by: Apollo22
Hindi pa ‘man kami masyadong
nakakalapit sa may gate ay nakikita ko na si Sedrick, hindi ko alam ang
magiging reaksyon kung sakaling kakausapin ako nito, pero hindi ko ‘yon
ikinatatakot.
“ma wag mong kakausapin yan at ipasok
mo na ang kotse sa bahay” ang sabi ko rito ng walang emosyon.
“pero anak” ang sabi ni mama ko.
“ma please, eto lang ang pakiusap ko
sa’yo,salamat” ang sabi kong muli.
At dinaretso ni mama ang kotse sa may
garahe,inutusan nya ang mga katulong na agad isara ang gate at wag papapasukin
si Sedrick sa bahay.
Habang nasa kwarto ako ay nandon pa
rin si Sedrick at nakaupo sa may harap ng gate at wari’y alam na na nasa bahay
na ako, walang kaalam-alam na alam ko na ang pagpapanggap na ginagawa nya,
hanggang sa inabot na ito ng gabi kahihintay sa labas, katok ito ng katok at
tawag ng tawag sa pangalan ko, nakikiusap na mag-usap kami para malaman nya
kung ano ang problema sa aming dalawa.
Wala namang problema sa akin ang pagpapatawad,
pero ibang kaso ‘to, nag mukha akong tanga at ginawang laruan ng isang taong
pinagkakatiwalaan ko at pinagbigyan ko ng puso ko, ang pakiramdam ko ngayon ay
galit at hindi awa, naging bato ang puso ko sa kanya.
ANG LAKI KONG GAGO ang nasabi ko nalang
sa sarili ko at tumingin muli sa bintana
Susuko ka rin ang muli kong sabi sa
sarili ko at pumatak muli ang luha ko.
Paulit-ulit ko nalang naiisip ang mga
masasayang pinagsamahan namin ni Sedrick at nanghihinayang ako sa pagmamahal na
inilaan ko sa kanya, sayang ang oras, sayang ang pagpapahalaga, sayang ang
lahat-lahat.
Humiga ako sa may kama at inisip ang
mga pagkukulang ko, kahit kausapin ang sarili ko ay nagawa ko na.
“Prince ano bang meron sayo para
lokohin ka ng taong yan,gano’n naba sya kagalit sayo para paglaruan ka? May
ginawa kaba sa kanya dati at naisipan ka nyang paglaruan at pagpustahan ng
3,500? Ganon lang ba ang halaga mo sa tingin ng ibang tao? Bobo kaba? Wala
kabang kwenta para gawin nila ang mga bagay na ‘yon sa’yo prince? Ang nasasabi
ko sa sarili ko habang lumuluha.
Biglang bumukas ang pinto ng aking
kwarto
“ma ayoko pa pong kumain, kayo nalang
ni papa” ang sabi ko at hindi tumingin sa pinto.
“Prince?” ang sabi ng taong pumasok na
bumingi sa aking tenga.
Agad-agad akong lumingon at laking
gulat at galit ko ng Makita ko si Sedrick, sya pala ang taong pumasok, namula
ako pero this time alam ko dahil sa galit, nag-init ang pakiramdam ko para
akong bulking sasabog.
Dali-dali itong lumapit at nagtanong.
“Prince anong problema? Bakit ayaw mo
akong kausapin?” ang nag-aalalang sabi sa akin at hinawakan ang aking kamay na
agad ko namang binawi.
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at
tumayo rin ito, ngayon magkaharap na kami ng taong nanloko sa akin, tinignan ko
ito ng matalim.
“problema? Tinatanong mo kung ano ang
problema? Eh GAGO ka pala eh! Ikaw ang problema, ikaw! Gago ka, tar*ntado ka,
ano ako laruan?! Ano to Sedrick biruan? Pinahulog mo ako sayo para sa 3,500,
ano ako? basura, gano’n nalang ba ang galit mo sa akin para saktan mo?” ang
sigaw kong galit at pinagtutulak sya.
Hinawakan nya ang kamay ko at niyakap.
“Prince anong ibig mong sabihin?” ang
buong taka nitong sabi.
Kumawala ako sa pagkakayakap nya at
muli kaming nagkaharap
“ano ka? Gago?” hindi mo alam ang
ginawa mo no’ng 3rd year ka? Pinagpustahan nyo ako ni Tom?” ang pasigaw kong
sabi
Nang marinig nya ang katagang ‘yon ay
Hindi nya alam ang sasabihin at hindi na rin ito makatingin sa akin ng daretso.
“oh ano so, tama ako?!! Pinaglalaruan
mo ako!!? Masarap ba akong tignang nagmumukhang tanga?” at ngumiti ako habang
bumubuhos ang masaganang luha sa aking pisngi.
“Prince let me explain” ang
nagmamakaawa nitong sabi ngunit hindi ako nakinig.
“explain, ieexplain mo ba kung ga’no
ka kasayang Makita akong nagmumukhang tanga? Eto ba!”
Itinapon ko ang vase sa may salaminan
at nabasag ito, tumaksik ang maraming bubug sa sahig.
“tutal masaya ka rin palang nakikita
ako nasasaktan, luboslubusin na natin, dahil ito ang tatandaan mo hinding-hindi
mo na ako masasaktang muli” ang gumagaralgal kong sabi.
At kuniha ang mahabang piraso ng bubog
sa may harapan ko, pinulot ko ito at sinakmal sa kanang kamay at hinila ito
gamit ang kaliwang kamay, umagos ang dugong nananalaytay sa aking katawan,
aamining kong masakit pero mas nararamdaman ko ang pighati na dulot ng lalaking
mapagpanggap.
Gulat na gulat sya sa ginawa ko,
nanlaki ang mga mata dahil sa
pagkagulat, nakikita kong naluluha sya sa ginawa ko at hindi maipinta ang
emosyon sa kanyang mukha, may halong guilty at awa ang aking nakikita habang
nakatitig ito sa duguan kung palad?
“happy now? O baka naman kulang pa?”
ang sabi ko rito habang kumikirot ang palad ko
Hinawakan ko ng mahigpit ang piraso ng
bubog sa kaliwang kamay at buong lakas ng loob kong itinarak sa kanang braso
ko, hindi ko alam kung bakit ko nagagawa ang mga bagay na yo’n kusa nalang
lumabas ang demonyo sa aking katawan at kinontrol ako, muli umagos ang
masaganang dugo sa aking kanang braso at naramdaman kong hindi ko na maigalaw ang
kanang kamay ko sa sobrang sakit.
Hindi na ito nag-isip pa at hinawakan
nya ang kamay ko ng mahigpit para mawalan ako ng kontrol at inialis nya ang
bubog na aking hawak, nahirapan sya dahil hindi ko ito binibitawan pero sa
higpit ng hawak nito sa aking kamay ay nabitawan ko rin.
“nasisiraan kana ba ng bait?!” ang
madiin nitong sabi at napakasat kami sa may sahig at pilit akong kumakawala sa
pagkakayakap nya pero malakas talaga si Sedrick at hindi nya ako binitiwan
kahit anong gawing kong paghampas sa kanya.
Habang sumisigaw ako ay nakita kong
gulat na gulat ang mama ko sa kanyang nakita nanginginig ito sa dami ng dugong
nakakalat sa sahig at muli, kusang sumasara ang aking mga mata at nararamdaman
ko ang panghihina na aking katawan at duon ako nawalan ng malay.
Pagdilat ng aking mga mata ay nakita
ko ang isang napakagandang lugar, nakita ko ang magandang palasyo na mayroong
disenyong ginto sa mga pader, puting-puti ang paligid Napabulong ako, Diyos ko
patay na ba ako? pero hanggang dito ay hindi ko makalimutan ang nangyari sa
akin, pero bakit ganon? Wala akong nararamdamang sakit? Walang pighati sa puso
ko? Puro galak at paghanga ang aking nararamdaman, simbulo ba ito na patay na
nga ako?
Hanggang sa may isang gwapo at
matipunong lalaki na may pakpak ang lumapit sa akin, kamukha ko sya pero
mukhang 20’s ang mukha nya halatang matured na ito pero laking gulat ko ng
makitang sugatan ito at halata sa mukha nya ang sakit, may sugat ito sa kanang
palad at kanang braso.
“kuya ayos kalang ba?” ang pag-aalala
kong tanong rito.
“oo ayus lang ako, basta ingatan mo
lang ang sarili mo ay magiging ayos din ako” ang wika nito na medyo nauutal,
mukhang masakit ang nararamdaman nito.
Hindi ko alam ang ibig nitong
ipakahulugan pero naaawa ako sa kanya dahil duguan ito at nasasaktan at
halatang walang magawa.
“may hospital ba dito o kahit
albularyo?” ang tanong ko rito at inupo ko ito sa malagintong mahabang upuan
“nasa hospital na ako, wag kang
mag-alala, basta gaya ng sinabi ko ingatan mo ang sarili mo at magiging ok rin
ako, pinagkaloob sa atin ng Diyos ang katawan natin na parang templo na
kailangang ingatan at wag sirain” ang sinabi nito at ngumiti sa aki ng napaka
tamis, tumayo ito at umalis gamit ang malalaki at kumikinang nitong pakpak.
Hinabol ko ito pero mabilis ang
kanyang paglipad, habang lumalayo ito ay paulit-ulit nitong isinisigaw ang
aking pangalan, lumingon sya akin sabay
ang masaganang ngiti at kaway, habang hinahabol ko sa malaparaisong lugar ay bigla akong nadapa sa hindi malamang kadahilanan,
pagbagsak ko ay nakuryente ang aking buong katawan at kumislap ang aking mata,
sumakit muli ang palad ko at pati ang braso ko, nanghihina ngunit naaninag ko
ang isang taong naka kulay berde at tuwang-tuwa sa aking pag-gising, ngunit
muli akong nakatulog at dahang-dahang pumikit ang aking mata.
Mahimbing ang tulog ko dahil paggising
ko ay umaga na, mukhang kagagaling lang umulan dahil may mga patak pa ng tubig
sa mga dahon, malamig ang paligid at sariwa ang simoy ng hangin, naamoy ko ang
mga bulaklak at mga papausbong ng dahon, tumingin ako sa paligid at nakita kong
nakahiga si mama sa may sofa at si papa naman ay nag-iwan ng mga prutas at
note.
Anak ingatan mo ang sarili mo ayaw
kong nakikita kang nagkakaganyan love papa.
Napangiti naman ako sa note ni papa
ang drama, pero kahit natatawa ako ay ramdam ko ang pagkalungkot sa puso ko at
nagsimulang umagos nanaman ang luha, this time kalmado na ako at tanggap ko na
hanggang dito nalang ang aming pinagsamahan ni Sedrick, masakit man tanggapin
ay kaylangan pero sa sitwasyon ko ngayon
ay hindi ko pa itong handang Makita at kausapin.
Mahirap na atang Makita ang taong
nanakit sayo at hindi naging totoo sa relasyon ninyo, kahit gaano ako ka open
minded, pagdating sa nangyari sa akin ay bakit hindi ko matanggap? Bakit
masakit? Hindi na ba talaga pweding bumalik sa nakaraan at burahin ko sya sa
puso at isipan ko? Hindi na rin ba ako titigil sa kakaiyak sa kanya? Hindi ba
pwedeng tumigil muna ang puso ko sa pagtibok para hindi masaktan? Bakit parang
sa bawat pagtibok nito ay may libo-libong karayom na lumalabas at umaagos sa
buong katawan ko, kasing sakit ng taong namatayan na alam nitong bukas ay hindi
mo na masisilayan ang taong iniiyakan mo?
Umiiyak ako tagpong iniisip ko na wala
na si Sedrick at sinusumpa sa aking sariling hinding-hindi ko na sya mamahalin
habang buhay.
Pero pilit na sinasabi ng puso ko kung
kakayanin ko ba? dahil sa taong galit na galit ako at halos isumpa ko sa langit
at impyerno ay ang taong mahal ko pa rin hanggang ngayon.
Hindi ko alam kung ano ang
nararamdaman ko ngayon, basta ang alam ko masakit ito, masakit na masakit.
Nang alam kong magigising na si mama
ay agad kong pinunasan ang masaganang luha sa aking mga mata at pilit na
ngumiti upang hindi na masaktan pa ang pinaka mamahal kong Ina dahil lang sa
aking pag-iyak-iyak.
“anak? Ok ka na ba? Nagugutom kaba?
Wait lang kukuha kita ng pagkain” hindi man ako hinayaang maka oo at lumabas
ito at bumili ng pagkain, laking pasalamat ko at napakababait ng mommy at Papa
ko hindi ko sila kayang ipagpalit sa kahit kanino mga magulang sa buong mundo.
Saktong paglabas ni mama ay ang
pagdating ng mga kabarkada ko, sina Nina,Mimi at Gary syempre wala si Sedrick.
Lumapit sila sa akin at “nakasimangot”
“Prince bakit ang bad bad mo,nabalitaan
ko yang ginawa mo alam mo bang kasalanan ang ginawa mo?” ang sabi ni Mimi.
“oo nga, gusto mo nabang mamatay?
Gusto mo ako na mismo ang papatay sayo” ang biro ni Nina na nakasibangot pa
rin.
“kayo talaga, sige promise hindi na
mauulit ok? Oh sorry na” ang sabi ko sa kanila at nag smile ng sobra.
“oo dahil pag-inulit mo yan lagot ka
sa akin” ang sabi ni Gary na natawa
naman ang lahat
“ok kana ba nyan? Ngayong patawa-tawa
ka dyan?” ang tanong ni Nina.
“oo naman ako pa? wala atang tatalo sa
lakas ko” ang pagmamalaki ko.
“ay oo nga noh, kaya pala muntik
kanang mamatay kagabi, ang galing ganyan ba ang malakas? Nauubusan ng dugo” ang
kantsaw ni Nina sa akin.
“nako ikaw talaga!” at bahagyang
nalungkot dahil naalala ko ang rason kung bakit ako nag ka ganon kagabi.
Maaga silang nandon at nag kwenthuhan
kami ng hindi naman ganoon katagalan, kinumusta lang nila ang lagay ko at
binigyan ng ilang payo tapos
Biglang bumalik si mama na may dalang
bulalo, kanin at juice.
“osya anjan na si Tita go go go na
kami at maypasok pa tayo, pagaling ka para makapasok kana agad” ang sabi ni
Nina.
Hinatid sila ni mama sa may gate ng
ospital at agad-agad na bumalik.
“Ma, pano yan bababa ang grades ko?”
ang sabi ko ng may pag-aalala.
“don’t worry nakausap ko na ang
teacher mo at excuse ka daw sa lahat ng subject” ang sabi ni mama.
“ at anak ayoko ng gagawin mo ulit ang
ginawa mong ‘yan” ang dagdag pa ni mama.
“opo mama sorry po hindi na po
mauulit” ang paghingi ko ng pasensya.
“good o kumain kana at hindi masarap
ang bulalo kung malamig” ang masaya nang sabi ni mama.
“I love you mama” ang masaya ko naring
sabi.
“I love you too anak” ang masiglang
sabi naman ni mama ko.
Masaya talaga ako dahil kahit busy
sila sa trabaho ay may oras pa rin sila sa akin at hindi ako napapabayaan,
hindi naman ako masukista at ayaw ko rin ang nasasaktan nadala lang ako sa
aking emosyon kaya hindi ko napigilan ang sarili ko sa ginawa kong ‘yon na alam
kong hindi na mauulit.
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment