by: James Cornejo
"anong ginagawa mo ditong babae
ka!!?" nasabi ko nalang sa tindi ng galit na naramdaman ko ng makita ko si
Ezra na nasa aming sala.
"Anak, be nice to your
visitor!" pagsita agad sakin ni mommy. "iha, pagpasensyahan mo na
yang si James." baling niya kay Ezra
"okay lang po tita, sanay na ako
dyan." sagot naman niya sa mommy ko. "uhm, tita, pwede ko po ba
masolo si James, para naman magkausap po kami ng ayos." paalam pa niya
"osige, iwan ko na muna
kayo" sabi ni mommy, "ahh, hindi pala, james, dun na kayo sa garden
magusap, manunuod nga pala ako ng paborito kong teleserye. Samahan mo na tong
si ezra duon" biglang bawi ni mommy.
Agad naman ako tumungo sa garden at si
Ezra ay nakasunod lang sakin. Umupo ako sa upuan na nasa gitna ng garden namin
at naghintay kay ezra na umupo, ngunit nagkamali ako, agad siyang yumakap sa
akin ng mahigpit.
"Bhie, i'm sorry for what i've
done, sana mapatawad mo na ako, miss na miss na kita..." sabi niya sakin
sa malanding boses.
"Bumitaw ka sakin!" at agad
kong inalis ang pagkakayakap ng kanyang mga kamay sa akin! "ano ba ang
kailangan mo!? wag mo na akong landiin! may iba na ako, at hindi na kita
mahal!" sa mataas na boses.
"bhie, all i wanted is for us to
be together again! please forgive me, this time, i'll make it up to
you..." sabi niya na nanggigilid na ang luha.
"Ezra, 2 years is enough para
makamove on ka! ano ba talagang pakay mo dito? at bakit mo ba ginugulo ang
buhay ko!?"
"James, tumigil ka jan, lumapit
siya sakin para magkaayos kayo!" biglang singit ni daddy sa aking likuran.
"But dad, nasabi nya na ba sayo
ang nagawa nya sakin dati? dad, wala kang alam sa mga nangyari, wag ka
mangealam dito!" sabi ko kay dad.
Agad naman ako nasuntok ni daddy sa
nasabi ko sa kanya. "Wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan!
anak lang kita at ako naman ay ama mo! kaya susunod ka sa anumang gusto ko para
sayo! wag mo ipagmalaki sakin ang mga kaibigan mo lalo na ang bestfriend mo na
si RJ!"
shit! ano alam ni daddy! nalintikan
na! sabi ko sa isip ko at humarap kay daddy, "hindi ko ipagmamalaki sayo
ang mga kaibigan ko dahil mismong kaibigan ko ang tumarantado sakin sa babaeng
to daddy!" sabi ko kay daddy at bumaling kay ezra "Ikaw, masaya ka na
sa nakikita mo?? umalis ka dito! hindi ka namin kailangan!!"
"ang makakapagpaalis lang sakin
dito ay si tito.." ang may otoridad niyang sabi at tumingin kay daddy na
para bang nagpapaawa. "lumayas na po kasi ako samin, pwede po bang dito
muna ako magstay.."
"Oo naman iha, dun ka na muna
matulog sa kwarto ng ate ni James, mamaya din naman ay paluwas na din
yun." sabi ni daddy kay ezra. at bumaling sakin "at ikaw james,
umayos ka sa pakikitungo mo kay Ezra, siya ang gusto ko para sayo! Hindi ang
kung sino pa man!" sabi ni daddy sakin at pumasok na sa bahay.
"You want to be here, I will make
your life miserable!" sabi ko kay Ezra at umakyat na sa kwarto ko.
Itinext ko agad si RJ para ipaalam ang
mga kaganapan dito sa bahay, ngunit wala siyang sagot, marahil siya ay tulog
na.
***tok...tok...tok***
"Sino yan?" sabi ko sa taong
kumakatok sa aking kwarto.
"mommy mo to james pwede ka ba
makausap?" si mommy nasa kabilang parte nang pintuan ng aking kwarto.
"sige po ma, pasok ka po, bukas
po yang pinto ko" sabi ko
Agad naman pumasok si mommy sa aking
kwarto at umupo sa aking kama.
"anak, pagpasensyahan mo nalang
ang daddy mo, hindi ko nga ba alam dyan kung bakit gustong gusto niya ang
malanding babaeng yon, pero gagawa tayo ng paraan para mapaalis siya
dito." sabi ni mommy sakin.
"ma?? kakampi kita??"
nagtataka kong tanong kay mommy
"Oo anak, alam ko naman lahat ng
nangyari sa inyo dati, hindi ata alam ng daddy mo kung ano yon, kaya ganon ang
reaksyon nya kanina. wag ka magalala, andito si mommy para sayo" sabi ni
mommy at niyakap ako ng mahigpit.
Dahil doon ay napaluha nalang ako ng
wala sa oras, ngayon ramdam ko na na may kakampi ako sa aming bahay, andito si
mommy sa tabi ko, alam ko kaya ko.
"Mommy, first time ako masuntok
ni daddy" pagsusumbong ko kay mommy.
"alam ko anak, kaya nga andito
ako kasi alam ko kailangan mo ako."
"mommy, paalisin mo na dito si
ezra, hindi natin siya kailangan dito."
"Anak, hindi pwede, nakapag
desisyon na ang daddy mo, alam mo naman na kapag siya na ang nagdesisyon ay
wala ng makakabali pa nito." sabi ni mommy at pinunasan na ang aking mga
luha na dumadaloy sa aking magkabilang pisngi. "anak, baba ka na, kakain
na tayo, alam kong gutom ka na kaya halika na, naghihintay na sila daddy mo sa
hapunan." pagyayaya pa ni mommy sakin.
"opo ma, sabay na ko sayo."
at agad ko na inayos ang sarili ko sa pagharap sa daddy at sa kinaiinisan kong
BWISITA namin.
Bumaba na nga kami ni mommy sa papunta
sa aming hapag kainan at umupo ako sa tabi nito.
"James, gamitin mo muna yung
isang kotse dyan para magkasabay na kayo nitong si Ezra pag pasok, ayoko na
makarinig ng kahit anong away sa inyong dalawa ha, kaya wag ka na umangal
pa!" sabi ni daddy
"but dad..."
"this conversation is over!"
sabi ni daddy sabay tumayo na sa kanyang upuan na hindi tinapos ang kanyang
kinakain.
humanda kang babae ka! sigaw ko sa
isip ko sa pagkainis habang si ezra naman ay nakangiti lamang na kumakain sa
upuan ng ate ko which is nasa kanang part ng daddy ko.
Well, pabor naman sakin ang
pagpapadala ni daddy ng kotse sa school, dahil malaya ko na magagawang puntahan
ang mga gusto kong puntahan gamit ang kotseng ipinahiram sakin ni daddy, ang
malungkot na part lang talaga ay ang pagsabay pa sakin ni Ezra.
"After mo kumain, pakihugasan na
ang mga pinggan at paki imis na ang mga kalat dito sa baba, hindi ka namin
papatirahin dito para magpakasarap sa buhay."
Sa narinig kong sinabi ni mommy,
nabuhayan ako ng loob, totoo ngang ang mga nanay ang pinaka makakainitindi sa
kanilang mga anak. dahil din dito ay napangiti na ako at ginanahan na kumain.
Pagkatapos kumain ay umakyat na ako sa
aking kwarto at agad na naglinis ng katawan at humiga na sa aking kama.
well, james, hindi ka pa din talaga
nawawalan ng kakampi, wag ka mag alala, konting panahon lang magstay yang
babaeng yan dito at magiging maayos na din ang lahat. sabi ng aking isang
parteng isipan
"James, tabi nalang tayo..."
biglang pasok ni Ezra sa aking kwarto makaraan ang ilang minutong pagkakahiga
ko sa aking kama.
"iha, hindi pwedeng bastang pasok
ng pasok sa mga kwarto dito!" ang mataray na singit ni mommy sa kanyang
likuran.
"ay, sorry po tita, akala ko okay
lang kasi..."
"madaming namamatay sa maling
akala iha, baka sumunod ka!" sabi pa ni mommy na ikinatawa ko naman bigla.
"mommy, pasok ka, pakisara ng
pinto pagpasok mo." sabi ko kay mommy.
"wait james, paano ko?" sabi
ni naman ni Ezra.
"diba sabi ni daddy dun ka daw
matulog sa kwarto ni ate, kaya dun ka nalang!" sabi ko sa kanya at ngumiti
ng nangaasar.
Wala naman na nagawa si Ezra kundi ang
sumunod sa sinabi ko, si mommy naman ay tumabi sa akin at "ano anak, ayos
ba? umpisa palang yan. hahaha" sabi ni mommy
"opo ma, ayos na ayos, thank you
ah." sabi ko sabay yakap kay mommy.
"oh xa, matulog ka na, maaga pa
pasok mo bukas." sabi ni mommy sabay halik sa aking noo
"sige po ma, good night."
sabi ko kay mommy.
Agad naman umalis si mommy sa aking
kwarto at pinatay na ang ilaw sa buong bahay namin.
Ako naman ay mabilis na din nakatulog
na may ngiti sa aking labi. Siguro dahil sa ipinagtatanggol ako ni mommy
ngayon, kaya natutuwa ako. Hehehe
Itutuloy. . . . . . . . . . .
jamesstoryline.blogspot.com
No comments:
Post a Comment