by: Fugi
--------> me na me na ulit si FUGI
Nang makabihis ako ay agad din akong
bumaba, nang makababa ay agad kong napansin na parang may pinag-uusap sina
anthony at ian, kaya ng medyo makalapit na ay agad kong pinaramdan ang
prisensya ko
Ako: anong pinag-uusapan natin dyan?
(naitanong ko na pumukaw sa kanilang atensyon at naging dahilan para mapaharap
silang dalawa sa kinaroroonan ko, bigla din nagtama ang tingin nilang dalawa
para bang nagsesenyasan kung sino ang dapat magpaliwanag)
Agad uling tumingin sa akin si ian
kaya naman sa kanya ko itinuon ang atensyon ko at nang ibubuka na niya ang
kanya bibig ay bigla namang
“mga anak, nakahanda na ang hapunan,
kain na tayo” nakangiting paanyaya ni mama sa amin sabay lapit niya sa
kinatatayuan nila john para kunin si angel at alalayan ito sa pagkain
Humarap muli ako sa tayo nila anthony
at ian
Ako: tara na (sabi ko sa kanilang
dalawa at napansin kong napabuntong hininga na lang si ian na di ko na
pinagkibit balikat ko na lang kahit si anthony ay parang.... parang may nag-iba
sa kanya.. at parang may malalim na naman itong iniisip, pero pinabaayan ko na
lang muna dahil tinawag na ulit kami ni mama na sa puntong iyon ay nasa hapag
na kaya agad na naming tinungo iyon)
Nang nasa tapat na kami ng dining
table ay agad din kaming naupo ako sa tabi sa gilid ni mama na kalong kalong si
angel na nasa tayo ni papa nakatayo sa may pinakadulo, samantala ay si john
naman ang katapatan ko, napasin ko namang nakatayo pa rin ang dalawa
Ako: yon mama oh! Ayaw pa umupo nila,
mukhang ayaw ng niluto mo (biro ko sa kanila habang nakatingin sa kanila)
Ian: tita hindi po, inantay ko lang
makaupo kayong lahat na may-ari ng bahay na makaupo (pagpapalusot nito at
nagingiti itong inipod ang silya sa tabi ko at umupo doon)
Ako: a-e-na-o (expresyon ko po talaga
iyan), galing lumusot ah! (natatawa kong bira sa kanya... hehe..... at ngiting
nakakaloko lang ang itinugon niya sa aking na parang nagsasabi na “syempre, ako
pa!”)
“anthony iho, doon ka na maupo sa
katabi ni john” pagsingit naman ni mama
Anthony: o..opo tita (sabay lapit nito
sa upuan at umupo na)
Nginitian ko na lang si anthony
pagkaupo nito at tinuguan naman niya ito
Bago kami nagsimula ng hapunan naming
iyo ay si anthony ang itinuro ko para sa invocation (wow makaterm lang, para
tuloy event lang... hahaha), nagulat man ay hindi naman siya nagreklamo bagkus
ay agad din niyang sinimulan (sa ngalan ng ama, nang anak, nang diyos,
espirito, santo..........................................................................................amen)
Pagkatapos ay nagsimula na kami sa
pagkain, napuno ng kwentuhan, tawanan at kung anu-anu pa kaya naging masaya ang
tagpong iyon
“mga iho (pagtawag ni mama ng atensyon
nina anthony at ian na pumukaw naman sa aming lahat), nakikita ko kung gaano
kahalaga sa inyo ang isat-isa, sana ay lagi ninyong pagpapasensyahan ang anak
ko at alalayan nyo ha... masyado kasi
yang (pagtingin sa akin ni mama na natatawa sa puntong iyon), lampa (na tumawa
na nga si mama)”
Ako: ma! (parang batang pagsuway ko)
“biro lang anak” (natatawa pa ring
sagot sa akin ni mama)
Bigla namang singit ni............
Anthony: ako pong bahala kay fugi tita
(nakangiti nitong sabi kay mama at agad ding paling sa akin nito)
Bigla naman imik ng nasa tabi
ko.........
Ian: KAMI (may diin nitong sabi...
parang!) na pong bahala dito sa pasaway at lampang ito (natatawa nitong lahad
sabay lagay ng kamay niya sa buhok ko at ginulo iyon)
Ako: sige pagtulungan nyo ako (ang
bata bataan kong pagmamaktol habang inaalis ko ang kamay ni ian sa ulo ko at
nagtawanan lang sila sa akin..... kasi kasi)
“salamat mga iho” nakangiting sambit
nito sa dalawang mokong at magiliw na mga ngiti naman ang itinugon ng dalawa
Nasa ganoon kaming tayo ng biglang
pagpaparamdam ng makulit na bata
Angel: low-la sog na, to ko ake.....
(“lola, busog na, gusto ko cake” sabay pigil niya sa kutsarang isusubo sana sa
kanya ni mama at turo sa cake na dala binili ni anthony..................
napuno ng tawanan ang hapag dahil sa inasal niya)
Ako: a-ka-la ko bu-sog ka na gey-gey,
ba-wal na ku-ma-in ng cake (natatawa kong pagpapantig ng mga sinasabi ko sa
kanya)
Angel: to nong to ko ake (“tito
ninong, gusto ko ng cake” sabi nito na parang naiiyak na)
Ian: hala pinapaiyak mo kasi
(pangbaba-uy nito sa akin)
Ako: i-to na ku-ku-ha na ti-to ni-nong
ng cake (sabay kuha ng platito ay knife para slice ang cake, pagkatapos ay
nilagyan ko lang ng medyo maliit na hiwa si angel ay agad nga sumilay ang ngiti
sa mukha nito, napahagikhik na lang kaming lahat na nandoon... hehe)
Nang matapos ay agad na sana kaming
tutungo ng sala para magpahinga ng bigla akong pigilan ni bunsoy...........
John: kuya ikaw nakatoka ngayon para
sa pinagkainan ha! (pagpapaalala nito)
Ako: ako ba? (maang kong panimula),
pwede bang ikaw na lang may pupuntahan kasi kami ni ian (pagdadahilan ko dito,
baka lulusot)
John: kuya naman ako na nga kahapon
ih! (nagmamaktol nitong sabi sa akin at sa puntong iyon ay lumapit na nga sa
akin si ian habang sila anthony naman ay nakatingin lang)
Ian: tulungan na kita para mapabilis
(nakangiti nitong sabi sa akin)
Ako: hi.....hindi ako na lang, mahinga
nalang kayo sa salas (nakangiti kong sabi dito, pagkatapos ay sabay harap ko
naman kay anthony....), anthony pahinga muna kayo sa salas para makapagpahughog
kayo (nakangiti ko ring sabi dito)
“oo nga mga iho, doon na muna tayo, at
gagawin muna ni fugi ang nakatangan sa kanya” nakangi ring paanyaya ni mama
Ian: tita, tulungan ko na lang po si
fugi (nakangiti ito sa aking ina sabay patong naman nito ng dalawang kamay nito
sa magkabilang balikat ko at tingin sa akin) tara na (pagsegunda nito sa akin
at minaniobra na nga ako nito patungo sa kusina at wala na akong nagawa pa)
Si ian na ang nag-ayos ng hapag at
nagdala ng mga pinagkainan namin samantalang ako naman ang naghuhugas
(kakakilig tuloy parang.... hala wag na nga...... hahahaha kasi kasi..........
at nangingiti nalang ako sa puntong iyon ng paghuhugas ko)
At sa pag-iisip kung iyon ay ay hindi
ko namalayan na nakalapit na pala si ian sa akin
Ian: kung makangiti ka ah! Ako ba
dahilan nyan? Wag ganun! (nakangiti itong nakakalokong nakatingin sa akin)
Hindi ko naman alam ang gagawin ko sa
puntong iyon dahil sapol sa target (parang si Vash Stampede lang kung makatama.
Hahaha... naalala ko lang sya.. tanda nya ba sya mga pipzzz?)
Ako: ah eh... (sabay wisik ko ng tubig
mula sa umaagos na gripo habang ako ay naghuhugas), may na alala lang ako
(pagdadahilan ko), at at at saan mo naman napulot na ikaw ang dahilan, abat ang
lakas............ (hindi ko naituloy dahil...... dahil bigla inilapit ni ian
ang mukha niya sa akin na halos na halos muntikan na maglapit ang ilong namin)
Ian: bakit hindi ba pwedeng ako ang
dahilan (nasambit nito sa pagitan ng titigan namin iyon, na out of function
naman ang systems ko dahil sa ihindi malaman ang gagawin ko sa puntong iyon
kung iiwas, iimik, hihinga ng malalim dahil dahil parang nalulunod ako.. kasi
kasi... naramdapan ko nalang ang pag-init ng pugon sa pisngi ko......)
