by: Fugi
Kinaumagahan nagising ako dahil sa mga
daliri na dumadampi sa mukha ko, na parang tinutunton ang mga bahagi ng mukha
ko
Dahan dahan kong iminulat ang aking
mga mata, sa una ay malabo pa pero nang nakaadjust na ay tumambad ang
napakagwapong nilalang suot suot ang napakagandang ngiti sa labi nito
Ian: Good morning! (sabay halik nito
sa akin)
Agad nabuhay ang dugo ko, naenergize
ba! (hehe... kasi kasi)
“Hindi nga sya isang magandang
panaginip lang” nasabi ko sa sarili ko at napangiti nalang ako at napuna naman
ito ni ian kaya humiwalay ang mga labi nito sa akin at magiliw na ngumiti sa
akin
Ako: ikaw ha! Nakakarami ka nang
kahahalik (sabay lagay ng hintuturo ko sa mga labi nito, habang pinipigilan ang
sariling kiligin....... kasi kasi nga... hahahaha)
Agad namang inalis ni ian daliri ko sa
labi nya at inilapit ulit ang mukha nya sa akin at muli na namang naglapat ang
mga labi namin
“Masanay ka na, dahil hindi ko na
makokontrol pa ang sarili kong angkinin ang malalambot mong labi ngayon pang
alam kong mahal na mahal mo ako at mahal din kita” sabi nto sa pagitan ng mga
halik nito sa akin
Wala nalang akong nagawa kung hindi
ang kiligin (ayieeeeee.....kasi kasi.. kinikilig ako ih! Haha............ sana
lagi na lang ganito, hindi yung halikan ha! Kung ganito na masaya kaming
magkasama)
Maya maya ay may bilang kumatok na naging
dahilan para bumalik ang diwa namin na inanod na dahil sa halikang iyon
“Sir ian, pinatatawag na po kayo ng
mama nyo, nakahanda na po ang almusal” sabi ng kasambahay nila sa pagitan ng
pagkatok
Ian: sige ate susunod na kami
(naitugon na lang nito habang kala mo ay nalugi ang mukha)
Narinig na lang namin ang mga yabag na
naglalakad palayo sa pintuan na iyon ni ian, umalis na siguro yung kasambahay
nila pagkadinig ng mga sinabi ni ian
“kasi naman, nag-aalmusal in bed na
nga, istorbo naman oh!” si ian na parang bata habang pilit iniuupo ang sarili
Agad ko naman itong tinampal sa likod
nito
Ako: behave ka ha! Ang bad mo na ha!
(habang agad na tumalikod sa kanya dahil alam kong namumula ako sa mga sinabi
nyang huli)
Ian: nagsasabi lang ako ng totoo ih!
(humahagikgik nito sabi, nalalong nagpainit ng pakiramdam sa buong katawan ko
at nahala na na tuloy ang pamumula ko)
Ako: tumigil ka na nga ian! Sabay kuha
ng unan at bato dito (tatawa tawa naman ang loko)
Hindi na ako nagsabi sa kanya at
mabilis kong tinungo sa banyo sa pagsara ko nito ay nindi ko na napikilan ang
mapangiti ng sobrang luwang at sobrang kiligin (kasi kasi kasi nga
kasi.ayieeeeeeeeeee!)
Agad na akong kumilos, naghilamos,
nagmumog at inayos ang sarili at pagkatapos ng agad na akong lumabas, sa
pagbukas ko ng pinto ay tumambad naman si ian sa akin, grabeng temtasyon naman
talaga, wala itong suot na pang itaas kaya naman kitang kita ang ang ang ang
sobrang nakakaakit nitong BO...BODY (sorry ulit sa term.. pero sobrang YUMMY
ih!.....kasi kasi naman), habang unti-unti ko naman itinataas ang tingin ko sa
kanya ay napansin kong ang kaliwang kamay nito ay nakataas na nakaflex kaya ang
siko nito ang nakatuon sa gilid ng pintuan, kitang kita tuloy ang ang, kahali
halina nitong buhok sa kilikili, medyo makapal na ito ay maganda ang tubo
(grabe talagang temtasyon ito, nakakapanghina), at at ng mapadako ang mukha ko
sa mukha niya ay ay nakangising nakakaloko ito, kaya naman nahiya naman ako sa
inasta ko dahil pihado hindi ito nakatakas sa paningin nya.... kasi kasi naman
ih!
Ako: a..a..are ..y-you tra....try----ying
to to se...seduce meeee? (naiilang, nahihiya na bahagya ko na naisatinig ang
mga ito habang pilit na iniiwas ang tingin sa kanya)
Agad naman niyang kinuha ang baba ko
at iniharap ang mukha ko sa kanya na naging dahilan para magtama ang mata namin
Ian: are seducible? Nakangiti nitong
sabi sa akin
Pinili ko namang iginaya ang ulo ko
side by side para ipahatid na “HINDI” dahi nga hindi ko na kaya sobra na akong
mahina dahil sa epekto sya
Ian: that’s what I thought (sabay
bigay nito ng mabilis na halik ulit sa labi ko at agad na dumaan sa gilid ko,
napansin ko naman na ngingiti-ngiti ito, at pagkatapos ay pumasok na sa loob ng
CR at dahan dahan na isinara ang pinto)
Agad akong napasandal sa pader malapit
sa akin at napabuga ng hangin para makabawi ng lakas (kasi kasi naman eh!..
haha)
Nang kaya ko nang maglakad ay tinungo
ko na ang kama niya ay napansin kong may damit doon at ng makalapit ako ay may
nakita akong maliit na papel sa ibabaw nito at ng kuhanin ko ito ay ito ang
mababasa.....
“Eto na isuot mo, bagay ito sayo,
favorite ko nga pala yan:]”
Nangiti nalang ako, at ng tingnan ko
ito ay navy blue shirt at white semi-fitted below the knee short. Isinuot ko na
nga ito at ng tingnan ko ang sarili ko sa kanyang whole body mirror built sa
wall sa kwarto nya ay hindi ko talaga mapigilang hindi pangiti at at at kiligin
(kasi nga.. ayieeeeee!)
“Wag ka masyado ngumiti, nahahalatang
kinikilig ka” sabi ng boses sa likod kasabay ng mga hagikgik nito
Nang humarap ako ay si ian na pala
(hindi ko namalayan ang paglapit nito, kasi naman ih!), nakatapis lang ito ng
tuwalya at may mga butil pa ng tubig sa dibdib at ang iba ay tumutulo pa pababa
sa katawan niya
“s**t!” nasabi ko nalang sa sarili ko
pagkatapos ay agad tumlikod ako dito
Ako: magbihis ka na nga! Kanina pa
tayong hinihintay doon sa baba nila mama mo (kunyari ay nagagalit kong turan dito
pero malakas na naman ang isinagot nito, ih naman eh!..... haha)
Nang makabihis na nga ito ay parehas
na din kaming bumaba at naabutan nga namin si tita at kuya joseph na nakangiti
sa amin
“Good morning mga iho” nakangiting
bati sa amin ng mama ni ian
“Good morning mama/tita” sabay naming
bati ni ian
Joseph: fugi, dito ka na sa tabi ng
kuya seph mo (napaharap naman ako dito at nakangiti ito sa akin, sabay noon ay
inipod nito ang silya sa tabi nya, nangiti na lang ako sa kanya)
Humarap naman ako kay ian at seryoso
pala itong nakatingin kay kuya joseph at nang tumingin ako sa dako ng huli ay
nakangiti naman itong nakatingin kay ian, nagtatakaman ay agad kong kinuha ang
atensyon ni ian at nagets naman siguro nito iyon at...
Ian: sige na doon ka na maupo (seryoso
pa rin ito)
Agad na nga akong umupo sa upuan na
ihilahad ni kuya joseph sa akin at ng makaupo ay si kuya joseph na ang halos
umasikaso sa akin, nahihiya man ay wala na rin akong nagawa dahil mapilit ito
Habang kumakain ay napuno ng usapan sa
pagitan namin nina tita at kuya joseph, pero hindi naman nakaligtas sa akin
pananahimik ni ian na sya namang pinuna din ni kuya joseph
Joseph: mukhang tahimik ata ang isa
dyan, nilagnat siguro sa pag-aaral nyo kagabe
(parang may himig pang-aasar itong patama kay an p sa akin ito
nakatingin at nakangiti, ako naman ay walang naitugon)
Ian: ang epal mo kasi (singhal naman
nito na mararamdaman ang inis, agad naman akong napatingin sa dako nito at)
“Ian, joseph at sa harap pa kayo ni
fugi at ng pagkain nag-aaway, hindi na
kayo nahiya” ang medyo napataas na boses ni tita
“fugi, pasensya na sa mga anak kong
sutil” sabi nito sa madahan na tono habang nakatingin sa akin
Ako: naku, tita wala po iyon sa akin,
sanay na po ako sa mga ganyan, dahil ganyang ganyan dito ang mga kuya nung asa
bahay pa po sila (nasabi ko na lang kasama at matipid na ngiti at ngumiti na
rin ito sa akin)
Katahimikan na ang sunod na namayahi
sa amin, tanging tunog nalang ng mga kubyertos at marahang pagnguya ang
maririnig hanggang sa matapos kami
Ian: ma, hahatid ko na po si fugi (ang
pagbasag na nito sa katahimikang iyon)
“sige anak, fugi pasensya na ulit sa
nangyari kanina, wag kang madadala dito sa amin ha!” nakangiti na ito at
kalmado na
Ako: tita, ok lang po (nakangiti ko
naman dito), salamat po sa masarap na breakfast, paano po tita, una na po ako
(dagdag ko sabay lapit dito at nagmano)
“sige iho, ingat kayo” si tita
Ako: kuya seph, uwi na ako (paalam ko
sa kanya, nagulat naman ako nang biglang lumapit ito sa akin at maya maya pa ay
may binulong ito na na labis kong ikinagulat at ikinataka)
Joseph: sorry fugi sa inasal ko (sabi
nito ng ilayo na nito ang sarili niya sa akin)
Ako: wa....wala i..yon ku..ya seph
(bahagya ko na nasambit dahil iniisip ko pa rin ang ibinulong ito)
“Tara na fugi” ang pagtawag na ni ian
na nakatayo na pala at may kung ano na naman sa itsura nito
Agad na akong tumayo at nagpaalam ulit
sa kanila at nang makalapit ako kay ian ay agad na itong naglakad at sinundan ko na lang ito
Nang makasakay na kami ng sasakyan nya
ay agad na nyang pinaandar ang makina nito at maya maya pa ay pinatakbo na niya
nito, yung kasambahay na nila ang nagbukas at nagsara ng gate
Naging tahimik ang pagitan naming
dalawa sa loob ng sasakyan niya at naisip ko nalang ulit ang binulong ni kuya
joseph
“Masyadong halata ang kapatid ko ano?”
(hindi ko gets kung anong gusto nyang ipahiwatig sa sinabi nyang iyon, ang alin
ang pagkapikon ba nito? Wala talaga akong maisip sa puntong iyon, ipinagkibit
balikat ko nalang iyon)
At nang nasa kanto na kami ay nagtaka
ako kung bakit lumiko sya papuntang batangas imbes na pauwi sa bahay namin,
kaya naman hindi ko na natiis ang sarili kong basagin ang ang katahimikang
namayani
Ako: saan ba tayo pupunta? (kalmado
kong tanong kay ian)
Ian: pwede bang wag ka nang masyadong
makipag-usap sa kuya ko? (tanong nito na ikinalito ko)
Ako; ha? (parang tanga lang, kasi nga
ay hindi ko maintindihan masyadong vague.. hahahah wow.. gusto ko lang yung
pagkakatype ko ng vague.. im so proud of myself.. hahaha)
Ian: basta sumunod ka na lang, pls
(sabay harap nitong mabilis at natawa ako sa itsura ng mukha nito na
nagpapaawa.cute! hehe), one more thing (panimula ulit nito), wag ka na din
masyado makipagclose sa mokong na anthony na iyon.........(hindi pa ito tapos
ng sumingit ako)
Ako: teka teka teka nga,nagseselos ka
ba sa kanila? (nagingiti ko namang pangbubuyo sa kanya at hindi nga ito
nakasagot), nagseselos ang ang isang bata, uy! Nagseselos (sabay kiliti ko na
sa tagiliran nito)
Ian: bakit ako magseselos? Nag-iingat
lang ako (katwiran nito)
Ako: nag-iingat ka na maagaw ako nila?
(nakangiti ko paring pangbubuyo dito)
Ian: nag-iingat lang ako na na mawala
ka pa sa akin (sabi nito habang nasa daan ang atensyon nito)
Agad kong tinanggal ang seatbelt ko at
agad na niyakap si ian ng sobrang higpit at.......
Ako: hindi na mangyayari iyon, kasi po
inokupa mo na lahat ng space sa puso ko
at kahit nga utak ko sinakop mo na din, kaya malabong mangyari iyon
(paninigurado ko dito)
Naramdaman ko na lang ang pag-akbay ng
kanang kamay nito sa akin at ang paghalik nito sa ulo ko
Ako: kaya dapat wag ka nang mag-isip
ng kung anu-ano, ok po?
Ian: susubukan ko
Ako: saan nga pala tayo pupunta?
(habang inaalis na ang pagkakayakap ko sa kanya at tumingin na sa kanya)
Ian: magsisimba tayo, ito yung unang
unang pagkakataon na magkasama tayong attend ng mass at syempre hihingi na rin
tayo ng blessings at guidance sa kanya para sa ating dalawa (nakangiti na ito)
Ngumiti na lang at tumango-tango ako
dito bilang pagsang-ayon, sobra nya talaga akong pinapahanga sa ugali nya, at
lalo ko syang minamahal dahil doon
Mabilis naman kaming nakarating sa
basilica at saktong hindi pa nagsisimula ang misa ng makarating kami. Marami na
ring mga tao kaya halos naokupa na lahat ng upuan, kaya hindi na kami
nakipagsiksikan para makapasok sa pinaka loob ng simbahan, mas pinili na lang
namin ay tumayo sa gilid malapit sa bukana
Habang hinihintay namin ang
pagsisimula ng misa ay nagkaroon ako pagkakataon na maipabatid sa ating
panginoon ang akin saloobin....
Papa Jesus, nais ko po munang humingi
ng paumanhin dahil hindi ko nasunod ang kung ano man ang nais nyo na na na “ang
lalaki ay sa babae and vice versa”, pero alam ko na mas malawak ang pang-unawa
nyo kesa sa sinasabi ng mga tao na “mali ang ganitong relasyon sa mata nyo”, di
ba po kaya nyo po ginawa ang puso na malayang tumibok at hindi kinukontrol ng
kahit anong bahagi ng aming katawan o kung sino ay dahil para kusa nitong
hanapin ang taong inilaan nyo para sa amin at sa puntong ito si ian po ang
pinili nitong pinagkatiwala nyong puso sa akin, kaya po sana patnubayan nyo
kami at bigyan ng lakas para sa mga problemang kakaharapin namin sa pinili naming
ito, kakayanin ko po lahat basta wag nyo lang kaming bibitawan, salamat po!
Kapanatagan.......... yan ang
naramdaman ko
Maya maya ay nagsimula na nga ang misa
at taimtim naman kaming nakinig ni ian, at sa puntong nagtatama ang aming mga
mata ay masusuyong ngiti lang ang ibinibigay namin sa isat isa
Pagkatapos ng misa ay agad naman
kaming tumungo sa tindahan ng bibingka at puto bungbong at iba pang kakanin
para ipampasalubong kela mama, at nang makabili ay agad na din akong inihatid
ni ian dahil ang usapan nila ni mama ay ibabalik ako ng umaga ng araw na iyo at
ayaw nya daw maisara sa usapan nila baka daw ma-bad shot agad sya kay mama, at
nang malaman ko iyon ay natawa na lang ako, paimpres ang mokong ih! (hehehe)
Pagkahatid nito sa akin at tumigil muna
ito sa bahay at doon na din nagtanghalian at sa puntong iyon ay sobrang close
na nya talaga sa pamilya ko, nangingiti na lang ako pag nakikita ko sila
Nakauwi ito ay past 2:00 na ng hapon
ng tawagan siya ni tita na umuwi at may pupuntahan daw sila, agad na itong
nagpaalam kela mama, patrick at angel at pagkatapos ay hinatid ko na nga ito sa
kotse nito
Ako: ingat ka sa pagmamaneho ha!
Ian: opo boss, pwede bang favor?
Ako: ano po iyon?
Ian: pakiss (nakangisi na itong
nakakaloko)
Ako: ian ha!
Ian: sige na please (sa paawa nitong
mukha)
Ako: baka may makakita kasi
(pagdadahilan ko)
Nagulat na lang ako ng bilang naglakad
si ian papunta sa passenger’s area at binuksan ang pinto nito.......
Ian: sakay, saloob walang makakakita,
tinted (nakangising nakakaloko ulit ito habang nakaturo sa bintana ng kotse
niya)
Ako: bukas na lang para dalawa
(pagpapalusot ko ulit), dali na, umalis ka na, hinahanap ka na sa inyo (dagdag
ko pa)
Ian: hindi ako aalis hanggat walang
kiss (parang bata nitong sabi), dali na kasi, kiss lang ih!
Ako: quota ka na kaya, bukas na ulit
(pangangatwiran ko, habang pinipigilan ko nang mapangiti dahil sa itsura na
nito)
Ian: mukhang hindi ko nga ako love,
sige aalis na ako (nakasimangot na ito habang parang batang nagmamaktol sabay
sara na pintuan ng passenger seat at naglakad na papunta sa driver’s side)
Hindi ko na nga napigilan ang pagtawa
sa inasta nito agad ko na ngang tinungo iyon at binuksan sabay pasok, napansin
ko naman ang mokong na nakangisi na ulit, at nang makapasok ay agad ko nang
sinunggabang ang labi nito ng mabilis tapos ay mabilis din na bumitaw sabay
labas na ulit ng sasakyan, mahirap na at baka mapasarap... hahaha
Tatawa tawa naman ang mokong sa inasal
ko at kumaway na ito sa akin at........
Ian: I LOVE YOU (sabi nito na walang
boses)
Nangiti at sobrang kinilig na man ako
doon (kasi kasi)
Ako: I LOVE YOU (sa kaparehong paraan
sabay peace sign para sa “TOO”.. hehe)
At pagkatapos noon ay umandar na ang
sasakyan nito habang ako naman ay tinanaw na lang ito hanggang sa nawala na ito
sa paningin ko..
Itutuloy. . . . . . . . . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment