Wednesday, December 26, 2012

Part of Me (Finale)

by: Apollo22

Maraming oras, araw at buwan ang lumipas at naging masaya ang pagsasama namin ni Sedrick, syempre hindi mawawala ang tampuhan pero nasusulusyonan namin yo’n dahil ayaw na naming maulit ang nangyari sa amin noon, marahil mababaw palang ang aming pinagdaanan ngayon na alam kong pinagdadaanan rin maraming kabataang sa kasalukuyan, pero ano nga ba ang magagawa natin? Ganyan ang highschool life puro kilig at puro tampuhan, pero mauuwi rin sa suyuan.


“mahal dalian mo mahuhuli na tayo sa graduation” ang ng pinaka mamahal kong si Sedrick

“oo wait lang! nagbibihis pa ako” ang tugon ko naman.

“dali naghihintay na si Kuya at ang barkada sa van, naiinis na raw sila sa kakahintay.”  ang tugon nito.

“wait lang! nagmamadale? Mamaya pa ang graduation ah! ang aga naman natin” ang tugon ko habang pababa sa hagdan at inilalagay na ang belt.

“ang pogi ah?” ang bati nito, nginitian ko lang ito.
“syempre kakain muna daw tayo sa labas bago mag graduate” ang paliwanag nito sabay akbay sa akin.

“ bakit? Ang tatakaw nyo talaga, pwede naman tayong kumain sa bahay! Masarap pa ang luto ni Manang Judith” ang tugon ko.

“ay para maiba, lagi naman tayong kumakain dito simula no’ng magkabati tayo ah?” ang wika nito

“hala sumbong kita kay Manang” ang inis ko sa kanya.

“shhhhh wag kang maingay ang sarap nga ng luto ni Manang! Eh” at linakasan nito parang gustong iparinig kay Manang.

“o tara na” ang tugon nito at sumunod ako sa kanya palabas.

“ My Gosh! Ang tagal nyo ah! naglampungan pa kayo sa loob noh?” ang wika ni Nina na nakaupo sa front passenger seat,

“oo” ang sabi naman ni Sedrick sabay kiss sa pisngi ko.

“o tama na yan sakay na kayo” ang sabi naman ni James na sa ang nagmamaneho.

“opo kuya” sabi ni Sedrick
“wait ako muna ang sasakay, mahirap na” ang sabi Sedrick.

“nako hindi ka talaga gentleman” ang  wika ko.

“ayaw ko lang na magkatabi kayo ni Gary, alam mo naman ito loko-loko baka pati ikaw sulutin ka” ang biro nito.

“pare naman! Hindi ako ganon ah!” ang sabi ni Gary sabay tawanan naming lahat.

“ang popogi naman nitong mga katabi ko! Parang artista parang ayaw ko nang bumaba” ang biro ni Mimi.

“salamat Mimi” ang tugon ko.

“kung bakit pa kasi sa sobrang kapogian ninyo pati kayo ni Sedrick na inlove sa isa’t-isa” ang biro muli nito.

At napakamot kaming dalawa ni Sedrick sa ulo.

Nang makarating kami sa isang sikat na restaurant ay agad kaming kumuha ng table for 6  at umorder na rin sila.

“ang dami naman ng inorder mo!” ang inis ko kay Sedrick.
“tapos ako hindi mo man ako binigyang ng pagkakataong makapag order”  ang dagdag ko pa.

“sorry naman, para na kasi sa ating dalawa yun eh” ang lambing nito.

“eeeeeeeeeeee! Ang cheesy naman” ang wika ni Nina

Kinikilig ako sa loob-loob ko dahil ito ang pinaka gusto ko kay Sedrick napaka defensive pagdating sa akin para bang pati ang lamok ay ay ipa dampi sa akin, ang sarap sa pakiramdam na sa lahat-lahat ng pinagdaanan namin ay hindi pa rin pala nawawala ang pagkasweet nito.

“ok ka lang mahal nakatunganga ka nanaman” ang sabi ni Sedrick.

“hindi ako ok!” ang inis kong sabi.

“bakit? May nagawa ba akong mali? Sabihin mo lang at itatama ko, alam mo namang minsan hindi ko alam ang ginagawa ko nasasaktan na pala kita” ang paliwanag nito na ikinatawa ko.

“ikaw nanga!” ang sagot ko lang .

“anong ako na?” ang tanong nito.

“ikaw nanga ang taong mamahalin ko habang buhay, magunaw man ang mundo, tumanda man tayo, magkaroon man tayo ng wrinkles, mapilay Kaman at hindi kana makalakad aalagaan kita, basta wag mo lang ako muling lolokohin dahil alam mo na ang mangyayari, lalabas ang tigre” ang mahina kong sabi.

“oo alam ko, at ikaw naman ang mamahalin ko dito sa lupa maging sa langit at kahit sa impyerno pa, ikaw rin ang aking insperasyon sa lahat ng aking ginagawa at para sayo lahat ng iyon, mamamatay ako ‘pag nawala ka at higit sa lahat hindi-hindi kita lolokohin” ang pabulong rin nitong sabi.

“hoy ano ang ngini-ngiti nyo riyan? Ano ang nakakatawa” ang wika ni Gary.

“wala!” ang sabay na tugon naming nito.

At kumain na kami, masaya at kinakabahan ang aking pakiramdam dahil talaga namang excited akong  mag-graduate sa sobrang excite ko ay napakain ako ng marami at tinawanan naman ako ng mga ungas.

Nang matapos kami ay nalaman namin na ang pamilya pala ni Nathan ang may ari ng restaurant o diba susyal? Sabay deretso sa school ng puno ang t’yan namin.

Habang hindihintay namin ang graduation ceremony na magsimula ay nagmuni-muni muna kami sa classroom namin kasama narin si Kuya James.

“hi” ang bati ni Tom at Nathan na nasapintuan.

“wag kayong lalapit kung hindi kakatayin ko kayo” ang wika ni Sedrick
Natawa naman kami sa inasta ni Sedrick.

Lumapit pa rin sila dahil alam naman nila na biro lang ni Sedrick yun, nag shake hands pa ang  dalawa, siguro gano’n talaga magbiruan ang mga astig na lalaki.

“pare congrats ah.” ang tugon ni Tom kay Sedrick.

“oo pare, basta lumayo-layo kalang ng konti sa mahal ko.

“oo pare, wag kanang mag alala” sabay tapik sa balikat.

natigilan si Tom at napatunganga sa isang banda ng classroom.

“huy! Huy! Ok kalang pare” at tumingin kami kung saan ito nakatitig, do’n pala sa banda kung saan si Kuya James at nagtitext ito, napatigil rin ito, napatingin rin sa amin at lumapit.

“oh bkit?” ang tanong ni James nang may pagtataka.

Na starstruck ata si Tom at parang naging tuod, ni hindi ko alam ung humuhinga pa ito or what.

Inilahad ni Tom ang kanyang kamay habang nakatitig pa rin sa gwapong mukha ni James

“I’m Tom” ang pakilala nito.

Mukhang alam naman ni James  ang nangyayari kay Tom kaya nag “hi” na rin ito pero hindi kinamayan.

“hi” sabi muli ni Tom

“I said hi din” sabi naman ni James pero hindi nag abalang tignan si Tom na na starsturck pa rin, natatawa kami na ewan sa mga reaksyon nilang dalawa.

“o tara na, tawag na tayo nong speaker” ang wika ni Nina na nanggaling sa labas.

Habang palabas ay nakatitig pa rin si Tom kay James.
“pare ok kalang” at siniko ito ni Nathan.

“pare inlove na ata ako” at itinuro nito si James.

“pare gutom lang yan, mamaya kain tayo sa restaurant” ang tugon nito at tumango lang si Tom.

Umapaw ang kaligayanhan sa lahat, lalo pa’t 3rd honorable mention ako, si Nina naman ay 2nd honorable mention si  Mimi ay 1st honorable at nakahabol pa naman si Sedrick na nasa 7th honorable mention kahit wala sa amin ang nakasungkit sa pinaka mataas na parangal ay masaya na kami dahil hindi naman namin masyadong ginalingan at mas gusto naming mag-enjoy kesa mag pakalango sa pag-aaral.

Tila naging sabitan naman ng medals si Gary dahil ang dami nitong parangal sa larangan ng sports at sa larangan ng isang mabuting istudyante, tawang-tawa kami dahil pabalik-balik ito sa stage para paulit-ulit na pagtanggap ng parangal, natapos ng araw nang iyon nang magkakasama at hindi nagiiwanan masaya kami sa lahat ng pagkakataon.

Si Tom naman ay hindi mapigil sa pagkulit kay James, ngunit itong si James tila ayaw naman kay Tom, panay ang dikit ni Tom pagkatapos na pagkatapos ng graduation, halata naman na iritang-irita si James sa ginagawa ni Tom kulang nalang at sigawan ito para lumayo, ang cute kaya nilang tignan. Ang dalawang pogi, nagkukulitan.

At yan ang kwento ng highschool life ko, mababaw, magulo pero masaya at nakakainlove, sana nga lang ay wala nang pangit na mangyari sa amin ni Sedrick dahil kontento na ako sa kanya at ganon rin sya sa akin, nagpapasalamat ako sa Diyos na dahil kahit ganito ang napili kong sexualidad ay hindi nya ako pinabayaan at bagkus ay tinulungan nya pa akong maging masaya.

-----Wakas-----


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment