by: Apollo22
Nag taka naman ako sa sinabi ni
Sedrick, kuya?, mag kuya ang dalawang kolokoy na ito? Kaya pala! Kaya pala
medyo magkaugali sila, parehas silang maloko at sira ulo.
Lumapit sa amin si James at nagtitigan
sila ni Sedrick, parang gulat na gulat sila sa nakita.
“ano? Magkapatid kayo?” ang tanong ko
at gulat na gulat din.
“oo magkapatid kami sa ina” ang wika
ni James nang maka recover sa pagkagulat marahil nagulat ito dahil magkasama
kami ni Sedrick.
“K-kuya anong ginagawa mo rito?” ang
sabi ni Sedrick.
“ah eh.. sinusundo ko si Prince” ang
tugon naman nito.
Tinignan ako ni Sedrick ng may
magtataka.
“paano kayo nagkakilala ni Kuya?” ang
tanong nito
“mahabang istorya” ang tugon ko
“tara na?” ang ‘aya ko kay James.
“kuya sama ka nalang sa amin,
matutulog kami sa kaibigan ko” ang wika ni Sedrick
“hindi aalis na kami” ang wika ko pero
parang hindi ako pinapansin ng dalawa siguro may pinag-uusapan ang magkapatid
na hindi ko alam kahit sa tingin lang, may patawa tawa pa kasi silang
nalalaman.
“sige, sama ako d’yan” ang sangaayon
nito.
“uy diba nagpapasundo ako? Tara hatid
mo na ako” ang inis kong sabi dahil lowbat na ako at nakauwi na ang iba naming
mga kaklase, wala na akong mahiraman ng cellphone para magpasundo kina mama,
ayaw naman akong pahiram ng mga sira ulo kong mga kaibigan dahil dapat daw sumama
ako sa kanila, pero ano ang gagawin ko? Nasasaktan na ako tuwing nakikita ko si
Sedrick.
“ano sasama ka ba sa amin o maiiwan ka
rito?” ang malokong sabi ni Sedrick.
“sige maiwan nalang ako dito,
maghihintay nalang ako ng taxi o kung ano mang pwedeng masakyan” ang masungit
kong sabi.
“ahhh ok, nako kuya alam mo ba?
maraming mamamatay tao rito, at tinatadtad ito habang buhay pa hanggang
mamatay” ang sabi ni Sedrick sa kuya nya habang papalayo sa akin.
“ah eh WAIT!” ang sigaw ko dahil
natakot naman ako sa mga sinabi ni Sedrick.
“sige sasama na ko sainyo” ang dagdag
ko.
“oh sasama ka rin pala, kailangan ka
pang takotin nitong kolokoy kong kapatid” ang maloko nitong sabi.
“ako takot? Haha! Hindi ahh!” ang
maang ko.
At nagtawanan ang lokong magkapatid.
Sa sasakyan ay tumabi ako kay James sa
passenger seat dahil ayaw kong katabi si Sedrick pero tumabi pa rin sa akin ito
so si James sa kaliwa ko at sya naman ang sa kanan ko.
“Tol sya ba?” ang pagbasag nang
katahimikan ni James, siryoso ang mukha nito.
“oo Sya lang at walang nang katulad”
ang pagmamalaki ni Sedrick, napabuntong hininga naman si James.
Ilang sandali lang at liningon ako ni Sedrick
“uy galit ka ba sa akin?” ang bulong ni Sedrick sa’kin.
“hindi nga! Ang kulit mo!” ang nakukulitan
kong sabi.
“nagseselos lang yan!” ang pambubuking
ni Nina
“nagseselos? Kanino?” ang ikinagulat
ni Sedrick.
“kay Carol! Kanino pa ba?” sabi ni
Nina
“hoy! hindi ah! ako? nagseselos?” ang
maang kong sabi na nakatingin sa ibang direksyon at alam ko ring namumula ako.
“hmmmmm? Sabi ko na magseselos ka eh”
ang malakong sabi nito.
“hindi nga!” ang sabi ko at hindi na
muli itong kinausap.
Patuloy pa rin ito sa pangungulit sa
akin pero hindi ko ito kinakausap dahil nagseselos ako, masakit talaga iyon
kahit paulit-ulit kong isipin na “magkaibigan” lang daw sila ay maraming bagay
ang naglalaro sa aking isipan, kung ngang ang crush mo makita mong may kausap
sa iba ay nagngingitngit kana eh pano pa kaya yung taong mahal mo.
Pagdating namin sa bahay nila Nina ay
agad naming inihanda ang aming mga gamit at nagpalit ng damit.
“James tabi tayo ok?” ang wika ko kay
James na nasa harap ko at pinagtutulungan naming ayusin ang kama.
“oo nga tabi-tabi tayo!” ang Sabat ni
Sedrick at tumulong sa pag-aayos sa guest room nila Nina.
“kami lang hindi ka kasama!” sabay
belat na parang bata.
Nakita kong nalungkot talaga nang
husto si Sedrick at mag wowalk out na sana nang hilain ko dahil kahit inis ako
ay ayokong nakikitang nakasimangot ito.
“joke lang ikaw naman” sabay bigay ng
matamis na ngiti at ngumiti rin ito.
“teka, mabalik tayo sa usapan ninyo,
magkapatid talaga kayo?” ang pagtatanong sabay linga sa kanilang dalawa.
“oo nga ang kulit mo?” ang tugon ni
James.
“talaga? Medyo halata nga eh,
magkaugali kayo” ang pang-asar ko.
Nako halatang magkapatid sila
magkaparehas ng kalokohan, magkahawig, magkasing gwapo at lahat na nang
magkasing ay nasa kanila, kahit nga ang magkasing talino ay pwede rin eh, hindi papahuli si Sedrick dahil simula n’ong
sinabi kong wag na munang magbarkada at mag-aral muna ito ng mabuti ay nakita
kong napaka talino nito at daig pa kami, halos ma perfect nya ang lahat ng
quiz, exam at kung ano-ano pa, naobserbahan kong matalino ito at minsa’y tamad
lang, hindi rin sya grade minded, yung bang tipong pati points titignan nya pa.
yan ang narealize ko sa aking sarili at hindi na pinahaba pa ang usapan, medyo
ang hirap kasi eh, mahal mo, tapos crush mo, magkapatid tapos parehas pang
mabait sayo ewan ko lang kay Sedrick.
Tapos namin mag-ayos ay sabay-sabay na
kaming humiga dahil gabi na este mag uumaga na, at hindi na namin mapigil ang
antok, naka gitna na naman ako, si Sedrick sa kanan, at si James sa kaliwa,
hindi ko maipaliwanag ang feeling dahil katabi ko ang taong mahal ko at ang
taong crush ko, pero mas nananaig ang crush kasi inis pa ako kay Sedrick, si
Gary ay nasa sahig.
Tahimik na ang lahat at kaming apat
lang sa kwarto dahil si Mimi, Nina at Carol ay nasa kabila. N’ong maalala ko si
Carol ay bigla na naman akong nainis, ewan ko ba! bakit sumama y’ong babaing
yon.
“kuya ayos ba?” ang pagbasag ni
Sedrick sa katahimikan, napamulat pa ako sa sinabi nya at nagtaka.
“ayos ang alin?” ang takang sabi naman
ni James.
“ayos ba ang taong katabi mo ay ang
taong mahal na mahal ko?” ang matamis na sabi ni Sedrick sa kanyang kuya.
“Sedrick, alagaan mo sya ah? kasi ang
tong mahal na mahal mo ay ang taong gusto ko sanang mahalin” ang sagot naman ni
James.
Para akong namamanhid sa aking higaan
at hindi alam ang gagawin, pero masaya ang puso ko sa naririnig kay Sedrick.
Napaangat si Sedrick sa kanyang higaan
at tumingin nang may pagtataka kay James.
“ano kuya? Gusto mo si Prince ko?” ang
tanong ni Sedrick
“oo eh, gusto ko si Prince at hindi ko
alam kung bakit, marahil gusto ko nang palitan ang taong nanakit sa kanya at
magsasama na kami habang buhay” ang malokong sabi ni James na kahit madilim ay
naaaninag ko pa rin dahil sa maliwanag
na buwan.
“teka teka, kung pag-usapan nyo ako
parang wala ako rito ah! mga sira! itulog nyo na yan at antok lang yan, bukas
nyo nalang pag-usapan ang mga yan pwede? Nakakailang, at pwede bukas pag-usapan
nyo ng WALA ako ok” ang inis kong sabi.
Kinaumagahan ay ginising ako ng isang
matamis na halik galing kay Sedrick at may dala pa itong tray na naglalaman ng
pagkain, ang sarap ng amoy! May pandesal, juice at hotdog, ang sarap ng itsura
pero inis pa rin ako sa kanya kaya tinignan ko ang pagkain at tiniis na hindi
kainin.
“ayaw ni Prince ng ganyan, gusto
siguro nya nakakalanghap ng hangin
habang kumakain” ang wika ni James at inalalayan ako patayo at dinala sa may
Garden habang papaalis ay nakita ko ang pagkadismaya ni Sedrick.
“wow, ang dami!” ang nasabi ko nalang
nang makita ko ang mesa sa garden na may Beacon, Hotdog ,salad, steak itlog at
juice.
“ang DAMI lunch na ba natin ‘to? Pang
isang daang tao ata ko” ang eksahirasyon kong sabi.
“bago ka gumising ay naki-usap ako na
magluto sa bahay nila Nina at babayaran ko nalang ang mga magagastos” ang
tuwang sabi ni James.
“talaga? Salamat ahh?” ang masuyu kong
sabi.
“wala yon! Para sayo talaga yan” sabay
akbay sa akin.
Sabay dating nila Nina, Mimi, Gary at
ang babaitang si Carol at inaya ko silang kumain dahil napaka rami talaga ng
pagkain at hindi ko kayang ubusin, hindi na rin sila tumanggi halatang
nasarapan sa itsura.
Habang nakaupo at kumukuha ng pagkain.
“tawagin nyo na si Sedrick sa loob”
ang sabi ko.
“wait tawagin ko” ang sabat ni Carol
Kainis epal nanaman tong babaing to
ang nasabi ko nalang sa aking sarili.
At umalis nga ito para tawagin si
Sedrick, pagbalik nya ay nakasimangot ito.
“nako ayaw nya daw kumain” ang sabi ni
Carol
“bakit daw?” ang tanong ni Gary
“masama daw ang pakiramdam nya” ang
wika nito at umiiling pa ang babaing ‘to.
Kainis talaga sarap sipain!
Hinayaan ko nalang ito at
ipinagpatuloy ang pagkain.
After kumain ay nagpresinta ako na
maghugas ng plato para naman makaganti sa ginawa ni James, nakakahiya naman
kung kakain ka lang at magpapahinga diba.
“Guys ako na ang maghuhugas ok?”
paalam ko
“ako na!” ang biglang sabi ni James
“hindi! Ako nalang” ang tugon naman ni
Sedrick at kinuha ang mga linigpitan kong plato.
Inagaw naman ni James ang mga iyon
“ako na! may sakit ka diba”
Nang inagaw muli ni Sedrick ang mga
plato ay nabitiwan nya ito at nabasag ang lahat.
“ano ba Sedrick!! Sabi na kasing ako
nalang! Ang kulit mo kasi! Para kang bata! Nakakainis! Diba hindi ka sumabay sa
amin kanina kasi may sakit ka?! Tapos ngayon bigla kang maghuhugas ng plato
then babasagin mo lang! tumabi ka nga dyan!” ang wika ko at itinulak sya nga
bahagya.
Ngayon ko lang ito nasigawan ng ganoon
kaya napatitig ito at halatang nalungkot,maski ang mga kaibigan ko ay napatigil
sa kanilang ginagawa at napatingin sa akin, hindi ko na kasi mapigilang ilabas
ang galit at inis ko sa kanya, una nagdala sya ng “kaibigan” nya, tapos hindi
sya sumabay kumain sa amin kanina and sinama nya pa talaga ang babaing yan sa
sleep over namin.
Lumayo sya ng may pagkadismaya at
yumuko nalang ito papalayo, nang makapagisip-isip do’n ko naisip na mali ang
ginawa kong sigawan sya at ipahiya, gusto lang naman nyang tumulong eh.
Habang pinupunasan ang mga nahugasan kung
plato at inilalagay sa may cabinet, naiisip ko ang ginawa ko kay Sedrick,
maling-mali iyon.
Ano kaya ang gagawin ko para mawala
ang tampo nya? Ipagtimpla ko kaya ito ng juice, o kaya pakainin ko nalang ito
at subuan? Ang gumugulo sa aking isipan habang nagpupunas.
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment