Wednesday, December 26, 2012

Kababata (Finale)

by: Justyn Shawn

Isang malakas na tadyak ang nagpabukas ng pinto ng apartment na ikinagulat din ni Alvin. Si Wesley at bakas sa mukha ang sobrang galit na pilit na hinahatak ni Janine pero wala itong magawa. ''Hayup ka Wesley! Wag mong ipamukha na mas mahal mo ang baklang yan kaysa sa akin!'', tili ni Janine habang hinahatak si Wesley. Hindi nagdalawang isip si Wesley na itulak ito at malampaso sa sahig. Dumiretso si Wesley sa amin ni Alvin at walang sabi sabing inupakan ito. ''Tangin* mo Alvin! Ulol ka! Pagkakamali mong kinatalo mo pa si Tony!'', sigaw ni Wesley na walang tigil sa pagsapak, tadyak at bubog kay Alvin na walang magawa ng mga oras na yon. Ako ma'y takot na takot kay Wesley ng mga oras na iyon. Ngayon ko lang sya nakitang galit na galit at tila halimaw. Nabugbog nya ng todo si Alvin na nabasag na ang mukha nito sa bawat suntok na binibitiwan ni Wesley. Nalingon si Wesley sa akin na nung mga oras na yon ay nakasiksik ako sa isang gilid ng kama, takot na takot at umiiyak. Doon ay parang natauhan si Wesley at nilapitan ako. Awa ang nakita ko sa mga mata nya habang hawak ang mukha ko at hinahaplos ang sugat sa labi ko. Tuluyan na nya akong niyakap. Wala syang pakialam kung maraming usiserong kapitbahay na nasa labas ng pinto at umuusyoso. Inalalayan ako ni Wesley sa pagtayo at paglakad paalis sa apartment na yon. Hindi pa kami nakakalabas ng pinto ay sumigaw si Janine. ''Hayup ka Tony! Ikaw ang nakagulo sa amin!'', sigaw ni Janine sabay dampot sa kutsilyong dala ni Alvin at tumakbo patungo sa akin. Naging maagap si Wesley na maitulak ako palayo at sa kasamaang palad ay sya ang nasaksak sa tagiliran ni Janine. ''Wesley!!!'', sigaw ko sabay lapit sa kanya. Napatingin sa akin si Wesley bago tuluyang bumagsak payakap sa akin. Kinuyog naman ng mga usisero si Janine ng magtangka itong tumakas. Nagkagulo ang lahat ng mga oras na iyon.''T-Tony.. S-s-sor-ry... H-hind-i k-ko gus-tong s-sak-tan k-ka..'', paghingi ng tawad sa akin ni Wesley habang hinahaplos ang pisngi ko at nakasalalay sya sa mga bisig ko. ''Tama na, wag ka na magsalita.. Ipunin mo ang lakas mo..'', sagot ko sa kanya. Natataranta akong kinuha ang cel sa bulsa ng pantalon ko habang yakap ko pa rin siya. Gusto kong tumawag kay Eric ng mga oras na yon pero hindi ko alam ang eksaktong address. Malaki na din ang pasasalamat ko sa mga usisero doon dahil tumawag na pala sila ng pulis at ambulansya. Ilang minuto lang ay dumating na ang mga ito. Kaya sinakay na si Wesley sa ambulansya na nawalan ng malay ng mga oras na iyon. Hinuli naman ng pulis sina Alvin at Janine na ikinulong para sampahan ng kaso. Hindi naman ako umalis sa tabi ni Wesley hanggang madala sya sa ospital. Diniretso agad siya sa ER. Tumawag na din ako kina Eric at sa magulang ni Wesley upang ipaalam ang nangyari. Walang isang oras ay dumating na doon si Eric at Dino. Malayo pa lang ay nakita ko na ang dalawa at patakbo akong lumapit at yumakap kay Dino habang umiiyak. Kwinento ko lahat ng nangyari. Nahinto lang ang pag-uusap namin ng lumabas ang doktor galing sa loob ng ER.


''Sino ang kamag-anak ng pasyente?'', tanong ng doktor. ''Wala pa po ang parents ni Wesley. Kaibigan po namin ang pasyente. Ano po ba ang lagay nya?'', tanong ni Eric. ''To tell you the truth, unstable pa ang kondisyon ng pasyente. Malalim ang tinamo nyang sugat at muntik ng tumama sa baga nya. Within 24 hours, oobserbahan natin ang lagay nya. Unconcious pa sya until now.'', paliwanag ng doktor. Lalo akong naiyak sa narinig kong iyon. Yumakap sa akin si Dino at hinagod ang likod ko. ''Thank you po doc.'', si Eric. Gabi na ay nag-intay pa din kami sa labas ng ER. ''Bunsoy, pahinga ka muna. Umuwi ka muna sa Dorm. Magpalit ka na ng damit.'', sabi ni Dino. ''Ok lang ako. Ayokong umalis dito.'', sagot ko. ''Sige bunsoy, ako na ang kukuha ng gamit mo. Magdadala na din ako ng pagkain mo.'', prisinta ni Eric. ''Salamat.'', sagot ko. Umalis na si Eric at para kumuha ng gamit samantalang naiwan kami doon ni Dino. Isinandal ni Dino ang ulo ko sa balikat nya. ''Pahinga ka muna bunsoy.. Gigisingin kita pagdating ni Eric.'', sabi ni Dino. Pagod na pagod din ako at masakit pa din ang katawan ng mga oras na yon. Hindi ko na nalabanan ang antok at naidlip na nga ako ng tuluyan sa balikat ni Dino.

''Bunsoy, dito na si Eric. Palit ka muna ng damit.'', gising ni Dino sa akin. Hindi ko namalayang nahimbing pala ako at 1:00 na ng madaling araw. ''Si Wesley?'', agad kong tanong. ''Wala pang pagbabago sa vital signs nya. Magbihis ka muna at kumain. Kanina pa ako dumating pero pinabayaan muna kitang magpahinga.'', sagot ni Eric. Kinuha ko ang damit na dala ni Eric at nagbihis muna. Doon ko lang nakita ang pasa sa mukha at ang sugat sa labi ko. Galit ang naramdaman ko ng mga oras na yon. Desidido akong kasuhan sila Janine at Alvin sa sinapit namin ni Wesley. Kaya matapos kong magbihis ay nagpasama ako kay Eric sa presinto para pormal na sampahan ng kaso ang 2 nakakulong. Si Dino muna ulit ang naiwan sa ospital.

Iniharap sa amin sina Janine at Alvin. Hindi napigilan ni Eric na tadyakan sa mukha si Alvin sa ginawa sa akin. Inawat lang agad ng pulis si Eric. Dumugo ang nguso ni Alvin sa lakas ng sipa ni Eric. Kaharap ko si Janine. Masama pa ang tingin sa amin kaya ng ipapasok na sila sa kulungan ay pasimple ako. Hinablot ko bigla si Janine sa braso sabay sapak ng malakas sa mukha. Makaganti man lang sa ganong paraan. Inawat na din ako ng pulis. ''Sisiguraduhin kong dyan ka na mamamatay sa kulumgan, put* ka!'', galit kong sigaw. Matapos maiayos ang reklamo ay bumalik na kami ulit sa ospital.

Alas-3 na ng madaling araw ng makabalik kami. May ngiti kaming sinalubong ni Dino at sinabing ililipat na sa room si Wesley dahil stable na sya at ligtas na sa panganib. Ngunit wala pa daw itong malay. Medyo nakahinga naman ako ng maluwag sa balitang iyon ni Dino. Ilang minuto lang ay inilabas na ng ER si Wesley para ma-transfer na sa room. Hindi ako umalis sa tabi ni Wesley. Binantayan ko siya habang natutulog. Pinagmasdan ko si Wesley. Lalo pala syang naging gwapo ngayon. Kung hindi mo sya kilala ay mapagkakamalan mo syang modelo o isang artista. Malaki nga ngayon ang pangangatawan nya. Napaka-amo ng mukha nya habang natutulog. Hinaplos ko ang mukha nya at hinalikan ko sya sa noo. Nagulat ako ng magsalita sya habang nakapikit pa. ''Ang lagay ba halik lang sa noo ang makukuha ko matapos kong ibuwis ang buhay ko para sa iyo?'', tanong ni Wesley sabay dilat ng mata at ngumiti sa akin. Hindi ko napigilang mapaluha dahil sa nakita kong ok na sya. ''Ano pa tinatayo mo dyan? Halika dito, yakapin mo naman ako habang tulog pa ang dalawang mokong na yan!'', si Wesley. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya ng dahan dahan para hindi masagi ang sugat nya. Pagkatapos ay pinahiran nya ang luha ko. ''Marami ng atraso ang boyfriend mo sa iyo... Haaay... Sorry...'', paghingi nya ng tawad sa akin. ''Hindi na importante yon. Ang mahalaga ay ligtas ka...'', sagot ko. Pagkasagot ko ay hinawakan nya ang ulo ko at hinalikan ako sa labi. Napakatagal kong hinintay na muli akong mahalikan ni Wesley. Tila panaginip lang ang lahat pero totoo ito. Napakasarap ng halik nyang iyon. Lahat ng atraso nya ay nawala dahil sa isang halik nyang iyon. Matagal na naglapat ang aming mga labi. Tila ayoko ng matapos ang sandaling iyon. ''Nako, nakuha pang maghalikan ng dalawa!'', si Dino na kanina pa pala nagising ito at pinapanood kami, kaya lang kami natigil ni Wesley. ''Mamboboso ka talaga Dino! Ha ha ha!'', biro ni Wesley. Nagkakwentuhan na kami sa mga magagandang nangyari pagpunta namin ni Dino dito sa Manila. Hanggang sa dalawin na kami ng antok. ''Dito ka matulog sa tabi ko..'', lambing ni Wesley. ''Wag na, baka masagi pa yang sugat mo.'', pagtanggi ko sa gusto nya. ''E di dito ka sa kanan ko para hindi mo masagi.'', katwiran nito. ''Sige na nga..'', pagpayag ko sa kanya. Tila bata naman si Wesley na abot ngiti ng tumabi ako at niyakap ako agad. Mahimbing kaming nakatulog.

Kinabukasan ay masaya kaming nagising. Isang halik ang ibinigay ni Wesley sa akin. ''Ano ka ba? Hindi pa ako nagtu-toothbrush, hinahalikan mo na ako.'', sabi ko sa kanya. ''Wala akong pakelam!'', sagot nya ng may pilyong ngiti. ''Loko ka talaga. Bili muna ako sandali ng breakfast natin.'', sabi ko sa kanya. ''Bilisan mo ha? Gusto ko dito ka lang...'', lambing ni Wesley. ''Opo!'', sagot ko naman. Palabas na ako ng kwarto ng tawagin ako ulit nito. ''Psst! May nakalimutan ka!'', sabay nguso na nagpapahiwatig ng paghiling ng halik. Wala akong nagawa kundi bumalik at ibigay ang hinihiling. Tila bata naman ito na pagkatapos kong bigyan ng halik ay ngiting ngiti ang loko. Medyo natagalan ako ng konti sa fastfood dahil sa dami ng tao. Pagbalik ko ng ospital ay nandoon sa labas ng kwarto sina Eric at Dino.

''Ano ginagawa nyo dyan?'', tanong ko sa kanila. ''Nandyan na Mama ni Wesley. Nag-usap muna sila ng sarilinan. Kapag daw dumating ka ay papasukin ka din namin.'', sagot ni Dino. Kinakabahan ma'y pumasok ako sa kwarto. Natatakot akong sisihin ng Mama ni Wesley dahil sa nangyari dito. Nawala lang ang kabang iyon ng pagpasok ko ay nakita kong nakangiti si Tita sa akin. Lumapit na ako sa kama ni Wesley kung saan nakaupo sa gilid si Tita. ''Alam ko na ang lahat ng nangyari. Pati ang damdamin nyo para sa isa't isa. Wala akong tutol doon. Kung saan masaya ang anak ko, masaya na din ako.'', paliwanag ni Tita. ''Maraming salamat po sa inyo.'', tugon ko naman. ''Pero paano ang mga magulang mo? Alam na ba nila ito?'', tanong ni Tita. ''Sa totoo lang po ay wala silang alam. Gagawa na lang po ako ng paraan para magkausap kami.'', sagot ko kay Tita. Yon nga pala ang magiging problema. Conservative ang family namin at tyak na hindi papayag sina Tatay at Nanay pati mga kuya ko. Saka ko na lang siguro iisipin ang bagay na iyon. Pansamantala ay ang paggaling muna ni Wesley ang kailangang bigyan ng pansin. Masayang masaya kami ni Wesley sa pagsang-ayon ng Mama nya.

Lumipas ang mga araw at nakabawi na ng lakas si Wesley. Naghilom na din ang sugat nya at malaon ay nakalabas na ng ospital. Pagkatapos ay pinagpatuloy namin ang aming pag-aaral at naging maayos naman ang buong school year. Dumating ang bakasyon at sabay sabay kaming apat na umuwi ng probinsya. Nanatiling lihim ang aming relasyon ni Wesley sa aking pamilya dahil tiyak na hindi sasang-ayon ang mga ito sa amin. Pinagsasaluhan namin ni Wesley ang init ng aming katawan sa bahay nila Wesley dahil bantad na sa aming relasyon ang Mama ni Wesley. Pero tulad nga ng kasabihang walang lihim ang hindi nabubunyag, nangyari ang kinatatakutan ko. Nalaman ng aking Tatay ang relasyon namin kung kaya sa kauna-unahang pagkakataon ay napagbuhatan ako niya ng kamay. Pinaghiwalay kami ni Wesley at sinabing hindi na ako babalik sa Manila at hindi na din pwedeng magkita ng aking mga kaibigan. 2 linggo akong kinulong sa bahay ni Tatay. Naaawa man ang Nanay at mga kapatid ko ay wala silang magawa. Hindi ko na matiis na pinaglayon kami ni Wesley at ngayon ay tila preso ako sa sariling bahay. Pati ang cellphone ko ay kinuha. Dumating ako sa puntong pagod na ako sa lahat ng ito lalo na ang hindi magandang pakikitungo ng aking ama sa akin. Isa lang ang naisip kong solusyon para takasan ang lahat ng ito. Nakita ko ang sleeping pills sa medicine cabinet. Kinuha ko ito. Binuhos ang marami sa aking palad. Walang dalawang isip ay isinubo ko lahat ito hanggang sa mawalan na ako ng malay.

Pagmulat ng mata ko ay nasa isang kwarto ako at nakahiga. Hindi ito ang kwarto ko. Kakaiba at hindi ko alam kung kanino iyon. Nalingon ako sa aking kaliwang braso at may nakakabit na dextrose. Nasa ospital pala ako. Sa kanan ko ay nandoon ang aking ama at nakangiti habang lumuluha. ''Anak, patawarin mo si Tatay kung naging malupit ako sa iyo. Wag mo na uulitin ulit ito ha?'', paghingi ng tawad ng aking ama. Lumapit na din sila Nanay at mga kuya ko sa kama ko. ''3 days kang walang malay at kahit saglit ay hindi ka nya iniwan at di umalis sa tabi mo.'', sabay turo kay Wesley na nasa sofa sa gilid at natutulog. Napaluha ako ng makita ko si Wesley. ''Anak, pumapayag na ako sa relasyon nyo. Kung saan ka magiging masaya, susuportahan ka namin. Napatunayan din naman ng kababata mo kung gaano ka nya kamahal.'', ang aking ama. Tuluyan na akong naiyak dahil sa narinig kong iyon. Ginising ni Kuya ko si Wesley. Bumangon ito agad at lumapit sa akin, may luha din sa kanyang mga mata. Humalik sa noo ko ang aking ama, tinapik naman sa balikat si Wesley at lumabas ang aking pamilya para magka-usap kami ng sarilinan ni Wesley. Paglabas na paglabas ng aking pamilya ay bigla ako niyakap ni Wesley ng napakahigpit. ''Bakit mo ginawa yon?! Hindi mo ba alam na halos mamatay na ako sa pag-aalala sa iyo?!'', si Wesley habang umiiyak. ''Sorry... Nawalan kasi ako ng pag-asa na makita ka pa ulit. Mas gugustuhin kong mawala na lang kung malalayo din lang ako sa iyo...'', sagot ko. Hinawakan ako ni Wesley sa aking mukha. Tinitigan ng mata sa mata. ''Wag na wag mo ng uulitin to ha? Mamatay ako...'', sumamo niya sa akin. Tumango ako bilang sagot sa kanya. At isang napakatamis na halik sa aking labi ang binigay nya sa akin. Halik na tila kay tagal kong hinintay na mangyari muli. Ilang araw lang ay nakalabas na ako ng ospital. Pinagpatuloy namin ang normal na buhay. Bumalik kami sa Manila para mag-aral.

Lumipas ang mga taon. Nakatapos na sila Wesley, Dino at Eric. Nagkaroon na sila ng matatag na trabaho at after 2 years ay ako naman ang nagtapos. Nakakuha din ako ng magandang trabaho. Nanatili ang closeness naming apat. Sa kabila ng mga pangungutya at mga panlalait ng marami, nanatiling matatag ang relasyon namin ni Wesley. Wala kaming pakialam sa sinasabi ng iba sa amin. Ang mahalaga ay masaya kami at suportado ng pamilya. Nagsama kami ni Wesley sa isang bahay na nabili namin sa Manila. Madalas kaming bisitahin doon nila Eric at Dino. Nagkakakwentuhan sa mga nakaraan at nagkakatawanan na lang. Sa Manila na din nanirahan sina Eric at Dino. Di kalaunan ay nag-ampon kami ni Wesley ng isang baby boy. Inayos namin ang legal adaption sa bata at inapelyido ito kay Wesley.

Ngayon, eto pa rin kami ni Wesley, magkasama. Hindi din naman maiiwasan na minsan ay may di pagkaka-unawaan pero nasosolusyunan agad ito at hindi natatapos ang araw ay nagkakasundo na ulit kami. Ganoon naman talaga sa isang relasyon. Bigayan lang, tiwala, pagmamahalan at respeto sa isa't isa. Grade 6 na ang anak-anakan namin at alam nya ang tungkol sa amin ng Daddy nya. Hindi maiiwasang tinutukso sya na 2 ang ama pero walang ina ngunit lumaki si Will na mabait at maunawaing bata. Hindi nya pinakikinggan ang mga panunuya at sa halip ay pinapakita pa nya sa Daddy at Papa nya na mahal na mahal nya kami. Ano pa nga ba ang hihilingin ko. Ngayon ay nangingiti na lang ako tuwing naaalala ang nagdaang panahon. Sino ba ang mag-aakala na ang aking Kababata ang aking MAKAKASAMA AT MAMAHALING NG HABAMBUHAY. Hindi na namin kailangang ikasal dahil sapat na ang pangako at pagmamahal sa isa't isa na subok na ng panahon. Nagustuhan nyo sana ang aking kwento at nakapagbigay ng aral sa lahat na ANG PAG-IBIG AY WALANG PINIPILING KASARIAN O ESTADO NG BUHAY. KUSA ITONG NARARAMDAMAN AT NASA SA IYO NA KUNG HANDA MONG IPAGLABAN GAYA SA AMIN NI WESLEY....

-----Wakas-----


justynstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment