by: Apollo22
Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga
panahon na iyon kaya ngumiti nalang ako at tumango, gulat na gulat at hindi pa
rin makapag salita ang lahat habang si Sedrick naman ay patuloy sa pag-akbay sa
akin.
“ANO!! Paki ulit ang sinabi nyo!!” ang
sabi ni Mimi nang maka recover sa pagkabigla.
“sabi ko kami na ni baby bro ko” ang
pag-uulit ni Sedrick.
“anong nangyari??!! Pano nangyari ??!!
saan nangyari?!!” ang sunodsunod a
tanong ni Nina at halos napalingon ang mga katabi naming kumakain sa pagsigaw
nito.
“hindi ko rin alam ehh basta tumibok
nalang ang puso ko kay baby bro ko” at tumingin sa’kin na wari’y nagpapacute
Huminga ng malalim si Gary at
nagtanong ng hindi inaasahan.
“sigurado na ba kayo sa naging desisyon
nyo na magkaroon ng relasyon” na parang matured na kung magsalita pero
nakatingin ito sa akin na parang may pagtataka
“oo naman!! Siguradong sigurado na”
ang sagot ni Sedick na nagmamalaki
“teka teka!! Hindi ba kayo masaya sa
amin ni baby bro ko?” ang dagdag ni Sedrick.
“hindi naman sa ganon pare, syempre
medyo nagulat kami sa mga inamin nyo ngayon” ang dipensa naman ni Gary.
“oo nga! Hindi ko ito ma keri may
gosh! Crush paman din kita dati Sedrick
at Prince ngayon pala kayo ang magkakatuluyan” ang nasambit nalang ni Nina.
Muli nakarinig ako ng malalim na pag
buntong hininga nanggaling kay Mimi
“alam nyo guys, kung saan kayo masaya
susuportahan namin kayo ng walang alinlangan” ang wika ni Mimi na ikinatuwa ko.
“salamat Mimi, alam kong maiintindihan
mo kami” ang pagpapasalamat ko.
Tinignan naman ni Mimi si Nina na
wari’y sinasabi nito na sumang-ayon
“oo na sige na, alam ko na dyan kayo
masaya kaya susuportahan namin kayo” ang pagsang ayon ni Nina at pati narin si
Gary ay tumango..
Sumaya at nagliwanag ang mukha namin
ni Sedrick at hindi mag kanda ugaga sa pagyakap sa mga barkada
“salamat guys salamat…” ang sambit ni
Sedrick ng paulit-ulit
“ano panghinihintay natin inuman na!”
ang masayang sambit ni Gary at umorder ng sangkatutak na beer.
Habang tinitignan ko sila ay walang
bahid ng panliliit o pandidiri ang nakikita ko, ang nakikita ko lang ay masaya
silang lahat para sa aming pag-amin.
“CHEERS!! Para sa bagong
magkasintahan” at sabay taas ng beer ni Mimi
“CHEERS!!” Ang sabay-sabay naman
naming sabi at itinaas ang beer na hawak
Nag tagal ang aming inuman dahil sa
kakatanong nila kung pano naging kami at ano ang madalas naming ginagawa.
Syempre di mawala na tuksuhin kami na
parang hindi nila iniisip na parehas
kaming lalaki.
“ano pare magaling ba?” ang tanong ni
Gary at may pa kindat-kindat pa.
“oo nga, ibang level ba yang si Prince
kung magperform?” ang pang-iinis pa ni Nina.
“pare, hanep!” ang tugon naman ni
Sedrick at tatawa-tawa.
“mga adik tigilan nyo nga ako ahh, mga
baliw” ang tugon ko rito na nag iinis-inisan.
“oh tigil na raw sabi ni baby bro ko,
kawawa naman ehh” ang wika ni Sedrick na parang isip bata.
Muli isang masayang gabi ang pinag
saluhan naming lahat, nagtawanan at inisan, maraming pagkakaparehas ang buong
barkadahan at kahit ilang buwan palang kaming magkakakilala ay talagang papatay
ang isa’t isa para sa amin sa oras ng kagipitan.
Lasing na lasing ang lahat na umuwi
pero dahil malapit lang sa bahay nila Mimi ang carnival ay tumuloy na nalang
kami sa kanila hanggang mag-umaga at ang loko-loko namang si Sedrick nag
request pa kay Mimi na kung pwede daw ay sa ibang kwarto kami matulog na
dalawa, wala namang reklamo si Mimi kasi malaki naman ang bahay nila at
maraming bakanting kwarto, kung hindi ako nagkakamali ay tatlo pa ang bakanting
kwarto, pwera pa ang guess room at sala sa itaas, ganon sila kayaman kahit
hindi halata sa kanya dahil hindi ito masyadong fasionista.
Malalim na ang gabi at kami nalang ata
ni Sedrick ang hindi tulog, nakahiga lang kami ng tuwid sa kama at nakatingin
parehas sa may dingding.
“mahal, salamat ah” ang sinserong wika
nito.
“salamat saan?” tanong ko.
“salamat sa lahat, sa pagpapasaya mo
sa’kin, sa pagbibigay mo lagi sa akin, sa pagmamahal, sa pasensya, sa
paglalambing sa lahat” ang muli nitong sabi,
Nagalak naman ako sa mga sinabi nito
hindi ko alam ang sasagot ko umaapaw ang kaligayahan ko na hindi ko ma wari.
“alam mo, hindi mo kailangan
magpasalamat, kasi hindi ko yon tulong sayo, kusa kong ginagawa lahat to para
sayo, kasi mahalaga ka sa akin, kasi mahal kita at hindi kita kayang ipagpalit
sa iba” ang bawi ko upang sya naman ang matuwa at hindi ko mapigilang hindi
lumuha sa kaligayahan.
“alam mo ba nuong unang klase palang
ay nakaramdam na’ko ng kakaiba sayo” ang wika pa nito.
“ano naman yon?” halatang interesado
sa topic.
“basta nakaramdam ako ng kakaiba, yung
hindi ko pa naramdaman sa ibang babae, pero natawa ako ng magkabungguan tayo,
halatang takot na takot ka sa akin” ang wika nito na natatawa.
Agad ko namang pinunusan ang luha ko
at nag salita.
“ako?? Takot sayo? Hindi ahh” ang
maang-maangang kong tugon
“wushuuuu….. hindi daw ohh, e namutla
ka pa nung Makita mo ko ehh” ang pangiinis nito “wag kanang mag kaila, halata
eh” ang dagdag pa nito.
“oo na sige na! namutla na kung
namutla ehh pano kaya lahat ata ng maka bungguan mo inaaway mo nuon, binubugbug
mo, ang babaw-babaw lang ng dahilan, war freak ka kasi” balik na pang-iinis sa
kanya.
“nagbago nako para sayo mahal ko” ang
tugon nito sabay akap sa akin.
At nakatulog kami sa ganoong posisyon.
Maraming buwan ang dumaan at talagang
naging stick ang barkada sa isa’t-isa,sabay-sabay kaming lahat kumakain
sabay-sabay mag mall, sabay-sabay mag arcade sabay-sabay gumagawa ng mga
assignment at kung ano-ano pa na pwedeng pagsabayin.
Kami naman ni Sedrick ay naging
malapit pa lalo sa isa’t-isa at alam kong minamahal ko na sya ang todo, alam
kong hindi rin ito infatuation dahil iisiping kulang na mawawala ito ay para
akong tanga na mamumuo ang luha sa mata at magiging emosyonal.
Parang hindi nako mabubuhay ng wala
sya, bukod sa gwapo at hindi mo pagsasawaan ang mukha nito ay talaga namang
maalaga, maaruga at masayahin , sa bawat pagdaan ng buwan o monthsary namin ay
marami itong pakulong naiisip, meron yung nagbigay ito ng life size na teddy
bear, nagbigay ito ng ring, ng couple shirt, nang ambush din sya ng di ko
kilalang estudyante at pinabigyan ako ng maraming letters, chocolates at
flowers meron ding binili nya kaming dalawa ng ticket na sikat na banda sa ibang
bansa nuong magconcert sila dito sa Pilipinas, hindi ko na talaga mabilang ang
mga pakulo nitong mayabang na ito, minsan nga nahihiya na ako kaya ako naman
ang nagreregalo na para sa akin
kailangan kong gawin dahil para makabawi rin sa mga ginagawa nya.
Kinikilig naman ang barkada sa mga
inaasta ni Sedrick dahil ako daw ang nagpabago sa badboy ng school naging
anghel daw ang isang demonyo ang dagdag pa nila na lihim kong ikinatutuwa.
At ngayon ang pang pitong buwan naming
magkasama ni Sedrick at hindi pa rin nawawala ang busilak na pagmamahal ko
rito.
Yes! Monthsary namin ni Sedrick
ngayon, ka excite naman! Oras na para ako naman ang ma pasaya ngayon sa kanya
ang sabi ko pa sa sarili ko at bumangon ng masaya, hindi mawala-wala ang ngiti
sa aking mata at labi.
Dali dali akong nagbihis at nagpapogi
para sa mahal kong si Sedrick todo pabango pa ako para malayo palang ay maamoy
na ako ng mahal ko, pasayaw-sayaw pa ako sa pagbibihis pasipolsipol pa.
“good morning manang Judith!!” ang
pasigaw ko pang sabi kay manang.
“hindi ka naman masyadong na eexcite
nyan no?” ang tuwang sabi ni manang
“excite na excite nga ako ehh” ang
masaya ko ring sabi.
“bakit naman sir?” ang tanong nito.
“manang mahal na mahal ko na kasi ang
taong mahal ko ngayon” ang tugon ko rito.
“talaga sir? Mabuti yan makatutulong
yan sayo sir” sabi ni manang na tinanguan ko nalang at ngumiti.
“sige manang una na’ko, late na kasi
ako eh” ang pahabol kong sabi at kinuha ang sandwich na nakalagay sa ref sabay
labas.
Napapatingin pa ang mga girls tuwing
dumadaan ako na ikintawa ko ops para sa mahal ko na ito ang pabulong kong sabi
habang naglalakad at nangingisingisi pa.
Habang papalapit ako sa room namin ay
lalong tumitindi ang pananabik ko na ibigay ang regalo ko kay Sedrick at bigyan
siya ng isang matamis na pagbati excited na rin akong malaman ang magiging
reaction nito sa pagsupresa ko sa kanya.
“good morning mahal” ang pagbati ko ng
may sigla kasi konti palang pala ang tao sa room namin, kasi wala daw palang
first subject
“good morning din mahal ko” ang
matamis din nitong wika.
“happy monthsary!” ang pagbati kong
muli dito
“happy monthsary rin mahal ko” ang
wika nito at sinamahan pa ng nag-uumapaw na yakap.
Nang bumitiw ito sa pag kakayakap.
“may regalo ako sayo mahal ko” ang
sabi nito na may ngiti sa labi tumango nalang ako at ngumiti sabay sabing
“ako rin”
Iniabot nya ang isang box ng chocolate
na alam kong mamahalin at tatlong roses, ibinigay ko naman sa kanya ang regalo
ko.
“wow!
mahal to ahh, eto yung sinabi kong gusto kong bilhin sa mall” ang
pagkabigla nito “nako sana hindi mo ito binili 5,000 pesos tong relo na’to
diba?” halata ang panghihinayang sa mukha nito.
“nako ikaw pa e pinaringgan mo lang
naman ako noon para ibili kita” ang pangiinis ko rito.
“wag mo akong itulad sa iba Prince,
kahit wala ka pang gift ngayon ehh hindi mawawala ang pagmamahal ko sayo” ang
tugon nito sabay ngiti sa akin
“UTANG NA LOOB !! ang kati kati dito
sa room ang daming langgam, mga echusero! Kalalaki nyong tao mas sweet pa kayo
sa mga babae!” ang sabat ni Nina kasama nya si Mimi na kararating lang.
Tawanan naman kaming lahat, ako man ay
natutuwa sa ugali ni Nina na madakdak at
parang bading kung mag salita.
“eh ano naman ngayon sayo, gwapo pa
rin naman kami kahit sweet sa isa’t-isa ah” ang pagtutol ni Sedrick sa sinabi
ni Nina.
“ay ewan ko sainyo! Mga haliparot” ang
inisinsan ni Nina.
“paano kasi tatlong beses ng iniwan ng
boyfriend, pano ba naman kahit maganda eh kung magsalita naman ay parang
bading” ang gatong pa ni Gary na kadarating lang rin.
“uy mga tol happy monthsary sainyo”
ang bati sa amin ni Gary.
“salamat tol inuman tayo mamaya ok?”
ang tanong ni Sedrick.
“sige ba” at sumang ayon ang lahat
“guys happy monthsary Sedrick at Prince, ang hiling ko ay sana mag
tagal kayo, wag na kayong mag-aaway naaapektuhan din kasi kami eh, at Sedrick
bawas-bawasan mo na rin ang pangiinis kay Prince at sa akin humuhingi ng
advice, NBSB pa naman ako” ang payo at bati sa ‘amin ni Mimi.
“eto nga pala cake para sainyo” dagdag
nito sabay abot sa’kin.
“wow! Salamat Mimi” ang pasasalamant
ko rito.
“your all welcome” ang tugon naman
nito.
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment