by: Apollo22
Lumabas ako upang makalanghap ng
sariwang hangin at makapagisip-isip sa nangyari kagabi, sisiryosohin ko ba ito
o baka sa sobrang kalasingan ay nagawa nya iyon nakakainis talaga yung mayabang
na yon! Ang nasabi ko nalang ng
pabulong.
At habang nag iisip ako ay biglang
bumukas ang screendoor ng bahay.
Nakita ako ni Sedrick na naka upo sa
may garden nila Mimi at tumabi ito sakin pero umusog ako ng kaunti palayo sa
kanya para ipaalam ko na inis pa ako rito.
“uy.. sorry na” ang nag susumamong
sabi nito
“saan? sa pang iinis mo sa akin? o sa
pagbalibag mo sa akin kagabi?” ang sarkastiko kong tanong.
“ sa parehas, hindi ko naman sinasadya
eh” halatang nag susumamo si mokong ahh
“kasi naman hindi mo ko pinapansin
kanina eh” ang dagdag pa nito.
“at talagang ako pa ang may kasalanan
ngayon?” ang tanong ko rito.
“kaya nga sorry na eh” ang sabi nito
na parang bata.
Naawa naman ako at na cute-an at the
same time, first time ko lang kasi tong makitang ganyan.
“o sige. Pero pag-inuulit mo pa yan hindi
kita papatawarin ok” ang sabi ko rito na nag-iinis-inisan pero naka ngisi na.
“yes baby bro! hinding-hindi na ito
mauulit, promise” at tinaas pa nito ang kanang kamay na animo’y nanunumpa.
“tara na sa loob, at ayokong nagugutom
si baby bro” ang masaya nitong pang-anyaya
Tumango nalang ako sabay ngiti at
tumungo nanga kami ni Sedrick sa may hapag kainan.
“uyyyyyyy bati na sila” ang pang-aasar
ni Nina
“oo nga bati na si Sedrick at “baby
bro”” ang gatong naman ni Gary
“ops! Gawa kayo ng sarili nyong
itatawag kay baby bro akin lang yung tawag na yon” ang pagsabat naman ni
Sedrick.
“ay TARAY!! Bongga!! Parang nabili mo
ang baby bro na tawagan nyo ahh” ang nasambit ni Nina.
“talaga!” ang pagmamalaki ni Sedrick
sabay akbay sa akin.
“alam nyo ganyan nakatuluyan ang
lolo’t lola ko promise” ang gatong pa ni Mimi.
“nako tigilan nyo nanga kami at kumain
na kayo dyan” ang pagputol ko sa pang-aasar sa’min at baka san pa mauwi ang
biruan na yun.
Masaya ang naging usapan naming at halatang
nag-eenjoy kami sa isa’t isa, muli, tawanan, halakhakan at inisan ang nangyari
sa’min at na consider na rin namin ang isa’t-isa na mag babarkada.
Ilang lingo ang makalipas ay talaga
namang naging solid ang samahan namin at wari’y walang makakaputol ng samahan
namin.
Nakasanayan naman namin ni Sedrick na
magtabi tuwing klase at laging mag sama since na mag ka grupo kami sa play kaya
madalas kaming nagpapractice, madalas rin kaming kumakain ng sabay sa iba’t
ibang kainan gaya ng Mcdo, jollibee, Max at kung saan-saan pa, lagi kaming
masaya, minsan nga kahit sa mall naghaharutan kaming dalawa at di alintana sa
mga taong nakakakita.
Kaya minsan naiisip ko na ang pinaka
sikat na lalake sa buong campus ay nakakasama ko ng madalasan at talaga namang napapasalamat ako sa Diyos
dahil naisipan nyang regalo sa akin si Sedrick ng biglaan.
“so tara kain ulit tayo sa labas” ang
paanyanya sa akin ni Sedrick at inakbayan ako nito habang papa uwi
“hindi kaba nagsasawa sa kakakain
natin sa labas?” ang taka kung tanong.
“hindi ahh!! Basta si baby bro ang
kasama ko hinding-hindi ako magsasawa” ang nakangiti nitong sagot.
Ang sarap sa tenga na marinig ang mga
katagang yon lalo na galing sa crush na
bayan.
“wow naman ang sweeeeet” ang tugon
naman ni Nina na sumulpot lang sa likod namin.
“sama ako” dagdag nito na parang bata.
“ayaw ko nga! Kami lang ni baby bro
ang kakain sa labas no! tsaka may sasabihin ako sa kanya” pagtanggi ni Sedrick.
At kumain nga kami sa labas ni Sedrick
sa mang inasal libre nito lagi, lagi rin naman akong nabibilib sa tikas at
tindig nito habang nag oorder ang gwapo nya talagang tignan lalo na pag may
request ito sa mga crew parang senyorito lang kung mag-utos.
“ok kalang?” ang tanong ni Sedrick
habang sumusubo ng pagkain nya.
“ah eh oo naman” ang tugon ko rito at
uminom
“sya nga pala ano yung sasabihin mo sa
akin” ang tanong ko rito.
“ah eh….. ano kasi ehh” natataranta nitong tugon.
“ano nga yun” ang pagkulit ko na
natatawa na sa nagiging reaksyon nito na parang kinakabahan ito na ewan.
“ano kasi ehh” hindi parin makasagot.
“ano nga” ang pag kulit ko
“uy ano na”
“GUSTO KITA!!” ang sagot ni Sedrick na
may diin dahilan para mapansin kami ng kapwa naming kumakain.
Literal na nanlaki ang aking mga
mata at namula ako sa sinabi ni Sedrick.
“ah eh” ngayon ako naman ang nauutal.
“ohh ano nagulat ka?” ang mahina
nitong sabi na nahihiya pa rin.
“hindi ko inaasahang sasabihin mo
iyon, hindi ko alam ang sasabihin ko Sedrick” ang tugon ko na nahihiya pa rin.
“hindi mo ba ako gusto?” ang
pag-aalala nitong tanong
“ano kasi ehh” ang tugon ko.
“hindi mo nga ako gusto” at na lungkot
ang mukha nito
Ayaw ko namang isipin nya yon kasi
matagal ko na itong gusto, kaya naman umamin na rin ako.
“Sedrick??” tinignan nya lang ako
“gusto rin kita, noon pa” at alam kong
namula ako sa harap nito.
Nag liwanag ang mukha ni Sedrick
nawala ang lungkot nito.
“talaga!!” ang tanong nito na parang
na excite.
“oo nga!!” ang sabi ko rito na
nahihiya at hindi makatingin sa kanya ng diretso.
“ang saya!! Wohhhhhhhooooo!!” ang
sigaw nito at tumayo pa, hindi na nya alintana kung may nakatingin sa amin.
Hinawakan ko ang kanang braso nito
para hilain pababa dahil nahiya ako sa naging reaksyon nito “uy! Maupo kanga”
ang sabi ko rito at luminga-linga na wari’y nahihiya, umupo naman to habang
nakatitig sa’kin.
“alam mo? Ang saya ko” ang tugon nito.
“oo na sige na masaya na kung masaya,
wag kalang maiingay kasi panagtitignan na tayo” ang nahihiya kong tugon.
“ehhh ano naman ngayon, at least hindi
na baby bro ang sasabihin ko kung hindi baby bro KO ang sasabihin ko” ang
masaya parin nitong sambit.
“so ano tayo na??” ang tanong nito sa
akin.
“ah eh ano kasi ehh” ang nasabi ko
lang at nagsalita ito.
“wala ng ano-ano tayo na, wala ng
bawian, umamin kana so tayo na” ang sabay belat nito sa akin na para itong
bata.
“ok,ok sige ang highblood ahh” ang
tugon ko rito sabay taas ng dalawang kamay na animo’y natalo sa laban.
Kumain kami ni Sedrick ng masaya at
after no’n ay ipinasyal nya ako sa ibat-ibang lugar na paborito nito bakas sa
mukha nito ang pagiging masaya parang bata itong kumakapit sa akin, sa tuwing hahawakan nya
naman ang kamay ko ay hinahayaan ko nalang ito, pero inaalis ko rin ito na
kunwari’y may kukunin sa bag para hindi kami pagfiestahan ng mga tao sa
paligid.
Hindi ko alam kung tama ang pinasok ko
na relasyon , hindi ko alam kung ano ang mga kapalit ng pagsagot ko rito at
hindi ko alam kung totoo lahat ng ito,
basta ang alam ko ay tuluyan nakong nahulog sa pagmamahal ni Sedrick dahil kung
tutuusin ay hindi ko magagawa ang mga ginagawa nya sa akin gaya ng pagiging
malambing at pagiging open sa akin, shy type kasi ako ehh at hindi basta-basta
nag-oopen ng mga personal na bagay.
Pero dahil kami nanga ni Sedrick ay
pinili ko nang mag-open ng mga bagay na bumabagabag sa akin at mga mapapait
kong nakaraan, gaya ng namatay kong kuya na na hit and run, yung pagbagsak ng
negosyo ng magulang ko noon at kung papaano kami nakabangon. Halos abutin kami
ng gabi sa kakakwento at hindi ko napansin ang oras pero ayus lang dahil sya
naman ang kasama ko.
Inihatid ako ni Sedrick sa bahay para
daw makauwi ako ng safe
“halika pasok ka” ang ang paanyanya ko
sakanya bago pumasok.
“wag na nakakahiya naman” ang sagot ni
mayabang.
“sige na pasok kana please” ang pag
susumamo ko.
“hindi ba nakakahiya sa mga magulang
mo?” ang tanong nito.
“hindi yan, mababait sila, yung ngang
huli kong bisita at fractured lang sa likod ang inabot after paluin ni papa ng
baseball bat” ang pangloloko ko sakanya.
“ah eh may gagawin pa pala ako sa
bahay diba may assignment tayo, sige una nako” ang pagpapalusot nito halatang
takot.
Hindi ko mapigilan ang tawa at
humagikgik ako sa harap nya.
“ang cute mo palang matakot” ang
tatawa-tawa kong sabi
“joke lang yun, mabait ang tatay ko
lalo na si mama kaya pumasok kana” ang dagdag ko pa.
“sige nanga” ang pagpayag nito.
Pumasok kami na halata kay yabang na
natatakot pa rin.
“hi ma, musta work” ang bungad ko kay
mama.
“o anak ang late na ahhh eleven na ng
gabi bakit ngayon kalang?” ang tanong ni mama at napatingin sa likod ko at
nakita si Sedrick “pakilala mo naman kami sa poging bisita mo anak”
“ahh kasi kumain nalang kami
nitong classmate ko sa labas si Sedrick”
ang tugon ko sabay turo kay Sedrick
“anak sino yang bisita mo?” ang tugon
ni papa na kalalabas lang ng banyo.
“Pa si Sedrick po, classmate ko at
groupmate ko” ang tugon ko rito.
“good evening po tita, tito” sabay
beso sa Mama ko at shakehands naman sa Papa.
“good evening din Sedrick, gusto nyo
bang kumain ulit? May ulam tayo dyan sa ref. wait lang kukunin ko.
“wag na po tita” ang pagtanggi nito
pero kinontra ko ito.
“nako ma sige, paghanda nyo na’to
nahihiya lang yan, para ngang kargador kung kumain yan eh” ang pangiinis ko at
napakamot lang ito sa ulo.
Dumaretso kami sa may sala kasama sina
mama at papa natawa ako kasi parang alam
na nilang mag kasintahan kami samantalang
hindi panga nila alam na malambot pala ang puso ko na kahit ako ay kelan ko
lang nalaman, nagpaalam ako kay Sedrick na magbibihis muna ako sa taas ng
kwarto at halatang ayaw nitong magpaiwan dahil nahihiya itong si mama at papa
lang ang kasama.
Habang nagbibihis ako ka kwarto ay
nangingiti ako ng sobra, kasi ang sarap inisin ni Sedrick hindi man ito pikon
sa iba pero pagdating sa akin ay parang batang tumitiklop, after kung mag-bihis
ay bumaba na ako na may maloko paring ngisi sa akin.
Napawi ang maloko kong ngisi nang
bumaba ako at marinig ko ang tawanan ng tatlo
abat! Mukhang nadala na si mama at
papa sa charming ni Sedrick ah ang nasabi ko sa sarili ko.
nang Makita ako ni mama na pababa
“anak dito nalang matutulog si
Sedrick, dahil masyado nang malalim ang gabi” ang tugon naman ni mama na
ikinagulat ko.
Nakatingin naman sa akin si Sedrick sa
akin at may malokong ngiti at patangotango pa halatang may iniisip na kalokohan
ang mayabang.
“naku! Baka hanapin yan sakanila” ang
di ko pinahalatang di pagsang ayon.
“hindi ok lang po tita, tutal na text
ko na po ang mga magulang ko” ang tugon nito na nakatingin parin sa akin at may
malokong ngiti.
“osya, anak iakyat mo na si Sedrick sa
kwarto mo tutal ayaw nya ring kumain at pahiram mo nalang ng damit mo at bagong biling brief mo” ang tugon naman ni
mama sabay pasok sa kwarto nila ni papa.
At kami rin naman,
pagpasok namin sa kwarto.
“wow ang laki naman ng kwarto mo baby
bro!” ang pagpuri nito sa kwarto ko.
Tumango lang ako at tumungo sa cabinet
para maghanap ng papahiram sa kanya halata ang pagkakilig at pagkatuwa pero
kung wari ay naiinis ako.
Binato ko yung mga damit at twalya na
papahiram ko sa kanya, alerto naman ito dahil nasalo nya naman ito kahit nag
mamasid-masid sa silid ko at nakaupo.
“sige na, maligo kana! At ang baho
muna” ang sambit ko rito pero ang tutuo ay kahit hindi na ito maligo ay mabango
at gwapo pa rin itong tignan.
Tumayo naman ito at dinaanan nya ako
papuntang banyo
“lagot ka sa akin mamaya” ang pabulong
nitong sabi sa akin gamit ang nangaakit na boses sabay karipas sa banyo.
Hindi ko alam kung ano ang gusto
nitong ituran pero kinabahan ako bigla, naging balisa ako sa binulong nya hindi
ko alam kung ano ang gagawin ko. Paikot-ikot ako hanggang sa maupo ako sa may
kama at nag iisip makalipas ang ilang minuto.
Narinig kong biglang bumukas ang banyo
sa may kwarto ko at lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng Makita ko si
Sedrick.
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment