Wednesday, December 26, 2012

Part of Me (12)

by: Apollo22

Hindi pa rin ito tumigil sa kakatawa, sa halip ay linakasan pa ng linakasan.

Aba loko to ahh! Kala ko mabait yun pala sira ulo rin , iba talaga kapag matalino iba ang ugali minsan mabait minsan parang sira ulo,

Dalawang minuto na ang nakakalipas at hindi parin ito lumalabas at tumatawa sa loob ng banyo.


Nakakapikon na ‘to ahh! Ang pikon kong nasabi sa sarili

Sa sobrang inis ko ay hindi ako nagdalawang isip na sugurin ito sa banyo, patakbo akong pumasok para batukan, pero laking gulat ko nang Makita kong umiihi pa ito sa banyo nakita ko ang kanyang jr. dahil nakatagilid ito sa may inudoro, parang alam na alam nya na papasok ako, nakatingin ito sa akin habang nakangiti at kumindat.

Hindi ko alam ang gagawin dahil nakita ko ang kanyang alaga,kaya agad-agad akong lumabas.

Nakakahiya sana hinintay ko nalang na lumabas ito ng banyo at hindi sumugod, pero parang alam nya na papasok ako ah, ahhhh!! Nakaka-inis talaga! Babatukan ko ‘to pag labas. ang inis kong sabi sa sarili.

Naisip kong loko talaga tong si James, pero atleast kahit sandaling panahon ay nakakalimutan ko ang sakit na aking nararamdaman, parang ngang sinasadya nyang gumawa ng kalokohan para libangin ako at “pasayahin” kahit nakakapikon naman ang ginagawa nya, ok na rin ‘yon kesa magmukmok ako at mag emo-emo.

Paglabas nito ay agad ko itong inabangan sa labas ng pinto,at binatukan ng bahagya.

“aray!” ang sabi nito sabay hawak sa ulo.

“ayan! Ang pilyo mo kasi” ang pang-aasar ko.

“sorry pogi lang mapang-asar talaga” ang pagmamayabang nito.

“oo na pogi kana” ang sabi ko rito.

“sabi ko sayo eh, hmmmff?? Meron kabang movie d’yan? Nuod tayo?” ang sabi naman nito sabay tingin sa may shelves ko na puno ng mga original DVD’s.

“uy! Elm street! Eto nalang!” ang wika pa nito.

“ay ayoko yan, pangit lang yan” ang sabi ko rito

“eto nalang Final Destination 4” ang anyaya nito.

“ayoko rin yan, pangit rin” ang wika ko ulit.

“hmmfff?? Mukhang may naamoy akong matatakutin dito ahh” sabay tingin sa akin at may patango-tango pa.

Patay na bisto ata ako. ang nag-aalala kong sabi

Hindi kasi ako mahilig sa mga horror nagkaroon lang ako ng mga ganoong klasing bala ng movie  dahil sa pinsan ko na mahilig manoud ng mga nakakadiri at nakakagulat na palabas, hinding-hindi pa ako nanunuod ng horror films ng walang kasama,  hindi nakatakip ng unan o kaya natutulog, matatakutin ako pagdating sa mga ganyan.

“ako? Matatakutin? Haha! Ako pa! brave warrior ata to, demigod ata ang kausap mo!” ang pagmamayabang ko rito.

“ok ‘Mr. Persy Jackson’, naniniwala na ako, eto nalang, “insidious” tutal “brave” ka naman” ang pang-aalaska nito.

At talagang yang nakakatakot pa ang pinili nya, nakakainis, ang sabi ng pinsan ko ‘yan ang pinaka nakakatakot na movie na napanuod nya, so yung mga ibang nakakatakot na napanuod nya ay wala pa kumpara dito.

Kahit ayaw ay napilitan akong i-play ang movie na nakakatakot, halos ayaw kong tignan ang monitor kahit mga trailer palang ng ibang movies. At nung na play at naayos kong ang mga kable-kable ay mabilis pa ako sa alaskwatrong bumalik sa higaanan ko katabi si James, magkatabi kaming nakaharap sa t.v sa may dulo ng kama ko, nagkumot rin ako at nakikumot rin ang mokong.

Habang nanunuod kami ng mga nakakasindak na eksena at napapakapit ako kay James ng hindi sinasadya at talaga namang takot na takot ako, halos mahubad na ang damit nito sa kakahila ko, pero kahit gano’n ay hinayaan nya lang ako, sabihin na ng iba na O.A ako, pero natatakot talaga ako sa mga ganyang pinikula at minsan ay napapaniginpan ko pa, sa sobrang takot at nagmumuka akong daga na sumusuot sa likuran ni James.

Lihim namang natatawa si James sa inaasta ko.

“manunuod kaba o mamamahay sa likuran ko?” ang pang-iinis nito.

Agad naman akong nag-ayos at humuwalay sa kanya.

“ah eh.. sorry naman nakakatakot eh” ang tugon ko.

“oh ano patayin na natin, para hindi kana matakot?” ang malambing nitong sabi.

“wag na sige tapusin mo na yan, sayang naman naumpisahan mo na eh” ang wika ko rito.

“ok sige, ikaw ang bahala” ang wika naman nito.

After ng movie parang dinaanan ng bagyo ang kama ko, ang gulo-gulo ni hindi mo masasabing kama pala iyon, magkatulong naman namin inayos ni James ang kama ko, sya sa cover ng mga unan, ak naman  sa beding, ang cute nya ngang tignan lalaking-lalaki parin kahit nagtatrabaho ng gano’n.

Mahaba ang gabi pero parang pinaikli ni James, dahil sa mga kweto nyang nakakatawa talaga at mga pang-iinis nya na nakakapikon  pero kahit ganon ay agad nya naman akong linalambing na lihim kong ikinatutuwa, sa bahay na rin sya nag dinner, kaming dalawa lang, kasi kumain na sina mama at papa habang nagvivictory party sa success ng malaking deal at paggaling ko, kahit kumakain ito ay napakagwapo pa rin nito hindi ito kagaya ko na subo lang ng subo kahit gutom, andon parin ang finest nito sa pagkain, halatang mayaman.

10:30 ay umuwi na ito sa kanila at may gagawin pa daw na assignment at mga project na ikinagalak ko naman dahil kahit busy ito ay hindi nagmadali sa pag-uwi at patuloy akong linibang.

Ngayon mag-isa nalang ako sa aking kwarto at nakahiga, madilim at naririnig ang boses ni Sedrick  dahil d’yan ay alam ko na babalik ang sakit ng nararamdaman ko sa tuwing maaalala ko ang kanyang masayang mukha ang kanyang mga lambing, ang kanyang amoy na parang droga sa king katawan, ang makinis at madulas nyang balat  na pagdumampi sa akin ay kakaibang sensasyon ang aking nadarama ngunit isang alaala nalamang ito sa aking isipan na gustong-gusto ko nang burahin ngunit hindi magawa ng puso’t ko,

patuloy ang pagtulo ng aking mga luha sa aking unan, tanging ang Diyos ang saksi sa aking mga paghikbi tuwing gabi at dalangin ko na sana maibalik ang panahon na hindi ko pa ito nakikilala.

At bukas ang panahon na muli kaming magkikita at  sisiguraduhing kong hindi na ako ang dating Prince na nagmahal sa kanya ng tunay, hindi na ako ang Prince na magpapauto sa kanyang mabulaklak na mga wika, at nakatulog ako ng may mga luha sa aking mga mata.

Kinaumagahan ay ginising na ako ng aking Mommy upang maghanda sa muling pagpasok ko ng sa aking school, mix emosions ang nararamdaman ko sa pagpasok, masaya dahil sa wakas ay hindi na ako mahuhuli sa mga lessons pero malungkot, kinakabahan at hindi alam ang gagawin dahil makikita kong muli si Sedrick, ni hindi ko alam ang kung ngiti ba o galit ang ipapakita ko sa kanya subalit isa lang sinisigurado ko hindi na ako papaapekto sa lahat ng sinasabi ng maraming tao, dahil alam kong alam na ng buong school ang nangyare.

habang papasok ako sa school ay may mga taong sumusulyap at nagbubulungan sa aking pagdaan halatang ako ang pinag-uusapan pero gaya ng sinabi ko ay hindi ako papaepekto sa mga ito at imbis na magalit ay dumare-daresto lang ako sa aking paglakad hanggang sa makarating sa aming silid.

Nagdugo muli ang aking puso ng Makita ko si Sedrick nakaupo sa tabi ng upuan ko at dahil medyo late ako ay ukupado na ang lahat ng upuan, ang pinagtataka ko lang ay kung bakit nawala ang mga bakanteng upuan doon sa likuran na balak ko sanang duon umupo.

Hindi ako nagbigay ng reaksyon sa pag-upo bagkus  inintindi ko ang pagkumusta sa akin ng aking mga kaklase, na-touch naman ako dahil talagang halos lahat sila ay tinanong kung ano ang nangyari sa akin at kung ok na daw ako syempre iba ang sasagot ko maski nga ang guro ko ay nagtanong na rin sa aking kalagayan.

Alam kong nakatitig sa akin si Sedrick ng may awa at guilt habang naglelecture ang aking guro pero ni hindi ko ito liningon at baka mahalin ko muli ito ng sobra, nagpanggap akong masaya at hindi naapektuhan sa mga nangyari, dahil sa tagal-tagal ko rin nawala ay parang nagretreat ako sa kakaisip.

“ayos ka na ba?” ang bukod tanging boses na hindi ko kayang sagutin

Tumango ako at hindi tumingin, hindi ko matiis na magmatigas kung alam ko sa puso ko na mahal ko ang isang tao.

“pwede na ba tayong mag-usap?” ang tanong nito na hindi pa rin maalis alis ang tingin sa akin.

Ngunit hindi ko ito kinibo bagkus ay nagpanggap ako na nagsusulat.

Natapos ang klase na may guilt sa mukha ni Sedrick at mukhang nagsisisi na sa kanyang ginawa, ngunit hindi ako nagpadala sa paawa nya at baka mahulog nanaman ako sa kanyang bitag.

Recess nang ayain ako ni Nina, Mimi at Gary na kumain sa canteen at ililibre daw nila ako dahil unang pasok ko raw, ewan ko kung ano ang connect noon pero pumayag narin ako dahil libre naman.

Sa pagpunta namin sa canteen ay naramdaman kong mayhumila sa aking braso pagtingin ko ay si Sedrick pala ito halatang siryoso ang mukha, nagpumiglas ako upang makawala sa pagkakawahak nya ngunit wala itong balak nabitawan ako bagkus ay kinaladkad ako sa may banyo.

Pagpasok sa banyo ay itinulak nya akong bahagya sa may cubicle at isinara ang pinto.

“hindi mo naba ako kakausapin?! ” ang tugon nito.
 “Ako mo ba ako bibigyan ng pagkakataong makapagpaliwanag? Sa tingin mo kung hindi kita mahal hahabulin pa kita ng ganito? Bakit hindi nalang kita hayaan kung pinaglalaruan lang kita, bakit hindi kita iniwan noon pa, pero hindi ko ginawa yon! kasi hindi ko kaya, kasi mahal kita! OO! Alam ko kakaiba ang pagmamahal ko sayo! pero wala akong pakialam! Basta alam ko mahal kita, MAHAL KITA PRINCE! hindi mo ba Makita ‘yon ah?” ang madiin nitong sabi sa akin habang may masakit na luhang umaagos sa kanyang pisngi.

Naaawa akong nakikita si Sedrick ng ganyan dahil ni minsan ay hindi ko pa ito nakitang umiyak ng ganyang kasakit at ganyan kabigat, madiin ang lahat ng kanyang sinabi at parang kulang nalang ay martilyo nya sa utak ko ang kanyang sinambit para ipaintindi sa akin.

Akmang magsasalita ako upang sabihin kung gaano ako nasaktan sa ginawa nyang iyon nang may narinig akong kaluskos at ungol sa may  isa cubicle, nagtaka ako dahil ang alam kong kaming dalawa lang ang naroon kaya dahan-dahan ko itong binukas at laking gulat ko ng Makita ang bugbog saradong si Tom at si Nathan, nanlaki ang mga mata at agad kong inobserba ang kanilang kalagayan.

Agad akong bumaling sa kinaroroonan ni Sedrick at tinignan ito na matalim.

“ikaw ba!? ikaw ba ang may kagagawan nito?” at tumayo ako para harapin sya.

“eh bagay lang sa kanila yan!” anya sa akin.

“talaga bang hindi ka magbabago Sedrick? Idadaan mo nalang ba lahat sa dahas at sa kamao mo?! Ganyan ba ka kitid ang utak mo? Hindi kana nagbago!” nadidismayang sabi ko.

“alam mong nagbago na’ko, pero sinasadya lang ng pagkakataon na ibalik iyon kahit ayaw ko?”  ang paliwanag nito

“at ganyan! Ganyan ang gagawin mo sa akin ‘pag binalikan kitang muli?!” ang wika ko kahit parang imposible nya namang gawin. Dahil kahit masama ang ugali nito ay ni isang  bahagyang sutok ay hindi nya pa ginawa.

“alam mong hindi ko magagawa yan!” ang dipensa nito.

Hindi ko na pinansin ang pagpagpapaliwanag nya dahil gusto ko nang madala sina Tom at Nathan sa clinic, at pinuntahan ko si Tom para akayin at alalayan.

“ano ba! tutunganga ka lang ba d’yan? Bakit hindi mo ako tulungan?” ang naiinis na tugon ko rito.

At lumapit sya at tinulungan si Nathan, kahit sya mismo ang nambugbog sa dalawa, wala naman syang magawa dahil inis na inis ako sa ginawa nya, parang nag-adrenaline rush ako dahil nabuhat ko ang tila na nag jigym na si tom, pero kahit bugbog ito ay gwapo parin palibhasay may lahing kano.

Mabilis kaming nakarating sa clinic at inassist kami ng doctor at nurse.

“anong nangyari sa kanila?” ang tanong ng Doctor?

“ah eh kasi po-..” ang sabi ko at sumabat bigla si tom

“kasi po naglolokohan kami nitong kaibigan ko sa may hagdan, ayun naghulog po kami” ang pagtatakip ni Tom.

“eh bakit may mga pasa at bugbog kayo sa may tiyan at braso?” ang pag tataka ng doctor habang sinusuri ang mga pasa.

“kasi po sabay po kaming nahulog at nadaganan po namin ang isat-isa” ang palusot muli ng gwapong si Nathan.

Linagyan ng gamot ng doctor silang dalawa at pinagpahinga sa may dalawang kama ng biglang may pumasok na estudyante at sinabing may nahimatay na istudyante sa may room ng section C, dali-dali namang pumunta ang Doctor sa may room.

“oh ikaw muna ang maglagay ng gamot sa mukha nitong dalawa pupuntahan ko lang yung nahimatay doon” at ibinigay sa akin ng doctor ang bulak at gamot.

Habang linalagyan ko ng cream ang mukha ni Tom at napansin kong nakatitig ito sa akin at nakangiti.

“salamat sa pagtatakip mo kay Sedrick, pero kahit dapat lang isumbog ang ganyang mga tao.” Ang pag paparinig ko sa kanya.

“ayos lang ‘yon kasalanan ko rin naman” ang wika nito.

Nakatutuk ang mukha naming dalawa at alam kong siryoso sya sa kanyang sinasabi.

“anong kasalanan?” ang tanong ko kahit alam ko na ang dahilan.

“kasi narinig mo kaming nag-uusap  sa banyo ni Nathan” ang  wika nito.

“buti nga at narinig ko kung hindi ang tagal ko na palang nagmumukhang tanga” ang wika ko.

“alam mo? Sa totoo lang alam ko na asa banyo ka noon” ang malungkot na tugon ni Tom.

“aba! Loko to ah!” sabay sugod ni Sedrick pero hinarang ko ito.

Laking gulat ko ng halikan ako ni Tom sa may labi, hindi ko alam ang gagawin ko sa pagkabigla at parang na istatwa ako sa aking ginagawa, doon, tuluyan nang nasuntok ni Sedrick si Tom pero inawat ito ni Nathan.

“eh gago ka pala eh! Kaya mo ba ipinaalam ang pustahan natin dati kay Prince ay dahil gusto mo sya!?” ang pasigaw nitong sabi habang nagpupumiglas sa pagkaka hawak ni Nathan, bumaling naman ito agad sa akin“maniwala ka sa akin Prince mahal kita higit sa kanino man, higit pa sa buhay ko, please maniwala ka sa akin, oo totoo yung pustahan pero, may gusto na talaga ako noon pa sayo, ginawa ko lang excuse yung pustahan para maging tayo, dahil noon ayaw kong may sabihin ang ibang tao sa akin, pero ngayon tanggap kuna kung ano ang nararamdaman ko at wala na akong pakiaalam sa sasabihin ng iba” mahula-luhang pagpapaliwanag ni Sedrick sa akin.

Hindi ako nakakibo sa lahat nangyayari at patuloy pa rin ang pagtatansa sa mga nangyayari.

“dahil sa paghanga ko sayo ay nagawa kitang saktan, kaya tinanggap ko lahat ng suntok at tadyak ni Sedrick at noong mabalitaan ko ang nangyari sayo ay niyakap ako ng guilt dahil hindi mo pa alam ang buong kwento sinubukan kitang kausapin noon sa ospital pero ayaw akong papasukin ng Mama mo dahil ang sabi mo raw ay ayaw mong may Makita kang iba at ang mga closefriends mo lang ang pwedeng dumalaw”

“buong kwento?” ang pagtataka kong sabi

“ang ikinwento ko kay Nathan ay noong 3rd year lang, sinasadya ko ‘yon dahil alam kong nasa banyo ka, pero hindi ko naikwento ay noong naging kayo ni Sedrick ay ikaw nalang ang bukang bibig nito sa barkada, ikaw ang lagi nyang kinukwento sa lahat ng bagay, at totoo nanalo nga sya sa pustahan pero hindi nya kinuha ang perang napag-usapan namin kasi mahal na mahal ka na daw nya higit sa buhay nya.

“binugbog ba kayo ni Sedrick para sabihin yan?” ang sabi ko na hindi parin makapaniwala?

“hindi, binugbog kami nitong syota mo dahil ang dakdak daw namin at yun nga medyo hindi kasi nakumpleto ni Tom yung kwento nya sa banyo” ang sabat ni Nathan

“at sinong nagsabing syota ko yan? Break na kami nyan” ang sabi ko pero natutuwa na sa loob-loob

“babe? Naman” ang malungkot na mukha ni Sedrick at kumawala sa pagkakahawak ni Nathan

“babe?, tandaan mo masakit ang nalaman ko, hindi ko pa kayang patawarin ka!” ang wika ko.

“sorry na kasi?” ang nagmamakaawa nitong pakiusap.

“ano yon? Tampuhan lang? tapos magpapasorry ka? Hindi mo alam ang pinaagdaanan ko habang iniisip na mawawala kana sa akin,halos mamatay ako sa kakaiyak at kaka-isip sa ginawa mo, siguro naging O.A ako pero gano’n talaga ako magmahal” ang madiin kong sabi dito.

“talaga? Iniiyakan mo ako?” ang maloko nitong sabi.

“alam mo Sedrick kung kaya mo pangmakipagbiruan sa sitwasyon na ‘to pwes! Ako hinde! Kaya wag mo na muna akong kausapin” sabay balik kay Tom at ginagamot ang kanyang mga sugat.

“sorry na kasi? Siryoso naman ako eh” biglang malungkot namang sabi nito.

Lumapit ito sa akin at lumuhod, hinawakan nya ang kamay ko at lumuluha.

“patawarin mo na ako, hindi ko kayang mawala ka sa akin, ikakamatay ko iyon, binigyan kita ng oras para kamuhian ako at para makapag isip-isip dahil alam kong malaki rin ang naging kasalanan ko sayo, pero sa bawat oras na nawawalay ka at nasasaktan ka ng dahil sa akin, nasasaktan rin ako pero tinitiis ko dahil para sa akin yan ang parusang ipinagkakaloob sa akin ng Diyos, sa araw-araw na ginawa ng Diyos wala akong hiniling kung hindi makapagpaliwanag,ngunit tinatabuy mo ako at ayaw mo akong Makita” ang mangiyak-ngiyak nitong sabi..

Naiiyak ako at naawa sa kanya, ganoon din pala ang kanyang pinagdaanan, malalim din ang sakit na kanyang pinaghuhugutan kaya humantong ako sa isang desisyon.

“oo masakit ang ginawa mong pagsisinungaling sa akin, tama nga ang sinabi nila, masmasakit kung manggagaling pa sa ibang tao ang masasakit na katotohanan, pero wala na akong magagawa, nangyari na ang nangyari at hindi kuna maibabalik pa, sana ang paghingi mo ng tawad ay hindi nyo na isang pustahan at totoo na sa iyong puso” ang banayad kong sabi.

“pero it takes time, to bring back my trust and faith to you, I love you but not now, you are a part of me that I can’t take away, but I know, someday I don’t have to do that but now friends will do to our relationship, I need to know the other part of me before loving you again” ang bukal puso kong sabi.

Naiyak ako at pati rin sya, nalungkot naman sina Tom at Nathan sa aking nasabi, at mukhang naiintindihan na nila ang aking ibig sabihin, mahirap pakawalan ang isang tao na ayaw namang kumawala, alam kong tama ang aking desisyon na maging magkaibigan muna kami ni Sedrick.

“hindi, alam kong mahal mo ako at ayaw mong mangyari ito, please Prince, wag mong gawin sa akin ang bagay na ito ayaw kong maging magkaibigan lang tayo” ang nagmamakaawa at lumuluhang sabi ni Sedrick.

“someday hindi nalang tayo magkaibigan darating ang panahon na babalik ako sayo, kung ako ay tatanggapin mo pa” ang lumuluha kong sabi.

“oo mahal, tatanggapin kita, nandito lamang ako at patuloy na maghihintay sa oras na marealize mo na mahal kita at mahal mo rin ako, hihintayin kita hanggang sa huli ng aking kamatayan, gagawin ko ang lahat para maibalik ka sa aking piling, kahit anong ipagawa mo ay gagawin ko para sayo” ang sinsero nitong sabi

Niyakap ko ito ng mahigpit dahil alam kong matagal-tagal ko rin na hindi sya mahahagkan.

Itutuloy. . . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment