Wednesday, December 26, 2012

Part of Me (09)

by: Apollo22

Umaga na naman at nagmamadaling pumasok kasi text ng text si Sedrick kesho nasaan na daw ako, bakit ang tagal ko raw, ano raw ang ginagawa ko, gusto ko nga syang sagutin na malamang kakagising ko lang alanganamang kung saan-saan ako nagpupunta, pero hindi ko na iyon ginawa at sa halip ay humingi nalang ako ng pasensya at nagpalusot lang na nalate gumising eh sa tutuo naman ay nag-day dream pa ‘ko at nagpasalamat sa Diyos dahil binigay nya sa akin ang poging-pogi kong minamahal.


As usual pa takbo na naman akong pumasok para hindi ito magalit sa akin, kasi yun ang pinaka ayoko, ang magalit sya, naiiyak nga ako ‘pag nagagalit ito, lalo na nung minsan na hindi ako nakapanuod ng liga nila noong isang buwan galit na galit ito at hindi ako kinausap ng dalawang araw, at pinariringgan pa ako ng masasakit na salita na tumatagos sa pinaka sagad ng puso ko at ayun umiyak ako sa harap nya syempre teary eye lang at ‘pag kumurap ka t’yak bagsak ang luhang yan, sabihan ba naman akong walang kwentang syota hindi sasakit ang loob mo? Kaya ayon pagkurap ko dumaloy ang masaganang luha sa aking mata, doon siya naawa sa akin at ako naman ang nagalit sa kanya, makikipag hiwalay nanga dapat ako sa kanya kasi kung gaano sya ka gwapo ganon kagaspang ang ugali ni Sedrick ‘pag nagagalit at ‘pag naglalambing naman ay tila nasa langit ka at para kang haring pinag sisilbihan nya, ewan ko ba moody si mahal ko, pero kahit ganoon sya mahal na mahal ko sya.

Sa pagkausap ko sa aking sarili ay hindi ko napansing nakarating na’ko sa iskwelahan at nakita kong naghihintay si Sedrick sa may canteen at kumakain.

“oi! Ang takaw mo!” ang sabi ko rito at tinabihan ito sa bandang kaliwa nya.

“ewan ko sayo ba’t ang tagal mo?” ang tanong nyang nagtatampo tampuhan.

“ah eh kasi ano-”   hindi nya ako pinatapos magpaliwanag.

“o kumain kana? Nag-almusal kana ba?” ang mag kasunod nitong tanong.

“ah eh.. kasi pinag mamadali mo ko kaya hindi na ako nakapag almusal” ang sagot ko rito at napakamot ang ulo.

“nako iresponsable ka talagang bata ka” at tumingin ito sa akin at binigyan ako ng isang matamis na ngiti, kala ko magagalit nanaman ang abnormal.

“o bkit ganyan ka makatingin” ang tanong ko.

“ahhh wala ganyan talaga ‘pag nakikita kita nagliliwanag ang aking buhay” at may pakumpas-kumpas pang nalalaman.

“talaga lang? nako baka nga nambababae ka na nyan eh, hindi ko lang alam.” Ang biro ko rito.

“ganyan ba ang tingin mo sa akin mahal, manloloko?” pa babytalk nyang sinabi at sumimangot na parang bata.

“oh kawawa naman ang bata parang inagawan ng candy, sige hindi na, faithful kana sige” ang tugon ko rito at binigyan sya ng matinding ngiti.
 At sabay kaming nagtawanan ng malakas, nagulat nalang ako ng halikan nya ako sa may labi sa harap ng maraming tao, syempre may nakakita at nagbulunga.

“uy! Ano kaba may tao, may nakakakita” ang tugon ko rito sabay lingon para magmasid sa reaksyong ng mga nakakita.

“hayaan mo nga sila, inggit lang yan” ang tugon nito at sabay subo sa natitirang burger
“male-late na tayo mahal” at tumayo na kami at umalis

Namawis ako sa ginawa ni Sedrick parang nanikip ang dibdib ko sa ginawa nyang yo’n, sa tuwa ba o sa hiya, hindi ako makapag focus sa teacher ko kahit magaling itong mag turo.

“sir!” at nagtaas ako ng kamay.

“yes Prince?” ang tanong nito.

“pwede pong mag banyo?” ang tanong ko at tumawa ang mga classmates ko kala siguro nila magtatanong ako about sa lesson.

At tumungo ako sa banyo para umihi at nasusuka ako, ewan ko ba, sa sobrang kabog nang dibdib ko kaya pumasok ako sa isa na mga cubicle ng c.r

“pare! Anong nangyari kay Sedrick?” ang tugon ng isang lalake na hindi ko kilala kaya sumilip ako para tignan, kabarkada ni Sedrick si Nathan nasa may lababo naghihilamos

“bakit pare?” ang tanong naman ni Tom na kausap nya, isa pang kabarkada ni Sedrick.

“ano kaba pare, hindi mo ba nakita hinalikan nya si Prince kanina sa canteen pare, nabakla naba talaga si Sedrick kay Prince” ang nakakunot namang sabi ni Nathan.

“wag kang mag-alala pare lalake yang pare natin” ang paniniguradong sabi ni Tom.

“pano mo nalaman? Eh hinalikan nya nanga yung Prince na yun eh” ang tanong naman ni Nathan.

“pare ganito kasi yan, noong 3rd tayo napagtripan kasi namin yang si Prince kasi daan ng daan sa room, syempre kinikilig ang mga girls tapos nagpustahan kami na hindi babae gusto nyan kun’di lalake kaya dapat liligawan yan ni Sedrick at pinagpustahan namin na bibigay rin yan” at tawanan silang dalawa habang ako naman ay napatakip ng bibig sa aking narinig at umagos ang luha ko sa hindi maipaliwanag na pakiramdam.

“tapos pare?” ang tanong naman ni Nathan

“ayan pare bumigay nga, sila na” ang pagmamayabang pangsabi ni Tom.

“nanalo ka pare? Magkano?” tanong muli ni Nathan

“panalo si Sedrick pare sya ang nag sabing bibigay sya sa mga kamay nya at paglalaruan nya ito hanggang magsawa, 3,500 ang pustahan pare, kala ko kasi lalaking-lalaki si Prince”  ang tugon ni Tom.

At hindi ko na alam ang sunod na nangyari nabingi ako natulala habang pumapatak ang luha ko, wala na ako sa sarili ko hindi ako lumabas ng cubicle ng ilang oras at nakatulala lang at nanlalambot, parang sinasaksak ang puso ko ng matalim na espada.

Tutuo ba ang lahat ng narinig ko? Linalaro lang ako ng taong mahal ko? Ang taong pinag kakatiwalaan ko ng buhay ko na handa kong ibigay ang lahat, hindi lang sya mawala sa akin, bakit nya nagawa sa akin ‘to? Ano bang kasalanan ang ginawa ko sa kanya? Lahat ba ng pagmamahal nya ay isang laro lang?, isang dula? Isang eksperimento? Para lang malaman ng tao na ganito ang pagkatao ko?  kailangan nya akong paibigin sa kanya at saktan?

Wala akong pakialam sa nangyayari sa labas basta ang alam ko gusto ko nang maglaho sa aking kinauupuan parang binugbog ang puso ko ng isang daang katao. Inumpog ko ang aking sarili sa gilid ng cubicle para makasigurado akong hindi ito bangungot, inumpog ko ng ilang beses hanggang sa hindi ko namalayang umaagos na ang dugo sa kanang banda ng aking ulo patungo sa aking leeg sabay ng walang humpay na pag-agos ng aking luha.

Alam kong lunch break na at higit dalawang oras akong nasa banyo, hindi ko parin alam ang gagawin, hindi ko kayang harapin si Sedrick at baka kung ano pa ang masabi ko sa nilalang na ‘yon, sagad hanggang buto ang galit ko sa kanya ngayon, kaya bilis-bilis akong lumabas at umuwi nalang dahil alam kong hahanapin ako ng mga kabarkada ko.

Hindi na ako nag-atubiling kunin ang aking bag at daretso sa pag-uwi, maraming istudyante ang nakatingin sa akin habang papalabas ako dahil nakita nilang may dugo sa aking puting uniporme, hindi na rin ako pinigilan ng guard dahil sa nakita nya, iyak ako ng iyak at wala akong nararamdaman kung hindi galit at pighati sa aking puso.

Saktong nakalayo na ako sa iskwelahan ay huminto ako dahil nararamdamang ko sa aking paghakbang ang kapaguran, nangingitim ang aking paningin, nanunuyo ang aking labi at isang nakakabinging tunog sa aking tenga, nanghihina ako at pumipikit ang aking mata at tila babagsak na ang aking katawan sa kalsada. Nang Makita kong  may taong papalapit, patakbong itong lumapit sa akin at doon ako nawalan ng malay.

Pagdilat ng aking mga mata ay kita kong nakahiga ako sa kama na iba ang amoy, amoy bulaklak, amoy downey fashion in short, nagmasid ako sa paligid tinignan ko ang bawat sulok ng kwarto at ni isang palatandaan ay wala akong nakitang pamilyar sa akin, napaka laki ng kwarto parang bahay na may sofa pa, ganitong kwarto ang pinapangarap ko na renequest kuna sa papa ko at ang sabi naman nito pag nagtatrabaho nalang daw ako, para paghirapan ko naman daw, alam kong kwarto lang ito dahil pagkasilip ko sa bintana ay nasa secondfloor ako ng bahay na hindi ko talaga alam.

Nakagamot na ang sugat ko sa may ulo ngunit nakaramdam ako ng panghihina at pagkagutom dahil hindi panga ako nag-aalmusal.

Kumirot muli ang aking puso at nagsimulang lumuha, naalala ko ang sinabi ng mga kabarkada Sedrick, bumalik ako sa may kama at naupo at wala akong magawa kung hindi yumuko at maiyak hawak-hawak ang dibdib ko.

Bakit Sedrick! bakit ang tanging paulit-ulit kong tanong.

Hindi ako makapag-isip ng matino at maayos kung kidnaper man itong may-ari ng bahay na ‘to ay sana kunin nalang nila ang buhay ko.

Ng biglang may humawak sa balikat ko.

“ayos ka na ba?” ang tanong ng isang lalaki.

Napatingin ako sa may gawi nya at nakita kong isang matipuno, maputi at gwapong lalaki ang nagtatanong sa akin, at alam kong namula ako dahil sa kabila ng nangayayari sa akin ay naiisip ko pa ang mga bagay na ito.

“ah eh, hindi eh” ang matipid kong sabi

“sandali wait lang may kukunin lang ako sa labas” ang sabi nito at dali-daling lumabas ng pinto.
 Pagbalik nito ay may dala itong  maliit na mesa, lugaw at juice

“nako wag na po uuwi nalang po ako” ang pagtanggi kong sabi.

“sino bang nagsabing para sayo ‘to?” ang nakangiting sabi nito sa akin.

Napahiya ako sa sinabi nya. Oo nga naman wala naman syang sinabi na para sa akin ‘yon, pero gutom nako kaya kala ko para sa akin ‘yon talaga.

“ay sorry kala ko kasi para sa akin” ang namumula kong sagot.

“haha para sayo talaga to, binibiro lang kita” ang natatawa nitong sabi.
“Gusto mo subuan kita?” ang pilyo nitong tanong.
“ah, wag napo ako nalang po kaya ko naman” ang sabi ko rito.

Habang kumakain ako ay tinititigan ako ng taong hindi ko kilala.

“alam ko may problema ka, pwede mong sabihin sa akin” ang sabi nito.

Tinignan ko ito at bigla muling nalungkot.

“ahhh.. alam ko na, ayaw mo sabihin noh? Don’t worry, now I’m a stranger, but soon ill be your bestfriend” ang walang alinlangan nitong sabi.

Natawa nalang ako sa aking narinig at patuloy sa pagkain, masaya ako dahil mabait na tao ang nakapulot sa akin at hindi kung sino-sino lang pero kasabay noon ay ang pighating aking nararamdaman na gusto ko nang makalimutan.

Nang matapos akong kumain at naialis ang pinagkainan ko ay tinititigan ko itong lalaking mabait sa akin, ang gwapo nito at  kahit sino ay makakalimutan ang problema ‘pag nakitang ngumiti ang taong ito.

“ah eh kuya bakit po hindi nyo nalang po ako dinala sa hospital?” ang nahihiya kong tanong.

“hindi na kaylangan, alam kong nahimay ka lang sa gutom at kaylangan lang ng pahinga, beside doctor ang papa ko at nasa baba sya ngayon pinatingin na kita sa kanya at tinignan na din kita.” sabay ang nakaka lusaw nitong tingin, syempre hindi ako tinatablan kasi sariwang-sariwa pa ng sugat sa dibdib ko.

“ako tinignan mo?” ang nagtataka kong tanong.

“oo, nag-aaral ako sa medical school, 3rd year na ako next sem” ang wika naman nito na ikinamangha ko.

“Ang bata mo pa ah” ang sabi ko rito.

“oo, promise eto I.D ko” at sabay abot ng ID nya na kinuha sa bag.
“Accelerated kasi ako no’ng elem.”  napanganga naman ako dahil sobrang katalinuhan nito.

“grabe ‘pag may assignment ako o kaya ‘pag may test sayo nalang ako papatulong” ang biro ko rito.

“Sure, basta ikaw nanginginig pa” ang pag sakay nya sa biro ko.
“Sya nga pala, panay ang biruan natin dito, eh hindi pa natin alam ang pangalan ng isa’t isa”

“Prince Scotty James Andonov, pero you can call me James” ang pagpapakilala nito.
“I’m Prince Jade and you can call me Prince if you want” ang sabi ko naman dito at nag shake hands kami.

Nag kwentuhan kami ni James na parang normal na magkaibigan, madaling napalagay ang loob ko sa kanya, napaka mapagbiro nya kasi hindi gaya ng ibang matatalino k.j, nakwento ko narin ang nangyari kung bakit ako nagkaganon.

“Talaga gano’n ang nangyari?” ang tanong nito.

“Oo eh,” ang matipid kong sabi dahil medyo naiiyak nanaman ako.
“Anong gagawin mo kung ang taong minahal mo linoko ka at ang lahat ng pinapakita nya ay puro kasinungalingan lang pala?” ang tanong ko rito at sabay ang pagpatak ng luha ko hindi ko nga alam kung bakit na kwento ko si Sedrick sa kanya dahil parehas nga kaming lalake at hindi ako nag-oopen sa anong bagay, pero walang bakas ng pangungutya o panghuhusga sa mata ni James bagkus pinatatag nya ang loob ko.

“Dipende kasi yan sa tao eh, kung sa akin gagayin ang bagay na yan, dahil pinagkalooban ako ng Diyos ng katalinuhan ay gagamitin ko sa taong ‘yon, kung linalaro nya lang ako, syempre hindi naman ako magpapahuli, sisiguraduhin kong makikipag laro ako at matatalo sya sa laro nya at hinding-hindi na makakabawi pa”

Lumakas ang loob ko sa aking narinig at namangha dahil hindi lang matalino, gwapo at macho, malakas din pala ang personality ng lalaking to.

Nang biglang dumating ang mama ko hindi ko alam kung ano ang ginagawa nya rito.

“Anak ok kalang ba, ano dalhin kita sa hospital?” ang sabi ni mama ko na hindi pa nakakupo sa kama ay ang dami ng tanong.

“Ma pa’no nyo nalaman na nandito ako?” ang tanong ko rito.

“Tinawagan ako ni Mr. Andoniv  at sinabi nga ang kalagayan mo, tara na anak” ang nag-aalalang sabi ng mama ko.

“Wag na po ma, iuwi nyo nalang po ako para makapagpahinga” ang pagtanggi ko rito.

“Ok anak,basta kapag may masakit sayo sabihin mo lang agad” ang sabi ni mama.

“Opo ma don’t worry, ill be fine” ang wika ko rito at binigyan ng matamis na ngiti.

Bago kami umalis at panay ang pasalamat ni mama sa pamilya Andonov lalo na kay James, at bilang pasasalamat ay inaya ni mama ang mga Andonov sa salo-salo sa susunod na linggo sa aming bahay.

Pero si James lang daw ang makakasama dahil that time nasa ibang bansa ang magulang nito para sa isang special seminar na dadaluhin ng buong Pamilya pwera si James kasi may pasok pa ito, hindi na namilit pa si mama at umalis na kami.

Itutuloy. . . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment