Wednesday, December 26, 2012

Part of Me (11)

by: Apollo22

Apat na araw din ako sa ospital at nahirapan rin sa pagrecover ng aking takawan, minsan hindi ako makakilos ng maayos dahil sa aking mga sugat, hindi ko rin magawa ang mga gusto kong gawin dahil nga kumikirot ito at hindi ko mahawakan ang aking sugat,

Nagsisisi tuloy ako kung bakit ko ginawa ‘yon para sa taong ni wala namang pakialam sa akin at nasasayahan pagnagmumukha akong tanga, pero kahit ganoon ay sinusuportahan ako ng aking mga kaibigan.


Dumadalaw sila bago at pagkatapos ng klase, masaya talaga silang kasama at kung magbiro ang mga ito ay parang wala akong sakit, may time nga na natapik ako ni Nina sa may braso at napa sigaw ako sa sakit, nakalimutan atang may sugat ako.

Si Mimi naman ay laging may dalang cake, kahit anong cake may cassava cake, may black forest cake, may ice cream cake at kung ano-ano pang cake na Makita nya, likas na talaga kay Mimi ang mag dala ng cake pagdadalaw ito sa isang tao.

Si Gary naman ay ang taong nagpapagaan ng loob ko at nagpapaluwag ng nararamdaman ko, nagbibigay ito ng advice at words of wisdom sa akin, minsan din bumabalik ang pagkacrush ko rito na pinipigilan ko dahil ang pagkakaalam ko ay may girlfriend ito na ayaw kong Makita, ikinwento rin nito na humihingi ng tawad sa akin si Sedrick pero sa tuwing babanggitin nya ito ay iniiba ko ang usapan na sa tingin ko ay nahahalata nya yun kasi sumasakay naman ang mokong.

Ngayong nasa bahay na ako at bukas ay ang muli kong pagpasok sa iskwela napaka lakas ng tibok ng puso ko dahil makikita ko ang taong nanloko sa akin, hindi ko alam ang magiging reaksyon ko ‘pag nakita ko sya dahil kahit ngayon ay hindi ko alam kung napatawad ko naba sya sa maikling panahon na ito, ang sabi ko nga ay hindi ako mahirap magpatawad ang mahirap lang siguro ay ang hilumin ang sugat at pighati dulot pa ng iyong minamahal dahil kung ang Diyos nga ay nakakapag patawad ng walang tanong, ako pa kaya na tao lang na nilalang nya at pinababa lang sa lupa.

Marami  akong narealize sa mga nangyari, marami akong bagay na natutunan na kahit sa iskwelahan ay hindi natututunan, minsan kaylangan mong i-let go ang isang tao kahit wala itong sinasabi, kasi masakit kung aasa kapa sa taong pinapaasa kalang at hindi ka naman pala mahal, minsan hindi ka rin dapat agad magtiwala sa pinapakita ng isang tao at wag karing pabubulag sa itsura o sa kung anong maganda sa panlabas na anyo, kasi kahit anong gwapo o ganda nya kung demonyo’t ahas ang kalooban nya, ang ahas ay ahas at wala ng pagbabago do’n.

Lumabas ako upang mag bike, sinubukan akong pigilan ni mama dahil kakagaling ko lang daw sa ospital at medyo maselan pa ang mga sugat ko pero dahil matigas at makulit ako ay pinayagan ako nito, kung sa subdivision lang daw ako, syempre tango lang ako ng tango.

Habang nagbabike ako ay may nakita akong isang lalaki na nakakuha ng aking atensyon sa kadahilanang napaka porma at napaka gwapo kahit nakatalikod ito at malayo palang ay amoy kuna ang pabango nitong lalaking-lalaki at ang gwapo ng amoy.

Tinititigan ko ito habang papalapit ako, parang modelo kung maglakad ang gwapo at ang macho pa, nang maunahan ko ito ay agad akong lumingon at nakita kong si James pala iyon at mukhang may lakad na pupuntahan.

“hey Prince!” ang tawag nito sa akin.

Huminto naman ako at hinintay sya, tumakbo ito papunta sa akin.

“oh ikaw pala James? Ang gwapo ah, san ang lakad natin?” ang tanong ko rito nang makalapit ito saka tinapik ang balikat.

“ah eto ba? naku wala to may pinuntahan lang ako banda d’yan sa may kalapit na subdivision” ang sagot nito at ngumiti ng napaka gwapo.

Napatitig ako rito ng matagal at wari’y na mamangha sa mukhang parang anghel sa kalangitan at pinagkalooban ng napakaperpektong mukha.

“Prince Jade ayus kalang ba? may dumi ba ako sa mukha?” ang tanong nito na tila natatawa sa aking inasal.

“ah eh…. Wala,  kasi may dumi ka sa mukha.” tinuro ito at kunwari’y may pinagpag sa malambot at masarap kuriting pisngi “oh ayan wala na” ang sabi ko na alam ko namang namumula ako sa mga oras na yon.

“ay gano’n ba nakakahiya naman.” ang sabi nito at kinuha ang panyo at pinunasan ang sarili.

“nako wala lang yon, dahon lang hindi naman kung ano.” ang wika ko para hindi ito mag-alala.

Tumango ito at binigyan ako ng isang ngiti.
Aba ano ‘to? Nagpapacute ba ang mokong na’to sa akin o ano? Pero kahit hindi sya ngumiti gwapo pa rin ah. Ang nasabi ko nalang sa aking sarili.

“ah eh may malapit na bar d’yan gusto mong pumunta?” ang paanyanya nito.

“sige ba, kaso wala akong dalang pera eh, ang balak ko sana magbabike lang ako at magmumuni-muni kung saan eh.” ang wika ko na may pagkadismaya.

“naku yun lang pala eh,ako na magbabayad ng sayo.” ang mayabang nitong sabi.

“ok Mr. mayaman tara na at ilibre mo na ako.” ang sabi ko.
Huminto ito at binigyan ako ng isang nakaklokong ngiti

“libre? Hindi siguro, may kapalit to dude!” sabay kindat sa akin.

“kapalit? Uhhhhhhmmmm?” at nag-sad face ako rito, nagsimula na kaming maglagad patungo sa sinasabi nitong restaurant.

“hindi naman mahirap ang kapalit nito eh, sige na please? and  may utang ka panghindi nababayaran sa akin” ang mayabang nitong sabi.

“aba kuya, este James ang buong akala ko bukal sa loob ang pagtulong mo sa akin, hindi ko alam na utang lahat pala yun” ang pikun-pikunan kong sabi.

“ah basta! Ang utang ay utang, didimanda kita ‘pag hindi mo nabayaran” ang mapilit nitong sabi.

“eh pano kung sabihin kong wala akong perang pambayad?” ang tugon ko rito.

Ngumiti ito at tumingin sa akin “sino bang  nagsabing pera ang kapalit?” sabay bigay sa akin ng nakakalokong ngiti at binilisan ang lakad, syempre sinundan ko pa rin ito dahil gutom narin ako at ok lang kahit magkautang ako kesa mahimatay nanaman ako sa gutom ayaw ko na ‘uling mag-alala ang mama ko sa akin.

Pagpasok namin ay Umupo kami sa may sulok kung saan dumadaan rin ang mga tao.

“waiter!” ang pagtawag nito.
At lumapit ang isang magandang babae para kunin ang order namin.

“ano po yun sir” ang tanong nito at halatang nagpapacute sa amin.

“bigyan mo nga itong kasama ko ng isang steak, salad, ice cream at juice at vodka naman para sa akin” ang sabi nito na parang matagal ng talagang nag-oorder dito.

“ok Sir”Sabay alis ng waitress.

“hulaan ko, sa ibang bansa ka lumaki no?” ang hula ko.

“pano mo naman nalaman? Oo sa italy” ang sagot naman nito.

“kasi common sa ating ibang  Pilipino na isang meal, main course  lang at hindi na kasama ang appetizer at dessert” ang nagmamagaling kong sagot.

“uuuuu, galing ahh? At saang website mo na basa yan?” ang nakaklokong tanong nito.

Aba loko to ah, kala ko mabait, mapang-asar rin pala

“ewan ko pansin ko lang.” ang matipid kong sagot rito.

“mmm? Ganon ba? ok sige convince na ako, about sa utang mo kailan mo ako balak bayaran?” ang tanong nito at lumabas nanaman ang nakakalokong ngiti, o gano’n lang talaga ang ngiti nya patari.

“wala nga akong perang dala diba? Kung gusto mo pumunta ka muna sa bahay at dun nalang kita babayaran.” ang inis kong sagot.

“sino nga ang nagsabing pera ang kapalit?” ang nakakalokong tanong nito.

“eh ano ba ang kapalit?” bigla akong kinabahan sa magiging sagot nya baka kung ano ang hingin nanaman..

“o bakit namamawis ka d’yan?” at bigla itong tumawa ng bahagya.
“gusto ko lang namang magpaturo sayo kung papano mag gitara eh” at tuluyan na itong natawa, marahil napansin nyang kinabahan ako nang sobra.

“pano mo naman alam na marunong akong maggitara?” ang inis kong tanong.

“basta alam ko lang” ang nagmamagaling nya ring sagot.
“basta tuturuan mo ako ok? Araw araw kung hindi dedemanda kita” ang pangiinis nito.

Tinitigan nya ako at hinintay ang aking sagot, tinitigan ko rin ang napaka ganda nyang mga mata at nakaka-akit nitong labi, marahil ang taong ito ang magpapalimot sa akin kay sedrick.

“ok, sige nanga!” ang napipilitan kong sabi, pero sa totoo ay ok lang sa akin.

Sabay nang pagdating ng aking pagkain, mukhang masarap kaya hindi ko mapigilan ang aking sarili na lantakan ang pagkain, samantalang umorder lang si James ng inumin dahil kakagaling nya lang daw kumain sa pinanggalingan nya.

“nakakatuwa ka namang kumain” ang natatawa nitong sabi.

Tinignan ko ito at na conscious naman sa inasal kong pagsunggap sa pagkain, nginuya ko muna ang pagkain na sobra-sobra sa aking bibig at linunok ang nakabara sa aking lalamunan bago magsalita.

“ay pasensya na, gutom na gutom na kasi ako eh” at napakamot pa ng ulo.

“ayus lang yan, parang pagtinignan lang kita busog na busog na ako” ang nakakatuwa nitong sabi.

Natuwa ako kasi, imbis na bawalan ako sa inasal ko ay natuwa pa ang mokong.

“punta ka sa bahay namin?” ang bigla kong sinabi na hindi ko naman alam kung bakit ko sya nayaya.

“ngayon naba?” ang tanong nito na natuwa naman.

“oo ngayon na” sagot ko.

“ok, sige ubusin mo muna ang kinakain mo bago tayo pumunta sainyo” ang sabi naman nito na tila na excite.

Ganon parin ang paraan ko ng pagkain mabilis at halos subo, lunok lang ang ginawa ko habang si James naman ay kwento ng kwento tungkol sa school nya yung mga magaganda at pangit na nangyari sa buhay, nya naging palagay na rin ata kami sa isat-isa kasi kahit private life nya ay kinukwento nya, about sa mga naging girlfriends nya at kung ano ang ginagawa nya sa mga ito, matagal-tagal rin ang kwentuhan namin hanggang sa matapos akong kumain, at dumaretso na sa bahay.

Nadiskubre kong sa likod ng malamatalinong mukha ni James ay pilyo at mahilig rin si ito, mahilig ito sa mga babae at mahilig rin manuod ng kababalaghan sa internet, ok lang naman yun kasi natural naman na minsan ay mag explore ka sa buhay.

Nakarating kami sa bahay at nakita kong maraming tao rito, mukhang may house party si Papa sa mga kasamahan nya sa trabaho, agad ko itong pinuntahan kasama si James.

“pa anong meron?” ang tanong ko rito ng pabulong.

“celebration namin anak, kasi na close ko yung isang deal sa isang malaking company, ok kana ba?” ang masayang sabi ni Papa.

“opo ok na pa, pa si James, remember him?” sabay tingin kay James

“pano ko naman makakalimutan ang taong nagligtas sa aking gwapong anak?” ang tugon naman ni papa sabay tingin nito kay James,dahil sumunod pala ito sa pag-sundo sa akin sa Andonov family, nauna lang si Mama.

“goodevening po tito” ang bati naman ni James sa aking papa

“goodevening rin ” sabi ni papa
“Anak you should join our celebration dahil magaling kana” sabay baling ang tingin nito sa akin.

“wag na pa, ayaw ko muna mag party kayo nalang, dun na muna kami na James sa kwarto ko” ang sabi ko.

“ok anak, mas mabuti panga anak para mapagaling ni James yang puso mo, este yang sugat mo” ang panloloko sa akin ni papa.

Inismiran ko lang si dad at umakyat na kami sa kwarto ko, hindi ko alam kung bakit nasabi ni dad ang ganong biro, alam na kaya nya ang tunay kong damdamin, marahil alam nanga nya pero kung alam na nya, alam kong pilit nya akong iniintindi para narin sa aking kapakanan at para sa aming pamilya.

Nauuna akong pumasok sa kwarto ko at kasunod ko naman si James.

“eto ang kwarto ko, konti nalang ang gamit, kasi yung iba pinaalis ko, sa mga katulong habang nasa uspital ako, mga bagay kasi yun na may magpapaalala sa akin” ang malungkot kong sabi

Narinig kong sumara at nag lock ang pinto, ang lungkot ko ay biglang napalitan ng kaba, alam kong  si James ang naglock ng pinto ayaw kong mag-isip ng kung ano-ano  ngunit pagharap ko kita ko ang mukha nito na may pakagat-kagat pa ng labi at nangaakit na mga mata, hinawakan nya ang kanyang sandata, dahan-dahang itong lumalapit sa akin, sa bawat paglapit nya ay sya ring aking pag atras, hindi ko alam ang aking gagawin at aking iisipin, natataranta na ako hanggang sa makarating kami sa may kama, tinulak nya ako para mahiga, gusto ko mang umalis ay dinaganan nya ako at hinarang ang dalawang kamay.

Pumikit ako simbulo na pinapaubaya ko na ang aking sarili sa kanya dahil alam ko na ang mangyayari.

“huy anong ginagawa mo?” ang tanong sa akin ni James sabay ng aking pagmulat.

“sige ok lang” ang matipid kong sabi.

“ok ang alin? Tatanong ko lang naman kung saan ang banyo dito eh, naiihi na kasi ako” ang sabi nito at pinipigilan ang pagtawa.

Hindi ko muli alam kung ano ang gagawin, Nahiya ako sa aking inasal, hindi ko akalaing nagbibiro lang pala ito at walang ano-ano ay binibigay ko ang aking sarili sa taong hindi ko pa masyadong kilala.

Prince ang gago mo, parang wala kang natutunan sa ginawa sayo ng gagong si Sedrick ang nasabi ko nalang sa aking sarili.

Tinulak ko ito at tinuro ang banyo sa aking kwarto, alam kong para akong kamatis na pulang-pula sa sobrang hiya at wala nalang akong nagawa kung hindi yumuko.

Pagpasok na pagpasok palang nito sa banyo at umalingasaw ang malakas nitong tawa, tawa ng tagumpay sa pang-aalaska sa akin.

Itutuloy. . . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com


No comments:

Post a Comment