by: iamDaRKDReaMeR
“Tutal gusto mo naman malaman ang
totoo. Makinig ka.” Ang ulit ko dito.
“Ayaw kong magtaksil sa boyfriend ko
pero hindi ko maiwasan!” ang pauna kong wika. “Sa halos dalawang linggo nating
magkasama nahulog na ako sayo. Hindi dapat
pero nangyari na. Hindi pwede pero nandyan ka lagi para sa akin. Pilit
kong iniiwasan pero hindi ko maiwasan. Akala mo ba madali ang pinagdaraanan ko
ngayon? May boyfriend ako pero na iinlove ako sayo! Ayaw kong makasakit ng tao!
Ayaw kong masaktan ka. At higit sa lahat ayaw kong masaktan ko ang boyfriend
ko.” Ang tuluy-tuloy kong pagsasaad habang lumuluha.
Nakatanaw lang sa akin si Christian at
tulala.
“Ngayong nalaman mo na, may sasabihin
ka pa ba?” ang malamig kong tanong dito. “Kung wala ka ng tanong matutulog na
ako.”
Pabalik na ako ng kama ng biglang
hawakan ako ni Christian sa aking balikat.
Iniharap ako nito sa kanya. Nagulat na lang ako ng bigla nya akong
siniil ng halik. Maalab ngunit dama mo ang nag uumaw na pagmamahal. Gusto ko
syang itulak ngunit nanghina ako. Tuluyang nadarang ang aking damdamin sa sidhi
ng kanyang halik.
Naging mapusok kaming dalawa.
Namalayan ko na lang na parehas na kaming nasa kama kapwa walang saplot sa
katawan. Nangyari ang hindi ko inaasahan. Nakikipagtalik na ako kay Christian.
Isang bagay na hindi ko gustong gawin ngunit nangyari. Isang bagay na maari
kong pagsisihan. Isang bagay na pwedeng makasira sa relasyon ko kay Lee. Ngunit
nangyari na hindi ko na kaya pang ibalik ang oras. Hindi ko na kayang itama ang
maling ginagawa ko.
Naging masuyo si Christian sa kama.
Isang bagay na maihahalintulad ko sa ginagawa namin ni Lee. Sa totoo lang nung
mga sandaling nagniniig kami, si Lee ang nasa isip ko. Kasing husay ni
Chiristian pagdating sa kama. Tama ba tong ginawa ko? Ang tanong ko sa sarili
ko. Alam kong mali pero bakit ako nagpadala sa tukso. Ganon ba karupok ang
pagmamahal ko kay Lee?
“I love you Ron. I know this is not
right but please just for tonight. Let’s
make love.” Ang pagsusumamo ni Chirstian.
Tila nagpatiaanod na lang ako sa agos
ng kamunduhan.
Nagsimula muli si Christian. Ngunit sa
pagkakataong ito ramdam ko ang rubdob ng kanyang pagmamahal sa akin. Kung ito nga ang tamang pagpapaliwanag ng
aking nararamdaman ng sandaling iyon. Kung nung umpisa si Lee ang iniisip
ko. Napalitan ito. Talagang masasabing mahal nga ako ni
Christian. Mapusok ang naging tagpong
iyon.
Kapwa kami hinihingal ng matapos.
“Sorry…” ang simpleng wika ni
Christian.
Ngunit hindi ko ito tinugon. Natulog kami ni Christian ng magkayakap.
_____
“Tol gising na. Breakfast na tayo at baka mahuli pa tayo sa
flight.” Ang panggigising ni Christian sa akin.
Nagulat na lang ako dahil bumili na
pala ito sa canteen ng makakain. Handa
na ang lahat. Halatang pingkaabalahan
nya ito.
“Ano tol. Tititigan mo na lang ba ang
pagkain?” ang pag pukaw nito ng tulog kong isipan.
Agad naman akong nagtungo ng banyo
upang maghilamos at makapag mumog , nang
matapos ay agad akong bumalik at sabay kaming kumain.
“Tol sana walang magbabago sa atin
ha.” Ang nag-aalinlangan nitong wika.
“Hindi ko maipapangako. But you have
my number naman diba? You can call me anytime.” Ang simple kong tugon.
Nang matapos kaming kumain ay nag ayos
na kami ng aming. Since dalawa naman ang banyo halos magkasabay na kaming
naligo ni Christian. Ako sa taas na banyo sya sa may baba. Nang matapos na ang
pag-aayos ng sarili at nasiguro na wala kaming naiwan ay dumiretso na kami ng
reception at nagcheck out.
“Tol, mamimiss kita.” Ang malungkot na
wika ni Christian. Bakas sa kanyang mga
mata ang namumuong luha.
“Definitely I will miss you too. But
we have to face the reality that we can only be friends. Not more than that.”
Ang magiliw kong wika dito.
Ayaw kong makitang may nasasaktan ng
dahil sa akin. Pero nangyari na.
Pilit kong iniba ang mood ng aming
usapan. Awkward naman kasi kung babalik na nga kami ng UAE at magkakahiwalay na
magdadrama pa kami.
“Tara na nga at baka maiwan pa tayo ng
tora tora.” Ang pilit kong pinapasayang boses.
Sabay bigay ng masuyong ngiti na tinugon din nman nito.
Magkahawak ang aming mga kamay ng
linsanin namin ang hotel.
Hinayaan ko lang si Christian na
hawakan ang kamay ko sa huling pagkakataon na magkasama kami. Hanggang sa
makasakay kami ng eroplano ay hindi nya binibitawan ang kamay ko.
Ito na to malapit ng mag landing ang
plane at kinakabahan ako dahil susunduin ako ni Lee at kasama ko naman si
Christian hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ni Christian kung makita
nya kaming magkasama ni Lee. Bahala na.
Pilit kong kinakalma ang sarili ko.
Nang palabas na kami ni Christian ng
plane ay tinawagan ko na si Lee upang sabihing palabas na ako at sinabi nya na
naghihintay na sya sa arrival.
Nang makarating kami ni Christian ng
lobby nakita ko agad si Lee. Kumaway ito tanda na nakita na rin ako. Agad itong
lumapit sa akin at kinuha ang bag ko.
“Lee si Christian nga pala nakasabay
ko sa pag exit. Christian si Lee
BOYFRIEND ko.” Ang pagpapakilala ko dito.
Agad inilahad ni Lee ang kanyang kamay
tanda ng pormal na pakikipagkilala.
“Lee nga pala pare.” Ang pagpapakilala
nito.
“Christian, tol.” Ang tugon nito at
nagbigay ng pilit na ngiti.
Bakas sa mukha ni Christian ang
lungkot. Dama ko ang bigat ng kanyang loob. Ngunit wala akong magawa. Naiipit
ako ngayon sa pagitan ng taong mahal ko at ng taong natutunan kong mahalin.
“Nice meeting you pare, una na kami ni
Ron baka gabihin pa sya sa pagbalik ng Abu Dhabi.” Ang pagpapaalam ni Lee sa
kausap.
Hindi ko malaman kung bakit ang bigat
ng pakiramdam ko ng mga panahong iyon. Alam kong nasaktan si Christian sa
nangyari. Ngunit wala akong magawa upang damayan sya lalo pa ngayong kasama ko
ang taong mahal ko. Ayaw kong makasakit ng damdamin pero may nasaktan ako.
Pilit kong iniiwasan ang ganitong sitwasyon ngunit hindi ko napigilan.
Malapit na kaming makalabas ni Lee ng
lingunin ko si Christian at tila hindi pa rin sya umaalis sa kanyang
kinakatayuan bagkus ay nakatingin lang sa amin.
Gusto kong balikan si Christian at yakapin upang sabihin sa kanya na magiging
ayos din ang lahat. Ngunit paano?
Hindi ko alam ng mga sandaling iyon na
pinagmamasdan pala ako ni Lee.
“Mahal ok ka lang? Parang ang lalim ng iniisip mo.” Ang pagpukaw
nito sa aking atensiyon.
“Huh?... Ahh… Ehh… Ok lang ako Labs
pagod lang siguro sa byahe. Tara na.” ang medyo nautal kong tugon dito.
Mabilis na lumipas ang mga araw.
Naging maayos pa rin naman ang samahan naming ni Lee at si Christian ay
paminsan-minsan pa ring tumatawag sa akin at kinakamusta ako. Paminsan ay
nagpaparamdam pa rin itong si Christian na mahal pa rin nya ako pero tulad ng
napagkasunduan naming hanggan pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya.
Nagpursigi akong makakita na ng
trabaho dahil na rin nahihiya na ako kay kay Lee. Dahil simula ng nakabalik ako
galing ng exit ay sya na ang sumuporta sa akin. Kaya naman nagpasya akong
maghanap ng ibang mapagkakakitaan habang wala pa akong trabaho.
Nag part time ako sa isang hotel dito
bilang waiter. Dito ako kumukuha ng
panggastos ko sa pag aapply at pangkain. Ang bayad naman sa bahay ay si Lee na
ang sumasagot nito.
May mga sandali na hindi na gaanong
nakakapunta si Lee sa bahay. Hindi katulad dati na every week nakakapunta sya
kahit isang beses lang. Kung tatanungin
ko naman sya “sorry Mahal busy lang ako sa work.” Yan ang lagi kong naririnig
na sagot mula sa kanya.
Halos nasanay na rin akong hindi
gaanong nakakapunta si Lee sa akin. Pero sinisiguro kong dapat makapag usap
kami bago matapos ang araw. May mga
sandaling kapag hindi ko nakakausap si Lee ay si Christian ang tinatawagan
ko. Sa pagkakataong ito lalo akong
napalapit kay Christian. Si Christian
ang naging takbuhan ko sa panahong nangungulila ako kay Lee. Si Christian ang matiyagang nakinig sa mga
hinaing ko tungkol kay Lee.
Sa sobrang bilis ng paglipas ng
panahon hindi ko na namalayan na magpapasko na pala.
Isang araw ng tinawagan ako ni Lee.
“Hello Labs kamusta ka na?” ang
pagsagot ko sa tawag ni Lee.
“Ito Mahal sobrang busy sa work.” Ang
tila walang gana nitong sagot.
“Labs dito ka ba magsecelebrate ng
Christmas Eve?” ang masuyo kong tanong dito.
“Di ko sure Mahal baka hindi ako dyan
makapag celebrate.” Ang tugon nito.
“Labs naman ang tagal na nating hindi
nagkikita tapos ganyan pa.” ang nangungunsensya kong tugon.
“Ok sige na Mahal dyan na ako mag
papasko. Pero need ko umuwi ng maaga kinabukasan.” Ang wika nito sa malamig na
tono.
Naninibago talaga ako sa kinikilos ni
Lee. Hindi sya ang Lee na minahal ko. Ito ang tumatakbo sa isipan ko. Pero pilit ko na lang itinatanggi ito. Busy
lang sya kaya sya ganyan. Ito ang tanging isinisiksik ko sa aking isipan.
_____
December 24, 2007…
Hayzzzz…. Sobrang busy ng araw na
ito. Pangalawang pasko na malayo ako sa
pamilya ko. At katulad ng nakagawian namin nagluto kami upang maghanda at
ipagdiwang ang araw ng pasko.
Katulad ng napagkasunduan namin dito
mag papasko si Lee sa akin. Kaya naman
bandang hapon ng tawagan ko ito upang iconfirm ang kanyang pagdating.
“Hello Labs… What time ka darating?”
ang pauna kong wika.
“Mahal baka before 12MN na ako
makarating. Pero sure na pupunta ako.” Ang sagot nito sa akin.
“Ok po… hihintayin kita ha. I love you
po… ingat po sa byahe mamaya.” Ang paglalambing ko dito.
“I love you more.” Ang tugon nito.
_____
Alas otso na ng gabi ng magdatingan na
ang mga kaibigan namin at nag umpisa na rin kaming magsikain at mag inuman.
Masaya ang pagdiriwang namin. May mga
programs kasing inihanda si Jane. May mga parlor games kasi ngayon unlike last
year na simpleng salu-salo at inuman lang ngayon may mga games at may exchange
gift kami kaya naman masaya ang naging takbo ng pagdiriwang.
Pasado alas onse ng gabi ng dumating
si Lee.
“Labs….” Ang pagsalubong ko dito.
“Hi Mahal.” Ang tugon nito.
Agad ko namang kinuha ang dala nitong
cake at bag. Ibinigay ko ang cake kay
Jane upang ihatag sa mesa at dumiretso muna kami ni Lee sa kwarto upang ilagay
ang dala nyang gamit. Nang mailagay ang gamit ay lumabas na ulit kami at
pinakain ko na si Lee habang ako ay bumalik sa tagay.
Masaya ang lahat ng matapos ang celebration. Napagkasunduan na rin na kinabukasan na
linisin ang mga kalat dahil na rin lasing na halos kaming lahat. Kaya naman
napagdesisyunan na naming ni Lee na maglinis ng katawan. Pinauna ko na si Lee
na maglinis. Habang nasa banyo si Lee may tumawag sa telepono nya. Kaya nman
sinagot ko.
“Hello….” Ang pagsagot ko.
Itutuloy. . . . . . . . . . . .
unspokenwordsofdarkdreamer.blogspot.com
No comments:
Post a Comment