Wednesday, December 26, 2012

Ang Simula (02)

by: James Cornejo

"But babe, i just said tho..." ang naputol kong sasabihin.

**PLAAK!!!**

isang sampal ang dumampi sa aking kanang pisngi na naging dahilan ng pagtigil ko sa aking sinasabi. pagkatapos niya akong sampalin ay bigla nalang siyang nagtatakbo palabas ng resort nila paeng at dali daling sumakay ng isang tricycle para makalisan sa lugar.

wala akong nagawa kundi ang umiyak dahil hindi ko alam kung paano ko pa haharapin ang bukas ng wala siya.


"pucha, hindi ko manlang nasabi ang dahilan kung bakit ko nasabi ang mga bagay na yun kay RJ, waaaaahhhh, pano na to? lint*k naman kasi itong si RJ, humanda ka, naturingang bestfriend pa naman kita, tapos ganun mo lang papabayaan ang friendship naten..." ang mahaba kong iniisip habang nasa gitna ng pag-iyak.

"pare, anung nangyare sayo? bakit ka umiiyak? at ano yung binato mo kay RJ kanina?" ang sunod sunod na tanong ni mike ng makalapit sakin.

"wala pare, wala, w-wala na kami ni lea!" ang nasabi ko na hindi pa din natigil sa pag luha.

"oh, anung nangyare? kanina lang eh angsaya-saya nyo, tapos biglang wala na agad? ano bang nangyare?" tanong ulit ni mike.

isang tingin lang ang ginawa ko kay mike para ipaalam sa kanya na wala akong ganang mag kwento, as i've said, ako ang tipo ng tao na hindi ko sasabihin ang problema ko, pero ipaparamdam ko na masama ang loob ko sa taong dahilan neto.

nagsilapitan sakin ang aking barkada pero hindi kasama si ondoy at si RJ. nanatili silang nasa pool at akala mo walang kinalaman sa pagiging miserablehan ngayon ng pagiging lalake ko.

"pare, let's just enjoy the rest of the day, tutal, wala na tayong magagawa jan sa problema mo, ayaw mo din namang sabihin samin ang dahilan kung ano ang nangyari sa inyo ni lea, and besides, it's your birthday, wag mo nalang isipin yon, kung kayo talaga, babalik at babalik sa iyo si lea, pero kung hindi, edi humanap ka muna ng iba, pero, this is just an advice, rest ka muna, biruin mo, naka 7 na girlfriend ka na agad within 2 years or less. baka mabilis manawa nyan si manoy at maghanap ng ibang sarap yan." ang mahabang pahayag ni paeng na sinabayan pa ng nakakaulol na tawa.

"well, paeng has a point, cheer up tol, walang magandang maidudulot yan sa birthday mo, just enjoy life and your being single!" biglang sabat ni BJ.

"well, tama naman sila, birthday ko ngayon, dapat nag eenjoy ako, siguro, bukas ko nalang iisipin ang mga bagay na to." sabi ko sa isip ko.

nag inom nalang kami sa kubo na kinatatayuan namin. naka ilang bote lang kami ng alak at isa isa na nagsitauban ang mga kainuman ko. ang natira nalang ay ako at ang best friend ko.

"are we still best friends?" ang biglang sambit ni RJ ng mapansin na wala ng ulirat ang mga kabarkada ko.

hindi ko ito sinagot, bagkus ay tumagay nalang ako sa aking iniinom na alak.

"atleast sana maiwan yung friendship natin? please james, i can't afford loosing you" sambit ni RJ

"at ngayon naiisip mo ang mga bagay na yan, matapos mong sirain ang perpektong buhay namin ng girlfriend ko." ang mahinahon kong sagot sa kanya.

alam ko kasi na mabilis magtampo tong si RJ, kahit ganun ang ginawa niya, alam kong hindi ko talaga kayang magalit ng lubusan sa kanya.

"nagawa ko lang naman ang mga bagay na yun dahil sa sobrang pagmamahal ko sayo" ang nangingiyak ngiyak na niyang sambit sa akin.

"wag kang umiyak dyan. yan din kasi ang mali sa SOBRA eh, hindi mo na makontrol ang ginagawa mo, hindi mo na alam kung makakasakit ka ng mga tao sa paligid mo. alam kong may mali din ako sa nangyari, pero RJ, hindi mo ba naisip na lalake ako, at hindi ko maatim na pumatol sa kapwa ko?" ang mahaba pero mahinahon ko pa ding sabi sa kanya, ayaw ko kasi siyang saktan, gusto ko lang maliwanagan siya sa mga nangyayare.

"oo, alam ko naman yon james. sana mapatawad mo pa ako" sambit niya.

"RJ, alam mo yung babasaging baso? ang pagiging magbest friend kasi, very fragile, yung tipong pag nabasag na, pwede mo namang buuin, pero may lamat na." ang nasabi ko nalang.

"patawarin mo na ako james, gagawin ko lahat mapatawad mo lang ako." sabi ni RJ na tila nagmamakaawa

"RJ, bestfriend pa din kita. bigyan mo lang ako ng time magsink-in lahat ng nangyari, maybe in time, mapatawad din kita" sabi ko para matapos na ang usapan.

Sinsero naman ako sa mga sinabi ko kay RJ, yun nga lang, hindi ko pa alam kung kelan ko siya mapapatawad sa mga nagawa niya.

Nagdidilim na, kaya ginising ko na ang mga kumag para kami ay magsiuwian na. Lasing pa si mike at hindi na kaya pang mag drive, kaya ako na ang nag drive dahil parang wala pa naman akong tama, and besides, sabi nila, mas magaling daw ako mag drive kapag nakainom.

nang makarating kila mike, ay agad ko nang ipinarada ang kotse nila para magcomute nalang ako pauwi. akmang palabas na ako ng gate ay biglang may humila sa aking braso.

"sumama ka muna sakin, mamaya na tayo umuwi, may ipapakita muna ako sayo" sambit ng lalakeng humila sa aking braso.

"saan tayo pupunta ondoy? and wait, don't act as if napatawad na kita sa mga nagawa mo sakin!" ang may kataasan ng boses kong sambit kay ondoy.

Hindi na niya ako pinaimik at animoy kinakaladkad ako papunta sa ilog kung saan umamin sakin ang bestfriend ko.

pagkadating namin sa lugar ay agad nagsindi ng sigarilyo si ondoy. isang buntong hininga muna ang ginawa niya bago...

"pare, i know what happen, naikwento sakin ni RJ lahat kanina nung naiwan kaming dalawa sa pool." bulalas ng kanyang bibig.

"alam mo pare, matagal na may nararamdaman sayo si RJ, sinasabi niya sakin lahat, simula pa lang daw nung bata pa kayo ay iba na ang nararamdaman niya sayo." tuloy tuloy niyang sabi sa akin.

at alam talaga niya lahat huh, at teka, bakit ko ba siya pinapakinggan? sabi ko sa aking isip.

akmang aalis na sana ako pero muli ay pinigilan niya ako.

"Pare, sorry sa mga nagawa ko noon kay ezra, sana mapatawad mo na ako, namimis ko na din ang kakulitan mo, and i'm sure, ikaw din, namimis mo na din ang mga kakulitan ko" sabi niya na ramdam ko naman ang pagiging sinsero neto.

anu ba naman to? well, siguro, wala na patutunguhan tong galit ko kaya sige nalang. tutal nagsorry naman na siya eh..  wika ko sa aking isip

"pahingi nga ako ng yosi, pucha, namiss ko tong ganitong tambay ah!" sambit ko, sabay ngiti ng nakakaloko.

alam ko, sa mga panahong ganito, kakailanganin ko si ondoy sa tabi ko, dahil isa siya sa pinaka magaling mag advice sa tropa.

inabutan naman niya ako ng sigarilyo at bumawi pa, ipinagsindi na din niya ako.

"pare, tutal, alam mo na kung anong nangyare, advice naman dyan oh." sabi ko para hindi mawalan ng usapan, namiss ko din tong mokong na to eh.

"ano ba gusto mong sagot? yung gusto kong gawin mo, o yung gusto mong marinig?" sabi niya na seryoso ang muka.

ganun kasi siya, iniisip niya kung anu ba ang mas makakabuti o kung ano ba ang mas makakapag paligaya sa inaadvisan niya.

"uhm, yung gusto mo nalang pare, alam ko namang expert ka dyan" sabi ko

"osige, ganito muna, may mga itatanong ako, sagutin mo ng seryoso, sa huli, magbibigay ako ng advice"

"ok"

"pare, mahal mo pa ba si lea?" panimulang pagtatanong niya

"oo naman, pare, i saw my future na sa kanya." sagot ko na siguradong sigurado

"ok, next question, kaya mo ba mawala best friend mo?"

napatahimik ako sa sunod niyang tanong, parang ayoko sagutin ang tanong dahil sa ngayon, hindi ko alam ang sagot.

"ok, ibahin ko tanong, hindi ka makasagot eh, best friend pa din ba ang turing mo kay RJ?" pambasag nya sa namuong katahimikan.

"oo, pero..." sambit ko na hindi na niya pinatapos.

"wala ng pero, eto advice ko sayo pare, i know maghihintay ka kay lea, pero alam ko din na hindi mo kayang saktan ang best friend mo, bakit hindi mo gawin eh while you are waiting for lea, itry mo ang binibigay na pagmamahal sayo ni RJ, i know he has big plans for you. this is just an advice james, it's still up to you kung susundin mo or ibabale wala mo, try mo lang naman eh, wag kang mag alala, hindi ako mangenge alam sa disisyon mo, and wala akong pagsasabihan na iba." ang mahaba nyang itinuran

"osige pare, thanks sa advice, but i don't think magagawa ko, pero depende na rin siguro, thanks sa support, teka, mag 9 na, baka mapagalitan na ko samin. you know my mom and my dad..." sambit ko nang bigla siyang sumingit.

"yah, i know tito and tita, if you're not here at 10pm sharp, matulog ka n sa ibang bahay!" sabi niya na tila ginagaya ang tono ng pananalita ng tatay ko.

natawa naman ako sa ginawa niya, naaalala pa din pala niya ang mga sinasabi ng magulang ko pag nalelate ako umuwi.

ayun na nga, umuwi na kami sa sari sarili naming bahay. pag dating ko sa bahay...

"HAPPY BIRTHDAY!!!!!!!" ang malakas na bati sakin ng mga tao sa loob ng bahay pag kabukas ko palang ng pinto.

WTF, nandito silang lahat? sa isip ko

sobrang nagulat ako dahil nandoon lahat ng pinsan ko at mga kamag anak ko sa mother side na sobrang minsan lang mangyari dahil sa ilang alitan din sa pamilya namin.

"oh anak, hindi ka ba natutuwa sa nakikita mo?" sambit sakin ng nanay ko.

"ma, o-ok na po ba kayo lahat?" ang medyo nauutal kong sabi.

"oo anak, dahil sa birthday mo, alam mo namang paburitong paburito ka ng mga tito, tita at mga pinsan mo eh, hindi nila kayang mamiss ang birthday mo, tingnan mo, niluto pa ng tito luis mo ang paburito mo, UMBA" sabay turo sakin ng sinasabi niyang pag kain.

"woooow!! namiss ko to, namiss ko din kayo, grabe, hindi ko inexpect to, thanks to all of you, nag abala pa kayo masyado." sabi ko na bakas ang pag ka tuwa.

nagsikainan na nga kami sa aming bahay, lahat kamustahan, ang mga matatanda ko ng pinsan na lalake ay nakipag inuman sa tatay ko, ang mga babae naman ay nagpipicturan sa kung saan saan gamit ang mobile phone ng pinsan ko na unang unang CP na may camera, ang Nokia 7650. siyempre, hindi nawawalan ng kulitan sa mga maliliit ko pang pinsan.

Nag tagal ang maliit na salo salo ng hanggang 2 ng umaga, nag siuwian na nga ang mga pinsan ko.

ako naman ay nag pahinga na muna sa aking kwarto, pero hindi pa ako nakakailang minuto sa aking pagkakahiga, biglang tumulo ang aking mga luha.

ano ba to, luha ng kaligayahan o luha ng kalungkutan? sa isip ko

biglang parang ngflash back sakin lahat ng pinagsamahan namin ng best friend ko, parang ipinapaalala sakin lahat ng nagawang mabuti sakin ni RJ, hindi ko alam kung bakit biglang nag flashback lahat, pero alam ko sa sarili ko na sobrang laking parte ng buhay ko, at kung ano man ako ngayon ay dahil iyon kay RJ.

hai, anu ba yan, sa dinami dami ng pwedeng maisip, bakit si RJ pa, pwede namang si lea, pero bakit si rj pa, waaaaah. halos mabaliw ako sa pag iisip.

james, calm your self, make a decision, dapat bukas pag gising mo, ok ka na, isipin mo kung ano ang dapat mong gawin... pag kausap ko sa sarili ko na medyo tumigil na sa pag luha

bigla ko naman naalala ang sinabi ni ondoy sa akin "i know maghihintay ka kay lea, pero alam ko din na hindi mo kayang saktan ang best friend mo, bakit hindi mo gawin eh while you are waiting for lea, itry mo ang binibigay na pagmamahal sayo ni RJ, i know he has big plans for you. this is just an advice james, it's still up to you kung susundin mo or ibabale wala mo, try mo lang naman eh, wag kang mag alala, hindi ako mangenge alam sa disisyon mo, and wala akong pagsasabihan na iba."

halos paulit ulit na bumabalangkas sa akin ang mga katagang iyan ni ondoy. hindi ko na namalayan na ako'y nakatulog na pala.

"james, james, james, gising ka na, may sasabihin lang ako sayo... " tila isang babae na tumatawag sakin.

"james, hintayin mo ko, madaming paraan ang pwede mong gawin, pero gusto ko, habang hinihintay mo ko, may mapasaya kang tao..." siya pa din pero hindi ko maaninag ang muka.

alam ko at kilala ko ang boses na yun, kay lea yun, sigurado ako...

biglang........

****blaaaaaaag!!!!!****

Itutuloy. . . . . . . . . . .

jamesstoryline.blogspot.com

No comments:

Post a Comment