by: James Cornejo
Pumasok ako na dadala pa din ang kotse
na pinahiram sakin ni daddy, pero sa kagandahang palad, hindi ko na kasabay at
sa palagay koy hindi na muling mauulit pa ang pagsabay sakin ni Ezra. Dumiretso
agad ako sa aming classroom, 6:30 palang naman ng umaga, may panahon pa ako
para magisip pagdating ko sa room. sabi ko sa aking isip habang naglalakad
patungo sa aming classroom.
"James, james." tawag sakin
ng isang babae mula sa aking likod ng makapasok ako sa Highschool Building ng
aming school.
"oh, bakit Mena?" sabi ko sa
aking kaklase na nagngangalang Romina.
"Wag ka muna pupunta sa
classroom. kasi... uhm... pano ba to... basta, wag ka muna pupunta sa
classroom." Sabi nito sakin na parang may pagaalangan.
"bakit naman? ano ba
problema?"
"basta, yung mga tropa mo
kasi..."
"oh, ano meron sa tropa ko?"
"Para kasing may masama silang
balak pag pumasok ka. Mamaya ka nalang pumasok pag nandun na si ma'am, sensya
na, concerned lang..." sabi nito sakin at naglakad na palayo. pero agad ko
siyang pinigilan para kompirmahin kung totoo ang sinasabi nito at tanungin kung
sino sino ang nandoon. "Si mike, BJ at paeng lang ang nandon. hindi ko nga
alam kung nasan si RJ eh..." sagot nito sakin na may pagaalangan.
"ano ba mga kaganapan dun?"
may takot na maririnig sa aking boses.
"wala pa naman, pero kanina ka pa
nila pinaguusapan. Parang may binabalak. and I know it is not good."
"okay, thanks mena."
Hindi ko alam ngayon kung pupunta na
ba ako sa classroom o hindi pa. natatakot ako sa pwedeng gawin ng aking mga
tropa, panigurado ay alam na nila ang tungkol samin ni RJ, at alam kong
masamang magalit ang mga ito. Napagpasyahan ko nalang na dumiretso muna ng
Canteen. meron pa akong 45 minutes bago pumasok sa aking unang klase.
Nakarating naman ako agad sa Canteen
at dito ay nakita ko si RJ. Tinabihan ko siya sa upuan at kinausap.
"Ryan, ano ba pinagsasabi mo sa
mga tropa naten? ha?" pagcoconfront ko kay RJ.
"Sorry ikie, for
everything..."
"Wag mo akong tawaging ikie!!
wala ng tayo RYAN! matapos ang nangyare kahapon! wag nalang!" sabi ko dito
na naging dahilan ng kanyang pagluha.
"Wala naman ako sinabi sa kanila
ikie, hindi ko naman sinabi sa kanila ang meron tayo..." sabi niya habang
umiiyak.
"HINIDE???!!! eh bakit ganon nalang
ang sinabi sakin ng mena, pinagpaplanuhan nila ang pagdating ko! ano ba ang
dapat kong malaman ryan!!!" sabi ko dito na may pangsisindak.
"I thought it is enough for me na
umalis nalang sa tropa naten para maging malaya na tayong gawin ang gusto natin.
I love you so much james, I can't afford loosing you!"
Natulala nalang ako sa sinabi nito,
ano umalis siya sa tropa? bakit? at ano ba ang pinaplano ng mga tropa ko? mga
tanong na ngayo'y gumugulo sa aking utak.
"Kaya kami nagkagulo kahapon
dahil kay BJ, napakayabang niya kasi at hindi ko na natagalan, pero imbes na
sabayan ko ang galit niya, kinausap ko nalang si Ondoy, Mike at Paeng at sa
kanila ako nagpaalam. I'm already not a part of your circle of friends James.
Please, I don't want to be alone. Please stay..." sabi niya na may
pagsusumamo.
Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Sorry Ryan, sorry, hindi dapat ako nagpadalos dalos, wag kang mag alala,
hindi kita iiwan. Andito lang ako ikie..." pabulong kong sabi sa kanya,
Kasabay nito ay ang pagtulo na din ng aking mga luha.
Hindi ako iyakin simula pa pagkabata,
pero ngayon, ramdam ko na may kumikirot sa aking dibdib, alam kong nasaktan ko
si RJ sa aking ginawa, alam kong madami akong naging padalos dalos na disisyon
kahapon, but I never expected na para sa akin, gagawin ni RJ na umalis sa aming
barkada para maiwasan ang conflicts namin. how I wish I have his guts
yesterday. How I wish I know how to Handle things when I'm already caught in
between.
"Tahan na ikie, tama na yan. wag
ka magalala, hindi na po ako galit. I Love You Ikie..." pag aalo ko sa
kanya. Minsan ko lang gamitin ang mga salitang ito sa kanya, pero sinisiguro ko
na tagos hanggang buto ang pagsasabi ko sa kanya nito.
"opo, salamat ikie, I thought It
was the end of what we have. I Love You too ikie..." at agad na niyang
pinahid ang kanyang mga luha at binigyan ako ng isang ngiti.
"Yan, mas bagay sayo yan.
Nakangiti pagkatapos umiyak. Gwapo ka na..." pagbibiro ko sa kanya.
"Adik mo talaga ikie! ikaw nga
din oh, umiyak ka!" sabay pahid sa aking pisngi ng kanyang mga kamay para
maalis ang mga luhang tumulo sa akin kanina. "Bakit ka umiyak?"
"Ah, eh, wala, hindi ko lang
inexpect na gagawin mo yun para sakin." sabi ko sa kanya.
"sabi ko naman sayo dati diba,
gagawin ko lahat para lang sayo."
"Kelan mo naman po sinabi
yan??"
"ah, uhm, kelan nga ba?" at
nagbigay ng expressyon na parang nagiisip. "Basta! sinabi ko sayo
yan!" Sigaw nito ng tila wala ng maisip kung kelan nga ba niya sinabi ito.
Agad naman ako natawa sa expressyon ng muka nito, parang bata lang na
nagtatantrums lang.
Bigla naman nagvibrate ang aking
mobile phone at agad kong tiningnan kung sino ang nagtext, si Mena pala.
"James, nandito na si ma'am. akyat ka na." txt ni Mena.
"Ikie, nandun na daw si ma'am,
akyat na tayo?" yaya ko kay RJ.
"sige ikie, pero teka, pano sila
Paeng? ano ba yung binabalak nila?" sabi ni RJ.
"hayaan ko nalang sila. kung
galit sila sakin, bahala na sila, makakahanap pa tayo ng ibang kaibigan. basta
masaya ako na okay na tayo." sabi ko kay RJ.
Agad na nga kaming pumunta sa
classroom. Habang naglalakad, pabilis ng pabilis ang tibok ng aking puso,
kinakabahan ako sa kung ano man ang pwedeng gawin nila Paeng sakin. Alam kong
may nasabi si BJ sa mga ito. Pero ipinagkibit balikat ko nalang muna upang
hindi makaramdam si RJ na may bumabagabag sa aking isipan.
Pagkarating namin sa labas ng aming
classroom ay pinauna ko nang pumasok si RJ sa loob, at ako naman ay nasa
kanyang likuran lamang. Pagkapasok namin sa loob ng classroom, nakarinig ako ng
palakpakan mula sa likod ng parte ng room, nang tingnan ko ang kinaroroonan ng
mga pumapalakpak, napag alaman ko na sila Paeng ang pumapalakpak. Binigyan ko
naman sila ng isang nagtatakang tingin at nilingon ko naman si RJ. Nakangiti
itong nakatingin kila Paeng at nang napabaling naman ang aking tingin sa
kanyang mga kamay ay naka-aprub pa itong senyas kila paeng.
"Asus! magkakaayos din pala! ang
aarte pa! kayo talagang magbestfriend!" sigaw ni Mike na parang kinikilig
kilig pa.
"oo nga oh, ang arte pa ni
walkout king kahapon oh!" si Paeng naman.
Nagtawanan naman ang buong klase sa
ginawa ng aking mga kabarkada. pero isang nagtatakang tingin pa din ang binigay
ko sa kanilang lahat. Parang alam ng lahat ang "PLANO???" ng aking
mga kaibigan, at mukang kakuntsaba pa nila si BJ.
Nilapitan ko naman si Mena.
"mena, akala ko ba nandito na si ma'am?" tanong ko dito.
"Haller james, 2nd day palang ng
class for the school year, plano lahat yon ni RJ!" at binigyan ako ng
isang malakas na tawa.
Namula naman ako sa aking narinig na
hiyawan, ramdam ko ang pagkapal ng aking mga pisngi at ang paginit ng mga ito
na senyales na namumula ako, akmang tatayo na ako sa aking inupuan nang
kausapin ko si Mena para makaalis sa lugar ng biglang: "Oh, ayan nanaman
si walkout king oh, magwawalk out nanaman!" Buyo nanaman ni Mike.
"Tigilan ninyo nga ako! ano ba!
hindi na kayo nakakatuwa huh!" sigaw ko, pero nakangiti ako, halatang
nagugustuhan ko ang kanilang ginagawa sakin.
Hinila ko naman si RJ palabas ng classroom
at kinausap.
"Ikie, ano to? akala ko ba hindi
nila alam?"
"Hindi naman talaga eh, nang
hingi lang ako sa kanila ng tulong para magkaayos tayo." sabi nito sabay
hagikhik. "ang alam lang nila ay may problema tayo, wag ka ding magalala
kay BJ, hindi siya magsasalita, nagkausap na kami ng matino kahapon." sabi
pa nito sakin at hinila na ako ulit papasok ng classroom.
"Hoi, anglalandi ninyo! daig nyo
pa ang magsyota ah!" sigaw ni Paeng pagkapasok na pagkapasok namin ng
room.
"ULUL! wag ako paeng!" balik
buyo ko naman dito. "Patay kayo sakin mamaya! pati ikaw mena! nako nako,
pinagtulungan ninyo ako lahat ha!" sabi ko sa mga ito.
Tumabi na ako sa aking mga tropa
kasama si RJ. Bumalik kami sa dati, puro kulitan lang ang namayani sa amin ng
dumating ang aming teacher sa Chemistry.
"Please go to your respective
seats!" bungad nito samin.
Walang kumibo sa amin, tumahimik ang
buong klase sa ginawa ng aming bagong teacher.
"Who is your class
president?" tanong nito at agad naman akong tinuro ng aking mga kaklase.
"ako po ma'am..." mahiya
hiya kong sabi.
"where is your seat plan? Your
adviser told me that you already have the seat plan."
"Ma'am, nakay ezra po, pero wala
naman siya, hindi po ata papasok." sabi ko naman dito.
"okay, take your sit."
At ako ay umupo na ulit sa kumpulan ng
aming barkadahan. Wala pa naman ang seat plan kaya pwede pa ako sa kung saan
saan umupo.
Puro pagpapakilala lamang ang nangyari
sa buong araw, puro bago kasi ang aming teacher, third year na daw kasi, kaya
naman iba na ang set of teachers, maliban lang kay mrs Vergara na lahat na ata
ay hinahandle niya.
Mabilis ang ara na nagdaan, puro
kulitan ang nangyari sa aming tropaha, pero syempre, may mga private moments
kami ni RJ, pero wala ng 'SEX' na nangyari sa amin. Hinayaan nalang namin na
puro lambingan at halikan ang mamagitan sa amin, pumayag naman siya, sapat na
daw na isang beses niya akong natikman at hihintayin nalang daw niya ang araw
na maging handa na akong ipaubaya ulit si junjun sa kanya.
Dumating ang araw ng Huwebes, ika 16
ng Hunyo, taong 2005.
Mineeting ni Mrs Vergara ang buong
klase.
"I assume na ready na ang
ipepresent ng class ninyo bukas? am I right mr Cornejo?" sabi ni Mrs
Vergara.
shit, nakalimutan ko! sigaw ko sa
aking isip.
"uhh, ehhh, opo mam, meron na
po!" pagsisinungaling ko dito, dahil alam kong hindi nito magugustuhan
kung isasagot ko ay wala pa. Ibang magalit si Mrs. Vergara.
"Talaga? meron na james?"
bigla biglang tanong ng isa sa aking mga kaklase.
"ah, eh, oo, meron na!" sabi
ko nalang at tiningnan ng masama ang kaklase kong nagtanong.
"Okay Mr. Cornejo, it's good to
hear that you are doing your job as class president. I will watch you tomorrow.
kung sino man ang magpeperform sa inyo. Good Luck" sabi ni Mrs Vergara at
umalis na sa aming Classroom.
patay, pano na to. ako nalang! ako
nalang! ako nalaaaaaaaang!!! sige ako nalang! sigaw ko sa aking isipan.
Itutuloy. . . . . . . . . . .
jamesstoryline.blogspot.com
No comments:
Post a Comment