Wednesday, December 26, 2012

Ikaw Ang Aking Pangarap (38)

by: Fugi

Kaaalis lang namin ni ian ng bahay at nasa daan na nga kami nang wala akong kaide-ideya kung saan ako dadalhin ng mokong na ito, pero ang isa pa sa mga inaalala ko ay ay ay kanina pa pagpasok ko matapos kong ihatid si anthony ay sya namang pagbabago ng aura nito, may iba talaga at base sa pagiging tahimik nito ay may something talaga pero naiilang ako magtanong, kaya naman ay nakakabinging katahimikan ang pumailanglang


++++++++++++

-------> IAN the pugi (hehe)
Nang parang natatagalan na nang paghatid na iyon ni fugi kay anthony, samantalang dyan lamang iyon sa labas ay gumawa ako ng paraan para matingnan ang kaganapan sa labas, at nang makakuha ako ng tiyempo ay agad ko tinungo ang pintuan at saktong sa aktong yakapan nila anthony at fugi ang rumehistro sa aking paningin

Hindi ko matagalan ang ganoong itsura niya kaya agad din akong bumalik sa loob ng bahay nila

Pikon, inis, galit pero, may iba pang lamang na pakiramdam akong nararamdaman at yun ay....... selos?? Yan ang pumapaibabaw sa akin

Hindi ko na maintindihan ang sarili ko basta ang alam ko kailangan may gawin na ako

“........ and this time, I know what it is” nasabi ko na lang sa sarili ko pero may bahid pa ding pag-aagam-agam at pagkalito

Nasa akto akong pag-iisip ng mga bagay bagay ng mga gagawin ko ng biglang pumasok na sa loob ng bahay nila si fugi, may konting inis man hindi para sa kanya kundi dahil sa naalala ko ang pigura nila kanina sa labas ay nanatili muna akong tahimik

Agad na nga akong humarap kay na tita para ipagpaalam ang aming pag-alis ni fugi at nakangiti naman itong pumayag at nagpaalam na din sa amin at nagpaalaala na mag-iingat daw kami, nagpaalam na din ako kay john at syempre kay angel pagkatapos ay hinayaan ko na lang na magpaalam si fugi sa kanina

Agad na din kaming lumabas at sumakay ng kotse ko, katahimikan ang namayani sa pagitan naming dalawa, nagpapakiramdaman, pero mas pabor sa akin ang ganito para mas makapag-isip ako ng mga gagawin ko

Alam ko wala pang ideya si fugi sa kung saan kami pupunta kahit ako ay hindi ko alam kong saan ko sya dadalhin sa mga ooras na iyon, basta ang alam ko lang gusto ko kasama ko sya at ako lang ang kasama nya, wala nang iba

Mabilis namin narating ang batangas city sa kadahilanang wala na masyadong sasakyan sa daan dahil medyo malalim na ang gabi, dinaretso ko papuntang basilica sabay liko sa may St. Bridge College then ikot sa may Cuta, nadaanan din namin ang Batangas State University, drive lang ako ng drive nang sa hindi na siguro makatiis si fugi at na pansin na pabalik na naman kami sa daan papunta sa kanila

Fugi: saan ba talaga tayo pupunta? Magpapauli-uli? (ang parang batang sumabog dahil sa katagalan niyang natahimik, hindi ko ito sinagot at nanatili sa pagmamaneho), Ian!
(pagtawag nito sa akin, pero hindi ko lang ito sinagot dahilan para lalo itong mainis), itigil mo na nga, baba na ako (ang medyo may pagkainis na nitong turan)

Pero imbis na sundin sya ay ay mas lalo ko pang binilisan ang pagmamaneho na sa puntong iyon ay ay alam kong ikinatakot nito

Fugi: ian!, ano ba? (ang halos pasigaw na nito), ihinto mo (may halong pag-aalala na nito na nagka-crack na ang boses na parang naiiyak na ito)

Agad naman napukaw ang atensyon ko at dahan dahan ko kang inihinto ang sasakyan ko
Fugi: an..ano ba ka..kasing problema mo? (may pag-aalala at nagbabadyang emosyon na pinipigilang kumawala sa pagtatanong niyang iyon)

Ako: ikaw (pabalong kong naisagot)

Fugi: a..ako ang prob....

Hindi na nito natapos ang sasabihin nya  dahil agad kong inalis ang seat belt ko at kinabig ko ng kamay ko ang batok niya para maiharap ang mukha niya sa akin sabay lapat ng mga labi ko sa labi niya at........... at BOOM bumilis ng mas mabilis ang tibok ng aking puso pero kahit ganoon, ito yung mga hindi pangkaraniwang nangyayari sa aking katawan na, na sobrang sarap sa pakiramdam, na sobrang gaan

+++++++++++++++++

-------> ako na si FUGI na,,, na kinikiling (kainis...hehe)

Nabigla na lang natigil ang nagbabadyang emosyon ko sa pagsasabihin ni ian na ako ang probrema ng.... ng... bigla nya akong hinawakan sa aking batok at iharap sa kanya at bigla biglang ha...ha..halikan

Kakaiba ang naramdaman ko sa paglalapat ng mga labi namin na, na parang huminto ang oras, tumigil ang paggalaw ng mundo, ultimo ako ay napatigil at at at tanging ang paghalik nya lang ang pinayagang gumalaw

(Ganoon pala talaga pag yon totoong mahal mo yung gumawa ng isang bagay na na na kahit ordinaryo na sa iba ay nagiging SUPER DUPER EXTRA SPECIAL, EXTRAORDINARY BA! At dito ko na-realize na hindi OA yung mga sinasabi nila, na imbento lang yung sinasabing slow motion thing at may parang musikang tumutugtug at kung ano ano pa pag kasama mo ang tunay mong mahal, parang nagkakaroon kasi ng dimensyon para sa kanila lang dalawa na kung saan perfect ang lahat, na may mga ganoong effect, kaya kung nababaduyan, nako-corny-han, naiinis pagnakakarinig ng mga kwentong ganoon ay ay isa lang ang masasabi ko, hindi ka pa nagmamahal talaga, maaring sabihin mo na nagmahal ka, pero baka superficial love lang yon, na may iba ka lang habol...........just a thought lang naman mga pipzzz, ok balik na tayo sa kwento.. kinikilig ako.. hehe)

Dahil sa hindi ko paggalaw ay si ian na ang nagmaniobra sa akin at nagpaubaya na lang ako, dahan-dahan, banayad at at may pag-iingat ang ginawa niyang paghalik, sobrang sarap sa pakiramdam

Nasa ganoon kaming posisyon ng bigla na lang umalpas ang mga butil ng tubig sa aking mga mata, luha ng walang ibang gustong ipabatid kung hindi kaligayahan:]

At nang maramdam ni ian ang mga luha kong iyon ay huminto ito sa paghalik, inilayo ang labi niya sa labi ko at inilagay ang dalawa niyang kamay sa aking pisngi at pinahiran ng mga hilalaki niyang daliri ang aking luha at........

Ako: so..sorry (ang pabulong nitong nasabi)

Imbis na tugunan pa ito ay agad kong iniakap ang mga bisig ko sa batok niya dahilan para maglapat ulit ang aming mga labi, at sa puntong iyon kahit hindi pa ako maalam humalik (kasi kasi..... ala nakakahiya naman, kasi, atin atin lang ha mga pipz, first time ko kasi, syempre bukod naman yung sa pamilya, na pang slum book.. hehehe, yung mga first kiss--->mother.. hehe,,, get nyo naman di ba? Ayiiieeee naman dyan,, hehe), ay pinilit ko buti na lang at ginagabayan ako ni ian at sobrang gentle nya, kaya naman............ ayieeeeee kinikilig ako.. hehehe

Ilang minuto din ang itinagal ng halikan na iyon nang biglang umimik si ian sa pagitan ng halikan naming iyon

Ian: ako ba first kiss mo? (napamulat na lang ako at napansin kong nakangiti ito nang akmang iimik ako ay.. ay sabay dikit ulit nito ng labi niya sa labi ko dahilan para hindi agad ako makasagot at kasabay noon ay nadala na naman niya ano sa dimensyong ginawa niya at ng halik niya), ako nga, silence means yes (dagdag nito sabay halik uli sa akin nito)

Agad ko na man itong tinampal sa braso nito dahilan para mapatawa ito pero hindi niya parin inaalis ang pagkakalapat ng mga labi nya sa akin (grabe kinikilig ako....... hehehe)

Kahit gusto kong hindi na matapos ang halikang iyon ay pinilit ko ang aking sariling gumawa ng moves (like jagger, hehe joke), hindi dahil sa ayaw ko ay kasi kasi kailangan? Hehe

Agad kong inalis ang pagkakaakap ko sa batok niya at inilagay ang mga kamay ko sa balikat niya para papigilan na ang nakakabaliw na nalikang iyon, sobra na akong nanghihina ih! Tinapik ko ang balikat nito at..

Ako: i..iannnn! (ang bahagya ko nang pagtawag sa kanya na ikinatigil naman niya sa paghalik at paglayo ng mga labi niya at mukha niya sa akin)

Ian: so.........sorry hin..hindi ko mapigilan (nakangiti ito sa akin), ang lambot kasi, ang ang sarap pa (dagdag nito na ikinainit ng pisngi ko alam akong namula ako sa puntong iyon kaya naman hinampas ko na lang ito sa balikat niya na hindi naman niya ininda, bagkus ay......), napupula ka oh! (sabay turo nito sa pisngi ko)

Ako: ian! (ang kunya ay galit galitan ko  sabay gaya ng tingin ko paiwas sa kanya at pag dako ng tingin sa bintana para makaiwas)

Ian: ang cute mo talaga (humahagikhik ito)

Agad nitong inistart ang sasakyan pagkatapos ay pinaandar na ito, bigla rin naman akong napaharap sa kanya

Ako: sa...saan na tayo pu...punta? (nag-aalangan kong tanong)

Ian: uuwi na tayo sa bahay ko (na may nakakaloko itong ngiti)

Ako: adik ka! Pababain mo ako dito, uuwi na ako (parang tanga ko lang na pagmamaktol na tinawan nya lang)

Ian: wala ka nang magagawa, sa bahay ka matutulog at naipagpaalam na kita kay tita (natatawa pa rin ito at hindi na nga ako nakaimik pa)

Kabado..... kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan na dahil doon ay ay hindi namalayan kung asaan na kami, nagising na lang ako ng huminto ang sasakyan at at nasa tapat na kami ng bahay nila............ HELP (hehehe)

Itutuloy. . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment