Wednesday, December 26, 2012

Ang Simula (06)

by: James Cornejo

Inihtid namin si Ondoy sa kanilang bahay, at pagkatapos noon, akala ko'y ihahatid na niya ako sa amin. ngunit ako'y nagkamali, pumunta muna kami sa ilog kung saan malimit kaming tumambay magkakabarkada.

"Ikie, isigaw mo lahat dito ng sakit na naramdaman mo sa lahat ng babaeng nagpaiyak sayo." sabi ni RJ

"hala, hindi naman ako baliw, tska past is past, ayoko na balikan pa ang mga pangyayare. and besides, having you makes me feel na wala ng mananakit sakin." wala sa sarili kong sagot sa kanya.


James, anu ba sinasabi mo, naiinlove ka na ba talaga sa bestfriend mo? bigla kong tanong sa isip ko.

"sige na ikie, atleast mailabas mo lahat ng sakit jan sa dibdib mo, 2 days nalang, pasukan na, makikita mo nanaman lahat sila, excluding lea."

"wag na ikie, no need..." ang hindi ko natuloy sabihin dahil sa pagsingit niya.

"ikie, i know you need this, wag mo na pahirapan pa sarili mo, dito, alam kong mailalabas mo lahat, kahit walang makarinig sayo kundi ako. and also, uhm..." sabi niya na parang nagaalinlangang ituloy.

"uhm what ikie?"

"gusto ko din kasi malaman kung... uhm... kung nakamove on ka na ba talaga sa kanila..."

ano ba naman tong gusto mo ipagawa sakin RJ, hindi pa ba sapat na tinanggap ko alok mo? hai...  sabi ko sa aking isip...

"PUTANG INA NINYO LAHAT!!!! SINIRA NYO PAGKALALAKE KO!!! MAGSISISI KAYO SA GINAWA NINYO!!! WALA NA AKONG PAKEALAM SA INYO, DAHIL NGAYON, MAY NAGMAMAHAL NA SAKIN!!! AT ALAM KONG HINDI NIYA AKO KAYANG SAKTAN!!! WAG NA KAYONG UMASANG BABALIK PA AKO!!!!" bigla kong pagsigaw, medyo naluha naman ako dahil naalala ko ang mga nangyari sa past relationships ko.

Tama nga si RJ, malaking tulong ang mailabas ko ang damdamin ko, medyo naging free na din ako sa pag iisip, ngayon, parang naging mas handa pa akong harapin ang bukas dahil sa ipinagawa niya sa akin...

tumingin ako sa kanya, seryoso ang muka niya, natawa naman ako ng bahagya dahil sa nakitang expression ng muka neto, hindi kasi bagay sa kanya. hehehe

"ano nakakatawa ikie?"

"wala, hindi bagay sayo magseryoso, and bakit ka nga ba seryoso?" sabi ko

"wala naman, may naisip lang ako." sabi niya na ibinalik na ulit ang ngiti sa kanyang mga labi. "did it help you ikie?" dadag pa niya.

"yes, a lot, thanks for this ikie." at sa pangalawang pagkakataon, nagdikit ulit ang aming mga labi. Pero this time, ako na ang lumapit, kahit ako nagulat sa ginawa ko. kaya agaran din akong humiwalay.

"sorry.." nahihiya kong sabi.

"hindi pa pala handa huh." sabi niya sabay ang ngiting nangaasar.

"sorry nga ih, natuwa lang ako. overwhelmed ba." sabi ko

"overwhelmed nga lang ba? eh bakit namumula ka?"

"wala, tara na.." nahihiya kong sabi.

shit, bakit ko ba siya hinalikan, nakakahiya! at bakit ang bilis ng tibok nag puso ko? sabi ko sa isip ko.

tumalikod na ako sa kanya, sa pagtalikod ko, hindi ko inaasahang may tao sa paligid. bigla siyang nagtatakbo kaya hindi ko napansin kung sino. pero isa lang ang kutob ko, kakilala naming dalawa yun. medyo kinabahan naman ako.

"ikie, did you saw that?" usisa ko.

"alin? saan?" tanong niya.

"may tao, baka kanina pa yon! aw, fuck, baka narinig niya ang sinigaw ko? or worst, baka nakita niya yung pag... uhm" sabi ko, hindi ko maituloy yung word na pag-kiss namin.

"meron ba? parang wala naman ikie."

"no, seriously, meron, nagtatakbo siya nung makatalikod ako sayo." sabi ko

"tara, tingnan naten, for sure, hindi pa nakakalayo yun." sabi niya, pero parang hindi siya naniniwala sakin.

Agad naman namin hinanap ang sinasabi kong tao na nakita ko, mabilis ako tumakbo, umaasa kasi ako na maaabutan ko pa yung taong yun, pero tila ata mas mabilis siyang tumakbo sakin, nakadating na ako sa hi-way,pero wala pa din ako nakitang galing sa pinanggalingan ko.

Habang si RJ naman, nagbabagal pa, feeling nya siguro, namamalikmata lang ako.

"wala na ikie, hai, sino kaya yun?" sabi ko nang makalapit sakin si RJ.

"ok lang yun, don't worry, kung sino man siya, for sure hindi natin siya kilala."

"uwi nalang tayo, ayoko na magstay dito, hatid mo na ko." sabi ko.

"okay ikie, as you wish" at agad na nga namin pinuntahan si mab, ang kanyang kotse.

Mabilis naman kami nakarating sa bahay namin, hindi na siya bumaba, marahil pagod na din siya. Agad naman ako pumasok sa bahay, nagmano sa aking mga magulang at dumiretso na sa aking kwarto.

Mabilis akong nakatulog, dahil na din siguro sa sobrang pagod sa mga pinaggagawa namin ni RJ pamula pa kahapon.

Saturday na ngayon, alam kong family day namin ngayon, at magpapabili na din ako ng mga "BAGO" para sa nalalapit na pasukan. Maaga naman akong nagising dahil sa nanay ko na pumasok sa aking kwarto. nagtataka naman ako dahil hindi niya ito madalas ginagawa.

"ma, good morning, ano ginagawa mo dito sa kwarto ko?" tanong ko habang bumabangon.

"wala naman anak, namiss lang kita, san ba kayo galing ng bestfriend mo?"

"sa batangas ma, dun sa may beach, sa resthouse nila tita lali dun, ang ganda pala dun ma." sabi ko

"ahh, oo, naikwento na sakin yan ng tita lali mo, pero hindi pa ako nakakrating dun. bakit kayong dalawa lang ang pumunta don?"

"hindi ma, kasama namin sila mike." pagsisinungaling ko.

"wag ka nga magsinungaling james, nagpunta dito si mike, paeng at bj, hinahanap ka."

patay, bakit ba naman kasi sinabi ni RJ na kasama namin ang barkada. hai...  sa isip ko

"sorry po ma. naisipan lang namin magbonding magbestfriend, pero pumunta din po dun si ondoy." paumanhin at paliwanag ko kay mommy.

"okay, just make sure na wala kang katarantaduhan ha james! makakarating yan sa tita lali mo!" banta ni mommy.

"ma, wala naman po kami ginagawang masama. sorry na, I Love You ma." lambing ko sa kanya, alam ko kasing hindi nito matitiis ang lambing ko.

At hindi nga ako nagkamali, bumigay naman ang nanay ko "ok na, tama na yang panlalambing mo, bumaba ka na, nakahanda na ang agahan, at aalis na tayo ng ate mo."

"wala si daddy? nasan nanaman yun?" tanong ko kay mommy.

"hala ewan, busy nanaman sa kanyang extracurriculars" biro ni mommy.

(extracurricular po, ibigsabihin sa family namin ay ang iba't ibang grupong sinalihan ng tatay ko, para hindi lang malaman ng tatay ko na pinaguusapan namin siya. hehehe)

Description lang po sa family ko, ako po pala ay pangalawa at bunso saming magkapatid, ang ate/kuya ko (tomboy po kasi, pero muka pa ding babae, kasi hindi naman siya cross dresser) ay college na ngayon, habang ako ay 3rd year HS na sa pasukan.Ang ate ko ay maganda, malaki ang hinaharap, (hahaha), sabi nila ay pahabain mo lang daw ang aking buhok ay makikita mo na ang ate ko. matalino siya, kaso tamad, hindi maalam magluto, at maglinis ng bahay, at napaka batugan. siya si Ate Lyn. Ang nanay ko naman ay isang Pharamcists, (yun nga din pala ang tinapos namin ng ate/kuya ko) (baka maguluhan po kayo, uulitin ko po, 20 years old na po ako sa kasalukuyan, isinasalaysay ko lang po dito ang mga hindi ko makalimutang parte ng aking buhay), maganda ang nanay ko, sa katunayan, hindi mo aakalaing 44 years old na siya, maputi at sexy pa din. Ang tatay ko naman ay top 13 sa board exam ng kanyang kurso (hindi ko na papangalanan ang kanyang kurso dahil baka matrace na ng mga kaibigan ko kung sino talaga ako hahaha), hindi siya approachable, matapang ang itsura, sa kanya ko namana ang aking tindig, at pagkamakisig, ngunit sa kasamaang palad, hindi ko talaga namana ang kanyang tangkad, mag 3rd year HS na ko, pero 5 flat lang ako.

Matapos ang aming usapan ng nanay ko sa aking kwarto, dumiretso ako sa CR para umihi, magsipilyo at mag ayos na din ng sarili bago kumain.

Agad naman akong natapos kaya agad din akong bumaba para kumain.

"ma, ayan na si senyorito, tara na, kumain na tayo, kanina pa ko nagugutom" pangaasar ng ate/kuya ko ng makita ako netong pababa ng hagdan.

"hoi ate lyn, tigilan mo ko, agang aga, at wag kang mang asar, ngayon ka lang nagising ng maaga pag nandito ka sa Calamba eh!" naasar kong turan sa kanya.

"ma oh, nangaaway! bakla ata tong unico hijo mo oh!" sumbong niya kay mommy.

"tigilan mo nga yang kapatid mo lyn! at wag mong inaasar na bakla yan, wala akong anak na 50-50 kundi ikaw!" sabi ni mommy

sanay naman na kami ni ate lyn dito sa ganitong sitwasyon sa bahay, lagi nya akong inaasar pag nauwi siya dito, at lagi din naman akong pinagtatanggol ni mommy sa ate/kuya ko. pero close naman talaga kami, alam niya ang lahat sa akin, maliban lang yung sa amin ni RJ, ayokong ipaalam sa kanya, dahil nahihiya ako. alam kong mataas ang expectation niya sakin, dahil lang ang nagiisang tagapagpakalat ng aming lahi. (kinalimutan na kasi kami ng iba naming kapamilya sa part ng tatay ko, in short, sa Cornejo clan, hindi na kami kasali.)

Pagkatapos mag agahan, agad na akong dumiretso paliligo, sumunod sa akin si ate/kuya, tapos naman ay ang aking nanay.

"ma, ako na magddrive ah!" sigaw ko kay mommy.

"tanungin mo ate mo, nauna na siya nagsabi sakin kanina!" sigaw naman ni mommy

(kaya kami nagsisigawan dahil nasa baba ako, habang siya ay nagbibihis sa taas)

"ah ah naman, lagi nalang siya!" pagmamaktol ko.

"hoi james, tumigil ka jan sa kaartehan mo ha, tatadjakan kita!" sabi ng ate/kuya ko ng makababa na din at nakabihis. "at hindi mo alam ang daan sa pupuntahan natin kaya ako na ang magdadrive!"

hindi na ako sumagot dahil alam ko namang hindi ako mananalo sa ate/kuya ko, kaya sumakay nalang ako sa kotse namin at nagpatugtog ng mga love songs sa stereo. kahit ako ay naninibago sa sarili ko, hindi ko gawaing makinig sa love songs, dahil nga ako'y mabilis na nakakatulog sa byahe kapag love songs ang tugtog. pero ngayon, tila nageenjoy ako sa pakikinig dito na hindi naman nakaligtas sa mapangpuna kong ate/kuya.

"anong pumasok sa isip mo at yan ang pinapatugtog mo? nakakapanibago ka na ha! inlove ka ba?" sabi ni ate lyn.

"wala lang, masama bang magbago ng taste?" balik tanong ko sa kanya.

"hala, inlove nga ang bata. hoi james, madala ka sa nangyari sayo sa mga past relationships mo ha! and wait, ano ba nangyari sa inyo ni Lea?"

"please lang ate lyn, wag mo na ipaalala, ayoko na siyang maalala! tsaka tumahimik ka na, ayan na si mommy, sasakay na!" sagot ko na may himig ng pagkainis.

"OKAY BITTER!" pangaasar pa lalo niya sa akin.

Mabilis naman kami nakaratings sa isang kainan sa may Bay, "Lucidel" ang name ng restaurant na to, masasarap ang mga pagkain, at refreshing ang place, favorite na kainan to ni mommy, pero hindi ko talaga alam ang pasikot sikot sa lugar na to kahit ilang beses na ako nakakapunta dito.

"ma, order na kayo, CCR lang ako." sabi ko ng makababa ng kotse.

Naglakad ako papalayo sa kanila papunta sa CR. Nang malapit na ako sa CR, biglang may tumawag sa aking pangalan, isang pamilyar na boses, isang tao na matagal ko nang hinihintay, isang tao na sobrang namimiss ko sa aking buhay, kilalang kilala ko ang boses na yun.

Lumingon ako at...

Itutuloy. . . . . . . . . . .


jamesstoryline.blogspot.com

No comments:

Post a Comment