by: James Cornejo
"What is about me?" wika ni
Brent
"wala" sabi ni RJ at
itinapon na ang sigarilyong wala pa sa kalahati ang nahihithit. "Let's go
james!" dagdag pa nya.
"once and for all, tigilan nyo na
ang pag aaway, ano bang problema nyong dalawa! kanina pa kayo ah!" may
bahid ng pagkaasar kong wika. "ano bang problema nyo?"
"It's non of your business."
sabi ni RJ na ikinagulat ko
"ahh, non of my business pala ha!
okay!" sabay alis ko patungo sa kotse namin.
hindi ko alam, pero nakaramdam ako ng sakit
sa ginawa ni RJ na yon. Boyfriend nya ako, kaya dapat, open kami sa isa't isa,
pero ang sabihan nya ako ng "It's non of your business." ang
nagpaluha sakin. parang wala akong kwenta sa kanya.
Alam ko naman na palabas lang lahat ng
ito, habang hinihintay ko ang pagbabalik ni lea, pero hindi ko naman aalain na
mahuhulog ng ganito ang loob ko sa kanya, hindi ko maiwaksi sa aking sarili na
eto ang unang beses na ipinaramdam niya sa akin na wala akong karapatang
malaman ang lahat ng tungkol sa kanya.
Agad ko namang itinext si ate/kuya ko
para ipaalam sa kanila na hindi na ako babalik doon at hihintayin nalang sila
sa kotse. Nasa ganoong pagtetext ako ng biglang may kumatok sa bintana.
"ano kailangan mo?" naaasar
ko pa ding wika sa taong lumapit.
"wala naman, ngayon alam ko na na
hindi pala sinabi sayo ni kuya ang dapat kong sasabihin sana sayo before ako
umalis." sambit ni brent
"ano ba kasi yon? at bakit ganun
ang kuya mo? nakakainis ha!"
"alam kong..."
"JAMES!!!!" biglang singit
ng ate/kuya ko.
"Brent, next time mo nalang
sabihin, aalis na ata kami, pasensya na..." sabi ko kay brent at
ipinagbukas na ng pinto ang nanay ko.
Agad naman kaming nakaalis sa resto.
Dumiretso kami sa isang mall sa San Pablo City para bumili ng mga gamit sa
eskwela, wala pa din ako sa mood mamili, dahil nga sa nangyari kanina sa resto.
ano kaya problema nung dalawang yun!
hindi ko mapigilang maisip
nasa ganoon akong pag iisip, hindi ko
na namalayan na nakatulala nalang pala ako sa isang lugar sa bookstore na
pinuntahan namin. bumalik lamang ang ulirat ko nang tawagin ako nila ate/kuya
at mommy ko na kanina pa palang tumatawa dahil tapos na silang magbayad sa
cashier.
Kumain kami sa Chowking pagkatapos
mamili. Habang kumakain, agad naman akong tinanong ni ate/kuya ko kung anong
problema ko at kanina pa daw ako natutulala, habang ang mommy naman namin ay
umoorder ng mga panahon na yon.
"ayoko muna pagusapan"
matipid kong wika sa kanya.
"Okay, sabi mo eh."
dumating naman agad si mommy sa aming
kinauupuan, malamang ay napansin na din nito ang pagiging wala ko sa sarili ko
kaya naman siya ay nagtanong.
"james, anak, ano ba problema mo?
wala ka nanaman sa sarili mo."
"wala po ma, antagal lang po ng
order, nagugutom na ako" pagsisinungaling ko
natawa naman si mommy sa sinabi ko,
"kakakain lang natin kanina, konti lang ang inorder ko ngayon, gusto mo ba
dagdagan?"
"wag na po ma, tama na yon."
ang matamlay ko pa ding sagot.
hindi naman nagtagal ay dumating na
ang mga inorder ni mommy, siomai at chowfan lang pala ang inorder niya para sa
akin. hindi ko din ito naubos dahil ang totoo nga ay busog pa talaga ako.
Pagkatapos mamili ay agad na akong
nagyayang umuwi, nagdahilan na lang akong masakit ang tiyan ko kaya kailangan
na naming umuwi. nagalit naman ang ate/kuya ko dahil gusto pa niyang mamasyal,
samantalang ako naman ay nagmamadali nanamang umuwi.
Pagkarating namin sa bahay, agad akong
tumungo sa kwarto ko upang ayusin ang mga pinamili ko sa para sa pasukan. hindi
naman karamihan ito kaya mabilis lang akong natapos at nagtungo na sa aking
kama upang magmuni muni at magpahinga na din.
hindi pa din ako makaget over sa
nangyari sa aming tatlo kanina sa resto, parang napaka dami ko pang kailangang
malaman, napaka dami pang itinatago sa akin ni ikie, ano nga kaya ang sasabihin
ni brent sakin. at bakit ganon ang galit ni ikie kay brent. is it about me?
there is nothing wrong naman ng yakapin ko si Brent, magkaibigan kami, napaka
close namin sa isa't isa, at namiss ko lang siya ng sobra dahil ilang taon din
siyang nawala. iyan ang mga bagay na gumugulo at paulit ulit sa aking isipan.
hindi ko na namalayan na ako ay nakatulog na pala.
Nagising ako bandang 8:30 na ng gabi.
agad kong kinuha ang aking mobile phone para icheck kung my mga nagtext sakin.
hindi naman ako binigo ng CP ko, meron ako ngayong 14 messeges, and 5 missed
calls, binuksan ko ang aking inbox at nakita kong karamihan ng nagtext ay galing sa hindi kilalang numero
at ang 4 missed calls ay galing din sa kanya.
"can we talk?", "i
missed you, please, i want to see you!", "pupunta ako dyan sa inyo
kung hindi mo sasagutin ang mga txt ko!", "nandito na ko sa labas ng
bahay nyo, please, lumabas ka dito", "maghihintay lang ako dito
hanggang lumabas ka!"....etc.... yan ang mga txt nya na agad ko namang
ikinaasiwa,
sino nanaman to! baka mamaya si ezra
nanaman! sabi ko sa aking isip ng biglang my kumatok sa aking pintuan.
"james anak, nanjan si brent sa
labas, kanina pa daw siya dyan, hindi ka daw nagrereply sa kanya kaya kumatok
na siya, ayaw naman pumasok, hihintayin ka daw niya sa labas." sabi ni
mommy.
"ahh, siya ba yon, sige po ma,
bababa na ako."
si brent pala yon, gabing gabi na ah,
bakit pumunta pa yun dito! tlga tong batang to!
sabi ko sa aking isip habang binabagtas ang hagdanan ng aming bahay.
"what brings you here brent? gabi
na ah?" sabi ko sa kanya sa seryosong tono.
"why didn't you answering my
texts and calls?" tanong niya.
"bakit, nagpakilala ka ba?"
"ay, oo nga pala, sorry, save mo
nalang number ko ah. nga pala, pagpapaalam kita kila tita, sa bahay ka na
magtulog, magiinom kami nila kuya, alam ko ininvite nya lahat ng tropa
nyo." sabi nya
aba, hindi manlang ako tinetxt ah!
langyang yon! ano ba tlga ako sa kanya. bigla kong pagiisip na naging dahilan
ng pagtahimik ko.
"sabi ni kuya, sunduin nalang daw
kita, kaya ako nandito, and besides, namiss ko din kaya ikaw, kaya kahit hindi
nya sabihin, pupuntahan talaga kita dito. hehehe" ang magiliw nyang sabi
na sinabayan ng nakakalokong ngiti.
"naku, tigilan nyo akong
magkapatid, baka mamaya eh mag away nanaman kayo, nakakainis kaya!"
"hindi na po, promise, behave na
po ako" bata bataan nyang sabi.
"siguraduhin mo lang ha, oh xa,
patawagin mo nalang si tita lali kay mommy para siya ang magpaalam." may
kompyansa kong sabi sa kanya, alam ko kasing hindi papayag si mommy.
"James, tumawag tita lali mo dun
ka na daw matulog, sumabay ka na daw kay brent! sabi ko pinayagan na
kita!" biglang sabi ni mommy.
naku patay, akala ko pa naman hindi
ako papayagan! nakakainis naman to si mommy, wrong timing naman oh! sabi ko sa
aking isip.
Nakita ko na lamang si Brent na
ngingiti ngiti sa kanyang narinig habang ako ay napakunot na ng noo dahil nga
ayoo naman talagang sumama sa kanila sa pag iinom, dahil naiinis pa din ako sa
ginawa ni RJ sa akin kanina.
ah, bahala na, hindi ko nalang siya
papansinin mamaya! sabi ko sa aking isipan.
pumasok muna ako sa bahay upang ayusin
ang gamit na dadalhin ko at mag ayos na din ng sarili ko.
mabilis naman kaming naarating sa bahay
nila RJ, agad akong nilapitan ni RJ pero katulad nga ng sinabi ko kanina, hindi
ko siya papansinin, inignora ko lang ang paglapit niya sa akin at iniwasan
siya. dumiretso ako sa loob ng bahay nila at bumati kila tita lali. sabay
lumabas na ulit sa kanilang garden at nakita kong nandun nga at kumpleto ang
barkada.
"Tol, dumating ka din! kanina ka
pang binabanggit netong si RJ eh!" sigaw ni mike na parang may tama na.
"sorry, kakagising ko lang din
kasi. anong oras pa ba kayo dito?"
"mga 5 pa, pero nagsimula ang
inuman, 6 na, kanina ka pa nga ipinasundo ni RJ kay brent eh, mga 5:30 pa
umalis yan dito/" sabi ni kuya paeng, dahilan para mapatingin ako kay
Brent na tumango lang sakin upang kumpirmahin na ang sinasabi ni paeng ay
totoo.
nakakahiya, kanina pa pala siya dun!
waaaaah! sigaw ko sa aking isipan
"sorry, pinaghintay pala kita ng
matagal, yaan mo, babawi ako sayo." Bulong ko kay brent.
Napatingin naman ako sa gawi ni RJ at
nakita kong malungkot at tahimik lang ito sa isang tabi at tumutungga ng alak.
Magkatabi kami naupo ni Brent sa
umpukan ng aming barkada, puro tawanan, kulitan, biruan, kamustahan at kung ano
ano pa ang ginagawa namin sa aming umpukan habang si RJ ay seryoso pa din sa
isang tabi.
"tol, C-CR lang ako ah."
basag ni RJ sa aming tawanan at naglakad na palayo sa amin.
"Tol, ano problema ng BESTFRIEND
mo, bakit ang tahimik at hindi nakikisama satin." sabi ni ondoy na may
pagbibigay diin sa salitang bestfriend.
"wala tol, sige, kausapin ko muna
wait lang, puntahan ko lang." sambit ko
Agad akong pumasok sa loob ng bahay
nila at hinanap si RJ, hindi ko siya nakita sa ground floor ng bahay nila kaya
agad akong umakyat at sa daan papunta sa kwarto niya, nakita ko siyang nakaupo
sa sahig at nakayuko lamang.
"anong problema mo, bakit ka
nagmumukmok dyan!?" may galit ko pa ding wika sa kanya.
"ba-bakit hindi mo ako
pinapansin?"
"dapat pa ba talaga tanungin yon
RJ? wag ka mag inarte dyan, bumaba ka na doon at hinahanap ka na nila!"
"ayoko na maginom, hindi mo din
naman ako pinapansin!"
"bahala ka dyan! ang arte mo!
isipin mo kasi muna kung anong ginawa mo! napaka manhid mo kasi! sarili mo lang
iniisip mo!" sabi ko sa kanya at tumalikod na ako sa kanya ng bigla syang
tumayo at yumakap sa akin sa likuran ko.
"I'm sorry ikie, hindi ko
sinasadya na sabihin sayo yun kanina, sorry talaga, I Love You ikie, please,
bati na tayo." parang bata nyang litanya.
natawa naman ako sa inasta niya, para
kasi siyang bata. "ok na ikie, wag na umiyak, just be careful of your
words nalang from now on. tara na, baka makahalata na yung mga yon" sabi
ko na may himig na ng panlalambing.
For me, one sorry is enough to cover
all the wrong things any person has done to me. kaya naman mabilis ako
nakakapag patawad ng ibang tao.
bumalik na kami sa umpukan, and this
time, kami na ni RJ ang magkatabi habang si Brent ay kaharap ko lamang, ang
tumabi nalang sa kanya ay si Ondoy.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
jamesstoryline.blogspot.com
No comments:
Post a Comment