by: Fugi
“Pero sadyang laging may kapalit lahat
ng bagay dito sa earth, na ang akala mo ay tuloy tuloy na ang magagandang
nangyayari sa buhay mo ay tsaka ka bibiglain ng kung ano anong pagsubok” –
thats LIFE and thats what you called REALITY:[
-------0o0-------
Nakatulog ako nang sobrang hindi ko
maitago ang sayang nararamdaman ko sa araw na iyon, ang daming nangyari na
talaga namang bumuo sa pagkatao ko, na akala ko malabong mangyari, na
napakaimposibleng maganap, pero PWEDE PALA:]
Kahit kela mama, john at ultimo kay
bibang batang si angel hindi nakaligtas, buti na lang at hanggang puna lang
sila at hindi na nag-usisa pa, kasi naman si ian ih! Hehe
Hanggang panaginip ay kasa kasama ko
ang taong rason ng mga ngiti sa labi ko, kaya naman naging napakahimbing ng
tulog kong iyon at dahil doon ay ay tinanghale ako ng gising buti na lang to
the rescue si mama at naagapan ang pagiging late ko sa klase ko sa araw na iyon
Nang tingnan ko ang orasan at
magseseven na
“Patay! May usapan pa naman kami ni
ian, ako nga pala ang susundo sa kanya” nasabi ko nalang sa sarili ko at agad
na nagising ang dugo ko, kumilos agad ng mabilis para hindi masira sa usapan
naming iyon, mahirap na ba magalit pa ang mokong, isa pa naman tampururot iyon
(hehe)
Pero kahit anong bilis ang gawin ko ay
talaga namang nakikipag-unahan ang oras sa akin sa araw na iyon, na para bang
wala syang pakisama at nang-aasar pa, kainis ih!
At nanmuli kong silipin ang orasan ay
lalo lang akong nainis kasi late na ako sa usapan naming iyon ni ian, at
mukhang mahuhuli na rin kami sa klase, kainis talaga ih! Kasi kasi
Naisipan kong takasan na lang ang
ihihandang breakfast ni mama, dahan dahan akong bumaba at pagsilip ko sa may
kusina, sakto nakatalikod si mama sa aking kinatatayuan, agad na akong bumwelo
ng tahimik na pagtakas ng sa pagharap ko...
Angel: to nong, no lip mo dyan? (“tito
ninong, sino silip mo dyan?” sabi nya sabay sisilip silip din sya sa kung saan
ako nakatingin)
“Ah! Wala nang lusot!” nasabi ko na
lang sa sarili ko at pagkatapos ay BOOM
“O! anak andayan ka na pala, kain ka
muna” nakangiti sabi ni mama, wala na akong nagawa, dahil kahit anong gawin
kong rason kailan kong kumain dahil hindi nya talaga ako paaalisin, ganoon
talaga si mama
Subo-inum ng tubig-lunok (tama wala
nang nguya-nguya, matutunaw naman din iyong kinain ko ng mga gastric juices sa
tyan ko.. haha), hindi ko na din pinansin pa si angel na nangungulit kahit yung
mga sinasabi ni mama, at wala pang tatlong minuto ay naubos ko na nga iyon at
agad nang nagpaalam, nagtatakbo palabas, bukas ng gate, labas kay drey (motor
ko), sara ulit ng gate pagkatapos sakay na kay drey at agad nang pinaharurot
ito, wala nang paipainit ng makina, kasi mas mainit na pihado ang ulo ni ian..
kasi kasi.. hehe
Naging mabait naman si pareng trapik
sa akin kasi maluwag sya kaya walang naging aberya at narating ko ng mabilis
ang kanto nina ian pero pero sa kasamaang palad ay ay wala sya kahit saan mang
sulok ng kantong iyon, kahit sa ilalim ng mga tuyong dahon at balat ng
tsu-wing-gam na nasa lugar na iyon ay wala sya (hahahahaha)
“Baka nasa kanila pa!” may pag-asa
kong nasabi sa sarili ko at tinungo ko na nga ang sa kanila, lakasan na ng loob
Nang mapatapat na nga ako sa kanila ay
agad kong hinubad ang helmet na suot ko sabay lapit na sa gate nila at akmang
“magtatao po” na ay biglang.....
“Fugi!” pagtawag sa akin ng isang
pamilyar na boses at agad din naman akong napatingin sa kinaroroonan noon at
nakita ko nga ang nakangiting si kuya joseph (gwapo talaga ang lahi nila,
pinsan ata nila si Lord ih! Hehehe)
Ako: kuya seph! (bati ko naman dito
kasama ang magiliw na ngiti din at naglakad na ito papunta sa akin pagkatapos
ay agad na din binuksan ang gate nila), ah.. eh kuya.... (hindi ko natapos
dahil sa pagsingit nito agad)
Joseph: si Ian ba? Kanina pa sya
umalis, may usapan ba kayo? (tumango na lang ako sa kanya bilang tugon)
Ako: kuya seph, una na ako ha! (sa
puntong iyon ay hindi na maipinta ang mukha ko kasi patay ako sa tampururot na
iyon, hehe)
Agad na akong tumalikod at mabilis na
tinungo si drey, pero narinig ko ulit si kuya joseph na nagsalita
Joseph: easy lang! nahahalata (hindi
ko masyado naintindihan, pero hinarap ko pa din ito at nakangiti itong
nakakaloko)
Ako: ano iyon kuya seph?
Joseph: napakaswerte sayo ng kapatid
ko (magiliw na itong nakangiti, pero nalilito pa rin ako sa sinasabi niya,
masyado talagang vague, kaya nagtapon nalang ako ng nagtatakang tingin sa kanya
at agad naman itong naglakad palapit sa akin), basta pag-inaway ka ng loko kong
kapatid sabihin mo lang sa kuya seph mo, hindi ko sasantuhin iyon, sumbong mo
sa kuya! (nasabi na lang nito habang magiliw pa rin itong nakangiti at
nakatingin sa akin)
Ako: sige kuya! Yes! may magtatanggol
na sa akin pag nag “JINCHURIKI” ang isang iyon (parang bata kong sabi dito na
ikinatawa lang nito, hahaha)
Joseph: ganoon ba sya kahalimaw
magalit? (natatawa nitong nasabi)
Ako: slight! (natatawa ko ring sagot),
kuya tama na baka kung ano na nangyayari kay ian, isusumbong kita doon
(pagbibiro ko na ikinatawa lang ulit nito), sige na kuya seph, malelate na ako
(pagpapaalam ko naman dito)
Nagulat na lang ako sa mga sumunod na
nangyari, bigla bigla nalang akong nakaramdam na may humablot ng braso ko at
ang sunod kong namalayan ay ay ay nakasalampak na ako sa matipunong dibdib ni
bi kuya joseph (mas matangkad kasi sya all most 6 footer na ata)
Sa puntong iyon ay wala akong nagawa
at pagkabigla ang bumalot sa akin na naging dahilan para hindi ako makagalaw
(buti nalang at naihulog ko ang card field ng sa bakugan at huminto ang oras
pati na rin ang paggalaw ng tao, bagay o kahit anong living things sa earth na
naging dahilan para walang makakita ng yakapan na iyon... haha joke, yes
naisingit ko ito! Hahaha)
Nagising na lang ako ng biglang
magsalita si kuya joseph..............
Joseph: payakap lang (at lalo kong
naramdaman ang paghigpit ng yakap niya na naging dahilan para lalo akong
maisiksik sa kanya), masyado mo kasi akong pinasasaya (bulong nito kasabay noon
ay dahan dahan na din nitong inalis ang pagkakayakap niya sa akin)
Naiilang at nahihiya ako (kasi kasi)
at at agad kong tiningnan ang paligid at nakahinga ako ng maluwag dahil wala
namang tao, wala naman sigurong nakakita, pagkatapos ay agad ko na ding
tinapunan ng tingin si kuya joseph ng tingin at nakita ko itong nakatingin din
sa akin at nakangiti ito
Ako: ah.. eh.. (naiilang kong
panimula), kuya, a...a...alis na ako (nauutal kong nasabi at tango lang ang
naitugon nito kaya agad na akong sumakay kay drey at ng napaandar ko na ang
makina, narinig ko uli ito)
Joseph: ingat fugi ha! (humarap ako
dito at nginitian ito at saka tuluyan ng umalis)
Sa byaheng iyon ay halo-halo ang
pumapasok sa utak ko isa na doon ay si kuya joseph pero agad din natabunan iyon
ng maalala ko si ian pati na din ang wala nang takas na pagkalate ko sa araw na
iyon
Haist.........! tanging nagawa ko
nalang
Sa kabutihang palad ay narating ko ng
mabilis ang Lyceum at nang silipin ko ang akong relo 20 minutes na akong
latable kaya agad ko nang tinakbo ang room namin
Takbo...lakad..takbo...hinga ng
malalim... takbo ulit hanggang sa wakas ay nasa pintuan na ako ng room namin
iyon, agad kong inayos ang aking sarili at pagkatapos ay agad ko nang pinihit
ang doorknob sabay bukas ng pinto
Narinig ko naman nahindto ang ingay na
sa tingin ko naman ay discussion na iyon at agad na nagtinginan sa akin ang mga
tao sa loob na iyon
Pero imbis na sila ang pansinin ko ay,
inunang hanapin ng paningin ko ang prisensya ni ian at ilang sandali pa ay
namataan ko na ito at nagtatakang hindi man lang ako itinapunan nito ng tingin
at ang isa pa sa napansin ko ay ay sobrang seryoso nito
“Mukhang bad trip” nasabi ko sa sarili
ko
“Mr. Chio, your late and now your
distracting my lecture, you may now take your seat” mukhang galit ito base sa
tono nito na agad namang nagpakilos sa akin para tunguhin ang aking upuan sa
katabi ni janine (alphabetically arranged na kasi)
Pagkaupong pagkaupo ay sumulyap ulit
ako sa kinatatayuan ni ian at katulad kanina ay ganoon pa din ito at sa white
board lang ito nakatingin, nang maramdaman kong parang may nakatingin ay agad
kong hinanap iyon at si anthony ang bumulaga sa akin
Nakangiti itong nakatingin sa akin at
tinugunan ko naman ito at pagkatapos ay agad namang kinuha ni janine ang
atensyon ko
Janine: friend, Monday na Monday late
ka, ano bang ginawa ko kagabe (bulong nito, pero imbis na sagutin ay nagtanong
nalang din ako sa kanya)
Ako: janine, akong oras dumating si
ian? Nandito ka na ba noong dumating sya? (sunod sunod kong bulong na tanong sa
kanya na mababahiran ng pag-aalala)
Janine: eight something na pero mas
nauna naman sila kay prof, magkasabay panga sila ni anthony at mukhang seryoso
sila (nailahad nito)
Ako: ah ganoon ba? (ang naitugon ko na
lang)
Janine: may problema ba kayo? (imbis
na sagutin pa sya ay nanahimik na lang ako at umiling iling at agad na tinuon
kunyari ang atensyon sa naglelecture na ulit na prof namin)
Nagtataka ako sa sinabing iyon ni
janine pero kahit anong isip ang gawin ko ay wala akong mahinuha na kasagutan
“Nagkataon lang siguro na nagkasabay
sila” nasabi ko na lang ulit sa sarili ko
Paminsan minsan ay tumitingin ako sa
kinaroroonan ni ian pero ni hindi man lang nagtama ang aming paningin na labis
ko namang pinag-aalala, kasi mukhang may something ih!
Natapos na ang klase naming iyon na
hindi ko namamalayan dahil sa aking mga iniisip at nang makalabas na ang prof
namin ay agad kong inayos ang gamit ko, habang ginagawa ko iyon ay napansin ko
ang paglabas na ni ian sa room naming iyo, na talaga namang nagpatotoo sa aking
hinala na nagalit ito sa hindi ko pagtupad sa aming usapan
Mabilis pa kay flash na isinilid ko
agad ang mga gamit ko at ni hindi ko na tinapunan ng tingin si janine o kahit
si anthony agad na akong lumabas para habulin si ian
Nang mahanap ang kinaroroonan niya ay,
malayo na pala ang nalakad nito kaya tinakbo ko ito, napansin kong papunta ito
sa cafeteria at nang makalapit na ako dito ay ay bigla naman itong pumasok sa
rest room, agad ko na rin itong sinundan at nang makapasok na ako at napansin
ko agad ito na naghihilamos at nang igala ko pa ang akong tingin ay napuna kong
walang ibang tao bukod sa amin kaya inilock ko agad ang pintuan para
makapag-usap kami ng maayos at masinsinan ayaw kong magtagal pa itong hindi
namin pagkakainitindihan
Naghihilamos pa rin ito, nilapitan ko
na sya ay sabay hila sa laylayan ng unipome nito na parang bata para kuhanin
ang atensyon nito
Ako: ian! (naiilang kong pagtawag sa
kanya habang hinihila ng madahan ang laylayan ng uniform nito)
Sa puntong iyon ay bigla syang umayos
ng tayo pero imbis na humarap sa akin ay sa salamin ito tumingin para tingnan
ako
Napansin ko ang walang emosyong mukha
nito habang ang mga tubig gawa ng paghihilamos niya ay tumutulo simula sa noo
pababa sa pisngi, sa baba at babagsak sa sink, habang nakabukas pa din yung
faucet kung saan sya naghilamos
Ako: so....sorry kung kung ano, na..na
nalate kasi ako ng gising (nauutal kong nasabi dahil habang nakatingin ako sa
kanya sa pamamagitan ng salamin sa harap namin ay kakaibang ian ang inilalabas
ng repleksyon nya na nagpapakaba sa akin, parang may iba talaga), uy! Ian wag
mo naman akong biruin ng ganyan oh! (medyo nag-aalala ko nang sabi), hoy! Sige
na anong gagawin ko para hindi ka na magalit, ikaw kasi ih! Kahit sa panaginip
ko hindi ko ako nilubayan yan tuloy, napahimbing ako (magbibiro ko na sinamahan
ko pa ng pekeng tawa para lang kahit papaano ay may bumahid na ibang emosyon sa
kanya, pero wala pa rin, ganoon pa rin, na para bang basta hindi ko
maipaliwanag), i..an...! (ang naisatinig ko na lang sabay napayuko na ako
bilang pagsuko)
Inisip ko na sana sabihin nya na na
joke lang fugi! Tapos tatawa na sya ulit ng malakas dahil na good time nya na
naman ako at kukulitin na hanggang sa magtawanan na kami paheras dahil sa
kalokohan nya, pero hindi nangyari ang iniisip kong iyon bagkus ay binalot kami
ng nakakabinging katahimikan
Napahigpit na ang hawak ko sa laylayan
ng uniform nya ay hinila ulit ng dahan dahan habang nakatungo pa rin para
kuhanin ang atensyong kanina ko pang inaasam na makuha
“itigil na natin ito” mahina nitong
nasabi na kahit ganoon ay talaga namang kumuha ng lahat ng atensyon ko, wala ni
kahit anong emosyang maramdaman sa mga salitang iyon
Ako: a...ano? (napatunghay ako at
tiningnan ko sya sa salamin at nakatingin pala ito sa akin pero ganoon pa din
sya, napakablanko nya)
Ian: itigil na natin ang kahibangan
ito fugi! (pag-uulit nito na sa puntong iyon ay may diin na ang pagkakasabi
nito), wala lang pala ito...... (dagdag nito na nakangiting hindi mo
maintindihan na talaga naman may kong anong hatid sa akin at sa emosyong unti
unting namumuo sa loob loob ko), siguro nga malungkot lang ako at naghahanap ng
makakaintindi sa akin, at sa mga oras ikaw lang yung nagtiyaga sa akin, nakinig
at (sabay tumawa ito), at kaya siguro nakuha mo ang loob ko, pero mali pala,
wala naman palang espesyal na nararamdaman ito (sabay turo nito sa dibdib nya
kung nasaan nakapailalim ang puso nya), kaya yung nasabi ko sayo kahapon at
noong mga nagdaang araw ay..... (hindi nito natapos dahil sumabat na agad ako)
Ako: i....ian! (pinipilit kong hindi
maggaralgal ang tinig ko dahil sa mga narinig kong sinabi nya), tama na ang
joke time oh! (at pinilit kong ngumiti pero nararamdaman kong nanlalabo na ang
mga mata ko sa namumuong mga tubig dito), pinagtitripan mo na naman ako,
sorry....... (sabay yakap na sa kanyang likod dahil sa puntong iyon hindi na
nagpapaawat ang mumunting butil ng tubig na kumawala sa mga mata ko)
Naramdaman ko ang mga kamay niya na
kumapit sa kamay ko, na ang akala ko ay lalo nyyang ihihigpit ang kamay ko sa
pagkakayakap sa kanya, pero mali na naman ang hinala ko dahil kabaligtaran ang
nangyari, unti-unti niyang inalis ang pagkakayakap ko at humarap na ito sa akin
Ian: makinig ka fugi (matigas nitong
sabi), mali lahat nang nangyari sa atin, mali ito, at mahal na mahal ko si
sarah (tumigil ito at huminga ng malalim), ......at ikaw............ wala akong
nararamdaman sayo! (bigla na itong tumalikod sa akin at naglakad na palayo)
Hindi ko napigilan ang maiyak sa
puntong iyon kaya na patungo na lang ako at ipinilit na wag ipadinig ang aking
mga hikbi pero hindi ko kaya, masakit kasi...... at nang marinig kong i-unlock
na niya ang pintuan at bubuksan na nya ang pinto para makalabas sya at hindi ko
napigilan ang sarili kong magsalita
Ako: a..aka..akala ko ba ma...mahal mo
a..ako (nasabi ko sa pagitan ng paghikbi ko at ikinatigil naman nya at humarap
sa akin at...................)
Ian: Yun din ang akala ko, pero hindi
pala (kasabay noon ang pagtalikod niya sa akin at paglabas na ng CR na iyo)
“Yun din ang akala ko, pero hindi
pala”
“Yun din ang akala ko, pero hindi
pala”
“Yun din ang akala ko, pero hindi
pala”
“Yun din ang akala ko, pero hindi
pala”
“Yun din ang akala ko, pero hindi
pala”
“Yun din ang akala ko, pero hindi
pala” (ang parang sirang plakang nagpaulit-ulit sa utak ko)
Madahan lang ang pagkakasabi nya sa
mga salitang iyan pero halos tumagos sa lahat ng
bahagi ng katawan ko at nagbigay nang
kakaibang sakit sa puso ko, sakit na hindi gawa ng kahit anong pisikal na
bagay, hindi gawa ng histamine o endorphins, hindi dahil ng lack of oxygen o
kung ano mang bara, pero ito yung sakit na pinakamasakit na mararanasan mo, ang
sakit na gawa ng sawin pag-ibig
At sa puntong iyon ay parang nanghina
ako, napaupo na lang ako at sa puntong ito ay itinikom ko ang aking katawang,
niyakap ko ang aking mga tuhog ay doon ini-ob-ob ang mukha ko at nag-iiyak,
hindi na alintana ang magaganap sa paligid basta ang alam ko, sobra akong
nasasaktan:,(
Itutuloy. . . . . . . . . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment