Wednesday, December 26, 2012

Ang Simula (17)

by: James Cornejo

"Ano pare, balak mo bukas?" sabi ni paeng matapos ang meeting kanina kay mrs. Vergara.

"Yun na nga eh, wala pa. hai..." sagot kong parang nalugi. "ano ba dapat kong gawin? nakalimutan ko na kasi eh, dapat kasi hindi nalang ako ang naging president, hindi naman ako ganon karesponsable!"

"Ano ka ba, okay lang yan, kanta ka nalang." sabi ni Mike sabay tawa.


"Sige, mangasar ka pa!" tanggol naman sakin ni RJ.

"Yun oh, sweet talaga nung magbestfriend" sabi naman ni BJ na tinawanan lang naming lahat. Lingid pa din sa kaalaman ng mga ito na hindi nalang magbestfriend ang turingan namin ni RJ maliban lang kay BJ at Ondoy.

"osige, kakanta ako, pero wala naman ako minus one..." sabi ko na may pagaalinlangan.

"Ako nalang tutugtog!" prisinta ni RJ. "Maalam naman ako maggitara eh. Pwede na siguro yon."

"Pwede naman. kaso, wala ka naman ata electric guitar. Tsaka ano kakantahin ko?" nagpapanic ko nang sabi.

"Kami na bahala dun, gusto nga din namin tumugtog eh, kaso, baka walang drum set doon." si Mike.

"Isang araw nalang, wala ng oras magpractice, tagal na natin hindi tumutugtog, 1 taon na din yon!" si BJ.

"Wag ka nga kontra jan, napakanegative mo naman tol, kaya yan." sabi naman ni Paeng.

"osige, ganito nalang, mamili ka nalang ng kanta mo, ngayon na! kami na bahala sa tugtog mo!" si Mike ulit. "teka, pano si Ondoy? wala tayong bahista, hindi naman ata pwedeng magimport from other section!"

"hala! wag na, kami nalang ni RJ! accoustic nalang. gitara lang naman ang kailangan ko para makakanta, baka magkalat pa tayo dun! kahit yung beauty and madness nalang kantahin ko, kaya ko na yun." sabi ko.

"Talagang para hindi kami makasingit eh, yung pang accoustic nalang ang pinili oh!" biglang sabi ni Ondoy mula sa aking likuran.

"ONDOY!!!! pare, ano balita!?" si Mike.

"Makapagreact lang eh oh, hoi mike, wag kang OA, magkakasama lang tayo kahapon!"
basag naman ni BJ kay Mike at nagtawanan sila, ako naman ay hindi maka sabay sa kanila ng tawa dahil namomroblema pa din ako para bukas.

Natapos ang klase namin maghapon at wala pa din pagbabago ang mood ko, problemado pa din ako dahil sa pagsisinungaling ko kanina kung sana sinabi ko na ang totoo kanina kay mrs. vergara kanina, edi wala ako problema ngayon! kaso sobrang magalit naman yon! waaaaah pano ba to!!!!! sigaw ko sa aking isip.

"easy ka lang ikie, tutulungan kita, kahit mapahiya na tayo dun, ang mahalaga, magkasama tayo." si RJ.

"ikie naman ih, syempre, ayoko naman po mapahiya dun, buong highschool department nandun. pano ba to?"

"Yun na nga lang beauty and madness ang kantahin mo, kaya ko naman sa gitara yun eh. ako pa." medyo mahanging sabi ni RJ.

"oo na, sige na, ikaw na ang magaling maggitara, ano hindi man lang ba tayo magppraktis ikie?" asar kong sabi dito na nginisian lang nito.

"tara sa bahay, dun tayo magpractice."

"Ayoko dun ikie, namimiss ko na ang ilog, dun tayo." sabi ko na tinanguan lang nito.

Pumunta muna kami sa kanila para kunin ang gitara niya at dumiretso na sa ilog para makapagpractice.

"Oh game na." sabi ko ng makahanap kami ng magandang pwesto sa ilog.

Agad naman tinipa ni RJ ang kanyang gitara...

Over there, just beneath the moon
There's a man with a burden to keep
No sleep will fall washouts rags 'n' paperbags
Home and life passing by

Nasa unang parte palang ako ng kanta ay biglang tumigil ng pagtipa si RJ.

"Oh, bakit? may problema ba?" tanong ko.

"wala naman... namiss ko lang yang boses mo... tagal mo na kasi hindi kumakanta ih..." sabi nito sabay ngiti.

"bakit? mali ba tono ko?" medyo nagpapanic ko ng tanong. "Ikie naman, sabihin mo kung may mali, kinakabahan na ko eh..." sabi kong parang bata.

"wala naman mali eh, ang ganda nga, kakakilig.. para sakin ba yun?" sagot nitong nagmustra pa na parang kinikilig nga ang kumag.

"nako, practice na tayo, puro ka bola jan eh!"

"yes boss!" magiliw nitong sabi sabay tipa ulit ng intro ng kanta.

Nakatatlong pasada lang kami at inayos ng kaunti ang sarili. Tumambay muna kami ng ilang minuto sa tabing ilog, nanigarilyo, nagharutan at kung ano ano pa.

"Ikie, sana ganito na tayo habangbuhay noh..." sabi ni RJ sakin.

"do you really believe sa habang buhay ikie?" medyo may pagkakontra bida kong sabi.

"oo naman, bakit?"

"wala naman, in  my past history, para kasing ang hirap na maniwala sa salitang forever." sabi ko habang nakatingin sa malayo.

Tumayo naman si RJ at pumunta sa aking likuran. Niyakap niya ako ng mahigpit sabay sabing "Ikie, hayaan mo lang akong gawin lahat ng gusto kong gawin sayo, we will discover the word forever in every ways. Basta tulungan mo lang ako, at wag kang bibitiw ikie. I Love you." sabay halik sa aking mga pisngi.

Humarap naman ako dito at "opo ikie, sabi mo yan huh, aasahan ko yan.. I Love You too ikie" sabi ko dito at binigyan siya ng isang halik na punong puno ng pagmamahal.

Naglabanan kami ng aming halikan, labi sa labi, dila sa dila. kung saan saan na din dumadapo ang aming mga kamay, himas dito himas doon. Wala kaming ikinakahiya sa ginagawa namin dahil alam naman namin na walang pupunta dito, at hindi na din napunta dito ang aming mga barkada.

Naramdaman ko nalang ang pagdampi ng kanyang mga kamay sa may bandang pwet ko, iyon ang naging dahilan para magising ang aking ulirat at napatigil sa pag halik sa kanya. "Sorry ikie, hindi pa ako ready na maulit yung nangyari satin.." sabi ko dito.

Ngumiti naman ito sa akin at "okay lang ikie, sabi ko naman maghihintay ako diba. I Love You Ikie."

"Salamat ikie, I Love You too." sagot ko dito at ginwaran ulit siya ng halik, pero smock lang.

Umuwi na kami sa aming sarisariling bahay, kumain lang ako ng hapunan at dumiretso na sa kwarto ko, naglinis ng katawan at humiga na ulit sa aking kama.

ikie, aasahan ko yung sinabi mo, sana wag mo ako biguin, handa ko nang ibigay sayo ang lahat, basta wag ka lang mawawala sakin. sabi ko sa aking isip sabay gumuhit ang isang ngiti sa aking muka.

kinuha ko ang mobile phone ko at tinext siya. "Ikie, salamat kanina ah, sana okay ang kanta bukas. I Love You Ikie, Good Night."

"sabi ko naman sayo diba, kung mapapahiya ka, kasama mo ako, kaya wag kang magalala. I Love You Too ikie, Good Night." tugon naman nito sa aking tinext sa kanya.

Nakatulog nalang akong may ngiti sa aking mga labi.

Kinabukasan... (June 17, 2005 The Party)

Maayos naman ang flow ng program sa party, puro performance lang ng per section sa iba't ibang year level ang nangyari, may mga nagsasayaw sa ibaba ng stage habang kumakanta ang nasa itaas ng stage. Pero puro pang party ang tinutugtog nila. nakakahiya naman, ako senti mode, sila party party. waaaah! sigaw ko sa aking isip.

"Ano tol, okay ka lang? May drumset pala hiniram ang school oh, sayang naman..." Si Paeng na biglang umakbay sakin. Nahalata siguro nito na ako ay kinakabahan.

"ah, eh, oo nga eh, okay lang ako tol. kaya ko to." sabi ko na parang pinapalakas ang sariling loob.

"sigurado ka ha! next na kayo dyan!" sabi nito na lalong nagpakaba sakin.

"oo nga eh, hai!" sabi ko sabay buntong hininga. "Kaya ko to!!!"

"ano tol, first time?" nangaasar na singit ni Mike!

"Adik mo! hindi! after a year kasi, ngayon lang ulit ako kakanta! naninibago lang." sagot ko dito.

"namumutla ka na, easy lang pare, kaya mo yan!" sabi ni BJ. "Teka, asan ba si Ondoy?"

"May hinihiram lang saglit, babalik din yun dito." Si paeng

 "And now, from the Section 3 of the Juniors, The Bestfriends!" biglang sabi ng EmCee ng event namin.

"Pare kayo na! bilis!" Si Mike

"Teka, asan ba si RJ?"

"Nandon na yon sa likod ng stage, baka nagaayos ng gitara!"

at umakyat na ako mag isa sa stage. Palakpakan at hiyawan lang ang maririnig mo sa mga estudyante sa baba, may narinig pa akong sumigaw na "James!!!!! AKIN KA NALANG!!!!!!" ang iba naman ay "ANONG SAYO!! SAKIN SYA!" at nagtawanan ang mga nakarinig nito, ako naman ay parang first time na nangangapa pa sa stage na tinutuntungan ko gayung ilang beses na din akong kumanta dito.

Lumapit sakin si RJ, tama nga sila paeng, nasa backstage ito at inaayos ang gitara. Bago kami nagsimula ay nagsalita muna ito sakin "Ikie, kung hindi mo kaya, tumingin ka lang sakin. Ako bahala sayo." sabi nito sakin sabay tipa sa Gitara niya na parang nagtotono lang.

Tumingin naman ako sa mga tao sa baba at lalo akong kinabahan, parang ang laki ng expectations ng mga taong nanunuod ngayon sa akin. Hindi ko alam, pero nakaramdam talaga ako ng ibayong kaba. kung sana kompleto kaming barkada ngayong tutugtog, okay sana. sabi ko sa aking sarili. habang ang puso ko ay parang pabilis ng pabilis ang tibok. halata mong kabado.

Bigla nalang tinipa ni RJ ang kanyang Gitarang hawak, at sinimulan na ang pagtugtog ng aking kakantahin. ako naman ay pumikit nalang para kunwari ay walang ibang taong nasa paligid at nagsimula ng kumanta.

Over there, just beneath the moon
There's a man with a burden to keep
No sleep will fall washouts rags 'n' paperbags
Home and life passing by

Biglang tumigil ulit si RJ sa pagtipa ng kanyang gitara, at ang tanging narinig ko lang ay ang hiyawan ng mga tao. Maya maya pa ay narinig ko nalang ang paghampas ng dalawang stick na kung hindi ako nagkakamali ay para iyon sa drums. pero sino ang tutugtog? Iminulat ko ng bahagya ang aking mga mata at nakita kong si RJ ay nakangisi lang sa akin, nilingon ko ang buong stage at nakita ko si Ondoy na may hawak ng Base guitar, Si Mike na nasa keyboard, si BJ sa isa pang gitara at si paeng sa drums. Nakuha ko naman agad ang ibig mangyari ng aking mga kabarkada. marahil kaya wala si Ondoy kanina ay nanghihiram ng gamit sa kanyang mga kakilala sa ibang banda. nasabi ko sa aking isip at ipinagpatuloy na ang pagtugtog ng banda. Itinuloy pa din namin ang kanta kong Beauty and Madness pero ginawang rock Version. Na nagustuhan naman ng mga estudyante.

Mas pinabilis namin ang ritmo, buong kanta namin ay nakatingin lang ako kay RJ dahil siya ang nagsasabi sakin kung saang parte ako papasok sa bawat tirada ng kanyang Gitara. Natapos namin ang kanta at ang mga estudyante ay nagrequest pa ng "More, more, more!!!"...

Lumapit naman ako kay paeng, "ano tol, ano pa ba kaya natin dyan?" sabi ko

"Kahit ano! bring it on!" sabi ni paeng. at lumapit samin ang mga kabarkada ko.

"Tanda nyo pa ba kung pano yung I Don't Want to Miss a Thing?" tanong ko.

"oo, tanda pa namin, ang tanong, kaya mo pa ba yon?" si Mike.

"Oo, yun lang ang saulo kong kanta sa ngayon, sige na, go na." at humarap na kami sa mga estudyante.

Narinig ko nalang ang Keyboard na tinitipa na pala ni mike ang intro ng kanta.

I Could.......... simula ko sa kanta at biglang naghiyawan ang mga estudyante.

Stay awake! just to hear you breathing.
Watch you smile while you are sleeping. At napatingin ako kay RJ.
While you're far away and dreaming.

I Could spend my life
in this sweet surrender.
I Could stay lost in this moment. Forever! sabay ngiti ko kay RJ na naging dahilan ng paghihiyawan ng mga estudyante sa baba ng stage at napatigil naman ako sa pagkanta.

Agad nagising ang aking ulirat sa pagkakapukol ng tingin ko kay RJ at humarap na ako sa mga estudyanteng ngayon ay nanunuod sa amin.

Coz every moment spent with you, is a moment I tressure.

I Don't want to close my eyes
I Don't want to fall asleep
Coz I miss you babe, and I Don't want to miss a thing.

coz even when I dream of you.
The sweetest thing will never do
I'd still miss you babe
And I don't want to miss a thing. At naghiyawan nanamang muli ang mga estudyante. ang iba naman ay nagsindi ng kandila, marahil iyon ang ginamit nila kanina noong nag-iinvocation palang, sabay iwinagayway sa saliw ng musikang tinutugtog ng aking mga kabanda. Napatingin nanaman ako kay RJ.

Lying close to you.
Feeling your heart beating! sabay hawak sa aking dibdib habang nakatingin pa din ako kay RJ. Siya din ay nakatingin sa akin.

And I'm wondring what your dreaming.
Wondring if it's me you're seeing! hindi ko napigilan ang aking mga mata at parang nangungusap na ako kay RJ na para bang hinaharana ko na ito, hindi ko na alintana ang mga nanonood sa amin.

And then I kissed your eyes, and thank god we're toooogeeeeetheeerr! may mga pagkulotkulot kong kanta sa salitang na together.

And I just wanna stay with you! Sabay turo ko kay RJ.

In this moment forever.

Forever and Ever! at napapikit nanaman ako sa aking pagkanta.

I don't want to close my eyes
I don't want to fall asleep
Cause I'd miss you babe
And I don't want to miss a thing
Cause even when I dream of you
The sweetest dream will never do
I'd still miss you babe
And I don't want to miss a thing. Nakapikit ako habang kinakanta ko ang buong chorus, ang mga estudyante naman ay puro hiyawan pa din ang maririnig mo.

Minulat ko ang aking mga mata at tumingin na sa mga nanunuod.

I don't want to miss one smile. sa pasok ng lirikong ito ay ramdam ko ng medyo kakapusin ako sa aking boses kaya. "Guys, sing with me!" sabi ko at sinabayan naman ako ng mga estudyante na nakatapat sa kanila ang mic habang ako ay parang naghahabol ng hininga.

I don't want to miss one kiss
I just want to be with you
Right here with you, just like this

Sabay pasok ko ulit dito:
I just want to hold you close
Feel your heart so close to mine
And just stay here in this moment
For all the rest of time!

Yeah

Yeah

Yeaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!! at hiyawan nanaman ng mga estudyante ang maririnig mo.

Itinapat ko sa kanila ang mic at sila naman ay kumanta na ulit.

I don't want to close my eyes
I don't want to fall asleep
Cause I'd miss you babe
And I don't want to miss a thing
Cause even when I dream of you
The sweetest dream will never do
I'd still miss you babe
And I don't want to miss a thing

Tinapos nila ang kanta habang ako ay pagod na pagod na iniharap pa din sa kanila ang mic. Hindi ko na kayang kumata pa, hinayaan kong sila na ang tumapos ng kantang iyon.

"Thank You!" sigaw ko ng matapos ang aming tugtog at bumaba na sa stage kasabay ng aking mga kaibigan.

"Mr. Cornejo, I'm so proud of you and your friends. Hindi nga ako nagkamali na ikaw ang gawing presidente ng klase!" si Mrs. Vergara, sinalubong kami ng kami ay pababa ng stage. Nginitian ko lang ito at ang mga kabarkada ko naman ay nginitian lang din si Mrs. Vergara.

"That was awesome right guys?" sabi ng emcee. at sabay sabay na nagsalita ang mga estudyante na YES!

"pero teka, may napansin ako, intriga lang huh!" sabi ng emcee at umubo muna ito bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. "Bakit kaya nakatingin si Vocals kay Lead Guitarist habang kumakanta?" may pagiintrigang tono ng Emcee ng event.

Hindi naman ako nakaimik, hindi ko alam kung ano ang pinaggagawa ko habang kumakanta, basta basta nalang gumagalaw ang aking katawan na ayon sa kagustuhan ng aking puso. Narinig ko nalang na may sumigaw na "SYEMPRE!!! MAGBESTFRIEND KAYA SILA!!!"  sigaw ng isang babaeng nasa unahan. na sinegundahan naman ng isa pang babae "OO NGA! WAG KANG ISSUE! HINDI SILA BAKLA NOH!" sigaw naman ng isa pa.

"Okay, okay, sorry... and next is..." biglang iba ng entrada ng emcee.

Naging masaya ang buong party, madaming babaeng lumalapit sa aming magkakabarkada, pero hindi na kami naghiwalay pa ni RJ, lagi na kaming magkatabi, sa tuwing may lalapit sa aming mga babae ay kinakausap lang namin sila ng matino at nagpapapictures with the band. Hindi namin akalain na magiging instang celebrity kami sa buong campus dahil sa pangyayaring ito.

Natapos ang Part na mag12 na ng gabi, at syempre, every party has an AFTER PARTY, at ito ay naganap sa resort nila paeng, magkakasama kaming magkakabarkada, si Paeng, Ondoy, Mike at BJ ay may daladalang sari sariling partner habang kami naman ni RJ ay wala. Hindi ito nakaligtas sa mata ng aming mga kabarkada.

"oh, wala man lang kayo nabingwit dun sa party kanina?" si Mike.

"wala eh, puro bawal pa daw sila." sabi ko sabay tawa at inakbayan ko si RJ. "Okay lang, nandito naman bestfriend ko eh." sabi ko pa.

"ahh, so, kayo ang magkadate? ganon?" sabi naman ni Paeng.

hindi ako nakaimik sa sinabi ni Paeng, bagkus, ito ay tinawanan ko nalang.

"Kayo talaga!!! iniwan nyo nanaman ako!!! buti nalang yang kasama mo Mike ay kaklase ko!" biglang dating ni Brent. "ang galing nyo kanina ah!" pagbati nito sa amin ng makarating at makaupo sa bench na inuupuan namin sa kubo malapit sa pool. "lalo ka na james." maya maya pay dugtong nito...

Itutuloy. . . . . . . . . . .


jamesstoryline.blogspot.com

No comments:

Post a Comment