by: Apollo22
Dahil nakita ko syang lumabas sa isa
sa mga cubicle sa banyo namin, hindi ko alam ang gagawin ko kung mamamatay na
talaga ako o mag mamakaawa para hindi nya ako saktan.
Nakangisi syang lumapit sa akin…….
“Tignan mo nga naman kung sino ang
kaharap ko ngayon hehe” ang sabi nya habang papalapit sa akin.
Lumapit talaga sya sakin ang tinukod
nya ang kamay nya sa pader na right side ng ulo ko at pumukit ako sa pag
aakalang susuntukin na nya pero nagulat ako ng pinatong nya ang kamay nya sa
ulo ko na parang mama ko at sabi…
“Ganun na ba ako nakakatakot sayo? Sa
pogi kong ‘to natatakot ka? Ahaha” ang inis nya sa akin.
“Ahh ehh.. Sorry nga pala sa pag tawa
ko kanina ng malakas ahh? Hindi ko sinasadya” Ang paghingi ko ng pumanhin sa
kanya.
“Yun lang ba? Apology accepted, ikaw
pa lang ang nag patawa sa akin ng ganon sa loob ng cubicle habang nag dadrama
ka sa labas, baby ka pa nga hehe” pang iinis nya sakin sabay gulo sa buhok ko.
Nag taka naman ako kasi mag kaedad
lang naman kami tapos baby pako ko o sadyang iniinis lang ako ng mayabang na
yun.
Nakangiti syang lumabas ng banyo at pa
sipol sipol pa, ako naman ay parang nabunutan ng tinik ng balyena sa lalamuna
at sobrang nakahinga na maluwang.
Lumipas ang mga araw na iniisip ko
parin ang mga nangyari sa C.R at satuwing binabalikan ko ay bumibils ang tibok
ng puso ko at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, lagi kong nakikita ang
mga mata nya sa mga oras nayon pati ang mapula nyang labi ayaw kong isipin yon
pero kusang bumabalik.
Habang nasa room ay kinakausap ko
parin ang sarili ko
Tumigil kanga ano kaba gusto mo naba
si Sedrick ?? lalake kayo parehas diba?? O
bakit mu sya laging iniisip? Ang pagtataka kong sa bi sa loob loob ko
Hindi ko nalang pinansin ang mga
nanggugulo sa loob loob ko bagkus ay nag pokus ako sa pag aaral pero pumangatlo
lang ako sa klase nuong unang markahan satisfied narin ako dun kahit papano
kasi nga gumugulo saking isipan si Sedrick.
Ano ba ang pinakain sakin ng mayabang
na yon at ginugulo nya ang pagka tao ko
Inis kong sabi sa sarili
Nagsimula na ang pangalawang markahan
at gusto kong masungkit ang ikalawang pwesto kaya gusto kung pagbutihan ang
aking pag aaral. Kaya naman nang mag
bigay ang guro naming ng isang project sa math, physics, Filipino at English,
oo sa lahat ng subject na yon nag bigay ang mga guro naming baka pinag usap
usapan nila ito para pahirapan kami, kaya naman
hindi ako mag kanda ugaga sa pag isip ng gagawin ko sa project ko.
“ok class, dahil lahat kami na mga guro ninyo ay nag
bigay ng mahihirap na projects ay minabuti naming mag usap usap at napag
desisyonan naming isa itong group project” ang sabi ng guro ko sa Filipino
Nagulat ako sa aking narinig kasi
akala ko ay one by one project pero ngayon naman ay naging group project pero
naisip kong ok narin yun para hindi ako mag rush pag dating ng submission ganon
kasi ako ehh kung next week na ang submission ay ngayon palang ako nag
sisimula, eh ang dami pa naman non kaya pumanatag na ang loob ko sa narinig.
“ok class mag count down na kayo 1 to
5” sabi ng guro ko
“ 1 2 3 4 5 ……..” ang bilang ng klase
“tumayo lahat ng number1….. number2….
number3… number 4”
At dahil number 4 ako ay tumayo ako ng
magulat ako sa mga kagrupo ko
Si Mimi, Nina , Gary at ang Mayabang na si Sedrick
gusto kumang sumaya dahil ka grupo ko ang hinahangaan ko ng si Gary pero may
pumipigil sa kasiyahang yon, si Sedrick na minsan kunang makabungguan sa klase
at pakiwari kung naawa lang sakin kaya hindi ako ginulpi
Pero excited parin ako kasi alam
kong kagrupo namin si Gary kasi talaga
namang lubos ang pag hanga ko sakanya, sa maamo at gwapo nitong mukha, sa
katawan nyang mala Adonis ang hugis at ang mabait nitong pakikitungo nito sa
bawat isa sa amin.
Alam kong lalaki ako pero sa tuwing
nakikita ko si Gary ay nakakalimuta ko ito para bang nagiging ibang tao ako,
naalala ko pa noong araw na una nya ako e approach sa may canteen nag sasalin
ako ng tubig sa may tumbler ko at lumapit sya at sinabing pasalin din daw at
napa tunganga naman ako ng Makita ko sya, kaya umapaw ang tubig sa may tumbler
ko at hindi alam ang Idadahilan sa nangyaring iyon.
Sa pag tawa ko hindi ko alam na nasa
harap ko na silang apat.
“uy! Ok kalang?” ang tanong ng
nakangiting si Serdrick
“oo nga para kang baliw, nandyan ka
paman din sa sulok” ang dagdag pa ni
Mimi
“ ay oo ok lang ako” sabay ngiti
sakanila
“so san tayo nito?” tanong ni Gary na
ubod parin ng gwapo
“anong saan?” ang tanong ko naman
“kung saan natin pag uusapan ang MGA
project natin” ang sabat naman ni Nina.
“My Gosh!! Ang dami ahhh” dagdag pa
nito
“sa amin nalang” ang pag piprisinta ni
Mimi at sumang ayon naman kaming lahat
Pag dating naming sa bahay nya ay
nagulat kami sa laki nito
“ano to palasyo?” ang sabi ni Sedrick
“oo nga?!” ang sabi naman ni Gary
“nako ah ang uO.A nyo ahh tara nanga
pasok na tayo” ang ngiting sagot lang ni Mimi
Kahit sa loob ay ang gaganda at
mukhang mamahalin ang mga nwebles, may mga automatic at may mga mukhang antique
parang pnag sama ba.
“MANANG??!! Asan na kayo? PAG HANDA NYO PO KAMI NG MAKAKAIN!!”
ang sigaw ni Mimi
Nagulat naman ako sa pag sigaw ni Mimi
kasi ang huling pag kakaalam ko maganda at mabait hindi parang donya kung
umasta
“hindi ka naman galit sa katulong nyo
nyan??” ang tugon naman ni Nina
“ay nako hindi, ganun talaga yun
kaylangan pang sigawan para marinig nya ng maiigi medyo bingi kasi eh” ang
dipensa naman ni Mimi at napa tango nalang kami na wari’y naintindihan sya
Dumateso kami sa taas upang doon
pag-usapan ang projects naming, habang nag uusap kami ay nakikita ko na seryoso ang lahat maliban
kay Sedrick na kung ano-ano ang ginagawa habang naka headset na naririnig namin
hanggang sa kinauupuan namin ang tunog at kung saan saan nag pupupunta at kung ano-ano
ang kunakalikot, hindi ko alam kung bakit napansin ko sya habang ang iba ay
patay malisya lang sakanya, marahil alam na nila ang ugali nito na hindi naman
tutulong sa projects naming
“ano batong Sedrick na to kung ano ano
ang ginagawa parang batang ngayon lang nakakita ng malaking bahay, wala namang
naitutulong sa atin” ang tugon ko na hindi ko alam kung bakit ko nasabi iyo
Biglang lumingon lahat saakin
“ano kaba hayaan muna baka ikaw ang
pag buntungan nga galit nyan, na sampal nanaman kanina ng girls yan” ang
paalala ni Nina
“nako ganun ba? Bagay lang yun sa mga
gaya nay babaero kasi atsaka sino naman
ang natakot dyan? Maliliit lang naman ang pinapatulan nyan eh palibhasay bato
bato ang katawan kaya malakas ang loob” ang dagdag kupa
“uy! Tumigil kana baka marinig kapa
nyan” babala ni Mimi
“pano ako maririnig nyan eh ang lakas
lakas ng patugtog sa ipod nia” ang sabi ko naman
“guys sino may charger ng ipod?” ang
tanong ni Sedrick
“NALOWBAT tung ipod ko ehh, pahiram
naman” ang sabi habang nakatingin sakin
Natulala ako sa ballpen at papel na
hawak ko hindi ko alam kung narinig nya ang mga sinabi ko pero nag panggap ako
na nagsusulat,
“kanina paba lowbat yang ipod mo?”
tanong ni Mimi na tila nabasa ata ang nasa isip ko
“oo kanina pa pag dating dito sinuot
kulang tong headset kasi hindi kasya sa bag ko” ang tilang sadyang pag
diditalye ni Sedrick at may gustong ipabatid
“ay!! may gulay! nakalimutan kong
e-off tung ipod ko kanina pa pala tumututog” ang wika ni Nina na tila
pinagpawisan ako ng malamig sa narinig
“prince may sinasabi ka?” ang tanong
nya sakin habang naka kunot ang kilay
“ahh ehh… ano kasi ehh…” hindi paman ako tapos ay inalis na ni Sedrick
ang tingin sa akin at lumapit kay Mimi para tumulong sa projects naming
Nagi-guilty ako sa ginawa kong pang
mamata sakanya at alam ko na kahit tigasin tung si Sedrick ay naapektuhan sya
sa sinabi ko, lahat kinausap nya pwera sakin halatang nang gigigil saakin ang
mayabang nato.
Kaya naman ng matapos na kami at
lumabas sa gate nila Mimi ay nag hiwahiwalay na kami ng landas, si Gary at Nina sa kaliwang bahagi ng kalsada
ako at si Sedrick ay sa kanang bahagi ng kalsada. Patay! Kami pa ang mag
kasabay
Nauna ito ng ilang hakbang sakin bago
ako sumunod habang nag lalakad dama ko ang pang gigigil sakin dahil
tinatadyakan nya ang bato ng napakalakas na ikinatakot ko naman pero hindi ko
ito inisip at gustong gusto ko syang kausapin
“Sedrick!! Sedrick!! Dun sa nasabi
ko….” ang pag kuha ng atensyon niya
Pero imbis na hayaanng akong mag
pasorry ay agad itong bumalik papunta sa
akin sa mabilis nitong hakbang
“Hoy Ikaw!! ayaw lang kitang patulan
kasi sabi nila mabait ka pero di naman pala, Lalaki kaba talaga! Natatakot kasi
ako na baka pag sinapak kita ay mamatay ka at makulong pa ako ng dahil
kagaguhan mo” ang sigaw ni to habang dinuduro ng may diin ang dibdib ko
Hindi ako maka kibo sa lahat ng sinabi
nya nanlumo ako dahil ang sasakit ng mga sinabi nito, dahilan upang mapa yuko
nalang ako ng sobra sa kahihiyan sa mga taong dumadaan at pinag titinginan kami
hindi parin ito natinag sa kaka salita at kakasigaw, siniguro nya na sa mga
sinabi nya ay madadapa ako at hindi na muling makakabangon pa.
“sorry” ang nasabi ko lang pagkatapos
nitong mag sisigaw
“sorry ?? eh gago ka pala eh kala
mo madadala mo ko sa sorry mo? Ano ako
sira ulo??” gigil parin nitong sabi
“ano ba nag gusto mo ahh!!” sabay tulak sa
akin dahilan upang mapaupo ako sa may simento
“sorry talaga” ang sinserong sabi ko
parin sakanya sabay ang pamumuo ng luha sa mga mata ko.
“ehh nag gagaguhan lang pala tayo dito
ehh” sabay alis sa mabilis nitong hakbang
Makalipas ang ilang minuto ay tumayo
nako sa kinauupuan ko para umuwi, hinintay ko muna itong makalayo para wala ng
gulo
Siguro nga tama si Mimi ako nga ang
napag buntungan ng galit ni Sedrick dahil sa nangyari kanya kanina sa school,
pero sapat naba yon para sabihan nya ako ng masasakit na salita? Ganon bat alga
sya magalit sa ibang tao pag mali ang nasabi? Sa pagiisip habang nag lalakad ay
nakarating ako sa bahay ng hindi ko namamalayan
Kahit nakapasok nako sa bahay naming
ay bakas parin sa mukha ko ang pag kalungkot at tako sa nakita kay Sedrick,
tama ng ang sabi nila pag si Sedrick ang binangga mo ay hindi ka nito
sasantohin at hindi ka nya titigilan hanggang hindi ka malulugmok sa putikan
Iniisip ko ngayong kung papano ko sya
haharapin gayong may kasalanan ako sakanya at galit rin naman ako saginawa nya
saakin naparang trinato nya ko nahayop at hindi tao, masakit talaga ang loob ko
kasi akala ko ay nag kamali lang ang mga tao sa interpretation sa pagkatao ni
Sedrick at pilit ko syang pinag tatanggol sa mga nag sasabi noon.
Pinag tatanggol in a sense na hindi
ako sumasang ayon sa pag bato nila ng masasakit paratang sakanya, kesho hindi
dapat pakisamahan ang mga ganyang tao, problema daw yan sa eskwela at kung ano
ano pa
Sorry ka nalang princ etama sila,
sayang lang ang pag hanga mo sakanyang maamong mukha kung ang nasaloob nito ay
demonyo ang sabi ko sa sarili ko
Kinabikasan ay ni ayaw kong Makita ang
anino ni Sedrick sapagkat magkahalong guilt at galit ang nararamdaman ko sa
kanya pero umaasa parin ako na mag kakabati na kami
“ayos kalang prince” tugon ni Gary na
may pag aalala
nag liwanag ang mukha ko ng Makita ang
gwapong si Gary.
“ahh Oo ok lang ako” ang tugon ko
sakanya sabay ngiti
“pansin ko kasi ay kanina kapa balisa”
puna naman nya
“hindi ok lang talaga ako” at
sinabayan pa ng isang matamis na ngiti.
Nang pag lingon ko ay nakita ko si
Sedrick na papalapit sa amin, at ng maka lapit ito
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment