Wednesday, December 26, 2012

Ang Simula (05)

by: James Cornejo

"I heard it all ikie, I hope you are true to your promises." Sambit niya at akmang hahalikan ako.

"I'm not yet ready for that ikie, sorry." tila nahihiya kong tugon sa kanya.

"well, it's ok, kaya ko namang maghintay ikie, and sorry din." sabay ngiti sa akin ng wagas "nawala na antok at lasing ko, pwede ba kwentuhan muna tayo?" dadag pa niya.


"ano naman pag kukwentuhan natin?" sabay bigay sa kanya ng isang nagtatakang tingin, "alam mo naman na ang lahat tungkol sa akin, magkasama na tayo pamula pa nung bata tayo.

"wala naman, o sige, ako nalang magkukwento." magsasalita pa sana siya pero pinutol ko na. alam ko na kasi ang parati netong kinukwento, nakakasawa nang pakinggan.

"ikie, ganto nalang, let's play a game, ask me something you want to know, then after that, kapag nasagot ko, ako naman ang magtatanong sayo, ang hindi makasagot sa 3 tanong, sa sahig matutulog." nakangiti kong paliwanag sa kanya.

"okay, call!" sabi niya

"start with the mild things muna ah, ayoko mabigla sa mga tanong mo" singit ko ng bahagya sa sasabihin niya.

"okay, anong naramdaman mo nung nakita mo si ondoy at si ezra na magkapatong nung araw na yon?" walang kaabog abog niyang tanong.

anu ba naman to, sabi ko mild muna, tapos dinalihan ako ng ganitong tanong! sa isip ko

"next question please" sambit ko

"okay, 1 point na ko ah, magready ka na sa sahig matulog" sabi niya. "hmmmm, ikie, ano pinaka worst mo na ginawa sa school just to fight for someone?"

"tinatanong pa ba yan ikie? remember nung grade 4 tayo? binubully ka ni romnick, diba ako nagtanggol sayo, diba pinadugo ko pa labi ni romnick nun para lang tigilan ka na niya? tapos, sabay naooffice kami, hindi na kita dinamay, tapos, suspended kami ni rom ng 3 days nun diba?" mahaba kong sabi sa kanya, "okay, my turn, bakit mo nagawa na paghiwalayin kami ni lea?" dugtong ko.

"ikie, I did that kasi alam ko namang hindi ka talaga masaya sa kanya, oo masaya ka nga, pero alam kong mas mapapasaya pa kita, just like now" sambit niya.

magsasalita pa sana ako, kaso bigla siyang sumingit, "ooops, my turn, save it sa nex mo na tanong, nagsisisi ka ba na pinagbigyan mo ko?"

"nope, actually, masaya naman ako, kaso, naninibago pa din, you can't blame me ikie, alam mo ang history ko.siguro hinahanap hanap ko pa din talaga si lea" sabi ko na ikiniabuntong hininga niya. "nasasaktan ka ba dahil sa set up lang ang lahat ng to?" tanong ko sa kanya.

"yup, pero kanina yon, before ko marinig sayo na hindi ka aalis sa tabi ko until I told you so." sabay bigay ng napakatamis na ngiti. "eh ikaw, kelan mo ba balak mag move on dyan ka lea na yan?"

"ewan ko ikie, pero baka matagalan, but don't worry, i'll be honest to you ALL OF THE TIME." sagot ko, "ikie, pano pag nalaman mong may iba ako? will you ask me to leave you?"

"no, kaya ko tanggapin lahat, just for you."

sobrang martir naman neto, minsan tuloy, iniisip ko, totoo pa bang tao tong bestfriend SLASH lover ko sa isip ko.

"bakit? may iba ka ba? magkakaron ka ba ng iba?"

"ikie, 3 in a row, isa isa lang" sabay hagikhik, "pero sige, sagutin ko lahat, as i've said before, I'm new in this kind of relationship, hindi ko alam patakbuhin tong ganito, PERO, wala PA naman akong iba, hindi ko mapapangako sayo na hindi ako magkakaron ng iba, pero magstay ako sayo, as long as you need me." mahaba pero malaman kong sabi.

"ikie, lets sleep na, ayoko na tapusin tong larong to, ako nalang sa sahig." sabi niya na medyo nangingilid na ang luha.

"ikie, tabi na tayo, joke ko lang yung sa sahig matutulog. hehehe. this is our first time na matutulog magkatabi hindi bilang magbestfriend, kundi bilang magJOWA!" sabi ko sabay tawa.

tumabi nga siya sa akin pero nakatalikod siya, ramdam ko na meron siyang dinadala, marahil ay dahil iyon sa mga nasabi ko, pero pinagkibit balikat ko nalang muna. Hanggang sa naramdaman ko na parang humihikbi siya.

humarap ako sa gawi niya at niyakap ko siya, ginaya ko ang ginawa niya sakin kanina, isiningit ko ang kanang kamay ko sa kanyang batok, at ipinulupot ko naman sa katawan niya ang aking kaliwang kamay.

"Ikie, sorry for what I've said, don't worry, hindi ko gagawin yun, I'll be faithful to you as long as you want me to. stop crying na, ayoko na maging ganyan ka." nanlalambing kong sambit sa kanya. "I-i Lo-Love Y-y-y-ou ikie" ang nauutal ko pang dagdag.

humarap naman siya sakin sabay sabing "ikie, i will not require you to be faithful, pero panghahawakan ko ang sinabi mo, I Love You too ikie."

Hinalikan ko siya sa noo, hanggang noo palang kasi ang kaya kong paghalik sa kapwa ko lalaki eh. hindi pa ako sanay. Nakatulog na nga si RJ sa aking mga bisig, yakap yakap ko siya. Parang mag asawang bagong kasal lang, at naghohoneymoon sa isang malaparaisong resthouse sa San Juan. ako naman ay hindi agad nakatulog.

bakit ganito nararamdaman ko, parang iba na din, parang m-mahal ko na din siya. pagkausap ko sa aking sarili. james, kung mahal mo na siya, wag mo pigilan, hayaan mo lang, malay mo mas magandang paagbigyan mo ang nararamdaman mo kesa pigilan mo, and to think, pano mo masasabi sa kanya ang mga bagay na yon kanina. pagkumbinsi naman ng isang parte ng utak ko.

waaaah, naguguluhan ako, hirap ng ganito, pero sige, james, just go with the flow. tingnan nalang natin kung ano mangyayare. sabi ko naman sa aking isip.

nakatulog na nga ako na nakayakap pa din ako sa kanya.

mga ilang oras pa lamang siguro ang nakakalipas, may narinig akong nagsasalita, parang hirap na hirap siya, parang hindi na kinaya ang bigat ng damdamin, nang imulat ko ang aking mata, nakita ko si RJ na nagsasalita habang tulog, parang nananaginip.

"i'm sorry james, i'm sorry, nagawa ko lang yun dahil mahal kita, mahal na mahal kita" ang paulit ulit niyang sinasabi habang natutulog.

agad ko siyang ginising at pinainom ng tubig, hindi ko na pinansin ang sinasabi nya, basta nagalala ako na baka nagkakaron siya ng masamang panaginip.

"shhhhh, tama na, tama na, eto tubig, inom ka muna" pagpapakalma ko sa kanya.

agad naman niyang ininom ang inabot kong tubig at ininom ito.

"tulog na ulit tayo, wag ka na kasi magisip ng kung ano pa man, para hindi ka binabangungot." sabi ko sa kanya.

"sorry..." mahina pero sapat na para makinig ko, pero hindi ko nalang ito pinansin, para sa akin kasi, tapos na ang mga nangyari sa nakaraan.

natulog na nga ulit kami, medyo mahaba at mahimbing.

Nagising ako, at namalayan kong wala na sa tabi ko si RJ, agad naman akong bumalikwas ng tayo, pumunta sa CR, umihi muna, nag ayos ng sarili, bago ko siya hinanap.

Pag labas ko ng kwarto, agad akong naghanap, kasabay ng pagsambit ko sa kanyang pangalan, na parang naghahanap ng nawawalang tao. bumaba ako papunta sa kitchen nila, hindi pa man ako nakakalapit, naaninag ko na may iba kaming kasama dito.

bakit siya nandito? at anong pinaguusapan nila ni RJ? tanong ko sa aking isip.

"Pare, anong ginagawa mo dito?" pag bigay pansin ko ky Ondoy.

"ikie, gising ka na pala, tinext ko siya kaninang umaga para pumunta dito." sabat ni RJ.

"Ikie??? tama ba ang narinig ko???" sabi ni ondoy.

"oo, kami na, hindi lang namin sinasabi sayo, kaya nga kita pinapunta d2..." hindi natapos na sasabihin ni RJ

"ngayong alam mo na, malaya ka ng sabihin sa barkada na kami!" ang naiinis kong sabi kay Ondoy.

"Pare, chill, diba sabi ko nga sayo, hindi naman ako ganon. nakalimutan mo na yata ang usapan natin sa ilog eh." sabi ni Ondoy na sinamahan pa ng nakakalokong ngiti.

"ikie, isa sa mga pinakanakakakilala sakin ay si ondoy, please, hayaan mo nalang na maging honest ako kahit sa kanya lang. hindi naman kailangang malaman ng iba, pero mahalaga sakin na malaman ni Ondoy." sabi ni RJ

"okay. bahala kayo." malamig kong sabi sa kanya.

"ikie, ondoy prepared our breakfast and lunch. kain na tayo."

"hindi ako nagugutom..." hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil sa biglang pagkalam ng tiyan ko.

tawanan ang biglang namayani sa kanilang dalawa, ako nama'y napangiti din sa inasta ko.

"hindi pala nagugutom huh, halika na pare, kain na tayo." anyaya sakin ni ondoy.

wala na kong nagawa kundi ang sumunod sa kanila, kulitan lang ang ginawa naming tatlo, nakalimutan ko na din na medyo nagtatampo ako, siguro dahil tama din naman si RJ, eventually, malalaman din to ng barkada, it's good starting it with ondoy.

Natapos na nga kaming kumain, at itinuloy namin ang kulitan sa beach, nagbasaan, tulong kami ni RJ, habang kalaban namin si Ondoy. para kaming mga bata na ngayon lang nakaligo sa beach. puro tawa lang ang namamayani saming tatlo. hanggang sa napagod na ako. agad naman akong pumunta sa dalampasigan at humiga kung saan maabot pa din ng alon ang aking katawan. agad tumabi sakin si RJ. at si Ondoy naman ay nakatayo lang tila pinagmamasdan kami.

"Oi, itigil nyo yan, naiinggit ako!" pambasag ni Ondoy.  natawa naman ako, kasi wala pa kaming ginagawang masama. magkatabi lang kami nakahiga sa dalampasigan habang nagpapainit.

"maiinggit ka talaga, humanap ka din ng RJ mo sa buhay mo!" bigla kong sabi, at humarap ako bigla kay RJ, at ininggit ko pa lalo si Ondoy.

Alam ko, isa lang yung paraan para mawala na sa isip ni RJ ang mga nasabi ko kagabi.

Lumapit ako sa tenga niya sabay bulong: "ikie, papasayahin kita, kalimutan mo na mga nasabi ko kahapon, I Love You!"

Tumingin naman siya sakin at yumuko, agad ko namang nakuha ang gusto nyang mangyari, hinalikan ko ang noo niya.

"Iew, kadiri kayo, tigilan nyo nga yan!" sabi ni ondoy.

"Inggit ka lang!" sabay naming sabi kay ondoy.

tawanan ulit ang namayani samin. alam kong hindi na ko dapat mailang kay Ondoy, ngayon pang suportado naman niya ang kung anong meron samin ni RJ, wala na kong dapat ipangamba pa.

Pagkatapos magswimming, napagpasyahan na naming umuwi na sa Calamba. 2 araw nalang at pasukan na ulit.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


jamesstoryline.blogspot.com

No comments:

Post a Comment