Wednesday, December 26, 2012

Ikaw Ang Aking Pangarap (44)

by: Fugi

Tahimik akong humihikbi habang nakasalampak pa rin sa sahig ng CR na iyon

Paulit ulit ko pa ring naririnig ang mga huling binitawang salita ni ian.....

“Yun din ang akala ko, pero hindi pala”

“Yun din ang akala ko, pero hindi pala”


“Yun din ang akala ko, pero hindi pala”........ na parang patalim na na umaatake hangang sa kaibuturan ng puso ko pati sa bawat himaymay ng katawan ko

“Ganto ba talaga ito kasakit? (Yung parang unti-unti kang nilalagutan ng hininga), ang naitanong ko na lang sa sarili ko sa pagitan ng aking paghikbi

Sa puntong iyon ay ay hindi ko na namalayan na may pumasok na pala sa loob ng CR na iyon kung saan ako nagpapakawala ng aking pagtangis at tahimik na ako nitong inoobserbahan


...... :’(tahimik na paghikbi at sa pagitan noon ay ang parang pagsinoksik na dahilan para gumalaw ang aking katawan:’[.....


At nang parang napagod na ang aking mga mata sa pagpapakawala ng mga mumunting butil ng tubig ay nanatili pa rin ako sa  ganoong posisyon ko, parang naubos na ang lahat ng lakas na meron ako, na kahit ang lumikha ng kilos o gumalaw ay hindi ko magawa, na parang hindi ko na maramdaman ang sarili at buong katawan ko, mas nangibabaw pa rin at naging duminante  sa sistema ako ang sakit, ang sobrang sakit na gawa nito (sabay napakapit ako sa dibdib ko) at sobrang lungkot dahil sa parang nawala na ang nagsisimula palang na na ako, si ian at at at yung love na unti unti na sanang umuusbong:[........ at sa puntong iyon ay ay nakiisa nang muli ang aking emosyon at nagpakawala na ulit ng mga mumunting luha ang aking mga mata na sumisimbolo sa tunay kong nararamdaman:(

Maya maya pa ay naramdaman kong may lumapat na mga palad sa aking magkabilang balikat at namalayan ko na lang na itinatayo nya na ako, at nang maangyari iyon ay ay ay bigla na lang ako nitong ikinulong sa mga bisig niya

Hindi ko natapunan ng tingin kung sino ang taong iyon pero panatag ako sa kanya, naramdaman ko ang pagdamay nya kaya naman hindi na ako nahiyang ipakita ang kahinaan ko

Ipinatong ko ang aking mukha sa kanang balikat niya at nagsimula na namang kumawala ang emosyon na lumukob na sa buong pagkataoko dahil sa mga nangyari sa pagitan namin ni ian
Hindi sya nagsalita bagkus ay naramdaman ko na lang na hinigpitan niya na lang ang pagkakayarap niya sa akin na naging dahilan para mapasubsob na ako sa dibdin nya, hindi ko na rin napigilan ang paglakas ng aking mga hikbi:’(

“Sorry..............!” bulong nito

Agad napukaw nito ang atensyon ko at ng itaas ko na ang akin tingin ay nakita ko ang nag-aalala at ang sobrang lungkot na mababakas sa kanyang mga mata, sa mukha ni, ni anthony

Sa puntong iyon ay ay parang  parang hindi ko maintindihan kung bakit sya nagkakaganoon, parang basta may iba, pero siguro ay ay nakikisimpatsya lang siguro siya sa akin (yun na lang ang naisip ko), at kaya naman niyakap ko na lang din siya at mas lalo naman ako nitong isiniksik sa kanya at marahan na hinimas himas ang aking likod

Gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko dahil sa ginawa nya

“Sorry fugi.........” malungkot na himig na sabi nito, naguguluhan man kung bakit sya nagkakaganoon ay pinagkibit balikat ko na lang at pinilit na kumalas na lang sa yakapang iyon, at nakuha naman ni anthony ang gutto kong mangyari kaya ay niluwagan na rin niya ang pagkakayakap sa akin na naging dahilan para makawala doon

Agad kong tinungo ang sink at naghilamos para sana mapawi o matabunan man lang kahit ang lungkot na mababakas sa aking mukha

Nakailang hilamos ako para matakpan sana, sana ang lungkot at sakit na nararamdaman ko pero ng pagtunghayko ay tumambad sa akin ang repleksyong likha ng salamin sa harap ko.... kitang kita ko sa imaheng iyon ang pighati at kasawian, at sa puntong iyon hindi na akong makatingin sa salaming iyon, sa salaming nagpapakita ng imahe kong nawalan ng sigla at buhay:(

Iniiwas ko na ang paningin ko sa salamin na iyon ata agad nang nilingon si anthony na kanina pang nakamasid sa mga kilos ko

Hindi  alam kong saan galing ang lakas ko para magpanggap na ayos na ako, na ok na ang lahat kahit ang totoo ay unti-unti na akong nauupos sa kaloob looban ko

Ako: anthony, pasensya ka na sa itsura ko kanina na parang batang nakalupasay sa sahig at nag-iiyak nang ganoon, pinalaki kasi akong ganoon.... (sabay pakawala ng mapagkunwaying tawa.. hahaha), dyahe naman oh! (pilit pinasigla ang boses ko), nakita mo tuloy (sabay suntok ng walang kalakas lakas sa kanyang dibdib at pilit ulit tumawa, nakatitig lang ito sa akin), nabasa ko rin pala uniform mo (pagpuna ko sabay kuha ng panyo ko para rin makaiwas sa mga tingin niyang iyon, at ng akmang pupunasan ko na ang uniporme niya ay bigla naman nyang hinablot ang kamat ko at iniakap niya sa likuran nya habang ang isa nyang kamay ay iniakap niya sa batok ko at unti unti niya akong minaneobra papalapit sa kanya)

Sa pagkakataong iyon ay naramdaman ko ang mapagkalinga niyang yakap
Anthony: alam kong sobra kang nasasaktan ngayon at nasasakatan din akong nakikita kang nagkakaganyan (bulong nito), nandito naman ako, nandito ako para sayo (sabay halik nya sa ulo ko
Ako: o..ok ako (at napangiti ako sa sinabi kong iyon, ngiting mapait), .... ayos na naman ako  (pero sa pagkakataong iyon ay pinagkanuno na ulit ako ng emosyon ko, nagpakawala na naman ng mumunting butil ng tubig ang mga mata ko, hindi na nakayanan ata ng aking dadamin ang taliwas na sinasabi ng bibig ko)............. sana, sana sana maging maging maging OK na ako (ang bahadya ko nang nasabi sa pagitan ng mga hikbi ko)
Biglang lumuwag ang yakap ni anthony sa akin at naramdaman ko na lang ang paglapat ng mga kamay nito sa magkabila kong pisngi, itununghay nya ako paharap sa kanya at at dahan dahan nyang pinahidan ng mga daliri nya ang mga luhang patuloy paring kumakawala sa aking mga mata at ........
Anthony: hayaan mo akong pasiyahin ka.....
...........at at nagulat na lang ako sa sunod niyang ikinilos, bigla bigla nyang inilapit ang mukha niya sa akin at ang sumunod na nangyari ay naidikit niya ang mga labi nya sa labi ko
Hindi ako nakagalaw sa mga oras na iyon na naging dahilan para maangkin niya ng tuloyan ang mga labi ko
Naging masuyo ang ginagawa niyang mga halik at may pag-iingat, unti unti na ring nagdidikit ang aming mga katawan
Pero agad naman rumehistro ang pigura ni ian sa aking balintataw, ganoon din ang mga nangyari sa pagitan namin na naging dahilan para magkalakas akong kumawala at bumitaw sa halikang iyon at at magtatakbo palabas ng CR na iyon
Halo halong emosyon ang gumugulo sa akin, lungkot at sobrang sakit dahil sa pagbiliw sa akin ni ian at ngayon nga ay pagkalito, pagkalito sa mga sinabi at ginawa ni anthony ngayon ngayon lang
Hindi ko alam saan ako pupunta pero ang pag-iwas muna sa kanila ang ang naisip kong gawin at ang option na meron ako ngayon:(

Itutuloy. . . . . . . . . . . .


zildjianstories.blogspot.com

No comments:

Post a Comment