parang binuhusan kami ng malamig na tubig sabay biglang mainit na tubig, para kaming yelong unti unting natutunaw sa hiya, ewan ko, pero hindi, hindi, ako lang pala ang ganun, si RJ ay parang tila sanay na sanay na sa ganoong sitwasyon o comprontasyon.

"ayun naman pala eh, alam mo na, magtatanong ka pa!" mataray na sabi ni RJ kay BJ.

"RJ, stop it!" saway ko sa kanya. Hindi ko alam, hindi pa din talaga ako komportable na ipaalam sa kanila ang kung ano mang meron kami ni RJ, parang nakakaasiwa lang.

"anong stop it ka jan ikie, dapat naman na talaga natin ipaalam sa kanila dahil mga kaibigan natin sila at dapat maintindihan nila tayo!" sabi sakin ni RJ.

"I said Stop it! and yes, BJ, kami ni RJ, but please, hayaan mo sana kami na kami nalang ang magsabi sa iba. please, for now, secret muna natin to, until i'm ready to face them." pagmamakaawa ko kay BJ.

"Okay tol, hahayaan ko kayo, gusto ko lang malaman mo na mali to, kaya itigil nyo na! masisira tayo sa ginagawa nyo eh!" sabi pa ni BJ.

Umalis naman siya agad sa aming harapan habang kami ni RJ ay hindi na nagkibuan, alam kong nasaktan siya sa mga sinabi ko at napahiya, pero wala akong plano ngayon na magsorry sa kanya dahil mali naman talaga ang ginawa nya. unang una, may usapan kami. kaya wrong move talaga siya doon.

Iniwan ko siya sa ganoong lagay at tumungo na sa canteen hindi upang sabihin sa mga tropa ko kung ano nangyari, kundi upang masiguro na walang sasabihin si BJ sa kanila. Hindi pa ako handa.

Ayoko pa. Please wag muna! parang baliw kong sigaw na paulit-ulit sa aking isip.

Nang makarating ako sa umpukan nila paeng, hindi ko nakita doon si BJ, nakisali naman ako sa kanilang umpukan at kulitan para hindi sila makahalata sa aking dinadala ngayon.

all I want is a relationship that is normal, kung hindi man normal ang meron ako ngayon, alam ko, hindi din ito magtatagal... sabi ko sa aking isip na hindi ko namalayan na napatahimik na pala ako at napatulala sa isang tabi.

Hindi naman ito nakatakas sa mata ng aking mga kaibigan, lalung lalu na kay paeng.

"tol, napatulala ka dyan? may problema ba?" puna ni paeng.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


jamesstoryline.blogspot.com

No comments:

Post a Comment