Agad namang lumayo si ian sa akin
at....
Ian: namumula ka na oh! (humahagikgik
nitong puna.... halatang halata naman talaga sa akin ang reaksyon na iyon kaya
agad din akong napatungo...... kasi kasi naman ih!), joke lang, niloloko lang
kita, nakakatuwa ka talagang biruin (humahagikgik ito sabay kuha sa mga platong
babanlawan ko na sana)
Agad ko namang itinapat ang kamay ko
sa umaagos paring tubig sa at nang makaipon ng sapat na tubig ay iwinisik ko
ulit ito sa kanya
Ako: asar ka talaga (naisatinig ko na
lang at tumawa lang ang mokong sa akin)
Ian: yan basa na tuloy ako, paano ba
yan dito, aalis tayo ng hubad ako (sabay harap nito sa akinat mwestra ng damit
niya, at napansin ko ngang malaking bahagi nga ng kanyang suot na damit ay
nabasa dahil sa ginawa kong pagsaboy ng tubig sa kanya)
Ako: kasi kasi ikaw (ang pagdadahilan
ko sa kanya, bigla nya naman inilagay ang mga kamay nya sa laylayan ng damit
nya at akmang huhubadin ito, bumilis naman sa puntong iyon ang aking reflexes,
agad kong hinawakan ang mga kamay niya, na pumigil sa mga maaari niyang gawin
pa), a.....anong ga..gawin m...moo? (nag-aalangan kong sabi)
Ian: binasa mo ih! Di huhubadin ko
(sagot nito)
Ako: wag dito...... (hindi pa ako
tapos ay bigla naman ang pagsingit nito)
Ian: bakit saan mo ba gusto?
(humagikgik ang loko)
Ako: tigilan mo nga yang pangtitrip mo
ha! (hindi ko na nalalaman anong reaksyon, emosyon ng mga panahon na iyon dahil
basta...mixed eh!.. hahaha.... kasi kasi,,, at ang mokong ay tumawa lang ng
tumawa), inatayin mo na lang ako, tatapusin ko na ito, umupo ka na lang dyan
(at agad ko nang iniharang ang sarili ko sa lababo para hindi na sya sumingit
pa at naramdaman ko na lang ang pag-alis niya at narinig ko ang pag-ipod ng
silya at naupo na siguro sya)
Nakahinga ako ng maluwag akala ko ay
kakailanganin ko pa ang dying will bullet ni reborn para lang makarecover
(wow!. Yes naisingit ko na sya... hehehe)
Agad kong binilisan ang ginagawa ko
dahil baka magkasakit pa sya dahil sa kagagawan ko
Pagkatapos na pagkatapos ay agad akong
humarap sa kanya
Ako: tara sa kwarto (bilang doon
nalang sya magpalit at para makapili din sya ng maisusuot nya sa mga damit ko
panigurado naman na magkakasya sa kanya ang mga iyon dahil hindi naman ako
bumibili ng mga fitted na shirt, mas ok sa akin na medyo malaki pa presko)
Ian: wag po! (sabay hawak nito sa neck
ng kanyang damit na parang gina-guard niya ang katawan niya)
Agad naman akong lumapit sa kanya at
walng sabi sabi ay binatukan ko ang mokong
“Ahhhh” naibulalas niya sabay himas sa
gawi kung saan ko sya binatukan “niloloko lang ih!” nakasimangot itong
nakatingin sa akin na lihim ko naman ikinatuwa
Ako: quota ka na, kanina ka pa ih!
Tara nasa kwarto ko para makapagpalit ka na (may awtoridad kong utos sa kanya
sabay talikod ko dahil hindi ko na talaga mapigilan ang pagngiti dahi sa itsura
niyang iyon, kasi kasi..... bakit ba sobrang ano nya.......... hehehe)
Agad na nga namin nilisan ang dining
area at nang makalapit kami ng hagdan ay napanisin kong nagkakatuwaan pala sila
mama, john, angel at anthony. Agad din nila kaming napansin
“ano nangyari sa damit mo ian” pagpuna
ni mama na may himig pag-aalala, agad ko namang sinagot
Ako: ma hindi kasi marunong, yan tuloy
nag-la-ti-ti lang tuloy sya (pagdadahilan ko na lang at agad ko ngang tiningnan
din si ian para babalaan at nakangiti lang pala ito sa akin, agad kong iniiwas
ang tingin ko, kasi parang... parang basta... kasi naman ih!)
“sya pahiramin mo nalang ng damit mo
para makapagpalit” naisagot na lang nito
Ako: opo ma! (tugon ko naman, nadako
naman ang tingin ko kay anthony na sa puntong iyon ay sa akin din nakatingin,
nginitian ko ito at..), anthony, sandali lang ha! (at tumungo na lang ito sa
akin)
Naglakad na nga ako at pumanhik na
habang ramdam kong nakasunod lang si ian sa akin. Nang makapasok na kami sa
silid ko ay agad kong tiningo ang cabinet ko para kumuha ng towel, pagkakuha ay
agad ko itong dinala sa kinatatayuan ni ian sabay abot dito......................
Nagulat nalang ako sa ginawa niya
sapagkat imbis na kuhanin kun g towel sa iniaabot ko sa kanya ay hinubad nito
sa harapan ko ang basa pa rin nitong damit
Napatulala na lang ako sa ginawa niya
iyon, ang ganda ng katawan niya, hindi sya ganoon ka-kalaki katulad nang sa mga
maskuladong lalaki na halos pumutok na ang mga muscle na parang minsan
nakakatakot nang tingnan, pero sobrang...... (sorry sa term mga pipz ha!)
sobrang YUMMY, tama lang ang laki ng dibdib nya, tas yung sa bandang tyan nya ay
napo-form na ang abs nya, at at hindi rin nakaligtas ang mapupula at tama lang
na laki na mga nipples niya lalong lalo na ang ang lumalago nang hair mula sa
navel (pusod) hanggang sa ilalim nang suot niyang short (grabe talaga... kasi
kasi kasi kasi... whhhhhhhhhhoooooooooo..)
Nasa ganoon ako pagkatulala nang nang
magising ang aking ulirat sa pagkuha ni ian sa towel na hawak ko at ipinunas na
nya sa katawan nya, habang nagpupunas sya ay..........
Ian: napatulala ka? (nakangiti ito
pagtaas ko ng tingin sa kanya)
Ako: ah.. eh.. ini...isip ko yung
da..damit na ipa..pahiram ko sa...yo, a..ano bang gusto mong kulay (sabay
talikod dito, kasi kasi ano nga bang inasta ko kanina... kasi naman talaga
ako..... narinig ko nalang na humahagikgik ang mokong.. hindi ko nalang ito
pinansin pa at agad kong tinungo ang cabinet para ihanap na sya ng masusuot
nang matakpan na ang temtasyon........ hehehe.. kasi kasi)
Sa puntong iyon ay hindi ko na naman
namalayan ang paglapit ng temtasyon sa likod ko sabay sabing nang
Ian: yan ok na yang hawak mo (agad
naman akong napaharap sa kanya at at sobrang lapit namin sa isat isa kahit
katawan namin, kasi kasi nakita ko na naman ang temtasyon, palihim akong
napalunok.. kasi talaga............pwede bang i-fast forward na lang??? kasi
kasi ih!
Agad namang gumana ang utak ko at
katawan ko, salamat at isa ako sa naturuan para maabot ang SANIN MODE kaya
nahigop ko ang mga SHAKRA sa paligid at nagkalakas ako........ (hahaha yes
naisingit ko din ito.. hahaha)
Ako: ba....bagay nga ito sa......yo
(naiilang ko pa ding sabi sabay lapat ng damit na hawak ko sa katawan niya para
matakpan ang temtasyon.. kasi talaga... hehe) o! (nasambit ko na lang ulit
sabay bato ko na ng damit sa katawan nya na agad naman niyang nasalo sabay ay
layo ko na sa temtasyon, humahagikgik ulit ang moko... hindi ko naman na
kompronta dahil hindi sapat ang shakrang nakuha ko sa environment kasi kasi
kasi mas malakas ang ibinibigay niyang temtasyon....... kasi kasi..... hehehe),
una na ako sa baba ha, doon ka na lang namin aantayin (nakatalikod kong sabi sa
kanya habang tinutungo ang pintuan ng silid ko)
Ian: intayin mo na lang ako (nagulat
ako ng hablutin na nito ang kamay ko at iharap sa kanya, nakita ko namang nasa
leeg at sa isang kamay nya palang nakasuot ang damit na ibinigay ko kay naman
malaking bahagi ng katawan nya ay nananatiling naka exposed sa pagharap kong
iyon sa kanya....... ahhh! Temptation..... hehehe kasi kasi kasi kasi
kasi...... wala na akong nagawa kung hindi ang ang mapanod ang pagbibihis nya,
no choice... hehe at nang mapatungo ang tingin ko sa kanyang mukha, nakatingin
pala ito sa akin at may na kaplaster na ngiti dito... ngiting may halong.......
ewan.....basta... hindi ko na lang pinansin)
Ako: ba...ba.. baba na na na tayo?
(nag-aalangan kong tanong, nakangiti pa din ito at tumango bilang tugon)
Agad na nga naming tinungo ang pintuan
para makalabas, pinauna ko siya at sa pagtalikod niya ay ay agad akong
napahawak sa dibdib ko ay palihim na sumagap ng hangin para magkalakas
(whhhhhhhhhhhhhhhooooooooooooooo.. grabe ih!)
Nang makababa ay agad akong tumungo sa
kinatatayuan ni anthony at si ian naman ay sumunod lang sa akin
Ako: ano kamusta? Pasensya na ha at
hindi kita masyado naasikaso (pahingi ko sorry sa kadahilang ako ang nag-aya sa
kanya tas ay parang napabayaan ko sya)
Anthony: ok! Lang iyon, nag-enjoy
naman ako sa sa pakikipag-usap kay tita pati kay john at angel, dami ko nalaman
tungkol sayo (natatawa nitong nasabi sa akin)
Ako: hala, ano mga sinabi nila
(nag-aalala kong naitugon)
Anthony: secret! (natatawa ito sa
naging reaksyon ko)
Ako: kainis naman (parang bata kong
naisatinig), ah eh anthony gabi na hatid na kita baka lalo ka pang gabihin
Anthony: ako itong may sasakya tas ako
ang ihahatid mo? (natatawa na ulit ito)
Ako: ah eh.. sige na nga wag na
(nakasimangot ko kunong pagkakasabi dito)
Anthony: hatid mo na lang ako sa gate,
pwede ba iyon? (akangiti nitong sabi na tinugunan ko din naman bilang
sagot), ah tita, mauuna na po ako,
salamat po pala ng marami (nakangiti nitong pagpapaalam kay mama)
“Ganoon ba iho, sige mag-ingat ka sa
pagmamaheno ha!” pagpapaalam at pagpapaalala ni mama dito
Anthony: sige po tita salamat po
ulit!, (sabay tingin nito kay na john at angel para magpaalam na din at mukhang
close na din sila, nakakatuwa silang tingnan.. hehe)
Ako: ma, ian, sandali lang hatid ko
lang (tumango lang sa akin sila at pagkatapos ay agad na rin naming tinungo ang
labasan
Nang makarating na kami sa kotse ay...
Ako: salamat anthony, laki na utang ko
sayo
Anthony: wala sa akin yon, basta ang
alam ko masaya ako (makahulugang nasabi nito, at nginitian ko na lang siya)
Ako: ingat ha!
Anthony: opo boss, ikaw ang mag-ingat
Ako: opo lagi akong nag-iingat
Anthony: kay ian (bulong nito na hindi
ko naman nadinig)
Ako: ano?
Anthony: goodnight na (at sa sunod
niyang ginawa ako sobrang nagulat, bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit),
salamat (bulong nito sa akin)
Nakakapanghina ang yakap na iyon kaya
hindi na ako nakaimik pa at hinayaan ko na lang ang tagpong iyon, buti na lang
at wala nang tao sa oras na iyon.. dahil ko hindi gagamitin ko sa kanila ang
kapapatino ko palang na si SAI-HA at SET-SU-NA (yes naisingit ko din
ito.......hahaha)
Si anthony na din ang unang kumawala
at nagpasalamat ulit ito hindi na ako nakatugon sa kadahilanang hindi pa din
ako nakakarecover, kasi kasi naman talaga........ hehehehe
Agad nang sumakay si anthony sa kotse
niya, pagkasakay na pagkasakay ay agad din niyang ibinaba ang bintana sa tabi
niya at ngumiti ito sa akin na tinugunan ko din naman
Ilang sandali pa ay nagpaalam ulit ito
at kasabay noon ay ang pagpapaandar na nito sa sasakyan niya at habang
tinatanaw ko ang paglayo niya ay inilabas niya ang kamay niya sa bintana at
kumaway ito na parang nagbababye. Nang hindi ko na nga matanaw ang sasakyan
nito ay ay agad na din akong pumasok at sa aking pagpasok ay tumambad sa akin
ang seryosong mukha ni ian
Itutuloy. . . . . . . . . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment