Wednesday, December 26, 2012

Nilimot na Pag-ibig (03)

by: iamDaRKDReaMeR

"Hello Lee?" ang tugon ko habang hindi makapaniwalang makakausap ko pa sya.

"Oo ako nga. Hindi ba nakasave ang number ko sa yo at di mo alam kung sino ang tumawag sa yo?" ang may pagtataka nyang tugon sa akin.

"Ah eh hindi natutulog kasi ako sinagot ko ng nakapikit ako kaya di ko alam kung sino ang tumatawag." ang pagpapaliwanag ko naman sa kanya na agad nyang sinang ayunan.


"Oh bat napatawag ka?" ang pagtataka kong tanong sa kanya.

"Ah wala namiss lang kita." ang payak nyang sagot.

"Sus bolahin mo lelang mo ilang beses akong nag online para lang magbakasaling makikita kitang online para makasap pero di kita mahagilap ang dami kong offline message sa yo pero walang reply." ang may pahayag kong may halong pangongonsensya.

"Ah yun ba pasensya na ha. Naging busy kasi ako sa work." ang maikli nyang tugon.

"Sus busy ih bakit nung tinatawagan kita hindi ka sumasagot?" ang sundot kong tanong.

"Kasi po natityempo naman na tulog ako pag tumatawag ka at isa pa nakasilent ang phone ko pag natutulog kasi ayaw kong naiistorbo sa pagtulog." ang mahaba nyang paliwanag.

"Ay ganon ba? ok at least ngayon alam ko na kung bakit di ka nakasagot sa messages ko at phone calls."

"Wag kang mag-alala babawi ako sa yo sa susunod. Oh pano ba yan papasok pa ako tawag na lang ako sayo mamaya pag uwi ko para makapag usap naman tayo." ang kanyang pamamaalam sa telepono.

"Ok sige balik lang muna ako sa tulog." ang pagsang ayon ko.

Kinagabihan ay tinupad nga ni Lee ang kanyang pangako na tatawag sya. Nag usap kami ng halos isang oras. Nagkwento sya ng mga nangyari sa kanya nung wala ako at gayon din nman ako. Ikinuwento ko sa kanya ang nangyari sa akin sa Kish Island except sa halay scene (baka kasi ma turn off sya ih). Matapos ang pagkukwento ng mga naganap sa amin bigla na lang syang nagtanong.

"Gusto mo ba ako?" ang payak ngunit may malalim na kahulugan nyang tanong sa akin.

Hindi agad ako nakasagot bagkus ay ninamnam ko muna ang tanong niya. Hindi ko namamalayan na napapngiti na pala ako.

"Hoy andyan ka pa ba?" ang pagulat nyang tanong sa akin.

Bigla akong bumalik sa realidad na kausap ko pala sya sa kabilang linya.

"Ah, oo andito pa ako. Ano nga ulit yung tanong mo? di ko kasi narinig." ang pagmamaang maangan kong tanong.

"Sabi ko kung gusto mo ako?" ang pag uulit nya ng tanong.

"Oo nman kasi feeling ko mabait ka. Ang totoo nga gusto pa kitang kilalaning mabuti." ang sagot ko sa kanya.

Marami kaming mga bagay-bagay na pinag-usapan pa katulad ng family background ng isa't isa at yung personal profile namin. O diba para lang kaming sumasagot ng slum note, lol. Hanggang sa nagpaalam na sya na matutulog na sya at may pasok sya ganon din nman ako dahil papasok na ako kinabukasan sa hotel.

Lumipas ang mga araw at naging constant ang communication naming dalawa, nagkakamustahan at laging nabibigay ng paalala na wag kalimutan ang pagkain at kung minsan na hindi sya makatawag nariyan na ako ang tatawag upang kamustahin sya. In short nagkaroon kami ng mutual understanding.

December 24, 2010. Unang Christmas Eve ko na hindi kapiling ang aking pamilya pero katulad ng normal na Kristyanong Pilipino nag celebrate din kami ng Noche Buena. At eksaktong 12:00 ng hatinggabi ng December 25 ay tinawagan ko si Lee upang batiin.

Kringggggg!

"Merry Christmas!" sabay naming bati sa isa't isa na punong puno ng saya.

"Tumawag lang ako para batiin ka medyo busy din kasi kami dito may inuman at konting salu-salo. Kayo anong ginagawa nyo dyan?" ang paghahayag ko sa kanya.

"Ganon din may inuman at salu-salo. Busy din kami dito buti na lang nakita ko na tumatawag ka." ang pagsagot niya.

Hindi na naging mahaba ang usapan namin upang di na namin masira ang gabi ng bawat isa.

Ako naman ay nakipag inuman na sa mga ka room mate ko. Natapos ang inuman namin ng 6:00 am na. In short wala akong tulog at papasok ako ng lasing, ahahahaha.

Dumaan ang ilang araw ganon pa rin ang naging pang araw-araw na routine naming dalawa nagtatawagan at nagkukumustahan. Kulang na lang sa aming dalawa ay ang maging kami.

December 31, 2010, New Years Eve. Hindi katulad ng pag se celebrate ng mga pinoy sa Pilipinas na gumagamit ng paputok upang salubungin ang bagong taon dito tanging maiingay na tao at mga busina lamang ng sasakyan ang iyong maririnig at kung gusto mo nman makakita ng nagpapaputok pupunta ka pa ng Corniche upang manood ng fireworks display o kaya nman ay pumunta ka ng hotel upang makapanood ka ng mga naggagandahang fireworks.

Katulad noong bisperas ng Pasko nag usap ulit kami ni Lee ngunit sa pagkakataong ito ay sya nman ang tumawag.

"Lagpas isang buwan na pala tayong magkakilala at nagkakausap ng mga bagay bagay tungkol sa atin noh?" ang wika nya.

"Oo nga ih. At ang nakakatawa pa dito magaan ang pakiramdam natin sa isa't isa pero di pa natin nakikita ang itsura natin kahit sa picture. Ahahahaha." ang pagsang ayon ko sa kanyang sinabi.

Nakarinig ako ng malalim na buntong hininga mula sa kabilang linya. Pagkatapos ng ilang saglit ay.

"Ron may tanong ako sa yo." ang seryoso nyang bitaw ng salita.

"Ano yun?" ang patanong kong sagot.

Ilang sandali ang lumipas ng....

"Ron may tanong ako sa yo." ang seryoso nyang bitaw ng salita.

"Ano yun?" ang patanong kong sagot.

"Ahmm, Mahal mo ba ako?" ang mya pag aalinlangan nyang tanong sa akin na aking lubos na ikinabigla upang maging sanhi ng aking pagkatunganga.

"Hoy, di mo na sinagot ang tanong ko." ang pagpukaw nya ng aking atensyon

"Kasi nman binigla mo ko sa tanong mo. Pero sa totoo lang matagal ko ng hinihintay na itanong mo sa akin yan at syempre OO ang isasagot ko. Alam kong nararamdaman mo naman na mahal kita kasi nman sobrang obvious ko." ang paliwanag kong sagot sa kanya.

"Kasi sa totoo lang Ron sa palagay ko mahal na rin kita kaya naitanong ko sa yo. So ngayong nalamaan ko na mahal mo rin pala ako does it mean na tayo na?" ang pagpapahayag nya.

Natigilan akong sandali sa aking mga narinig dahil hindi pa rin nagsisink in sa aking isipan ang mga katagang binitiwan ni Lee.

"Ron andyan ka pa ba?" ang pagtataka nyang tanong.

"Oo nandito pa ako. At OO ulit tayo na." ang walang kagatol-gatol ko na sagot sa kanya.

"I LOVE YOU LEE!" ang may paglalambing kong wika sa kanya.

"I LOVE YOU TOO RON." ang tugon nya sa malumanay ngunit may kilig na tinig.

Formally naging kami ng January 1, 2011. Naging masaya ang Bagong Taon ko sa kadahilanang ang taong tinatangi ng puso ko ay sa wakas parte na ng buhay ko. Sino ba naman ang mag-aakala na kahit hindi pa kayo nagkikita ng personal ay pwedeng magkaroon ng relasyon katulad ng sa amin ni Lee.

Pagkaraan ng dalawang linggo ay inaya ako ni Lee na magpunta sa kanila dahil nagpunta ang pamilya nya sa Fujairah, isa sa mga emirates dito sa UAE. Nagpaalam ako sa tito ko upang sabihin sa kanya ang plano kong pagpunta ng Dubai.

"Tito pupunta nga pala ako ng Dubai ngayon sa kabarkada ko." ang pagpapaalam ko dito.

"Kabago bago mo may barkada ka na agad dito?" ang may pagdududa nyang pahayag sa akin.

"Kabarkada ko pa po yun sa Pinas pa." ang pagsisinungaling ko dito.

"Ikaw bahala." ang maikli at malamig nyang tugon sa akin.

Sa kagustuhan kong makita na ang taong mahal ko ay inayos ko ang aking mga gamit na aking dadalhin papunta ng Dubai. Pagkatapos kong maayos ito ay naligo ako at nag-ayos na ng sarili.

Pagkatapos kong mag-ayos ay tinawagan ko si Lee.

Krinnnngggggggggggg!

"Hello Ron." ang sagot nya sa telepono.

"Hello Lee paalis na ako ng bahay saan mo ba ako susunduin?" ang excited kong tanong sa kanya.

"Sumakay ka na lang ng E1 na bus para dire-diretso ang byahe mo, sa Bur Dubai bus station na lang kita susunduin. Tawagan mo na lang ako bago ka pa makarating ng bus station para hindi ka matagalan sa paghihintay sa akin." ang pagbibigay instruction nya sa akin.

"Ok po, sige alis na po ako para hindi naman ako masyadong gabihin sa daan. I love you!" ang pagpapaalam nya sa akin.

"I love you too." ang tugon nya.

Agad akong umalis ng bahay pagkababang pagkababa ng tawag ko.

Pagdating ko sa bus station ay agad kong tinungo ang E1 bus na sinabi ni Lee sa akin (E1 bus ang byahe papuntang dubai). Agad ko itong nakita at nagbayad ng ticket. Bago pa umalis ang bus ay isinaksak ko ang earphone ng dala kong mp3 player. Ito ang unang kanta na narinig ko.

Nang umalis na ang bus ay agad kong ipinikit ang aking mga mata dahil alam kong dalawang oras din ang magiging byahe ko.

Sa kalagitnaan ng pagbabaybay ng bus papuntang Dubai ay naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko agad ko itong kinuha upang sagutin.

"Hello." ang pagsagot ko sa tawag.

Isang pamilyar na tinig ang aking narinig...

Itutuloy. . . . . . . . . . .  .


unspokenwordsofdarkdreamer.blogspot.com

No comments:

Post a Comment