Wednesday, December 26, 2012

Nilimot na Pag-ibig (01)

by: iamDaRKDReaMeR

Ako si Ronald Santos, panganay ako sa apat na magkakapatid. Hindi naman ako katangkaran ako ay 5'6" lamang, medium built, at kung mukha naman ang aking isasalarawan di naman ako panget at hindi rin naman ganong kagwapo tamang looks kung baga, medyo may kakapalan ang kilay, nangungusap na mga mata, katamtamang tangos ng ilong at manipis na labi na nagdadala ng aking pinaka magandang asset ang aking mga ngiti. Marami ang nagsasabi na may pagkakahawig ako sa artistang si Jericho Rosales at yung iba naman sinasabing si Mico Palanca ang aking kawangis. Hindi ko alam sa kanila kung malabo lamang ang kanilang mga mata.


October of 2010 ng ipasa ko ang resignation letter ko sa pinapasukan kong apartelle sa Cubao upang mangibang bayan at dahil na rin sa tulong ng aking tiyuhin na nag sponsor sa akin upang makapunta sa Gitnang Silangang Asya sa edad na 24 na taong gulang.

It was November 10, 2010.

8:00 ng umaga inisa isa kong tsinek kung kumpleto na ang gamit na aking dadalhin. Tinimbang ang aking mga bagahe. (mahirap na baka mag excess baggage ako, mahal kaya ang babayaran). Matapos matignan at masigurong lahat ng bagahe ko at mga padala ng mga kakilala ng aking tiyuhin ay nasa loob na ng aking maleta ay naligo na ako upang ihanda ang sarili sa aking pag-alis papuntang UAE. 10:00 ng umaga ng umalis kami ng bahay upang maihatid na ako ng aking pamilya sa airport. 11:30 ng kami ay makarating ng NAIA. Pagdating ko ng airport agad kong tinawagan ang aking kaibigan na si Janice. Si Janice ay nakatrabaho ko dati sa isang hotel sa malate bilang receptionist at ngayon ay nagtatrabaho na sa airport bilang ground steward.

"Hello Janice dito na ako sa loob ng airport san ka?" ang tanong kong tawag sa kanya.

"Sandali lang hintayin mo ako dyan malapit sa entrance at pupuntahan kita." ang tugon nya sa akin.

Wala pang limang minuto ng makita ko si Janice na papalapit sa aking kinaroroonan. "Friend tuloy na talaga ang alis natin ha mukhang di na mapipigilan." ang pagbati nyang wika sa akin. Ngiti lamang ang aking sinagot sa kanya. Inalalayan ako ni Janice hanggang sa ako ay makapag check-in at hintayin ang takdang oras ng aking paglipad.

Eksaktong alas 3:30 ng hapon na kami ay pumahimpapawid. 9:30 ng gabi ng makatuntong ako sa Abu Dhabi International Airport, United Arab Emirates. Naghintay ako sa aking tiyuhin na syang susundo sa akin papunta sa aming titirahan.

Ilang sandali pa ay nakita ko na ang aking tiyuhin at inalalayan ako papunta sa kotse.

Nang makarating kami ng bahay ay di ko agad inayos ang aking gamit nagpunta muna kami sa isang mall para makapamili ng ibang gamit para sa akin.

Pagbalik namin ng bahay ay ipinakilala ko ni tito sa mga makakasama ko sa bahay. "Ron ito nga pala si Jane, si Roger bf ni Jane, si Virgie, si Cherrie, at si Edward sya ang makakasama natin sa kwarto." ang pagpapakilala sa akin ng aking tiyuhin. (si Jane at si Roger ay magkasama sa iisang kwarto. Si Virgie at si Cherrie ay sa kabila nman. at ako kasama si Edward at ang aking tiyuhin sa isang kwarto).

Pagkalipas ng anim na araw nagpunta ako sa isang computer shop upang mag check ng e-mail at mag send na rin ng mga CV (curriculum vitae) sa ibang mga mga kompanyang maaari kong mapasukan. Oo, hindi kayo nagkakamali pumunta ako sa UAE bilang visit visa.

Nang matapos na ang pacheck ko ng e-mail at nakapag send na ng CV binuksan ko ang aking yahoo messenger at nagpunta sa isang gay chat room. Oo ulit hindi kayo nagkakamali ng pagkakabasa pero ako ang tinatawag na bisexual. Naghanap ako sa chat room ng pilipino na makakausap at hindi nagtagal ay may tumugon naman sa aking pagtatanong.

BUZZ!

kamikazee: taga saan ka?
ronald: dito ako sa abu dhabi, ikaw?
kamikazee: ah dito ako sa dubai.
ronald: wow, talaga? hindi ba malayo dito yan?
kamikazee: hindi nman mga 2 oras at kalahati lang ang byahe
ronald: ahhh para lang pala akong bumyahe papuntang Nueva Ecija. =)
kamikazee: taga saan ka ba sa pinas?
ronald: taga Caloocan ako. ikaw?
kamikazee: taga QC ako. btw i'm Lyndon Garces. ikaw anong name mo?
ronald: obvious ba sa username ko? lol
ronald: kidding aside im Ronald Santos. nice meeting you
kamikazee: same here
ronald: nga pala pwede ko bang mahingi ang phone number mo?
kamikazee: oo ba yun lang pala. (at ibinigay niya. di ko na ilalagay dito baka tawagan nyo pa. lol)
ronald: sige salamat tawagan na lang kita kasi malapit na akong mag time
kamikazee: sige tol salamat din sa time asahan ko ang tawag mo.
ronald: sige tol. tawagan kita mamaya.

Naging masaya ako ng araw na iyo hindi ko maipaliwanag ang sayang aking nadarama sapagkat hindi nagtagal ay nagkaroon ako ng isang kaibigan na pwede kong makausap maliban sa mga kasama ko sa bahay.

Hindi nagtagal at natanggap ako sa isang hotel dito at nagtrabaho bilang receptionist.

Naging madalas kaming magkausap ni Lyndon sa telepono halos isang buwan din kaming walang mintis na nag uusap, nagkukumustahan at nag kukwentuhan ng mga bagay bagay na nangyari sa amin sa buong maghapon.

Dumating ang araw na kaylangan kong mag exit upang itransfer ang visit visa ko sa working visa. Tinawagan ko si Lyndon. "Hello Lee! mag eexit nga pala ako kasi ipaprocess na yung employment visa ko. Pero wag kang mag-alala sisiguraduhin kong mag oonline ako lagi para magkausap pa rin tayo kahit na nasa Kish Island ako." ang pagpapaalam ko sa kanya. "Sige Ron, basta wag mong kakalimutan na mag online ha. Ingat ka don at pagbalik mo tawagan mo agad ako." ang bilin nya sa akin.

Nasa Dubai Airport Terminal 2 ako kasama pa ng 2 kong kasamahan upang mag exit. Gabi na rin ng makarating kami ng Kish Island, Iraq. Nagkahiwa-hiwalay kaming 3, sabagay wala rin nman akong pakialam kahit na hiwahiwalay kami di ko nman sila ka close, lol. Dahil sa pagod ay napagpasiyahan kong matulog na lang sa halip na kumain.

Kinabukasan, bandang hapon naghanap ako ng computer shop upang mag online. Nang makapag sign in ako nakita ko agad na naka online na si Lee. Kumabog ang puso ko. Sa totoo lang di ko pa sya nakikita pero di ko maipaliwanag ang pakiramdam ko para sa kanya.

BUZZ!

ronald: musta ka na?
kamikazee: ito ok naman. ikaw ang musta na, ok ka lang ba dyan?
ronald: ok nman ako dito kaya lang hiwahiwalay kami ng mga kasamahan ko.
kamikazee: ganon ba? basta ingat ka dyan palagi ha. di ako magtatagal kasi may pasok pa ako.
ronald: oo naman mag iingat ako. ganon ba papasok ka na pala =(
kamikazee: oo alam mo naman na split timing ako diba.
ronald: ok sige. ingat ka na lang.
kamikazee: thanks. basta kung mag oonline ka at nakita mo ako buzz mo lang ako. ok
ronald: ok po. ingat po ulit.

At ganon na nga ang naging takbo ng aming sitwasyon. Nag oonline ako at pag nakita ko si Lee BUZZ agad agad wala ng dalawang isip pa.

Pagsapit ng ikatlong araw ay ako na lang mag-isa ang natira sa kwarto at makalipas ang ilang sandali ay may pumasok na apat lalaki sa kwarto mga bagong dating galing ng Dubai, change visa din. Since ako na lang mag-isa sa kwarto don silang apat pumuwesto.

Actually pang tatlo lang yung kwarto pero di ko alam sa kanila pero lahat silang apat don sa kwarto ko pumwesto.

Nagpakilala silang apat. "Hi, ako nga pala si Owen, sya naman si Gerald, ito nman si Raymond, at siya naman si Allan." ang wika ni Owen. Si Owen ang pinakamatanda sa kanila siguro mga nasa 28 na sya matangkad mga 5'9" medyo chubby pero may looks. si Gerald nman ay mga 5'7" ang height maganda ang hubog ng katawan chinito type of guys. Si Raymond pag tinignan mo ay para namang hindi makabasag pinggan tahimik, 5'8" ang height at medyo maganda rin ang tikas ng katawan at kung kilala nyo si Diego Garcia ganon ang mukha nya sobrang hawig sila ang pinagkaiba lang ay medyo moreno si Raymond. At si Allan halos kasing tangkad ko lang 5'6" moreno at ang looks nman di sya pogi pero ang lakas ng appeal.

Nag bonding kami ng gabi na iyon sa tinatawag nilang rooftop at don nagkwentuhan habang nag sisheesha (parang yosi na hihihithit mo sa pamamagitang ng mahabang hose na nakakabit sa isang jar na may tubig at ang flavor nito ay nakalagay sa ibabaw na nilalagyan ng baga). Inabot din kami ng alas 2 ng madaling araw bago umuwi at nung nakabalik na kami ay pinagtabi tabi namin ang kama upang matulog. lahat ay nakapila na sa banyo upang mag freshen up. At nang oras na ng pagtulog ay nagkwentuhan pa ng konti hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na ako at di ko na namalayan ang mga sumunod na pangyayari.

Itutuloy. . . . . . . . . . .  .


unspokenwordsofdarkdreamer.blogspot.com

No comments:

Post a Comment