by: James Cornejo
"Good Morning Ikie... Good
Morning Baby..." gising ko kay RJ habang nakasandal naman ako sa kanyang
tiyan na animoy may nabuo talagang baby sa pagniniig na ginawa namin kagabi.
Natawa naman si RJ sa aking ginawa at
agad na hinaplos ang aking ulo... "Good Morning din ikie..." sabi
niya at agad na nagdikit ang aming mga labi... Ngayon, masasabi ko nang hindi
na ako naiilang sa kanyang mga halik, nagugustuhan ko na ito at sa palagay ko,
hinahanap hanap ko pa... Masarap humalik si RJ, sanay na sanay, ilang lalake or
babae na kaya ang nahalikan neto, hindi naman kasi nagkukwento eh! andaya
naman... mmmm... hindi maiwasang pagtatampo ng aking isip...
Agad akong nagbihis ng maghiwalay ang
aming mga labi, at nagpaalam na sa kanya upang makasama ko naman ang aking
pamilya bago manlang magpasukan, bukas kasi ay pasukan na at excited naman ako
kaya mamaya pagdating sa bahay ay agad ko nang aayusing ang aking gamit. Third
year na ko bukas!!! waahahaha. sigaw ko sa aking isip bago pa man ako makalabas
sa kwarto ni RJ.
"James, wait..." sabi ni
Brent bago pa man ako makalabas ng pintuan ng kanilang bahay. "I'll drive
you home.." dugtong pa nito at biglang umakbay sa akin...
"wait din brent, maalam ka na ba
magdrive?" sabi ko naman sa kanya.
"hehehe, hindi, trike nalang
tayo..." sabay ngiti ng matamis.
"talaga ka, wag na, kaya ko na
magisa to."
"hindi, I insist, hatid na kita,
maguusap din tayo habang nasa daan."
"ano naman paguusapan
natin??"
"basta, hayaan mo nalang
ako." sabi nito na tinanguan ko nalang bilang pagsang ayon
Lumabas na kami ng gate at agad
nag-abang ng tricycle sa kanto ng street nila.
"oh, ano ba yung paguusapan
natin??" tanong ko habang nagaabang ng tricycle...
tumingin muna ito sa akin"wala
yun, gusto ko lang talagang ihatid ka. hehehe" sabi nya sabay tawa
"wag na nga kasi, baka mamaya eh
makita pa tayo ni..." at napatahimik naman ako bigla shit, muntik na! sabi
ko sa isip ko dahil muntik ko na masabi ang pangalan ni RJ.
"nino naman? i heard, kakabreak
mo palang kay 'Lea'? tama ba name?" usisa ni brent.
"ahh, oo, hindi pa kasi ako
nakakapagmove on sa kanya, pakiramdam ko kasi, kami pa din." palusot ko
naman na pinaniwalaan agad ng bata... "oh, ano ba yung dapat nating
pagusapan? sige na, alam ko meron eh, and ano ba yung gusto mo sabihin sakin
dati bago ka umalis? at bakit naman ako ang namimiss mo?" pangungulit ko
pa sa kanya.
"naniwala ka naman agad. may
itatanong lang ako, hehehe"
"o sige, teka, eto na trike,
sakay muna tayo bago ka magtanong..."
agad naman kami sumakay sa trike,
magkatabi kami, medyo masikip ang side car ng tricycle kaya siksikan kami sa
upuan neto sa loob.
"o, ano na?" tanong ko sa
kanya nang makapasok umandar na ang trike na nasakyan namin.
"wala naman, ano ba gusto mo sa
mga nakakarelasyon mo?"
"ano ba namang klaseng tanong yan
brent? wala, basta dapat sexy, makinis at mabait, yun lang naman ang gusto ko
sa babae eh, and besides, I like discovering things when i'm on a
relationship."
"panong discovering? gusto mo
laging may bago?"
"hindi ganon, ang gusto ko lang,
hindi ko muna kilala ang buong pagkatao niya bago ako makipagrelasyon, kasi,
minsan, kapag nanliligaw ka pa lang, kaplastican lang yung pinapakita sayo,
unlike kapag kayo nang dalawa, biglang maiiba ang ihip ng hangin, bigla nalang
siyang magsusungit or what so ever, kaya nga gusto ko hindi ko pa ganun
kakilala eh..." at binigyan siya ng isang nakakalokong ngiti...
"ahh, eto naman, sana wag ka
maoffend, tanong lang to, kung papatol ka sa lalake, anong gusto mong physical
features niya?" si brent
"nako, tigilan mo ko brent ha,
alam mong galit ako sa bading!" pagpapalusot ko sa kanya dahil alam kong
wala siyang alam tungkol samin ng kuya niya.
"hindi nga, tanong lang naman,
hehehe"
"osige, kung papatol nalang din
naman ako sa lalake, gusto ko perfect!!! yung tipong maganda ang katawan,
makinis at hindi nambubugbog, ayokong magaya dun sa bading na nabugbog ko....
hahhaha" pabiro kong sabi sa kanya.
Agad naman siyang ngumiti at tumingin
sa malayong lugar habang si manong driver ay kanina pa pala nakikinig sa aming
usapan sabay sabing "naku sir, wag ka masyado mapili sa lalake, maging
proud ka kung may manliligaw sayo na lalake din sir, kasi, kung niligawan ka ng
lalake, ibigsabihin, gwapo ka talaga." singit ni manong driver nang kami
ay tumahimik.
Natawa naman kami ni brent sa itinuran
ni manong driver, at sabi na "nako manong, galit sa bading tong kasama ko,
may nabugbog na nga yang bading dahil nilalandi siya eh." si brent
"ganon ba sir? wag dapat ganon,
tao pa din sila, and mas masarap talaga magmahal ang kapwa kesa sa babae"
sabi ni manong driver at binagalan ang kanyang pagmamaneho, malamang gusto pa
netong makipagusap tungkol sa topic.
"manong, bakit ba ganyan kayo
magsalita? bakit, pumatol na ba kayo sa bading?" tanong ko naman kay
manong
"oo sir, at siya yung asawa ko
ngayon." sabay ngiti niya sa aming dalawa. "alam nyo sir, kayong
dalaw, bagay kayo" dagdag pa neto.
Agad namang kumapit sa aking kamay si
Brent sabay sabi na "oo nga manong eh, siya lang naman ang may ayaw
sakin..."
Agad kong tinanggal ang aking kamay sa
mga kamay ni Brent at "manong, bilisan mo na magdrive dyan, kailangan ko
na umuwi!" naiinis kong sabi kahit na sa totoo lang ay medyo nakakaramdam
na ako ng mga kuryente sa magkadikit naming mga balat ni Brent.
Binilisan na nga ni manong driver ang
pagdadrive at after 5 minutes ay nakarating naman na kami agad sa aking bahay.
"sige brent, salamat sa
paghatid..." paalam ko kay brent "manong, ibalik mo na yan dun sa sinakyan
namin kanina, siya ang magbabayad niyan, sabi kasi niya nanliligaw DAW siya
sakin eh diba?" baling ko kay manong driver at nagbigay ng malakas na
tawa.
Umalis naman sila agad at ako ay
pumasok na sa aming bahay, nakita kong nakahanda na ang tanghalian sa aming
hapag at ako nalang ang hinihintay nila mommy.
aba himala, nandito si daddy, hmmmmm,
bakit kaya?? sabi ko sa aking isip
Nagmano naman ako agad kila mommy at
daddy at tumabi na kay mommy para makakain na kami. ang ate/kuya ko naman ay
pababa pa lamang ng hagdan at halatang kakagising lang.
"oh james, nandito ka na pala,
bakit umuwi ka pa?" pangaasar sakin ni ate/kuya ko habang pababa ng hagdan
"pake mo?!" asar kong sabi
sa kanya at kumuha na ng pagkain.
"oh anak, kamusta ang party nyo
kagabi?" sabi ni daddy.
aba, akalain mo nga naman, tawagin ba
akong anak ni daddy, nakakapanibago talaga to ngayon ah! sa isip ko
"okay naman po daddy, inuman lang
at kamustahan kay brent, bagong dating kasi eh." sagot ko naman.
"mabuti naman at nageenjoy ka
ngayon, bukas, third year ka na, hindi mo naitatanong eh lahat ng bagay sa
ikatlong taon ay mahirap talagang lampasan." makahulugang sabi ni daddy
"ano ibig mo sabihin dad?"
tanong ko sa kanya at sumubo na ng pagkain.
napabuntong hininga naman si daddy
bago niya sagutin ang aking tanong. "it's for you to find out anak"
sabi neto na medyo ikinainis ko.
may pa buntong hininga pa! it's for
you to find out lang naman ang sasabihin! nuh ba yan! sigaw ko sa aking isip.
Agad ko na ngang tinapos ang aking
pagkain at tumungo na sa aking kwarto, nagbihis ng pambahay na damit at humiga
sa kama, inaalala ang mga nangyaring pagniniig namin ni RJ.
i like the feeling, waaaah, bading na
ba ako neto? ganon na ba talaga kabilis yon? kapag may nangyari, bading na
kaagad? hmmmmmmm, pero panandalian lang naman to diba? sana wag magtuloytuloy
to.... hmmmmm paulit ulit kong sabi sa aking sarili at nakatulog na ulit.
Nagising ako na mag didilim na, agad
ko namang tiningnan ang aking mobile phone at nakita kong madami nanaman itong
message, si brent at si RJ lang naman ang nagtext.
tinext ko agad si RJ na "Ikie,
sensya na, kakagsing ko lng ulit, napagod ako kagabi eh, pasensya na."
tinext ko din si Brent matapos kong
itext si RJ "Tol, nakatulog ako, pasensya na."
Nagreply naman agad si RJ na "Ok
lang po Ikie, sorry sa abala, kain ka na po, baka malipasan ng gutom ang mahal
ko eh. i love you ikie"
"yes boss, wait lang po ah,
tinatawag na din ako ni mommy eh, may bisita daw, text kita maya. I Love you
too ikie"
nababa palang ako ay naaninagan ko na
ang isang babae na matagal ko nang itinapon sa basurahan, ngayon ay
nagbabalik...
Itutuloy. . . . . . . . . . .
jamesstoryline.blogspot.com
No comments:
Post a Comment