by: iamDaRKDReaMeR
"Labs ano yung sasabihin mo
kinakabahan ako ha." ang pangungulit at naguguluhan kong wika sa kanya.
"Kasi Mahal, hihintayin kitang
makalabas ng work mo at may surprise ako sa yo." ang tila kinikilig nyang
wika sa akin.
"Huh bakit di mo sinabi sa akin
na pupunta ka!" ang gulat kong untag sa kanya.
"Kaya nga surprise diba!?"
ang tila pang-aasar naman nyang sagot sa akin.
Aaminin ko kinilig din ako sa gesture
na ginawa nya.
"O sige ha hintayin kita sa labas
ng hotel. I love you." ang may diin nyang sabi sa akin sabay baba ng
tawag.
At matapos nga ang aking duty ay
nakita ko sya sa employees entrance nakatayo na tila may kausap sa telepono
kaya agad ko syang nilapitan.
"Hi Labs! Sino ang kausap
mo?" ang pagbati ko sa kanya na kanyang ikinagulat.
Binaba nya ang tawag at bumaling sa
akin ng nakangiti "Ah yun ba secret! Tara na." ang pag-aaya nya sa
akin.
Hindi ko na sya kinulit pa kung sino
man ang kausap nya bagkus sumama ako sa kanya ng hindi ko alam kung saan kami pupunta.
Sumakay kami ng taxi. "My friend
Royal Regent Hotel." ang pagbibigay direksyon nya sa taxi driver na
ikinagulat ko.
"Labs bakit nag check in ka
ba?" ang gulat kong tanong sa kanya.
"Basta Mahal." ang may
paglalambing nyang tugon.
Hinayaan ko na lang sya sa kung ano
man ang tumatakbo sa isipan nya.
Nang marating namin ang hotel ay agad
syang pumunta ng reception area at agad kinausap ang nakaduty na F.O.
staff. In short, naka book pala sya sa
hotel. Nang matapos na ang registration ay agad nya akong nilapitan at sinabing
punta daw muna kami sa bahay upang kumuha ng gamit ko, agad naman naming
nilisan ang hotel at tumungo sa bahay.
"Oh jan ka na pala kumain ka na
ba?" ang tanong sa akin ni Jane.
"Hindi pa. Aalis din agad kasi
ako kasama ko kasi ang friend ko may pupuntahan kami at baka di ako umuwi
mamaya don na ako matutulog kaya di tayo sabay makakapasok bukas." ang
pagpapaliwanag ko kay Jane.
"San ba ang friend mo bat di
pumasok ng bahay?" ang tanong ulit ni Jane.
"Nandyan lang sa labas ng pinto
nahihiya kasing pumasok." ang tugon ko.
Kaya nman si Jane ang pumunta sa labas
at nagpapasok kay Lee.
"Ano bang ginagawa mo dyan bat di
ka pumasok dito." ang istriktang wika ni Jane kay Lee.
Ngumiti lang si Lee at agad din namang
pumasok ng bahay.
"Lee sya nga pala si Jane
nanay-nanayan ko, Jane sya si Lee FRIEND ko." ang pagpapakilala ko.
Iniwan ko silang nag-uusap sa sala
habang ako naman ay nag-aayos ng mga gamit na dadalhin ko.
Nang matapos ako sa pag-aayos ng gamit
ay agad akong lumabas ng kwarto upang lumapit sa dalawang nag-uusap. Sa tingin
ko ay nagkakasundo ang dalawa sapagkat nagkakatawanan na sila sa kanilang
pag-uusap kahit pa ngayon lang sila nagkita.
Nang makita ako ni Lee ay agad niya
akong nilapitan at kinuha ang bag na dala ko.
Nagpaalam na kami kay Jane at bumalik
na kami ng hotel.
_____________
Room 709...
Pag pasok namin ng hotel room ay
nagulat ako sa nakita ko sa ibabaw ng bed puting stuffed toy at bouquet of red
roses.
Sa sobrang saya ko ay nayakap ko si
Lee at nahalikan.
"I love you Labs!" ang wika
ko kay Lee.
"I love you more Mahal!" ang
pagtugon nya sa akin sabay bigay ng isang mabilis na halik sa aking mga labi.
Pumunta ako ng cabinet upang iayos ang
aking gamit ng makita ko na ang daming dalang damit ni Lee na akin namang
ipinagtaka.
"Naglayas ka ba sa inyo at ang
dami mong dalang damit?" ang tanong ko sa kanya.
"Hindi may seminar kasi ako na
iaattend kaya ganyan kadami ang dala kong damit at yan ang surprise ko sa yo.
I'll be staying here in Abu Dhabi for 5 days." ang masaya nyang wika sa
akin.
Binigyan ko lang sya ng isang matamis
na ngiti at pabulong na i love you, agad kong inayos ang kanyang mga gamit
kasama ng gamit ko. Pagkatapos kong masalansan ang mga gamit namin ay lumabas
kami upang maghapunan.
Naging masaya ang limang araw na aming
pagsasama ni Lee sa hotel. Sabay kaming gigising sa umaga para mag breakfast,
sabay maliligo at syempre pag naliligo hindi na maiiwasang may mangyari, at
sabay kaming aalis ng hotel. Sa hapon nman ay nauuna ako lagi sa kanyang
dumating sa hotel kaya naman napagpapasiyahan kong umuwi ng bahay upang magluto
ng aming panghapunan na labis namang ikinasisiya ni Lee. Naging maasikaso ako
sa kanya. Kung titignan mo nga kaming dalawa para na kaming mag-asawa sa iisang
bahay. Huling araw ng pagsasama namin ni Lee sa hotel dahil kinabukasan ay
babalik na sya ng Dubai naiwan sya sa hotel at ako naman ay pumasok. Bago pa
matapos ang duty ko ay tumawag sya sa akin at sinabing wag na daw akong magluto
at sa labas na lang kami kakain.
Palabas na ako ng hotel ng nakita ko
syang nakatayo sa staffs entrance.
"Hi Mahal!" ang bungad na
bati nya sa akin.
"Hello Labs! Bakit sinundo mo pa
ako di mo na lang ako hinintay sa hotel?" ang tanong ko sa kanya.
"Syempre para naman diretso na
tayo sa restaurant na kakainan natin gutom na kasi ako." ang paliwanag
nya.
"Ah ganon ba? sige tara na. para
makakain na at makapag pahinga na tayo." ang tugon ko na pag aya sa kanya.
Nagulat ako sa lugar na pinuntahan
namin dahil sa restaurant na yon nagtatrabaho ang tito ko as Assistant
Manager. Pagpasok namin ay agad kong
nakita ang tito ko agad ko naman itong nilapitan na pinagtaka ni Lee.
"Tito si Lee po FRIEND ko, sya po
yung pinuntahan ko noon sa Dubai. Lee si Tito Charles." ang pagpapakilala
ko sa dalawa. Ito ang unang pagkakataon na makikilala ng tito ko si Lee.
Naging maganda naman ang pakikitungo
ng tito ko kay Lee kaya naman kampante ako. Pagtapos kong maipakilala ang
isa't-isa ay pumunta na kami sa mesa upang umorder ng pagkain. Matapos maibigay
ang aming order sa waiter ay nag-usap lang kami ni Lee ng kung anu-anong bagay
habang hinihintay naming dumating ang aming pagkain.
Nang matapos kaming kumain ay agad na
kinuha ni Lee ang aming chit, syempre may discount anong silbi ng pagiging
assistant manager ni tito kung di nya kami bibigyan ng discount, ahahahahaha.
Namasyal muna kami ni Lee bago bumalik
ng hotel dumaan na rin kami ng bahay para imangamusta kanila Jane.
Pagdating namin ng hotel ay nagpahinga
muna kami. Makalipas ang ilang sandali ay nag-umpisa na naman si Lee na
mangulit. Kiliti dito kiliti doon, tawanan dito tawanan doon. At ng mapagod ay
binuksan ang t.v. at nanood. Sa puntong ito ay bigla ko syang tinanong.
"Labs..." ang pagpukaw ko sa
kanyang atensyon.
"Hmm..." ang simple nyang
tugon.
"Mahal mo ba ako?" ang
paglalambing kong tanong sa kanya.
"Mahal di mo na kaylangan pang
itanong yan dahil ang sagot ko dyan ay OO." ang kanyang sagot na ikinakilig
ko. Sa totoo lang ang sarap talaga ng pakiramdam na marinig mo mula sa bibig ng
taong mahal mo na mahal ka nila.
"Labs may pangalan na ako para
dito sa teddy bear na binigay mo. Ang pangalan nya ay Mac-mac." ang
pagbibigay ko ng pangalan sa stuffed toy na binigay nya habang parang batang
nilalaro laro ko ito. Binigyan lang niya ako ng isang matamis na ngiti.
Halos maghahating gabi na ng
mapagpasyahan na naming matulog.
Sa kalagitnaan ng aking pagtulog ay
nakadama ako ng pamimigat ng aking katawan, nang imulat ko ang aking mga mata
nakita ko si Lee nakaibabaw sa akin at nakangisi. Isang matamis na ngiti lang
ang aking ibinalik sa kanya. Katulad ng mga naunang nangyari sa amin naging
marahan at mapagkalinga sya sa kama ngunit sa puntong ito ay bigla sya may
ibinulong sa akin.
"Mahal, pwede ba kitang
pasukin." ang may paglalambing na tinig.
"Labs not now. Hindi pa ako
ready." ang pagsusumamo kong sagot sa kanya na hindi naman nya tinutulan.
Natapos ang sandaling iyon ng may
ngiti sa aming mga labi kahit na pa hindi ko sya napagbigyan sa kanyang
kahilingan.
_____
Lumipas ang mga araw lalong lumalim
ang pagsasamahan namin ni Lee. Hindi pa rin nawawala sa kanya ang pagbisita sa
akin sa Abu Dhabi. Naging hobby na nya ang bumisita sa akin isang beses sa
isang linggo. At every monthsary namin ay hindi sya pumapalya na magbigay ng
stuffed toys, at lahat ng binigay nya sa akin ay binibigyan ko ng pangalan.
It was first week of the month of May
ng magbakasyon sila Jane at si Roger sa Pinas at ibinilin nila ang kwarto nila
sa akin. Nagkataon din nman na katatapos lang din ng monthsary namin, four
months na kami ni Lee.
Dumating si Lee sa bahay, naabutan nya
akong nasa loob ng kwarto nila Jane nanonood ng t.v.
"Hi Mahal." ang tawag nya sa
akin.
"Oh Labs sino ang nagbukas ng
pinto sa yo?" ang tanong ko sa kanya.
"Si Virgie may kausap sya sa
labas baka yung bf nya." ang pagpapaliwanag nya sa akin.
"Bat di ka man lang nagsabi na
pupunta ka?" ang tanong ko ulit.
"Para surprise. Ayaw mo nun lagi
na lang kitang sinu surprise." sabay bigay ng pilyong ngiti at abot ng
bago kong stuffed toy.
As usual, nagkwentuhan at nagkulitan
kami ni Lee na para bang bago lang kaming pumasok sa isang relasyon. Nang
magsawa sa kulitan ay nagpahinga kami ng konti at naglinis ng katawan upang
maghanda sa pagtulog.
Nakahiga kami sa kama ng bigla nya
akong siilin ng halik. Katulad ng dati may nangyari sa amin ngunit sa
pagkakataong ito ako naman ang may ibinulong sa kanya...
Itutuloy. . . . . . . . . . . .
unspokenwordsofdarkdreamer.blogspot.com
No comments:
Post a Comment