by: iamDaRKDReaMeR
"Kanina ka pa ba dyan tol?"
ang tanong ko kay Christian.
Tinugon lang ako nito ng ngiti. Isang
ngiti na nakakaloko.
"Hoy ang tanong ko kung kanina ka
pa dyan hindi ko sinabing ngitian mo lang ako!" ang inis kong wika dito.
Ngunit tila bingi ito at napagkit lang
sa kanyang mga labi ang nakakalokong mga ngiti, kaya naman hinayaan ko na lang
sya at ako ay umalis na upang tunguhin na ang aming room.
Nang makarating ako ng room ay agad
kong napagpasyahang maligo na lang tutal busog na rin naman ako kaya hindi ko
na kailangan pang mag dinner.
Nang maayos ko ang damit na gagamitin
ko ay agad kong kinuha ang toiletries ko upang makapaligo na. Hindi ko na
inisip pa kung kasunod ko ba ang ungas o hindi. Sa totoo lang kasi ang lakas nyang
mang asar, nakakabwisit!
Nang matapos akong maligo at nakapasok
na ulit ng room ay nakita ko syang nakahiga ang parang may iniisip, hindi ko na
sya pinansin bagkus ay nagbihis na ako at nagpatuyo ng buhok ng hindi ko pa rin
sya pinapansin. Nang medyo tuyo na ang buhok ko ay humiga na ako at pumwesto't
humanda sa pagtulog habang si Christian naman ay naligo na rin.
Habang naliligo si Christian ay hindi
ko namalayan na nakatulog na pa ako.
Nasa kahimbingan ako ng tulog ng
parang may dumampi sa mga labi ko hindi ko pinansin ito sa kadahilanang inakala
kong panaginip lamang ito ngunit parang nagiging mapusok na mapagkalinga ang
mga halik na ito agad pumasok sa isip ko si Lee. Kaya naman dali dali kong
iminulat ang aking mga mata at ang makita ko si Christian na nakalapat ang
kanyang mga labi sa labi ko ay nagulat sya. Kaya naman dumistansya sya ng
makita nyang gising na ako.
"Tol anong ginagawa mo?" ang
tanong ko.
"Tol alam ko na narinig kita
kanina hindi GF ang tinatawag mong Labs.
BF mo sya narinig ko lahat ang pinag usapan nyo kaya pala hindi ka
makasagot kanina ng sinabi kong GF mo ang tinutukoy mong Labs." ang wika nito sa akin.
"Eh ano naman ngayon sa yo kung
BF ko yung tinatawag kong Labs at hindi GF? At bakit mo ko hinahalikan?"
ang galit kong tanong sa kanya.
"Tol kasi sa totoo lang bisexual
din ako at nung nakita kita sa airport pa lang sa dubai alam kong gusto na kita
kaya nga sa yo ako sumama." ang pag-amin nito.
"Tol walang problema don eh ang
problema may karelasyon ako at ayaw kong masira kaming dalawa. Mahal ko ang
taong tinatawag kong Labs at mahal nya ako. Kaya kung pwede lang tol matulog na
lang tayo at kalimutan na lang natin yung nangyari." ang pagpapaliwanag ko
dito.
"Sorry tol di ko lang kasi
napigilan pero sana walang magbago sa yo sa pakikitungo sa akin." ang
pagsusumamo nito.
"Wala na yun tol. Halika na at
matulog na ulit tayo." ang wika ko dito ng may paniniguro.
At bumalik na nga kami sa pagtulog
pero aaminin ko katulad ng nasabi ko sa naunang kwento ko about kay Christian...
SAYANG!!! ahahaahaha. Kung wala lang akong karelasyon malamang may mangyayari
ngayong gabi na toh. Pero.
"Tol..." ang mahina nyang
tawag sa akin.
"Oh bakit?" ang tanong ko.
"Pwede ba kahit payakap na lang
sa yo habang natutulog tayo?" ang tanong nito.
"Sige tol pero hanggan yakap lang
ha. Alam mo naman na may karelasyon na ako." ang paniniguro ko dito.
Agad naman syang yumakap sa akin.
_____
Kinabukasan ay parang walang nangyari
sa aming dalawa. Normal na nagbatian ng Good Morning, sabay nag-almusal, sabay
nananghalian, at nag dinner.
Lumipas ang ilang araw ng pag hihintay
namin sa visa namin ngunit wala pa ring magandang balita kaming natatanggap.
Tuloy pa rin ang komunikasyon namin ni Lee at habang dumadaan ang araw ay
lumalalim naman ang samahan namin ni Christian bagay na ikinakabahala ko sa
kadahilanang ayaw kong magtaksil sa taong mahal ko dahil ayaw ko ring
pagtaksilan ako ni Lee kaya hanggat maaari ay pinipigilan ko ang sarili kong ma
fall sa taong nasa tabi ko lang.
Matapos ang magdadalawang linggo ay
lumabas na rin ang visa namin katulad ng hindi inaasahan halos magkasabay lang
dumating ang mga visa namin ni Christian na labis naming ikinatuwa dahil kung
may maiiwan na isa sa amin ay lubos naming ikakalungkot. Umaga ng matanggap namin
ang fax copy ng visa namin kaya naman napag pasyahan naming magsaya nung arw na
nakuha namin ang visa namin. Nagpunta kami ng city center at naggala at kumain
sa refreshment stall na kinainan namin dati. Nang mapagod ay bumalik na kami ng
hotel.
Pagdating namin ng hotel ay napag
pasyahan naming magpahinga muna sandali sa room namin.
Bigla na lang nangulit itong si
Christian. Bigla akong binato ng unan kaya naman ginantihan ko ito binato ko
rin ito ng unan at nagharutan ng akala mo ay magkasintahan kami. Nang mapagod
kami ay tila sabay naming naisip na gusto naming kumain kaya nman agad kaming
nagpunta sa palagi naming kinakain sa canteen na may videoke.
Umorder ng pagkain. At habang
naghihintay sa aming pagkain ay nagsalang si Christian ng isang kanta.
Habang kinakanta ni Christian ito ay
hindi ko makakailang tinatablan ako ng hiya sa pinapakita nyang gestures. Ikaw
ba naman ang kantahan at paminsan minsan makikita mong nakatingin sa yo at
kikindatan ka sabay bibigyan ka ng malokong ngiti.
Hindi ko malaman sa sarili ko ng mga
oras na yon kung ano ba yung nararamdaman ko. Alam kong napalapit na rin ako
kay Christian ngunit ayaw kong bumitaw sa iniwan kong pangako kay Lee. Kaya
kahit na alam kong may nararamdaman na ako kay Christian ay pinili ko pa rin na
maging magkaibigan na lang kami.
Nasa ganoong pag iisip ako ng pukawin
ni Christian ang aking atensyon.
"Hoi ang lalim ng iniisip mo
ha!" ang pabiro nitong wika sa akin.
"Ah eh.... wala yun." ang
tangi ko na lang nasambit.
"Sigurado ka ha. Mukang ang lalim
kasi ng iniisip mo." ang tila nag-aalala nitong wika sa akin.
"Oo sigurado akong OK ako."
ang tipid kong sagot.
Sa wakas dumating din ang aming
pagkain gutom na kasi kami parehas. Kaya naman ng maibigay sa amin ang aming
pagkain ay agad naming nilantakan ito na tila magkagalit sa kadahilanang walang
pag uusap ang namagitan sa aming dalawa. At gaya ng dati pagkatapos kumain ay
nagpahinga ng konti at bigla na namang kinuha ang songbook upang mamili ng
kakantahin. Ilang saglit pa ay nakakita na ng kakantahin ang loko. Nang
maibigay na ang number ng kakantahin nya sa operator ay may ibinulong sya sa
akin.
"Para sa yo ang kakantahin ko
sana magustuhan mo." ang may paglalambing nitong bulong sa akin.
Nang magsimula syang kumanta ay dama
ko sa kanyang tinig na parang bibigay ito ano mang sandali. Dama ko sa bawat
linya ng kanyang kanta na sinsero sya sa nais nitong iparating sa akin ngunit
hindi ko naman maitatanggi na may puwang na sa puso ko para kay Christian
ngunit hindi pwede, hindi maari, ayaw kong bumitiw sa pangako ko kay Lee. Mahal
ako ni Lee at mahal ko sya hindi pwedeng masira ang pagsasama namin dahil lang
nagpadala ako sa tukso. Tinignan ko si Christian. Bakas sa kanyang mga mata ang
lungkot hindi ko maiwasang masaktan sa aking nakikita.
Nang matapos ang kanta ni Christian ay
agad na akong tumayo at nagpatiunang umalis hindi ko alam kung bakit naging
ganon ang reaksyon ko pero isa lang ang alam ko, hindi ko pwedeng sirain ang
tiwala ni Lee sa akin. Nang makalabas ako ng canteen ay hindi ko na nilingon pa
kung nakasunod na sya sa akin basta ang nasa isip ko ay makaalis agad ako at
makarating na sa room namin.
Kung kakausapin ako ni Christian
sasagot ako at kung hindi mananatili na lang akong tahimik. Ito ang ideyang
nabuo sa aking isipan upang umiwas sa katotohanang may nararamdaman na nga ako
para sa kanya.
Nang makarating ako ng room ay agad
akong nahiga. Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na si Christian.
"Ron anong problema mo bakit mo
ko iniwan?" ang takang tanong nito sa akin.
"Wala." ang tipid kong
sagot.
"Wala eh halos patakbo kang
lumabas ng canteen? Ano bang pinagkakaganyan mo?" ang tanong ulit nito sa
akin.
"Wala nga ih. Gusto ko ng
matulog." ang medyo inis ko ng sagot dito.
Bigla itong tumabi sa akin at niyakap
ako mula sa likuran.
"Ron please wag ka nmang ganyan.
Di ko alam kung may kasalanan ako sa yo at bigla na lang ganyan ang kinilos mo.
Di ko alam kung saan ka nagalit. Please tell me ano bang ginawa ko at ganyan na
lang ang naging reaksyon mo." ang pagmamakaawa nitong wika.
Hindi ako umimik bagkus ay
nagtulug-tulugan ako.
"Ron please naman magsalita
ka." ang nanginginig boses nyang wika.
May kurot sa puso ko ang napakinggan
kong tinig ngunit nanatili akong walang kibo.
Inalis niya ang pagkakayakap at tumayo
siya sa may paanan ko.
"Ron ano ba magsalita ka
naman!" ang may kalakasan nyang boses.
Hindi ko alam kung bakit ayaw kong
magsalita ng mga oras na yun.
"P**a naman Ron masalita ka!"
ang galit na tinig nito.
Bigla akong tumayo at lumapit sa harap
nya.
"Gusto mo bang malaman ang totoo,
ha?!" ang may kataasang boses kong tugon sa kanya. "Pwes ito ang
katotohanan Christian!" ang may diin kong banggit.
"Makinig kang mabuti sa lahat ng
sasabihin ko sa yo!" ang pigil emosyon kong wika dito.
"Tol...."
Itutuloy. . . . . . . . . . . .
unspokenwordsofdarkdreamer.blogspot.com
No comments:
Post a Comment