by: Apollo22
Start palang ng klase nang 4th year ay
talaga namang excited na excited akong makita ang mga kaibigan ko sa pag-asang
classmate ko pa ang mga ito, ngunit sa kasamaang palad ni isa sa kanila ay
hindi ko classmate, nalipat kasi sila sa ibang section at ang iba ay nag
transfer na.
Lungkot na lungkot ako kasi bagong
pakikisama na naman ang gagawin natin since bago ang mga kaklase kailangan
maging maayos ang pakikitungo ko sa kanila, pero sabi ng mga kaibigan ko ako
raw ang pinaka mahirap lapitan sa lahat kasi ang akala nila suplado raw ako at
mukhang kakain ng tao pag pinansin mo.
Sabagay ganun talaga ang personality
ko ang sabi ng classmate ko ng 3rd year nung una nya akong makita eh crush niya
na ako kasi ang gwapo gwapo ko raw, ang cute daw ng dimples ko at ang chinito
kong mata para daw akong artista na naligaw lang sa eskwela nila, diniscribe
nya ako na maputi maganda ang pangangatawan at matangos ang ilong at ang pinaka
na attract daw sya sakin ay sa high ko pero hindi ko na pinansin yun at nag
paka humble nalang.
Sa totoo lang hindi naman ako matalino
masipag lang, pinag hihirapan ko ang bawat score ko sa mga quiz at exam lalo
pa’t hindi ako matandain sa mga bagay bagay kaya kailangan kung mag laan ng
oras sa pag aaral at syempre dahil doon ay impress sakin ang mga girls at todo
kilig pa tuwing dadaan ako, pero parang wala lang sakin ewan ko ba kung bakit.
Habang nag mamasid ako sa kapaligiran
at bago kung mga kamag aral ay nakita kong classmate ko pala ang mga sikat na
tao sa eskwela gaya ni…..
Anny na kilala sa mga In na looks nito
kasi pag nanuod ka ng palabas sa America Hollywood kung baga asahan mo
kinabukas kung ano ang suot nila doon, yun din ang suot nya pag pasok.
Isang pa si Gary isang player ng
basketball at isang magaling swimmer marami rin ang nahuhumaling sa kanya dahil
sa taglay na kagwapuha at kakisigan
Si Nina yang simpleng babae na mukhang
nabuhay sa katauhan nya si Maria Clara ubod ng talino yung tipong kahit di mag
review ay makaka kuha ng mataas na iskor.
Paktay mukang wala nakong pag asang
maging first sa klase. Sabi ko sa sarili ko pero ok lang alam ko naman na
deserve nya yun eh.
Si Mimi na alam ang lahat ng
nangyayari sa loob ng buong campus ng St. Mark University di to sa Pampanga.
At ang pinaka sa lahat ng pinaka
mayayabang, chickboy at badboy ay si Sedrick na kamalas malasan naging
classmate ko ngayong school year sa mukha nya na makisig, gwapo at mukhang opo
lang ng opo ay nagkatago ang isang BADBOY na pagkatao ang huling binugbug nya
ay nasa hospital pa hanggang ngayon.
Yan ang mga naririnig kong chismisan dati at ang iba
ay na papatunayan ko naman sa pag mamasid lang at dahil dyan isang malalim na
buntong hininga lang ang naging reaksyon ko sa kanila sabay bulong
“Prince Jade mukhang magiging mahaba
at magulo ang 4th year mo”
Mukhang hindi ko napansin na sa
pagiisip ko ay uwian na pala at wala naman kaming masyadong ginawa ngayon kung
hindi paulit ulit na mag pakilala sa harapan na halos mamemorize ko na ang
bawat pangalan ng mga classmate ko kaya naman nag handa na ako para sa uwian.
Malamig ang panahon noon kasi umuulan
ng sobrang malakas, e wala pa naman akong dalang payong ka ginamit ko nalang
yung folder ko pang sangga sa ulan ng maka limang hakbang patakbo nako ay
naalala ko tung tumbler ko naiwan ko sa ilalim ng upuan kaya naman bumalik rin
ako patakbo pero, pag talikod ko may tao pala sa likod ko nagkabungguan kami ng
sobrang lakas, sa sobrang lakas ay napaupo pa ako sa may putikan.
“ARAY!” sabay namin nasabi, ng makita
ko na si Sedrick pala yung naka banggaan ko.
Nako! Lagot, patay ako nito sa lahat
ng mabubunggo ko si Sedrick pa sabi ko sa sarili ko.
Kaya agad agad akong tumayo, “Ok ka
lang Sedrick? Nasaktan ka ba? Sorry ahh hindi ko sinasadya?” ang sabi ko na may
pag aalala na baka bigla na lang ako nitong sapakin.
“Hahaha talagang ikaw pa ang
nangungumusta sa lagay mong yan” nangiinis na sabi nya, “Bata sa susunod kung
babalik ka tignan mo muna kung may tao sa likod mo at wag kang basta basta
babalik” dagdag pa nya.
Sa sobrang taranta……
“Opo” ang sabi ko nalang at dalidaling
bumalik sa classroom upang balikan ang naiwan kung tumbler ng makita ko ang
sarili ko sa salamin ng aming kwarto na para akong basang sisiw na nilalamig at
naisip ko na oo nga sa itsura ko ngayon ako pang may ganang mangumusta sa
mayabang na yun.
Sabay lumapit si Mimi “oh may panyo
ako dito mag punas kanga kawawa ka naman, takot na takot ka pa kay Sedrick
kanina” sabi nya na naka ngisi pa.
Shitt!!! Pano nya nalaman yun???! Sabi ko sa sarili ko
“Halata ka kasi hahaha, sige mauna
nako” dagdag pa nya pero ngiti lang ang sagot ko sa kanya.
Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o
maiinis sa sinabi ni Mimi, kalalaki kong tao ehh wala pang ginagawa sa akin si
Sedrick ay tumiklop na agad ako.
Naiinis ako sa mga panahong iyon hanggang
sa pag uwi ko nakaligo nako’t lahat lahat iniisip ko parin ang nakakahiyang
ginawa ko, naisip ko tuloy na parang syang hari sa palasyo at alila ako na
hindi sinasadyang matamaan ko ang mahal na hari.
Nakakinis talaga!! Ang sabi ko sa isip
ko habang nakahiga sa kama at nag takip ng unan sa ulo.
Nang biglang may kumatok sa pituan ng
kwarto ko.
“Anak andyan ka ba?” boses ni mama ko.
“Opo ma, pasok ma” ang sagot ko sa
kanya.
“O anak kumusta ang first day sa
school? Ok ba nakahanap ka ba ng bagong kaibigan?” tanong agad ni Mama.
“Ma ok lang po, wala pa akong
masyadong kakilala kasi first day pa lang naman eh” sagot ko sa kanya ng
nakangiti.
“Ahh ganun ba anak basta maging mabait
ka lang anak ahh at ‘wag kang papasok sa gulo” payo ni Mama habang hinihimas
ang buhok ko na parang bata.
“Mmm si Mama naman ginawa akong bata
ang tanda kuna 17 nako pero parang bata parin ako sa paningin mo noh.”
Nagsisimangot-simangot kung sabi sa kanya.
“Nako nakakatuwa naman ‘tong anak ko
matandan na raw oh, pero sige na nga isa ng gentleman ang anak ko kaya
tatratuhin na kitang isang true grown up man” ang pang iinis ni Mama.
“Oo na Mama, matutulog na ako dahil
pagod na pagod ako galing school” ang sabi ko.
“Sige na anak matulog ka na” sabay
patay ni Mama sa ilaw ng kwarto at umalis.
Natutuwa ako na kahit sa sobrang busy
ni Mama ay hindi nya pa rin nakalimutang kumustahin ang pag aaral ko, kaya para
sa akin sya ang the best mom para sakin ganun din naman sa Dad ko kaso mamaya
pa ang uwi nun galing work, at sa pag iisip ko ay unti unti na ako ng inantok
at nakatulog.
Kinabukasan mga 7 palang gising na ako
dahil ayokong mahuli sa pag pasok sa school mahirap na baka maka tatlo akong
late at equivalent ‘yun sa 1 absent.
Pagbaba ko sa bahay ay nakita ko agad
ang isa naming helper na nagluluto ng kakainin ko para sa almusal at lunch ko
sa school.
“Hi manang Good morning! Anong
ulam?” Masigla kong bati kay manang.
“Good morning din Prince eto para sa
almusal ham at sa lunch mo kare kare” Pag mamalaki ni Manang Judith.
“Wow naman mukhang masarap talaga yan!
Eh si Mama tulog pa?” Tanong ko agad kay Manang.
“Nako hindi kanina pang 5am umalis
binilinan nga akong pagluto ka” sagot ni Manang.
“Ay ganun po ba? Sige kain na po tayo”
Halatang disappointed kasi hindi na naman nakasabay si Mama.
After ng 30 mins ay umakyat uli ako
para mag ready for school naligo, nagbihis nag ayos at iba pa mga 1 hour at pag
baba ko nakita ko si Manang.
“Gwapo talaga ng alaga ko” proud nyang
sabi.
“Talaga po manang? Salamat!” ang sagot
ko naman at akamang umalis ng bahay.
Tutal malapit lang naman ang school ko
sa subdivision namin ay nilakad ko na lang exercise narin sakin ‘to.
Pag dating ko sa school ay agad akong
naupo at nanahimik kasi kasunod ko na yung teacher kong si Ms. Alexandra
Capungay.
“Ok class the faculty members have a
meeting today so hindi ko muna kayo ma mimeet ngayon si Mimi na muna ang mag
tatake charge sainyo sana makinig kayo sakanya ok mag iiwan ako ng activity and
don’t worry about lang to on how you
present your self base sa isusulat nyo sa 1 whole sheet of paper, ok Mimi dito
ka sa harap at bawalan mo ang mga maiingay, good day class”
“GOOD DAY MA’AM” sabi ng lahat.
Nako ang saya saya ng iba wala si
Ma’am lalo na kaming mga boys pero kahit ganun pala ay ginawa namin yung
pinapagawa ni Ma’am ng tahimik, after siguro ng 15mins ng katahimikan ay may
biglang dalawang babaing 3rd year na pumasok sa room namin at guess what kung
ano ang ginawa,
Dumeretso sila sa kinaroroonan ni
Sedrick nagulat kaming lahat ng samapalin sya ng dalawang ‘yun.
PAK!! PAK!! Kami ang napa aray sa
sakit ng ginawa ng dalawa tapos lumabas lang sila na parang walang nangyari.
Biglang sabi ng kabarkada ni Serdrick
na bumasag sa katahimikan “ang babaero mo kasi sira ulo!”
Nagtawanan ang lahat maski na ako todo
tawa pa, talaga namang bagay sa mga katulad nya ang masampal ng ganoon kalakas
para mag tanda! At parang nakaganti narin ako sa ginawa nyang pang iinsulto
sakin kahapon kaya ang lakas lakas ng tawa ko eh at hindi ko namalayan sa
sobrang lakas at haba ng tawa ko ay nakatingin na pala lahat sakin lalo na si
Sedrick na hindi maipinta ang mukha.
SHIT!! Sabi ko sa sarili ko at umikot
ang mata ko sa mga classmate ko.
Hindi ko alam ang gagawin, parang
gusto kong mag laho sa kinauupuan ko nakakahiya ang ganawa ko, kaya nag palusot
na nasamid lang at uminom ng tubig sa dala kung tumbler pero halata naman na
palusot yon.
Tumayo si Sedrick sabay sa pag tayo
nya ang pag tadyak sa upuan kung saan nakapatong ang paa niya at lumabas na
nakatingin sakin.
Patay!! Patay!! Patay!! ako nito as in
literal akong mamamatay pag binugbog nako ni Sedrick! Ang takot kong
pangungusap sa sarili.
Recess naming at lumabas ako pero bago
lumabas ay tumingin muna sa paligid at baka nakaabang na si Sedrick ng makitang
wala na sya ay mabilis akong nag tungo sa banyo para umihi kasi wala talaga
akong balak na lumabas at magpabugbog kay Sedrick
After kong umihi ay nag hugas ako ng
kamay sa may bowl sa harap ng salamin.
“Ahhh!! Nakakainis ka talaga Prince
bakit ka pa kasi tumawa ng ganun kalakas? Ahh?? Bakit bakit ?? hindi mo ba alam
na ang buhay mo ang kapalit sa pag tawa mo ng malakas kanina?? Hindi kana
natakot kay Sedrick at tinodo mo pa ang tawa mo, ngayon dahil dyan humanda ka
bugbug sarado ka kay Sedrick” ang sabi ko sa harap ng salamin.
At nanlaki ng sobra ang mga mata ko at
para na talaga akong bibitayin dahil….
Itutuloy. . . . . . . . . . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment