by: Fugi
Agad kong tinungo ang parking lot kung
nasaan pinarada ko si drey (motor ko) para makaalis na, makaiwas pa at makalayo
sa lugar na iyonna kinaganapan ng napakaraming pangyayari sa araw lang na ito
Nang makarating na ay mabilisan kong
inilagay si pareng helmet, habang sumasakay na kay drey at agad agad ini-start
ito, pakatapos ay wala na akong inaksayang oras at pinaandar na ito
Habang papalayo na ako sa university
ay pinilit kong mag-isip ng lugar na pwedeng mapuntahan, lugar na kung saan
mawawala kahit panandalian ang nararamdaman ko, kahit sandali lang, kahit
ngayon lang, ang sakit kasi, sobrang sakit na, na sa bawatpaggalaw ko, na sa
bawat paghinga ko at lalong lalo na, na sa bawat pag....pagtibok nito, nitong puso
ko ay lalong nakaka-aggravate, na mas lalong tumitindi at bumibigat ang
nararamdaman ko, na para bang hindi ko na kakayanin, parang hindi ko na kaya:’(
Bakit kasi walang subject about love o
kahit tutorials man lang na para kahit papaano naging handa ako, na para bang
may baon baon na akong first aid kit, na pangunang lunas pag naipasa ko na ang
program na iyon, para naman hindi ako ganito ngayon, na sobrang nasasaktan, na
kahit papaano, kahit konti lang ay ay may lakas akong paghuhugutan, na
pagkukunan para harapin ang mga ganitong pangyayari na hatid ng ng ng
PAG-IBIG............ na masasabi ko sa sarili ko na “NAPAG-ARALAN KO YAN” na
“ALAM KO NA ANG GAGAWIN KO” (nagiti man sa naisip pero ang bigat pa rin dito,
dito sa dibdib ko), pero wala, walang kasing ganoon, kaya sa puntong ito hindi
ko alam ang gagawin ko, na sobrang nahihirapan ako:’(
Patuloy lang ako sa pagmomotor dahil
hanggang sa ngayon walng pumapasok sa akin na pwedeng mapuntahan na na
matatangay ang aking mga dalahin at dinadamdam. Pero maya maya ay namalayan ko
na lang na tinatahak ko na pala ang daan, ang daan pauwi ng bahay, parang may
humihila sa akin at kay drey para tahakin ang daang iyon, may kung anong
enerhiya na parang humihigop at nagtutulak sa amin para iyon ay tunguhin, kaya
naman nakiayon na lang ako pati si drey at nagpatangay na lamang
Naging mabilis ang takbo ni drey kaya
ay agad akong nakarating sa tapat ng bahay namin, bumaba ako na ako kasabay ng
pag-aalis ng helmet at pasandal na umupo kay drey paharap sa bahay namin, tiningnan
ko ito, ang bawat bahagi nito habang nag-iisip ng pwedeng idahilan bakit
napa-uwi ako ng maaga, kasabay noon ay inayos ko din ang aking sarili, pilit
pinasaya ang aura at at nagplaster na din ng ngiti, ng isang pekeng ngiti:)
Nang sa tingin ko ay naayos ko na ang
sarili ko, na ok na ako at lalong higit ay nakaisip na ng maidadahilan sa
pag-uwi ng maaga ay agad ko nang tinahak ang gate, dahan dahan kong binuksan
para hindi makagawa ng ingay, naging maingat din ako sa pagpasok, na para bang
natatakot mahuli
Nang mapatapat na ako sa screen na
pintuan namin ay sinilip ko muna kung sino ang nandodoon sa may sala na sya agad mabubungaran sa
kinatatayuan kung iyon. Naabutan ko ang napakalapit at tutuk na tutok sa
panonood ng tv sa palabas na Tom & Jerry ang aking paboritong pamangkin na
si angel, pinagmasdan ko muna ito mula sa kinatatayuan ko, sa pagmamasid kong
iyon ay hindi ko na namalayan na napapangiti na pala ako sa mga ginagawa nitong
reaksyon sa pinapanood nyang iyon na sobrang saya ni angel, tumatawa ito sa mga
pakakataon na naiisahan ni jerry si tom at may pakakataon naman na napapaangat
pa ito sa kinauupuan at umiimik pa ng “lis le lis!” (bilis jerry bilis! Sabi
nya, nga pala bulol pa sya sa R kaya ang R nya ay L at ang L nya ay L parin
hehe), pag hinahabol na ni tom si jerry para makaganti at napapasigaw na ito sa
puntong mahuhuli na si jerry , nakakawili syang panoodin, sobrang inosente, na
parang halos wala syang kaproble-problema, masaya lang (nakakainggit tuloy!)
Sana, sana bata na lang ulit ako, na
sa mga ganoong palabas lang ang sasaya na ulit ako, na sa isang kendi,
tsokolate o ano mang suhol mapapatahan na ako mula sa pag-iyak, na sa mga
laruan lang tulad ng complete set ng power ranger (any edition), solve na ako,
na unti-unti nang mawawala ang dinaramdam ko, na......... na.... na lahat
madaling nasu-solusyunan, na lahat may paraan,,,, hindi tulad ngayon na,,,
na,,, na ang hirap, ang hirap na sobra dahil napaka-KOMPLIKADO na, na sa
ganitong punto ng buhay ko.... hindi na ako pwedeng magsumbong nang “mama ko,
papa ko ni-a-away nya po ako” [nangiti na lang ako sa huling naisip kong iyon
pero kahit magkaganoon kabaliktaran naman ang emosyon sa loob loob ko, na
sinang-ayunan naman agad ng mga mata ko dahilan para magpakawala ito ng mga
mumunting luha, hindi kinaya ang kasinungalingang mababakas sa mga labi
ko:’(..........]
Sa mga sandaling iyon ay hindi ko
namalayan na may nakamasid din pala sa akin habang patuloy lang akong
nakatingin kay angel. Nakita nito lahat, lahat lahat ng mga emosyong hindi ko
napigilang maipalabas dahil sa mga naiisip ko na sumasakto sa nararamdaman ko
Ilang sandali pa ang lumipas ng
mapagpasyahan ko na sanang pumasok nang biglang mapaling ang tingin ko sa may
entrada papasok sa sa aming dining area, agad nagtagpo ang aming tingin ni
mama, mata sa mata at sa puntong iyon gulat at pagkabigla ang namayani sa akin
dahil mababakas sa itsura ng mukha ni mama ang labis na pag-aalala, natigilan
ako, hindi ko alam ang gagawin ko, magpapaliwag ba, magdadahilan o magsusumbong
na “mama, sobrang sakit po” pero ni isa sa mga iyon ay hindi magawa ng katawan
ko, hindi masabi ng bibig ko
Napaatras na lang ako at nagbitaw na
sa titigan na iyon at napatungo na lamang kasabay ang mabilisang pagtalikod,
nahiya ako sa itsura kong iyon. Mabilisan kong pinahidan ang mga bahid ng luha
sa pisngi ko ganoon din ang mga nagbabadya pang mga butil ng tubig na nais
kumawala pa sa aking mga mata, dalian ko ding iniayos ang sarili ko
Maya maya pay narinig ko ang pagbukas
ng screen, alam kong si mama iyon kaya naman.....
Ako: ah eh ma, ano kasi (panimula ko
na hindi man lang sya nililingon), sakit po ng tiyan ko kaya po ay napauwi ako
ng maaga, hindi ko na po kaya ih (hahaha, pilit na pinapasigla ang aking tono),
at.......... (hindi ko na natapos nang maramdaman ko ang pagyakap ni mama sa
likuran ko)
“Nandito na si mama” biglang
naisatinig ni mama habang patuloy na humihigpit ang yakap ni mama sa akin
Sa sinabi at sa yakap na iyon ni mama
ay hindi na nagpapigil pa ang aking emosyon, ang bigat ng aking damdamin at ang
sakit na aking nararamdaman, unti-unting nang nagpumiglas ang mga ito, na
naging dahilan na ng aking paghikbi na kalaunan ay naging mahinang
paghagulgol:’(
Sa puntong iyon ay naging tahimik lang
si mama, naramdaman ko na lang ang pagkalas sa pagkakayakap nito sa akin
pagkatapos ay dahan dahan nya akong minaniobra paharap sa kanya, kasabay ang
pagsalubong ni mama ng kanyang mga bisig at bigay ulit ng yakap, yakap na
mapagkalinga, na sa yakap na iyon pinaparamdam ni mama na.......”wala na makakapanakit
sayo anak, dito na si mama, poprotektahan ka ni mama at mahal na mahal ka ni
mama”
Yumakap na din ako kay mama ng sobrang
higpit sapagkat sa puntong iyon yun ang ang kailangan ko, siya ang kailangan
ko, ang aking mama...
Ako: m.....ma (nasabi ko sa pagitan ng
aking pag-iyak)
Mas lalo kong isiniksikang sarili ko
kay mama habang si mama ay mabining hinahapos ang likuran ko bilang pag-aalo sa
akin pero hinahayan lang din niya ako sa pag-iyak na sa puntong iyon ay medyo
lumalakas na, siguro ay para mailabas ko lahat, lahat lahat ng nararamdaman
nito, nitong puso ko na nagcompensate na sa buong sistema ko, na syang taging
paraan para gumaan ang kalooban ko, na para kahit papaano mabawasan ang bigat
ng dalahin ko
Maya maya ay naramdaman akong mga mumunting
bisig na yumakap sa aking hita at hapos ng maliliit na kamay sa bahagi ding
iyon kasabay noon ay ang malakas nitong pag-iyak
Napukaw ang aking emosyon at agad na
ninakaw nito ang aking atensyon. Napatunghay ako at nagkatinginan kami ni mama
at sa puntong iyon ay inginuso nito ang na si si angel na nagngangangawa na din
sa hindi ko malaman na dahilan
Agad na naming tiningnan ito ni mama
na nakatingala’t nakatingin sa direksyon sa direksyon namin ni mama. Napangiti
ako bigla sa itsura nito basang basa na ang mukha nito ng pinaghalong luha at
sipon, sipon na lumulubo pa (pasensya na kung kumakain kayo habang binabasa ang
part na ito, pero kasi pag sa bata naman hindi naman nakakadiring pagusapan,
kasi sobrang inosente nila.. hehe), na parang plasik balloon na lumulobo tas
biglang puputok pagnakaabot na sa maximum size nito o kaya ay paghinahabol na
ni angel ang paghinga nya dahil sa malakas na pag-iyak
Kumalas na ako kay mama at agad kung
binuhay si angel
Ako: ba-kit u-mi-i-yak ang ba-by
na-min (bay talk ko dito sabay pahid ng sipon nito gamit ang panyo ko kasunod
ang mga luha nito), si-no nag-a-way? Sa-bi sa ni-nong (pag-aalo ko)
Pinilit ni angel magsalita
Angel: si...si.. nig (sinok) ko
(sinok) to nong (sinok) i.............yak (sinok) i..........yak (“kasi, kasi
narinig ko tito ninong iyak iyak” sabi ni angel, O-HA! Pati ekspresyon ko
ginaya na din ni angel)
Napangiti na lang ako sa sinabing iyon
ni angel at agad ko itong niyakap, ilang sandali pa ay umimik ulit ito kaya
iniharap ko ito sa akin....
Angel: w..wag (sinok) na i...yak
(sinok) to nong (”huwag na iyak tito ninong” sabay lapat nitong maliliit nitong
kamay sa pisngi ko at pinahidan ang mga bakas ng luha na naiwan doon),
sa.....sa...it lo mo? (sinok) Ya ka yak, i..i..ot ko (“sakit sakit ulo mo? Kaya
ka iyak, hihilot ko” yan po yung sabi nya, sabay padaos-dos ng kamay niya
sa noo ko na parang hinimas lang pero
yun ang paraan nya ng paghihilot)
Niyakap ko na lang ulit ito at sa
pagkakayakap ko iyon ay hindi ko mapagsidlan ang ngiting idinulot ni angel sa
akin, sobra inosente nya na, sobrang gumaan ang pakiramdaman ko sa ginawa
niyang iyon. Sa puntong iyon ay nagtama ulit ang mga mata namin ni mama at
nakangiti itong nakatingin sa amin ni angel, napansin kong panatag na ito
Ako: sa-la-mat angel ko
Angel: la na sa..it lo mo to nong?
(“wala na sakit ulo mo tito ninong”)
Hiniharap ko ulit ito sa akin at
sinalubong ng masayang ngiti na idinulot niya sa akin at...
Ako: wa-la na ga-ling ga-ling ng
gey-gey mag-hi-lot ih!, (at pinaulanan ko ito ng mga halik sa pisngi, sa leeg,
sa noo sa ilong na ikinatawa nito ng malakas dahil sa kiliti siguro at dahil
doon ay nahawa na din kami ni mama:)
Siguro kaya pilit na may nag-uudyok sa
akin na tahakin ang daan pauwi, kasi andito yung mga tao na makakaalis ng lahat
ng nararamdaman ko, na kayang pagaanin ang kalooban ko, na magbibigay sa akin
ng panibagong lakas na harapin ang mga bagay bagay at mga problema na akala ko
hindi ko makakaya, pero dahil ipinaparamdam niya na nandyan sya, na handang
umalalay, gumabay at higit sa lahat ang mahalin ako ng MAS HIGIT sa nang kayang
ibigay ng mga taong magiging bahagi ng buhay ko, sa puntong ito, alam ko sa
sarili ko makakaya ko ito, kakayanin ko ito at malalampasan ko ito:)
Pumasok na nga kami sa loob ng bahay,
hindi na inalam pa ni mama ang dahilan kaya ako nagkaganoon, siguro alam nya
na, dahil minsan sa buhay namin naging isa kami, na sa kanya ako nagmula, na
kilalang kilala nya na ako at buong pagkatao ko kasama na rin doon ang
tinatawag nilang mother’s instinct kaya siguro ganoon at ang sinabi nalang ni
mama sa akin ay maglaan ako ng oras sa sarili ko. Siguro kaya nya nasabi iyon
para makapag-isip ako, makapagreflect, na sa pamamagitan noon makakapagdesisyon
ako ng tama
I love my MAMA:)
I was such a fool
I couldn't see it
Just how good you were to me
You confessed your love
Undying devotion
I confessed my need to be free
And now I'm left
With all this pain
I've only got myself to blame
I lie awake
I drive myself crazy
Drive myself crazy
Thinking of you
Made a mistake
When I let you go baby
I drive myself crazy
Wanting you the way that I do (wanting
you the way that I do)
*******
Gustong gusto ko nang makita,
mahagkan, angkinin muli at iparamdam ang pagmamahal ko, ang tunay kong
nararamdaman para kay fugi, sobrang miss na miss na miss na miss ko na siya at
sa mga na nagdaang araw na hindi ko sya nakikita mas tumitindi ang, ang LOVE,
ang PAG-IBIG, ang PAMAMAHAL KO sa KANYA, na halos mabali-baliw na ako:(
Magkaganoon man ay labis labis din na kalungkutan, guilt at pag-aalala
ang lumalamon sa akin dahil sa nagawa at nasabi ko sa kanya, nagawa at nasabi
na mali, hindi ko man intensyon ang
saktan sya at iyon din ang pinangako ko sa kanya, pero hindi ko natupad, nagawa
ko pa din na saktan sya, nagawa ko yung isang bagay na hindi nya deserve, kasi
sya yung taong worthy sa lahat ng mga pangako, pangakong tutuparin ko dapat
para sa kanya ang kaso lang gago ako, sobrang tanga ko
Pero yun lang ang option na meron ako,
I was caught off guard nang..............
--------->flashback
Maaga akong nagising kahit ako
naninibago dahil hindi ko naman talaga ugali ang magising ng maaga siguro dahil
gustong gusto ko na nang makita ang taong nagpapasaya sa akin, yung mga ngiting
ng papagaan at nagpapaaliwalas ng araw ko ang maamong mukha ni fugi na laging
laman ng isipan ko at sa puntong iyon ay isang ngiti na lang ang sumilay sa
labi ko bago ako tuluyang bumangon para maghanda sa pagpasok:]
Agad kung tinungo ang banyo para
maligo na, pagkatapos ay agad na akong nagbihis ng aking uniporme at humarap sa
salamin para magpagwapo, magpagwapo kasi alam ko at nararamdaman kong kahit
akin na sya may mga epal lang na ayaw patalo
“Pero handa ako sa kanilang lahat”
sabay pogi sign sa tapat ng salamin at nagiti ako sa kayabangan kong iyon:]
Nang maramdaman kong sobrang gwapo ko
na (mga pipz si fugi po ito, totoo pong sobrang pinagpala sya kaya wag kayo
mayabangan... hehe pinagtanggol hehe) ay agad ko nang ihihanda ang gamit ko
pagkatapos ay agad na akong bumaba para mag-almusal
Nang makarating ako sa dining area ay
hindi nakaligtas kay mama ang kung anong kakaiba sa akin sa araw na iyon
“Mukhang may pinaghandaan ka ngayon
anak ah!” sabay lapit ni mama sa akin lagay kanang kamay nya sa parteng baba ko
at.. “ang gwapo gwapo mo ngayon anak” nakangiting sabi ni mama
Ako: noon pa naman ma (nakangiti ko
din sagot dito)
“at mukhang umubos ka ng isang boteng
pabango, para ipaligo sa katawan mo” sabay lapit ng ilong ni mama sa bandang
dibdib ko at inamoy amoy
Nangiti na lang ako sa pagbisto ni
mama:]
Ako: ma, kain na tayo (pag-iiba ko
baka mangulit pa si mama at agad na akong tinungo ang table at naupo na para
mag-agahan
Habang kumakain ay hindi naman
napigilan ni mama ang mag-usisa, pero imbes na sagutin sya ay masuyong mga
ngiti lang ang itinugon ko sa kanya
”Ian anak, natutuwa ako kasi na
nakikikita ko na ulit yang mga ngiti mong iyan, na masaya ka na ulit kaya kung
sino man yang dahilan niyan wag mong hayang mawala sya sayo” ang medyo
naluluhang pahayag ni mama
Ako: hinding hindi po (tanging naging
sagot ko kasabay pakawala ng masuyong ngiti)
Agad na din akong nagpaalam kay mama
nang matapos na ako sa lahat dahil may usapan kami ni fugi na sabay papasok at
sya ang susundo sa akin ngayon gamit si drey (motor nya) bilang hiling nito na
sa huling pagkakataon ay maiangkas niya ako doon sapagkat napagkasunduan
namin... ahm actually ipinilit ko na wag na nya nang gagamitin sa pagpasok ang
motor nya dahil ayaw kong tsaka lang sya pagbawalan pag may nangyari nang
masama sa kanya, maingat sya oo pero hindi sapat yun kasi kahit anong ingat nya
kung yung mga kasabayan nya sa kalsada ay hindi wala rin, iniingatan ko lamang
sya
Bilang kapalit noon ako na ang susundo
at maghahatid sa kanya, way ko na rin ito para mamanduhan ko ang mga UMEEPAL na
wala na silang magagawa:)
Mabilis kong narating ang kanto kung
saan ko sya iintayin, wala pang sampong minuto ay bigla bigla nalang may
humintong pamilyar na kotse sa harapan ko
Sa pagbaba ng binta sa tapat ko ay
bumungad sa akin ang seryosong si anthony
“Ian pwede ba tayong pag-usap” may
tono sa pagsasalita nito pero bilang hindi naman ako pinalaking bastos ay...
Ako: pasensya na may usapan kasi kami
ni.... (hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng bigla na lang itong sumingit)
Anthony: tungkol ito kay fugi (kasabay
noon ay binuksan nito ang pinto ng sa may passenger’s area kung saan nagpapahiwatig
na sumakay na lang ako)
Sa mga huling sinabi nito, pati na rin
sa itsura nito at kinikilos alam ko na ang patutunguhan ng usapan na iyon, para
matapos na rin ay at makalinawan na rin ay pinaunlakan ko na ang imbitasyon
nito, sumakay na ako, pagpapaliwanagan ko na lang si fugi mamaya pag nagkita
kami sa campus sa biglaan kong pagkawala
Katahimikan ang bumalot sa aming
dalawa ni anthony sa mga sandaling iyon, nagpapakiramdaman, habang seryoso pa
rin syang nagmamaheno ay itinuon ko na lang ang atensyon ko sa daan at napuna
kong tinatahak na namin ang daan papuntang university
Mabilis kaming nakarating, nang
makapasok at makapagpark sya ay ganoon pa rin kami, walang imikan hanggang sya
na din ang unang bumasag doon
“Gustong gusto ko si fugi kaya naman
sana....” paglalahad sana ni anthony ng kanyang nararamdaman pero pinutol ko na
dahil alam kong may kung anong hihilingin ito sa akin
Ako: Pare, kung hihilingin mo na
layuan ko si fugi para mag give way dyan sa nararamdaman mo, hindi ako papayag,
alam mong ako ang mahal ni fugi at mahal ko din sya at............. (ako naman
ang pinutol nito)
Anthony: mahal mo sya ng higit sa
girlfriend mo? Paano kung isang bumalik na sya? (hindi ako nakasagot sa mga
tanong na iyon ni anthony), Sinong MAS pipiliin mo? Panakip butas lang ba si
Fugi ha!? (dagdag nito na mahahalata na ang galit sa tono nito)
At sa puntong iyon natahimik ako, pati
ako naguluhan, wala akong makuhang sagot sa utak ko na makakapagpaliwanag sa
mga tanoong na iyon
“Baka kaya mo lang nasabi na mahal mo
si fugi kasi sya yung laging nandyan sayo, naumaalalay sayo, at aaminin ko
hindi mahirap ang mahulog ang loob sa kanya pero hindi mo rin ba naisip na kaya
na sasabi mo lang mahal mo sya dahil kailangan mo lang na may mapupuno nang
naiwan ng girlfriend mo habang wala sya, ang sama mo naman tol, hindi deserve
ni fugi ang pagmamahal na sinasabi mo na yan” mahabang naibulalas ni anthony,
mahinahon man ang pagsasalita nito pero sobra makaapekto sa akin, parang
nasapol ako sa mga salitang iyon
“Hindi mo alam ang nararamdam ko” ang
nasabi ko na lang at akmang aalis na nang bigla nagsalita na ulit siya
“bakit? Ano ba talagang nararamdaman
mo? Kasi ako alam ko mahal na mahal ko si fugi at kaya kong ibigay ang puso ko
ng buong buo sa kanya, walang kahati, walang pag-aalinlangan” si anthony
At natigilan ako sa mga sinabi nito,
ayaw ko man amin pero pero tama sya at napapikit na lang ako at sa pagpikit
kong iyon miya parang automatic na lumabas ang pigura nina sarah at fugi sa
aking isipan na lalong nagpalito sa aking, na kahit sarili ko nang nararamdam
pinangdududahan ko na rin
Nahila lang ako pabalik sa realidad ng
bigla ulit nagsalita si anthony
Ako: kaya kung sasaktan mo lang si
fugi mabuti pa tapusin mo na ang pagpapaasa sa kanya habang maaga pa, hangga’t
hindi pa ganoong kalalim ang nararamdaman nya, dahil kahit sa man tingnan si
fugi ang talo sa sinasabi mong pagmamahalan ninyo
At tuluiyan na akong napipi, hindi
nakapagsalita, naduwag. Paulit ulit tumatakbo ang... ang mga binitawang salita
ni anthony sa aking utak, na kahit anong tanggi ng isang bahagi ng utak ko na
hindi totoo ang mga sinabi nya, pinapanigan naman ito ng isa pang bahagi ng
utak ko, kaya galit sa sarili ang nagingibabaw sa akin sa mga sandaling iyon
Wala sa sarili ako, hindi ko na
napapansin ang mga tao sa paligid ko at kahit nang makapasok na ako sa room
kung saan gaganapin ang unang subject nami ay naglalakbay ang utak ko sa malayo
Maya maya ay napukaw ang atensyon ko
ng biglang iniluwa ng pintuan si fugi at nagflashback lahat ng kabutihang
ginawa nito sa akin, lahat lahat, pati ang magaganda nitong ngiti nagusto nya
na laging makita, ang maamo nitong mukha at ang busilak nitong pag-ugali na
nagpatibay sa aking desisyon na gawin ang sa tingin ko ay ang makakabuti sa
lahat
Naramdaman ko ang mga tinging iyon
galing kay fugi kahit sobrang labag sa loob ko ito ang tama kaya imbes na
tingin sya pabalik ay umiwas na ako at hindi naglabas ng emosyon para maitago
ang totoo kong nararamdam
Nang makaupo na si fugi sa kanya upuan
at tanging likod na lang nito ang nakikita ko halos panghinaan na ako kasi
kahit ako nasasaktan sa ginawa ko at gagawin ko:(
“Sorry fugi...” nasabi ko na lang sa
sarili ko:[
Nang mapapasin kong igagalaw ni fugi
ang ulo nya, alam kong sa direksyon ko ay agad ko inilalabas ang aking maskara,
alam kong nagtataka na ito sa ikinikilos ko kaya naman nang matapos na ang subject naming iyon ay
alam kong agad ako nitong pupuntahan pero mas naging maagap ako at agad
nakalabas
Magkaganoon man alam ko na sinundan
ako nito, at nangyari na nga ang ayaw kong mangyari...............
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang
lakas ko para masabi ang mga salitang ito sa kanya.....
“itigil na natin ito” panimula ko
Fugi: a...ano? (nauutal nating
naisatinig at mababakas ang pagkabigla sa kanya)
ako: itigil na natin ang kahibangan
ito fugi! (pag-uulit ko na may diin na ang pagkakasabi nito), wala lang pala
ito...... (dagdag ko at ngapakawala ng ngiti, pekeng ngiti para lang maging
epektib ang aking pagsisinungaling), siguro nga malungkot lang ako at
naghahanap ng makakaintindi sa akin, at sa mga oras ikaw lang yung nagtiyaga sa
akin, nakinig at (sabay pakawalang ng mapait na tawa), at kaya siguro nakuha mo
ang loob ko, pero mali pala, wala naman palang espesyal na nararamdaman ito
(sabay turo ko sa dibdib ko), kaya yung nasabi ko sayo kahapon at noong mga
nagdaang araw ay..... (hindi ko natapos dahil sumabat na si fugi)
Fugi: i....ian! (pinilit nitong
magpakatatag), tama na ang joke time oh! (at pinilit itong ngumiti pero nagbabadya
na ang mga luha nito sa paglabas na talaga naman nagbibigay sakit sa akin,
gustong gusto ko syang yakapin pero kailangan ko ding magpakatatag),
pinagtitripan mo na naman ako, sorry....... (sabay yakap nito sa likod kasabay
ang pagpatak na nang mga luha nito na halos ikahina ko, gustong gusto ko ang
yakap niyang iyon at sobrang mamimiss ko iyon, buti at hindi niya nakita ang
mga luhang hindi na rin nagpapigil dahil sa bigat ng sitwasyon naming iyon)
Nilakasan ko na lang ulit ang loob ko
at agad na ikinalas siya sa pagkakayakap sa akin dahil kung magtatagal pa iyon
alam kong hindi ko na kakayanin
Ako: makinig ka fugi (matigas kong
sabi), mali lahat nang nangyari sa atin, mali ito, at mahal na mahal ko si
sarah (tumigil muna ako at huminga ng malalim para kumuha ng panibagong lakas),
......at ikaw............ wala akong nararamdaman sayo! (bigla na akong
tumalikod sa kanya pagkasabi noon dahil kahit ako nasasaktan ng sobra sobra sa
kasinunglingan iyon at naglakad na palayo sa kanya)
Narinig ko ang mga hikbi nito, hikbi
niyang mahina pero parang malakas na hagulgol
sa tenga ko
“Sorry fugi, sorry.....” ang nasabi ko
na lang sa sarili ko at hindi ko na napigilang mapaiyak, tahimik na umiyak
habang naglalakad palayo sa kanya
Fugi: a..aka..akala ko ba ma...mahal
mo a..ako (nasabi nito sa pagitan ng paghikbi nya na nagpatigil sa akin at sa
puntong iyon gustong gusto kong sabihin sa kanya na “mahal na mahal kita” pero
hindi iyon ang sinambit ng aking bibig...................)
Ako: Yun din ang akala ko, pero hindi
pala (pilit itinago sa kanya ang emosyong nagpapatotoo sa tunay kung
nararamdam)
At nang makalabas na ako ay agad akong
napasandal sa pintuan ng cr na iyon sobra akong nasasaktan sa nagawa ko sa
kanya, sobra akong nagagalit sa sarili ko at sa puntong iyon hindi ko na
napigilan ang umiyak at maya maya pa ay may naglahad ng panyo sa akin at nang
iangat ko ang tingin ko sa kanya si.....si anthony pala iyon at hindi ko
napigilan ang aking sariling sisihin sya
Ako: ano masaya ka na ba?? (halos
pasigaw kong nasabi sa kanya sabay tabig sa kamay niyang may hawak ng panyo at
patakbong nilisan ang lugar na iyon......
------> end of flashback
Itutuloy. . . . . . . . . . . .
zildjianstories.blogspot.com
No comments:
Post a Comment