by: James Cornejo
Agad kong nilingon ang taong tumawag
ng aking pangalan. Hindi nga ako nagkamali. Agad kong siyang nilapitan at
binigyan ng isang napakahigpit na yakap sabay sabing:
"Kelan ka pa bumalik brent!?
taena, namiss kita tol!!!"
Si Brent ay kapatid ni RJ, kagaya ng
sinabi ko sa part 1, hindi ganon ka gwapo si RJ, taliwas ito sa kapatid niyang
si Brent, matangkad si Brent, hubog ang katawan, kung tutuusin ay hunk talaga.
Yung tipong masasabi mong "Habulin ng Chicks at mga Bakla!" hehehe.
Mas close kami ni Brent kahit na si RJ ang best friend ko, maybe kaya lang
naman kami naging magbest friend ni RJ, kasi siya ang kaedad ko, samantalang si
Brent naman ay mas bata sa amin ng 3 taon. gayon pa man, kahit na bata pa ito
ay makikita mo na talaga ang kagwapuhan niya. Makinis ang muka, matangos ang
ilong, moreno, kasing height ko lang siya at this time. hehehehe. At syempre,
SOBRANG GALING SA BADMINTON.
...NAKARAAN...
"Tol, aalis na ako next week for
a tour. Badminton tour" sabi ni Brent ng magkasama sama kaming mga
Badminton Players.
"oh, eh ano ngayon? edi ikaw na
ang aalis!!" pambabasag ng kanyang kuya RJ.
"RJ, stop it, kita mo namang
seryoso na yang kapatid mo eh." sabi ng patay na patay na si Erica kay RJ
sa naiiyak na boses.
"andrama nyo naman, makaalis na
nga dito." sabi ni RJ "James, samahan mo nga muna ako magyosi sa
labas." dagdag pa nito sa akin dahilan para hindi ako makatanggi at hindi
marinig ang farewell ni Brent sa Team namin.
Lumabas na nga kami ni RJ at nag
simula nang manigarilyo.
"tol, ano ba problema mo?
nagpapaalam na nga yung kapatid mo ng ayos eh, ganyan ka pa!" sabi ko kay
RJ.
"Wala naman, may sasabihin lang
yun sayo!" sabi niya
"sakin pala may sasabihin, bakit
mo ko niyaya dito, anlabo mo tol!"
akmang aalis na sana ako nang pigilan
ako neto sa paghawak niya sa aking braso.
"wala lang yun, and I'm sure
you're not interested!"
"what makes you think i'm not
interested!?"
"basta wag ka na muna bumalik
dun, baka hindi mo magustuhan sasabihin ng kapatid ko, masapak mo pa. ok?"
Nagpumilit pa din akong pumasok, pero
malakas talaga si RJ humila. Mga ilang minuto din kaming nasa ganoong posisyon,
at makailang beses ko din tinry na makaalis.
Sa wakas, nakaalis na din ako sa
pagkakahawak niya, agad akong pumasok, at nang makapasok ako, wala na sila,
nasa Shower Room na. Hindi naman talaga ako napasok ng shower room kaya
minabuti kong maghintay nalang sa labas. ngunit mapaglaro talaga ang oras ng
mga panahong iyon, tumawag ang ate ko, at kailangan ko na daw umuwi dahil
naunahan pa ako ni Daddy sa bahay.
"naku, patay nanaman ako
neto!!!" sigaw ko sa isip ko at nagmadaling kinuha ang gamit sabay uwi.
Hindi ko na muling nakausap pa si Brent
sa mga sumunod na araw, parang sa tuwing magttry akong pumunta sa kanila, agad
namang may nangyayaring kakaiba. For one week, i've been trying to contact him,
sobrang nacurious ako sa sinabi ni RJ.
Pero sabi ko nga, mapaglaro ang oras,
hindi na kami pinagtagpong muli ni Brent.
...PRESENT...
"kahapon lang tol, namiss din
kita!" sabi niya at ginantihan ako ng matinding yakap.
Agad naman akong nakaramdam ng hiya
kaya ako na din ang bumitiw.
"Balita? antagal mo nawala ah?
nga pala, kuya mo??" sabi ko
"wala naman bago sakin, i'm still
the old me" sabi niya, "si kuya?" dugtong niya, sabay nguso sa
likod ko.
Agad naman akong lumingon sa likod ko
at nakita ko si RJ na seryosong nakatingin lamang sa aming dalawa.
"hala, bad mood ata kuya mo, sige
na, i'll go ahead" sabay lapit ko kay RJ.
"ikie, sorry, namiss ko lang
kaptid mo, I Love You ikie" bulong ko sa kanya.
hindi naman ako neto pinansin, at
matamang nakatingin lamang kay Brent.
Ipinagkibit balikat ko nalamang ang
naging reaksyon neto, sa isip ko ay alam ko namang nagawa ko na part ko.
Dumiretso ako sa CR, at ang aking
plano ay ginawa ko na, ang UMIHI!
Pagkatapos ko mag-cr, agad ko namang
hinanap kung saan nandoon sila mommy at ate/kuya ko, nang makita ko sila ay
magkakasama na sila tita laly at cla mommy, as usual, ala din ang tatay nila
brent at RJ, tanging c tita laly, RJ, Brent at cacay, ang bunsong kapatid
nilang babae, ang magkakasama.
Dumiretso ako sa lumapit sa kanila at
bumati, "Good noon tita laly."
"Good noon din hijo, umupo ka na
dyan at pumili ng order mo, our treat, kasi bumalik na si Brent"
"yes tita. and thanks po"
pagsang ayon ko.
humanap naman ako ng bakanteng upuan,
agad kong nakita ang nagiisang bakanteng upuan kung saan napapagitnaan ako nila
Brent at RJ. nakakapag taka lang kasi, diba dapat magkakatabi ang magkakamag
anak, eh why is that si Brent, katabi ng mommy ko. pero again, ipinagkibit
balikat ko na lang ulit, advantage din naman kasi makakatabi ko ang
"GAYFRIEND" ko.
Mabilis dumating ang aming inorder,
kaya nagsimula na din kaming kumain, syempre madaming putahe ang inorder ni
tita laly kasi dumating nga ang kanyang anak.
Nagtataka naman ako sa pinagagagawa
netong dalawa kong katabi, ang isa ay sinasandukan ako ng kanin, habang ang isa
naman ay inaabotan ako ng ulam...
"Sige, unahin mo na muna si
Brent." sabi ni RJ na walang emosyon.
agad ko namang kinuha ang iniaabot na
kanin ni Brent at ako na ang nagsandok ng kanin na kaya kong ubusin, nakita ko
naman ang reaksyon ng muka ni Brent, ngingiti ngiti to na parang inaasar pa ang
kuya niya, kaya naman agad akong bumaling kay ikie at kinuha naman ang ulam na
ibinibigay niya. pero AGAIN, ipinagkibit balikat ko nalang din ulit ang mga
nangyayare.
Tawanan, kamustahan, kulitan naming
mga bata, at kung ano ano pa habang kumakain ang ginawa namin. Ramdam ko ang
enjoyment ngayon, alam kong magtatagal na din kasi ulit dito si Brent,
machachallenge nanamana akong magpagaling magbadminton dahil sa mokong na to.
Pagkatapos mag lunch, agad naman
kaming tumayo ni RJ, at lumabas ng resto upang magyosi sa isang tagong lugar
malapit sa resto. Habang naglalakad, napansin kong matamlay si RJ, kaya
naman...
"Ikie, are you ok? may problema
ba?" usisa ko
"wala naman james, wag mo muna
ako tawaging ikie, baka may makarinig, madiscover pa nila..."
"ok tol, ano ba problema?"
"wala nga, wag ka na
makulit."
"Is it about your brother?"
pangungulit ko sa kanya.
"EHH-HHEEEM!" biglang ubo ng
nasa likod namin...
Itutuloy. . . . . . . . . . .
jamesstoryline.blogspot.com
No comments:
Post a Comment