Wednesday, December 26, 2012

Ang Simula (04)

by: James Cornejo

Bigla namang may nagtext sakin na ibang number, the text goes like this, “babe, i need you now, please, punta ka sa 7 11 nearest your house, nandito ako ngayon”

Shit, si lea!! Sigaw ko sa isip ko

Agad kong pinuntahan ang nasabing lugar, pag karating ko doon, hindi ako makapasok agad sa 7 11, hindi si lea ang nandito, pero kita ko ang nakakaawang muka niya, parang malaki ang dinadala, parang animo'y may malaking problema.


akala ko pa naman si lea na, bakit si ezra ang nandito, waaah, nakalimutan na kita! sigaw ko sa aking isip.

pumasok na ako sa loob at nilapitan siya.

"anung masamang hangin ang nagdala sayo dito? bakit hindi ka sa boy friend mo makipagkita?" nasabi ko ng makalapit na may nangaasar na tono.

"babe, i'm sorry, alam ko malaki..."

pinutol ko agad ang kung anu mang sasabihin niya, "don't call me babe, you don't have the right, and kaya lang ako nagpunta dito, dahil akala ko si lea ang nandito, sige, alis na ko!" may kalakasan kong sabi na naging dahilan ng pagtingin samin ng mga tao sa 7 11.

aalis na sana ako ng bigla siyang lumuhod at tila nagmamakaawa sa akin. nahiya naman ako sa mga tao sa loob, ayoko kasi na nagpapakababa ang babae sa isang lalake, kahit sakin pa, kaya kinuha ko ang magkabilang balikat niya at itinayo ko siya.

"you don't have to do that, and kahit naman ginawa mo yon, hindi pa din kita mapapatawad, ayoko lang pagtinginan ng mga tao, NAKAKAHIYA!" at umalis na nga ako sa naturang lugar.

hindi ko naman akalain na susunod pala sakin ang luka lukang si ezra, well, maybe she really has something to say, kaya napagpasyahan kong tumigil sa isang kanto na malapit na sa bahay.

"bakit ka pa sumusunod?" tanong ko sa kanya.

"I need to talk to you james. i'm pregnant, and alam ng family ko na ikaw ang ama, dahil hindi naman nila alam na naghiwalay na tayo."

para akong binuhusan ng malamig na tubig, sobrang galit ang naramdaman ko sa kanya, kaya tumahimik nalang ako at naglakad palayo sa kanya.

"JAMES, PLEASE HELP ME! I'M BEGGING YOU!" sigaw niya habang ako naman ay napatigil sa aking paglalakad.

letcheng babae to, ako pa ang papanagutin sa nangyari sa kanya, hindi to pwede sabi ko sa isip ko. at bumalik ako sa kinatatayuan niya

"kung gusto mo ng tulong, dun ka sa boyfriend mo magpatulong, wag sakin, at isang taon mahigit na tayong hiwalay, kaya wala akong dapat panagutan sayo, masyado pa akong bata, tayo, masyado pa tayong bata para sa ganyang bagay!" ang may galit pero kalmado kong sabi.

"magpapalaglag ako james, please help me, alam kong madaming alam ang barkada mong bilihan ng pampalaglag"

"ezra, wag mo ko idamay dyan, kay ondoy ka magpatulong, tutal kayong dalawa naman ang ngkakaintindihan!" naiirita na kasi ako, bakit ako pa ang kailangang mamroblema sa kanya.

bumalik na ako sa bahay, palagay ko nama'y umuwi na din si ezra sa mga oras na yon, kaya ako'y nagpahinga nang muli.

mga 2 oras pa lamang ako nakakatulog ng biglang may tumawag sakin

"hello pare, 12 na ah, bakit ka napatawag?" sabi ko nang masagot ang tawag ng tropa kong si ondoy.

"nandito sakin si ezra ngayon, ikaw daw ang nagsabi sa kanya na sakin pumunta, ano bang problema neto?"

"hayaan mo lang siya, wag mo nalang pansinin"

"pare, buntis daw siya, magpapalaglag, ano, tutulungan ko ba?"

"pare, wag ninyo na ako idamay dyan, kung gusto mo tulungan, go, pero ako, labas na ko dyan, kebabata pa naten eh magkakasala na tayo. sige na, matutulog na ulit ako, abala naman oh!" sabay baba ng aking telepono.

lumipas ang ilang araw at masaya naman kami ni RJ sa pagpapanggap na ginagawa namin, sobrang maalalahanin siya, lagi niyang inaalala ang kalagayan ko, kapag naman hindi ako nagtetext sa kanya, tumatawag siya dito sa bahay para lang kamustahin ako. ngayon, ramdam na ramdam ko na may girlfriend na talaga ako, yun nga lang, sa katauhan ng isang binabae.

nagpalaglag din si ezra, tinulungan siya ni ondoy sa kanyang balak, wala naman na akong pakialam sa kanya kaya hindi ko na inungkat pa.

isang araw, araw ng pagkikita namin ni RJ, magmall kami, and this will be the first time na lalabas kami pamula ng maging kami, may halong kaba, siyempre, baka kasi may makakita sa aamin. although hindi naman ako seryoso sa kanya, pero pinagbigyan ko nalang, kasi, may 5 araw din niya ako kinukulit ukol dito.

dumating siya sa bahay n bihis na bihis, ako nama'y maliligo pa lamang noong mga oras na dumating siya.

"oh, bakit nandito ka na, ang aga pa ah, maliligo pa lang ako!" bungad ko sa kanya.

"excited kasi ako, ok lang yan, maalam naman ako mag hintay"

"osige, upo ka muna dyan, maliligo muna ako" at pinaupo ka naman siya sa aming sala, binuksan ang TV, "MANANG, paki bigyan ng juice si RJ, tska bigyan mo na din ng sandwich, mukang hindi pa nakain sa kaexcitedan!" sigaw ko sa aming kasambahay.

naligo na nga ako, habang ako ay naliligo, napaharap naman ako sa salamin, grabe ka talaga, dati sa babae ka lang, ngayon, pati kaibigan mo na bestfriend mo pa, tinalo mo na din. sabi ko sa aking isip habang pinagmamasdan ang aking sarili.

sa hindi ko alam na dahilan, parang sobrang tagal ko naligo ng mga panahon na yon, parang buong katawan ko ay nilinis ko ng sobra sobra, yung tipong wala kang makikitang sa kahit saang parte ng katawan ko na madumi, mga 45 mins ata akong nasa cr at nililinis ang aking katawan.

nang makatapos maligo, agad kong tinungo ang aking cabinet, inilabas ko halos lahat ata ng damit ko ay nailabas ko, parang gusto ko kasi maging perfect ang labas namin ni RJ ngayon, ewan, pero yun ang gusto kong gawan, hala, hindi kaya nababakla na ko?  biglang naisip ko habang ako ay nagbibihis. nagdecide ako na mag pants na straight cut, at mag polo shirt na semi fitted, na alam kong bumagay sakin dahil lumabas lalo ang pagiging maganda ng aking tindig. nakakapanibago talaga ang sarili ko sa mga panahong ito, kasi dati dati nama'y nakawalking shorts lang ako at tshirt kapag nalabas, pero ngayon tila pinaghandaan ko ang bawat saglit na makakasama ko ang taong pinagpapanggapan ko lamang.

nakatapos na akong magbihis at magayos ng sarili at ako ay bumaba na para puntahan ang aking "GAYFRIEND". nang ako'y pababa na at nakita ako ni RJ, literal na napanganga siya sa kanyang nakikita, lumapit ako sa kanya sabay hawak sa kanyang baba at isinara ang kanyang bibig.

"napanganga ka dyan, ano ba nakita mo?" ang natatawa ko pang sabi sa kanya

"ah, eh, wala, tara na, kanina pa naghihintay si mab sa labas" sabi niya.

si mab ay ang sasakyan na rinegalo sa kanya ng tatay niya nung huling birthday niya, oo, mga bata pa lang kasi kami, maaalam na kami magdrive, at may kakilala ang pamilya nila RJ sa LTO kaya walang problema kung pagala gala kami na may dalang sasakyan, minsan nga eh sinasaluduhan pa tong si RJ ng mga traffic enforcer.

"san ba tayo pupunta, bakit kelangan mo pa magdala ng sasakyan?" tanong ko sa kanya.

"sa lipa, para walang nakakakilala, para magawa natin gusto natin gawin." sabi niya na sinamahan pa ng nakakalokong ngiti.

"adik ka talaga, o xa, tara na. nang maagang makauwi" sabi ko

"bakit, sino ba may sabi na maaga tayong uuwi? at sing may sabi din na uuwi tayo mamaya?" sabi niya

"anung ibig mong sabihin? teka, hindi pa ko nagpapaalam!" kinakaladkad na niya ako ng literal ngayon papasok ng kotse.

"napagpaalam na kita kay tita, kaya ok na ang lahat, may gamit ka na din dyan sa kotse, pinakuha ko kay manang kanina nung naliligo ka, antagal mo eh!" sabi niya.

talagang kampante sila mommy at daddy kapag etong lalakeng to ang kasama ko, akala kasi nila walang ginagawang katarantaduhan to, samantalang kung titingnan mo, at ikukumpara saming magkakaibigan, siya tong mukang adik at walang patutunguhan.

nakaalis na nga kami sa bahay at tumungo sa isang mall sa lipa, robinson's place lipa to be exact. bumili siya ng mga pagkain, mga inumin, sobrang dami, pero kaming dalawa lang naman ang uubos neto, grabe talaga magtapon ng pera tong si RJ, magustuhan kasi niya, dadamputin nalang basta, kahit hindi niya alma ang lasa. umabot ang bill namin ng mahigit 3k dahil sa mga kung anu anung pinagbibili niya. puro ngiti lang ang ibinibigay ko sa kanya, dahil alam naman niyang wala akong iaambag, dahil nakalimutan ko din humingi ng pera kanina.

"wag kang magalala, sakin binigay ng mama mo pera mo, kaya eto ang gagastusin naten." sabi niya na nginisian ako.

"aba, gago to ah, hoi, pera ko yan, hindi mo manlang sinasabi sakin! babayaran mo ko ha!" sabi ko

"hehe, joke lang, eto pera mo, wala ka naman gagastusin ngayon eh, dun tayo sa rest house namin sa san jose mag stay, walang tao dun, pinaalis ko din yung tagapangalaga, para magawa natin lahat"

"hoi mr. ryan jake esqueta, wala tayong usapang ganyan kaya umayos ka!"

tumawa naman si loko, parang nabasa ang iniisip ko, nakakahiya tuloy.

"mr james cornejo, wala sa isip ko ang..." pinigilan ko na ang dapat na sasabihin pa niya dahil madaming nakakarinig ng usapan namin, nakakahiya talaga.

"tara na, at baka kung ano pa masabi mo!" sabi ko sa kanya.

dumiretso na nga kami kay mab at pinaandar na niya ang makina. nagpatugtog siya ng mga love songs, taliwas sa mga gusto kong music, gusto ko kasi yung mga rock, nakaktulog kasi ako pag love songs ang tugtog. ayun na nga po, nakatulog na ako dahilan para hindi ko makita ang mga magagandang tanawin papunta sa san jose. kainis.

"james, mahal ko, gising na, andito na po tayo." pangigising sakin ni RJ

nagulat naman ako sa nakita ko, nasa loob ako ng kwarto na hindi ako pamilyar.

"a-asan t-tayo?" sabi ko na medyo nabubulol pa "tsaka anong oras na?" dagdag ko pa

"3pm na po, kanina ka pa po tulog diyan, kaya binuhat kita papunta sa kwarto ko dito sa rest house. nakakahiya naman po kasing gisingin ka dahil naghihilik ka!" ang natatawa netong sabi.

agad naman akong namula sa itinuran niya, sa naaalala ko kasi, wala pang 12nn nung umalis kami sa robinson's lipa, tapos 3pm na ngayon, waaah, antagal ko pala talagang natulog.

"hahaha, nakita nanaman kitang namula, ang gwapo mo talaga pag namumula ka!" natatawa netong sabi.

"nakakhiya kasi, sana ginising mo nalang ako kanina." napayuko nalang ako kasi nahihiya talaga ako.

lumapit siya sakin, sa muka ko, at binigyan ako ng isang halik sa noo.

"what is that for?" sabi ko ng may pagkabigla

"wala lang, para hindi ka na mahiya, hehe, sorry"

"ok lang, gutom na ko rj"

"okay na ang foods, pinrepare ko kanina nung tulog ka"

patay, siya ang naghanda ng pagkain, baka masira nanaman ang tiyan ko. sa isip ko.

alam ko naman kasing hindi talaga maalam magluto tong si RJ, nung huling naghanda to ng pagakain, mga isang linggo akong nag LBM noon. hahaha.

napansin naman neto ang bigla kong pagtahimik.

"don't worry, ako lang ang nagprepare ng kainan, pero hindi ako ang nagluto, nakakaasar yang pagtahimik mo eh!" sabi niya na nagtatampo.

"hahaha, naaalala mo pa din pala yung nangyari samin noon nila paeng?" tanong ko

"oo, kaya nga hindi na ko nagtangka na magluto, baka masira pa gabi naten mamaya." sabi neto na para bang nahihiya pa din sa nangyari noon "tara na, sabi mo gutom ka na, mga favorite mo pa naman yung pinaluto ko." at nginitian na niya ako.

"anjan na po, wait lang, saan cr, kanina pa kasi siya hinahanap ni junjun eh" tanong ko sa kanya, naiihi na kasi ako, ganun ako pag bagong gising.

ibinuka naman niya ang kanyang bibig sabay turo neto sa kanyang loob.

"lukoluko! seryoso, saan cr, ihing ihi na ko" sabi ko na sinabayan ko pa ng pagbatok sa kanya.

"hehehe, joke lang naman, pwede naman mamaya na yon, hehe. doon sa isang pintuan" sabay turo naman niya ng sinasabing pintuan.

agad kong tinungo ang sinabi niyang pintuan, papasok na sana ako ng cr, kaso bigla ako nahiya, anlaki ng cr nila huh, parang pwede ka maglaro ng taya-tayaan o sekyo dito sa loob, tapos ang gaganda pa ng mga gamit pampaligo dito.

"oh, bakit hindi ka makapasok?" pagbibigay pansin sakin ni RJ.

"wala, anlaki kasi ng cr nyo, nakakahiya naman. hehe" sabi ko naman.

nagcr na nga ako, at tumingin muna sa salamin bago muling lumabas. gusto ko kasi, presentable pa din ako pag nakain kaming dalawa. ewan, pero parang may iba na akong nararamdaman sa mga panahong ito. parang... ewan, i'm not yet sure kaya hindi ko muna papansinin to.

"tara na" pagaaya ko sa kanya nang makita kong nakatitig lang ito sakin papalapit sa kanya.

bumaba na nga kami, namangha naman ako sa ganda ng rest house nila, nung huli ko kasing punta dito eh hindi pa ganito ang istura nito,  hindi talaga nakapagtataka na isa sila sa elite sa school namin. pamula sa mga furnitures, hanggang sa mga kubyertos, alam na alam mong galing sa ibang bansa lahat ng gamit nila.

sa kinatatayuan ng dining area nila, doon mo makikita ang dagat, open na open ang lugar na iyon na aakalain mo, ang buong nakikita mo eh kanila talaga.

andaming pagkain ang ipinaluto niya, may calderetang kambing, adobong baboy, pastel, menudo, at Umba.halata mong masasarap talaga iyon, amoy pa lang, ulam na.

"andami naman neto, may fiesta ba?" tanong ko

"wala, i just want this night to be special" sagot neto na sinamahan pa ng ngiting wagas.

kumain na nga kami, kulitan habang kumakain, anjan ang pagkiliti niya sakin, pagpapatawa habang umiinom ako, at panlalambing.

"mag2 weeks na tayo, pero wala pa din tayong term of endearment?" bigla niyang tinanong sakin.

"kelangan pa ba yon? tsaka baka makahalata sila, wag nalang." sagot ko

"okay, sabi mo eh" sabi niya na sinamahan ng pagbabago ng mood, parang medyo naawa naman ako sa kanya kaya.

"osige, anu ba gusto mo?"

"wag na, baka nga makahalata sila." pagtatampo pa din neto.

"wag ka na magtampo, basta wag lang natin sasabihin sa harap nila." sabi ko

"talaga? okay lang sayo? promise?" ang parang bata netong sabi na ikinatuwa ko naman.

"oo na, sige na, isip ka na kung ano."

"hmmmm, alam ko na, ikie nalang"

"bakit ikie??" tanong ko

"wala lang, trip ko lang, hehe, payag ka?"

"okay ikie, cute naman pakinggan eh.," sabay ngiti ko din ng wagas.

"thanks ikie" sabi niya

natapos na kaming kumain at dumiretso sa labas, hindi na namin pinakelman ang mga ginamit namin sa pagkain, dahil sabi naman niya, may mag aayos daw noon mamaya pag tulog na kami. tumuloy kami sa garden nila kung saan kita mo pa din ang magagandang tanawin. dun ko nakita ang isang table na may dalawang upuan in both ends tpos nandun din yung mga pinamili namin kanina, ang alak, ang mga chichirya, at kung ano ano pa.

"hindi mo naman gaanong pinaghandaan to noh?" sabi ko ng makarating kami sa table.

"hindi naman, wala pa nga efforts yan eh, mamaya pa yung iba, hehe." sagot naman neto sakin

"at talagang meron pang iba. xa, simulan na naten tong inuman na to, baka umagahin pa tayo neto." sabi ko naman.

sinimulan na nga namin ang inuman, katulad kanina, punong puno kami ng tawanan, kahit kaming dalawa lang, hindi ko naramdaman ang pagkaboard. hindi ko pa din alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. nafafall na ata ako sa kanya. waaaah.

"ikie, do you love me?" ang wala sa sarili kong tanong sa kanya.

"oo naman, bakit?" sagot niya sakin

"wala naman, bakit ako?"

"bakit hindi ikaw?" pagbabalik tanong niya sakin.

"sige na, please, answer my question, gusto ko malaman lahat, please tell me."

"well, hindi ko din alam eh, bakit nga ba? wala talaga ako dahilan, naramdaman ko nalang." sabi niya na nakangiti ng matamis sakin. "well, i know naman hindi ganito ang pag tingin mo sakin, pero sige, susubukan ko pa din. lahat naman kaya kong tanggapin para sayo eh." dagdag pa niya.

"ikie, m-mahal na din ata kita." ang medyo nahihiya kong sabi

"talaga? pano mo nasabi?" sobrang tuwa ang nakita ko sa mga mata niya sa narinig niya sakin.

"ewan ko din, hindi ko alam."

nilapit niya sakin ang muka niya, palapit ng palapit, hanggang sa maglapat ang aming mga labi.

agad naman akong kumalas sa ginawa niya, first kiss ko yun sa lalake, nakakagulat, pero ang lambot ng labi niya, ansarap halikan

"oh, bakit? ayaw mo ba?" tanong niya sakin

"ah, eh, ewan, hindi pa ata ko handa, sorry" sabi ko.

"ok lang, you know what? this is a dream come true for me, yung mahalin mo din ako, antagal tagal ko na pinapangarap to, ngayon nasakin ka na, hindi no ko bibitiw pa." sabi niya.

"..." ewan, ala ako maisip na sasabihin eh, kaya tumahimik nalang ako.

"sana wag na matapos tong gabing to. sana wag mo ko iiwan." sabi niya.

"i have just one rule." sabi ko bigla.

"ano yun ikie?" tanong naman niya

"wag na wag mo ko papakawalan, dahil pag ginawa mo yan, ituturing kitang basura, na hindi na dapat pang pulutin pa." sabi ko sa seryosong tinig.

"oo naman, antagal ko nga pinangarap diba? tapos papakawalan pa kita." sabi niya sabay ngiti.

itinuloy namin ang inuman hanggang sa makaramdam na kami nang pagkalasing.

"i-ikie, s-sa-an ako m-matu-tulog?" sambit ko na sinisinok pa.

"la-lasing ka na ikie, dun na tayo matulog sa kwarto ko."

"ta-tabi ta-ta-yo?"

"o-oo naman ikie, wag ka mag alala, wala akong gagawin sayo, unless you do the first move."

"okay."

tinungo na nga namin ang kwarto, nagpalit muna ako ng damit, pang bahay, boxer shorts lang ang isinuot ko at hindi na nag pang itaas, alam ko namang safe ako sa kanya eh.

nahiga na ako sa kama at ipinikit ang aking mata. pero hindi ako agad nakatulog.

maya maya pa ay tumabi na sakin si RJ, naramdaman ko nalang ang kanyang pag-akap sakin isiningit niya sa aking batok ang kanyang kaliwang kamay, at ang kanan naman ay ipinulupot niya sa aking katawan. hinayaan ko nalamang siya, dahil alam kong masaya siya sa ginagawa niya. maya maya pa ay bigla siyang bumulong.

"ikie, i hope you can hear this, gagawin ko lahat para mahalin mo ko ng totoo, sana wag mo ko iiwan, sana ikaw na ang taong hinihintay ko na matagal na. sana ikaw lang, sana ako lang din. mahal na mahal kita." sabay halik sa aking pisngi.

natuwa naman ako, tila kinilig sa itinuran niya, pero nanatili pa din akong nagtulog tulugan. maya maya pa ay naramdaman ko na din na tulog na siya. naghihilik din pala ang loko. kaya naman natawa ako ng bahagya.

ako naman ang bumulong sa kanya.

"ikie, hindi ko mapapangako sayo na katulad ng pagmamahal mo maibibigay ko, pero starting today, and till the day you need me, i'll promise you, hinding hindi kita iiwan. ang makakapag paalis lang sakin sayo ay kapag sinabi mo sakin na hindi mo na ako kailangan." sabay halik ko sa kanyang noo.

nagulat naman ako, pagkahalik ko sa kanyang noo, bigla siyang dumilat...

Itutuloy. . . . . . . . . . .


jamesstoryline.blogspot.com

No comments:

Post a Comment