Wednesday, December 26, 2012

Ang Simula (14)

by: James Cornejo

Makati and Drew, hahaha., ganyan tlga si Ezra, kahit hanggang ngayon, ganyan pa din siya.,ü pero well, ganun ata talaga, feeling ko, habang buhay na niyang guguluhin ang buhay ko., hahaha.,ü

(Guys, please leave comments, thanks)

"wala naman tol..." sabi ko na may pagaalangan.

"wala, pero tulala ka dyan, hindi ka naman ganyan dati, nagthird year lang tau, ganyan ka na." seryosong sabi ni Paeng. "alam mo tol, magkakaibigan tayo, ilang taon na din tayong magkakasama, alam na natin sa isa't isa kung may problema ang isa. At alam kong alam mo na handa naman kami tumulong kung ano man yan. Wag lang kung babae ang problema mo, labas na kami dyan."


"alam ko naman yun tol, kaya nga hindi ko na sinasabi sa inyo eh, kasi alam ko din naman na hindi nyo ako matutulungan." sabi ko

"so babae nga?" si Mike

"ah.. eh... oo eh.." pagsisinungaling ko.

"spill it out tol, masama din na kinikimkim yan. and since when did you have a girlfriend? parang wala naman kami alam na girlfriend mo dahil wala ka pa pinapakilala samin. So who's the lucky girl?" sabi ni mike sabay tawa.

"Wag nyo nang alamin! dahil wala din naman isasagot na matino sa inyo yan!" Biglang singit ni BJ, hindi namin namalayan ang biglang pagdating nito. "Diba James!" baling nito sakin.

"Hindi tol! si Ezra ang pinoproblema ko ngayon! pano ba kasi malalayo sakin ang malanding yon! pati personal kong buhay, pinapakelman na nya! tol, samin sya nakatira ngayon!" sumbong ko kay paeng.

Literal na napanganga si Paeng sa sinabi ko. "Tang ina pare! seryoso?" sabi ni paeng ng mabalik siya sa ulirat.

"ahh, so, kayo pala ang pinaguusapan kanina ng mga estudyante dito sa canteen? sabi nila, may naghatid daw sa malanding yon dito sa school na nakakotse?" si Mike ulit.

"oo, teka, kung makapaginterogate kayo, daig nyo pa ang mga tsismoso sa amin ah!" pabiro kong sabi sa kanila na tinawanan naman ng mga loko. Gusto ko kasi maiba ang atmosphere ng usapan namin.

"oh, nandyan na pala si Ondoy at si RJ eh, teka, bakit parang mugto ang mata ni RJ?" si Mike. "at akala ko, kayo ang magkasama kanina ni RJ tol?" baling nito sakin.

"May problema lang siguro yan sa kanila." sabi ko

Lumapit naman agad sa amin si RJ at Ondoy, mas pinili ko nang tumahimik dahil wala din naman ako balak na kausapin si RJ ngayon, sinira niya ang usapan namin.

"pare, ano problema?" si Paeng na nakatuon na ang pansin kay RJ.

Tiningnan ko naman si RJ ng masama upang ipaalam dito na wag na niyang subukang sabihin pa sa aming mga tropa kung ano ang idinradrama niya. Tumingin naman ito sakin at bumaling kay paeng ng tingin sabay sabing "wala tol, baka kasi makipagbreak na sakin ang KARELASYON ko." sabi ni RJ sabay baling ulit ng tingin sakin habang sinasabi ang salitang "KARELASYON".

"Meron ka ding girlfriend tol?" si Mike na umiral nanaman ang pagkatsismoso.

"Oo tol, dapat nga ipapakilala ko na sa inyo, kaso, mukang makikipagbreak na, wala pa naman kaming isang buwan." pagsusumbong ni RJ.

"Ano ba nagawa mo at makikipagbreak na?" sarcastic na sabi ni BJ.

"wag ka mangealam, hindi ka kausap!" sabi ni RJ kay BJ.

"ahh, ganon? so gusto mo sabihin ko sa kanila yung nakita..." si BJ

"SHUT UP! TANGINA MO! DAHIL SAYO NAGKAPROBLEMA KAMI!" nakasigaw na sabi ni RJ, dahilan para mapatingin samin ang ibang tao at mga teachers na nasa canteen.

Lumapit naman agad sa amin ang isang Faculty at "mga iho, anong problema dito? kakasimula pa lang ng classes, nagaaway away na kaagad kayo? do you want this to be reported on the deportment office?"

"no ma'am." sabay sabay namang sabi ng aking mga tropa, ako naman ay tila walang emosyon na ipinapakita sa aking mga kasama.

"Okay then, stop fighting!" mataray na sabi ng teacher na lumapit sa amin at bumalik na ito sa kanyang pinanggalingan.

"Chill mga tol, pwede namang pagusapan ng maayos to eh." Si Paeng acting like a peace maker sa amin. well, siya naman talaga ang tigapamagitan sa aming magkakabarkada, since siya ang pinakaitinuturing naming kuya sa klase at sa barkada.

"sorry, I need to go." Pagpapaalam ko sa kanila. ako na yata ang walk out king sa barkada namin. ayoko kasi maipit sa ngayo'y namumuong away sa pagitan ni RJ at BJ.

Bago pa man ako makalayo ay narinig ko pang magsalita si Mike na "oh, ano problema nun?" pero hindi ko na inabalang sagutin pa dahil baka pati ako ay mawala na din sa aking katinuan at makipagsagutan na din ako kay BJ.

Nagtungo ako sa lugar kung saan alam kong matatahimik ako, iyon yung lugar kung saan may mga puno at bench kung saan nakilala ko noon si Melai.

Nakadating naman ako kaagad dito, pero nagkamali ako, hindi tahimik ngayon, nakalimutan kong first day nga pala ng classes ngayon kaya madaming elementary students ang naglalaro dito ngayon. Gayunpaman, umupo pa din ako sa isa sa mga bench na natatakpan ng mga puno at matamang pinanuod ang mga batang naglalaro.

buti pa nung bata ako, walang problemang iniisip, hindi komplikado ang lahat, laro dito, laro diyan. hai, ang sarap siguro maging bata ulit. sana bata nalang ako. sa aking isip.

...flashback...

"bata, bata." pagtawag ng pansin sakin ng isang batang naglalaro sa di kalayuan. "Laro tayo, tara." sabi niya ng mapatingin ako sa gawi niya.

"huh? ah, eh, nakakahiya naman sa mga kalaro mo." nahihiya kong sabi sa batang kaharap ko na ngayon.

"wag ka na mahiya, magkaklase tayo diba? ako nga pala si paeng. ano pangalan mo?" sabi nito sakin.

"Jay." pagpapakilala ko ng aking sarili. (Jay talaga ang tawag sakin noong bata pa ako, pero nung naghighschool ako, i prefered the name James.)

"halika, laro tayo, papakilala kita sa mga kaibigan ko." sabi ng batang nagngangalang paeng. "MIKE, ONDOY, RJ, may bago tayong kaibigan. isasali natin sa laro natin." pagtawag naman niya sa kanyang mga kalaro.

Lumapit naman agad sa amin ang mga tinawag nitong mga kalaro niya. Isa isa sila nagpakilala sakin. "ako nga pala si Ondoy." "ako naman si Mike", "ako naman si RJ" masisiglang sabi ng tatlong batang nasa harap ko na din ngayon.

Natawa naman ako sa pagpapakilala nila sa akin, mabilis kong naalala ang kanilang mga pangalan, parang tumatak sa akin ang mga pangalan nito at nakaramdam ako na tila matagal kong makakasama ang mga ito, kaya napagdesisyonan kong makisali sa kanila.

"ako nga pala si Jay." pagpapakilala ko din sa kanila.

"tara, laro tayo, sali ka sa amin." si RJ.

"diba ikaw yung anak ni tita lali?" sabi ko naman ng makilala ko ang batang nagyaya sakin.

"oo, tara na, laro na tayo." sabi ni RJ sabay takbo.

"teeeekaaaaa, ano ba laro nyo?"

"taya tayaan." sigaw ni RJ habang lumalayo silang lahat sa akin. "ikaaaw ang taaayyaaaa!!!" pahabol pa nitong sabi.

Natawa naman ako sa ginawa nila, "ano ba yun, isasali ako, tapos ako pala ang taya." sabi ko sa aking isip at hinabol ko na sila...

Pamula nang makalaro ko sila Paeng noong araw na iyon, lagi na nila akong isinasama sa kanilang mga lakad sa loob ng school. Magkakasama kami sa lahat ng laro at away. sabi nga nila, "ang away ng isa, away ng lahat."

"ARAY..." nagising ang aking ulirat ng tamaan ako ng bola na nilalaro ng mga batang nasa harap ko ngayon.

"Sinong bumato sakin?" sabi ko sa mga batang nasa harap ko.

Lumapit naman ang isang bata sa akin, kung hindi ako nagkakamali ay ito ang batang kapatid ni BJ, "sorry po kuya james, ako po ang nakatama sa yo" nakayukung sabi sa akin ni Luis.

"Okay lang, ingat lang sa pagbato." sabi ko nalang at ibinigay ko na ang bolang tumama sa akin.

pano nga ba namin naging barkada si BJ? ang natanong ko sa aking sarili nang makaalis na sa harap ko si Luis.

...flashback...

"Jay, Jay..." tawag sakin ni RJ na hingal na hingal. "napaaway si paeng, nandun sila sa playground." sumbong nito sakin.

Agad naman kaming tumakbo papunta sa playground para tulungan si Paeng sa gulo na napasukan nito.

Nang makarating kami sa Playground ay nakita namin na pinagtutulungan na ng mga bata ang kaibigan naming si Paeng, habang si Mike at Ondoy naman ay hindi namin matagpuan kung nasaan.

Agad naman akong umawat sa kanilang 'pambubugbog' kay Paeng at "ano bang mga problema nyo?!" pasigaw kong sabi sa mga bumugbog kay Paeng.

"pagsabihan mo yang kaibigan mo! napakayabang!" sabi ng isang batang sa tingin ko ay kaedad lamang namin. Pero sa tingin ko din ay lower section lang.

"anong ipinagyabang ba sa inyo?" sagot ko naman sa batang may kayabangan din. "Kung magsalita ka, mayabang ka din naman ah!" dugtong ko pa.

"osige pare ano, suntukan nalang!" hamon nito sakin.

"oo ba!" sigaw ko sabay bigay ng isang malakas na suntok sa kanyang panga.

Tila nabigla ang batang nasuntok ko at ang mga kasama nito, natumba naman ang sinuntok ko at nagtatakbo palayo sa amin kasama ng mga barkada nito.

"ano! walang kaya! ang yayabang nyo eh!" sigaw ko pa na parang naghahamon ng suntukan sa kanila.

Agad ko namang binigyan ulit ng pansin si Paeng at inalalayan itong tumayo. Pumunta kami sa Classroom namin upang magsumbong sa aming adviser, nakarating naman kami sa Classroom pero huli na ata ang lahat. sabi nalang ng aming adviser na ipinapatawag kami sa Principal's Office.

Sinamahan kami ng aming adviser sa Principal's Office kung saan naghihintay na ang aming mga nakaaway.

"Ano ba naman ang pinasok nyong gulong mga bata kayo?" bungad sa amin ng aming Principal nga makapasok kami sa kanyang opisina.

"Ma'am, sila po ang nagsimula." sumbong ni RJ

"Kayo kaya!" sabi ng lalaking kung hindi ako nagkakamali ay siya yung nasuntok ko.

"MAGSITIGIL KAYO!" sigaw ng aming principal dahil sa aming pagtuturuan. "I have decided, hindi na kayo macontrol! mga grade 4 pa man din kayo! Simula mamaya, magkakasama na kayo sa lahat ng oras, sa section 5 muna kayong lahat magsstay for 1 week!" sabi ng aming principal

"Ma'am, pwede po bang suspended nalang ako, kesa makasama ko sila sa class!" sabi naman ng nasuntok kong bata.

"Mr. Catindig, alam ninyo na ayokong nagsususpend ng students ko unless it is needed, at wag mo akong utusan sa gagawin ko, ako pa din ang principal nyo!" mataray na sabi ng aming principal.

"Pero..." sabi ko naman.

"wala nang pero pero mr. Cornejo, nakapagdesisyon na ako, o baka gusto nyo pang ipatawag ko ang mga magulang nyo!"

"hindi po mam." sabay sabay naming sabi.

"before you leave this room, gusto ko munang makitang magkaayos ayos kayo." ang aming principal.

Walang kumibo sa amin sa inutos ng aming principal, "Kung ayaw nyo makipag ayos sa bawat isa, i have here the list of the telephone numbers of your parents, pwede na nating ipatawag sila ngayon" sabi ng aming principal sabay pagwagayway ng isang librong parang yung laging hawak ng mga guard.

Alam kong walang mangyayareng mauuna sa amin na makipagpatawaran, kaya ako ay napilitan na umuna. "Pasensya na tol, Jay nga pala." sabay abot sa kanya ng aking kamay.

"BJ tol." sabi ng aking nasuntok.

Biglang Nagvibrate ang aking mobile phone mula sa aking bulsa na nagpabalik nanaman ng aking ulirat.

"Bhie, hinahanap tayo ni mrs. Vergara, pumunta daw tayo ngayon sa faculty room." Si Ezra.

Hindi naman na ako nagreply at agad na tinungo ang Faculty Room sa loob ng Highschool Building.

nakakainis naman tong si Ezra, pampasira eh! sigaw ko sa aking isip habang naglalakad patungo sa nasabing lugar.

Itutuloy. . . . . . . . . . .


jamesstoryline.blogspot.com

No comments:

Post a Comment