by: iamDaRKDReaMeR
"Tol, tol, tol..." ang
paggising sa akin ni Christian.
"Oh bakit? Di ka pa ba
natutulog?" ang mejo inis kong sagot dito.
"Tol ang sama kasi ng panaginip
ko kaya nagising ako." ang paliwanag nito sa akin.
"Bakit ano ba napanaginipan
mo?" ang tanong ko dito.
"Basta tol di ko
maipaliwanag." ang di ko maintindihang paliwanag nya.
"Ay nako tol kulang lang yan sa
dasal. Matulog na tayo ulit inaantok pa ako." ang wika ko dito.
"Tol pwede bang tumabi na lang ako
sa yo?" ang tanong nito sa akin.
Ano bang tumatakbo sa isip nitong
ungas na to at ginusto pang tumabi sa akin?
"Bakit? kita mong sakto lang pang
isahan ang kama oh." ang pagtutol ko dito. Pero sa totoo lang ok lang
naman sa akin na tumabi sya kaya lang baka naman kasi ano pa ang mangyari ayaw
kong magtaksil sa Labs ko.
"Sige na tol, please?" ang
pangungulit nito sa akin.
Sa totoo lang ako ang tipo ng tao na
ayaw nakakarinig ng salitang PLEASE kasi hinding hindi ko mahihindian.
"Sige na nga kahit maliit ang
kama." ang inis inisan kong sagot.
Nagulat ako sa sunod nyang ginawa.
Ipinagdikit nya ang kama.
"Salamat tol, ipinagdikit ko na
lang ang kama natin para mejo lumaki naman. Kasi tol sa totoo lang nangyayakap
ako pag tulog kaya idinikit ko ang kama para malawak at di kita mayakap.
Nakakahiya kasi." ang mahaba nyang paliwanag na sinagot ko lang ng tango.
Nanghinayang ako. ahahahaha...
Pagkakataon na sana, lol.
Bumalik na nga kami sa pagtulog.
Pagkagising kinabukasan ay nakita ko
si Christian na tulog pa natalikod sa akin habang yakap ang isa nyang unan. Sa
totoo lang para lang syang batang walang muwang sa mundo kung titignan.
Maingat akong tumayo upang
makapaghilamos at maghanda para sa almusal.
Pagbalik ko ay gising na rin ang
ungas.
"Good morning tol!" ang
malugod nyang bati.
"Good morning din. Maghilamos ka
na at ng makakuha na tayo ng free breakfast." ang wika ko dito.
"Opo pero we're not going to take
the free breakfast we're going to eat don sa kinainan natin kagabi. Ayaw kong
kumain ng tinapay na matigas. Don't worry it's my treat." ang mahabang
wika nito sa akin.
Agad syang tumungo sa banyo upang
maghilamos ang makapagsipilyo at ng matapos na sya.
"Ano tara na?" ang pag aya
nya sa akin.
Sinagot ko lang ito ng tango.
_____
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng
almusal ng makatanggap ako ng text galing kay Lee.
"Mahal mag online ka agad pag
nareceive mo tong message ko... Ingat ka jan... I miss you and I love
you."
"Sino yan?" ang tanong naman
ni Christian.
"Ah eh... FRIEND ko." ang
maikli kong sagot.
Nang matapos kaming kumain ni
Christian ay nagpaalam ako dito na mag iinternet ako upang makibalita about sa
visa ko, agad nman itong pumayag at sumama na rin upang mag check din ng email
nya.
Nang makarating kami ng internet shop
ay agad kaming pumunta ng counter upang kumuha ng pwesto namin. Magkatabing
unit ang kinuha namin. Nang makaupo ako ay agad akong nag online.
BUZZ!
ronald: Labs dito na po ako.
kamikaze: Mahal musta ka na? Miss na
kita sobra.
ronald: ok nman po ako dito. ikaw
kamusta ka na miss na miss na rin kita. Ano na nga pala ang balita sa visa ko?
kamikaze: ayun na nga Mahal medyo
matatagalan yung processing sabi ng agent kasi daw cancellation yan, pero wag
kang mag-alala gagawan ko ng paraan na mapabilis ang pag release ng visa mo.
ronald: sana Labs mairelease na kasi
miss na kita at isa pa ang gastos dito baka maubusan na ako ng budget.
kamikaze: ah ganon ba? sige
magpapadala ako ngayon sa yo ng pera. pano ba magpadala ng pera dyan tulad din
ba sa Kish?
ronald: hindi ko pa alam Labs
magtatanong ako wait.
Nagtanong nga ako sa mga Pilipino na
nakita ko don sa internet shop at agad kong ibinigay kay Lee ang paraan upang
mapadalahan nya ako ng pera.
ronald: Labs sa Al Ansari daw sabihin
mo lang magpapadala ka sa Qeshm tapos send mo na lang sa akin yung control
number at ifax mo na rin yung receipt kung pwede para daw mas sigurado na
makukuha ko yung pera.
kamikaze: ok sige Mahal magpapadala na
agad ako now para makuha mo na agad. Wait mo yung text ko at yung fax ko na
receipt ha.
ronald: sige po Mahal baka kasi
kapusin ako pero yung hotel ko advanced ako ng bayad till 10 days para sure na
ako dineposit ko na sa reception mahirap na baka kapusin ako.
kamikaze: mas ok na yung ginawa mo na
yun Mahal. Sige na Mahal out na ako para makapagpadala na ako. Ingat ka jan ha
wag mong pababayaan ang sarili mo wala ako jan para mag-alaga sa yo. i miss you
and i love you.
ronald: i love you more Labs.
At nag out na nga ako at agad kong
sinabihan si Christian.
"Ui tapos na ako, ikaw ba
magtatagal ka pa?" ang tanong ko dito.
"Ah hindi tapos na rin ako. Ano
tara na?" ang balik nyang sagot sa akin.
Nang makalabas kami ng internet shop
ay agad kaming bumalik ng room namin upang makapagpahinga sandali dahil mainit
din naman sa labas.
"So anong plano natin ngayong
araw na toh?" ang tanong ni Christian.
"Hmmmm.... Hintayin ko lang yung
text ng Labs ko tapos yung fax nya na receipt at magke claim ako ng pera na
padala nya." ang sagot ko dito.
"Labs!? ui may gf na pala
sya." ang tukso nito sa akin na di ko naman alam kung pano ko lulusutan.
"Ah eh...." ang tanging
naisagot ko.
"O kitam di makasagot. Magdedeny
pa wala ka ng lusot nahuli na kaya umamin na." ang pambubuska nito sa
akin.
"Ewan ko sa yo bahala ka
dyan!" ang galit galitan kong tugon dito.
"Ui namumula sya. Sya yung kausap
mo sa internet shop kanina noh?" na hindi ko naman sinagot bagkus ay
humiga ako sa kama patalikod sa kanya.
"Sige na nga tulog na lang din
muna ako. Sorry ha makulit lang talaga ako." ang simpleng wika nito sa
akin.
Hindi ko namalayan na nakatulog na
pala ako nagising na lang ako sa pagvibrate ng phone ko ng tignan ko ay message
galing kay Lee.
"Mahal nakapag padala na po ako
ito po yung control number 326-0001-234 at nafax ko na rin yung receipt paki
check na lang sa reception. Ingat po. Miss na kita at mahal po kita." ang
text message na nakuha ko galing sa kanya.
Kaya naman agad akong bumangon upang
tignan kung dumating na nga yung receipt ng money transfer nya upang ma claim
ko na rin.
Pagkatayong pagkatayo ko ng kama ay
nagising din ang ungas na si Christian.
"Ui tol san ka pupunta? iiwan mo
ko dito? di mo man lang ako ginising." ang tila may pagtatampo sa tono nito.
"Ang sarap kasi ng pagkakatulog
mo sobrang himbing nakakahiya namang manggising." ang paliwanag ko dito.
"Kahit na diba may usapan
tayo?" ang paggiit nito sa akin.
"Excuse me wala kaya tayong napag
usapan dahil nambwisit ka kaya natulog na lang ako." ang sagot ko dito na
mejo inis.
"Ay oo nga pala. ahahahaha."
ang tila batang sagot nito sa akin.
Kaya nman agad akong bumaba upang
icheck ang fax message na nareceive ng reception hindi ko namalayan na sumunod
pala ang ugok.
"Ui ang bilis mo namang maglakad
may hinahabol ka ba?" ang pagtawag nito sa aking atensyon.
Ngunit hindi ko ito pinansin bagkus at
dumiretso pa rin ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang reception.
"Good Afternoon! I want to ask if
you received a fax message attention to Ronald Santos?" ang tanong ko sa
receptionist.
Agad nman nitong hinanap at ng makita
ay ibinigay na sa akin.
"Yes meron. So pano sasama ka ba
sa akin sa city proper para kunin ko to o ako na lang mag-isa ang pupunta
don?" ang pag anyaya ko kay Christian.
"Sasama ako noh ano naman ang
gagawin ko ditong mag isa alam mo namang ikaw lang ang kaclose ko dito kasi
ikaw lang sinamahan ko." ang pagpapaliwanag nito.
Agad naman kaming tumungo ng city
proper upang makuha na nga ang pera na ipinadala ni Lee sa akin.
May bente minutos din kaming nagbyahe
at ng marating namin ang money exchange ay agad akong pumasok at tinungo ang
counter upang ipakita ang transaction receipt. Ilang sandali pa ay nakuha ko na
ang pera.
"Tol nakuha ko na, san
tayo?" ang wika ko dito.
"Tol punta muna tayo sa mall gala
lang tayo." ang tugon ni Christian sa akin.
Agad naman naming tinungo ang mall na
kaharap lang mismo ng money exchange.
Naglibot lang kami at tumingin tingin
ng mga tinda sa loob ng mall na mga damit at sapatos. Maliit lang ang mall at
madali lang malibot kaya naman ng matapos naming malibot ay nag aya na lang
akong kumain.
Pumunta lang kami sa isang refreshment
stall at doon kumain ng fried chicken, hamburger and shake. At syempre, ako ang
may pera now kaya ako ang taya. Nang matapos kaming kumain ay napag desisyunan
na naming bumalik ng hotel.
Pagbalik namin ay sinabihan ko si
Christian na tatawag lang ako imbes na tumuloy na sya ng room ay sumama pa sya
sa akin sa phone booth. Nang makarating kami ng phone booth ay agad akong
nagpunta ng counter at tinanong kung may bakanteng phone. Swerte naman at
meron, agad akong pumunta sa bakanteng telepono at si Christian naman ay umupo
lang upang hintayin na lang akong matapos sa aking pagtawag.
"Hello Labs." ang bungad ko.
"Hello Mahal." ang sagot ni
Lee.
"Thank you ha nakuha ko na yung
pinadala mo sa akin." ang masaya kong wika dito.
"Wala yun Mahal basta para sa
yo." ang masuyo nitong tugon.
Hindi ko namalayan na medyo napahaba na
pala ang usapan naming dalawa ni Lee at sa sobrang sarap ng usapan namin ay di
ko namalayan na nasa likuran ko na pala si Christian at nakikinig.
Nang maibaba ko ang tawag ay.
Itutuloy. . . . . . . . . . . .
unspokenwordsofdarkdreamer.blogspot.com
No comments:
Post a Comment